You are on page 1of 735

Peñablanca Series #1: Brave Hearts

Chapter 1 -

Peñablanca Series 1: Brave Hearts

"Fragile but brave..."

Secrets. Wishes. Young love.

Ano nga bang hinihiling ng mga tao sa mga dasal araw-araw? Pera, ma-swerteng love
life at kasikatan, ilan lang ito sa mga palaging kahilingan ng iba pero iba si
Amalia, she never wished for anything that extreme, ang hiling niya lang ay
magising sa panibagong umaga araw-araw, hindi para sa sarili pero para sa Nanay
niya na nagsusumikap para buhayin siya.

Amalia's wish is simple, it is to live another day and experience the power of
life. Mag-isa lang siya pero kinakaya niya ang pang-araw-araw dahil sa pangarap sa
kanyang pamilya but a man captured her young, brave heart. Atlas Louis Montezides
is an eye candy, bolero, maloko at mapaglaro and Amalia knew that he's just a dream
who her young heart is yearning but he's unreachable.

Pero napipigilan ba talaga ang pusong nagmamahal? How long can Lia love him? How
long can her heart fight for the love she has for him?

They said she's fragile but brave but will her heart be brave enough when fate
started playing with them?

Book 1 of 3

Disclaimer:

THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and
incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious
manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are
purely coincidental.
PLAGIARISM is a crime √

All rights reserved 2020

©heartlessnostalgia (Chennie Ann Cerro)

Chapter 2 - Simula

Marami pa akong on-going. Hindi naman sa marupok ako, ah, pero--

xxx

Simula

"Lia, anak, ang bilin ko, ah?" Napangiti ako kaagad sa sinabi ng Nanay.

"Opo." Marahang sabi ko bago sumulyap sa kanya.

Sinuri muna n'ya ang bag ko at nang makuntento ay kaagad na ibinigay sa akin.
Inilagay ko iyon sa aking likod, inayos ang hawak na paying bago kumaway.

"Panunuod ka lang, bawal tumakbo at sumali, naiintindihan mo?" Pahabol n'yang sigaw
bago pa man ako makaalis.

"Opo, Nay! Manunuod lang!" Sigaw ko at ngumisi, kumakaway paalis.

"Ang gamot!" Pahabol pa n'ya at tumango ako at nag-thumbs-up.

Pinagmasdan n'ya akong papalayo at kumakaway ako umalis, binuksan ang paying bagong
tinungo ang nakaparadang traysikel na maghahatid sa'kin sa eskwela.
"Amalia, magandang umaga!" Bati kaagad ng suki kong driver na kumaway pagkakita
sa'kin.

"Magandang umaga po," Bati ko pabalik, kaagad na isinara ang payong at pumasok sa
traysikel.

"Sa Carig?" Dungaw n'ya sa'kin at kaagad akong tumango at ngumiti.

Tumango s'ya, ngumiti at saglit na nag-antay ng iilang pasahero bago kami umandar.

Nakaupo ako malapit sa pintuan ng traysikel kaya kitang-kita ko ang matataas na


puno ng niyog at mga puno ng Narra. Ang malamig at mabangong samyo ng hangin ay
tumama sa aking mukha.

What a beautiful day.

Humugot ako ng hininga habang nakatitig sa daanan at marahang hinawakan ang dibdib
kung nasaan ang aking puso at napangiti bago marahang pumikit.

Panginoon, maraming salamat sa panibagong umaga. Salamat at buhay pa rin ako.

I smiled, saglit na sumulyap sa aking tabi at nakita ang katabi. Nasa higher year
sa akin ito at ngayo'y abala sa pagtipa sa telepono, paniguradong kausap ang mga
kaibigan.

Tumigil ang traysikel, kaagad akong lumabas at lumapit para magbayad.

"Salamat, hija! Sana ma-enjoy mo ang araw!" He exclaimed at kumaway sa akin.

"Salamat po, enjoy din!" I said back, waved my hands before fixing my uniform.

I sighed, sumulyap sa kulay puti at hugis arkong entrance para makapasok sa


university.
Napangiti kaagad ako nang makitang nagkakasiyahan ang mga tao, ang iba ay may hawak
na mga banner at pom-poms para sa basketball game mamaya. Ang iba ay naghahanda
para sa mga booth at ang iba ay sa ibang palaro.

Today is the foundation day. The most exciting of them all.

Sa araw na kung saan masaya ang lahat at walang iisiping aral, miminsan lang ito
kaya kahit ako na hindi pwedeng sumali ay masaya.

"Uy, Amalia! Magandang umaga, hija!" Bati ng guard pagkakita sa akin na kaagad kong
nginisian.

"Magandang umaga po, Kuya Tonyo!" Kumaway ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa
eskwela.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag pack nang makita ang mga cheerleaders na nag-
eensayo sa kanilang routine.

Wearing a red and black ensemble uniform and in their high ponytails, sobrang
nakakamangha sila. Matatangkad, magaganda, habulin ng juniors kahit ng mga seniors
at college.

Nakakainggit.

"Hoy, bawal bata rito!" Lumipat kaagad ang tingin ko sa leader ng pep squad na
nakangisi habang pinagmamasdan ang pagtigil ko.

"Gusto ata maging cheerleader," tawanan ng iba roon sa may bleachers at miski ang
nagpapractice ng routine ay napatigil para pagmasdan ako.

"Gusto mo sumali? Tara, Argueles!" Sigaw ng isang senior na babae, nakangisi. "Ikaw
ang ihagis!"

I suddenly felt embarrassed, napatungo ako, mas humigpit ang hawak sa bag pack at
suminghap.

"P-Pasensya na po," mahinang sambit ko at mabilis na naglakad paalis.

I can hear their faint laughters kahit malayo na ako at kaagad akong napahawak sa
dibdib dahil sa kahihiyan.

Nagtungo ako sa quadrangle at nakita ang mga booth na itinatayo ng iba't-ibang


grade simula sa grade seven. Ang booth naman ng mga sections sa junior at senior
high ay inaayos na rin.

Nakita ko ang mga kaklase na abala sa paggawa ng marriage booth, kami kasi ang
naka-assign doon at gusting-gusto kong lumapit para tumulong pero alam ko namang
hindi nila ako hahayaang tumulong.

Sa huli ay sumuko na lang ako, saglit na tumingin sa iilang booth pa roon na


itinatayo at hindi maiwasang ma-excite na mag-ikot kapag nakumpleto na ang iba.

"Oh, huli ka, Argueles!" Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa braso ko.

"H-Huh?" I looked around and saw the students in grade ten, holding my arms.

"Bakit?" Marahang tanong ko at nagtaka.

"Nakasuot ka ng relo!" The tall man, Ray, said.

"Huh? Hindi ito relo, para to sa pag-mo-monitor sa—"

"Daming arte, parehas lang iyon!" Tawanan nila at suminghap lang ako at napailing.

Inilagay nila ako sa jail booth at napailing ako, humalukipkip at napatingin sa mga
lubid kung saan nila ako inilusot.
"Seryoso ba 'to?" Tanong ko at nagtawanan sila.

"Swerte mo at ikaw ang unang preso," aniya.

"Sige na, palabasin n'yo na ako." Singhap ko at humawak sa lubid, nakita kong
natatawa pa sila dahil nabiktima ako at napailing.

"Hanap ka munang kakilala na magpa-pyansa sa'yo." Ani Ray.

Pyansa? As if namang mayroon?

"Magkano?"

"Bente," aniya at napailing ako, kinuha ang wallet para magbayad pero i-aabot ko pa
lang ay nagsi-ilingan na sila.

"Bawal ang pyansa sa sarili," aniya at napasinghap ako.

"Alam n'yo, walang magpa-pyansa sa akin dito." Paliwanag ko at naupo sa plastic na


upuan sa loob.

"Wala ka bang kaibigan? Ayon ang mga kaklase mo, 'di ba? Kapag may dumaan tawagin
mo." Ani Mark sa akin at umiling lang ako.

"Una sa lahat, walang magtatangkang magbayad para sa'kin." Paliwanag ko pero tumawa
lang sila sa'kin.

"Kaibigan? H'wag mong sabihing wala kang kaibigan?" Ani nila at umiling ako.

May mga kaswal naman akong kausap pero hindi darating sa point na sobrang lapit ko
na sa kanila. Impossible iyon sa lagay ko.

No one has the guts to be friends with me, well, kung mayroon mang iilan, aayaw din
dahil KJ daw ako.

"Ako na nga." Mahinanhon kong sabi.

"Sige, kapag wala pang nag-pyansa sa'yo ng isang oras laya ka na." Ani nila at
bumuntong-hininga na lang ako at umiling.

Sobrang bagot na ako para lang matapos ang isang oras, may mga kasama rin naman
akong nahuhuli sa jail booth pero may nagpa-pyansa at ako na lang ang madalas na
naiiwan.

Sumulyap ako sa card board doon sa gilid at napasimangot nang makita ang mga
criteria para maturing kang preso.

1. Relo

2. Bag pack na pula

3. Head band the pink

Seryoso ba? Malamang, halos lahat ng tao ay nakaganyan!

"Boring naman nito, wala talagang nag-pyansa sa'yo?" Ani Mark na dinungaw ako.

"Sabi ko na, 'di ba?" Mahinang sabi ko.

"Palayain na natin, kawawa naman." Tawa ni Ray at napailing na lang ako. They
opened the booth to let me out pero nagulat pa ako nang humarang si Mark.

"Bayad-bayad," aniya at napasinghap ako.

"Akala ko bai sang oras lang tapos pwede na?" Mahina kong sabi at napailing.
"S'yempre, nakulong ka." Tawa ni Mark at naiiling ay inilabas ko ang wallet at nag-
bayad ng bente.

Nang makalabas na ako ay napanguso ako nang makitang naglalabasan na ang mga
estudyante para mag-ikot sa mga booth.

Ang saya-saya nila, may mga cellphone at kumukuha ng litrato. Nagsasaya samantalang
ako...

Napailing na lang ako, napangiti ng malungkot at mahigpit na hinawakan ang bag


pack.

Sumulyap ako sa clinic at papunta na sana nang matigilan nang magkagulo ang iilang
estudyante.

"Ayan na!" They cheered and I gasped a bit when they walked back.

"Aray!" Singhap ko nang may makatapak sa paa ko sap ag-atras nila pero wala man
lang humingi ng pasensya.

Napailing ako, hahayaan na sana nang matanto ko kung sino ang dadaan.

Kagaya ng mga babae ay natigilan ako, napatitig sa mga daraan at parang nanuyo ang
lalamunan ko nang makita ang varsity ng unibersidad.

Lahat sila ay naka-shirt pa at naka-shorts ng jersey at rubber shoes. Paniguradong


maghahanda na sa paparating na game mamaya.

They all looked good and handsome yet that one man caught my attention.

He's tall, maybe in 5'9? Hapit ang suot n'yang putting shirt at magulo ang maitim
na buhok, may maliit na ngiti sa labi habang kausap ang team at hawak sa isang
bisig ang bola na gagamitin sa laro mamaya.
"Atlas! Good luck! Galingan n'yo!" The girls in front cheered a bit and I saw how
he shifted his gaze.

His lips lifted for a smile and I saw how his black eyes shined a bit when he
nodded at the girls.

"I will," he said, smirking at my heart started beating rapidly.

"Mahal ka namin!" The group from the other part said, slowly lifting the banner
kahit wala pang game at tinatawag ang atensyon n'ya.

"Sige, papanalunin namin 'to." His deep voice said and he smiled. "Right, team?"

"Oo naman!" His team cheered at that boost the confidence of the people watching.

Nang makaalis na ang team ay nawala na rin ang team, napangiti ako habang
nagmamasid ako sa kanilang papalayo na.

Atlas Montezides. Ano kayang pakiramdam maging malapit sa'yo?

Nang maisip na kahibangan nanaman ang naiisip ko ay tumungo ako at napailing na


lang.

Amalia, nangangarap ka nanamang gising?

Pumunta na lang ako sa clinic para tumulong sa nurse.

"Oh, Amalia, hija? Napadaan ka?" The head nurse, Nurse Anna asked.

"Ay, hindi po, tutulong lang saglit. Wala naman pong ginagawa."

"Oh, hindi ka tumulong sa booth?" Tanong n'ya at umiling ako.


"Hindi po ako pinapayagan, eh." Sabi ko at nakita ko ang paglambot ng mata n'ya
bago ngumiti at tumango.

"Oh, s'ya, sige. Tulungan mo na lang kami rito maghanda at paniguradong may
madadala nanaman ditto, lalo na at may basketball."

Ngumiti ako at tumango, tumulong sa kanya at sa mga assistant nurse na mag-asikaso


ng gamit. Madalas na rin kasi ako rito, well, palagi akong dinadala rito kaya
naging malapit na sa aking ang mga nurse na naka-duty.

Matapos kong tumulong ay nagpaalam akong manunuod muna ng game na kaagad n'yang
pinayagan.

May kakaunting nakatoka sa booth samantalang wala na masyadong tao dahil mag-
uumpisa na marahil ang game.

Pagkarating ko pa lang ay narinig ko na ang ingay at hindi na nagulat nang makitang


nag-uumpisa na ang laro.

Napatingin ako sa punuang bleachers at namangha nang makitang punong-puno ng mga


estudyante na sumisigaw habang nanunuod.

The team from our university is wearing a mix of black and red jersey, nakasulat pa
roon ang pangalan ng team.

PHOENIX.

I smiled. Kaagad na naagaw ng pansin ko ang tumatakbo roon sa gitna at ngayon ay


may hawak at nag-di-dribol na ng bola.

"Go, Atlas! Team Phoenix for the win!" The students sang, raising their banners. Sa
kabilang part ng bleachers ay ang mga cheerleader at and mga nanunuod at
sumusuporta sa kalaban ng aming team.
The game was so intense. Napapasigaw ako habang pinagmamasdan ang mga takbo at pag-
shoot nila ng bola pero hindi matanggal ang tingin sa team captain.

Atlas looks so handsome running there, even if he's sweating, he looks great. His
wet black hair is disheveled, nang ipasa n'ya ang bola sa kasama ay nakita ko ang
pagbasa n'ya ng labi at pagsuklay gamit ang daliri sa buhok.

"Captain!" Sigaw ng team n'ya at maya-maya ay nasa kanya nanaman ang bola.

I loved how the muscles on his arms stretch while dribbling, malalim na ang pag-
hinga n'ya at bahagyang nakaawang ang labi pero ang gwapo pa rin sa paningin ko.

Amalia's been day dreaming again, too bad hanggang panaginip ng gising ka lang.

"Go, Atlas! Buhatin mo ako!" Sigawan ng cheerleader na nag-uwi sa tawanan.

I saw how his lips lifted for a manly smirk, glance at the way where the cheers
came from at miski ako ay kinilig nang kumindat s'ya roon.

Then, one of their opponents came his way. I saw how fast Atlas moved, his long
legs stride on the court and run.

Like a pro, he moved away from their opponent team, while dribbling the ball.

Maraming humaharang pero mabilis s'yang nakakaiwas at miski ako ay tumigil ang
paghinga nang makitang sampung segundo na lang ang timer.

"Atlas! Atlas!" The cheered and my eyes widen when his jaw clenched when the time
is announced.

His pace fasten at natahimik ang buong court, miski ako ay parang lumabas ang
kaluluwa sa katawan nang sa isang mabilis na galaw ay naipasok n'ya ang bola sa
basket.

"Oh my God!" I exclaimed in so much glee.


Nagsigawan ang mga tao sa tuwa pero kaagad na napawi nang sa pag-atras ng
nakangiting si Atlas ay natulak s'ya ng kalaban at nawalan ng balanse.

Napatayo ako nang malakas ang naging bagsak n'ya at ilang sandal pa ay hawak na
n'ya ang kanyang paa.

"Oh God, Atlas!" The people exclaimed.

I saw their coach ran to the center at miski ako ay gusting lumapit dahil sa pag-
aalala ay hindi ko nagawa sa dami ng umpukang tao.

"Tara, Lia." Nagitla pa ako nang biglang lumitaw ang head nurse.

"P-Po?"

"Tara, tumulong tayo para dalhin sa clinic." Aniya at hindi na ako nakapag-salita
nang iabot n'ya sa akin ang emergency kit at humawak para isama ako sa imbak na
tao.

"Excuse me," aniya at hinawi ang mga nakikiusyoso.

Parang nadurog ang puso ko nang makita si Atlas sa lapag, hawak ang paa at bakas
ang sakit sa mga mata pero pilit na pinapagaan ang sitwasyon.

"Kaya ko, coach." Ani nito sa coach. "Kaya ko pa nga maglaro." He said, tried to
stand yet he fell on the ground again.

"Atlas, ang kulit mo, sabing..."

"Kaya ko nga coach," he laughed a bit but the coach shook his head and glance at
the nurse.
"Nurse, dalhin na natin sa clinic." He said.

"Pero coach—"

"Manahimik ka, Montezides." The man hissed and helped him stood.

The head nurse immediately went to his side and his coach too, ako naman ay may
hawak ng emergency kit at napasinghap pa nang mapansing malapit kami sa isa't-isa
ngayon.

He smells nice despite the sweat, kita ko ang pag-ngisi pa n'ya roon pero
napapangiwi nang itapak ang paa.

"Sinasabi ko kasi sa'yo!" Pagalit na sila ng coach n'ya.

My heart stopped when our eyes met, kita ko ang pagkunot bahagya ng noo n'ya nang
mapansing nasa harapan n'ya ako at marahas akong napalunok.

His dark, black eyes are intense. It was jaw-dropping. I get to see his tight jaw,
red parted lips and aristocrat nose up close.

"Excuse, Miss." Napatalon lang ako sa gulat nang magsalita ang coach at napagilid
ako.

They walked, alalay si Atlas na naiwan pa ang tingin bago naglakad.

Sumunod ang mga estudyante pero hindi pinayagan ng guard makalabas sa court dahil
nga sa may laro pang itutuloy.

Nakasunod ako sa head nurse at coach habang dala si Atlas at tahimik akong
nakamasid sa kanyang likod.

I glanced at my smart watch, paano kung tumunog ito habang nakasulyap ako sa
kanila?
Nakakahiya kung sakali.

I watched his masculine back and smiled when I saw what was written.

Montezides

10

I quietly giggled, nang makarating sa clinic ay nakita kong namula at nagulat ang
head nurse ng makita ang pasyente.

"Coach, ayos nga—"

"Isa, Montezides. Iba-ban kita sa laro." He hissed and I saw how the handsome Atlas
pouted and scratched his brows.

Tahimik akong naupo sa upuan ng nurse katapat ng kama ni Atlas na inuupuan dahil
wala naman na akong maitutulong.

The head nurse and his coach talked in the side, the assistant nurse is quiet yet
blushing while assisting Atlas whose now smiling a bit.

"Bukod po sa paa, Sir, maayos naman po ba ang pakiramdam?" Tanong ng nahihiyang


nurse.

"Hmm, ayos naman." He smirked, placing his hand on his jaw. "Nurse, paki-check
naman ang mukha ko."

I saw the nurse stood but froze when he saw the man smiling cockily.

"Gwapo pa rin naman, Miss, 'di ba?" He smiled cutely and the nurse looks like
hyperventilating.
"Y-yes, sir." Amin nito at kinagat ang labi.

I frowned yet admit he's really handsome.

"Uh, e-excuse me po muna." The nurse said and left and I saw how Atlas' smile
lifted and shook his head while glancing at his injured feet.

I just watched him while sitting quietly, he tilted his head and I gasped when our
eyes met. Dali-dali akong nagbaba ng tingin at tumitig sa mga papel sa harapan ko.

He didn't say anything, makalipas ng ilang segundo ay nag-angat ako ulit ng tingin
at pinagmasdan s'ya at nang lumingon s'ya at magkatitigan kami ulit ay nagpapanic
na nagbaba ako ng tingin.

Oh, God. Pakiramdam ko ay magwawala na ang puso ko!

Hinayaan ko ng ilang segundo at nang akala ko'y hindi na s'ya nakatingin ay nag-
angat muli ako pero para gusto na lang lumubog sa lupa nang matantong nakatitig
s'ya at nag-aantay ng tingin ko.

I froze, nanlaki ang mata ko at marahas na napalunok.

"Gwapo ba, Miss?" He asked me, a playful smile on his lips.

"H-huh?" I muttered.

"Gwapo ba? Kanina ka pa kasi nakatitig." He smiled, his brow lifted a bit and
crossed his arms.

Hindi ako nakapagsalita, halos hindi na ata humihinga nang magkatitigan at nakita
ko pa ang pagbasa n'ya ng labi.

"Breathe, Miss. Ako lang 'to." He said and winked at me.


My smart watch made a loud sound and I gasped, touched my chest with my heart
beating wildly and harshly.

I like you but Atlas, you're such a playboy. You're too bad for my brave heart.

Chapter 3 - Kabanata 1

Finally, pinagalaw na ni Atlas ang baso! HAHAHA! This is unedited. Enjoy!

xxx

Kabanata 1

"Lia, ayos ka na?" ani ng nurse sa akin na kaagad kong nginitian.

"Opo." I muttered, smiling a bit at her.

They helped me lay down on the bed and my eyes landed at Atlas. Abala siya sa
pagpilit na pagtayo para silipin ako pero nanatili hindi magawa dahil sa pagpigil
sa kanya ng coach.

"Atlas!" he hissed.

"Coach, sisilipin ko lang—"

"She's alright, okay?" paliwanag ng coach.

"No, her watch—"

"Okay ka lang, Miss, 'di ba?" the coach asked, mabilis na sumulyap sa akin kaya
mabilis akong tumango.
"O-opo..." I nodded. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Atlas doon.

"Really? Your—"

"A-ayos lang po ako," mahinang sabi ko at ngumiti.

"Sabi ko sa'yo, eh." Ani ng coach pero seryosong nakatitig pa rin sa akin si Atlas.

Tumikhim ako, nag-iwas ng tingin at pasimpleng uminom ng tubig para iwasan siya.

Kakakalma ko lang pero nagsisimula na naman ang malakas na pintig ng puso ko. Pa-
simple akong sumulyap sa kanya at nagsalubong ang mata namin. Napaubo ako ng
malakas nang pumasok ang tubig sa ilong ko at napahawak sa lalamunan.

"Amalia!" Nurse Anna called me, mas humawak pa ako sa lalamunan at nakita ang
akmang pagtayo ni Atlas habang kunot ang noo.

"A-ayos lang po ako," mahinang sabi ko pagkaraan, huminga ng malalim at nakita ko


ang pag-ambang tayo ni Atlas.

"Montezides!" tawag ng coach niya, nakita ko ang pagbalik niya sap ag-upo nang
bahagya siya itulak pabalik nito.

"She's—"

"A-ayos lang po, pasensya na." mahinang sabi ko, hiyang-hiya habang tumutungo.

"Lia, ayos ka lang?" baling sa akin ni Nurse Anna kaya tipid akong ngumiti.

"N-nabilaukan lang po." Mahinang sabi ko.


"Oh, sige, siya, maupo ka muna r'yan." Sabi niya kaya tumango ako.

The assistant nurse helped me, sumandal ako sa may head board at napansing nawala
na sa akin ang kanyang atensyon.

I smiled.

At least, kahit papaano ay mayroon. Kahit saglit.

Nakita kong binatukan ng coach si Atlas kaya napanguso ako, inayos ni Nurse Anna
ang kumot sa hita ko at inabot sa akin ang bag ko.

"Magpahinga ka muna," aniya at ngumiti.

"Salamat po," mahinang sabi ko at iniwan niya ako para asikasuhin ang gagamitin kay
Atlas.

"Coach, ayos na rin ang paa ko, baka p'wedeng maglaro—"

"Subukan mo, Montezides at ako pa mismo ang puputol sa paa mo!" iritadong sabi ni
coach sa kanya.

I saw how his lips protruded, napahawak sa batok at suminghap.

"Coach!" he whined.

"Hindi, ipagpahinga mo 'yang paa mo." Ani ng coach at bumaling sa nurse na naroon.
"Nurse Anna, ikaw na muna bahala sa pasaway na 'to, on-going pa ang game,
bibisitahin ko lang ang team at baka magpatapon na kasi wala ang pabida nilang
captain—"

"A-anong pabida? Coach!" reklamo niya, kunot na ang noo at nakanguso.


Napangiti ako at bahagyang dinama ang puso at siniguradong kalmado na ako.

"Aba, manahimik ka at totoo naman!" he exclaimed. "Nurse..."

"Don't worry, akong bahala." Ngiti ni Nurse Anna at tumango ang coach.

Nakagat ko ang labi nang batukan ulit ng coach si Atlas at mas nagreklamo ang huli.

"Coach!" sinipa pa ang paa pero napangiwi nang sumakit ang paa. "A-aray..."

"Ayan, mabuti nga!" halakhak ni coach, natawa rin si Nurse Anne kaya napatawa ako
ng mahina.

I froze when Atlas suddenly glanced at me, nanliit ang mata niya sa akin kaya
napatakip ako sa bibig ko at biglang natahimik.

"Pati ba naman ikaw?" he pouted more.

"Abno, sige na at mauuna na ako!" tawa ni coach at umalis sa clinic.

Nanatili akong nakatakip sa bibig nang tumitig si Atlas, his black eyes stared at
me intently and it's hard for me to breathe again.

"S-sorry..." I said in a small voice, biglang nahiya.

"H'wag mong takutin Atlas," biglang tawa ni Nurse Anne at nakita kong ngumuso si
Atlas doon.

"Grabe, Nurse, tinitigan lang tinatakot agad? Akala ko kakampi ko, eh." Ani Atlas
doon at ngumuso kaya mas napatawa si Nurse.

"Anyway, Lia, kilala mo na si Atlas, 'di ba?" tanong niya sa akin kaya tumikhim ako
at marahang tumango.
"O-opo," nahihiyang sabi ko.

I saw Atlas' intense stares again and that made my heart thumped. Tumikhim ako at
nagbaba ng tingin, nag-iinit ng pisngi.

"She's Amalia, Atlas." Ani Nurse Anna kaya muli akong napasulyap kay Atlas na
tumango at seryosong nakatingin pa rin sa akin.

"Amalia..." he said my name and it sounded so good when he's the one saying it.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga gusto ang pangalan kong buo at mas gusto kong Lia
na lang pero bakit noong narinig ko ito sa kanya ngayon ay parang ang ganda sa
pandinig?

Our eyes met again and I noticed how good looking he is. Mapupula ang labi, seryoso
at malalim ang itim na mga mata, magulo ang buhok at nang tumaas ang sulok ng labi
niya ay mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Ah, pagpasensyahan mo na, hijo, at mahiyaan talaga iyang si Lia." Nurse Anna said.

"I see," I heard his baritone voice.

I bit my lip, pa-simple akong humiga sa kama at binalot ang kumot sa katawan.

"P-papahinga po muna ako," mahinang paalam ko.

"Sige, Lia. D'yan ka muna at aasikasuhin ko muna itong pa ani Atlas." Aniya at
hindi na ako lumingon.

I tried sleeping but I couldn't, tahimik lang ako habang nakatitig sa pader pero
ramdam ko ang presensya ni Atlas na halos nasa may tabing higaan lang. May isang
nakaharang na walang taong kama at ako na kaya hindi ako mapakali.
"A-aray, Nurse, masakit..." narinig kong reklamo ni Atlas.

"Namamaga ang paa mo, Atlas, ano ba ang nangyari?"

"I twisted my ankle, I think." He answered.

"Sa susunod ay mag-ingat ka, okay? Tignan mo ang tinatakbuhan mo, noong nakaraang
taon na-sprain ka rin." Paalala nito.

"I did, tinulak lang ako ng hindi ko alam kung sino 'yon." Himutok pa niya roon at
narinig ko ang tawa ni Nurse Anna.

"Sige, basta ay mag-iingat ka sa susunod, ah? Mahirap na at baka mas maging malala
ang bagsak mo. Mabuti ay sprain lang ulit, pagpahingahin mo itong ng ilang araw o
linggo hanggang sa mawala ang pamamaga."

"Opo," he answered. "sayang lang talaga ang game."

"Hayaan mo na 'yon, ang mahalaga ay maayos ka. Kaya ng team mo 'yon." Sagot ni
Nurse.

"Well, I hope we'll win." He sighed.

"Of course, bago lang ata iyong kalaban niyo, ngayon lang nakadayo rito sa atin.
Naniniwala naman akong mananalo kayo." She answered.

"I hope so..." he sighed.

"Kumusta na nga pala ang mga Kuya mo?" I heard her asking at mas naging kuryoso
ako, gumalaw akong kaunti para umikot paharap sa pwesto nila pero nanatiling
nakapikit at nagpapanggap na tulog.

"Sino roon? Si Kuya Hunter?" he asked.


"Oo, kumusta na ang Kuya mo?"

"Nandoon, pinapaasikaso ni Papa ng rancho, si Kuya Damon naman ay abala rin." He


answered.

I slowly opened my eyes, trying to just take a quick peek when he caught me.

His lip twitched, winked at me and my eyes widen.

Nagpa-panic at mabilis na ipinikit ko ang mata at narinig ko ang mahina niyang


halakhak.

Oh my God! He caught me looking!

"Bakit ka tumatawa, Atlas?" Nurse Anna asked.

"Nothing," he answered, still chuckling.

"Nurse Anna, pinapatawag po kayo saglit ni coach!" I heard the assistant nurse and
my heart hammered inside my chest.

"Sige, papunta na." She stopped. "Sandali lang, hijo, idiin mo lang itong compress
sa namamagang parte para umayos ang takbo ng dugo, babalik ako."

"Alright, thanks." He said.

Narinig ko ang paglakad palabas ng Nurse, humigpit ang hawak ko sa kumot, mariing
pumikit at mas nag-init ang pisngi.

Nahuli ako! Nalaman niyang nagpapanggap akong tulog!


Slowly, umikot ako, dahan-dahang haharap sana pabalik sa pader nang magsalita siya.

"Lia, right?" his baritone voice asked.

I froze, nakatihaya na ako at parang tuod na hindi makagalawa.

Anong gagawin ko? Haharap baa ko o...papanindigang tulog ako?

"I saw you opened your eyes, Miss." He said and I gulped harshly.

"T-tulog ako..." I muttered, tried turning my back when he laughed again.

"Uh-hmm, I see. Tulog na nagsasalita?" he teased and I paused.

Oh my God! Bakit ako nagsalita?

"U-uh, sleep talking." Palusot ko pa pero natawa lang siya.

"Come on, Lia, hindi ka naman tulog, eh. Kausapin mo na lang ako, I'm bored." He
said and hindi ako gumalaw.

"Please?" he sighed. "I'm sad, you know? Dapat nasa game ako pero—"

"O-okay..." unti-unti akong humarap sa kanya at nakita kong nakangisi siya kaya
kumunot ang noo ko.

"H-hindi ka naman mukhang malungkot," I muttered and slowly, his face fell. Biglang
sumimangot.

"Ayan, malungkot na ba?" he asked sadly and a smile rose on my lips.


"P'wede na," sagot ko bago marahang umupo sa kama.

Our eyes met again, I noticed he's now wearing a fresh white shirt and basketball
shorts, naka-elevate ang paa niya at nakita kong may nakapatong na hot compress
doon.

"A-ayos ka na?" I asked after a while and his lips lifted.

"Hmm, ako pa ba?" he chuckled. "Lia," he called kaya sumulyap ako sa kanya.

"H-hmm?" pilit ko pang kinalma ang sarili dahil sa pagkausap niya sa akin ngayon.

"Is it okay if I call you Lia? Amalia is a bit mouthy so..."

"A-ayos lang," tumango ako at tumikhim, nagbaba ng tingin.

"Are you shy?" he suddenly asked and I froze. "Come on, Lia. Look at me."

Slowly, I did.

"Bakit?" I asked.

"Wait," he licked his lower lip, inabot ang compress sa paa. "lalapit ako, I wanna
see you properly."

"Huh?" nanlaki ang mata ko at halos mapatayo nang bigla siyang humawak sa may kama
at tumatalon-talon na naglakad sa akin.

"B-bakit...bawal ka pa maglakad!" I exclaimed and stood.

"Sshh, ayos lang. Nabuhat ko nga ang mundo, maglakad pa kaya?" he chuckled and I
blinked.

Natakot ako kaya bumaba ako sa kama at mabilis siyang inalalayan paupo sa kama sa
tabi ng akin. He smelled nice and I almost giggled when I get to touched his arms.

"Tulungan kita," I offered.

"Thanks, Lia." He chuckled and held my hand habang paika-ika at halos tumalon-talon
na siya para lang makalakad.

"F-fuck, it hurts..." he muttered harshly and it made me smile.

"Ikaw kasi...p'wede naman mag-usap kahit doon ang pwesto mo." Marahang sabi ko.

I noticed that my head only reached his broad shoulders, he's well-built and has
this athletic stance, napansin ko ang pag-igting ng panga niya nang kumirot ang
paa.

"No, I wanted to see you properly." He said and I stopped myself from smiling
before helping him out.

Kumuha ako ng maliit na upuan, marahang ipinatong ang paa niya at napapangiwi pa
siya.

"A-aray... Shit, pahamak talaga 'yong tumulak na gagong 'yon." He hissed quietly.

Pinatong ko ang compress sa paa niya at humarap sa kanya at mula sa seryosong mukha
ay bigla siyang ngumiti.

"Thanks, Lia." He said and I slowly and shyly nodded.

Naupo ako muli sa kama, ipinatong ang kumot sa hita at sumulyap sa kanya.
I caught him looking at me at napatikhim siya at nag-iwas ng tingin.

Hindi ako nagsalita, nahihiya at hindi pa rin makapaniwalang narito siya at


kinakausap ako. Parang dati...tinatanaw ko lang siya sa palayo at ngayo'y nandito
sa harapan ko na.

"I'm Atlas," he suddenly said kaya tumango ako.

"N-naririnig ko nga," I answered.

"I was named after a titan, uhm, Greek myth? 'Yong nagbuhat ng mundo?" he said and
I just stared at him, walang masabi rin.

"Uhm," he licked his lip. "fuck, I don't even know how to start a conversation
now." Bulong niya.

That made me laugh, napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako, unti-unting nawala
ang hiya.

"Amalia," I introduced myself. "Amalia Lorraine Argueles."

"Amalia," he called my name again, his lips lifted. "bagay sa'yo."

My heart hammered, natakot ako na mag-ingay ang smart watch kaya pasimple akong
sumulyap sa pulsuhan.

"Atlas Louis Montezides," he said.

I know.

"O-oh, bagay din sa'yo." I said and smiled at him.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked after a while kaya tumango ako. I saw him
glanced at my watch kaya tumikhim ako at marahang itinago iyon sa kumot para hindi
niya makita.

"Oo, ikaw? Masakit ba masyado ang paa mo? H'wag ka masyadong maglalakad at pasaway
kasi baka lumala, ang pinsan ko dati ay na-operahan, akala noong una sprain lang
kaso malalang bali pala, hindi naming nadala sa doktor." Tuloy-tuloy kong kwento at
napaharap sa kanya.

I stopped when I saw his amused smile, his eyes are shining a bit kaya nakagat ko
ang labi ko.

"M-madaldal na pala...sorry." Mahinang sabi ko.

Kung ang mga kaklase ko ay malamang iniwan na ako matapos umirap kaya nagulat ako
nang tumawa siya.

Kumuyom ang kamay ko sa loob ng kumot at napalunok.

"B-bakit? Sorry, n-naparami lang ang sinasabi ko—"

"You're adorable," he suddenly said and I froze.

Nag-init ang pisngi ko bigla kaya nakuha ko ang tubig at mabilis na napainom doon.

"Sorry," sabi ko pagkaraan at tumungo.

"No, don't be sorry." He chuckled. "I like it when you talk that long."

Sumulyap ako sa kanya at nakita kong napangiti siya roon.

"Don't be shy, it's alright." He said and slowly, I nodded.

"Salamat," mahinang sabi ko.


Napasulyap ako sa oras at nagulat nang mapansing lagpas na ng sampung minuto sa
schedule ko sa pag-inom ng gamot, kinuha ko ang bag at binuksan at nakita kong
tahimik lang na nanunuod si Atlas.

Binuksan ko ang maliit na kit ko at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Ano 'yan—"

"Cap! Nanalo kami!" I almost jumped noong halos sumabog ang pintuan ng clinic ng
pumasok ang mga ka-team mate niya sa basketball.

Napasulyap doon si Atlas at nagsitakbuhan sa kanya ang team, sa likod ay si coach


at si Nurse Anna na nakangiti.

"Anong score? Mababa 'no?" Atlas teased.

"Loko, Cap, sorry, 'di ka na naming kailangan pala. Mataas pa rin kahit wala ka!"
Nagtawanan sila roon at natatabunan na si Atlas sa dami ng team niya.

I noticed the girls peeking on the door, iniilingan lang ng assistant nurse para
hindi makapasok.

Bigla akong nahiya sa dami nila at hindi na ako napapansin.

Ano pa bang bago?

I sighed, itinago na lang ang kit sa bag at tahimik na tumayo.

"Teka, I have—" I heard Atlas' voice pero natabunan ng ka-team.

"Kumusta paa mo, Cap?" tuloy-tuloy nilang tanong.


"Teka—" our eyes met again and I smiled at him.

"Bye," I mouthed before turning my back at him.

Kinabukasan ay hindi nanaman ako nakaligtas mula sa pagkakakulong sa jail booth,


umiwas naman ako, hindi na ako dumaan doon pero mukhang hina-hunting talaga nila
ang mga preso nila!

"Wala nga kasing magpa-pyansa sa akin." Pinaliwanag ko na sa kanila pero ngumisi


lang sila sa akin.

"Malay mo mayroon, antay ka lang, Amalia." Ani Ray at napasinghap ako.

"Ako na lang ang magbabayad ng piyansa, wala namang magbabayad, ang kulit niyo."
Paliwanag ko ulit sa kanila.

"Basta, d'yan ka lang. Kapag one hour ulit tapos wala p'wede na."

Napailing na lang ako at tahimik na sumandal sa upuan sa loob. Marami pa silang


nahuli at kagaya ng inaasahan ay tatawag lang ng kakilala at makakalaya na.

Samantalang ako? Trenta minute na ang nakalipas ay tulala lang at tahimik na


nagmamasid sa barkadang tuwang-tuwa at nag-iikot sa booth.

Kapag kolehiyo kaya ay may magiging kaibigan ako? Ano kayang pakiramdam ng mga
sleepover at galaan kasama ang barkada?

"Oh, Argueles! Laya ka na!" Mark called kaya napatalon ako sa upuan ko.

"Huh?" I asked, confused.

Napasulyap ako sa orasan at wala pang isang oras.


May...nag-pyansa sa akin?

"Malaya ka na, may pyansa na. Sige, labas na." Ani Ray at naguguluhang sinuot ko
ang bag at lumabas sa booth nila.

"Sinong..." hindi na ako nakapagsalita nang makitang umalis na ang dalawa at


umaaresto na ng mga magagandang upper batch para sa jail booth nila.

I sighed, napangiti at lumingon sa paligid pero walang kahit sinong nakita.

Kung sino ka man, salamat.

Kahit paano ay nakatulong ako sa booth, taga-sukli lang at saglit lang dahil naubos
kaagad at nag-ayos na sila para manuod ng game sa basketball ngayon.

Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta sa gym dahil nga wala naman si Atlas para
panoorin ko. Sigurado akong nasa bahay iyon at nagpapahinga.

"Uy, Lia, wala ka namang ginagawa, ikaw na magpunas ditto, ah!" Ani ng kaklase ko
na inabot sa akin ang basahan.

"Huh?"

"Bye! Linisan mo, ah!" sigaw niya at nagsialisan na para manuod ng basketball.

Napasulyap ako sa basahang bilog sa kamay ko at napabuntong-hininga. Nilingon ko


ang quadrangle at wala ng tao maliban sa akin at ang mga booth na abandonado na ng
mga estudyante.

"Ayan lang ambag mo, Lia. H'wag ka na magreklamo." I muttered to myself and began
cleaning our area.

Nasa tapat ng hagdaan papuntang second floor ang booth kaya kitang-kita kung may
aakyat o bababa mula roon.

Pumunta ako sa may counter ng booth at nilinis ang natapong juice bago punasan ang
pansandok nang may maaninag.

My forehead creased when I saw a tall man going down the stairs, nanliit ang mata
ko at napakurap nang matantong si Atlas iyon.

Pumasok pala siya?!

Mayroon siyang saklay, naka-bandage ang paa at nakatungo habang pababa ng hagdan.
He was watching his steps and my heart hammered, afraid he'll missed a step.

Umawang ang labi ko, tatawagin sana ang atensyon niya para matulungan nang bigla
siyang mawalan ng balanse.

"Putang ina!" he screamed and I gasped when I saw how he fell on the stairs.

Tumalbog ang pang-upo niya sa bawat step ng hagdan. Kitang-kita ko ang panlalaki ng
mata niya habang parang bola siyang nahuhulog, ang pang-upo ay bumaba sa bawat
step.

I gasped, napatakip sa bibig nang tulala siyang mapaupo sa pinakahuling step ng


hagdan.

I thought he'll cry because I will, kung mahuhulog ako pero sa halip ay humawak
siya sa pwet niya at inilibot ang tingin sa magkabilang-gilid para tignan kung may
nakakita at nakahinga ng maluwang nang makitang walang tao.

Nahulog ang hawak kong sandok sa gulat, nakaawang ang labi.

Slowly, his eyes landed on me and I saw how his eyes widen in horror when he saw
me.

"O-oh, Lia! N-nakita mo?" he asked, stuttering and slowly, I nodded.


Nagkatitigan kami, akala ko'y iiyak siya o ano pero sa gulat ko ay alanganin siyang
ngumiti at itinaas ang daliri sa may harap ng labi.

"Sshh, secret lang natin..." he chuckled awkwardly and I just blinked and nodded,
dumbfounded.

Chapter 4 - Kabanata 2

Sa sunod pa sana ko a-update kaso kawawa na pwet ni Atlas hahaha! Enjoy!

xxx

Kabanata 2

Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos kong makitang lumagapak siya sa ibaba.

Tutulong ba ako...o magpapanggap na wala akong nakita?

Lumapit ako, nakanganga lang siya sa akin doon, mukhang nakakita ng multo.

"A-ayos ka lang?" nag-aalangan kong tanong.

"Y-yeah? May nangyari ba?" parang walang alam niyang tanong, sumubok pang tumayo
kaya halos takbuhin ko siya at tulungan.

I held his arm, he groaned and cursed.

"Tang inang hagdan 'yan," he muttered.

I lowered my body, dinungaw ko siya at kumalabog ang puso ko nang magtagpo ang mata
naming dalawa.
"Ayos ka lang?" I asked again.

"Y-yeah," he licked his lip, ngumiwi nang sumubok tumayo pero biglang ngumisi sa
akin.

"May nakita ka, Lia?" he asked and I blinked, still confuse.

"Huh?" I asked.

His lips protruded, mailalim niya akong tinitigan kaya suminghap ako at mabilis
umiling.

"W-wala naman, mayroon ba?" I asked, kunwari ay walang alam.

I saw his lip twitched, "good girl, secret lang natin, huh?"

He muttered, his eyes are dark and wicked, may ngisi ang labi na para bang isang
dark secret ito sa aming dalawa.

"O-okay," I said. "Wala nga akong nakita, eh."

Nagkatinginan kami ulit at tumaas ang sulok ng labi niya, he suddenly laughed and I
found myself smiling too, bigla na rin natawa sa kanya.

Tawang-tawa ako sa kalakohan, bigla kong na-imagine ang pagtalbog ng pwet niya sa
hagdan kaya mas natawa pa ako.

Huli na nang matanto kong tumigil na sa pagtawa si Atlas. I froze when I saw him
staring intently at me, his black eyes are looking at me like he's amused.

"B-bakit?" tumikhim ako.


"Nothing," he tilted his head. "You're beautiful."

Natigil ako, napakurap at hindi na alam ang gagawin bigla. Natulala lang ako sa
kanya, dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko, tila hinhalukay ang tiyan ko kaya
napalunok ako.

"Oh, Atlas! Kanina ka pa--"

"Shit!" I almost screamed when Atlas cursed, bigla niyang hinatak ang baywang ko
kaya nahulog ako sa kanya.

My eyes widen when my chest fell against his, napahiga siya habang nakadapa ako sa
dibdib niya, ang hagdan ay nasa may likod lang.

Our eyes met again, ilang beses na kaming nagtitigan pero ang ganitong kalapit ay
nakakapanibago.

Napalunok ako, nagdikit pa ang ilong naming dalawa at para na akong hihimatayin.

Natulala rin siya sa akin at bahagyang nanlaki ang mata.

"O-oh...anong mayroon?" may narinig akong halakhak at bago man ako atakihin ko ano
ay humawak ako sa dibdib ni Atlas at iniangat ang sarili ko.

Mabilis kong inayos ang palda ko, nahihiya pang nag-angat ng tingin sa dalawang ka-
basketball team ni Atlas.

"Ayos ka lang?" napasulyap ako sa isang lalaki na tinulungan itong tumayo sa


pagkakasalampak.

"Yeah," tumikhim si Atlas at nagkatinginan kaming dalawa.

"Bakit ka nand'yan sa lapag?" Josh asked, isa sa ka-team niya.


"Ah, natumba kasi si Lia, tinulungan ko lang." Palusot niya at nagkatinginan kaming
ulit.

"Ayos ka lang, Miss?" Ted asked, mabilis naman akong tumango, medyo gulat pa rin sa
pagkakadikit naming dalawa ni Atlas.

"Oo," I licked my lip and nodded. "Nawalan ako ng balanse tapos tinulungan ako ni
Atlas."

"Oh," tumango pa ang dalawa.

Tinulungan ni Josh si Atlas na makatayo at napuno ako ng pag-aalala nang ngumiwi


siya.

Magsasalita sana ako pero tumingin kaagad siya sa akin.

"Ayos ka lang?" he asked, kinuha niya ang saklay niya roon at nangingiwi pa pero
pumunta sa akin.

I saw Ted looking at me, his eyes are curious yet filled with concern.

"Lia--"

Nawala ang boses niya nang biglang humarang sa harapan ko si Atlas at natakpan ako.

"Sorry," he said in a low voice, only the two of us could hear.

Tumango ako at sumulyap sa may paa niya.

"Ayos..." I looked at his eyes and his lips lifted and he nodded.
"Kasalan 'nung hagdan, sana nag-slide na lang muna siya para hindi ako tumalbog."
He smirked.

Hindi ko alan pero bigla akong natawa, ngumuso siya at nakita ko ang aliw sa mga
mata niya."

"Pumunta tayong clinic?" mahinang sabi ko.

"Hoy, Atlas, nuod ka na ro'n, hinahanap ka ni coach." I overheard Josh.

"Mamaya, wait." Aniya na hindi sumusulyap at halos hindi na ako nakahinga nang mas
inilapit ni Atlas ang bibig sa may tainga ko at bumulong.

"I'm fine, Lia." he whispered, his baritone voice filled my ear. "Sorry too, babawi
ako."

"Hoy, mamaya na 'yan!" napahiwalay siya sa akin nang hilahin ni Ted ang shirt niya
kaya napaatras siya.

"What?" he frowned.

"Hinahanap ka na ni coach, tara!" he said.

Nagkatinginan pa kami muli ni Atlas, nakita kong may gusto pa siyang sabihin pero
hindi na nagawa at napaatras na.

"Bye, Lia." I saw how he flashed a handsome smile.

Magulo ang kanyang buhok, may nahuhulog sa kanyang noo dahil wala ata siyang
suklay.

"B-bye," lumunok ako at unti-unting ngumiti.


Tinulungan kaagad ni Josh si Atlas, nakita kong nagtagal pa ang tingin nito sa akin
kaya muling kumalabog ang puso ko.

"Una na kayo," ani Ted, kapit-bahay namin siya kaya minsa'y nagkakausap kaming
dalawa at nagkakasabay sa tricycle patungong eskwela.

"Bakit?" Josh asked.

"Check ko lang si Lia--"

"Akala ko ba hinahanap na tayo ni coach?" I heard Atlas said kaya napaharap sa


kanya si Ted.

"Mamaya na, Atlas, susunod--"

"Let's go," I saw how his playful eyes turned a bit dark and annoyed.

"Mamaya na nga--"

"Mamaya na 'yan, Ted! Magagalit na si coach!" pasubali pa ni Josh kaya suminghap si


Ted at tumango.

Nakita kong nagtagisan sila ng tingin ni Atlas, I saw him shook his head and
glanced at me.

"Ayos ka lang, Lia?" mabilisan niyang tanong kaya tumango ako.

"Oo," mahinang sabi ko.

"Tara na!" mas kumunot ang noo ni Atlas, parang gusto atang maglakad pabalik na
walang saklay pero napangiwi sa sakit.

"Oo, nand'yan na!" biglang tumalikod si Ted at humabol.


I saw Atlas' last glance before he faded on my sight.

Doon na ako nagpakawala ng malalim na hininga, mabilis akong sumulyap sa smart


watch ko at nagpasalamat sa hindi niya pag-iingay.

Mabilis akong maglakas sa may booth pabalik, mabilis na uminom ng tubig habang
marahang umuupo at sapo ang dibdib ko.

Hindi ko akalaing mararanasan ko pa lang maging gano'n kalapit sa kanya.

Dinama ko ang masarap na sakit sa dibdib ko at unti-unting ngumiti.

Dream come true!

Nang matapos ang paglilinis ko sa booth ay nagdalawang-isip ako kung manunuod pa ba


ako ng game kahit patapos na iyon o uuwi na?

Kinagat ko ang labi at nagdesisyong manuod.

Malakas ang sigawan sa court pagkarating, nagwawala na ang mga tao dahil mukhang
close fight. Mabilis akong nakapasok at pagsulyap sa score board ay lamang ang amin
ng anim na puntos.

Kaagad na napunta ang tingin ko kay Atlas na naroon sa may bleacher, nanunuod,
kunot na ang noo at mas napangiti ako nang makitang akmang mapapatayo siya pero
mauupo kaagad nang matantong may bandage ang paa at mapapakamot sa batok,
nakanguso.

I chuckled knowingly, hindi ko alam kung ano ba ang ipinunta ko rito?

Ang game o...si Atlas?


Nang mag-countdown na ay hindi kami nabigo. We won and I saw how happy the students
are.

Nagtaasan sila ng banner, nagpatuloy sa pag-che-cheer ang mga nasa bleachers at


halos magyakapan na ang mga estudyante.

Sinugod ng team si Atlas na dumaing pa 'nung una pero natawa rin.

"Para sa'yo to, Cap!" they exclaimed at nagtawanan pang lalo sila.

Nakalipas ang ilang segundo ay gusto ko sanang lumapit para i-congratulate siya
pero nang may umupong ka-batch niya sa tabi niya at humawak sa may braso niya ay
nawala ang ngiti ko.

I gulped, glanced at them again and sighed. Tumungo na lang ako at sumabay sa
paglabas ng iilang estudyante pauwi.

"Oh, Argueles? Nandito ka pa? Ano, mag-che-cheer ka rin?" tawanan ng mga seniors
ang narinig ko, lalo na si Catherine na leader ng cheer dance.

"Sayang, tapos na ang laban..." tawa 'nung kaibigan niya pero hindi na ako sumagot,
inayos ang bag ko at tahimik na umalis patungo sa sakayan ng tricycle pauwi.

Kahit hindi na rin kami nakapag-usap ni Atlas ay masaya na rin naman akong nakausap
siya. Nakakagulat iyon! Hiling ko lang noon ay kahit papano'y mapansin pero ngayon,
ngumiti siya at kinausap ako.

May secret pa kami!

Natawa pa ako nang maalala ang pagmumura niya nang tumalbog siya pababa ng hagdan,
nag-alala pa nga ako pero mukhang maayos naman siya kanina sa gym. Humagikhik ako
nang ma-imagine ang itsura niya.

Napatingin ang katabi ko sa akin, nawala ang ngisi ko at tumikhim, kumunot naman
ang noo ng babae na animo'y nawe-weirduhan sa akin.
Pagkarating ko sa aming bahay ay mabilis akong lumabas, inayos ko ang bag pack ko
at pumunta sa bahay pero natigilan nang makitang may sasakyan sa may gilid ng
kalsada.

I saw a familiar man walked towards the car and drove, galing siya sa aming bahay.

Umandar na rin kaagad ang sasakyan paalis kaya ipinagsawalang-bahala ko iyon.

Sa pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Nanay na nag-aayos ng pagkain sa hapag.

"Nay?" I called, mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti.

"Oh, Amalia! Anak, tara at kumain ka muna." Nagulat ako nang makitang maraming
pagkain sa hapag kaya sumulyap ako sa kanya.

"Dami Nay, ah?" pansin ko at ngumisi si Nanay at umiling sa akin.

"Basta, tara at kumain ka na!" lumapit siya, kinuha ang bag ko sa likod kaya
natatawang nagmano ako bago nagtungo sa hapag para kumain.

I don't know but I am looking forward for another day tomorrow, kinabukasan ay
nakita ko ang sarili na nag-aayos at nagsusuklay ng maayos.

Tumitig ako sa sarili sa salamin at napansin ang itsura ko, maputi ako pero iyong
maputlang type. My eyes are kinda chinky, matangkad din, medyo may katangusan ang
ilong at hanggang likod ang itim na buhok. Nakuha ko ang mukha ni Nanay, naalala
kong nakita ko noon ang mga litrato niya at ang tangkad ko kay Tatay.

Matagal na ring wala ang Tatay ko, ni hindi ko na nakilala. Wala ring sinasabi ang
Nanay kaya in-assume ko na lang na wala na talaga siya.

Masaya naman kami ni Nanay kaya hindi ko na siya hinahanap pa. Kontento na ako sa
kung anong mayroon ngayon.
Minsan kasi ang mga tao, hindi nagiging masaya kasi hindi nakokontento. May mga
gusto silang hindi makuha kaya namomroblema, imbis na maging masaya at ma-
appreciate ang mayroon sila.

Sinuklay ko ang tuwid kong buhok at ngumiti sa salamin, I don't look like my age.
Ang sabi ng mga kapit-bahay ay mukha akong matured sa edad ko at napapansin ko nga
iyon. Halos kasing-tangkad ko na ang ibang seniors.

Nang makontento ay dali-dali kong hinablot ang bag ko at lumabas ng bahay.

"Lia, ang gamot mo!" sigaw ni Nanay nang maabutan ako kaya ngumiti ako at kumaway.

"Opo, Nay! Ingat!" kumaway ako at nangingiting pumunta sa tricycle.

"CSU, Lia?" tanong sa akin kaya ngumiti ako at tumango.

Pagkarating ko pa lang sa eskwela ay malaki na ang ngiti ko, I am extra excited


today! Masaya ang pagbati ko sa guard at naabutan pa ang cheering squad na nag-
eensayo ng routine bago ang laro mamaya.

Tinawag ako ng iilang seniors pero hindi ko na sila pinansin dahil ayaw kong masira
ang kasiyahan ko ngayong araw.

Kipkip ko ang bag na nagtungo ako sa quadrangle, wala pa masyadong tao ang mga
booth dahil ten pa ang bukas at nine pa lang, gusto ko sanang maupo muna roon sa
may bench sa gilid pero kaagad na napako ang tingin ko kay Atlas na naroon sa may
malapit sa booth namin.

He is looking around, nakaupo siya sa may hagdan na pinaghulugan niya kahapon, may
saklay pa rin sa gilid niya at naka-bandage ang paa. He's wearing a gray body shirt
and white and black jersey shorts, magulo ang kanyang buhok at bagsak ang mga hibla
sa kanyang noo.

Nakagat ko ang labi, pumipilantik na naman ang bata kong puso.

For years, I watched him afar, tamang silip lang noon sa classroom nila, tahimik na
nag-che-cheer sa mga laro nila.
Hawak niya ang kanyang cellphone, may tinitipa roon. Nakita ko ang mga juniors na
ka-batch kong sumusulyap sa kanya at naghahagikhikan.

"Atlas! Hello!" naglakas loob ang isa na tawagin siya at kawayan.

He almost jumped when he heard his name pero nag-angat ng tingin at tumaas ang
sulok ng labi bago tumango.

Nakita kong nagtulakan sila, ma-swerte siguro ngayon dahil walang umaaligid kay
Atlas dahil maaga pa at mamaya pa magbubukas ang booth.

Binasa ko ang labi ko, pinalakas ang loob at pupunta na sana sa kanya nang humarang
kaagad sa akin sina Mark kaya napatalon na ako.

"Huli ka, Argueles!" ngisi niya.

Napairap na kaagad ako roon. Bakit palagi na lang ako?

"P'wede ba, kayong dalawa, wala nga kasing pa-piyansa sa akin!" paliwananag ko pero
ngumisi lang sila.

"Hindi, ikaw ulit ang una naming preso." Tatawa-tawa nilang sabi.

Kumunot ang noo ko, sumulyap sa requirements nilang huli ngayong araw at napailing.

"Wala naman akong mayro'n d'yan sa requirements, ah?" tanong ko.

"Anong wala, ayan, oh! Relo!" turo nila sa kamay ko kaya umiling ako.

"Hindi nga 'to relo-" pero hindi na nila ako pinatapos at hinila na ako papasok sa
jail booth kuno nila.
Nakagat ko ang labi ko at suminghap, pinasok nila ako roon at nang sumilip ako kay
Atlas ay kinakausap na siya ng mga juniors, pinapalibutan siya sa may hagdan at
tinitignan ang paa niya.

Humaba ang nguso ko roon.

Nakakainggit!

Naupo na lang ako sa upuan doon sa loob habang naghahanap ng ikukulong ang dalawa,
ang aga namang magbukas ng booth ang dalawang 'to! Scammer ata! Para maraming kita
sa huli, ano?

Halos kinse minutos akong tulala at pasulyap-sulyap kay Atlas doon, nakita ko ang
pagtayo niya, may umabot pa ng saklay sa kanya. I saw his manly smirk while saying
his thanks kaya nagbaba na lang ako ng tingin at tumitig sa kamay ko.

Magla-library na lang siguro ako.

"Hanap ka ng pa-piyansa sa'yo," tatawa-tawang silip ni Ray doon kaya umiling ako.

"Ang kulit niyo, wala nga sabing magpa-piyansa sa akin." I said.

"Anong wala? Eh, pinyansahan ka nga ni Monte-"

"Lia?" halos mapatalon ako nang makita si Atlas doon sa may booth! Natigilan siya
nang makita ako at ako rin.

"A-Atlas," I called, nangingiti na hindi ko maintindihan.

Lumapit siya, kumunot ang noo at sumulyap kina Ray.

"Bakit palagi niyong hinuhuli?" kumunot pa ang kanyang noo, mukhang iritado na.
"Eh, may relo!" turo sa akin at umiling ako.

"Sabing hindi nga relo," paliwanag ko pero hindi nila ako pinakinggan.

"Lia," tinawag ako ni Atlas kaya sumulyap ako sa kanya. "May-"

"Uy, tol, bawal makipag-usap sa preso." Hagalpak ni Mark doon at kumunot ang noo ni
Atlas. I saw him licked his lower lip, stared at the requirements at nakita kong
may dinukot siya sa bulsa at inangat ang isang puting panyo.

"Oh, may panyo ako, hulihin niyo na rin." He said at nanlaki ang mata ko.

Nagtawanan sina Ray, pinapasok si Atlas at nang magtagpo ang mga mata namin ay
halos mag-palpitate na lang akong muli.

I immediately saw his grin when he went to me, tumayo naman ako at mabilis na
inasikaso siya at tumulong para makaupo siya sa upuan.

"Thank you," he chuckled a bit at me.

I immediately smelled his scent, nang maupo ako sa tabi niya ay kaagad na nagtagpo
ang mata namin kaya parang may humalukay sa sikmura ko.

He lifted his hand, placing the small part of my hair behind my ear. Nag-init ang
pisngi ko at halos 'di na nakahinga.

"Palagi ka bang hinuhuli rito?" he asked at kaagad akong napasinghap at paulit-ulit


na tumango.

"O-oo," I answered shyly.

Kumunot ang kanyang noo, bumaling kina Ray at Mark na paikot-ikot sa quadrangle at
umiling.
"Grade 10 'yan, 'no?" he asked and I nodded. "Sabihan ko nga."

"Huh? H'wag na..." I said. "Ayos lang, sa susunod hindi ko na lang susuotin
itong..." tumikhim ako at pasimpleng ibinaba ang kamay ko.

I saw him glanced at it but didn't say anything.

"Nando'n ako sa booth niyo kanina pa, inaantay ka." Kaagad na nanlaki ang mata ko.

"Talaga?"

"Well, yeah..." he chuckled a bit. "I just wanted to thank you for yesterday, akala
ko talaga hindi mo nakita na nahulog ako."

Nang magkatinginan kami ay muling bumalik sa utak ko at magkahulog niya kaya sabay
kaming natawa. I saw his eyes smiled too, placing his finger on his lips.

"Secret lang, Lia..." tawa niya.

"Okay, secret lang." I placed my finger on my lips and chuckled too.

Muli kaming nagkatitigan, kita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya at namula
ang tainga niya kaya mabilis siyang nag-iwas. Sumulyap siya sa may harapan at
nagulat ako sa biglaan niyang pagmumura.

"Shit, tago mo ko, Lia!" nagitla ako nang nagsumiksik siya sa gilid ko, nagdikit
ang braso namin at isiniksik ang ulo niya sa may likod.

Nanlaki ang mata ko, marahas akong napalunok nang maramdaman ang hininga niya sa
may likod ko.

"Sabihin mo wala ako!" biglang sabi niya kaya suminghap ako at napansing naroon ang
coach nila sa may quadrangle at nag-iikot, mukhang hinahanap siya.

"S-si coach..." I said.

"Ayokong manuod, gagala lang ako ngayon." Reklamo niya.

I saw Ray and Mark talking to the coach, tinuro nila ang jail booth at huli nan ang
masabi ko kay Atlas dahil naglakad na palapit si coach.

"Hoy, Montezides!" kinalampag niya ang lamesa.

Nanlaki ang mata ko at tuwid pa ring nakaupo, kumapit sa braso ko si Atlas at


nagtago.

"Shit..." he cursed.

"Wala ako rito, coach!" he exclaimed.

Nagkatinginan kami ni coach at napangisi siya bigla.

"Hoy, Montezides, kitang-kita kita r'yan. Sa tingin mo makakatago ka sa laking tao


mo?" his coach hissed.

Slowly, Atlas pulled away, nahuli ko ang ang pag-nguso niya roon.

"Coach!" he whined.

"Oh?" tumaas ang kilay nito. "lumabas ka r'yan at manuod ng practice game para
mamaya! Aba, porket injured ka lalayas ka?"

"Eh, sige na..." he said. "Sa susunod na lang-"


"Sus, para-paraan para makaporma kay crush?" biglang sumulyap sa akin si coach kaya
natigilan ako.

"C-coach!" halos mapatayo si Atlas doon pero hindi nagawa, nanlalaki ang mata at
namula.

"Bakit, toto-"

"O-oo na! Sabi ko nga manunuod na!" biglang kinuha niya ang saklay, hindi na
makatingin sa akin at tumitikhim. "B-bye, Lia, uh, sa sunod na lang..."

"O-okay..." I nodded and watched him leave, inunahan pa paalis ang coach.

I saw coaching smirking, nang magkatinginan kami ay natawa siya at umiling.

"Joke lang, alam mo namang abnoy ang batang 'yon." Iling niya. "P'wede ka na
lumabas, Miss Argueles, na-pyansa na rin kita."

"Po?" nanlaki ang mata ko. "Salamat po."

Saglit akong naglibang sa booth at nagtungo sa library pero sa kasamaang-palad ay


sarado dahil gusto ng office na mag-enjoy muna kami sa foundation.

Mamaya pang hapon ang game, wala rin akong kaibigan na p'wedeng samahan kaya
nagtungo na lang ako sa may garden at doon na lang nagbasa.

Dito ay may mga upuan at lamesa, mabango ang mga halaman at mahangin pa, wala nga
lang silong kaya medyo mainit. Nang mawalan ng gana ay umub-ob ako sa lamesa,
sumulyap sa sinag ng araw na tumatama sa akin at napangiti.

Panginoon, salamat sa bagong umaga.

Hinayaan ko ang sinag na tumama sa mukha ko, ipinaling ko ang ulo at nakaramdam ng
antok. Napapapikit na ako roon at hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
"Shh, h'wag kang maingay! Alis na!" nagising ako sa isang baritonong boses.

Iminulat ko ang mata, napansing malilim na. Wala ng liwanag ng araw na tumama sa
akin. Sumulyap ako sa kabilang parte, may araw sa lapag at siguradong mainit kaya
impossibleng...

Mabilis kong ipinaling ang ulo ko, nanlaki ang mata ko nang makasalubong ang mata
ni Atlas na nasa tabi ko, ang kamay niya ay nakaangat sa ere at may jacket doon na
pinoprotektahan ako sa araw.

Nanigas ako sa pwesto, kita ko rin ang pagpula ng pisngi niya pagkakita ang mata
kong gising na gising na nakasulyap sa kanya.

