You are on page 1of 8

1.

Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/Gramatikal – Ang kakayahang


lingguwistika ay naglalarawan sa kakayahan ng indibiwal gumawa at umitindi ng
maayos at makahulugang pangungusap.
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko –Ang kakayahang sosyolinggwistiko ay
naglalarawan sa kakayanan ng mga indibidwal na makamit ang atensyon ng madla.
Halimbawa nito ay ang pagsasambit ng isang salita ngunit kumpleto na ang kahulugan
tulad ng pagsabi ng “hoy!” o “sir!”
3. Kakayahang Pragmatiko – Ang kakayahang pragmatiko ay naglalarawan sa
kakayahang sosyo-linggwistika na ating ginagamit araw-araw. Kabilang na rito ang
pagkakaroon ng kakayanang magunawa ng sinasabi o paggalaw ng mga indibidwal at
kung ito ay angkop sa nangyayaring sitwasyon.
4. Kakayahang Diskorsal – ito po ay isang bahagi na nagbibigay-kakayahang
magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang
paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na
mensahe.

Kakayahang Komunikatibo
abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksyong sosyal.

kakayahang lingguwistiko
- abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.
- kakayahan ng tao na mabisang magamit ang wika.

kakayahang lingguwistiko
ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika
na nagbibigay sa tao ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. (Chomsky,
1965)

lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance)


aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.
Naniniwala si Chomsky...
na ang tao ay isinilang na may language acquisition device o LAD.

Language Acquisition Device (LAD)


isang mekanismo na responsable sa natural na pagkatuto at paggamit ng wika.

Santiago (1977) at Tiangco (2003)


ang sampung bahagi ng pananalita ay napapangkat sa mga ss:
Salitang Pangnilalaman (nominal, pandiwa, panuring)
Salitang Pangkayarian (pang-ugnay, pananda)

kakayahang sosyolingguwistiko
- kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon.
- kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagkakahulugan
para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

dell hymes: 1974


Ginamit niya ang modelong SPEAKING.

SETTING AND SCENE


pook; panahon ng pag-uusap o ugnayan

PARTICIPANTS
mga kalahok sa pag-uusap

ENDS
pakay, layunin at inaasahang bunga ng pag-uusap
ACTS SEQUENCE
takbo o daloy ng usapan

KEY
tono ng pag-uusap

INSTRUMENTALS
anyo at estilo ng pananalita

NORMS
umiiral na panuntunan sa pag-uusap at reaksiyon ng mga kalahok dito

GENRES
uri ng sitwasyon o material na ginagamit

etnograpiya ng komunikasyon
Nakapaloob ang modelong SPEAKING ni Hymes sa

ETNOGRAPIYA
sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na karamasan at
pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.

PANLIPUNANG PENOMENON
pagkakaroon ng kabuluhan ng anumang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay
nailulugar sa loob ng lipunan at tinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao.
(SOSYOLEK)

variability concept
katangian ng wika na kung saan ay nagkakaroon ng pagkakaiba o barayti sa
pagbibigay-kahulugan sa mga salita/pahayag.

kakayahang pragmatiko
tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang
magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang

SPEECH ACT (J.L. Austin)


kakayahang pragmatiko ang konsepto ng

interlanguage pragmatics (Bardovi-Harlig: 1999)


pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at
nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang
intensiyon sa pamamagitan ng iba't ibang speech act.

KINESICS
- tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. (body language)
- saklaw nito: ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay at tindig.

PROXEMICS
- tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap.
- distansya: espasyo sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig

VOCALICS/PARALANGUAGE
tumutukoy sa tinig na ginagamit sa komunikasyon.

KAPALIGIRAN
tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap na siyang nagbibigay-hudyat sa kausap
ng magiging tono ng usapan.

CHRONEMICS
tumutukoy sa gampanin o tungkulin ng oras o panahon sa komunikasyon

kakayahang DISKORSAL
tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika

URI: K. TEKSTUWAL
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang
teksto.

URI: K. retorikal
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiwal na makibahagi sa mga usapan o
kumbersasyon.
Jomar I. Empaynado
isang propesor at manunulat, ang sitwasyong pangwika ay anumang panlipunang
penomenal sa paggamit at paghulma ng wika

Ryan Atezora
isang akademiko sa wikang filipino, ang sitwasyong pangwika ay tumutukoy sa kung
anong wika ang ginagamit sa ibat ibang sektor ng lipunan at istatus ng pagkakagamit
nito.

sitwasyong pangwika
mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa polisiya o patakaran sa
wika at kultura

sitwasyong pangwika
isinasaalang-alang dito ang pag-aaral sa mga linggwistilo at kultural na pagkakaiba-iba
sa lipunang pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika rito.

Dr Pamela Constantino
isang kilalang propesor sa kanyang inilathala sa Kabayan noong 2000 ay nagbigay ng
paliwanag tungkol sa wikang tagalog

1943
ang taon kung kailan naging wikang pambansa ang wikang pilipino na nakabatay sa
tagalog
Department Order no. 7 ng kagawaran ng edukasyon
sa pamamagitan nito, tinawag na wikang opisyal, wikang pangturo at asignatura ng
wikang pambansa ang wikang pilipino

Disyembre 30, 1937


ang wikang tagalog ay may malaking gampanin sa edukasyon at pagkakaroon ng
wikang pambansa noong ---

Executive Order no. 134


ang wikang tagalog ay may malaking gampanin sa edukasyon at pagkakaroon ng
wikang pambansa noong -, alinsunod sa --- bilang batayang wika

Konstitusyon 1987
Ang Filipino ay naging wikang pambansa alinsunod sa isinasaad nito

Ingles at espanyol
kasama sa mga wikang pambansa, kasama ng wikang filipino

Wikang natural
tinaguriang --- ang wikang tagalog dahil sa ito ay may sariling mga katutubong
tagapagsalita at ito ay may partikular na wikang ginagamit sa etnolinggwistikong
pangkat

Mother tongue based-multilingual education


asignatura o sabjek na nalilinang at kinakatawan sa unang dila o first language ng ibat
ibang rehiyon sa pilipinas

Republic Act 10533


Ang mtb-mle ay isinasaad sa ---

Dep Ed Order no. 74 s. 2009


ang mtb-mle na isinasaad sa -, alinsunod sa naunang ---dating sec. Jesli Lapus na
sinundan ni Sec. Bro. Armin Luistrang mga lumagda sa isang batas tungkol sa mtb-mle

Prof. Leopoldo Yabes/ Tagalog imperialism


isang ilokano at iskolar ng wika, sinabi niyang umiiral sa atin ang ---, kung saan mas
pinipili nating gamitin ang salitang "tagalog", sa pagtawag sa ating wika (separate your
answers using a slash/)

Tagalog
Ang kilalang wika ng mga dayuhan sa bansa dahil sa ito ang gamit sa pangunahing
lugar-urban sa Metro Manila

lingua franca
ang wikang ginagamit ng mga tao o pangkat na may magkakaibang katutubong wika

You might also like