You are on page 1of 16

4

FILIPINO
Ikalawang Markahan – SIM 23
Pagbigay ng Kahulugan ng mga Salitang
Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita

https://images.app.goo.gl/B74rJmnjjyhRhusUA

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Misamis Occidental
Filipino – Baitang 4
Ikalawang Markahan – SIM 23: Pagbigay ng Kahulugan ng mga Salitang Pamilyar at
Di-Pamilyar na Salita

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SIM na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa SIM na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Myra P. Mebato, PhD

Development Team of the Self Instruction Materials


Developer/s: Virgie V. Apiag
Reviewers/Editors: Randy M. Paye,
Emma M. Jaso,
Juliet C. Paye
Illustrator and Layout Artist: Remar A. Docor,
Darlyn A. Pang-an

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD


CID Chief

Members Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS


Lorena R. Simbajon, EPS – Filipino
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address:Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
4
Pagbigay ng Kahulugan ng mga
Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
na Salita

Filipino Ikalawang Markahan SIM 23

Nilalaman

Gabayan Mo Ako….1

Gagawin Ko
Gawain 1 …….3
Gawain 2 …….4
Gawain 3……..6

Subukan Ko………. 8
VIRGIE V. APIAG
Ipakita Ko…………. 9 Teacher III
Sinacaban Central School
Dagdag Kaalaman..11

Wastuhin Ko……. ..12

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SIM (Self-Instructional Material) is


for Educational purposes only. Borrowed materials (i.e.., songs, stories, poems,
pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in these modules are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have
made significant contributions to these materials.
Gabayan Mo Ako

Magandang araw! Ang Self


Instructional Materials na ito ay
ginawa para sa iyo kaya basahin at
pag-aralan mo nang mabuti.
Napapaloob sa SIM ang mga gawain sa
pagkatuto at mga pagsasanay para
masukat ang nalalaman mo rito.
Mababasa mo ang mga karanasan na
maaring naranasan mo rin.
Kaya, basa na!

Sa araling ito, inaasahang naibibigay ang kahulugan ng mga


salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay
sa sariling karanasan F4PT-IIb-1.12

Ang pamilyar na salita ay ang mga salitang lagi mong naririnig o


kaya’y ginagamit mo araw-araw.

Halimbawa: guro, maganda,masipag, dumating, atpb.


Araw-araw nakikita ko sa paaralan ang aming magandang guro
na nagtuturo ng leksyon sa Math.

Ang salitang guro ayon sa kahulugan sa kanyang karanasan ay


nagtuturo.

1
Ang di-pamilyar na salita ay ang mga salitang hindi mo laging
naririnig o ginagamit sa araw-araw.

Halimbawa: salipawpaw, hunsoy, badhi, kubyertos

Napanaginipan kong sumakay ako ng sasakyang salipawpaw


kasama ni Itay. Tuwang-tuwa ako habang mabilis itong dumaan
sa makakapal na ulap sa himpapawid.

Ang kahulugan sa salitang salipawpaw ayon sa karanasan ay


isang sasakyang panghimpapawid o eroplano.

2
Gagawin Ko

Gawain 1

Panuto: Ayusin mo ang mga ginulong titik sa pamilyar at di-


pamilyar na mga salita ayon sa mga salitang napaloob sa
panaklong upang mabuo ang pangungusap sa patlang. Isulat
ang sagot sa notbuk o papel.
1. MHIARAP
Ayon sa karanasan, ang asignaturang Matematika ang
(komplikado)______para sa mag-aaral.
2. PINOUN
Noong nasa ikatlong baitang pa ako, napili ako bilang
(lider) __________ ng aming samahang tagapagturo sa
pagbasa.
3. NATMAAY
Umiyak ako ng ( binawian ng buhay)__________ ang
aking alagang asong nasagasaan ng bus .
4. PUNATO
Tuwing may pasulit kami, binabasa ko nang mabuti
ang mga (instruksyon) __________ na pinagbabatayan
upang masusunod ko ang dapat gawin.

5. MITALANO
Kahit anong hirap ng aralin, naintindihan ko dahil
(maabilidad)__________ si titser magturo.

3
Gagawin Ko

Gawain 2

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sinalungguhitang di-


pamilyar na salita batay sa karanasan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa notbuk o papel.

1. Ako ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat


kaarawan ng aking pinakamatalik na kaibigan. Maraming
hinahanda na pagkain ang kanyang mga magulang.
A. laruan
B. sayawan
C. palatuntunan
D. uri ng handaan

2. Ang panganay naming kapatid ay tinuring ng aking mga


magulang na tila isang prinsesa kaya't siya ay walang
alam sa gawaing-bahay at lumaking alipugha.
A. isang iresponsableng tao
B. isang responsableng tao
C. hinangaan ng mga tao
D. inaayawan ng mga tao

4
3. Naranasan ko sa aming EPP na asignatura ang paggawa
ng salumpuwit kung kaya’t mayroon na akong sariling
mapaghingahan.
A. kutsara
B. lamesa
C. basket
D. upuan

4. Ayaw kong magkukumahog sa pagbaba ng hagdanan


dahil takot akong mahulog at mapilayan.
A. maglalakad
B. magmamadali
C. gumagapang
D. dahan-dahan

5. Napagalitan ako ng aking ina dahil nakita niya na hindi


ko nahugasan ang mga baso at pinggan sa batalan.
A. sala
B. sahig
C. lababo
D. lamesa

5
Gagawin Ko

Gawain 3
Panuto: Iugnay ang mga pamilyar at di-pamilyar na salitang
may salungguhit sa hanay A sa kanilang kahulugan sa hanay B.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa iyong notbuk o papel.