"A-Atlas?" tawag ko. "Bakit..."

"Uh, ano...pinapainitan ko lang jacket ko, n-nabasa kasi..." he explained at hindi


ako kaagad nakasagot.

He lowered the jacket, hilaw na ngumisi at binasa ang labi niya.

"Mukhang tuyo na, ano, una na ako. Bye, Lia!" he exclaimed, nagkukumahog siyang
patayo, kinuha ang saklay at halos tumakbo pabalik sa university, namumula at
bumubulong sa sarili.

Chapter 5 - Kabanata 3

Double Update! HAHAHA! Updated na rin ang Missing Chances Kabanata 1. This is
unedited. Enjoy!

---

Kabanata 3
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa maliit na medicine kit na hawak ko. May
mga label iyon ng oras ng iinumin at ang pangalan ng mga gamot.

Nakakasawa rin minsan na kailangan kong i-monitor at inumin ito, minsan nga ay
nasusuka na lang ako pero alam ko sa sarili kong kailangan kong inumin. Ayaw ko
namang mag-alala ang Nanay ko sa akin.

Ginagawa niya ang lahat para buhayin ako, ayokong maging pabigat sa kanya. Kapag
natapos akong mag-high school, gusto ko ay kumuha ng medicine-related course para
matulungan ang sarili at ang Nanay.

Kaming dalawa na lang ang magkasama, sino't magtutulungan kung hindi kami lang.

It was hard living like this but I should be thankful because I am still alive.
'Yong iba nga, gustong-gustong mabuhay pero hindi na kinaya kahit ilang operations
at pera ang naiwaldas kaya ang swerte ko pa rin.

Ang swerte kong nagising pa rin ako sa panibagong umaga.

I would never get tired thanking the almighty for waking me up for another day,
it's such a blessing and a gift. Life is a gift kaya ang buhay, dapat iniingatan at
minamahal.

"Lia, magandang umaga!" napangiti ako nang makita ang pagsakay ni Ted sa tricycle.

"Magandang umaga." Ngiti ko sa kanya pabalik, mabilis siyang umayos ng upo sa tabi
ko, nilagay niya ang bag sa may hita at nilingon ako.

"May klase?" he asked and I nodded slowly.

"Oo, English lit. Gusto ni Ma'am mag-klase, eh."

"Oh, foundation, ah?" natawa siya roon. "Sinong prof ba sa inyo?"


"Si Ma'am Santos." Sagot ko sa kanya at umawang ang labi niya at tumango.

"Ay, oo. Si Ma'am KJ." Pagkasabi niya ay natawa ako, nakita ko ang ngisi niya sa
akin doon.

"KJ?" tanong ko, natatawa.

"Oo, no'ng naging teacher namin 'yan kahit foundation may klase!" he said.

Naiiling na natawa ako, "ayos lang naman, gusto ko nga iyong klase niya."

"Oh? Kahit foundation? Dapat nga nag-sasaya ka, eh? Gala kayo sa mga booth kasama
ang kaklase," aniya pero nagkibit-balikat lang ako.

"Wala naman akong nakakasama," tawa ko pa at umiling.

"Friends?" he asked pero maliit lang ako ngumiti at tumitig sa kamay ko.

"Wala," I said. "Pero ayos lang, sanay naman akong ako lang."

Nakita ko ang paglambot ng mata niya, kumunot ang noo niya at handa ng magsalita
pero pinutol ko kaagad.

"So...may laro ulit mamaya?" tanong ko at nakita kong napansin niyang ayaw ko sa
topic kaya tumango siya.

"Oo, mamayang hapon. Ayusin muna namin ang booths ngayon."

Bahagyang nanlaki ang mata ko at na-excite.

"T-talaga?" nang mautal ay tumikhim ako. "I mean...nando'n kayo sa booth ng Grade
11?"
"Oo," sagot niya. "Walang practice game ngayong umaga, pahinga muna sabi ni coach
kaya ro'n muna kami sa mga booth ngayon. Bantay lang."

"Buong..." lumunok pa ako. "Buong basketball team ba?"

"Oo," sagot niya at napangiti ako. "Masaya ka, ah?" biglang pansin niya kaya
tumikhim ako at umiling.

"Wala lang, uh, anong oras ang game?"

"Alas-kwatro ang basketball kaya hanggang alas-dos siguro nasa may quadrangle lang
din kami. Nando'on ka ba sa booth ng Grade 9 mamaya?"

I slowly nodded, "uh, after ng English Lit, pinayagan kasi kong maghanda lang ng
palamig kaya..." napangiti ako.

Pagkarating namin sa school ay hindi mawala ang ngiti ko, nang binati ako ng guard
ay masaya akong kumaway at bumati rin pabalik.

"Saan ang room mo, Lia?" tanong ni Teddy habang naglalakad kami sa school grounds.

"Sa third floor lang, sa may quad?" I said and he nodded.

"Hatid na kita," aniya at bahagyang nanlaki ang mata ko.

"H-h'wag..." I shook my head. "I mean, kaya ko naman."

"No, I insist." He smiled humbly. "Minsan lang tayo magkasabay papasok kaya hayaan
mo na ako."

Gusto ko sanang tumanggi pero nakakahiyang umaway, lalo nan ang makita kong sinsero
naman siya.
"Sige," I answered and flashed a small smile.

Nakita ko ang malaking ngiti niya, masayang tumango at nagitla pa ako nang hawakan
niya ang braso ko ng marahan habang papasok.

"Nice one, Argueles!" napatalon pa ako nang sumipol sina Catherine na nakatambay
doon sa may ilalim ng puno.

Napalunok ako, kinuha ang braso kay Ted na mukhang nagulat din ata.

"Bagay, ah. Ayiee!" I even noticed her smiling mockingly.

"That woman..." Ted muttered pero hinawakan ko ang braso niya at umiling.

"Ayos lang, hayaan mo na." Mahinang sabi ko.

Sumulyap siya sa akin, kunot ang noo pero umiling lang ako ulit at ngumiti.

"Ganyan lang talaga sila. Tara na." Aya ko at mukhang ayaw man ay sumama na lang
siya sa akin.

Naririnig ko pa rin ang kantyaw ng mga Grade 11 pero hindi ko na lang pinagtuunan
at pumasok na. Nakita ko kaagad ang quadrangle, wala pang masyadong tao sa mga
booth pero maingay na ang sa mga Grade 11 at 12.

Napangiti ako nang makita ang basketball team, lalo na nang makita si Atlas na
nakasandal doon sa may pader, nasa gilid ang saklay at nakasuot na itim na shirt at
puting jersey shorts.

I saw him smirked when a girl threw a silly joke, his black eyes glistened a bit
and he laughed. Sinuklay niya ang buhok ng daliri at gumalaw ng bahagya ang panga.
A girl then smacked his arms playfully and he chuckled, winking a bit at her at mas
nagtawanan sila.
I just smiled a bit, hindi ko alam kong nakita niya ako pero nakita ko ang bahayang
pagkawala ng ngisi niya nang dumaan kami.

"Ihatid na kita sa taas." Ani Ted sa akin at nahihiya man ay tumango ako.

"Sige, salamat." Maliit akong ngumiti at sabay kaming umakyat sa hagdan.

Nagpasalamat ako kaagad pagkarating namin sa classroom, wala pa ang teacher kaya
maingay pa rin ang room. Madaming nagrereklamo kung gaano ka-KJ si Ma'am Santos,
nakita ko rin ang tingin sa amin ni Ted nang ihatid niya ako pero wala naman silang
sinabi.

"Sige, salamat." Kaway ko.

"Alright, nood ka game mamaya, ah? Kapag wala ka na gagawin?" ngisi niya kaya
ngumiti ako at tumango.

"Sige, susubukan ko."

"Ako ngayon ang acting captain ball." Tawa niya. "Talo ko 'yon si Montezides."

Natawa na rin ako roon, nang sumaludo siya ay ngumiti ako ng maliit at pumasok na
sa classroom.

Doon ako naupo sa may unahan dahil ang mga kaklase'y naipon sa likod at halatang
labag pa sa loob na may klase kapag foundation. Isa lang naman, ako ayos lang na
may klase, gusto ko naman ng English. Ito at Science ang paborito ko.

Ang ayaw ko ay Math, kinikilabutan ako sa numbers. Para silang may buhay na
dadalhin ko hanggang bangungot.

"Hi, Lia! Paupo, ah?" halos mapatalon pa ako nang may tumawag sa pansin ko.

Nakita ko kaagad si Heart, ang kaklase ko. Medyo kikay ito at sikat sa room kaya
nagulat ako nang tumabi pa sa akin.

Nagulat pa ako pero wala nang nagawa nang naupo na siya sa tabi ko. She flashed a
smile at me, her chinky eyes showed and offered her hand.

"Matagal na tayong magkaklase pero ngayon lang kita nakausap ng maayos." Medyo
natulala pa ako dahil maganda talaga siya at alam kong alam niya iyon. "Ay, kita mo
'tong tint ko? Bago lang 'to, may extra ako, gusto mo?"

My mouth parted and I blinked.

"Ay, sorry..." she chuckled a bit and covered her mouth. "Masyado ba akong feeling
close?"

"H-hindi naman, ano, nagulat lang..." I said and she smiled at me and moved a bit
and whispered.

"Sorry, but can we be friends?" aniya kaya nanlaki lang ang mata ko.

"Huh? Seryoso?" I asked.

"Ayaw ko na kina Anya." Her forehead creased and glanced at the back kaya
napasulyap ako roon at nakita kong nagbubulungan ang mga dating barkada niya sa
likod at tumitingin sa amin.

"Bakit?" tanong ko. "Eh, 'di ba, kaibigan mo sila?"

"Ex-friends." She quoted. "Ayaw ko ng kaibigang plastic. I don't want people


talking ill about me kapag nakatalikod ako, mga ipokrita."

My eyes widen nang tumalim ang mata niya, napatawa siya roon at biglang kinurot ang
pisngi ko.

"You're pretty, Lia." Tawa niya. "'Di ka lang nag-aayos, maputla. Magkakulay lang
ang pisngi at labi mo ng kaunti, lilitaw ang ganda mo lalo."
Nag-init ang pisngi ko, didn't expect an actual pretty girl would tell me that.

"Saan banda?" natawa pa ako. "Hindi ako maganda."

"You're too hard at yourself." She sneered. "You're actually prettier than these
girls here, trust me."

Nahihiyang umiling ako at mas lalong nahiyang kinakausap niya ako.

"Ikaw nga ang maganda r'yan," I said.

"I know how to emphasize my features kasi," she said, bigla niyang inangat ang bag
at halos magulantang pa ako sa mga beauty products niya. "Ikaw, you have softer and
angelic features, baka maging totoong anghel ka na kapag naayusan ka."

Natawa na ako roon.

"Hindi, ah?" I said.

"Trust me, you will." She smiled at me, "I'll help you emphasize your features,
basta ba payag kang maging friend na ako?"

I froze, nanlaki pa ang mata ko.

Oh my God...magkaka-friend na ako?

"Gusto mo akong maging kaibigan?" gulat ko pang tanong at ngumiti siya at tumango,
inilalahad ang kamay.

"Matagal na kitang gustong magingkaibigan, last year pa no'ng lumipat ako rito kaso
kasi nahihiya ako, 'tsaka ayaw sa'yo nila Anya. Baka kapag kinaibigan kita, ayawin
ka nila." She said.
I stared at her, baffled and shocked. She looks sincere kaya ngumiti ako, may
sayang bumabalot sa puso at tinanggap ang kamay niya.

"O-okay, friends na tayo." I said, smiling.

She chirped. Natawa pa ako nang bahagya niya akong yakapin at nang lumayo siya ay
sumulyap siya sa buhok ko.

"You'll look cute if you'll have bangs," she said and my eyes widen.

"Really?"

"Hmm," she grinned at me. "Baka may crush ka r'yan? Gusto mong tulungan kita?"

Atlas...

I immediately thought of him kaya nag-init ang pisngi ko.

"Ah-huh! Mayro'n, ano?!" she exclaimed kaya halos mamula ako at paulit-ulit na
umiling.

Nakakatuwang may kaibigan, lalo na no'ng activity by partner lang ang pinagawa ni
Ma'am sa amin. Usually, mag-isa lang ako gumagawa pero ngayon ay may kasama kaya
mas napadali kami ni Heart.

Dati, kapag by partner, nahuhuli ko ang mga kaklase kong nagtitinginan kaagad at
siguradong may partner na sila. Ako sumubok pero wala namang may gusto, walang
tumitingin, biglang may partner na sila kaya ako na lang mag-isa kaya masaya akong
may kasama na ngayon.

Kaya kami ang unang pair na pinakawalan ni Ma'am Santos, paglabas ng room ay mas
lumakas ang tugtog mula sa mga booth sa quad. Nakakaindak kaya excited kaming
sumilip ni Heart sa may bintana at dinungaw ang baba.
My mouth parted when the booths are much more lively today, siguro ay dahil nandito
ang buong senior high? Hindi lang ang representative?

"Yeah! Woah! Waste your time ang kanta! Maganda 'yan!" Heart giggled when some
senior high in our university dance troop is practicing in the middle, kanya-
kanyang kuha ng picture ang mga juniors at ka-batch kahit practice lang.

Working full-time at a job you hate

Try'na pay your bills but you're always late

Had a couple dreams back when you was a teen

But responsibilities meant it had to wait

Nagtitiliian na sila roon, may mga nakalabas pa mula sa room na nagtatakbuhan na


bumaba pero ako'y nanatiling nanunuod, hindi sa nagpa-practice ng sayaw pero sa
lalaking nakaupo sa may bench doon sa may gilid.

You got a bunch of friends but you feel alone

They try and get you out but you stay at home

They wanna hit the club but you wanna fall in love

With somebody you can trust 'cause there's been

He's surrounded with his friends but his eyes were on me, nagitla pa ako nang
magkatitigan kami. Nagtatawanan ang mga katabi niya but his eyes remained at me.

Is it me? Pero sa taas siya nakatingin! Sa p'westo namin!


Hindi kaya kay Heart? Sumulyap ako sa kaibigan at nakitang ginagalaw niya ang ulo
at bahagyang sumasayaw at nakikitili sa dance troop na nagpa-practice.

Muli akong bumaling at nakasalubong ang mata ni Atlas na nakatitig pa rin. My mouth
parted a bit when his serious and playful eyes smiled when he smiled.

Nag-aalangan ay ngumiti rin ako, napapalunok ako at mas kumalabog ang puso nang
kumaway siya ng bahagya. I was hesitating at first, afraid that it wasn't me he's
waving at but I find myself waving a bit at him.

I saw Josh saw Atlas waving kaya nanliit ang mata nito at lumapit sa huli, he
followed his gaze but Atlas noticed it kaya mabilis niyang hinila ang tainga nito
para hindi mapatingin sa p'westo ko.

I bit my lip to stop myself from smiling, ibinaba ko ang kamay ko at nangingiting
pinagmasdan si Atlas na binabatukan si Josh na pilit na sumusulyap sa kung saan man
siya kumaway.

"Hoy, Argueles! Tumulong ka sa booth!" biglang sigaw ng vice president ng room kaya
nawala ang tingin ko kay Atlas at bumaling.

"O-oo, sige..." I nodded.

"Tara, Lia! Nood tayo sa baba!" mabilis na sabi ni Heart at hinawakan ang pulsuhan
ko.

We made our way to the quadrangle, nag-iingay na ang mga seniors at juniors, ang
section lang namin ang may klase kaya hindi na nakakagulat na nagsasaya sila roon
sa baba ngayon. Kaagad na nagsalubong ang mata namin ni Atlas pagkababa namin ni
Heart, halos mapatayo pa nga siya pero may binulong sa sarili at nakangiwing
napaupo sa bench pabalik.

Maybe he forgot na pilay siya ngayon?

Natawa na lang ako, nagpahila kay Heart sa booth at saktong pagdating namin ay
natapos ang mga dance troop at nagsibalikan na sa booth ang mga tao. Ang sa Grade 9
ay mga drinks, sa 10 at 11 ay ibang pakulo, may mga jail booth pa, mga kakanin at
foods, sa Grade 12 ang mga wedding booth, pati ang horror house ay sa kanila.
"CR lang ako, Lia." Paalam ni Heart kaya nakangiting tumango ako at nag-asikaso sa
booth.

"Oh, ikaw dito." Halos ihagis na sa akin ni Anya ang sandok sa may palamig at nang
makuha ko iyon ay pairap siyang umalis.

Nanatili akong nakatayo habang nag-iikot na ang mga kaklase sa mga booth. Halos
iwanan nila ako pero mas okay na walang tao ang booth at tahimik ang buhay ko. Ang
barkada ni Anya ay nagre-retouch sa gilid dahil pupunta raw sina sa may mga senior.

"Si Atlas nand'yan!" I heard her exclaimed, mas kinukulayan ang labi. "Maganda na
ba ko? Lalapitan ko lang, tanungin ko kung ayos na ang paa."

Mas gumanda siya sa pulang labi.

My lips protruded, napahawak ako sa labi kong maputla raw sabi ni Heart at wala sa
sariling napasulyap sa pwesto nila Atlas. Catherine is beside him, mukhang may
sinasabi, malaki pa ang ngiti at mukhang kinikilig pero mukhang walang pakialam si
Atlas.

His hand is resting on his uninjured feet, bahagyang nakapahalumbaba at


pinaglalaruan ang ibabang labi habang nakatitig sa akin. My heart almost jumped,
nag-init ang pisngi ko at mabilis na ibinaba ang daliri sa labi.

I saw his lip twitched, napapangiti siya at halos manghina ang tuhod ko nang bigla
siyang kumindat.

Nag-init ang pisngi ko at nanlaki ang mata, humigpit ang hawak ko sa may booth at
napakurap-kurap. Napapangisi siya pero pinigil at kinagat ang ibabang labi.

He looked so amused at me pero nawala ang atensyon niya nang tapikin ni Catherine
ang balikat niya. Napabaling siya at nakinig sa sinabi nito. I saw Catherine put
her hair behind her ear, mukhang nagpapa-cute kaya kumunot ang noo ko.

"Akala mo kagandahan," I whispered, annoyed.


"Oo nga, eh, pangit naman." I heard a voice.

"Tama..." I agreed.

"Mas maganda ka pa r'yan, Lia, sinasabi ko sa'yo..." halos mapatalon ako at nanlaki
ang mata nang makitang nakangisi si Heart sa likod ko.

"A-anong..."

"Atlas pala, ah?" she teased.

"H-huh? A-anong sinasabi mo r'yan?" I muttered and she grinned at me.

"Bobo talaga nitong si Montezides, ayaw gumalaw. Ang tagal-tagal na." She
whispered.

"Huh?" I asked, confused.

She grinned and winked at me, "wala, sabi ko, baliw 'yang pinsan kong may katok sa
utak. Si Kuya Damon lang ata matino sa kanilang magkakapatid."

Halos mawalan ng kulay ang mukha ko, "ibig mong sabihin..."

"Ah, pinsan ko." She smiled. My mouth parted, kumalabog ang puso ko at suminghap.

"A-ano, h-hindi ko naman gusto—"

"Sus, patola." She pinched my cheek. "So cute, Lia. Don't worry, 'di ko sasabihin,
s'werte naman ni Atlas kung malalaman niyang crush mo rin siya."

"H-huh?" napasinghap pa ako.


"Wala!" tawa niya sa akin at umiling, nagulat ako nang kumaway siya at ngumisi.
"Hoy, Montezides! Bili ka naman dito sa booth ni Lia!"

"Heart!" I exclaimed, mabilis na napalingon at nakitang papalapit na nga si Atlas


sa amin.

Nag-init ang pisngi ko, gusto magtago pero ang walang-hiyang si Heart ay ngumingisi
na roon. Gusto ko sanang tumakbo sa kanya palayo pero mas nakakahiya iyon, baka
malaman niyang gusto ko talaga siya!

Parang tuod akong nakatayo roon, si Atlas ay lumapit at naamoy ko kaagad ang
perfume niya.

"Hi, Lia, good morning." He smiled handsomely pero hindi pa ako nakakangiti pabalik
ay malakas na tili ni Heart ang narinig ko.

"H-Heart!" I secretly pinched her waist and she smirked and winked at me.

"Yow, insan!" she greeted.

Atlas frowned a bit at her, "anong ginagawa mo rito?" he hissed.

"Wala, masama?" she said proudly and took my wrist. "BFF na kami ni Lia, bakit?"

Atlas frowned more, bumaling siya sa aking natulala lang at nakita kong medyo
lumambot ang mata niya.

"Inaaway ka ba nitong babaeng 'to?" he asked and I immediately shook my head.

"Friend ko," I said and I saw how his eyes widen.

I saw him smirked, napansin ko ang saya sa mata niya bago bumaling kay Heart na
nakangisi habang hawak ang pulsuhan ko.

"You are?" he glanced at his cousin who nodded.

"Sorry, BFF na kami ni Lia. Shoo! Umalis ka kung hindi ka bibili!" she exclaimed
and I chuckled when Atlas frowned.

"Bibili ako." Aniya at sumulyap sa akin bago ngumiti. "Ikaw ba ang mag-se-serve,
Lia?"

"Uh, oo..." I said, "ako naka-schedule."

He nodded, I saw him glanced at Heart. They exchanged looks at nahuli ko pa ang
pagtango ni Heart bago ko bitawan.

"Oh, siya, na-C-CR ako ulit. Bye, enjoy!" umawang ang labi ko, balak sanang hindi
paalisin si Heart pero tumakbo na siya paalis kaya napasulyap na lang ako kay Atlas
na nakatitig lang.

"U-uh, anong gusto mo?" I asked shyly and his lip twitched.

"Ikaw." He said.

My eyes widen, marahas na naramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko.

"H-huh?"

He licked his lower lip and I saw him blushed, tumikhim siya at nag-iwas ng tingin,
sumulyap sa mga palamig sa harapan.

"Uh, i-ikaw? Ano sa tingin mo ang masarap?" he asked at nagpa-panic na tinuro ko


ang isa roon.
"P-pandan, masarap." I said.

"Paborito mo ba 'yan?" he glanced at me at tinuro ko ang melon.

"Hindi, ito." I said. "Masarap din ang melon."

"Gusto ko 'yan," aniya at sumulyap.

"Melon?" tanong ko at tumango siya.

"Oo, gusto ko 'yong paborito mo." He said.

My heart jumped, natatakot pa ako no'ng una na baka mag-ingay ang smart watch ko
pero hindi kaya medyo nakalma.

"O-oh, hi, Atlas!" napasulyap ako sa likod at nakita kong naroon na si Anya at ang
barkada niya.

"Hi," I saw Atlas' small smile.

"Ayos na ba ang paa mo?" Anya asked softly.

"Uh, oo, p'wede na siguro maglakad next week." Aniya at sumulyap sa akin.

"Melon na lang, Lia." He smiled softly.

I nodded, binuksan ko ang container at inabot ang sandok pero nagitla ako nang
bigla akong hinawi ni Anya, sa gulat ay napaatras ako.

"Ah, melon? Ako na!" she presented herself.


I saw Atlas' face hardened, mabilis na kumunot ang noo niya at bumaling kay Anya.

"What are you doing?" he asked coldly.

"Uh, ako na ang magse-serve sa'yo!" Anya said happily.

Atlas looked like he's annoyed and mad, he licked his lower lip and shook his head
at Anya.

"No, why are you pushing Amalia?" he asked sharply and my mouth parted.

What...

"Harang kasi, ako na ang magse-serve—"

"No, si Lia ang gusto ko." He said coldly.

My eyes widen, nakita ko ang pagkatulala ni Anya at ang sikuhan ng barkada niya.

"But I can serve—"

"I want Amalia, Miss." He smiled coldly, halos kilabutan din ako roon. "If you'll
excuse her? I'm thirsty."

She looks dumbfounded but didn't say anything, tumalikod siyang masama ang tingin
sa akin.

"Ikaw na, Argueles." She hissed coldly and walked away with her friends.

Nagkatinginan kami ni Atlas, lumapit ako at nakita ko ang pagbuntong-hininga niya.


"Are you okay?" he asked.

I nodded, I saw him glanced at my arm, akmang aabutin pero napamura bigla at
napahawak sa saklay.

"Pesteng pilay 'to," he muttered and I just smiled and nodded.

"Ayos lang ako," I said and smiled, silently thanking him for fighting for me.

"You sure?" he asked and I nodded and smiled.

"Oo, salamat..."

Hindi na kami nag-imikan pagkatapos, kinuhaan ko siya ng melon, s'yempre maraming


sahog kasi gusto ko siya. Sinabihan nga ako na kaunti lang ang sahog kapag
magbibigay para 'di kami malugi pero wala, eh.

Atlas 'to, eh. Kung gusto niya bigay ko pa sa kanya itong buong container ng melon!
Treat ko pa!

I giggled, huli na nang matanto ko ang nagawa kaya nanlalaki ang matang sumulyap
ako sa kanya pero wala siyang sinabi at tumaas lang ang sulok ng labi.

"May...gagawin ka ba mamaya?" he asked.

"Huh? Wala naman, kapag naubos na itong mga palamig p'wede na kami mag-ikot." I
said.

"Perhaps," he licked his lip again, medyo namula siya kaya natutuwa ko siyang
pinagmasdan. "Uh, ayain sana kita."

"Saan?" I asked, kunwari'y kalmado pero halos mag-tumbling na sa kilig.


"Nood lang sa game," he said. "Sa may babang bleacher ako pu-pwesto. Uh, is it okay
if you'd watch with me?"

Nanlaki lang ang mata ko at napailing siya kaagad.

"I-it's not like I'm pressuring you!" he defended and blushed more. "Kung ano, kung
gusto mo lang." He asked shyly.

"Uhm, sige..." I said in a small voice.

Para siyang nakahinga ng maluwag, mas lumapad ang ngiti niya. His red lips quivered
and tried stopping his smile but it would just escape. Nagkatitigan kami at sabay
na napatawa.

"Punta na lang ako," I said and he nodded.

"Thank you!" he exclaimed happily. "I'll entertain you, promise. Hindi ka mabo-
bored."

"Hoy, Montezides! Meeting daw sabi ni coach!" ani Josh na biglaang lumapit sa amin.

Atlas' and my eyes met, nakita ko ang saya niya roon.

"Uy, melon, kanina 'yan? Painom, ah?" Josh asked, walang salitang kinuha ang melon
na 'di pa naiinom ni Atlas at mabilis na tinungga.

"Putang ina..." Atlas gasped. "Gago ka, akin 'yan!" he whined at napatawa na lang
ako nang halos ihampas niya ang saklay kay Josh na nabilaukan.

Chapter 6 - Kabanata 4

Kabanata 4

"Hoy, Argueles! Oh, ayusin mo 'yan bago ka lumayas, ah? Mamaya ay iwanan mo 'yan at
lumandi kung saan!" itinapon sa akin ni Anya ang bilog na basahan at mabuti na lang
ay nasalo ko iyon.

"Sige," mahina kong sabi at sumulyap sa mga kaunting lilinisin.

"Siguraduhin mong aayusin mo 'yan, naiintindihan mo?" she even muttered. "Ayaw kong
makikita kang nag-iikot habang madumi 'yan!"

Hindi na ako sumagot, kumunot lang ang noo at nagsimula ng magpunas ng kalat sa
booth namin.

"If you're thinking that Atlas sided with you, h'wag ka ng umasa, naaawa lang iyon
sa'yo." She mocked. "I bet you let him see you touching your chest and pretend you
can't breathe—"

"Bobo mo, Anya. Ikaw ang h'wag umasang papansinin." Mabilis akong napalingon at
nakita si Heart na nakapamaywang lang doon, mukhang kararating.

She's even holding a mini fan at nakatutok pa sa mukha niya.

"So?" Anya hissed at her. "Atlas likes mature girls! Not some weakling—"

"You don't look mature to me," Heart mocked. "You looked immature, sa true lang,
'te, ah? No offense."

Anya's face flushed, umawang ang labi niya at ngumisi si Heart.

"I hate you! I hate you so much! Buti na lang at wala ka na sa barkada!" she glared
at her. "Magsama kayo ni Amalia, losers!"

Nagdadabog na umalis siya at nagkatinginan kaming dalawa ni Heart.

"H-hinayaan mo na sana, 'yan tuloy napaaway ka..." mahinang sabi ko.


"Duh, hayaan mo sila. Mga pathetic losers!" she even muttered and grinned at me.
"Anyway, Lia, done ka na? Hatid na kita sa gym."

Nanlaki ang mata ko, napalunok ako nang matantong ilang saglit na lang ay mag-
uumpisa na ang basketball game.

"P-paano mo nalaman?" tanong ko at nakita kong natigilan siya at kinagat ang labi
niya.

"Ah, ano, narinig ko lang." Sagot niya.

"Pero 'di ba, nag-CR ka?" nangunot ang noo ko.

Namula siya ng bahagya at binaba ang mini fan na hawak niya, kinuha niya sa akin
ang basahan at siya na ang nagpunas doon.

"Heart?" tawag ko.

"Wala, ano, mabilis ako nakabalik kanina. Narinig kong nag-uusap kayo ni Atlas
tapos 'di ako lumapit kasi moment niyo ng crush mo."

Nanigas ako. She grinned at me and I blinked, natawa siya bigla sa akin at
kumindat.

"Don't worry, Lia. 'Di ko naman sasabihin kay bobo 'yon." She smirked.

"Bakit bobo?" I asked and she laughed again, umiiling.

"Wala, inside joke lang. Boploks kasi 'yon, mas gustong titingin sa malayo, kunwari
walang paki tapos kung kailan nakakuha ng tyansa magpapansin ang bagal-bagal."

"Huh?" mas nangunot ang noo ko. "Sorry, hindi ko maintindihan."


"Wala!" she grinned at me, tinapos ang pagpunas at nilingon ako. "Ang sabi ko, mag-
ayos ka na. Game! May lip tint akong maganda! Try mo!"

"Hindi na!" umiling ako at inangat ang kamay ko para ipakitang h'wag na.

"Eh, hindi ka mag-aayos?" namaywang siya sa harapan ko at pinagmasdan ako.

"Hindi..." binasa ko ang labi ko. "Ayos naman 'to, ah?"

"Tss, hindi ayos!" ngumuso siya. "Ang putla mo, Lia. Tara, akong bahala, promise
gaganda kang lalo! Baka ayain ka kaagad sa marriage booth ni Atlas!"

"Huh?!" mas nag-init ang pisngi ko. "Anong..."

"Tara, bilis!" hagikhik niya. "Akong bahala sa'yo!"

Hindi na ako nakatanggi nang hilahin ako ni Heart papunta sa restroom, tumanggi ako
nang lagyan niya ako ng tint pero ayaw niya talaga paawat.

"Manipis lang!" she said. "Promise, hindi mapapansin, parang ano...natural."

"S-sige," tango ko.

Naglagay siya ng manipis na tint sa labi ko, naninibago pa nga ako dahil hindi
talaga ako sanay at first time kong mag-tint. Nagsabi pa siyang lagyan ng kaunti
ang pisngi ko pero tumanggi ako at mabuti'y pumayag siya.

"Powder na lang," sabi ko at tumango siya at ngumisi.

Sumulyap ako sa salamin pagkatapos mag-ayos, medyo nanlaki pa ang mata nang
matantong bagay nga sa akin ang tint.

Sumulyap ako kay Heart na excited na nakangisi, nag-aabang sa reaksyon ko.


"So..." she started.

"Maganda," napangiti na ako roon. "Ngayon lang ako nakagamit nito, salamat..."

"No worries! Maganda ka naman talaga kahit wala iyan! Mas na-emphasize nga lang ang
labi mo! Naku, sinasabi ko sa'yo baka maihi pa sa salawal si Montezides kapag
nakita ka!"

"Heart!" I exclaimed at mas lumakas ang kanyang tawa.

"You really are cute, Lia. Tara, hahatid kita!"

Gusto kong pasama sana sa kanya sa may court pero hindi siya p'wede dahil may date
raw sila ng boyfriend niya kaya pagpasok ko sa court ay parang umaapuhap na ang
dibdib ko.

Para akong hinahabol sa sobrang kaba at hiya, napansin ko kaagad ang paglingon sa
akin ng iilang senior na nakasalubong ko sa court.

"Oh, Argueles. Nakaayos, ah?" ani ng kaibigan nila Catherine, kaklase nina Atlas
nang makita ako.

"Baka may crush," tawa ng isa. "Papaganda si Amalia."

Bigla akong nahiya, I am suddenly in the verge of removing the color in my lips.

"Ah, sina bet mo? Si Johann? Aba, bagay kayo! Nerd siya tapos ikaw—"

"E-excuse po..." I said and lowered my head, suminghap ako, mabilis na nagtungo sa
CR sa may court at mabilis na pinunasan ng panyo ang labi ko.

Hiyang-hiya na naman ako sa sarili at sa kanila.


Masama ba talagang...sumubok maging maganda kahit saglit?

Bagsak ang balikat ko pagkalabas ng banyo, nag-iisip kung dapat pa ba akong tumuloy
sa usapan namin ni Atlas.

Sabihin ko kayang sumama ang pakiram ko? O may pinapautos ang Nanay? O kaya...

"Lia!" halos mapatalon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nang napasulyap sa may
bleachers ay nakita ko ang nakangising si Atlas at kumakaway sa akin.

He's sitting on the lower part of the bench sa kabilang side kung nasaan ako, sa
pagtawag niya ay napansin kong pinagtinginan kami ng mga estudyante pero walang
pakialam ang huli.

He looks dashing while seated there, medyo maayos ang buhok at hindi mukhang
sinuklay lang ng daliri ngayon. Napangiti ako pero napawi rin nang matantong
nahihiya akong lumapit sa kanya.

Napalunok ako, handa na sanang umiling pero masayang tinapik niya ang tabi niya,
sinasabing doon ako maupo.

I looked around, I noticed them looking at me at ayaw kong mapahiya si Atlas kapag
umiling ako at talikuran siya kaya marahang naglakad ako palapit sa kanya.

He's smiling widely, "hi, Lia!" he greeted when I reached him.

"H-hello..." I smiled shyly.

"Upo ka!" aniya at muling tinapik ang kanyang tabi.

Nahihiya man ay naupo ako roon sa tinatapik niya, nahuli ko pa siyang gusting
tumayo para alalayan ako pero biglang naalalang pilay siya kaya ngumuso na lang at
humawak sa braso ko habang papaupo sa tabi niya.

"Sorry, uh, I wanted to help you but..." ngumuso siya sa paa.

"Ayos lang, kaya ko naman maupo." Ngiti ko.

"Hayaan mo, mawala lang 'tong pesteng balot sa paa ko..." may hinanakit pa niyang
sabi at bigla akong napangiti roon.

"Hmm, anong gagawin mo?" I asked.

His lip twitched, nagtagpo ang mata namin at nahuli ko ang kislap sa mata niya.
While looking at his eyes, hindi ko alam pero nawala bigla sa isip ko ang opinyon
ng ibang tao at nangibabaw ang lambot ng tingin niya.

"You'll see," he smiled handsomely again. Nagitla pa at natigilan nang i-angat niya
ang kamay at hulihin ang mga takas na buhok sa may pisngi ko.

Marahang inilagay niya iyon sa likod ng tainga ko, "you'll meet Atlas version 2.0."

That made me laugh, tumalon ang puso ko at nakagat bigla ang labi sa hiya sa
biglaang pagtawa ko.

"Anong...version ba 'yong ngayon?" marahang tanong ko.

"Seven days free trial pa lang," aniya at mas napangiti ako.

"Kapag nag-expire na ang free trial?" I asked.

"Hmm, it'll be your decision if you wanted to try the premium version." He said and
smiled. "It's your decision, Lia, pero tip. Purchase mo na, worth it 'yon."

Nagkangitian kami, saglit na nagkatitigan nang biglang may magsalita sa harapan


namin.

"Uy, Lia, ang sarap ng melon sa booth niyo, ah? Maraming sahog!" Josh suddenly said
kaya napabaling ako sa kanya.

"H-huh?" napakurap pa ako.

"Sabi ko, bibili ako sa booth niyo bukas ng melon. Masarap, eh! Daming sahog, 'yong
gulaman kasi parang puro asukal—"

"Akin lang ang melon!" sabay kaming nagulat ni Josh nang i-angat ni Atlas ang
saklay at ihampas sa hit ani Josh.

"Cap!" sigaw nito at ngumiwi.

Nang sulyapan ko si Atlas ay nakangiwi na, kunot ang noo at masama ang tingin sa
kanya.

"Bakit? Pinalitan ko naman 'yong melon mo kanina, ah—"

"You asshole, ininom mo pa rin ang akin! Pinalitan mo nga, kaunti na lang ang
natirang sahog dahil ininom mong peste ka!" he whined.

I bit my lip to stop my smiles, hinahagip ni Atlas si Josh ng saklay niya at


dumadaing na ang isa.

"Cap! Tama na! Paano ako makakalaro ng maayos—"

"Akin ang melon! Akin!" he hissed, pinagtitinginan na dahil sa ingay niya at mas
nakagat ko ang labi sa tuwa sa kanya.

He's so...adorable.
"Luh, inangkin, 'di mo naman binili lahat—"

"Akin lang ang melon ni Lia!" he hissed and Josh stopped. Natigilan din si Atlas,
sabay silang napatingin sa akin at ako'y napakurap lang at nagtaka.

"B-bakit?" tanong ko.

Biglang ngumisi si Josh, nagpalit-palit ang tingin ko sa kanya at kay Atlas na


unti-unting nilalamon ng pula ang mukha.

"Yieee, Cap—"

"Punyeta ka, gago. Manahimik ka." He said timidly and straightly.

"A-anong mayroon?" I asked, medyo nalilito pang lalo.

"Ah, sabi ni Atlas na sa kanya lang daw ang melon mo—"

"Putang ina mo, manahimik ka!" malakas na hampas ng saklay ang natanggap ni Josh at
dumadaing na ito.

"Cap!" he whined.

Atlas glared at him and showed him his middle finger.

"Fuck you—"

"Montezides!" biglang sumigaw ang coach sa may gilid at nakita kong naiwan sa ere
ang kamay ni Atlas.

Slowly, he added another finger hanggang sa naging peace sign na ito at ngumisi
siyang alanganin kay coach.

"P-peace sign lang, coach! Bakit ka gagalit?" he asked innocently at mas napangisi
ako.

"Nakita ko 'yon!" Coach hissed, napalingon siya sa akin kaya nahihiyang ngumiti
ako. "Oh, and'yan pala si crush—"

"Coach!" halos mapatayo na si Atlas pero napadaing lang nang hindi siya nakatayo.

"Oh, bakit?" Coach grinned.

"W-wala! S-sorry na." Atlas cleared his throat and glanced at me, "okay ka lang,
Lia?"

"Oo naman, ikaw?" I asked, sumulyap pa sa paa niya.

"Aba, ayos na ayos." Josh said and smirked. "Sa kanya nga lang daw ang melon—"

"Damn you, bumalik ka na roon!" Atlas hissed kaya mas napangisi si Josh, bigla
siyang sumaludo sa amin at mabilis na naglakad paalis at bumalik sa court.

I watched Atlas' face and saw him bright red, ngumuso ako at inabot ang pisngi
niya.

"Ayos ka lang?"

"Oo!" his mouth parted and moved a bit, mas namumula na. "Ayos lang, ayos na ayos."

My lips pursed pero sa huli'y napangiti.

Bumaling ako sa court at nakitang naroon na ang kalaban galing sa ibang university,
sina Ted at Josh ay naroon na rin. Ted is watching me kaya ngumiti ako at kumaway.
I saw him smiled, bumaling saglit sa tabi ko at kumaway pabalik.

"Gagalingan ko!" he suddenly exclaimed kaya napangiti ako at nagpakita ng thumbs-up


sa kanya.

"Abangan ko 'yan, ah!" I exclaimed back.

"Tss, mas magaling pa ako r'yan..." mabilis akong napasulyap kay Atlas at nahuli
siyang nag-iiwas ng tingin, nakasimangot pa.

"Hmm?" I hummed.

"Wala," he licked his lower lip and shook his head. "Pesteng pilay kasi 'to."

"Atlas?" tawag ko. Hinuli ko ang mata niya at matamis na ngumiti sa kanya.

"Gagaling ka rin, h'wag kang mag-alala. Ano, uhm, ingat-ingat ka lang palagi para
hindi nape-pwersa ang paa mo. H'wag mong pwersahin."

His eyes soften again and he cleared his throat and nodded, biglang ipinakita niya
sa akin ang isang pink na mini fan kaya sumulyap ako roon.

"Baka ano...naiinitan ka." He said.

"H'wag na. Ayos lang, salamat." Ngiti ko.

"I insist," hindi na ako nakapagsalita at natawa na lang nang buksan niya ang mini
fan at itinapat sa akin. "Ayokong naiinitan ka."

My heart hammered, nagkatitigan kami at hindi ko alam ang dapat mararamdaman. It


was as if I'm flying in air right now.
Nawala lang ang atensyon naming dalawa sa isa't-isa nang mag-announce na simula na
ng laro.

I bit my lip, amoy na amoy ko ang perfume niya sa tabi ko at mas kumalabog ang puso
ko sa hindi masabing kaba at kilig ngayon.

Dream come true, Amalia, ano? Kilig na kilig ka namang babae ka!

I licked my lip, napansing ang mga babae sa bleacher ay nakatingin at nangingiwi pa


sa akin. Catherine with the cheering squad didn't have enough energy at
nakasimangot sa akin pero masyado akong masaya para magpaapekto.

The game started at chill pa lang noong una, kada-minuto ay ramdam ko ang tingin ni
Atlas sa akin. Nahihiya naman ako tumingin dahil baka sabihin niyang patay na patay
ako sa kanya kahit oo nga...

Crush na crush ko siya.

"Lia, oh." May inilahad sa aking pagkain si Atlas kaya sumulyap ako sa kanya at
nakitang chips iyon. "Kain tayo."

Oh my God...niyaya niya akong kumain kasama siya!

"S-salamat..." kumibot pa ang boses ko sa kilig at nanginig pa ang kamay habang


kumukuha. Sa sobrang kaba ko pa at at nabitawan ko ang chips kaya suminghap ako.

"Calm down," he chuckled huskily, humawak siya sa pulsuhan ko para alalayan ako at
mas napalunok na ako lalo.

"S-sorry, ano lang..." I smiled nervously.

"It's okay, I'm shaking too, 'di mo lang napapansin." Aniya at umawang ang labi ko.
He licked his lower lip and smiled shyly, "sige, kain ka muna."

"Salamat..." I said at nakikain sa inilahad niyang chips.

Para kaming nagpi-picnic habang nanunuod, mas nagiging intense ang laro sa mga
sumunod na quarter kaya napapasinghap ako.

"Go, Ted!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw nang na kay Ted na ang bola. He
dribbled it, mabilis na umiwas sa mga kalaban kaya napatili ako.

"Ted!" impit na sigaw ko, biglang napasulyap si Ted sa akin at ngumiti kaya naagaw
ng kalaban ang bola.

Nagmura siya roon at hinabol ang bola at ngumuso ako.

"Tss, feeling magaling..." he muttered beside me. "Dapat sa iba siya dumaan!
Tingin-tingin pa kasi..."

Sumulyap ako kay Atlas na kunot na ang noo, nakatitig sa may court. Nakasimangot at
mukhang bugnutin na.

Kakausapin ko na sana siya nang muling magtilian at na kay Ted na muli ang bola,
mabilis ang bawat galaw niya roon at dinig ko ang tilian, napapapalakpak naman ako
at sumisinghap.

"Ibigay mo kay Josh!" Atlas hissed. "Malapit sa ring, oh!"

But Ted didn't do what Atlas is muttering beside me, nakipagpatintero pa siya roon.

"Go, Ted! Go, Ted! Oh my God!" napatili na ako nang muntik na niyang ma-shoot ang
bola sa ring pero nahawi ng kalabang team.

"Shit, sabing ibigay kay Josh..." Atlas hissed. "Pasikat, tss..."


"Mukhang mananalo naman kayo, eh." I said instead, kinikuha ang atensyon niya.
Halos mapatalon siya nang makita akong nakatingin, nawala ang kunot ng noo pero
mukhang iritado pa rin.

He brushed his hair frustratedly, gumulong muli ang buhok niyang nakaayos kanina,
nahulog ang ilang hibla sa noo. His mouth parted a bit.

"Mas mataas ang score kung binigay niya kay Josh..." he defended.

"Malaki naman ang lamang," I said and smiled. "'Tsaka ang galing ni Ted."

"Mas magaling pa ako r'yan," he muttered a bit but I heard it kaya napangiti ako at
tumango.

"Magaling ka nga," I said and smiled. "Nakita kitang naglalaro at magaling ka..."

He looks stunned, nawala ang kung ano sa mata at tumikhim. "Talaga? S-sinong mas
magaling?"

"Hmm, lahat naman kayo magaling..." I said.

"Hindi p'wede 'yon, s'yempre mayroong mas." He insisted.

"Hmm, paano kung magaling lahat?" I asked again and his brows almost met.

"May mas dapat, Amalia. May pilay lang ako ngayon kaya 'di ko makalaro. Huh, kapag
ako gumaling, mas mataas ang score. Dapat mamili ka. Hindi naman palaging pantay—"

"S'yempre, ano..." natigil pa ako at mas kumalabog ang puso.

"Ano?" he asked playfully, his lip twitched. Tinagilid niya ang ulo at sumulyap sa
akin.
"Ano..." mas nag-init ang pisngi ko sa titig niyang naaaliw.

"Hmm?" smile almost escaped his lips but he stopped it by biting it.

"M-mas ano...mas magaling ka." My cheeks flushed.

Ngumisi siya, napasulyap sa may gilid ko at nakita ko ang unti-unting pag-awang ng


labi niya.

"Atlas—"

"Lia!" mabilis niyang tinabunan ang ulo ko at iniwas ako bago ibinaon sa dibdib
niya kaya napasinghap ako.

Narinig ko ang malakas na kalabog ng bola at sigawan nila.

"Coach!" sigaw nila at nakita kong gumulong ang bola na mukhang tumalbog kung saan.

Nanlaki ang mata ko, mabilis na lumayo sa dibdib ni Atlas at sumulyap sa mukha
niya.

I saw him bright red, nakatulala pa roon, namumula ang ilong niya at suminghap ako.

"A-Atlas, a-ayos ka lang?" nanlaki ang mata ko at natantong natamaan ng bola ang
mukha niya.

"Y-yeah..." he muttered, wala sa sarili at napatili ako nang bigla na lang pumikit
ang mata niya at natumba sa bleachers.

Dinala siya sa clinic na buhat ng stretcher.

Napanguso ako habang nakaupo siya sa hospital clinic, may ointment ang mukha at may
band aid ang bridge ng ilong.

"Bakit kasi ang lakas niyo maghagis ng bola?" pagalit ni coach sa mga ka-team ni
Atlas.

"Sorry, coach, nadala lang..." dahilan nila.

Saglit pa silang nag-uusap doon at nakagat ko na lang ang labi ko bago napasulyap
kay Atlas na natutulog pa rin. Sabi ni Nurse okay naman na siya, malakas lang ang
impact ng tama ng bola sa mukha kaya nahilo at nawalan ng malay.

I sighed, he looks adorable with a band aid but I feel bad for him.

He helped me...he protected me from the ball.

Sa halip na ako ay siya ang natamaan, nagi-guilty ako pero ang kilig ay puno na sa
sistema ko na kahit ilang segundo ata ay sasabog na ako at titili na.

"Miss Argueles, pasensya na...p'wedeng ikaw muna kay Montezides?" ani coach at
walang pagdadalawang-isip akong tumango.

"Opo naman, ayos lang. Ako na po ang bahala." I said.

He smiled, "pasensya na, kailangang ituloy ang game. Balikan na lang kita mamaya."

"Sige po," ngiti ko.

He glanced at Atlas ang shook his head, scoffing. "Itong batang ito talaga, lapitin
ng disgrasya, lutang kasi palagi. Medyo maayos naman ang mga Kuya, napag-iwanan
ata."

Natawa na rin ako roon, "sige, Miss Argueles. Salamat."


Nang umalis si coach ay kinuha ko ang mini fan at itinapat kay Atlas na medyo
pinagpapawisan na. Nasira kasi ang aircon ng clinic kaya medyo mainit, may electric
fan naman kaso medyo malayo sa amin at hindi masyadong abot.

Drops of sweat is on his forehead kaya kinuha ko ang kanyang bimpo at pinunasan ang
kanyang noo at leeg.

"Thank you sa pagprotekta sa akin," ngiti ko habang pinupunasan ang noo niya.

Wala ng plain na band aid kaya pink at may melons na design ang band aid niya, mas
cute kaya napahagikhik ako at pinaraan ang kamay ko sa pisngi niya. Hindi naman
siya magigising, eh.

May mga galos siya, namumula pa ang mukha dahil sa tama sa mukha niya. I caressed
his cheek and bit my lip.

Ang gwapo ni Montezides talaga...mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong at


manipis ang labi. His eyebrows are sloped downwards kaya mas naging seryoso ang
mukha.

I slowly touched the side of his nose, natigil ako at napatitig sa mukha niya.

"G'wapo pa rin naman, 'no?" I froze when his lip suddenly twitched and lifted for a
smile.

"G-gising ka?" my jaw dropped.

He smiled more, his eyes still closed.

"Hindi, tulog ako, Lia. Sleep talking lang." He teased.

Halos sumabog ang init sa mukha ko nang marahang nagbukas ang mata niya at hinuli
ang akin.

"Y-you're teasing me..." I muttered.


"You're adorable," he chuckled huskily and frowned a bit when he moved his face.

"A-ayos ka lang?" I asked worriedly. "S-sorry, ano, sana ako 'yong matatamaan, eh.
Hindi ikaw."

Sumeryoso ang mukha niya at umiling sa akin.

"No," he muttered, sumubok siyang umupo kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya
at inlalayan. "Mas ayos ng ako, h'wag ka lang."

"Careful," mahinang sabi ko.

Sumandal siya sa may bed at ngumiwi, I saw him touched his jaw and licked his lip.

"G'wapo pa rin ba, Lia?" he smirked at me and I nodded.

"O-oo naman," I smiled shyly. "G'wapo..."

"I knew it," he shook his head at me. "Tss, ayokong maangasan nila Kuya."

"Bakit?" I asked, lumapit para muling punasan ng pawis ang noo niya at nakita kong
natigilan siya pero mukhang na-excite at umayos pa ng upo.

"Dito pa, Lia, oh..." turo niya sa pisngi kaya ibinaba ko roon ang bimpo.

"Ano kasi, nagpapa-gwapuhan kami nila Kuya." Aniya at napatawa ako roon at sumulyap
sa kanya.

"Talaga?"
"Oo," his lip twitched. "Pero naniniwala talaga akong ako ang pinakagwapo sa aming
tatlo. Sa tingin mo, Lia, ako ba?"

I glanced at his eyes and immediately saw him hoping.

"O-oo naman," nag-iwas ako ng tingin, nahihiya.

"I knew it..." he puffed a breath and sighed. "Pero parang gago lang."

"Bakit?" I asked.

He chuckled a bit, hinuli ang kamay ko at inilapag niya ang kamay ko sa may leeg
niya kaya pinunasan ko ang pawis niya roon.

"Nahihiya na ako sa'yo," he muttered in a small voice.

"Huh? Ba't naman?" tanong ko. "Dapat nga, ako ang mahiya kasi ako dapat ang
matataman pero pinrotektahan mo ako..."

"I just..." he gulped kaya ibinaba ko ang bimpo at pinagmasdan siya. He caught my
eyes and he bit his lower lip.

"Ilang...beses na akong napapahiya sa'yo." He said.

"Huh?" kumunot ang noo ko. "Kailan?"

"Una, 'yong lampa moment ko kaya na-sprain. Tapos 'yong tumalbog ako sa hagdan." He
puffed a breath. "No'ng nakaraan pwet ko lang ang nalamog, ngayon, pati mukha ko
na..."

Napatawa ako bigla, ngumuso siya at humawak sa batok niya.

"Nahihiya na ako..." he whined.


"Sorry!" I exclaimed and chuckled more. "N-natutuwa lang..."

"Turn off ka na, wala na..." he hissed and pouted.

"Huh? Bakit naman ako matu-turn-off?" I asked.

Natigilan siya, ako rin no'ng may natanto at nagkatitigan kaming dalawa. My cheeks
flushed, pinalobo niya ang bibig at biglang suminghap.

"Woah, ang init dito, ah!" aniya at biglang pinaypayan ang sarili, ginalaw niya rin
ang shirt na tila naiinitan nga at napalunok ako, mas kinikilig na kinakabahan.

"O-oo nga, eh..." I said, binuksan ang mini fan at itinutok sa sarili ko.

"Grabeng init! Tss, ayaw ko na sa mundo!" he puffed a breath at para hindi awkward
at halata ako ay tumikhim ako.

"Labas na lang tayo, uhm...s-saan gusto mo?" sumulyap ako sa kanya.

"Sa mundo mo..." he said and we both froze. Nagpigil siya ng ngisi at mas uminit
ang pisngi ko.

Chapter 7 - Kabanata 5

Kabanata 5

"Nay, daming pagkain, ah?" pansin ko nang makitang maraming pagkain sa hapag.

"Ah, kagabi pa 'yan, Lia." Ngiti ni Nanay at inabot ako. "Tira iyan sa kagabi na
kinain natin, tara, anak. Kain ka muna."

Ngumiti ako at tumango, naupo sa hapag habang si Nanay ay naging abala sa pag-aayos
ng mga pinggan.

"Kumusta sa school, Lia?" ani Nanay sa akin.

"Ayos naman po," I smiled, thinking of what happened these days. "Foundation po
ngayon sa amin kaya wala masyadong ginagawa. May mga basketball lang, booths,
volleyball."

She nodded, nakangiting naglagay ng pagkain sa plato ako.

"Masaya ka naman ba? Anong ginagawa mo? Naku, Amalia, ah, makipag-socialize ka sa
mga kaklase mo. H'wag ka palagi mag-library."

"Hmm," nakagat ko ang labi roon. "Actually, Nay, may mga kaibigan na ako."

Naupo siya sa hapag at tumitig sa akin.

"Kinilatis mo ba, anak?" she asked worriedly. "Ang huling mga naging kaibigan mo
'nung Grade 7 tinulak ka sa imburnal."

"Ayo slang ngayon, Nay." Natawa na ako roon. "Lumipat na rin naman 'yong bully na
barkada 'nung Grade 7. Mababait."

"Hmm, anong pangalan?" aniya at napangiti akong lalo.

"Hmm, Heart." Sagot ko at maganang kinuha ang kutsara ko. "'Tsaka Atlas."

"Atlas?" biglang tanong niya kaya sumulyap ako at ngumiti, tumango.

"Opo, Nay. Montezides, 'yong anak po 'nung sa pamilya na pinagsa-sideline-an mo sa


Peñablanca." Sagot ko.

Natigilan siya, nakita kong napainom ng tubig kaya kumunot ang noo ko.
"Ayos lang kayo, Nay?" I asked and slowly, she nodded.

Ngumiti siya at tumikhim, kinuha ang kutsara at nagsimulang kumain.

"Nay?" tawag ko.

"Oo naman, masaya lang ako may mga kaibigan ka." Aniya at ngumiti kaya tumango na
lang ako at mabilis na kumain.

Excited ako pagpasok sa university namin, sa ibang gate ako dumaan dahil nagpadala
si Nanay sa akin ng ulam para sa clinic, kina Nurse.

"Nurse!" I smiled when I saw her, nakaupo lang siya at nag-aayos ng papel at nang
makita ako ay kumaway siya.

"Hello, Lia? Maaga ka, ah?" ngiti niya kaya naupo ako sa upuan sa harapan niya at
binuksan ang bag pack ko.

"Nurse, lunch niyo, oh. Pinapadala po ni Nanay." Ngiti ko at inabot sa kanya ang
Tupperware.

"Oh, salamat, Lia!" she smiled. "Makakatipid ako nito, 'di na ako bibili ng
pagkain." Tawa niya.

"Walang anuman po, kunin ko na lang po 'yong Tupperware." I said and she laughed at
me.

"Oo naman, balikan mo mamaya. Alam mo naman ang mga Nanay..."

"Tupperware is life po," I said at sabay kaming natawa roon. "Naalala ko 'nung 'di
ko inuwi ang tuppeware dati pinagalitan ako. Bilang niya iyon, eh."
Napabungisngis ako nang i-kwento niya rin sa akin ang tungkol sa Nanay niya na
bilang ang Tupperware nila kaya halos kalahating oras ako roon bago pa dumating ang
isang nagpapa-check-up kaya nagpaalam siyang paalis.

Wala kaming klase ngayon. Huling araw na ng foundation kaya malaya kaming mag-enjoy
sa mga booth. Tapos na rin ang basketball at panalo ang university namin at may
volleyball mamaya at kung kaya ay manunuod ako.

Lumabas ako sa clinic at nakitang nagkakasiyahan na ang mga tao sa quadrangle,


malakas ang tugtog. Nagpa-practice na rin ang dance troop para sa sayaw nila
mamaya, may short program kasi bago ang volleyball at magpe-perform sila.

May komosyon sa may booth pagkarating ko, pansin ko kaagad na kulang ang container
kaya kumunot ang noo ko at nagtanong.

"Oh, nasaan na 'yong melon?" tanong ko kina Patrice na abala sa pag-aassemble ng


mga container.

"Ah, may bumili na." Aniya at kumunot ang noo ko, sumulyap ako sa orasan ko at
nagsalita.

"Nine pa lang, ah? Ang bilis?" I asked.

"Dami mong reklamo, at least may bumili 'no." Aniya at umirap kaya ngumuso na lang
ako at tumango.

Tumayo ako sa may gilid at hinayaan siyang mag-ayos doon, inilibot ko ang tingin at
hinanap si Atlas. Sa may booth ng Grade 11 ay naroon ang barkada niya pero hindi ko
siya makita kaya ngumuso ako at humalukipkip.

"Uy, good morning, pabili naman ng melon!" Napaayos ako ng tayo nang makita si Josh
na nakatayo roon sa harap ng booth.

"Anong flavor?" ani Patrice.

"Uh, melon." Ngisi niya bago sumulyap at nagkatinginan kami. "Uy, Lia! Hello!"
"Hi..." ngiti ko at itinaas ang kamay ko para kumaway. "Si At—"

"Wala ng melon, Josh. Ubos na." Ani Patrice kaya nawala ang ngisi ni Josh at
kumunot ang noo.

"Eh? Seryoso? Maaga pa, ah?" aniya.

"Ay, oo. Binili lahat, ibabalik na lang ang container mamaya." Sagot niya ay miski
ako ay nagtaka roon.

"Baka ibibigay sa isang classroom?" singit ko pero umiling sa akin si Patrice.

"Ewan, tanong mo kay Atlas, baka para sa buong basketball team 'yon." Sagot niya.

My mouth parted, si Josh ay napakurap din at nagkatinginan kami.

"Si Cap?" ani Josh at tumango ang huli.

"Oo, pumunta rito sa booth kanina, kinuha ang buong container, pinadala roon sa may
booth niyo."

"Ah, baka sa team...'no, Lia?" ani Josh na may malisyosong tingin, sumulyap siya sa
akin at ngumisi kaya umiling lang ako.

"B-bakit?" I asked.

"Wala lang," ngisi niya at umunat muna. "Sige, 'di muna ko bibili, hingi muna ako
roon."

Sumaludo siya sa akin kaya tumango ako at hinayaan siyang umalis. Sinundan ko siya
ng tingin at nakita siyang naglakad patungo sa booth nila. Tumingkayad pa ako para
masulyapan kung nando'n ba siya o ano...
"Nando'n sa booth nila," halos mapatalon ako nang may bumulong at nakita si Heart
na nakangisi sa akin.

"Uy, Heart..." ngiti ko.

"Hello, Lia. Morning." She said, pursing her pink lips. "Bago kong tint, ganda
'no?"

"Oo," tawa ko. "Bagay sa'yo."

Ngumiti siya, nilapag ang mabalahibong hand bag sa may upuan at hinarap ako, inayos
niya ang buhok ko at ngumisi.

"So...kumusta kahapon?"

"Huh, wala naman..." my cheeks flushed. "O-okay naman."

Nanliit ang mata niya, she eyed me teasingly, tila nag-aabang sa reaksyon ko kaya
nag-init ang pisngi ko.

"Yieee, mayroon, eh." Ngisi niya sa akin.

"W-wala!" I exclaimed, mas lumawak ang ngiti niya kaya tumikhim ako at nag-iwas ng
tingin sa kanya.

"Weh?" she muttered.

"W-wala nga..." iling ko at napahagalpak siya ng tawa nang mamula na ako.

"Hindi na," tawa niya at umiling. "Joke lang, Lia. 'Di na."
"Pabili na nga lang! Nak ng...napakadamot ni Cap!" sabay kaming natigilan ni Heart
nang kakamot-kamot na bumalik ang nagdadabog na si Josh.

"Oh, Josh?" ani Heart. "Bakit?"

"Tss, 'yong pinsan mo ang damot-damot! Hihingi lang ng melon, eh!" maktol ni Josh
kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Wala, nando'n sa gilid ng booth, katabi 'yong container! Sabi ko pahingi kasi
marami pero ayaw! Siya lang daw ang iinom 'nun!" he exclaimed kaya natigilan ako.

"Isang buong container?" tanong ko at tinuro ang ibang container, "as in ganyan
kalaki?"

"Oo!" he hissed at nanlaki ang mata ko ro'n.

"Ay, oo parang nakita ko..." ani Heart na nagtataka. "Akala ko sa team?"

"Hindi, binili niyang buo! Siya lang daw iinom! Humihingi sina coach ayaw mamigay!"
he muttered and glanced at me. "Sabihan mo nga 'yang si Atlas, Lia! Napakadamot!"
himutok niya.

Umawang lang ang labi ko, nagkatinginan kami ni Heart at ngumuso siya at
humalukipkip sa akin.

"In case...favorite mo ba ang melon?" aniya kay marahan akong tumango.

"Oo?" sagot ko. "Sabi ko lang sa kanya 'nung nakaraan na masarap ang melon..."

"Uh-hmm..." she eyed me maliciously kaya nagtatakang sumulyap ako kay Josh na
bagsak ang balikat at nakatitig sa gulaman.
"Ako na r'yan, Pat." Ani Heart kaya binigay nito sa kanya ang sandok at lumapit kay
Josh.

"Oh, ano sa'yo? Try mo 'yang gulaman, masarap 'yan." Ani Heart kaya suminghap na
lang si Josh at tumango.

Pinagmasdan niya ang gulaman na inaayos ni Heart bago ibinigay sa kanya na kaagad
niyang inabot.

He sipped on it and frowned.

"Luh, bakit walang sahog?" reklamo niya kay Heart na nagkibit-balikat lang.

"Limang piso lang binili mo kaya limang piraso lang ng gulaman." Padarag na sambit
ni Heart at umawang ang labi ni Josh.

"Nak ng..." he hissed. "Madaya! Bakit 'yong melon naman 'nung nakaraan madaming
sahog?"

"Oh? Sino nag-serve?" ani Heart.

"Lia." Tinuro ako ni Josh kaya napabaling sa akin si Heart.

Nag-init ang pisngi ko, nahihiyang dinamihan ko ang sahog para sa crush ko kaya
tumikhim ako.

"Ano...uhm, kay Atlas kasi..." I muttered.

Lumaki ang ngisi ni Heart, sumimangot si Josh at kumamot sa batok.

"Luh, bakit ako?" ani Josh na sumimangot.


"U-uh, sorry, ano, hayaan mo kapag ako ang nag-serve..." nahihiyang sabi ko.

"Dami mo arte, Josh." Heart frowned. "Hayaan mo, next time kapag walang tao rito sa
booth damihan ko 'yang sahog."

"Daya..." he stomped his feet and finished the small cup. "May favoritism ang booth
na 'to!"

"S-sorry..." ngumuso ako.

"Hmp! Ganyan kasi kayo, akala ko friend kita, Lia..." he muttered and rolled his
eyes. "Akala ko lang pala."

"Josh..." lumiit ang boses ko.

"Wow, drama!" ani Heart na sumimangot kaya ngumuso sa kanya si Josh at umirap.

"Heh! Parehas kayo ng pinsan mo, mga madamot!" he exclaimed and walked out,
nagkatinginan pa kami ni Heart at sabay na natawa kay Josh.

He really did buy the whole container? Anong gagawin niya roon? Ang dami 'nun, ah!

Ako ang nagbantay ng booth 'nung umalis ang iba kaya kita ko ang paghangos nang
humahagalpak na si Heart sa akin, namumula na sa kakatawa.

"Shit! Legit, girl! Kalahati na niya 'yong container!" she exclaimed at nanlaki ang
mata ko.

"'Yong melon?!" singhap ko at tumango siya, mas humagalpak at pumalakpak pa.

"Oo! Loka! Bad trip sina coach ayaw mamigay ng melon, nando'n sa tabi niya, may
hawak siyang plastic cup, tungga ng tungga!"
Napakurap lang ako, tawa naman ng tawa sa akin si Heart at napapailing.

