You are on page 1of 2

Kauna-unahang Paaralan

para sa mga Lalaki


May mga kolehiyo para sa mga lalaki na itinatag ng mga
Hesuita tulad ng Kolehiyo ng San Ignacio sa Cebu na
ngayo'y seminaryo ng San Carlos at Kolehiyo ng San Jose
(1601) sa Maynila.
Noong 1865 pinamahalaan ng mga Heswita ang Escuela Pia ng
Maynila. Ito ang Ateneo de Manila University ngayon. Itinatag
ng mga Heswita ang Colegio de San Ignacio noong 1590 sa
Maynila, at ang Colegio de San Ildefonso na itinatag din ng
mga Heswita noong 1595 sa lalawigan ng Cebu, at noong 1601,
itinatag din nila ang Colegio de San Jose.

Ang mga Dominikon ay nagtatag din ng mga paaralan para sa


mga lalaki. Ito ang University of Santo Tomas na kilala bilang
pinakamatandang unibrsidad sa Pilipinas na itinatag noong
1611, itinatag din nila ang Colegio de San juan de Letran para sa
mga kababatang lalaki na walang mga magulang/ulila.
Kauna-unahang Paaralan
para sa mga Babae
Nagtatag din ng mga paaralang pambabae. Layunin ng mga ito
na ihanda ang kababaihan alinman sa pagiging mabuting asawa
at ina ng tahanan o sa pagmamadre. Ang ilang paaralan ay ang
(Colegio de Santa Potenciana - 1589), (Colegio de Sta. Isabel -
1632), (Colegio de Santa Rosa - 1750), (Kumbento ng Asuncion
- 1892), at (Colegio ng Concordia - 1896). Sa mga kolehiyong
ito itinuturo ang Doctrina Christiana, Espanyol, Latin,
Kasaysayan, Matematika, Musika, kagandahang-asal,
pagpipinta, at sining-pantahanan tulad ng pananahi, pagbuburda,
paggawa at pag-aayos ng mga bulaklak.
Nagtatag din sila ng paaralang pambabae na tinatawag na
beaterio. Ang beaterio ay para lamang sa mga kababaihang ulila
at mahirap na nais mag-aral.

You might also like