You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:__________________________________Pangkat :_________________
Paaralan:______________________________ Guro: _______________________
Unang Markahan
Unang Aralin: Worksheet para sa Module #3
Layunin: Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga Kontemporaryong isyu sa
lipunan.

Pagsasanay Blg. 1: Tama o Mali!

Panuto:. Isaad kung tama o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na


pangungusap..

______1. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang ikaw ay maging isang
mabuting mamamayan ng bansa.

______2. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ay daan upang ikaw ay maging


kabahagi ng paglutas sa mga suliraning kinakaharap ng pamayanan at bansa.

______3. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang higit na magkaroon ng


diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan tungo sa pagtatamo ng isang maunlad na
pamayanan at bansa.

______4. Magiging daan ang kaalaman sa mga isyung panlipunan upang magkaroon ng
pagkiling sa isang pangkat ukol sa isyu.

______5. Ang kamulatan sa kontemporaryong isyu ay daan upang higit kang mahubog
bilang isang taong may pakialam sa nangyayari sa kanyang pamayanan at
bansa.
Pagsasanay #2:Ako at Kontemporaryong Isyu!
Pagsasanay #3:

Panuto: Pumili ng isang (1) emoticon na maglalarawan ng iyong emosyon


kaugnay ng iyong natutunang kaalaman ukol sa kahalagahan ng
kaalaman sa kontemporaryong isyu, isaad ang iyong pansariling
damdamin sa tapat nito.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga gawaing sa iyong palagay ay higit na


lilinang sa iyong kakayahan upang maging mulat sa kontemporaryong isyu
sa lipunan.

1.Pagbabasa ng mga pahayagan, magazine na naglalaman ng mga


balita at impormasyon sa mga kaganapan sa bansa.
2.Maghapong paglalaro ng mga video games gamit ang tablet o
laptop.
3.Panonood ng balita sa telebisyon
4.Maagap na pakikinig ng mga balita sa radyo.
5.Pagkuha ng mga impormasyon sa mga mapagkakatiwalang
source upang makaiwas sa mga fake news.
6.Pagbabasa ng mga komiks at pocket books
7.Malimit na pagtambay at paglalakwatsa
8.Pakikiisa sa mga makabuluhang diskusyon ukol sa mga isyung
panlipunan.
9. Pagdalo sa mga seminar at workshops na tumatalakay sa mga
makabuluhang isyu.
10. Pakikipagtsismisan sa kapitbahay.

You might also like