Hanay A Hanay B
A. kawani
1. Una kong naranasan ang
pagsakay ng kalesa sa B. diplomatiko
Iligan City. Nagustuhan ko
C. malaking screen
dahil walang usok at hindi
D. pangkat ng
na kailangan ang gasolina.
musikero

2. Sa paglaki ko, gusto kong


E. hindi mama-
makapag-asawa ng isang
mayan ng bansa
banyaga upang makapunta
sa ibang bansa.
F. sasakyang
panlupa na may
3. Tuwing may palatuntunan
dalawang gulong
sa paaralan, ako ang taga-
na hinihila ng
bantay ng telon sa
kabayo
pagbukas at pagsara nito.
Naranasan ko’ng nadapa sa
gitna ng entablado habang

6
ginawa ko ang aking
tungkulin.

4. Naaawa ako sa mga


manggagawa na nawalan
ng trabaho sa isang
kumpanya. Ano na kaya
ang hanap-buhay nila
ngayon

5. Tuwing may pista, pinaki-


kinggan at pinanonood ko
ang banda. Paglaki ko,
gusto ko maging kabilang
na manunugtog ng banda.

7
Subukan Ko

Panuto: Basahin ang mga karanasan at ibigay ang kahulugan


ng mga salitang pamilyar at di pamilyar. Piliin ang wastong
kahulugan sa mga salitang sinalungguhitan na nasa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa notbuk o papel.
dyip baryo pasko kaarawan siyudad eroplano

1. Noon, gusto kong tumira sa lugar na sibilisado, maraming


malalaking gusali at mga sasakyan. Pero ngayon dahil sa
Covid ayaw ko na doon. Natatakot ako dahil maraming
nahawa sa lugar na iyon.

2. Sa panahon ngayon, mas mainam at sigurado ang isang


lugar na malayo sa kabihasnan at payak na pamumuhay,
walang polusyon, sariwa ang mga gulay at prutas.

3. Naranasan ko na ang sumakay ng salipawpaw noong


nagbakasyon kami sa Davao. Pinagmasdan ko ang mga
ulap na parang isang bulak sa himpapawid.

4. Sa pagdiriwang ng araw na pagsilang ni Jesus nakatanggap


ako ng maraming regalo.

5. Nakita ko sa balita na ang mga sasakyang pampasahero ay


may nakalagay na plastik na pangharang para may
distansya ang bawat pasahero.

8
Ipakita Ko

Panuto: Iugnay ang mga pamilyar at di-pamilyar na salitang


may salungguhit sa hanay A sa kanilang kahulugan sa hanay B.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong notbuk o
papel.

Hanay A Hanay B

1. Napanaginipan kong A. inaalala


sumakay ng salipawpaw
B. eroplano
kasama ni Itay. Tuwang-tuwa
ako habang pinag-masdan C. entablado

ang mga ulap na aming D. karpentero


nadaanan. Sana magkatotoo
E. bulsa ng damit
iyan.
F. makapal ang
mukha
2. Noong nasa ikatlong baitang
pa ako, may karanasan akong
hindi makalimutan. Nadapa
ako sa gitna ng tanghalan
habang sumayaw ng
Tinikling.

9
3. Taon-taon ginugunita namin
ang kaarawan ni Lolo kahit
wala na sya sa mundo.

4. Ayaw ko ang uniporme na


walang butsaka dahil wala
akong mapaglalagyan ng pera
pampamasahe.

5. Hindi nakakalimutan ng
aking ama magdala ng
martilyo at pako sa kanyang
trabaho dahil siya ay
nagtatrabaho bilang isang
anluwage sa tinatayong
istraktura ng aming lungsod.

10
Dagdag Kaalaman

Ito ay ang pag-uugnay ng mga karanasan upang


makuha ang kahulugan ng pamilyar at di
pamilyar sa pagbasa ng mabuti at pag-unawa sa
pinag-uugnay na mga karanasang ginamit upang
makuha ang kahulugan sa mga salitang pamilyar
at di-pamilyar.

Mga Sanggunian:

1. Aklat: Alab Filipino 5 Manwal ng Guro pahina 3


2. Mga imahe :

https://brainly.ph/question/1201511#readmore

https://brainly.ph/question/939907

https://www.google.com/search?q=boy+cartoon+character

https://www.google.com/search?q=teacher+cartoon

https://www.google.com/search?q=cartoon+picture+of+a+happy
+girl

11
Wastuhin Ko

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. D
1.mahirap 1. F
2.pinuno 2. A 2. E
3. namatay 3. D 3. C

4.panuto 4. A
4. B
5.matalino 5. D
5. C

Subukan Ko Ipakita Ko
1. Siyudad 1. B
2. Baryo
2. C
3. Eroplano
Gawain 2 3. A
4. Pasko
1. b
5. Dyip 4. E
2. a, b, c
5. D
3. a
4. b

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Samgay ng Misamis Occidental


Osilao St. . Poblacion 1. Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977-8062167
e-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

You might also like