You are on page 1of 19

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of City of Bogo
Buac, Cayang, Bogo City, Cebu

EPP 5 Agriculture
Self-Learning Kit
First Quarter (Week – 2)
Pamaraan sa Paggawa ng Organikong Abono

PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI

1
Agriculture 5
First Quarter Self-Learning Kit eek – 2)
Self-Learning Kit
First Quarter (Week 2)
Pamaraan sa Paggawa ng Abonong Organiko

First Q Self-Learning Kit


(Week – 2)
First Quarter Self-Learning Kit
(Week – 2)

2
Panimula:

ALAMIN

Ang abonong organiko ay pinakamainam na gagamitin sa mga tanim upang


lumago at hindi nakakasira sa lupang tinataniman.

Pagkatapos ng aralin na ito ikaw ay inaasahang :

1. Natatalakay ang pamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko.


2. Naisasagawa ang organikong abono gamit ang mga nabubulok na basura at
ang paggawa ng mga abonong concoctions (FFA, FPJ at FFJ)
3. Naibabahagi ang wastong pamaraan sa paggawa ng organikong abono sa
pamamagitan ng paggamit nito
4. Nagagamit ng may pag-iingat ang nagawang organikong abono.

SUBUKIN
(Portfolio No.1)

Panuto: Suriing mabuti ang mga pampatabang ipinakita sa larawan . Alin sa mga
sumusunod ang abonong organiko? Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

A B C D

E F G H
3
BAGONG ARALIN

BALIKAN

Ang organikong abono ay nagpagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito ay


makukuha sa paggawa ng compost o sa pagpopreso ng mga kagamitan. Malaki
ang maitutulong nito upang mas mapaganda ang ani ng ating mga halamang gulay.
Ang mga larawang ito ay nagpapakita ng wastong pag-aalaga ng mga halamang
gulay sa paaralan.

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap sa hanay B. Hanapin ang


tamang sagot sa hanay A at isulat sa papel ang sagot gamit ang titik lamang.

Pagtutugma

A B
_____ 1. Banik o loam A. dapat gagawin nga ating mga pananim

_____ 2. Luwad o clay B. may halong buhangin at maliliit na bato


_____ 3. Mabuhanging lupa C. galing sa mga dayami, tuyong dahon
at dumi ng hayop
_____ 4. Organikong Abono D. bitak bitak ito kapag tuyo
o Pataba
_____ 5. Paglalagay ng organikong E. buhaghag at galing sa binulok na
abono mga dahon

TUKLASIN
(Portfolio No. 2)
4
Maraming mga bagay sa ating paligid na angkop gamitin para sa organikong
abono. Isa na ito ay ang ating mga nabubulok na basura sa ating bahay na galing sa
mga prutas, gulay at iba pa.
Maaari ding gamitin ang mga nakatambak na dumi ng hayop gamit ang wastong
sukat sa paghalo nito.
Maliban doon may organikong abono din na galing sa mga preskong prutas,
gulay at isda na pinoproseso sa pamamgitan ng paghalo ng molasses. Ito ay tinatawag
na fermented fertilizer at may tamang paraan kung papaano ito gawin base sa
nakasulat na mga kagamitan at ang wastong paraan nga paggawa nito. Ito ay
tinatawag na FFJ (Fermented Fruit Juice), FPJ (Fermented Plant Juice) at ang FAA
(Fish Amino Acid)
Panuto: Basahin ang mga bagay na nakasulat sa ibaba. Kilalanin kung alin dito ang
angkop gamitin sa paggawa ng abonong organiko. Isulat sa patlang ang salitang
angkop kung angkop gamitin, hindi angkop kung hindi maaring gamitin.

