You are on page 1of 26

Mga Angkop na Salita

sa Pagsasagawa ng
Radio Broadcast
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● 1. natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang


kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na
impormasyon tungkol dito (F8PB-IVi-j-38); at
● 2. nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat
gamitin sa isang radio broadcast (F8PT-IVi-j-38).
Subukin

● Panuto: Basahin at unawain ang mga


tanong. Piliin at isulat sa hiwalay na
papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ang midyum na dinadaanan
ng signal ng radyo.
A. airwaves C. teaser
B. sign On D. open Mic
2. Ito ang ginagamit upang
pasiglahin ang pag-iisip ng mga
tagapakinig upang manatili sa
pinakinggang palatuntunan.
A. airwaves C. teaser
B. sign On D. open Mic
3. Ito ay switch ng radyo para marinig
sa ere sa pagsisimula ng pagbabalita
sa radyo.
A. airwaves
B. teaser
C. OBB (Opening of the Billboard)
D. CBB (Closing of the Billboard)
4. Ito ang tawag sa nangangalap ng
balita sa iba’t ibang lugar at nag-
uulat.
A. dead air C. co-anchorman
B. anchorman D. field reporter
5. Nagkakaroon ng gap o saglit na
paghinto habang nagsasagawa ng
pagbabalita sa ere o sa telebisyon
dahil sa ______________.
A. teaser C. playlist
B. airwaves D. dead air
Balikan

● Panuto: Gamit ang grapikong pantulong,


ibigay ang damdamin at motibo nina
Laura at Adolfo sa pagbabalik ni Florante
sa Albanya. Gayahin at sagutin sa
hiwalay na papel.
Tuklasin
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.
1. Ano ang paksa ng balita?
2. Saan nangyari ang ibinalita?
3. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa
balita?
4. Bakit mahalaga ang balita sa mga tao?
5. Paano nakatutulong ang balita sa pang-araw-
araw na buhay?
Pagsasahimpapawid ng Balita

● Ang radio broadcast ay isang uri ng


pamamahayag sa paraang pasalita na
naghahatid ng mga napapanahon at
sariwang mga balita tungkol sa naganap,
nagaganap, at magaganap pa sa bansa
at sa ibang bansa.
● Nagbibigay rin ng komentaryo ang mga
broadcaster na nakatutulong sa
pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga
tagapakinig.
● Bukod dito, nagsasagawa rin sila ng interbyu
sa mga taong may kinalaman sa isyung pinag-
uusapan para mapatunayan sa mga
tagapakinig ang pagbibigay ng wastong
impormasyon.
● Ang news director ng radyo ang
nangangasiwa sa mga balitang
isasahimpapawid. Kung kailangang
magsagawa ng interbyu bago ang
pagsasahimpapawid, nagkakaroon ng tape
interview sa pamamagitan ng aktuwal na
interbyu ng isang reporter na binigyan ng
takda.
May mga salitang ginagamit sa radio broadcast. Ito ang
sumusunod:

 OBB (Opening of the Billboard) – switch ng


radyo para marinig sa ere sa pagsisimula ng
pagbabalita sa radyo
 CBB (Closing of the Billboard) – pagsasara
ng switch ng radio station.
 Anchorman – tagapagbalita o broadcaster sa
radyo
May mga salitang ginagamit sa radio broadcast. Ito ang
sumusunod:

 Co-anchorman – katuwang na
tagapagsalita/broadcaster
 Field reporter – nangangalap ng balita sa
iba’t ibang lugar na nag-uulat kung ano ang
nangyari, o mangyayari na isinahimpapawid
sa ere
May mga salitang ginagamit sa radio broadcast. Ito ang
sumusunod:

 Dead air – nagkakaroon ng gap o saglit na


paghinto habang nagsasagawa ng pagbabalita
sa ere o sa telebisyon na maaaring dahil sa
pagkawala ng signal
 Airwaves - midyum na dinadaanan ng signal
ng radyo
May mga salitang ginagamit sa radio broadcast. Ito ang
sumusunod:

 Teaser - ginagamit upang pasiglahin ang pag-


iisip ng mga taga-pakinig upang manatili sa
pinakinggang palatuntunan
 Billboards - ipinababatid sa mga tagapakinig
kung anong produkto ng isponsor ang
naghatid ng balita
May mga salitang ginagamit sa radio broadcast. Ito ang
sumusunod:

 Playlist - opisyal na talaan ng kantang


patutugtugin ng isang istasyon
 Band - lawak na naabot ng pagbabalita o
pagsasahimpapawid
 Mixing - pagtitimpla at pagtiyak ng tamang
balanse ng tunog
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

1. Magbigay ng pambungad na pagbubukas ng


programa sa radyo na karaniwang naririnig ng
mga tagapakinig. Mag-isip ng pangalan ng
programa na gagamitin sa iskrip.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

Halimbawa: Programa ng Radyo Lagablab Anchorman: (Pagbubukas


ng Billboard) Ang siklab ng sulo ng katotohanan.
Co-anchorman: Ang tulay tungong kaunlaran.
Anchorman Ang tanglaw sa gitna ng kadiliman.
Co-anchorman: Ang liwanag ng pag-asa ng bayan.
Anchorman: Mula sa Lungsod ng Gapan, mga tagapaghatid
ng mga balitang totoo at makabuluhan. Kami
ang inyong tagapag-ulat ng balita. Ako si
(pangalan ng magbibigay ng balita).
Co-anchorman: Ako naman si (Pangalan ng magbabasa ng
balita).
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

2. Pagkatapos ng pagbibigay ng balita,


magpasok ng komersyal na may sampung
segundo lamang ang tagal nito sa ere.

3. Magbigay ng pag-uulat sa lagay ng trapiko sa


lansangan. Karaniwan isang field reporter ang
magbibigay ng ulat nito. Papapasukin ito ng
anchorman sa ere.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

4. Magbigay ng balitang showbiz na may


tatlumpung segundo lamang ang haba nito
sa ere.

5. Magpasok ng palatastas pagkatapos ng


balitang showbiz na may sampung
segundo.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

6. Magbigay ng balita tungkol sa lagay ng panahon.


Papasukin sa ere ang field reporter na mag-uulat ng lagay ng
panahon at kung ano ang kaganapang nangyayari sa labas ng
studio.
7. Mag-ulat ng balitang isports, mga 35 segundo ang gawing
pag-uulat.
8. Pagkatapos ng balitang isports, ito na ang pagtatapos ng
pagbabalita. Dito magaganap ang pagsasara ng billboard.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling radio
broadcast

Halimbawa:
Anchorman: At diyan nagtatapos ang ilang minutong puno
ng makabuluhang impormasyon, puno ng
kaalaman, at puno ng katotohanan. Muli, ako
si (Pangalan ng anchorman) at ito ang Radyo
Lagablab, Radyong tapat, balitang tapat!

You might also like