You are on page 1of 5

I.

Layunin
Pagtapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Nasusuri ang bawat saknong.
b. Nakapagbabahagi ng mga katangiang dapat taglayin ng mga magulang.
c. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga matalinhagang ang mga matalinhagang
salita.
d. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng maling pagpapalaki sa anak.

II. Paksang Aralin


Pamagat :Laki sa Layaw
Saknong 196-204
Sanggunian: Florante at Laura
Awtor: Alma Manipol-Parco
Pahina: 72-74
Kagamitan: Speaker, laptop, projector,

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasa-ayos na kapaligiran
4. Pagkuha ng liban
5. Balik-aral

B.
1. Pagganyak
Panuto: Sa pamamagitan ng “Meaningful Flower”, magbigay ng mga salita o
parirala na maiuugnay sa salitang Magulang.

Magulang
2. Introduksyon
Talasalitaan
Panuto: SA tulong ng mga larawan ay tuluyin ang kahulugan ng mga
matalinhagang salita at gamitin ito sa pangungusap.

Salat Nilisan Namulat Dahas

3. Presentasyon/ Talakayan
3.1 (Pagbasa) Gamit ang Video Clip, makikinig at manunuod ang mga mag-aaral sa
araling “Laki sa Layaw” Saknong 196-204.
3.2 (Pangkatang Gawain)
Unang Pangkat
Panuto: Isulat at ipaliwanag ang mga nabanggit ng bunga ng pagpapalaki ng
anak sa layaw sa loob ng mga bakod.

Ikalawang Pangkat:
Panuto: Gamit ang graph punan ang mga sumusunod:

Mga pahayag sa akda Kahulugan at saknong Aral ng saknong sa


buhay ng tao
1. Walang hihinting
ginhawa
2. Lumaki sa tuwa’y
walang pagtitiis,
ang ilalaban sa
dahas ng saglit
3. Munting kahirapa’y
mamalakhing dala
4. Bulag na isip ko’y
doon mamulat
5. Taguring bunso’t
lilong pagmamahal

Ikatlong Pangkat
Panuto: Gamitin ang pamamaraang TAC (Think About Consequences). Sagutin ang
katanungan:
 Bilang isang anak, anu-ano ang katangiang dapat taglayin ng isang magulang
upang maging mabisa sa pagtataguyod ng mga anak.

Ikaapat na pangkat
Panuto: Sagutin ang katanungan gamit ang “Connect and Comment”
 Paano hinuhubog ng mga sumusunod ang magagandang gawi at asal ng
isang tao?

Tahanan Paaralan

Simbahan

IV. Pagpapahalaga/ Pagbubuo


What’s your reaction?
Panuto: Pumili ng reaction at pangatwiranan.
 Kung ikaw si Florante, nanaisin mo bang magkaroon ng isang amang katulad
ni Duke Briseo?

V. Ebalwasyon
Panuto: Punan ng sagot ang patlang ng hango sa saknong 196-204.
1. Nalaman ni Florante na hindi dapat mamihasa sa kasayahan ang isang bata sapagkat
_______________.
2. Ang batang laki sa layaw ay kulang sa kagandahang asal bunga ng _______________.
3. Itinulad ang batang laki sa layaw sa halamang lumaki sa tubig na ang dahon ay
_______________ pag hindi agad madiligan.
4. At 5. Sumasama ang bata dahil sa labis na 4._______________ at 5._______________
ng magulang.

VI. Paglalapat/ Aplikasyon


Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng maling pagpapalaki sa anak. Gamitin ang “Fish Bone”.

Bunga




Sanhi




VII. Kasunduan

Sa isang buong papel ay maglahad ng isang pangyayari


na hindi mo malilimutan sa iyong pagkabata.

Ipinasa ni: Raquel A. Olaso


BSED Filipino

Ipinawasto kay: Bb. Elizabeth Magsino & Bb. Rhea Generoso

You might also like