__________ 1. Preskong gulay


__________ 2. Lantang prutas
__________ 3. Bote ng coke
__________ 4. Preskong isda
__________ 5. Basura na nabubulok
__________ 6. Mga bagay na galling sa lata
__________ 7. Mga gamit na galing sa plastic
__________ 8. Pinagtambak na dumi ng hayop
__________ 9. Molasses
__________ 10. Madahong gulay

SURIIN

Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman


sapagkat ito ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman.
Ang organikong abono ay mas mainam na gagamitin para sa halamang
gulay, dahil ito ay may sustansya na galing sa natural na pamamaraan.
Ang fermented fertilizer ay angkop gamitin sa mga halaman dahil ito ay
may taglay na potassium na nakabubuti sa mga halaman. Angkop din ito para sa
mga hayop para sa kanilang taste enhancer. Ito ay ihalo sa 2-3 tsbp. (na
fermented juice) sa tubig na kanilang iinumin upang mas lalong dumami ang tubig
na kanilang mainom.

Mga larawan na nagpapakita ng wastong pamaraan sa paggawa ng organikong

5
abono upang masubaybayan ng mga kabataan na katulad mo.

FAA- Fish Amino Acid

FFJ – Fermented Fruit Juice

FPJ – Fermented Plant Juice

Ang pagsukat ng molasses


gamit ang timbangan

Ang produkto ng tatlong


organikong abono na pinoproseso
gamit ang molasses
(FAA, FPJ at FFJ)
6
Ang pagsasagawa ng mga
organikong abono ng mga
kabataan na ginagabayan ng mga
guro.
Ito ay isang kawili-wiling gawain
na dapat nating ibahagi sa inyo.

Ang paghalo ng goat manure o


dumi ng kambing na nakatambak
sa isang lugar gamit ang wastong
sukat nito 1:3

Ang paghalo ng carabao manure


o dumi ng kalabaw na
nakatambak sa isang lugar gamit
ang wastong sukat nito 1:3

Tanong:
1. Sa anong paraan nagagamit ang mga nabubulok na basura?
2. Anu-ano ang mga makabagong organikong abono na galing sa
pinoprosesong gulay, prutas at isda.

7
PAGTATALAKAY

Mga mga paraan sa paggawa ng organikong abono

COMPOST PIT
Pagsama-sama ng mga nabubulok na basura katulad
ng dumi ng hayop,dahoon , balat ng prutas , damo at iba
pa. Ito ay maaring gawin sa bakanteng lote na may
malawak na espasyo

BASKET COMPOSTING
Ito ang pagsamasama rin ng mga nabubulok na
basura. Ginawa kung walang bakanteng lote na maaring
Sa paggawa ng Basket Composting
paggawan ay halospit.Gamit
ng compost magkahalintulad sa paggawa na
ang patungpatung ng
compost pit. gulong ng sasakyan o di kaya mga lumang kahoy na
gawing kahon.
Sundin lamang ang mga hakbang na ito.
1. Maghanda ng mga bagay na lalagyang maaring iresaykel.
2. Ilagay rito ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahoon,prutas ,gulay at
mga tirang pagkain.
3. Lagyan muli ng lupa at diligin.
4. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin.
5. Gawin ang proseso hanggan mapuno ang lalagyan.
6. Palipasin ang dalawang buwan bago gamitin

Kagamitan at Pamaaran sa Paggawa ng Concoctions

A. FAA ( Fish Amino Acid)

Kagamitan:
1kilong isda ( o kahit anong uri ng preskong isda)
1 kilong molasses
Sandok na kahoy
Plastic na balde
Manila paper
Malinis na Bato 20-25 grms
Makapal na lastiko
Kutsilyo
Lapis
Malinis na bote

