You are on page 1of 3

CHRISTIAN NEW YEAR COMBINED

TOPIC PRAYER
(Exo. 12:1-2) MEETING/

WORSHIP
DATE SERVICE
March 22-23, 2023
COVERED
(JUNIORS)

1. Maipapakita sa kalendaryo ang March 22 na petsa ng ating Christian New Year


OBJECTIVES 2. Masasabi ang taon at petsa ng ating New year
3. Makagagawa ng art activity at mai-post sa social media.

Device, Zoom app, TV, player or flash drive, Biblia, notebook, pencil/ballpen, video
MATERIALS presentation, and Powerpoint presentation

Activity Materials: calendar, poster paint, marker, plastic container, bond paper

PRELIMINARY ACTIVITIES 20 mins.

● Servant Reminders

● Congregational Singing

Hymn 102 Ilaw Ng Katotohanan

Hymn 79 Sa Paglaganap Ng Kasamaan

Hymn 15 Kung sa Kabuhaya'y Nagigiyagis

● Opening Prayer

● Awit ng Pagpupuri - Faith, Hope and Love

● Abuluyan

● Bible Reading

● Virtual Class Rules

REVIEW (Powerpoint) 3 mins.

Servant: Kapayapaan ng Dios ang sumaatin, MCGI Kids. Maraming salamat sa Dios sa mabuting
pagkakataon at nagkita-kita tayong muli ngayong araw na ito. Tayo ay magbalik-tanaw sa ating pinag aralan
noong nakaraang Thanksgiving. Sino ang nais magbahagi sa nakaraang pag-aaral?

INTRODUCTION (Powerpoint) 7 mins.

MCGI Servant: Sino sa inyo ang may calendar?

MCGI Kids: (ipakita ang calendar)

MCGI Servant: Alam ninyo ba na may iba’t ibang kalendaryo ang ginagamit ang mga tao ngayon? May
Chinese calendar, Arabic Calendar, Hebrew Calendar at Gregorian Calendar at marami pang iba.

Anong taon ang nakalagay sa kalendaryo ninyo?

MCGI Kids: 2023

MCGI Servant: Ok! Ang ginagamit natin na kalendaryo ngayon ay tinatawag na Gregorian calendar.

Tignan ninyo ang inyong calendar, anong araw o buwan ipinagdiriwang ang New Year? Ituro nyo nga.

(Tumawag ng ilan kids upang sumagot at ipakita ang araw ng calendar)

Note: Di po natin malalaman kung alam po nila ang Christian New Year o hindi.

Kung ang sagot nila ay January 1:

MCGI Servant: Oo, ito ang alam ng karamihang tao ngayon na ang New year ay sa January 1. Pero alam ba
ninyo na ang mga Kristiyano ay may sinusunod na calendar?

Kung alam na March 22:

MCGI Kids: Opo! March 22 po ang Christian New Year.

MCGI Servant: Magaling at alam ninyo ang araw ng New Year! Kailan ang March 22?

MCGI Kids: Mamaya, ngayon or kahapon (depende sa araw ng pagkakatipon)

MCGI Servant: Salamat sa Dios mga kids at alam ninyo ang petsa ng ating New Year ngayong taon. At sa
araw na ito iyan ang ating pag aaralan. Tungkol sa ating Christian New Year!!!

DISCUSSION (Powerpoint) 20 mins.

MCGI Servant: Ang sinusunod natin, tayong mga Kristiyano na sumusunod sa utos ng Dios ay tinatawag na
Hebrew calendar. Paki-ulit nga?
MCGI Kids: Hebrew Calendar!!
MCGI Servant: Salamat sa Dios. Kaya Hebrew Calendar ang ginagamit natin dahil ito ang sinabi ng ating
Panginoong Dios na mababasa sa Exodo 12:1-2

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi, Ang buwang
ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.
Exodo 12:1-2

MCGI Servant: Ano ang sabi ng Panginoon? (Basahin ulit)


Sumunod si Moises sa utos ng Dios at doon nagsimula ang tinatawag nating Hebrew calendar. Pakiulit nga?
MCGI Kids: Hebrew Calendar!!
MCGI Servant: Kaya doon nagsimula ang unang araw sa calendaryo ng Hebreo. At sa taong ito natapat ang
ating Christian New Year sa araw ng Mar 22, 2023 sa taong Hebreo na 5783. Ano nga ulit ang taon ng
Hebreo?
MCGI Kids: 5783
MCGI Servant: Tama! 5783 Kaya pahalagahan natin ang pagdiriwang ng Christian New Year dahil mismo
ang ating Panginoon ang nagsabi kay Moises at Aaron na, (uliting basahin ang Exodo 12:1-2) Kaya batiin
natin ang ating pamilya, kaibigan at ka-kids ng isang maligayang bagong taon!!!!!!
ACTIVITY (Supplemental Video) 15 mins.
HAND PRINT 5783

Materials: poster paint, marker, plastic container, bond paper

Ref: https://www.pinterest.ph/pin/319966748520641859/

Step 1: Ilagay ang poster paint sa loob ng plastic container

Step 2: Isawsaw ang isang kamay sa container na may poster paint

Step 3: Itatak ang kamay sa papel. Pumili ng tatlo pang kulay at ulitin ang naunang steps.

Step 4: Isulat sa itaas ng mga printed HAPPY CHRISTIAN NEW YEAR habang pinapatuyo ang pintura.

Step 5: Kapag natuyo na ang paint isulat sa unang palad ang 5, sa pangalawa ay 7, sa pangatlo ay 8 at sa
huli ay 3

Step 6: Lagyan ng designs para mas makulay at maganda

ASSESSMENT (c/o Servant) 10 mins.

Ipakita ang ginawang activity.

Mag-heart reaction kung TAMA ang sinasabi at happy reaction naman kung HINDI.

1. Ang ating Panginoong Dios ang nagsabi kay Moises at Aaron ng unang araw sa kalendaryo. (heart)
2. Gregorian calendar ang ginagamit ng mga Kristiyano. (happy)
3. Sumunod si Moises at Aaron sa unang araw ng taon sa Hebrew calendar. (heart)
4. Hindi dapat ipagdiwang ang Christian New Year. (happy)

GENERALIZATION (Supplemental Video) 2 mins.

Ang mga Kristiyano ay sumusunod sa kalendaryo ng Hebreo. Maging ang ating Panginoong Hesus ay
sumunod dito. Napakaswerte natin at binigyan tayo ng pagkakataon na malaman natin ang Christian New
Year, na hindi ito alam ng ibang tao. Happy Christian New Year!
ASSIGNMENT (Powerpoint) 3 mins.
Ipost

Ipost sa social media ang ginawang art activity at batiin natin ang ating mga kapatid at kapwa ng HAPPY
CHRISTIAN NEW YEAR!

CLOSING ACTIVITY 10 mins.

● Reminders

● Closing Prayer

● Thanksgiving Song Practice - Fiesta ng Dios (SPBB Song)

● Goodbye song

You might also like