You are on page 1of 3

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik

Pamantayan sa Pagganap: nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman


sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

I. MGA INAASAHANG BUNGA

F11WG –IVgh – 92 Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat
ng isang pananaliksik

MGA TIYAK NA MGA LAYUNIN

A. Nahihinuha ang mga katangiang taglayin ng isang mananaliksik


B. Natutukoy ang tiyak na mga katangian ng isang mananaliksik
C. Nabibigyang kabuluhan ang mga katangian ng isang mananaliksik sa pamamagitan ng
pagpapamalas ng mga mag-aaral ng kanilang mga talento

II. PAKSANG-ARALIN

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Paghahanda

MGA PAALALA BAGO MAGSIMULA ANG KLASE

a. Maupo ayon sa pangkatang naisagawa mula sa nakaraang pagkikita.


b. COPY PREVIOUS

B. Pagganyak

GAWAIN: DOMINO EFFECT

PANUTO: Pipili ang guro ng isang mag-aaral bilang pagsisimula. Siya ay sasagot sa tanong na
SINO KA BILANG ISANG MANANALIKSIK? Matapos sagutin ng mag-aaral ang tanong, Malaya
naman siyang makapipili nang susunod na sasagot sa parehong tanong.

C. Paglalahad ng Aralin

Bilang paglalahat sa gawain sa pagganyak, ang mga nabanggit ng mga mag-aaral ay mga
katangian ng isang mananaliksik.

D. Paglinang ng Aralin

A1. Aktibidades

Gawain: RED FLAG x WHITE FLAG

Mga Panuto:

1. Ang mga sumusunod na ipakikita sa klase ay maaaring taglayin ng isang


mananaliksik sa pagsasagawa ng kanyang pag-aaral.
2. Batay sa dati nang kaalaman ng mga mag-aaral na siyang nabanggit sa kursong
Practical Reseach 1, tutukuyin nila kung ang katangiang ipakikita sa kanila ay tamas
a pamamagitan ng pagtatas ng WHITE FLAG at RED FLAG naman kung hindi.
a. Maaaring baguhin ng mananaliksik ang mga kinalabasan at mga resulta.
b. Kailangang maging mapanuri ang isang mananaliksik.
c. Nagbibigay galang ang isang mananaliksik sa kanyang mga tagatugon.
d. Kailangang may sistema ang isang mananaliksik
e. Hindi mahalaga ang panahon sa isang mananaliksik. Tatapusin niya ang
kanyang pag-aaral kung kalian niya gusto.
f. Maaaring maglagay ng mga resultang walang batayan ang isang
mananaliksik.
A2: Analisis

Gawain: PAGHAHANAY SA PARAANG PAKATEGORYA

Mga Panuto:

1. Mayroong folder na ibibigay ang guro sa bawat pangkat ng mga mag-aaral.


2. Bawat folder ay naglalaman ng ilang katangiang dapat taglayin ng mananaliksik.
3. Sa loob ng limang (5) minuto, kanilang susuriin ito kung sa aling kategorya ito
maaaring nakapangkat.
4. Matapos mapagpasyahan ng lahat ng mga kasapi, ipapaskil nila ito sa hanay ng
kategorya ng kanilang hinuha, HANAY A, HANAY B, HANAY C, HANAY D AT HANAY E
5. Mayroong limang (5) kategorya sa pisara. Ginawa ng guro ang unang sagot sa
bawat kategorya bilang halimbawa.

TANONG:

Suriin natin ang bawat paraan ng pagpapangkat ninyo. Sa palagay ninyo, bilang isang
mananliksik at batay sa pagbibigay katuturan natin sa mga katangiang ito, maaari niyo
bang ilahad ang mga katangian ng isang mananaliksik sa isang salita lamang?

1. Sa Kategorya 1 (MASIPAG)?
2. Sa Kategorya 2 (MATIYAGA)?
3. Sa Kategorya 3 (MAINGAT)?
4. Sa Kategorya 4 (SISTEMATIK)?
5. Sa Kategorya 5 (MAPANURI)?

A3: Abstrak

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa palagay ninyo, paano nagiging makabulunhan sa isang mananaliksik ang


pagkakaroon ng mga nabanggit na mga katangian?
2. Maaari ba kayong magbigay ng ilang halimbawang sitwasyon kung kalian may
malaking tulong ang mga ito sa pagsasagawa hanggang sa ikatatagumpay ng iyong
pag-aaral?

A4: Aplikasyon

Gawain: PAG-UNAWA KO, ITATANGHAL KO!

Mga Panuto:

1. Sa pamamagitan ng maisagawa nang pangkatan sa klase batay sa kani-kanilang


mga talento:
a. Pangkat 1 – PAGSAYAW
b. Pangkat 2 – PAGGUHIT
c. Pangkat 3 – PAGTUTULA
d. Pangkat 4 – PAG-ARTE
e. Pangkat 5 – PAG-AWIT
2. Bibigyang kabuluhan nila ang bawat katangian ng isang mananaliksik. Magkakaroon
ng draw-lots ang bawat pangkat ng mga katangiang itatanghal nila nang malikhain
ang mga katangiang naatas nila sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang mga
talent.
3. Ang mga ito ay isasagawa sa isang tape recorded na paraan at iu-upload sa link na
https://drive.google.com/drive/folders/1mPcUh1_VSAKn9oAsUQcS0BFsuPyGg-Nl?
usp=drive_link.
4. Ang nasabing gawain ay mamarkahan sa pamamagitan ng RUBRIKS na ito:

MGA PAMANTAYAN ISKOR

Malinaw na paglalahad ng mensahe ------------------------ 35

Organisasyon --------------------------------------------------- 30

Tanghal --------------------------------------------------------- 20

Balarila ---------------------------------------------------------- 15
IV. PAGTATAYA

PANUTO: WAW-WERS! Lagyan ng WAW kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at WERS
naman kung hindi.

(INSERT KATANGIAN FROM PREVIOUS ACTIVITY)

V. KASUNDUAN

Sa inyong activity notebooks, maglista ng tatlong (3) tanong pampananliksik na pasok sa inyong
hilig o interes. Ilahad ito sa klase sa susunod na pagkikita.

MGA GAWAING MAY PAGKILING SA KATANGI-TANGING MGA MAG-AARAL

Para sa mga IP:

Maaaring iugnay ang gawaing PAG-UNAWA KO, ITATANGHAL KO sa kinagisnang kultura


mayroon sila.

Para sa mga mag-aaral na hindi nakamit ang itinakdang marka:

Magsulat ng isang maikling naratibo tungkol sa araw-araw na mga sitwasyong maaaring


maiugnay sa pananaliksik.

Inihanda ni:

ROELYN B. BAGONOC

Guro II -SHS

You might also like