"Alam kong bobo si Montezides pero mas bobo pa pala sa inaakala ko," hagalpak niya
kaya natawa na rin ako.

"Ano namang gagawin niya ro'n..." I muttered, "'Di ba siya mauumay?"

"Sa melon mo? Hindi!" tawa niya kaya napanguso ako.

"Saan ba siya?" tanong ko at natatawang tinuro niya ang booth.

"Do'n, sa may tago sa booth nila. Nagsosolo si bobo, halos yakapin na 'yong
container." Aniya sa akin kaya napanguso akong lalo at napatango, 'di alam pero
nangingiti.

Ilang oras pa ang inantay ko bago pa kami nakahanap ng papalit sa magbabantay sa


booth, alas-dose na ng makaalis kami ni Heart sa booth at magkakapit ang kamay na
naglakad.

"Tara, puntahan natin si Montezides!" aniya kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na
umiling.

"H-huh? H'wag na!" I exclaimed yet she grinned at me.

"Nah, hindi pupunta tayo!" aniya na muli akong hinila.

"Heart!"

"Nah, tara na...pigilan mo na kakalaklak ng melon si Atlas at baka ma-empatso!"


aniya at wala na akong nagawa nang hinahin niya ako palapit sa booth nila.

Napatingin kaagad sa amin ang mga Grade 11 pagkarating. Nakita ko ang pag-irap ng
seniors, si Catherine at ang barkada niyang nakabantay sa gilid ay ngumiwi sa akin.
"Hoy, bawala juniors dito, ah!" sita ni Catherine.

"S-sorry—"

"Bakit? Paano mo nasabi? May nakalagay bang for seniors only?" halos tumaas ang
kilay ni Heart kaya nanlaki rin ang mata ko.

"Heart—" pinisil niya ang braso ko kaya nanahimik ako at napatulala lang.

"Wala!" Catherine hissed. "Pero booth namin 'to, mga batang 'to, bakit kayo papasok
sa booth—"

"At bakit? Kakausapin ko ang pinsan ko." Ani Heart na pumilantik pa ang kamay.

"Aba't—eh, bakit kasama pa iyang si Argueles? Hindi naman pinsan 'yan—"

"Dalhin ko raw sabi ni Atlas, bakit?" halos makipagbungguan na ng balikat si Heart


sa senior kaya tumikhim ako at hinawakan siya.

"Heart...h'wag ka na makipag-away." Bulong ko, ngumuso siya at umirap ng halata


kina Catherine at hinawakan ang kamay ko papasok sa booth.

"Bakit hindi?" she muttered. "Huh! Ayaw ko sa mga bully na 'yan, lalo na 'yang si
Catherine, akala mo talaga kagandahan!"

"Maganda rin naman kahit papano," sabat ko kaya napairap si Heart sa hangin.

"Alam mo, Lia, masyado ka kasing mabait kaya inaaway ka." Aniya kaya hinarap ko
siya.

"Ano ba dapat kong gawin? Mag...tataray?" I asked. "Hindi kasi ako sanay—"
"No, I mean lumaban ka rin minsan." Aniya sa akin. "I don't like it when bullies
made fun of people, akala mo perpekto, eh, kulang-kulang din naman ang pag-iisip."

"Sanay na rin naman ako," sagot ko.

'Tsaka bawal akong makipag-away, dapat kalmado lang. Ayaw kong bumalik sa doktor,
sayang na naman ang pera ni Nanay sa akin.

"But you still should fight, lalo na kapag alam mong may mali sila." Aniya at
suminghap, "pero sabagay, mabait ka kasi, 'di bale, dito naman ako, ako magiging
shield mo."

Natawa naman ako roon at ngumisi rin siya sa akin.

"Tara na, puntahan na natin si bobo!" aniya at hinila na ako.

Kumakalabog ang puso ko nang makapasok na kami sa booth mismo at kaagad na nahuli
ng tingin ko si Atlas na nakasandal sa may gilid, sa tabi niya ay ang paubos ng
melon at may hawak na plastic cup.

Bagsak ang kanyang buhok sa noo, nakasuot ng simpleng gray shirt at jersey shorts
na itim, naka-bandage pa rin ang paa at nakapikit. Kita ko pa ang band aid sa may
bridge ng ilong niya.

I saw him lifted the cup with juice, drink it with his eyes close, napahawak pa sa
t'yan.

"Hay, bobo talaga..." Heart sighed, napamulat ng mata si Atlas at nang


magkatinginan kami ay nabuga niya ang kaunting iniinom.

He coughed hard, nanlalaki ang matang tinakpan ang kanyang bibig. Humahagalpak
naman si Heart doon at napasinghap na ako roon at lumapit.

I sat beside him, hinaplos ko ang likod niya at mas napaubo siya.
"A-ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko at hinaplos muli ang likod niya.

He looked so tense, takip ang bibig ay lumingon siya sa akin at nagkatitigan kami.

Ibinaba niya ang kamay at tumikhim, "s-sorry, uh, nagulat lang..."

"Ayos ka lang?" marahan kong tanong.

He nodded, nakaawang pa rin ang labi kaya napalunok ako. I slowly touched his hair,
magulo iyon kaya medyo inalis ko sa kanyang noo at nakatulala lang siya sa akin
habang ginagawa ko iyon.

"Luh, ano 'yan, rom-com?" mabilis na naibaba ko ang kamay ko at napatikhim,


napalingon at nakitang nakasimangot na si Josh na kakapasok lang.

"Gago, epal..." binatukan siya bigla ni Heart kaya bumaling ito sa kanya.

"Ano na naman?" he hissed.

"Tara na, h'wag kang istorbo. Dumidiskarte ang pinsan ko!" she muttered.

My eyes widen, si Josh ay napasulyap kay Atlas na nakasimangot na at kumarap.

"O-oh, gano'n ba?" he smirked, napasulyap sa container. "Oh, may tiring melon, akin
na lang—"

"Lalayas ka o ihahagis ko 'to sa mukha mo?" Atlas hissed kaya sumimangot ang huli.

"Damot! KAunti lang—"

"Tara na, Josh. H'wag ka na mag-inarte!" Heart hissed. "Tara, libre na lang kitang
kwek-kwek."

"Talaga?" ngisi ni Josh and Heart smirked.

"Tara!" Aya niya. Napatawa na lang ako nang mauto niya si Josh, inakbayan siya ng
huli at sabay silang lumabas, nag-aaway pa ng palihim.

Nang mawalan ng tao ay doon ko lang napansing nakatingin na sa akin si Atlas, I


slowly glanced at him and saw his black eyes staring at me.

My heart hammered, parang nag-init ata ang pisngi ko nang bigla siyang ngumiti sa
akin.

"Masarap 'yong melon mo," aniya.

Nakagat ko ang labi at sumulyap sa container sa tabi niya, "talagang...inubos mo?


Ang dami no'n, ah?"

"Hmm, sabi ko sa'yo, akin lang 'yong melon." He smiled handsomely, his lips lifted
and his jaw was emphasized more.

Malambing at expressive ang mga mata niya, he lifted his hand and placed a small
part of my hair at the back of my hair.

I noticed he liked doing that, parang mas gusto kong guluhin ang buhok ko para
ayusin niya ulit.

We stared at each other and I smelled his perfume, he bit his lip and glanced at
his stomach.

"Nabundat na ako, Lia." Reklamo niya at hinawakan ang t'yan niya.

My lips pursed, natatawang sumulyap sa kanya at nailing.


"Ikaw kasi...bakit mo inubos?" he took my hand, marahang inilagay din sa t'yan niya
at napatawa ako nang matantong medyo may laman na ang t'yan.

"Ang kulit mo!" tawa ko. "May bilbil ka na, oh!"

"Madamot kasi ako, Lia." He said. "Kapag sa'kin, akin lang dapat."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin talaga pero nag-init ang pisngi ko at tumango
na lang.

"Well, ako rin." Nahihiya kong sabi. "Kapag ano...kapag sa'kin, akin lang dapat."

"You don't share, huh?" he smiled wickedly, halos manliit ang amused na mga mata
kaya nahihiyang tumango ako.

"Hmm, d-depende sa ise-share, s'yempre minsan magse-share din pero kapag


ano...hindi." I said.

"Ano?" he asked and my lips protruded. Nag-init ang pisngi ko nang kalabitin niya
ang chin ko at tinagilid ang ulo. "Hmm, Amalia? Anong...'di mo i-se-share."

"K-kapag s'yempre ano, gusto ko...'di ko i-se-share." I said and lowered my head.

"Hmm, interesting. Ako ba, hindi mo i-se-share?" he asked playfully kaya nag-angat
ako ng tingin at marahas na umiling.

"S'yempre hindi!" agresibo kong sabi at nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

Nanlaki na ang mata ko nang kinagat niya ang labi, natatawa na.

"I-I mean...ano, ako ba, kunwari i-se-share mo?" I asked and he shook his head,
biting his lower lip.
"Hindi, akin ka lang din..." sagot niya kaya mas naging marahas ang kalabog ng puso
ko.

Nagkatinginan kami at nakita ko ang pagpula ng pisngi niya at ang paglunok, nag-
iwas ng tingin.

"Ano, kumain ka na?" I asked to avoid the awkwardness.

"Luh, pa-fall si Lia..." he said and smiled.

"Hmm?"

"Wala," he chuckled. "Sabi ko, hindi pa ako kumakain. Sabay na tayo?"

Nanlaki ang mata ko at napasulyap sa kanya.

"Hindi ka sasabay sa mga kaibigan mo?" I asked and he shrugged and shook his head.

"Nah, ikaw naman talaga balak na kasabay ko ngayon." Aniya, "tinatapos ko lang
itong melon tapos pupuntahan na kita sa booth."

"Bakit ako?" I asked.

"Bakit hindi ikaw?" ngiti niya at natigilan ako roon.

He smiled and shook his head at me.

"Adorable," he muttered, smiling. "Tara na, Lia, kain tayo."

"Uhm, may dala akong lunch, pa-baon ni Nanay. Marami 'to, baka gusto mo?" I asked
and his eyes brightened as he nodded at me.
"Sure!" he said and we both smiled.

I helped him up, hihirit pa sanang uubusin ang natirang melon pero hindi ko na
hinayaan at baka sumakit na ang t'yan niya. We both went out of the booth and I saw
the stares from the students and seniors.

Umirap pa si Catherine kaya nag-iwas ako ng tingin at inalalayan si Atlas para


makapunta kami sa may field at makakain.

Mahangin nang makarating na kami sa field kung nasaan ang soccer ginaganap kapag
may laro, wala masyadong tao kaya masayang mamahinga at nasa quadrangle ang mga tao
madalas.

"Atlas?" tawag ko nang magpahuli siya at pinapanuod akong tumatakbo paakyat sa may
lamesa sa ilalim ng puno.

"Una ka na, wait lang." He smiled at me and I nodded.

Mas binilisan kong maglakad patungo roon at hinawi ang buhok kong nililipad ng
hangin. When I reached the table, I saw Atlas staring at me kaya kumaway ako.

"Tara na, bagal mo." Sigaw kong natatawa at tumango siya sa akin na may ngiti.

"Wait, Lia. Una ka na, sandali lang." He smiled at me and I nodded.

Naupo ako sa may upuan at pinagmasdan siyang marahang nag-iiba ng direksyon,


mukhang sanay na sanay na sa saklay niya kaya natawa na lang ako at matamis na
napangiti.

Inilabas ko ang lunch box, maraming laman iyon dahil sa tira na pagkain kanina.
Nakita ko si Manong Fred na nagbebenta ng street foods na may hawak na styro at
sawsawan kaya kumunot ang noo ko.

"Amalia?" he called kaya tumango ako.


"Bakit po?"

"Ah, pinapadala ni Atlas. Bayad na 'to." Aniya at inilagay ang dalawang styro sa
harapan ko.

"Salamat po, si Atlas?" tanong ko.

"Ah, 'di ko alam, pabalik na siguro. May pinuntahan lang sa may garden." Aniya at
tumango ako at ngumiti.

"Sige po, salamat." Tumango siya at umalis.

When he faded on my sight, I slowly touched my heart. I glanced at the bright and
lovely sky, ang masarap at sariwang hangin ay tumama sa mukha ko kaya napasinghap
ako at humugot ng hininga.

Ang ganda-ganda ng umaga.

I closed my eyes.

"Thank you for another day, God. I hope my wishes would come true," I whispered and
slowly opened my eyes and my smile didn't fade when I met his eyes staring at me, I
saw Atlas coming towards me at mas kumalabog ang puso ko.

One wish just came true...

Marahan siyang naglalakad, halos tumakbo naman kaya natawa ako.

"Dahan-dahan! Naka-saklay ka pa, baka madapa!" I exclaimed.

His eyes smiled, napansin ko ang nakaipit na isang rosas sa may labi niya kaya
napangiti akong lalo.
"Careful," marahang sabi ko. Inalalayan ko siyang maupo at nang akmang lilipat na
ako ay mabilis niyang inabot ang pulsuhan ko kaya hinarap ko siya.

"Hmm?"

"Dito ka," he said and pulled me back. Naupo ako sa tabi niya at pinakita niya sa
akin ang hawak na isang pirasong pulang rosas.

"Anong..."

"For you," he smiled and gave it to me kaya nanlaki ang mata ko.

"Sa...akin?" nahihiyang inabot ko iyon. "Saan mo kinuha?"

"Sa garden," ngisi niya at kumurap ako.

"'Di ka pinagalitan?" my eyes widen and he shrugged.

"Hindi ako papagalitan kung hindi malalaman," aniya at kumindat sa akin.

"Loko ka talaga," natawa ako at natawa na rin siya at bumaling sa mga pagkain at
binuksan ang styro.

"Hayaan mo, Lia. Sa sunod 'di na lang pipitasin sa garden." Aniya kaya nangiti ako
at tinulungan siyang magbukas ng styro.

May mga kikiam doon kasama ang ibang street foods. Pinakita ko sa kanya ang ulam ko
at na-e-excite na kinuha niya ang kutsara at inabot sa akin.

"Nagutom akong lalo," he muttered.


"Ay, hala, sorry, isa lang nadala kong kutsara. Bibili na lang ako."

"Nah," aniya at inilagay na ang kutsara sa kamay ko. kinuha niya ang tinidor at
ipinakita sa akin.

"Okay na 'to, I can eat with the fork, tho. Sa'yo na ang kutsara." Aniya at
napangiti na lang ako at tumango sa kanya.

"Salamat..." he smiled and nodded.

Nagsalo kami sa kanin at ulam, tinusok ko ng stick ang kikiam at nakita kong
pinagsasalo ni Atlas ang mga sauce.

"Bakit mo pinagsalo?" I asked.

"Hmm? Mas masarap kasi." Ngiti niya at inilapit sa akin.

"Try mo, masarap." He said and I did.

Pinagmamasdan niya ang reaksyon ko habang nginunguya at nanlaki ang mata ko roon.

"Oo nga!" I said happily and he winked.

"Told 'ya." He chuckled, I was startled when he lifted his hand, removed the stain
on the side of my lips, I saw him placed the finger on his lips and licked it clean
kaya nanlaki ang mata ko.

"Anong..."

"Ah, may kalat kasi." He smiled. "Kain ka pa, Lia."

Nag-iinit ang pisngi ko at kumakalabog ang puso ko pero nagpatuloy ako sa pagkain,
I tasted the sauce and it tasted so good, naubos din namin ang kanin at nag-share
sa tubig na baon ko.

"Ngayon ko lang nasubukan itong sauce na ganito, masarap pala!" masayang sabi ko
pero nawala ang ngiti ko nang makitang nakasandal na si Atlas sa upuan, nakapikit
at hawak ang t'yan niya.

"Atlas?" I noticed sweat falling on his forehead kaya kinuha ko ang panyo at
pinunasan ang noo niya kaya napatalon siya sa akin.

"L-Lia..."

"Okay ka lang?" kumunot ang noo ko.

"Yeah," he nodded, lumunok pa siya at ngumiwi.

"Sigurado ka?" nag-aalala na ako. "Pinapawisan ka."

"Hmm, a-ayos lang, don't worry..." he flashed a smile pero kita ko ang pawis niya
at ang ngiwi niya kaya mas kumunot ang noo ko.

"Hindi, eh." Hinawakan ko ang noo niya at napatalon siya. "'Di ka naman mainit?
Why..."

He gulped harshly, I saw him bit his lip, mukha ng balisa.

"M-may wipes ka r'yan?" he asked.

"Huh? Oo." Sagot ko. "Bakit?"

He looks so embarrassed, namumula na ang mukha niya at nagpapawis lalo. Mas balisa
na siya at suminghap, mukhang kinakalma ang sarili.

"H-h'wag mo akong ikahiya, a-ah?" he muttered and confused, I nodded.


"Okay?" kumunot ang noo ko.

"S-samahan mo ako sa may CR..." he muttered.

"B-bakit?" I asked and he gulped more, frustrated niyang sinuklay ang buhok at
suminghap.

"F-fuck, kasalanan ko 'to, napaka-patay-gutom, amputa..." he cursed.

"Bakit? Anong nangyayari sa'yo?" I asked, worriedly. "M-masama ba ang pakiramdam


mo? Tara punta tayo sa clinic—"

"Promise me na hindi mo ako ikakahiya," aniyang bumuntong-hininga pa.

"Huh? Okay, promise..." sagot ko.

"May sasabihin akong ulit na secret," aniya at tumango ako. He motioned his hand,
lumapit naman ako sa kanya at nakinig sa bulong niya.

"The truth is...na-je-jebs ako..." he whispered awkwardly and my jaw dropped.

Chapter 8 - Kabanata 6

Kabanata 6

Should I be honored na kasa-kasama ko ang crush ko o...matatawa na lang sa


nangyayari sa aming dalawa?

Nakabantay ako sa labas ng banyo na parang sundalo, good thing, may banyo sa third
floor na wala masyadong tao. Dahil na rin sa may program ay hindi masyadong
maraming estudyante at abala silang lahat sa panunuod.
I couldn't imagine how read Atlas is no'ng sinabi niyang tinatawag daw siya ni
Mother Nature. S'yempre, I was shock, kaagad akong sumang-ayon, binilhan pa siya ng
sabon at inabutan ng tabo at ngayong nakabantay ako sa labas ay 'tsaka ko lang
naproseso at natatawa na.

I bit my lip, nakasara ang banyo at nasa loob siya pero na-i-imagine ko ang pagpula
ng mukha niya habang hiyang-hiya. Nauutal pa nga siya kanina no'ng inabutan ko ng
tabo.

"Oh, Argueles? Bakit nand'yan ka?" nagulat pa ako at halos mapatalon nang makita
ang isa sa teacher namin.

"U-uh, g-good afternoon po." Maliit akong ngumiti.

"Good afternoon, anong ginagawa mo—"

"U-uh, wala naman, Ma'am." Hilaw pa akong ngumisi. "Ano lang po...uhm, may
binabantayan."

"Huh?" kumunot ang noo niya, "anong binabantayan—"

"'Yong Tupperware!" I said out loud and I saw her froze.

"Huh? Bakit?"

"Uhm, I mean, n-nasa kaibigan ko po kasi sa s-senior ang Tupperware ni Nanay kaya
inaabangan ko lang po, ano para 'di ako pagalitan." I said.

"Oh, okay." Tumango siya pero nagmumukhang nagtataka pa rin. "Pero bakit sa banyo,
hija? P'wede namang sa bench—"

"N-nababanyo na kasi 'ko, Ma'am." Wala na akong maisip na sabihin kung hindi iyon.

"Ah, I see..." she eyed me and nodded. "Bumaba ka na lang, hija pagkatapos, ah? May
program sa ibaba at bawal umakyat ang mga estudyante rito."
"O-opo..." lumunok ako. "Sige po."

Nang umalis siya at doon lang ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga,


napahawak pa ako sa dibdib at saktong pagbaba ng teacher ay siya ring pagbukas ng
pinto at napatalon ako at sumulyap doon.

"Atlas...okay na?" I asked.

I saw him gulped, hindi ko makita ng buo ang katawan niya dahil nakadungaw lang
siya sa maliit na siwang ng pinto.

"W-well, yeah..." I heard his awkward laugh. "M-may dumaan ba?"

"Just a professor," sagot ko at nakitang nanlaki ang mata niya.

"W-weh? Saan? Sino? Alam ba niyang na-jebs ako?" he asked, almost hysterical kaya
natawa ako at umiling.

"Hindi, 'di ko sinabi. Ayos lang, bumaba na rin naman. Tara na, okay ka na?" tanong
ko at tumango siya.

Tumitig ako sa kanya, inaantay na lumabas na siya pero nanatiling mukha niya lang
ang nakalitaw doon.

"Labas ka na, bakit ka nagtatago r'yan?" tanong ko pero marahas lang siyang umiling
sa akin at namula.

"Atlas?" tawag ko ulit, nag-aalala na. "Masakit ba talaga ang tiyan mo? Punta tayo
sa clinic—"

"L-layo ka kaunti sa'kin, Lia." Aniyang namumula kaya mas kumunot ang noo ko.
"Huh? Bakit naman?"

"S-sige na, ano, nahihiya kasi ako." Lumiit ang boses niya kaya nanlaki ang mata ko
at marahang umatras palayo.

"Ayos na ba 'to?" I asked and he slowly nodded, marahang bumukas ang pintuan at
marahang lumabas na siya roon.

Gusto ko siyang lapitan para tulungan dahil nahirapan siya sa saklay niya pero nang
maalalang nahihiya siya sa akin ay 'di ko na lang ginawa.

Nang maging maayos siya ay nagkatinginan kaming dalawa, mas namula ang mukha niya
at ngumuso, biglang nag-iwas ng tingin.

"Sinalo ko ata lahat ng kahihiyan no'ng nagpasabog si Lord." Aniya at bigla na lang
akong natawa, sumulyap siya sa akin, his brows met and his red lips protruded more.

"Tawa-tawa ka d'yan..." simangot niya pa kaya mas napangiti ako at napailing.

"Normal lang 'yan, Atlas." I said and shook my head, lumapit ako sa kanya at nakita
kong nanlaki ang mata niya at halos mapaatras pero hindi siya makagalaw kaagad
dahil sa saklay niya.

"H-hindi ah," umabot ang pula sa tainga niya at marahang sumandal sa may pader at
ginilid ang isang saklay.

Muli kaming nagkatinginan, matangkad siya kaya tiningala ko siya at nakita kong may
pawis ang kanyang noo. I sighed, kinapa ko ang panyo sa bulsa ng skirt ko at
inangat para punasan ang kanyang noo.

Nakita kong natigilan siya, napakurap at suminghap pa ng bahagya pero tumitig din
sa akin.

"Ayos na ba ang tiyan mo?" tanong ko bago ngumiti.


"M-medyo?" bulong niya at muling tumitig.

Kumalabog ang puso ko ng mabilis pero hindi ko ininda dahil naramdaman ang ang
pakiramdam na gusto ko.

"Ikaw kasi, inubos mo 'yong melon. Ang dami-dami no'n, Atlas. Ilang estudyante rin
p'wedeng makainom, baka 'di sasakit ang tiyan mo niyan kung 'di ka lang nag-solo,
tapos kumain pa tayo kaya normal lang na tatawagin ka ng kalikasan." Nangingiti
kong sabi at pinunasan ang pisngi niya.

"Yeah, it's normal to burst like that pero 'di normal 'yong ma-tae ka sa harap ng
crush mo." Bulong pa niyang may panibugho na miski ako ay natigilan.

"Huh?" tanong ko, mas bumilis na ang kalabog ng puso na parang sasabog ilang saglit
lang mula ngayon.

"Wala, si Josh kasi..." nag-iwas siya ng tingin.

"Anong mayro'n kay Josh?" tanong ko pa, medyo nanginig ang boses.

"Inaagawan ako sa melon mo eh, akin nga lang 'yan." Kumunot ang noo niya at mukhang
iritado na.

"'Di naman ako ang nag-timpla no'n, paborito ko lang, 'di mo na sana inubos." I
said.

"Basta, akin lang ang melon." Suplado niyang sabi kaya tumango na lang ako at
akmang ibababa ang panyo na ipinamunas ko sa pawis niya pero nahuli niya iyon.

"Bakit?" tanong ko pero tumikhim siya, ang kamay kong hawak ang panyo ay inilagay
niya sa may leeg.

"Ano...may pawis din leeg ko." Aniya kaya tumango ako at pinunasan ang pawis sa
leeg niya.
Ako na lang din ang nakanuod ng program dahil kinailangang umalis ni Atlas dahil
inatake na naman ang tiyan niya, nagpunta pa ako sa clinic para humingi ng gamot
pang-LBM sa Nurse pero hindi effective kay Atlas at sa sobrang kahihiyan niya ay
'di na kinaya at nagpasundo na sa driver nila pauwi sa kanila.

He's cute.

Sa halip na ma-turn-off ay mas nagustuhan ko siya, nakakatuwa siyang kasama, noon


nga noong 'di ko pa siya nakakausap, hangang-hanga na ako, paano pa kaya ngayong
may interaction na kami?

Natapos ang Foundation day at naging abala naman ang buong klase kaka-review para
sa darating na fourth grading examination namin, pagkatapos nito, nasa Senior High
na ako kaya dapat ay galingan ko para makakuha ako ng scholarship kapag nag-
college.

'Di ko rin nakikita si Atlas nito mga nakaraang linggo dahil sa abala ang klase
namin, hindi pa tugma ang schedule namin sa mga Senior High. Ang balita ko kay
Heart ay maayos na ang paa ni Atlas pero 'di ko siya nakikita.

"Ah, halos four days ding wala si bobo." Ani Heart habang nakaupo kami sa library
at nag-aaral para sa exam sa susunod na araw.

"Huh? Bakit? Saan pumunta?" tanong ko.

"Ah, nasa Peñablanca, pinatingin ang paa sa doktor nila roon, nadagdagan ng araw
kasi 'di gumaling kaagad, lakad ng lakad, obob kasi." Humagalpak siya kaya
napangiti ako at nagtanong.

"Anong obob?"

"Bobo," she grinned.

Natawa akong mahina at pinalo ang braso niya, "ang sama mo sa pinsan mo."

"Duh, 'di kaya, nagsasabi lang ako ng totoo, Lia." Ngisi niya. "'Tsaka bully 'yan
si Atlas, akala mo mabait? Nagpapatagisan kami sinong mas bobo sa'ming dalawa. Scam
'yan, nagpapa-pogi points lang sa'yo kasi..."

Ngumisi siya, nag-init ang pisngi ko at tumikhim, nag-iwas ng tingin.

"M-mag-aral na nga lang tayo," iwas ko.

"Weh? Namumula tayo r'yan, 'te?" sinundot niya ang pisngi ko kaya ngumuso ako at
umiwas.

"Heart, ano ba..." I warned, nahihiya pa pero mas lumaki ang ngisi niya at
pumahalumbaba sa tabi ko.

"Tell me, Lia, paano mo nagustuhan si Montezides?"

"Hoy!" my eyes widen, halos tumayo na ako para takpan ang bibig ni Heart at huli ko
nang matantong lumakas ang boses ko at natigilan nang mapansing napatingin sa amin
ang mga estudyante.

"Quiet please!" halos manlaki ang mata ng librarian sa malayo kaya tumikhim ako at
mabilis na tinanggal ang kamay sa bibig ni Heart na nagpipigil ng tawa.

"S-sorry..." tumungo pa ako bago nag-iinit ang pisnging bumalik sa upuan.

"Hala, sumigaw si Miss Argueles...first time." Asar ni Heart kaya nanlaki ang mata
ko at hinampas siya ng mahina at pabulong na nagsalita.

"Ikaw kasi..." I hissed pero mas natuwa siya, sumandal pa sa upuan at pinagmasdan
ako.

"Ano nga kasi, sagutin mo na ako, Lia. Kailan mo nagustuhan si Montezides?" aniya.

"'Di ba dapat nag-aaral tayo?" sinubukan ko pang ibahin ang topic pero persistent
talaga ang kaibigan ko.
"Sus, iniiba ang topic, h'wag ako, Amalia." She grinned.

I sighed, ibinaba ko ang librong binabasa at pinagmasdan siya bago bumuntong-


hininga.

"Kasi si Nanay, nagsa-sideline sa mga Montezides." I said. "'Di ba, may plantation
sila ng gulay?"

"Hmm, tapos?"

"Ano...inutusan ako ni Nanay tapos nakita ko sila no'ng Kuya niya na pinapaliguan
ang kabayo." Sabi ko.

"Oh? Sinong kabayo pinapaliguan? Si Atlas?" she said seriously kaya sumimangot ako
at sinipa siya.

"H'wag mo nga awayin ang Atlas ko..." I hissed quietly and rolled my eyes kaya
halos humalahak na siya, ang tanging pumipigil lang ay ang isiping nasa library
kaming dalawa.

"Ay, shit, may pag-angkin?" she giggled and I stopped, biglang natanto ang nasabi
kaya nag-init ang pisngi at halos ibaon ang mukha sa libro sa harapan ko.

"I-I mean si Atlas." Paliwanang ko at ngumisi siya sa akin, mukhang hindi


naniniwala. "'Totoo nga!"

"Wala naman akong sinasabing 'di 'ko naniniwala, ah?" ngisi niya kaya mas nag-init
na ang pisngi ko.

"Cute mo, Lia." Tawa niyang mahina. "'Di na, sige, tapos?"

"Ano, nakita ko siyang tumutulong sa Kuya niya. H-he looks good too, tapos no'ng
nabigatan akong dalhin 'yong pinapadala ni Nanay ano...tumulong siya."
"Yieee..." she giggled at ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Secret lang, ah?" I said and she nodded, smirking. "Ano, a-aral na nga tayo."

"Okay," sumaludo pa siya at nangingising sumulyap sa libro.

We spent an hour reading, nagpaalam si Heart para umalis at makipag-kita sa


boyfriend no'ng na-bored kaya naiwan ako mag-isa.

Medyo umingay nga lang library makalipas ang sandali at nang sumulyap ako ay nakita
kong may mga pumapasok na Grade 11 doon.

My eyes widen, kaagad na nahuli ng mata ko ang lalaking katatapos lang pumirma sa
log sheet.

He looks great and clean, maayos ang magulong buhok, maganda ang pagkakayakap ng
uniporme niya sa kanyang katawan habang nakasabit sa kanyang balikat ang jacket.
Nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti nang may kumaway na junior sa kabilang dulo.

Wala na siyang saklay ngayon kaya habang nakatayo at naglalakad patungo sa kanyang
grupo ay kitang-kita ko ang tangkad niya. He has that athletic stance and proud
aura, habang nakikita siyang nakipag-apir sa kakilala ay medyo nahiya naman ako.

I sighed, mabuti na lang at sa gilid kami ni Heart naka-pwesto kaya 'di naman
siguro ako makikita, ano?

Sumandal ako sa upuan ko, sinubukang magbasa habang pinagmamasdan siyang maupo
kasama ang mga ka-grupo at ang pwesto'y medyo harap sa pwesto ko.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri, binasa pa ang labi at tahimik na
nakipagbiruan sa mga kasama, pa-simple naman akong napangiti at kinilig sa gwapong
ngiti niya at tila ba'y nagliliwanag ang paligid dahil sa kanya.

His eyes shifted, nagsalubong ang mata namin at napatalon ako at mabilis na
itinakip ang libro sa mukha.
Oh my God, oh my God! Hindi naman niya ako nakita, ano?!

Suminghap ako, mabilis na sumulyap sa relo ko at napailing.

Hindi ka niya nakita, Lia. Hindi!

Marahang sumilip ako at nahuli ko ang mata niyang nakatitig, he grinned, suminghap
ako at muling nagtago at sumigaw sa loob-loob ko.

Nakita na niya ata ako! Nakita na! You're so careless, Amalia!

Narinig ko ang tunog ng hinilang upuan, tumikhim pa ako at bumuntong-hininga.

Aalis na lang ako. Sa bahay na lang ako mag-aaral! Tapos na rin naman ang klase ko!

I'm decided, ibinaba ko ang libro ko pero halos atakihin naman ako sa puso nang
saktong pagbaba ko nito ay siya ring pagsalubong sa akin ng mukha niya.

My eyes widen when I saw him leaning on the desk against me, nakalapit ang mukha sa
libro ko kaya nang maibaba iyon ay halos maglapit na kami.

"Hi, Lia." He flashed a handsome smile.

"H-hi..." I said, trying my best to stay sane kahit sa loob-loob ko ay may Waka-
waka dance na ang mga paru-paro.

Pa-simple kong sinulyapan ang smart watch ko at tumitig kay Atlas.

"N-napadaan ka?" I muttered.

"Na-miss lang kita," he smiled, biglang umupo sa harapan ko at pumahalumbaba kaya


nakagat ko ang labi ko.
"O-oo nga, eh. 'Di kita nakikita nitong nakaraan." I smiled shyly.

"Hmm, ikaw, na-miss mo ako?" he raised his brow.

Napalunok ako, suminghap ako at tumitig sa kanya, nang makitang nag-aantay siya ng
sagot ko at nahihiya akong tumango.

"O-oo, s'yempre..."

"Hmm," he leaned in on his seat and cross his arms on his chest. "S'yempre ano?"

"S'yempre...na-miss kita." I bit my lip.

I saw how his eyes shined, nakita kong nangingiti siya pero pinipigil niya iyon sa
pagkagat ng kanyang ibabang labi.

"Really?"

"Hmm..." I nodded.

"'Di na ako pilay," biglang bida niya sa akin.

"At talagang pipilayan ka ni Ma'am, Cap, kapag 'di ka tumulong sa group work!"
biglang lumitaw si Josh na nakabusangot pero ngumisi nang makita ako. "Oh, hi,
Lia!"

"Hi," I smiled.

"Ang blooming natin ngayon, ah? Parang habang tumatagal—"


"May group work, 'di ba?" Atlas suddenly hissed, tumayo na at lumapit kay Josh.

"Ku-kumustahin lang—"

"Hi, Lia!" biglang lumitaw si Ted na malaki ang ngiti, "sabay ulit tayo uwi?"

"Anong sasabay?" singit ni Atlas kaya napatingin kami sa kanya.

"Sa pag-uwi, magkapit-bahay lang naman kami—"

"May group work daw! Bakit ba kayo nandito?" he spatted, his thick brows almost met
each other.

"Ku-kumustahin nga lang si Lia," ani Ted. "'Tsaka sabay kami—"

"Sumbong ko kayo kay Ma'am, puro kayo chika, sa halip na tumulong sa group work!"
he muttered, annoyed.

"Luh, si Cap..." Josh frowned. "Akala mo siya 'di naunang pumunta—"

"Ma'am, 'di tutulong si Josh at Ted..." pasimula niya kaya nagmura ang dalawa at
sumunod, natawa na lang ako nang ang nakasimangot na si Atlas ay ngumiti nang
mahuli akong nakatingin at kumindat.

"Later," he mouthed and I smiled.

After minutes of reading I felt quite sleep and exhausted, malamig din ang aircon
sa library kaya inantok akong lalo at isinara ang libro.

I rested my head on the desk, sumulyap sa bintana katabi ko at nakita ang araw sa
ilabas. I admired it and muttered a small prayer and found myself dozing off to
sleep.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang kung ano sa daliri ko. My forehead creased,
slowly opened my eyes and a gasp left my lips when I met Atlas' dark eyes staring
at me.

Nakatagilid din ang mukha niya sa lamesa pero nakaharap sa pwesto ko. Kumalabog ang
puso ko, sa gulat ay 'di pa ako nakagalaw kaagad at nanlaki lang ang mata.

"You slept well?" his baritone husky voice stopped me.

"N-nakatulog pala ako..." I whispered. "S-sorry..."

"It's okay." He said in a low voice, ang isang kamay ay inangat para tanggalin ang
iilang hibla ng buhok na nahulog sa aking mukha at inilagay sa likod ng tainga.

"S-salamat," I said, umayos ako ng upo at nagitla nang may kung anong mahulog sa
balikat ko, kukunin ko sana ang nahulog pero 'di ko nagawa nang dumako ang tingin
ko sa kamay kong nasa desk.

It was intertwined with his fingers, nakita kong natanto niyang nakatingin ako roon
at gulat kaya siya na rin ang kumuha ng kamay niya.

"Uhm, malamig kasi ang kamay mo sa aircon, p-pinainit ko lang." Tikhim niya.

"Uh..." I nodded, tumingin ako sa upuan at nakitang jacket niyang itim ang naroon
kaya nilingon ko siya. "Sa'yo ba 'to?"

"Yeah," he licked his lip and brushed his hair. "I saw you shivering and thought I
could lend you my jacket."

Kumalabog ang puso ko sa hindi maitagong saya, kinagat ko ang labi at tumango,
inayos ang jacket at inabot sa kanya.

"Salamat," mahinang sabi ko. "Ang group work niyo?"

"Ayos na," he smiled.


"'Di ka pa umuwi?" sumulyap ako sa orasan at nakitang mag-a-ala-singko na ng hapon.
"Tapos na ang period mo, 'di ba?"

"Well, yeah..." he licked his lower lip. "I should but you're sleeping, I couldn't
leave you here alone."

"Kaya ko naman," I said. "'Tsaka safe naman ditto sa library."

"I know," he pouted a bit. "But I just can't leave you, you look like an angel
while sleeping, I don't have the heart to leave you alone."

Napangiti na ako roon at tumango, "salamat, Atlas."

"Well..." he played with my pen and glanced at his watch. "Pauwi ka na?"

"Oo," I said, inayos ang mga libro ko at inabot niya sa akin ang ballpen ko.

"Uh, before you go, can I at least treat you? Ano, kwek-kwek sa may labasan?" aniya
kaya sumulyap ako sa kanya pagkatapos i-zipper ang bag.

"Para saan?"

"Nothing, kasi 'di ba, we had secrets to keep. Isa pa, ang patapon ko no'ng pilay
pa ako and I'm positive I have ugly and funny perspective inside your head. Baka
na-turn-off ka na nga—"

"I am not," iling ko at nakita kong natigilan siya. Napangisi pero biglang
nagseryoso at tumikhim.

"Kahit na, ano, can I treat you?" he looked so hopeful, his eyes are soft, medyo
nakanguso pa. "Please? Please, Lia?" he showed me pout kaya napatawa na ako at
tumango bago hinawi ang buhok ko.
"S-sige..." I nodded at him.

"Yes!" he said with conviction kaya natawa na ako at tumayo.

He immediately stood too, ipinatong niya ang jacket sa kanyang balikat bago ilagay
ang bag niya roon.

"Give me your bag," he said kaya nanlaki ang mata ko, napakurap pa ako sa gulat.

"H-huh? Hindi na..." marahas akong umiling.

"Come on, Lia." He said, "Sige, ano, kahit 'yong libro mo na lang?"

"Bakit?"

"Because I want to help you carry those," he scratched his head shyly. "Gusto kong
bumawi sa'yo, 'di na ako pilay, I can finally show you my version 2.0."

I remembered it, natawa na ako kaya sumang-ayon at inabot sa kanya ang dalawang
libro.

"Ayan lang, kaya ko naman ang bag." Ngiti ko.

"Yes, Ma'am!" sumaludo pa siya at hinawakan ang siko ko.

Nag-time-out kami sa log book bago lumabas, malamig na ang simoy ng hangin sa
corridor kaya lumipad ang buhok ko, sinakop ko iyon, inilagay sa balikat at
nakitang nakamasid sa akin si Atlas kaya ngumiti ako.

He looks stunned yet managed to smile back, sabay kaming bumaba sa hagdan at nakita
kong napatingin pa ang ibang seniors dahil magkasama kaming dalawa pero walang
sinabi dahil si Atlas ang kasama ko.
Binati siya ng iilang kakilala na nakakasalubong, may mga dumadaang sasakyan habang
papalabas kami ng school at nakita ko ang pagdiin ng hawak sa siko ko ni Atlas kaya
sumulyap ako sa kanya.

"Palit tayo," aniya at nagtaka ako nang inilagay niya ako sa kabila at lumipat sa
kaninang pwesto ko.

Noong una ay nagtataka pa ako pero nang matantong iginilid niya ako sa mga
dumaraang sasakyan ay napangiti.

A gentleman.

Nagtungo kami sa may streetfoods sa may labas ng school, kaunti na lang ang tao sa
mga stall doon kaya lumapit kami para bumili.

"Anong sa'yo?" Atlas asked noong nasa tapat na kami.

"Uhm," sumulyap ako sa paninda at tinuro ang gusto. "Kwek-kwek lang 'tsaka fish
ball."

He smiled and nodded, inilapag niya ang libro ko sa may gilid at nagpresintang siya
na ang kukuha ng pagkain ko, while watching him, I couldn't help it but to like him
more.

This might be just my young heart speaking but the gentleness he's been showing me
is more than I expected him to be.

"Here," he smiled at kaagad kong tinanggap ang plastic cap ang ngumiti.

"Salamat," I smiled.

He nodded, kumuha rin siya ng kanya at napasulyap ako sa puno ng narra at


napangiti, ang sarap ng simoy ng hangin. Mas pipiliin ko pa rin talaga ang
probinsya kaysa sa kahit anong lugar.
"Kuya, dalawang palamig, 'yong melon." Aniya sa tindero na mabilis tumalima.

We began eating, nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na natawa nang mahuli ang
isa't-isang nakanganga at susubo ng kwek-kwek.

"Masarap?" he asked and I smiled, nodding.

Mas masarap kasi ikaw ang nagbigay.

"Oo," I said.

"Fast talk tayo, Lia. Atlas o kwek-kwek?" biglang sabi niya at nagulat ako roon at
napasagot bigla.

"Mas masarap ka, s'yempre!" I exclaimed.

He grinned, nag-init ang pisngi ko at narinig ko ang tawa ng tindero sa aming


dalawa.

"I-I mean..."

"Mga bata talaga," tawa ni Kuya kaya tumikhim ako at kinuha ang melon at ininom.

Atlas' eyes and mine met, may naglalaro pa ring ngiti sa labi.

"Fast talk ko sarili ko, melon o Lia? S'yempre si Lia." He even winked at me at
nakagat ko ang labi ko at ibinaba ang melon.

"A-ano ba!" I hissed and he laughed and pinched my cheek.

"Pinapatawa lang kita," tawa niya at pinagmasdan ako.


I shook my head, "ikaw talaga."

Inayos ko ang plastic cap, kinain ang fish ball na naroon at nakita kong napatitig
si Atlas sa akin pagkatapos niyang kainin ang kwek-kwek.

His forehead creased, kumuha siya ng tissue roon bago lumapit at ipinunas sa gilid
ng labi ko.

"There's a stain," he informed me.

"Salamat," masaya at kinikilig kong sabi.

Nagpa-refill siya ng melon at kinuhaan pa ako ng kikiam naman habang kwek-kwek ang
kanya, nilagyan niya ang akin ng sauce at habang nag-aantay siya ng refill sa
pagkain niya ay inaabangan niya ako.

Kapag may kalat, mabilis na pupunasan niya ang gilid ng labi ko. Noong una ay hindi
ko sadya pero no'ng nagustuhan ko ay sinasadya kong medyo mag-iwan ng sauce sa labi
ko para punasan niya.

Si Amalia pala ay medyo malandi rin, I told myself.

Inabot ni Atlas ang ibinigay na pagkain ni Kuya, he ate the kwek-kwek but noticed
na wala palang sauce ang pagkain niya.

"Stain," he said and wiped the side of my lip.

Bumaling siya sa may sauce pero mabilis akong naglagay ulit ng kaunting kalat sa
may labi ko.

"A-Atlas, uhm, may s-sauce ulit..." I said and he became distracted, bumaling siya
sa akin, ang tissue ay inangat sa may labi ko at habang naka-focus doon, ang kwek-
kwek na nasa stick ay inilagay niya sa sawsawan na hindi tumitingin.
"There,"

"Salamat," I smiled.

He nodded, kinain niya ang kwek-kwek at bumaling kay Kuya at nakita naming
nanlalaki ang mata niya at nakatingin kay Atlas na ngumunguya pa ng kwek-kwek.

"Hijo..." aniya.

"Hmm?" Atlas said and ate another one but froze while chewing it.

"Sawsawan iyon ng sandok, hijo, hindi sauce..." ani Kuya at natulala si Atlas, ako
nama'y bumaba ang tingin sa mga lagayan doon at umawang ang labi nang matantong
tama siya.

"Ay, maling sawsawan. Atlas Montezides a.k.a boplaks..." hagalpak ng tawa ang
narinig namin at nakita ko si Heart sa likuran na humahagalpak at si Josh ay
nakanganga lang sa amin.

Chapter 9 - Kabanata 7

Kabanata 7

Days passed like a bliss, nang matapos ang exams ay nagkaroon kami ng oras
magpahinga. We had days to chill tapos pirmahan na ng clearance at pagkatapos nito
at Grade 10 na ako! Finally!

Ayos naman ang grades ko, sa tingin ko ay ayos din ang exams ko nitong nakaraan
kaya hindi naman siguro ako mahihirapang magpapirma ng clearance.

"Lia, anak, sa Peñablanca tayo magbabakasyon, ah?" ani Nanay habang inaayos ko ang
shirt ko.

"Okay po," I smiled.


"Ang lolo at lola mo ay nagpapabisita, ayos lang din at magsa-sideline muna ako sa
plantation doon. Sa susunod na ako babalik sa palengke, kapag pasukan niyo na
ulit."

"Sige po, papapirma lang naman kami ng clearance tapos okay na. Kung hindi ko
matatapos 'to ngayong araw, Nay, baka mga bukas or sa sunod na bukas." Ngiti ko.

Ngumiti rin siya sa akin, naglakad siya palapit at inayos ang buhok ko.

"Mabuti na lang at kahit tayong dalawa lang, hindi ka nawawalan ng pag-asa, Lia."
She smiled softly, her wrinkle showed a bit but I couldn't deny her beauty.

"Ano ba, Nay," tawa ko. "Habang may buhay may pag-asa, magtiwala lang tayo at
darating din ang araw para sa atin."

She smiled again, nakita kong naluluha na siya kaya ngumiti ako at hinawakan ang
pisngi niya.

"H'wag kang iiyak, Nay..." marahang sabi ko. "Pagkatapos ko ng senior high ay
kolehiyo naman na ako, pagsisikapan kong makakuha ng scholarship sa CSU o kaya kung
papalarin, sa Manila."

"Ang s'werte ko talaga sa anak ko..." she said softly. "Magtatrabaho rin ako ng
maigi para mabuhay tayong dalawa."

"P'wede naman ako tumulong, Nay, eh." I said. "Ayaw mo lang."

"Dahil gusto kong ma-enjoy mo ang kabataan, anak. Time flies so fast, na minsan
hindi na nararanasang magpakabata ng mga kabataan. Sa hirap ng buhay ngayon, sa
batang edad ay marami ng kailangang magtrabaho at ayokong maranasan mo iyon. I want
you to experience the best thing life has to offer and that is the youth."

Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang lambing sa mga mata niya.

"Gusto kong maging masaya ka habang nag-aaral, have friends, have crushes and
love..." nanliit ang mata niya. "Pero hindi ko sinabing mag-boyfriend, Amalia,
huh?"

Doon na ako natawa, yumakap ako kay Nanay kaya niyakap niya ako at tumawa rin.

"W-wala nga ako kahit crush..." sabi ko.

"Tss, naku, Amalia, matuto ka kasing makisalamuha. Ilabas mo ang pagkamadaldal mo."
Aniya kaya natawa ako at lumayo na sa kanya.

"Sige na, Nay. Masyado na tayong nag-da-drama, papasok na ako at baka pagsaraduhan
ako ng gate." Sabi ko at lumapit na sa pintuan.

"Oh, siya, sige. Mag-iingat ka, Lia. Ang mga gamot mo, h'wag tatakbo at h'wag
hahabol sa teacher!" aniya kaya kumaway ako at mabilis na lumabas para pumara ng
tricycle.

"Lia, sabay tayo!" nagulat ako pero napangisi nang makita si Ted na naupo sa tabi
ko sa loob ng tricyle.

"Magandang umaga, Ted!" ngiti ko.

"Good morning, gusto mo bang dito sa may pinto uupo o d'yan na?"

"Uhm," I bit my lip. "P'wedeng palit?" I chuckled.

"Sure." He smiled at natuwa ako nang lumabas siya at sumunod ako, nauna siyang
pumasok kaya mabilis akong sumunod sa kanya at naupo sa may pintuan.

"Salamat! Gusto ko kasi sana dito sa may pinto kasi ang ganda ng view sa b'yahe."

"Walang anuman," he smiled at me. "Clearance din kayo?"

"Hmm," tango ko at nagsimula nang umandar ang tricycle. "Kayo rin?"


"Oo, 'yon lang naman ang gagawin buong araw kaya masaya." Ngiti niya. "May kasabay
ka bang mag-lunch mamaya?"

Sumulyap ako sa kanya at napaisip.

"Hmm, si Heart." Sabi ko.

"Great, baka naman p'wedeng makisabay?" he asked, hinanap ang mata ko kaya ngumiti
ako at tumango.

"Sure, bakit hindi?"

Habang nasa byahe kami ay nabusog ang mata ko habang nakatitig sa daan, sa mabato
at malalaking mga puno. Inangat ko ang kamay ng kaunti para damhin ang hangin at
hinayaan ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

It always makes me happy and grateful being able to see the sun and feel the fresh
air, ibig sabihin lang no'n ay nagising ako sa panibagong umaga.

Nang makarating kami sa school ay kaagad akong bumaba, sabay sana kami ni Ted
papasok pero tinawag siya ng professor nilang palabas.

"See you mamaya, Lia. Una ka na." Ngiti niya.

"Sige, see you." Kumaway ako sa kanya bago tumalikod at pumasok na sa gate namin.

As usual, bumati ako ng guard kaya lumaki ang ngisi ko at kumaway.

"Magandang umaga rin po!" bati ko pabalik.

Pagkapasok ko pa lang ay nakita kong may mga magbabarkada na na nag-aayos ng mga


kailangang requirements para sa clearance. Naka-sibilyan kami na damit ngayon at
wala namang klase kaya pagkatapos ng clearance, malamang ay gagala ang mga 'to.

I am wearing a simple gray shirt and black pants, naka-sneakers lang at nakalugay
ang buhok. Pagkatapos naman nito ay uuwi rin ako kaagad.

Habang papasok ay nahagip kaagad ng mga mata ko si Atlas na nakaupo sa bench sa may
hindi kalayuan. He's wearing a dark gray shirt and maong pants, magulo ang buhok at
mukhang 'di mapakali.

Sasandal siya, mukhang may binubulong sa sarili. Bigla siyang umayos ng upo at
nagde-kwatro pero umiling at humalukipkip at kumunot ang noo.

Anong nangyayari dito?

My lips protruded, inayos ang shirt ko at marahang hinawi ang buhok ko.

Nang malapit na ako sa kanya ay nagkunwari akong hindi siya nakita, I can feel his
stares but I decided na kunwari ay wala akong alam.

I walked closer, diretso ang tingin at napatayo siya bigla at lumapit.

"L-Lia!" he called kaya mabilis akong sumulyap, nilakihan pa ang mata, kunwari'y
nagulat.

"Bakit?" baling ko sa kanya bago inilagay ang kaunting buhok sa likod ng tainga.

"Good morning!" he greeted and smiled, I saw how the rays of the sun from his back
gaze upon him and he shine more, kumalabog ang puso ko at ngumiti.

"M-magandang umaga..." bati ko bago maliit na ngumiti. "N-nand'yan ka pala."

"Uh..." he licked his lip, few strands of his hair fell on his forehead and it made
him look cute.
"Atlas?" I called.

"Uh, oo nga 'no..." he laughed awkwardly. "N-nandito pala ako, 'di ko rin
napansin."

I smiled, napahawak siya sa batok niya at sabay kaming napatawa bigla.

He loosened up, tumikhim siya at umayos ng tayo.

"Ako na sa bag mo," aniya at sumulyap sa bag ko kaya umiling ako sa kanya at inayos
ang bag pack.

"No, ayos lang. Kaya ko."

"'Di mabigat?" aniya kaya umiling ako at tipid na ngumiti.

"Hindi naman," sagot ko.

"Uh, 'yong folder na lang." Nangiti ako, hindi na umalma nang kunin niya ang folder
na hawak ko.

"Sige, maraming salamat." He nodded. I saw him fixed his bag pack on his left
shoulder, magkasabay kaming maglakad at palihim akong kinikilig habang naglalakad
kami papasok.

"Nice one, Argueles!" nawala lang ang ngiti ko nang madaanan ang mga Grade 12
seniors na nakaupo at tumatambay sa bench.

"Nice one, Montezides talaga? S'werte!" hagalpak pa nila.

I saw the cheerleader glaring at me, placing her hand on her chest then rolled her
eyes.
"Don't look at them," nawala ang paningin ko sa mga seniors nang lumipat sa
kabilang side ko si Atlas, blocking the view from the seniors.

Napasulyap ako kay Atlas at kunot ang noo niya roon at nang akmang sisilip ako muli
sa mga seniors pero tumabon lang ulit.

"Atlas,"

"Don't..." he said firmly, annoyed now. Nagitla ako nang bahagya niyang inilagay
ang braso sa balikat ko habang hawak niya sa kabila ang folder ko.

My heart quickened, sumulyap ako sa kanya pero malamig lang siyang nakatingin sa
daanan namin.

"Careful," he said and pulled me softly towards him at nang napabaling ako sa
daanan ay muntik na pala akong mabangga sa basurahan.

"O-oh..." I gulped and nodded, sumabay ako sa kanya sa paglalakad at halos manginig
na ang tuhod habang pinapakiramdaman ang braso niya.

Inakbayan niya ako! Inakbayan niya ako!

"Inaaway ka no'ng mga Grade 11?" aniya at sumulyap sa akin at parang lumulutang
akong umiling.

I can smell his perfume, parang body wash ata ito at may perfume niya kaya ang
bango. Sa bagay, kahit naman pawisan ay mabango ito si Atlas, kapag nga nagba-
basketball siya, mabango pa rin.

He's tall and I am only reaching his shoulders, kapag titingkayad ay aabot ako sa
ilong niya.

Hmm, p'wede na, abot naman ang labi niya.


What? Anong iniisip mo, Amalia?!

"L-Lia..." nawala lang ang kilig na nararamdaman nang sumalubong sa amin si Heart
na magulo ang buhok at namumugto ang mga mata.

"Heart?" I called, kaagad na kinabahan.

"I..." she muttered at kaagad akong nag-alala, umalis ako sa pagkakaakbay ni Atlas
at mabilis na tinakbo ang kaibigan ko.

I hugged her, nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin at umiyak na.

"H-he cheated on me, Lia..." she cried and I gasped, mabilis kong hinaplos ang
likod ng kaibigan para patahain siya.

"Sino? 'Yong gago ba, Heart?" I heard Atlas asked coldly and hardly.

"G-gago siya..." Heart muttered.

"Shh, tara, upo muna tayo..." I muttered, mabilis na inaalalayan ang umiiyak na si
Heart sa pinakamalapit na bench para maupo.

Thankfully, wala masyadong estudyante sa parting ito, nang maupo si Heart sa tabi
ko ay muli siyang yumakap sa akin at suminghap.

"Heart..." I called softly.

"Si Assuncion ba, Heart?" I heard Atlas called again, nang sulyapan ko siya ay
madilim na ang mukha niya, iritado at galit.

Our eyes met, I saw his frustrated look and I sighed. He shook his head and glanced
at his cousin.
"Heart, what happened?" he asked coldly.

"H-h'wag mo na puntahan, Atlas!" she exclaimed, lumayo sa akin at marahas na


pinunasan ang luha. My heart melted with the sight of my friend, kinuha ko kaagad
ang tissue sa bag ko at inabot sa kanya.

"S-salamat..." her voice shook again, sumulyap siya kay Atlas at umiling. "H'wag
na, Atlas..."

"No," he shook his head. "I let him court you because you said he's a good guy
tapos ngayon ganyan?"

"Ayoko na ng away! He cheated on me and kawalan niya 'yon!" she exclaimed.

"Sino bang...paano mo nalaman?" I asked, marahan para hulihin ang mood niya.

"I-I saw him kissing Anya! That bitch! Sabi na at nang-aahas!" she exclaimed.

My eyes widen, nagkatinginan kami ni Atlas at napailing siya, I saw him brushed his
hair with his fingers frustratedly.

"I will talk—"

"No!" Heart hissed, "wala na akong pakialam sa kanila, magsawa silang dalawa sa
isa't-isa, sana mabaog!"

Atlas was about to speak again but the look on Heart's face is so strong, ayaw
talaga na pakialaman siya kaya umiling ako kay Atlas.

"Atlas," I called and he glanced at me. "Hayaan na muna natin."

"Lia," he licked his lip. "He hurt her—"


"Let's just protect Heart sa ngayon," sabi ko at tumango si Heart at muli akong
niyakap. "We shouldn't let him near her."

Atlas looks so baffled yet I know he understands me, napapikit siya at naupo sa
bench kaharap namin, ginulo na ang buhok.

"A-ayokong magmukha akong naghahabol. Gago siya, akala mo gwapo!" Heart hissed and
cried again kaya niyakap ko siya at dinamayan.

I feel so bad because I didn't know exactly how to comfort someone, ngayon lang ako
ulit nagkaroon ng mga kaibigan kaya bago sa akin ang lahat but I think I did my
best, kahit papaano.

Heart opened up about seeing the two together, turns out ilang linggo na pala
silang may issue. Atlas came to us, he never left our side, si Ted din pagkaraan ay
dumating kasama si Josh na galit na galit, muntik pang sumugod pero mabuti ay
napigilan namin.

Umalis lang ang mga lalaki pagkatapos ng lunch kaya kami ni Heart lang ang
magkasama habang nag-aayos ng requirements.

I admire my friend for being so strong, kahit mugto ang mata niya kakaiyak ay
ginagawa niya ang best niya para maging masaya, nakipagbiruan na siya sa akin
pagkatapos ng lunch at medyo gumaan ang loob ko roon.

I know she's not fine but I can sense her positive spirit at natutuwa ako roon.

"Hoy, Amalia, umiiyak lang ako, ah..." nanliit ang mata niya habang nakaupo kami sa
may bench pagkatapos magpapirma sa isang teacher.

"Huh?" sumulyap ako sa kanya at hinawi ang buhok ko.

"Umiiyak ako pero nakita ko ang landian niyo ni Montezides!" she exclaimed kaya
natigilan ako, sinulyapan ko siya at kumurap, kinakabahan na.

"L-landian?" tanong ko. "'Di naman, ah?" nag-iwas ako ng tingin at nag-init ang
pisngi.
"Ngi..." tinusok niya ang pisngi ko kaya napaharap ako sa kanya. "Eh, bakit ka
namumula? Nakita ko eh, nakaakbay sa'yo si bobo."

Mas kinabahan ako, "k-kasi...ano, muntik na akong mabangga sa basurahan do'n,


hinila niya lang ako palayo."

"Oh? Eh, bakit 'di bumitaw kaagad?" she raised her brow. "Ano 'yon pati sa
basurahan na susunod muntik kang mabangga?"

"Hindi..." umiling ako, nag-iisip na naman ng paliwanag.

Sumulyap ako sa kanya at may nakakaloko na siyang tingin sa akin.

"Oo nga! Ano, n-nakalimutan lang niya tanggalin..." sabi ko at mukhang 'di ko siya
napapaniwala dahil humagalpak siya ng tawa.

"H'wag ako, Lia, h'wag ako...ano, niligawan ka na?" walang pasubali niyang sabi
kaya nanlaki ko at hinarap siya.

"'D-di, ah! B-bakit naman ako liligawan no'n, eh, ako lang naman ang may gusto sa
kanya..." I muttered, clearing my throat.

"Tss," she rolled her eyes. "Torpe na, bobo pa." She sighed then glanced at me as
if she realized something.

"Lia..." tawag niya, tulala na.

"Huh?"

"Magpinsan nga talaga kami ni Atlas," aniya at napahawak sa pisngi niya.

"Oo, bakit—"
"Kasi bobo siya tapos ako...bobo rin. Pareho kaming bobo, Amalia!" she exclaimed at
halos malaglag ang panga ko sa gulat nang bigla siyang suminghot at mayamaya'y
umiiyak na naman sa tabi ko.

Akala ko ay matatapos ang clearance namin sa isang araw o bukas pero hindi pala,
turns out, may mga schedule ang mga teacher sa school kaya hindi lahat ay maaayos
ng isahang lakad.

"Where's the justice in that, right? Akala ko start na tayo ng bakasyon pero ito
tayo ngayon, isang linggo pa atang maghahanap ng teacher. P'wede namang isang araw
na lang, ah?" reklamo ni Heart no'ng malamang gano'n ang mangyayari sa amin ngayong
linggo.

"Baka busy," sagot ko at hinagod ang blouse ko habang papasok kami sa school.

"Pero p'wede namang a day or two, right? Like pumunta sila sa isang lugar tapos
magpapapirma tayo, kompleto naman na ang requirements." Himutok nito habang
nakahalukipkip.

Sa bagay, tama naman si Heart, kaya namang isa o dalawa pero ayaw nila pero wala
naman kaming magagawa at susunod na lang.

Maaga pa naman kaya hindi kamo nagkukumahog na dalawa ngayon, after lunch pa ang
naka-schedule na teacher ngayong araw kaya magkasama kaming dalawa papunta sa gym.

"Tara, bilis, maglalaro si Montezides ngayon!" she cheered kaya sumulyap ako sa
kanya, nagtataka.

"Huh? Bakit? May game ba kahit clearance lang?" nagtataka kong tanong.

"Hindi, may try out sa basketball!" she giggled, "Alam mo naman ang captain ball
ang lalabs mo kaya s'yempre, nando'n 'yon, nanunuod o nagpapakitang-gilas."

My heart hammered inside my chest, na-excite ako na hindi ko maintindihan kaya


sumunod ako sa kanya.
Nakasalubong pa namin ang barkada nila Anya, I saw their mocking stares to my
friend and me, hindi na sana namin papansinin pero nagsalita.

"Opps, iniwan ng boyfriend, boring daw kasi..." napatigil kami sa paglalakad, I saw
how my friend's face hardened when she heard her. "Tapos itong isa, taong clinic
lang dati pero ngayon 'di na masyado, paano ba naman kasi at may nauto ng
kaibigan."

Humalakhak sila, "poor Amalia having a loser friend like her..."

"Heart..." I called, inaaya siyang umalis na lang pero bigla siyang ngumisi, hindi
na ako nakaalma nang harapin niya ang mga babae at taas noong tumingin, she crossed
her arms on her chest and smirked.

"Grabe, basurera ka na pala, Anya?" she smiled coldly and I saw Anya stopped.

"Anong pinagsasabi mo—"

"Taga-pulot ka na kasi ng mga tinapong basura..." she said coldly and smirked.

Nakita kong napaawang ang labi nila, mukhang na-eskandalo sina Anya pero ngumisi si
Heart, hinarap ako at hinawakan sa braso.

"Let's go, Lia." She said cheerfully and pulled me away from the bullies.

Nang makalayo kami ay bigla siyang natawa kaya natawa na rin ako at nilingon siya.

"Ang cool!" sabi ko at pinakitaan siya ng thumbs-up.

Magkasama kaming nagtungo sa gym at nakita may mga lower batch na nagta-try out ka.

"Pakitaan mo na kasi ng moves, Montezides!" biglang tawag ni coach kay Atlas na


nasa tabi niya lang, nakahalukipkip.
"Ayoko nga, coach! May lakad ako mamayang lunch, dapat hindi pawisan." Hirit ni
Atlas doon sa sinabi nito.

"Ang arte! Sige na!" Coach pushed him pero ayaw patalo ng huli. "Bida naman talaga,
boss ka?!"

Atlas laughed and brushed his hair, nag-asaran sila ni coach at hindi talaga
napapapayag ang huli na maglaro.

I saw him wearing a black shirt and jersey shorts, naka-sapatos ding pang-
basketball at napangiti ako dahil likod pa lang ay ulam na.

"Hindi ko na ata kailangan ng ulam mamayang tanghali, Heart." Bulong ko kay Heart
na nilingon ako.

"Huh? Bakit?"

"Kasi nakita ko na ang uulamin," sumulyap ako kay Atlas at nakita kong umawang ang
labi ni Heart.

"Lia! Did you just—"

"Huh?!" bigla akong natauhan sa lumabas sa bibig ko, suminghap ako at umiling. "H-
hindi, ano, kalimutan mo na..." bigla akong nahiya sa lumabas sa bibig ko.

Ang harot-harot! Ang harot-harot mo, Amalia! Anong sasabihin sa'yo ng Nanay niyan?!

"Yieee...humaharot na!" sinundot ni Heart ang tagiliran ko, malaki na ang ngisi at
nang-aasar.

"S-secret lang," I said, nag-iinit ang pisngi at kinagat ang labi, nang-aasar ang
tingin sa akin ni Heart pero mayamaya'y ngumisi at kumapit sa akin.
"S'yempre, asa pa si bobo na sabihin ko sa kanyang gusto mo siyang gawing ulam..."
tumawa siya kaya ngumuso ako at inayos ang sarili.

