You are on page 1of 135

HE'S MY GIRL!

by fedejik

Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman


ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal
lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi
tuluyang mawala ang pangarap nito dahil lang sa maling operasyong pinagdaanan nito.
Pero dahil na rin sa kanyang kapabayaan, nahuli siya ng leader ng grupo. Ang gwapo
at masungit na si Tae Kyung Hwang. Ang lalaking lihim niyang minamahal.

=================

Chapter 1

Post ko ulit para d'un sa matagal na pala nilang nasa library at 'di nabasa. Sorry
po if unpublished ko kasi po e HIRAM lang naman ang story na 'to. Ako man po
nagsulat, 'yung plot ay hawig talaga sa Koreanovela. Tulad po nang sabi ko, hindi
naman ako propesyonal na writer dati. Wala akong alam sa kahit ano. Basta mailabas
ko lang ang pagka-adik ko sa napanood ko sa pamamagitan pagsusulat, masaya na ako.
So, kapag po may pumuna ulit dito, unpublished ko na lang ulit. Alam ko namang 'di
puwede i-publish 'to if ever. Wala pong mawawala sa akin. Pero para mapagbigyan
ang loyal readers, sige po i-repost ko ulit. God bless po.

Published: October 7, 2012

Old A/N

hello everyone! this is my version of Korean soap "You're Beautiful". But the
thing is, nag-focus lang ako sa dalawang character here, kay Minam Go at Tae Kyung
Hwang. Medyo maiiba ang dating ng story sa kalagitnaan... kasi I wrote it the way
I want it. hehe :) which is cute naman I guess... (assumera lang!). Anyway, thanks
for dropping by, sana makapagbasa po kayo kasi cute din po ang story nito...
(hoping... ma--appreciate nyo). Like I said sa profile ko, avid fan din po ako.
Kaya pagpasensyahan nyo na ang kabaliwan ko hehe :D

********

CHAPTER 1

Kabadung-kabado si Gemma nang araw na iyon dahil iyon ang unang araw ng kanyang
pagpapanggap bilang lalaki. Napilitan siyang lisanin ang kumbento alang-alang sa
kahilingan ng kakambal na kapatid na pumalit muna sa kanya habang siya'y
nagpapagaling mula sa palpak na surgery na ginawa sa kanya. At dahil sa pagmamahal
sa kapatid ay napilitan siyang gawin ang kahilingan nito kahit na nga alam niyang
malaking kasalanan ang gagawin niya. Dasal na lamang niya'y tuluyan nang maka-
recover ang kapatid bago pa man siya mabuking sa gagawin niya.

"Ready ka na, sister... I mean Minam pala..." Ang manager ng


kapatid niya na nakiusap rin nang husto sa kanyang magpanggap.
"H-hindi po kaya tayo mabuking?" Alanganin pa niyang tanong at
talaga namang nanlalamig siya.

"Ano ka ba? You and Minam are too identical even with your voice.
There's no way na madi-differentiate ka nila from him."

"Natatakot po ako..." Kung marahil wala man lang siyang make-up sa


mukha ay baka kitang-kita ang pamumutla niya.

"Contract signing pa lang naman. You don't have to sing kaya relax
ka lang." Bahagya pa niya itong tinapik sa balikat. "Let's go, naghihintay na sa
atin si Mr. Han."

Tumango na lang siya bilang sagot. Pero sa totoo lang ay para


siyang hihimatayin sa kaba.

Pagpasok pa lang nila ng opisina ay agad na sumalubong sa kanila


ang handler ng A.N.Jell Boy Band, si Mr. Han.

"There you are, Minam!" Tuwang-tuwa pa nitong sinalubong nang


yakap ang tila naman tinulos na kandilang si Gemma. Papaano naman ay dikit na
dikit ang katawan nito sa kanya. Panay ang dasal niyang hindi nito mahalatang
ibinalot niya ang dibdib ng tape at girdle. "You're so good looking..." Nakangiti
pa nitong sabi at bahagyang umiling-iling habang mataman itong tinititigan. "You
look more of a girl to me!"

"Po?!" Napalunok pa siya.

"Mas gwapo ka pa kay Tae Kyung ngayon! He must be threatened!"


Tuwang-tuwa talaga ito. "Welcome to the most famous of all bands in the world!
A.N.Jell!" Inilahad pa nito ang kamay.

"T-thank you po..." Tumango pa siya dito at kinamayan ito.

"Nanlalamig ka..." Puna pa nito. "Relax ka lang! Contract


signing pa lang ito." Malakas pa nitong tinapik sa balikat ang nasaktan namang si
Minam (originally Gemma).

"Opo..." Makahulugan pa niyang tiningnan ang manager na si Mr. Lin


at itinuro ang nasaktang balikat.

"Seat right here, Minam..." Pinaupo pa siya ni Mr. Han. "Sign the
contract!" Agad pa nitong ibinaba ang ilang piraso ng papel na pipirmahan niya.
Kahit na nga nanginginig ang mga kamay ay pinirmahan na nga niya
ang kontrata. Ni hindi na nga niya nakuhang basahin ang nilalaman niyon.

"Aren't you gonna read it?" Taka pa ito.

"Hindi na po. Nasabi naman na po ni Mr. Lin ang nilalaman n'yan."

"Okay, ikaw ang bahala." Tumangu-tango pa ito. "Oh Tae Kyung!"


Baling pa nito sa leader ng grupo na halos magpatigas ng kalamnan ni Minam. "Just
on time! Kakapirma pa lang ni Minam ng contract." Bungad pa niya sa seryosong
leader ng kanyang A.N.Jell.

"This isn't final yet." Matalim pa nitong tinitigan sa mukha ang


tila malulusaw namang si Minam sa mga pagkakataong iyon. "Give me that!" Mabilis
pa nitong inagaw ang kontrata sa kamay ni Mr. Han. "Come with me!" Agad din
niyang dinaklot ang kamay ni Minam at hinila ito papunta kung saan.

Agad namang nataranta si Mr. Lin lalo na nga't wala siyang alam sa
possibleng gawin ni Tae Kyung.

Nang humantong sila sa studio ay agad na nag-lock si Tae Kyung ng


pinto at iniharap si Minam sa dalawa pang kasamahan sa A.N.Jell.

"Siya na ba si Minam?" Si Jeremy na mataman pang tinitigan sa


mukha ang tila takot na takot na bagong miyembro nila.

"Yeah..." Tatangu-tango lang si Tae Kyung habang mataman pa rin


itong pinagmamasdan.

"He looks taller sa picture... but in person, maliit lang pala."


Ipinantay pa nito ang height sa inaakala nilang lalaki.

"Oo nga..." Si Shin Woo na seryoso ring tumitig dito. "P-pero mas
gwapo siya kay Tae Kyung. Sobrang soft physique niya."

"I don't care!" Pasuplado pang sagot naman ni Tae Kyung at muling
binalingan ang tahimik pa ring si Minam. "Prove to me, that you're worth a slot
here. Sing any song you like."

"K-kanta?" Mas lalo yata siyang kinabahan.

"Yeah, bingi ka ba?" Sarkastiko pa itong ngumiti.


"K-kasi..." Lumunok siya at nangapa nang sasabihin. Ibig na sana
niyang magtatakbo palabas. Pakiwari niya'y hindi niya kakayanin. Bumaling siya
kay Mr. Lin na nasa labas lang ng studio at alalang-alala.

"Hindi mo ba kaya?" Naniningkit pa ang mga mata ni Tae Kyung.

"K-kasi..." Kulang na lang ay mamawis siya nang husto kahit pa


malamig ang aircon.

"I get it..." Tangka na sanang pupunitin ni Tae Kyung ang contract
nang magsimula nang kumanta si Minam.

Do you believe in love the way that I do...

Hmmm... and when you finds the one...

wherever you go, I'll travel with you.

What can I say? where do I start?

To pick up the pieces of your broken heart...

Tell me one more time, why your heart cannot be mine.

Look into my eyes and say that love has gone,

and I'll be man enough to walk away...

Tell me one more time, why your dreams cannot be mine,

coz I won't believe it's true, until I hear it from you...

Pare-parehas silang napatanga matapos ang maikling kanta na iyon ni Minam.

"Man, he's good! That's Gareth Gates song, right? You're really
good!" Hindi makapaniwala si Jeremy. "I had goose bumps everywhere!" Hinimas pa
nito ang balat sa braso dahil sa nagtayuan niyang balahibo.
"No wonder, Mr. Han is so excited about him being part of
A.N.Jell." Si Shin Woo na hindi rin naiwasan ang humanga.

Si Tae Kyung naman ay hindi na nagawang makapagsalita pa sa mga


pagkakataong iyon. Sa halip ay muli na lang niyang ibinalik ang contract kay Minam
at tahimik na umalis.

"I think that's a yes from Tae Kyung." Si Jeremy na matamis pang
ngumiti sa kanya.

"Welcome, Minam." Si Shin Woo na tinapik lang din siya sa balikat


bago sumunod kay Tae Kyung.

"Good luck, Minam!" Si Jeremy na tinapik lang din siya sa balikat


at sumunod na rin sa dalawa.

Noon na din nakapasok si Mr. Lin na sobrang nag-alala na mabuking


sila.

"Are you alright?" Mataman pa niyang tiningnan sa mukha si Minam


na namamawis gayong napakalamig naman sa studio.

"Yeah, I think so." Noon na rin siya nakahinga nang maluwag.


Mabuti na lang din pala at napaglabanan niya ang kaba.

"I never thought you were as good as your brother. You nailed it!"
Tuwang-tuwa pa ito lalo na nang makita ang manghang mukha ni Tae Kyung kanina. Sa
lahat kasi'y ito ang pinaka-mahirap i-please sa lahat.

"Do you think hindi tayo mabubuko ng mga iyon?"

"We'll be careful, don't worry." Hinagod pa niya ang likod nito.


"Besides, may sarili ka namang kwarto. Palagi ka na lang maglo-lock."

Tumango siya sa sinabi nito. Wala naman na siyang pagpipilian pa.


At alam niyang simula pa lang iyon ng mga bangungot niya.

=================

Chapter 2

Published: October 7, 2012


CHAPTER 2

May kung iilang araw pa lang ding naglalagi si Minam sa mansion ng A.N.Jell ay tila
taon na ang pakiramdam niyang inilalagi doon.  Masyado kasing mapagmatyag sa kanya
si Tae Kyung.  Tila hindi siya gusto nito na ewan.  Gayunpaman, sa lahat ng
miyembro ng banda, ay ito lang ang tila natatangi sa kanyang mga mata.  Papaano
naman kasi'y napaka-gwapo nito kahit pa walang make-up.  Tila sanggol ang balat at
talaga namang artistahin talaga.  Gwapo rin naman sina Shin Woo at Jeremy pero
marahil dala nang sobrang pagkasuplado ni Tae Kyung ay nakadagdag karisma pa iyon
sa pagkatao nito.

                "Hey, Minam!  Tumugtog ka nang maayos!  Wala ka sa tono!"  Sita pa


sa kanya ni Tae Kyung habang nagre-rehearsal sila.

                Sa halip na magsalita ay pinigilan lang niya ang emosyon.  Sa


tantiya niya'y hindi ubrang magpaka-sensitive siya at mabubuking lang siya ng mga
ito.

                "Kaya mo 'yan, Minam."  Si Shin Woo na pinaka-mabait sa lahat. 


Palagi itong nakangiti sa kanya at pinapalakas ang loob niya.

                "Salamat."  tumango lang siya dito at muling tumipa sa piano.  Alam
niyang kailangan niyang pagtiisan lahat para sa pangarap ng kapatid.

               

                May kung ilang araw ding ganoon ang gawain nila sa banda.  Non-stop
rehearsal ng mga kanta dahil siya ang pinakabago at sinasanay talaga siya ng mga
ito.  Pinaka-tutok sa kanya si Tae Kyung na hands-on pa sa ginagawang pagtuturo sa
kanya.

                "Ready ka na, Minam?"  Si Mr. Lin na pasikreto pa siyang tinawag


mula sa studio.  "I heard, i-launch ka na ni Mr. Han, sometime next week."

                "Next week na?!"  Nagdudumilat pa siyang tumitig dito.  Sa tantiya


niya'y hindi pa niya kayang humarap sa maraming tao.               

                "Yeah, next week."  Kumunot pa ito.  "Don't tell me, ngayon ka pa
magback-out?" 

                "Puwede ba?"  Sumamo pa niya at bigla na naman siyang kinabahan.

                "No!"  Mabilis pa nitong tanggi.  "Lakasan mo nga 'yang loob mo!"

                "Kailan ba gagaling si Minam?"  Pagmamaktol pa niya.  "Iilang araw


pa lang ako dito, feeling ko anytime soon, mabubuking na nilang babae ako!"

                "Hey, hey... sssshhhh...."  Mabilis pa nitong tinakpan ang bibig ng


babae.  "You can't be soft here.  Magpakalalaki ka!"

                "Pero girl ako!"

                "Hey, hey!"  Muli ay awat nito.  "I said stop!  Kaya mo 'yan okay? 
Do your best and I'll be your biggest supporter.  Akong bahala sa'yo."

                "Paano kung mabuking tayo?  Ang hirap gumalaw mag-isa."  Alalang
sabi pa niya.  Hindi na siya komportable sa ginagawa niya.

                "Hmm...."  Malalim pa itong  nag-isip.  "I knew someone we can


trust..."

                "Huh?  Sino naman?"

                "'Wag mo muna isipin."  Umiling pa ito sabay ginulo ang buhok
nito.  "Trust me on this one, okay?  Bumalik ka na sa studio at mukhang totopakin
na naman si Tae Kyung."  Pagtataboy pa nito.

                "Sige..."  Bumuntong-hininga siya.  Papaano nama'y walang panahon


na hindi siya sinungitan ng lalaki.

               

                At tulad ng pangako ni Mr. Lin sa kanya ay ipinakilala siya nito sa


personal assistant nitong si Mya.

                "Minam, this is Mya."  Pakilala pa nito sa maganda at matangkad na


babae.

                "Hello..."  Makahulugan pa itong ngumiti habang matamang sinusuri


si Minam mula ulo hanggang paa.  "She's really pretty, Mr. Lin even if she's hiding
on her disguise."

                "Huh?"  Makahulugan pa niyang tiningnan ang manager niya.

                "I told her already..."  Pagkumpirma pa nito sabay marahang


tumango.  "I thought you need a back-up?  Here she is... She's the only one I can
really trust."

                "Talaga?"  Lumuwag ang kanyang ngiti at kahit papaano'y malaking


relief sa kanyang hindi lang sila ni Mr. Lin ang nakakaalam ng sikreto nila.

                "At least, hindi ka na maiilang magpalit-palit ng disguise mo. 


You'll get a helping hand from her."  Matamis na matamis pa ang pagkakangiti nito.

                "Don't worry, Minam.  Partners in crime na tayo simula ngayon." 


Muli ay kumindat ito at makahulugang ngumiti kay Mr. Lin.  "And anyway, I'll be
paid accordingly right, Mr. Lin?"

                "Nothing has changed with our previous chat, Mya."  Umiling-iling
pa ito sa itinuturing na ring matalik na kaibigan.  Mabuti nga't napapayag niya
itong maging personal assistant ni Minam kahit na nga abala ito sa pagta-trabaho sa
opisina ng A.N.Jell.  "Basta alagaan mo lang si Minam at wala tayong magiging
problema."

                "You can count on it!"  Nakangiting paniniguro pa nito.  "Tara


Minam, kuwentuhan naman tayo.  Nagma-madre ka pala 'no? Sayang naman ang beauty mo
d'un."  Kinayag na nito palayo ang babae kay Mr. Lin.

~~

                At tulad nang inaasahan, dumating na nga ang araw na pinakahihintay


nila.  Ang launching ni Minam bilang pinakabagong miyembro ng A.N.Jell.  Kabadung-
kabado man ay napagtagumpayan pa rin naman niya ang humarap sa maraming tao lalung-
lalo na sa media.  Matapos noon ay nag-celebrate naman sila sa isang bar na
nirentahan pa talaga ni Mr. Han na exclusive para sa Media Partners at crew ng
A.N.Jell.

                "Hey, hey, Minam!"  Si Mr. Lin na agad pang inagaw ang hawak na
wine nang tila lasing na babae.  "How many of this have you consumed?"  Concerned
pang tinitigan nito ang babae.

                "I don't know..."  Wala pa sa sariling sagot niya.  Kanina pa siya
nakakaramdam nang hilo at mainit din ang pakiramdam niya sa katawan.

                "You stay right here at ikukuha kita ng tubig.  Kahit pa wine 'yan,
nakakalasing rin kapag sobra lalo na nga't hindi ka naman marunong uminom."

                "Ano ka ba, Mr. Lin..."  Pigil pa niya dito at mabilis na umiling. 
"Okay lang ako!  'Wag mo akong alalahanin pa."  Tinapik pa niya sa balikat ang nag-
aalalang manager.

                "I'll find Mya.  Wait right here, okay?"  Tarantang sabi pa niya. 
Alam niyang lasing na si Minam at hindi mabuti 'yun para sa kanila.  Possible
silang mabuking kapag hindi nag-ingat.

                "Okay, okay..."  Alanganing sagot pa niya at pakiwari niya'y


maduduwal siya.

               

                Saktong pagkaalis naman ni Mr. Lin ay siya namang pagsulpot ni


Jeremy.

                "Hey, Minam.  Are you enjoying the party?"  Inakbayan pa nito si
Minam.

                "O-oo..."  Nakangiting sagot pa niya at pasimpleng tinanggal ang


kamay nito na nakapatong sa balikat niya.  "Nasaan ang comfort room?" 

                "Samahan na kita, mukhang may tama ka na, e."  Sabi pa nito.

"Hindi, ayos na. Ako na lang."  Tanggi pa niya dito.

Pero sa halip na makinig ay hinila siya nito papunta sa ikalawang palapag.

                "Jeremy, okay na ako..."   Pigil pa niyang samahan siya nito


hanggang sa loob ng comfort room.

                "Are you sure?"  Nag-aalala lang din siyang magkalat ito at malagay
sila sa dyaryo dahil sa kapalpakan nito.

                "Yes..."  Tumango pa siya at tipid na ngumiti.

                "S-sige... Ikaw ang bahala."  Alanganin pang sagot nito at 
kakamut-kamot ng ulong lumayo.  Paling na kasi ang lakad nito kanina pa.

                Ngunit bago pa man siya pumasok sa comfort room ay wala pa sa loob
niyang naghubad ng coat.  Siya namang pagsulpot ni Shin Woo galing sa banyo.

                "Mukhang lasing ka na, Minam."  Puna pa nito sa mapulang mukha ng


kabanda.

                "Huh?"  Gulat na gulat siya sa biglaang pagsulpot nito at agad ulit
niyang isinuot ang coat.

                "Maghubad ka na ng coat. Sobrang init dito sa loob.  Para bumuti


rin ang pakiramdam mo."  Tangka pa nitong tatanggalin ulit ang coat ni Minam pero
agad din itong tumanggi.
                "H-hindi na!  Okay na ako... Nilalamig nga ako..." 
Pagsisinungaling pa niya.

                "Nilalamig?"  Sarkastiko pa itong ngumiti.  "Kaya pala pawis na


pawis ka..."  Iiling-iling pa ito.

                "Huh?"  Noon na lang niya na-realized na naliligo na siya sa pawis


kaya't agad rin siyang nag-isip ulit nang dahilan.  "M-may mga press dito...
Nakakahiya naman kung makikita nilang hindi maayos ang damit ko diba?"  Alanganin
pang sabi niya.  Hindi niya alam kung tama bang rason 'yun o papaano.

                "Okay then, sa roof top ka na lang muna.  Para malamigan ka rin ng
kaunti."

                "Oh, saan 'yun?"  Nagliwanag ang kanyang mukha at nakahinga-hinga


siya nang maluwag.

                "Stairs from the right..."  Itinuro pa nito ang hagdan.  "Ikukuha
lang kita ng tea para mawala-wala 'yan."  Tinapik pa niya ito sa balikat bago
tuluyang lumayo.

                Kaya naman sa kagustuhang makahinga muna sa mapanuring tingin ng


iba ay pumunta nga muna siya sa roof top.

                "Wow, ang ganda naman dito."  Buong laya pa niyang ibinulalas ang
nararamdaman.  Ni hindi alintanang nandoroon pala si Tae Kyung.

                "Minam!"  Malakas pang tawag niya dito.

                "Tae Kyung?!"  Gulilat pa siya sa pagkakita dito.  Akala pa naman


niya'y nag-iisa siya doon.

                "Umayos ka nga!"  Kunot-noo pa ito.  "Mukhang lasing ka na.  Baka


magkalat ka pa dito."  Panunungit pa niya dito.

                "Ssshhh... Okay lang ako.  At tsaka wala namang tao dito."  Ngumuso
pa siya at umirap.  Pero hindi rin nagtagal ay bigla na lang niyang naramdamang
masusuka na siya.

                "W-what?"  Alarma pang tanong niya dito nang mapansing bahagya na
itong nagdududuwal.

                "Masusuka ako,"  at noon na ito sumuka sa harapan pa mismo ng


lalaki.
                "What the fuck!"  Diring-diri naman si Tae Kyung sa mga
pagkakataong iyon.  "Lumayo ka nga!  Kadiri ka!"  Irita pa itong dumistansya rin.

                "Selan naman nito..."  Umismid siya.  Naniningkit ang mga matang
umirap dito at pumuwesto sa upuan.  Hindi na niya pansin ang kanyang ginagawa sa
mga pagkakataong iyon dahil tinatalo na siya nang pagkahilo.

                "Stay out of the ledge, you idiot!"  Saway pa ni Tae Kyung nang
makita itong tumuntong pa talaga sa upuan at nagdididipang parang si Superman.

                "Wow, ang daming stars... Hanep!"  Pumikit siya at ninamnam ang
lamig ng simoy ng hangin.  Unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya na parang ibig
na niyang mawalan ng balanse.

                "Are you deaf?!  Bumaba ka nga d'yan!"  Galit pang lumapit si Tae
Kyung dito.

                Kasunod noo'y dumating rin sina Jeremy at Shin Woo na mabilis ding
lumapit sa kanila.

                "Hey, Minam!  Bumaba ka na d'yan!  Baka malaglag ka pa!  Tsk!" 


Iiling-iling pa si Jeremy.

                "Minam, baba na..."  Si Shin Woo na hindi rin mapigilan ang mag-
alala.  Mataas ang kinakatayuan nito at alam nilang possibleng malaglag si Minam sa
kalasingan.

                "Okay lang ako.  Ano ba kayo?"  Nakangisi pang umiiling-iling si


Minam.  Ibang-iba na talaga ang pakiramdam niya.  "Guys, lumilindol yata...
Gumagalaw ang lupa..."  Takot pang sabi niya habang pinapakiramdaman ang
kinakatayuan niya.  Nilingon niya ang mga kabanda at mabilis na nagdoble ang tingin
niya sa mga ito.

                "Silly, ikaw lang 'tong lasing!"  Si Jeremy na panay din ang kamot
ng ulo.  "Wine pa lang ang tinira niyan, ganyan na 'yan!  What more kung alak pa
talaga..." 

                "Wine?  Nalasing?"  Napaawang ang labi ni Tae Kyung sa sobrang


pagkagulat.  Hindi makapaniwalang iyon lang ang ininom nito.

                Pero gayon na lang din ang pagkataranta nilang lahat nang bigla
itong nawalan ng balanse at tuluyang babagsak sana sa upuan.  At dahil si Tae Kyung
ang pinaka-malapit ay ito na rin ang nakasalo kay Minam.  Pero isang pangyayaring
hindi makakalimutan ng lahat ay nang magkadikit ang labi ng dalawa matapos na
mapahiga rin si Tae Kyung dahil sa pagkakasalo niya dito.

                Wala naman nang nakapagsalita pa sa dalawa dahil sa nasaksihan. 


Ngumiwi si Jeremy na para bang diring-diri sa accidental kiss ng dalawa.

                "Bull shit!  Kadiri ka, Minam!  Kadiri ka!"  Panay pa ang pahid ng
panyo ni Tae Kyung sa labi nito at nagmamadaling umalis.

                "Tae Kyung!"  Agad naman ding napasunod si Jeremy dito.

                "You're dead, Minam..."  Pabulong pang sabi ni Shin Woo habang
inaalalayan itong makatayo.  Pero gayon na lang din ang pagkagulat niya nang
biglang mapaliyad ito at lumitaw ang makinis na makinis na leeg nito. 

"Minam..."  Kumunot siya at mataman pa sana niya itong pagmamasdan nang bigla na
lang din dumating sina Mr. Lin at Mya.

                "Minam!  Are you alright?"  Alalang-alala pa nitong inagaw ang


kamay ni Minam na nakaakbay sa balikat ni Shin Woo.

                "He's okay.  Muntik na siyang malaglag dito sa upuan pero nasalo
naman siya ni Tae Kyung."  Muli ay mataman niyang pinagmasdan si Minam.  Noon na
lang niya napansin ang tila kakaiba dito.

                "Mr. Lin, tara na, iuwi na natin si Minam."  Si Mya makahulugan
pang tiningnan si Mr. Lin.

                "Oh yeah, Shin Woo, una na kami."  Paalam pa ni Mr. Lin at
mabilisan nilang inialis si Minam doon.

                "O-okay..."  Tatangu-tango na lang niyang inihatid nang tingin ang


tatlo.  Duda siya sa pagkatao ni Minam.  Kumbakit kasi hindi niya pansin agad na
kakaiba ito sa kanila.  At handa siyang alamin lahat iyon upang tapusin ang
pagdududa niya.

=================

Chapter 3

Published: October 7, 2012

CHAPTER 3

Kinabukasan pagkagising pa lang ni Minam ay agad pa siyang kinompronta ni Jeremy


patungkol sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Tae Kyung.

                "Don't tell me, you don't remember?"  Kunot-noo pa si Jeremy habang
pinagmamasdang maigi ang mukha ni Minam.

                "Ang a-alin?"  Kinakabahan na siya hindi pa man.  Wala talaga


siyang maalala kahit na ano.  Basta't ang alam niya nalasing siya nang husto.

                "You're a dead man!"  Panakot pa ni Jeremy. 

                "Ano ba nangyari?  'Di ko talaga maalala..."  May kasama pang iling
na sagot niya.

                "You're such an idiot!"  Kinutusan pa siya ni Jeremy sa ulo. 

                "A-aray naman..."  Ngumiwi siya dahil nasaktan sa panggagatok nito.

                "Nakakadiri ka, Minam!  Iwww....."  Kinikilabutan pa rin talaga


siya sa tuwing maaalala ang eksena ng dalawa.  "Try to remember the last thing that
ever happened to you!"  Pagpipilit pa nito.  "Nalaglag ka sa upuan and sinalo ka
niya!  You accidentally kissed him after you vomit a lot!"  Diring-diri pa rin ang
hitsura nito.

                "Huh?!"  Gulat na gulat siya.  Hindi siya makapaniwala sa kuwento


nito.

                "K-kaya ba ako may s-sugat sa lips?"  Agad pa niyang sinalat ang
labi niya.

                "Stop doing that infront of me..."  Saway pa nito dahil nakaramdam
siya nang kakaiba sa ginawang iyon ni Minam.

                "S-sorry...."  Kinagat niya ang labi at ngayon pa lang ay hindi na


niya alam kung papaano lalapitan si Shin Woo.  Napakabuti pa naman ng lalaki sa
kanya.  Nahihiya talaga siya sa nangyari.

                "Go!  Mag-sorry ka na!"  Pagtataboy pa nito.

                "S-sige..."  Taranta pa siyang tumayo.  Hindi talaga siya makaalala


nang kahit na ano.

                Pagpasok niya sa kusina ay nabungaran niya roon si Shin Woo na


abalang-abala sa pagtitimpla ng kape.

                "Minam..."  Tipid pa siyang ngumiti dito.

                "Shin Woo..."  Tumango pa siya dito at alanganing ngumiti.


                "Coffee?"  Alok pa nito.

                "Please..."  Tumango siya.  Hindi niya alam kung papaano


magsisimula.

                "Seat right here."  Kinabig pa niya ang upuang malapit sa


kinakaupuan niya.

                Agad naman ding sumunod ang inutusan.  Halos manlamig nang husto si
Minam sa mga pagkakataong iyon.

                "How are you feeling?  May hang-over ka pa ba?"  Tanong pa niya
sabay lapag sa tapat nito ng brewed coffee.

                "Medyo may kaunti pa pero okay lang 'to."  Alanganin pang sagot
niya.

                "Grabe, lasing na lasing ka kagabi."  Nakangisi pa nitong inalala


ang lahat at makahulugan itong tinitigan.

                "Shin Woo... sorry ha.  Hindi ko sinasadya."  Sa wakas ay nasabi


rin niya kahit na halos himatayin siya sa sobrang kaba.

                "Why are you apologizing to me?  Kay Tae Kyung ka dapat mag-
sorry."  Iiling-iling pa ito.

                "Kay Tae Kyung?!"  Hindi siya makapaniwala.  Akala niya'y ito na
ang nahalikan niya!

                "Yeah..."  Alanganin pa itong tumango.  "You don't really remember


a thing?"  Taka pa ito habang matamang pinapanood ang mga ekspresyon nito.

                Tumango lang siya bilang sagot.  "Kagabi kasi ang first time kong
makatikim ng wine... akala ko hindi nakakalasing..."

                "Really?"  Hindi ito makapaniwala.  "I even thought about that too 
but I guess, on your case, nakakalasing na rin pala ang wine?"  Natatawa pa nitong
sabi.

                "I'm dead..."  Wala pa sa sariling sabi niya.  Hindi niya ma-
picture kung papaano ang gagawin sa kanya ni Tae Kyung.  Hindi siya manhid para
hindi maramdaman ang pagkadisgusto nito sa kanya.  At ngayon ay dinagdagan pa niya
ang inis nito.
                "Tae Kyung is the king of cleanliness."  Hindi naman niya
sinasadyang manakot pero kilalang-kilala talaga niya ang leader nila.  "He's really
pissed off."

                "Hindi ko naman sinasadya."  Kinakabahan pang sabi niya. 


Pakiramdam niya'y matatapos na ang career niya.

                "Let's just hope he won't act drastically about this."

Natahimik siya sa sinabi nito.

                Hindi pa man ay gusto na niyang lumubog sa kinakaupuan. 


Paniguradong katakut-takot na sermon ang aabutin niya kay Tae Kyung.

                Kaya naman bilang paghahanda sa gagawin niyang pagso-sorry ay


iginawa niya ito nang masarap na lugaw.  Idinarasal na lang niyang hindi na mainit
ang ulo nito.

                Marahan pa siyang kumatok sa kwarto nito kahit na nga tila


hihimatayin na siya sa kaba.

                "Pasok!"  Sagot naman ni Tae Kyung mula sa loob.

                Agad namang pinihit ni Minam ang seradura ng pinto.  Agad din
niyang nabungaran ang matalim na titig sa kanya ng lalaki.

                "Tae Kyung..."  Alanganin pa siyang pumasok.

                "Don't go near me, you filthy gay!"  Banta agad nito.

                "Tae Kyung, sorry na oh... Hindi ko naman sinasadya. Lasing na


lasing talaga ako kagabi. Sorry talaga."  Panay ang hingi niya nang paumanhin.

                "You don't know?"  Kunot-noo pa nitong hinila papasok si Minam at


ipinakita dito ang nasugatan ring labi nito.  "See this?"

                "S-sorry...."  Yumuko siya at mariing kinagat ang labi.  Hindi siya
makapaniwalang first kiss pa niya ang lalaki ngayon.

                "I don't need you in my band!"

                "Please, Tae Kyung, 'wag naman gan'un,"  Sumamo pa niya.  "I'll do
everything para lang patawarin mo ako.  Huwag mo lang akong tanggalin sa band
n'yo.  Please. Sorry talaga."  Pagmamakaawa pa niya.

                "Hmm, I need to get even with you."  Naniningkit pa nitong sabi.

                "I-ipinagluto kita ng lugaw..."  Itinaas pa nito ang hawak na


mangkok na lugaw.

                Pero sa halip na tanggapin iyon ay tinabig pa iyon ng lalaki. 


Tumapon ang lugaw sa sahig at nagkalat iyon sa harapan nila.  Hindi siya
makapaniwalang magagawa noon 'yun.

                "Tae Kyung?!" 

                "A punch on the face will do."  Gigil pa nitong pinagdaop ang
dalawang palad.  Tila pinaghahandaang manuntok na talaga.

Lumunok si Minam at alarmang nagtatakbo.

                "No!"  Sigaw pa niya habang tumatakbo palayo dito.

"You're so dead, Minam!"  Galit na sigaw pa nito.

Halos maikot nila ang buong kwarto sa paghahabulan.

Pero aksidenteng natapakan din niya ang lugaw na nagkalat sa sahig at aksidenteng
nadupilas.  Bumagok ang ulo niya sa sahig at tuluyang nawalan nang malay.

~~

                "Look what you've done, Tae Kyung?!"  Pigil ang galit ni Mr. Lin
lalo na nga't muntik pang ito ang makapanakit kay Minam.

                "I was about to give him a punch on the face but he ran away.  It's
not my fault anymore kung nadulas man siya."  Unismid pa siya at pilit na
ikinukubli ang pag-aalala.  Nakita kasi niya kung papaano ito bumagsak kanina at
natakot din siya para dito.

                "You're impossible!"  Pigil na pigil pa rin siya lalo na nga't alam
niyang puwede siyang pag-initan nito.

                "Why is he so afraid of the punch?"  Taka pa ito.  "Maybe he's


really gay."  Sarkastiko pa nitong sabi.
"Huh?!"  Kumunot pa siya at palihim na tumingin kay Mya na sobra ring nag-alala.

"Look, the doctor says he'll be fine.  So, better stop giving me the face."
Parungit pa nito at naniningkit ang mga mata sa inis.

"Pasalamat ka at walang masamang nangyari kay Minam."

"Pasalamat?"  Kunot-noo pa ito.  "I don't like him.  He's out on the band!"  At
noon na ito tumalikod.

"Ano?!  Tae Kyung!"  Tarantang hahabol pa sana si Mr. Lin nang pigilan siya ni Shin
Woo.

"Hayaan n'yo na lang muna po siya.  Mainit pa ang ulo kaya gan'un."  Tinapik pa ito
ni Shin Woo sa balikat.

"Paano kung paalisin nga niya si Minam?"  Alalang-alala na siya hindi pa man. 
Kilala niya si Tae Kyung.  Batas ang salita nito.

"It's Mr. Han's decision.  Let's just wait and see."

"Kawawa naman ang Minam ko."  Wala pa sa loob nitong hinaplos ang mukha nang
natutulog pa ring babae.

"Mr. Lin!"  Nagdudumilat namang saway ni Mya matapos mapansing tila nawirduhan si
Shin Woo sa iginawi niya.

"I need to go."  Bahagya pa siyang umubo nang maisip ang ginawa.  "Ikaw na ang
bahala kay Minam, Mya."  Tuloy iwas din naman ito.

"Mauna na rin ako, Mya."  Tumango pa si Shin Woo bago rin tuluyang umalis.  Hindi
siya sigurado pero tila nahuhulaan na niya ang mga nangyayari.  Gayon na lang din
ang pasalamat niya at hindi nasuntok ni Tae Kyung si Minam.  Dahil kung nagkataon
ay pagsisisihan nito ang ginawa.

Kaya naman nang maalimpungatan na si Minam ay agad niyang kinapa ang sarili.

"Hey, you're safe."  Pabulong pang sabi ni Mya.

"Thank God!"  Malalim pa siyang bumuntong-hininga.  "Sinuntok pa rin ba niya ako?" 


Kinapa-kapa pa niya ang mukha.

"No, he didn't."  Umiling pa siya.  "N'ung mawalan ka nang malay sa pagkakadulas


mo, siya rin ang tumawag ng doctor para sa'yo."
"Galit pa rin siya?" 

"Yeah, he is."  Tumango pa siya.  "Gusto ka na niyang mawala sa banda."

Nalungkot naman siya sa narinig.  Hindi siya makapaniwalang gayon pa rin ang
posisyon nito sa nangyari.

"Hindi ko naman sinasadya ang nangyari, Mya."  Pinigilan niya ang sariling umiyak. 
"Kung tutuusin, ako pa nga ang naisahan sa nangyari diba?"

