You are on page 1of 5

Butuan City Senior High School Stand–Alone

Mini-Research
Pagbasa at Pananaliksik ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

EPEKTO NG PAGIGING HULI SA KLASE NG MAG-AARAL SA AKADEMIKONG


PAGGANAP SA BUTUAN CITY SENIOR HIGH SCHOOL STAND-ALONE.

Ipinasa ni:
Kylah A. Gulayan

Ipinasa kay:
Ginoong Mark Lee Abelgas
KABANATA I.

PANIMULA
Sa Pilipinas naging bahagi na ng Kulturang Pilipino ang pagiging late.

Maraming mga Pilipino ang tila nasasanay na o tinatanggap nalang ito, kaya't nabuo

ang katagang "Filipino Time" (Tan, 2015), ang pagiging late ay isa sa mga problema

ng mga estudyante.

Ang late ay ang pagpasok ng sobra o huli sa oras sa ibang salita ito ay ang

pagpasok ng hindi tama sa oras. Ang pagiging late ng isang tao ay nagiging

problema sa kanya marahil ito ay kanyang sinasadya o talagang may bumabalakid

lamang sa kanya para maging huli sa oras.Nagkakaroon ng sanhi o kung bakit

nagiging late ang mga tao isa na dito ang transportasyon, dahil sa kakulangan nito

hindi mapapabilis ang pagpasok ng isang papunta sakanyang kinaroroonan.

Kung may sanhi ang pagiging late mayroon ding epekto ang pagiging late,

una na dito ang pagbaba ng grado, sa paaralan kung ang estudyante ay palaging

late magkakaroon sya ng kakulangan ng kaalaman doon sa hindi niya napasukang

sabdyek. Kung ang mag-aaral ay palaging nahuhuli sa klase ang kanyang rekord sa

klase ay maaaring maapektuhan.

Ayon naman kay Adrian Scott (2016), parte na ng mag-aaral ang matutong

maging responsable sa pag aaral at sumunod sa itinakdang oras at alituntunin

dagdag pa niya, ang "attendance" ang isa sa mga paraan para magampanan ng

mga mag-aaral ang kanilang obligasyon at dapat laging paaalahanan ng mga

magulang ang kanilang mga anak na pumasok ng maaga.


Layunin ng pag-aaral na matukoy ang epekto ng pagiging huli sa klase.

Partikular, sinusubukan nitong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1.) Bakit ba nahuhuli sa klase ang ibang estudyante?

2.) Ano ang maaaring epekto nito sa kanilang pag-aaral?

3.) Paano ito maiiwasan?


KABANATA II.

KATAWAN

Ipinatupad ang programang ito sa pampublikong paaralan sa Butuan City

Senior High School- Stand Alone upang malaman ang mga epekto at dahilan kung

bakit nahuhuli sa klase ang mga mag-aaral at kung paano ito masusulosyunan.

Ayon naman kay Eberly Center ng Carnegie Mellon University, ang mga mag-

aaral na nahuhuli sa klase ay nakakaabala sa diskasyon ng guro at pakikinig ng mga

kapwa kaklase. Ngunit may mga dahilan kung bakit nahuhuli sila sa klase at ang nga

dahilan na iyon ang gumagabay sa guro upang mabigyan ng kaagarang tugon. Pero

sa pag-unawa ng mga dahilan ay hindi nangangahulugang na hinahayaan ang

ganitong pag uugali.

Sa pag aaral na ito, mahihinuha natin ang mga dahilan ng pagiging late ng

mga mag aaral sa BCSHS-SA at kung ano ang magiging epekto nito sa kanila.

Makikita nila dito kung gaano ka importante ang pagiging maaga sa pag pasok hindi

lang sa paaralan kundi sa iba pang aspeto ng ating buhay na kailangan maging

maaga sa pagpasok sa tamang oras. Makikita din nila sa pamanahong papel na ito

ang mga impormasyon tungkol sapagiging late, kung anong magiging epekto, kung

ano ang paraan kung paano ito maiiwasan.


KABANATA III.

BOUD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pagiging huli ay isang suliraning nakaugalian na ng mga studyante, ang

pagiging huli ay hindi lamang itinuturing na pagpapakita ng masamang asal. Ganito

ang naging konklusyon ng isang pag-aaral sa studyante sa paaralan, ang oras na

hindi nagamit dahil sa pagiging huli at sa pagliban nang walang pahintulot ay mga

pangunahing dahilan ng pagkawala at pagkakaroon ng epekto sa kani-kanilang

marka. Mangyari pa, hindi lamang sa mga estudyante nagdudulot ng mga suliranin

ang pagiging huli. Isiniwalat ng isang surbey sa mga punong-guro ng mga paaralang

sekondarya na “ang pagiging huli ng mga estudyante ang pangunahin at

pinakamadalas maulit na suliranin sa pagdidisiplina.”

Sa pangkalahatan, ang pagiging huli sa paaralan ay may ilang mga kawalan.

Ito ay nakakagambala, nagpapakita ng masamang halimbawa, at maaaring maging

mahirap ang mahuli sa klase. Maaari rin nitong ilagay sa dehado ang estudyanteng

nahuhuli sa klase. Hindi lamang iyon, ngunit kung magpapatuloy ito, maaari itong

humantong sa parami ang mga estudyanteng nahuhuli. Samakatuwid ang isang

mag-aaral na huli sa klase ay dapat subukang iwasan ito kung maaari.

Ang mga mag-aaral na regular na nahuhuli ay dapat subukan ang kanilang

makakaya na makarating sa tamang oras upang hindi sila makaligtaan sa

mahahalagang tagubilin o anunsyo. Ang paggawa nito ay makakatulong sa kanila na

manatiling abala sa kanilang trabaho at makakuha ng mas mahusay na mga marka

sa pangkalahatan.

You might also like