You are on page 1of 3

Pamagat: Ang Alamat ni Daragang Magayon ni Damiana Eugenio

I. Pagsusuri sa Pamagat

 Ang pamagat na "Ang Alamat ni Daragang Magayon" ay nagkukuwento


kung paano nabuo ang isang bulkang may perpektong kono at kung bakit patuloy pa
rin ang pag-aalburoto nito sa kasalukuyan. Pinapakita rin dito ang kultura’t kaugalian
ng mga taong naninirahan sa naturang pook at kung paano nagsimula ang pag-
iibigan ng dalawang tauhan.

II. Elemento

a. Tauhan

Datu Makusog - Isang mapagmahal na ama sa kanyang nag-iisang anak


na si Daragang Magayon. Handa niyang ibigay ang lahat sa kanyang anak para sa
ikaliligaya nito. Pinapahalagahan at iginagalang niya ang anumang mga magiging
desisyon ng kanyang anak.

Daragang Magayon - Kaisa-isang anak ni Datu Makusog. Walang


makapapantay sa anyo nitong kagandahan at kabaitan sa kanyang kapwa. Handa
niyang isakripisyo ang kanyang sarili kapalit ng pagsagip sa kanyang mga
minamahal.

Ulap – Magiting ngunit tahimik na mandirigma. Naglakbay mula


sa Katagalugan masilayan lamang ang kagandahan ni Daragang Magayon.
Handa niyang ipaglaban ang kanyan iniibig huwag lamang ito mawala sa kanyang
piling.

Pagtuga – Isang magiting na mandirigma ngunit nababalot siya


ng mapagmataas na Datu ng Iriga. Inaakala niya ang kayamanan lamang niya ang
batayan ng pagmamahal upang makuha niya ang loob ni Daragang
Magayon.

b. Tagpuan

Naganap ang istorya sa payapang rehiyon ng Ibalong sa bayan ng Rawis na


ipinamumunuan ng haring si Datu Makusog.

c. Suliranin

 Nag-iisang anak si Daragang Magayon ni Datu Makusog, kaya naman


nababanaag sa kanyang puso't kalooban ang kagandahang asal nito
kahalintulad ng kanyang ama. Sa kabila nito, maraming binata ang nag-
aaligid-ligid sa dalaga at sinusubukang makuha ang loob nito pero hindi parin
ito sapat upang ibigay ng dalaga ang matamis niyang pagmamahal.
Mayroon pa ding mga bagay na hinding hindi nito mahanap sa mga
dumaraan sa kanya. Katulad na lamang ng ipinamalas ni Pagtuga,
handa niyang ilaan ang lahat ng kanyang kayamanan makuha lamang
ang dalaga. Ngunit hindi ito na pagtagumpayan nino man.

d. Saglit na Kasiglahan

Paglipas ng maraming taon, dumating naman sa bayan ng Rawis si Ulan.


Nagmula pa si Ulan sa malayong lugar, ngunit hindi ito nagging hadlang sa kanya
upang masilayan ang kagandahan ng dalaga. Nakipagkaibigan siya, kumilala ng
husto at hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Hindi nagtagal ay naging
epektibo ang kanyang pagsisikap, nakuha niya ang matamis nitong oo at
nagpasiyang mag-isang didib ang magkasintahan.

Nang malaman ni Pagtuga na ikakasal na ang dalawang magkasintahan ay


nagalit ito. Hindi nagdalawang-isip si Pagtuga na puntahan ang dalaga upang pilitin
na magpakasal. Binalaan ni Pagtuga na kapag hindi ito magpapakasal sa kanya ay
siyang ikakapahamak ng kanyang ama at ni Ulan. Kaya naman napilitang sumang-
ayon at magpakasal si Daragang Magayon kay Pagtuga.

e. Tunggalian

Tao laban sa Tao: Paglalaban ng dalawang tauhang si Ulan at Pagtuga sa puso


ng babaeng si Magayon

f. Kasukdulan

Nang ikakasal na si Daragang Magayon kay Pagtuga, hindi nila


inaasahan ang pagdating ni Ulap. Ipinaglaban nito ang kanyang pagmamahal
para sa dalaga at handa siyang ibuwis ang kanyang buhay. Ngunit nanatili
pa din ang kasamaan kay Pagtuga, napaslang niya ang dalawang
magkasintahan at ang kanyang sarili. Ito ay ikinalungkot ng marami sapagkat
ang kanilang pinakamamahal na prinsesa ay nawala dahil sa kasakiman ni
pagtuga.

g. Kakalasan

Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting tumaas ang lupang


pinaglibingan kina Ulap at Magayon. Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal,
sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga
bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag nangyayari ito, ginagalit ni
Pagtuga ang bulkan upang maibalik sakaniya ang mga kayamanang
iniregalo niya kay Magayon, mga regalong inilibing kasama ng dalaga.
May mga araw kung kalian natatakpan ng mga ulap ang tuktok ng
bulkan. Sinasabi ng mgamatatanda na kapag nangyayari ito, hinahalikan ni
Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nito ay marahang dumampi ang ulan sa
magiliw nalibis ng bulkan, naniniwala ang mga matatandang lumuluha si Ulap.

h. Katapusan
Pagkatapos ng mahabang panahon ay umigsi na ang pangalan ni
Magayon at naging Mayong o Mayon. Ngunit hanggang sa kasalukuyan,
kahit na maaliwalas ang panahon, isang anino ng masalimuot na kuwento ng
isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong sa magandang
bayan ni Daragang Magayon

III. Punto de Bista ng Akda

a. Bisang Pangkaisipan- Dapat nating pakahalagahan ang yaman na pinagkaloob


sa atin. Hindi nararapat na gawin itong batayan upang bulagin ang sarili sa
kasakimahan.

b. Bisang Pandamdamin- Naging isang malaking trahedya para sa dalawang


magkasintahan ang nangyari sa kanilang buhay.

c. Bisang Pangkaasalan – Huwag nating pilitin ang mga bagay na hinding


hindi mangyayari. May mga tao na nakalaan para sa atin, hindi isang solusyon ang
kasamaan sa lahat ng pagkakataon.

IV. Tema

Ang Alamat ni Daragang Magayon ay isang trahedya, sapagkat


nagpapakita ito ng pagsasakripisyo niya ng kanyang buhay para lamang
masagip ang kanyang mga minamahal.

V. Paksa

Ang paksang ginamit sa akda ay ang pinagmulan ng Bulkang Mayon. Ang


matinding kasakiman at kasamaan ay kahit kailan ay hindi magiging solusyon
upang makuha ang kaligayahan.

VI. Angkop na Teoryang Pampanitikan

Romantismo - Nangingibabaw ang teoryang ito dahil mababanaag dito ang walang
katapusang pag-iibigan ng dalawang magkasintahan at hindi nakikitaan ng pagsuko
anumang pagsubok ang dumating sa kanilang pagmamahalan.

Pagsusuri ni:

KIMBERLY A. CAŇONIO, LPT

You might also like