"Pero hindi naman niya alam na girl ka.  Isip pa nga niya, bading ka."

"Bading?"  Kunot-noo pa siya.              

"Oo."  Bumuntong-hininga pa ito.  "I think he already talked to Mr. Han but Mr. Han
refused on his request. Ayun, nag-walk-out tuloy."

"Walk-out?" 

"Alsa-balutan. Umalis si Tae Kyung.  Hindi raw siya babalik hangga't walang
ginagawang action sa'yo si Mr. Han."

"Huh?"  Mas lalo siyang nalungkot.  Hindi siya makapaniwalang gan'un na lang ang
pagkadisgusto sa kanya ng lalaki.

"Masyadong spoiled 'yang si Tae Kyung.  Sa tingin ko magpapalamig lang 'yun.  Wala
naman siyang magagawa kung ayaw kang paalisin ni Mr. Han."

"What if umalis na nga lang kaya ako?" 

"Gaga!"  Mahina pa niyang tinapik ang pisngi nito.  "'Wag mo na isipin pa si Tae
Kyung.  Hindi naman puwede na gan'un na lang palagi ang uugaliin niya. 
Magpapalipas lang 'yun.  'Wag mo na intindihin pa.  May masakit pa ba sa ulo mo?" 
Pagbabago pa nito.

"Wala naman na."  May kasama pang iling na sagot niya.  Wala pa sa sariling
tumingin sa kawalan.  Hindi niya maiwasang ma-guilty lalo na nga't siya ang dahilan
kung bakit umalis si Tae Kyung ng mansion.

May kung ilang araw ding nawala si Tae Kyung sa mansion.  Kung sabihin ay
kasalukuyan itong tumutuloy sa isang five star hotel.
"Tae Kyung..."  Si Mr. Han na kasalukuyan itong kausap sa skype.

"What now?"  Kunot-noo pa siya sa handler nila.

"You should stop acting like child and get your ass back here!"  Pikon na pikon na
rin siya sa inuugali nito lalo na nga't urgent need na nila ang mag-record ng
bagong kanta para kay Minam.

"The way I see it,"  bumuntong-hininga pa ito.  "You have no plans to terminate
that contract with Minam right?"

"Tae Kyung, kababawan lang ang pangyayaring iyon.  Don't you think you're being too
unfair?  Besides, whether you admit it or not, we need him.  His voice is
extraordinary.  And, you knew for a fact that he has the talent to sing the songs
you wrote."

Hindi naman na nakakibo pa si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon.  Talaga naman
ding nainis siya sa nangyari.  Pero alam naman niyang hindi iyon sinasadya ni
Minam.

"Wait, Tae Kyung, my wife is calling. You better stay on line, okay?"  Bigla na
lang itong lumayo sa laptop nito.  Pansamantala rin sana siyang aalis nang bigla na
lang lumitaw sa cam sina Mya at Minam.

"Ano ka ba, Minam, lumuluwag 'yang girdle mo!"  Nagpalinga-linga pa ito at nag-lock
ng pinto.

"Mya, ano bang ginagawa mo, baka makita tayo ni Mr. Han."  Alala pang sabi ni Minam
dito.

"Saglit lang 'to!  Itaas mo nga muna 'yang t-shirt mo!  Dapat kasi double ang tape
na nilalagay mo para hindi matanggal 'yang suporta sa dibdib mo!"

Napaawang ang labi ni Tae Kyung at hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan ng mga
mata.

"Mya, nakakahiya!"  Alanganin pa siyang magtanggal ng t-shirt.

"Gaga!  Kailangang higpitan natin 'yan!  Malalaglag 'yan sa dance rehearsal n'yo!" 
Hindi naman ito nagpaawat at agad na itinaas ang t-shirt ni Minam na hindi naman na
din kumontra pa.

"Minam is a g-girl..."  Wala pa sa sariling usal ni Tae Kyung at agad na ini-record


ang ginagawa ng dalawa. 
"O ayan, okay na 'yan.  Hindi na malalaglag 'yan mamaya."  Tinapik pa niya sa
pisngi si Minam.

"Thanks, Mya. It felt good that I have someone to share my secrets with."

"Ano ka ba, mabait ka naman!"  Kumindat pa ito.  "Tara na, makikisayaw din ako ng
mas sumexy pa ako!"

"Sure!" 

At noon na sila lumabas ng kwarto.  Lingid sa kaalaman nila ay nai-record lahat ni


Tae Kyung ang mga eksena nilang dalawa.

Kinahapunan ay hindi inaasaha nang lahat na darating si Tae Kyung.  Agad din nitong
hinarap si Minam na kakatapos pa lamang magdance rehearsal.

"Minam..."  Mahigpit pa niya itong niyakap at binulungan.  "Any time soon, I'll
reveal you're a girl." 

"Huh?!"  Lumunok siya at takot na tumitig sa nakangising lalaki.  May alam na


siya!  Paano?!

"Now, you're truly dead."  Sarkastiko pa itong ngumiti bago tuluyang umalis.

Naiwan namang tila tinulos na kandila si Minam sa mga pagkakataong iyon samantalang
lahat ay tila hindi mahulaan kung ano ang nangyari sa pagitan nila.  Mangiyak-
ngiyak lang siyang napagawi nang tingin sa direksyon nila Mr. Lin at Mya na tila
nakuha rin agad ang ibig niyang sabihin.

=================

Chapter 4 - Part 1 of 2

CHAPTER 4 - Part 1 of 2

Kaya naman kinagabihang iyon ay nagpasya si Minam na kausapin si Tae Kyung.  Sakto
namang paglabas niya sa opisina ni Mr. Lin ay nasalubong niya ito na at mukhang
papunta sa opisina ni Mr. Han.

                "Tae Kyung!"  Pigil pa niya sa lalaki.

                "Hey, Minam girl..."  Sarkastiko pa itong ngumiti.


                "Tae Kyung, please, magpapaliwanag lang muna ako..."  Sumamo pa
niya dito.

                "Paliwanag?"  Kumunot pa ito.  "You pretended to be a guy!  Niloko


mo kaming lahat!"  May gigil pang sabi niya.

                "M-may rason ako kung bakit ko nagawa 'to.  Nagpapagaling ang
kakambal ko sa medyo pumalpak na surgery sa kanya. Pinakiusapan ako ni Mr. Lin na
i-replace siya pansamantala dahil alam niyang urgent need ang posisyon ni Minam sa
banda ninyo."

                "And that leads you to become the replacement?"

                Tumango na lang siya sa tanong nito.  Hindi pa rin niya tantiyado
kung makukunmbinsi niya ito lalo na nga't iba raw talaga ang ugali ni Tae Kyung.

                "Hindi naman namin intention na manloko pero this is Minam's dream.
Ayaw naming mawala itong lahat dahil sa kapalpakan ng ibang tao."

                "To wrap it up, niloko n'yo pa rin kami!"  Galit pa rin nitong sabi
sabay diretso ulit sa paglalakad.

                "Please, please... 'wag! Parang awa mo na!"  Kulang na lang ay


maglumuhod siya dito.

                "This video will prove everything that you're a scam artist."
Ipinakita pa nito ang video ng pag-uusap sa pagitan nila ni Mya.

                "Tae Kyung..."  Noon na nangilid ang luha niya.  Tila iyon na ang
tatapos sa lahat ng pinaghirapan ng kapatid.

                "If you'll excuse me,"  tumikhim ito at dinagil para makadaan.

                Agad naman ding pinagana ni Minam ang utak niya at mabilis na
inagaw ang cellphone ng lalaki at mabilis ring nagtatakbo palayo dito.

                "Minam!"  Agad naman din siyang sumunod dito at hinabol.

                Halos maikot nila ang buong mansion sa paghahabulan pero dahil
likas na mas mabilis ang lalaki ay naabutan pa rin iyon ni Tae Kyung.

                "Give me back my phone!"  Demand pa nito.

                "No!"  Mabilis pa niyang tanggi at ikinubli sa likod ang cellphone


nito.  "Hindi ko hahayaang sirain mo ang pangarap ng kapatid ko!  Sorry, Tae Kyung
pero ito lang ang paraan para kahit papaano'y maisalba ko ang pangarap niya!"

                "But not on cheating people!  Sa tingin mo, hindi ka mabubuking ng


ibang tao?!"

                "Hindi ako pabubuking!  Gagawin ko lahat para hindi malaman ng


iba!"  Noon na siya tuluyang naiyak.  Ang laki na din nang hirap niya sa
pagpapanggap alang-alang sa kanyang kapatid.

                "Kaya pala you're being too careless on that video!"  Sarkastiko pa
nitong sabi.  "Give me that!"  At puwersahan na niya itong inagaw.  Sakto namang
hindi sinasadyang nabitiwan iyon ni Minam at bumalibag sa ibabaw ng truck ng
catering nila na nasa unang palapag.

                "Bakit mo binitiwan?!"  Galit pang sita naman ni Tae Kyung.

                "Nabitiwan ko..."  Ngumiwi siya at nagpeace sign.  Sinilip pa niya


kung may ibang tao sa may truck.  "Kukuhanin ko!"  Nagmamadali pa siyang nagtatakbo
pababa at nakasunod din naman si Tae Kyung.

                Nang mapagtantong wala namang ibang tao ay nagpasya siyang akyatin
ang truck.

                "Hey, Tae Kyung, ikaw na lang ang umakyat."  Nagkamot pa siya ng
ulo.

                "Sino ba nakabagsak?"  Sarkastiko pa nitong sabi.  "At saka


madudumihan ang damit ko.  May meeting pa ako kay Mr. Han."

                "Kasi,"  nagpilit siyang umakyat.  "T-tulungan mo naman ako."


Pakiusap pa niya.

                "Minam..."  Naningkit pa ang mata nito.  Pero wala naman siyang
nagawa kundi itulak ang bandang puwitan nito para umangat.

                Nang tuluyan nang makaakyat si Minam ay agad pa niyang tiningnan


kung nasira ang cellphone nito.

                "Nasira ba?"  Nakatingala pa sa kanya si Tae Kyung.

                "H-hindi naman pero nagasgasan siya."  Mariin pa niyang kinagat ang
labi.

                "May I see that?"


                Ibinigay na rin naman ni Minam ang cellphone dito.

                "Damn!  Nagasgas nga..."  Bumuntong-hininga pa ito.  Pero nang


iangat niya ang tingin kay Minam ay gayon na lang ang gulat niya nang biglang
umandar ang truck!

                "Tae Kyung!  Tulong!"  Hingi naman din agad nang saklolo ni Minam.

                "Minam..."  Naiusal na lamang niya.  Panandali siyang nawala sa


sarili pero nang mahimasmasan ay agad ding hinabol ang truck.  "Stop the fucking
truck!"  Malakas pang sigaw niya.

                "Tae Kyung!"  Takot na takot naman si Minam sa itaas ng truck lalo
na nga't wala naman siyang kakapitan doon.

                "Hold on!"  Sigaw na lang din nito.  "Stop the truck!"  Buong lakas
siya sa pagsigaw pero tila hindi siya naririnig nito.

                Mabuti na lang at bago pa man lumabas ng subdivision ang truck ay


huminto muna ito sa may guard.

                "Talon na!"  Hinihingal na siya dahil sa ginawang paghabol.

                "Natatakot ako..."  Nagkakandaiyak g husto si Minam sa takot.

                "Talon na!"  Muli ay ulit nito.

                At kahit na nga nanginginig ang buong katawan niya sa takot at


pikit mata na lang siyang tumalon.  Agad naman ding sinalo ni Tae Kyung ang babae. 

                "Ah!"  Napadaing na lang si Tae Kyung nang maramdamang na-strain


ang likod niya sa puwersa nang pagkakasalo niya dito.

                "Tae Kyung..."  Mahigpit na mahigpit namang yumakap si Minam dito.


Akala niya'y mamamatay na siya kanina.  "Sorry, sorry...."  Panay pa rin ang iyak
niya.

                "Are you okay?"  Nag-aalala din naman niyang tanong dito.

                Tumango lang siya bilang sagot  sabay punas ng luha.

                "Ikaw?  Nasaktan ka ba?"  Balik tanong pa niya dito.  Bahagyang


napunit ang polong suot nito marahil ay dahil sa pagsalo sa kanya.

                "I think I strained my back..."  Ngumiwi pa ito.

                "Dalhin kita sa hospital..." 

                "No!"  Galit na tanggi pa nito.  "This has to end Minam.  I won't
tolerate this." 

                "Tae Kyung..."  Muli ay nabalot na naman nang lungkot ang puso
niya.  Hindi pa nga pala tapos ang problema niya.

                "I'll tell everything to Mr. Han..."

                Sa halip na sumagot ay tumango na lang siya.  Alam niyang hindi rin
naman niya kayang pigilan ito.

                "Sorry sa lahat nang nagawa ko pero thank you din sa pagsalo mo sa
akin."  Payak pa siyang ngumiti bago tuluyang lumayo dito. 

                Hindi naman na nakakilos pa si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon


lalo na nga't kahit pala nasalo niya ito ay tila may injury din ito sa paa.  Iika-
ika kasi ito sa paglalakad.  Hindi tuloy niya naiwasan ang makunsensya lalo na
nga't naging marahas siya sa pakikitungo dito. 

                Kaya naman nang makarating ulit ng mansion ay agad na ring nag-
impake si Minam ng kanyang mga gamit.  Malungkot pa siyang tumingin sa palibot ng
kanyang kwarto.  Kahit panandali ay nakita niya kung gaano sana naging maganda ang
buhay ng kakambal.  Nanghihinayang siya nang dahil sa pagiging careless niya ay
hindi man lang tuloy naranasan ng kapatid na malasap ang konting sarap na iyon.

                "Minam!"  Agad pang pumasok si Mr. Lin kasunod sina Mya at Tae
Kyung!

                "Tae Kyung?"  Taka pa siyang bumaling dito.  "A-ano pong problema?"
Taka pa niyang tanong.

                "You don't have to go..."  Matamis pang ngumiti si Mr. Lin sa
kanya.

                "Po?"  Taka pa siyang tumingin kay Tae Kyung.

                "I just don't want to get involve in any of these foolishness."  Si
Tae Kyung ang sumagot.  "Once your caught, I don't have anything to do with it? 
Understand?"  Kunot-noo pa ito.
                Tumango na lang si Minam sa mga pagkakataong iyon.  Wala siyang
paglagyan ng kanyang kaligayahan.  Wala pa sa loob na mahigpit na niyakap ang
lalaki.  Lahat ng pangit na pagtingin niya dito ay tuluyang nawala.

                "Hey, hey..."  Hindi naiwasang makaramdam nang pagka-ilang si Tae


Kyung lalo na nga't alam niyang babae ito.

                "Sister..."  Si Mr. Lin na agad din naman siyang hinila palayo sa
lalaki.

                "Thank you talaga, Tae Kyung."  Noon na lang din niya nakuhang
magsalita.

                "Don't thank me."  Panunungit pa nito.  "Once na gumawa ka lang


ulit nang kapalpakan, you're out of here!  Got it?"

                "Yeah..."  Tumangu-tango pa siya at pacute na ngumuso.  Wala nang


talab sa kanya ang panunungit nito at mahigpit pang niyakap sina Mr. Lin at Mya.

                "Sister, sister..."  Si Mr. Lin na hindi rin maiwasang mailang lalo
na nga't nobisyada ito sa pagmamadre.

                "Ang saya nito diba?"  Kinikilig pang sabi niya.

                "Injured ka raw sabi ni Tae Kyung."  Mataman pa niya itong


pinagmasdan.

                "I'm okay, don't worry."  Matamis pa siyang ngumiti dito.  "Sprain
lang po ito."  Ipinakita pa niya ang nasaktang paa.

                "Tatalon lang kasi hindi pa magawa nang tama. Stupid..."  Halos
pabulong lang na sabi ni Tae Kyung.

                "Hmp!  Basta ang alam ko, tinanggap mo na akong maging A.N.Jell."
Sabi pa ni Minam na narinig pala ang sinabi nito.

                "W-what?"  Kunot-noo pa rin siya.  "You still have to prove


yourself to me.  So, don't get overly excited."

                "Alam ko po 'yun!"  Umirap pa siya.  "And promise, I'll do


everything just to satisfy you!"

                "We'll see about that."  At noon na ito tumalikod. 


                Naiwan namang panay ang tilian ng tatlo na tila naman nananalo sa
lotto.  

Umiling si Tae Kyung at kahit paano'y nakaramdam siya nang luwag sa dibdib.  Hindi
rin niya mapaniwalaan ang sarili na gumawa siya nang mabuti sa kapwa niya.  Bagay
na hindi pa niya nagawa kahit na kailan.  Simula kasi nang iwan siya ng kanyang
mama para sa ibang lalaki ay gumuho lahat nang buting mayroon siya sa katawan.
Wala ni isa man ang nakakaalam ng lihim na 'yun.  Ang sakit na 'yun ay habang
panahon niyang kinargo sa dibdib nang mag-isa kaya siguro ganoon na lang din kaliit
ang tiwala niya sa ibang tao.  At ang pangyayari sa pagitan nila ni Minam ay
talagang kakaiba sa kanya.

=================

Chapter 4 - Part 2 of 2

Published: January 9, 2013

CHAPTER 4 - Part 2 of 2

              “Hey, Minam Go!”  Bungad pa ni Tae Kyung sa babae na noo’y abalang-
abala sa pagre-rehearse ng kanta nito.

Agad namang lumingon si Minam at takang ngumiti dito.

                “Bakit Tae Kyung?” Inalis niya ang headset na nakakabit sa kanyang
tainga at matamang tumitig sa gwapong mukha ng kabanda.

                “Huh, e...”  Panandali siyang natigilan nang mapagmasdan nang husto
ang matamis na ngiti nito.  Ngayong babae na ang tingin niya dito, nahihirapan
siyang ilabas ang kanyang bruskong ugali.  “Are you aware na mayroon tayong
pictorial mamaya para sa product na i-endorse natin?”

                “A, oo!  Nabanggit na sa akin ni Mr. Lin.”

                “You seemed to be happy.”  Sarkastiko pa nitong sabi.

                “Bakit naman?  Mayroon ba akong dapat na ikalungkot?”  Kumunot pa


siya.
                “Not ikalungkot,”  iiling-iling pa ito.  “Ika-praning would be the
right word.”  Nakakaloko pa itong ngumiti.

                “Huh?  B-bakit..?”  Noon na siya kinabahan.

                “Hindi ba sinabi sa’yo ni Mr. Lin kung ano ang concept ng pictorial
mamaya?”  Nagtaas siya ng kilay at takang umiling lang si Minam. 

                “We’ll be having our pictorial on a pool.”  Ipinagdiinan pa niya


ang salitang ‘pool’.

                “P-pool?”  Nanlaki ang mga mata niya at halos magkandabulol pa


siya.

                “I can’t wait to see you on trunks!”  Nakangisi pa nitong sabi


sabay talikod.  Gusto lang din niyang nakikitang napa-praning ang babae sa kanya. 
Tila may hatid na tuwa sa kanya sa tuwing ito’y naiinis niya.

                Naiwan namang alalang-alala si Minam sa mga pagkakataong iyon. 


Pakiwari niya’t katapusan na talaga niya hindi pa man.

               

                Kaya naman nang hapong iyon sa pictorial ay hindi mapakali si


Minam.  Pero nang iabot sa kanya ni Mr. Lin ang isusuot niya ay gan'on na lang ang
katuwaan niya dahil hindi ‘trunks’ ang isusuot nila tulad nang panakot sa kanya ni
Tae Kyung. 

Kumpiyansang pinuntahan niya si Tae Kyung sa kinauupuan nito at ibinalik ang pang-
uuya dito.  Ngumisi siya dito at tinaasan lang siya ng kilay nito.

                “Hindi tayo naka-trunks!”  Abot-tainga pa ang ngiti niya at ismid


ang ibinalik ng lalaki sa kanya.

                “Yeah...”  Tumangu-tango pa ito.  “You’re too lucky I guess.” 


Tumayo ito at matamang tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa.  “I am not
expecting to see a view anyway.”  Inihinto nito ang tingin sa dibdib ng babae bago
ibalik ang tingin sa namumulang pisngi nito.  "Right?"  Ngumisi pa siya sabay kagat
sa kanyang labi.

                “Bastos...”  Pabulong lang niyang sabi at pasimpleng


pinaghalukipkip ang dalawang kamay.

                “Better yet, tied those up ‘coz you don’t want it to come off at
the water.”  Iiling-iling pa itong lumayo sa nagngingitngit namang babae.

                “Hey, Minam...”  Si Shin Woo na matamis na matamis pa ang


pagkakangiti sa kanya.

                “Shin Woo...”  Ginantihan rin naman niya iyon nang matamis na
ngiti.  Wala talaga siyang masasabi sa kabaitan ng lalaki sa kanya.  Doble ang bait
nito kapag babae na ang kausap.

                “First time mo mag-pictorial?  Kinakabahan ka ba?”

                “Medyo...”  Pag-amin din naman niya.  “Hindi ko kasi alam kung ano
ba dapat ang maging ngiti ko sa camera.”  Ngumiwi siya at kung tutuusin ay ilang pa
nga siya sa camera.  Hindi siya sanay na kinukuhanan.

                “Gan'un ba?”  Malalim pa itong nag-isip.  “I think on your case,


effortless naman ang rehistro ng face mo sa camera.”  Pinagmasdan pa niya ang
maamong mukha nito.

                “Kinakabahan pa rin ako.”  Pag-amin naman niya.  Hindi pa man nga
ay nanlalamig na siya.

                “Don’t worry, akong bahala sa’yo!”  Kinindatan pa niya ito.

                “Thank you, ha.”  Kahit papaano’y nababawasan ang kaba niya sa
suporta ng lalaki.  Mabait talaga ito.

                “Wait, kumalat ang eye liner mo.”  Lumapit siya kay Minam at wala
pa sa loob na inilapit nang husto ang mukha dito at pinunasan ng sariling panyo ang
gilid ng mata nito.

                Sa hindi naman kalayuan ay kunot-noo lang na nakatingin si Tae


Kyung sa kanila.  Hindi siya makapaniwalang sobrang careless ni Minam kay Shin Woo
lalo na nga’t tila maghahalikan na ang dalawa sa sobrang lapit ng mukha.

                “It’s okay now...”  Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ni Minam.

                “Salamat.”  Matamis pa siyang ngumiti dito at tipid na ngiti lang


ang ibinalik ni Shin Woo.  Walang-wala pa rin sa loob niyang nagdududa na sa kanya
ang ka-banda.

               

Hindi naman din nagtagal ay nagsimula na ang pictorial nila.  Nakadamit man nga ay
magbabasa pa rin sila ng katawan!  Bagay na hindi pa rin naiwasan ni Minam na mag-
alala.

“Minam, lumubog ka sa tubig then project mo nang maayos ang mukha mo.  Tipong may
sexiness...”  Turo pa sa kanya ng director.

Pero dahil bago lang kay Minam ang lahat ay naka-ilang take din sila bago niya
nakuha nang tama.  Gayon na lang din tuloy ang pag-iinit ng tuktok ni Tae Kyung
dahil nadamay sila sa pagbababad sa malamig na tubig ng pool na iyon.

“Come, Minam!”  Si Jeremy na mabilis pa itong inakbayan papasok sa boys locker


room!

Nananatili lang na nakamasid si Tae Kyung at Shin Woo.  Tila nage-enjoy sa


nakikitang kakaibang reaksyon ng babae.

“Shower na tayo!”  Agad pang naghubad na lang si Jeremy ng suot at walang itinira
kahit na isang saplot sa katawan!

Napatanga si Minam sa pagkakita sa hubad na katawan nito at mabilis na nag-init ang


kanyang pisngi.  Dali-dali rin siyang nag-iwas nang tingin dito at humakbang
patalikod. 

“Hey, tara na!”  Si Jeremy na tinapik pa talaga siya sa balikat.

“Sige mauna ka na, may nakalimutan pa ako sa may pool.”  Pagdadahilan na lang niya
sabay talilis nang mabilis sa boys locker room.

Taka man ay hindi na lang nagtanong pa si Jeremy.

“Shin Woo!”

“Sunod na ako, Jeremy.”  Tumango lamang siya dito at si Tae Kyung naman ang
pasikretong tiningnan.  Sa tantiya niya’y tila may alam ito tungkol sa itinatago ni
Minam lalo na nga’t palagi rin itong nakasubaybay sa bawat kilos ni Minam.

Samantala, si Minam naman ay hinintay lang na makatapos ang lahat sa paggayak bago
nagpasyang sa may pool area magpalit ng damit dahil doon lang walang tao sa mga
pagkakataong iyon. 

Pero gan'on na lang ang gulat niya nang bigla na namang magliwanag ang buong
paligid at may maulinagang mga lalaking papunta sa pool.  Pero dahil halos
kahuhubad pa lang niya ay tanging bra at panty na lamang ang natitirang suot niya! 
Halos manlamig siya nang husto nang mapagtantong baka may makakakita sa kanyang
ganoon ang suot at malalamang babae pala siya.  Dahil na rin sa takot ay marahan
siyang lumusong sa tubig at nanatili sa ilalim.
Nang sa mga pagkakataon namang iyon ay nahilo na kakahanap si Tae Kyung kay Minam. 
Hindi niya maiwasang mag-alala para dito.  Iniisip niyang basang-basa pa ito at
hindi pa nakakapagpalit ng damit.  Nang magawi siya sa may pool area at makita ang
mga pinagbihisan nito ay medyo nakahinga siya nang maluwag.  Pasimple siyang
nagmasid sa paligid upang hindi makahalata ang ibang tao roon na may hinahanap din
siya.

Pero gan'on na lang din ang gulat niya nang may mamataan sa ilalim ng tubig at kung
hindi siya nagkakamali ay si Minam iyon.  Napatikhim siya at gusto sana niyang
paalisin na kaagad ang mga kasama sa trabaho para makaahon na si Minam sa tubig. 
Nag-aalala siyang may mangyaring masama dito.

“Tae Kyung, tara na!”  Kayag pa sa kanya ng isang camera man.

“I’ll be right there!”  Tumango siya sa mga ito.  Sobrang nag-aalala na siya at
matagal-tagal na ang babae sa ilalim.

Nang mapagtantong wala na lahat ay tsaka siya tumalon sa tubig.  Hindi nga siya
nagkamaling makita roon si Minam na halos wala nang buhay!

Mabilis niyang binuhat ang babae at inihiga sa gilid ng pool.

“Minam!  Minam!”  Malakas pang tawag niya dito.  Hindi na siya mapakali lalo na
nga’t tila wala nang buhay ang babae. 

Nang wala pa ring response sa babae ay walang alinlangang ginamitan niya iyon ng
mouth to mouth resuscitation.  

“Minam!”  Patuloy pa rin siya sa ginagawang pagbibigay hangin dito habang binabayo
ang dibdib nito.  "Come on!"  Desperadong sabi pa niya at nang mapaubo ito ay noon
na lang siya nakahinga nang maluwag. 

“Bastos!”  Galit pang bungad agad ni Minam at walang pakundangang  itinulak si Tae
Kyung palayo.  Pero dahil sa hindi kontroladong galaw ay napalakas ang tulak niya
dito at aksidenteng naumpog ang ulo nito sa semento at nawalan nang malay.

Nanlaki ang mga mata ni Minam nang mapagtantong hindi na gumagalaw ang lalaki. 
Taranta pa siyang gumalaw at dali-daling nagbihis para humingi nang tulong.

Mabilis naman ding isinugod sa hospital sa Tae Kyung kasama si Minam na sobrang
alalang-alala.  Hindi man niya sinasadya ang lahat ay hindi pa rin niya mapapatawad
ang sarili kapag may nangyaring masama dito.

                “Ano bang nangyari, Minam?”  Si Shin Woo na alalang-alala rin.


                “Nalaglag kasi ako sa tubig, tapos pinulikat ako!”  Imbento agad
niya nang kuwento.  “Sinagip niya ako kaso n'ung maka-akyat na kami sa gilid ng
pool, nadulas naman siya!  Kaya humingi na ako nang tulong.”  Hindi pa man ay panay
na ang hingi rin niya nang tawad sa ginawang pagsisinungaling.

                “Gan'un ba?”  Hindi man siya masyadong kumbinsido ay hindi na rin
siya nagtanong.  “Are you okay?” 

                “Yeah, I’m okay...”  May kasama pang tangong sagot niya.  Alam
niyang katakut-takot na sermon ang aabutin niya kay Tae Kyung kapag nagising ito.

                “Umuwi ka na.  Ako na lang ang magbantay kay Tae Kyung.”

                “Hindi!”  Mabilis pa niyang tanggi.  “Ikaw na ang umuwi.  Ako na


lang ang bahala dito.”  Gusto kasi niyang makasigurong nasa maayos ang lalaki.

                “Okay...”  Tumango siya at hindi na rin naman ito namilit pa. 
“Just text me sa development ni Tae Kyung ha.”  Habilin pa nito.

                “Sige...”  Kinagat niya ang kanyang labi dahil punung-puno pa rin
siya nang pag-aalala.  Dasal na lang niya’y magising na rin ang lalaki.

=================

Chapter 5

Published: October 7, 2012

CHAPTER 5

Gabi na nang magising si Tae Kyung.  Saktong pagdilat niya ng kanyang mga mata ay
nabungaran niya si Minam na natutulog sa gilid ng bed niya at nakayupyop.

                "Minam!"  Tinapik pa niya ito sa kamay para magising.

                "T-tae Kyung!"  Agad naman din itong nagising.  "Kumusta ka na?" 
Alalang-alala siya hindi pa man.

                "Thank God, I'm okay..."  Sarkastiko pa nitong sagot habang dahan-
dahang umuupo.

                "Sorry... sorry talaga..."  Lumabi siya at sobra talaga siyang nag-
alala.
                "I therefore conclude na malas ka sa buhay ko."  Umismid ito at
sumimangot.

                "Sorry na nga.  Feeling ko kasi nananaginip ako kaya naitulak


kita.  Sorry na talaga."  Sumamo pa rin niya dito.  "Nagugutom ka ba?  Ikuha kita
pagkain?"  Pag-iiba pa niya.

                "'Wag na!  Baka lasunin mo pa ako!"  Tanggi naman din agad nito. 
Iniinis lang naman niya ito.  Labis talaga ang pag-aalala niya para dito kanina.

                "Tae Kyung naman, e..."  Tila bata pa siyang nagmukmok sa isang
tabi.

                "'Wag kang lalapit sa akin ha!  Disgrasya inaabot ko sa'yo!" 


Masungit pa niyang sabi at sumimangot naman si Minam.

                "Eto na nga, o.  Lumayo na..."  Maktol pa niya at kahit papaano'y
nakahinga na rin siya nang maluwag.  Ang importante'y safe ito.

                "Si Mr. Han?"  Iginala pa niya ang tingin.

                "Halos kakauwi pa lang.  Dinalhan ka ng pagkain.  Ayaw na ayaw mo


raw ng hospital food."  Itinuro pa nito ang  pagkain sa may side table.

                "Eto kakainin ko 'to, kasi hindi galing sa'yo."  Agad pa nitong
kinuha ang pagkain at sinenyasan siyang iabot ang bed table.

                "Sorry, Tae Kyung ha..."  Muli ay ulit niya.  "At thank you rin for
saving my life."  Seryoso pa nitong sabi.

                Sa halip na kumibo ay nagkunwari na lang siyang walang narinig.

                "Kumain ka na ba?"  Tanong na lamang nito.

                "Hindi pa."  May kasama pang iling na sagot niya.  "Hindi kasi ako
makakain kanina.  Nag-aalala kasi ako sa'yo."

                "Puwes, bumili ka sa labas!  Hindi kita hahatian dito."  Masungit


pa niyang sagot.

                "Ang dami naman niyan..."  Sinilip pa niya ang pagkaing hawak
nito.  "'Di mo mauubos.  Akin na lang ang matitira mo..."  Kinagat niya ang kanyang
labi at sa totoo lang ay ngayon na lang niya naramdaman ang pagkalam ng tiyan.
                "Tira ko, kakainin mo?"  Kumunot pa siya.  Hindi siya
makapaniwalang wala man lang itong selan.

                "Bakit naman hindi?  Nagba-brush ka naman palagi."  Ngumisi pa siya


at wala sa sariling hinimas ang tiyan.  Nagugutom na talaga siya.

                "Really?"  Hindi niya maiwasan ang mangiti sa nakitang reaksyon


nito.  Halata kasing gutom na gutom na ito.  "Bakit ba kasi sa pool ka pa nagbihis
kanina?  Muntik ka na."  Parungit pa niya.  Gusto niyang gutumin ito nang husto. 
Agad pa niyang sinundan nang malalaking subo ang pag-uusisa.  "Hindi ka pa nahuli! 
Sayang naman..."

                "E, kasi..."  Hindi niya maiwasang ma-distract sa tila nananakam na


pagkain nito.  "Hindi naman ako puwede sa locker room n'yo.  May makakakita sa akin
d'un."

                "Sa palagay mo walang makakahalata sa'yo kapag ganyan ka nang


ganyan?"  Taas-kilay pa ito.

                "Mag-iingat naman ako..."  Talagang kumukulo na ang tiyan niya sa


gutom.

                "Kaya pala,"  tatangu-tango pa ito.  "Muntik nang may makakita


sa'yong naka panty at bra lang!" 

                Agad namang namula sa hiya si Minam sa mga pagkakataong iyon lalo
na nang maalala ang eksena nila ni Tae Kyung.  Halos makita na nito ang lahat lahat
sa kanya!

                "Sana ipinikit mong mata mo."  Umirap siya at ramdam niya ang pag-
iinit ng kanyang pisngi.  Kahiya-hiya ang hitsura niya kanina.

                "Are you crazy?  Naghahabol ka na nang hininga iisipin ko pa ba ang


makikita ko sa'yo?  As if ang ganda ng katawan mo!"  Nakangiwi pa niyang sagot. 
Muntik pa siyang masamid sa pagsisinungaling.  Sa totoo lang naman ay hindi siya
makapaniwala sa ganda ng tanawin dito.  Pati na rin ang dampi nang malambot na labi
nito.  Noong una'y nandidiri siya dahil sa pag-aakalang lalaki ang nakahalik sa
kanya pero nang malaman niyang babae ito ay naiba na lahat nang pagtingin niya
dito.

                "E, kasi..." Hindi na niya malaman ang sasabihin.  "Ginamitan mo ba


ako ng mouth to mouth?"  Nahihiya pang tanong niya.

                "Do you think I have a choice?"  Pilit niyang ikinubli ang
nararamdaman.  "Just by looking at your mouth, naiisip ko ang pagsuka mo sa harapan
ko!  That's disgusting!"  Ngumiwi siya at nagpamukhang diring-diri.
                'Sama naman nito..."  Sinamaan niya ito nang tingin.

                "You're maybe a girl but still you're one of the boys for me." 
Sabi pa nito sabay sinundan nang subo para pa rin hindi mahalata ng babae na
kabaligtaran ang mga sinasabi niya.

                "Buti na lang at ikaw ang nakakita sa akin.  Akala ko si Shin


Woo..."

                "Shin Woo?"  Kumunot pa ito.  "Why Shin Woo?"  Hindi niya
maintindihan kung bakit parang naiinis siya.

                "Wala lang."  Bumuntong-hininga pa siya.  "Isip ko lang ay 


napakabait na tao noon.  For sure madi-disappoint nang husto sa akin 'yun kapag
nalamang babae ako."

                "Why are you so concern about Shin Woo?  Gusto mo ba siya?" 
Magkakasunod pa niyang tanong.  Hindi siya komportable sa sinabi nito.

                "Hindi, a!  Para ko lang kapatid 'yun!  Kumain ka na nga lang
d'yan!"  Irap pa niya.  "Tirhan mo ako ha!"  Hirit pa niya.

                "Good luck kung may matira."  Nang-iinis pa ring sabi na lang niya
at muli ngang itinuloy ang pagkain.

Bandang huli ay tinirhan pa rin niya ito at ang hirap para sa kanyang tiisin ito. 

 ***              

                Kinabukasan lang din ay nakalabas na galing ng hospital si Tae


Kyung.  Pero isang hindi inaasahang bisita ang bubungad sa kanya.

                "Tae Kyung, halika!  May bisita ka!"  Si Mr. Han na agad pa siyang
sinalubong sa may pinto.

                Hindi na rin niya nakuhang makakibo sa pagkakita pa lang sa


tinutukoy na bisita nito.  Ang kanyang mama!

