You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of San Pablo City
SOLEDAD ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SOLEDAD, San Pablo City
Talaan ng Ispesipikasyon sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO V
Ikalawang Markahang Pagsusulit
S.Y. 2022-2023
Layunin Bilang Bilang ng Bilang ng Kinalalagyan Bilang ng
araw Aytem ng Aytem Tamang
sagot
Nakapagsisimula ng pamumuno para
makapagbigay ng kayang tulong para sa 10 10 1-10
nangangailangan
a. biktima ng kalamidad
b. pagbibigay ng babala/impormasyon kung
may bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa
Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol 5 5 11-15
sa kaguluhan, at iba pa (pagmamalasakit sa
kapwa na sinasaktan/kinukutya/binubully)
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga
dayuhan sa pamamagitan ng:

a. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga 10 10 16-25


katutubo at mga dayuhan
b. paggalang sa natatanging
kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at
dayuhang kakaiba sa kinagisnan
Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may 5 5 26-30
paggalang sa anumang ideya/opinion
Nakikilahok sa mga patimpalak
o paligsahan na ang 5 5 31-35
layunin ay pakikipagkaibigan
Nagagampanan nang buong husay ang
anumang tungkulin sa programa o proyekto 5 5 36-40
gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan

Inihanda: Nirebisa ni

EMMANUEL M. CRUZ JR. CHERYL S. ARANO


Teacher III ESP - Koordineytor
Tinipon at sinuri

LEILANI E. MAKATANGAY
Master Teacher II
Inaprubahan
LIZA A. CASTILLO
Punongguro

Purok 3, Brgy. Soledad, San Pablo City, Laguna 4000


109756@deped.gov.ph
(049) 503-4093
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan:_______________________________________________ Petsa:________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pangkat: __________________________________ Guro: __________________________

A. Lagyan ng tsek (/) nagpapakita ng pagdamay at pagtulong sa mga nangangailangan at ekis


(X)kung hindi.
_____1. Nabalitaan ni Norma ang nangyaring pagbaha sa kanilang probinsiya sa Isabela. Agad nitong
tinipon ang mga hindi na niya ginagamit na maayos na damit at ilang de lata upang ipadala sa mga binaha.
_____2. Kunwaring hindi pinapansin ni Lito ang mga kapitbahay na nasunugan.
_____3. Pinagtawanan lamang ni Carol ang isang matandang babae na naipit ng malaking gusali ng dahil sa
lindol.
_____4. Tumulong si Rina sa kaniyang ina na magrepack ng pagkain at maipamahagi para sa mga nasalanta
ng landslide.
_____5.Nag- anunsyo ang guro kung sino ang nais magbigay ng laruan para sa mga batang biktima ng
bagyo. Ibinigay ni Edgar ang pinakaayaw niyang laruan at may sira pa.

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang salitang Tama kung nagpapakita ng
wastong ugali o Mali kung hindi.
______6 Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang.
______7. Kambal ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin.
______8. Unang nararamdaman ang pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang tao.
______9. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasalanta ng mga sakuna at iba pang nangangailangan ay
nakatutulong upang umunlad ang lipunan.
______10. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso.

B. Basahin at unawain ang sumusunod na mga sitwasyon. Paano mo ipagbibigay-alam sa mga


kinauukulan ang mga pangyayari na may kinalaman sa kaguluhann,sinasaktan o binubully.
Bilugan ang iyong sagot

11. Isang araw, papunta ka sa tindahan upang bumili ng pandesal. Nakita mo sa labas ng bahay ang mag-ama
na kapitbahay mo na galit na galit ang tatay sa kaniyang anak. Sinabihan niya ang kaniyang anak nang
masasakit na salita. Hindi lamang ito ang unang pagkakataong ginawa niya iyon sa kaniyang anak. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Sigawan ang tatay.
B. Hayaan lang na pagalitan ng tatay ang kaniyang anak.
C. Hindi pansinin ang sinapit ng anak ng iyong kapitbahay.
D. Ipagbigay-alam sa mga namumuno ng barangay upang maaksiyonan.

