You are on page 1of 1

JOURNAL SA ESP 10

Ang paggalang sa buhay ay isang mahalagang aspeto ng pagiging maayos at


makabuluhan na indibidwal. Narito ang ilang mga paraan upang maipakita ang
paggalang sa buhay. Igalang ang iyong sarili dahil dito nagsisimula ang
paggalang sa buhay. Pahalagahan ang sarili sa katawan, isip at kaluluwa.
Sunod ay igalang ang ibang tao. Magpakita ng kabaitan sa ibang tao at
kagalangan. Kasama na roon ang kanilang mga opinyon at mga paniniwala.
Sunod ay ang pag galang sa kalikasan, maipapakita natin ito sa pamamaraan ng
pagiging responsable sa paggamit ng mga likas na yaman at pagtangkilik sa
kaligtasan at kalinisan ng kapaligiran. Tayo din ay makipag tulungan sa iba at
makiisa sa mga organisasyon na naglalayong makatulong at magbigay kaginhawaan
sa ibang mga tao. At huli ay igalang ang buhay sa lahat ng anyo, mapa tao,
kalikasan o hayop man ito. Ang paggalang sa buhay ay isang pagpapakita ng
pagpapahalaga at pag-unawa sa halaga ng bawat tao, mga nilalang, at ang
kalikasan. Sa pamamagitan ng pagkilala at pagsasapuso sa halaga ng buhay,
nagkakaroon tayo ng mas malalim na pag-unawa.

You might also like