You are on page 1of 1

I.

PAMAGAT
Ang Pag-aaway ng mga Pinuno

II. BUOD
Hindi nagkasundo si Haring Agamemnon at Achilles. Nagtataka ang hari bakit ganoon na lamang ang
labis na galit sa kanila ng diyos na si Apollo. Lingid sa kanilang kaalaman nanalangin ang amang pari kay Apollo
na ipaghiganti siya sapagkat di binigay ng hari ang kaniyang dalagang anak. Sa kabilang banda, nanaig ang galit
ni haring Agamemnon at Achilles kung kaya pinadala ni Juno ang anak na si Minerva upang pag ayusin. Ngunit
sa kabila noon ay nananatili ang galit ng dalawa sa isa’t isa kaya humingi ng tulong ang pinakamalakas at
pinakamatapang na pinuno. Kaya humingi ng tulong ang pinuno at mandirigmamg si Achilles sa kanyang ina na
namamahinga sa karagatan. Tumugon ang ina sa panawagan ng anak at agad humingi siya ng tulong kay
Jupiter para sa ikakagaling ng anak. Napilitan man ang hari ng mga diyos ay pumayag siya sa kahilingan ng
babae. Dinalaw niya sa panaginip si Haring Agamemnon at doon ay niloko ang hari at pinaniwalaang
mapagtatagumpayan lahat ng digmaan laban kay Achilles.

III. PAKSA

Ipinakita sa nobela ang pag-aaway ng mga pinuno nang dahil sa kayamanan at paniniwala.

IV. BISA SA ISIP


Nakapagbibigay ng kaalaman na ang makasanlibutan ay tunay ngang nasisilaw ng yaman sa mundo sa
kabila ng kasalanang kakaharapin mula dito.

V. BISA SA DAMDAMIN
Kahanga-hanga ang katapangang ipinamalas ni Achilles, at kahabag-habag naman sa pagkahaman ng
hari ng Griyego.

VI. MENSAHE
Nais nitong iparating na ito ay ang kultura ng Griyego, hindi maiiwaksing naging matapang ang
kanilang mga pinuno sa anumang digmaan ngunit di maitatanggi ang pagiging gahaman nila sa kayamanan.

VII. TEORYANG GINAMIT


Naturalismo

You might also like