"Secret lang," bulong ko at natatawang tumango siya at hinila na ako papasok.

"Coach! Hello!" halos dumagundong naman ang boses ni Heart sa gym, natigilan ang
mga naglalaro.

I even caught Josh stopped from dribbling, ang ex ni Heart ay natigil doon at
nahuli ko kung paano hinagis ni Josh and bola rito kaya napadaing nang tumama sa
tiyan.

"Oh, Heart, nandito ka pala." Ngiti ni coach at napatingin sa akin bigla at ngumisi
'tsaka bumaling kay Atlas na nakatitig. "Uy, si crush—"

"Hi, Lia!" biglang iniwan niya si coach at lumapit sa akin, ngumiti naman ako at
palihim na binati ang ka-gwapuhan niyang taglay ngayon.

Magulo ang kanyang buhok pero ang mapungay na mga mata ay malambing at nakangiti
ang manipis na labi.

"Hello, may try out?" tanong ko at ngumiti.

"Well, yeah..." he smiled shyly.

"Oh, d'yan muna kayo, Lia at bobo, kausapin ko lang si coach." I saw Heart smirked
at Atlas, nagpalitan pa sila ng tingin at nang umalis si Heart ay nagkatinginan
kami.

"Yeah, mayro'n, nunuod ka?" he smiled and I nodded at him.

Inangat niya ang kamay, akala ko ay kung ano lang ang gagawin pero hinawi niya lang
ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko.
"There," he smiled again and stared at me. "You're prettier without your hair
covering your face."

Parang nagwala ang puso ko sa sinabi niya, it felt so good and fast na hindi na ako
magtataka kung tutunog ang smart watch ko roon at laking pasalamat ko na lang no'ng
hindi.

"T-thank you, uh, ano, medyo manunuod lang kasi after lunch clearance na ulit."
Marahang sabi ko at ngumiti.

"I see," he licked his lower lip, muling sumulyap siya kay coach na kausap si
Heart, nagtatawanan pa at sumusulyap-sulyap sa amin kaya naisip ko tuloy kung kami
ba ang pinag-uusapan o ano.

"Tamang-tama at maglalaro ako," aniya kaya nagtaka ako.

Akala ko hindi?

"Tara, hatid muna kita sa may bleacher, do'n kayo sa unahan para makita mo 'ko
maglaro." He chuckled and took my hand.

My eyes almost widened when his fingers filled the gaps in between mine, napalunok
ako at suminghap pero 'di ako umalma kasi gusto ko rin.

Hinila niya ako ng marahan palapit kina coach, nahuli ko pa si Heart na nasa akto
na ng pagtili pero 'di niya ginagawa at pinapaypayan na lang ang sarili gamit ang
kamay.

Nakasunod lang ako sa kanya, nakita ko ang malisyosong tingin ni coach sa kamay
namin pero 'di siya nagsalita at ngumisi lang sa akin at ginalaw ang kilay niya.

Nag-init ang pisngi ko, kinagat na lang ang labi at narinig ang boses ni Atlas.

"Coach, kailan baa ko papasok? Maglalaro ako." Ani Atlas at nakita kong nagulat pa
si coach pero natawa.
"Oh? Akala ko ba ayaw—"

"Wala akong sinasabi, ah? Sabi ko maglalaro ako." Tikhim niya at sumulyap kay Heart
at supladong tinaasan ng kilay ang pinsan na nagloloko na at nagtatago ng ngisi.

"Let's go, Heart. Do'n kayo sa may bleacher." Ani Atlas.

"Oh, okay." Heart glanced at me kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Sabi ni coach
ayaw mo maglaro, ah—"

"Huh? Gusto, ah, sinong aayaw?" ngumiwi siya at napailing. "Tara na."

Kumapit si Heart sa braso niya, habang hawak ni Atlas ang kamay ko at sinamahan
niya kami sa bleachers, I saw the seniors glancing our way, nakita ko pa si
Catherine na nakasimangot, nakaupo malapit sa steel na hagdanan paakyat kung saan
kami pupunta.

"Okay na ba kayo rito?" Atlas said at naupo kami ni Heart doon, kitang-kita namin
ang mga nagta-try out kaya ngumiti ako.

"Okay na dito, salamat." I smiled softly.

Heart sat beside me, nagkatinginan kami ni Atlas at nakitang sinusuklay niya ang
buhok at sumulyap sa akin.

"Uh, Lia," he called.

"Hmm?" hinawi ko ang buhok at sumulyap sa kanya.

"Perhaps, can I join you at lunch?" he asked and my eyes widen.

Narinig ko ang impit na tili ni Heart, nagitla ako nang sipain niya si Atlas na
nagulat pa.
"Heart!" he hissed and Heart laughed more. "Tinatanong pa ba 'yan?!" siniko ko si
Heart at baka mahalata ni Atlas na gusto ko nga kaya tumikhim si Heart at sumulyap
sa akin.

"Oh, I mean, okay lang ba raw na kasama siya sa lunch?" baling sa akin ni Heart,
she has that silly smile on her face and I gulped and glanced at Atlas who looked
so hopeful.

"Uhm, okay." I smiled.

"Yes!" I saw him threw a punch in the air and I chuckled, si Heart ay malisyoso rin
ang tingin sa akin pero ngumisi.

"Naku, tamang-tama at makakatipid si Lia sa ulam." Aniya kaya nanlaki ang mata ko,
I glanced at her and she covered her mouth and spoke.

"Opps..." she muttered, nang sumulyap ako kay Atlas ay nagtataka siya pero hindi na
nagtanong at bumaling sa akin.

"Watch me play, okay?" he asked and I nodded. "Gagalingan ko, promise." He ruffled
my hair and my heart felt so peaceful when he waved at me and ran down on the
stairs.

Nanlaki pa ang mata ko nang muntik pa siyang madulas pagkababa niya, Mabuti na lang
ay nakahawak.

"Fuck..." I heard him cursed loudly, sumulyap kaagad siya sa p'westo ko kaya nag-
iwas ako ng tingin, kunwari ay walang nakita at umayos siya ng tayo at dahan-dahang
naglakad pababa.

Nagtatawanan si coach at si Josh sa ibaba nang sinalubong si Atlas.

"Nakita ko 'yon..." coach teased and he frowned.

"Anong nakita? Wala kayong nakita!" suplado niyang sabi, nang agawin niya ang bola
sa humahagalpak ng tawa na si Josh ay mabilis siyang nagtungo sa court.

"Middle name ata ni bobo, palpak." Tawa ni Heart sa tabi ko kaya natawa na rin ako
at nilingon siya.

"'Di naman siya palpak," I said and she laughed more.

"Sus, pagtatanggol mo kasi crush mo, shit, girl, hanggang ngayon 'di ko pa rin
makalimutang ginawa niyang sawsawan ng kwek-kwek ang babaran ng sandok ni Kuya!" sa
sinabi niya ay sabay kaming nagtawanan.

I saw Atlas started playing, pinapakitaan ang mga batang nagta-try out. They are in
Grade 7 or what...hindi ko alam, I admire his moves.

Nakita kong mabilis ang galaw niya, inaagaw ni Ted ang bola pero ayaw pahuli ni
Atlas at miski kay Josh ay ayaw ibigay ang bola.

"Luh, Cap! Ang OA! Try out lang, hindi laro talaga!" reklamo ni Josh, pawis na
pawis na at tawang-tawa naman si Heart sa tabi ko.

"Tss, how would you show the kids you're a part of the varsity kung mismong try out
hindi mo seseryosohin?" he asked there and I smiled more.

That's my Atlas! Go, go, bibi!

I giggled inside my head, umayos ako ng upo at kinagat ang labi para hindi
mahalatang nagwawala na ako sa kilig.

"Luh, makapagsalita, parang kanina lang ayaw mo maglaro—" Coach muttered pero
sumimangot lang si Atlas.

"Coach!" he whined and Coach laughed.

"Oo na, oo na...gagalit agad." Asar pa nito.


I caught Ted's eyes while he's on court, ngumiti ako at tumango sa kanya at inangat
niya ang kamay at kumaway sa akin.

I raised my hand, was about to wave at him pero suminghap ako nang tumama ang bola
sa tiyan niya mula kay Atlas na nakasimangot, mukhang iritado.

"Cap!" reklamo ni Ted.

"Show the kids what you got, don't get distracted in court!" he commanded. "H'wag
titingin kung saan-saan, kapag laro, laro lang!"

The game got a bit serious, 'di ko alam pero tawang-tawa si Heart sa tabi ko, si
Josh ay patakbo-takbo lang, mukhang pagod na. The varsity players are having a hard
time getting the ball to my Atlas, kapag kasi nakukuha nila ay makukuha rin kaagad
ng huli.

"Distracted, huh..." ngisi ni Heart at hinawakan ang braso ko. "Tara, Lia."

Nagtaka ako pero sumunod sa kanya. Tumayo kami at pumunta sa may bakal para mas
mapanuod ang mga naglalaro, it was a bit tense now, miski ang mga seniors ay nag-
chi-cheer na. nasa kakampi ni Atlas ang bola at nag-aabang lang si Atlas malapit sa
ring.

"Lia, listen." Aniya kaya sumulyap ako sa kanya. May sinabi siya kaya nanlaki ang
mata ko sa gulat.

"Huh?!" I exclaimed. "Bakit?"

"Basta!" ngumisi siya ng hilaw, wala na akong nagawa nang bigla siyang sumigaw.

"Go, Atlas!" she screamed, biglang siniko niya ako kaya gulat akong nag-angat ng
kamay ko.

"Go, Atlas!" I screamed back and showed my fighting sign.


I saw how Atlas froze when he heard me, nakatalikod siya mula sa akin at napaharap
sa banda ko sa gulat. He looks amazed and shocked, bahagya pang umawang ang labi,
ang buhok ay nasa noo na at nakabagsak.

"Now na!" bulong ni Heart at nag-panic ako.

He smiled, ngumiti ako pabalik at pakitaan siya ng pamatay na kindat.

He froze, natulala lang siya roon kahit nagsisigawan na ang kakampi.

"Cap! Catch!" sigaw ng kasama niya at miski ako ay napasigaw sa gulat nang hindi
gumalaw si Atlas at nakatingin lang sa akin habang nakaawang ang labi kaya
sumalubong ang mabilis na bola at lumagapak sa mukha niya.

"Ay, shit! Boplaks!" eksaheradang sigaw ni Heart sa tabi ko at napatakip ako ng


bibig, sabay ng sigawan sa court nang maitumba si Atlas sa court, hawak ang kanyang
ilong.

Chapter 10 - Kabanata 8

Kabanata 8

"Ayan kasi, Cap, sabi sa'yo, don't get distracted in court!" namaywang si Josh.
"Kapag laro lang, laro lang, h'wag titingin kung saan-saan!"

Nagpigil ako ng tawa sa litanya ni Jos do'n habang nakatayo sa gilid ng kama kung
nasaan si Atlas, si Heart ay humalukipkip lang at nakanguso.

"Gago, I didn't see the ball coming." Atlas hissed, sinuklay ang buhok ng daliri,
bahagya pang tumungo kaya muli kong hinuli ang baba niya.

I tilted it a bit and our eyes met, I saw the shyness covering his face kaya
ngumiti ako, muli kong idinikit ang compress para sa pasa niya sa may pisngi, may
band aid pa ang ilong at may kaunting galos ang labi.
"Ayos ka lang?" tanong ko ang pinagmasdan ang pisngi niya, idinikit ko roon ang
compress.

"No," he sighed and spoke a little too low. "Sobrang hiyang-hiyang-hiya na ako
sa'yo."

"Show the kids what you got pa more," hagalpak ni Heart kaya sabay kaming
napalingon sa kanya. She bit her lip to stop her laugh no'ng siniko siya ni Josh.

"Oh, sorry, 'di na..." ngisi niya at tinaasan ako ng kilay.

Ngumuso ako, siguro akong mang-aasar na naman si Heart kaya ibinaling ko ang
atensyon kay Atlas na mukhang may sama ng loob na kinikimkim, namumula pa siya.

"It's okay, hindi mo lang naman kasi nakita talaga ang bola." Pag-aalo ko sa kanya.

"'Di ba?" he glanced at my eyes again. "'Di ko lang talaga napansin."

"Luh, nagpapa-baby si boplaks..." narinig ko pang sabi ni Heart pero siniko siya ni
Josh at halos matawa na ako nang magsikuhan silang dalawa, mukhang mag-aaway na.

"Manahimik ka," baling ni Atlas kay Heart na umayos lang na tumayo at ngumisi.

"Aww, kawawa naman, right, Lia?" baling sa akin ni Heart kaya tumango ako at muling
bumaling kay Atlas.

Sinuklay ko ang buhok niya ng marahan gamit ang daliri ko, I pushed it back a bit
para hindi mahulog sa noo niya at mas makita ko ang mukha niya.

The try out resumed, pagkatapos dalhin si Atlas sa clinic ay nagpatuloy sila, si
Ted na muna ang nag-aasikaso kasama si coach. I remembered how much laughter coach
spend while we're on our way to clinic, halos magsakalan na sila ng bagnot na si
Atlas dahil malakas itong mang-asar.

Bumukas ang pintuan ng clinic, napabaling kami roon ng sabay-sabay at nang bumukas
ang kurtina kung nasaan kami ay nagitla pa ako nang makita ang ex ni Heart.

Umismid si Heart at napairap sa hangin habang sumulyap naman si Matt doon sa kanya
bago bahagyang tumabi, kakausapin ata si Atlas.

"Cap." He called.

I saw Atlas and his hard expression shifted to a much colder one, masama at iritado
ang mukha niya nang bumaling sa lalaki.

"Oh?"

"Pinapasabi ni coach na magpahinga ka muna, tapusin mo na lang daw ang clearance mo


after lunch at h'wag na sumali sa try out." Ani nito at nakita ko ang pagtama ng
siko niya kay Heart na kunot na ang noo, parang ilang saglit ay sasabog na.

"Okay, wala naman akong balak bumalik doon." Bagnot na sabi ni Atlas at muling
inabot ang kamay ko, nagtaka pa ako pero inilagay niya ang compress na hawak ko sa
pisngi niya kaya umayos ako ng upo at muling idiniin ito sa pasa niya.

"Heart, can we talk?" natigil lang ako bigla nang marinig iyon, sumama ang mukha ni
Atlas, mukhang magsasalita pero hinuli ko ang kamay niya at pinisil.

I saw him took a glance at my hand on his, natulala lang doon.

"Wala tayong dapat pag-usapan," Heart said coldly.

"Please," Matt sighed. "Magpapa-"

"When the lady says no, then fuck off." Ani Josh na iritado, nakita ko ang paghawak
niya sa braso ng kaibigan ko, he changed their position, ngayon ay nasa gilid na si
Heart na mukhang paiyak na at ang kaharap na ni Matt ay si Josh.

"Ano ngayon? Ikaw ba ang kausap ko-"


"My cousin says no, Assuncion." I heard Atlas' cold voice, natigilan si Matt at
sumulyap sa huli.

"Atlas, magpapaliwanag-"

"She doesn't want to talk to you so leave her alone," mariing sabi niya. "Isang
lapit mo sa pinsan ko at ako na ang sasapak sa'yong gago ka."

Matt sighed, iritado na at napailing, bigla siyang tumalikod at padarag na hinawi


ang kurtina at umalis.

I sighed, sumulyap kay Atlas na galit at kay Josh na nakatitig lang kay Heart na
nagpupunas na ng luha.

"May sumapak na sa kanya?" I asked.

"Ako," Josh said coldly, nanlaki ang mata ko roon. Nang napahikbi na ang kaibigan
ko ay napatayo na ako.

"Heart-"

"It's okay, Lia. Ako na bahala, dito muna kayo." Josh said, hindi na ako nakaalma
nang hawakan niya ang kaibigan ko at dinala palabas sa clinic, naiwan kaming dalawa
ni Atlas doon.

I know my friend wanted to be alone now, bumuntonghininga ako bago naupo pabalik.
Nakita kong iritado si Atlas, kunot ang noo niya at umigting ang panga.

He looked hotter with that smug look kaso ayaw ko namang batiin na gwapo siya at
galit nga kay Matt.

"It's okay, Heart is strong, kaya niya 'yan." I smiled to assure him.
"I just...it annoys me. Hinayaan ko 'yong gagong 'yon na manligaw sa pinsan ko pero
ginago lang." Iritado niyang sabi at hinuli ang kamay ko.

He opened my palm, hinuli ko ang daliri niya nang haplusin niya ang palad ko at
napangiti na siya.

"Sorry, Lia. I was just annoyed at that asshole and myself." He sighed.

"Bakit?"

"Kasi palagi na lang, kapag nand'yan ka para akong lutang." He said, bigla akong
natawa at inabot ang pisngi niya at ngumiti. "Ikaw kasi, kumindat ka..."

"Huh?" napalunok ako at umiling. "'Di ah, napuwing lang ako! Kaya isinara ko isang
mata ko!"

I saw him hid his smile but didn't say anything against it.

"Gano'n ba?" he pouted a bit. "But still, it was pretty embarrassing. You saw me
like a fool again."

"Okay lang, gwapo pa rin naman." I smiled and when he smirked at me, na-realize ko
kung anong lumabas sa labi ko kaya nakagat ko ang labi at unti-unting namula.

For the next days, laking pasalamat namin ba hindi na nanggulo pang muli si Matt,
susubok siya pero 'di magawa dahil nilalayo namin si Heart sa kanya.

My friend is brokenhearted but she told me she'll be alright.

"Lalaki lang 'yan, 'di ko kawalan." She pushed her hair back while we're seated sa
may ilalim ng puno sa may field, inaantay ang mga lalaki dahil sabay-sabay kaming
magla-lunch at last day na ng clearance.

"Tama, sa ganda mong 'yan? Marami pa r'yan, Heart." Sabi ko at ngumiti siya.
"Yeah, right! Hindi ko sila kawalan, sila ang nawalan!" she said confidently at
sabay kaming nagtawanan.

"Lia! Heart!" mula sa malayo ay nakarinig kami ng sigaw, sabay kaming napalingon at
nakita si Josh na kumakaway sa malayo, sa likod niya ay si Atlas na may dalang
plastic ata ng pagkain.

Our eyes met, natataman siya ng sinag ng araw habang naglalakad kaya kitang-kita ko
ang features niya. They were sharp and he looked so manly, suot ang simpleng
putting v-neck shirt at maong pants, he looked like a model.

Matangkad siya, which is another factor dahil kasama rin siya sa basketball team.

The side of his lips lifted while staring at me, my heart thumped and found myself
smiling back at him.

Nakarating kaagad sila sa pwesto namin at ngumisi si Josh at inilahad ang kamay sa
akin.

"Apir, Lia!" natatawang nakipag-apir ako sa kanya at sumalampak ng upo siya sa tabi
ni Heart at ngumisi.

"Anong ganap natin diyan, puso?" he asked.

"Asshole..." sinuntok ni Heart ang balikat niya at natawa lang ako sa kanila.

I was adorably watching the two fight when I felt a pinch on my cheek, napalingon
ako at napatawa nang makitang pinisil ni Atlas ang pisngi ko bago naupo sa tabi ko.

"Hi, beautiful..." he smiled.

Napalunok ako at sumagot.


"Hi..." I smiled back.

I saw him lifted the plastic bag on the table where we're eating. Naglabas siya
roon ng mga styro at nakitang may tatak iyon ng isang fast food chain.

"Oh, lumabas kayo?" ani Heart.

"Oo, kami ni Cap. Nadaanan namin kaya bumili na rin, tara, kain." Naglagay sina
Josh ng pagkain sa harap ko kaya bumaling ako at medyo umiling.

"Uh, ano kasi, may pinabaon sa'kin si Nanay." Sabi ko kaya napaharap silang lahat
sa'kin.

"Talaga? Anong ulam?" ngisi ni Josh.

"Uh..." binuksan ko ang bag at nilabas ang tupperware. "Menudo." Sabi ko at


inilapag sa lamesa.

"Gusto ko 'yan! Hatian natin!" Josh exclaimed, akmang kukunin ang tupperware pero
nagulat kami nang unahan siya ni Atlas.

"Akin 'to!" he said at natigilan kaming lahat.

"Cap!" Josh hissed.

"Hindi! 'Yang binili nating pagkain sa'tin lahat 'yan pero 'tong baon ni Lia, sa
akin." Ngiwi niya. Natawa ako roon, napaharap si Atlas sa akin na halos yakapin na
ang Tupperware ko.

"P'wede ba, Lia? Akin na lang?" he smiled.

My heart soften, natatawa akong tumango sa kanya at kinagat ang labi ko.
"Okay...pero paano 'tong binili niyo?" I asked, nakitang may chicken at spaghetti
pa. "Mas masarap 'to, hindi mo ba-"

"S'yempre kakainin din pero mas gusto ko 'tong baon mo," he said kaya natawa ako at
tumango.

"Sige, pahati din ako, ah?" I negotiated and he nodded, he opened my Tupperware and
opened the styro from the fast food they bought, naglagay siya ng ulam sa kanin ko
kaya nakangiti ko siyang pinagmasdan.

"Cap, paano ako..." Josh whined.

"Shh, Atlas and Lia's property only." He said and smirked, nang sumulyap naman ako
kay Heart ay nakangisi siya, tinaasan ako ng kilay at kinindatan.

"Nice one, bobo!" she exclaimed kaya sinamaan siya ng tingin ng pinsan.

Maganang kumain si Atlas sa menudo na baon ko, parang siya na nga ata ang umubos.
Hindi niya rin masyadong ginalaw ang binili nilang fast food at nakikipag-kwentuhan
pa habang kumakain.

"Saan ka babakasyon, Lia?" ani Heart sa akin habang ipinapaikot ang spaghetti sa
kanyang tinidor.

Napabaling sa akin sina Atlas at Josh, uminom muna ako ng softdrinks bago bumaling
sa kanila.

"Sabi ni Nanay sa Peñablanca," sabi ko. "Bibisita na rin kina lola."

"Uy, tamang-tama!" Heart exclaimed. "Sa Peñablanca din kami! Sa mga Montezides!"

My eyes widen, bumaling ako sa tabi ko at si Atlas at nangingiti pa habang


ngumunguya.

"Talaga?" I asked.
"Hmm," he nodded, uminom ng softdrinks at bumaling sa akin.

"Sama ka sa'min, ah?" ngisi ni Josh. "Iikot kami sa rancho!"

"S-sure!" I exclaimed, unti-unting na-e-excite sa naiisip.

"Nakapunta ka na sa amin, 'di ba?" Atlas asked and I nodded, kinuha niya ang tissue
at pinunasan ang gilid ng labi ko habang nagsasalita ako.

"Oo, si Nanay kasi minsan nagsa-sideline sa may plantation niyo. Pero hindi pa ako
nakakaikot sa rancho, okay lang ba na kasama ako?" bigla akong nag-alangan.

Kumunot ang noo ni Atlas at hinawakan ng marahan ang baba ko, natahimik ako nang
punasan niya ulit ang gilid ng labi ko.

"Why not? It's okay, I'm inviting you. We can look around the rancho." He said and
placed a small part of my hair behind my ear.

"Okay, salamat..." I smiled and Heart showed me a thumbs-up.

"Magdadala akong bikini! Ligo tayo sa falls!" she exclaimed happily.

Kaya sa mga sumunod na araw, naging excited ako. Gusto akong isabay nila Atlas sa
van nila patungong Peñablanca pero hindi ako sumama dahil kasabay ko ang Nanay.

Pagkarating namin ay masayang-masaya ang Lolo't Lola, niyakap pa ako ni Lola at


hinalikan sa pisngi.

"Diyos ko, Amalia at ang laki-laki mo na!" masayang sabi ni Lola at niyakap ako.

"Hindi naman, La. Medyo lumaki lang." Tawa ko at niyakap siya pabalik.
"Mabuti at napabisita kayo ng Nanay mo, aba, akala ko wala nang balak!" aniya at
nagkatawanan kami at muling nagyakap.

"Bakit naman hindi, La, eh, miss na miss ka na rin namin." Lambing ko pa.

Nagmano at nakipag-kumustahan din ako kay Lolo bago tumulong para maghain ng
pagkain sa tanghalian. Kahit noon pa man ay masarap magluto ang Nanay, namana niya
kay Lola at ngayong nandito kami, na-e-excite tuloy akong kumain palagi dahil
paniguradong masasarap ang magiging pagkain.

Lola and my Nanay combined is the best! Baka araw-araw ay may pyesta kami lagi!

Ang mansyon ng mga Montezides ay nasa kabilang parte lang, isang traysikel lang ay
makakapunta na ako roon pero bigla naman akong nahiya. Usapan namin nila Heart na
magkikita kaagad pero dinapuan ako ng hiya kaya kahit ikalawang araw na ay hindi pa
ako pumunta sa kanila.

Nagpapakain ako isang umaga ng mga kambing ni Lola nang may pumaradang sasakyan sa
tapat ng bakuran namin. Kumunot ang noo ko at umayos ng tayo pero sa gulat ko ay
nakita ko ang pagbukas at bumungad sa akin si Heart na tumili.

"Lia!" she screamed.

"Heart?!" I exclaimed back, nang tumili siya ay napatalon ako, nagsalubong kami at
parang isang taong 'di nagkita sa excitement, tatawa-tawa pa kami pero habang
magkayakap ay mas kumalabog ang puso ko nang makita ang pagbaba ng kung sino sa
sasakyan.

My eyes widen and my heart felt like it'll palpitate the moment I saw Atlas going
out of the car, galing siya sa driver's seat, nakasuot ng kulay itim na plain shirt
at pants, nakita ko rin ang caterpillar boots na suot niya at sobrang bagay kaya
mas kinilig ako.

Magulo ang buhok niya, natatabunan ng shades ang mata at nang tinanggal niya iyon
ay nagkatinginan kami at sabay na napangiti.

"Atlas..." I called.
Lumayo sa akin si Heart, hinawakan niya ako at sabay kaming naglakad kay Atlas na
nakamasid sa akin habang papalapit, may tagong ngiti sa labi.

"Mornin, Lia." his black eyes stared at me and I felt so happy.

Good morning din, bibi ko...

"G-good morning!" I greeted back and smiled, lalaki na sana ang ngisi ko pero
nahuli ko ang malisyosong ngisi ni Heart kaya tinikom ko na lang ang ngiti.

"U-uh, ano, tara pasok muna kayo!" sabi ko.

"Susunduin ka lang namin, hindi ka pumunta, sabi mo pupunta ka?" ani Heart na
bumusangot.

"Nahihiya kasi 'ko..." I said and brushed my hair. "'Tsaka ano, baka may bisita
kayo ro'n o ano..."

"Ikaw ang bisita," Atlas smiled and ruffled my hair, sumabog ang buhok ko roon pero
'di ako nagalit kasi okay lang.

Atlas pa ba? Okay na okay na okay talaga!

"Uhm, talagang nanundo na kayo, ah?" pagbaling ko kay Heart para 'di mahalata ni
Atlas na nagpa-panic ako at namumula.

"'Di ka kasi dumating," she pouted. "'Tsaka baka mag-ikot kami sa rancho mamaya.
Pangit naman kung 'di ka namin makakasama."

"Salamat," I smiled at them, "tara pasok muna kayo, papaalam lang ako kay Lolo,
umalis kasi sina Nanay at Lola, pumuntang palengke."
"Nakapagpaalam ka na ba?" Atlas took a few strands of my hair na sumasabog sa
hangin, nilagay niya 'yon sa likod ng tainga ko at hinuli ang mata ko.

"Oo, pumayag sila." I smiled.

Mabilis lang akong nakapagpaalam kay Lolo, habang nagbibihis ng pang-alis ay kausap
ni Atlas at Heart ang Lolo. Kaagad na naging magaan ang usapan nila at nang sinilip
ko sila sa may hagdan ay nakita kong nagbibiro si Atlas kay Lolo at natatawa naman
ang huli sa kanya.

"Mag-iingat, Lia, huh?" kaway ni Lolo sa akin.

"Opo, mag-iingat kami! Bye!" kaway ko.

"Bye, Lo!" Heart smiled, kumapit siya sa braso ko. Si Atlas naman ay kausap pa si
Lolo, nahuli ko ang tawa ni Lolo bago tapikin ang balikat ng huli.

"Luh, pa-impress..." bulong-bulong ni Heart sa hangin kaya nilingon ko siya at


ngumisi lang siya sa akin.

"Sunduin natin si Josh sa kanila," ngiti niya at binuksan ang likod ng sasakyan.
Sasakay na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Nah."

"Huh?" kumunot ang noo ko.

"Wait, 'di ka rito." Aniya at may sinenyasan sa kung saan, nagitla ako nang humawak
sa braso ko at paglingon ko ay si Atlas.

"Sa unahan ka Lia, tabi tayo." Aniya.

"Pero si Heart-"
"Ayos lang ako. Naku, Heart pa ba?!" Heart even laughed and pushed me more, nagulat
ako roon, nawalan ng balanse pero mabuti'y nasa likod ko si Atlas at mabilis akong
nasalo.

"Heart! Careful!" Atlas hissed at her pero mukhang 'di naman nabigla si heart at
tinakpan lang ang bibig.

"Opps...na-fall." She smiled and gave a peace sign. "Sorry, Lia. Tara na!"

Nang isarado niya ang pinto ay malakas ang pintig ng puso ko.

"Hey, you okay?" I heard his baritone voice at halos mapatalon ako, tumayo ako ng
maayos at humarap sa kanya, nagkabungguan pa kami kaya mas naramdaman ko ang pagha-
hyperventilate.

"O-oo, salamat." I smiled.

He tilted his head, watched my eyes until he flashed a smile that instantly swept
me off my feet.

"I missed you," he said and I saw how the sun shine at us and that time, I know
this will be a wonderful day.

"A-ako rin," I said and he licked his lip, mas sinilip ang mata ko.

"Anong ikaw din?" namula ako nang ngumisi siya. "Come on, Lia, what is it?"

"I..." I sighed and cleared my throat. "I missed you too."

It was his turn to be shocked now, nakita ko ang pagpula ng pisngi niya.

"Talaga?" maliit niyang sabi at tatango sana ako nang may marinig akong buntong-
hininga mula kay Heart na nakadungaw na pala sa amin at nakanganga.
"So, nasaan ang label?" I heard Heart's heavenly sigh at sabay kaming napaiwas ng
tingin ni Atlas, tumikhim ako at mabilis na binuksan ang pintuan sa front seat at
namumulang inalalayan ako ni Atlas paakyat.

"Hala, mga pa-demure!" eksaheradang sabi pa ni Heart na pareho naming 'di pinansin
sa hiya.

Sinundo namin si Josh na malapit lang pala sa amin, mas naging maingay ang byahe
pagdating niya, si Atlas ang nagda-drive ng sasakyan at hindi ko maiwasang humanga.

He's serious while driving, dahan-dahan din ang drive niya sa medyo mabatong
daanan. His veins are protruding on his arms, ang relo ay nasa wrist niya at nakita
ko ang pagsulyap niya sa akin kaya nagkahulihan kami ng tinging dalawa.

"Hmm?" he hummed when he saw me looking.

"Uhm, nag-da-drive ka na pala?" I asked and he nodded, bagay na bagay sa kanya ang
shades na suot.

"Yes, I got my license last year." He chuckled and I nodded, smiling sweetly.

"Bagay sa'yo mag-drive." I said and I saw him bit his lip.

"Really? Gwapo ba kapag hawak ko ang manibela?" he asked, glancing at me from time
to time.

"Oo-" naputol ang sasabihin ko nang biglang umalog ang sasakyan, na parang may
nadaan kaming biglang malaking bato o bako sa daan. Nanlaki ang mata ko at
napahawak sa seatbelt, paniguradong titilapon ako kung wala ito.

"Ay, puta!" Josh hissed.

"Oh, shit! Montezides! Focus!" Heart hissed and Atlas cursed under his breath.
"Shit, shit! Sorry!" he exclaimed and gulped, namula siya at nag-focus bigla sa
pag-da-drive at 'di ko alam kung matatawa ako o matatakot na baka tumilapon na kami
sa sunod na bako sa daan.

We reached their rancho and I was beyond amaze when we entered, kaagad na ipinarada
ni Atlas ang sasakyan pero ang mata ko'y nakatutok sa malaki nilang mansyon, this
is a hacienda, I think.

Parang mas malaki pa kaysa no'ng huling punta ko dati!

Natauhan lang ako nang bumukas ang pinto sa pwesto ko, nilingon ko kaagad at
nagulat nang makita si Atlas na nakangiti at inilalahad sa akin ang kamay.

"Mas maganda na sa loob talaga," he said.

"O-oh, sorry!" natawa na ako, mabilis na kinalas ang seatbelt ko at inabot ang
kamay niya para makababa.

He filled the gaps in between my fingers and pulled me towards where Heart and Josh
are, may kausap silang matandang lalaki at ngumiti ako nang makita niya ako.

"Magandang umaga po,"

"Magandang umaga rin, hija." Ngiti nito bago bumaling kay Atlas.

"Oh, señorito, nasa loob na ang mga kapatid mo." Ani nito at tumango si Atlas,
sumulyap ako sa kanya at nagtanong.

"Nandito ang mga Kuya mo?" I asked and he nodded and smiled.

"Oo, kararating lang siguro, galing Maynila pa 'yan." Aniya at kumalabog ang puso
ko sa kaba roon.

I saw him staring at my face, I flashed a smile pero natawa siya at umiling, I felt
his hand caressing my palm, doon ko naman naalalang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"You nervous?" he asked and I sighed.

"Medyo, uh, 'di ko alam na nandito ang mga Kuya mo..."

"Don't worry," he smiled, "mababait 'yon, I promise."

Hindi na ako nakagalaw nang ayain ako ng tatlo na pumasok sa malaking mansyon,
halos malula pa ako pagpasok. Kapag nandito kami ni Nanay noon, doon lang kami sa
may plantation kaya ngayon lang talaga ako nakapasok sa loob ng bahay nila!

The design was the mix of old Spanish and modern design, mataas ang bahay nila,
hula ko'y tatlong palapag. May chandelier sa gitna at may mga mamahaling mwebles at
mga painting.

I can feel Atlas caressing my palm, I felt his warmth against my hand and I felt
comfortable.

"Kuya Damon!" nawala ang atensyon ko roon nang may kinawayan Heart. I glanced at it
and saw a handsome man sitting on the couch.

May laptop sa harapan nito, may suot na salamin ang lalaki at naka-dress shirt.
Pansin ko kaagad ang pagkakahawig nila ni Atlas.

"Heart," he called, I saw him smiled handsomely and I swear, I can see Atlas'
matured version!

"My brother, panganay." Bulong sa akin ni Atlas at hinila ako. "Tara, papakilala
kita."

"Huh?" kinabahan na ako pero kumindat lang si Atlas at muli akong hinila.

I saw Josh and his brother talking, nagtatawanan na ang dalawa at nagsalubong ang
mata namin ng Kuya niya ay napalunok ako.
"Kuya Dam," Atlas called and the two stopped talking.

His tall brother glanced at us, he's tall and I wasn't that shock, nasa lahi na
talaga nila ang matatangkad.

"Atlas," he smirked, I saw his dark eyes moved to me and smiled.

"Magandang umaga po," bati ko at ngumiti.

"Good morning too," he smiled again. "Nakita na ba kita dati? You look familiar."

"Uh, nagsa-sideline po minsan ang Nanay ko sa may plantation kaya minsan po ay


nakakasama ako." Ngiti ko.

"This is Lia, Kuya." Ani Atlas at sumulyap sa akin. "Lia, that's my brother,
Damon."

"Nice meeting you po..." I said softly.

"You're beautiful," he smiled. He offered his hand, kinuha ko naman ang kamay ko
mula kay Atlas at inabot sa Kuya niya para makipagkamay pero nagulat ako nang
bahagya siyang yumukod.

My eyes widen when he kissed the back of my palm like a gentleman.

"Damon!" Atlas hissed, nagulat ako nang marahang binaba ng Kuya niya ang kamay ko,
mayamaya'y naghahagalpakan na sila ng tawa.

"Where's the Kuya now, huh?" Kuya Damon smirked.

"Damn you, parehas kayo ni Hunter!" he hissed at nagulat ako nang kunin ni Atlas
ang kamay ko mula sa Kuya niya at marahang itinago ako sa likod niya.
"Aba, walang galang..." napalipat kami ng tingin sa papasok and I saw his other
brother, Hunter, nakahubad at nakasuot lang ng maong, medyo madumi pa ang katawan.

"Magdamit ka Hunter Louis!" Atlas hissed, namumula na ang tainga at nagulat ako
nang biglang takpan ni Atlas ang mata ko. "Lia, wala kang nakikita!"

"Huh?" rinig na rinig ko ang tawanan ng mga Kuya niya at nila Heart. "Atlas?"

"Sandali..." he said, halos mayakap na ako. "Kuya Hunter! Magdamit ka!"

"Oo na!" hagalpak ng Kuya niya at mayamaya'y napakawalan na ako ni Atlas, I opened
my eyes, kaagad kong nasalubong ang mukha ni Atlas na nakatitig.

"Sorry," he muttered, tumango naman ako at umalis sa harapan ko si Atlas at nakita


ko ang Kuya niyang isa niya na naka-sando na ngayon, nakangisi sa akin.

"Hi, Miss..."

"Hello po, magandang umaga." I smiled.

His brow raised, muling sumulyap kay Atlas pabalik sa akin.

"Pakilala mo naman kami sa magandang binibini," ngiti ng Kuya niya at nang-aasar na


sumulyap sa kapatid.

"This is Lia," malamig na sabi ni Atlas, hawak ang braso ko. "Lia," lumambing ang
boses niya kaya hinarap ko siya.

"Hmm?"

"Kuya ko, pangit." He pointed his Kuya Hunter.


"What?" his brother hissed. Nagtawanan sila at miski ako'y natawa na rin, naiiling
sa kanila.

"Hoy, Atlas, ako ang pinakagwapo kaya anong karapatan mo-"

"Si Hunter 'yan." Ani Atlas na bumusangot na sumulyap sa Kuya niya. "Sana masaya ka
na."

"Hoy, ako naglinis sa mga kabayo!" his brother hissed at him.

"Oh, edi wow." Ngisi ng pilit ni Atlas at supladong umakbay sa akin. "Alis na
kami!"

I smiled at his brothers, ngumiti rin sila pabalik at si Kuya Hunter ay kumindat
pa.

"I'd like to greet you formally but I'm dirty-"

"Oo, madumi buong pagkatao niyan." Ani Atlas at tawang-tawa si Kuya Damon doon sa
gilid habang napapanganga lang si Kuya Hunter doon.

Lumabas kami sa may mansyon kasama sina Heart at nagtungo sa may kwadra kung nasaan
ang mga kabayo at nakitang naroon na nga ang mga kabayo.

I smiled and was suddenly excited, napasulyap ako kay Atlas at nahuli siyang
nakatingin sa akin.

"Pasensya na sa mga kapatid ko, ah?" aniya. "Baliw 'yon, eh. Ako lang ata matino."

Natawa naman ako roon, "ayos lang, nakakatuwa sila, akala ko talaga dati masungit
sila."

"Mukha lang pero mabait mga 'yon, pangit nga lang." Ngiwi niya.
"'Yong mga kabayo ba na 'yon ang sasakyan natin?" marahang tanong ko at tumango
siya, bumaba ang kamay sa kamay ko at muling pinagsaklop ito.

"Yes, that's Acropolis, my horse." He pointed the brown horse with a shiny hair.

"Wow...ang ganda!" sabi ko at ngumiti siya sa akin at tumango.

"We'll ride it together, okay? Hindi pa kasi siya sanay kapag ibang taong 'di
pamilyar sa kanya." He said at na-e-excite akong tumango sa kanya.

I was hesitant at first, it is my first time riding a horse! Si Heart ay mukhang


maalam na kahit papaano pero tumitili-tili kaya sumampa si Josh sa likod niya at
tinulungan siya.

"Careful Lia," he muttered and touched my waist, isang angat lang ay nakaakyat na
ako at nang magkatinginan kami ay ngumiti siya.

"Comfortable?" he asked.

"Y-yeah..." I nodded, medyo gumagalaw ang kabayo kaya napakapit ako sa hawakan at
ngumiti. "Okay lang..."

"Wait," he said, akmang sasama na pero tinawag ng Kuya Hunter niya kaya 'di siya
natuloy.

"Ano na naman ang drama ng pangit na 'to?" he muttered but then he saw me looking
kaya ngumiti siyang parang inosente. "Wait, Lia, kausapin ko lang."

I nodded, pinagmasdan ko silang dalawang mag-usap at nakita kong ngumisi pa at


kumaway si Kuya Hunter sa akin.

I smiled and nodded, napatingin naman si Atlas sa akin pabalik sa Kuya niya at
halos mapatawa ako nang magsipaan sila habang nag-uusap.
Kuya Damon is the serious type, he looked so professional and handsome with his
glasses. Ang pangalawa naman, si Kuya Hunter ay seryoso rin but he looked more
playful, hawig silang lahat kay Atlas but Atlas has softer expressions than them.

I always loved it kapag namumula ang bibi Atlas ko. So cute and innocent looking
kahit sabi nga ni Heart, may pagka-palpak.

I froze when I felt the horse moved, huli na para makakapit ako dahil gumalaw na at
napatili na lang ako ng mahulog sa kabayo at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa may
putikan.

"Fuck!" I heard a voice at mayamaya'y nasa harapan ko na si Atlas. "Are you okay?!"

I was in shock, hindi ko alam kung anong nangyari pero wala namang masakit sa akin
kaya napakurap lang ako. I saw Heart and Josh went down the horse to check on me
too.

"Lia!" he called, looking so worried now and I gasped, kaagad akong umiling at
binasa ang labi ko.

"Ayos lang ako," I said, "wala namang masakit."

"Are you sure?" his forehead creased and his eyes darkened, humawak siya sa braso
ko at hinawi ang buhok ko, "Lia?"

"Ayos lang..." I said and glanced at my worried friends. "Promise, nagulat lang ako
kaya 'di nakahawak kaagad, okay na rin at maputik at kung hindi, baka masakit
talaga."

"Promise?" Atlas said and I nodded. "Hindi mo 'yan sinasabi dahil ayaw mong mag-
alala ako, 'di ba?"

"Hindi," I even chuckled. "Promise, 'di masakit, nagulat lang..."

He sighed, nakita ko si Kuya Hunter na dumungaw kaagad.


"You okay, Lia?" he asked and I nodded.

"Yes po," I smiled.

"Atlas, dalhin mo muna sa loob si Lia, bukas na lang kayo mangabayo, mukhang uulan
din kasi." Ani Kuya Hunter at nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Atlas.

I was shocked, "Atlas, kaya ko namang-"

"I insist," he said and carried me, wala na akong nagawa kung hindi ang yumakap sa
leeg niya at hayaan siyang buhatin ako.

I feel so embarrassed and quite shy, punong-puno ako ng putik, si Atlas na malinis
din ay napuno ng putik.

"Kaya ko," marahang bulong ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Atlas.

"I know, but just...let me carry you. Are you really fine?" he asked worriedly and
I nodded.

"Oo," I smiled at him, hinaplos ko ang buhok niya sa likod at suminghap siya bago
biglang natawa at tumitig sa akin.

"Oh, I think I did my name's role in Greek mythology." He said and my forehead
creased.

"Huh?"

"Remembered what Atlas did?" he asked at napaisip ako bago tumango.

"Binuhat niya ang mundo?" I asked and he smirked, muling sumulyap siya sa akin at
tumango. "Anong connect-"
"Buhat ko rin kasi 'yong mundo ko." He winked.

I froze, parang lalabas ata ang puso ko sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko. He
bit his lip, akmang magsasalita pero biglang natalisod, halos matapon niya ako kaya
suminghap ako pero mabilis niyang napirmi ako sa braso niya at nanlaki ang mata.

"Fuck!" he cursed loudly and stared at me nervously and smiled awkwardly. "H-hindi
ako napatid, ah, imagination mo lang 'yon."

Chapter 11 - Kabanata 9

Kabanata 9

"Mag-iingat kayo roon, Lia, Heart..." ani Nanay na pinapaalalahanan muna kami bago
pumayag sa pag-alis.

"Opo, Nay." I smiled.

"Sure na sure po, Tita! Don't worry, ako po ang bahala rito kay Lia." Heart smiled
and I saw how Nanay flashed a small smile at her.

"Masaya talaga ako't nagkaroon ng kaibigan itong anak ko," Nanay smiled. "Nakikita
ko namang mabuti kayo, alam mo ba, Heart, no'ng huling nagkaroon ng kaibigan iyang
si Amalia, tinulak lang siya sa kanal."

"Nay!" nanlaki ang mata ko at namula, tumawa naman si Heart at si Nanay.

"'Di niya sa akin ki-nwento 'yan, Tita!" hagikhik ni Heart kaya nanliit ang mata
ko. Pinalo ko ang braso niya at tatawa-tawang kumapit siya roon bago bumaling kay
Nanay.

"Pero seryoso, Tita, don't worry. Akong bahala rito kay Lia, 'tsaka promise po,
behave lang kami sa sleep over!" she said.
Mas na-excite ako, hindi ko akalaing balak nilang mag-sleep over sa mga Montezides
kung 'di lang sinabi ni Heart kanina kaya nadagdagan tuloy ang mga dala kong damit
na para lang sana sa pagligo namin sa falls.

"Sige, basta ba, h'wag kayong pasaway, huh? First time ko pinayagan si Lia mag-
sleep over." Aniya.

"S'yempre, Nay, wala naman akong kaibigan, saan ako mag-i-sleep over?" nakangusong
sabi ko kaya natawa ang Nanay 'tsaka si Heart.

"Sabi ko nga, 'nak." Tawa niya at bumaling kay Heart, "basta, Heart, no boys,
okay?"

"Yes, Tita!" sumaludo siya kay Nanay.

"Saan ba kayo mag-i-sleep over? Sa inyo, Heart?"

"Ah, no po, kina Montezides." She said and I saw how my mother's smile faded.

"O-oh?" gulat niyang sabi. "Sa kanila Atlas?"

"Opo, malaki ang mansyon, maraming kwarto." Heart smiled and Nanay glanced at me
and nodded slowly.

"S-sige," she then smiled. "Basta mag-iingat kayo, ah?"

"Okay, Nay. Mag-iingat po kami." Sagot ko.

She let us go after a while. Nakita ko kaagad ang mga sasakyan ng mga Montezides, I
was excited to see Atlas na 'di pumasok sa bahay pero nakita ko ang paglabas ni
Josh.

"Oh, si Josh pala..." I smiled and waved at him. "Good morning, Josh!"
"Good morning, Lia!" sumaludo siya sa akin at bumaling kay Heart. "Tara na ba,
puso?"

"Jerk," Heart frowned and glanced at me. "Si Atlas?"

She caught me off guard kaya tumango ako at ngumiti sa kanya. "N-nasaan?"

"Something came up today, a guest came." She smiled. "Nakabihis na nga 'yong loko,
nauna pang magising but something came up."

"Pero...sasama naman siya sa atin 'no?" tanong ko and she grinned and pinched my
cheek.

"Cute mo talaga, Lia, s'yempre naman! Nagpaluto na nga 'yon ng kakainin natin sa
falls, 'di 'yon papayag na 'di makakasama." She chuckled and napatango na ako sa
kanya at sabay na kaming pumunta sa loob ng sasakyan.

Pumwesto kami sa likod at nakita ang pag-nguso ni Josh at sumilip.

"Saan tayo mga Ma'am?" he frowned at do'n ko natantong nagmukha siyang driver.

"S-sorry, hala!" nanlaki ang mata ko, palabas na sana ng sasakyan para lumipat sa
harapan pero hinila ako ni Heart pabalik.

"Drama mo, Josh." Ngiwi ni Heart at ngumisi si Josh sa unahan at natawa.

"Lipat na lang ako, Heart o kaya ikaw? Para 'di—"

"Sus, Lia, hayaan mo 'yan. Ma-drama lang 'yan, sasakay naman si Ted mamaya kaya
d'yan sa unahan 'yon."

"Oh? Nandito si Ted?" na-excite akong makita ang kaibigan.


"Oo, kakauwi lang kahapon, sama raw sa falls." Tawa ni Josh kaya napangiti ako at
tumango, mas na-e-excite dahil dumami na kami sa pagpunta sa falls.

Nadaanan namin ang bahay nila Ted, binuksan ko ang bintana nang makitang naglalakad
siya palabas ng bahay, may sukbit na bag at plastic na hawak.

"Ted!" I called and smiled.

Napabaling siya sa akin, nakita kong nanlaki ang mata niya at mas lumaki ang ngiti.

"Amalia!" tawa niya at napangiti akong lalo nang ipasok niya ang kamay sa sasakyan
at ginulo ang buhok ko. "Na-miss kita!"

"Ako rin," tawa ko. "Mabuti at umuwi ka? Akala ko sa Tuguegarao ka lang."

"Biglaan lang din, nag-aya si Tatay. Mabuti na lang din na umuwi ako kasi nandito
ka." He smiled.

"Ayon, RIP, boplaks..." biglang sabi ni Heart kaya sabay kaming napasulyap sa kanya
at ngumisi siya bigla.

"Ano 'yon?" I asked.

"Wala," tumawa siya at nagtinginan sila ni Josh. "Sabi ko, baka bored na si boplaks
sa mansyon, tara na."

Sumakay na si Ted at naging maingay ang byahe namin patungo sa bahay nila Atlas,
ipinakita sa amin ni Ted ang mga dalang pagkain niya para kakainin namin mamaya.

"Ayan, gusto ko sa'yo, Ted, maraming foods!" Heart giggled. "Marami ring dala si
bobo, don't worry! Goodbye diet talaga!"

"Marami rin akong dalang pagkain, puso. Gusto mo na rin ba 'ko?" Josh asked.
My eyes widen, umawang ang labi ni Heart at biglang humagalpak ng tawa si Ted.

"Charot lang," Josh smirked, sinilip kami roon at tinuro si Heart. "Ay, namula..."

"You asshole!" Heart hissed, blushing, sinipa niya ang likod ng upuan ni Josh kaya
mas natawa kami sa kanila.

Pa-simple na akong nagsuklay ng buhok ko gamit ang daliri nang matanaw ko na ang
mansyon, na-excite biglang makita si Atlas.

Kanina, akala ko kasama siya nila Heart pero 'di lang pumasok pero hindi pala
talaga. May bisita raw, eh, baka mga kaibigan ng mga Kuya niya?

Ipinarada ni Josh ang sasakyan, napangiti ako nang pagbukas ko pa lang ng pintuan
ng kotse ay sumalubong na ang sariwang hangin sa mukha ko. I saw the trees swaying,
the sun rays touched my face and I closed my eyes a bit and sighed happily.

What a wonderful day. Thank you, God.

"Iwan mo na gamit mo d'yan, Lia. Sunduin lang naman natin si Montezides." Ani Heart
kaya iniwan ko ang gamit at sabay kaming pumasok.

Nakakapit siya sa braso ko, binusog ko ang mata sa magandang tanawin sa malaking
mansyon ng mga Montezides at matamis na napangiti.

Magsisikap talaga ako ng mabuti para maitira ko ang Nanay sa malaking bahay.

Naabutan namin si Kuya Damon na nakaupo sa may pavilion, may kaharap na laptop at
sumisimsim ng kape. Suot niya ang glasses niya at napangiti ako.

Mukhang workaholic!

Si Kuya Hunter naman ay naka-maong lang at hubad ang pang-itaas, nakahiga sa duyan,
magulo ang buhok at abala sa pagte-text.

"Kuya Da! Kuya Hunter!" Heart called.

The two glanced at us, ngumiti kaagad ako.

"Magandang umaga po," bati ko.

"Good morning!" they both greeted and smiled, bumati rin ang mga lalaki at tinuro
ni Kuya Hunter ang mansyon at bumaling sa amin.

"Si pangit nando'n sa loob, may kausap." Aniya at nagtaka pa ako pero hinawakan na
ako ni Heart at sabay kaming pumasok sa loob.

Pumasok kami at tinanong ni Heart ang kasama nila sa bahay kung nasaan si Atlas at
tinuro naman nito ang kusina kaya pumunta kami roon. My heart is beating rapidly,
excited to see Atlas but my smile faded when I saw him laughing with a girl inside
the kitchen.

Nakaupo ang babae sa stool, medyo kulot ang buhok. Si Atlas ay nakasandal sa
counter, nagke-kwentuhan sila at nagtatawanan.

I suddenly don't like the way I reacted, bakit nawala ang ngiti ko pagkakita sa
kanilang nagtatawanan? Bawal na ba silang magtawanan?

That's rude of you, Lia.

"Hey, boplaks!" Heart called, natigilan ang dalawa. Bago pa man kami lumingon ay
ngumiti na ako kaagad sa kanya.

"Magandang umaga," bati ko at ngumiti.

The lady turned her head and I immediately saw how beautiful she is, she has chinky
eyes and fair skin. Mahaba ang kulot na buhok and she has that soft expression her
eyes.
"Lia!" nawala lang ang atensyon ko sa babae nang maglakad patungo sa akin si Atlas,
I was shocked when he cupped my cheek.

Nag-angat ako ng tingin at kaagad na kumalabog ang puso ko nang makita ang mga mata
niya.

"A-Atlas..." tawag ko at ngumiti.

"Sorry, something came up, hindi ako nakasama magsundo, pinayagan ka?" he smiled
and my heart hammered when he slowly let go of my face and fix my hair.

"Oo," sagot ko at bumaling muli siya sa akin habang marahang sinusuklay ang buhok
ko ng daliri niya.

"That's good," he smirked and pinched my cheek. "Marami akong pinalutong pagkain
mamaya." He said excitedly kaya natawa ako at tumango.

"Nagpadala rin si Nanay ng ulam, hatian na lang natin mamaya."

"Oh, nasa'n?" aniya at sumulyap sa kamay ko pero umiling lang ako.

"Nasa sasakyan, eh."

"Bigay mo kaagad sa'kin, itatago ko. Dapat marami kong makain." Aniya at natawa na
ako sa kanya roon at napailing.

"Madami 'yon, Atlas. Mamigay tayo baka mamaya ay tawagin ka na naman ng..." nabitin
ang sasabihin ko nang bumusangot siya.

"Amalia..." he glared at me, namula na kaya napatawa ako.

"Oo na, secret lang..." I said in a small voice. "Pero mamigay ka, huh?"
"Okay," he sighed and pinched my cheek again. "Pero mas marami pa rin ang sa akin
dapat."

Magsasalita pa sana ako pero nawala nang tumayo ang babaeng maganda sa tabi ni
Atlas at ngumiti.

"Atlas, pakilala mo naman ako..." the beautiful lady smiled and I immediately
smiled too.

"Hello," marahang sabi ko.

"Hello rin, you're pretty." She smiled.

"Ah? Uhm, ikaw din." Bigla akong nahiya at ngumiti na lang.

Kumapit si Heart sa braso ko at bumaling kami kay Atlas na tinawag ang pansin ko.

"Lia, I want you to meet Yui. My childhood friend." He said. "Yui, this is Lia."

"Uh-oh..." I heard Heart said in a low voice kaya nilingon ko siya at ngumiti lang
siya at umiling.

"Uh, hello, Lia..." pakilala ko at in-offer ang kamay ko sa kanya.

"Yui," she smiled and she looks sophisticated, doon ko natantong mukha siyang
lumaki sa syudad. She accepted my hand and shake it.

"Tara na, excited na akong lumangoy!" biglang putol ni Heart.

"Lia—" Atlas called pero 'di ko na siya nalingon dahil nahila na ako ni Heart
palabas kung nasaan ang mga lalaki at nag-aayos na sa sasakyan.
"Si Atlas daw magda-drive," ani Josh pagkakita sa amin kaya tumango ako at ngumiti.
Pinagmasdan ko si Atlas na naglalakad, kasabay niya si Yui.

Hinawi ko ang buhok nang tumama ang malakas na hangin at nang maitabi ang buhok ko
ay nasalubong ko ang mata ni Atlas na nakatitig sa akin. The side of his lips
lifted the moment he saw me staring at him.

It was as if butterflies danced and had fun while I was staring at him that I
immediately smiled.

Nakita kong lumaki ang ngisi niya, he jogged towards me and immediately placed his
arm on my shoulder.

"Ako mag-da-drive, gagalingan ko." Aniya at natawa ako at tumango.

"S'yempre, ikaw pa ba?" I smiled at him.

"Tabi tayo, ah?" aniya at tumango ako, papunta na sana kami sa sasakyan nang makita
namin ang paglapit ni Yui sa front seat at mabilis na pumasok at dumungaw, kumaway
pa kay Atlas.

"Ikaw daw mag-da-drive, eh! Galingan mo, Atlas, I'll watch you." She smiled
sweetly. "Faster!"

I saw Atlas glanced at me, I saw hesitation, alam kong about 'yon sa front seat
kaya bago pa man siya magsalita ay umiling na ako at nagsalita.

"Don't worry, okay lang. Katabi ko naman sina Heart." I smiled.

His forehead creased, mula sa balikat ko ay bumaba ang kamay niya sa braso ko
pababa sa daliri ko at marahang humawak doon.

"Sorry," he sighed and I glanced at him.


"Okay lang, ano ka ba." I said softly. "Basta galingan mo pa rin, ah?"

His lips lifted for a smile, I saw the sun rays touched his face and his features
got clearer.

"Para sa'yo, I will." He winked and my cheeks flushed, hinatid niya ako sa sasakyan
at nakaabang na sina Heart. I saw Josh and her smirking, si Ted ay seryoso at kunot
ang noo habang nakamasid.

"Careful," Atlas helped me up, naupo ako sa tabi ni Heart at dumungaw muna siya
bago isinara ang pinto.

"Alagaan niyo si Lia, kapag bumaba 'yan ditong may galos..." he said and smiled at
me immediately. "Lipat na ako ro'n, Lia."

I smiled and nodded.

"Daming arte, Montezides. Kung may makakasugat man kay Lia baka 'yong pagda-drive
mong lutang..." Heart muttered and we all laughed, ngumuso si Atlas at bumaling
ako.

"Lutang ba akong mag-drive, Lia?" he said, kumurap-kurap pa, he showed me a cute


puppy look.

Medyo lutang, bibi ko...

"Ay, 'di sumagot si Lia, oo raw!" tawa ni Josh kaya ngumuso si Atlas at bumagsak
ang balikat, nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling.

"H-hindi ah!" I exclaimed and he smiled.

"I knew it!" he said.

"Tara na, Atlas. Excited na ako sa falls!" biglang dumungaw sa likuran si Yui na
may ngiti sa labi kaya natigilan kami at tumango si Atlas at natawa.

"Yes, Ma'am." Aniya at mabilis na pumunta sa harapan.

Sa buong byahe ay maingay ang mga lalaki, I noticed na kilala na nila si Yui. Josh
and Ted is talking to her, miski si Atlas na nag-da-drive ay natatawa rin sa kwento
ng mga babae.

Turns out, magkaklase sila no'ng elementary at magkababata pa, sa Maynila kasi sila
nag-aral dati. Si Atlas ay no'ng highschool lang lumipat sa CSU, hindi kagaya ng
mga Kuya na narito na talaga simula pagkabata.

May bahay din daw sina Yui rito sa Cagayan at t'wing bakasyon ay nasa Montezides
siya.

"And guess what? Sa CSU na ako this coming Grade 12! Magka-klase ata tayo!" she
announced and I smiled when Atlas laughed and glanced at her.

"Really?"

"Yes!" she giggled. "My parents wanted to focus on their business here, kapag
college 'di ko pa alam but for the mean time, dito muna ako mag-aaral! Kaklase ko
kayo!"

"That's good," Josh said.

Lumingon sa amin si Yui at ngumiti, "baka magkakaklase tayo!"

"Grade 10 pa lang kami sa pasukan," I smiled at her.

"Oh!" her eyes widen. "But it's okay, see you around CSU!"

Ngumiti ako at tumango, "see you around!"


It was my first time sa falls na pupuntahan namin kaya wala akong ideya sa itsura
pero alam kong maganda ang lugar, walang hindi maganda sa Cagayan. There are a lot
of hidden treasures here na hindi pa masyadong nakikilala pero deserving.

Nakapunta na ako sa mga falls pero ngayon lang ako makakapunta sa Lapi. Tumigil ang
sasakyan nang marating namin ang Lagum.

"Yehey! I'm excited!" Heart almost danced in happiness.

Napasulyap ako kay Atlas na nakatitig sa akin. I smiled at him and he smiled back
at me, nang kinalabit siya ni Yui ay napabaling siya roon at kinausap ang huli.

"Lakad lang tayo tapos sakay sa bangka patawid," ani Heart sa akin.

"Mababasa ba tayo kaagad?" I asked, napababa ang tingin sa suot kong sapatos.
"Akala ko kasi maglalakad muna kaya..."

Natawa si Heart at dumungaw din sa paa niya, "actually, Lia, same tayo..."

Sumulyap ako at nakasapatos din siya kaya sabay kaming natawa.

"Don't worry, doon pa naman sa unahan tayo maglalakad, 'di rin kayo mababasa
kaagad. May bangka naman patawid." Ted smiled when he heard us.

"Mabuti na lang naka-tsinelas lang ako!" Yui chuckled kaya bumaling kami sa kanya.
She showed us her slippers at ngumiti ako.

"Sana nag-tsinelas ako, nasa bag pack lang naman." Ngiti ko.

"Palit na lang kayo mamaya," she smiled softly and glanced at the back. "Atlas,
look, I am wearing slippers!"

"Tss..." I glanced at Heart when I caught her frowning.


"Heart?" I called but she just smiled and shook her head at me, "wala, tara na."

Dala ng mga lalaki ang mga pagkain namin, magkahawak kami ni Heart at nakita ko pa
si Yui na kausap ang bangkero habang hawak ang braso ni Atlas.

My lips pursed, sumulyap ako sa kanila at binasa ang labi ko.

Bagay sila...

"Let's go, girls." Ted called, bumaling kami sa kanya at ngumiti siya at tinuro ang
bangka. "Mabilis lang, tatawid lang tayo tapos lakad ulit papunta sa Lapi Falls."

I am so thrilled and amazed, kaagad kong nahuli si Atlas na nakatingin sa akin kaya
ngumiti ako.

"Careful," I heard Ted say, hinuli niya ang kamay ko at inalalayan ako papasok sa
bangka.

"Salamat..." I smiled.

Naupo kaagad ako sa gilid katabi ni Heart, I noticed Atlas glancing at me. Kunot
ang kanyang noo, seryoso at mariin na ang titig kay Ted na mabilis na naupo sa tabi
ko.

While in the boat para makatawid sa kabilang banda ay tahimik kong pinagmamasdan
ang paligid, ang mga puno at ang maaliwalas na langit. Si Heart ay abala sa kaka-
picture at nahuli ko pang kumukuha ng video sa aming mga kasama sa bangka.

"Hi naman kayo r'yan!" Heart giggled, extending her selfie stick in the air. "Lia,
say hi!"

"Hi?" natawa na lang ako nang bumusangot si Heart at kinurot ako. "'Yong mas may
buhay!"
Pagkababa ng bangka ay maglalakad na raw kami papunta mismo sa falls. Ito na ang
advantage ng running shoes ko, kapag may basa na sa daan 'tsaka ko magpapalit ng
tsinelas. Nasa bag pack lang naman.

Kasabay ko si Ted sa paglalakad, si Heart ay nauuna para sa video niya pang-


instagram at nakasunod sa kanya si Josh na bumubulyaw na dahil sa kakulitan ng
kaibigan.

Sa likod namin ay si Atlas at Yui pero 'di ko nililingon at baka makita pa silang
magkahawak na pala.

"Lia, bayabas, oh..." biglang may kumalabit sa akin sa likuran kaya nilingon ko at
nakita si Atlas na may hawak na bayabas. Medyo maliit lang.

"Saan mo..."

"Here," he smiled and pointed the tree. Muli siyang tumalon at may nakuhang dalawa
pa at muling inilahad sa akin. "Tatlo para—"

"Atlas, I want one too!" Yui cheered kaya napabaling sa kanya si Atlas at tumango.

"Alright,"

"Salamat," sabi ko bago bumaling na kay Ted na nakatitig lang pala sa akin.

"Hugasan natin saglit?" he offered and I nodded, kinuha niya ang bayabas na hawak
ko, hinugasan ng kaunting mineral water bago ibalik sa akin.

"Thank you, Ted. Sa'yo na 'to." Bigay ko sa kanya ng isa na masaya niyang tinanggap
at kinagatan.

"Thanks, Amalia." He smiled, narinig ko ang marahas na tikhim sa likod pero 'di ko
na nilingon at nahiya na.
No'ng malapit na kami sa unang talon sa Lapi falls ay medyo pumitik na ang daan,
ayaw ko namang ilakad ang sapatos ko roon kaya bahagya akong gumilid para magpalit
kagaya ng ginagawa ni Heart.

"Mauuna na ako, I have slippers, oh. Look!" Yui said and smirked, nauna na siyang
maglakad, nilagpasan kami.

Kinuha ko ang bag pack ko, I glanced at Atlas who's just staring at me and moved a
bit.