                "Why would a legendary singer visit me here?"  Sarkastiko pa niyang


sabi sa ina.

                "Hello, Tae Kyung..."  Alanganin pang bati niya sa anak.  Hindi rin
niya alam kung papaano sasalubungin ang anak lalo na nga't wala namang nakakaalam
na mag-ina sila.
                "She requested if maybe you can remake her old song for her."  Si
Mr. Han na rin ang sumagot.  Ni hindi alintana ang namamagitang lamig sa pagitan ng
dalawa.

                "Really?"  Nagtaas ng kilay si Tae Kyung at mas lalong sumeryoso. 


Sa napakatagal na panahon ay hindi nagparamdam sa kanya ang ina tapos ngayon ay
bigla-bigla itong susulpot para hingan nang pabor.  Hindi talaga niya alam kung
papaano ito pakikitunguhan lalo pa't ramdam niya ang galit para sa pagiging
pabayang ina nito.

                "You have one of the most amazing voice I heard."  Pormal pang
ngumiti ang medyo may edad pero maganda pa ring singer na si Nera.

                "I am fully aware of that but I guess, mas marami pa ring iba d'yan
na mas maganda ang boses kaysa sa akin."

                "Pero ikaw ang gusto ko."  Mahina ngunit may diin ang pagkakasabi
nito.

                "Tae Kyung,"  si Mr. Han na bahagya pa siyang tinapik sa balikat. 


"Why don't you give it a try.  Maganda naman ang kanta.  It was an all-time
favorite.  For sure, magiging hit kapag ikaw ang kumanta."

                "It's not my thing."  Makahulugan pa siyang tumingin sa ina at


gusto niyang iparating nang mas malinaw na ayaw na niyang magkaroon pa nang ugnayan
dito.

                "Please, Tae Kyung.  Think it over before you even decide."  Sumamo
pa nito at malamlam ang mga matang timitig sa anak.      

                "Oo nga naman, Tae Kyung baka bumagay rin sa'yo ang song.  Lapatan
mo na lang ng musika na magiging moderno ang dating.  Doon ko mahusay diba?  Ang
lumang kanta ay nagagawa mong bago sa pandinig?"  Si Mr. Han na nahihiya rin namang
tanggihan ang sikat na singer lalo na nga't dinayo pa talaga sila nito sa A.N.Jell
office.

                "Okay..."  Napilitan rin naman si Tae Kyung lalo na nga't ayaw
niyang makahalata ang handler nila.

                "Thank you."  Nagniningning ang mga mata nito.  "Balita ko na-
hospital ka, are you alright now?"  Nag-aalala pa nitong tanong.

                "Yeah..."  Matabang pang sagot nito.  "Malayo sa bituka."

                "Oh by the way,"  baling pa ni Mr. Han kay Minam na nasa likod lang
nila.  "This is our new member, Minam Go."  Pakilala pa nito.

                "Hello po."  Nahihiya pa siyang ngumiti at inabot ang kamay ng


babae.  Sino bang hindi makakakilala sa legendary singer na 'yun.  "Nice to meet
you po, ma'am.  Ang ganda n'yo po pala sa personal."

"Thank you.  That's so sweet of you."  Pormal naman niyang kinamayan iyon at
matamang tinitigan.  "Oh, you're hand is so smooth."  Bahagya pa itong kumunot at
hindi pinawalan agad ang kamay ni Minam. 

                "Huh, e.  Thank you po."  Inagaw rin naman niya kaagad ang kamay sa
takot na makahalata ito.

                "He's handsome, huh?  Though medyo feminine ang rehistro ng face
niya."  Mataman pa rin nitong tinitigan si Minam mula ulo hanggang paa.  Sa
pakiwari niya'y may kakaiba dito.

                "Come, Minam!"  Si Tae Kyung na agad pang hinila si Minam palayo. 
"Nice to meet you, Ms. Nera."  Paalam pa niya at noon na tuluyang lumayo sa
kinamumuhiang ina.

Kumaway na lang si Minam bilang paalam dito at agad niyang napansin ang paglungkot
ng mukha nito.

***

                "Tae Kyung, ang ganda ni Ms. Nera diba?"  Si Minam na hindi pa rin
mapigilan ang paghanga.  Kasalukuyan silang nasa studio para mag-practice ulit ng
kanta.

                Sa halip na sumagot ay nananatili lamang siyang tahimik.  Wala pa


ring nabago sa pagtingin niya sa ina.  Galit pa rin ang nararamdaman niya para
dito.

                "Kaya lang parang mahahalata pa niyang girl ako."  Ngumiwi siya at
medyo natakot siya kanina sa agad na pagpuna nito.

                "Careless ka kasi."  Parungit pa nito at seryosung-seryoso pa rin.

                "Hindi naman, a."  Umirap pa siya at tiningnan ang sarili sa


salamin.  "Cute lang talaga ako."  Matamis pa siyang ngumiti sa reflection niya sa
salamin.

                "Nananaginip ka!"  Iiling-iling pa ito.


                "Hmm..."  Lumapit siya sa kinauupuan nito at nakiusisa sa hawak na
piyesa ng kanta.  "Alam ko ang song na 'yan.  Panahon ng mama ko 'yan." Masiglang
sabi pa niya.

                "Mama mo?"  Kunot-noo pa ito.  "May mama ka pa?"

                "Yup!"  Bahagya pa siyang tumango at mapait na ngumiti.  "Kaya lang


n'ong iwanan niya kami ni Minam sa kumbento, hindi na niya kami binalikan."  May
pait pang sabi niya.  May dala pa ring kurot sa puso niya ang katotohanang iyon. 
Pero mahal na mahal pa rin nilang magkapatid ang kanilang ina sa kabila nang ginawa
nito.  Alam niyang ang pagpapatawad ang makakapagpagaan sa buhay nilang
magkapatid.  Natutunan niya sa kumbento ang pagmamahal na hindi humihingi nang
kapalit at hindi nagtatanim nang galit.

                "Ginawa niya 'yun sa inyo?  Bakit daw?"  Kunot-noo pa siya.  Halos
parehas pala sila nang kalagayan.

                "I don't know.  Wala pa rin kaming alam kung bakit hindi na niya
kami binalikan.  I hope na itong exposure ko, makatulong para mahanap ang mama
namin."  Kibit balikat pa siya.

                "What about your papa?"

                "Wala na ang papa ko."  Malungkot pa niyang sagot.

                "I'm sorry to hear that." 

                "Okay lang."  Mapait pa siyang ngumiti dito.  "Sana makita na lang
namin si mama."

                "I think your exposure on t.v. would help you a lot."  Hindi rin
naman niya naiwasan ang maawa dito.

                "Sana nga, Tae Kyung.  Iyon lang ang pangarap namin ni Minam." 
Hindi pa niya naiwasan ang bumuntong-hininga.

                "Kaya galingan mo ang pagkanta para hindi kita patalsikin dito!" 
Tinaasan pa niya iyon ng kilay.

                "Oo na po!"  Bahagya pa siyang umirap dito.  "Ikaw nga pala, may
mama ka pa?"  Balik-tanong niya dito.

                "I am not an open person, Minam.  And, I don't intend to chat with
you about my personal life."  Nag-iwas siya at nagpamukhang galit.
                "Huh?"  Sumimangot siya.  "Ang daya mo naman." 

                "Madaya?  Puwede mo namang hindi sagutin ang tanong ko kung ayaw mo
diba?"

                "Daya!"  Sinimangutan pa rin niya ito.

                "Minam Go!  Bumalik ka sa puwesto mo at aralin mo nang husto ang


kanta mo!  'Wag mo akong guluhin dito."  Pagtataboy pa niya dito.

                "Oo na!  Hmp!"  Umirap pa siya nang kuntodo dito at nagmartsa
palayo.

                Kataon na rin namang dumating na sina Shin Woo at Jeremy kaya
natigil na rin talaga ang pag-aasaran nilang dalawa.

                Gayunpaman, ang pagbisitang iyon ng mama ni Tae Kyung ay nagbalik


lang nang sakit na kay tagal niyang ikinubli sa kanyang puso.  Hindi niya
maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal nang panahon ay muli na naman itong
nagpakita sa kanya.

=================

Chapter 6 - Part 1 of 2

CHAPTER 6 - Part 1 of 2

Maaga pa lang ay umalis na si Tae Kyung ng bahay. Papaano naman kasi'y walang-wala
talaga siya sa kundisyon. Ngayon kasi ang kanyang kaarawan. At wala ni isa man ang
nakakaalam sa birthday niyang iyon maliban sa kanyang papa. Hindi niya maiwasan ang
malungkot sa tuwing sasapit ang araw na iyon. Palagi na lang sa pakiramdam niya ay
pinagdamutan siya nang kalinga ng magulang. Ang kanyang Papa naman ay matagal na
ring panahong nakahiwalay sa kanya at may iba ng pamilya. At ang kanyang Mama,
balot na balot pa rin siya nang galit dito. Dahil ni minsan sa buhay niya ay
naalala nitong batiin siya sa birthday niya. Mag-gagabi na rin nang makapagpasya
siyang umuwi sa A.N.Jell mansion. Halos maghapon lang siyang nagpaikut-ikot kung
saan saan upang pagdating ng bahay ay pagod na talaga siya at matutulog na lang.

"Tae Kyung, anak..." si Nera! Ang kanyang Mama!

Agad na nabago ang aura niya sa pagkakita pa lang dito. Tila kakatulugan pa niya
talaga ang pagkabad-trip sa birthday niya.

"What the hell are you doing here?" sita pa niya. Talagang hindi maipinta ang
mukha niya. Ito ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makita.
"Why did you turn it down?" kunot-noo pa ito.

"Oh, you're here just because of that?" sarkastiko pa niyang sabi.

"I would like you to sing that song for me."

"Was that a request? Or you're manipulating?" pigil na pigil ang emosyon niya.

"I-I am trying here, son..." nanginig ang boses nito at nagluha ang mga mata. "I-
I'm sorry..."

"S-sorry?" halos mangatal ang boses niya. "Gan'un lang 'yun? You're sorry for
leaving me and Papa just for your beloved lover?!" alsa-boses na siya. Pilit na
pinipigilang maiyak sa bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

"S-sorry, son... sorry..." dire-diretso na ang pag-iyak nito. "Pero me and your
Papa are just pretending infront of you... We're not happy anymore."

Naningkit naman ang mga mata niya sa narinig. Hindi niya kayang paniwalaan ang
sinasabi nito.

"You left me... and, you can't change how I look at it. The way I think about it."
muli ay pilit niyang pinatatag ang sarili.

"If you will only give me a chance, we can work things up between us."

"Work things up?" gigil na gigil pa siya. "Up to now, you're still a liar! When are
you going to tell me na ang composer pala ng kantang ipapakanta mo sa akin, e, ang
lover mo?!"

"I have my reasons..." depensa naman agad nito sa sarili.

"Gan'un ka ka-inlove sa taong ito kaya't kahit sa sarili mong anak gusto mo pang
ipakanta ang song na 'yun! Did you ever think about how I feel about it? Or
nabubulagan ka pa rin?"

"Tae Kyung, you don't understand-"

"I don't need to understand." matigas pang sabi niya at matalim na tinitigan ang
ina.

"I love you, son..." tangka pa sana itong lalapit sa anak pero agad din itong
humakbang palayo.
"You love me?" halos magsalubong na naman ang kilay niya sa narinig. "Ni hindi mo
nga maalalang birthday ng anak m-mo..." noon na nanginig nang husto ang boses niya
sabay talikod sa inang hindi na nakuhang makapagsalita pa sa mga pagkakataong iyon.

Samantala, si Minam ay aksidenteng narinig lahat nang pag-uusap ng mag-ina. Siya


man ay ramdam na ramdam niya ang lungkot ni Tae Kyung. Iyon pala ang dahilan kung
bakit tila wala ito sa kundisyon nitong mga nakakaraang araw. Patuloy pa rin niyang
sinundan ang lalaki hanggang makita niya itong umiiyak sa madilim na sulok ng
garden. Hindi rin niya naiwasan ang maawa dito at maiyak rin tulad nito. Sa
maikling panahong nakasama niya ang lalaki, mas madalas na mainit ang ulo nito at
hindi man lang ngumingiti. Iyon naman pala'y mabigat din ang dinadala nito. Tulad
niya, hinahanap lang din nito ang kalinga ng isang magulang.

Matagal-tagal rin bago nagpasyang pumasok muna si Tae Kyung sa studio para
palipasin ang sama ng loob. At noon na kumuha nang pagkakataon si Minam na lapitan
ito.

"Hello, Tae Kyung!" masayang bati pa niya sa lalaki na kunot-noong tumitig sa


kanya.

"What are you doing here?" taka pa siya samantalang hindi na ito naglalalabas ng
kwarto nang ganoong oras.

"Wala naman, gusto lang sana kitang pasiyahin." mapait pa niyang sabi sabay kagat
sa kanyang labi. Nag-aalangan siyang sabihin dito na narinig niya lahat.

"Mukha ba akong malungkot?" sarkastiko pa niyang tanong dito.

"Tara! Samahan mo naman akong kumain sa labas! Hindi masarap ang ulam natin ngayon,
kaya treat na lang kita sa labas." Nagkukunwari pa rin siyang walang alam sa
nangyari.

"Wala ako sa mood. Magpasama ka na lang kay Shin Woo o kaya kay Jeremy." tanggi pa
nito.

"Kumain na ang mga 'yun, e. Sige na, tayo na lang. Please... Nagugutom na kasi
ako." hinimas pa niya ang kanyang tiyan. Kakatapos lang din niyang kumain at alibi
lang ang sinasabi niya para mayaya itong lumabas.

"Bakit ba ako pa ang gusto mong kasama, e, palagi na nga kitang sinusungitan diba?"
taka pa ito.

"Hmp!" umirap pa siya dito. "Kahit na masungit ka, sanay na ako. Besides, ikaw pa
lang din ang nakakaalam na girl ako, diba? Kaya mas komportable pa rin akong kasama
ka."
"Was that a compliment?" tinaasan pa niya ito ng kilay.

"Tara na kasi!" at hindi na nga siya nagpaawat pa at mabilis na hinila ang kamay ng
lalaki na napasunod na lang din sa ginawa niya.

"Minam!" hindi na niya makuhang magalit lalo na nga't ang pagsama kay Minam ay
isang paraan para kahit papaano'y makalimutan ang nangyari kanina. Baka sakaling
iyon din ang makapagpagaan sa pakiramdam niya.

=================

Chapter 6 - Part 2 of 2

Published: January 9, 2013

CHAPTER 6 - Part 2 of 2

Sa isang noodle restaurant niya dinala ang lalaki at tulad nang pangako niya'y
inilibre niya iyon.

"Tumama ka ba sa lotto at naglilibre ka?" sarkastiko pa nitong tanong sa babae.

"Hindi naman..." Matamis pa siyang ngumiti dito. "Feeling ko lang, espesyal ang
araw na ito sa'yo kaya gusto ko lang pasayahin ka." Kinindatan pa niya ito.

"Will you please stop doing that," irita pang saway nito. Hindi nito naiwasan ang
mailang lalo na nga't alam niyang babae ito.

"Ang alin?" Mas lumapit pa siya dito para kindatan nang kindatan ito.

Pinaikot naman ni Tae Kyung ang kanyang mga mata.

"Minam!" Mabilis na tinakpan pa niya ang mga mata nito. "Manahimik ka d'yan at
kakain na ako. Gutom na gutom na ako!" nagsusungit pang himig nito. Noon na lang
din nito itinuon ang pansin sa mainit na noodles.

"Sobrang sarap n'yan!"  Excited pa siyang malaman ang magiging reaksyon nito.

"Hmm... not bad, huh?" Tumangu-tango pa ito. Satisfied naman ito sa lasa lalo na
nga't maselan talaga siya sa pagkain.

"I told you!" Noon na rin siya humigop nang humigop ng sabaw.
"Ang takaw mo, Minam..." iiling-iling pa ito. "Parang 'di ka babae kumain."

"Di bale na 'no! Masaya akong nakakakain nang ganitong kasasarap na pagkain. At
tsaka 'di naman ako mabilis tumaba kaya okay lang." Hindi siya papaawat kahit na sa
totoo lang ay busog na siya at pinipilit lang niyang magpakagana sa harap nito para
mahawa sa mood niya. "Samahan mo naman akong pumunta d'un sa store na 'yun, huh!"
Itinuro pa niya ang hindi rin kalayuang bilihan.

"Bakit? Ano namang bibilhin mo d'un?" taka pa siya gayong tila mga walang kuwentang
bagay lang ang mabibili roon.

"Basta. May bibilhin kasi akong panregalo." Matamis pa siyang ngumiti rito. Gusto
niyang kahit sa saglit na oras ay makalimutan nito ang sama ng loob na nakatanim sa
dibdib nito.

"Panregalo?" Taka pa ito gayong wala naman siyang alam na may magbe-birthday sa mga
kasama. Lalong hindi naman nito alam na birthday niya.

"Yup!" Tumangu-tango pa siya.

"Para naman kanino 'yan?" pasimpleng usisa na lang niya.

"Para sa espesyal na tao 'to. Gusto kong iparamdam sa kanya na espesyal siya."
Hindi siya pabubuking dito.

"Boyfriend?"

"Hindi pa kaya ako nagkaka-boyfriend," may kasama pang iling na sagot niya. "Sa
kumbento na rin kasi ako lumaki. Ngayon lang ako nakalabas nang ganito kasama ang
lalaki."

"Really?" Hindi ito makapaniwalang may taong katulad pa ni Minam. Kuntento na sa


simpleng buhay.

"So, you think we're dating?" pilyo pa niyang tanong.

"Hindi 'no!" depensa rin naman niya. "Sabi mo, one of the boys lang ako. Iniisip mo
bang date 'to?"

"No way!" mabilis namang tanggi nito. "You're way out of my type." Sinimangutan pa
niya ito. He's lying. Simple man si Minam ay hindi maikakaila ang natural nitong
ganda. Nakaka-impress din sa kanya ang inosenteng ugali nito. Malayo sa mga babaeng
nakikilala niya sa mundong ginagalawan niya.
"Lalo na 'ko! Magma-madre ako. Pupunta rin ako sa Rome matapos lang na maka-recover
na ang twin brother ko."

"That's good!" Tatangu-tango pa ito. "Nakakasawa na ring magturo sa'yo," kunwari ay


nanunungit na sagot niya. Hindi niya maiwasang malungkot sa sinabi nito. Kahit
papaano kasi'y napakibagayan na rin niya ang babae. Pero hindi naman talaga pang
habang panahong magpapanggap ito.

"Mami-miss mo rin ako 'no!" Umirap pa siya dito.

"Ang daming magagandang babae d'yan. Saglit lang limot na kita," biro pa nito.

"Hindi ba ako maganda?" Ngumuso pa siya.

"Mukha kang lalaki," nang-iinis na sagot pa niya sabay nag-iwas nang tingin.

"Oo na! Si Tae Kyung ka talaga! Hmp!" Umirap ulit siya dito. "Malayung-malayo
talaga sa'yo si Shin Woo..." Hindi pa niya naiwasang magkumpara.

"Really? Hamak na mas gwapo ako?" Nakakaloko pa itong ngumiti.

"Hindi 'no!" mabilis pa niyang tanggi. "Pero medyo mas cute ka naman nga." Mataman
pa niya iyong pinagmasdan. Kung tutuusin kasi'y mukha ring babae ang lalaki.
Magkasing laki lang sila ng mukha. Makinis ito at payat lang din hindi katulad ni
Shin Woo na medyo malaman ang katawan. "Sobrang bait kasi ni Shin Woo. Parang
anghel na bumaba sa langit."

"Tsss..." Umiling-iling lang siya sa komento nito. "Sa'yo lang ako salbahe!"

"Gan'un?" Sumimangot pa siya. "Ang sama mo! Hmp!" Bahagya pa niya iyong kinurot sa
braso.

"Hey! Hey!" sita pa niya dito. "Sensitive ang balat ko, ikaw talaga tabachoy ka!"
gigil pa niyang baling dito at siya naman ang kumurot sa medyo malamang pisngi
nito.

"Aray!" Tinampal pa niya ang kamay ng lalaki.

Tumawa naman nang tumawa si Tae Kyung sa nakitang reaksyon ng babae. Namula kasi
itong parang makopa!

Ang hindi alam ni Tae Kyung ay maligayang-maligaya si Minam sa mga pagkakataong


iyon. Dahil alam niya, nagtatagumpay siyang mapasaya ang araw nito kahit sandali
lang.
Hindi rin naman sila nagtagal sa pagkain at pumunta na nga sila sa store na
sinasabi ni Minam. At siyempre pa, parehas silang nagtatago sa hood nila sa pag-
aalalang may makakilala sa kanila. Kahit papaano kasi ay nawala na talaga ang
privacy nila simula nang maging celebrity sila.

"Wow..." Namimilog pa ang mga mata ni Minam. Hindi mapigil ang pagkamangha nang
makita ang mga mukha nila sa laruan ng mga bata. "Tae Kyung, tingnan mo!" Ipinakita
pa niya ang 'pog' sa lalaki.

"What the hell is that?!" Hindi ito makapaniwala sa nakikita. "Pati ba naman sa pog
pinalagay ni Mr. Lin ang mga mukha natin?! Puro kalokohan ang manager mo!"

"Ano ka ba? Ang cute cute kaya." Kinuha pa niya ang pog ni Tae Kyung. "Kahit sa pog
ikaw pa rin ang pinakamasungit talaga, o!" Idinikit pa talaga niya ang pog sa mukha
nito.

"Pinakasikat naman!" Umismid pa ito. "Kakaunti pa lang ang pog mo." Puna pa nito sa
display.

"Hindi n'yo pa naman ako kasing sikat."

"Yeah, I know..." Hindi na rin naman nito itinanggi ang iniisip ng babae. "Someday
you'll be," bawi rin naman niya.

"Wait, bili ako nito. Ipapakita ko kina Shin Woo at Jeremy." Agad itong kumuha sa
display at pasimple ring kinuha ang mug na napili niyang iregalo sa lalaki.

"Puro ka kabaduyan..." Iiling-iling pa ito sa babae na nagpunta na sa counter.

Hindi rin naman nagtagal ay umalis na sila sa bilihan at sa park na katapat ng


A.N.Jell mansion sila pansamantalang tumambay at pinaglaruan ang pog na binili ni
Minam.

"Pati ako natututo nang kabaduyan sa'yo." Iiling-iling pa si Tae Kyung dito habang
abalang-abala ito sa kakabalibag ng pog.

"Ano ka ba? Sabi nga ni Mother Superior, paminsan-minsan, umalis ka sa comfort zone
mo. Walang masama kung maramdaman mo ulit na bata ka. Hindi mo kailangang
makaramdam nang sakit. Puro kaligayahan lang."

Hindi naman naiwasang tamaan ni Tae Kyung sa sinabi nito. Sapol na sapol kasi ang
nararamdaman niya.

"Yeah, I think you're right. Mas masarap pa yata maging bata na lang," mapait pa
niyang sabi sabay humugot nang isang malalim na buntong-hininga. "Let's go home...
inaantok na rin kasi ako." Muli ay naalala na naman niya ang nangyari kanina lang
sa pagitan nila ng kanyang Mama.

"S-sige..." Tipid na lang siyang ngumiti dito.

Nang makarating na sila sa bukana ng mansion ay tsaka ulit nagsalita si Tae Kyung.

"Thanks, Minam. Stupid, but I had a great night." Tipid pa siyang ngumiti dito.

"Wait, Tae Kyung..." Pigil pa niya sa lalaki na tangka na sanang papasok sa loob ng
mansion.

"What?" Taka pa ito.

"P-para sa'yo..." Nahihiya pa niyang iniabot dito ang mug na binili niya.

"Akala ko ba panregalo mo 'to?" taka pa rin ito.

"Yeah, sa'yo. Happy birthday!" Pilit niyang pinapasaya ang tono ng salita niya
kahit na nga ramdam na ramdam na naman niya ang lungkot nito.

"W-what?" Kumunot siya. Hindi siya makapaniwalang alam nitong birthday niya. "How
did you know?"

"Kasi..." Hindi naman niya kayanin ang magsinungaling dito. "Narinig ko kayo ni Ms.
Nera," mapait pa niyang sabi sabay kagat ng labi. "I'm sorry, Tae Kyung. Sorry
talaga."

"Hmm..." Mataman niya itong tinitigan at noon na niya nakuha kung bakit gusto
nitong pasayahin siya.

"I'm sorry..." Kinakabahan siyang baka mabago na naman ang mood nito.

"It's okay..." mapait pa siyang ngumiti. "At least I don't have to hide with you
right?"

"Gusto ko lang maging happy ka pa rin sa birthday mo."

"You don't have to do this." Umiling-iling pa siya dito. "'Wag mo akong kaawaan."

"Sabi ni Mother Superior kaya tayo iba-ba ay dahil para maging espesyal ang bawat
isa sa atin. At espesyal ka. Ano pa man ang pinagdaraanan mo, walang mababago sa
pagiging espesyal mo."

Napayuko lang siya sa sinabi nito. Hindi niya malaman ang dapat na sabihin.

"Tae Kyung..." Humakbang siya palapit dito at mahigpit itong niyakap. "Hayaan mo
lang na yakapin kita."

Hindi naman siya nakakilos sa mga pagkakataong iyon. Ramdam niya ang init ng
katawan nito. At iyon ang humupa sa nararamdamang lungkot ng kanyang puso.

"Gusto ko lang maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Sasamahan kita, sabihin mo lang.


Magkaibigan tayo." Tinapik-tapik pa niya ito sa likod.

Panandaliang naging ganoon ang ayos nila hanggang bumitaw na rin si Minam at
masiglang-masigla na ulit ang tono ng boses.

"Tapos na birthday mo Tae Kyung!" Sinilip pa nito relo. "Past 12:00 midnight na!
Belated happy birthday na lang! Good night!" masaya pa niyang sabi bago tuluyang
tumalikod.

Nagpatiuna na siya sa pagpasok sa loob ng bahay. May naramdaman kasi siyang kakaiba
sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan na ewan. Hindi niya
kayang ipaliwanag. Inalog niya ang kanyang ulo at hindi na lang iyon inintindi.
Nagdiretso siya sa kanyang kwarto na may ngiti sa labi.

Samantala, si Tae Kyung naman ay mas gumaan ang pakiramdam. Masaya siyang kahit
papaano'y nagawa ni Minam na maging espesyal ang birthday niya.

=================

Chapter 7

Published: October 7, 2012

CHAPTER 7

Kasalukuyang nasa fan meeting si Tae Kyung noon kasama ang mga A.N.Jell nang 'di
inaasahang maipakilala na sa kanya ang 'di umano'y baka maging future leading lady
niya sa nalalapit na pagsabak niya sa unang solo movie niya.

"Tae Kyung Hwang, this is Heini Yoo." pakilala pa ni Mr. Han.

"Hello..." Matamis na matamis pa ang pagkakangiti ni Heini. Hindi


siya makapaniwalang higit itong mas gwapo sa personal.
"Hello..." tumango rin naman siya dito. Sa unang kita pa lang
niya dito ay wala na agad siyang interest. Maganda at sexy naman ito. Lahat ng
lalaki ay nahahaling dito maliban sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit
wala lang itong dating sa kanya.

"Mas gwapo ka nga pala in person," kinikilig na puri pa ni Heini


sa lalaki. Agad na nakuha nito ang interest niya.

"Thanks. You look pretty as well." pilit na pilit ang mga ngiti
niya.

"Thanks din..." nahihiya pa niyang sabi sabay kagat-labi. "May


charity work kami nearby so we decided to drop by na rin nang malaman ng manager ko
na may fan meeting kayo dito."

"Oh, charity work. That's good." matabang niyang sagot at agad na


binalingan naman ang mga kasamahan para ipakilala rito. "I would like you to meet
my other band mates." Isa-isa pa niya iyong ipinakilala. "This is Shin Woo,"

"Hi, Heini." kinamayan pa ito ni Shin Woo.

"Hello..." matamis rin siyang ngumiti dito.

"This is Jeremy," hinawakan pa niya ito sa balikat.

"Hi, Heini. It was nice meeting you." hindi maitago ni Jeremy ang
paghanga rito. "You look perfectly beautiful!"

"Thank you, Jeremy." flattered naman siya sa papuri nito.

"And, this is Minam, our new member."

"Hello..." kinamayan rin naman niya ito.

"Hello, Minam..." mataman pa nitong tinitigan sa mukha ang


kaharap. "You look so handsome."

"Thanks..." nahihiyang sabi pa ni Minam at makahulugang tiningnan


si Tae Kyung na umismid lang sa kanya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam nang
kaba sa tuwing may titingin sa kanya nang gan'un.

"Ang liit ng face mo, para kang girl." hindi nito naiwasan
magkomento.
Napalunok siya at pinilit magpaka-kaswal. "Oo nga, sabi nga nang
iba." sinang-ayunan na lang din niya ito. Muli niyang tinapunan nang tingin si
Tae Kyung na ngayon ay nakangisi na.

"Well, anyway, we need to go. Mayroon pa kasi akong isang charity


work na pupuntahan malapit lang din dito." pagpapaalam na rin nito. "Mr. Han,"

"Yes, Heini. No problem. Thanks for dropping by." si Mr. Han na


muli ay kinamayan si Heini.

"My pleasure, Mr. Han." pormal pa nitong sabi. Binalingan din niya
Tae Kyung na agad naman ding dumiretso nang tayo. "I'm glad we finally met."

"Same here," pilit pa rin ang ngiti niya.

Noon na ito tuluyang lumayo sa kanila. Pare-parehas nakatuon sa


napakagandang si Heini Yoo.

"Wow... She's really gorgeous..." si Jeremy na nagniningning ang


mga mata sa pagtanaw kay Heini.

"What is so gorgeous about her?" kunot-noo na tanong pa ni Tae


Kyung.

"Bulag ka ba?" nakangiwi pa si Jeremy.

"Maybe she isn't just my type." kibit-balikat pa ito.

"Me neither..." si Shin Woo na hindi rin nagpakita ng interest.

"What about you, Minam? Heini is so gorgeous, don't you think so?"
baling pa ni Jeremy sa kabanda.

"Yeah, maganda." wala pa sa loob na sagot niya. "Saan kaya niya


nabili ang shoes niya? Ang ganda kasi," wala pa sa sariling sagot ni Minam.

"Shoes?" taka pa si Jeremy at nagkamot ng ulo.

Nagpigil namang matawa si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon. Tila


kasi nawala sa sarili si Minam at nakalimutang lalaki siya.

"Hindi! Ibig kong sabihin," tulirong nag-isip naman si Minam.


"Maganda siya! Bagay ang shoes sa kanya! For sure bagay din sa twin sister ko..."
halos hindi siya magkandatuto sa pagsasalita. "'Yun!"

"Tsss..." ngumiwi pa si Jeremy. "Weird mo rin 'no." iiling-iling


pa ito.

"Nagkamali lang ako nang salita..." depensa rin naman niya.


"Crush ko nga si Heini." napilitan na naman siyang magsinungaling para lang
makumbinsi ang kaharap.

"Crush, huh? Talaga lang, huh." pabulong na sambit pa ni Tae


Kyung.

"Hey!" si Mr. Han na nakisali na rin. "Hangga't kaya n'yong


pigilan, 'wag muna kayong magsipag-girlfriend, huh."

"No way! Magkaroon lang ako ng chance na makita ang dream girl ko
ay hindi ko pakakawalan!" si Jeremy na nagprotesta agad.

"Kaya nga sabi ko, kung kayang pigilan, diba? Kung kaya ring itago
na lang, much better." dinilatan pa nito si Jeremy.

"Sayang nga lang, mukhang si Tae Kyung talaga ang type ni Heini.
Have you guys seen how she looked at our brother? Damn, you're a lucky guy! She's
heaven sent!" tinapik pa nito nang malakas sa balikat si Tae Kyung na umiling
lang.

"Heaven sent? You're not sure about that." umismid pa ito sabay
umiling-iling. "Whenever she did something spectacular, didn't you notice there
are press around?"

"Naku, ewan ko sa'yo! Basta ang alam ko, heaven sent talaga siya."

Umiling na lang si Tae Kyung at mabilis na tumalikod para


magpatiuna sa van. Wala rin naman siya sa kundisyon at medyo kumikirot ang ulo
niya.

"Hintayin mo na lang kami d'un, Tae Kyung! Mamaya na kami bababa!"


sigaw pa ni Mr. Han.

"Yeah. Enjoy!" ikinumpas na lang nito ang kamay nang hindi


lumilingon.

Hindi naman naiwasang malungkot ni Minam sa pag-alis ni Tae Kyung.


Kahit papaano kasi ay ito pa rin ang inaasahan niyang aalalay sa kanya lalo pa
nga't ito lang ang nakakaalam na babae siya. Gayonpaman ay hindi naman niya
puwedeng pilitin itong makihalubilo muna sa fans kung wala talaga ito sa kundisyon.

Samantala, hindi pa man nagtatagal sa pagpapahinga si Tae Kyung sa


loob ng van ay bigla na lang may pumasok na babae sa harapan ng van nila at panay
ang busa! Si Heini Yoo! Hindi nito alintana na maling van ang pinasukan at panay
pa rin ang salita nito.

"Dapat lang na dagdagan nila ang bayad sa akin! Kadiri 'tong


pinapagawa nila sa akin! Puro maduduming tao ang mga nakakasalamuha ko! Kadiri
talaga! Tissue nga!" inilahad pa nito ang kamay at hindi man lang lumilingon.

Napataas lang ang kilay ni Tae Kyung sa narinig. Kinuha niya ang
tissue na malapit sa kanya at ibinalibag iyon sa babae na wala pa ring alam na sa
ibang van ito nasakay.

"Damn it! Bakit mo-" iritang sabi pa niya sabay lingon sa


likuran. Agad siyang natigilan dahil nabungaran ang mukha ni Tae Kyung na
sarkastikong nakangiti sa kanya. "Sorry... Wrong van pala..." nag-init ang
kanyang pisngi at halos lumubog na siya sa kinakaupuan. Natitiyak niyang narinig
ng lalaki ang lahat ng mga pinagsasabi niya.

"I'm not surprised. You're a queen of plastics." sarkastiko pang


sabi ni Tae Kyung habang mataman iyong pinagmamasdan. Hindi siya nagkamali nang
akala dito.

"A-anong-?" hindi nito malaman ang sasabihin.

"The Devil Heini... sounds pretty good for you." ngumisi pa siya
at halos magkulay mansanas sa kahihiyan si Heini.

"W-what?" Nagsalubong ang kilay nito sa galit. Hindi niya


inaasahang ganoon din katalas ang dila ng lalaki.

"You don't need to pretend infront of me. You're free to blurt out
everything you have in mind and I wouldn't budge."

"Really?" Nagtaas ito ng kilay at sarkastikong ngumiti sa lalaki.


Tulad nang sabi nito ay hindi na niya kailangang itago ang tunay na Heini. "You're
an asshole!"

"Yeah, same as you." balikwas din naman niya.

"I hate you!" galit pang sabi nito bago padabog na binuksan ang
pintuan ng van at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Hindi niya makakalimutan ang
pamamahiyang ginawa nito sa kanya.
Sakto namang paglabas niya ay nakasalubong niya ang batikang reporter! Lihim
siyang napamura lalo pa nga't kailangan na agad niyang kumalma gayong nagpupuyos pa
rin siya sa galit kay Tae Kyung.

"Ms. Heini!" masayang bati pa ng reporter dito. Napakumpas pa ang kamay nito sa
hangin lalo pa nga't ang tagal nitong hinintay ang pagkakataon na ma-interview ang
dalaga.

"Pa-interview naman, o!" sumamo pa ng reporter.

"Some other time po. Promise." iwas talaga siya. "I need to find my van."

"Promise 'yan, ha! Exclusive, huh!" hindi na rin naman ito namilit.

"Yes." napilitan siyang tumango at nagmamadaling sa umalis.

Ngunit pagtalikod niya ay ganoon na lang ang pagtataka ng reporter gayong malinaw
na sinabi nito sa kanya na hahanapin nito ang van. Nagkamot siya ng ulo at tangka
sanang sisigawan ulit ang dalaga nang mapansing hindi pala van nito ang
pinanggalingan kundi van ng A.N.Jell! Hindi pa man nabubuo sa isip niya ang
kuwento ay siya namang paglabas ni Tae Kyung sa van! Lihim siyang napangiti sa
natuklasan. Malaking balita ang nakita niya at magandang pagkakataon iyon para sa
kanya.