8
Salaan
Timbangan
Nylon screen

Mga Pamaraan:
1. Hugasan ang mga kagamitan
2. Isala ng 5 minuto para maalis ang tubig
3. Hiwain ang isda ng isang pulgada
4. Ilagay ang 1 kilong hiniwang isda sa lalagyan ng plastic na balde
5. Ilagay din ang 1 kilong molasses
6. Haluing mabuti ang mga ito gamit ang sandok na kahoy. Iisa lang
ang direksiyon sa paghalo
7. Lagyan ng nylon screen ang ibabaw ng mixture
8. Patungan ang ibabaw ng nylon screen ng 5 bato na may bigat na
20-25 grms upang mas mapadali ang pagproseso
9. Pagkatapos, takpan ito ng papel (manila paper)
10. Lalagyan ng pikit na makapal na lastiko ang bibig ng balde upang
hindi makapasok ang mikrobiyo
11. Punasang mabuti ang bibig ng balde upang maging malinis
12. Isulat ang petsa sa paggawa at ang petsa na matapos ang proseso
13. Tandaan ang 14 araw sa pagproseso
14. Ilagay ang iyong ginawa sa malinis, walang mikrobyo at hindi mainit
na lugar
15. Pagkatapos ng 14 araw salain ito at ilagay sa malinis na bote
16. Katamtaman lang ang pag sara nga takip sa bote, paglipas ng 5
araw ihigpit ang pag takip ng bote.
17. Maari na itong gamitin

B. FPJ (Fermented Plant Juice)

Kagamitan:
1kilong madahong gulay ( o kahit anong uri ng madahong gulay)
1 kilong molasses
Sandok na kahoy
Plastic na balde
Manila paper
Malinis na Bato 20-25 grms
Makapal na lastiko
Kutsilyo
Lapis
Malinis na bote
Salaan
Timbangan
Nylon screen

9
Mga Pamaraan:
1. Hugasan ang mga kagamitan
2. Isala ng 5 minuto para maalis ang tubig
3. Hiwain ang kangkong ng isang pulgada
4. Ilagay ang 1 kilong hiniwang kangkong sa lalagyan ng plastic na
balde
5. Ilagay din ang 1 kilong molasses
6. Haluing mabuti ang mga ito gamit ang sandok na kahoy. Iisa lang
ang direksiyon sa paghalo
7. Lagyan ng nylon screen ang ibabaw ng mixture
8. Patungan ang ibabaw ng nylon screen ng 5 bato na may bigat na
20-25 grms upang mas mapadali ang pagproseso
9. Pagkatapos, takpan ito ng papel (manila paper)
10. Lalagyan ng pikit na makapal na lastiko ang bibig ng balde upang
hindi makapasok ang mikrobiyo
11. Punasang mabuti ang bibig ng balde upang maging malinis
12. Isulat ang petsa sa paggawa at ang petsa na matapos ang proseso
13. Tandaan ang 14 araw sa pagproseso
14. Ilagay ang iyong ginawa sa malinis, walang mikrobyo at hindi mainit
na lugar
15. Pagkatapos ng 14 araw salain ito at ilagay sa malinis na bote
16. Katamtaman lang ang pag sara nga takip sa bote, paglipas ng 5
araw ihigpit ang pag takip ng bote.
17. Maari na itong gamitin
18.
C. FFJ (Fermented Fruit Juice)

Kagamitan:
1kilong prutas ( o kahit anong uri ng preskong prutas na walang kalburo)
1 kilong molasses
Sandok na kahoy
Plastic na balde
Manila paper
Malinis na Bato 20-25 grms
Makapal na lastiko
Kutsilyo
Lapis
Malinis na bote
Salaan
Timbangan
Nylon screen

10
Mga Pamaraan:
1. Hugasan ang mga kagamitan
2. Isala ng 5 minuto para maalis ang tubig
3. Hiwain ang prutas ng isang pulgada
4. Ilagay ang 1 kilong hiniwang prutas sa lalagyan ng plastic na balde
5. Ilagay din ang 1 kilong molasses
6. Haluing mabuti ang mga ito gamit ang sandok na kahoy. Iisa lang
ang direksiyon sa paghalo
7. Lagyan ng nylon screen ang ibabaw ng mixture
8. Patungan ang ibabaw ng nylon screen ng 5 bato na may bigat na
20-25 grms upang mas mapadali ang pagproseso
9. Pagkatapos, takpan ito ng papel (manila paper)
10. Lalagyan ng pikit na makapal na lastiko ang bibig ng balde upang
hindi makapasok ang mikrobiyo
11. Punasang mabuti ang bibig ng balde upang maging malinis
12. Isulat ang petsa sa paggawa at ang petsa na matapos ang proseso
13. Tandaan ang 14 araw sa pagproseso
14. Ilagay ang iyong ginawa sa malinis, walang mikrobyo at hindi mainit
na lugar
15. Pagkatapos ng 14 araw salain ito at ilagay sa malinis na bote
16. Katamtaman lang ang pag sara nga takip sa bote, paglipas ng 5
araw ihigpit ang pag takip ng bote.
17. Maari na itong gamitin

