You are on page 1of 2

1.

Ang WIKA ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
2. Napagsasama-sama ng wika ang tao upang makabuo ng isang komunidad. HOMOGENEOUS NA
WIKA
3. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
4. Ang mga salitang ito ay ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.
PAMBANSA
5. Nagmumula o sinasalita sa loob ng tahanan. EKOLEK
6. Alinmang wikang natutuhan matapos makilala ang unang wika Madalas ginagamit sa paaralan o
trabaho. IKALAWANG WIKA
7. Nadedebelop mula sa rehiyong kinabibilangan ng isang tao. DAYALEK
8. Tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.
REGISTER
9. Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga
hayop.TEORYANG BOW-WOW
10. Ito ay salitang nagkabuhay o nabibigay buhay. LOGOS
11. Ang ____ na salita ang pinakamababang antas ng wika. May kagaspangan ang mga salita at
maaaring may iba’t ibang anyo gaya ng likas at likha. BALBAL
12. Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito
ng kaalaman ng isang bansa. SAN BUENAVENTURA
13. May kakayahang makapagsalita ng dalawang lengguwahe. BILINGGUWALISMO
14. Nagmula ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam
sila ng masidhing damdamin. TEORYANG POOH-POOH
15. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y magsalita. TEORYANG TA-TA
16. Ito ang mga salitang ginagamit sa araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. KOLOKYAL
17. Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Isang
palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.LALAWIGANIN
18. Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim, makukulay at masining. PAMPANITIKAN
19. Ito ay nangangahulugang dila. LINGUA
20. Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. SEKSYON 3, ARTIKULO 14
21. Ito ay natutuhan simula pagkabata at ginagamit sa tahanan. UNANG WIKA O MOTHER TONGUE
22. Nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.
TEORYANG DINGDONG
23. Multikultural na komunidad, may pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. HETEROGENEOUS NA
WIKA
24. May kakayahang makapag salita ng isang lenggwahe. MONOLINGGUWALISMO
25. Ang wika ay gagamitin sa buong kapuluan. WIKANG PAMBANSA
26. May kakayahang makapagsalita ng tatlo o higit pang lengguwahe. MULTILINGGUWALISMO
27. Isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at
kaliwanagan. "Mga nakaaangat sa lipunan ng Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila at mga
panggitnang-klase ng mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at
nasyonalismo mula sa Europa. ILUSTRADO
28. Pampersonal na gamit ng wika na kadalasang yunik sa kanyang pagkatao. IDYOLEK
29. Ito ay nilagdaan ni Ramon Magsaysay ang paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula Agosto 13-
19. PROKLAMASYON BLG 186
30. Isang makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. PONEMA
31. Ang wika ay gagamitin para sa edukasyon. WIKANG PANTURO
32. Ito ay binubuo ng 600 na mga guro mula sa iba’t ibang estado at iba’t ibang unibersidad ng Amerika
upang magturo ng Ingles sa mga Pilipino. THOMASITES
33. Nadedebelop sa pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon sa isang partikular na
grupo ng mga tao. SOSYOLEK
34. Tumutukoy sa mga salitang walang tiyak na kahulugan at kailangan ng isang kayarian upang
maging makahulugan. MORPEMANG PANGKAYARIAN
35. Tumutukoy sa salitang pangnilalaman sapagkat may taglay itong kahulugan. MORPEMANG
LEKSIKAL
36. Wikang walang pormal na estruktura. Ito ay nadedebelop dahil sa pangangailangan na makabuo ng
isang pahayag at paghahalo-halo ng mga salita sa unang wika at ikalawang wika. PIDGIN
37. Isang kautusan ng paggamit ng Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa. KAUTUSANG
TAGA PAG PAGANAP BLG 134
38. Tumutukoy sa kahulugan ng salita depende sa intensyon o motibo. KONOTASYON
39. Ang wikang pambansa ay tatawaging PILIPINO. KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG 7
40. Isang dating pangulo na nagtakda na ang Buwan ng Agosto ay gawin bilang Buwan ng Wikang
Filipino. FIDEL V. RAMOS
41. Tawag sa subjective na pagpapakahulugan. SUBHETIBO
42. Tawag sa alpabetong ginagamit sa panahon ng katutubo. BAYBAYIN
43. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Bagong Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV,
Seksyon 6
44. Ponemang may tunay na tunog at ang bawat tunog ay kumakatawan sa isang titik sa alpabeto.
PONEMANG SEGMENTAL.
45. Pagsasama-sama o pag-uugnay ng mga salita upang makabuo ng parirala o pangungusap na may
diwa.SINTAKS
46. Batas ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at Ingles, hanggat walang ibang itinatadhana ang batas. Bagong Konstitusyon ng Pilipinas,
Artikulo XIV, Seksyon 7
47. Ang wika ay gagamitin sa pakkipag komunikasyon at transaksyon. WIKANG OPISYAL
48. Pag-aaral hinggil sa kahulugan ng salita, parirala o pangungusap. SEMANTIKA
49. Nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga termino o kahulugan sa diksyunaryo.
DENOTASYON
50. Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan na karaniwan ay salita. MORPEMA

You might also like