You are on page 1of 1

SEMANTIKA

 Tumutukoy sa pampilosopiya at pang agham o siyentipikong pagpapakahulugan.


 Ito ay mula sa pandiwang griyegong “ semaino na ang ibig sabihin ay mangahulugan
o sa pangalang semantikos “makahulugan”. Sa katagalan ginamit , ginamit ito sa
pagpapakahulugang linggwistika.
Ayon sa mga Linggwistika:
Ayon kay Gonzales (1992) ang semantika ay proseso ng pag-iisip, kogmisyon at
konseptwalisasyon. Idinagnag pa niya ang semantika ay itinuturing na sentrong
daluyan ng ibat ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral tulad ng linggwistika,
pilosopiya at sikolohiya.
Ayon naman kay Marquez (2010) nakapukos ang semantika sa pagbibigay
kahulugan sa mga salita, parirala, o pangungusap.
Dalawang Paraan sa Pagbibigay Kahulugan sa Salita
1. Denotasyon:
Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong
kahulugan ng mga termino. Tumutukoy rin ito sa literal na nagpapakahulugan sa
mga salita.Ang mga kahulugan ay mula nagmula sa mga diksyunaryo at maging
sa mga aklat.
Ayon kay Porter G. Perrin , isang dalubwika , sapagkat may paniniyak at
walang pasubali, kinikilala, tinatanggap o sinasang-ayunan ng mga tao .
Tumutukoy rin ito sa mga tiyak na kahulugan o katangian ng bagay na tinitukoy
at konkretong nakikita.
Halimbawa:
A. Ang paruparo ay dumapo sa rosas.
B. Ayaw ko ng isdang bangus dahil sa matinik ito.
C. Kumikislap ang bituin sa kalangitan.
2. Konotasyon
Ito ay tumutukoy sa karagdagang kahulugang taglay ng isang salita batay
sa intensyon o motibo ng taoang gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang
ibinibigay sa mga salita, parirala, o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad.
Halimbawa:
A. Si Carla ay pinapaligiran ng paruparo mula sa iba’t ibang kanayunan.
B. Mahusay si Jonalyn sa mathematika, matinik talaga siya.
C. Tunay ngang si Daniel ay isang sikat na bituin.

You might also like