***Samantala, hindi rin naman nagtagal ay umuwi na rin ang A.N.Jell sa mansion.
Talaga namang nakakapagod ang buong maghapon nila.

"Nagkakaroon na nang kaunting fans si Minam. Good job!" si Shin Woo na bahagya
pang ginulo ang buhok ng kabanda.

"Na-surprise nga ako kanina nang biglang may magpa-pirma. Hindi ko tuloy alam ang
ilalagay ko." medyo lutang pa na pagku-kuwento niya. Hindi niya makalimutan ang
eksena kanina.

"Sana ang inilagay mo, e, I am a looser?" nang-uuyang sabi pa ni Tae Kyung.

"Tsss..." sinimangutan naman ni Minam ang lalaki. "Baka pagdating ng panahon,


manghingi ka pa ng fans sa akin! Hmp!" Umismid siya at kuntodong inirapan pa iyon.

"You dream too much!" taas-kilay pa ito at umismid din.

"Ano ka ba, Tae Kyung," si Mr. Lin na paminsan ay hindi maiwasan ang maapektuhan
sa pangmamaliit nito sa alaga niya. "Record breaking na rin ang kasikatin ni Minam
bilang new member ng A.N.Jell. Nagbibisita ka naman siguro sa official website
n'yo diba? May 23% audience share na siya. To think hindi pa na-launch ang solo
single niya."
"Mr. Lin, have you seen the percentage of my fans?" naghahamon pang himig nito.

"Huh, e, oo." napalunok pa ito.

"Ilan?" namaywang pa siya sa harap nito sabay pinaningkitan ito ng mga mata.

"98%..." halos pabulong pa nitong sagot. Tumingin pa ito sa nagkakamot naman ng


ulong si Minam.

"Compared to 23%?" muli ay binalingan nang tingin ni Tae Kyung ang babae.

"Yabang nito!" nasambit na lang ni Minam dito.

"That's undeniably true!" si Jeremy na nakisali rin. "Pinakamalakas talaga sa tao


si Tae Kyung."

"Kahit masama ang ugali niya?" mabilis na dugtong pa ni Minam at pinaningkitan ng


mga mata ang lalaki.

"Yeah. And, I don't care, Minam!" pasupladong sagot pa nito sabay talikod.
Natutuwatalaga siyang alaskahin ito.

"Pagpasensyahan mo na si Tae Kyung, Minam. Ganyan lang talaga 'yan." si Shin Woo.

"Okay lang, nasasanay na rin naman na ako." Sinundan pa niya nang tingin ang
lalaking paakyat na sa ikalawang palapag ng mansion.

"Don't worry, for sure mararating mo rin ang kasikatan ni Tae Kyung." pampalubag
loob pa ni Shin Woo.

"Okay lang naman kahit hindi. Kahit ganito, masaya na ako. Diba, Mr. Lin?"
binalingan pa niya ang tahimik na manager niya.

"Oo naman, Minam. Makakahanap rin ng katapat ang masungit na 'yan." nakasimangot
pa nitong sagot sabay tingin din sa direksyon nang pinag-akyatan ni Tae Kyung.

"Oo nga..." Bumuntong-hininga siya at tumingin sa kawalan. Sa tingin niya'y may


kakaiba na namang lungkot ang mga mata ni Tae Kyung. Hindi lamang siya sigurado
kung ano ang dinadala nito. Kahit na hindi masyadong maganda ang pakikitungo sa
kanya ng lalaki, hindi pa rin niya gustong nakikita itong malungkot. Dasal na
lamang niya ay medyo maging open ang lalaki sa nararamdaman nito. Handa siyang
tumulong sa abot ng kanyang makakaya para lang din maibalik dito ang pagtitiwalang
ibinigay nito para maging miyembro siya ng A.N.Jell.
=================

Chapter 8 - Part 1 of 2

Published: January 9, 2013

CHAPTER 8 - Part 1 of 2

May kung ilang araw ding nagre-rehearse si Minam ng kantang isinulat ni Tae Kyung
para sa kanya. Pero pansin niyang parang may kakaiba sa lalaki at hindi nito
mapigil ang magalit sa kanya.

"Wala ka bang pakiramdam?!" alsa-boses na ito. "Yes, maganda ang boses mo! Pero
walang dating! Para ka lang kumakanta sa videoke!"

"Binibigay ko naman... Ano pa bang kulang?" halos mangilid ang luha niya dahil
tila ibang-iba talaga ang tono nito.

"Emotions! Wala kang emosyon! Tanga ka ba?"

Sapat na ang mga salitang iyon para bumigay si Minam. Nagtitimpi lang siya at
pilit na inuunawa ang lalaki sa tantrums nito. Inaalala lang din niyang may
mabigat na problema ito. Pero hindi niya kayang magtimpi sa lahat nang oras.

"Oo na! Ikaw na ang magaling! Wala namang ibang magaling dito kundi ikaw lang!"
sigaw din niya dito.

"That's for sure, Minam! Kasi hindi ko naman mararating ang estado ko ngayon if I
am not this good! E, ikaw, you have every opportunity that everybody envied, pero
sinasayang mo! Kung hindi mo kayang kantahin nang maayos ang kanta ko, better yet
quit the job! Stop believing that you'll be an A.N.Jell!"

Kinagat ni Minam ang labi upang pigilan ang paghagulgol at nagmamadaling tumalikod.
Pilit na ikinubli ang luhang kanina pa gustong mag-unahan sa pagpatak sa kanyang
mga mata. Agad naman ding sumunod si Mr. Lin sa alaga na pumasok sa kwarto nito.

"Hey..." pukaw pa nito sa malalim na pag-iisip ng dalaga.

"Mr. Lin?" Tiningala niya ito at mabilis na pinunasan ang luha.

"Habaan mo pa nang kaunti ang pasensya mo kay Tae Kyung." Awang-awa naman niya
itong dinungaw. Hinagod din niya ang likod nito. "Perfectionist kasi ang taong
iyon, kaya nga mahirap makasundo."
"E, bakit kina Shin Woo at Jeremy, okay naman siya?" Hindi rin kasi niya maiwasang
ikumpara ang pagtrato nito sa ibang kasama.

"Mabait naman 'yun. Mainit lang din siguro ang ulo. Natapatan ka." pampalubag
loob pa nito.

"Tsss..." Sumimangot siya at umirap sa kawalan. Hindi yata niya mapapaniwalaan


ang sinabi nito.

"Kapag kasi gumagawa ng kanta ang taong iyon, ibinubuhos niya ang buong puso niya.
Maybe, iyon ang gusto niyang makita sa'yo. Ibuhos mo ang buong puso mo."

"Pero buong puso ko namang kinakanta 'yung song, a." depensa pa niya sa sarili.

"Hmm, ganito na lang," nag-isip pa ito. "Have you been in love before?" kunot-
noo pa ito.

"In love?"

"Ooops! I forgot! Nobisyada ka nga pala." Nagkamot pa ito ng ulo. "Paano ba


'to?" muli ay malalim pa itong nag-isip. "Love. Dapat mailabas mo 'yun habang
kumakanta. For example, dapat ang love mo para sa mother mo, sa kapatid mo, dapat
mailabas mo 'yun sa kanta."

"I get it but I don't know. Sa tingin ko kasi okay naman ang pagkanta ko." Humupa
nang kaunti ang nararamdaman niya lalo pa nga't napapaliwanagan siya nang maayos ni
Mr. Lin. Hindi pa kasi siya nai-inlove kaya hindi niya mailabas nang tama sa
kanta. Hindi akma ang kanta sa love na nararamdaman niya para sa ina at kapatid.
Inalog niya ang kanyang ulo at hindi talaga niya malaman ang gagawin. Gulung-gulo
talaga siya. "Gusto ko muna sana mag-isa, Mr. Lin..."

"Sige. Pero mag-practice ka, a. Try mong ilagay ang sarili mo sa iba. Probably
that might work."

"Sige po..." Bumuntong-hininga siya at tumingin ulit sa kawalan.

Noon na umalis si Mr. Lin. Naiwanan na lamang mapag-isa si Minam sa mga


pagkakataong iyon. Hindi tuloy niya malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman sa
tuwing pagagalitan siya ni Tae Kyung. Kailangan niyang magabayan. Agad pang
sumagi sa isip niya ang Mother Superior! Dali-dali siyang nag-impake ng ilang
piraso ng mga damit at mabilis na umalis.

Samantala, hindi makapaniwala si Mr. Lin nang makatanggap ng text mula kay Minam.
Galit pa niyang binalingan si Tae Kyung na tila papaalis rin.
"Ayan, siguro naman magiging happy ka na! Umalis na si Minam!" sigaw pa niya sa
nagulat na lalaki. Masamang-masama ang loob niyang tinalikuran ito sa takot na
masuntok din niya ito sa sobrang inis.

Hindi naman makapaniwala si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon lalo na nga't sa
sandaling panahon na kasama niya si Minam ay hindi naman nito iniintindi masyado
ang galit niya. Mabilis pa siyang sumakay sa sports car niya at pinaharurot agad
iyon paalis ng mansion.

"Hello, Minam!" agad pa niya iyong tinawagan.

"Tae Kyung?" takang-taka pa si Minam sa kabilang linya. Hindi pa man siya


nakakasakay ng bus patungo sana sa kumbento na pinuntahan ng Mother Superior niya
ay agad na siya nitong tinawagan.

"Where are you?" taranta pang tanong nito.

"Nandito sa bus stop malapit sa A.N.Jell concert ground." Luminga pa siya sa


panggagalingan ng bus na sasakyan niya.

"Wait for me! Stay right there!" mahigpit pang bilin niya. Hindi na nito
hinintay ang sasabihin ng babae at agad na ibinaba ang cellphone.

Nagtataka man ay hindi na muna siya sumakay sa bus na dumating kahit na nga bente
minutos na siyang naghihintay. Hindi naman din nagtagal ay natanawan niya ang
sports car ni Tae Kyung. Agad pa iyong huminto sa harapan niya at bumaba rin ito.

"M-minam..." bahagya pa siyang nanibago nang matitigan ang babae. First time lang
kasi niya iyong nakitang nakadamit pambabae. Naka-wig nang mahabang buhok, may
kaunting make-up sa mukha at higit sa lahat ay naka high heels. Sa madaling
salita, malayo sa nakasanayan niyang panglalaking gayak nito.

"Anong ginagawa mo dito?" taka pang tanong niya. Tila lahat nang tampo niya dito
ay agad din niyang nakalimutan.

"I thought malakas ang loob mo? That you're willing to risk it all para lang
marating ang pangarap ninyo ni Minam? Why all of a sudden, aalis ka na lang bigla-
bigla nang walang paalam?" kunot-noo pang sita nito. Hindi niya maiwasan ang
mapatitig dito lalo na nga't ang ganda ganda nito sa kanyang paningin.

"Huh? Nagpaalam naman ako kay Mr. Lin..." Ngumuso siya at saglit na napaisip.

"Nagpaalam?" medyo galit pa rin ang tono nito. "Kaya pala eto ka, paalis na!
Sumakay ka!" agad pa nitong ibinukas ang pinto ng sports car nito at pautos na
pinasakay ang nagtataka pa ring babae.
"You mean to say, ihahatid mo ako sa kumbento?" halos magliwanag ang mukha niya sa
tuwa. Mukhang bumabawi si Tae Kyung sa pagsusungit sa kanya.

"Huh?" nagtataka pa niyang tinitigan ang babae.

"Dadalawin ko kasi si Mother Superior. Nasa kumbento siya sa kabilang bayan."

"Huh?" muntik na siyang masamid sa mga pagkakataong iyon. Nahawa siya sa pagiging
over acting ni Mr. Lin. "You mean to say you're not running away?"

"Huh? Running away?" Ngumiwi siya at hindi pa rin niya ito maintindihan.

"Just get in!" iiling-iling pa itong sumakay sa sasakyan. Hindi siya


makapaniwalang naisahan siya ni Mr. Lin.

Habang nagda-drive ay tsaka ipinaliwanag ni Tae Kyung kung bakit siya napasugod sa
bus stop.

"Ah, akala mo aalis na ako kaya mo ako pinuntahan?" Agad na nagliwanag ang kanyang
mukha. Kahit na ganoon pa man ang dahilan nito ay hindi pa rin niya naiwasan ang
matuwa.

"Palpak talaga ang manager mo," tiim-bagang pa ito.

"Iba pala ang intindi niya. Sorry at naabala pa kita. Akala ko kasi ihahatid mo
ako." Nagkamot pa siya ng ulo.

"It's okay," Hindi niya makuhang mainis. Sa halip ay maluwag pa nga sa loob
niyang ihatid ito sa pupuntahan nito. "Tinatamad na rin naman akong magpractice
nang magpractice. Sumasakit na rin ang lalamunan ko. Besides, malaki rin ang
utang ko sa'yo. Ginawa mong medyo espesyal ang birthday ko. Sorry kung masyado
akong inconsiderate."

"Wala 'yun..." umiling lamang siya dito. "Sorry din talaga kanina, huh. Promise,
gagalingan ko next time." bahagya pa siyang ngumiwi at kinagat ang kanyang ibabang
labi habang nakatitig sa gwapong mukha nito.

"Better be!" kunwari ay nagsusungit pa rin niyang sagot.

Pasimple niya itong hinapyawan nang tingin pero agad ding nag-iwas.

"I never thought you'll look a lot different when you were dressed like a girl."
sabi pa niya habang pasulyap na tiningnan ito sa front mirror.
"Girl pa rin naman ako kahit naka pang boy akong damit." Umirap pa siya dito.

"Not quite on my eyes." nang-uuya pang sabi nito.

"Tsss..." sinimangutan pa niya ito.

"And, wearing those cheap clips doesn't make you less of a boy to me."
sarkastikong sabi pa nito sabay ismid. Pero sa totoo lang ay kabaligtaran lahat
iyon nang nararamdaman niya sa kasalukuyan.

"Eto..." hinipo pa niya ang clip sa buhok at dismayadong inalis. Pero dahil
marahil sa maling pagtatanggal niya ay nasira iyon. "Ayan, nasira tuloy..."

"Hayaan mo na, mumurahin lang naman yan for sure." kunwari ay walang pakialam pa
niyang sagot. Hindi niya maiwasan ang makunsensya lalo na nga't bagay naman talaga
dito ang suot nitong clip. Iniinis lang naman din niya ito.

"Okay lang. Pangit naman talaga ang clip sa akin." malungkot pa niyang sabi.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Palagi siyang nako-concious sa tuwing
magkokomento nang hindi maganda sa kanya ang lalaki.

Hindi naman din nagtagal ay narating nila ang kumbento. Hindi naman din kasi ito
kalayuan at halos wala pang trenta minutos ang layo sa A.N.Jell concert ground.

"Thank you, Tae Kyung, ha." matamis pa siyang ngumiti dito sabay kinuha ang paper
bag na dala.

"What is that?" taka pa nitong tanong.

"Baon kong damit pamalit mamaya pag-uwi. Hindi naman ako puwedeng umuwi na ganito
ang hitsura ko, diba?"

"Leave it there."

"Huh?" taka pa siyang tumitig dito.

"Hihintayin na lang kita." Iwas pa ang mga mata niya dito.

"Baka mga dalawang oras din akong mawala." nag-aalangan siya. Nag-aalala siyang
mainip ito.

"It's okay. I'll see you later." pormal lang na sabi nito at pumasok na rin sa
sasakyan.
Sumenyas na lang si Minam dito at pumasok na nga sa loob ng kumbento.

Ngunit hindi pa man nagtatagal si Tae Kyung ay may kung sino na lang ang biglang
tumawag sa kanya.

Saglit niyang kinilala ang numero pero wala talaga siyang maalala.

"Hello?"

{Hi, Tae Kyung...} bungad pa ng babae sa kanya.

"I don't have time to chat." agad pa niya iyong binaba. Ni hindi nag-abalang
alamin kung sino ba ang nasa kabilang linya.

At muli nga ay tumawag ulit ang babae. Inis na pinindot ulit niya ang answer
button.

{Please! 'Wag mo ibaba ang phone mo! It's Heini!} mabilis pang pagsasalita ng
babae sa kabilang linya.

"I don't know you." mabilis na sagot ni Tae Kyung na tangka sana ulit ibababa ang
telepono nito nang bigla itong magbanta.

{Don't you dare try to hang up on me again!} inis na inis ang boses nito.

"What is it now?"

{O-or I'll tell the press that we're really lovers.} banta pa nito.

"I don't care!" muli ay ibinaba niya ang cellphone.

At sa pangatlong pagkakataon ay muling tumawag si Heini.

{Minam is a girl right?} mabilis pang bungad niya dito.

"What the fvck are you talking about?" Kumunot ang noo niya. Hindi niya inaasahan
ang sasabihin nito.

{Minam is a girl...}
"Have you been taking cough syrups lately?" sarkastiko pa niyang tanong dito.

{Oh well, you can just hang up on me now.} ito naman ang nang-uuya ngayon.

"Where are you?" humugot siya nang isang malalim na buntong-hininga. Wala na
siyang pagpipilian pa.

{I'm right here at the Suburban Restaurant near the park.} Noon na nito ibinaba
ang cellphone at nakangising tumingin sa labas ng kanyang sasakyan. Dahil sa
katangahan ng katiwala ni Mr. Lin na si Mya ay nadulas ito sa sikreto nito tungkol
kay Minam. Inakala kasi nitong may namamagitan na sa kanila ni Tae Kyung dahil sa
nasulat na nakita silang magkasama sa van ng A.N.Jell. At dahil na rin na-
challenge siya sa klase ng pag-uugaling ipinakita sa kanya ng lalaki ay ginamit
niya iyon upang mapapayag lang itong magkita sila. Simula kasi nang huling
encounter nila ng lalaki ay hindi na mawala ito sa isip niya sa kabila man nang
pang-iinsultong ginawa nito sa kanya. Mas nakaakit pa sa kanya ang klase nang
pakikitungo nito lalo na nga't ito lamang ang nagpakita ng pagkadisgusto sa kanya.

=================

Chapter 8 - Part 2 of 2

CHAPTER 8 - Part 2 of 2

Hindi naman din nagtagal ay dumating na nga ang lalaki na nakasimangot. Agad pa
itong bumaba sa sasakyan at lumapit sa sasakyan niya.

"What is it you know about Minam?" Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa.

"She's a girl..." diretso pa nitong sagot habang nakikipaglabanan nang titig sa


lalaki. Noon na rin ito lumabas ng sasakyan.

"That's insane." Iiling-iling pa siya dito.

"I have proof," naghahamon pang himig nito.

"Really?" Mataman pa niya itong tinitigan sa mukha.

"Y-yeah..." Dinukot pa nito ang cellphone sa shoulder bag sabay ngumisi.

"Show me then!" Hamon pa nito.

"It's right h-here..." Ikinumpas pa niya ang cellphone sa mukha nito. Ang totoo ay
wala naman itong pruweba dahil nagsisinungaling lang naman ito.  Ang sinabi lang ni
Mya ang pinagbabasehan nito.

"You're such a devil. You're making up stories just to get noticed," pikon pang
sabi nito sabay talikod. Alam niyang bina-bluff siya ng babae.

"Tae Kyung!" habol pa nito sa lalaki.

Nang maramdaman ni Tae Kyung na malapit na ang babae ay bigla niyang hinablot ang
cellphone nito at mabilis na ibinato sa man-made river sa park.

Napatulala si Heini at hindi makapaniwala sa ginawa ng lalaki.

"No proof then?" nakangisi pang sabi ni Tae Kyung sabay umiling-iling. Nakaisa
siya. Tumalikod siya at iniwang tulala pa rin ang babae. Ngunit hindi pa man siya
nakakalapit sa kanyang sasakyan ay may mga by-standers na biglang lumapit kay Heini
at pinagkaguluhan ito.

"Heini, pa-picture naman!" sabi pa nang tila lasing na lalaki.

"No, please... No," takot namang iwas ni Heini lalo na nga't wala naman ang manager
niya doon. Dagdag pa na puro mga lalaki ang nakapaikot sa kanya.

Dahil sa pag-aalala ay lumapit na lang din si Tae Kyung para saklolohan ito. Hindi
naman din niya makukunsensyang iwanan ito nang basta basta lang.

"Please leave us alone," pakiusap ni Tae Kyung sa mga kalalakihan.

"Oh, man! It's true! Kayo nga ni Heini!" ngiting-ngiti pang sabi ng lalaki.

Hindi naman na nagsalita pa si Tae Kyung at sa halip ay ibinalabal na lang kay


Heini ang suot na jacket. Nagtaasan ang kanilang mga cellphone at hindi na
napigilan ang pag flash ng mga amateur cameras sa mga pagkakataong iyon. Bagay na
sigurado nilang guguhit na naman sa balita at internet.

Nang makalapit sa kanyang sasakyan ay agad din niyang pinasakay si Heini. Wala
siyang choice kundi ang ilayo ito sa mga nang-uusyoso sa kanila.

"Thank you," maluha-luha pang sabi ni Heini. Natakot siya kanina at hindi niya
maikakaila iyon. Bahagya pa ring nanginginig ang kanyang katawan.

"I know how it felt," iyon na lamang ang naisagot niya dito at mabilis na
pinaharurot ang sasakyan sa direksyong hindi na sila masusundan. "Better call your
manager. May lakad pa ako."
"Wala nga akong phone, diba? Itinapon mo," nakasimangot pa nitong sabi sa lalaki.

Wala naman na ring naging choice pa si Tae Kyung kundi ang ipahiram ang cellphone
niya dito.

"Make it quick!" masungit pa niyang sabi at mabilis na ipinarada ang kanyang


sasakyan sa isang bakanteng lote hindi naman din kalayuan sa park.

"Can you get out of the car for a while, please," pakiusap pa nito sa lalaki. Ayaw
lang din niyang marinig pa nito ang sasabihin niya sa kanyang manager.

Hindi naman na tumanggi si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon at mabilis na lumabas
ng sasakyan. Pinagbigyan na lang din niya ang request ng babae para wala nang
mahabang usapan.

Agad naman ding tumawag na si Heini sa manager nito para magpasundo. Pero hindi pa
mandin nagtatagal ang pagkakababa niya sa phone ng lalaki nang may kung sinong
tumatawag... si Minam! Agad niyang pinindot ang answer button nang walang paalam sa
lalaki.

{Tae Kyung, nasaan ka na? Sunduin mo pa rin ba ako?}

"He's not coming so, don't wait," mabilis pang sagot niya.

{S-sino 'to?} Nagtataka pang tanong ni Minam sa kabilang linya.

"It's Heini. Bye!" Mabilis niya iyong ibinaba nang biglang buksan ng lalaki ang
pinto ng kotse.

"Bumaba ka na d'yan. Hintayin mo na lang ang manager mo dito sa labas." kunot-noo


pang utos ni Tae Kyung dito.

"Please, dito na muna ako maghihintay. Natatakot ako at baka makita na naman ako
n'ung mga lalaki," sumamo pa niya dito.

Hindi naman na nakakibo pa si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon. Wala naman siyang
choice kundi pagbigyan ito lalo na nga't kitang-kita rin naman niya ang takot nito
kanina. Tumingin pa siya sa kanyang relo at halos magdadalawang oras na rin kasi
siyang nawawala. Nasisiguro niyang naghihintay sa kanya si Minam.

Samantala, hindi malaman ni Minam ang mararamdaman sa mga pagkakataong iyon. May
tila mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib na hindi niya maintindihan. Hindi pa
naman niya naramdaman ang ganoon sa buong buhay niya kaya't 'di niya maiwasan ang
maguluhan. Panandaling naantala ang kanyang pag-iisip nang may kung sinong tumawag
sa kanya. Si Shin Woo!
"Minam, where are you?" taka pang tanong nito. Nakarating rin kasi sa kanya ang
balitang umalis ito.

"Naku, wala naman. Sa tabi-tabi lang. Dito sa plaza!" Kinagat niya ang kanyang labi
at iginala ang tingin sa paligid. Wala pa rin si Tae Kyung.

"You mean to say hindi mo nga kasama si Tae Kyung?"

"Kanina. Pero ngayon hindi na..." Tiningnan niya ang kanyang cellphone. Kahit
papaano'y umaasa siyang babalikan siya ni Tae Kyung.

"I don't think he'll be able to make it. Have you seen the news?"

"Hindi pa... Bakit?"

"Tae Kyung and Heini are all over the news and internet. They were caught dating."

"Huh?" Muli ay naramdaman na naman niya ang kurot sa kanyang puso. Huminga siya
nang malalim at pilit na binalewala ang nararamdaman.

"Would you like me to pick you up instead?" volunteer pa nito.

"Hindi!" mabilis pa niyang tanggi. Nakadamit pambabae pa naman siya.

"O-okay..." hindi naman niya maiwasang malungkot sa sinagot nito. Sa totoo lang
kasi ay nasa likuran lamang siya nito at kanina pa sinusubaybayan. Hindi rin siya
makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. He knew she's a girl. Tama ang
suspetsa niya noon. Magandang-maganda si Minam sa suot nitong dress.

"Okay lang ako Shin Woo. Huwag mo akong alalahanin." Hindi pa siya handang ipaalam
dito na babae siya. Wala na naman siya sa sariling sinilip ang kanyang cellphone.
Nag-aalangan rin naman kasi siyang i-text si Tae Kyung lalo na nga't si Heini na
ang sumagot ng cellphone nito. "Ah, may alam ka bang bilihan nang mumurahing damit
panlalaki dito sa plaza?"

"Plaza?"

"Yeah, malapit sa kumbento. May alam ka?"

"Yeah, follow my instructions okay?" nakangiti pa nitong sagot. Natutuwa na rin


siyang hinihingan siya nang tulong ng babae. Kaya naman noon na nito itinuro ng mga
dapat na puntahan.
Ang hindi alam ni Minam ay kasunod lang niya ang lalaki.

Halos isang oras din siyang nag-ikot para lang makabili ng damit at sapatos na
isusuot niya. Sa tantiya niya'y hindi rin inaasahan ni Tae Kyung na magkikita sila
ni Heini kaya't hindi na nito iniwan ang paper bag niya. Kakain na lang sana siya
nang biglang mag ring ulit ang cellphone niya! Si Tae Kyung!

{Where are you?}

"Tae Kyung?" takang sambit pa niya sa pangalan ng lalaki. Hindi pa rin siya
makapaniwalang tumatawag ito kaya muling tinapunan nang tingin ang cellphone para
lang makasigurong pangalan ng lalaki ang naka-flash sa screen.

{Nandiyan ka pa rin ba?}

"O-oo!" Halos magliwanag ang mukha niya.

{I'm on my way. Sorry at na-late ako. Wait for me.} pormal na sabi pa nito.

"Sige..." Nagmamadali pa niyang ibinaba ang cellphone sabay inayos saglit ang
sarili bago magpasyang bumalik ulit sa dating pinanggalingan.

Hindi pa man siya nakakarating sa dating pinagbabaan niya ay muling nag ring ang
kanyang cellphone.

"Shin Woo!"

{Saan ka na n'yan?} Si Shin Woo na agad pang naalarma nang makita ang babeng
nagtatatakbo.

"Susunduin na raw ako ni Tae Kyung!" masayang sagot pa niya.

"Huh?" Noon na ito natigilan sa pagsunod. Plano pa naman sana niyang ipaalam kay
Minam na alam niyang babae ito at wala siyang nakikitang problema kung maging
miyembro man ito ng A.N.Jell. At handa rin siyang pangalagaan ang sikreto nito.
Pero tila pinag-aadyang hindi niya maipaalam iyon sa babae dahil sa tuwing
magtatangka siya'y palagi iyong napupurnada. Tulad ngayon...

"Sige, Shin Woo... Thank you, ha! Kita na lang tayo sa bahay. Binilhan kita ng
donuts!"

{Sige, ingat ka na lang.} Mabilis niyang pinutol ang tawag. Kitang-kita niya mula
sa kanyang kinakatayuan ang naghihintay na si Tae Kyung sa tabi ng sasakyan nito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang ngiti sa mga mata nito habang nakatitig sa papalapit
na si Minam.
"Tae Kyung!" Kumakaway pa habang tumatakbo si Minam palapit sa lalaki na
naghihintay sa tapat ng sports car nito.

"Hey, careful!" Paalala pa niya sa babae na tila hindi alintana sa taas ng suot
nitong Stiletos dahil sa mabilis na pagtakbo.

Sakto namang malapit na malapit na siya sa lalaki nang aksidenteng mapatid at


pabagsak sa lalaki!

"Minam!" Agad namang sinalo ni Tae Kyung ang babae.

"T-tae Kyung..." Tiningala niya ito at halos mamula siya sa kahihiyan. Halos wala
pang isang dangkal ang layo ng kanilang mukha. Panandali pa siyang natigilan nang
mapatitig dito. Naramdaman niya ang malakas na kalabog ng kanyang puso. Hindi siya
makahinga nang maayos lalo pa nga't ang lapit ng mukha nito sa kanya.

"Are you okay?" nag-alala namang tanong niya dito. Mahigpit niyang yakap ang
katawan nito. Ramdam din niya ang init ng balat nito.

"Y-yes..." Sunud-sunod pa siyang tumango. Noon na siya kumalas sa pagkakayakap


nito. "Sorry..."

"Lalampa lampa ka rin" iling-iling pang sabi nito. Saglit na tumalikod upang
pagtakpan ang pagkailang. He smelled her. At kulang na lang ay mawala siya sa
katinuan sa amoy na iyon ng babae.

"Sorry... Akala ko ba hindi mo ako susunduin?"

"Huh?" Taka pa siyang bumaling ulit dito. "Says who?" Kunot-noo pa siya.

"Sinagot ni Heini ang cp mo kanina. Sabi niya hindi ka na raw makakarating."

"That bitch..." Napatiim-bagang ito. Kung kaharap lamang niya ang babae ay baka may
nagawa na siyang hindi maganda dito. "Nagkaroon lang kami situation kanina but I'm
here now, right?"

"Okay!" Matamis pa siyang ngumiti.

"What's that?" puna pa niya sa dalang paper bag nito.

"Bumili na kasi ako ng damit at shoes kasi akala ko 'di ka na talaga makakarating."
Ngumuso siya sabay nagkamot ng ulo.
"Sorry about that." Sinulyapan din niya ang dala nitong pagkain. "'Yung isa?"

"Ah, donut 'to. Pasalubong ko kay Shin Woo."

"Shin Woo?" Kunot-noo pa ito at parang ibig mainis sa pagkarinig sa pangalan ng


lalaki.

"Yeah. Tinulungan n'ya akong makapaghanap ng cheap clothes." Hindi naman niya
alintana ang reaksyon ng lalaki.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga, e." Hinimas pa niya ang nangangalam na sikmura.

"I bought you something. I just hope you'll like it," nahihiya pang sabi nito at
medyo tensyonadong nagpamulsa. Hindi likas sa kanya ang magpaka-sweet lalo na nga't
lumaki siyang walang magulang. Baka kung hindi dahil sa talentong mayroon siya,
baka wala rin siya nang maluwag na buhay na tinatamasa niya.

"Wow! Talaga?! Thank you, ha!" masaya pang sabi niya. Hindi pa man ay gusto na
talaga niyang kumain. "Wait lang, magpapalit na muna ako ng damit, ha," paalam pa
niya dito.

"Wait," pigil pa niya sa babae na papasok na sana sa loob ng sports car nito. "What
if you go home like that. We'll explain everything to Mr. Han," nag-aalangang sabi
pa niya. Naaawa na rin kasi siya dito. Alam niyang nahihirapan ito sa pagpapanggap.

"Please, no..." may kasama pang iling na sagot niya. "I can't risk it. Pangarap 'to
ng kapatid ko."

"Are you sure? You really want it that bad?"

Tumango lamang siya bilang sagot at mapait na ngumiti bago pumasok sa sasakyan
nito.

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na ito bilang lalaki na ulit.

"Maraming salamat, Tae Kyung, ha." Wala pa sa sariling mahigpit itong niyakap. Pero
saglit lang iyon at agad din siyang humiwalay dito. "Promise, gumaling lang ang
kapatid ko, lilisanin ko ang A.N.Jell." Itinaas pa niya ang kanang kamay.

Bumuntong-hininga na lamang si Tae Kyung sa sinabi nito. Sinenyasan niya itong


pumasok na ulit sa loob ng sasakyan.
Nagpasya na nga silang umuwi sa mga pagkakataong iyon. Sinamantala na rin ni Minam
ang kumain habang abala sa pagmamaneho ang lalaki.

"Sobrang sarap nitong burger na 'to, Tae Kyung! Pangmayaman ba 'to?" Manghang-
mangha pa siya sa kinakain lalo na nga't kakaiba talaga ang lasa noon sa mga burger
na natitikman niya.

"Yeah, it was." Tumangu-tango pa ito. Hindi na rin nito mapigilan ang pagkagutom.
"Don't you think it's too unfair na ako ang bumili n'yan pero hindi ko pa ring
makuhang kumain?"

"Huh, e..." Agad pa siyang nagkamot ng ulo. "Subuan kita gusto mo?"

"S-subuan..?" Kunot-noo pa itong sumulyap dito.

"Oo!" Agad pa niyang inilapit ang burger sa labi nito. "Kagat na!"

"O-okay..." Nag-aalangan man ay kinagatan na rin niya iyon. Kanina pa rin siya
gutom na gutom.

"Sarap diba?"

"Sa susunod ikaw naman ang taya," sabi pa nito sabay ibinuka ulit ang bibig. "Subo
na!" utos pa nito dito.

"Okay po!" Muli ay ipinakagat niya ang burger nito.

"Man, this is really good..." Ngumisi siya at ninamnam ang burger. "Ngayon ko lang
na-appreciate ang lasa ng burger na 'yan, a."

"Talaga?" Siya naman ang kumain ulit.

"Painom. Nauuhaw na ako." Muli ay sumulyap siya sa babae.

"Huh?" Agad pa siyang nagbuklat sa paper bag pero wala nang iba pang bottled water
maliban sa iniinom na niya. "Iisa lang 'to..." Ibinuka niya ang paper bag para
ipakita dito.

"Really?" Saglit na sinilip nga nito ang paper bag. Wala na iyong laman maliban sa
tissue. "Damn, baka nalaglag pa."

"Sige, share na lang tayo dito. Kung okay lang sa'yo?" Nag-aalangan pang alok niya
lalo na nga't nainuman na niya iyon.
"O-okay lang..." Siya man ay nagtaka sa sarili. Never pang nakihati siya nang kahit
na ano sa ibang tao. Kataka-takang hindi siya nandidiri kay Minam.

"Sige..." Tumango siya sabay pinunasan ang nguso ng bottled water bago itapat iyon
sa labi ng lalaki.

"Thanks..." Siya na rin ang kusang tumigil sa pag-inom sa pag-aalalang maubusan


niya ang babae.

Agad ring uminom si Minam at hindi na nagabalang punasan ang nguso ng bottled
water.

Mangha namang napapatitig lang si Tae Kyung dito dahil sa isiping parang nagkiss na
rin sila ng babae. Napalunok ito at agad na iwinaksi ang imaheng iyon sa kanyang
isip.

Muli ay nagpatuloy silang kumain hanggang sa maubos ang burger at hating kapatid pa
rin sila sa tubig.

"Minam, nagbuklat ka na ba ng bag mo?" tanong pa niya dito.

"Huh? Hindi pa. Bakit?" Taka pa siya.

"Baka may makita ka. Sabihin mo na lang sa akin." Palihim pa siyang ngumiti.

"Huh?" Agad pa niyang inabot ang bag sa may likuran ng sasakyan. Pagbuklat niya sa
bulsa ay may nakita siyang hair clip. "Wow... Ang cute naman nito." Mataman pa niya
iyong pinagmasdan. "Naiwan siguro ni Heini..." Hindi pa niya naiwasan ang malungkot
sa isiping kanina lang ay ibang babae ang kasama nito.

"W-what? No, it's not hers." tanggi pa nito.

"Huh? Kanino 'to?" taka pa siyang tumitig sa lalaki na sumusulyap lang sa kanya.

"That's yours..." nahihiya pang sagot nito.

"Talaga?" Napaawang ang kanyang labi sa pagkamangha. Hindi niya inaasahang bibigyan
siya nito ng hair clip.

"You should wear that."

