You are on page 1of 1

Ayon kay florante

Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad sa bait at muni't sa hatol ay salat; masaklap na
bunga ng maling paglingap, habang ng magulang sa irog na anak.

Hindi lahat ng batang nakakamit ang gusto ay mayabang at hindi lahat ng mga
batang walang nakukuha ay malungkot. Sa pag mamahal ng ating mga magulang
tayo ay madaming makukuha at ma r ramdaman, pag mamahal, aruga, suporta at
iba pang ating kailangan sa buhay.
Ang buhay ay ang maka totohanang pag subok Mahirap... Baka ito ang dahilan
kung bakit nilalayo ang iba sa maka totohanang buhay, dahil ipinararanas sakanila
ang panandaliang katahimikan at kasayahan sa buhay.

Katulad ng buhay ni Florante hindi sa lahat ng pag kakataon ay agad nyang


nakakamit ang mga ninaais nya simula nung nawala siya sa piling ng kanyang
magulang, katulad ng kanyang pag mamahal kay laura, na alam nating hinde ito
dretsong nag tagumpay sa kadahilanan ng mga problema sa buhay. Si Florante ay
lumaki sa masayang buhay dahil nakakamit nya ang kanyang mga gusto ngunit
siya ay lumaki na may pusong mamon at naging isang mapag mahal na anak sa
kanyang mga magulang at nagagawa nyang ipag tangol ang kanilang kaharian. Sa
murang idad ay dapat tayong mag handa dahil hindi natin alam kung ano ang mga
posibleng mangyari, dapat tayo matutong pag silbihan ang sarili sa murang idad
dahil hindi natin alam kung kelan tayo mawawalan ng mga kasama sa buhay, dahil
ang mga tao ay tulad ng isang bula na biglang ma wawala.

Sa kasalukuyang panahon ang ating problema ay ang mga bata, ang mga batang
hinde kayang mamuhay ng wala ang magulang, at ito ang kamaliang ating na
gagawa masyadong pinahahalagahan at tinutulungan ang mga kabataan ating
tandaan na hinde pang habang buhay ay maarin tayong humingi ng tulong, wag
masanay na ating nakukuha ang lahat ng gusto matutong tulungan ang sarili dahil
ang mga magulang o iba pang naka ta tanda ay isa lamang gabay na panandaliang
nadiriyan, kaya bata matutong tumayo sa sariling paa.

You might also like