You are on page 1of 2

PAGTALAKAY

Ang Idyoma

Ang Tagalog ay mayaman sa mga sawikain. Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na

karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang

kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga

kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at

kaugalian ng isang lugar.

Ang mga Idyomatikong Pahayag o Salitang Matalinghaga, ay parirala o pangungusap na ang

kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matalinghagang salita.

Gayunman ang Idyomatikong Pahayag ay naging pangmalawakang gamit dahil ito'y may

makahulugang mensahe. 

Mga Halimbawa ng Idyoma


ahas----taksil; traidor
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

anak-dalita---mahirap
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na
lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

bukal sa loob---taos puso tapat


Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

di madapuang langaw---maganda ang bihis


Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhin
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan


Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

itim na tupa---masamang anak


Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

kilos-pagong---makupad,mabagal
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
Mahangin ang ulo----mayabang
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong
lalaki.

matalas ang ulo---matalino


Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

mahina ang loob---duwag


Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

malakas ang loob---matapang


Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong
dyip.

makapal ang bulsa---mapera


Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay
laging makapal ang bulsa.

makapal ang palad---masipag


Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

magdilang-anghel---magkatotoo sana
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan


Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

You might also like