"Sige, daan ka na..." I said and offered him the path.

"What are you doing?" he asked, lumapit pa sa akin. Naamoy ko ang pabango niya kaya
nag-init ang pisngi ko at bumaling sa bag.

"Ah, ano, papalit lang ng tsinelas. Maputik na kasi." Sabi ko.

"No need," he said kaya sumulyap ako at nangunot ang noo.

"Huh?" hindi niya ako pinansin, nakita kong inabot niya ang hawak niyang paper bag
at plastic kay Ted na nakatayo rin sa may gilid.

"Anong gagawin ko—"

"Hold it," he said and walked towards me again. Bahagya siyang dumukwang at
nangunot ang noo ko.

"Atlas, anong—" napatili ako sa gulat nang bigla niyang sinakop ang hita ko at
iniangat ako. My eyes widen when I found myself on his arms, sinilip niya ako at
ngumisi.

"Anong—"

"I'll carry you," he smiled and I only blinked.


"H-huh?" I couldn't even find my voice. "B-bakit? Kaya ko naman, papalit lang akong
tsinelas—"

"Nah, let me carry you," he smiled and glanced at our friends looking at us with
wide eyes. "Tapos na ang telenovela, maglakad na kayo ulit."

"Nice one, boplaks!" biglang humagalpak si Heart na kakatapos lang magpalit ng


tsinelas at nakakapit na kay Josh.

"Baliw, sige na, go. Susunod kami ni Lia." Aniya.

I saw Yui continued walking, si Josh ay humagalpak. "Nice one, Cap!"

Ted glanced at us and shook his head, smiling a bit.

Nang maglakad na muli ang mga kasama ay napabaling ako kay Atlas na nakamasid sa
akin, he has that hidden smile on his lips.

"K-kaya ko naman maglakad..." nag-init ang pisngi ko nang mas napadikit ako sa
dibdib niya dahil sap ag-ayos niya sa akin sa braso niya.

"Why walk when I can carry you?" he smirked and started walking. "Encircle your
arms on my neck, alam mo namang may pagkalampa ako at baka madulas tayo. I don't
want you hurt."

Doon na ako natawa, I encircled my arms on his neck and let him carry me while we
walked pass the muddy path.

'Di ko ata maitatago ang ngiti ko at kilig habang buhat niya ako. My cheeks are in
heat, I am positive nab aka namumula na ako at pasimpleng isinandal pa ang ulo sa
braso niya.

"You're blushing, Lia." He noticed kaya nanlaki ang mata ko at binalingan siya, he
has that playful smile on his lips kaya mabilis akong umiling.
"M-mainit lang kasi!" I defended, halos lumaki na ang butas ng ilong, lalo na no'ng
tumawa siya. "Totoo nga kasi!"

"Oo nga," he chuckled again, "wala naman akong sinasabi, ah?"

I smacked his chest, natatawang kumindat lang siya at nagpatuloy sa lakad. Noong
makalagpas na kami ay 'tsaka ko lang siyang napilit na ibaba ako. Nang marating
namin ang unang falls ay namangha na kaagad ako, hindi pa raw 'yon ang main ay
maganda na!

Paano pa kaya kung sa main falls na?

Hindi na ako napilit ni Atlas magpabuhat no'ng tatawid na kami sa unang falls. He
let me sit on the rock, kinuha ko ang tsinelas para magpalit pero hindi na ako
nakagalaw sa gulat nang kinuha ni Atlas ang sapatos ko at mabilis na lumuhod sa
harap ko.

"Atlas..."

"Let me," he said and removed my foot from the shoes, pinagmasdan ko siya at dinama
ang malakas na pagkabog ng puso ko. Ipinasuot niya sa akin ang tsinelas bago kinuha
ang plastic para ilagay ang shoes ko.

I found myself lifting my hand placed it on his hair, napabaling siya sa akin at
ngumiti ako at marahang sinuklay ang magulong buhok niya ng daliri ko.

"Salamat," I smiled.

"Anything for my Lia," he smiled and stood, offering me his hand.

Sabay kaming tumawid sa unang falls at punong-puno ng paghanga ang puso ko habang
nakamasid sa lugar. I saw the birds flying at the top part of the rock formations,
ang lagaslas ng tubig ay musika sa pandinig.
When we reached the main falls, I don't think words are enough to describe the
beauty hidden in it. There are trees and green plants all over the falls, malinaw
at parang kristal ang tubig na nahuhulog mula sa tuktok pababa.

I heard nothing but the amazement from my friends, the chirping birds and the sound
of the water falling down. I felt the fresh air touched my skin, nilipad ang buhok
ko at kaagad ko iyong sinakop at napangiti.

"Wow..." I can't help but be amazed.

Ang tubig mula sa falls ay nagiging halong kulay berde at asul kapag nahuhulog sa
ibaba, the sun gazed upon the water and it brightened and became clearer.

"OMG! Swim na!" Heart exclaimed, "guys, picture!"

"Come on," Atlas touched my hand, napabaling ako sa kanya at ngumiti siya. "Do you
like it?"

"It's...amazing." I said and he chuckled, inangat ang isang kamay at ginulo ang
buhok ko.

"I am glad you liked it," aniya at pumunta kami kina Heart para kumuha ng litrato.

Inayos ng mga lalaki ang pagkain at si Heart ay walang pasabing hinubad na ang
shirt at lumitaw ang bikini niya.

"Lia, hubad na!" she cheered at nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling sa kanya,
unti-unting niyakap ang katawan ko.

"A-ayaw ko, shirt lang ako, Heart." I said in a small voice.

Nahuli ko si Yui na nakatwo-piece na, nasa may gilid lang at naglalagay ng lotion
ata 'yon.
"Hala, kaya nga kita binilhan ng bikini! Tapos 'di mo ipapakita?" she exclaimed and
I pouted, napalunok at tumikhim.

"J-joke lang, 'di ko pala kaya suotin..." I said pero ang totoo ay suot ko ang itim
na bikina sa ilalim ng itim na shirt ko.

"Weh?" binaba niya ang shirt ko sa balikat kaya napasinghap ako nang makita niya
ang bikini.

"Suot mo, eh!" tawa niya.

"O-oo nga, pero nakakahiya—"

"Come on, be confident, Lia. You got the body, sinukat mo na ang swimsuit, 'di ba?
And I know that would look good on you, come on!"

"P-pero..." tumikhim ako, napasulyap sa mga lalaki roon, lalo na kay Atlas na
nakamasid pala sa amin ni Heart.

Tumayo siya at hinila mula sa likod ang shirt na suot para hubadin at nakita kong
lumitaw ang katawan niya kaya marahas akong lumunok at bumaling sa kaibigan ko.

"H-Heart..."

"Sige na, sige, magtatampo ako." Heart pouted and I sighed.

"S-sige...pero p'wedeng 'yong bra lang ang ipakita? 'Di pa kasi ako komportable sa
panty..." I said in a small voice and Heart laughed at laking pasalamat ko nang
tumango siya.

"Sige na nga, basta, ah?"

"O-okay..." she winked at me, hinila na niya si Josh na kakahubad pa lang ng shirt
sa tubig at sinabuyan ng tubig kaya suminghap ang huli at nagbasaan sila.
I chuckled, muli akong napabaling kay Atlas na nakatitig sa itaas ng falls. He's
only wearing his shorts, kitang-kita ko sa pwesto ko ang muscles sa braso niya. May
abs din!

Jusmiyo!

Napahawi ako sa gilid ng labi at baka may laway.

"He's hot, right?" nawala ang atensyon ko kay Atlas nang may magsalita sa tabi ko
kaya napabaling ako at nakita si Yui na nakangiti, nakamasid din kay Atlas.

"Ah, oo..." ngumiti ako.

She smiled, hinawi ang buhok niya. "Kaya gusto ko 'yan, eh."

Natigilan ako, she smirked at me, placed her finger on her lips and spoke. "Secret
lang, ah?" hindi na ako nakapagsalita nang iwan niya ako at tinakbo si Atlas.

I saw her pulled him to the water and they laughed.

I sighed, tumayo ako, nahihiya mang maghubad at ayaw n asana pero nahuli ko ang
titig ni Heart kaya ngumuso ako at unti-unting hinubad ang shirt.

Halos kilabutan ako nang ang bra ng bikini ang natira sa akin at shorts ko.
Napalunok ako, halos mayakap ang sarili pero nahuli ko si Ted na ngumiti sa akin.

"You look good," he said and stared at me. "Bagay sa'yo, tara?"

He offered his hand at ngumiti ako at biglang naging confident sa sinabi niya. I
took his hand, sumama ako sa kanyang papuntang falls at halos mapasinghap ako sa
lamig ng tubig na tumama sa balat ko.

"Lia! Tara!" Heart called me, nasa gitna na at malalim na parte ng falls.
"Huh? H-hindi na..." I said.

"Tara, do'n tayo sa kanila?" Ted offered pero mabilis akong umiling at naglakad sa
may gilid, sa hindi pa masyadong malalim na parte.

"'Di na," I smiled. "Ano, dito lang ako. Ayaw ko kasi sa malalim, 'di 'ko marunong
lumangoy." I said softly.

He looked shocked but then smiled and nodded, "samahan na lang muna kita rito."

"Huh?" my eyes widen.

"Hmm, para 'di ka mapag-isa. Mamaya-maya, lalangoy na rin kasi 'ko. Gusto mo ba
pumunta roon? Aalalayan na lang—"

"'Di na!" mabilis akong umiling sa kanya at ngumiti. "Ayos lang."

Tumango siya at sinamahan muna ako, lumubog ako saglit at nang Mabasa ang mukha ay
hinawi ko ang buhok at inilagay sa balikat, I caught Atlas' eyes, kausap siya ni
Yui pero nakatingin sa akin kaya ngumuso na lang ako at sumandal sa may bato at
tumitig sa tanawin.

"Babalik ako rito," nakangiting sabi ko at hinawi ang basa sa pisngi.

"Beautiful, right?" Ted smiled and I nodded at him.

Saglit kaming nag-kwentuhan, tinawag pa ako at pinuntahan ni Heart pero 'di ako
sumama dahil natatakot ako sa malalim kaya hinayaan na lang nila ako sa gilid.

I am not bored anyway, nag-e-enjoy ako sa tanawin, sa tunog ng pagbagsak ng tubig


at sa ganda ng kulay berdeng mga halaman. I stared at the water and touched it and
it is so soothing and relaxing.
No'ng nagpaalam si Ted na lalangoy saglit ay hinayaan ko siya, I watched him swim
towards our friends and I rested my back on the rock, medyo nagpo-floating pa kahit
'di naman talaga gano'n kagaling.

I saw Yui swimming towards the rock, kung saan nahuhulog ang tubig. Napabaling ang
tingin ko kay Atlas at nakitang nasa kabila lang siya, nakatitig.

Napalunok ako, biglang nagbaba ng tingin at naglaro na lang ng tubig.

After a moment, I glanced again at his place and didn't saw him there. Kumunot ang
noo ko pero nang sumulyap ako kay Yui ay wala na rin doon kaya marahil ay magkasama
na sila.

I felt the pain in my heart, okay, I am jealous. Hindi naman dapat pero
kasi...gusto ko siya.

But who am I to be liked by him back, right?

I sighed.

I am just Amalia...I have nothing to offer.

Isang hawak sa baywang ko ay napatili na ako, sa gulat ko ay halos masipa ko ang


kung sino sa tubig nang biglang may umahon sa harapan ko.

Nagitla ako nang may umahon at nakitang si Atlas iyon, our eyes met, his eyes are
black and mesmerizing, ang buhok niya ay bagsak dahil sa tubig. I saw how the water
fell on his jaw down his naked chest and I gulped.

"A-Atlas..."

"Nagtatampo na ako, Lia..." he said and my eyes widen, ramdam ko pa rin ang kamay
niya sa baywang ko.
"H-huh?" I gulped. "B-bakit?" my voice even quivered.

"Hindi na tayo nagkakausap," he whined. "Si Ted na lang palagi..."

"Paano tayo mag-uusap, eh, kausap mo si Yui?" marahang tanong ko, kunwari'y 'di
distracted sa katawan niya.

"She's a friend," he said, inangat niya ang isang kamay niya at hinawi ang buhok
ko. He placed my wet hair behind my ear and brushed it slowly.

"Kaibigan ko rin si Ted," I said.

He sighed, I saw him licked his lip, nahulog ang buhok niya sa noo dahil sa tubig
kaya hinawi ko iyon at muli kaming nagkatinginan.

"Who bought you that?" he asked, glancing at my bikini kaya nag-init ang pisngi ko
at tumikhim.

"Si Heart," sagot ko. "Bakit, p-pangit ba?"

His forehead creased, akala ko ay tatango pero mabilis siyang umiling at bumalik
ang tingin sa mga mata ko.

"No, bagay sa'yo...I just..." he sighed.

"Ano?"

"Ang dami ko ng kaagaw sa'yo," aniya kaya nanlaki ang mata ko. Namula ang mukha
niya, umawang lang ang labi ko pero mabilis niyang nahuli ang daliri ko at tumitig
sa akin.

"Punta tayo ro'n." Tumikhim siya at may tinuro.


"Huh?"

"There is a place behind the water," aniya. "Aakyat tayo d'yan sa may batuhan tapos
sa likod may p'wedeng upuan, maganda do'n, wanna see?"

"Uh, sure..." I nodded, hindi pa rin maka-get-over sa narinig ko.

"Saan kayo?!" Heart called when she saw us both.

"D'yan lang," ani Atlas na hindi muling lumingon at hinawakan ang baywang ko.

We only walked to the side dahil ayaw ko nga sa malalim, kaso pagkatapos, wala lang
kaming choice kung hindi ang lumangoy, inalalayan niya ako, halos malunod na nga
para lang 'di ako lumubog papunta sa gitna para makaakyat sa batuhan.

Nang marating namin ang sinasabi niya ay nakita ko nga ang siwang sa may likod ng
falls, kung saan p'wedeng maupo.

"Wow..." I muttered. "P'wede rito?"

"Yes," he smiled and brushed his hair, "Come on, Lia, I'll help you up."

I was hesitating at first but he touched my waist again.

"Just climb on the rocks tapos pag-akyat mo, okay na. Just be careful, okay?
Madulas ang bato." He said softly.

"Okay," I nodded and he helped me up a bit. The rocks are kinda slippery, like he
said pero nakaya ko naman. Medyo nadulas nga pero nakaakyat din ako kaagad at naupo
sa may gilid.

"You good?" I heard Atlas said and I nodded.


"Oo, akyat ka na rin, dahan-dahan lang." Ngiti ko.

He nodded, I saw how he brushed his wet hair and glanced up at me, ngumiti naman
ako at nag-thumbs-up.

"Tara!" I called.

He nodded, humawak siya sa bato at umakyat din pero pangalawang hakbang pa lang ay
dumulas kaya medyo nahulog pabalik.

"Fuck!" he cursed.

"O-okay ka lang?!" I exclaimed, dinungaw siya pero ngumuso siya, kumurap at


tumango.

"Y-yeah, madulas kasi..." he laughed awkwardly.

"Dahan-dahan, baka masugatan ka..."

He cursed again when he almost slipped, parang lalabas ang puso ko sa kaba sa kanya
pero ang saya lang no'ng finally ay nakaangat na.

"Okay na?" I asked and he blushed, tumikhim siya at napahawak sa batok niya.

"Y-yeah," hinuli niya ang daliri ko at marahang pinagsaklop ang kamay namin at
marahan akong hinila. "'Di ako lampa, ah? M-madulas 'yong bato kasi, right, Lia?"

Alam kong nahihiya na naman siya kaya tumango ako at ngumiti.

"Oo, madulas nga." I said.

"Kasalanan no'ng bato," he whined. "Kitang aakyat ako..."


Natatawa ako pero 'di ko na pinakita at hindi na ako nang-asar. No'ng pagkarating
namin sa mismong likuran ng falls ay mas lumakas ang lagaslas ng tubig, halos di ko
na marinig ang sinasabi niya dahil sa ingay ng pagbagsak.

"Here," narinig kong malakas niyang sabi bago ako dalhin sa may siwang ng bato kung
saan kami p'wedeng maupo.

Hinawakan niya ang braso ko, marahan akong inalalayan paupo at habang pinagmamasdan
ang tubig na nahuhulog ay mas napayapa ako.

Ang ganda nga talaga!

A few drops of water is touching our skin, napapikit ako ng mata sa ginhawa
hanggang sa naramdaman ko na lang ang braso ni Atlas sa braso ko.

Nagmulat ako ng mata at nahuli ang kamay niyang nakahawak na sa balikat ko.

"Baka nilalamig ka." Medyo malakas niyang sabi.

I slowly nodded, tumalon ang puso at nagpigil ng ngiti.

Ilang sandali pa kaming gano'n, hindi ako nakuntento at umusog ulit sa katawan niya
at naramdaman ko ang pagtigil niya.

"U-uh, ano kasi...medyo malamig talaga." Medyo malakas kong sabi at sumandal ng
bahagya.

"How about this?" he asked, mas binalot ng braso niya ang balikat at likod ko at
naramdaman ko ang init niya kaya tumango ako.

"O-okay na...salamat." I said.

Tahimik naming pinagmasdan ang talon mula sa likod, I saw Atlas took my hand and
played with it, he drew circles and I smiled and felt happy.

The power of youth and the feeling of happiness and being in love. I liked it very
much.

"...you." Saktong paghuli ko sa daliri ni Atlas ay ang narinig ko boses niya kaya
natigilan ako at mabilis siyang nilingon.

"Hmm?" I asked.

I saw him smiled a bit, his eyes are soulful.

"You didn't hear it?" he asked and confused, I shook my head.

"Sabi ko," aniya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin, hinawi niya ang basang
buhok at nilagay sa balikat bago tumitig sa akin.

"Sabi mo?" takang tanong ko.

He cleared his throat, nagtaka ako nang mamula siya at halos manlaki ang mata ko
nang ilapit niya ang mukha sa akin, akala ko'y ano na pero lumapit sa tainga ko at
may sinabi.

"Sabi ko, gusto kita." Aniya at kahit anong lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig,
walang nakatalo sa lakas ng kalabog ng puso ko.

Chapter 12 - Kabanata 10

Kabanata 10

My watch made a loud sound. Nagkatitigan kami ni Atlas at napakurap ako.

"Lia!" he called but I was too pre-occupied, damang-dama ko ang kalabog ng puso ko.
Gusto niya raw ako!

"Lia! Are you okay?!" doon lang ako natauhan, bumaba ang tingin ko sa relo ko at
natantong malakas ang tunog nito. I panicked, mabilis kong pinindot para mawala ang
ingay at napasulyap kay Atlas na kunot ang noo.

"Lia, answer me!" he demanded, cupping my face, hinanap niya ang mata ko at
nagsalita. "A-are you okay? D-did your chest hurt? I..."

"A-ayos lang..." slowly, I found my voice.

Mabilis pa rin ang kalabog ng puso ko at hinanap ang mata niya. "Ayos lang..."

"No..." his forehead creased. "We have to go back, ang gamot mo? Are you..."

I took his hand on my cheek and slowly squeezed it, natigilan siya roon at mas
lumambot ang mga mata.

"Lia, we have to—"

"I-I'll calm down," bulong ko. "B-baba tayo mayamaya, k-kakalma lang ako."

He was hesitant at first, alam kong gusto niyang ipilit na bumaba na kami pero para
'di ko pa ata kaya hinayaan na lang niya ako. He slowly pulled me on his chest,
napapikit ako at isinandal ang mukha roon, marahang kumakalma.

"S-sorry..." he muttered. "D-did that scare you?"

"H-hindi naman..." sagot ko at hindi na siya sumagot at hinayaan na lang ako.

After a few moments, I felt myself calming down, doon na ako nag-ayang bumaba at
halos mag-panic na siya para maibalik ako.
He was too quick to get down the rocks and caught me, inalalayan niya rin ako
pagkarating namin sa tubig at hindi ko na siya napigilan nang bigla na lang niya
akong buhatin pagkarating namin sa mga may lupa para dalhin sa malaking bato at
paupuin.

Medyo nanghihina ako, naririnig ko ang boses nila Heart pero 'di ko na masyadong
makuha.

"Wear this first," nang imulat ko ang mata ko ay nakita kong inilalahad niya ang
shirt. Hindi na ako nakapagsalita nang isuot niya iyon sa leeg ko at inangat ko ang
braso ko at doon na ako niyakap ng init.

"Water, Heart..." he called at mayamaya'y nahuli ko na ang pagtakbo ni Heart hawak


ang plastic cup at inabot sa akin.

"Here," she said, mabilis na tumabi at pinagmasdan akong umiinom. "Lia, are you
okay?"

"Anong nangyari?" Josh asked, kasunod na si Yui at si Ted na kakaahon lang sa


falls.

Nagkatinginan kami ni Atlas, lumapit pa siya ng bahagya sa akin at hinawi ang buhok
ko, marahang sinusuklay.

"Ayos na ako..." sabi ko bago bumaling sa mga kaibigan.

"Lia, are you really..." nasalubong ko ang mata ni Atlas bago marahang tumango at
ngumiti, kumalma na.

"Oo, ayos lang." Sagot ko. "M-medyo nagulat lang..."

"Ano bang nangyari?" Yui suddenly asked, hinahawi pa ang buhok at dumudungaw sa
akin.

Hindi kaagad ako nakasagot, nakita ko rin si Atlas na nakatitig sa akin, tila
inaantay kung sasabihin ko ba kung ano kaya nag-init ang pisngi ko.
"U-uh, wala, medyo nag-panic lang ako..." sabi ko na lang.

Nakita kong nakatitig sa akin si Heart, alam kong 'di niya kinukuha ang palusot ko
pero 'di siya nagsalita.

"Uh, gano'n ba?" Yui smiled, "'yon lang pala, can we eat for lunch na?"

Kumunot ang noo ni Heart, umawang ang labi para magsalita pero umiling ako nang
magtagpo ang mata namin. I saw Josh pulled her wrist a bit, si Atlas ay 'di na
gumalaw at nanatiling pinagmamasdan lang ako.

"Lia—" Ted called pero tinawag ni Yui ang pansin niya.

"Come on, Ted. Help me fix the foods, busy pa sila." She smiled a bit and walked,
nakalagay pa ang t'walya sa balikat.

"Lia," Ted called and I smiled and nodded.

"Ayos lang ako, promise." Sabi ko at ngumiti.

He nodded and sighed, sumunod kay Yui at si Heart ay mabilis na lumapit sa akin.

"Anong nangyari, Amalia?" aniya. "Kailangan mo na ba uminom ng gamot o ano?"

"We should visit a hospital," dagdag pa ni Atlas doon kaya mabilis akong umiling sa
kanila at humugot ng hininga.

"Ayos lang talaga..." I smiled to assure them that I'm really okay pero mukhang
hindi sila naniwala. "Seryoso..."

"Ang gamot mo?" humalukipkip pa si Heart sa harapan ko.


I bit my lip, sumulyap kay Atlas na mukha talaga 'di kumbinsido.

"Anong oras na?" I asked.

He sighed, glanced at his watch and spoke. "Twelve-thirty."

"Oh," I nodded. "Hindi pa oras, mamaya pang ala-una."

Pahirapan pero nakumbinse ko silang ayos lang ako pagkaraan kaya pinakawalan na
ako. Magkakapit kami ng braso ni Heart habang naglalakad patungo kay Ted na nag-
aayos na ng pagkain. Yui is resting on the rock, naka-shades at tahimik na
nakatingin sa amin.

"Nice one, anong feeling na suot ang shirt ni crush?" natigilan ako sa biglaang
sabi ni Heart kaya nilingon ko siya.

"Huh?" I asked.

She smirked, nginuso ang damit ko kaya unti-unting bumaba ang tingin ko sa shirt na
suot at nakitang putting shirt iyon ni Atlas.

My eyes widen, nag-init ang pisngi ko, mukhang kikiligin na naman kaya suminghap
ako at kinurot si Heart na humahagikhim sa tabi ko.

"H-h'wag ka maingay..." I whispered.

"Yieee..." tinusok niya ang baywang ko kaya napatalon ako.

"H-Heart!" pinalo ko ang kamay niya pero tatawa-tawa lang siya. "H-h'wag ka
maingay, baka ano...tumunog na naman 'to." Ipinakita ko sa kanya ang smart watch.

"Uh-huh..." tumaas ang kilay niya sa akin kaya natigilan ako. "Tell me, anong
dahilan ng panic mo?"
"Huh? Wala?" tumikhim ako at nag-iwas ng tingin, binitawan ko siya, iiwan na sana
pero muli niya akong hinila.

"H'wag mo 'ko takasan, Lia." Ngisi niya. "Okay ka naman kanina, ah? Tapos no'ng
nagsarili lang kayo ni bobo..."

"W-wala nga..." iling ko.

"Weh?" she grinned. Nag-init ang pisngi ko kaya tumawa na siya.

"Sige, mamaya sabihin ko..." I sighed and glanced at her. "Pero ipangako mo na
secret lang, ah?"

I saw the glint of wickedness on her eyes, handa na namang mang-asar pero ngumisi
at tumango.

"Mamaya, ah?" she giggled and spoke. "Mukhang may ginawa si boplaks..." aniya bago
'ko hinila sa mga lalaki na nag-aayos.

"Balatan mo naman ako ng hipon, Atlas." Yui called him habang nag-aayos siya ng
plato namin.

"Uh, sure..." Atlas nodded, glancing a bit at me kaya ngumuso lang ako at nagbaba
ng tingin.

"Luh, walang kamay?" napalingon ako kay Heart na biglang nagsalita kaya ngumuso
siya at pinakita sa akin ang phone niya. "Look, Lia, walang kamay."

Naguguluhan akong sumilip at nang walang makitang kung ano sa phone niya ay
kumindat siya sa akin.

"Uh...wala nga. Kawawa." Pagsakay ko sa kanya at sabay pa kaming ngumisi sa isa't-


isa.
"Kita ko 'yon," Josh said kaya sumulyap kami sa kanya at umiling lang siya. "Oo
nga, walang kamay."

Natawa na ako sa kakulitan ng dalawa.

"Oh, I want another one, dagdagan mo." Yui said, tugged Atlas' shirt again kaya
nawala ang titig nito sa akin at bumaling sa babae.

"Here, Lia." Lumipat ang tingin ko sa kaliwa at nagulat nang makita si Ted na may
hawak na plato at inilahad sa akin.

"Salamat..." I smiled at him. "Nag-abala ka pa."

"It's alright," he smiled and filled my plastic cup with soft drinks.

Nagsimula na kaming kumain at marami ngang baon kagaya ng sabi nila, nakita ko ang
plastic kung saan nakalagay ang pagkain na pabaon ni Nanay kaya kukunin ko sana
pero bago ko pa man maangat ang kamay ay nakita kong kinuha iyon ni Atlas.

Hinayaan ko lang no'ng una pero no'ng nakita kong pasimple niyang tinatago sa likod
niya ay nanlaki na ang mata ko.

"A—"

"Uy, nasaan na 'yong pabaon ng Nanay ni Lia?" ani Josh na parang napansin at nakita
ko kung paano lumunok si Atlas, nag-iwas ng tingin at pasimpleng uminom ng soft
drinks.

"Oh, nand'yan lang..." turo ni Ted pero nangunot ang noo. "Hala, nasaan na?"

Nanahimik kami bigla, napasulyap ako kay Atlas na biglaang may tinuro.

"Uy, ang ganda ng butterfly..." aniya kaya napasulyap kami roon at nakitang may
lumipad ngang paru-paro.

"Uh-huh! Ilabas mo na, boplaks!" muling bumalik ang tingin namin kay Heart nang
magsalita siya. She was grinning and pointing at Atlas who only creased his
forehead.

"Oh? Inaano ka?" aniya at tumikhim.

"May itinatago ka ano?" Heart grinned.

"Anong tatago ko? Bakit ko na naman itatago ang ulam galing kay Lia?" aniya kaya
kumurap lang ako dahil huling-huli ko siyang pasimpleng tinatago sa likod niya ang
plastic. "Right, Lia?"

"Huh?" nagulat ako sa biglang pagtanong niya. "Well..."

"Oh, it's here, oh." Biglang nagsalita si Yui at sabay-sabay kaming napalingon sa
kanya nang kunin niya ang plastic sa likuran ni Atlas.

"That..." ngumuso lang si Atlas.

"Sabi na, eh." Heart hissed at bigla kaming natawa roon.

"Share-share din, Cap." Biro ni Ted sa tabi ko na nangingisi pa.

"'Di ko nga tinatago, malay ko bang nand'yan sa likod." Umirap pa siya sa hangin
and we only laughed at that, he looked so handsome and adorable.

Nagseryoso si Yui, nahuli ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin pero 'di
nagsalita kaya nag-iwas na lang ako.

Nakita ko kung paano bumusangot ang mukha ni Atlas nang buksan ni Josh ang plastic
at kinuha roon ang Tupperware. He rolled his eyes and drink his soft drinks.
"Alam mo, Cap, kakatago mo ng ulam ni Lia baka ma-tae ka." Ani Josh at nang mabuga
ng bahagya ni Atlas ang soft drinks na iniinom ay bigla akong natawa.

My laugh is a bit louder that everyone glanced at me, I saw how Atlas' face
reddened, unti-unti namang napawi ang tawa ko at nakagat ang labi ko.

"B-bakit?" I asked innocently.

"Hmm, fishy, don't tell me..." Heart grinned.

Nanlaki ang mata ko, napasulyap kay Atlas na nanliliit na ang mata sa akin.

"W-wala ah, wala 'kong sasabihin." I said, napainom pa.

"Uh-huh, na-impatso ka na, Cap—"

"Fuck you, Josh, tirhan mo ako no'ng ulam ni Lia!" he hissed at napatawa na kami
ulit doon.

Naging masaya ang outing na iyon, never in my life na maiisip ko na makakaranas ako
ng ganito. I was alone since I was a child, ayaw makipag-kaibigan sa akin ng mga
bata dati dahil daw may sakit ako at KJ.

Hindi ako makasali sa laro no'ng maliit pa ako dahil mabilis akong kapusin ng
hininga at mapagod. No'ng paglaki naman ay taong clinic na dahil sa stress, ang
huli kong naging mga kaibigan ay dati pa, akala ko totoo.

Jusko, naalala ko no'ng sabi nila na may pogi raw kaming titignan at ako namang
uto-uto, bata pa at mahilig sa gwapo ay sumunod pero tutulak lang pala nila ko sa
kanal.

Grabeng iyak ko no'n, ni hindi ko sinabi kay Nanay kung sino ang mga nanulak kaya
galit siya pero wala na ring nagawa. I was really embarrassed and crying really
hard that time habang naghuhugas ng paa sa banyo.
Naalala ko pa nga paano nagreklamo ng mga kasabay ko pauwi sa traysikel kasi amoy
kanal daw kami ro'n sa loob kaya grabe ang tago ko sa paa ko.

Kaya ngayon talaga ay masaya ako't binigyan ako ng panginoon ng chance na magkaroon
ng mga kaibigan. Akala ko ganito na ako habang-buhay but he has plans for me, he
has plans for all of us.

Habang may buhay, may pag-asa. That's what I keep on thinking every night before I
fall asleep and everytime I am waking up every morning.

Bawat gising ko, alam kong may purpose pa ako, may balak pa sa akin ang panginoon
dahil binigyan niya ulit ako ng panibagong umaga.

Bumaling ako sa may batuhan kung nasaan ang mga lalaki, balak atang tumalon mula sa
bato papunta sa tubig.

Si Yui ay naroon din, nakikisali at nagkakatuwaan sila kaya ngumiti ako.

Kami ni Heart ay nasa gilid, nagpapalutang-lutang lang at nanunuod sa kanila. Sabi


ko nga ay sumama na siya roon pero ayaw niya, pagod na raw siya at sasamahan lang
ako kaya narito kami ngayon.

Unang tumalon si Josh at napatili si Yui at humagikhik.

"Grabe, 'di ba sila natatakot? Malalim doon, ah?" tanong ko kay Heart na natawa
lang.

"Boys are dare devils, mas mapanganib gusto nila. Ewan ko ba diyan sa mga 'yan."
Tawa niya sa akin. "May thrill daw."

I nodded, nakitang si Atlas na ang tatalon. Josh is in the water, cheering for him,
nasa likod ni Atlas ay si Yui at Ted.

"Go, Cap!" aniya.


Sumulyap sa pwesto ko si Atlas, 'di ko alam kung ako ba ang tinitignan niya o ano,
kung 'di lang sumigaw si Josh.

"Uy, Lia, good luck naman d'yan, oh!" he screamed.

My cheeks flushed, tumawa si Heart sa tabi ko at kinurot ako ng mahina. "Go, nag-
aantay si lover boy, batiin mo!"

"U-uh, ingat ka!" sigaw ko. "Dahan-dahan lang."

"I will!" he said back, smirked and winked at me at kinalma ko ang sarili kahit
gusto ko nang sumayaw at mag-waka-waka dance sa kilig.

I watched how Atlas moved a bit to the rocks and prepared to dive, tatalon na sana
siya pero halos mapasinghap ako sa gulat nang madulas siya, lumagapak ang pwet sa
bato.

"Oh my God!" I exclaimed and the boys laughed harder.

"Shit, ilang isda nahuli mo, Cap?!" halos mamatay na sa kakatawa ang mga kaibigan
namin at natulala lang ako kay Atlas na nakatingin sa pwesto ko.

"Shit, kaya siguro ganyan kapalpak si boplaks, ayon sa tarot card ko 'di tugma ang
pangalan niyo..." ani ng humahagalpak na si Heart sa tabi ko.

"Huh?"

"Amalia love Atlas equals? Amalas!" aniya at umawang lang ang labi ko nang mas
humagalpak siya at pinalo-palo ako.

Sa byahe ay pagod na pagod kaming lahat, si Ted ang nagpresintang magda-drive kaya
hinayaan na namin. Hindi rin makakapag-drive si Atlas dahil masakit daw ang pang-
upo.
I glanced at him on the side, dapat magkatabi kami kaso 'di natuloy dahil
nagpagitna si Yui kaya wala na rin akong nagawa.

Si Atlas ay nakasandal lang sa may salamin ng sasakyan, nakapikit at


napabuntonghininga ako.

Kawawa naman ang bibi ko.

Pagbalik namin sa mga Montezides ay 'tsaka lang nagising. Nauna na sina Yui at sina
Heart papasok, tumulong naman ako sa pagkuha ng mga kalat namin kanina at nahuli ko
si Atlas na tumabi sa akin.

Napalunok ako, I felt our elbows touched. Parang may kuryente pa roon kaya
nagkatinginan kaming dalawa at bigla akong nahiya.

"Are we okay?" he suddenly asked kaya tumango ako at pinagmasdan siya.

The skies were bright because of stars, bilog na bilog din ang buwan and I admire
how the moon gave light to his shadow.

"Y-yes, bakit naman hindi?" I asked softly and he sighed, his eyes soften, halos
lumipad na ako sa ere nang marahang ipinatong niya ang kamay sa pisngi ko.

He caressed it softly, medyo napatawa pa ako nang kalabitin niya ang ilong ko at
marahang inilagay ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Nothing, I just feel like I did something bad today." His forehead creased and he
licked his lower lip. "Nabigla ba kita?"

Naalala ko na naman ang sinabi niya kaya marahan akong umiling.

"'Di naman masyado," I said and his lip twitched, pinching my cheek.

"My beautiful Lia consoling me kahit ikaw na ang nahirapan kanina." He said.
"Sige, ano, I admit medyo...medyo nagulat nga." I smiled at him.

"Can we talk?" he asked me, "if you like, gusto kong—"

"Hey, Atlas, tawag ka ni Kuya Dame!" Yui suddenly called, sabay kaming napatalon at
napalingon sa may pintuan ng mansyon nila.

"Later, Yui—"

"Bilis na, ngayon daw!" she said.

"But—"

"Oh, come on, 'di ako aalis dito habang 'di ka pumapasok." Ani Yui na namaywang pa
kaya bumaling ako kay Atlas at ngumiti.

"It's okay, usap na lang tayo kapag may oras na." I said.

He sighed, tumango muling kinurot ang pisngi ko. "Alright, Lia."

Magkakasama kaming mga babae sa isang kwarto kaya no'ng mapag-isa kami ni Heart ay
nangulit na siya at wala na akong naisip na paraan kung hindi ang sabihin sa kanya
ang nangyari.

"Kasi 'di ba, pumunta kami do'n sa may likod ng waterfalls?" panimula ko.

"Hmm, and?" she giggled.

"Ano...usap lang kami, gano'n until he said something. No'ng una 'di ko ma-gets
kaya inulat niya tapos sabi niya..." nabitin ang boses ko at napatingin sa kanya.
"Anong sabi?" she wiggled her brows.

My cheeks flushed, tumikhim ako at sumulyap sa kanya.

"S-sabi niya ano...gusto niya raw ako." I said.

Her eyes widened, nagulat ako nang tumili siya, hinila niya akong patayo at doon na
ako natawa. Sabay kaming tumili at nagyakapan.

"N-nagulat ako, Heart!" I exclaimed, yakap siya habang tumatalon.

"Shit, OMG, 'di na torpe si boplaks!" Tili niya kaya mas nagtawanan kami.

"Ingay naman," natigil lang kaming dalawa nang bumukas ang pintuan ng kwarto, sa
paglingon namin ay nakita namin si Yui na pumasok, nakapantulog.

Naghiwalay kami ni Heart at tumikhim ako, "uh, sorry..."

"Okay lang," she immediately smiled and glanced at us. "Ang happy niyo, ah?"

"Ah, wala naman, 'di na kasi torpe ang pinsan ko—" pasimple kong siniko si Heart
kaya natahimik siya.

"Hmm?" Yui asked, raising her brow.

"Wala, wala..." Heart said and I caught her frowned a bit.

"I see." Yui smiled again. "Anyway, mauuna na ako matutulog, ah? If magke-kwentuhan
kayo, okay lang ba if you lower your voice or better sa labas muna kayo?"

"Sure...sure." Ngiti ko.


"Thanks, Lia." She smiled at me. "I like you, you're good. Sana ganyan palagi."

"Bakit naman hindi?" ani Heart pero nagkibit balikat lang si Yui at umiling.

"Nothing, anyway, mauuna na ako. Sorry, I was a bit tired from my flight kaninang
umaga kaya ayon."

"Okay lang," ngiti ko.

Tipid siyang tumango at unti-unting humiga sa kama kaya nagkatinginan na lang kami
ni Heart at sabay na nagkibit-balikat.

Pagtapos ng halos isang oras naming kwentuhan ni Heart sa terrace ay napagod din
kami, natulog kaming magkatabi dahil dalawa lang naman ang kama sa guestroom na
nasa amin. Si Yui ang sa kabila kaya magkatabi kami sa isa.

Pagod ako pero sa dami ng naiisip ay 'di ako makatulog. I kept on thinking about
Atlas' confession, I can't seem to take it off my head. Parang isang magandang
panaginip iyon na pagkagising ko pala ay 'di totoo.

I kept on turning on the bed, 'di ko alam kung saan haharap. Halos trenta minutos
ata akong gano'n at no'ng nauhaw ay nagdesisyong bumaba na lang sa kusina para
uminom ng tubig.

Inayos ko ang pantulog kong ibinigay ni Heart para match kaming dalawa, kulay asul
iyon at pink sa kanya.

I smiled, Heart is so sweet. I am happy I found a best friend in her.

Nagtungo ako sa kusina pero natigilan nang makitang nakabukas ang refrigerator
nila, may tao roon kaya kumunot ang noo ko.

"Good evening po," bati ko. "Makikiinom—"


Nawala ang boses ko nang magsara ang ref at bumungad sa akin si Atlas na umiinom sa
baso niya. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang wala siyang pang-itaas kaya
exposed and mouth-watering body niya. Naka-pajama lang siya na itim at magulo ang
buhok.

"Lia..." he called, mabilis na ibinaba ang baso kaya mula sa katawan niya ay
bumaling ako sa mukha niya at ginawa ang lahat para 'di ma-distract.

"H-hello, ano, makikiinom lang sana..." I muttered.

"Sure," he said. "You like warm milk?"

"Kahit tubig lang," I said and he shook his head, halos mapanguso ako nang mabilis
niyang nasuot ang shirt niya kaya balot na ulit.

"No, I insist. Warm milk would be good. Ako na ang magtitimpa sa'yo"

Of course, tatanggi ba naman si Lia sa bibi niya? No.

I slowly nodded, putting a few strands of my hair behind my ear. "Sige..."

He smiled, naupo ako sa stool habang gumagawa siya ng mainit na gatas, he looks
like he didn't sleep too. Ngumuso ako at nagtanong.

"'Di ka makatulog?"

"No," he chuckled and glanced at me. "I keep on thinking what I said in the falls."

Nawala ang ngiti ko roon, "bakit...'di ba totoo?"

"No," he licked his lip and stared at me. "What I said is true, Lia. That's what I
feel."
Natigilan ako, napahawak ako sa damit ko at pasimpleng kinuyom iyon para pigilan
ang sariling magwala.

"Then...why?" I asked.

"I just feel bad when I made you that..." he said. "'Yong sa watch mo."

"I was just shocked, Atlas pero okay lang. In fact...ano, gusto ko rin." My cheeks
flushed when he stared at me.

"You mean..."

"A-ano...okay lang na ano, sinabi mo 'yon." Wala nang mapagtaguan ang hiya ko na
kinagat ko na ang labi ko at sumulyap sa kanya. "Na-overwhelm lang ako masyado sa
sinabi mo kaya medyo kinabahan."

He smiled, nang bahagya siyang lumapit sa akin at inusog ang gatas ay napangiti na
rin ako ng pigil.

"Uh, do you want to talk? While...watching the stars?" he smiled. "I know matagal
ubusin 'yang gatas kasi mainit, if you like...p'wede kitang samahan habang
inuubos."

"Usap na tayo sa...tungkol kanina?" nahihiyang kong sabi at tumango siya at


bahagyang sumandal sa counter at nilingon ako.

"Yes, you like?"

"Sure." I smiled when he took the cup of hot milk, hawak niya ang baywang ko habang
naglalakad kami palabas ng mansyon.

We settled in the pavilion, doon sa may upuan doon, mula sa pwesto namin ay kitang-
kita ang maliwanag na mga bituin at buwan sa malalim na gabi.

Atlas sat beside me, nagdikit ang braso namin at inilahad niya sa akin ang gatas na
kaagad kong tinanggap.

"Salamat,"

"Lia," he called kaya nilingon ko siya. Sumimsim ako ng mainit ng gatas at inantay
siyang magsalita. "I liked you for a long time now."

I froze, nanlaki ang mata ko at napakurap.

"H-huh?"

"I liked you since Grade 9," he chuckled and glanced at me sideways, hindi naman
ako nakapagsalita dahil parang gano'n din ako.

Just that...I liked him since Grade 7! Oh my God. No'ng tinulungan niya ako dati at
nag-try out siya sa basketball, crush ko na siya!

"T-talaga?"

"Yeah," he smiled shyly, brushing his hair a bit, biting his lower lip. "Ano...I
saw you no'ng tinulak ka ng mga kaklase sa kanal."

My eyes widen more and he chuckled and scratched his head, "well, I helped you but
you didn't seem to noticed, umiiyak ka kasi no'n tapos 'di na kita nakita. I
thought you went home, so..."

"Oh my God..." I muttered and closed my eyes, napasimsim ako sa gatas at nag-init
ang pisngi. "N-nakita mo?"

"Well," he hid his smile.

"Nakakahiya!" I exclaimed, biglang natawa naman siya at napailing.


"It's okay, Lia. They were bullies, that's the first time I saw you kaya tinulungan
kita." Aniya.

"Hindi ko alam na ikaw 'yong tumulong..." nag-init ang pisngi ko kaya tumawa siya,
marahang hinanap ang mata ko.

"Look at me, Lia." He said softly and softly, I did.

When our eyes met, butteflies started doing their happy dance inside my stomach,
tuwang-tuwa ako na 'di ko malaman.

"Hmm?"

"It doesn't matter anymore, okay? Let's just forget I saw you being pushed like
that, like uh...like a secret?" he negotiated kaya bigla akong natawa.

"Uh, kagaya no'ng secret natin na nadulas ka sa hagdan at na-tae?" I asked.

He glared at me, bigla naman akong natawa kaya nailing siya at kinurot ang pisngi
ko.

"Yes, my adorable Lia. A very dark secret. Kagaya no'ng tumalbog ang pwet ko sa
hagdan at na-impatso dahil sa melon mo."

Mas napatawa na ako, he rolled his eyes cutely but then chuckled too.

"It'll be our secret, kung ako na-tae, ikaw nahulog sa kanal." Aniya kaya sabay na
kaming napatawa habang nag-uusap doon.

"Sige, secret lang. Sa ating dalawa lang, ah?" I asked and he smiled, nodding.

"Yeah, sa ating dalawa." He smirked.


Saglit kaming natahimik dalawa, no'ng maubos ko ang gatas ay ipinatong ko sa tabi
ko ang baso bago inilapag sa gitna naming dalawa ang kamay ko.

"And uhm, about what I said..." aniya, unti-unti kong naramdaman ang paggapang ng
daliri niya sa kamay ko kaya hinayaan ko siya.

When his finger touched my pinky finger, hinarap ko ang palad ko at hinayaan siyang
pagsaklupin ang kamay naming dalawa.

"Anong...tungkol doon?" I asked, pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak.

"Uhm, I don't know baka sobrang bilis but I'm tired looking at you from afar. If
you'd allow me." He gulped kaya tinitigan ko siya at sinalubong ang mata niya.

"P'wedeng manligaw?" he asked.

I was stunned, nanlaki ang mata ko, nakagat na ang labi para 'di mangiti. I was so
tempted to say a big yes pero naalala ko bigla ang Nanay.

"O-okay lang sana kaso..." my voice soften.

"Kaso?" he asked, I saw how his forehead creased, a lone expression is on his eyes.

"Kaso ano...kapag eighteen pa." I muttered and he just stared at me.

"Then I'll..." natakot akong baka bawiin niya ang sinasabi kaya pinisil ko ang
kamay niya at nagsalita.

"P-pero eighteen naman na ako sa birthday ko this year!" halos with conviction kong
sabi at nakita ko ang paglitaw ng ngiti niya, halos tumalon ang puso ko nang i-
angat niya ang kamay kong hawak niya at dinala sa labi niya.

He kissed the back of my palm and I felt like really dancing right now.
Oh...my...God! Oh my God!

"Alright, I can wait." He smiled at me.

"T-thank you," I said, gulping hard. "K-kasi ano, si Nanay...okay lang sana ngayon
kaso..."

"I understand," he chuckled and kissed my hand again. "It's okay to wait."

"Salamat," I smiled a bit and he stared at me, slowly stroking my cheek.

"Because you're worth it." aniya.

Hindi ko na alam ang sasabihin, nakagat ko ang labi ko at muling ngumiti siya bago
biglang nailing.

"Bukod kay Tita, feeling ko factor din na palpak ako kaya medyo nag-aalangan ka."
Biglang naisip niya kaya natawa na ako.

"Hala, 'di nga!" I exclaimed. "'Di ka naman lampa, ano...medyo lang."

Ngumuso siya, mukhang nagta-tantrums pero biglang natawa na lang at umiling.

"Don't worry, I'll try my best not be that clumsy with you around. Hindi naman
talaga ako sablay, Lia, sa totoo lang. kasalanan lang talaga—"

"Sus, nanisi ng bagay." Pinisil ko ang ilong niya kaya natigilan siya at napaawang
ang labi sa akin, bigla siyang namula at binasa ang labi niya.

"I hope you weren't turned off? Medyo palpak, ano, sana okay lang. Hiyang-hiya na
ako sa'yo, parang may karatula sa noo ko na nakalagay na maging palpak kapag
nand'yan si crush." Nang sinabi niya iyon ay sabay na kaming natawa.
"Okay lang talaga," I smiled at him and he sighed, hinuli ang daliri ko ko
hinaplos.

"Talagang-talaga?" he asked again and I nodded, staring at him.

"Oo, h'wag kang mag-alala, ikaw pa rin ang bibi ko..." I said and froze when I
realized what left my mouth. My cheeks flushed, umawang din ang labi niya sa sinabi
ko pero unti-unting ngumisi.

Chapter 13 - Kabanata 11

Kabanata 11

I spent my childhood in a hospital because of my condition, it was sad pero noon ay


mayroon kaming ari-arian, just that kailangang isangla at ibenta nila Nanay para
makabayad sa hospital bills ko.

The doctor said I am suffering from Congenital Heart Disease, simula pa noong
pinanganak ako. I got it from my mother who is also suffering from that, just that,
I think she's stronger than me.

I was too weak as a child, dahilan din kaya 'di ako nakapag-aral kaagad, nakalabas
lang ako ng ospital no'ng sinabi ng doctor na kaya ko na raw and luckily, nakaya ko
nga.

Nga lang, I have rules to follow. Bawal ako mapagod, ma-stress at tumakbo, miski
nga sa P.E. at C.A.T 'di ako nakakasama dahil sa kondisyon ko, madalas lang din
akong nasa clinic kaya siguro wala rin akong nagiging kaibigan.

Well, sa tingin ko almost lahat ng ka-year level or upper batch ko alam na may
sakit ako. Minsan nakakalungkot nga lang kasi gusto kong sumali sa kasiyahan nila
pero ayaw nila ako ipasali at baka kapusin na naman ako ng hininga.

But anyway, despite that, masaya pa rin ako sa buhay ko.

Some people with terminal illnesses is begging for their lives, na gagawin nila ang
lahat para mabuhay, kahit magkano. Surgery man o kung ano kaya ang s'werte ko,
dahil kahit may sakit ako ay nagigising pa rin ako kada umaga and that's beautiful
and I couldn't get any more thankful.

I smiled and touched my chest.

What a brave heart you have, Amalia.

Noong dumating ang pasukan, ang saya-saya ko. The time we spent in Peñablanca is
one of a kind, I've never been that happy, ni minsan kasi ay 'di ko naisip na
magkakaroon ako ng mga kaibigang kagaya nila Heart...'tska si Atlas...

Who would have thought na magiging bibi ko ang crush ko lang, right?

Atlas is really persistent, 'di pa niya talaga ako nililigawan kasi nga 'di pa ako
eighteen pero palagi kaming nagkikita, kapag kaya sa schedule ay sabay kaming
kakain kasama ang barkada.

Yui's been with us sometimes, may barkada din kasi siya rito. Isa pa, she's
popular, a transferee from Manila, boys and juniors are looking up to her.

She's pretty famous too.

"Magandang umaga, Lia!" bati sa akin ni Kuya guard pagkalabas ko ng traysikel sa


university.

"Magandang umaga po!" I smiled brightly and waved at him.

"Bumu-blooming ka lalo, hija, ah?" pansin niya kaya nanlaki ang mata ko, natawa at
umiling.

"'Di naman po," I said in a shy voice and he chuckled and waved at me.

"Sige, pasok ka na. Ingat!"


"Ingat din po! Sana maganda ang araw niyo!" bati ko bago tumalikod sa kanya at
pumasok na sa mismong university namin.

Niyakap ko ang mga libro na kailangan ko ngayong araw para ibalik sa library,
kinuha ko ito dahil may research kami at ngayon ang schedule ko para maibalik ito.

Diretso ang tingin ko sa may gate, nakangiti pa, marahil siguro ay naroon si Atlas
dahil nitong mga nakaraan ay palagi siyang nag-aantay diyan para ihatid ako sa
classroom.

Naalala ko no'ng una ay kunwaring 'di ko siya nakita pero deep inside, kinikilig na
ako ng sobra.

Nagulat ako at hindi nakapag-react kaagad nang may kung anong humarang sa paa ko,
huli na para matauhan dahil bigla akong nadapa at nagkalat ang librong hawak ko.

Nanlaki ang mata ko, narinig ko kaagad ang tawanan at nang lumingon ako sa may
bench ay may grupo ng seniors na natatawa pa.

"Oh, Lia!" I saw Yui covered her mouth. "Sorry, ikaw pala 'yan?"

Hindi ako kaagad nakapag-react, napakurap ako at dali-daling tumayo, sumasakit pa


ang tumamang tuhod sa semento.

"Yui..." I called at nakita kong siniko niya ang mga katabing senior.

"H'wag niyo nga tawanan, kitang nadapa na." She said, nakita kong unti-unting
tinago ang paa na naka-extend at ngumiti sa akin. "Sorry, Lia, 'di ko napansin."

"O-okay lang..." I said and glanced at the books scattered on the ground.

Naririnig ko pa ang mahinang bulungan nila pero 'di ko na nilingon, dali-dali kong
kinuha ang mga libro sa lapag, inayos ang palda ko at walang lingong naglakad
papasok.
I was still confused, 'di ko alam kung dapat ko bang tanggapin na 'di niya
sinasadya or iisiping sinadya niya talaga?

Maybe, aksidente lang, right? It happens all the time, nagkataon lang sigurong sa
akin sumakto kaya napatid ako.

Sabi ni Nanay sa akin, masama ang mag-isip ng masama sa kapwa and I truly believed
it too kaya marahil ay aksidente lang talaga ang nangyari.

All the confusion vanished when I entered the university and saw Atlas sitting on
the stairs sa malapit sa gate, may hawak na bola ng basketball at nagdi-dribble
roon ng kaunti, nakauniporme pa at medyo magulo ang buhok.

I cleared my throat and spoke, "uh...morning, Atlas."

Mukhang natauhan siya, tumigil sa pagdi-dribble at nilingon ako, I saw how his eyes
brightened, mabilis na tumayo at humakbang patungo sa akin.

"Morning, bibi ko..." he smirked.

I froze, nang samaan ko siya ng tingin ay bigla siyang natawa.

"A-ano ba!" I smacked his arm and he winked at me, kinurot ang pisngi ko at ginulo
ang buhok ko.

"What? Masama bang batiin ang bibi ko ng good morning?" asar niya kaya ngumuso ako.

"J-joke nga lang kasi 'yong bibi!" I exclaimed. "Noong nakaraan pa 'yan pero
hanggang ngayon—"

"I was just kidding," he laughed and ruffled my hair, dahil matangkad siya ay
tumingala pa ako ng bahagya para salubungin ang mata niya.

"Sus, kidding daw pero mamaya mag-aasar na naman." Sikmat ko.


"Nah, alright, I won't call you that anymore..." he said. "Bibi ko..." hirit niya.

Sinapok ko na ang balikat niya, ngumisi lang siya at mabilis na kinuha ang libro
ko.

"Hindi na, Lia." He winked. "Pero we can use that as an endearment."

"Endearment?" natigilan ako at sinulyapan siya. "Bakit naman..."

"Kapag tayo na, or nah, kahit ngayon na. I'll call you my bibi at bibi mo rin
ako..." tatawa-tawa niyang sabi.

"Advance ka naman masyado," ngumuso ako pero nakisabay sa kanya sa paglalakad.


"Pero sige."

Nagkatinginan kami, he has that amused smile on his face and I smiled shyly too and
shook my head at him.

"P-pero 'di ba ano, 'di pa nga pwedeng manligaw." I said and he nodded at me,
inilagay sa kabilang braso ang libro kasama ang bola niya bago hinuli ang kamay ko.

I watched his fingers filled the spaces in between mine as he slowly pulled me
closer to him.

"Oo nga pero MU na tayo," aniya.

"MU?" kumunot ang noo ko.

"Mut—" natigilan ako nang pag-akyat namin ng hagdan ay humapdi na ang tuhod ko.

"O-ouch..." kumunot ang noo ko at napabitaw sa kanya, bahagya kong inangat ang
palda ko at nakitang may sugat doon.
"What happened?" kaagad akong napalingon kay Atlas at huli nan ang ibaba ko ang
palda dahil nakita na niya iyon.

"Huh?"

"You have a wound, what happened?" he asked, mabilis na ibinaba ang libro ko sa may
hagdan kasama ang bola at akmang luluhod kaya umiling ako at itinago ang sugat.

"Wala lang 'to," marahang sabi ko at kinagat ang labi.

"Amalia," he called, touched my elbow and looked for my eyes.

"Okay lang, ano, natalisod lang ako kanina no'ng papasok." I told him and smiled
and his forehead creased more.

"No, may dugo, Lia." He said and I sighed and shook my head, akmang sisilipin ang
sugat sa tuhod ko pero hinila ko siya patayo.

"I swear, okay lang." I said.

"We could at least go to the clinic, Amalia." Seryosong sabi niya, hindi sana ako
papayag, una dahil male-late ako sa unang klase ko pero nang makitang lalaban
talaga siya ay tumango na lang at nagpaubaya.

"Sige..." sabi ko.

He took my books and his ball before taking my hand again and assisted me to the
clinic. Nakita ko ang tingin ng mga dinadaanan namin. They have the frowning
expression on their faces, sina Catherine sa cheerleader at ibang mga ka-batch ni
Atlas ay naroon din sa may malapit sa clinic, nakaupo sa bench.

Sinusundan nila kami ng tingin pero walang sinabi na laking ipinagpasalamat ko.
Nurse Anna is so glad when she saw us both, kaagad niya kaming dinala sa may bed
doon at tumingin sa sugat ko.

"Anong nangyari, Lia?" she asked softly, si Atlas ay nakatayo sa gilid ng kama,
nakapamaywang pa at mukhang nag-aalala.

"Uh, natisod lang po, Nurse." I said softly. "Kanina lang."

She nodded, inangat ng bahagya ang paa ko at nangiwi ako nang muli itong humapdi.

"Mabuti at pumunta ka rito kagaad, may mga kaunting buhangin at dumi itong sugat
mo, baka maimpeksyon kapag tumagal..." aniya.

"'Yon na nga, Nurse, eh. Ang kulit." Biglang sumbong ni Atlas kaya napabaling si
Nurse sa kanya.

"Ayaw ba magpadala, Atlas?" Nurse asked, there is a hidden smile on her face.

Atlas brushed his hair with his fingers, kunot ang noo at tumango.

"Yeah, okay lang daw pero 'di ayos sa akin..." he muttered like a cute boy.

Natatawa na ako pero kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting lilitaw.

"Hmm, mabuti ay dinala mo rito." Nurse glanced at me and she caught me smiling and
probably blushing.

She slowly grinned, muling sumulyap kay Atlas pabalik sa akin kaya tumikhim ako at
umayos ng upo.

"Hmm, in any case are you two—"

"Hindi, Nurse!" I exclaimed, cutting her off.


"Hmm?" Atlas asked, confused.

"I said, in any case, are you two a thing or—"

"Yes—"

"No po!" ulit ko at natigilan ang dalawa, Nurse only grinned, ngumuso si Atlas.

I saw him glaring at me sideways and I bit my lip.

"U-uh, wala, Nurse..." I muttered.

"I see," she smirked, tumayo pa at natatawang napailing. "Dito muna kayo, kukunin
ko muna ang first aid."

When she left, doon na ako hinarap ni Atlas, nakabusangot.

"Pangit ba ako, Amalia?" he whined at doon na ako napatawa.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" I smiled at him.

"Kinakahiya mo ba ako? Sabi ni Nurse are we a thing tapos sabi mo..." bumagsak ang
balikat niya at bumusangot.

"Tara nga," I chuckled, I took his wrist, slowly pulled him closer until he's
sitting beside me in the bed. "Ganito kasi iyan, bibi ko..."

Doon na siya napalingon sa akin kaya nag-init ang pisngi ko at nahiya pero
pinanindigan ang gusto kong sabihin.
"Kasi 'di ba...hindi pa alam ni Nanay?" I asked, he sighed and lowered his face.
Kinagat ko naman ang labi ko at sinapo ang pisngi niya.

"Atlas," I called and met his eyes. "'Di ba, usapan natin, secret munang ano...na
may ano tayo tapos sasabihin lang natin kapag ano, p'wede na? Sina Heart at Josh
lang naman ang nakakaalam ngayon, 'di ba?"

His lips protruded, he looks adorable at that kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Kapag eighteen na ako, p'wede na. Natatakot lang ako na ano, baka malaman ni Nanay
tapos pagalitan tayo." I said.

He sighed, hinuli niya ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala sa labi niya. My
heart skipped a bit and I felt much better, nag-init ang pisngi ko roon.

"Sorry, I understand..." he smiled at me. "I'll wait for you, Amalia."

When he smiled at me, I immediately smiled back, feeling the warm and overwhelming
feeling inside my chest.

Love really comes in the time you least expected it, it comes in a heartbeat, in a
blink of an eye. Hindi mo mapapansin, it came like a quick bliss of lightning,
striking you...

We both stopped when we heard a giggle, sa paglingon namin ay naroon si Nurse at


nakasilip sa may kurtina.

Napaayos kaming ng upong dalawa, nag-init ang pisngi ko at kinabahan pero ngumisi
siya at pumasok, nang buksan ang kurtina ay nahuling nando'n din si coach na
nakangisi.

"C-coach?" tumikhim si Atlas doon.

"Nurse..." tawag ko kay Nurse.


She grinned and shook her head, "don't worry, secret lang."

Doon ako nakahinga ng maluwang, I glanced at coach who's laughing beside Atlas,
tinapik ang balikat nito.

"Nice one, 'di na torpe ang alaga ko kay crush..." malisyosong ani ni Coach at
sumambakol ang mukha ni Atlas at napatawa na lang ako.

Atlas took me to my class after, na-excuse ako sa first subject dahil sa nangyari
sa akin at dahil sa excuse letter na ibinigay ni Nurse sa teacher ko.

"Bibi, 'di ako makakasabay sa lunch mamaya." Ani Atlas kaya nilingon ko siya,
sumimangot pa sa tawag niya pero kumindat lang siya at nang-aasar na naman.

"Bakit?" I asked. "Hindi pasok sa schedule?"

"Hmm, we have research paper to pass kaya abala pa. Mamayang uwian na lang?"

"Ayos lang," I smiled at him. "Mas importante ang school work. Kasama ko naman si
Heart mamaya, 'tsaka kapag uwian, ayos lang, kaya ko naman umuwi mag-isa."

"I insist," he chuckled, umakbay siya sa akin habang paakyat kaming hagdan.
"Ihahatid ko ang Amalia ko sa kanina, right, bibi?"

Gusto ko rin namang ihatid niya ako kagaya ng mga ginagawa niya palagi pero
s'yempre kapag may importanteng gagawin, kailangan pa ba 'yon?

"Sige pero naiintindihan ko naman kung hindi, mas importante ang gagawin mo.
Graduating ka na rin, 'di ba?"

"Hmm..." he smiled and nodded. "After this balak ko medicine related na course."

"Ako rin," I smiled at him and he winked, pinching my cheek.


"We're the same, kaya compatible talaga tayo, Lia." Aniya at natawa na ako at
naalala ang sinabi ni Heart.

"Alam mo ba binu-bully tayo ni Heart," sumbong ko kaya nilingon ko siya at


nakabusangot na siya.

"Ano pa bang bago?" he frowned. "Kapag magkasama kami palagi 'kong inaaway, bibi
ko..." lambing niya.

"Anong sabi?" natawa na ako.

"Bobo raw ako," he hissed. "'Di niya naisip magkamag-anak kami, kung bobo 'ko, bobo
rin siya."

Nang tumawa siya ay napatawa na ako, naisip bigla ang sinabi ni Heart sa akin dati.

"'Tsaka loko si Heart, alam mo anong sabi niya? Ayon daw sa tarot card niya 'di raw
compatible ang pangalan natin." I said and Atlas stopped, nilingon niya ako at
kumunot ang noo.

"Huh? Bakit daw?"

"Amalia love Atlas down equals Amalas..." I said and his shoulder fell, natawa na
ako nang bumusangot na siya roon.

"Yari sa'kin 'yang puso na 'yan." He hissed.

Pagkarating namin sa classroom ay kaagad na nakita ko si Heart na kausap si Matt,


ang ex niya. Nakabusangot ang huli habang si Matt ay pilit na hinahawakan ang braso
niya.

"Si Heart," I muttered, sumulyap kay Atlas at nakita siyang mukha na namang
iritado. His forehead creased, sabay kaming naglakad palapit sa dalawa at nakita ko
kung paano nag-relax ang mukha ni Heart nang makita kami.
"Atlas, Lia..." she called.

Lumipat ang tingin ni Matt sa amin, I saw him glanced at Atlas and spoke. "Cap, I
don't want any trouble, I just want to fix things with my girlfriend—"

"Ex, Matt. Ex." Heart quoted.

"I know, I just..." he sighed. "Anya was just persistent kaya pinagbigyan ko lang—"

"Stop your bullshit, Assuncion." Mariing sabi ni Atlas. "Leave now before I punch
you, durog sa akin 'yang mukha mo."

"But..."

"One more time, kapag nakita pa kitang aaligid sa pinsan ko..." Atlas threatened
and Matt surrendered, naiiling na tumalikod siya, sinipa pa ang basurahan at
nagdabog paalis.

Lumapit ako kay Heart, I took her hand and she squeezed it and I saw Atlas glanced
at the both of us.

"Take care, girls, okay?" he sighed. "Heart, tell me if that asshole came here
again."

