You are on page 1of 4

SOUTHERN LUZON ACADEMY INC.

Balagtas St. corner Doña Carmen de Luna St.


Barangay 02 Poblacion Catanauan, Quezon

TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay Isang uri ng Tekstong Pampanitikan na naglalayong magkuwento o magsalaysay ng Isang
pangyayari, karanasan, o kaisipan. Isa itong paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng mga tauhan, tagpuan, banghay, at iba pang
element ng kuwento.

MGA URI NG TEKSTONG NARATIBO


 Alamat – ito ay mga kuwentong bayan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar o pangyayari.
 Epiko – ito ay Isang mahabang naratibo na tumatalakay sa mga dakilang pakikipagsapalaran ng isang bayani na may
kakaibang lakas o katalinuhan.
 Nobela – ang nobela ay isang mahabang naratibong akda na may kumplikadong istraktura ng banghay, yauhan, at mga tema.
 Maikling Kuwento – ito ay Isang maikling naratibong akda na karaniwang nagsasalaysay ng isang pangyayari o karanasan ng
isang tauhan.
 Anekdota – ito ay Isang maikling kuwento na nagsasalaysay ng Isang makabuluhan o nakakatawang pangyayari sa nuhay ng
Isang tao.
 Pabula – ito Isang uri ng tekstong naratibo na karaniwang gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan na may kakayahang
magsalita o kumilos na parang tao.
 Parabula – ito ay isang simpleng kuwento na naglalayong magturo ng isang mahalagang prinsipyo o aral sa buhay.
 Sula – ang dula ay isang uri ng tekstong naratibo na inilalahad sa pamamagitan ng pagganap ng mga tauhan sa entablado.
 Personal na Sanaysay – ito ay isang uri ng tekstong naratibo na nagsasalaysay ng personal na karanasan, opinion, o
pananaw ng may akda.

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO


May Iba’t-ibang Pananaw o Punto de Vista
 Unang Panauhan – Sa perspektibong ito, ang isang karakter ang nagkukwento ng kanyang mga karanasan,
alaala, o narinig, kaya’t gumagamit ito ng “ako” bilang panghalip.
 Ikalawang Panauhan – Ang manunulat ay parang nakikipag-usap sa karakter na kanyang ginagalawan sa
kuwento, kaya’t gumagamit ito ng “ka” o “ikaw” bilang panghalip.
 Ikatlong Panauhan – Sa perspektibong ito, isang tao na walang kaugnayan sa karakter ang nagkukwento ng
pangyayari kaya’t gumagamit ito ng panghalip na “siya” sa pagsasalaysay. Ang Ikatlong panauhan ay may
atlong uri ng pananaw:
1. Maladiyos na Panauhan
2. Limitadong Panauhan
3. Tagapagmasid na Panauhan
 Kombenasyon ng Pananaw o Paningin – sa ganitong pananaw, hindi lang isa ang nagkukwento kaya’t iba’t-
ibang pananaw o perspektiba ang ginagamit sa pagsasalaysay.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin


1
SOUTHERN LUZON ACADEMY INC.
Balagtas St. corner Doña Carmen de Luna St.
Barangay 02 Poblacion Catanauan, Quezon

 Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – Sa ganitong klase ng paglalahad, ang karakter ay direktang


nagsasalita o nagpapahayag ng kaniyang diyalogo, kaisipan, o emosyon. Ginagamitan ito ng panipi.
 Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahayag – Sa uri ng pagpapahayag na ito, ang tagapagsalaysay ang
nagsasabi ng mga sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito kinakailangan pang
gamitan ng panipi.