12. May bago kang kamag-aral mula sa isang malayong probinsiya. Kakaiba ang kaniyang hitsura. Naririnig
mong lagi siyang kinukutya sa harap ng ibang mga bata tuwing recess. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magsawalang kibo na lamang.
B. Isusumbong mo sa mga guro.
C. Huwag pansinin ang narinig.
D. Magagalit sa kanila.

13. Laging lumiliban sa klase ang magkapatid na Alan at Marlon dahil silaang pinaghahanap-buhay ng
kanilang amang may bisyo at tamad magtrabaho. Paano mo sila matutulungan?
A. Ipaalam sa mga kaklase ang tunay na dahilan kung bakit lagi silang lumiliban sa klase.
B. Ipagbigay-alam sa guro ang ginagawa sa iyong mga kaklase ng kanilang ama.
C. Hayaan lamang na lutasin nila ang kanilang problema.
D. Balewalain ang pangyayari.

14. May nakita kang pitaka sa canteen ng paaralang pinasukan mo. Binuksan mo ang pitaka at nakita ang
malaking halagang laman nito. Walang ibang nakakaalam maliban sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbigay-alam sa prinsipal at ibigay ang pitakang nakita.
B. Itago at maghintay kung sino ang maghahanap nito.
C. Sabihin sa mga kaibigan at mga kaklase.
D. Ipaalam at ibigay sa mga magulang.

15. May kaguluhang nagaganap sa inyong barangay. Ano ang gagawin mo?
A. Makisali sa away ng mga kabataan.
B. Ipagbigay-alam sa pulis ang pangyayari.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
C. Ipagbigay-alam sa mga barangay tanod.
D. Isa–isang pupuntahan ang mga magulang ng mga nag-aaway

F. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung
nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo/dayuhan ang pahayag.

________ 16.Habang naglalakad,nasalubong ni Aira ang isang dayuhang nagtatanong ng


direksyon.Tinakbuhan niya ito.

________ 17. Mayroong dayuhang naghahanap sa ama ni Girlie. Pinapasok niya ito at pinaupo.
Dinalhan din niya ito ng inumin.

________ 18. Tinatawanan ni Amy ang isang dayuhang nakasuot ng kanyang pambansang kasuotan.

________ 19. Mayroong restawran ang ama ni Jenny sa Naic, Cavite. Maraming turista ang
dumarayo sa kanilang restawran mula sa iba’t-ibang bansa. Inabisuhan ng ama ni Jenny ang kanilang mga
tauhan na asikasuhing mabuti ang mga dayuhan upang hindi magsisi sa pagpunta sa kanilang lugar.

________ 20. Dumating ang mga investors galing sa Singapore sa kumpanya nina Ginoong Reyes.
Malaking tulong ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang kumpanya. Di nagdalawang isip si Ginoong Reyes
na kumuha ng mga kwarto para sa pagpapahingahan ng kanilang bisita.

G.

21____

22____

23____

24____

25____

H. Bilugan ang titik na nagpagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinyon


26. Ang pakikinig sa opinyon ng iba, maging ito man ay katanggap-tanggap o hindi ay pagkilala sa kanyang
a. karapatang pangkalusugan
b. karapatang pantao
c. karapatang makapag-aral

27. kadalasan ang dahilan ng di pagkakaunawan at hidwaan ay ang ________________sa karapatang ng iba.
a. pagsunod
b. pakikinig
c. kawalan ng paggalang

28. Hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iyong kasamahan. Ano ang iyong gagawin?
a. sabayan siyang magsalita
b. paalisin siya sa usapan
c. makinig at igalang pa rin ito

29. Hindi katanggap-tanggap ang sinasabi ng iyong kasapi. Paano mo ito sasabihin sa kanya nang hindi siya
masasaktan?
a. Ipaliwanag mong may mas higit pang mabuting gawin kaysa sa naisip niya.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
b. Pagalitan at paalisin siya sa pulong
c. Ipahiya siya sa kasamahan

30. Madalas na napipili ang iyong opinyon kaya lalo kang naging
a. mayabang
b. mapagkumbaba
c. magagalitin

I.Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at bilugana ang titik ng tamang
sagot.
31. Ikaw at ang iyong matalik na kaibigan ay naging kalahok sa Spelling Bee. Ang naging kampeon ay ang
iyong kaibigan. Ano ang mararamdaman mo?
A. Magagalit ako sa kanya.
B. Maiinggit pero di ipapahalata.
C. Magiging masaya para sa kaibigan
D. Hindi ko na siya papansinin.