"I will," she sighed. "Pinagbigyan ko rin na kausapin kasi makulit, it's just so
annoying he is trying to justify his nonsense cheating."

He nodded, glanced at me and moved, napangiti na ako nang hawakan niya ang buhok ko
at marahang ayusin. I felt him moved a few strands of my hair behind my ear and
spoke.

"Take care, Lia, hmm?" he said softly. "I'll see later."

"Alright," I smiled at him.


"Don't worry, boplaks, ako bahala kay Lia. Amalas for the win!" she cheered and I
chuckled, bumusangot naman si Atlas at halos irapan na siya.

"Kapag ako nakasakto aasarin din kita, puso..." ngiwi ni Atlas doon at nailing.
"Anyway, bye!"

He turned his back at us, paalis na pero sumigaw si Heart.

"Hey, boplaks! Patanong na rin kay Josh kung galit pa siya!" Heart exclaimed and he
only nodded and waved at us before disappearing.

Napag-usapan namin ni Heart ang nangyari kung bakit ako late sa klase, naalala ko
rin ang sinabi ni Atlas kaya naitanong ko kay Heart. In fact, she has experiences
with boys kaysa sa akin kaya siya lang p'wede kong pagtanungan.

"'Tsaka Heart, may tanong ako..." sabi ko kaya humarap siya sa akin.

"Hmm?"

"Uh..." tumikhim ako. "'Di ba, 'di pa ako nililigawan ni Atlas?"

"Yes, and?" I saw her hiding a smile now.

"P-pero sabi niya ano...MU kami? Anong MU?" I asked.

She suddenly laughed, nag-init ang pisngi ko at kinurot siya nang medyo
napapalingon na sa amin ang mga kaklase kasi maingay na siya.

"Heart!" I hissed, mas natawa siya at halos takpan ko ang bibig niya sa laki ng
bibig niya kakadaldal.

"Shit, sana all may ka-MU!" I almost covered her mouth, pinalo ko na siya kaya
unti-unting siya kumalma at tumango sa akin. "Sige...'di na." She smirked.

"So, ano nga kasi?" halos bulong ko ng tanong dahil sina Anya sa likuran ay
umiirap-irap na.

"MU, ano 'yon, mutual understanding." Aniya at mas kumunot ang noo ko.

"Paanong mutual?" I asked.

"I mean..." she chuckled, umayos ng upo at mukhang tuwang-tuwa pang pinapaliwanag
niya sa akin 'to ngayon. "Gusto mo siya at gusto ka niya pero 'di pa kayo..."

Bumilog ang bibig ko at napatango, naiintindihan siya.

"In short, malanding ugnayan ang mayroon kayo, Lia." Biglang hirit niya kaya
natigilan na ako at napakurap.

"Malanding...ugnayan? You mean, m-malandi na ako?" I asked, shocked.

"Hindi naman pero parang gano'n na nga," she smirked. "Welcome to the club, Amalia!
Welcome sa samahan ng malalandi pero walang jowa..."

Days passed and I am looking forward for my daily dose of Atlas Montezides. I had
fun with him and my friends pero no'ng dumating ang exam week ay naging abala
kaming lahat, madalang na kaming magkita ni Atlas dahil sa thesis na kailangan din
nilang ipasa.

Sa library na lang kami nagkikita paminsa-minsan, nakikita ko siya palaging kasama


si Yui na kasama niya sa grupo. Minsan kapag abala ay 'di na ako nagpapakita sa
kanya sa library.

I don't have a phone kaya 'di kami masyadong nakakapag-usap but if we have time, we
always spend it wisely together kahit minsan ang oras na 'yon ay ang paghahatid
niya lang sa akin sa bahay.
"Ang balak ni Nanay sa sunod na linggo, sa eighteen ko, may simpleng kainan lang sa
bahay." I said habang magkatabi kami sa traysikel, hawak niya ang kamay ko at
marahang hinahaplos.

"That's good, mag-aayos ako para pogi points kay Nanay!" aniya kaya natawa ako,
nilingon ko siya at napailing.

"Maka-nanay naman!"

He smirked at me, mas hinaplos ang daliri ko at nagsalita. "Why not? Kapag sinagot
mo naman na ako magiging Nanay ko na rin."

My heart jumped but I managed to stay calm, "ni hindi ka pa nga nanliligaw? Sure ka
bang sasagutin kita?"

He froze, nahuli ko kung paano umawang ang labi niya at sumulyap sa akin.

"H-hindi mo ba ako sasagutin?" he asked, suddenly stunned. He looks cute and


adorable, para siyang nawawalang bata kaya natawa ako at nag-iwas ng tingin.

"S'yempre ano..." nahihiya kong sabi at sumandal sa balikat niya, pinagmasdan ko


ang kamay naming magkahawak. "Ano...bakit ko sasabihin?"

He chuckled on my ear, nagpigil na rin ako ng ngiti at halos magwala nan ang
maramdaman ang labi niya sa buhok ko.

"Alright, gagalingan ko talaga manligaw para oo kaagad." Aniya na may conviction


pa.

"Pero ano, ah? Punta ka sa birthday ko?" I glanced at him and he immediately nodded
and reached for my hair.

"Of course, bago ka pa mag-imbita nando'n na ako..." aniya kaya nagkatawanan kaming
dalawa.
It was really hard having what they are calling MU pero masaya naman, napapasaya
ako ni Atlas. With him, I am always looking forward for another school kilig
session. Just that, dahil walang nakakaalam ng sa amin ay 'di maiwasang magka-
rumor.

"Look at them, bagay ano?" I stopped fixing things sa loob ng locker nang marinig
ang dalawang senior na nasa may tabi ko.

"Sino?"

"Si Atlas at 'yong transferee! 'Yong Yui!" sagot ng isa.

Natigilan ako pero nanatiling nakatitig sa locker ko.

"Sila na ba? Palaging magkasama, eh. Nakikita ko nga mga 'yan palaging nasa
library, nag-aaral pa, ang sweet, right?" they giggled.

Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang mga librong kailangan ko sa klase ngayon.

"Oh, look, ayon sila, oh!" aniya.

Pa-simple akong sumulyap at natigilan nang makita si Atlas at siya na magkasama,


Atlas is holding a few folders. Sa tabi niya ay si Yui, nagke-kwentuhan pa. I saw
Atlas smiled when she said something funny pero no'ng kumapit na si Yui sa braso
niya ay natigilan na ako.

Nag-iwas ako ng tingin at tumitig sa locker ko.

"Sila na ba? 'Di ko na masyadong nakikita si Atlas kasama 'yong babaeng isa? 'Yong
medyo maputla? 'Yong junior?"

"Ah, 'di naman ata 'yon sila? Baka pinagti-tripan lang?" ani nila na nagtawanan na
kaya kumunot na ang noo ko at malakas na isinarado ang locker.

Napansin kong napasulyap sila sa pwesto ko, natigilan kaya hinarap ko na sila at
nagsalita.

"'Di totoo 'yon," I said. "Kaibigan niya si Yui." Tipid kong sabi at bago pa man
sila makapagsalita ay niyakap ko na ang libro at tahimik na umalis.

I am having a bad day that time but it vanished when Atlas appeared outside my room
in my last class and offered to take me home, saying na naipasa na nila ang
pangalawang revision ng thesis.

All the pain vanished and I smiled and put my hand on his arm, mabilis niyang
kinuha ang bag ko at sabay kaming naglakad papunta sa labas ng university para
kumain muna bago umuwi.

Days passed and I am really looking forward for my eighteenth birthday, nagpa-
lechon ang Nanay. Simpleng salo-salo lang naman, ang mga bisita'y sina Lolo at
Lola, iilang mga kaibigan ni Nanay at ang mga kaibigan ko.

"Excited na akong makita mo itong gift ko!" Heart giggled while showing me a pink
paper bag, nasa CR kami ngayon dahil aayusan daw muna niya ako bago kami tutungo sa
bahay para sa simpleng kainan.

"Ano ba 'yan?" ngiti ko.

"Secret!" she winked at me. "Magugustuhan mo 'to, isa pa, you need this, lalo na
kapag mag-jowa na kayo ni boplaks!"

I chuckled, pumikit nang lagyan niya ako ng light eyeshadow. Inaantay din namin
kasi na matapos ang klase ng mga lalaki para sabay-sabay na kami patungo sa bahay
namin.

"Anong susuotin mong damit, Lia?" she asked kaya nagmulat ako ng mata, pinakita
niya sa akin ang blush on kaya marahang tumango ako.

"May red dress ako sa bahay," I said and watched her open the blush on. "Manipis
lang, Heart, ah? Para 'di masyadong halata."

"No worries, kahit wala kang make-up naman maganda ka, just let me emphasize your
soft features." She smiled.

I nodded, hinayaan lang siyang ayusan ako. In fact, gusto kong pagbigyan ang sarili
kong maging maganda ngayon dahil kaarawan ko na.

Isa pa, I'm legal now!

"Kapag eighteen ko next year talaga mag-ga-gown ako..." ani Heart kaya natawa ako
at tinitigan siya.

"Bagay 'yon sa'yo panigurado, ikaw pa ba?" I smiled at her.

"Sana! Ikaw din, ang ganda-ganda mo, Lia. Nganga ka kaunti." I opened my mouth and
she put a light pink lipstick on my lips. "Ayan!"

I smiled at her, glanced at the mirror and I was so amazed when I saw my face.

"Wow..." I muttered. "Thank you, Heart!" I felt so happy while looking at myself in
the mirror, sumulyap ako kay Heart na malaki ang ngiti sa akin.

"No worries, Lia! Happy Birthday! Thank you for being my best friend!" she cheered
and kissed my cheek. Nangilid ang luha ko roon at mabilis siyang niyakap.

"Thank you rin, Heart, kasi naging kaibigan kita." I whispered.

Magkakapit kaming lumabas ng banyo, I was so happy and excited when I saw Josh and
Ted near the exit of the university, nag-uusap pa ang dalawa roon.

My smile widened, naglakad kami palapit sa kanila at ngumiti ako.

"Hi, Lia!" Josh smiled when he saw me. "Happy birthday! Naks naman, legal na!"

"Salamat..." I smiled softly at him and glanced at Ted, he seems a bit bother yet
smiled at me.

"Happy birthday, Lia. You're beautiful by the way..." he smiled at me.

"Thank you! Uh, ano...si Heart lang 'yang nag-ayos sa akin." I smiled.

"Ganda ni Lia, ano? Manginginig ang tuhod niyan ni bobo!" hagikhik ni Heart.
"Anyway, nasaan siya?"

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan sila, "nasaan si Atlas?"

I noticed the two looks a bit bothered now, si Ted ay nailing at si Josh ang
humugot ng hininga at nagsalita.

"The thing is...hindi na raw siya makakasama, Lia." Ani Josh kaya natigilan ako.

I felt the pain on my chest but I managed to still talk. "H-huh? Bakit daw? Sabi
niya..."

"We don't know too, Lia." Ani Ted. "Basta pagkatapos ng klase nagmamadali, sabi
niya pasabi na lang daw sa'yo na sorry, 'di na siya makakasama."

"Huh? What do you mean?" Ani Heart bigla na mukhang nalilito na rin. "Eh, handang-
handa na nga 'yon kagabi pa? Paanong hindi?"

"We really don't know..." Josh sighed.

"Nasaan siya?" I asked calmly, sumasakit na ang dibdib ko pero naisip na baka
makausap ko pa si Atlas, kung emergency ay maiintindihan ko naman...o kaya kung may
tinatapos siyang research o ano.

"We separated in the quad, hindi sinabi kung anong gagawin, eh." Ani Josh kaya
kinagat ko ang labi ko at nagsalita.
"Sandali, ah." I said and immediately run back inside.

"Lia!" I heard them call me pero 'di na ako lumingon at dire-diretsong nagpunta sa
quadrangle. I looked around and saw a couple of seniors sitting on the bench.

Nakita ko sina Catherine at ibang mga kaklase ni Atlas doon. Hindi ko sila
kinakausap pero dahil gusto kong malaman kung nasaan si Atlas ay lumapit na ako.

"Uh, good afternoon..." bati ko kaya napasulyap sila sa akin.

"Nice one, naka-make-up si Argueles..." sipol no'ng lalaki at nagtawanan sila.

Napalunok ako at nakita ang ngisi ni Catherine sa akin, "what brought you here,
loser?"

"Uh, ano...nakita niyo ba si Atlas?" I asked.

"Yes," Catherine immediately smiled, her face brightened as if something


interesting happened.

"N-nasaan siya?" medyo nanginig pa ang boses ko.

"Oh, he's there..." she pointed the other exit. "Ihahatid ang nililigawan niya."

I froze, I felt the pain came rushing inside me, medyo sumikip na ang dibdib ko
pero 'di ako nagpatinag sa sinabi niya.

"Sino?" I asked, tumapang pa ang boses.

"Oh, his bestfriend? Yui? Nililigawan niya raw 'yon, sabi niya sa'kin, right,
guys?" lumingon siya sa mga kasama na tumango, may ngisi pa.
I bit my lip, humugot ako ng hininga at tumango. "O-okay, salamat..."

Umalis ako sa harapan nila at mabilis na nagtungo sa sinasabi nilang exit, I saw
Anya and her friends near the guard and I saw her smirked at me pero 'di ko siya
pinagtuunan ng pansin.

Sumilip ako at kaagad na natigilan nang makita si Atlas sa labas, may kausap sa
telepono. I was about to call him when I saw Yui went beside him and touched his
arm, tila may sinabi.

Atlas nodded, mayamaya'y may pumaradang sasakyan sa harapan nila. He opened the
backseat, kaagad na pumasok si Yui roon at sumunod siya at nang isarado niya ang
pinto ay siya ring panghihina ng katawan ko.

I felt like breaking down, saktong paglingon ko sa likod ay naroon na si Anya na


may ngisi sa labi.

"Opps?" Anya smirked. "Does it hurt, Lia? Ano, dadalhin ka na ba sa clinic?"

"Aray, 'di ako makahinga!" Umakto pa ang barkada niyang hawak ang dibdib at 'di
makahinga. "Aww..." she touched her chest more.

Nangilid na ang luha ko, suminghap ako at mabilis silang nilagpasan at narinig ko
pa ang tawanan nila roon. I ran past the seniors who are grinning, si Catherine ay
nahuli ko pang kunwaring nagpupunas ng luha.

"Aww, iyak na siya..." she said loudly at 'di ko na sila pinansin at mabilis lang
na tumakbo paalis.

I was running, straight-face pero nang mawala na ang tao sa daanan ay naramdaman ko
ang basa sa pisngi ko, ang mga luha'y 'di na kinaya. I ran towards the nearest
restroom, laking pasalamat ko nang walang makitang tao.

Mabilis kong tinungo ang isang cubicle at pagsara ko ng pinto ay siya ring
pagkawala ng hikbi sa labi ko. I covered my mouth, suppressing the sobs but I kept
on failing.
I can feel the tightening of my chest, I touched it and tried catching my breath
but I couldn't. Humugot ako ng hininga at pilit na ikinalma ang sarili.

No...no, Lia. H'wag kang iiyak. H'wag.

You're brave! Don't cry, Amalia, come on!

Halos malukot na ang damit ko roon, I bit my lip and closed my eyes, hinayaan na
ang mga luhang basain ang pisngi ko.

"S-stupid..." I whispered. "You're so stupid, Lia..."

I wished for the pain to stop but I am afraid that if I'd stop hurting, I would
stop breathing too...

Chapter 14 - Kabanata 12

Kabanata 12

"C-calm down...calm down..." I kept on telling myself, nakaupo sa nakatakip na bowl


at hawak ang dibdib ko.

"H'wag ka iiyak, Amalia..." I told myself again, caressing my chest.

Sobrang sikip ng pakiramdam ko, halos fifteen minutes na ata akong nagtataga rito
at ikinakalma ang sarili mula sa pag-iyak.

It's my birthday, bakit kailangang ganito?

Binuksan ko ang bag ko para uminom ng tubig habang marahang hinahaplos ang dibdib
kung nasaan ang puso ko para kahit papano'y kumalma ng kaunti. Mabilis ko ring
kinuha ang gamot sa bag ko at naramdaman ko ang pagkalma ko kahit papaano.

I shouldn't feel stress...hindi p'wede, ayaw ko na sa ospital.


Paglabas ko ay laking pasalamat ko dahil walang tao sa banyo, mabilis akong lumapit
sa salamin at mabilis na naghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko pagkatapos at nakita
ang mga mata.

I sighed, alam kong mahahalata nila na umiyak ako pero ano pa bang magagawa ko?
Baka nag-aalala na sila dahil kanina pa ako nawawala.

Inayos ko ang bag at buhok ko, nakatungong lumabas ng banyo nang biglang nasalubong
ko si Ted na napadaan at mukhang nagmamadali.

"Lia!" he exclaimed when he saw me.

"T-Ted..." I flashed a small smile.

Mabilis siyang nakalapit sa akin, he touched my shoulder and stared at me.

"Ayos ka lang? Saan ka nagpunta? We've been looking for you!" he said worriedly.

"H-hinahanap niyo ako?" I muttered and he nodded.

"Kanina pa, Heart and Josh is looking around too, anong ginagawa mo—"

"P-pasensya na sa abala, ah?" I smiled softly again, tumitig siya sa mata ko kaya
mabilis akong nagbaba ng tingin.

"Tara na—"

"What happened, Lia?" he asked stiffly, tumikhim naman ako at napailing sa kanya.

"Wala...ano, napuwing lang ako." Marahang sabi ko.


"You don't look—"

"Lia! Oh my God! There you are!" biglang narinig ko ang boses ni Heart, sa
paglingon ko ay magkasama na sila ni Josh na patakbo palapit sa akin.

"Heart..." I called and gasped when she suddenly hugged me.

"What happened?! Saan ka galing?! We've been looking for you!" she exclaimed
worriedly, nang sumulyap ako kay Josh ay nakatitig din siya sa akin, magulo ang
buhok at halatang tumakbo.

"D-d'yan lang..." I muttered, she softly pulled away from me, nang masalubong niya
ang mata ko ay kumunot ang noo niya.

"Did you—"

"Napuwing lang ako, a-ayaw maalis sa mata ko kaya naghilamos na lang ako." I smiled
softly at her, "sorry, ah? Nawala ang make-up?"

"You can't fool me—"

"Tara na, Lia?" biglang ngiti ni Josh at sumingit sa gilid namin.

"Josh, look, she's—"

"Hindi, ah, napuwing lang si Lia." Josh smiled again, nakita kong pasimple niyang
kinukuha ang siko ni Heart na naguguluhan.

I know what he's trying to do and I am grateful for it.

"B-but..." Heart glanced at me.

"Tara na, Lia, hayaan mo si Cap. Bahala siya walang pagkain, gutom na ako." Ani Ted
na ngumiti rin kaya tumango ako at mabilis na ngumiti.

"T-tara..." I called them, "may pa-lechon ang Nanay, masarap ata ang handa."

Heart looked so bothered yet I saw Josh whispering something to her. Ted smiled and
took my bag, nagpasalamat ako at tahimik kaming sabay na naglakad, kasunod ang
dalawa na nag-uusap pa ng mahina.

"Hindi sumasagot si boplaks, Josh." I heard Heart said. "Even Kuya Dame and Kuya
Hunter. I don't know."

"Baka may emergency?" Josh said.

"If there is, dapat ngayon ay alam ko..." ani Heart na nang makita akong sumusulyap
ay ngumiti bigla at biglang tumakbo sa akin.

"Hi, Lia! Malutong kaya ang balat no'ng lechon?" she suddenly asked, winawala ang
usapan namin kanina kaya ngumiti ako at tumango.

"Oo, malutong. Sina Lolo ata ang naghanda, masasarap gumawa ng lechon 'yon." I
smiled.

Sa sasakyan kami nila Heart sumakay papunta sa bahay, habang nasa byahe ay mabilis
akong inayusan ni Heart at pinagpasalamat ko iyon dahil ayaw ko ring mahalata ni
Nanay na umiyak ako.

Birthday ko, dapat masaya ako, right?

Pagkarating namin sa bahay ay tahimik. I was confused for a while, ang expected
ko'y dapat marami ng tao pero wala.

"Nasaan sila?" I muttered, napasulyap kay Heart na nakangiti lang.

"Tara, pasok na tayo, baka nasa loob na," aniya at tumango ako.
Pumunta kami at mabilis kong binuksan ang pinto at halos magulat ako nang may
confetti at nahuli ko sina Nanay na may hawak na cake, kasama ang mga kakilala
namin.

"Happy birthday to you!" they all song kaya nakagat ko ang labi, masaya na hindi ko
maintindihan. Nagulat din sa kanila.

"Happy birthday, Lia! Happy birthday! Happy birthday!" they sang.

Nangilid ang luha ko roon, nakisabay pa si Heart, Josh at Ted, pumapalakpak pa sa


habang kumakanta.

"Happy birthday to you..." they sang, nang makita si Nanay na nasa tapat ko na ay
napaluha na ako, sa magkasamang sakit at saya. I don't know what to feel, hinawi ko
ang luha ko at nakita ko ang malambing na tingin ni Nanay sa akin.

"H'wag na iyak, Lia." She smiled.

"N-nay naman..." I muttered, hinahawi ang luha.

"Iyakin talaga ang apo ko," I saw Lola muttered.

Nagtawanan ang mga kasama namin doon, kinagat ko ang labi, nakitang nakangiti at
nagbi-video si Heart sa gilid.

"Ang puso mo, anak." Nanay smiled and moved the cake near me, ang kandilang
nakahugis na 18 ay nasa harapan ko na.

"Nay..." I muttered.

"Make a wish, Lia." She said and I sighed, marahang hinawakan ko ang dibdib at
pumikit para humiling.
God, please make me stronger. Please keep and guide my heart to be brave enough for
any heartaches.

I opened my eyes, blew the candle and they all clapped their hands, greeting me a
happy birthday.

Luckily, hindi napansin ni Nanay na namamaga ang mata ko kakaiyak, marahil ay


inisip niyang dahil iyon sa kaninang pagkakita ko sa kanila.

I was touched and happy but at the same time, hindi ko talaga magawang maging
sobrang saya dahil sa nalaman ko.

I am happy because my friends did not brought up what happened earlier, they
enjoyed the small celebration too, magkakasama kaming apat habang pumipili ng
pagkain at nakikita kong nag-eenjoy naman sila.

Heart kept on staring at her phone pero kapag nakikita akong tumitingin ay
ngumingiti. I know she's checking things out at hindi ko na siya inabala roon.

I tried lifting my mood up to greet those who attended my birthday celebration,


kinumusta ko at nag-picture pa sa iilan. I received gifts too, which is really
amazing.

Na-e-excite na ako kung kailan ko bubuksan ang mga 'yon, even Heart, Josh and Ted
brought their gifts too.

"Lia, picture!" Heart cheered and I smiled at the camera.

"Ang ganda talaga ng ating birthday celebrant!" she cheered and I smiled.

"Mas maganda ka," I muttered and she frowned at me, pinching my cheek.

"Maganda tayo dalawa, Lia. Period." She said at natawa ako at niyakap siya.

"Thank you for coming, Heart." I said softly.


"No worries, I wouldn't miss this." Aniya sa akin bago marahang hawakan ang kamay
ko, "anyway, I wanna tell you something."

Sumulyap ako sa kanya at inilahad niya sa akin ang phone niya, kinuha ko iyon at
nagtatakang binasa.

To: Boplaks

Hoy, bobo! Nasaan ka na?!!!!

I saw her message and I scrolled it para mabasa ang kasunod.

From: Boplaks

Please tell Lia I'm sorry, I can't make it today. Babawi ako.

To: Boplaks

Bobo ka ba??? Bakit hindi? Hoy! Montezides! Anong nangyari? Bakit mo kasama 'yong
babaeng 'yon?!

To: Boplaks

Hoy! Atlas! You're unattended! Pati sina Kuya!

Nang i-scroll ko ulit ay wala nang lumitaw kaya tumikhim ako at ibinalik sa kanya
ang phone bago ngumiti.

"Pakisabi, Heart, ayos lang." Marahang sabi ko.


"Anong maayos?" kumunot ang noo niya. "I saw your eyes, umiyak ka—"

"Baka importante ang ginawa," I said, hindi na sinabi sa kanya ang sinabi sa akin
ng mga seniors kanina.

"Naabutan mo ba siya? Natanong?" she asked curiously at umiling lang ako roon.

"Hindi, n-nakaalis na agad, eh." I said softly.

Mukhang 'di siya naniniwala pero nang mapansing ayaw kong pag-usapan ay humugot na
lang siya ng hininga at marahang tumango.

"Alright," she smiled at me. "Basta ba, mag-enjoy ka ngayong birthday mo, ah? H'wag
mo na isipin si boplaks, may paglalagyan sa'kin 'yon kapag nakita ko."

"Just..." I sighed and stared at her. "P'wedeng ano...h'wag mo sabihin sa kanyang


umiyak ako?"

She hesitated for a while then sighed, "okay, I won't tell him."

I slowly nodded, nang medyo gumabi na, nagpaalam na sa akin ang mga kaibigan ko
para umuwi. I was happy and sad at the same time because of what happened today but
still grateful, I survived another year.

That was a blessing.

Hindi na ako pinatulong nina Nanay na maglinis kaya umakyat na ako sa kwarto ko
para mag-ayos pero kaagad na natantong mag-isa na naman ako. Kaagad akong nagbihis
at muling bumalik sa utak ko ang nangyari kanina.

I sat on my bed, nakita ko ang notebook na hilig kong pagsulatan ng nararamdaman at


marahang binuklat iyon.

I saw my latest input and I sighed, reading it. It was all my feelings and
excitement about my coming eighteenth birthday, sinulat ko ito no'ng nakaraang
araw. I was so excited here how would my birthday be like, dapat ngayon din
magpapaalam si Atlas kay Nanay na liligawan na niya ako pero...wala.

Paano naman siya magpapaalam kung wala siya? Paano naman siya manliligaw kung may
nililigawan na pala siya?

I flipped the page and saw the rose he gave me way back, nakaipit ito sa pahina ng
notebook ko, patay na pero maganda pa rin. I slowly touched it and don't know why
but I felt the tears fell on my cheeks again.

Mabilis kong hinawi ang luha ko pero tila talon na nahulog lang ito sa pisngi ko. I
touched the petals and a sob left my lips.

I really thought he likes me. Ipinakita naman niya sa akin iyon pero bakit...bakit
iba na ang gusto niya? Maybe what I heard from the seniors are true, baka
nga...baka pinagti-tripan niya lang ako.

Am I not enough? Oh, maybe because I'm just Amalia.

Ano nga bang ipagmamalaki sa akin? I was just that weak girl, a weak woman who'd
easily clutch her chest if she couldn't breathe, ang babaeng kaunting bagay ay
matutuwa at kikiligin.

It's just that my heart yearns for him, dearly, that I assumed he would really like
me too but I was wrong all along. Parang maling masyadong na-invest sa ganitong
pakiramdam ang bata kong puso kaya ngayon parang ang hirap naipagsawalang-bahala
kaagad.

Like a fool, I cried, pouring my heart out, letting the pain go.

He said he'd be here but he never showed up. He said he likes me but in the end,
he'll just leave me hanging.

"Amalia? Amalia? Umiiyak ka ba?!" narinig ko ang katok sa pinto kaya natigilan ako.

I tried covering my mouth but the sobs are so loud my mother panicked.
"Buksan mo 'to!" he knocked again. "Amalia!"

"N-nay, a-ayos lang po ako!" I tried saying kahit paputol-putol pa ang boses pero
mukhang 'di niya kinagat.

"Amalia!" she knocked again.

I felt my chest felt a tighter, kumunot ang noo ko nang medyo magdilim na ang
paningin ko at naghahabol na ng hininga.

"Amalia! Buksan mo ang pinto!" kinalabog na ni Nanay ang pinto.

Tumayo ako at lumapit, kahit medyo nagdidilim na ang paningin at naghahabol ng


hininga ay nagawa ko pang pihitin ang pintuan pabukas.

Bumukas kaagad ito at naabutan si Nanay na gulat na nakatingin sa akin.

"N-nay..." I called, mahigpit na napahawak sa dibdib ko at parang bumigay na ang


katawan.

"Amalia!" ang sigaw niya ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa sahig at
nagdilim na ng tuluyan ang paningin.

The familiar and scary smell of antiseptic is the first thing I noticed when I woke
up, I heard faint voices beside me, sa pagmulat ko ng bahagya ay nakita ko kaagad
ang pamilyar na putting pader sa harapan ko.

"Sa ngayon, kaya pa ng mga gamot ang kondisyon ni Amalia, Miss Argueles..." nang
marinig ang boses ng doktor at makitang nasa may gilid ko lang sila nag-uusap ay
mabilis akong pumikit at nakinig.

"Magiging maayos naman po ang anak ko, dok, 'di ba? Magiging maayos si Amalia?"
rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Nanay nang sabihin niya iyon.
"Yes, but she has to stay away from stress, nasabi ko na 'to noon. Dapat ay hindi
napapagod si Lia, severe stress is not advisable, ni pisikal man o emosyonal. You
said she's crying, that's stress and it triggered her kaya ganyan..."

Miski ako ay nasaktan sa sinabi ng doktor, nangingilid ang luha ko at gusto na


namang maiyak pero dahil nagkukunwari akong tulog ay 'di ko magawa.

Kinuyom ko na lang ang kamay ko at nakinig.

"Anong p-p'wede naming gawin, dok? Parang maging maayos ang anak ko?" Nanay sounded
so sad and worried and it pained me more. Dumoble ang sakit habang naririnig ang
boses niyang ganyan.

"She has to stay here in the hospital first for observation, kahit mga dalawa o
tatlong araw lang. I will prescribe new meds for her too." He said. "I suggest you
tell her to stay away from stress for now to protect her heart, she's fragile, Miss
Argueles."

"K-kailangan ba niyang tumigil sa pag-aaral?" she sounded worried at miski ako,


takot na takot.

Ayoko...ayokong tumigil sa pag-aaral!

"Hindi naman sa gano'n, Miss Argueles. Pero kung sa eskwela ang stress, kailangang
mag-lie-low muna siya. Her condition is stable for now but we'll never know if she
got older. Ngayon, kaya pa ng gamot na kontrolin ang sitwasyon niya. The worst can
happen if she's always stress, our last option if that happens is only surgery."

"H'wag naman sana...ang bata-bata pa ni Lia." I heard her cries and I felt like
breaking down too.

"H'wag kayong mag-alala, Miss Argueles. She can do it, Amalia is brave, she was
weaker when she was younger, nakaya nga niya noon, ngayon pa kaya? She can still go
to school, just advise her to stay away from stress and she's good."

Nang umalis ang doktor ay narinig ko ang iyak ni Nanay, I heard her crying while
talking to Lola and my heart broke, hearing one of the strongest person I know
crying because of me.
"Ang hospital bills, Nay?" I heard her talking to Lola.

"Kaya natin iyan, Liv." Ani Lola. "Malakas iyang si Amalia, kaya niya 'yan."

"K-kung...isangla muna natin ang truck, Nay?" I heard her say.

"'Yong pang-deliver nga mga galing sa plantation?" Lolo asked.

"Opo, Tay. Isangla ko muna para may pang-maintenance si Lia 'tsaka sa hospital
bills." Ani Nanay and my heart broke more. "Tutubusin ko na lang kapag kaya na sa
budget, mas importante ang anak ko kaysa doon."

I know I have to take care of myself, not just for me but especially for my mother
who sacrificed a lot to help me live the life I am living today.

Kami na lang ni Nanay ang magkasama ngayon, kami na lang ang magkakampi. Kung kaya
niyang magsakripisyo para sa akin, at least I could help her by protecting myself
and my health.

Gusto kong makapagtapos, gusto kong maging pharmacist o kaya ay maging doktor kung
ibibigay ng tadhana sa akin. Gusto kong tulungan ang Nanay, gusto kong makita
siyang masaya. Gusto ko pang magkapamilya at mabuhay ng matagal.

I have a lot of goals and I know I shouldn't let a heartbreak stopped me from
achieving it.

There is a far more greater things than a young love and that is my dreams...and my
future.

Kaya pagkaraan ng ilang araw na um-absent ako sa klase dahil sa pag-i-stay ko sa


ospital? I decided I would just live my old, boring life. Kahit wala ng kasama,
basta napo-protektahan ko ang kalusugan at ang puso ko...kahit hindi na sa akin,
para kahit kay Nanay na.
Heart was frantic when she saw me entering the room, napatingin pa sa amin ang mga
kaklase nang yakapin ako ni Heart.

"Bakit absent ka? Ayos ka lang ba? Anong..."

"Ayos lang ako, Heart." I smiled at her. "Salamat, tara, upo na tayo."

Sabay kaming naupong dalawa, kaagad niya akong tinanong pero hindi ko sinabing na-
ospital ako.

"Nagka-emergency lang kasi si Nanay, kailangan kong tulungan kaya ayon, m-medyo
ano...'di nga nakapasok." Sabi ko at tumango siya kaagad doon.

"Okay naman ba kayo? Is there something I could do to help?" she asked worriedly
and I smiled and shook my head.

"Ayos naman, Heart. 'Di na kailangan." Sabi ko na lang sa kanya.

"I know what happened to Atlas, Lia." Aniya kaya natigilan ako, I was so tempted to
ask her but I chose not to.

Stay away from stress, they said.

"Ah, ano, okay lang kahit h'wag mo na sabihin." I smiled at her and her forehead
creased.

"Huh? Bakit—"

"Good morning, class!" masayang bati ng teacher na pumasok kaya hindi na


nakapagsalita si Heart at tumitig na lang sa akin.

Masakit but I know, I have to slowly detached myself from my friends.


I have to go back to my old life, malungkot dahil walang mga kaibigan pero mas
napo-protektahan ko ang sarili...walang sakit.

"Lia, lunch?" ani Heart habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng libro.

"Uh, sorry, Heart. 'Di ako makakasama." I said and her forehead creased at me.

"Huh? Bakit naman?" she asked.

"Uh, kailangan ako ni Nurse Anna sa clinic kaya—"

"Sasama ako—"

"H'wag na," I shook my head. "M-matatagalan kasi ako, ano, sabay ka muna kina Josh,
pasensya na, huh?"

She looks confused but then nodded, staring at me.

"Okay..." she said.

For days, I was avoiding them, mukhang napapansin na ni Heart kaya may isang beses
ay sumabay ako sa kanya at Mabuti na lang ay 'di niya kasabay sina Ted at Josh.

Atlas is still not here, halos isang linggo na siyang wala kaya nagtataka na rin
ako pero ayaw kong magtanong, natatakot sa sarili ko.

Heart said she now knows what happened pero ayaw kong marinig kaya hinayaan na niya
ako. She was observant kaya alam kong napapansin na niyang medyo lumalayo ako.

I am eating lunch in the clinic, nakikisabay kina Nurse na nagtataka na rin pero
sinasabi ko lang na abala ang mga kaibigan ko kaya 'di na nagtanong.

Isang araw, pagpasok ko ay nakita ko na sa 'di kalayuan si Yui, kasama na ang mga
barkada. I immediately knew Atlas is here kaya hindi kaagad ako pumasok. Sumilip
ako at kaagad na nagwala ang puso nang makita siyang nakaupo sa may hagdan kung
saan siya palaging nag-aantay para masalubong ako pagpasok.

Magulo ang kanyang buhok, nakauniporme at nasa harapan niya ay si Heart na


nakapamaywang sa harapan niya at mukhang galit.

"Bobo ka ba? Bakit 'di niyo sinabi sa amin?" she hissed.

"Ayaw ni Dad na mag-alala kayo, he asked to keep it a secret first..." he


explained.

"Bakit hindi? We're a family too!" she hissed.

"I don't know, I wanted to tell you but he said sa amin muna ito." Aniya. "My phone
was off that time kaya si Yui ang tinawagan nila, she told me and I panicked,
pagbukas ko ng phone ay nag-message sina Kuya na pupunta kaming Maynila."

"Anong pinagkaiba no'ng nalaman nina Mommy? Wala rin, 'di ba?" she hissed and Atlas
sighed and pulled his hair, mas nagulo iyon at nagsalita siya.

"Heart, si Lia..." he said. "I want to see Lia."

"Ayan, isa pa 'yan!" she hissed, nakita kong hinampas niya ang balikat ni Atlas.
"Bobo ka talaga!"

"I know..." he sighed. "Nawala na sa utak kong magsabi ng personal, I am panicking,


Heart. My Dad was hospitalized and..."

"At sinama mo pa si Yui?!" she hissed.

"She insisted of coming, pinapapunta rin siya ng magulang niya..." Atlas explained
and stared at her. "Si Lia, Heart? Come on, I have to apologize."

"She's avoiding me now, boplaks ka kasi!" Heart hissed and I just sighed, mabilis
na tumalikod at umalis sa gate.

Kahit malayo ay nagdesisyon akong sa kabilang gate na lang dumaan para makaiwas.

When I got into the classroom ay nakita ko sina Anya na kumaway pa sa akin.

"Oh, lover boy is back, nakita mo?" sigaw ni Anya.

"H'wag mo awayin, baka sumakit na naman ang puso..." her friend touched her chest.
"Ouch! Aray!"

Nagtawanan sila.

Hindi ako umimik, tahimik akong naupo sa pinakagilid sa unahan at binuksan ang
notebook ko para magbasa na lang.

"Aww, poor Amalia..." I heard Anya said.

"Aww, really? No, you're the poor one Anya, taga-landi ng boyfriend at taga-salo ng
basura." Natigil ako nang makita si Heart na nakapamaywang sa pintuan. "Cheap."

I heard their gasps. Narinig ko pa ang mura ni Anya sa likod pero hinawi lang ni
Heart ang buhok at nag-martsa palapit sa akin.

"Hi, Lia. Morning!" she smiled.

"Magandang umaga," tipid kong sabi at bumalik ang tingin sa notebook.

I heard her sighed and spoke, "ayoko sanang tulungan kaso ayoko makakita ng
kawawang bobo."

Napalingon ako sa kanya at bigla siyang ngumiti.


"Tingin ka sa pintuan," aniya.

My forehead creased. Lumingon ako sa pinto at halos manlaki ang mata nang makita
doon si Atlas, nakadungaw sa akin at may hawak na pumpon ng bulaklak.

I heard their whispers, miski ang mga napapadaan ay natitigilan.

My throat dried up, tatayo para sana makausap siya pero dumating ang teacher na
ngumisi pa.

"Aba, may nililigawan ka ba rito sa room, Mr. Montezides?" ani ni Sir na ngumisi
pa.

I saw Atlas nodded at ang atensyon ng mga kaklase ko ay nasa kanya na ngayon.

"Oh? Talaga?" he chuckled. "Akala ko ba 'yong kaklase mo?"

Atlas' forehead creased, "po? Sino?"

"Si Miss Hernandez," he said.

"No, Yui's just my friend, Sir." Ani Atlas at natawa si Sir.

"Oh, I see. I heard rumors, at sino naman ang ma-s'werteng dalagang nililigawan
mo?" he asked and I saw how Atlas shifted his gaze at me kaya natulala ako.

"Si Amalia, Sir." Ani Atlas na nakatitig sa akin, "and it's not her that's lucky,
it's the other way around. I'm lucky to meet her, Sir."

Mabilis akong nagbaba ng tingin, narinig ko ang tawa ni Sir bago nagsalita.
"Oh, siya, sige, mamaya na ang ligaw. Magka-klase muna kami." Ani Sir at nang
sumulyap ako ay nakita kong tumango si Atlas at ngumiti.

"Salamat po," he said and glanced at me for a while before deciding to leave.

Good thing, habang nagka-klase ay hindi naman ako inasar, Sir was professional and
set that aside and discussed his lesson for today while me, I was bothered.

Natapos ang sunod-sunod na klase at no'ng lunch ay nasabi ko kay Heart na kailangan
ako sa clinic, ayaw ko sanang isama siya pero nakita kong nalungkot siya.

"I know you're avoiding me..." she said in a sad voice and my heart ache seeing my
best friend like that. "'Di naman ako si bobo, ah? Oo, sige, pareho kaming bobo
pero bakit pati ako..."

"Sorry," I sighed and stared at her. "M-maybe kailangan ko lang ng oras para sa
sarili ko."

"Kahit sabay sa lunch, bawal?" bumagsak ang balikat niya.

"S-sige..." hindi ko na natiis at nasasaktan din ako kapag malungkot siya. "P-pero
okay lang bang sa clinic tayo? Ayaw ko munang makasabay sila."

We ate together for lunch, natapos ang klase namin kaya kaagad kaming nagligpit.

Sabay kaming pababa ni Heart at nang nasa huling step na ako ng hagdan sa may
quadrangle ay nakarinig ako ng tunog ng gitara.

My forehead creased, nakitang medyo may mga estudyanteng nakadungaw na rin para
manuod.

"Dami talagang paandar ni boplaks," ani Heart kaya napatingin ako sa may gitna at
halos matulos sa kinatatayuan nang makita si Atlas na nasa gitna.

Sa gilid ay si Josh at si Ted kasama ang iilang myembro ng varsity. Josh and Ted is
holding a large cartolina at nangunot ang noo ko nang mabasa iyon.

I'm sorry, bibi ko.

Josh looked so embarrassed, nagtago siya sa cartolina nang napasulyap sa tabi ko at


nakita ang tatawa-tawang si Heart.

I heard a soft strum of the guitar and saw Atlas playing with the strings softly,
forming a soft tune from it. Nakatayo siya roon sa gitna at nakasabit sa balikat
ang gitara habang pinapatugtog at nakatitig sa akin.

"I'm sorry, Lia." He sighed. "I hope you forgive your bibi."

That earned a few laughs and giggles, nakita kong natatawa na si Heart sa tabi ko
at iniaangat ang phone para mag-video.

Atlas cleared his throat and I almost shivered when I heard him sing.

Well, I will call you darlin' and everything will be okay

'Cause I know that I am yours and you are mine

Doesn't matter anyway

In the night, we'll take a walk, it's nothing funny

Just to talk...

He started and I almost shivered when I heard his baritone voice.

Put your hand in mine


You know that I want to be with you all the time

You know that I won't stop until I make you mine

You know that I won't stop until I make you mine

Until I make you mine.

Miski ang mga teachers ay naki-usyoso na, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman
habang pinagmamasdan siyang kumakanta habang walang hirap na nag-i-strum sa gitara.

It's hard to feel you slipping (You need to know)

Through my fingers are so numb (We'll take it slow)

And how was I supposed to know (I miss you so)

That you were not the one?

Nakita kong kinakanta ng varsity at sina Josh ang parts ng back-up singers, nahuli
pang pumiyok ang iba doon kaya napasulyap si Atlas at sumama ang tingin pero
bumaling sa akin at nagpatuloy na parang nangyari.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

Oh darlin', darlin', baby, you're so very fine

You know that I won't stop until I make you mine


The song ended, narinig ko ang tilian at halos sumabog na ang puso ko sa hindi
maintindihang nararamdaman.

Josh left the cartolina, kinuha ang bouquet kanina at kinuha ang gitara kay Atlas
ang gitara. Atlas walked towards me and I heard the giggles around.

Dapat ngayon ay kinikilig ako pero mas nanunuot ang takot sa puso ko ngayon.

Atlas offered the flowers for me and I accepted it with shaking hand.

"Sorry, Lia..." he muttered and I just stared at him. "I know I've been a jerk."

"Bobo kamo," ani Heart bigla na ngumisi lang. "Joke, sige na, usap na kayo."

"Can I explain?" Atlas asked, a bit shy and flushing. I saw the hope on his eyes
and I sighed, slowly nodding.

"P'wedeng...private?" I asked softly.

"Sure," he smiled and slowly took my wrist.

"Luh, madaya, anong pag-uusapan? Wala man lang ba kaming closure dito?" Ani ng
isang varsity na pumiyok ata kanina at nakita kong nailing si Atlas.

"Sabi ko h'wag pipiyok, yari kayo sa'kin." Atlas said and the boys groaned.

Hawak ako ni Atlas, marahang inaalalayan para makapag-usap kami.

I saw Yui in the side, kunot ang noo at nakahalukipkip. Our eyes met and she
immediately rolled her eyes at me and shook her head.

Nagtungo kami sa may field kung saan kami madalas kumakain. Our eyes met and I
admit, I missed seeing his face but...I don't want to be hurt again.

"Lia, I'm sorry..." he sighed, slowly pushing a few strands of my hair behind my
ear.

"I know I promised you I'll come," aniya habang nakatitig sa mata ko, I can see how
regretful he is and I slowly nodded.

"I understand," I said softly.

"I'm sorry," he said softly and took my one hand, hinaplos niya ang palad ko at
dinala sa labi niya. He kissed it while staring at me and spoke.

"It's just, na-ospital si Dad, my phone was off and Yui answered the call. Nag-
panic na ako, tumawag din sina Kuya na didiretso na kami sa Maynila. Hindi na kita
natawagan..."

"Hindi ba alam ni Heart?" I asked and he nodded.

"Ayaw muna nilang malaman nila Heart at baka mag-alala, we kept it a secret first
pero nalaman na rin nila no'ng nakaraan. My Dad just don't want them to be
worried." He said and stared at me.

"I'm so sorry, Lia, I failed you. I could've talk to you in person first but I
didn't, nagsisi lang ako na hindi kita napuntahan. I know you're mad at me for
ditching you like that." He sighed and he looked so frustrated. "I'm sorry, Lia.
I'm so sorry, please forgive me."

"It's okay, I understand. I forgave you, wala ka namang kasalanan. Kumusta ang Dad
mo?" marahang tanong ko.

"He's fine now, tumaas ang blood pressure. Nasa bahay siya ngayon nagpapahinga."
Aniya at muling hinanap ang mata ko. "I'm sorry, bibi. I'll make it up to you,
kakausapin ko na si Nanay. I—"

"T-tama na muna siguro 'to, Atlas." I saw how his forehead creased at that,
natigilan siya at mukhang nagulat.
"Lia..." he called. "What do you mean?"

I'm in love with you, Atlas but I think my heart can't take it. My poor and young
heart can't love you that much, afraid it'll hurt again.

Mahalaga sa akin si Nanay, mahalaga sa akin ang sarili ko at ang kalusugan ko and
I'm afraid, afraid that if I'll risk my heart again it will give up on me too.

"H-hindi pa kasi ako handa." I said and I saw how pain filled his eyes.

"L-Lia, look..." he sighed and brushed his hair.

"I'm not ready for this, Atlas." I said. "I-I think—"

"I can wait, Lia." He said and tried touching me pero suminghap ako at pagod na
umiling. "K-kailan ba? Kapag nineteen? I can wait—"

"There is a lot of girls worthy of you, Atlas. Not me." I said and stared at his
now bloodshot eyes, "maraming mas deserving sa atensyon mo, mas bagay sa'yo, 'yong
mga taong abot ka. You're out of my reach because I'm just A-Amalia..."

"Then I'd reach you." He said. "Kung natatakot kang 'di mo ako maabot ako ang
gagawa no'n!"

I shook my head and removed the tears falling on my check.

"And you are not just Amalia. You are Amalia!" he emphasized. "and it's only you I
like!"

"Sorry..." I muttered and shook my head again. "S-sorry, Atlas..."

"Lia..." he looks so hopeless and he kept on shaking his head. "I-I'm willing to
wait, I'll pursue you—"

"H-h'wag mo nang ituloy ang panliligaw," I whispered and I saw how pain doubled on
his eyes, nabakas kong balisa na siya.

"L-Lia..." he called but I just sighed, ibinaba ko ang bulaklak sa may damo bago
marahang tumalikod at lumayo sa kanya.

I'm sorry, Atlas. I love you but you're too bad for my brave heart.

Chapter 15 - Kabanata 13

Kabanata 13

"Nay, may tanong ako..." tawag ko sa pansin niya habang nagluluto siya.

"Hmm?" she hummed and glanced at me, ang mga gulay na ini-slice ko ay inilagay ko
sa plato at sumulyap sa kanya.

"Have you ever been in love?" tanong ko.

Nakita kong nanlaki ang mata niya, isinara ang niluluto bago bumaling sa akin.

"Hmm, bakit mo naman natanong, Lia?" she asked smiling.

I shrugged, naupo ako sa upuan at tumingin sa kanya.

"I was just curious, Nay. Si ano kasi..." napatikhim ako. "Si Heart? 'Yong kaibigan
ko, ano kasi...brokenhearted, first love niya kasi sana but it failed." I lied.

"Oh, may boyfriend pala si Heart?" she asked and I nodded slowly.
"Well, I've been in love." She smiled a bit at me. "Dati, he's my high school love,
young love, Amalia."

I got curious, pumahalumbaba ako at nagtanong, "talaga po? What happened then? In
any case...is it my father?"

I saw how a lone expression left her eyes, she sighed again and stood, shaking her
head.

"Before I met your father, I met him first." Aniya. "He's just so amazing, magical,
lovely, lahat ng hinahanap ng mga babae ay nasa kanya, Lia."

She opened the casserole and checked what she is cooking, "we're in love, akala ko
nga kami na but then we're young and foolish."

"What...happened?" I asked, nararamdaman kasi ang lungkot sa boses niya.

"Ayaw ako ng pamilya niya because of my status," she muttered.

"Because of it lang, Nay? Dahil...wala tayong pera?" tanong ko.

"Well, anak dati kahit papaano may masasabi naman ang pamilya natin. Your Lola came
from a rich family, we came from a rich one." Lumapit siya sa akin at kinuha ang
mga gulay na ini-slice ko. "Ang mga magulang ni Lola mo, they wanted to marry her
off in a rich family but she didn't like it because she loves your lolo so much."

That made me smile, "she fought for him?"

"Yes," ngiti niya bago naupo sa harapan ko. "Pero ang kapalit no'n, itinakwil ang
Lola mo kaya nagsama sila ng Lolo mo rito sa Cagayan. May naipundar kahit papaano
pero hindi na kagaya ng dati ang ngayon, nagmamahal ang mga bagay kaya mahirap
kumita at muling umasenso. Pero alam mo, kahit gano'n ang naging buhay nila, they
were happy because they got the love they wanted."

"That's too ideal, sana lahat ng tao kaya makakuha ng pagmamahal na pang-matagalan,
Nay, ano?" I asked her softly and she nodded before sighing again.
"Well, iyong tinutukoy kong first love ko, Lia, hindi niya ako naipaglaban. Hindi
namin napaglaban ang isa't-isa. We are still young that time so we tend to break
apart, naghiwalay kami and I met your father."

I stopped, ngayon niya lang bubuksan ang usaping ito kaya sumulyap ako sa kanya at
nakitang nakangiti siya.

"Your father's like a ball of sunshine, mabait, responsable at palagi akong


pinapasaya, I thought finally there is someone who could love me for who I am and
you are made, kaso nga lang. Noong pinanganak ka, he vanished...nalaman ko na lang
na may ibang pamilya na."

I froze, hindi ko alam kung anong dapat sabihin, natulala lang ako at si Nanay ay
ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

"Amalia, you see my baby, young love tends to fade away that soon because your
heart's still young, indecisive and uncertain..." she smiled and I nodded,
understanding her.

"Young love does not tend to stay forever but not everything, may mga pagmamahal na
nagtatagal, like your lolo and lola, not just...hindi sa lahat ng tao." She said.
"It's okay to love but above all else, love yourself first. Bata ka pa, marami ka
pang magagawa. Love will come to you if it's meant for you, no matter what
happens."

I nodded, sighing.

"Is it the reason why you're crying that night?"

Natigilan ako, mabilis akong umiling at sumulyap kay Nanay but she knows me so much
that she wasn't even that moved.

"I know you, Amalia, you're my daughter. It's not Heart, am I right?" ayaw kong
magsinungaling kaya marahan akong tumango.

"It's just...sorry, Nanay...kung palagi kitang pinag-aalala." Mahinang sabi ko. "C-
crush lang naman sana kaso ano..."

She chuckled and pinched my cheek, napapikit ako nang bahagya siyang tumungo at
hinagkan ang noo ko.

"Ang puso hindi napipigilan, Lia. Hindi natin masasabihang tumigil na magkagusto sa
isang tao, na sabihang tumigil magmahal. We can't kaya natural lang iyang
magmamahal ka pero bata ka pa, anak. We never know what's certain, what will stay
for a long time kaya mas mahalagang ang importante muna ang isipin mo, ang sarili
mo."

Pinagmasdan ko siyang tumayo at inasikaso ang niluluto niya, nang patayin niya ang
kalan ay muli siyang bumaling sa akin.

"I don't want you to be as miserable as me in love, I am young and stupid, Lia.
Mahalaga ang pagmamahal ko sa isang tao noon kaysa sa pagmamahal ko sa sarili ko
kaya ako napag-iwanan." She said.

"Si...tatay, hindi ba niya alam na mayroong ako?" I asked.

She shook her head and sighed, "alam pero hindi na ako nagpakita pang muli, anak.
Ayaw kong makuha ka niya sa akin, iniwan niya rin naman ako noong nalamang buntis
ako sa'yo kaya..."

I nodded my head, slowly understanding her.

"Eh, 'yong first love mo, Nay?" I saw her stopped from her tracks, tila nagulat pa
sa tanong ko.

"Bakit mo naman natanong?" she asked, hindi lumingon at muling nag-asikaso.

"I was just curious, you sounded so sad." Sabi ko at bumaling siya at inilapag sa
hapag ang ulam.

"He has a family now, he has three kids with his wife but he said he isn't
happy..." I stopped, kumunot ang noo ko at sumulyap sa kanya.
"N-nagkikita kayo?" I asked and she looks taken aback, tumikhim siya at tumalikod
para kumuha ng kanin, hindi ako sinagot kaya tinawag ko siya. "Nay?"

"U-uh, oo noon..." tumikhim siyang muli at inilagay ang pagkain sa hapag. "But it
stopped, maybe I was just too excited meeting him again. I realized I'm doing
something horrible and I ended it. It was never good, Lia."

Tumitig ako sa kanya at sumulyap siya sa akin ng mapansin ang tingin ko, she sighed
and slowly pushed a few strands of my hair and put it behind my ear.

"Nay..." I called.

"There is a lot of people who's fool when it comes to love and if ever we did
something stupid, we should know how to reflect and never do it again." She smiled,
"you understand me, Lia?"

I nodded, understanding her.

"Bata ka pa, anak. You have a far great future ahead of you, you should grow first
and love yourself more. Sa panahon ngayon sarili mo na lang ang kakampi mo kaya
mahalin mo. I don't want you sick again, Amalia. Hindi ko na iniisip ang pera, ang
mahalaga lang sa akin ay ang kalusugan mo dahil marami pa akong pangarap para sa
iyo."

"Naiintindihan ko po, salamat, Nay." I smiled.

"A matured love is better than a young love, we should never be stupid for it kasi
ikaw din ang maaapektuhan noon, anak. Learn a lesson from me, I was stupid, don't
be like that. Mas mahalaga ang sarili mo kaysa sa ibang bagay."

For the weekend, I spent my time having a peaceful time with myself and my books.
There comes a time in those days na malungkot ako at naiiyak pero hindi ko
masyadong dinibdib sa takot na ma-ospital muli.

Noong sumapit ang Lunes ay determinado akong maging maayos, I was not looking
forward for anything until I saw Atlas sitting on the stairs with flowers on his
hand. Pinagtitinginan na siya roon pero nanatiling nakaupo siya at wala sa sarili.
My heart ache seeing him like that, I was so tempted to come and talk to him but I
know I couldn't risk my heart again.

Tatalikod na sana ako pero bigla niyang iniangat ang tingin at nagkatinginan kami.
My heart almost jumped, I saw how his mouth parted a bit and stood kaya nagulat ako
mabilis na tumalikod at naglakad palabas para sa kabilang gate na lang dumaan.

"L-Lia, wait!" he called, hinawakan ko ang strap ng bag ko, mas binilisan ang lakad
pero mabilis siyang nakasunod sa akin, nakita kong pinagtitinginan kami kaya mas
lalo akong kinabahan.

"Lia..." I froze when he reached my elbow and slowly pulled it, napaharap ako sa
kanya at nakita ang balisa niyang mukha.

"B-bakit?" my voice almost broke.

"C-can we talk?" he said, staring intently at me.

"P-para saan pa? 'Di ba nag-usap na tayo..." lumiit ang boses ko.

"No," he sighed. "You decided for the two of us, wala akong naging desisyon doon
kaya hindi 'yong maayos na usap."

I sighed, kinuha ko ang braso ko sa kanya at mabilis siyang sumunod nang maglakad
ako.

I stood at the side, sa medyo walang makakakita sa aming dalawa. He's still holding
the flowers, magulo ang buhok niya at mabilis na napunta sa harapan ko.

"Lia," he started. "What is that? A-akala ko ba ayos na tayo, why are you suddenly
drifting away?"

"Atlas," I called. "We are still young, we're still not sure if tayo ba talaga—"
"How would we know if we won't take a risk?" he asked and I shook my head at him.

"I know we should take a risk but I couldn't, okay?" I explained.

I could never risk my heart to you...not now, not when we're still young and
uncertain.

"Bakit hindi?" he asked. "I'm willing to take a risk for you, Amalia. I know I'm a
bit playful but I am doing my best to be better...for you."

"It's just...you won't understand." I said.

"Then help me understand," he said. "Let me know how..."

Tumitig ako at nakitang determinado siya pero mabilis akong umiling sa kanya.

"Atlas, male-late na tayo sa klase, we should go inside." Marahang sabi ko at


tumalikod pero muli niya akong inabot at iniharap sa kanya.

My heart pounded harshly when I saw how close we both are. Napasandal ako sa pader
at ramdam na ang init niya, he lowered his head and pushed his forehead against
mine, sighing heavily.

"May mali ba sa'kin?" he whispered painfully and my heart felt like breaking while
hearing him talk like that.

"Hindi...hindi sa'yo." Bulong ko pabalik. "W-we're just too young for this."

"Yui's my friend, Lia." He explained, opening his eyes and stared at me with that
soulful pair he has. "She's my childhood friend and if you heard rumors about us,
that isn't true."

"W-wala ka namang dapat ipaliwanag, Atlas." I said.


"But I want to explain my side to you, my Dad was hospitalized and I was panicking.
Noong tumatawag sila sa akin ay hindi ko nasagot dahil sarado ang phone ko kaya si
Yui ang tinawagan nila. She came with me. Noong maayos naman na, hindi kita
matawagan kasi wala kang phone. When I contacted Heart and they found out, ayaw mo
naman daw pakinggan ang sasabihin niya. I know I'm wrong and sorry, I wanted to
make it up to you."

"I understand, Atlas." I said and tried pushing him but he was too persistent,
pumikit siya at mas idinikit ang noo sa akin.

"I've never been this in love, Amalia." He muttered and I froze.

"H-huh?"

"It was just a stupid crush but it's been years, I don't know anymore..." he
whispered and opened his eyes, meeting my confused one.

"H-hindi ko alam ang sasabihin," marahang sabi ko, dama ang kalabog ng puso sa
magkahalong sakit o ano.

"Just let me pursue you, I would be better." He negotiated.

I shook my head and pushed him a bit, nanghihinang napaatras naman siya at pagod na
tumingin sa akin.

"Pursue not for other people but for yourself, Atlas." I said. "Sarili muna bago
ang iba."

"Kasama na rin 'yon do'n...bakit ayaw mo ba sa akin?" he asked.

"I like you too, I admit." Sabi ko at napaayos siya ng tayo.

"But why—"
"But I am young, we are young. I have to think of other things, ang sarili ko at
ang pamilya ko bago ang pag-ibig na ganito."

"Why? Will this love destruct yourself and your family?" he asked and I shook my
head.

"No but this will destruct my heart," I said and he stopped.

"I-I'd never hurt you—"

"We never know," I smiled sadly at him. "Maaga pa para masabi ang hinaharap, Atlas.
We may and may not be for each other. Mas isipin muna natin ang sarili natin, mas
mahalaga 'yon kaysa sa kahit ano. Maybe, when the time comes and we're really for
each other, tayo pa rin talaga."

He sighed and nodded, "I-I understand..."

"Thank you," I smiled at him, slowly moving closer, marahang inangat ko ang kamay
ko para ayusin ang magulong buhok niya at hinaplos ang pisngi niya. "Be better for
yourself, okay? I'll do the same."

Sadly, I lowered my hand and turned my back but he called me again.

"Lia," humarap ako sa kanya at nakitang inilalahad niya sa akin ang bulaklak. "Can
you accept at least my flowers? Y-you left the bouquet last time."

I feel bad leaving him like that kaya inabot ko ang bulaklak sa kanya.

"Sorry at salamat," I smiled a bit. "S-sana last na 'tong bulaklak."

He looked so hurt and he nodded, brushing his hair and staring at me with that
lonely eyes.
"Final na ba 'yan?" he asked.

"'Yong?"

"Desisyon mo na...'di na kita liligawan?" he asked and I felt like he's


surrendering kaya tumango ako kahit masakit na ang nararamdaman.

"We should be better for ourselves para kapag nasa hinaharap at tayo pa rin, we're
the best version of ourselves, together."

"Alright..." he licked his lip and stared at me kaya marahan akong tumalikod at
naglakad pero nagsalita siyang ulit.

"S-seryoso ba? Last chance na 'to, Amalia!" he exclaimed kaya natigilan ako at
hinarap siya.

"Atlas, sinabi ko na nga sa'yo—"

"M-mas maganda ang upgraded version ni Atlas Montezides. Mas maganda sa version
2.0, a-ayaw mo ba?" his lips protruded kaya napailing ako, frustrated na rin.

"Sinabi ko na ngang—"

"M-may limited edition 'to," he even offered himself kaya 'di ko alam kung magpe-
face-palm ako o matatawa.

"Anong limited edition?" kumunot ang noo ko.

"Ah, ano, may bibi mode..." napahawak siya sa batok at namula.

Umangat ang sulok ng labi ko, natawa ng bahagya at umiling.

"Pumasok na lang tayo, Atlas." I smiled and turned my back, naglakad na palayo sa
kanya.

"Free trial, Lia! Gusto mo?!" he exclaimed and I shook my head, hindi na siya
nilingon.

"Amalia Argueles!" he exclaimed and ran behind me. "Seven days free trial!" he
negotiated.

Natawa na ako at umiling na lang.

"Lia! Atlas Montezides Premium na lang?" sigaw pa niya, walang pakialam pang
pinagtitinginan na ang nakakahiyang pagsigaw niya roon.

"Last chance, Lia!" aniya at napapikit ako ng mariin at mas binilisan ang lakad,
humigpit ang hawak sa bulaklak.

"Ayaw mo?! Sayang 'to, limited edition offer lang!" sigaw niya pa kaya tumakbo na
ako at napailing nang makapasok sa loob ng university.

Nawala ang boses niya kaya lumingon ako at nakitang hinarangan siya nina Josh at
Ted na natatawa, nagsalubong ang mata namin ni Atlas, he looks so sad there kaya
nag-iwas na lang ako ng tingin at dumiretso sa chapel.

When I got inside the chapel, I offered the flowers he gave me to the altar and lit
a candle. I spent my time praying and when I'm done, kaagad akong pumasok sa
classroom.

"You'll avoid me again?" sumulyap ako kay Heart na nakapahalumbaba na habang


nakamasid sa akin kaya suminghap ako at umiling.

"N-no, I just...sa clinic ako mag-la-lunch."

"You're avoiding Atlas," she said kaya natahimik ako. I tried avoiding her eyes but
she can read me, nang hilahin niya ako paupo ulit ay sumunod na ako at humarap sa
kanya.
"Oo," I confessed.

"Then let's avoid him, together." She said kaya napaharap ako sa kanya. "Pinsan ko
si Atlas at oo, bobo siya pero best friend kita, Lia."

"Heart, ayokong iwasan mo siya, tamang ako lang—"

"You were hospitalized, right?" she asked kaya natigilan ako.

My eyes widen and spoke. "P-paano mo..."

"Nagpa-check-up si Mommy no'ng na-confine ka, turns out, I saw your mother and I
found out."

"D-did you tell—"

"No, bakit ko naman sasabihin kay boplaks?" she asked. "'Di ko lang sinabi sa'yong
alam ko kasi I respect you pero ngayong iniiwasan mor in ako? Ayoko ng gano'n,
Lia."

"Heart," I sighed. "I was just protecting my heart, alam mo namang m-may sakit ako,
'di ba? Ayaw kong bigyan ng problema ang Nanay—"

"Then I'll protect you from the heartache from bobo too," aniya. "I'll be your
human shield, remember?"

Something touched my heart while hearing my best friend said that.

"Hindi ko iiwasan si Atlas s'yempre kasi pinsan ko siya pero kapag magkasama tayo,
s'yempre, iiwas tayo sa kanya. You were there when I got no friends, Lia. When my
plastic friends hurt me, you were there and became my friend. I wanted to be like
that to you too, now that your hurting, gusto ko as your friend, nand'yan din ako,
s'yempre."
Nangilid na ang luha ko, I immediately hugged my friend and she chuckled and hugged
me back.

"T-thank you, Heart...maraming salamat." Bulong ko sa kanya.

"What friendship is for if you'll leave one another in times of need?" She said and
touched my back, tapping it.

