You are on page 1of 1

Mga katangian ng isang Kritiko

1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa


-Kailangan na may sapat na kaalaman ang isang kritiko sa genre na kanayang sinusuri
upang masuri ito ng may kridebilidad at naiintindihan talagi ng kritiko ang paksa.
2. Pagiging tapat at obhetibo
-kailangan na tapat ang isang kritiko upang paniwalaan at pagkatiwalaan ang kanyang
kredibilidad, at obhetibo upang hindi malihis ang paksa na kanyang nirerebyu.
3. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang
impluwensyang may kiling
-ito ay upang mas mahimay talaga nila ang paksa.
4. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.
-ito ay upang masunod ang batayan sa pagkritik.
5. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat at mambabasa o
ideolohiya.
-dahil ang akda o panitikan lang ang dapat ikritik at wala nang iba.
6. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap
sa panitikan.
-ito ay upang mas umunlad pa ang panitikan kaya kailangan na bukas sa mga
pagbabagong nagaganap ang mga kritiko.
7. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,
kasysayan,sikolohiya ,atb.
-dahil kailangan ng maraming opinyon mula sa iba pang mga kritiko at sa mga kritiko
kailangan ang respeto .

You might also like