You are on page 1of 31

El Filibusterismo

Dr. Jose Rizal


Kabanata 21:

Mga ayos-
maynila
Sa kabanatang ito
makikita ang hitsura
ng maynila kapag
mayroong mga
dumarayong
dayuhang palabas.
Kabanata 21:
Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat
mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang
GinoongJouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na
pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at
kalahatipa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya’t pati si
Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa “entrada
general”ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais
pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti,
may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana
at may makapal na tao na parang kalamay na
hinahalukaykung saan maririnig ang mga tawanan,
bulungan at batian.
Sa kabanatang ito
makikilala natin ang
dalawang bagong
tauhan
Kabanata 21:
Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing
tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay
mataas na lalaking payat, marahang lumakad na
parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas,
abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at
kulot sa dulo na wari’y buhok ng isang makata.
Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at
pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din
siyang sombrerong “hongo de arte”. Siya raw ay
anak ng isang tanyagna angkang Kastila ngunit
nabubuhay na tila isang pulubi.
Kabanata 21:
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang
matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang
kabaligtaranni Camarococido. Mayroon siyang
takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt
lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang
kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos
ng yaong malalaki ng marinero, maybalbas at
patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat.
Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga
kartel,paglalathala at pagbabalita ng mga
palabas.
Kabanata 21:
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at
ang mga hindi pari, sa pamumuno niDon Custodio, ay tutol sa pagtatanghal
ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mganaggagandahang
babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad
ng mga opisyal nghukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga
kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na saParis, mga lalaking
wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang
Pranses.Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang
Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb nanangangatal sapagkat natatakot
na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang
Pranses.Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-
aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isangpulutong na tila may kausap na
naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang
pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang
mga salitang “ang hudyat ay isang putok”ngunit siya ay nagkibit-balikat
lamang.
Kabanata 21:
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung
saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa
kanyang bagongkasama. Ipnangangalandakan
niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong
sikat na nasa dulaan ng gabingyaon. Hindi siya
makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket.
Sa bandang huli, dumating sina
Macaraig,Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio
ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito
nakasama, dahilan upang angtiket nito ay
mapunta kay Tadeo.
Mga tauhan sa kabanata 21
Camarroncocido Paulita Gomez
Tiyo Kiko Padre Irene
Kapitan Heneral Don Custodio
Simoun Makaraig
Quiroga Pecson
Tadeo Sandoval
Donya Victorina Isagani
Kabanata 22:

Ang palabas
Kabanata 22:
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao.
Halos iilan na lamang ang mga bakanteng
upuan ngunit hindimakapagsimula ang palabas
sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral.
Sinasabing ang Kapitan Heneral daw
aymanonood ng palabas na maaaring bunga ng
dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng
simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na
makakita.
Kabanata 22:
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at
ayaw ng umalis kahit dumating na angmay-ari. Ang pagmamatigas ni Don
Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga
taongnaiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real
sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.Nasa loob din ng dulaan si
Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay
Don Custodioupang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don
Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahilang huli ay kalaban
ng una sa “ayuntamiento”. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay
Pepay dahil tilamay nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay
kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko.Siya ay isa sa
mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si
Pecson ay naniniwalangwala silang mahihita sa lakad nila.
Kabanata 22:
Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa
mgapagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni
Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukawlamang sa sarili si
Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na
ang palabas.Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni
Gertrude, na isang napakagandang babae nasumusulyap sa Kapitan
Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na
taglay ang matapangnanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama
nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.Sa palabas ay
kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga
kalalakihang tulad nina DonCustodio, Tadeo, Macaraig at Pecson
ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay
nilang“cancan”.
Sa kabanatang ito,
nagsimula ang
pagkakagusto ni
Doña Victorina kay
Juanito sapagkat ito
raw ay lalaking-lalaki
at maginoo.
Mga tauhan sa kabanata 22