Magkasama kami ni Heart mag-lunch pero napansin kong natigilan siya nang papunta na
kami pabalik ng room para pumasok.

"Shit," she cursed, may kinuha sa bag at nakitang may libro ng Grade 12 doon.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakalimutan ko ibigay kay boplaks, kailangan niya!" she exclaimed and showed me
the book.

Napakurap ako, 'di alam ang sasabihin at pinisil niya ang kamay ko.

"Sige, Lia, una ka muna. Hatid ko lang sa kabilang building ito."

"Samahan na lang kita," I said and her eyes widen.

"Talaga? Nando'n si bobo?" she asked.

"'Di ba, may klase sila ngayon?" I asked and she nodded.

"Oo, i-e-excuse ko lang siya." She said.

"Then I'll come with you, pero 'di ko papakita, doon lang sa may tago. Ayaw kong
mauna sa room." I said, naiisip ang mga babae roon. "Sina Anya kasi..."
"Alright," she smiled at humawak sa braso. "Ihahatid lang natin, sa may gilid ka
lang para 'di ka makita. H'wag ka na pala mauna sa room, baliw na 'yon sina Anya
parang may katok sa utak."

Magkasama kaming pumunta sa building ng senior high, I was supposed to stay in the
side to hide pero nagulat nang makitang walang teacher ata at maingay ang hallway.

Ang ibang section ay nagkukulitan, ang room nina Atlas ay maingay din. Naririnig ko
ang mga gitara, mukhang may nagkakantahan pa sa loob. My lips pursed, nagkatinginan
kami ni Heart at umiling siya.

"Sorry, Lia. Wala atang teacher sina Josh. Kahit dito ka na lang—" natigil kami sap
ag-uusap nang makita ko ang palabas na si Atlas kasama si Ted at Josh ng room.

Seryoso si Atlas, his lips pursing, his brows almost met each other, looking
irritated. Suot pa ang niya ang varsity jacket na kulay puti at itim na pinaghalo,
I saw how his masculine shoulders molded on his jacket and he looked so good.

"Ayaw ko nga, Ted." He said.

"KJ naman, Cap! Akala mo dati ayaw!" Josh exclaimed.

"Ito na!" may lumabas na member ata ng varsity, may dala atang medyo malaking box.

My forehead creased when they pulled Atlas, "sige na, Cap, pasok ka hilahin namin,
dali!"

"Ayaw ko nga—"

"Luh, KJ! Akala mo first time! Nagbago ka na, Cap!" His member exclaimed.

"Ganyan talaga kapag bigo ang puso mula sa bibi niya—"


"Gago, oo na!" I saw Atlas puffed a breath, medyo nanlaki pa ang mata ko nang
pumasok siya sa box at naupo. It wasn't new seeing him like that, mayamaya'y
narinig ko ang tawa ni Heart sa tabi ko.

"Shit, pinatunayan na naman ni Atlas na boplaks siya..." bulong niyang natatawa sa


tabi ko.

Nagkantyawan ang mga lalaki, nakita kong natawa na si Atlas nang hilahin ni Josh
ang box habang nasa loob siya.

"Beep beep! Pakibilisan!" he exclaimed.

Parang mga batang nagtawanan sila, si Atlas ay na-enjoy din kalaunan habang
hinihila ang box, noong una ay kontento pa sila sa may tapat ng room pero 'di rin
kinaya at lumipat sa hallway.

I saw how Ted stopped from laughing when he saw us, si Josh na tatawa-tawa ay
natigil sa paghila sa box nang makita si kami, bumaling ang pansin kay Heart na
nagpipigil ng tawa.

"Ano na? Traffic? Bilis na, hindi ako sumakay dito para lang ma-late—" Atlas joked
but then stopped when he saw the boys staring at us, marahang lumingon siya at
nakita ko kung paano siya napanganga nang magtagpo ang mata namin.

"Lia!" he exclaimed so loud and stood abruptly. He shook his head and motioned his
hand.

"Mali ka ng nakikita! H-hindi ako bata para pumasok sa loob ng box—" he panicked
and tried getting off the box pero huli na at natumba ito sa sobrang taranta niya.

He cursed loudly when he lost his balance, natumba siya kasama ang box na umikot pa
sa semento, kasama siya sa loob.

"Hala..." I covered my mouth and the hallway filled with students stopped, as if
they're seeing something horrible.

It was pretty embarrassing, namumula si Atlas nang tumayo, tinatakpan ang mukha at
pumasok sa classroom, si Heart naman ay kay Josh na lang inabot ang libro, halos
'di na matigil sa kakatawa.

Noong sumapit ang uwian ay nagsabi na ako kay Heart na mauna na siya at sa ibang
exit ako lalabas at mag-aantay ng tricycle nang may lumapit sa akin kaya napalingon
ako at nakita si Anya.

'Di ko na sana papansinin pero may sinabi, "oh, Lia. Sakto nandito ka, may naiwan
kang libro sa banyo."

Nangunot ang noo ko roon at naisip na nagtungo nga akong banyo kanina bago mag-last
period.

"Oh?" kumunot ang noo ko at akmang kukunin ang bag para tignan kung may kulang sa
i-uuwi ko pero umiling siya.

"No!" she exclaimed. "You have to go there now! Isasara na ni Manong Rudy kasi
barado, baka 'di mo makuha!"

Nagdadalawang-isip pa ako kung may naiwan ba talaga ako.

"Baka 'di sa akin iyon—"

"It has your name on it," she said. "One with the pink label, right?"

Doon na ako napaayos ng tayo, may ganoon nga ang mga libro ko!

"N-nasaan?" I asked, mabilis na pumasok ulit at sumunod siya sa akin, sasamahan na


ata ako.

"I'll show you," she smiled and I am doubting it a bit pero naisip ko ang libro ko.
"Math iyon, Lia. Magagalit si Sir kapag nawala."
I nodded, agreeing to that. Strict talaga iyon pagdating sa text books ko.

Sumama ako sa banyo sa kanya at napansing walang estudyante sa loob kaya kinabahan
na ako.

"S-saan?" I asked and she pointed the last cubicle.

"There, oh." I nodded, slowly went there and saw my text book sa may malapit sa
flush.

Pumasok ako at inabot iyon. Sa akin nga!

I sighed and hugged my book a bit and looked behind me, "salamat, Anya—" but my
voice vanished when she pushed the door closed.

"A-Anya?" I called, nag-panic na at tinulak ang pinto pero 'di ko na mabuksan.


"Anya!" kinalabog ko ang pinto. "Anong—"

"It's a prank!" I heard laughters, nag-angat ako ng tingin at nakitang nakadungaw


doon ang mga barkada ni Anya.

"A-anong mayro'n—" I gasped in shock nang may i-angat sila at naramdaman ko ang
pagbuhos sa katawan ko ng malamig na tubig mula sa hawak nilang timba.

I was in shock, ni hindi na ako nakagalaw nang mabasa ang buong katawan ko, ang isa
sa barkada niya ay may hawak pang phone at vini-video-han ako.

"Aww, poor Lia! Iyak na 'yan!" hagalpak nila.

My tears fell, I shivered with the cold, hindi ko na alam ang gagawin at sa muling
marahas na pagtulak ko ng pinto ng cubicle ay nabuksan ko ito.

Hilam sa luha ang mga mata ay nakita ko ang pagtawa ni Anya nang makita ako.
"Sorry, Lia. It's a prank, funny, right?" she grinned.

Nanginginig ako sa lamig at sakit na nararamdaman, I felt like I'm having an attack
again that I started losing my breath. Niyakap ko ang basang libro, hindi na siya
nilingon at mabilis na binuksan ang nakasarang pinto ng banyo.

Akmang tatakbo ako palabas nang mapatid ako at napaupo sa lapag, narinig ko ang
halakhak at nakitang sina Catherine ay nasa labas, may hawak na manipis na tali,
dahilan kung bakit ako napatid.

"Joke lang, Lia." Catherine smirked.

I clutched my chest, basang-basa ako at takot na takot. I looked around for help
until I heard a voice.

"What the hell..." a familiar voice is what I heard. "Amalia!"

Kahit nanlalabo sa luha ay nakita ko si Atlas, Heart at ang dalawa na papalapit,


tumatakbo na palapit sa akin.

"H-help me..." I muttered in a small voice, my eyes felt so sleepy that I might
faint because I can't catch my breath.

I saw Atlas knelt in front of me, cupping my cheek.

"L-Lia..." I heard the fear and worry on his voice. "A-are you..."

"'D-di ako m-makahinga..." I managed to say and pulled his clothes.

He cursed loudly, I saw him taking off his jacket, mabilis niyang itinakip sa hita
ko at walang pasubaling binuhat ako sa braso niya.

"Heart! Josh, don't fucking let them escape!" I heard Atlas exclaimed.
Narinig ko ang galit na boses ni Heart at mas nanghina ako, I met Atlas' eyes and
he looked so scared.

"A-Atlas..." I muttered.

"S-shh," his voice shook, "kumapit ka..."

I sobbed and he moved me closer on his chest, mabilis akong kumapit sa kanyang
batok at halos tumakbo na siya habang buhat ako.

"D-don't close your eyes, bibi." He said worriedly. "I-I'm here now, I'm not gonna
let them hurt you again..."

Chapter 16 - Kabanata 14

Kabanata 14

Life is a gift we all must cherish yet a lot of people tends to throw it away or
waste it. I envy them, honestly, ako kasi palaging nangangarap na magising pa ng
panibangong umaga sa mahabang panahon.

I still want to fulfill my purpose, to help my family, have a family and be happy
kaya ang bawat umaga sa akin ay mahalaga. I don't know how much I begged the
almighty to give me another waking moment and everytime he's giving it to me, I am
more than grateful.

Life is important yet I wonder why some people spent it in cruelty and selfishness,
a gratification for their own happiness...kahit ang kapalit ay ang pagiging
miserable ng iba.

Masaya ba talagang manakit ng kapwa? Masaya ba talagang mag-asam ng ka-miserablehan


ng iba? Bakit gano'n sila?

"She'll be okay, Nurse, right?" I heard a familiar baritone voice beside me, unti-
unti kong naramdaman ang haplos sa mga daliri ko.
"Yes," narinig kong sagot ni Nurse. "She just have to rest, she panicked kaya
nawalan ng hininga. She's good once she woke up but it may traumatize her, nasaan
na ang mga estudyanteng nanakit?"

"Nasa office na, Nurse." Narinig ko ang pamilyar na boses ni Ted. "Kausap ni Dean,
tatakas nga sana, mabuti na lang at nando'n kami kaya nahuli."

"Ang mga batang 'yon talaga, hindi ko alam kung bakit palaging pinagti-trip-an si
Amalia," I slowly moved to find my strength. "Alam naman nilang may sakit ang tao."

"I'm sorry for the word nurse but they are insensitive bitches," narinig kong sabi
ni Heart at biglang dumaing. "Aray, dahan-dahan naman, Josh!"

Narinig ko ang tawa ni Nurse doon, "I understand, Heart. That's true anyway, hindi
ako natutuwa sa mga batang 'yon. Alam naman nilang gano'n si Amalia yet..."

I opened my eyes, nanlaki ang mata ni Nurse nang makita ako at napalapit kaagad.

"Lia, hija!" she called.

"N-nurse..." I called faintly.

"Lia," nagkagulo ang mga kaibigan ko, kaagad kong nasalubong ang mata ni Atlas na
nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"H-hey," I called.

His soft black eyes immediately scanned my face, nang umakma akong uupo ay mabilis
siyang tumayo at inalalayan akong paupo.

"Careful," his soothing voice filled my ear. Naramdaman ko ang pag-aayos niya ng
unan sa likod ko at pinasandal ako roon.

I glanced in front of me and saw Josh, Ted and Heart looking so worried. I flashed
a smile at them to tell them I'm okay.

"Hi?" ngiti ko.

"L-Lia..." my mouth parted when Heart ran towards me, mabilis siyang yumakap kaya
ngumiti ako at yumakap sa kanya. "S-sorry, sorry, 'di kita napagtanggol kaagad..."

"Ayos lang," I whispered and caressed her back. "I'm okay naman na. Don't worry."

"K-kung 'di sana ako umalis kaagad, s-sabi ko kasi sa'yo sabay ka na sa'min sa
kotse. 'Yan tuloy!" she said, scolding, yet her voice sounded so sad.

"Sorry, sana nakinig ako." I whispered. "And thank you, 'di ko alam ang gagawin ko
kung 'di kayo dumating."

Lumayo siya ng bahagya sa akin, malungkot ang mata, I immediately noticed her messy
hair and the red scratched on her cheek and arms.

"Heart! Anong..." kinuha ko ang braso niya.

"Nakipag-bardagulan kina Anya," ani Josh na natawa na lang at marahang kinuha sa


akin si Heart.

My eyes widen, "huh? Bakit?"

Heart pouted, "I can't stop myself, they're annoying. Bullies."

"Tara na nga kasi, ayusin natin 'yang kalmot mo." Hila ni Josh kay Heart at naupo
sila sa kabilang kama.

"Nauna si Heart sa loob, pagpasok namin nakikipagsabunutan na kina Anya." Paliwanag


ni Ted kaya umawang ang labi ko at sumulyap muli sa kaibigan na nakanguso sa akin.
"Sorry, Lia. Nagalit lang ako." She said.

"Ayos lang pero sa susunod h'wag kang makikipag-away, huh?" I said softly. "Baka
mapahamak ka pa."

She sighed and slowly nodded, napatingin ako sa tabi ko at kumalabog ang puso ko
nang magkatinginan na naman kaming dalawa ni Atlas. His black eyes gazed upon me
and I saw how fear filled the hollows of it.

I smiled at him, "thank you."

He closed his eyes and didn't speak, dinala niya ang kamay ko sa labi niya at
suminghap.

My heart ache, muli akong bumaling kay Nurse na ngumiti sa akin.

"Tawagan ba natin ang Nanay mo, Lia?" she asked softly and I immediately shook my
head.

"Nurse, ayos naman na ako, 'di ba?" I asked.

"Yes," she nodded. "Nag-panic ka lang, but still, that's scary. Umiwas ka sa
stress, hija, hmm? Paano ka uuwi? Papasundo ka sa Nanay—"

"Ayaw ko pong malaman ni Nanay, Nurse." I said and she sighed.

"Lia..." she called and I shook my head.

"Please, Nurse. A-ayaw ko pong mag-alala ang Nanay. Ayos na rin naman ako." I
assured her and she slowly nodding, hesitating for a while pero pumayag din.

"Sige pero sa susunod, ah?" she said and I heaved a relax sigh and nodded.
"Opo, salamat..." I said.

"Sino ang maghahatid sa'yo? You can't go home alone in that state."

"Kami na ang bahala Nurse," baling ni Ted kaya ngumiti si Nurse at tumango.

"Alright, thank you. Masaya akong naging kaibigan kayo ni Lia." She said and I
smiled, masaya rin doon. "Sige, maiwan ko muna kayo, mamaya ka na muna lumabas,
Lia. Magpahinga ka pa."

"Opo, maraming salamat." Sabi ko at nang umalis siya ay napabaling ako sa damit na
suot ko nang maalalang binuhusan nga pala nila ako ng tubig.

To my shock, I am now wearing a dress, suot ko rin ang varsity jacket ni Atlas.

"Sinong..." bumaling ako kina Heart at ngumiti siya sa akin.

"Mabuti na lang may spare clothes ako sa kotse," she said. "You were so wet, Lia.
Natakot kami baka magkasakit ka."

My heart felt warmer as I slowly nodded, "thank you, Heart."

"Welcome, are you okay now?" she asked, napapangiwi pa habang ginagamot ni Josh ang
mga kalmot niya.

"Ayos na ako," sabi ko bago ngumiti, marahang bumaling kay Atlas na nakahawak lang
sa kamay ko, nakapikit at nakadikit ang kamay ko sa mukha, humihinga ng malalim.

"Lia, I'll check the guidance first," napabaling ako kay Ted nang magsalita siya.
"Hihingi ako ng update kung anong punishment nila."

"Thank you, Ted." I smiled.


He nodded and left, isinara niya ang kurtina at nang mawala siya ay muli akong
bumaling kay Atlas na hindi gumagalaw. Magulo ang kanyang buhok at halatang mukhang
balisa.

Something warm touched my heart, he looks so worried, I can feel the fear he has
and that moved me.

"Ayos lang ako," marahang sabi ko.

I slowly moved my hand, sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko at marahang
dumukwang para hagkan ng saglit ang noo niya.

Slowly, he opened his eyes and my cheeks flushed when our eyes met. Narinig ko ang
impit na tili ni Heart kaya natigil siya at kinagat ang pang-ibabang labi, biglang
sinampal ng kaunti si Josh na nagulat.

"What?" naguguluhang tanong ni Josh pero ngumisi si Heart at muling nanghampas.

Napailing na ako roon at muling bumaling kay Atlas, "magsalita ka naman d'yan,
galaw-galaw..."

He sighed, tumayo siya sa upuan niya at umupo sa gilid ng kama. Bahagya akong
tumingala sa kanya at ngumiti.

"I'm okay, I promise." I assured dahil mukha pa rin siyang bothered sa nangyayari.

"Sorry..." he sighed, tila bigo, marahang inangat ang kamay at hinawi ang buhok ko,
dinala ng marahan sa likod ng tainga ko.

From my hair, his fingers find its way back to my cheek as he slowly caress it.

"Nahuli ako, sorry..."

"Hindi mo kasalanan 'yon, Atlas." I said. "Hindi natin kasalanan ang nangyari, it
was their fault. Hindi ko alam at kayo rin na mangyayari 'yon kaya wala naman na
tayong magagawa at 'di mababalik na."

"The girls are in the guidance now," he said and I slowly nodded at him, medyo
tumalim ang mata niya pagkatapos.

"Atlas—"

"Don't tell me to forgive them because I won't, Amalia. I am not a harsh person
pero ibang usapan na kapag sinasaktan na 'yong mga taong mahal ko." Mariing sabi
niya.

My heart jumped and it made me feel happy kaya I smiled, umiling ako sa kanya at
nagsalita.

"Wala naman akong sinasabi, they should be punished. Hindi maganda iyong ginawa
nila sa akin." I said and he heaved a relaxed sigh.

"I thought you'll ask me na pabayaan sila." He said.

"What? No, Lia, hindi p'wedeng pabayaan ang mga gagang 'yon!" ipinaglaban ni Heart
kaya tumango ako at sumulyap sa kanya.

"No, wala naman akong sinasabi and tama kayo. Dapat managot sila sa ginawa nila,
hindi magandang hahayaan na lang natin sila kasi 'di sila mag-re-reflect sa ginawa
nila. They would think it's okay to bully other people kasi walang sumisita sila."
I sighed. "I hope they'd learn, ayaw kong gawin nila ito sa ibang tao..."

"Good," napasulyap ako kay Atlas na nakangiti na. He touched my chin and slowly
messed with my hair. "That's my girl."

Nag-init ang pisngi ko bago napatawa ng bahagya.

"Your what?"

"My girl," he winked at me kaya napailing ako at ngumuso.


"Hindi pa rin kita papayagang manligaw, Atlas..." I said.

His shoulder fell and his lips protruded. Narinig ko ang tawanan nila Heart doon sa
tabi.

"Aww, 'yon lang, Cap..." Josh muttered.

"Aww, wawa naman si boplaks..." Heart laughed.

"A-ayaw mo ba talaga subukan ang bibi mode?" Atlas asked and I smiled, shaking my
head at resting my back on the pillow.

"Ayaw," I said straightforwardly and his jaw dropped.

Inihatid nila ako sa bahay, I am so thankful na may mga kaibigan akong kagaya nila.
Bago rin kami umuwi ay ipinatawag ako ni Dean.

They talked to me what would I want to do with the girls and I told her to do what
they deserve for what they did to me.

Ayaw ko silang hayaan na hindi matuto at ulitin pa iyon sa ibang tao. Nakiusap din
ako kay Dean kung p'wedeng hindi na rin malaman ni Nanay ang tungkol dito dahil
ayaw ko siyang mag-alala.

The girls are crying inside the office, si Catherine na senior ay malakas ang loob
at hindi man lang natakot kay Dean pero sa huli ay humingi rin ng tawad and I
accepted their apology, even though I know did don't really mean it.

The dean punished them, bukas na bukas din ay kakausapin ni Dean ang parents nila,
they are suspended for two weeks and may record na sila sa office. After that,
they'll be a student assistant until the end of this school year.

They were devastated that some of Anya's friend even knelt, nagulat ako roon
s'yempre pero ayaw kong kaawaan sila ng gano'n kadali dahil may kasalanan sila at
naagrabyado ako so I immediately said no kaya lahat sila ay napatawan ng punishment
ng student affairs.

It's okay to forgive, that's a part of life but you must teach a lesson too, para
matuto sila at hindi na gawin sa ibang tao.

"Ihahatid ka namin sa loob," Heart said kaya tumango ako bago sumulyap muna sa suot
na damit.

"Hindi kaya mapansin ni Nanay?" I asked, "iba ang suot ko tapos medyo basa pa ang
bag ko?"

"Hindi 'yan, sabihin mo nasira ang tubo sa banyo ng school at nasabuyan ka tapos
'yong dress sa akin." She smiled at me.

I hesitated for a while, minsan lang ako magsinungaling kay Nanay, kadalasan ay
tungkol sa mga crush lang o 'di kaya sa pagsikip ng dibdib ko. Ngayon ang
pinakasobra kaya medyo kinakabahan ako.

"It's okay, Lia. We got you." Ani Atlas na bumaling sa akin para marahang
tanggaling ang seatbelt ko.

"Nasa loob si Nanay, sasama kayo?" I asked and they nodded. "Is it okay?" bumaling
ako kay Atlas na ngayon lang pormal na makikita si Nanay, madalas kasi ay wala rito
ang Nanay kapag sinusundo nila ko o hinahatid.

"Huh? Hmm," Atlas nodded, clearing his throat and looked away, marahang sinuklay pa
ang buhok ng daliri. "I'm supposed to meet her formally in your 18th anyway."

Tumikhim ako at tumango, "s-sige, uhm, tulungan niyo akong magpalusot, ah?"

Nauna sa pagbaba si Heart at Josh na sumama talaga sa amin, inunahan na ako ni


Atlas na kumalas ng seatbelt ko at tumakbo sa kabila para pagbuksan ako.

"Thank you," I said and smiled and he nodded, kinuha niya ang bag mula sa akin at
dumiretso kami sa loob at si Nanay ay naabutan naming nag-aayos pa at nagdidilig ng
halaman.
"Nay," I called and she rose from checking her plants,

"Oh, Lia, anak." She immediately smiled, "late ka na nauwi? Kasama mo pala sina
Heart."

"Ah, opo." Ngiti ko.

Nanay moved her eyes, nakita kong ngumiti kina Josh at Heart. I saw her stopped, as
if stunned when she saw who else came with me.

"O-oh," she flashed another smile, "si Atlas pala ito..."

"Good afternoon po, Tita." Atlas' cold voice said, napasulyap ako sa kanya at
nakitang nakatitig siya sa Nanay ko, walang ngiti.

"Ngayon lang kita nakita rito na kasama sina Lia, hijo." She smiled again, I even
noticed her lips quivered a bit. "Mabuti at nakasama ka ngayon, nai-ki-kwento ni
Lia kayo."

"That's good to hear po, nice meeting you, Tita." Atlas said formally.

"O-oh, siya..." nag-iwas si Nanay at inilahad ang bahay namin, "pumasok muna kayo
at mag-meryenda, may ginataan akong iniluto."

"Ay, gusto ko 'yan, Tita. Salamat!" Josh smiled, napangiti ako nang kinausap niya
si Nanay na papasok na sa bahay.

"Tara, kain muna..." I called Atlas and Heart and caught them exchanging looks.

"Guys?" I called.

Heart immediately smiled and nodded, "ay, gusto ko 'yan ginataan. May bilo-bilo
ba?" tumakbo siya papasok at humabol. "Tita! Pa-juice ka naman d'yan!" aniya at
natawa sila ni Nanay.

I glanced at Atlas and I saw him staring at our house, nakapunta naman na siya rito
minsan para ihatid ako pero 'di pa siya nakakapasok at wala ang Nanay.

"Atlas?" I called.

It was as if he came back to his reverie, mabilis siyang bumaling sa akin at


napakurap.

"Hmm?"

"Tara, pasok ka. Kain tayo." Sabi ko at nakita kong tumango siya at tahimik na
sumunod sa akin patungo sa bahay.

Nakalusot kami kay Nanay tungkol sa damit kong suot ngayon, kinagat naman niya at
nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan kong kumakain ng ginataan.

Atlas was unusually quiet, tahimik na pagmamasdan lang ang Nanay na parang may
malalim na iniisip. Kapag mapapatingin si Nanay sa kanya ay ngumingiti ito at si
Atlas ay gano'n din bago tatango at muling ibabaling ang pansin sa pagkain.

Nakakuha lang ako ng tyansa na magtanong no'ng pumasok sa kusina si Nanay.

"Ayos ka lang?" I asked when I saw him staring at the empty bowl of his food.

"H-hmm?" bumaling siya sa akin, mukhang nalilito.

"You seems so quiet," pansin ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Uh, no..." he smiled a bit pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. "I'm fine, Lia.
Naisip ko lang kung...paano kaya kung nakausap ko si Tita no'ng 18th mo?"
"Bakit? Kinakabahan ka ba?" I asked, concerned at him. "Mabait naman ang Nanay at
ano...'di ka na rin naman tutuloy sa panliligaw, ah? Bakit kinakabahan ka?"

He chuckled, tinagilid niya ang ulo at pinagmasdan ako. I almost closed my eyes
no'ng kinalabit niya ang ilong ko.

"Who told you I'd stop?" he asked and I blinked.

"Huh? Akala ko ba nag-usap na tayo—"

"Hindi tayo nag-usap ng maayos, Argueles. You decided for us." He pinched my nose,
gulat lang akong napatitig sa kanya at umiling.

"Wala kang mapapala r'yan," sabi ko at ngumuso at nakita ko ang pilyong ngiti niya
sa akin.

"I'm a persistent man, Amalia." He said. "I don't stop that fast."

Ang mga sumunod na araw sa CSU ay napuno ng excitement nang i-anunsyo ang nalalapit
na junior ball. Everyone is talking about the clothes they'd wear, some are asking
their co-juniors as their dates pero ako? Hindi ako excited.

Noong junior ball no'ng Grade 9 ako ay 'di ako sumali, una, para saan pa? I'm a
loner, wala rin akong gown na susuotin? Aasa pa baa ko may magsasayaw din sa akin
sa ball?

That day last year, taong library lang ako habang halos lahat ay excited at
naghaharanahan para kumuha ng date.

They looked lovely and I'm happy for them.

Wala naman talaga akong plano rin na sasama pero isang araw ay niyaya akong
mamasyal ni Heart, s'yempre sumama ako. Sinabi niya rin kasing wala sina Atlas na
iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon.
He's just persistent, sobrang kulit. Tuwing umaga ay nakaabang sa may gate para sa
bulaklak niyang kinuha lang naman sa garden, napagalitan nga iyon no'ng nakaraang
araw kasi nahuli ng janitor na pumipitas. Kumaripas naman ng takbo si Atlas pero
nahuli, ayon at napagsabihan.

"Alam mo, Atlas, tama na ang pagbibigay ng bulaklak." I said and glanced at the
roses in my hand.

"Gusto ko, bibi, bakit ba? Pipigilan mo ako?" he smiled sheepishly, inangat ang
kamay at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.

"Oo," I said. "Napagalitan ka na kakakuha mo sa garden tapos..."

"Hindi naman na sa garden 'to galing, sa mansion na." he even smiled and I shook my
head.

"Atlas..." I warned.

"Ayaw mo kasing tanggapin ang bouquet ko kaya pitas-pitas na lang.Tignan mo, bibi,
oh." He showed me his finger kaya kumunot ang noo ko.

"Ano 'yan?" I asked.

"Come closer," I moved a bit closer to see his finger at nakitang may maliit na
sugat doon.

"Anong nangyari d'yan?" I asked.

"Natinik ako sa rosas," he said sadly. "I'm so sad, sobrang sakit nito, bibi ko.
Muntik na nga akong masugod sa clinic."

"O-oh?" my eyes widen, inabot ko ang daliri niya para suriin. "Paano? May pumasok
bang tinik o ano? Pina-check mo ba..."
My voice vanished when I realized our faces are only inches closer. Nanlaki ang
mata ko nang masalubong ang mata niya.

"Atlas—" my eyes widen when he stole a quick kiss on my cheek. Umawang ang labi ko
at nakita kong namula siya.

"P-parang magaling na ako, ah?" napalayo siya at napahawak sa batok. "W-wow,


salamat, bibi. Magaling na ako. Uhm, bye!"

I blinked when he turned his back, nagmamadaling tumakbo paalis sa soccer field,
nakita kong muntik pa siyang matalisod no'ng nasa may batuhan kaya lumingon siya sa
akin at kumaway.

"Guni-guni mo lang 'yon!" he exclaimed and smiled, mabilis na tumakbo sa loob at


iniwan akong tulala.

Every year kapag juniors at senior, mayroong ball kadalasan sa university. Hindi pa
ako nakakadalo pero ang sabi nila, iisang lugar lang ang juniors at seniors pero
magkahiwalay ng bulwagan.

Juniors to juniors and seniors is for seniors too. Wala naman akong intension
talagang sumali pero no'ng dinala ako ni Heart sa isang boutique ay hindi na ako
nakatakas.

"Nah, hindi ka sumali last year kaya sasali ka ngayon!" she cheered happily while
swirling on her red gown.

"A-ayoko..." napailing ako. "Wala akong gown—"

"Kaya nga nandito ka para sukatan!" she cheered at umawang ang labi ko.

"Heart," nag-init ang pisngi ko. "Ano namang ipangbabayad ko—"

"Edi friendship!" she cheered at halos mapasigaw ako nang lapitan ako ng mga bakla
na may hawak na tape measure.
"H'wag po—" pero 'di ko na nagawa pang umalma nang makitang si Heart ay tumulong na
rin para 'di ako makaalma.

Ako'y nahihiya at masaya si Nanay na sasali ako sa ball namin sa taong ito. Last
year pa niya ako sinasabihan ng tungkol dito pero ayaw ko talaga at magastos.

Nanay insisted that she'd pay for the gown pero ayaw ni Heart at regalo na raw niya
iyon sa akin.

"Ang ganda-ganda mo, Amalia..." nakita kong nangilid ang luha sa mata ni Nanay nang
makita ako pagkatapos ayusan ng mga artist na kasama ni Heart.

"Nay..." I said softly.

"OMG!" napasulyap ako kay Heart na sobrang ganda sa suot na pulang gown, kulot ang
kanyang buhok at mas na-highlight ang features ng mukha.

"Ang ganda mo, Heart!" I said adoringly.

"No," she gasped. "Oh my God, no! Mas maganda ka! Bruha ka!" she exclaimed, tumakbo
si Heart at hinarap ako sa salamin na nasa likuran.

My eyes widen dramatically when I saw how I looked for tonight's ball.

I am wearing an old-rose colored spaghetti strapped gown, manipis ang sa balikat ko


at medyo lubog sa may dibdib. Kitang-kita at litaw na litaw ang kaputian ng balat
ko, miski ang collar bone ko ay nakita. Ang buhok ko'y nakaparte sa gitna, tuwid at
diretso kaya mas mukhang naging malambing ang vibe.

The soft features of my face are emphasized, hindi naman sa wala akong itsura pero
masasabi kong maganda ako ngayong gabi! I am confident saying that because of my
look tonight! The curve of my lips showed more because of the pink lipstick.

Mukha akong senior na! Dahil sa heels din ay mas tumangkad ako.
"Wow..." I can't help but praise myself.

"OMG, girl!" ani Heart at niyakap ako bago bumulong. "RIP boplaks!"

"Huh?" I asked and she giggled.

"Girl, manginginig ang tumbong ni bobo kapag nakita ka!" she exclaimed and I gasped
and laughed with her.

Mula sa bahay kung saan kami nag-ayos ay sumakay kami sa van nila Heart papunta sa
venue. Ang sabi niya'y sina Atlas, Josh at Ted ay magkakasama at nauna na ata roon.

I can't deny but I am excited for tonight, first time ko ito. No one would probably
dance with me but I am looking forward for the experience.

I'm still not sure if I'd see Atlas today, una dahil ibang bulwagan ang mga seniors
at maraming tao.

Pagkarating namin sa venue ay halos maubos na ang storage ni Heart kaka-picture at


tuwang-tuwa naman ako roon. Magkakapit ang braso namin habang papasok sa malaking
venue para sa mga juniors.

Nakita ko rin sa hindi kalayuan ang bulwagan ng mga seniors. Maraming tao rin doon
kaso 'di ko makita sina Atlas no'ng dumaan kami, si Yui lang na kasama ang mga
kaibigan ang nakita ko. Nahihiya naman akong magtanong kay Heart kaya nang
makapasok ako sa hall ay natahimik na lang at namangha sa itsura.

It looks like a party place, puti ang pintura at may malaking stage sa gitna. May
mga disco lights sa gitna ng dance floor at sa gilid ay may mga lamesa para sa
amin, kulay puti at pink ang mga telang gamit. May mga magagandang bulaklak pa sa
gitna.

Hindi ako sanay gumamit ng heels kaya halos madapa ako sa hagdan no'ng umakyat kami
kanina, tawang-tawa naman si Heart dahil kapag nadadapa ako ay nadadamay din siya
kaya tulungan kami para 'di matumba.
The program started, ang mga napiling sumayaw ay nag-intro doon sa gitna at natuwa
akong manuod sa kanila, maliwanag ang chandelier at nagmukha silang mga prinsipe at
prinsesang sumasayaw.

I felt like I was in a fairytale waiting for my prince charming, kaso nga lang wala
talagang prince na darating.

Ganito pala rito? Ang saya kahit nanunuod ka lang!

After eating, nakipagsayaw na ang mga magkakasintahan at ang mga date nila.

"Lia, smile!" napabaling ako kay Heart at nakitang hawak na niya ang polaroid niya.

I smiled at her and she clicked it, may lumabas na film at habang inaantay namin
'yon ay bumaling ako kay Heart at kinuha ang polaroid.

"Ikaw din!" I smiled and she gave me a smile and I also took a phone of her before
smiling for the picture with us together.

A man from our grade level asked Heart to dance kaya nagpaalam siya sa akin. Nanuod
lang ako sa kanilang sumasayaw nang may mag-aya rin sa aking kaklase na nahihiya.

"A-ako? Seryoso?" I asked, shocked.

"Oo," he chuckled nervously. "Sayaw tayo, Lia?"

"S-sure!" I was stunned that I am smiling while dancing with him.

May nakipagsayaw sa akin! Oh my God! Akala ko talaga ay wala!

Matapos kong sumayaw ay may iilang nag-aya pa kaya natutuwa ako dahil hindi ko
expected ito, they said nahihiya silang i-approach ako sa room. Nagkakatinginan
kami ni Heart at kikindat siya sa akin at tatawa.
Hindi ko alam kung ilan ang naisayaw ko nang nakaramdam ako ng pagod, tinanggihan
ko ng nahihiya ang isang nagtanong dahil masakit na medyo ang paa ko at 'di ako
sanay sa heels. May natapakan pa nga ako kaya hiyang-hiya ako.

Slowly, I went back to my seat and smiled while watching the people dance.

My mind suddenly wandered where Atlas is, ano kayang itsura ngayon? I am positive
the girls are drooling over him! Gusto kong magselos kaso para saan naman? Natural
namang gwapo iyon si Montezides.

I watched the people danced with the soft and love song in the background, ngumiwi
ako sa sakit ng paa, tumungo ng kaunti para dungawin ang paa ko.

Kahit sa dim na ilaw ng mabagal na ilaw sa itaas ay nakita ko ang paltos at ang
pamumula ng paa ko. My lips pursed, inabot ang heels at marahang tinanggal.

"Sinabi ko na kasi kay puso 'yong medyo mababa lang na heels," I froze when I heard
a voice, mayamaya'y may nakita akong nakatayo na sa harapan ko at nakita ko ang
gray nitong slacks at leather shoes.

My heart quickened, nakita ko ang unti-unting pagluhod ng isang tuhod ng lalaki sa


harapan ko at halos lumuwa na ang mata ko nang makita kung sino iyon.

"Atlas!" I exclaimed and our eyes met.

"Hi, bibi..." he smiled handsomely.

"Anong..." nanginig ang boses ko, lalo na no'ng inangat niya ang paa ko at
tinanggal ang heels ko. I watched him put a white sneakers on my feet, replacing
the sandals. "Bakit ka..."

"I thought this would hurt your feet so, I made sure to bring you these." Napakurap
ako at pinagmasdan siyang isintas iyon sa paa ko.

I immediately noticed his new haircut at halos 'di na ako makagalaw sa sobrang
gulat.
His hair now is clean cut, medyo naka-shave ang gilid nito at malinis ang itaas. I
saw a simple stud earring on his ear which made him look handsome. His features
were sharp and dark at habang nasa lilim na ilaw ay mas napansin ko ang mga iyon.

He's wearing a black turtle neck long sleeves, kulay gray ang suit na suot niya at
nang tumayo siya ay napansin kong naka-tuck ang kulay itim na damit niya sa slacks.

"Did you had fun dancing?" he asked and I just blinked at him.

"P-paanong nakapasok ka? I-I thought seniors are prohibited—"

"We sneaked in," he smirked handsomely, the side of his red thin lips rose.

"Huh? P-paano?" I asked.

"Come on, Lia? Bibi mo ata 'to!" he said proudly and my mouth just parted. Natawa
siya sa gulat kong ekspresyon at marahang inilahad niya ang kamay sa akin.

"Can I have this dance, Lia?" he smiled, bowing a bit and placed his other hand on
his back, he extended his other hand at me and I was in awe.

"A-Atlas..." I bit my lip to stopped my smile as I slowly took his hand and he
immediately helped me up.

I heard a soft song in the background, napakurap ako at marahan kaming naglakad ni
Atlas sa gitna. I saw Ted with someone and he smiled when he saw me.

"O-oh, si Ted..." I said and glanced at Atlas who smirked at me.

"Told you, we sneak in." he said at nang mapalingon ako ay nagulat ako nang
makitang si Josh na ang ka-partner ni Heart sa gitna at nag-uusap ang dalawa,
nagtatawanan.
I caught Heart's eyes and she winked at me and pouted Atlas.

"Way to go, bobo!" she hissed.

"H'wag ka maingay," Atlas sneered. "Mahuli kami!"

Natawa ako roon at unti-unting inilagay ni Atlas ang kamay ko sa kanyang balikat at
tumitig sa mata ko. I felt how his warm hands fell on my waist and one grip from my
back, halos magdikit na ang katawan naming dalawa.

You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

"You're beautiful, Lia..." his husky voice stopped from my tracks. Nag-init ang
pisngi ko at pinagmasdan siya.

"I-ikaw din..." I muttered and smiled shyly, "ang gwapo mo."

He chuckled, habang marahang gumagalaw kami sa samyo ng malambing na musika ay


ramdam na ramdam ko ang kalabog ng puso ko sa masayang paraan.

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

Napapatingin na sa amin ang mga juniors at ngumuso ako nang nanlaki ang mat ani
Atlas at biglang tumungo. I was startled when his hand grip my waist more, nagtago
siya sa leeg ko at umawang ang labi ko.
"Atlas?"

"Makikita ako ng juniors, bibi. Tago moa ko!" he said and that made me laughed,
halos mayakap ko na ang batok niya habang nakatago siya sa leeg ko at nagsasayaw pa
rin kami ng marahan.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

"Paano ka magtatago kung ang laki mo?" I whispered and he stiffened. I giggled and
he sighed. "Gusto mo lang ata mangyakap?"

"Hindi, ah. Akala mo naman patay na patay ako sa'yo?" masungit niyang sabi kaya mas
kinagat ko ang labi para pigilan ang ngisi.

"Bakit...hindi ba?" I asked.

"Patay na patay nga," he sighed and hugged me more. "Payakap lang sa bibi ko..."

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

I let him hugged me for a while, nang maghiwalay ay muling nagtagpo ang mata naming
dalawa. His eyes reflected mine, it was filled with longing, hope and adoration.
Namumungay pa ito nang marahang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko at mahinang
tumawa.

"Bakit?" I asked.

"I'm just making sure I'm touching a human," he said and my forehead creased.

"Huh? Bakit naman—"

"Nothing, I just thought I'm dancing with an angel." He smirked.

I froze, nang ngumisi siya ay nag-init ang mukha ko at hinampas ang dibdib niya.

"A-ano ba!" I exclaimed but he immediately caught my hand and brought it on his
lips.

"What?" tawa niya at muling pinirmi ang kamay ko sa balikat niya. "I am telling the
truth."

With you, I fall

It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall

With you, I'm a beautiful mess

It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge

"Picture!" napalingon kami kay Heart at napatawa nang makitang hawak niya ang
polaroid at mabilis kaming kinuhaan. "Bigay ko mamaya!" she winked and went back to
dancing with Josh.

"May nakapasok na senior?" narinig kong bulungan sa may tabi ko at ngumuso si Atlas
at bumaling sa akin.
"Anyway, Lia..." he said and we stopped dancing in the middle of the crowd. He took
something on his pocket ang my forehead creased when I saw him lifting a small box.

"Ano 'yan?" I asked.

"My birthday gift," he whispered and opened it, inihulog niya iyon sa ere at
bumungad sa akin ang isang kwintas. It was gold, ang pendant ay maliit na bilog na
kung tititigan mo ay nagmumukhang mundo.

"O-oh, is that..." napakurap ako and he smirked, halos mapasinghap ako nang bahagya
siyang tumungo at isinuot sa akin ang kwintas.

I can smell his natural scent and perfume, halos mapapikit ako sa samyo at init
niya. My heart's been pounding happily and I'd never felt this warm before.

I felt the cold necklace on my neck and lifted it a bit.

"In Greek Myths, what did the Titan Atlas did?" he asked and I licked my lips and
answered.

"Carry the world?" I asked and he smiled shyly, nodding at me. nakita kong namumula
nas iya pero determinado ang mga mata.

"You wanna know why bakit mundo ang pendant niyan?" He asked and I shook my head.

"B-bakit?" I asked kahit may ideya na.

"I gave it to you to always remind you..." he said and slowly caressed my cheek.
"Na ikaw ang mundo ko."

I'm never this lost for words before. Mariing nakagat ko ang labi ko at naluluha na
sa tuwang hindi maintindihan pero natatakot din dahil determinado ako sa desisyon
ko noon para sa aming dalawa.
"Y-you're my world too, Atlas." I muttered and my voice is so small, "but you see,
you know I'm afraid risking my heart like this."

I thought he'll be sad again but he nodded at me.

"I'll wait for you, Amalia." He said, as if decided and my mouth parted in shock.

"A-are you sure? B-bata pa tayo, baka makahanap ka pa—"

"I've never been this sure my whole life, Lia." He caressed my cheek.

I can't help but feel emotionally overwhelmed while hearing him speak and seeing
his understanding and genuine eyes.

"S-sorry, Atlas..." I said sadly and his forehead creased, bumaba ang daliri niya
sa baba ko at marahang hinaplos ito bago ang gilid ng labi ko.

"Why are you sorry, baby?" he whispered sweetly.

"Because I'm weak and scared. I'm sorry because we can't be together now because
I'm too fragile..." I whispered painfully.

Mas namungay ang mata niya, tumungo siya at halos mapapapikit ako nang tumama ang
kanyang ilong sa ilong ko. I gasped and felt the loud booming inside my chest, the
mixing happiness and loneliness is what I'm feeling.

"You're not weak, bibi..." he smiled and my eyes landed on his lips and it's
tempting me so much.

"I am, Atlas." I whispered and gulped. "I'm fragile..."

"Hmm?" he hummed and moved his fingers on my lower lip, caressing it. Umawang ang
labi ko roon at nakita kong sumulyap din siya sa labi ko at idinikit ang noo sa
akin.
"Alright, you're fragile...but very brave, my love." He whispered and my eyes shut
when I felt how his lips touched mine in instant, giving me a light and dreamy kiss
I'd definitely cherish my whole life.

Chapter 17 - Kabanata 15

We're halfway to the story! 15 chapters more. Enjoy! Hehe!

---

Kabanata 15

I never thought my first kiss would be this magical and with the man I loved first,
tila bulak na tumama lang iyon sa labi ko at nang magtagpo ang mata namin ay nakita
ko ang pigil na ngiti niya.

Akmang lilingon pa ako kung may nakakita roon pero hinuli niya ang baba ko at
hinanap ang mata ko.

"D-did you just..."

"Kiss you?" he smirked, "yes." Muli siyang pumatak ng mabilis na halik sa akin.

My eyes are just so wide, marahas akong napalunok at nakita kong binasa niya ang
labi at napangiti na naman.

"You're adorable, bibi..." he muttered.

"B-bakit ka humalik? I-I mean..." I panicked and he chuckled a bit, pinching my


cheek and swaying me a bit with the song.

"You see, bibi, there's this saying..." aniya kaya kumunot ang noo ko.
"Saying?" I asked, hindi pa rin makapaniwala na hinalikan niya ako.

It was too fast and sudden that I didn't felt it that much pero ang pakiramdam ng
puso ko ay naroon pa rin, mabilis sa mabuti at masayang paraan.

"Juniors and seniors are prohibited to cross paths in balls like this," he
explained.

"O-oo nga, kaya bakit—"

"If one crossed in prohibited paths and kiss his love at exactly ten PM." Sumulyap
siya sa orasan at ngumisi. "Siya ang makakatuluyan mo."

My eyes widen.

"B-bakit 'di ko alam 'yon?" I asked him and he winked at me.

"Dunno..." he shrugged. "Maybe because it's your first time joining the ball?"

"Hmm," I nodded, hindi makapaniwala sa sinabi niya pero no'ng may naisip ay medyo
bumagsak ang balikat ko at hinanap ang kanyang mata. "P-pero ano...'di ba, huling
ball mo na 'to?"

He slowly nodded, fixing a few strands of my hair behind my ear. "Yes..."

"Then..." his forehead creased and I know my sad eyes is giving me away, napaayos
siya bigla ng tayo at nanlaki ang mata sa akin. "Y-you think I'd kiss girls every
ball?" he exclaimed.

My lips protruded, "h-hindi ba?" maliit na boses kong tanong.

"God, baby, no..." he chuckled, namungay ang mga mata. I saw how the slow light
above illuminated his dark and black eyes as he stared at me.
"I'm playful, yes, but I'd never just kiss them..." he explained at parang tumalon
ang puso ko roon sa hindi maintindihang saya.

"You mean to say na...ako lang?" I asked and he bit his lower lip, I saw how
amusement played on his eyes and my forehead creased, hinampas ko ang dibdib niya
at natatawang hinuli niya ang baywang ko palapit sa katawan niya.

"Of course, bibi..." he chuckled, lowering his face.

Nang magsalubong ang mata namin ay tumungo siya para paraanan ako ng mabilis na
halik. Mas nanlaki ang mata ko at napalunok.

"Pakshet?" natigilan kami at sabay na napasulyap kay Heart na naroon na pala sa


gilid, napabitaw ako kay Atlas sa gulat at nanlaki ang mata sa kanya na
nakapamaywang at nakanganga sa amin, si Josh ay nangingisi lang.

"H-Heart..." I called, laughing awkwardly.

"Did I just saw you—"

"N-no!" I gulped miserably, nag-iinit ang pisngi. Naramdaman ko ang hawak ni Atlas
sa baywang ko kaya sinamaan ko siya ng tingin at siniko.

"Sorry, sorry..." he laughed a bit and let me go.

"Hindi, eh! I saw it!" sermon ni Heart sa medyo maliit na boses kahit pansin na ng
mga tao ang komosyon namin.

"Guni-guni—"

"Girl, naglaplapan kayo—" nawala ang sasabihin niya nang takpan ni Josh na
nanlalaki ang mata.
"Take care of my talkative cousin, Josh." Muli kong naramdaman ang hawak ni Atlas
sa baywang ko.

My eyes just widened no'ng kinukuha ni Josh si Heart sa amin na nakuha pa ang palad
nitong nakatakip sa bibig niya.

"Naghalikan sila, Josh—"

"Gusto mo rin ba?" Josh asked and that stopped her mula sa pagpupumiglas.

"What..."

"Ten is still not over, baka tumalab pa 'yong—"

"Joshua!" she exclaimed and my eyes widen and my mouth parted exaggeratedly when
she pulled his hair, nagsabunutan sila sa gitna kaya doon nabaling ang atensyon ng
mga junior.

Pupunta na sana ako para umawat pero mabilis na nahuli ni Atlas ang baywang ko, I
blinked, glanced at him and he smirked again at me.

"Just let them, away-bati, 'di na ako magugulat kung magkakatuluyan 'yan..." he
said and I blinked.

"Pero nag-aaway sila—"

"I'm not sorry for kissing you," he said kaya nawala ang sasabihin ko, unti-unti na
namang inabot ng init ang mukha ko habang nakatitig sa kanya.

"A-Atlas..."

"If the saying is true, I'm looking forward to be with you." He caressed my cheek.
"P-pero 'di naman kita pinayagang manligaw, ah?" I asked and his shoulder fell, he
sighed and hugged me a bit, halos mapapikit ako nang maramdaman ang hininga niya sa
buhok ko.

"I'd wait for you, I'd be deserving enough to deserve you, Lia." He whispered and
slowly kissed my forehead.

Hindi rin nagtagal ang mga lalaki dahil may nakatunog galing sa faculty na may
nakapuslit na seniors, muli na lang kaming nagkita noong pauwi na at sumabay kami
sa sasakyan ni Atlas.

It was a magical night I'd forever cherish every waking moment, sobrang daldal ni
Heart sa sasakyan kakatanong sa nakita niya kanina. Halos kuyugin niya ako kung 'di
lang ako tinatakpan ni Atlas kaya ang magpinsan ang nagbardugan doon.

"Bobo ka, boplaks!" Heart hissed.

"Magpinsan tayo kaya bobo ka rin," Atlas mocked at halos mapangiwi ako nang makita
silang halos mag-wrestling na sa sasakyan.

Nang sumapit ang final examinations namin ay mas naging abala ang lahat sa pag-
aaral at pagpapasa ng mga requirements sa mga teacher. Hindi na rin kami masyadong
napapasyal ni Heart dahil abala, I have to maintain my grades too kaya aral na aral
ako.

When I got to senior high, my grades should be deserving to the strand I'd take.
Gusto kong maging proud ang Nanay, gusto kong maging proud sa sarili kong
achievement.

I'd do my best to have a great future ahead of me, kahit mahirap, kapag ang isang
tao ay nagsusumikap, makakamtan niya ang hangarin niya.

Impossible things are possible with hard work and perseverance, that's what I
always believe. Success is when you work hard for it.

Nawala ang pansin ko sa libro nang may nagpatong ng rosas sa gitna nito. Inangat ko
ang tingin at kaagad na nahuli ang ngiti ni Atlas.
"Hi, bibi..." he winked and sat beside me.

"Hello," I smiled a bit. "Napadaan ka? Walang klase?"

"It's my break," he said, dumungaw siya sa librong binabasa ko.

Our shoulders touched, I smelled his manly scent, from my side view, I can see the
shadow his aura has. Nang sumulyap ako sa kanya at nagkatinginan kami ay sabay na
napangiti.

"Si Heart? Hindi papasok?" I asked.

"She will, tomorrow. Umuwi lang kasi ang kapatid niya sa kanila ngayon kaya 'di
nakapasok." Aniya at inayos ang buhok ko, I saw him take a glance at my neck and he
bit his lip slowly before pulling the necklace a bit.

"You like it?" he asked and I immediately nodded at him.

"Oo, maganda siya." I smiled at him, napabaling ako sa rosas sa harapan ko at


sumulyap sa kanya. "Pinitas mo na naman?"

"Galing sa mansion 'yan," bida niya kaya natawa na lang ako at pinaglaruan ang stem
ng rosas.

"Bakit ang kulit mo, Atlas?" tanong ko at ibinaba niya ang necklace ko, he rested
his elbow on the table, tilting his head, nakapahalumbabang nakatingin sa akin.

"Paanong makulit?" he flashed a manly smirk.

"Makulit na ano..." I trailed off, nahuli kong magulo ang buhok niya kaya inabot ko
iyon at marahang sinuklay. "Like, sinabi ko na h'wag ka manligaw pero bigay ka pa
rin ng bigay ng bulaklak tapos sunod ng sunod?"

The side of his red lips rose, he tilted his head more and pinched my cheek.
"Parang ligaw nga, bibi." Aniya.

"E-eh, ayaw ko ngang manligaw ka." I said.

"Oh, edi, h'wag natin tawaging ligaw." Aniya kaya nangunot ang noo ko.

"Huh? 'Di ko gets."

"Hmm," napaisip siya. "Parang ligaw pero dahil ayaw mo ng ligawan, iba itatawag
natin."

"Ano?" I asked.

"Mag-bibing suyuan." Ngumisi siya.

My eyes widen, pinalo ko ang braso niya at mabilis niyang nahuli 'yon para dalhin
sa labi niya at kumindat.

"P-para kang baliw..." I said softly, nagpipigil ng ngiti.

"I know..." nawala ang ngiti ko roon at nangunot ang noo.

"Huh?"

"Baliw na baliw sa'yo," his foolish grin escaped his lips at suminghap lang ako at
pinalo siya ng libro kaya humagalpak siya ng tawa.

"Quiet please!" the librarian exclaimed kaya sabay kaming natahimik at nanlaki ang
mata sabay tawanang walang tunog.
Isang araw ay nag-panic ako dahil naiwan ko ang gamot ko sa bahay, dahil walang
phone ay hindi ko matawagan si Nanay, 'di ko rin kabisado ang numero niya kaya
kinakabahan na ako.

"Miss Argueles, may bisita ka ata." Tawag ng teacher sa akin kaya napatayo ako at
nagtaka.

"Po?" I asked.

"Nanay mo ata," aniya kaya nanlaki ang mata ko.

Sumulyap ako kay Heart na tumango lang kaya lumabas na ako. Sa tapat ng classroom
ay naroon pa si Nanay dala ang isang maliit na paper bag.

"Nay!" I smiled at her.

"Lia," she smiled softly, lumapit ako para magmano at saglit siyang yumakap at
ngumiti rin ang malambing na mata nang makita ako.

"Nay, buti napadaan ka, naiwan ko—"

"Ito," she lifted the small paper bag kaya nanlaki ang mata ko.

"Paano mo nalaman?" ngumuso ako at natawa siya at hinawi ang buhok ko.

"I saw it on the table, nagre-refill ka kasi kanina, 'di ba? Kaya siguro naiwan."
Ani Nanay kaya nakahinga ako nang maluwag at ngumiti sa kanya.

"Salamat, Nay." I said. "Hindi ko alam paano ko 'to kukunin kanina pa, nagsimula na
kasi ang klase tapos..."

"It's okay, anak." Aniya. "Basta sa susunod ay h'wag mo nang kalimutan, ah?
Importante ang gamot mo, Lia."
"Opo, Nay. Sorry." I smiled a bit.

"Klase mo ngayon?" dumungaw siya sa classroom at nakita kong nakasilip si Heart


mula sa upuan namin, nang makita si Nanay ay kumaway siya at narinig ko ang tawa ni
Nanay pero kumaway din pabalik.

"Ang bait na bata talaga ng kaibigan mo," tawa ni Nanay bago bumaling sa akin. "Oh,
siya, anak, maiwan na kita..."

"Ihatid na kita sa may gate, Nay." I offered at humawak sa braso niya.

Halos magkasing tangkad na kami ni Nanay, kung titignan nga ay mukhang Ate ko lang
siya, lalo na't hawig na hawig talaga ang mukha naming dalawa, lalo na kapag
magkatabing ganito.

We went out of the main campus, may mga seniors na napapatingin sa pwesto namin at
natatahimik, hindi ko sila pinansin at sumulyap kay Nanay.

"Saan ka ngayon pagkatapos, Nay?" I asked.

"Sa palengke muna, Lia. May mga gulay kasi na p'wedeng maibenta ngayon." She
smiled.

"Okay po, ingat kayo pauwi, Nay." Ngiti ko pagkarating namin sa mismong exit.

"Salamat, 'nak. Ikaw din, ingatan ang puso at umiwas sa stress, hmm?" I smiled and
nodded.

"Opo," sagot ko, she lowered her head, kissed my forehead before waving at me and I
watched her rode a tricycle to the market.

"Nanay mo, Amalia?" I stopped when I heard a familiar voice, sumulyap ako sa gilid
at nakita si Yui na hinahawi ang buhok niya at ngumiti pa sa akin.
"Uh, oo..." sagot ko.

"Hmm," she nodded and glanced at the paper bag I'm holding. "Anong sadya?"

"Uh, inabot lang ang gamot na naiwan ko sa bahay." I said and she nodded, mukhang
amused pa.

"Ngayon ko lang nakita ang Nanay mo," she said kaya tumango ako, hinawi ang buhok
kong sumabog sa hangin at sumagot.

"Oo, madalang lang kasi siyang nandito. Naiwan ko lang ang gamot kaya nagkataon." I
said and her lip twitched.

"Amalia Argueles," she called my name. "Perhaps, your mother's Olivia Argueles?"
her brow raised.

"Oo, bakit?" I asked, mas nagtataka na sa kinikilos niya.

"Wala naman," umayos siya ng tayo at hinawi ang buhok niya. "It's just that, you
really are interesting...Amalia."

Hindi ako nakasagot doon at kinagat niya ang labi at umiling.

"No, it's not like I'm scaring you or something," she giggled. "I'm just interested
anong nakita ni Atlas sa'yo..."

"Anong ibig mong sabihin?" seryoso kong sabi pero humagikhik lang siya.

"Oh, nothing, Lia." She said. "I'm just curious of you and you really are
interesting, I can see, to think na miski ang maarteng si Heart ay nakipagkaibigan
sa mahinhin kagaya mo—"

"Anong kinalaman ng kaibigan ko rito?" seryoso kong sabi at ngumiti lang siya.
"Wala naman," tumikhim siya. "Anyway, bye...mukhang masaya ang pamilya mo
samantalang ang sa iba nagkakagulo."

Hindi na ako nakapagsalita nang talikuran niya ako at umalis na.

Binagabag ako ng sinabi niya pero hindi ko hinayaang makaapekto 'yon sa pag-aaral
ko para sa finals. Pinagbutihan ko iyon at mas naging abala din kami nila Heart.

Medyo nakakalungkot din na hindi ko masyadong nakikita sina Atlas, minsan lang
kapag pupuslit siya sa lunch at manggugulo sa amin ni Heart kasama sina Josh at
Ted.

T'wing umaga ay 'di nawawala ang mga pa-rosas niyang pinipitas madalas sa garden
nila at si Heart na nakikita akong may hawak no'n ay tatawa lang.

"Nag-aaway 'yan sila ni Kuya Dame," ani Heart kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Bakit?"

"Kasi nakakalbo na raw ang garden nila, si Kuya Dame kasi ang nag-aasikaso niyan
kaya kapag may napipitas kada araw ay halos mag-wrestling na sila ni boplaks."
Hagalpak niya at umawang lang ang labi ko at napatitig sa bulaklak at napailing.

Atlas talaga...

Maaga akong umuwi noong pirmahan ng clearance namin pagkatapos ng finals, I was
happy because my exams are high and good, paniguradong matutuwa si Nanay nito, ang
hindi lang ako masaya ay no'ng nalaman kong hindi nakakapasok si Atlas nitong mga
nakaraan dahil may problema raw.

I heard from the seniors na may family problem sila which, I have no idea what.
Ayaw ko namang usisahin si Heart at problema ng pamilya at personal matters iyon
kaya wala akong karapatan.

I'll just wait kung gusto niyang mag-open pero wala namang sinasabi kaya hinayaan
ko na, in fact, kahit papaano'y mukha naman siyang palaging masaya kaya hinayaan ko
na.

Kaya kahit papano'y masaya ako na nakapasok siya ngayon at kaagad na nag-ayang
ihahatid ako.

"Seriously, Atlas, kahit 'di mo na ako ihatid." I said but he's persistent,
sumulyap lang sa akin at hinuli ang daliri ko.

"Too late, bibi. We're near your house." Tawa niya kaya ngumuso na lang ako at
tumango.

Binusog ko ang mata ko sa tanawin habang dinarama ang palad ni Atlas sa palad ko,
he's caressing my palm with his thumb in a slow manner, kanina ko pa nababakas na
medyo balisa siya at medyo tahimik pero hindi ako nanghimasok.

There must be something going on with his family, I am so worried pero ayaw kong
manghimasok sa buhay ng ibang tao dahil wala akong karapatan doon.

"Ayos ka lang?" I asked after a while and he glanced at me, his black eyes twinkled
a bit when the sunrays touched it briefly.

"Yes," he smiled but I didn't reach his eyes.

"Alright, basta kapag may problema ka p'wede mo naman akong kausapin." I smiled and
reached for his cheek. He rested his face on my palm and nodded.

"Okay but I'm fine, bibi, don't worry." He said and I sighed.

I hope you really are okay, Atlas.

Nang malapit na kami sa bahay ay kinalabit ko na siya, umalis siya sa pagkakasubsob


sa may leeg ko at umayos ng upo. Sabay kaming napalingon sa may tapat ng bahay at
nagtaka ako nang may makitang may kulay itim na sasakyan.

"Oh, sino 'yan..." I muttered and the tricycle stopped.


Nauna akong bumaba kay Atlas dahil nasa may pintuan ako, lumabas din siya at nakita
kong mas madilim na ang mata niya habang nakatitig sa sasakyan.

"Atlas?" I called when I saw his jaw clenching, medyo dumilim ang awra niya. "Hey,"
tawag ko at pinisil ang braso niya kaya napaharap siya sa akin.

"Hmm?" he asked, disoriented.

"Are you okay?" I asked softly and I saw hesitation on his eyes before he slowly
nodded.

"Yeah, I just..." nakita kong may isang itim na sasakyan na dumaan sa harapan namin
na nakita ko ring nakaparada kanina sa may unahang mga bahay at nakita kong
sinundan iyon ni Atlas ng tingin.

"Atlas?" I called again and he gasped and took my hand.

"I'm sorry, come on, ihahatid na kita." Tumango ako at sumabay sa kanya sa
paglalakad.

Pagtawid namin sa kabilang kalsada ay napasulyap ako sa sasakyan, kahit sa malayo


ay nakita ko ang Nanay na may kausap na matangkad na lalaki sa may gate.

My forehead creased, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Atlas sa kamay ko pero


kaya hinawakan ko ang braso niya.

"M-masakit..." I said slowly.

Parang natauhan siya, mabilis niyang nabitawan ang kamay ko at mukhang natauhan.
His eyes soften and he looks regretful.

"Sorry, Lia," he muttered and slowly took my hand again.


Each step I take, my chest felt heavier. Mukhang nagtatalo sila ni Nanay doon.

"I told you to leave, Louis!" I heard Nanay hissed. "Ayaw na kitang makita, 'di ba,
napag-usapan na natin—"

"Liv, come on..." the man said, "I can't leave you—"

"Umalis ka na!" taboy ni Nanay at doon na ako nag-panic.

"Nay!" I suddenly called, humiwalay kay Atlas para lumapit.

Sabay silang napatalon at lumingon sa amin, Nanay looks so shock na mabilis niya
akong nilapitan.

"A-Amalia! Akala ko ba mamaya ka pa?" she asked pero hindi ko siya nasagot,
nanatili ang tingin ko sa lalaking nakatingin na sa akin ngayon.

He's tall, malinis ang pagkakagupit ng buhok at gwapo. I saw how his spanish eyes
glanced at me back and he really looks familiar.

"Dad..." we all froze when someone spoke, napasulyap kami kay Atlas na naglalakad
na palapit.

"Atlas..." the man spoke, mabilis na lumabas sa bakuran ng bahay at lumapit sa


kanya.

My forehead creased and I saw Atlas smirked at him, "nice seeing you, Dad. What are
you doing here?" he asked, his voice had nothing but coldness that I almost shiver.

Slowly, while staring at their almost identical faces, it dawned to me.

"Nay..." gulat akong napasulyap kay Nanay na mukhang naiiyak na pero ngumiti siya
sa akin at alam kong pilit iyon.
"Atlas," she suddenly called kaya ang malamig na mata ni Atlas ay napabaling sa
kanya. "Napadaan lang si Sir dahil sa plantation niyo, wala na kasi ang truck,
naisangla noong na-ospital si Amalia..."

Kumunot ang noo ni Atlas, mabilis siyang napabaling sa akin at kumalabog ang puso
ko, mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

"You're hospitalized?" ani Atlas at alam kong ako ang kausap niya kaya bumaling ako
at tumango.

"O-oo, ano, okay naman na ako..." I said but he doesn't look convinced, alam kong
gusto niya akong tanungin pero 'di nagawa dahil nagsalita ang ama niya.

"It's nice meeting you...Amalia, right?" the handsome older man smiled at me.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nagpa-panic na nakatingin sa akin ang galit na
si Atlas at nakangiti ang Tatay niya.

"O-opo..." I chose to flash a small smile.

