You are on page 1of 5

ARALIN 5

BAHAGINAN
Layunin: Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa.
Natutukoy ang iba ’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula.

Cohesive device o Kohesyong Gramatikal-


Sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita, maaaring binubuo ito ng pangungusap, parirala o sugnay
na may magkakaugnay na kaisipan.
 Represensiya-tumutukoy sa mga panandang salita na gumagamit ng panghalip upang hindi
paulit-ulit ang pangngalan.
 Tinatawag na pagpapatungkol
 Anapora-tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
 Katapora-- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
 Ellipsis-tumutukoy ito sa pagtitipid sa pagpapahayag.
 Ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag uulit sa isang pahayag.
 Pang-ugnay-pangatnig ay ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


(M.A.K. HALLIDAY)
1. Interaksyonal-tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong
sosyal sa kapwa tao.
2. Instrumental-wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipag-usap o pag-
uutos.
3. Regulatori-wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
4. Personal-wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
5. Imahinatibo-wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon
6. Heuristik-wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon
7. Representatibo-pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa isang simbolismo.

GAMIT NG WIKA
(ROMAN JACOBSON,2003)
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
2. Pagbabahagi ng impormasyon (Informative)
3. Panghihikayat (Conative)
4. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
5. Pagbanggit ng saloobin, ideya at opinyon (Expressive)
6. Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
7. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
8. Patalinghaga (Poetic)
9. Pagbibigay ng panibagong tawag (Labelling)

ARALIN 6
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay isang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang ng epektibong paggamit ng
wika.
Layunin:
 Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan
 Nailalahad ang epektibong gamit ng wika sa lipunan sa iba ’t ibang sitwasyon

1. kakayahang linggwistiko/istruktural/gramatikal - kakayahang umunawa at makabuo ng mga


estruktura sa wika ayon sa mga tuntunin ng gramatika.
2. kakayahang sosyolingwistika - pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan,
bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo
3. kakayahang pragmatik - pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos
ng taong kausap.
4. kakayahang diskorsal - pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/sitwasyon ayon
sa konteksto.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Fantini (Pagkalinawan, 2004), may mga salik-panlipunan na dapat isaalang-alang
isaalang-alang sa paggamit ng wika tulad ng ugnayan ng nag-uusap, paksa, lugar at iba pa.

SPEAKING (Ayon kay Dell Hymes)


SETTING - ang lugar kung saan nag-usap.
PARTICIPANTS - kung sino ang kausap o kinakausap .
ENDS - ang layunin sa pakikipag-usap.
ACT SEQUENCE - isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan .
KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal na paraan sa pakikipag-usap.
INSTRUMENTALITIES - ang lengguwahe o instrumentong ginamit upang makipagkomunikasyon
NORMS - ang paksang pinag-uusapan .
GENRE - kung nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan, nagpapaliwanag o naglalahad.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language
” , mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay.

ARALIN 7
KASAYSAYAN SA PAGKAKABUO NG WIKANG PAMBANSA
PANAHON NG ESPANYOL - wikang Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo.
PANAHON NG AMERIKANO - dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa
mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Ngunit sa simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal
na kasulatan.

Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng
Pilipinas.

Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas
Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang
sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.

Pebrero 8, 1935 – pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na


niratipika ng sambayanan.

Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng
Surian ng Wikang Pambansa.

Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa
unang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na ngayon ay tinatawag na Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF)

Enero 12, 1937 – hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1,
Batas Komonwelt 185.

Nobyembre 7, 1937 – inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng
pambansang wika.

Disyembre 30, 1937– lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa
Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.

Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:

1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na


pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa (Lope K. Santos - Ama ng Balarilang
Pilipino).

2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado
sa buong kapuluan.

PANAHON NG HAPON - Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.


 nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista. ” Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg.570 na nagsasabing ang Tagalog ay isa sa mga
opisyal na wikang Pambansa.

Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.

Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika
sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon .

Agosto 13, 1959 - Si Jose E. Romero, ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay ipinalabas ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin ng Pilipino.

Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa
Pilipino .

1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.

Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa
pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na
nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

Tagalog – katutubong wika na pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1937)


Pilipino – ang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa
mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)

WIKANG FILIPINO
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay:
• ang wikang pambansa ng Pilipinas;
• dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at
• dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang:
1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at
2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon

ARALIN 8
SANAYSAY
Layunin:
 Nauunawaan ang kahulugan ng dalawang uri ng sanaysay, mga bahagi at elemento nito.
 Nakasusulat ng sanaysay o isang balangkas na tumatalunton sa mga araling tinalakay.

 Ano ang sanaysay?


 Akdang Pampanitikan
 nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay
 naghahatid ng mahahalagang kaalaman o impormasyon naglalaman ng mga kaisipan
 lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya

2 Uri ng Sanaysay
1. Pormal na Sanaysay -Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari itong
maging makahulugan, matalinhaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at di-
nagbibiro.
2. Impormal na Sanaysay -Nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan
at pang-araw-araw na paksa. Gumagamit ng mga salitang sinasambit sa araw-araw. Palakaibigan ang
tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may akda.

Mga Bahagi ng Sanaysay


1. Simula – dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa at sa bahaging ito
makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa siya sa pagbabasa
2. Katawan o Gitna – dito naman nakalagay ang malaking bahagi ng nilalaman ng sanaysay kung saan
nakasaad ang mga mahahalagang impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa
3. Wakas – ito ang pansarang bahagi ng sanaysay kung saan maaaring magsulat ng konklusyon, buod ng
sanaysay, mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa o maaari ring maglagay ng pahayag na
hahamon sa pag-iisip ng babasa ng akda

Elemento ng Sanaysay
1. Tema o Paksa – layunin ng awtor sa kaniyang pagsulat ng sanaysay
2. Anyo at Istruktura – mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mambabasa,
ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya
3. Wika at Istilo – nagpapayaman ito sa kaisipan ng mga mambabasa kung kaya ’t higit na mas mabuting
gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
4. Kaisipan – mga ideyang nagpapalinaw sa tema at nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang
salaysay o may masining na paglalahad na ginagamitan ng sariling himig ng may-akda
5. Damdamin – naipahahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan

You might also like