Dosis nito:
1. Ihalo sa 1 litrong tubig ang 2-3 tbsp ng fermented fertilizer
2. Halugin ng husto
3. Isprey kaagad sa mga halaman makalawa sa isang linggo
4. Isang lingo lamang ang angkop na gamitin sa pinaghalong likido

PAGYAMANIN
(Portfolio No. 3)
Panuto: Basahin ng wasto ang mga pangungusap at sagutin ito. Isulat ang tama
kung wasto ang ipinahahayag nito mali kung hindi.

_____ 1. Gumawa ng hukay na tuyo, at malayo – layo sa bahay. Humukay ng may


1/2 metro ang lalim.
_____ 2. Paghiwalayin ang mga natuyong dahon,nabulok na gulay, prutas,pagkain,
at iba pang nabubulok na bagay.
_____ 3. Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot sa 30

11
sentemetro anng taas.
_____ 4. Paiikutan ito ng mga dumi ng hayop ang ginawang hukay.
_____ 5. May 14 na araw ang pag proseso ng mga organikong abono na galing sa
gulay, prutas at isda.
_____ 6. Paulit-ulit na gawin ang pagtambak ng mga nabubulok na bagay
hanggang sa mapuno ang hukay.
_____ 7. Patuyuin ang ibabaw ang mga pinagtambak na nabubulok na basura sa
araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
_____ 8. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago anihin.
_____ 9. Ang langisbang angkop na ihalo sa mga gulay, prutas at isda upang ito ay
maging fermented fertilizer.
______10. Maghugas ng kamay o kaya maligo pagkatapos gumamit ng –abono

ISAISIP

Ang Organikong abono ay isa sa mahalagang pangangailangan sa pagtatanim


upang makapagbigay ng magandang tubo at taba sa mga pananim at magdulot
ng maramihang ani sa mga pananim.
Tandaan kung papaano ang paggawa ng abonong ograniko.

ISAGAWA
(Portfolio No. 4)

Ang abonong organiko na pinoproseso o kaya mula sa mga nabubulok na


mga basura ay kailangang ang ibayong pag-iingat sa mga taong gumagamit nito.
At dapat ring alalahanin ang ating kalusugan. Narito ang mga dapat isaalang-alang
sa paggamit ng organikong pataba.
1. Magsusuot ng guwantes at mask sa paghawak ng pataba
2. Maghugas ng kamay o kaya maligo pagkatapos mag-abono.
3. Ilayo ang lalagyan ng mga pataba na hindi maabot ng mga
bata

12
Panuto: Basahing muli ang ipinahahayag sa PAGTATALAKAY upang makasagot
kayo sa mga katanungang ito. Isulat ng wasto ang mga sagot sa malinis na papel.
A. Isulat ang mga pamaraan sa paggawa ng compost pit. (1-8)

B. Itala ang mga pag-iingat sa paghawak ng abonong organiko. (1-3)

C. Ipaliwanag at isluat ang paggawa ng organikong abono ng FFA o Fish


Amino Acid.

TAYAHIN
(Portfolio No. 5)

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang wastong sagot na
makikita sa loob ng kahon.

