You are on page 1of 1

Ano ang allergy?

Ano ang allergy? Ang allergy ay reaksyon ng ating immune system sa alikabok, usok, o sa
mga pagkaing di pangkaraniwang nagdudulot ng masamang epekto sa karamihan. Tinatawag
na allergens ang mga ito.

Ano ang mga sanhi ng allergy?


Hindi sapat malaman kung ano ang allergy para magamot ito. Kinakailangang alamin
rin kung ano ang sanhi nito para mabigyan ng tamang lunas sa sakit.

Mga halimbawa ng karaniwang sanhi ng allergy ay:


 Pollen, balahibo ng hayop, alikabok, at amag
 Mga malalansa at mamantikang pagkain tulad ng mani, isda, hipon, itlog, at
manok
 Kagat ng mga insketo lalo na ng bubuyog o putakti
 Gamot tulad ng penicillin o mga antibiotics na gawa sa penicillin
 Materyales tulad ng latex

Ang ilang mga sintomas ng allergy ay:


 Pagbahing
 Pangangati ng ilong
 Sipon
 Pangangati o pamamaga ng mga mata
 Pangangati ng bibig
 Pamamaga ng labi, dila, mukha, o lalamunan
 Pamamantal
 Pangangati ng balat
 Paninikip ng dibdib
 Galis
 Anaphylaxis

Ano ang gamot sa allergy?


Ang pinakamainam na lunas sa allergy ay ang pag-iwas sa sanhi ng allergy na
nagdudulot rito, ngunit hindi ito laging posible o gumagana.
Maaaring uminom ng mga gamot sa allergy tulad ng tablets na mabibili sa mga botika
tulad ng The Generics Pharmacy. Ang ilang mga gamot na maaaring gamitin ay
 Antihistamines
 Decongestants
 Nasal spray
 Gamot pang asthma kagaya ng inhaled bronchodilators, inhaled steroids, at
oral anti-leukotrienes

Kailan dapat pumunta sa ospital


Agad na pumunta sa doktor kung hindi agad makaramdam ng ginhawa pagkatapos
uminom ng gamot sa allergy. Magtungo agad sa pinakamalapit na ospital kung
nakararamdam ng sintomas ng anaphylaxis gaya ng pagbagsak ng blood pressure,
matinding hirap sa paghinga, matinding pantal, pagkahilo, pagbilis ng tibok ng puso,
at pagsusuka.

You might also like