Kapitan Heneral Pelaez


Don Primitivo Gertude
Pepay Serpolette
Don Custodio Padre Irene
Don Manuel Padre Salvi
Makaraig Ben Zayb
Isagani Pecson
Paulita
Kabanata 23:

Isang
bangkay
Kabanata 23:
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal.
Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan
Tiyago na noo’ylubos nang nahuhumaling sa
opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio
kung bibigyan niya ba o hindi si KapitanTiyago
sapagkat sinasaktan siya nito kapag
kakaunti ang ibinigay niya ngunit
makasasama naman kung patuloy niyang
bibigyan.
Kabanata 23:
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina
ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay
hindiman lamang niya binubuklat. Maya-maya ay
dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay
KapitanTiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang
nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-
rebolusyonaryo nahindi naman binabasa ni Basilio. Dito
ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa
kagubatan, angpaghihikayat ni Simoun na sumali si
Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa
pagtanggi si Basilio.
Kabanata 23:
Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay
tutulong, siya raw ang aatasang kumuha
kay Maria Clara sakumbento. Ngunit
sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni
Maria Clara kaninang umaga. Sa
pagkakabanggitna ito ay nagitla si
Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni
Basilio si Simoun bilang isang
binatang mayamn, bihasa,
Malaya, nakapagpapasyasa
sariling kabuhayn at may
magandang kinabukasan. Sa
kabilang banda, si Maria Clara
naman daw aybabaeng sing-
ganda ng isang pangarap,
malinis, lipos ng pananalig at
walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.
Mga tauhan sa kabanata 23

Simoun Maria Clara


Basilio
Makaraig
Camarroncicodo
Kapitan Tiago
Padre Irene
Padre Salvi
Kabanata 24:

Mga
Pangarap
Kabanata 24:
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at
Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere,
ito aykabanata rin ng dalawang magkatipan, sina
Isagani at Paulita Gomez.Buhat ng
magkatampuhan sa naganap na palabas
(sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si
Paulita aynagselos sa panonood ni Isagani sa mga
artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan
na magtatagpo upang
mag-usap.
Kabanata 24:
Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t
isa.Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng
mga estudyante na maitatatag ang Akademya ngWikang
Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na
makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez.Sa una, dahil sa
kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga
balak, nakipagkasundo siya kayPaulita na hindi na ito
makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa
mga pangarap ni Paulita.Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni
Doña Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang
una na sipaulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo
niya si Juanito.
Mga tauhan sa kabanata 24
Isagani
Pautila
Juanito
Donya Victorina
Don Tiburcio
Simoun
Kabanata 25:

Tawanan at
iyakan
Kabanata 25:
Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria
Macanista de Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan
sila atnagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin
ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni
DonCustodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang
pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo
aymarami raw lihim na nalalaman..May mga handang
pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang
taong kilala. Ang “pansit lanlang” ayinialay nila kay Don
Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay
maraming sahog.
Kabanata 25:
Ang ikalaw ayang “lumpiang intsik” na inialay nila kay Padre
Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ayhindi
raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang “tortang
alimango” na inialay naman nila sa ngaprayle dahil daw sa
kanilang “pagka-alimango”. Ang huli ay ang “pansit gisado” na
inialay nila sa pamahalaanat bayan ng Pilipinas. Nararapat
lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw
kilala sa Tsinani sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi
na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul.Ang
ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si
Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan aynagkagulo kaya’t
inatasan ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. .
Kabanata 25:
Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati niTadeo
sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng
kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si
Tadeo.Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa
mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama
natin mulapagkabuhay hanggang pagkamatay
sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at
pinanghahawakan nila.Sa huli, ay nagkagulo silang
muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila
at sinabing ito raw ay angtauhan ng Vice-Rector.
Mga tauhan sa

kabanata 25
Sandoval Padre Sibyla
Isagani Simounon
Pelaez Pecson
Basilio
Don Custodio
Padre Irene
Mga prayle
Tadeo

You might also like