You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON 2nd Quarter (reviewer)

PANAHON NG PANANAKOP

Espanyol
- Nagkapangkat-pangkat ang mga Pilipino dahil sa pagkakaroon ng maraming wika. Lalong
nahati ang mga Pilipino sa pagsakop ng mga Espanyol
- Walang isang wikang Pilipino ang pinairal noon, sa halip ang itinuro ay ang wikang Espanyol.
- Ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng wikang katutubo.

Amerikano
- Sapilitang ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular.
- Makalipas ang 25 taon na paggamit ng wikang Ingles, hindi ito nakatulong sa pag-aaral ng
mga Pilipino.
- Nagsumikap si Manuel L. Quezon na magkaroon ng wikang pambansa.
- Itinakda noong Disyembre 30, 1937 ang wikang Tagalog bilang wikang pambansa.

Hapon
- Sapilitang itinuro ang Nihongo at inalis ang Ingles.
- Naging masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika.
- Sumigla ang panitikang Pilipino.

Pansarili
- Nagtagumpay ang pagtuturo ng wikang pambansa (Pilipino).
- Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles
- Nagkaroon na ng aklat para sa mga Pilipino

Kasalukuyan
- Nagpatupad ng patakarang Billinguwal ang Kagawaran ng Edukasyon.
- Higit na lumaganap ang paggamit at pag-aaral ng wika.
- Lalong ipinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa.

Rebolusyon
- Ang kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang isinulat
nila.
- Pormal na nagkaroon ng pagbanggit sa wikang pambansa.
- Dito ipinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng pamahalaan.

SANAYSAY
- Nagmula sa dalawang salita na “sanay” at “pagsasalaysay”
- Isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may
katha.

Uri ng Sanaysay
1. Pormal
- Tumatalakay ito sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng
sumulat.
- Ang tono nito ay seryoso at walang halong biro.
- Isang uri ng pormal na sanaysay ang editorial sa mga pahayagan
Galendez, Angel Kate J.
11 – STEM 2
2. Di-Pormal
- Tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-lugod o
mapang-aliw sa mga mambabasa.
- Tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda

Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula – pinakamahalang bahagi. Dapat nang mapukaw ng sulatin ang interes ng
mambabasa upang mapagpatuloy nitong basahin ang akda hanggang sa huli.

2. Gitna – ang bahaging ito ang tumatalakay ng mga mahahalagang punto, ideya, at mga
kaisipan na may kaugnayan sa paksa.

3. Wakas – ito ang magsasara ng komposisyon. Dito makikita ang buod o konklusyon ng isang
usapin na maaaring maisulat sa pamamagitan ng tuwirang pagsabi.

Elemento ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil
sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.

2. Anyo at Istruktura – isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng


mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya.

3. Kaisipan – mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema

4. Wika at Istilo – nakakaapekto rin sa mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple,


natural at matapat na mga pahayag.

5. Larawan ng Buhay – nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na


paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.

6. Damdamin – naipapahayag ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa


paraang may kalawakan at kaganapan.

7. Himig – naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot,


mapanudyo, at iba pa.

SANHI – Isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga


e.g – May anyong kapuluan ang Pilipinas

BUNGA – kinahahantungan o resulta ng isang ideya o pangyayari


e.g – Nagkakaroon ng napakaraming wika at wikain sa bansa

MODAL – tawag ng wikang ginagamit sa Filipino


e.g – dapat, baka, kailangan

Galendez, Angel Kate J.


11 – STEM 2
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

 Pang-Instrumental – tumutugon sa pangangailangan. Nagpapahayag ng pakikiusap,


pagtatanong, at pag-uutos.
Hal. Pakikitungo, pangangalakal, pag-uutos

 Pang-Interaksiyonal – nakapagpapatatag ng relasyong sosyal


Hal. Pangangamusta, pag-anyaya atbp.

 Panregulatori – kumokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba


Hal. Pagbibigay panuto/direksyon, paalala

 Pampersonal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion


Hal. Pormal o di-pormal na talakayan

 Pangheuristiko – naghahanap ng mga impormasyon o datos


Hal. Pagtatanong, pananaliksik, sarbey

 Panrepresentatibo – nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o


sagisag
Hal. Mga anunsiyo, paalala

 Pang-imahinasyon – nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang
kaniyang damdamin.
Hal. Pagbigkas ng tula

 CONATIVE – ginagamit kung nagbibigay utos


Hal. Pakikuha naman ng mask ko sa loob ng kwarto.

 INFORMATIVE – ginagamit kung nagbibigay ng impormasyon


Hal. Makasaysayang lugar ang Luneta Park para sa lahat ng mga Pilipino.

 LABELLING – ginagamit kung nagbibigay ng panawag/turing


Hal. Si Fernando Poe Jr. ay kilala rin bilang “The King”

 PHATIC – social talk o small talk. Ginagamit bilang panimula sa isang usapan
Hal. Magandang umaga po Manong Joe.

 EMOTIVE – sinasabi natin ang ating nararamdaman


Hal. Nakakatakot ang bagong episode ng “Gabi ng Lagim” ng KMJS.

 EXPRESSIVE – nababanggit natin ang mga saloobin o kabatiran


Hal. Paborito kong artista si Coco Martin.

Galendez, Angel Kate J.


11 – STEM 2

You might also like