____________ 1. Ilang litrong tubig ihalo ang 2-3 tbsp na fermented fertilizer?

__________ 2. Sa anong paraan makagawa ng abonong organiko kung


maliit lamang ang espasyo?
__________3. Ilang lingo na angkop gamitin ang pinaghalong fermented fertilizer sa
isang litrong tubig?
__________ 4. Ito ang produktong makukuha sa pamamagitan ng pagsamasama
sa
mga nabubulok na basura at inilagay sa hukay o kaya kahon at
isinarado ng dalawang buwan bago anihin?
__________ 5. Anong uring gulay, prutas at isda ang angkop gamitin sa pagproseso
ng fermented fertilizer?
__________ 6. Ano ang angkop gamitin sa paggawa ng basura upang ligtas ang
ating
sarili?
__________ 7. Bakit lalagyan ng malinis na bato sa ibabaw ng plastic screen sa
pinaghalong kagamitan?
__________ 8. Bakit takpan ng papel at lalagyan ng taliin ng makapal na lastiko ang
baldeng may laman sa pinaghalong kagamitan?
__________ 9. Bakit ang abonong organiko ang angkop gamitin sa ating mga

13
pananim?
_________10. Anong uring sandok ang angkop gamitin sa paggawa ng fermented
fertilizer?
_________ 11. Ilang metrong lalim ang paggawa ng hukay?
_________ 12. Saan ang angkop na lugar sa paggawa ng compost pit?
_________ 13. Kung walang bakanteng lote saan itambak ang mga basura na
mabubulok upang maging organikong basura?
_________ 14. Ilang taas ang paglatang ng nabubulok na basura sa compost pit?
_________ 15. Ano ang dapat gawin sa mga pinaglatag na mga nabubulok na
basura
kung may ulan?

Nabubulok na basura gwantes


Compost pit ihiwalay ang lahat na basura
Basket composting wastong paraan
Organikong abono ligtas at mura
Maraming bunga takpan ng yero
1 metro 30 sentemetro
1 litrong tubig 1 linggo
Malayo sa bahay presko
Kahoy madali ang pagproseso
Hindi makapasok ang mikrobiyo

KARAGDAGANG
GAWIN

Gumawa ng isang poster o slogan tungkol sa paggawa ng abonong organiko.

14
MGA BATAYAN NG ARALIN

1. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5


pp. 67-73 (71-72)
Authors:
Gloria A. Peralta
Ruth A. Arsenue
Catalina R. Ipolan
Yolanda L. Quiambao
Jeffrey D. De Guzman

2. Mga Link:

https://www.slideshare.net/mobile/ElaineEstacio2/pamamaraan-sa-paggawa-ng-
compost-pit- 79935436
https://www.coursehero.com/file/53575763/TOS-8-2nd-GRADINGxls/
https://brainly.ph/question/487724
http://www.pinoyrice.com/wp-content/uploads/ano-ang-organikong-pataba.pdf
https://images.app.goo.gl/TBKHMydBA3KjgK4Z9
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fclipartstation.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F10%2Fnabubulok-at-di-nabubulok-clipart-
4.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fclipartstation.com%2Fnabubulok-at-di-
nabubulok-clipart-
4%2F&tbnid=6t_gtSBiIEcLTM&vet=1&docid=mKCT2Y5qT9fLxM&w=638&h=479&itg
=1&q=mga%20basurang%20nabubulok%20at%20di%20nabubulok&hl=en-
US&source=sh%2Fx%2Fim
https://brainly.ph/question/1409026
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fimgv2-2-
f.scribdassets.com%2Fimg%2Fdocument%2F424505602%2Foriginal
%2Fd01f38eb14%2F1585811441%3Fv%3D1&imgrefurl=https%3A%2F
%2Fwww.scribd.com%2Fpresentation%2F424505602%2Flesson-epp-
5&tbnid=r4fXAu7rXw7IYM&vet=1&docid=hxT7ylbPDvAl4M&w=768&h=1024&q=ano
ng%20mga%20pag-iingat%20na%20hakbang%20sa%20paggamit%20ng
%20abonong%20organiko&hl=en-US&source=sh%2Fx%2Fim

15
This self-learning kit will help you explore the EPP TLE 5
competencies that you need to develop in this quarter.
Each lesson has corresponding activity that you need to comply in
order to compile your portfolio.

Enjoy learning the importance on how to make organinic fertilizer.

