You are on page 1of 2

Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik

Ayon sa papel ni Dr. Galileo S. Zafra na may pamagat na Ang pagtuturo ng Wika at Kulturang
Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12), sinabi niya na sa pagtuturo ng wika, idinidiin ang
oryentasyong linggwistiko. Saklaw ng pag-aaral nito ang Palabaybayan, Mga Makrong Kasanayan
(Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita, Pakikinig) ponemiko at balarila gayundin bahagi rin ng/sa p ag-aaral ang
panitikan at komposisyon.

`Upang umayon sa pangangailangan ng mag-aaral at lipunan gayundin ay matugunan ang mga


pangunahing kasanayan na kinakailang bilang bahagi ng batayang edukasyon, pinangunahan ng
Kagawaran ng Edukasyon ang pareresitraktura at/o muling pagbalangkas ng kurikulum sa batayang
edukasyon sa sumusunod na dahilan: (1) higit na magiging malikhain mahahamon ang mga mag-aaral na
makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap
sa buhay; (3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto; (4) Magkakaroon ng
resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, s amga gagamiting
kagamitang panturo at hanguang multimidya; (5) kasangkapan ang wikang Filipino sa
pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang
itinuturo sa Filipino.

Salalayan din sa mungkahing ito upang higit na matugunan ang kinakailangang mga kasanayan
ay nagsagawa rin ang kagawaran ng pagtataya sa mg anagdaang kurikulum ng Filipino. At sa ginawang
pagrerebyu lumabas ang sumusunod na obserbasyon: (1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal
na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisa
ang naisasagawa; (2) hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo; (3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang
komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang estratehiko, at kaalamanag
sosyo-linngwistik); (5) hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang disiplina; (6) hindi halos
napagtutuunan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang
panturo; at (7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT.

Ang pag-aaral at obserbasyong ito ng tanggapan ay nagpapatingkad sa pangangailangan sa


pagpapaunlad ng kurikulum, Pagtalakay at Dulog sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kaya naman
upang muli itong mapalakas at tuwirang makatugon sa pinaunlad ito. Ang kurikulum ay naglalaman ng
sumsunod: (a) may integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan
sa pag-aaral; (2) pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mg
apagpapahalaga o values at mga komptensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak na
Makabayan; (3) nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akadmeikong wika at mga kasanayan sa
batayang komunikasyong interpersonal at sosyal; (4) nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito – teksto, grap, ilustrasyon at
iba pa; (5) may interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimidya; (6) humahamon sa mga mag-aaral
upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika; (7) binibigyang-diin ang aktibasyon at
integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kolaboratibong
pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sap ag-aaral; at (8) hinihikayat ang mga mag-
aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa sa klase.

Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC)

Iminungkahi na noo’y Direktor ng Kawanihan ng Edukasyong Pang-elementarya Dr. Minda C.


Saturia ang pagbabago ng kurikulum sa Paaralang Elementarya sa pag-aakalang tutugon ito sa suliranin
ng paaralan. Ito ay ang sampung taon programa para sa Komprehensibong Edukasyong Pang-
elementarya o kinilala sa tawag na Program for a Comprehensive Elementary Education o PROCEED.

Ang PROCEED bilang programang pang-edukasyon ay naglalaman ng siyam (9) na pangunahing


component. Ito ay ang sumusunod: (1) Misyon at Pagpapahalaga (Mission and Values); (2) Paglinang ng
Kurikulum ( Curriculum Development); (3) Pagpapaunlad at Kagalingang Pangguro (Teacher
Development and Welfare); (4) Pagpapabuti ng mga Kagamitan (Facilities Development); (5)
Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo (Instructional Materials Development); (6) Pamamahala
(Management); (7) Pananalapi (Financing); (8) Edukasyong Pangkalusugan (School Based Health
Education); at (9) Edukasyon Bago Mag-elementarya (Pre-Elementary Education).