Mga element ng Tekstong Naratibo


1. Tauhan
Sa bawat tekstong naratibo, makikita ang mga tauhan na naglalarawan ng kwento. Ang bilang ng mga tauhan ay
dapat na umayos sa pangangailangan ng kwento, kaya mahirap itakda ang bilang na ito. May dalawang paraan ng
pagpapakilala ng tauhan, ang expository at ang dramatiko.
Karaniwan sa mga akdang naratibo ay may iba’t-ibang klase ng tauhan, ito ay ang sumusunod:
Pangunahing Tauhan – ang mga pangyayari sa kwento ay umiikot lamang sa pangunahing tauhan o bida mula sa
simula hanggang sa wakas.
Katunggali – ang katunggali o o kontrabida ay isang tauhan na sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan sa
kuwento.
Kasamang Tauhan – ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
Ang May-Akda – ayon sa paniniwala, ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay laging magkasama sa buong
kwento.
Ayon kay E.M. Foster, isang ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring sa isang tekstong naratibo
tulad ng;
 Tauhang Bilog – ang isang tauhan na may multidimensiyonal o maraming saklaw na personalidad ay nagbabago ng
kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan ng kwento, katulad ng isang tao.
 Tauhang Lapad – ang tauhang lapad ay nagtataglay ng iisa o dalawang katangiang madaling matukoy o
predictable.

2. Tagpuan at Panahon
Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon (oras, petsa, taon) ng pinangyarihan ng kwento.

3. Banghay
2
SOUTHERN LUZON ACADEMY INC.
Balagtas St. corner Doña Carmen de Luna St.
Barangay 02 Poblacion Catanauan, Quezon

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa.
Nakalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga pangyayari
sa paksa. Maaari rin itong matawag na Balangkas.
Mayroong tatlong bahagi ang isang banghay:
 Simula – dito nakasaad at makikita ang kilos, paglinang sa tao, at maging hadlang at Suliranin.
 Gitna – tinatalakay dito ang masisidhing pangyayari na kakaharapin ng tauhan na kailangan nitong
pagtagumpayan.
 Wakas – ito ang pinakahuling bahagi ng banghay at nakasaad dito ang magiging resulta ng isang pangyayari.

Hindi lahat ng mga banghay ng tekstong naratibo ay sumusunod sa kombensyonal na simula-gitna-wakas. May mga uri ng
pagsasalaysay na tinatawag na anachrony, na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. May
tatlong uri ng anchrony:
1. Analepsis (flashback) – sa uri ng pagsasalaysayna ito, ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas
na pangyayari, upang bigyang linaw ang kasalukuyang pangyayari sa kwento.
2. Prolepsis (flashforward) – ito naman ay ipinasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa hinaharap, na
may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari sa kwento.
3. Ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod sa pangyayari, na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema
Ang sentral na ideya sa isang tekstong naratibo ay ang pangunahing konsepto o tema kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa kwento o paksa. Mahalagang malinang ng may-akda ang sentral na ideya sa kabuuan ng akda upang
maipakita nangmaayos ang mensaheng nais niyang maiparating.

3
SOUTHERN LUZON ACADEMY INC.
Balagtas St. corner Doña Carmen de Luna St.
Barangay 02 Poblacion Catanauan, Quezon

Pangalan:_________________________________ Marka:__________
Baitang:______________________ Petsa:__________

PAGTATAYA
______________1. Ito ay tumutukoy sa pinakang ideya ng teksto o paksa.
______________2. Ito ang tawag sa pagsasa-ayos ng mga bahagi ng kwento o paksa upang maging malinaw ang
pangyayari sa akda.
______________3. Ito ay isang sa pinakamahalagang bahagi ng kwento na kung saan makikita ang pinagmulan ng
pangyayari sa paksa.
______________4/5. Tumutukoy sa dalawang uri ng tauhan kung saan makikita mo sa kwento ang katangian ng mga
karakter.
______________6. Ang karakter ay direktang nag-sasalita upang ipahayag ang kaniyang nais na maiparating sa kwento.
7-10. Ibigay ang apat na uri ng Punto de Vista
___________________7.
___________________8.
___________________9.
___________________10.

You might also like