"Oo, siyempre. Iyon nga lang kapag puwede na ulit akong magpaka-babae."
"Yeah, you're right." Bumuntong-hininga pa ito. "Ingatan mo 'yan at P1,000.00 kong
nabili 'yan!"

"Eto?!" Wala pa sa sariling tiningnan ang likuran ng clip at dismayadong ipinakita


iyon sa lalaki. "Ay naku, 'di mo naman kailangan magsinungaling pa. Kahit mumurahin
lang, e, okay lang sa akin."

"No, I bought that for P1,000.00!" Muli ay giit nito.

"Eto nga, o! Nakalagay, e, 100 lang!" Muli ay ipinakita iyon sa lalaki.

"Hey! I am not lying! P1,000.00 ang binigay ko sa babae! Hindi ko kinuha ang sukli!
Got it?"

Napaawang ang labi niya at muling tinitigan ang clip. Nasasayangan siya sa ibinayad
nito.

"Gan'un? Balikan natin ang sukli mo..."

"Are you kidding me?" Umismid pa ito at umiling-iling. "You want me to drive back
there again for a P900.00 change?"

"Oo naman! P900.00 pa rin 'yun!"

"Kung gusto mo ikaw na lang!" Sumimangot pa ito. "Sabihin mo lang kung ayaw mo at
itatapon ko na!" Tangka sana niyang aagawin ang clip pero mabilis nito iyong
nailayo.

"No way! I love it!" Matamis pa siyang ngumiti dito. "Bigay mo sa akin 'to, e."
Kahit naman kasi mumurahin lang 'yun, ang importante sa kanya ay ang effort ng
lalaki sa pagbili niyon. At wala nang kasing halaga pa iyon sa kanya.

Lihim namang ngumiti si Tae Kyung nang makitang maligayang-maligaya ang babae sa
bigay niya. Hindi niya malaman kung bakit aliw na aliw siya dito. Pero isang bagay
lang ang sigurado niya, si Minam lang ang nakakapagpagaan sa loob niya at wala nang
iba.

=================

Chapter 9 - Part 1 of 2

CHAPTER 9 - Part 1 of 2
Itong araw na ito ang first recording ni Minam kaya't medyo kabado pa rin siya.
Tutok ang lahat sa gagawin niyang pagkanta.

"Kaya mo 'to Minam!" sabi pa sa kanya ni Mr. Han.

"Thank you po..." alanganin pa rin siya lalo na nga't ni minsan ay


hindi pa siya napuri ni Tae Kyung sa ginagawa niyang pagkanta. Nakukulangan daw
ito sa emosyong ipinapakita kita. Hindi tuloy niya malaman ang dapat na gawin dahil
ibinibigay naman niya ang lahat.

Mas nakadagdag ng kaba sa kanya nang biglang dumating ang tatlo


niyang kasamahan sa banda. They were trying to cheer her up. Sa tingin niya'y mas
lalong naningkit ang mga mata ni Tae Kyung sa kanya. Tila nagbabantang lagot siya
kapag hindi niya nagawang makanta nang maayos ang komposisyon nito.

At kahit kulang na lang ay himatayin siya sa kaba ay ibinigay niya


ang lahat-lahat para makakanta iyon nang maganda. Mahinang nagpalakpakan ang iba
niyang mga kasamahan maliban kay Tae Kyung na lukot pa rin ang mukha. Alam niyang
hindi magandang komento ang ibibigay nito.

Tulad nang inaasahan, hindi satisfied si Tae Kyung sa pagkanta niya. Agad din
siyang sinenyasan ni Mr. Lin na lumabas muna matapos kausapin ito ni Mr. Han.
Hinila siya nito palayo sa karamihan para kausapin nang masinsinan. Mas lalo tuloy
siyang kinabahan.

"You know, Minam..." bwelo pa nito. Para bang nangangapa ito ng mga tamang
salita. "You sang really good, but..." ibinitin pa nito ang sasabihin at
bahagyang ngumiwi. Pilit na tinatantiya ang mararamdaman nang babae. "May kulang
e, 'yung... 'yung..." Nangangapa pa ito at hindi malaman kung papaano ipapaliwanag
nang maayos. "Damn, how can I explain this to you," Malalim pa itong nag-isip.
"Ah, wait... was there anyone here na hinangaan mo?" interesado pang tanong nito.

"Crush?" kunot-noo pa siya.

"Yeah! Crush!" nagliwanag ang mukha nito.

Marahan pa lamang umiling.

"No one?" Kumunot pa ito. Halata na ang desperasyon sa mukha. Pati kasi siya ay
kinakagalitan ni Tae Kyung.

"Or maybe, like mo? Kahit sa personalidad?"

"Ano po ba pakiramdam n'un? Yun po ba 'yung parang naguguluhan ka sa nararamdaman


mo sa tuwing nakakasama mo siya? Tapos parang naninikip ang dibdib mo? Minsan,
kahit hindi kumakain biglang sinisinok?" Curious pang tanong niya lalo na nga't
bago sa kanya ang ganoong pakiramdam.

"You feel that with someone here?" kunot-noo pa ito.

"I think so..."

"That's a sign, Minam..." Nagliliwanag pa ang mukha nito.

"Sign?" taka pa siya.

"Sign that you're falling in love..."

"Me, inlove?" hindi siya makapaniwala.

"Do you mind if I ask who?"

"P-pero..." nag-alangan pa siya at bahagyang natigilan nang biglang mapadaan si


Shin Woo at sumenyas sa kanyang kaya niya.

Simple lamang na ngumiti si Minam dito at bumuntong-hininga.

Lihim namang napangiti si Mr. Lin sa nakitang interaksyon nang dalawa. Sapat na
nakita niyang iyon upang hindi na pilitin ang babae.

"I don't want you to get hurt, Minam, but I suggest, this early, you need to
control your emotions." payo pa nito.

"Po?" kunot-noo pa siya.

"You can't get distraction, Minam. I'm sorry. Lalo na at nagbabalak kang pumunta
ng Rome para ituloy ang pagmama-madre mo hindi ba?"

"Opo, sana..." tumangu-tango pa siya.

"Wait, there's a simple solution para ma-control mo ang sarili mo. A friend told
me na kapag gusto mong pigilan ang nararamdaman mo, you can do this." Inilagay
nito ang daliri pagitan ng butas ng ilong at bahagyang diniinan iyon.

"Hmm..." Ginaya rin niya ang itinuro nito. "Effect po ba 'to?"

"You should try. Kapag nakikita mo ang special someone mo na 'yun, do the piggy
nose, okay?" Kumindat pa siya dito.
"Sige po..." alanganin man ay mukhang wala siyang pagpipilian at kailangan niyang
kontrolin ang damdamin.

"Magbakasyon ka muna for a while, okay? Ipagpapaalam kita kay Mr. Han para
makakuha ka man lang nang inspirasyon."

"Sige po..." tumangu-tango pa siya. Gusto niyang magbakasyon at pakiramdam niya'y


pagod na pagod na rin siya wala pa man siyang masyadong napapatunayan.

"For the meantime, 'yang nararamdaman mo for that someone, you can use that para
makuha mo ang tamang emotion sa kanta. You got me?"

Tumango na lamang siya bilang sagot. Kahit papaano'y natututuwa siyang


komportable siyang magsabi kay Mr. Lin. Umaasa siyang magiging maayos din ang
lahat at mawawala kung ano man ang gumugulo sa kanya.

**

Maaga pa lang ay nakagayak na si Minam. Hinihintay na lamang niya si Mr. Lin na


siyang maghahatid sa kanya. Hindi pa man nagtatagal ay natanawan na niya ang
sasakyan nito at agad niya iyong kinawayan.

Huminto ang sasakyan sa kanyang harapan. Nang magbukas ang bintana niyon ay ganoon
na lang ang kanyang gulat.

"Tae Kyung?"

"Get in." utos pa nito.

"Bakit nand'yan ka? Diba may presscon ka?" kunot-noo pa siya.

"Puwede po ba mamaya ko na sagutin pagka-pasok mo?" sarkastiko pa nitong sabi.

"Ah okay..." Hindi naman na din siya kumontra pa at mabilis na ngang pumasok sa
loob ng sasakyan. "Bakit ikaw ang may dala nito?"

"I had Mr. Lin to cover me up on something." simpleng sagot lang nito. Papaano
kasi'y noong nasa studio siya ay namataan niya si Heini na papalapit at mukhang may
pina-plano na naman kaya't umiwas na lamang siya. Sa madaling salita ay
pinagtaguan niya iyon.

"Ano naman 'yun?"


"None of your business, Minam." panunungit pa nito.

"Okay. Ihahatid mo lang ako, diba?"

"No. Magbabakasyon din ako. Nakaka-stress kang turuan." Umismid ito.

"Gan'un ba?" Ngumuso siya dito at umirap. Gayon pa man ay masayang-masaya siya at
magkakasama sila ni Tae Kyung. Gusto rin niyang tuklasin kung talaga bang umiibig
na siya dito. "Saan ba tayo pupunta?"

"You mean to say hindi mo alam?" kunot-noo pa ito.

"Hindi..." alanganin pa siyang umiling. "Ang sabi lang sa akin ni Mr. Lin, bahay
bakasyunan daw niya sa probinsya. Pero iyon lang,"

"Tiwalang-tiwala ka sa manager mo, e, manyakis 'yun!" umiling-iling pa ito.

"Sama mo naman," Inirapan niya ulit ito. "Mabait kaya si Mr. Lin 'no?"

"Whatever you say, Minam." nakasimangot pa nitong sabi. Gusto lang din niyang
iniinis ang babae.

"May dala kang damit?" Inikot pa niya ang paningin sa maliit na sasakyan ng
kanyang manager. Ang liit lang naman kasi noon at walang compartment.

"I never planned this. I just want some peace of mind. Bibili na lang ako. Marami
naman sigurong bilihan d'un."

"Sige, ikaw ang bahala." Matamis pa siyang ngumiti dito.

Halos dalawang oras din ang naging byahe nila bago tuluyang narating ang probinsya
ni Mr. Lin. Sa view pa lang ay sulit na ang bakasyon nila.

"I never thought na may sense rin naman pala si Mr. Lin sa sinasabi niya." Hindi
mapigilan ni Tae Kyung ang mamangha sa nakikita ng kanyang mga mata lalo na nga't
napapaligiran sila ng mga bukirin. "This is what I need." Malalim pa itong
bumuntong-hininga habang iginagala ang tingin sa magandang bahay bakasyunan.

"Ang ganda nga!" Hindi rin mapigilan ni Minam ang mamangha. Sa lugar pa lang ay
inspirado na siya.

At noon na ito tuluyang pumarada sa may lilim ng puno bago tuluyang bumaba. Isang
matandang lalaki ang sumalubong sa kanila. Ang katiwala ni Mr. Lin.
"Welcome, Mr. Hwang..." masayang bati pa nito. Matamis ang pagkakangiti nito sa
kanila.

"Kumusta na, Lolo George?" Tinapik pa ni Tae Kyung sa balikat ang matanda.

"Mabuti, hijo... napaka-gwapo mo pa rin!" Hindi nito mapigilang purihin ang


lalaki.

"Well, gan'un talaga." Kinindatan pa nito si Minam na tila sumang-ayon naman sa


sinabi nito. "I'd like you to meet Minam Go. Siya ang bagong member ng A.N.Jell."
pakilala pa nito.

"Hello, hijo..." kinamayan pa nito si Minam. "Lolo George." pakilala na nito sa


sarili.

"Hello po, Lolo George." masayang bati rin naman niya at matamis pang ngumiti
dito.

"Kung hindi ko lang alam na walang babeng member ang A.N.Jell, iisipin kong babae
itong si Minam. Ang amo ng mukha, e. Mas gwapo pa sa'yo Tae Kyung." Mataman pa
nitong pinagmasdan ang agad namang nailang na si Minam.

"Lolo George, minsan hindi dapat panlabas na anyo lang ang basehan ng kagwapuhan.
Dapat mayroon din nito." sarkastiko pa nitong sabi sabay itinuro ang sentido.
"And, for sure, mas maraming laman ito kaysa sa kanya." nang-uuya pang sabi na
niya sa sumimangot namang babae.

Ngumiti na lamang ang matanda sa sinabi nito at inanyayahan silang pumasok na sa


loob ng bahay.

"Lolo George, wala bang bilihan ng damit dito? Wala kasi akong baon." tanong pa
ni Tae Kyung sa matanda.

"Naku, hijo... wala." Umiling-iling pa ito. "Meron man, malayo pa. Sana bumili
na kayo sa nadaanan ninyo." Nagkamot pa ito ng ulo.

"Gan'un po ba?" bumuntong-hininga pa siya at agad na napaisip.

"Pero alam ko, maraming bagong gamit si Mr. Lin sa kwarto niya. Hindi naman siguro
magagalit 'yun kung gamitin mo muna." suhestiyon pa nito.

"Hmm, I have no choice. Kung bago naman, puwede na siguro 'yun." Kibit-balikat pa
ito. "Ang asawa n'yo nga po pala, ang Lola Roberta?" Iniikot nito ang tingin sa
paligid.
"Mag-isa lang ako dito ngayon. Umuwi muna sa anak naming nasa Maynila. Baka sa
ikalawang linggo pa bumalik 'yun."

"Ah gan'un po ba?" Tumangu-tango pa ito. Lihim siyang nagdiwang dahil ibig
sabihin noon ay mapapahinga siya sa kadaldalan ng asawa nito.

"Okay lang naman sa inyong mag-share ng kwarto, 'no? Kasi, e, sa dami ng mga gamit
na iniuwi ni Mr. Lin noong nakaraang buwan, napuno ang master bedroom at ang isang
guestroom. Isang room na lang ang natitira."

"Po?" si Minam na napalunok pa.

"Parehas naman kayong lalaki, kaya okay lang naman siguro, 'no?" Biglang nag-
alanganin ang matanda lalo na nang makita ang reaksyon ni Minam.

"It's alright." singit pa ni Tae Kyung. "Nasaan na nga ulit ang mga damit ni Mr.
Han? 'Yung bago lang Lolo George, ha." paalala pa nito.

"Ay oo, puro may mga tag pa 'yun. May mga nakapangalan pang A.N.Jell ang iba."

"Really?" Nagtaas siya ng kilay at iiling-iling na tumingin kay Minam. "Si Mr.
Dekwat din talaga ang manager mo."

"Malay mo naman," umirap siya dito kahit na alam niyang may kalokohan ang manager
niya. Minsan na kasi niya itong nakita na nag-uwi nang ilang bigay ng sponsors
dahil daw hindi naman isinusuot ng mga A.N.Jell ang ganoong klase ng mga damit.

Nang tuluyan na silang makaakyat sa ikalawang palapag ay pinasok nila ang master's
bedroom. At mula sa pinto ay bumungad na kaagad sa kanila ang napakaraming mga
gamit at karamihan ay puro nga may tatak ng A.N.Jell.

"I'll get mine," si Tae Kyung na pinagkukuha agad ang mga nakapangalan sa kanya.

"Kita mo na, kung hindi nagsinop si Mr. Lin wala ka sanang isusuot ngayon."
Paglulusot pa ni Minam sa ama-amahan.

"Tss... Yeah, right..." Umismid pa ito habang kinukuha lahat ng mga may pangalan
niya. Hindi naman talaga big deal sa kanya kung napupunta ang mga iyon kay Mr.
Lin. Sa dami nilang mga damit, kahit araw-araw na magbago ay possible.

"Tae Kyung, Minam!" tawag pa ni Lolo George na noon pala ay nasa kabilang kwarto.

Agad din naman nilang pinuntahan ang tumawag na matanda.


"Dito na lang muna kayo sa kwarto na 'to. Medyo sumikip nga lang at ipinasok ko
ang isang bed. Bahala na kayo dito." bilin pa nito.

"Yeah, no problem." si Tae Kyung ang sumagot.

"Iwan ko muna kayo at magluto lang ako ng hapunan." sabi pa nito bago tumalikod.
Hindi na hinintay pa ang isasagot nila.

"'Wag mo akong pag-iisipan nang masama, Minam!" biro pa ni Tae Kyung.

"Sira!" Umirap pa siya dito at agad na namili nang tutulugan. "Sayang, hindi
natin kasama sina Shin Woo at Jeremy. Mukhang mage-enjoy sila dito."

"Shin Woo?" pabulong pang sambit ni Tae Kyung sa pangalan ng isang kabanda.
Madalas kasing bukang-bibig iyon ng babae. Bagay na tila nakakairita sa kanya.

"Grabe sarap dito!" si Minam na bigay todo pa sa paghiga.

"Hoy, Minam! You're here para makakuha ng inspirasyon!"

"Opo, alam ko!" Sinimangutan pa niya iyon. "Hindi ko nga alam kung papaano ko
gagawin," malalim pa siyang nag-isip. Ang makulong sa kwarto kasama si Tae Kyung
ay makakatulong nang malaki sa kanya upang maintindihan ang damdamin para dito.

"Don't tell me, hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" taka pa si Tae Kyung.

"Nagma-madre ako, remember?"

"Yeah, you mentioned that. Pero hindi naman siguro pagma-madre agad ang inatupag
mo, diba?" Nagtaas pa siya ng kilay bago mag-iwas nang tingin. Isa-isa niyang
inayos ang mga nakuhang damit.

"Doon na kasi ako lumaki sa kumbento. I have no time for anything outside the
convent."

"You must be kidding me," kunot-noo pa ito at matamang tinitigan. "How will you
be able to sing my song if you didn't experience it?"

"Susubukan ko nga, diba?" Inirapan pa niya ito. "Ikaw siguro ang dami mong naging
girlfriends, 'no?" pasimple pang usisa niya dito.

"I am not that kind of guy!" Malamig pang sagot nito.


"Celebrity ka. Siyempre, lahat ng mga babae naghahabol sa'yo." Kinagat niya ang
kanyang labi at sa ganoong isipin ay parang nagsikip ang kanyang dibdib.

"I am fully aware of that, Minam... pero hindi ako babaero. Never kong ginamit ang
pagiging sikat ko para lang makakuha ng mga babae."

"Sus! Deny pa 'to." tukso pa niya.

"I am not denying anything 'coz that's the entire truth." Mataman pa niya itong
tiningnan. "Ikaw, siguro naman kahit papaano may nagugustuhan ka. I mean kahit
according sa appearance, ugali... anything."

"Hmm..." Kunwari ay malalim siyang nag-isip. "Ikaw, gwapo ka naman pero masama
ang ugali mo." umismid pa siya sa lalaki. "Si Shin Woo, gwapo na mabait pa."

"Shin Woo?" kunot-noo siya. "So, you like him?"

"Oo naman! Mabait naman siya, e." Hindi rin naman siya tumanggi. Isip niya'y iyon
ang makakabuti. Mas mainam nang ibang tao ang naiisip nitong nagugustuhan niya.
Pakiramdam niya'y mapapahiya lang siya sa lalaki kapag nalamang ito ang
nagugustuhan niya.

Iba naman ang naging dating niyon kay Tae Kyung. Hindi na naman niya maiwasan ang
mainis. Sa kanilang banda kasi ay siya ang pinakahabulin ng mga babae sa kabila ng
pagiging suplado niya.

"Hey, mag-concentrate ka, okay?" Umismid pa siya dito. "Ang importante sa akin,
makanta mo nang maayos ang kanta ko and that's the end of it."

"Oo na," inirapan pa niya ito. Kung puwede lang niya sabihing gustung-gusto rin
naman niya ito. Kahit kasi masungit ito sa kanya ay nararamdaman pa rin niya ang
pag-aalala nito para sa kanya. Sa madaling salita ay ito pa rin ang pinaka-
favorite na tao niya sa kanilang grupo. Nang kumalabog ang kanyang puso ay agad
niyang inilagay ang daliri sa pagitan ng kanyang ilong at bahagyang pinindot iyon.
Hindi niya alam kung effect ang itinuro na iyon ng manager. Wala namang mawawala
kung susubukan niya.

Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki at kumunot ang noo.

"What are you doing?"

"Huh, e..." Agad siyang nag-isip nang isasagot. "Therapy daw ito sabi ni Mr. Lin
para mag-improve ang health ko..." palusot pa niya.
"At naniwala ka naman!" umiling-iling pa ito. "Mukha kang baboy!" nakangisi pang
dagdag nito.

"Hmp! Ewan ko sa'yo!" Ngumuso siya dito sabay tinalikuran.

**

Matapos na makapagpahinga saglit ay bumaba na sila sa unang palapag para


maghapunan. Sila na lamang dalawa ang napag-iwanan dahil agad ding natulog na ang
matandang katiwala.

"Mamasyal naman tayo bukas, Tae Kyung." kayag pa ni Minam dito.

"I am not so familiar with the place." umiling pa ito. "Baka maligaw pa tayo."

"Ano ka ba? Siyempre sa paligid lang naman, 'no!" Ngumuso pa siya dito.

"I'll think about it." Hindi naman na ito nakipagkulitan pa.

"Grabe, nakakaramdam na ako nang antok..." Hindi pa niya naiwasan ang mapahikab
habang patapos na kumain.

"Matulog na tayo after nating kumain. Antok na antok na rin naman ako." sagot din
naman nito. Halos magluha din ang mga mata nito sa antok.

"Oo nga, parang hinihila ang mga mata ko pababa." Bahagya pa niyang inalog ang
ulo. Bahagya lamang siyang nagulilat nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
"Shin Woo?" agad pa niyang sinagot iyon.

Napatikhim naman si Tae Kyung nang makita ang liwanag sa mukha ni Minam.

"We're okay here..." sagot lang ni Minam habang sumusulyap nang tingin kay Tae
Kyung. "Ang ganda dito. Sayang at hindi kayo nakasama."

{Oo nga, may mga prior commitments din kasi kami ni Jeremy. Nasabay pa nga.} si
Shin Woo sa kabilang linya.

"Oo nga, sayang naman."

{Be sure to enjoy your stay there, okay? Huwag mo kakalimutan ang pasalubong ko.}
bilin pa nito.

"Oo ba! Ikaw pa!" matamis pa siyang ngumiti.


Hindi naman nakaligtas iyon kay Tae Kyung. Mas lalo siyang nakaramdam nang inis sa
hindi malamang kadahilan.

{I'll miss you here. Walang makulit.} dagdag pa ni Shin Woo.

"Two weeks lang naman kami dito."

{Yeah, medyo mahabang panahon 'yun.}

"Oo nga. Sana pagdating ko, magaling na rin akong kumanta." Muli ay sumulyap siya
kay Tae Kyung na seryosong nakatitig sa kawalan. Wala nang laman ang plato nito.

{I believe in you... You are very talented, Minam. Maniwala ka sa kakayahan mo.}
sinsero pang sabi nito.

"Thank you."

{Sige na, I'll call you again. Hindi ko na iistorbohin ang bakasyon n'yo.} Hindi
na rin naman niya pinagtagal ang pakikipag-usap dito.

"Sige. Ingat kayo d'yan!" Noon na niya ibinaba ang cellphone niya.

"He seemed to be really close to you, isn't he?" pasimple pang tanong nito.

"Oo naman. Sobrang bait kasi at sweet. 'Di ko akalaing may ganoong tao."

"Impressed ka naman?" sarkastiko pa nitong sabi.

"Sino bang babae ang hindi mai-impress sa gan'un?" Hindi pa niya naiwasan ang
ngumiti. Hindi naman nakaligtas iyon sa mga mata ng lalaki. "Ang swerte ng
magiging girlfriend ni Shin Woo. For sure, she'll be treated right... or more pa
siguro."

"Malay mo naman ikaw 'yun." inis pang sabi niya.

"Ako?" Kumunot pa siya sabay umiling-iling. "Baka once lang na malaman niya ang
totoong ako, hindi na ako pansinin n'un dahil nagsinungaling ako."

"Hindi siya mabait kapag nangyari 'yun." masungit pa niyang sabi at noon na
tumayo. "Mauna na ako sa'yo. Ikaw na ang magligpit niyan." nakasimangot pang
sabi niya. Hindi talaga niya maiwasan ang mainis. Tila nagseselos siyang hindi
niya mawari gayong hindi naman siya naging ganoon sa ibang babae. Dati na rin
siyang nagka-girlfriend pero ni hindi niya naranasan ang magselos man lang. Ngayon
pa lang ang unang pagkakataon... at kay Shin Woo pa!

At upang makalimutan ang gumugulo sa kanyang isip ay idinaan na lamang niya iyon sa
tulog. Hindi na niya namalayan si Minam na pumasok ng kwarto sa himbing ng kanyang
tulog.

=================

Chapter 9 - Part 2 of 2

CHAPTER 9 - Part 2 of 2

Kinabukasan ay maaga rin siyang nagising nang marinig ang kaluskos ni Minam sa
banyo. Taka pa siyang tumingin sa kanyang relo at napag-alamang six o'clock nang
umaga pa lang noon. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas si Minam na nakabalot ang
buhok ng tuwalya.

"Good morning!" bungad pa ni Minam nang makitang gising na ito.

"You're up early? Nakaka-istorbo ka sa tulog nang iba." panunungit pa niya.

"M-maingay ba? Sorry..." ngumiwi ito at nagpeace sign. "Hindi na kasi ako
makatulog. Nanibago yata ako sa higaan. Tapos kasama pa kita..." pagdadahilan pa
nito. Sa totoo lang ay hindi nito maiwasang matensyon lalo na nga't unang
pagkakataong may nakasama siyang lalaki sa kwarto bukod sa kanyang kapatid.

"Hey, iniisip mo bang may gagawin akong masama?" kunot-noo pa siyang tumitig dito.
"Hindi kita type." nakasimangot pang sabi niya sabay nag-iwas nang tingin.

"Sabi ko nga," ngumuso ito at nagkunwaring wala lang kahit na hindi na naman niya
maiwasan ang madismaya sa sinabi nito.

Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at sinuklay ang basang buhok.

Agad namang nanuot sa ilong ni Tae Kyung ang amoy nito at hindi niya naiwasan ang
mapalunok lalo na nga't ngayon lang din nangyari na may nakasama siyang babae sa
kwarto. Ang amoy nito ay nakagising nang husto sa kanya.

"Pagkatapos mo, ha, lumabas ka muna ng kwarto nang makatulog pa ako!" nagsusungit
pa niyang sabi sabay tumalikod nang higa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at
pilit na iwinaksi ang naglalarong imahe sa kanyang isip.

"Oo na!" umirap pa ito.


"Buti nang alam mo!" masungit pa rin niyang sagot sabay talukbong ng kumot.
Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at pinilit bumalik sa pagtulog.

Mag-aalas nueve na noon nang maisipan na ni Tae Kyung na lumabas ng kwarto.


Pakiramdam niya'y mas sumakit lang ang ulo sa ginawa niyang paghirit nang tulog.

"Lolo George," bungad pa niya sa matanda na noo'y abalang-abala sa pagbubungkal ng


lupa sa garden.

"Tae Kyung, hijo," masayang bati rin naman nito at tumigil muna sa ginagawa.
Tumayo siya at hinarap ang lalaki.

"Have you seen Minam?" kunot-noo pa nitong iginala ang mga mata sa paligid.

"Namasyal sa burol. Hindi naman maliligaw 'yun at maganda ang daan doon." Tumingin
pa ito sa malayo at itinuro ang daan. "Oo nga pala, nagluto si Minam ng umagahan,
ipinagtira ka raw niya. Nand'un sa mesa."

"Oh," tumangu-tango lamang ito. "I don't eat breakfast." Marahan pa siyang
umiling sa matanda.

"Oo nga pala," nagkamot ito ng ulo nang maalalang hindi nga pala ito kumakain ng
umagahan.

"Nawala sa loob kong sabihin kay Minam."

"She-" ngumiwi pa siya at muntik na naman siyang madulas. "I mean, he knows it
too. Siguro nawala lang sa isip niya sa sobrang atat maggala." Umiling-iling pa
siya at ibig yata niyang mainis. Hindi nito hinintay na magising siya at gumawa na
lang nang lakad basta-basta.

"Sundan mo na lang siya. Maganda d'un. Hindi ka naman nakakaakyat pa sa burol.


Wala ka namang ginagawa kundi ang magbahay lang."

"Sige po," tumango siya at saglit ulit pumasok sa bahay para kuhanin ang bull cap
niya.

Agad din naman siyang unalis at tinunton ang daan na itinuro ng matanda.

Matapos ang halos beinte minutos na paglalakad ay agad niyang natanawan si Minam na
nakaupo sa malaking bato sa tabi ng batis.

Dahan dahan siyang lumapit dito at mukhang hindi rin siya pansin ng babae dahil sa
lalim nang iniisip nito.
"Minam Go!" sigaw pa niya sa tulalang babae.

Napaigtad ito sa sobrang gulat at nalaglag sa bato! Mabuti na lang at nasalo din
siya kaagad ng lalaki!

"Tsk, tsk... Madidisgrasya ka na naman at idadamay mo na naman ako!" may panermong


himig pa niya habang matamang nakatitig sa mukha nito. At dahil maliwanag ay
kitang-kita niya ang makinis na mukha nitong sobrang lapit din sa kanyang mukha.
Panandali siyang nabatu-balani sa pagkakatitig dito.

"Uhm," agad namang nag-iwas nang tingin si Minam. "S-sorry..." Nagpababa siya dito
at pakiramdam niya'y maririnig nito ang malakas na kalabog ng kanyang puso.
Kinagat niya ang labi upang pigilan ang emosyon.

"Do you think makakakuha ka ng inspirasyon mo dito?" Iginala ni Tae Kyung ang
tingin sa paligid. Mapuno at mahalaman sa buong paligid. Sariwa ang simoy ng
hangin at halos puro huni ng ibon ang maririnig. Iyon ang kapayapaang higit niyang
kailangan upang mailayo ang isip sa iniwang trabaho sa siyudad.

"Oo naman," ngumuso siya dito at pasimpleng tinitigan ang gwapong mukha nito.
Muli na namang kumalabog ang kanyang puso at wala pa sa sariling hinawakan ang
tapat ng kanyang puso. Mukhang nagkakagusto na talaga siya sa lalaki.

"You should really bring Shin Woo here. Nature lover 'yun." biro pa niya dito.
Gusto lang naman niya makita ang magiging reaksyon nito sa pagbanggit niya sa
pangalan ng kabanda.

"Oo nga, sure 'yun! Magugustuhan niya dito." mabilis pa itong tumango at maluwag
na ngumiti.

Agad namang naningkit ang mga mata niya sa narinig. Hindi siya makapaniwalang kay
Shin Woo pa ito nagkakagusto samantalang hamak gwapo niya rito. Confident siya na
sa kanilang tatlo, namumukod tangi talaga ang karisma niya sa babae. Kaya naman
hindi niya maiwasan ang mainis dito dahil mukhang hindi nito pansin ang kaibahan
niya kay Shin Woo.

"Sana pala, siya ang isinama mo dito." muli ay dagdag biro niya.

"Kung alam niyang girl ako bakit hindi?" ngumuso pa siya dito sabay umirap. "But
I can't take that risk. At least ikaw, alam mong babae ako at hindi mo rin naman
ako pababayaan, diba?"

"Hmm..." Medyo nakahinga siya nang maluwag. Kahit papaano'y sa kanya lang ito
nagtitiwala. Malaking bagay na rin iyon sa kanya. "Pagbutihin mo kung ayaw mong
pabayaan kita." kunwari ay banta pa niya.
"Hmm... wari ka pa," nakangiting umirap pa siya dito. "You care about me, kaya
hindi mo rin ako mapabayaan."

"I don't care about you!" mabilis na deny pa nito.

"Kung hindi, bakit ikaw ang sumama sa akin dito?"

"Like I said yesterday, I just needed a vacation at nakaka-stress ka." Sumimangot


siya at inismiran ito.

"Oo na!" Sinimangutan din niya ito at inirapan.

"This is the perfect spot para makaisip ulit ako ng kantang babagay sa'yo."
Naglakad siya nang ilang hakbang bago umakyat sa malapad na bato na kinakaupuan ni
Minam kanina.

"Gusto mo bang bigyan kita ng space?" alanganin pang tanong niya sa lalaki.

"If you don't mind, lumayo ka lang nang bahagya sa akin." kunwari ay panunungit pa
niya.

"Pero ako nauna dito, a!" maktol naman nito.

"Pag-aari mo?" Nagtaas pa ito ng kilay. "Do you think mananalo ka sa akin?"

"Hmp!" Hindi naman na ito nakipagtalo pa at nagmartsa palayo dito. Lumipat siya
ng puwesto pero hindi naman kalayuan sa lalaki.

"That's more like it," sarkastiko pa siyang ngumiti bago isinuot ang headset at
nakinig ng music sa cellphone nito.

Si Minam naman ay palihim lang na pinagmamasdan ang lalaki. Hindi man niya alam
ang pakiramdam nang umiibig, nahuhulaan na niya ang nararamdaman para sa lalaki.
Lahat ng senyales nang umiibig ay nasa kanya na lahat. May halong saya at lungkot
ang nararamdaman niya sa mga pagkakataong iyon. Saya dahil kahit sa mga panahong
tulad ngayon ay nakakasama niya ito. Lungkot naman dahil sa alam niyang darating
ang panahon na iiwanan niya ang A.N.Jell at hindi na niya ito makikita pa. Alam
naman din niya kasing hindi siya magugustuhan ng lalaki dahilan na rin sa
napakataas na panlasa nito sa babae. At siya, sobrang simple lang niya at higit sa
lahat ay mukhang lalaki pa sa hairstyle niya.

Halos padilim na rin noon nang makapagpasyang umuwi ang dalawa.

"Huwag ka ngang lumayo, Minam..." hinila pa niya ang kamay nito.


"Bakit?" Hindi niya maiwasan ang panlamigan sa hawak nito.

"I can't see clearly,"

"Huh?" taka pa itong tumitig sa lalaki.

"I have poor night vision." pag-amin din naman niya.

"Really?" kunot-noo pa siya. "E, bakit nagpagabi pa tayo kung ganyan naman pala?"

"And'yan ka naman kaya 'wag ka na mag-reklamo!" sinimangutan pa niya ito.

Pero saglit din siyang natigilan at matamang tinitigan sa mukha ang babae.

"Was there any chances na may rabbit dito?" takot pa niyang tanong. Iginala niya
ang tingin sa madilim na paligid lalo na nga't may naririnig pa siyang mga tunog.

"I think so... Kagubatan 'to diba?" Iginala rin naman niya ang tingin bago takang
ibinalik ang tingin dito. "Bakit naman?"

"Takot ako sa rabbit!" hindi rin naman ito nagkaila at mas hinigpitan ang hawak sa
kamay ng babae.

"You're kidding, right?" Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pilit na pinigilan


ang sarili na matawa.

"I am not kidding, Minam!" bahagya pa niya itong dinilatan.

"Ang amu-amo ng rabbit takot ka?!"

"Yeah, that's what I thought so too! Pero n'ong makagat ako, it hurts like hell!"
masungit pa niyang sabi lalo na nga't nase-sense niyang gustung-gusto na nitong
tumawa sa ipinagtapat niya. "Don't you dare laugh!" banta pa niya.

Pero kahit na anong pigil ay hindi na nga napigilan ni Minam ang matawa nang
malakas.

"Akala mo kung sino kang matapang tapos rabbit lang pala takot ka na!" tumatawa pa
nitong sabi at agad namang napatikhim si Tae Kyung.

"Sige, tumawa ka pa nang tumawa!" Umiling-iling siya at mataman itong pinagmasdan


habang tawa nang tawa. Nakahawak na ito sa tiyan at mukhang hirap tumigil sa
kakatawa. Wala pa siya sa sariling ngumiti lalo na nga't higit itong gumaganda
kapag ganoong nakangiti. Hindi na nga lang ganoon kalinaw ang tingin niya dito
dahil wala ng araw.

"E, kasi naman 'no! Rabbit 'yun! Maamo!" Halos manakit na ang tiyan niya sa
kakatawa.

"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita!" taas-kilay pa niyang banta dito.

"Huh?" gulat namang tumigil si Minam sa mga pagkakataong iyon at wala pa sa loob
na tumingin sa mapulang labi ng lalaki. Agad na sumagi sa isip niya ang accidental
kiss nila noon.

"I thought so," pilyo pa itong ngumiti nang makitang natigilan ang babae.

Agad namang namula si Minam at nag-iwas nang tingin dito.