32. May talento ka sa pagguhit. Magkakaroon ng paligsahan sa sining sa ibang paaralan. Ikaw ang napiling
kinatawan ng inyong paaralan, ngunit nahihiya kang makihalubilo sa ibang mga bata na kalahok sa nasabing
paligsahan. Ano ang gagawin mo?
A. Lalakasan ang loob at sasali sa paligsahan.
B. Sasabihin sa guro na hindi makakasali.
C. Hindi magpapakita sa araw ng paligsahan.
D. Babalewalain ang paligsahan.

33. Lumahok ka sa Mathematics Quiz Bee sa Division Level. Marami kang nakilalang mga bagong kaibigan
mula sa iba’t ibang paaralan ng inyong dibisyon, ngunit hindi ka pinalad na manalo. Ano ang iyong magiging
damdamin tungkol sa sitwasyon?
A. Malulungkot dahil natalo.
B. Uuwing masaya dahil may mga bagong kaibigan.
C. Magagalit sa mga katunggali.
D. Iiyak at magdadabog.

34. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay. Ano ang
ipinahihiwatig ng sitwasyong ito?
A. Pakikipagkaibigan C. Pagpapasalamat
B. Pagmamahal D. Pakikipag-away

35. Ano ang nararapat mong gawin kung ang kaibigan mo ay nakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa
barangay?
A. Tutulong sa kanila para madaling matapos.
B. Manonood nalang ako ng TV.
C. Titigan sila sa kanilang ginagawa.
D. Nakakatamad ang kanilang ginagawa.

J.Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot na nagpapakita na nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.

36. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nagiging mabilis din ang daloy ng impormasyon gamit
ang iba’t ibang media. Sa paanong paraan kaya maiiwasan ang pagkalat ng mga tinatawag na fake news?
A. Mag-aantay nalang ako sa ibabalita ng iba.
B. Tanging sa balita sa telebisyon lang ako maniniwala.
C. Sisiguraduhin ko muna na ang pinagkunan ko ng balita ay tama.
D. Pipindutin ko ang share button kapag maganda ang balita.

37. Paano mapanatili ang paggalang sa opinyon ng ibang tao sa pamamagitan ng paggamit ng media at
teknolohiya?
A. Magiging aktibo sa social media at ilaan lahat ng oras dito.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
B. Magiging mapanuri at timbangin kung alin ang tama.
C. Maniwala sa sinasabi ng iyong kaibigan.
D. Kontrahin ang opinyon ng iba.

38. Ano ang maidudulot sa iyo ng paggalang sa opinyon ng ibang tao?


I. Natitimbang ng maayos ang impormasyong narinig, nabasa o napanood.
II. Makakakuha ng papuri mula sa iba.
III. Maiiwasan na makasakit ng ibang tao.
IV. Magkakaroon ng kapanatagan ng puso at isip.
A. I and II
B. I, II and III
C. I, III and IV
D. I, II, III and IV

39. Nagbabasa muna si Ana ng mga kaugnay na balita/impormasyon sa iba’t ibang sanggunian tulad ng
dyaryo bago magshare sa Facebook. Ang kilos ba ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao?
A. Oo, dahil sinisiguro ang katapatan ng impormasyon.
B. Oo, dahil masipag siyang magbasa ng mga balita.
C. Hindi, dahil simple lang naman ang mga balitang ito.
D. Hindi, dahil dagdag lang ito sa kaniyang gawain.

40. Sa pagbibigay ng opinyon batay sa nabasa, napanood o narinig, alin sa mga sumusunod ang HINDI mo
dapat gawin?
A. Unawain ng mabuti ang balita, isyu o usapan.
B. Suriin ang dalawang panig.
C. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o reaksyon.
D. Magbigay ng opinyon o reaksyon kahit hindi sapat ang impormasyon sa paksa.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

You might also like