Sa ilalim ng nabanggit na programang pang-edukasyon, naghain ng isang bagong kurikulum para


sa Paaralang Elementarya na tinawag naman na New Elementary School Curriculum (NESC). Ang
mungkahing kurikulum na nabanggit ay naglayong gampanan ng paaralan ang ilang tinukoy na misyon
nito gaya ng sumusunod: matulungan ang bawat mamamayan sa pagtatamo ng mga batayang
kahandaan sa ikapagiging mulat, may disiplina, Makabayan, may pananalig s aDiyos, malikhain, versatile,
at kapaki-pakinabang na mamamayan ng isang pamayanang Pambansa. Binigyang- tuon ang paglinang
sa kaisipang Makabayan (sense of nationhood) sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga batayang
kasanayan sa Sining ng Komunikasyon (Ingles at Filipino), Matematika at Araling Panlipunan (Sibika) at
Kalingan (Civic and Culture) na kinilala noon sa tawag na batayang edukasyong Elementarya.

Ang bunga ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang pokus nito ay 4Hs sa Ingles. Ito
ay ang Head (ulo) o nakatuon sa intelektwal; Heart (puso) o pagpapahalaga (values); Hands (kamay) o
batayang kasanayan sa paggawa; at Health (kalusugan) o kagalingang pisikal at mental. Sa gayon, ang
binibigyang diin sa NESC ay ang pagkatuto ng makatutulong sa paglinang ng apat na H (head, Heart,
Hands and Health).

Ang kurikulum ay binuo rin ng tatlong (3) Sab-Siklo: Sab-Siklong Batayan (Baitang I at II); Sab-
siklo s apagsasanay at pagpapsidhi (Baitang III at IV); at Sab-siklo sa pagsasanay, pagpapasidhi at
pagsasagawa (Baitang V at VI). Nilayon ng mga sab-siklong ito na sa unang kapantayan ng edukasyon na
matamong lubusan ang 100% ng mag-aaral ang minimum na mahalagang kasanayan sa ilalim ng NESC.

Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum

Upang matugunan ang pangangailangan na maipagpatuloy ang pagkalinang ng mga mag-aaral


na pinasimulan ng nagkaroon ng implementasyon ng Program for a Comprehensive Elementary
Education o PROCEED sinundan ito ng pagbuo ng programang pansekondarya na tinawag naming
Secondary Education Development Program (SEPD). Pinasimulan ito ng dating kalihim na si Dr. Lourdes
Quisumbing. Ang mga asignaturang pinag-aralan sa SEDP ay may apat na pung (40) minutong inilaan
maliban nalang sa Science and Technology at Home Economics na may isang oras. Nilayon ng
programang ito na mapabuti ang uri ng edukasyong pansekondarya sa bansa, mapalawak ang access ng
mga mamamayan sa may uring edukasyong pansekondarya at maitaguyod ang pagkapantay-pantay sa
mga alokasyon ng mga mapagkukunan (resources) lalo na sa mga kapantayang lokal.

Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng
Filipino sa tulong ng mga tinuturing pambalarila upang matamo ang kasanayang makro. Sa loob ng SEDP
Kurikulum tinuon nito ang paglinang sa sumusunod na kasanayan sa wika at/o panitikan: (1) Pakikinig-
dito naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa kung siya ay nakapokus sa pakikinig; (2) Pagsasalita-
naibabahagi ang kaalaman tungkol sa isang bagay; (3) Pagbasa- nauunawaan ang nilalaman ng teksto
kapag naiibahagi niya ang knyang sarilingopinion tungkol sa isang paksa; (4) Pagsulat- maipahayag ang
sariling ideya, kaisipan at damdamin; (5) Paggawa ng mga tala- magaling gumawa ng mga tala o noted
details; at (6) Kasanayang Pansanggunian- mahilig magbasa ng mga aklat, dyaryo at magazines na
maaaring kapulutan ng aral.

Matapos ito ay muling nagkaroon ng rebisyon ang kurikulum noong 1973 sa ilalim ng Revised
Secondary Education Kurikulum o RSAC at muli itong nagkaroon ng pagbabago noong 1989 sa ilalim ng
New Secondary Education Curriculum (NSEC).

You might also like