Ngunit hindi pa man sila nagtatagal sa paglalakad ay may bigla na lang sumulpot na
rabbit sa harapan nila! At sapat na iyon para mapa-bwelta nang takbo si Tae Kyung!

"Tae Kyung! Hindi diyan ang daan!" malakas pa niyang tawag sa lalaki na ang bilis
tumakbo!

"I hate rabbits!" sigaw pa nito habang mabilis na tumatakbo!

Wala naman ding nagawa si Minam kundi ang sundan ito lalo na nga't malabo ang mga
mata nito. Malayu-layo rin ang natakbo nito kaya naman nang abutan niya'y hingal
na hingal talaga siya.

"Baliw ka ba? Matakot ba sa rabbit?!" naghahabol pa nang hininga na sabi niya sa


lalaki na noo'y humihingal din.

"I told you, traumatize ako sa rabbit. Muntik nang maputol ang forefinger ko sa
kagat ng rabbit!"

"Grabe ka!" Hindi na naman niya napigil ang matawa. Kahit na ang daming beses na
muntikan kasi itong madapa ay hindi ito tumigil sa pagtakbo.

"Tss..." iiling-iling pa niya itong tinitigan. Halos himatayin na ito sa


kakatawa. "Hindi ka takot kasi mukha kang pig at rabbit!" Ngumisi pa ito.

"Ano?! Ako mukhang pig at rabbit?!" Nanlalaki pa ang mga mata niyang tumitig
dito."Yeah!" tumango pa ito at matalim na tinitigan ang babae.
"Hindi naman ako ganoon kapangit!" inirapan pa niya ito.

"I never said that," nagpamaywang pa siya sa harapan nito sabay nakakaloko pa ring
ngumisi.

"Bakit pig at rabbit?"

"Pig because you have the cheek that looks like a pig! See?" Mabilis pa niyang
kinurot ang pisngi nito. "And, you always do that piggy nose!" kunwa'y ilong
naman nito ang pinisil. "And, rabbit because you look tamed on the outside but
deep within is a dangerous woman!"

Umirap siya dito at pinaningkitan ng mga mata. "Basta ang alam ko, cute 'yun!
Meaning kahit ano pang definition mo d'un, you find me cute!" Nagngingitngit pa
niyang tinalikuran ang nagtatawa namang lalaki.

"Hey rabbit pig! Don't leave me!" sigaw pa niya dito.

"Bilisan mo kasi! Pinalayo mo pa lalo ang lalakarin natin pabalik sa rest house!"
maktol pa niya habang nagkakamot ng ulo.

"Nagrereklamo ka ba?" kunwari ay nagsusungit na naman ito.

"Hindi nga po! Tara na!" Mabilis niyang hinawakan ulit ang kamay ng lalaki na
lihim namang napangiti.

Natutuwa lang din siyang inisin ang babae dahil hindi naman ito ganoon kadali
mapikon. Palagi lang kasi nito binabalewala ang mga biro niya kaya't hindi siya
nag-aalangang inisin ito.

Halos mag-iisang oras na rin silang naglalakad nang matanawan na nila ang daan
patungo sa rest house. Noon na muna humirit nang pahinga si Tae Kyung lalo na
nga't hindi naman siya sanay sa mahabang lakaran. Sa ilalim nang malaking puno ng
acasia sila nagpahinga at naghilut-hilot ng mga binti at paa.

"Damn..." Agad namang sumimangot si Tae Kyung sa nakitang texts and missed calls
ni Heini sa cellphone niya.

"Bakit?" taka pang tumingin si Minam dito. Tiim bagang kasi ang lalaki habang
nakatitig sa cellphone nito.

"May messages pala si Heini," seryosong sagot lang nito. Bumuntong-hininga siya at
pagod na inilagay sa bulsa ang cellphone.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo, a." may panunukso pang himig niya kahit na
parang may nakadagang mabigat sa puso niya.

"I don't want to talk about it." pag-iwas pa nito at nananatiling seryoso ang
mukha.

"Sige," Hindi naman na siya nangulit at tiningala na lamang ang nagliliwanag na


kalangitan. "Sobrang ganda naman ng mga stars..." Mangha pa niyang sabi.

"I can't see a thing." Tumingala naman ito at pilit na inaninag ang sinasabi nito.

"I hope na sana dumating rin ang panahon na maging star ako tulad mo." Dinungaw pa
niya ito na noon nga ay nakatingala rin at pilit na nag-aaninag sa madilim na
kalangitan.

"I know you will. Just be patient." seryoso pa nitong sabi.

"Hmm...." Malalim pa siyang humugot nang buntong-hininga. "Siguro ikaw ang araw,
you shine the brightest and the hottest. At ako lang ang star..."

"Hmm..." napangiti rin naman siya dito. "Yeah, you're right." Umismid pa siya.

"Possible kayang magustuhan ng isang araw ang isang maliit na star?" Wala pa sa
sariling tanong niya sa kawalan.

"W-what..?" Kumunot ito at hindi masyadong maliwanag sa kanya ang tanong nito.

"W-wala..." Nag-iwas din naman siya kaagad. "Tara na, Tae Kyung... gabi na."
kayag niya ulit dito.

"Sige," tumango na lamang ito at sumunod. Mas maliwanag naman na ang daan kaya't
hindi na siya nagpahawak dito. Hindi rin kasi niya maintindihan kung ano ba ang
nararamdaman para dito. Basta't ang alam niya, masaya siyang kasama ang babae.

=================

Chapter 10 - Part 1 of 2

CHAPTER 10 - Part 1 of 2

May kung ilang araw ding naglagi sa rest house sina Tae Kyung at Minam. At sa
panahon ding iyon ay nakapagsimula nang isang magandang kanta si Tae Kyung. Ngayon
nga ay abalang-abala siya sa pagsusulat nang biglang sumulpot si Heini!
"Hi Tae Kyung!" masayang-masaya pang bungad nito.

"What are you doing here?" kunot-noo pang tanong niya sa babae na
tila hindi man lang tinablan sa matalim niyang tingin.

"I needed to see you. You're not answering my calls and messages,"
nakanguso pa nitong sabi kasabay nang pagmamasid nito sa paligid.

"Why do I feel that I'm obligated to answer you?" sarkastiko pa


niyang tanong.

"Because I'm you're girlfriend..." Mataman pa itong tumitig sa


lalaki.

"My what?" Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"It's all over the news and the internet," nakangisi pa nitong
sabi.

"We don't have any of that here," masungit pa niyang sagot bago
muling ituon ang atensyon sa ginagawa. "I hope you leave soon because I am on
vacation here and I didn't want to be interrupted," diretsang pagtataboy pa niya
dito.

"I am not leaving without you, Tae Kyung," matapang pang sabi nito
habang pigil ang inis. Hindi siya makapaniwalang gan'un kadali para sa lalaki ang
itaboy siya.

"Really?" tinatamad na ibinalik niya ang tingin dito habang kunot


ang noo.

"You should come to my movie premiere tonight."

"I am not interested," mabilis na tanggi agad niya.

"Hmm, alright then, honey." Pilya pa itong tumingin sa lalaki. "I


will just tell the reporters na nag-aalaga ka nang babaeng miyembro sa banda n'yo."
Pagbabanta pa nito.

Agad na nag-igting ang kanyang panga sa narinig. "Are you


threatening me?" matigas pa niyang sabi.

"I am not, Honey. I am just telling you what I can do." Matalim pa
itong tumitig sa lalaki.
Hindi naman nagawang makapag-salita ni Tae Kyung sa mga
pagkakataong iyon. Alam niyang wala siyang pagpipilian kundi ang pagbigyan ito
alang-alang kay Minam.

"So, are you coming?" nakakaloko pa itong nag-ukyabit sa leeg ng


lalaki.

Nanliit naman ang mga mata niya sa pagtitig dito. He was disgusted by her
behavior.

"May araw ka din, Heini," pabulong na lang na sagot ni Tae Kyung


sabay tanggal sa kamay nitong nakapulupot sa kanyang leeg. Dali-dali siyang
tumalikod nang hindi lumilingon.

Ang hindi niya alam ay nagmamadali namang nagtatakbo si Minam sa


kwarto. Kitang-kita niya ang pagyakap na iyon ni Heini kay Tae Kyung. At sa
pakiwari niya'y hinahati ang puso niya sa dalawa. Kulang na lang ay hindi siya
makahinga.

"Minam, babalik na tayo sa Manila," utos pa ni Tae Kyung sa


tahimik na babae. Ni hindi pansin ang lungkot sa mukha nito.

"B-babalik?" halos mangatal ang boses niya. Gusto kasi niyang


maiyak na 'di niya mawari.

"Yeah! So, pack-up!" matigas na sabi pa nito. Hindi maitatago


ang pagka-aburido.

"N-no..." mabilis pa siyang umiling. "Ayaw ko namang makaistorbo


sa inyo ni Heini..." malungkot pa niyang sabi. Mariin pa niyang kinagat ang labi
upang ikubli ang tunay niyang nararamdaman sa mga pagkakataong iyon.

"Are you alright?" Agad namang natigilan si Tae Kyung sa pag-


iimpake at takang tumitig sa namumulang pisngi ng babae.

"Ah, oo! Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko," pagdadahilan
pa niya. Agad na nag-iwas nang tingin at pilit na pinaglabanan ang luha sa kanyang
mga mata.

"E, 'di mas dapat ka ng sumabay," alala pang kayag nito.

"Hindi na! Susunod na lang ako sa ibang araw," tanggi pa rin niya.
"Bakit kasi aalis ka na agad?"
"May movie premiere si Heini tonight. Sasamahan ko lang." Labag
man sa loob nito ang gagawin ay tila wala naman talaga siyang pagpipilian pa lalo
na nga't kalat na kalat na sa social media ang mga speculations ng ibang tao na
magkasintahan nga sila.

"Ah..." Pakiramdam niya'y nalunok niya ang kanyang dila at hindi


malaman ang sasabihin.

Mabilis lang din namang nakapagligpit ng gamit si Tae Kyung.


Inihatid naman siya ni Minam sa may sala kung saan nandoroon si Heini.

"Hello, Minam!" bati agad ni Heini. Pero pilit na pilit lamang


lalo na nga't hindi niya maiwasang magselos dito dahil kahit papaano'y maganda
itong pakitunguhan ni Tae Kyung.

"Hello, Heini..." alanganin pa siyang ngumiti lalo na nga't


halatang-halata sa mukha nito ang pagka-disgusto sa kanya.

"Tae Kyung, Honey..." salubong pa nito sa lalaki at mabilis na


pumulupot sa baywang nito.

Tila naman pinapaso si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon.

"Ikaw na ang mag-drive, ha." Iniabot ni Heini ang susi dito hindi pa man ito
sumasagot.

Wala namang nagawa si Tae Kyung kundi abutin ang susi nito. Ayaw
lang din niyang malaman pa ni Minam na may alam si Heini sa pagkatao nito. Hindi
lang din niya gustong mag-alala pa ito.

"Ipapasundo na lang kita kay Mr. Lin..." bilin na lamang nito sa


tahimik na si Minam. "I'll wait for you."

"Sige..." Tumango lamang siya at pilit na ngumiti.

Noon na umalis ang dalawa sakay ng kotse ni Heini. Para namang


tinulos na kandila si Minam sa mga pagkakataong iyon. At ngayon, sigurado na siya.
Sigurado siyang mahal na niya si Tae Kyung.

=================

Chapter 10 - Part 2 of 2

CHAPTER 10 - Part 2 of 2
May kung ilang araw din ang lumipas bago tuluyang nasundo si Minam sa rest house.
At si Shin Woo ang nagmagandang loob na sunduin ito.

"Nakahanap ka na ba ng inspirasyon sa kanta mo?" tanong pa ni Shin


Woo habang nagmamaneho ito.

"Oo..." malungkot pang sagot na lang niya.

"Hey..." Mataman pa nitong tiningnan sa front mirror ang malungkot


na mukha ng kabanda. "Was there anything bothering you?" alala pa nitong tanong.

"Huh?" Agad siyang nangapa nang isasagot. Lumilipad talaga ang


utak niya. "May iniisip lang ako..." mapakla pa siyang ngumiti at muli ay
tumingin sa kawalan.

"You can tell me. I'll listen." Seryoso pa nitong dinungaw ang
kabanda na nakatingin sa labas ng sasakyan.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Minam bago ulit


nagsalita.

"Papaano mo ba itatago ang nararamdaman mo sa isang tao nang hindi


ka niya mabibisto?" Alanganin pa siyang tumitig dito.

"Hmm..." malalim pa itong nag-isip. "Do you like anyone?" Kunot-


noo pa ito.

"Oo, pero hindi puwede. Kaya gusto kong pigilan," mapait pa niyang
sabi.

"Bakit kailangan mong pigilan? You're an A.N.Jell. I don't think


it was even possible na hindi ka magustuhan ng babaeng gusto mo," kibit-balikat pa
nitong sabi. Sinusubukan lang din nito kung magsasabi ito sa kanya.

"Complicated... Baka masaktan lang din ako."

"Bakit ka naman masasaktan? Did you try telling her?" Kumunot ito
at hindi nito mahulaan kung sino ang tinutukoy ng kabanda.

"No," mabilis pa niyang tanggi. "Baka lumayo lang siya sa akin. I


don't think I can take that," malungkot pa niyang sabi. "By the way, natuloy bang
samahan ni Tae Kyung si Heini?"

"You mean sa movie premiere?" Sinulyapan pa niya ito sa front


mirror.

"Yeah," may kasama pang tango na sagot niya.

"Yup. Are they really together?" Nanunuri pa niyang pinanood ang


ekspresyon nito sa front mirror. Parang nahuhulaan na niya ang nagugustuhan nito.
Si Tae Kyung.

"Siguro," mapakla pa niyang sagot habang wala pa sa sariling nag-


piggy nose ulit.

"What are you doing?" puna pa niya dito. Hindi nito maiwasan ang
matawa. "You look like a pig..."

"Wala..." muli ay mapait siyang ngumiti at inalis muna ang daliri


sa ilong.

"You like Heini?" Gusto lamang niyang makasigurong si Tae Kyung


talaga ang tinutukoy nito. Lalo na nga't nakita niyang niyakap nito ang lalaki
noong nakaraang gabi.

"H-Heini?" Taka pa siya pero agad ding bumawi nang maalalang


lalaki siya sa paningin ni Shin Woo.

"Oh man..." Hindi naman maiwasang magselos ni Shin Woo sa


pagkakita pa lang sa reaksyon nito. May gusto kasi siya kay Minam simula pa lang
noong unang malaman niyang babae ito. "Papaano ba yan? Mukhang si Tae Kyung ang
gusto ni Heini."

"Oo nga..." Mabilis pa siyang nag-iwas nang tingin. Mahirap din


para sa kanya ang magsinungaling kay Shin Woo.

"Marami pa namang iba d'yan. You'll find the right woman for you,"
pampalakas loob pa nito.

"Sana nga..."

Parehas silang nanatiling tahimik hanggang makarating sa A.N.Jell


mansion. Agad pa siyang dinala ni Shin Woo sa studio para marinig nilang lahat
kung may improvement na sa pagkanta niya.

"Minam, how are you?" Nakangiting bungad pa ni Mr. Han.

"I'm okay, Mr. Han." Mapait pa siyang ngumiti dito. Agad ding
nahagip ng kanyang mga mata ang bagong pasok na si Tae Kyung na matamang nakatingin
sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin dahil sa kurot na naramdaman niya sa kanyang
puso. She missed him so much kahit na iilang araw pa lang niya itong hindi
nakakausap.

"I hope makanta mo na 'to nang maayos, Minam. Think of that someone
you really care about. Put your emotions in the song, okay?" Itinuro pa nito ang
dibdib na katapat ng puso bago sumenyas sa nago-operate sa studio na simulan na ang
tugtog.

"Sana'y ako ang pagbigyan ng puso

pangako sa'yo ikaw ang iibigin

araw-gabi ikaw ang nasa isip

unang tingin ako'y nabighani

tunay, ang nararamdaman

sa'yo... magpakailanman...

ako'y sa'yo lamang

ibibigay higit sa kaya

ako'y sa'yo lamang, bigyan mo sana ng pag-asa

sayong-sayo lamang

tiwala mo ay iingatan...

ako'y sayo lamang, iyung-iyo lamang... ako..." madamdaming-madamdamin ang


pagkakakanta ni Minam.

"Nice job, Minam!" Si Mr. Han na sumenyas pa ng okay.

"Minam..." Si Tae Kyung na nagsalita rin sa mic para marinig siya


ng babae. "I had a piece there..." Itinuro pa nito ang isang sheet ng kanta.
"Sing that," pautos pang sabi nito.

"Ito?" Bahagya pa niyang pinasadahan ang kantang halos kakasulat


lang nito noong nasa rest house sila.
"You heard me sang that, right?" Mataman pa niya itong tinitigan
sa mukha. "Let me hear kung mas bagay sa'yo ang kanta," seryoso pa niyang sabi.
Kahit papaano kasi'y nag-contribute ito ng lyrics sa kantang isinulat niya.

"Mas maganda ang boses mo sa akin..." Alanganin siya lalo na nga't


mas akma sa pakiramdam niya ang ipinapakanta nito. Bagay na mas nakakatakot para
sa kanya sa pag-aalalang hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon.

"I just want to hear you sing it habang nasa tama ang mood mo."
Makahulugan pa itong tumingin kay Shin Woo.

"Sige," napipilitan pang sagot niya. Hindi pa man siya nagsisimula


ay halos mabiyak na ang puso niya sa sakit lalo na nga't naglalaro sa isip niyang
masayang-masaya ang lalaki sa piling ni Heini sa movie premiere nito.

"'Di mapigil ang pusong ibigin ka

bakit ba laging hanap kita?

Maging sa'king pagtulog ay panaginip ka

talaga yatang minamahal kita

ngunit mayro'ng takot na nadarama

laging may tanong sa puso ko

sa habang buhay ba'y laging ikaw lang at ako

hanggang sa kailanma'y hindi magbabago

masasabi mo bang tanging ako

sa bawat sandali, iibigin mo...

at 'di pagpapalit kahit kanino man

Pag-ibig mo ba'y ganyan?

Laging tapat kalian pa man..." Nanginig nang todo ang kanyang


boses kaya't hindi na niya nagawang ituloy ang kanta. Talagang hindi niya mapigil
ang sariling maging emosyonal. Nagmamadali pa siyang lumabas ng studio upang itago
ang luhang nag-uunahang bumuhos sa kanyang mga mata.

"That's quite an emotional song, Tae Kyung. San mo naman hinugot


'yan? But it fits really well with Minam..." Si Mr. Han na napamangha talaga.

"I have no idea," matabang pa niyang sagot bago tumalikod para


sundan si Minam.

Nang lumabas siya sa studio ay sa may veranda patungo sa garden


siya kaagad nagdiretso. Pero agad din siyang natigilan nang makita si Minam na
nakayakap kay Shin Woo! May kung anong bigat siyang naramdaman sa kanyang puso at
tiim-bagang na kinuyom ang kanyang palad.

"Minam!" pagalit pang tawag niya sa babae. Ngunit agad ding


napalitan nang pag-aalala ang inis nang makita niya itong umiiyak.

"Excuse me lang, Shin Woo..." Iwas na lang din si Minam dito.


Pero sa halip na lumapit kay Tae Kyung ay sa ibang direksyon ito pumunta.

"Minam!" tangka sanang susunod si Tae Kyung nang pigilan siya ni


Shin Woo.

"Give him some space to breathe. Mukhang may dinadala si Minam."


Pigil pa niya sa kabanda sabay umiling-iling.

Hindi naman na nagpilit si Tae Kyung at matalim lamang na tiningnan


si Shin Woo. He's jealous of him. At sa halip na magsalita ay tinalikuran na lang
din niya ito.

May kung ilang araw ding nagkulong si Minam sa kanyang kwarto.


Hirap na hirap siya sa kanyang nararamdaman kaya't humanap siya nang pagkakataong
makausap nang sarilinan si Mr. Lin.

"Mr. Lin, hindi ko na yata kaya 'to," pagbubukas pa niya ng


damdamin dito. "Baka 'di ko mapigil ang feelings ko. Baka mabuking ako,"
malungkot pa niyang pagsasabi dito.

"Sister..." Hinimas pa nito sa ulo ang babae na parang anak na rin


ang turing niya. "Don't worry, kaunting panahon na lang. Malapit nang gumaling si
Minam."

"What if I tell him how I felt about him? Ayos lang ba 'yun?"
"You can't do that!" mabilis namang tanggi nito. "You're a nun!"

"I am not a nun, yet." Hindi pa niya naiwasang matawa sa sinabi


nito.

"Pero mag-madre ka pa rin!"

"Mr. Lin..." Umiling-iling pa siya dito. "I don't think bagay pa


akong mag-madre. Now, I know, hindi ako bagay doon."

"Pero babae ka pa rin! Hindi dapat ikaw ang nagtatapat!" kuntodo


kontra pa rin ito.

"Pero nasasaktan ako. Parang hindi ko na kaya..."

"You need to control your emotions, Minam," matigas pang sabi nito.
Malalim pa itong bumuntong-hininga bago muling magsalita. "We both know na sa
kalagayan mo, you can't have a relationship with anyone. Eventually, you'll need to
leave A.N.Jell once your brother recovered."

"Pero ano bang dapat kong gawin para pigilan 'to?" Hinaplos pa
niya ang tapat ng kanyang puso.

"Lumabas ka with the other A.N.Jell. Have a good time. Kasi


maling pakiramdam 'yan. Hindi ka pa sure d'yan."

"Do you think that will work?"

"I think so. Para lang mabaling muna sa iba ang atensyon mo."

"What about the piggy nose?" Muli ay demo niya sa ginagawa sa


tuwing nararamdamang natetensyon siya sa harapan ni Tae Kyung.

"You need to keep doing that, therapy 'yan," sabi pa niya sabay
umubo. Sa totoo lang kasi ay gawa-gawa lang naman niya iyon para isipin ng babaeng
mapipigil nito ang bugso nang damdamin para sa taong nagugustuhan nito.

"Sige na nga, subukan ko pa rin," matamlay pa niyang sabi.


Kailangan niyang gwardiyahan ang damdamin dahil muntik na siyang magbreak down sa
harapan ng mga kabanda dahil sa pagkanta niya sa isinulat ni Tae Kyung.

Hindi naman mapigilang maawa rin ni Mr. Lin kay Minam. Awang-awa
siya dito lalo na nga't alam niyang nahihirapan na ito sa pagpapapanggap bilang
lalaki. Pero alam din niyang wala naman silang pagpipilian. Kailangan nilang
itago ang lihim hanggang tuluyan nang gumaling ang kapatid nito.
=================

Chapter 11 - Part 1 of 2

CHAPTER 11 - Part 1 of 2

Dumating na nga ang araw ng major concert ng A.N.Jell. Gayak na gayak na ang lahat
maliban kay Minam na hindi pa rin mapakali.

"Hey, get your make-up done!" puna pa ni Tae Kyung sa tila wala sa
sariling si Minam.

"Oo, may hinihintay lang akong tawag," talaga namang hindi siya
mapakali. Papaano kasi ay nakatanggap siya ng balita kay Mr. Lin na may
nakakilala raw sa kapatid ng Mama nila.

"Hey, you can't be out of focus here," may panermong sabi pa nito.
"First major concert mo 'to, remember?" Kunot-noo pa nitong sabi habang matamang
pinapanood din ang reaksyon nito.

"Sorry," nahihiya pa niyang sabi sabay kagat-labing yumuko.

"Give me your phone. You don't need to be distracted. Not now..."


Inilahad pa nito ang kamay.

"Pero," alanganin pa siya.

"I'll give it back to you once the concert is done, understand?"


Mabilis pa niyang inagaw ang cellphone nito.

Tumango na lang si Minam at hindi na nagsalita pa. Alam niyang


hindi papayag ang lalaki na hawakan ang cellphone niya.

Nakukunsensya man si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon ay ayaw


lang din naman niyang isugal ang magiging unang performance nito. Masyado na ring
malaki ang hirap nila para lang mapanatili ang reputation ng banda nila.

Hindi naman din nagtagal ay nagsimula rin ang concert. Punung-puno


ang Araneta Coliseum sa dami ng mga fans nilang nagsipanood. Saglit na nakalimutan
ni Minam ang alalahanin tungkol sa kanilang ina.

Pero pagkatapos lang na pagkatapos ng concert ay agad na pinuntahan


ni Minam si Tae Kyung sa dressing room para hingin ang cellphone dito. Pero sa
halip na ibigay agad nito ang cellphone niya ay isang malungkot na mukha ang
ibinungad ng lalaki.

"I'm sorry, Minam," malungkot pang sabi nito sabay abot ng


cellphone dito. Aksidenteng nabasa niya ang mensahe ni Mr. Lin tungkol sa Mama
nito.

Agad namang nanlamig ang buong katawan ni Minam nang mabasa ang
message na iyon ni Mr. Lin. Mabilis na nanlabo ang kanyang paningin at halos
hindi na siya makahinga nang maayos. Matagal nang panahong namayapa ang kanyang
ina. Hindi na niya nagawang pigilan ang mga luhang nag-uunahang bumasa sa kanyang
mukha.

"Minam..." Mahigpit pa niyang niyakap ang babae. Alam niyang


nangungulila rin ito sa ina katulad niya.

Sakto naman ding dumating sina Shin Woo, Jeremy, Mr. Han at Mya.
Hindi nila inaasahang makikita si Minam na umiiyak.

"What happened?" Taka pa si Mr. Han na lumapit sa kanila.

"Mr. Han, do you mind if paunahin na muna nating umuwi si Minam?"


Si Tae Kyung na bahagya munang hinarangan ang mukha ng babae. Masyadong mahina sa
paningin nila ang ganoong imahe ng babae. Possibleng mabuko lang ito kapag
nakitang ganoon ito ka-emosyonal.

"Pero may mga reporters na naghihintay sa inyo." Alala pa itong


nagpamaywang habang pilit na hinuhuli ang tingin ni Minam.

"Hayaan muna natin siyang makapagpahinga. I'll tell you later why."

Saglit na nanimbang si Mr. Han bago tuluyang tumango. "Sige, Shin


Woo, Jeremy, tara muna kayo," kayag pa nito sa dalawa.

Napasunod naman din ang dalawa kahit na nga alalang-alala rin sila
sa kasamahan.

"Mya, saan kaya puwedeng idaan si Minam?" Baling pa ni Tae Kyung


sa assistant ni Minam na noo'y nakayakap na rin sa babae.

"I don't think makakalabas si Minam nang maayos dito. Kahit saan
may reporters." Nagkamot pa ito ng ulo. Pero agad ding nagliwanag ang mukha nito
nang may maisip na paraan. "Wait, I have an idea!" Mabilis pa niyang hinila si
Minam palabas ng dressing room. Agad naman ding napasunod si Tae Kyung.
"Matagal pa ba 'yan?" Alala pang nagmamasid si Tae Kyung sa
paligid. Kasalukuyan kasing tinutulungan ni Mya si Minam na magbihis. Humiram
muna sila ng mga gamit at damit ni Heini na kasalukuyan ding nagpe-perform sa
stage.

"We're done!" excited pang sabi ni Mya na dahan dahan pang


binuksan ang pinto at pinapasok si Tae Kyung. "Presenting, the beautiful Gemma
Go!"

Noon na lumabas si Minam na nakadamit pambabae. Nakamini-skirt din


itong maikli at blouse na kulay itim. Tamang nakataas din ang buhok nito at may
light make-up. Sa madaling salita, malayo sa boyish look nito.

Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan bago magsalita. "Are you
ready?" Hindi niya maintindihan ang nararamdaman lalo na nga't ang ganda-ganda
nito sa paningin niya kahit pa nga namumugto ang mga mata.

"Oo..." Siya man ay kinakabahan sa mga pagkakataong iyon lalo na


nga't nag-aalala siyang may makakilala sa kanya.

"Mya, mauna ka na sa ibaba," instruct pa ni Tae Kyung dito.

"Roger," nakangiting sabi pa nito bago nagmamadaling magtatakbo


palabas.

"Come..." Mahigpit pa niyang ginagap ang nanlalamig na kamay ang


babae. "You'll be alright."

Tumango lang si Minam sa sinabing iyon ng lalaki. Sobrang lakas nang kalabog ng
kanyang puso.

Ngunit sakto namang paglabas nila ay may reporter na nakakita na naman sa kanila.
Ang batikang reporter!

"Tae Kyung! Pa-interview naman sa inyo ni Heini!" Agad pa itong humabol sa


dalawa. At habang tumatakbo ay panay na rin ang kuha nito ng pictures!

"Run faster!" sabi na lang ni Tae Kyung sa babae na hirap na hirap ding tumakbo sa
suot nitong de takong na sapatos. "Just run! Hawak kita!" Mas hinigpitan pa nito
ang hawak sa kamay ng babae. Hindi siya papayag na ngayon pa ito mabuking nang
kahit na sino. Hindi niya hahayaang masira ang mga pangarap nito.

Napagtagumpayan naman nilang mapagtaguan ang reporter at nadala niya sa may lobby
si Minam. Agad ring sumalubong si Mya na matamis na matamis din ang pagkakangiti
sa kanila.
"Bye, Tae Kyung..." si Mya na ikinampay pa talaga nang husto ang balakang.
Tagumpay sila sa mission nilang mailabas nang maayos si Minam!

Kaya naman nang makatapos lang ang presscon ay pinagpaliwanagan na


ni Tae Kyung ang mga kasamahan tungkol sa pag-iyak ni Minam kani-kanina lang.

"Oh, that's a sad news..." Si Mr. Han na naunawaan naman din


kaagad kung bakit naging ganoon ka-emosyonal si Minam.

"Kawawa naman pala si Minam..." Si Jeremy na bumuntong-hininga pa.

"Baka sakaling nasa mansion na ang kapatid ng Mom niya." Si Tae


Kyung.

"Really?" Si Shin Woo na awang-awa rin sa kalagayan ng kabanda.


"I hope he's okay..."

Hindi naman nakaligtas sa tainga ni Tae Kyung ang pag-aalala na


'yun ni Shin Woo. Alam niyang kikiligin nang husto si Minam kapag nalamang
alalang-alala si Shin Woo dito.

=================

Chapter 11 - Part 2 of 2

Published: January 9, 3013

CHAPTER 11 - Part 2 of 2

Hindi naman din nagtagal ay nakarating rin sila sa mansion. Naabutan nila ang Tita
ni Minam na panay ang iyak habang nagku-kuwento kina Mr. Lin at Mya.

"Ang tagal-tagal kong naghahanap sa inyong magkapatid. Kaya nang


mapanood kita sa tv, gayon na lang din ang pasalamat ko," emosyonal pang sabi nito
habang panay ang punas ng luha. Bahagya lamang itong natigilan nang makita ang
mukha nang iba pang kasamahan ni Minam.

"A-ang gu-gwapo pala talaga nila sa personal..." Panandali itong nawala sa page-
emote at sa halip ay parang kinilig pa sa mga nakapaligid dito.

Agad naman ding binati nila Tae Kyung ang Tita ni Minam.
"You might want to stay here for a while para naman magkasama kayo
ni Minam," suggest pa ni Mr. Han.

"Talaga po?" ligayang-ligaya naman si Selya. Ang kapatid ng Mama


ni Minam.

"Yeah, they had their parents live here too for quite sometime."
Pinasadahan pa niya nang tingin ang bawat miyembro ng banda.

"You can stay at Minam's room-" bahagya pa itong natigilan at


nagkamot ng ulo. "I forgot, lalaki ka nga pala. Maybe you can stay with
Jeremy's."

"Mr. Han naman," maktol pa ni Jeremy. "Ang sikip-sikip na nga sa


kwarto ko, e."

"Okay, okay... What about Shin Woo?" Baling pa nito kay Shin Woo na
nakadirekta kay Minam ang tingin.

"Maybe you have to ask, Minam." Alanganin siya lalo na nga't alam
niyang kay Tae Kyung ito tila mas komportable.

"Okay, Minam, whom do you want to share room with?" Binalingan ni


Mr. Han si Minam na tila hindi malaman ang isasagot.

"Kay... Tae-" Hindi na niya naituloy ang sana'y sasabihin dahil


binara na siya kaagad ni Tae Kyung.

"No!" Nag-angat agad ito ng daliri at sumenyas ng hindi. "You're


not sharing room with me. No way!" Panunuplado pa nito.

"Tae Kyung naman, e," sumamo pa niya sa lalaki na mukhang


maninikis pa.

Agad naman ding nabago ang aura ni Shin Woo. May nababasa siya sa
kakaibang aura ni Minam pagdating kay Tae Kyung.

"Oo nga, Tae Kyung, ikaw ang may pinaka-malaking room. Tama lang na
sa iyo maki-share si Minam. Saglit lang naman 'yun. Ipapaayos ko na lang ang
isang kwarto ulit," si Mr. Han na sinang-ayunan rin naman si Minam.

"Ayoko nang may maingay sa kwarto ko." Dinilatan pa niya ang babae
na panay pa rin ang nagsusumamong tingin sa kanya.
"Okay, fine!" Iiling-iling pa si Mr. Han. "Minam will be sharing
room with me. Malungkot din namang nag-iisa sa kwarto."

Agad namang namilog ang mga mata ni Minam at saklolong tumitig kay Tae Kyung na
pigil ang ngisi.

"Naku! Hindi na po!" tanggi naman ni Minam at si Tae Kyung ulit


ang binalingan. "Tae Kyung, please, please," pagmamakaawa pa niya.

"Minam..." Naniningkit pa niyang tinitigan ang babae. "Fine, he's


sharing room with me." Kunwari ay aburido niyang sagot kahit na sa totoo lang
naman ay iniinis lang din niya ito. Kahit naman hindi mamili si Minam ay alam
niyang siya ang pipiliin nitong makasama sa kwarto lalo na nga't siya lang din ang
nakakaalam na babae ito.

"Baka naman napipilitan ka lang, Tae Kyung?" Alanganing tanong pa


ni Mr. Han lalo na nga't kilalang-kilala niya ang ugali nito.

"It's alright, Mr. Han..." Noon na siya tumalikod at pasikretong


inirapan ang ligayang-ligaya namang si Minam.

"Tara na, Tita, samahan ko po kayo sa kwarto n'yo." Masayang


baling pa ni Minam sa kanyang Tita Selya na mukhang gayak na gayak rin namang
tumira roon dahil sa dami ng mga dala-dalahan.

Kaya naman makatapos lang din matulungan ang Tita Selya niya na
mag-ayos ng mga gamit ay siya naman ang naglipat-kwarto kay Tae Kyung.

"Hi," alanganin pa niyang bungad sa lalaki na noo'y nakaupo sa bed


nito habang nagbabasa.

Hindi naman kumibo si Tae Kyung at pinagmasdan lang ang babae.

"Inaantok na ako, maglalatag na ako, ha." Mabilis pa siyang


lumapit sa bed ng lalaki at doon sa gilid nito inilatag ang kutson.

"What are you doing?" kunot-noo pang tanong nito.

"Matutulog na." Taka pa siya sa reaksyon nito.

"Not here," mabilis pang tanggi nito na may kasamang magkakasunod


na iling.
"Huh? E, saan?" Iginala pa niya ang tingin sa paligid. Maluwag
man ang kwarto nito ay wala naman siyang maisip na puwede pa niyang paglatagan ng
kutson kundi sa gilid ng bed nito.

"Sa may sala. Down there!" Itinuro pa nito ang paglalatagan ng


babae sa may sala. Isang malaking unit kasi ang kwarto ni Tae Kyung. May sariling
kusina, sala at opisina. Bukas na bukas lang iyon at walang dibisyon.

"Tae Kyung naman, ang lamig ng semento d'un. Dito na lang ako,"
sabi pa niya sabay nguso. Kahit papaano kasi'y carpeted ang buong kwarto nito.
Iwas sa ginaw.

"You're not sleeping anywhere near me, okay? Doon ka! 'Wag ka ng
choosy pa," panunungit pa nito sabay senyas na lumayo.

"E, bakit sa rest house, isang kwarto lang tayo! Umaarte pa 'to,"
maktol pa niya dito sabay irap.

"Wala akong choice dahil hindi ko bahay 'yun. But this one,"
pinagpag pa niya ang napakalambot niyang bed. "Mine... only."

"Ang damot naman nito," nakasimangot pa niyang sabi sabay ismid.

"Kung ayaw mo roon, sa kwarto ka na lang ni Shin Woo. For sure,


ise-share ka pa n'un sa bed niya." Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang
naiinis sa sarili niyang mga salita.