This material was contextualized by the


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region VII
Central Visayas

DIVISION OF CITY OF BOGO


ROSELLER N. GELIG, CESO VI
Schools Division Superintendent

NILO J. SENDRIJAS
Assistant Schools Division Superintendent

JOCELYN M. CONTA
Chief, Curriculum Implementation Division

LOURDESITA P. GUARDIARIO
Education Program Supervisor LRMDS

DR. MYTRNA GARCIA


ADM COORDINATOR

DR. FELIPA C. MANTOS


ALTERNATE ADM COORDINATOR

CLEOFE F. ANDALES
Education Program Supervisor EPP/TLE

GANYMID C. COMENDADOR
MT 11 Binabag ES
Writer

16
REGIONAL OFFICE

DR. SALUSTIANO T. JIMENEZ


Officer-in-Charge
Office of the Regional Director

DR. CRESTITO A. ECO


Officer In Charge
Office of the Assistant Regional Director

DR. MARIA JESUSA C. DESPOJO


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMS, Education Program Supervisor

DR. CESAR RESTAURO


ADM Coordinator

DR. ROLAND V. VILLEGAS


Education Program Supervisor EPP/TLE/TVL

SUSI SA PAGWAWASTO

(Portfolio No. 1)
1. A 2. B 3. F 4. G 5H

1. A
2. B
3. C
4. D
5. E

(Portfolio No. 2)
1. angkop
2. angkop
3. hindi angkop
4. angkop
5. ankop
6. angkop
7. hindi angkop

17
8. angkop
9. angkop
10. angkop

(Portfolio No. 3)
1.Mali 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama

6. Tama 7. Mali 8. Tama 9. Mali 10. Tama

(Portfolio No. 4)
A.
1. Gumawa ng hukay na tuyo, at malayo – layo sa bahay. Humukay ng may 1
metro ang lalim.
2. Pagsama -samahin ang mga natuyong dahon,nabulok na gulay,
prutas,pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.
3. Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot sa 30
sentemetro. Ang taas.
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
5. Patungan ito muli ng lupa ,abono o apog.
6. Paulit-ulit na gawin ang pagtambak hanggang sa mapuno ang hukay.
7. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
8. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago anihin.

B.
1. Magsusuot ng guwantes at mask sa paghawak ng pataba
2. Maghugas ng kamay o kaya maligo pagkatapos mag-abono.
3. Ilayo ang lalagyan ng mga pataba na maabot ng mga bata

C.
1. Hugasan ang mga kagamitan
2. Isala ng 5 minuto para maalis ang tubig
3. Hiwain ang isda ng isang pulgada
4. Ilagay ang 1 kilong hiniwang isda sa lalagyan ng plastic na balde
5. Ilagay din ang 1 kilong molasses
6. Haluing mabuti ang mga ito gamit ang sandok na kahoy. Iisa lang
ang direksiyon sa paghalo
7. Lagyan ng nylon screen ang ibabaw ng mixture
8. Patungan ang ibabaw ng nylon screen ng 5 bato na may bigat na
20-25 grms upang mas mapadali ang pagproseso

18
9. Pagkatapos, takpan ito ng papel (manila paper)
10. Lalagyan ng pikit na makapal na lastiko ang bibig ng balde upang
hindi makapasok ang mikrobiyo
11. Punasang mabuti ang bibig ng balde upang maging malinis
12. Isulat ang petsa sa paggawa at ang petsa na matapos ang proseso
13. Tandaan ang 14 araw sa pagproseso
14. Ilagay ang iyong ginawa sa malinis, walang mikrobyo at hindi mainit
na lugar
15. Pagkatapos ng 14 araw salain ito at ilagay sa malinis na bote
16. Katamtaman lang ang pag sara nga takip sa bote, paglipas ng 5
araw ihigpit ang pag takip ng bote.
17. Maari na itong gamitin

(Portfolio No. 5)
1. Compost pit
2. Basket composting
3. Compost pit
4. Organikong Abono
5. Nabubulok na Basura
6. Gwantes
7. Wasto at maingat
8. Ihiwalay ang mga basura
9. Ligtas at mura
10. Maraming bunga

19

You might also like