"Kung alam nga lang ba ni Shin Woo na girl ako, for sure d'un na
lang ako, 'no? Hmp!" Inirapan pa niya ang lalaki at muling hinakot ang kutson
pababa sa may sala. Bukas na bukas naman ang kwarto ng lalaki at tanging hagdan
lang ang pinaka-disenyo na nagpapakita ng dibisyon ng bedroom sa sala, kusina at
opisina.

"Nagre-reklamo ka ba?" panunungit pa niya kahit na gusto na niyang


matawa nang malakas sa nakikitang pagka-irita ng babae sa kanya.

"Hindi po!" pigil pa ang inis na sagot niya at nagpilit na ngumiti


nang maluwag.

"Rabbit pig... tsk, tsk..." Napagbuntunan naman niya ang malaking


maleta nito. "Ang laki naman ng maleta mo, mukhang wala kang balak umalis dito."

"Kailangan kong hakutin lahat at baka mabuklat ni Tita, e. Mabuking


pa ako!" Padabog niyang inilatag ang kutson sa may sala.
"I don't want any bras and undies hanging around, okay?" sabi pa niya sabay
ismid.

Umirap naman si Minam dito at padabog na nahiga. Nahiga rin naman si Tae Kyung na
hindi na rin magawang itago ang ngiti sa labi.

"Ewan!" inis pang sabi niya sabay higa. Pero agad din siyang
napabangon nang makitang nakabukas pa ang mga ilaw. "Patayin ko na ang ilaw!"

"No!" mabilis namang tanggi ni Tae Kyung na bahagya pang napaupo


para pigilan ang babae. "Don't!" Pinaningkitan niya iyon ng mga mata. "I can't
sleep without the lights on."

"Pero hindi ako makakatulog!" maktol pa niya. Agad na sumagi sa


isip niya ang panahong nasa rest house sila. "Bakit sa rest house pumayag kang
walang ilaw?" nagtaas pa siya ng kilay dito.

"It's because may ilaw na nanggagaling sa labas. It's not


completely black!" pangangatwiran din naman niya agad. "Kaya kung puro reklamo
lang din ang gagawin mo, lumipat ka sa ibang kwarto! Understand?!"

"Sabi ko nga, matutulog na diba?!" Padabog pa siyang nagtalukbong


ng kumot sa mukha. Pakiwari naman niya'y hindi siya mananalo sa lalaki.

Nang matantiya niyang tulog na ang lalaki ay tsaka niya inalis ang
pagkakatalukbong ng kumot sa kanyang mukha. Malalim siyang humugot nang buntong-
hininga at malungkot na tumitig sa kawalan. Hindi na nila makikita ang kanyang
Mama. Agad na nagluha ang kanyang mga mata at mapait na inalala ang mukha nito. Ang
importante sa ngayon ay alam na nila kung ano talaga ang nangyari dito. Hindi na
sila aasa pa ni Minam na isang araw ay darating ito. Ang magagawa na lamang nila'y
tanggapin ang totoong wala na ito. At kailangan na nilang ituloy ang buhay kahit
pa iniwan na sila nito sa mundo.

=================

Chapter 12 - Part 1 of 3

CHAPTER 12 - Part 1 of 3

Kinabukasan ay tanghali na ring nagising si Minam. Dahan dahan pa siyang lumapit


sa nahihimbing na si Tae Kyung. Hindi niya maiwasang mapangiti habang
pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Kumalabog ang puso niya at mabilis na
inalog ang kanyang ulo. Hindi niya mapigil ang sariling magkagusto sa lalaki.
Umiling siya at tahimik na lumabas ng kwarto.

Bumaba siya sa kusina at agad na nabungaran ang mga kabanda na nakapaikot na sa


table.
Agad ding nagliwanag ang mukha ng kanyang tita pagkakita sa kanya. Halatang nage-
enjoy sa bakasyon nito. "Good morning!" bungad pa niya sa kanyang
Auntie na abalang-abala sa paghahain nang umagahan kina Shin Woo at Jeremy.

"Good morning, Minam! Dali ka na rito. Nagluto ako nang umagahan


ninyo. Kumain ka muna," mabilis pa nitong kinayag ang pamangkin palapit sa mesa.

"How was your sleep?" Si Shin Woo na medyo seryoso sa pagtatanong.

"Nice..." Matamis pa siyang ngumiti. "Never been better..."

"Really?" Hindi nito mapigil ang magselos. Sa buong buhay niya ay


bihirang-bihira siyang magkagusto sa babae. Mukhang nagkakahawig pa sila ng taste
ni Tae Kyung pagdating sa babae. Kaya nga medyo nagulat rin siya sa balita na
girlfriend nito si Heini gayong sa pagkakaalam niya ay hindi ito ang tipo ng
kabanda.

"Ang lamig sa kwarto ni Tae Kyung at tsaka sobrang malinis ang


amoy," pagku-kwento pa niya.

"Ay oo!" Si Jeremy. "Si Mr. Kalinisan nga 'yun. Normally, ayaw
n'un na nagdadala ng masyadong maaamoy na pagkain sa kwarto. Maarte! Daig pa
babae!" sabi pa nito sabay halakhak nang malakas.

"Mukha nga," sang-ayon din naman siya.

"Oh, before I forgot, mamaya nga pala ang photoshoot natin para sa
bagong signature collection ng isa nating sponsor." Si Jeremy pa rin.

"Ngayon ba 'yun?" Kumunot siya at hindi pa man ay parang napapagod


na siya. Wala pa silang kapahi-pahinga.

"Yeah..." Si Shin Woo naman ang nagkumpirma. "We'll be busy the


entire day. Puyatan na naman 'to for sure."

"Heini will be part of the photoshoot too." Si Jeremy ulit. "For


sure, hindi maiinip si Tae Kyung at kasama niya ang love of his life."

Hindi naman naiwasang maapektuhan ni Minam sa narinig.

"Talaga?" Pinilit niyang ngumiti at nagpaka-kaswal kahit na parang


pinipiga ang puso niya.
Pinilit niya iyong balewalain pero bigla na lamang siyang nabahing.

"Ooops... sorry..." Nag peace sign siya habang nakamata sa kanya ang mga kabanda.
Hindi masyadong maganda ang pakiramdam niya lalo na nga't medyo sinipon pa siya.

"Mukhang sinisipon ka pa, ah..." puna pa ni Shin Woo sabay hipo


sa noo ng kabanda.

"I'm okay, iinom na lang ako ng gamot." Matamis pa siyang ngumiti


sa lalaki.

"Mabuti pa dahil baka magtuloy pa 'yan. Not good for you." Nag-
aalala lang din siya lalo na nga't haharap sila sa nakakapagod na photoshoot
mamaya.

"Don't worry..." Kinindatan pa niya ang lalaki at nagtuloy na sa


pagkain.

***

Tulad nga nang inaasahan ay sa photoshoot sila nagdiretso bago


magtanghalian.

"Ang gwapo mo, Minam!" Si Jeremy na tinapik pa sa balikat ang


nagulat namang si Minam.

"Thanks, Jeremy. Ikaw din!" balik puri pa niya dito.

"Anong gwapo pinagsasabi mo d'yan, Jeremy," si Tae Kyung. "Kulang


nga sa height, oh!" Tumabi pa siya kay Minam para inisin ito.

"'Yun lang!" sumang-ayon din naman si Jeremy. "Pero in fairness


kay Minam, nakakabakla ang face niya!" Natatawang nagbading-badingan pa si Jeremy.
"Parang face ng babae. Pati skin iba, e." Sinalat pa niya ang pisngi nito. Nang
ngumiti sa kanya si Minam ay agad din siyang nailang sa kanyang ginawa. "I think
sa ating apat, siya na ang pinaka-handsome talaga!" dugtong pa niya sabay mahinang
umubo.

"Hey!" Nakakunot-noo namang nagreact si Tae Kyung at dinilatan pa


niya ang kabanda. "I don't think kaya niyang talbugan ang kagwapuhan ko. Diba,
Minam?" Pinagtaasan pa niya ng kilay ang babae sabay ismid.

"Oo na! ikaw na!" Umirap pa siya sa lalaki pero lihim namang
ngumiti lalo na nga't tama naman ito sa sinasabi nito. Sorbrang gwapo naman talaga
nito lalo na ngayong nakapustura itong maigi para sa photoshoot. Pero agad ding
nabago ang aura niya nang mamataan si Heini na maluwag ang pagkakangiti habang
naglalakad na parang modelo.

"Hi, Honey!" bati pa ni Heini kay Tae Kyung na halos blanko ang
reaksyon.

"Hey," matabang na bati lang din ni Tae Kyung. Ni hindi nakuhang


ngumiti.

"Tapos na kayo sa make-up?" malambing pang tanong nito.

"Actually, ikaw na lang ang hinihintay. Kanina pa," sarkastiko


pang sagot lang niya dito.

Ngumuso lang naman si Heini at bahagyang umirap.

"Come on guys, matagal pa 'yan. Kumain muna tayo," kayag pa ni


Tae Kyung na noo'y nagpipigil lang na sirain ang kanyang araw. Wala talaga siyang
maramdamang kahit na ano para sa babae. Ang presensya pa nga nito ay nagdudulot
lang ng stress sa kanya.

Sumunod naman din sina Jeremy at Minam kay Tae Kyung. Naiwan nga
si Heini na nagngingitngit sa panunungit ng lalaki sa kanya.

Hindi naman din nagtagal ay nagsimula na nga sila sa photoshoot.


At syempre, star si Heini at napapaligiran siya ng mga lalaki. Naunang nag-break
si Minam kaya't tumambay muna siya 'di kalayuan sa mga kasamahan. Wala pa sa loob
na tumitig sa mga gamit ni Heini na nakakalat sa mesa.

"Wow, ang gagaganda naman ng mga ipit niya." Hindi niya naiwasan
ang mamangha. "Kailan kaya ako makakapagsuot ulit nito?" tanong pa niya sa
sarili. Pero agad ding nagliwanag ang mukha nang maalalang dala niya ang kanyang
lucky charm. Ang clip na bigay ni Tae Kyung sa kanya. Nangingiti pa siyang
pinagmasdan iyon sabay inilapit sa tapat ng kanyang puso. "Okay lang, nasa akin
naman ang pinaka-maganda sa lahat."

"Hey! Bakit ka nakikialam sa mga gamit ko!" galit pang sita ni


Heini sa kanya.

"Huh, e..." Agad naman siyang nataranta lalo na nga't hindi niya namalayan ang
paglapit nito. "H-hindi," mabilis pang tanggi niya sabay iling.

"Anong hindi?! Ano 'yang hawak mo?!" sita pa nito sabay agaw sa hawak na ipit ni
Minam.

"Akin 'to!" Mariin pang pag-angkin niya sa pag-aari.


"Iyo?" Sarkastiko pa itong ngumiti sabay pilya pang tinapunan nang
tingin ang kanyang make-up artist. "Nag-iipit ka?"

"O-, I mean ang kapatid ko. Para sa kapatid ko 'to." Mabilis pa


niyang itinago ang ipit sa jacket.

"Oh..." Tumangu-tango pa ito habang nagpipigil na ibuking ang


sikreto nito. "Alam mo, Minam, for sure, bagay na bagay rin sa iyo ang clip na
'yan," makahulugan pa nitong sabi sabay ngisi.

"Oo nga..." Ang make-up artist nito. "Feminine ang shape ng face
mo. Kaunting blush-on at lip stick lang, mukha ka ng girl talaga."

"Katuwaan tayo, ayusan ka namin!" Nagliliwanag pa ang mukha ni


Heini habang naglalakad mas palapit kay Minam.

"No, ayaw ko," mabilis pa niyang tanggi sabay nagtatakbo palayo sa


nagtatawanang sina Heini at make-up artist nito.

Saglit pa niyang nilingon si Heini sa kinalalagyan nito bago huminto sa pagtakbo.


Napahawak pa siya sa tapat ng kanyang puso habang naghahabol nang hininga.

"What's with the rush?" kunot noo pang tanong ni Tae Kyung.

Agad namang napadiretso nang tayo si Minam at mabilis na dinaanan ng mga kamay ang
kanyang damit.

"Huh, eh, 'yung girlfriend mo kasi, pagti-tripan pa ako. Lalagyan


daw ako ng make-up."

Nagtiim bagang si Tae Kyung at kinuyom ang kanyang palad.

"That bitch," halos pabulong na sambit pa nito.

"Huh, ano?" pag-uulit pa ni Minam dito.

"'Wag ka na lang maglalapit doon," nag-aalala pang sabi na lang


niya.

"Sige..." Tumango naman siya dito. Wala talaga siyang balak na


maglalapit pa sa babae lalo pa ngayon.

"Minam..."
"Shin Woo! Tapos ka na din?" Baling pa niya sa lalaki na nooy'
gwapung-gwapo rin sa suot nitong tuxedo.

"Yeah, si Jeremy at Tae Kyung na lang, then tayo na ulit lahat."


Bahagya pa niyang dinaanan nang tingin si Tae Kyung na sumeryoso na naman ang
mukha.

"Hay, buti naman..." Bumuntong-hininga pa siya. "Hindi na rin


kasi masyadong maganda ang pakiramdam ko." Mapakla pa siyang ngumiti.

"Talaga?" Alalang hinipo pa niya ang noo nito.

Hindi naman nakaligtas kay Tae Kyung ang gesture na iyon ni Shin
Woo. Nanigas ang kanyang panga at hindi niya nagustuhan ang galaw nito.

"I think uminom ka muna ulit ng gamot dahil medyo matagal pa tayo.
May kaunting sinat ka na rin kasi."

"Hindi pa naman..." Hinipo pa niya ang sarili. "Sa init lang


siguro ito."

"Natural! 'Di ka naman tatablan ng sakit, diba?" Nang-iinis pang


singit ni Tae Kyung sa dalawa.

"Tara, Minam, samahan mo na lang akong magmerienda." Inakbayan pa


niya ang babae. Kitang-kita niya ang pagbabago ng mukha ni Tae Kyung. Kung hindi
siya nagkakamali ay nagkakagusto na rin ito kay Minam.

"Naku, ang sarap ng macaroni salad na dala ni Mr. Lin!" Masaya pa


niyang nilingon ang lalaki na noo'y kampanteng nakaakbay sa kanila.

Nagngingitngit namang naiwan si Tae Kyung lalo na nga't hindi man


lang siya naisipang kayagin ng babae.

"Parang kinikiliti... Naakbayan lang," bulong pa niya sa sarili.


Hindi talaga niya maiwasang mainis.

=================

Chapter 12 - Part 2 of 3

CHAPTER 12 - Part 2 of 3
Medyo madilim na noon nang malapit na sana sila makatapos ng photoshoot nang bigla
silang inabutan nang napakalakas na ulan! Nagkanya kanya sila nang pulasan para
sumilong.

"Minam!" Halos sabay pang tawag nina Tae Kyung at Shin Woo sa
babae.

Pero si Shin Woo ang kaagad na nakalapit kay Minam na nabasa na rin
ng ulan. Isinukob na lang din niya ito sa kanyang payong papunta sa van ng
A.N.Jell.

Si Tae Kyung naman ay hinabol ni Heini na nakisukob rin sa payong


nito. Patagilid niya itong tiningnan at kinunutan ng noo. Wala siya sa mood dahil
parang nagseselos siya kay Shin Woo na hindi niya mawari. Masyadong masakit sa mga
mata niya ang pagiging extra caring ni Shin Woo para kay Minam.

"Ang laki ng payong mo sa akin ka pa talaga sumukob!" inis pang


baling niya kay Heini na kuntodo kapit pa sa braso niya.

"We're lovers right?" Sarkastiko pa itong ngumiti. "That's what


lovers do..."

"I think it's more of a blatter thing," sarcastic ding bato niya ng
salita dito habang matamang nakatitig dito.

"Whether you like it or not, we're lovers. So, play it nicely."


Parang gusto nitong mapikon sa lalaki lalo na nga't may nararamdaman din naman siya
para dito. N'ung una'y challenged siya sa kasupladuhan nito pero simula nang
iligtas siya nito sa mga gustong kumuha ng pictures niya, alam niya, minahal na
niya ito kaagad.

"As if I have a choice, right?" Matalim pa niya itong tinitigan.


"When this is over, both of us are over too."

Hindi naman na nakuhang sumagot ni Heini sa mga pagkakataong iyon


lalo na nga't tila ang mga mata ni Tae Kyung ay sa gawi ni Minam nakatingin. Mas
lalo lamang tuloy nadagdagan ang inis niya kay Minam lalo na nga't ang lapit nito
kay Tae Kyung.

"Mya!" Si Minam na nagtatakbo pang lumapit kay Mya na abalang-


abala sa pagliligpit ng mga gamit nila.

"Doon ka na lang sa van, Minam... Ang lakas ng ulan, o. Mababasa ka


pa dito," alalang sabi pa ni Mya na nagmamadali sa pagliligpit ng mga gamit.

"Nakita mo ba 'yung jacket na suot ko?" hindi pa mapakaling tanong


niya habang panay ang linga sa paligid.

"Huh? E, wala... Ang kumuha ng mga jacket, e, 'yung make-up artist


ni Heini."

"Nasaan na 'yun?" Nagpalinga-linga ulit siya para hanapin ang


taong tinutukoy nito.

"For sure nakasakay na 'yun sa van nila Heini. Halos kakaalis


lang..."

"What?!" Hindi niya naiwasan ang manlumo.

"Bakit ba?" taka pa ito.

"May naiwan ako sa pocket ng jacket na gamit ko," malungkot pang


sagot niya. Hindi niya maamin dito na nasa jacket ang clip na bigay ni Tae Kyung.
Nag-aalala siyang baka mabasa nito ang nararamdaman niya.

"Oh..." Napaisip naman ito. "Magkikita pa naman tayo. For sure


dumiretso na 'yun sa bar na nirenta ni Mr. Han para sa party," nagliliwanag pa ang
mukhang sabi nito. Excited para sa magaganap na party.

"Really?" Agad din naman siyang nabuhayan ng loob. Kahit paano ay


may pag-asang makuha niya ang kanyang clip.

"Sumakay ka na sa van. Kay Mr. Lin ako sasabay." Tinapik pa niya


ito sa pisngi.

"Sige, Mya... Thanks, ha!" nakangiti pang paalam niya bago


nagtatakbo papunta sa van.

At tulad nga nang sabi ni Mya sa kanya ay sa bar sila nagtuloy.


Agad pa siyang bumaba sa van ng A.N.Jell para pumunta sa van ni Heini. Mabuti na
lamang din at wala na roon ang babae at make-up artist na lamang nito ang naiwan sa
loob na palabas na rin sana.

"May kukuhanin lang ako sa jacket ko," paalam pa niya dito.

"Okay..." Umismid lang ito at tumuloy pa rin sa paglabas.

"Nasaan na 'yun?" Taranta pa siya sa paghahanap. Nang makita niya


ang jacket ay agad siyang dumukot sa bulsa. Pero sa kasamaang palad, matapos niyang
itaktak iyon ay walang clip na nalaglag!
"Ano bang hinahanap mo?" tanong pa ng bading na make-up artist.

"'Yung clip ng sister ko!" sagot naman din niya kaagad lalo na
nga't nakita rin naman nito ang clip na tinutukoy niya.

"Wala na akong alam d'yan." Iiling-iling pang sabi ng bading.


"Baka naman nalaglag d'un sa venue natin kanina. Malas lang din ng sister mo."
Sarkastiko pa itong ngumiti bago tuluyang lumayo.

Lulugo-lugo namang bumalik si Minam papasok sa loob ng bar.


Naabutan niyang nagsisimula na ring mag-inuman ang mga crew at sina Tae Kyung.

"Minam, dito ka." Si Shin Woo na agad pang nagbigay ng puwang sa


uupuan ni Minam.

"Thanks..." Mapakla pa siyang ngumiti dito sabay hugot nang


buntong-hininga.

"Are you okay?" Taka pang tanong ni Shin Woo lalo na nga't hindi
maikakaila sa mukha ng babae ang hindi maipaliwanag na lungkot.

Sa hindi kalayuan ay agad namang nagsalubong ang kilay ni Tae Kyung sa nakikitang
closeness nang dalawa.

"May nakalimutan ako d'un sa venue. Hahanapin ko sana..."

"Really?" Nagtataka man ito ay hindi na rin nagtanong kung anong


bagay ba ang hinahanap nito. "Gusto mo samahan kita pabalik d'un after natin
makakain ng dinner?"

"Talaga Shin Woo?" Halos magliwanag ang mukha niya.

"Yes..." Matamis pa itong ngumiti sabay bahagyang ginulo ang buhok


nang ngingiti-ngiti namang si Minam.

"Thanks..." tipid pa niyang sabi ulit sa lalaki sabay baling nang


tingin kay Tae Kyung na noo'y abalang-abala din sa pag-inom. Mataman pa niyang
pinagmasdan ang gwapo nitong mukha. Halos mamangha siya sa epekto ng alak sa mukha
nito. Mas lalo kasing pumula ang pisngi nito, pati na rin ang labi. Mariin pa
niyang kinagat ang kanyang labi nang maramdaman na naman ang malakas na pagkalabog
ng kanyang puso. Wala pa sa sariling diniinan ng daliri ang pagitan sa butas ng
kanyang ilong sa pag-iisip na nakakatulong iyong pigilan ang kanyang nararamdaman
para sa lalaki.

***
"Tae Kyung..." Si Mr. Lin.

"What?" kunot-noo pa niyang baling dito.

"Si Minam, oh..." Alala pa itong napatingin sa babae na malapit na


malapit kay Shin Woo.

"So?" Kanina pa siya wala sa mood.

"Ikaw ang tropa ni Minam, diba? Huwag mong hayaan na magsolo sila
ni Shin Woo! Kawawa naman si MInam kapag na-inlove nang husto kay Shin Woo," nag-
aalalang sabi ni Mr. Lin.

"E, 'di hayaan mo na lang," aburido pang sagot niya.

"No!" mabilis pang tanggi nito. "Hindi dapat!"

"Ano bang problema mo kay Shin Woo? He's a nice guy!" Tiim-bagang
pang sabi niya. Naiinis man siya sa nangyayari, alam niyang deserved ni Minam ang
isang kagaya ni Shin Woo.

"I know, pero hindi sa katauhang lalaki siya. Mabubuking siya!"


Umiling-iling pa ito. "Lilibang-libangin ko si Shin Woo. Ikaw na ang sumama kay
Minam. May naiwan daw gamit sa venue, e, pupuntahan nila."

Hindi naman na tumanggi si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon.


Alam niyang inaalala lang din ni Mr. Lin si Minam.

Samantala, si Minam naman ay papunta sana sa comfort room nang


humarang sa daraanan niya si Heini.

"Enjoying the party, Minam?" sarkastiko pa nitong bati sa babae


sabay ibinaling ang mukha palayo rito para sadyang ipakita kay Minam ang suot
nitong ipit.

"Akin 'yang ipit, Heini..." pag-angkin din naman niya sa clip


pagkakita pa lang dito.

"Hey!" Galit namang tinapik ni Heini ang kamay nitong hahawak sana
sa ipit niya. "This is mine..." kunot-noo pa ito.

"E, kasi, magkamukha 'yung clip mo at 'yung sa kapatid ko."


Alanganin pa siyang napatitig sa clip. Alam niyang sa kanya iyon pero hindi lang
niya magawang ipilit na kunin dahil sa pag-aalalang baka possibleng magkamali siya.
"Puwede ko bang tingnan?"

"No way!" Mabilis na tinabig nito ang kamay ng babae. "This is


already mine," makahulugan pang sabi nito sabay naglakad palayo.

Lulugu-lugo na naman tuloy nagbalik si Minam sa kanyang upuan.


Hindi kasi niya masiguro kung iyon ang clip niya pero malakas ang kutob niya.

Samantala, si Tae Kyung naman ang pabalik na sana sa upuan niya


nang harangin siya ni Heini.

"Hey, Honey," bati pa nito sa seryosong lalaki.

"What?" aburido pang sagot niya dito.

"Don't you think Minam is too weird?" Dumako pa ang tingin nito sa
tila pinagbagsakang langit at lupa na babae.

"And why is that?" kunot-noo pa niyang tanong sabay baling din sa


gawi ni Minam.

"Inaangkin ba naman itong clip ko?" Hinawakan pa nito ang clip sa


buhok. "As if puwede siyang magsuot nito in public?!"

"What the-" Napatitig pa ito sa clip nito. "Are you sure sa'yo
'yan?" sarkastiko pa niyang tanong dito.

"Yeah..." Tumangu-tango pa ito.

"How much did you bought that?" Halos manliit na naman ang mga mata
niya sa pagtitig dito.

"Mura lang..." Napatitig pa ito sa boteng pinag-iinuman. "P100.00


lang..."

"P1,000.00 'yan!" kontra agad niya. "I gave that to her! Give it
back!" Inilahad pa nito ang kamay.

"Huh?" Napatulala siya sa pagtitig dito. Hindi siya makapaniwala


sa narinig. Binigyan ni Tae Kyung ng clip si Minam!
"Give it to me. You're a fvcking liar. At ngayon nagnakaw ka pa ng
gamit nang iba." Iiling-iling pa si Tae Kyung na nakalahad pa rin ang kamay.

Wala naman na ring nagawa pa si Heini sa mga pagkakataong iyon


kundi ibigay dito ang clip. Agad ding umalis si Tae Kyung matapos na makuha ang
clip.

"Minam, tara hanapin na natin 'yung gamit mo," si Shin Woo na


nagyaya na.

"Ah, Shin Woo, si Tae Kyung na lang ang sasama, ha. May pag-uusapan
tayo," singit pa ni Mr. Lin na hindi na binigyan nang pagkakataon si Shin Woo na
tumanggi.

Noon na umupo si Tae Kyung sa tabi nang malungkot na si Minam.

"Ano bang pinagmumukmok mo d'yan?" puna pa niya sa babae.

"Naiwala ko kasi-" natigilan pa siya nang maisip na si Tae Kyung


nga pala ang katabi niya.

"Alin ang naiwala mo?" Kibit-balikat pa ito.

"W-wala!" Mabilis pang deny lamang niya.

"'Wag ka na magmuk-" Hindi na niya naituloy ang sanay sasabihin


dahil agad na namang nagsalita ang babae.

"Hindi naman importante 'yun!" sabi pa nito sabay sumimangot. Ni


hindi alintana ang biglaan ding pagbabago ng aura ng lalaki.

"Hindi importante?" Kunot-noo pa siya.

"D'un ka na sa Heini mo! Kanina ka pa tinitingnan!" Inis pa


siyang tumayo sa kinakaupuan at lumipat muna sa katapat na upuan nito. Sa pakiwari
kasi niya'y nagbabanta ang tingin ni Heini sa kanya.

Pigil naman ang inis ni Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon. Kanina
lang ay parang pinagbagsakan ito ng langit at lupa nang maiwala nito ang clip.
Ngayon naman ay balewala na agad dito ang ibinigay niya. Lalo lang nakadagdag sa
inis niya nang hindi na ito tumabi sa kanya at puro kay Shin Woo nagdidikit.

=================
Chapter 12 - Part 3 of 3

CHAPTER 12 - Part 3 of 3

Halos maghahating-gabi na rin nang makauwi sila ng mansion. Agad namang nagdiretso
muna si Minam sa kanyang kwarto nang mapag-alamang wala roon ang Auntie niya. Alam
niyang hindi niya mapipigil ang damdamin sa tuwing makakasama si Tae Kyung.

Madaling araw noon nang makaramdam siya nang matinding sakit at


pagka-uhaw. At kahit sobrang sama ng kanyang pakiramdam ay bumaba siya sa kusina
para kumuha ng tubig.

"Minam!" gulat pa si Tae Kyung nang mabungaran itong gulung-gulo


ang buhok.

"Pahingi naman ng water..." pakiusap pa niya. Talaga namang


nanghihina ang kanyang katawan dahil sa trangkaso.

"A-are you okay?" nag-aalala pa nitong tanong.

"No..." pag-amin din naman niya kasabayan nang marahang pag-


iling. 

"Are you sick?" Walang pag-aalangang hinipo nito sa noo ang babae.
Mangha siyang napatitig dito dahil halos mapaso siya sa balat nito.  "Ang taas ng
lagnat mo!"

"Tae..." hinang-hina pa niyang sabi hanggang sa unti-unti ay


nagdilim ang kanyang paningin. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

***

"We're almost there..." alala pang binalingan ni Tae Kyung ang


babae na noo'y dumidilat na. Sobrang nag-alala siya nang mawalan ito nang malay
kanina. Mabuti na lang talaga at nandoon siya nang mangyari iyon. 

Hindi naman din nagtagal ay nakarating na sila ng hospital.

"Nandito na tayo. Tara na," kayag pa niya sa babae na noo'y ilang


beses pang kumurap at parang kinikilala ang lugar. Mahigpit niya iyong hinawakan sa
kamay.

"H-hospital 'to, ah..." agad pa nitong inagaw ang kamay sa lalaki.


"Sobrang taas ng lagnat mo. You need to see a doctor bago pa mas
lumala 'yan!" Muli ay hinawakan niya ang kamay nito para makalabas sa sports car.

"No!" mabilis pang tanggi nito na para bang takot na takot.

"Wag nang matigas ang ulo mo!" Pagpipilit pa rin niya dito.

"Hindi puwede... malalaman nilang babae ako!" Pilit pa niyang


inaagaw ang kamay sa lalaki.

"Wag mo ng isipin pa 'yun! Mas importante ang gumaling ka!" may


panermon pang himig niya. Hindi niya maiwasan ang mag-alala nang sobra para rito.
Wala nang mas importante sa kanya kundi ang makita itong maayos.

"No, please... Ayoko... Hindi pa..." Nagkakandaiyak pa ito sa


sobrang sama nang pakiramdam. Dagdag pa ang katotohanang hindi niya kakayanin ang
malayo sa lalaki. Siguradung-sigurado na siya sa nararamdaman. Mahal niya si Tae
Kyung! Ang kauna-unahang lalaking minahal niya.

"Don't be so stubborn, Minam. I'll take care of everything!" sabi


pa niya sa pag-iisip na makukumbinsi ito. 

"Masisira ka, Tae Kyung... Ayokong masira ka..." Bumuhos nang todo
ang luha nito. Hindi niya kakayaning masira ang karera nito dahil sa
pakikipagsabwatan kay Mr. Lin.

"Huwag mo na lang din akong problemahin pa. I can take care of


myself." Paniniguro pa niya sa babae. Mataman pa niya itong tinitigan habang
mabilis na sinusuklay ng mga daliri ang buhok nito. "For now, you need to see a
doctor..."

"No!" Pilit pa rin niyang inagaw ang kamay sa lalaki. "Let's go


home... Please..." sumamo pa nito.

"P-pero..?" alanganin pa rin siya.

"I can't be caught... Never..." humihikbi pang sabi niya.

Wala naman na ring nagawa si Tae Kyung kundi ang sundin ang
kagustuhan nito. Ibinalabal muna niya dito ang suot na sweatshirt bago tuluyang
paharurutin ang sports car niya pabalik ng mansion.

Kaya naman pag-uwi nila ng bahay ay agad na idiniretso ni Tae Kyung ang babae sa
kwarto nito. Nagmamadali rin siyang naghalungkat ng mga gamot sa medicine cabinet
nang biglang sumulpot si Shin Woo na taka pang nagtanong sa kanya.
"What's happening?" taka pa itong napatingin sa mga gamot na
iginagayak ng ka-banda.

"Minam is sick..." maikling sagot lang niya.

"Really?" Tangka sana itong aalis para puntahan si Minam sa kwarto


nito nang pigilan siya ni Tae Kyung.

"I'll take it from here..."  Umiling pa siya dito. "Magpahinga ka


na. Ako nang bahala."

Hindi naman na nakakibo pa si Shin Woo sa mga pagkakataong iyon.


Tiim-bagang lamang na napatitig sa lalaki na pumasok na sa kwarto ni Minam.

Halos magdamag na nagbantay si Tae Kyung. Hilung-hilo man sa antok


ay hindi niya iniwanan ang babae hangga't hindi bumababa ang lagnat nito. Alas
cinco na noon nang medyo bumuti na ang temperature ng babae. Noon na siya
nagpasyang bumalik sa kanyang kwarto para sana matulog nang makita ang clip ni
Minam sa table niya. Nagliwanag ang kanyang mukha at isang idea ang pumasok sa isip
niya. Suserpresahin niya si Minam. Alam niyang matutuwa ito sa gagawin niya.

***

"Minam, okay ka na ba?" alala pang bungad ni Shin Woo dito.dito


Kasalukuyan silang nasa kusina at kumakain nang umagahan.

"Yeah, I'm okay." Matamis pa siyang ngumiti dito. "Si Tae Kyung?"
Iginala pa niya ang tingin sa paligid sa pag-aakalang hindi lang niya natanawan ang
lalaki.

"Five a.m. na kaya natulog dahil sa pag-aalaga sa'yo!" si Jeremy


ang sumagot na papasok naman ng kusina. Kakatapos lang kasi nitong paliguan ang
alagang aso na si Jolie.

"Five a.m.?" Mangha pang sambit niya. Wala na kasi siyang maalala
sa nangyari.

"Yup! Hindi mo ba alam?" taka pa ito. "Gan'un kataas ang lagnat


mo?" Kunot-noo pa ito sabay hipo sa noo ng kabanda.

"M-medyo..." nahihiya pang sagot niya. 

"Grabe ka, Minam! Ang lakas mo kay Tae Kyung! Never ko pang
nakitang ganoon ka-caring 'yun!" pumapalatak pa si Jeremy.
"I guess, magaling na ring doctor si Tae Kyung, hindi ba Minam?"
si Shin Woo na hindi rin komportable sa sinabi.

"Siguro..." Pigil naman ang kilig niya. Hindi niya ma-imagine na


ganoon na lang ang pag-aalala nito para sa kanya. 

"Nakainom ka na ba ulit ng gamot mo?" si Shin Woo na mataman pang


tinitigan ang medyo namumutlang babae.

"Pagbalik ko na lang sa kwarto," sagot pa niya. Nagugutom na rin


kasi siya kaya't hindi rin niya naalala ang uminom ng gamot.

"Magpahinga ka nang mabuti. Ang dami pa rin nating commitments sa


mga susunod na araw." si Jeremy na nakiinom na rin ng kape.

"O-oo nga..." sang-ayon din naman si Minam. Agad na sumagi sa isip


niya ang kanyang Auntie Selya. "May napagsabihan ba sa inyo ang Tita Selya kung
kailan siya babalik?"

"I'm here!" sigaw pa ni Selya na halos mapunit ang labi sa


pagkakangiti.

"Tita!" Hindi niya naiwasan ang mapakamot ng ulo lalo na nga't


balak pa naman niyang matulog muna ulit sa kwarto. Pero mukhang wala siyang choice
kundi bumalik muna sa kwarto ni Tae Kyung.

"Pasensya ka na, my pamangkin, hindi na ako nakapagpaalam. Biglaan


lang kasi," hingi agad nito nang paumanhin.

"Bakit po? Saan po ba kayo pumunta?" taka pa siya.

"Wala naman," iwas pa ito. "May inasikaso lang ako..." Pilit pa


nitong itinago ang lungkot sa isang sikretong natuklasan.

"Ah..."  Hindi naman na siya nangulit pa. "Kumain muna po kayo."

"Sige, kanina pa nga ako gutom na gutom!" Dali-dali pa itong


nakiupo na rin sa hapag-kainan.

Agad naman ding ipinagsalin ni Minam ng kape ang kanyang Auntie


bago tuluyang magpaalam dito. Kailangan kasi niyang maayos ang kwarto bago pa man
ito makapanik.
"Tulungan na kitang mag-ayos ng gamit mo," si Shin Woo na halos
pabulong pang sabi sa nagulat na babae. Sinadya pa niyang makipag-unahan dito sa
pag-asang may makita siyang kakaiba sa kwarto nito.

"Hindi na!" tarantang pigil naman ni Minam nang makitang nanguna pa


ang lalaki sa kanya.

Agad namang nalanghap ni Shin Woo ang amoy babae sa kwarto nito.
Palihim pa itong napangiti. Sa amoy pa lang ay buking na buking na niya ito.

"You're room smells good." Tatangu-tango pa si Shin Woo na agad


pang lumapit sa bed para ayusin ang bed sheet at kumot nitong gulu-gulo.

"Naku, nakakahiya naman... Ako na d'yan!" Sobrang pula ng kanyang


pisngi. Palihim pang hinaguran nang tingin ang buong kwarto sa pag-aalalang may
makita itong kakaiba.

"Ako na!" Inagaw pa ni Shin Woo ang kumot dito.

"H-hindi! Ako na!" Umiling-iling pa si Minam.

"Ako na!"  Malakas pa nitong hinila ang kumot. Sapat na ang lakas
niyang iyon upang halos bumalibag sa kanya ang babae! Napayakap ang babae sa kanya!

"Min?" si Tae Kyung na agad pang bumungad sa may pinto at nakita


ang eksena ng dalawa na magkayakap! Napatiim-bagang siya.

Gulat namang humiwalay si Minam kay Shin Woo.

"Tae Kyung!" Halos magkulay makopa si Minam sa mga pagkakataong


iyon! Papaano nama'y muntikan na ring magkahalikan pa sila ni Shin Woo sa sobrang
lapit ng mga mukha nila! "K-kasi... a-ano..." Hindi niya malaman kung papaano
magpapaliwanag.

"Napalakas ang hila ko sa kumot. Muntik nang madapa si Minam. Buti


at nasa harap lang niya ako," si Shin Woo ang nagpaliwanag nang mapagtantong
nangangapa nang sasabihin ang babae sa harapan ng lider nila. Hindi rin nakaligtas
sa kanya ang selos sa mukha ni Tae Kyung.

"Oo! 'Yun nga!" si Minam na alanganin pang ngumiti sa lalaki lalo


na nga't seryoso ang mukha nito.

"Galing ka na ba?" Hindi naman pinansin ni Tae Kyung ang paliwanag


nito.
"Medyo okay na ako..." Tumango pa siya dito. "Kaya lang, nandiyan
na kasi ang Tita. Puwede bang sa kwarto mo muna ulit ako magpahinga?" nahihiyang
pagsasabi pa niya. Nilakasan na rin niya ang loob.

"If you like, Minam, puwede ka rin naman sa room ko," si Shin Woo
na sinasadya pang inisin ang lalaki.

"You heard him!" Sarkastiko pang ngumiti si Tae Kyung sa babae.

Palihim namang umirap si Minam dito bago bumaling kay Shin Woo.

"Hindi na Shin Woo. Okay lang naman kay Tae Kyung, diba?"
Makahulugan pa niyang tiningnan ang lalaki.

"Of course!" Pilit na pilit naman si Tae Kyung lalo na nga't hindi
mawala sa isip niya ang almost kiss ng dalawa.  Parang may kakaiba siyang
napapansin kay Shin Woo. Hindi man siya sigurado pero sa titig pa lang nito kay
Minam kanina ay tila alam nitong babae ang kaharap.

"Sige na, Minam, ako na lang ang mag-aayos dito. Magpahinga ka na.
Uminom ka na ng gamot mo." Tipid na ngumiti lamang si Shin Woo dito. Palihim pang
sinulyapan ang dibdib ng babae lalo na nga't nakalimutan nitong maglagay ng girdle.
Mabuti na lang din at maluwag ang suot nitong t-shirt at hindi rin alintana ni
Jeremy 'yun kanina.

"Thank you, Shin Woo! Ang bait mo talaga!"  Matamis na matamis pa


ang pagkakangiti niya dito.

Hindi nakaligtas sa mga mata ni Tae Kyung ang kislap sa mga mata ni Minam sa
pagtitig kay Shin Woo. Parang pinipiga ang puso niyang hindi niya maintindihan.
Nagpati-una pa siyang pumasok sa kwarto at hindi na hinintay ang babae.

"Mukhang sobrang comfortable ka rin naman kay Shin Woo, ah!" si


Tae Kyung na hindi napigil ang sariling mamuna. Nakapasok na rin ang babae sa
kwarto.

"Oo naman. Sobrang bait naman kasi," kaswal pang sagot nito. Hindi
niya alintana ang selos sa boses ng lalaki.

"And..." Ibinitin pa nito ang sasabihin sabay sulyap sa dibdib ng


babae. "You even dare go out without putting your body girdle on!" Napatikhim
siya. Mas selos ang nararamdaman niya kaysa ang kapilyuhang paniguradong mas
iisipin ng babae sa sinabi niya.

"Huh?" Agad pa itong humalukipkip kasabayan nang pag-iinit ng


kanyang pisngi. "Halata ba?" 
"Hindi ko nga sinabi, diba?" Pinaningkitan pa niya iyon ng mga
mata.

"Shocks! Nagkayakapan pa naman kami ni Shin Woo kanina!" Nanlalaki


pa ang mga mata nito nang maisip kung papaano nagdikit ang dibdib nila ng lalaki.
"Hindi kaya niya napansin?" taranta pang tanong niya.

"Hey, calm down." Sinenyasan pa niya itong umupo. "Kung napansin


n'ya, he should have ask you, diba?" Gusto lang naman niya itong kumalma kaya
sinarili na rin ang obserbasyon dito.

"Oo nga, tama ka..." Noon na lang din ito nakahinga nang maluwag.

"Tsss..." Napangiwi pa siya sa babae. "Uminom ka na ba ng gamot?"


pag-iiba pa niya.

"Eto nga!"  Ipinakita pa nito ang gamot dito. "Nagutom kasi ako
kaya kumain lang ako." Tangka sana itong maglalatag ulit sa sahig nang pigilan siya
ng lalaki.

"'Wag ka na d'yan." Pigil pa niya dito. "Doon ka muna sa bed ko.


Hindi naman ako mahihiga pa." Gusto lang din niyang makomportable ang babae.

"Sure ka ba?" taka pa itong kumunot-noo.

"Yeah, 'wag na 'wag mo lang lalawayan ang unan ko, understand?!"

"Oo!"  nakangiting sabi pa nito. Hindi siya makapaniwala sa lalaki.


Sobrang laki na kasi talaga nang ipinagbago nito sa pagtrato sa kanya.

"Sige..." Palihim namang ngumiti si Tae Kyung at lumabas muna para


pumunta sa studio. Gusto lang din niyang makita ng babae ang munting sorpresa niya
dito.

***

Nang makatalikod si Tae Kyung ay agad na nagpunta si Minam sa bed ng lalaki.


Nakangiti pa niyang inamuy-amoy ang unan at kumot nito.

"Grabe, ang bango naman nito. Amoy Tae Kyung..." kinikilig pang
bulong niya sa sarili. Nang gumawi ang tingin niya sa isang stuff toy ay agad niya
iyong pinagmasdan at tinitigan. "Rabbit na may ngusong baboy?" nagtataka pang
sambit niya. Pero agad ding nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ang clip
niya! "Ang clip ko!" Halos mapasigaw pa siya sa katuwaan. "Ang Rabbit Pig suot
ang clip ko!" Wala siyang paglagyan nang kaligayahan.
Ang hindi niya alam ay matamang nakikinig si Tae Kyung sa may pinto
na hindi maalis ang ngiti sa labi. Hindi man niya nakikita ang babae ay alam na
alam niyang sobra-sobra ang katuwaan noon sa pagkakita sa bigay niya. Bagay na mas
nakakapagpalaki ng puso niya.

=================

Chapter 13 - Part 1 of 2

CHAPTER 13 - Part 1 of 2

May kung ilang araw ding nagpagaling si Minam bago ulit sumalang sa pagre-record ng
kanta.  At siyempre pa, si Shin Woo pa rin ang pinaka-madalas na tumutulong kay
Minam para sa tamang vocals nito.

                "Can you help me with something, Minam?"  Mataman pa niyang


tinitigan ang babae sa mukha nito.

                "Ano 'yun Shin Woo?"  Hindi niya maiwasang magtaka sa seryosong
tono ng boses nito.

                "I wanted you to meet someone,"  nahihiya pang sabi nito.

                "S-someone?"  Hindi pa rin niya makuha ang ibig nitong sabihin.

                "Yeah..."  Tumangu-tango pa siya dito.  "Someone really special to


me..."

                Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Mr. Lin ang pag-uusap nang
dalawa at nag-pretend pa ring walang naririnig.

                "Wow, Shin Woo... congrats!"  Bahagya pa niyang tinapik ang lalaki
sa balikat. Masayang-masaya siya para rito.

                "It's not like that, yet..."  Napangiwi pa ito.  "I was gonna tell
her tonight, how much she means to me. I'm not quite sure if she feels the same way
about me."

                "Ano ka ba?"  Muli ay tinapik niya ito sa balikat.  "Na sa'yo lahat
ng magagandang qualities na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki.  You're
perfect!"  Pampalakas loob pa niya  dito lalo pa nga't siya man ay humahanga sa
magandang ugali nito bukod pa sa pisikal na katangiang mayroon ito. "What I meant
was, parehas tayo, diba?"  Bigla siyang nag-alala na may ma-sense itong kakaiba sa
pananalita niya. It was so gay of her to say that.

                "You really think so?"  Hindi nito maikubli ang tuwa sa narinig.

                "Yes!"  Sigurado pang sagot niya.  "And, I am more than willing na
samahan ka mamaya sa special night mo kahit magmukha pa akong chaperone."

                "O-okay..."  hindi pa nito naiwasan ang mapangiti.  Kung nalalaman


lamang nitong siya ang tinutukoy nito ay baka hinimatayin na ito sa pagkagulat lalo
na nga't walang kaalam-alam itong alam na niya ang itinatagong sikreto nito.

                "What time ba?"

                "Mga eight p.m.?  Is that alright?"

                "Eight it is!"  Matamis pa siyang ngumiti bago muling pagtuunan ang
pagtuturuan nila ng lalaki.

                Hindi naman alintana nang dalawa na inis na inis si Tae Kyung sa
masyadong paglalapit ng mga ito.  Kaya't para bahagyang mapawi ang inis ay lumabas
muna siya ng studio at nagpahangin saglit.

                "Tae Kyung!"  si Mr. Lin na agad ding lumapit sa lalaki.

                "What?"  Kunot-noo pa niyang binalingan si Mr. Lin. Wala siya sa


moof makipag-usap.

                "Hindi mo ba napapansin?  Masyado na yatang nagiging close si Minam


kay Shin Woo?"  Nag-alala pang himig nito.

                "So?"  padarag na sabi pa niya habang salubong ang mga kilay.

                "Kawawa naman si Minam ko..."  Napabuntong-hininga pa ito.

                "Kawawa?"

                "Isinasama siya sa date ni Shin Woo mamaya,"  halos pabulong pa


ring sabi nito.

                "Si Shin Woo may date?"  Taka pa siya gayong wala namang
napapabalitang babae na nali-link dito.
                "Yeah, I heard everything kanina sa pag-uusap nila ni Minam!" 
taranta pang sabi nito.  "I'm sure, that Minam is in love with Shin Woo!" 

Nalaglag ang kanyang panga sa narinig.

                "Pardon me?"  Hindi siya makapaniwala. Biglang nanikip ang kanyang
dibdib at parang kakapusin siya nang hininga.

                "Masasaktan si Minam. Ayokong mangyari 'yun!  Alam ko, iiyak nang
iiyak 'yun kapag nakilala niya ang babae ni Shin Woo!  Tinitiis lang niya lahat
para hindi mabuking ng lalaki ang feelings niya!"

Igting ang panga ni Tae Kyung habang tinititigan si Mr. Lin. Hindi niya akalain na
nasa ganoong level na ang pagtingin ni Minam sa kasamahan sa banda. 

                "What am I to do with it?"  Mas lalo siyang nawala sa kundisyon.

                "Pigilan mo sumama si Minam!"

                "Bakit hindi ikaw ang pumigil?" 

                "She won't listen!  Inlove nga, diba?!"  Muli ay napabuntong-


hininga na naman ito.  "Please, Tae Kyung... maawa ka naman kay
Minam..."               

                "I'll see what I can do," matabang niyang sagot sabay talikod. 
Walang ibang naglalaro sa isip niya kundi ang masasayang tawa ni Minam kapag kasama
si Shin Woo. Kaya naman pala gan'un ay inlove ito sa lalaki! Wala siya sa sariling
umiling at pilit na iwinaksi sa kanyang isip ang imahe ni Minam at Shin Woo na
nagkakamabutihan. 

***

                Kinagabihan, tulad nga nang napagkasunduan ay nagpa-pogi rin nang


husto si Minam.  Excited siyang makilala ang sinisinta ng puso ni Shin Woo. 
Sobrang saya niya para dito.

                "Hey, Minam!"  si Tae Kyung na agad pang hinarang si Minam na


papalakad na sana.  Saktong naabutan niya ito sa may veranda papalabas ng parking
lot.

                "Tae Kyung!"  Matamis pa siyang ngumiti dito.

                "Where are you going?"  kunot-noo pang tanong nito at nagkunwaring
walang alam.

                "Sasamahan ko lang si Shin Woo sa date n'ya," maikling kuwento


niya.

                "Shin Woo? Nasaan na ba siya?"  Iginala nito ang tingin sa paligid
kahit na alam nitong nauna na si Shin Woo sa meeting place nang dalawa.

                "Nasa restaurant na. Doon na lang daw niya ako hihintayin."
Sumulyap pa siya sa kanyang relo.  "I have to go. I'm running late."  Tinapik pa
niya sa balikat ang lalaki.

                "You're not going there." Hinawakan pa nito ang braso ng babae.

                "Ano ka ba? Hinihintay ako ni Shin Woo."  Bahagya pa niyang inagaw
ang braso niyang hawak ng lalaki.

                "I said, hindi ka pupunta d'un!"  matigas pa niyang utos.

                "Ano bang problema mo?" inis pang asik niya sa lalaki habang
matamang nakatitig dito.

                "Hindi pa ba malinaw?  Baka maging intruder ka lang sa date ni Shin


Woo?" inis ding sabi niya habang igting ang bagang.

                "Inaya niya ako,"  paglilinaw pa niya.

                "No, you can't come." Buong lakas pa nitong hinila ang babae
papasok.

                "Tae Kyung!" Nagpumiglas siya lalo pa nga't wala siyang


naiintindihan sa pinag-aalburoto nito.  "Ano bang problema mo?!"  Napipikon na rin
siya.

                "Basta!  Pumirmi ka dito!"  Muli ay mahigpit na naman nitong


hinawakan ang kamay ng babae.

                "Ayoko!"  Nagpupumiglas pa rin siya.  "Importante ang araw na ito


kay Shin Woo!  At pupunta ako sa ayaw at gusto mo!" Hindi na rin talaga niya
naiwasan ang mairita dito.

                "You can't fall in love with Shin Woo! Masasaktan ka lang!"

                "What?!"  Hindi siya makapaniwala sa narinig.  Inlove siya kay Shin
Woo? Ilang saglit siyang natigilan upang iproseso ang sinabi nito. 

                "Masasaktan ka lang! Ibang babae ang mahal niya at hindi ikaw! 
Maawa ka sa sarili mo!" Halos mamula ito sa galit. Mas lalong nadoble ang sakit na
nararamdaman niya para rito dahil parang wala itong ideya sa kanyang sinasabi.  "At
kapag sinabi kong hindi ka pupunta, hindi ka pupunta!"

                "At ano ko?  Pet mo?" Nangilid ang kanyang luha dahil sa mga sinabi
ng lalaki na halos hindi pa rin niya maintindihan kung saan ba nanggaling.

                "Tanga ka ba? Para sa'yo lang din 'tong ginagawa ko! Concern lang
din sa'yo si Mr. Lin!"

                "Mr. Lin?" taka pa siyang tumitig dito. Agad ding naisip kung
kanino nanggaling ang idea na inlove siya kay Shin Woo. Napapikit siya nang mariin
at wala sa sariling umiling.

                "Hindi ka na bata, Minam..." Napatikhim pa ito. "Kung alam mong


masasaktan ka lang din, 'wag mo na ituloy pa 'yang nararamdaman mo."       

                "I don't think may right ka pang pakialaman ang nararamdaman ko
just because alam mo ang sikreto ko," matigas pang sabi niya. 

                "I have every right dahil kapag nabuking ka ni Shin Woo, damay pati
ang career namin!"  iyon na lamang ang naisip niyang sabihin para hindi na ito
tumuloy.  "Kakayanin mo bang masira ang career namin dahil sa kapabayaan mo?"

                "I'll be careful..." Umiling-iling pa siya sa lalaki.  Akala pa


naman niya ay concern ito sa kanya.  Iyon naman pala ay iniisip nito ang career
nito.

                "I said no!"  muli ay pigil nito.

                "You can't stop me!" Galit pa niyang tiningnan ang lalaki.

                "He can't love you!  Mahirap bang intindihin 'yun?! We're trying to
save you from getting hurt!" halos pasigaw pang sabi nito.

                "Ewan ko sa'yo!  Hindi mo alam ang sinasabi mo..."  Pigil na pigil
rin ang damdamin niya lalo na nga't gustung-gusto niyang isigaw sa mukha nito na
hindi siya kay Shin Woo inlove kundi dito!

                "I said, stay!"  matigas pang sabi nito sabay mahigpit na hinawakan
ang kamay nito.
                "I hate you, Tae Kyung!" sigaw pa niya dito. Tuluyan siyang bumigay
sa inis at hindi na niya napigil ang sariling paghahampasin ang lalaki sa dibdib. 
"Wala kang alam sa nararamdaman ko!  At mas gugustuhin kong si Shin Woo ang
makasama ko kaysa sa'yo!"

                Natigilan naman si Tae Kyung sa narinig. Parang pinipiga ang


kanyang puso sa tuluyang paglabas nang nararamdaman ni Minam para kay Shin Woo. 
Bagay na sobrang bigat para sa kanya.

                "I hate you!" galit pa ring sigaw niya rito habang luhaang humarap
sa lalaki.  "At kahit pa masaktan ako nang dahil sa pagmamahal na sinasabi mo! 
Wala akong pakialam!" Noon na sana siya tatalikod sa lalaki nang bigla siyang
hilahin nito at halikan sa labi!

                Si Tae Kyung man ay hindi malaman kung ano ang nagtulak sa kanyang
gawin iyon.  Agad siyang humiwalay sa babae at parang naubusan din siya ng mga
salita.

                "See? Tumahimik ka rin," wala pa sa sariling sabi ni Tae Kyung sa


tulalang babae sabay talikod dito.

                Napag-iwanan namang tulala si Minam habang naglalaro sa isip niya


ang nangyari. Hinalikan siya ng kanyang first love! Panandaling huminto ang kanyang
mundo. At sa halip na umalis ay nanatili siyang nakatanga sa kawalan. Huli na rin
nang ma-realize niyang late na late na siya sa usapan nila ni Shin Woo. Ini-text na
lamang niya ito na hindi siya makakarating. Alam niyang hindi rin naman siya
makakapag-concentrate sa date nito.  

=================

Chapter 13 - Part 2 of 2

CHAPTER 13 - Part 2 of 2

Kaya naman ng gabi ring iyon ay hindi niya malaman kung papaano babalik sa kwarto
ni Tae Kyung.  Pakiwari niya'y galit ito sa kanya kaya nagawa nitong halikan siya. 
Kaya naman naisipan niya itong i-text bago pumasok sa kwarto nito.

                "Tae Kyung, galit ka pa ba?  Okay lang ba 'yung lips ko?" Agad-
agaran pa niya iyong nai-send. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga bago
pasadahan ulit ang text niya pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang
laman niyon.  "Oh my... tanga!" 

Halos liparin niya ang daan papuntang kwarto sa pag-aalalang mabasa agad nito ang
text. Naging maingat pero mabilis ang kanyang kilos. Nagmasid siyang maigi sa
paligid at laking pasalamat niya nang mapagtantong nasa banyo ang lalaki. Sa tingin
niya ay hindi pa nito nababasa ang text niya. Hinalughog niya ang mga lugar na
puwedeng paglagyan ng cellphone nito. At nagtagumpay naman siyang makita iyon sa
ilalim ng unan nito!  

"Yes!" Napasuntok pa siya sa ere at mabilis na lumipad ang pag-aalala. Buburahin


lang naman niya ang text niya dito. Pero ganoon na lang din ang panlulumo niya nang
kakaiba bumungad sa screen ng cellphone nito.  "Password?  May password pa?"
tarantang sabi pa niya sa sarili. Nagkamot siya ng ulo sa sobrang pagkadismaya.
Pero halos mapatalon siya nang biglang maramdamang nagbukas ang pinto ng comfort
room nito!  Agad siyang nahiga sa gilid ng bed nito at pilit na nanghula ng numero.

                "6 5 4 8 7 2"  Si Tae Kyung na idinikta pa ang password dito.

                "6 5 4 8 7 2"  Wala pa sa loob na inulit ni Minam ang numero.  Ni


hindi agad na napansin na nasa likuran na pala niya ang lalaki.  "Ang galing
nagbu-" Hindi na niya naituloy ang sana'y sasabihin nang ma-realize na nakita na
pala siya ng lalaki!  Halos magkulay mansabas siya sa hiya habang dahan-dahang
bumabangon mula sa pagkakahiga sa may gilid ng bed nito. Kinagat niya ang kanyang
labi habang nakangiwing nakatitig dito.

                "What are you doing?"  Nagtataka pa nitong tinitigan ang babae.

                "A-ano k-kasi..."  Halos magkandautal siya.  "Nag-text ako... mali


'yung pagkakatext ko. Buburahin ko sana," nahihiya pa niyang sabi habang nagkakamot
ng ulo.

                "Oh..." Nagtaas pa ito ng kilay sabay agaw sa cellphone niyang


hawak nito.  "Which one?" Nagpipindot ito sa cellphone at agad na ipinakita ang
text nito.  "Eto ba?" 

               Wala naman siya sa sariling tumangu-tango. "Y-yan nga..." Kulang na


lang ay lumubog siya sa kanyang kinakatayuan sa sobrang kahihiyan. "What I meant
there was kung okay ka lang ba?  Yeah, that's it!" palusot pa niya.

                "Really?" Pilyo pa siyang ngumiti dito sabay basa sa text nito.
"Tae Kyung, galit ka pa ba?  Okay lang ba ang lips ko?" 

                "M-mali nga, hindi gan'un!  Pasensya na..." Yumuko siya at hindi


magawang makipagtitigan dito.

                "What do you want me to do with your text?"

                "Pakibura na lang," nahihiya pang sabi niya sabay kagat sa kanyang
ibabang labi.  "Thanks..."

                "Tumuloy ka pa rin ba?" nag-uusisa pang tanong nito.

                "H-hindi na... sabi mo kasi..."  Hindi pa rin niya magawang tingnan
ito sa mukha.

                "O-okay..."  Nakahinga naman ito nang maluwag sa sagot ng babae.


Hindi na rin ito nagkomento pa.  "I'm going to sleep..."  iwas pa nitong sabi
habang pilit na itinatago ang nararamdaman pa ring kaba sa ginawa niyang paghalik
dito.

Tumango na lang si Minam. Laking pasalamat niya na hindi na nila pinag-usapan pa


ang nangyari kanina.

***

                Maaga pa lang ay nakagayak na ang A.N.Jell para sa panibago na


namang photoshoot.  At tulad nang inaasahan, muli na naman nilang kasama si Heini
dahil nag-endorso rin ito ng mga apparel nila.

                "Hi, Honey..."  malambing pang nag-ukyabit nang husto si Heini kay
Tae Kyung.

                Bagay na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Minam na napayuko na


lang.

                "Get your hands off me," mariing bulong ni Tae Kyung sa babae. 

                "Ang suplado mo naman..." Irritable naman si Heini lalo na nga't


para sa kanya ay wala siyang pagpapanggap sa damdamin niya para sa lalaki.

                "Minam, let's go!"  sabi pa ni Tae Kyung kay Minam sabay hila sa
kamay nito. Hindi nito alintana ang gulat sa mukha ng babae na napasunod na lang
din sa gusto niya. 

                Naningkit naman ang mga mata ni Heini sa inis. Nasisiguro niyang


may feelings si Tae Kyung kay Minam pero hindi pa lang nito nare-realize ang
nararamdaman. Sa titig pa lang ay hindi na maikakaila iyon ng lalaki sa kanya.

                Samantala ay naabutan naman nila sina Shin Woo at Jeremy na halos
kakatapos lang din sa unang photoshoot nila.

                "Bakit ba lime green ang kulay ko?"  si Tae Kyung na pinagmasdan pa
ang suot ng ibang kasamahan.

                "Ano ka ba?  Bagay mo nga 'no!"  si Jeremy na naka-kulay dilaw


naman. 

                "Bagay mo pala Shin Woo ang black..."  si Minam na mataman pang
tinitigan ang lalaki.

                "Really?" Natuwa naman ang lalaki sa narinig.

                Napakunot-noo naman si Tae Kyung sa narinig. Masakit sa pandinig


niya ang papuring iyon ni Minam kay Shin Woo.

                "Yeah, kasi hindi kita nakikitaang mag-black. Bagay mo naman pala."
Matamis pa siyang ngumiti dito.

                "Thanks..." Matamis rin naman siyang ngumiti dito.  "Your color
suits you really well too," ganting puri naman nito.

                "Hey, hey..."  si Jeremy na bahagya pang nakaramdam nang pagka-


ilang sa purihan nang dalawa.  "Guys, don't compliment each other. Don't tell
me..." Ibinitin pa nito ang sasabihin habang pinaghahalinhinan nang tingin ang
dalawa.

                "Ano ka ba, Jeremy!  Kasi bagay lang naman talaga kay Shin Woo ang
suot niya, diba?" depensa rin naman niya.  "Ikaw nga, bagay mo rin ang kulay mo."

                "Okay..." Tatangu-tango lang naman ito.  "Just reminding you,


guys..." 

                "At ako?"  si Tae Kyung na kunot-noo pang binalingan ang babae.

                "Ang gwapo mo rin!"  Matamis pang ngumiti si Minam dito.

                "Okay..." Palihim pa siyang napangiti sa sagot nito.

                "CR lang ako, ha..." paalam pa niya sa kumpulan nila.  Kanina pa
siya nagpipigil nang ihi sa pag-aalalang maraming tao sa comfort room ng lalaki.

                Mabuti na lang at walang laman ang comfort room nang makarating
siya roon. Nagawa niya ang dapat gawin nang hindi nag-aalala. Ngunit paglabas nga
lang niya ng comfort room ay si Heini naman ang sumalubong sa kanya taglay ang
nang-uuyang ngiti nito.

                "So, you still pretend to be a guy at sa CR ka pa rin ng lalaki


pumapasok," sarkastiko pang bungad nito.

                Hindi naman siya nakakibo sa sinabi nito.  Iiwas na lang sana siya
nang biglang hawakan ng babae ang braso niya.
                "You're in love with Tae Kyung, aren't you?" diretsang tanong pa
nito kasabay nang pagbabago ng aura nito.

                "A-ano bang sinasabi m-mo?" Halos magkandautal siya sa takot lalo
pa nga't walang bakas nang pag-aalangan sa tanong nito.

                "Ito lang ang sasabihin ko sa'yo, Minam," may pagbabanta pa ang
tono nito habang naniningkit ang mga mata.  "Ikaw ang magbuking sa sarili mo sa
first single mo or I'll do it for you..."

                "Huh?" Napaawang ang labi niya sa gulat kasabay nang pangingilid ng
kanyang luha. 

                "Just imagine kung papaano maaapektuhan si Tae Kyung... Masisira


ang career niya if somebody finds out na nakikipagsabwatan siya sa'yo. That will be
horrible..."

                "P-pero?"

                "It's your call, Minam!  I want you out of Tae Kyung's life for
good! And believe me, you don't want to mess up with me," mariin pang sabi nito
sabay talikod.

                Naiwan namang umiiyak si Minam sa pagkakataong iyon. Ilang araw na


lang din kasi ay album launching na niya. Napakahirap para sa kanya na malayo kay
Tae Kyung pero alam niyang totohanin ni Heini ang banta nito sa kanya.

                "Minam..."  si Tae Kyung na nakakunot pang napatitig sa umiiyak na


babae. Agad pa niyang pinasadahan nang tingin ang paligid sa pag-aalalang may
makakita dito.

                "Tae Kyung?!" Agad naman siyang nagpunas ng luha.

                "Are you crying?" nag-aalala pa nitong tanong.

                "Hindi, napuwing lang..." palusot pa niya.

                "Are you sure?" Hindi siya kuntento sa isinagot nito.

                "Yeah..." Mapait pa siyang ngumiti sabay hakbang palayo na dito.

                Naiwan namang nakatanaw si Tae Kyung sa babae.  Hindi man ito
magsabi ay alam niyang may rason ang pag-iyak nito.ay
***

                Gabi na rin nang makauwi ang A.N.Jell sa mansion.  At tulad nang
dati ay dire-diretso sa kwarto sina Tae Kyung at Minam.  Talaga namang ilang araw
din silang drained sa dami ng trabaho.

                "I bought you something..." si Tae Kyung na iniabot pa ang paper
bag.

                "Ano 'to?"  taka pa siya.

                "Pang emergency 'yan..."  Tumalikod na ito para kumuha ng damit


pambahay sa closet.  "Just incase you need to turn yourself into a girl, hindi tayo
mamumuroblema nang isusuot mo."

                "Talaga?"  Excited pa nitong binuklat ang paper bag.  Damit


pambabae nga 'yun.

                Humarap ulit siya sa babae habang pinagmamasdan ang reaksyon nito. 

"I hope you like it..." Alanganin pa siya lalo na nga't hindi naman niya alam ang
taste nito.

                "Maganda..." Maluha-luha pa nitong pinagmasdan ang damit.  "Thank


you.  Hinding-hindi kita makakalimutan. Thank you, huh,"  makahulugan pa niyang
bitaw ng salita.

                "Welcome..." Bahagya pa siyang nag-alangan nang makitang may


kakaibang lungkot ang mga mata nito. Pero nahiya naman din siyang magtanong kaya't
nagdiretso na siya sa banyo.

                Ang hindi alam ni Tae Kyung ay agad na umagos ang luha ni Minam sa
kalungkutang nararamdaman nito.

=================

Chapter 14 - Part 1 of 2

CHAPTER 14 - Part 1 of 2
Iyon na ang pinaka-malungkot na araw ni Minam. Ang album launching niya sa Grand
Stadium.

                "Hey, Minam..."  si Shin Woo na matamis na matamis pa ang


pagkakangiti sa kanya.  Kasalukuyan silang nasa veranda noon at umiinom ng kape.

                "Good morning..."  Isa-isa pa niyang tinapunan nang tingin ang mga
kasamahan.  At pinakahuli niyang tinapunan nang tingin ang seryosong si Tae Kyung.

                "Ayaw naming makagulo sa moment mo..."  Si Shin Woo na mas lumapit
pa.  "But we'll be there, maybe after your performance para naman hindi kami
makaagaw ng attention sa audience mo."

                Sa halip na sumagot ay tumango na lamang siya dito. Nalulungkot


siya sa possibleng maging reaksyon ng mga ito. Alam niyang mamumuhi ang mga ito sa
panloloko niya.

                "Galingan mo, Minam, ha!"  Si Jeremy na tinapik pa siya sa balikat.

                "I-I will..."  pilit na pilit ang sagot niya habang pinipigilan ang
pagragasa ng luha sa kanyang mga mata.  "Mauna na ako sa inyo, ha."  Pag-iwas na
lang niya. 

                "Minam Go!"  Si Tae Kyung na lumapit na rin.  "'Wag na 'wag kang
magkakalat on stage,"  pabiro pang banta niya.

                Sa halip na sumagot ay isang mapait na ngiti lamang ang pinawalan


niya sabay tahimik na umalis

                Agad namang nag-alala si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon. 


Nararamdaman niyang may kakaiba rito ilang araw na.  At sa halip na sabihin sa
kabanda ang mga pangamba niya ay nagtuloy na lamang muna siya sa studio para
tapusin ang areglo ng kanta ng kanyang Mama.

***

                Samantala, tarantang-taranta na ang lahat dahil hindi pa rin


dumarating si Minam sa Grand Stadium.  Halos isang oras na lang kasi ay kailangan
ng mag-perform ni Minam sa launching ng single niya sa A.N.Jell album.

                "Hello, Tae Kyung!"  Si Mr. Lin na talaga namang tarantang-taranta
na.

                "Mr. Lin?"  pormal pang sagot ni Tae Kyung.


                "Alam mo ba kung saan nagpunta si Minam?  Wala pa rin siya rito!"
taranta pang sabi nito. Hindi maikakaila sa  boses nito ang sobrang pag-aalala.

                "Maaga siyang umalis, ah..."  Kumunot ang kanyang noo at hindi
naiwasan ang biglang kutuban.  "We'll be there!  Wait for us!"  putol agad niya sa
tawag at mabilis na tinawag ang mga kasama para pagayakin. Masama ang kutob niya.
Hiling na lang niya ay hindi pa sila huli.

                At kahit wala man sa oras ay dumating sina Tae Kyung, Shin Woo at
Jeremy sa venue.  Talaga namang nagkagulo nang husto ang mga tao sa pagkakita sa
kanila.

                "What are you doing here so early?  Nasaan si Minam?"  taka pang
tanong ni Mr. Han.

                "We'll explain to you later, Mr. Han."  Si Tae Kyung ang sumagot.
Agad na iginala ang tingin sa karamihan ng mga tao.

                "Ano ba talagang nangyayari?  Where's Mr. Lin?"  natataranta na rin


ito hindi pa man.

                "Wait, Mr. Han..."  Mabilis pa niyang kinayag ang mga kabanda
papasok sa malawak na bulwagan ng Stadium.

                "Hey, Tae Kyung, ano bang problema?"  si Jeremy na takang-taka na


talaga.

                "We need to find Minam..." mahina ngunit matigas ang kanyang sagot.
Kinakabahan na talaga siya lalo na nga't wala ang damit pambabae na ibinigay niya
dito.

                "Minam?" Si Shin Woo na nagtataka na rin.

                "Naka-dress siya. White feathery top and skirt."  Alanganin man ay
wala siyang pagpipilian kundi sabihin sa dalawa.

                "Excuse me?"  Si Jeremy na nag-alangan sa narinig. Makahulugan pa


itong tumingin kay Shin Woo na seryoso lang din ang mukha.

                "Minam is a girl..."  Tinapunan pa niya nang tingin ang dalawa bago
ulit tarantang iginala ang tingin sa paligid.

                "Babae si Minam?"  Hindi pa makapaniwalang sabi ni Jeremy.


                Si Shin Woo naman ay tahimik lang.  Nag-aalala rin siya para kay
Minam.

                "P-paano nangyari 'yun?"  si Jeremy pa rin.

                "Jeremy, mamaya na tayo magtanong. Sundin na lang muna natin si Tae
Kyung. Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap," sabi pa ni Shin Woo na mas kalmado.

                "Much better..." Si Tae Kyung na muling lumabas para hanapin si


Minam.                At tulad nga nang napagkasunduan, hinanap nila si Minam sa
karamihan ng mga fans.  Agad din namang sumalubong si Heini nang makita sa lobby si
Tae Kyung.

                "Nawawala ba si Minam?"  makahulugan pang tanong ni Heini rito.

                Mataman namang tinitigan ni Tae Kyung ang babae.  "How did you know
she's missing?"  kunot-noo pa siya dito.

                "Huh?"  Noon na lang natauhan si Heini. 

                "I'm pretty sure, you have something to do with this," sigurado
pang sabi niya sa babae. Pigil na pigil ang galit niya lalo na nga't parami na nang
parami ang mga tao.

                "P-pero..."  Nangangapa siya nang idadahilan sa lalaki. Hindi nito


inaasahang may alam kaagad ito.

                "I will never forgive you if something happened to her," galit na
banta pa niya sabay talikod dito. Sa reaksyon pa lang ng babae ay alam na niyang
may kinalaman ito sa gagawin ni Minam.

                Halos maikot niya ang lahat nang puwedeng pagdaanan para makita
lang si Minam.  At gayon na lang din ang gulat niya nang mamataan nga si Minam na
papasok na sa loob ng stadium na nakadamit pambabae!  Halos takbuhin niya ang
kalawakan na iyon ng lugar maabutan lang ang babae.  Pero ganoon na lang din ang
desperasyon niya nang pagpasok sa loob ay pinatay na ang mga ilaw. Nagsisimula nang
magpakita sa stage ng slide show sa karera ng A.N.Jell. Halos mapamura na siya
hindi pa man. Kailangan niyang mahanap si Minam bago mahuli ang lahat.

You might also like