"I'm Louis Montezides," aniya at inilahad sa akin ang kamay. "Nice meeting you."

"L-Lia po, Amalia Argueles..." I said and humbly accepted his hand.

Napapalingon ako kay Atlas na nakatiim-bagang lang at mukhang galit at ibinaba ko


ang kamay ko at itinago sa likod ko.

"U-uh, magkasama pala kayo ni Atlas, Lia." Ani Nanay na ngumiti ng maliit.

"Oo nga, magkakilala pala kayo nitong bunso ko." Sir Louis tapped Atlas' back but
he resist, nakita kong umiwas si Atlas at kumunot ang noo ng Dad niya at tumikhim
na lang.
"We're schoolmates," I answered, hindi matignan ang mata ni Atlas na alam kong
nagagalit dahil hindi ko sinabing na-ospital ako.

"I see..." the man smiled again, "Atlas, hindi mo naman sinabi sa'king magkakilala
kayo ni Amalia—"

"Why would I?" I can almost feel the acid dripping with his tone.

"Atlas," the man warned. "Umayos ka sumagot, may mga kasama tayo." He glanced at
me. "Pasensya na sa anak ko—"

"Huh, ako pa ang umayos? Wow, Dad, coming from you?" he asked and my forehead
creased, confused for the way he's talking to his father.

Atlas isn't rude so why...

"Atlas, sinasabi ko lang na—"

"And I'm courting Amalia, father. If you're all curious." I saw him glanced at his
father and to my Nanay kaya mas kumunot ang noo ko, 'di na makapagsalita.

He looks so stunned, narinig ko ang buntonghininga ni Nanay at ang paghuli niya sa


pulsuhan ko.

"Atlas, anong sinasabi mo—"

"I like Amalia, Dad," he said. "And I'm courting her."

Gulat pa rin ako kaya 'di na nakatanggi, nakita ko ang pagtiim ng bagang ng Dad
niya at walang pasubaling hinila siya.

"Excuse me," he said strictly then glanced at us. "I'll just take my son home."
Nagkatinginan na lang kami ni Atlas habang tinutulak siya ng Dad niya papunta sa
sasakyan at suminghap ako nang mawala sila.

"Nay," I called my mother's attention. "Anong..."

"M-magbihis ka na at mag meryenda, Lia." Aniya at mabilis akong tinalikuran at


pumasok sa bahay.

Umalis si Nanay noong gabi, sinabing may ide-deliver na gulay kaya hindi ko siya
nakausap. I was so confused and worried, remembering the tension earlier between
the four of us.

Dahil weekends kinabukasan ay naisip kong makakausap ko si Nanay pero 'di ko siya
ma-tyempuhan at mukhang umiiwas sa tanong ko.

Hearing her and the man talked, that isn't just about the truck. Alam kong iba iyon
at napapaisip na ako.

Noong lunes ay wala ako sa sarili, I would try asking Heart regarding this matter.

Maagang-maaga ay nahuli ko na kaagad ang pamilyar na sasakyan nila Atlas na mabilis


na lumabas ng parking lot.

My forehead creased, nakita ko ang medyo kumpulan nila roon.

"I hope his mother is fine," I heard someone from the crowd said.

Mother? Nino?

"I hope so too, may pinagdadaanan ata ang pamilya." Dinig kong usapan. "Balita ko'y
may kinikitang babae si Governor Louis kaya marahil..."

"Oh, the bitch's daughter is here!" nawala ang atensyon ko sa usapan nang makarinig
ng boses, nang sumulyap ako ay nasa may gilid ko si Yui.
Kumunot ang noo ko roon at nagtanong, "Yui, nakita ko ang sasakyan nila Atlas,
anong nangyari? Okay lang ba siya?"

"Wow, what a good actress, applause, girls..." ang mga nasa likod niyang mga
barkada ay nanunuyang pumalakpak kaya mas lalo akong naguluhan doon.

Pinagtitinginan na kami kaya na-concious ako at mas nagtaka, "anong—"

"Sumama ka sa'kin, I'll tell you what happened." Yui smirked and glanced at the
people around us. "The show's over, guys."

Sumunod ako sa kanya at sa kanyang barkada at nagtungo kami sa may soccer field.
Tumigil kami sa may ilalim ng puno ay kaagad na humalukipkip si Yui nang bumaling
sa akin.

"Girls, leave first. Mag-uusap lang kami ng masinsinan nitong si Amalia." She
muttered and when the girls left, bumaling siya.

"His mother, Tita Beatrice's in the hospital." She said and I immediately got
worried.

"A-ayos lang ba siya?" I asked. "Si Atlas? Doon ba siya nagpunta? Si Heart?
Kailangan ko siyang kausapin—"

"Ang galing mo naman palang artista, Amalia." Matalim na sabi niya at kaagad akong
natahimik doon.

"Ano?"

"How dare you ask how Tita is doing when in the first place, it was your mother who
caused that?" she spatted angrily.

"Sandali..." mas naguluhan ako. "Anong kinalaman ng Nanay ko roon?"


"Well, you didn't know?" her eyes widen a bit but then smirked. "Oh, the innocent
Lia, inosente kuno pero nasa loob ang kulo kagaya ng Nanay niya na kinalantari ang
Governor—"

Natahimik siya nang mabilis na umangat ang kamay ko at sinampal siya. She gasped at
bumilis ang paghinga ko roon at tinuro siya.

"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang Nanay ko!" I exclaimed, nanginginig
sa galit sa narinig sa kanya.

"Y-you bitch!" akmang sasampalin niya ako pero nasalo ko ang kamay niya at tinulak
siya palayo sa akin. "How dare you do that to me?!"

"No, Yui. How dare you talk ill about my mother!" I exclaimed, medyo bumilis ang
paghinga habang iniisip ang sinabi niya sa Nanay.

"No, I am not talking ill about your mother!" she exclaimed. "I am telling the
truth, Amalia! Kabit ng Dad ni Atlas ang malanding Nanay mo!"

"Anong sinasabi mo—"

"Oh, don't pretend to know nothing, Argueles!" she exclaimed and I froze. "Don't
pretend you didn't saw her with Tito Louis? Kasama mo pa nga si Atlas, 'di ba? Last
Friday?"

It came back to me and slowly, it sink in.

"Paano mo..."

"Oh, I saw you, Amalia with Atlas. What a good scene, right? Mga magulang tapos mga
anak? How interesting." She smirked at me. "Tita Beatrice is with me when I saw all
of you, she'd seen it all kaya h'wag kang mag-maang-maangan ngayon."

Umawang ang labi ko, tila natulos sa kinatatayuan habang nakikinig sa sinasabi
niya.
My mother...my mother is a mistress?

"H-hindi totoo 'yan," I gulped to stop the coming tears. "'D-di magagawa ng Nanay
'yan..."

"Oh, guess what? She did." She chuckled evilly at me, hinawi ang buhok. "What a
coincidence, really...mga magulang tapos mga anak? But maybe it wasn't a
coincidence at all."

Kumuyom ang kamay ko, medyo sumisikip na ang dibdib na naririnig pero kinakalma ang
sarili.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked and she grinned, it was as if I asked something
really interesting.

"Do you really believe Atlas likes you?" that alone made me speechless, umawang ang
labi ko ng bahagya sa narinig sa kanya. "No, Amalia, he never liked you."

"You're lying," mariing sinabi ko. "Atlas likes me, sinabi niya sa aking gusto niya
ako—"

"Oh, of course, he'd tell you that..." she smirked. "Paano niya masisimulan ang
plano kung hindi siya mapapalapit sa'yo, Lia?"

Hindi ako kaagad nakaimik sa kanya.

"He knows for a long time now that his father is seeing your mother," I froze and
stared blankly at her.

"H-hindi ako naniniwala..." I said with conviction.

"Atlas loved his mother so much that he's willing to do everything for her. Kahit
sinong aagrabyado kay Tita ay kaya niyang paghigantihan and guess what he did?"
natulos ako at hindi na nakagalaw nang mapang-uyam na hinaplos ni Yui ang buhok ko.
"What's the best way to hurt the mother? Of course, it is to hurt the daughter
first..."

Natulala ako at hindi nakapagsalita sa sinabi niya.

"And we'll get married after college, Lia. In case you didn't know." She said and
that definitely broke me, nangilid na ang luha ko, ramdam ko ang pusong unti-unting
nadudurog habang pinapakinggan siya. "So, basically, kabit ka rin, kagaya niya.
Laruan at kasiyahan na pansamantala."

"Y-you're lying," I said weakly, hindi makapaniwala at natawa lang siyang nang-
uuyam.

"I feel bad for you, Lia. Nadamay ka lang naman sa Nanay mo but that's maybe a
karma? Kasi...malandi siya?"

"H-h'wag mong tawaging ganyan ang Nanay ko!" Sigaw ko at hinawi ng marahas ang
kamay niya sa akin, nababasag na ang boses.

"Oh, ano ba dapat itawag sa mga malalanding kabit?" she smiled wickedly.

"N-no...h'wag...h-hindi magagawa ni N-nanay 'yon." Nabasag na ang boses ko at


nanginig na ang katawan sa sobrang nararamdaman.

"I commend Atlas' acting, huh? My boyfriend did great, ang galing magpaikot at
maghiganti sa pamilya mo. He probably kissed you at the ball?" hindi ako
nakapagsalita roon at napanguso siya. "Oh, he kissed me too, Lia. Ang sarap-sarap
niyang humalik."

Ramdam ko ang sakit habang lumulunok ako, nananakit na ang mata para 'di lang
umiyak sa harapan niya.

"But above all, mas hanga ako sa pakikipag-plastikan ni Heart." Tila nadurog na ng
tuluyan ang puso ko roon.
"W-walang kinalaman si Heart dito," sabi ko pero tinagilid niya ang ulo niya.

"Why do you think the high-maintenance Heart Alondra will befriend a mere loser
like you?" I froze, remembering the time when Heart asked to sit with me, the
moment she asked if I could be her friend.

"A-anong..."

"She befriended you because she wanted to see through you, to know your mother more
and observe you...isa pa, paano niya tutulungan ang pinsan niyang mapalapit sa'yo
kung malayo kayo sa kanila?"

"N-nagsisinungaling ka..." I said, hindi maisip na magagawa iyon sa akin ng mga


kaibigan. "I don't believe you." Tinitigan ko siya.

No, hindi nila sa akin magagawa iyon. They're my true friends. Atlas and Heart
could never do that to me!

"Lia? Lia!" mula sa malayo ay nakita ko ang kumakaway at nagmamadaling si Heart


papunta sa akin.

"Why don't we ask her, Lia?" Yui smiled sweetly at me and waved at Heart.

Kunot na kunot ang noo ni Heart nang dumating, nakita kong bumaling siya sa mga
barkada ni Yui sa may 'di kalayuan bago tumakbo sa akin at tumabi.

"You okay?" she asked me and I couldn't talk dahil sa pagsikip ng dibdib. "Inaway
ka ba nila? Sorry, I was too late, sinamahan ko muna si boplaks sa ospital 'tsaka
ko nagmamadali pabalik..."

Hindi ako nakasagot at tumitig sa kanya at nakita kong mas kumunot ang noo niya,
concern was written on her eyes. "Lia?"

"Oh, Heart, may tatanong kami ni Lia." Yui said excitedly, even clapping her hand a
bit kaya bumaling si Heart sa kanya na nagtataka.
"What?" she asked.

"Oh, we're just talking ni Lia tapos nasabi ko 'yong tungkol sa'yo..." aniya kaya
mas nangunot ang noo ni Heart.

I am watching her expression, stopping myself from breaking down because I believe
her.

Heart won't do it to me, he won't help Atlas to hurt me...and Atlas, he likes me.
He'll never fool me for revenge. Alam niya ang kalagayan ko, 'di niya ako sasaktan.

"What is it?" Heart closed her arms on her chest.

"Why don't you tell Amalia how you befriended her to help Atlas? To get close to
her?" Yui smiled softly.

I saw how Heart froze, I saw how her shoulder fell, nawala ang paghalukipkip niya
at nanlaki ang mata.

"H-how did you know..."

"Oh, I know your plans, kayo ni Atlas." She answered and Heart shook her head.

"Plano? What..." Heart asked and I bit my lip and spoke.

"I-is it true, H-Heart?" pumiyok ang boses ko at doon na napatingin si Heart,


nanlaki ang mata at suminghap.

"L-Lia..." she called.

"T-tinulungan mo si A-Atlas kaya ka nakipag-kaibigan s-sa akin?" my voice shook and


I saw how her eyes widen as she tried touching my arm.
"L-Lia, hindi 'yon sa gano'n lang, g-gusto kita talagang kaibigan—"

"Nakipagkaibigan ka para doon?!" I exclaimed angrily at her and I saw how her eyes
got softer with unshed tears.

"I-I'm sorry..." she muttered and it definitely broke my heart.

Gumuhit ang sakit sa dibdib ko, doon na tuluyang nahulog ang luha ko at umatras ako
at napailing.

They betrayed me...my friends, they fooled me...and my mother's a mistress.

"I hate you." I spatted coldly with tears on my eyes, nang lumapit siya ay doon na
ako tumakbo palayo, tuluyan ng napahikbi.

Chapter 18 - Kabanata 16

Kabanata 16

I only wished for a simple and happy life, ang hiling ko lang naman ay maging
mapayapa, ang magising sa bawat umaga at maging masaya kasama ang aking Nanay pero
bakit ganito naman?

I never want to question God and his plans for me but...there will always a time
where your faith will start shaking.

Bakit naman po ganito, panginoon? Bakit ako nahihirapan ng ganito?

"G-gusto ko lang naman po ng k-kaibigan, gusto ko lang po maging masaya..." I


whispered in air while I was alone inside the chapel where I decided to hide and
cry silently.

I was kneeling in the side but my knees weakened and I felt myself melting like an
ice while staring at the altar kaya bumagsak ako at napaupo.
"H-help me, God..." I whispered painfully. "I-I feel so lost..."

I touched my chest and felt it tightening, medyo bumibilis na ang paghinga ko para
maghabol ng hininga at sa takot na mahimatay ako ay pinilit kong ikalma ang sarili
kahit nanghihina na.

Thankfully, no one entered the chapel where I decided to stay after I left Heart.

I believed them, sobrang nagpasalamat akong may mga totoo na akong kaibigan
pero...bakit naman gano'n?

I liked her so much, she was like the sister I never had. She said she'll be my
human shield... pero bakit ngayon ako ang nasasaktan habang iniisip na kahit kailan
ay 'di siya naging totoong kaibigan?

I trusted her...and Atlas too. I did love him, kahit mahirap at 'di kaya ng puso
ko, kinaya nitong mahalin siya.

He is the man I wished to be with me until the end, he made me feel like I am
something but in the end, he made me realized I was nothing.

I feel so bad about myself for not having a better judgment, if only I got
contented being alone, sana ay 'di ako masasaktan ng ganito.

I rested my back on the wall, slowly hugging my knees as I stared at the replica of
the almighty in the altar.

"H-hindi ko alam kung anong plano mo," I whispered as if he could hear me from
above. "I-I trust you but please...I'm so lost, give me strength to be brave."

Nakalabas na ako ng CSU na madilim na, hindi ko alam kung gaano ako katagal na
nagtago at nagmukmok. Paglabas ay kitang-kita ko ang papalabas na buwan na
natatakpan ng ulap.

The weather is gloomy, madilim, maulap, walang buhay kagaya ko.


"O-oh, Amalia? Bakit ngayon ka lang?" ani ng guard nang makita akong palabas sa
exit.

I was shocked but I flashed a small smile at him, mabuti na lang din at hindi na
masyadong namamaga ang mata ko.

"U-uh, may inasikaso lang po." Marahang sabi ko.

"Oh? Napagabi ka, ah? Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo..." aniya at
natahimik ako.

"S-sino po?" I asked.

"Uh, sina Heart?" aniya sa akin at humapdi ang puso ko roon sa kanya at napailing.

"Gano'n po ba?" marahang hinawi ko ang buhok at matamlay na ngumiti. "Magandang


gabi po, uuna na ako..."

"Sige, hija. Okay ka lang? Tamlay mo, ah?" aniya kaya mas nilakihan ko ang ngiti at
tumawa pa.

"Ayos lang po ako," I said.

"Sige, samahan na kita magtawag ng tricycle at gabi na." He smiled kindly and I
thanked him.

He was kind enough to come with me while I wait for the tricycle, nang makasakay ay
magalang akong kumaway.

"Maraming salamat po,"

"Walang anuman, hija!" kumaway din siya at nang mawala siya sa paningin ko ay muli
akong nanghina at tahimik na napatitig sa daan.
I can see the dancing of the leaves from the trees we'll get past to, ang malamig
at sariwang simoy ng hangin ay tumama sa aking mukha at pumikit ako at dinama iyon.

I remembered how happy I was these past few months but it faded away, tila hangin
na nadama lang pero minsa'y 'di nahawakan at naglahong parang bula.

I felt the tears on my cheek, muntik na akong mapahikbi pero pinigilan ko ang
sarili, ang mga ala-alang masaya ay bumalik.

Yakap ko ang libro ko habang papatawid sana ng quadrangle para makapunta sa


kabilang building at madala ang mga libro sa library nang biglang tumunog ang
kampana at nag-Angelus.

Natigilan ako, tila natulos sa kinatatayuan. Nakita kong natigilan din ang mga
estudyanteng naglalakad.

I closed my eyes and respected the prayer. Halos ilang sandali ang itinagal no'n at
nang matapos ay marahang umayos ako ng tayo.

"Thank you, Lord." I whispered.

I slowly opened my eyes and it was as if the heavens opened their gates for me and
I almost heard the angel's singing when I saw who's standing in front of me, just
inches away from me.

He's wearing a black shirt and jersey shorts, magulo ang buhok at seryosong
nakapikit. I saw how his jaw moved a bit when his lips quivered.

I saw how his eyes slowly opened, his long eyelashes moved and our eyes met.

My heart pounded, the side of his lips rose while looking at me, tila nagpipigil ng
ngisi and I panicked, mabilis akong gumalaw pero sa mabilis kong pag-gawa no'n ay
nalaglag ang libro ko.
"Hala..." I said quietly, my cheeks flushing, nahihiyang tumungo ako para damputin
ang libro.

Kinuha ko ang isang libro sa kanan pero halos matulos ako sa pagdukwang nang
naipatong niya ang kamay sa akin kamay.

We both stopped, sabay na nagkatinginan at halos matumba nang masalubong ko ang


mata niya kung hindi niya lang nasalo ang baywang ko bago pa ako mawalan ng
balanse.

"Careful," his baritone and sweet voice muttered at mabilis akong napaayos ng
dukwang doon.

"S-sorry..." I said in a small voice, nag-iinit ang pisngi at ngumiti siya, his
face lit up brightly and he looked like a gift I'm willing to take.

"No worries," he chuckled, sabay kaming tumayo, halos magkabungguan ng katawan at


inilahad niya sa akin ang libro ko. "Woah! Here..."

"T-thank you," my voice sounded weird and I saw him smiled, nahulog ang buhok ko sa
pisngi at nakita kong nakita niya iyon.

His forehead creased, I saw him lifted his hand, was about to do something when his
friend from the varsity team tapped his back.

"Cap, tara!" Josh, ang myembro ng team niya. "Oh, hi, Miss." Ngisi nito sa akin.

"H-hi..." napatikhim ako at niyakap ang libro ko.

I saw Atlas staring at me, as if memorizing my face and my cheeks flushed.

"Cap, tara na..." tawag sa kanya ng kaibigan kaya napatalon ito at tumikhim bago
marahang umatras.

"Sige, Miss...bye, be careful next time, hmm?" he smiled and I slowly nodded, hindi
alam ang gagawin.

Gusto kong magpakain sa lupa sa pamumula ng pisngi ko sa harapan ng crush ko.

"Miss?" he even waited for my reaction, looking so amused.

"O-okay, s-salamat..." I said shyly.

"Tara na, Cap!" umakbay sa kanya ang kaibigan at umalis na sila sa harapan ko at
pinagmasdan ko silang lumalayo sa akin, I watched their backs, napangiti ako habang
pinagmamasdan ang likod ni Atlas nang bigla siyang lumingon.

My smile faded when our eyes met, nanlaki rin ang mata niya nang makita akong
nakatingin pero mayamaya'y umangat ang labi.

He winked at me and my eyes widen, suminghap at mabilis na tinakbo ang quadrangle,


nag-iinit ang pisngi.

"Hija, dito ang sa inyo, 'di ba?" nawala ang iniisip ko nang magsalita ang driver
at nang paglingon ko ay nasa may bahay na kami.

"A-ah, opo..." I smiled a bit, mabilis na lumabas ng tricycle at nagbayad. "Salamat


po."

"Magandang gabi, ingat!" saludo niya at ngumiti ako.

"Ingat din po," magalang kong sabi bago tumawid sa kalsada.

Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang ilaw sa bahay namin, si Nanay ay sapo ang noo
at pabalik-balik na naglalakad.

My heart fell, unti-unti na namang binalot ng hapdi ang puso ko habang nakasulyap
sa kanya.
I stepped on some dry leaves and that made a sound, natigilan si Nanay at nakita ko
kung paano manlaki ang mata niya at tinakbo ako.

"A-Amalia!" she exclaimed at halos mabuwal ako nang takbuhin niya ako at niyakap.

"A-anak, b-bakit ngayon ka lang?" her voice shook. "A-akala ko anong nangyari
sa'yo!"

Lumayo siya, nang hawakan niya ang balikat ko ay nakita kong may luha na sa mga
mata niya.

"Amalia, sumagot ka! S-saan ka galing? N-nasaktan ka ba? Kanina pa kita hinahanap!"
she exclaimed and I don't know why, habang nakikita ang kanyang umiiyak na mga mata
ay nanghina na rin ako.

"N-nay..." my voice broke.

"O-oh?" mas tumulo ang luha niya. "N-nag-aalala ako sa'yo, anak, anong..."

"A-are you a mistress?" I asked weakly and I saw how her eyes reddened more, bigla
siyang umiyak at natigilan ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"L-Lia..." her voice broke.

"Nay, a-are you?" I sobbed.

"H-hindi...hindi..." she whispered, nakita kong hinawi niya ang luha nang lumayo
siya sa akin, she looked around, pulled my wrist and closed the door.

Pagod lang akong nakatingin sa kanya at hilam ang mga mata sa luha ay umiling-iling
siya sa akin.

"N-nag-uusap lang..." she cried harder and my heart felt like breaking while
looking at her. "M-may kasalanan ako..."
"N-nay, bakit..." I said sadly and she shook her head at me.

"H-he's always going to m-meet me, Lia." Aniya. "M-mali pero ginusto ko rin, m-may
kasalanan pa rin ako k-kahit tinaboy ko na siya..."

"K-kasal na siya, Nay!" I exclaimed and she cried more, halos mapaluhod na. "T-
tatay iyon ni Atlas!"

"A-alam ko...mali ako, anak..." she cried.

"B-bakit, Nay?" I sobbed, tinakpan ko ang bibig ko at suminghap. "B-bakit mo ginawa


'yon?"

"W-we're only talking, w-wala naman na bukod doon...I'm just, m-mali pa rin ako,
anak." She sobbed and my hands fell when she knelt in front of me and hugged my
waist.

"N-nay, anong ginagawa mo..." I said, tinatakpan ang bibig para pigilan ang
pagkawala ng malalakas na hikbi.

"I'm sorry, a-anak..." she cried more, "m-mali ang Nanay, maling-mali ako. I'm
sorry."

Mas nanghina ako nang makitang ang pinakamalakas na babae sa buhay ko ay hinang-
hina ngayon at umiiyak.

She did something wrong and I would never tolerate it but still...she's my mother
at mahal na mahal ko siya.

I found myself kneeling and hugging her back.

"N-nay..." I muttered and we cried together in each other's shoulder.


Siguro sa sobrang pagod at panghihina ay doon na ako tuluyang naghabol ng hininga,
napansin ng Nanay iyon at nag-panic siya.

"L-Lia?!" she called.

"I-I can't breathe..." I said and I saw how she ran towards the kitchen for water,
m-mabilis kong inabot ang bag ko at kahit nanghihina ay nanginginig ay kinuha ang
medicine kit para sa gamot.

Mabilis na nakarating si Nanay, nanginginig pang inabot sa akin ang tubig at


tumulong nang muntik ko nang mabitawan ang lagayan ko ng gamot.

"L-Lia..." her voice shook, mabilis na inabot sa akin ang gamot at mas nahilo ako
pero ginamit ang lakas para inumin ang gamot na ibinibigay niya sa akin.

Nagpumilit si Nanay na dalhin ako sa ospital pero umayos ang pakiramdam ko kaya
mabilis akong tumanggi, humingi pa siya ng tawad para sa stress at sa nalaman ko
pero hindi na ako umimik.

I closed my eyes, marahang niyakap ko ang Nanay, dinarama ang kanyang init at
narinig ko ang hikbi niya at ang paulit-ulit na halik niya sa ulo ko.

"S-sorry, Lia...nagkamali ang Nanay, nagkamali ako..." she whispered painfully.

Nakatulog akong pagod at masama ang loob, nagising na lamang nang maramdaman ang
haplos sa buhok ko at ang tawag sa pangalan ko.

"Anak?" nang imulat ko ang mata ay ang malambing at namamagang mata ni Nanay ang
nasalubong ko.

"Nay?" I called, mabilis na umupo at kinusot ang nananakit na mga mata.

"Mag-ayos ka, anak." Aniya kaya napatingin ako sa orasan at nakitang alas-kwatro pa
lang ng madaling-araw.
"Po?" kumunot ang noo ko at sinulyapan siya at nakita ko kung paano nangilid ang
luha sa kanyang mga mata.

"Aalis tayo..." parang binuhusan ako ng malamig na tubig doon.

"Huh?" hindi makapaniwala kong sabi, mabilis na tumingin sa gilid ng kama at


nakitang may mga maleta at bag doon. "S-saan? K-kina Lola?"

"Hindi..." she looks so sad and pained. Nakita kong bukas ang cabinet kung nasaan
ang mga damit ko at wala akong nakitang natira doon.

"Huh?" kumalabog ang puso ko. "S-saan tayo?"

"Hindi ko alam," I saw how tears escaped her eyes. "M-magsisimula tayo ng bagong
buhay, anak, tayong dalawa...malayo sa lugar na ito."

"P-paano ang pag-aaral ko?" I asked and she sighed heavily and slowly took my hand.

"Ayaw kong pagkatuwaan ka sa eskwela, anak, dahil sa kasalanan ko. Hindi ka damay
dito. Ayokong saktan ka. G-gagawin ko ang lahat para makatapos ka, anak. Pangako."

Mahirap ang naging simula namin ng Nanay nang mapadpad sa Maynila ng walang kahit
ano kung hindi ang kaming dalawa.

Malungkot at nasasaktan akong lumayo sa lugar kung saan ako lumaki...sa Cagayan, sa
Peñablanca pero kailangan, hindi lang para makaiwas sa issue pero para na rin sa
kapakanan ko at si Nanay na alam na may mali siyang nagawa.

Hindi namin kaagad sinabi sa Lolo at Lola ang paglayo namin ni Nanay. The issue
spread like wildfire, nagkasakit daw ang Mommy nina Atlas dahil sa nangyari at
napuno ako ng lungkot at guilt na dahil sa isang pagkakamali ay makakasira ng
pamilya.

"Paano nagsimula, Nay?" I suddenly asked while we're eating, inayos ko ang munggo
na ulam namin at ang kanin sa maliit na lamesa na kasya lang para sa aming dalawa.
"Ang?" tanong niya at bumaling sa akin, habang nakatitig kay Nanay ay nakita ko ang
pagbagsak ng katawan niya.

She looked years older now than she is noong nasa Cagayan pa kami, she looks
stressed and tired.

"Ang sa inyo ni Sir Louis..." I said, hindi na napigilan ang magtanong dahil sa
tagal ko nang naiisip iyon.

She sighed, I saw how sadness filled her black eyes as she stared at me.

"Naalala mo, anak, noong ki-nwento ko sa'yo ang first love ko?" she asked and I
recalled it kaya marahan akong tumango sa kanya.

"Opo,"

"He's that. Louis Montezides is my first love." She said at doon na ako natigilan.

My eyes widen a bit, tumitig ako sa kanya at nakita ko ang lungkot ng kanyang ngiti
sa akin.

"It was him, we didn't fight for our love because I'm no one, Lia. Years later,
noong nagtrabaho ako sa plantation nila ay muli ko siyang nakita, noong una'y 'di
ko alam na siya ang may-ari noon. H-he...didn't even told me he's married."

Napainom ako ng tubig at nakinig sa kanya, "we started talking, mga maliliit na
bagay hanggang sa natuwa akong makipag-usap sa kanya. It was as if I am back to my
in love stage, Lia." I saw her wiped her tears.

"Akala ko p'wede na kami pero...kasal pala siya." She sighed. "Umiwas ako, ayaw
kong makasira ng pamilya dahil may anak ako, ikaw...ayaw kong maging masama akong
ihemplo sa'yo, anak."

"T-then why...bakit kayo nag-uusap pa rin?" I asked, nangingilid na ang luha.


Halos isang taon na ang nakalipas mula noon pero malinaw pa rin sa akin ang lahat,
malinaw pa rin sa akin paano nagulo ang payapa kong buhay. Kung paanong ang mga
itinuring na kaibigan ay kinaibigan lang ako para maghiganti sa nagawang kamalian.

"Sabi niya, gusto niya ng closure. Na pag-usapan ang nakaraan...bilang magkaibigan


at um-oo ako pero mali pa rin," she chuckled sadly, uminom ng tubig at hinawi ang
luha. "K-kahit simpleng usap lang iyon, hindi iyon maganda lalo na't pamilyado na
siya."

"You said...he's unhappy with his marriage?" I asked. "Bakit gano'n? A-ayaw ba niya
sa pamilya niya?"

"He said he was forced to marry and have his heirs." Aniya at parang nadurog ang
puso ko roon.

Kahit may masamang nagawa si Atlas sa akin, kahit sinaktan niya ako ay hindi
maiwasang mapunta ang puso ko at awa sa kanyang pamilya.

I suddenly remembered him and his brothers, sina Kuya Damon at Kuya Hunter. I know
how much they cherished their family, alam ko marahil pati ang kanilang Tatay pero
ganito ang nangyari.

Atlas had wronged me but my heart goes for him and his family.

"Alam kong hindi ako naging kabit pero may nagawa pa rin akong mali, ang nagawa
kong pakikipag-ugnayan pa kay Louis ay hindi tama, hindi ko matanggap na naging
tanga na naman ako sa kanya, Amalia." She said softly. "Hindi ko matanggap na
pinagbigyan ko ang sariling maging masaya sa simpleng usapan namin at dahil doo'y
may nasaktan akong pamilya."

I slowly nodded, medyo naiintindihan siya.

"Kasi anak, Lia, kahit anong isipin ko, kahit anong paliwanag ko, somehow parang
naging kabit pa rin ako. We may not have done it physically, still, emotional
cheating is the same." She said. "M-mahal ko pa rin si Louis pero mali ako, mali
kami...maling-mali."
Hindi na ako nakaimik at nagbaba na lang ng tingin.

"P-pasensya na, anak, kung kailangan nating lumayo. Ayaw kong ma-stress ka sa
eskwela at paniguradong mapag-uusapan iyon. Pasensya na kung hindi ka man lang
nakapagpaalam sa mga kaibigan mo, kina Heart, Atlas..." hearing those names, hindi
alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Nililigawan ka niya, 'di ba? I know Atlas is a good kid, anak and I have nothing
against it."

"H-h'wag na nating pag-usapan, Nay." I said and she stopped, nakita kong mukhang
nabasa niya ang reaksyon ko at tumango siya at ngumiti.

"Mahal kita, Lia." She smiled. "P-pasensya na sa mga maling desisyon, anak. S-sana
h'wag mong tularan. Nagkamali ako."

My eyes swelled, mabilis akong tumayo para yumakap kay Nanay.

"Mahal din kita, Nay." Bulong ko pabalik.

Naging mahirap sa amin ang panibagong buhay sa syudad, nagsimula kami sa wala at
nahirapan si Nanay na maghanap ng trabaho dahil bago pa lang.

Bilang isang janitress, naitaguyod ako ni Nanay, mabuti na rin ay maganda ang grado
ko noong high school kaya nakapasok ako sa scholarship program ng isang maliit na
paaralan sa Maynila. I took BS Pharmacy at pagkatapos nito, magta-trabaho muna ako
at mag-iipon para makapasok sa medicine school.

Naging mahirap lalo dahil kaming dalawa lang, mahal pa ang maintenance ko ng gamot,
kulang na kulang ang kinikita ni Nanay sa pagja-janitress niya para sa aming dalawa
na minsan ay hindi na kami kumakain ng tatlong beses sa isang araw.

Isang araw habang nasa laboratory ako para sa aking klase ay pinatawag ako ng
office dahil may emergency call daw.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ang classroom, suot pa ang lab gown at mask.
"A-ano pong mayro'n?" I asked worriedly sa registrar.

"Uh, Miss Argueles?" I slowly nodded at her. "May tawag po galing ospital."

Nanginginig pa ang kamay na kinuha ko ang telepono at narinig ang boses sa kabila.

"Hello, is this Miss Argueles?" A voice said at kinakabahan man ay pinilit kong
kumalma.

"Yes po? Sino po sila?"

"Oh, hello, Miss. This is Dr. Cruz. I'm a cardiologist." Sinabi niya ang hospital
kung sana siya nanggaling. "Kayo po kasi ang nasa in case of emergency person ni
Miss Olivia Argueles?"

Napaayos ako ng tayo.

"P-po? Bakit?" nanginig ang boses ko. "N-nasaan po ang Nanay? Anong nangyari?!"

He sighed at me, "nasa ospital mo si Miss Olivia, inatake sa puso sa trabaho..."

"Po?!" halos mapasigaw na ako at napapatingin na sa akin ang mga tao pero wala kong
pakialam, nanginginig na ako at nasa amba na ng pagluha.

"Stable po sa ngayon si Miss Olivia," aniyang pormal. "But...we would like to talk
to you more, p'wede ka po bang dumaan sa ospital?"

"S-sige po...pupunta ako." Nanghihina kong sabi.

Habang nasa byahe ay tahimik akong umiiyak, pinagtitinginan na ako ng mga tao at
gusto ko mang pumormal at maging malakas ay naging mahirap ito para sa akin.
"Mabuti ay naisugod kaagad si Miss Olivia rito sa ospital," aniya. "Ang sabi ay
inatake raw habang naglilinis sila."

Nangilid ang luha ko, ang imahe ng Nanay na nahihirapan ay lalong mas nagpahina ng
katawan ko.

"Is she good now, Doc?" tanong ko at nakita ko ang paghugot niya ng hininga at ang
pag-iling.

"The truth is...nakausap ko ang pasyente at nasabi niya sa aking itinigil na niya
ang maintenance ng gamot niya halos kalahating taon na." It seems like the world
stopped spinning when I heard that.

Napapikit ako at doon na tuluyang bumuhos ang aking mga luha, "hindi...b-bakit siya
titigil?"

"Stopping the meds affected her health so much, as I can see, she had a drastic
loss of weight too, am I right?" I slowly nodded, sobbing a bit.

"W-what can I do, Doc?" I asked him. "A-ayokong nasasaktan ang Nanay..."

"For now, kailangan niya munang ma-confine at ma-obserbahan. I prescribed meds for
her but because she stopped it for months na, hindi ko pa masasabi kung sa anong
paraan o gaano katagal bago maging maayos ang kanyang lagay."

Nang matapos ang pag-uusap namin ng doktor ay dumiretso ako sa public room kung
nasaan ang Nanay at nang magsalubong ang mga mata namin ay 'di ko na naiwasang
humikbi at tumakbo palapit sa kanya.

Kahit anong pigil ni Nanay ay 'di niya ako napigilang magtrabaho kasabay ng aking
pag-aaral. Lucky for me, I am a scholar, kada buwan ay may allowance kami na hindi
naman kalakihan ay p'wede na kahit papaano para sa maintenance namin ni Nanay.

I applied for a student assistant job and luckily, I was accepted kaya habang nag-
aaral ay tumutulong ako sa pag-aayos sa library, kapag nawawalan ng tao ay 'tsaka
lang ako mag-aaral para sa mga subject ko. If it's my off, nagwe-waitress naman ako
sa isang fast food chain at nakakapagod man, alam kong kakayanin ko ang lahat para
sa Nanay ko.
There are times that I think I couldn't do it, ni wala akong naging mga kaibigan sa
kolehiyo dahil sa sitwasyon ko. Wala akong pahinga at halos walang tulog pero
kinakaya ko.

I graduated with high honors in my pre-med course, hindi man pinakamataas pero
naging malaking oportunidad 'to para makapasok ako sa med school ng libre at may
scholarship. Habang nag-aaral ay pharmacist ako ng isang pampublikong ospital.

There are times I'm in the verge of breaking down and quitting pero para sa Nanay
ko ay 'di ko ginagawa, worth it din naman dahil naging maayos ang lagay niya pero
hindi naman pala pangmatagalan.

One night, while having my night class, the most devastating news came.

"Amalia, hija?" narinig kong sabi ni Aling Linda sa kabilang linya, kapitbahay
namin at kaibigan ni Nanay.

"Po?"

"Lia..." her voice broke and my heart pounded. "A-ang Nanay mo inatake sa puso..."

That night, I lost the only person I have, the only person I love and keeping me
strong. I lost everything and then...I'm alone, with no one else but myself.

Nanay was dead on arrival in the hospital and when I got to her, I didn't even saw
her alive...

Ang tanging naiwan lang sa aking ala-ala bago siya mawala ang ang huling mensahe
niya sa akin. Ang maiksing sulat na iniwan niya nang lutuan niya ako ng baon para
sa umagang iyon.

Kumusta, nak? Kumain ka ng tama, mahal na mahal kita, Amalia. Salamat sa lahat,
hayaan mo at babawi ang Nanay kapag maayos na ako.
Be brave, my Amalia.

-Nanay.

Isa iyon sa mga dagok sa aking buhay, mga bagay at pangyayaring akala ko'y 'di ko
malalagpasan pero nagawa ko dahil sa tibay ng loob. Mga masakit na ala-ala but I
believe it made me stronger.

While watching the crowd and the people inside with their togas in black and green
colors combined, I couldn't help but smile.

"It was an honor standing here in front of all of you," I started my speech and
smiled at the crowd, ang spotlight ay nakatutok sa akin. "I didn't expect it
actually," napalingon ako sa malaking screen na may picture ko habang naka-toga.

"Nakakahiya tuloy, ang pangit ko sa naka-project. P'wede pong patanggal?" I


chuckled. It made them laugh, kinagat ko naman ang labi ko at tumikhim.

"First of all, I wanted to congratulate everyone for making it this far." I smiled.
"Pre-med is hard but med school is the hardest, we barely sleep. The exams are
nonstop, the practicals and work is just so tiring."

Nakita ko ang pagtango nila, natatawang um-agree sa'kin.

"Dati lang kahit sa hallway nag-aaral tayo, iiyak sa CR kapag bumagsak pero lalaban
ulit." I said. "You see guys, life isn't that easy for me, for some of us. When I
was young, naging mahirap sa akin ang lahat, no'ng lumipat kami rito sa Maynila ay
walang-wala kami ni Nanay. I got a scholarship and took pharmacy while my mother is
working, some of you might not be aware but I have a heart disease."

I saw some of them with their shock faces, ang iilang alam naman dahil nakikita ako
madalas sa clinic ay napatango sa akin.

"It's hard, I got it from my mother." I said. "Kaming dalawa lang ang magkasama,
noong nagkasakit siya dahil lumala ang sa puso, I worked hard para masustentuhan
kaming dalawa. I worked as a waitress and a student assistant at the same time
while studying. Noong nasa med school naman ako, I worked as a pharmacist while
studying and we barely survive."
Nangilid ang luha ko habang naalala, "sa kasagsagan ng 2nd year sa med school, I
got the most painful news, my mother died because of heart attack, dead on
arrival."

Nahulog ang luha ko at nakita kong napapaiyak na ang iba kaya tumikhim ako at
ngumiti.

"I-I didn't share this because I wanted to get some pity or make you cry, I didn't
share this to brag what I did but to share my struggles to reach where I am now. I
shared this to inspire, because honestly, after everything I wanted so bad to give
up. If you'd ask our professors, noong namatay ang Nanay hindi ako pumasok ng
dalawang linggo kasi ayaw ko na..." nagtanguan ang mga naging propesor ko kaya
ngumiti ako.

"I-I was sad but they reached out at me, w-wala na akong pag-asa but they
encouraged me tapos ayon, natanto kong hindi magiging masaya ang Nanay na
pinaghirapan akong pag-aralin at alagaan simula bata pa para lang sumuko ako..."
hinawi ko ang luha. "I studied hard, I worked hard, not just for myself but for the
people who made me who am I today, for the people who inspired me and helped me, sa
mga taong tumulong sa aking tumayo noong nalugmok na ako."

"I-I wanted to thank and be grateful to our professors, doktora, dok, maraming-
marami salamat po sa pag-reach out sa akin. Sa mga taong umintindi, sa mga ka-
blockmates, sa mga fellow graduates ko na hindi sumuko at nakarating dito, I salute
you all. I salute us for having bravery, for not giving up after all the
struggles."

"I wanted to thank God for giving me the courage to fight even if I'm giving up at
times and I wanted to thank my mother who's in heaven. Alam kong nasa langit ka na,
Nay, nakangiting nakamasid lang sa akin." I smiled a bit. "This is all for you, all
my achievements, dahil 'to sa pagmamahal ko sa'yo."

Tears are falling on my cheek, I watched the crowd again and spoke.

"I know this isn't the end of our fight bagkus ito'y simula lamang. It'll be tough
but if we won't give up, pray and fight again, we'll succeed. Madadapa man ay
babangon, iiyak man pero ngingiti at muling lalaban. Fight for your dreams.
Education is the one of the important things we should cherish and I'm really
really proud for all of us for making it this far. Laban lang tayo at h'wag susuko
sa kahit anong pagsubok na ibato sa atin."
"Sabi nga nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulaklak. Isama mo na ang
paso para may impact." That made them laughed, pumalakpak sila kaya ngumisi ako.

"Congratulations again my fellow graduates! Cheers to us, soon-to-be-doctors!" I


said to end it and they all stood to clap for me.

"Thank you so much for the amazing and inspiring speech, Miss Argueles! Our soon to
be doctor, I mean, I stand corrected." Tawa nang master of ceremony at napangiti
ako.

From the crowd, sa gitnang malayo, a familiar built stopped me, medyo madilim pero
nakita kong may nakatayo sa likod ng mga tao, nakamasid at pumapalakpak. He was
tall, naka-putting dress shirt, kumunot ang noo ko at nanliit ang mata para makita
ang mukha pero ang ilaw ay nakatutok sa akin kaya tila anino ang mga tao sa banda
niya.

"You may come in the middle to get your medals, Miss Argueles..." nawala ang
atensyon ko nang may naglahad sa akin ng kamay para ihatid ako sa gitna.

"Congratulations, hija!" the head of the university congratulated me as I shook


their hands, napapangiti ako habang isinusuot sa akin ang medals at napasulyap sa
gitna pero wala na ang taong nakita ko.

"Once again, let's give a round of applause to our med school batch's Summa cum
laude, Miss Amalia Lorraine Argueles!" sabay-sabay kong nakita ang muli nilang
pagtayo at pagpalakpak at tumalon ang puso ko sa sobrang saya na nadama.

Slowly, I touched my chest, ang mga medal ay naroon kaya inilubog ko ang kamay doon
para madama ang pagkalabog ng puso sa saya at kapayapaan.

I closed my eyes and smiled.

Thank you, God.

I might be fragile but I'm grateful after everything. What a brave heart you have,
Amalia.
Chapter 19 - Kabanata 17

Kabanata 17

Living life and fighting for it isn't easy as it seems, walang kasiguraduhan ang
lahat ng bagay. Hindi lahat nabibigyan ng privilege na maging may kaya at maging
masarap ang buhay. Ni wala ngang sino mang sigurado na magigising pa sa susunod na
araw.

Life is full of challenges, uncertainties and failures. It's full of risks, na


minsan kahit walang kasiguraduhan ay kailangan mong sumugal sa mga bagay. I almost
failed when my mother died but I didn't let that failure overcome my goals for her
and myself.

Kasi...how will you know you'll succeed if you won't fail? Kapag ba nadapa ka ay
mananatili kang lugmok at hindi tatayo? Will you let the simple scrap on your knees
disable your ability to walk?

No, gamutin mo at kahit mahirap, muling maglakad kahit paunti-unti. Baby steps are
still steps, no matter how long those steps would take, if you won't stop climbing
then you'll reach the top.

No matter what happened, I trusted the process and now, kahit wala ang Nanay, alam
ko sa sarili kong proud siya sa naabot ko.

"Lia, ikaw muna roon sa customer." Nawala ang atensyon ko sa ni-re-record na mga
gamot nang tawagin ako ng co-pharmacist ko.

"Sure," I smiled, tumayo ako at sinarado ang prescription book bago hinawi ang
diretsong buhok bago tumungo sa counter.

"Hi, Ma'am, good morning." I flashed a small smile.

"Hello, good morning. Kukunin ko na sana ang lahat dito." Aniya at nag-abot ng
prescription.

I took it, binasa bago nagtipa sa computer tungkol sa mga gamot. Kumuha ako ng
maliit na basket at tumungo sa may counter para kunin ang mga kailangan niya bago
ibinigay sa kanya.
"Nice naman si Miss Summa Cum laude!" bigla na akong napatawa nang makita ang
Senior Pharmacist ko na kararating lang.

"Hi, Ma'am. Good morning." I chuckled.

"Congrats sa graduation mo no'ng sabado, Lia!" she cheered. "Ang bait mo naman at
pumapasok ka pa rin, I assume the offers for your internships are overflowing?"

Nag-init ang pisngi ko at nahihiyang umiling, "hindi naman po."

"Asus! Pa-humble!" tawa niya at sumandal sa may counter kaya natawa na rin ako
roon.

"I'm still looking into it, Ma'am." Sagot ko. "I'm eyeing an offer from a large
hospital for the internship bago mag-boards, I will consult my professors muna for
now."

"Hmm, I'm so proud of you." She smiled softly at me and I felt happy too, this
place is almost my home too, ilang taon din akong naging pharmacist dito sa
kasagsagan ng med school ko. They treated me like family too.

"Thank you, Ma'am. Thank you rin for treating me like a family here." I said.

"Oh, silly, pamilya tayong lahat dito!" aniya kaya natawa ako roon at tumango sa
kanya. "I'm just sad that you have to go lesser here for your internship."

"Nandito naman po ako ng isa o dalawang beses sa isang linggo, don't worry, Ma'am."
I chuckled at her. "Kailangan lang kasi talagang mag-intern, isa pa, the hospitals
are looking good. Sana makakuha kaagad ako ng trabaho kapag nakuha ang lisensya."

"Oo naman, ikaw pa ba!" she exclaimed, looking so proud at me. "You are one of a
kind, Lia. You are so brave and resourceful too, plus the skills!"

My heart felt warm while listening to her, para siyang si Nanay kaya ngumiti ako.
"Maraming salamat, Ma'am." I said gratefully.

Natigil lang kaming dalawa nang may marinig na sigaw.

"Anong bawal?! Sinong nagsabing bawal?!" napalingon ako kay Kid na isa sa kasama
kong pharmacist na may kausap na customer.

"Ma'am, bawal po kasi—"

"Eh, bakit sa kabilang botika nagbibigay?!" she exclaimed exaggeratedly.

Natahimik kaming lahat, lalo na no'ng pinagtitinginan na naman ang mga customer na
iba sa counter.

"Ma'am, gano'n po kasi talaga—"

"Hindi! Bakit noong nakaraan naman sa kabila binigyan ako! Dito sa inyo hindi!
Anong klaseng serbisyo iyan!" she hissed.

Kid looks confused, nakita kong lumingon siya at nang magtagpo ang mata namin ay
nahalata kong humihingi siya ng tulong.

"Go, Lia..." ani ni Ma'am kaya tumango na ako at lumapit sa kanila.

Gumilid si Kid nang makita na akong palapit, with a small and soft smile on my
lips, I spoke.

"Hello, Ma'am, ano pong sadya nila?" I said kindly to her.

Tumikwas ang kanyang kilay, binuksan ang abaniko at masungit akong tinignan.
"Ayan, oh! 'Yang tonta niyong kasama, ayaw akong bigyan ng gamot eh, no'ng sa
kabila nga nagbibigay!" she exclaimed.

The truth is, I was nervous, kaunti. May mga ganitong customer talaga and they're
scary, lalo na kapag nagtataas ng boses pero kinalma ko ang sarili at hindi na
masyadong naaapektuhan. Nasanay na rin kasi sa ilang taon ko sa trabaho at 'di na
mabilang ang sigaw sa akin.

A part of my job is to be patient in customers like this.

"Ano po bang bibilhin niyo, Ma'am?" I asked.

"Clindamycin!" she hissed and I nodded, lumapit pang lalo sa counter at nagsalita.

"P'wede po bang makita ang reseta niyo?" I asked and smiled at her.

I saw her stopped, nag-alangan siya pero umirap at pinaypay ang abaniko.

"Wala! Anong reseta, kailangan ba iyan?!" she hissed at me and I calmly nodded at
her, tumitipa sa computer bago siya hinarap.

"Yes, Ma'am, antibiotic po kasi ito. Hindi po ibibigay kapag walang reseta—"

"Eh, bakit sa kabila?!" she hissed at me, tumalsik pa ang laway kaya tumikhim ako
at medyo umatras pero muling ngumiti.

"Para saan po ba gagamitin?" I asked him.

"Sa pimples!" aniya. "Eskinol tapos Clindamycin!"

Oh, I knew it...hindi ko alam bakit nasanay ang mga Filipino sa maling paraan ng
paggamit ng gamot.
"Sorry, Ma'am, pero hindi po para sa pimples ang gano'n, oral po ang gamot kaya sa
bibig at hindi dapat na binubudbod—"

"Anong mali?! Hindi mo ba alam na gano'n 'yon?!" halos lumabas na ang ngala-ngala
niya roon.

"P'wede ko po ba malaman saan niyo nalaman 'yon?" I asked.

"Sa kapit-bahay ko!" she exclaimed. "Pharmacist ka, 'di mo alam?!"

"Sorry, Ma'am pero hindi po kasi—"

"Palibhasa kasi tindera lang kayo!" she hissed.

That was below the belt but I managed to stay calm, that's what people thinks we
do. Hindi nila alam ang hirap namin just to get the license kaya siguro ganyan
sila.

I wanted to tell her what antibiotic resistance could do to her but I know she
won't listen kaya I'll try to explain.

"Ma'am, hindi po kasi nagbibigay ng walang reseta dito, atsaka po bawal ang
paggamit ng antibiotic na capsule tapos ihahalo po sa eskinol—"

"Bakit, doktor ka ba?!" she exclaimed and I gulped a bit and smiled.

"No po, 'yong kapitbahay niyo po ba doktor?" marahang sabi ko at nakita ko kung
paano siya natulos sa kinatatayuan.

Narinig ko ang tikhim ng Senior Pharmacist namin, ang nasa malayong customer ay
nagpigil ng tawa at nag-iwas ng tingin at nakita kong kumunot ang noo ng customer
sa akin.

"H-hindi!" tumikhim pa siya bigla at umirap sa akin. "Aba, ewan ko sa inyo!


Makalayas na nga! Mga barat! Ayaw magbigay ng gamot! Magsara na kayo!" she hissed
and rolled her eyes nang makabawi.

We watched her turned her back at us, nagdadabog na papaalis at nang makalayo siya
ay bumughalit ng tawa ang mga kasama ko.

"Nice one, Lia." Kid laughed a bit, nakita ko ang ibang customer na natatawa rin
doon.

"Nagwala rin iyan sa isang botika, hija." Ani ng isang matanda na nakapila at
natatawa, "'di rin pinagbigyan, mabuti nga..."

My day did great, noong bandang mga alas-tres ng hapon ay nawala na ang ibang
customer kaya naupo ako sa may swivel at nag-antay ng darating pa.

I was busy encoding in our written prescription book when I heard a voice.

"U-uh, h-hello..." a feminine voice stopped me.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang babaeng nasa harapan ko. She's wearing
a large sunglasses, may bandana din ang kanyang mukha na nakapatong sa ulo at
nakatakip sa kanyang labi at leeg.

"Hello, Ma'am." I smiled and stood to attend to her. "What can I do for you?"

"U-uh..." tumikhim siya. "I-ikaw 'yong Lia, 'di ba?" medyo pumiyok ang boses niya
kaya kumunot ang noo ko, nagtataka pero tumango.

"Yes, Ma'am, paano niyo po nalaman?" I asked her.

"Uh...ano..." tumikhim siya at inilibot ang tingin. "Usap-usapan ka kasi." Maliit


na boses niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"Po?" I asked, "sino naman..."


"'Tsaka there!" she pointed my name plate, biglang nag-iba ang boses. "You have
your name there, oh!" she chuckled nervously at me.

"Oh, I see..." I nodded a bit, staring at her face. Her voice sounded so familiar.

Nagkatinginan kaming dalawa, I couldn't see her eyes because of her sunglasses at
tumikhim siya at mabilis na nag-iwas, mas itinago ang mukha sa balabal niya.

"Uh, anyway...balita ko Summa Cum laude ka raw?" she said in a small voice kaya
nanlaki ang mata ko.

"Paano niyo po nalaman?" I asked.

It's not that I'm bragging it around here! Tanging ang mga pharmacists na kasama ko
lang ata ang nakakalam nito!

"Huh?" she gasped. "Ah, narinig ko lang din!" she exclaimed.

Napakurap-kurap lang ako at nagtataka na talaga sa kanya, I was so curious, gusto


ko sanang silipin ang mukha niya sa balabal but that would be so rude.

"Ang dami niyo naman pong narinig," I smiled at her and she looked like she's
panicking.

"Y-yes! Uhm..." she chuckled nervously kaya natawa na ako.

"It's okay, Ma'am." I said, ipinatong ang kamay sa may counter para maayos siyang
makausap at maging komportable.

"T-tsismosa kasi ako!" she explained and I nodded, gumaan na ang pakiramdam sa
kanya. "Uh, ano, Lia, congrats..."

My heart pounded, listening to a stranger congratulating me.


"Thank you, Ma'am." I smiled at her.

"Uhm...ano..." her hand touched my hand in the counter, I saw her red nails as she
squeezed my hand. "I just want to say na I'm so proud of you, we're so proud of
you."

I was so confused but my heart felt lighter at that.

"Uhm...okay?" nagtataka man ay ngumiti ako at pinisil din ang kamay niya. "Ma'am?"

"He—I mean, Love. My name's Love." She chuckled and let go of my hand kaya ngumuso
ako at tumango.

"Thank you again, Ma'am Love." I said and glanced at my computer. "Ano po palang
bibilhin niyo?"

"Oh!" she almost jumped. "Uhm, do you have some supplement there na pang-bobo?"

"Po?" my eyes widen at her and she gasped again and cleared her throat.

"Oh, I mean, uhm...memo plus or something? Basta, the one na medyo mawawala ang
pagiging...you know?" she chuckled a bit.

"Hmm, mayroon po." I smiled, tinipa ang computer. "Para sa inyo, Ma'am?"

"Uhm, no...para sa pinsan kong boplaks." She said and that stopped me.

Mabilis akong nag-angat ng tingin, nakita kong tumikhim siya bigla.

"I mean, sa akin pala, 'di ko lang matanggap na ano...gano'n. 'Tsaka mineral water
na rin." Aniya at hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inayos ang computer.
"Wait here, Ma'am." I said and turned my back, kinuha ko ang mga orders niya at
pagbalik ko ay kaagad siyang tumango sa akin.

"Here, Ma'am." Bigay ko sa kanya ng maliit na paper bag na mabilis niyang


tinanggap.

I took her money and gave her the exact change, habang ginagawa ko naman iyon ay
alam kong nagmamasid siya kahit may sunglasses.

"Uh, Amalia, saan ka mag-i-intern?" she asked kaya bumaling ako sa kanya.

She knows that too, huh?

"Still not sure, Ma'am. I'm still taking advices from my professors in med school."
I smiled at her.

"Oh, I see..." she fixed her big sunglasses. "Well, good luck at that."

"Thank you, Ma'am." I smiled and she nodded, lifting her fingers a bit to wave at
me.

"Bye po, ingat." I said.

"Bye, Amalia!" she cheered and turned her back at me.

Amalia?

Kumunot ang noo ko at bumaling sa name plate at mas nagtaka nang mabasa ang
nakasulat doon.

Hi, I'm Lia!


I watched the woman almost sprinting to walk away, may isang lalaki sa may bench
katapat ng pharmacy, nagbabasa ng newspaper na nilapitan niya.

My eyes widen noong binatukan niya ang lalaki na nang mababa ang newspaper ay naka-
cap at sun glasses din, they were too quick, nang maibaba ang newspaper ay iniwan
ito ng lalaki sa bench at tumayo ng sobrang bilis.

Nagkapit sila ng braso at halos nagkukumahog na umalis kaya nailing na lang ako,
natatawang bumalik sa upuan.

Parang sina Heart at Atlas...

I froze at that names, napailing at ipinaling na lang ang ulo.

Bakit ko ba sila naisip?

That week is peaceful for me, nang nagpaunlak ng meeting ang isa sa mga tinitingala
kong professor ay humingi ako ng advice sa kanya tungkol sa ospital na papasukan ko
ng internship ko bago ang boards.

My plan is to study while having my internship in a hospital, minsan kapag may oras
ay sa pharmacy naman ako para hindi titigil ang kita ko at hindi mahirapan
pagkatapos.

I have to earn for myself and for my grandparents in Cagayan, kailangan nila ako
dahil matanda na rin sila kaya I'm doing my best to help.

"Hello, Amalia." She smiled and offered the seat.

"Hi, doktora, thank you so much for giving me time." I said kindly and sat on the
seat in front of her.

"Oh, no worries. I made sure to give you time since I am expecting you'd come to
me. Let me think, naguguluhan ka sa papasukan mong ospital, ano?" aniya at
nakangiting tumango ako at inilapag ang listahan sa kanya.
She took it and chuckled, "well, I expected these offers for you!"

"I didn't expect it, Dra." Nahihiyang tumawa ako. "I'm so thankful, hindi ko ine-
expect."

"I'm so proud of you, Lia. When fate gave you every reason to gave up, you never
did." She said and my heart pounded and nodded at her.

"I almost, Dra." Marahang sabi ko. "If it's not for your help, baka nagmukmok na po
talaga ako."

"No, hija. It was because of you, kahit anong sabi namin sa iyong lumaban ka, kung
ayaw mo, may magagawa ba kami?" she smiled softly. "You did it yourself too, naging
kasangkapan lang kami."

"Thank you, Dra." I smiled sincerely at her and she smiled and squeezed my hand.

"The college of medicine is proud of you, I am too and your Nanay is probably
clapping her hands for you now." She said and I slowly nodded, imagining the
smiling face of my mother.

"Thank you po," I said.

Inayos namin ni Doktora ang mga offer sa akin, miski malalaki o maliliit na ospital
ay nagbigay ng offer na sa kanila ako mag-internship. Now, we're checking ano ang
may magagandang opportunities.

"Here are our choices," aniya. "So far, ano ang sa tingin mong gusto mo?"

"I'm interested in PGH, Dra." I said. "Or UST would be nice."

"Yeah, that's my choices too." ani Doktora sa akin. "But you see, Lia. I got a
newest offer for you."
My eyes widen at her, "really? Kailan lang po?"

"Two days ago, the Director of the hospital even went here to give this to me."
Hindi ako makapaniwala at nanlalaki lang ang mata sa sinabi niya sa akin.

"Para po sa akin?" I asked, "baka naman po sa iba?"

"No, silly." She chuckled. "The letter has your name, may kinukuha rin sila dito sa
atin pero medyo madalang silang kumuha ng intern o mag-open ng slots kaya I was
really thrilled when I talked to the hospital's director and he specifically
mentioned you."

"Wow..." I muttered. "What hospital, Dra.?"

"St. Luke's." Bumilog ang bibig ko at napatakip sa bibig, mukha namang natuwa siya
sa reaksyon ko kaya natawa siya at napailing sa akin.

"You really are adorable, Lia." She chuckled. "Here's the letter, so far, based sa
nakikita ko, their offer is better that the rest."

Inabot niya ang letter at namamangha ko iyong binasa at mas natuwa nang makita ang
pangalan ko sa sulat.

"Wow, oh my God..." napailing ako, namamangha pa rin. "T-talaga pong ibinigay mismo
ng Director?"

"Yes, Lia." She said. "He said, he had feedbacks for you and your grades are good,
may mga doktor din sa kanilang pasilidad ang nagrekomenda sa'yo and I did recommend
you too kaya may tiwala talaga siya at gusto kang kunin."

Naiiyak na ako sa saya kaya pinaypayan ko ang sarili ko, tatawa-tawa naman si
doktora na nagtawag pa ng secretary niya para sa tubig.

"Beth, hello, pahingi naman ako ng tubig? Our Summa is hyperventilating." She
chuckled.
The secretary entered the office, nagkatinginan kami at kinuha ko ang tubig at
uminom doon at natawa rin ito sa akin.

"Kalma, Miss Lia, ang puso mo..." she smiled.

"Oh my God..." ibinaba ko ang baso. "I-I just, I'm overwhelmed."

"Deserve niyo naman, Miss." She smiled humbly and I smiled back.

"Thank you, Miss Beth."

She left after that, ang nakangiting mukha ni doktora ang nakasalubong ko at
inilahad niya sa akin ang folder.

"If you chose them, they have a lot to offer to you. Your internship with them will
be paid, like you're a new doctor, tho, hindi kasing taas ng lisensyado ay malaki
para makatulong sa'yo, your grandparents are in province, right?"

"Yes po," I said, staring at the photos of the hospital.

"They offered that, you also have your offs, sakto para sa pagre-review mo o kaya
ay sa pagpasok mo sa Pharmacy. Bukod sa bayad sa intership mo, they will give you a
new apartment near the hospital. No, I think it'll be a condominium unit."

My eyes widen, "r-really po?"

"Yes, they have condo units for their professionals. Sagot nila iyon, the only
thing you'll think of is the water, electricity and food."

That sounds tempting and great! Makakabawas ako ng renta sa maliit kong apartment!

"Malapit lang sa ospital ang condo, p'wedeng lakarin kung hindi ka nagmamadali
meaning, exercise at tipid ka rin. Isa pa, they said, once you got your license
then pasok ka kaagad sa kanila."

"Wow..." I can't help but utter that word in shock.

I never expected this kind of opportunity!

"The hospital is high-class too, magagaling ang mga doktor. If you'll ask me, I'll
definitely choose this one. This will benefit you, hindi ka na magpapakapagod
magtrabaho dahil nabawasan ang gastos mo."

After a thorough thinking, ngumisi si Doktora at nagtanong.

"So...?"

"I'll take this one, Dra." I said and she clapped her hand in glee, hindi ko naman
maiwasang mapangiti roon.

Pagkatapos naming mag-usap ay nag-decide akong nagtungo sa chapel sa loob ng


campus, I opened the glass door and the familiar scent of flowers and candles
filled my nose.

It made me smile, lumapit ako sa pinakamalapit na upuan sa altar at lumuhod,


marahang ipinipikit ang mata.

Hi, God. Thank you so much for giving me such blessings. Thank you so much for
showering me gifts and opportunities. Please guide me in this journey of my life.
May my heart remain brave despite every challenges. Thank you for waking me up this
morning and the next years to come.

Please guide the people I love and cherish and take them away from harm. Please
give me the will to forgive and start anew. I hope to finally find my happiness.

Lumabas ako ng chapel na may ngiti sa aking labi, I fixed my small bag, hinawi ang
itim at mahabang buhok na sumasabog sa hangin at niyakap ang dalang envelope.
I smiled while walking in the large hallway on the way out of the campus where I
studied. Naglakad ako sa may tahimik na parking lot para makapunta sa pinakamalapit
na sakayan papunta sa aking apartment.

Ang mga tuyong dahoon ay nagkalat sa daan, the cold air touched my skin at hindi
man kasing sariwa ng hangin dito ang hangin sa probinsya ay masarap pa rin sa
pakiramdam dahil sa mga puno.

I heard footsteps behind me habang kinukuha ko ang phone ko para sulyapan ang
message ng mga kasama ko sa pharmacy na nag-aayang lumabas.

From: Kid

Lia, labas tayo? Sasama sina Ma'am. Manlibre ka raw hahaha!

That made me smile, mabilis akong tumipa.

To: Kid

I'm busy now, Kid, eh. Next time? Kapag off ko labas tayo, promise, libre ko.

"Hala, may ka-text, sabi ko sa'yo may jowa na, eh. Bobo ka kasi."

I heard faint voices behind me, ibinaba ko ang phone at ibinulsa habang naglalakad.

"Tss, shut up." I heard a baritone voice and my forehead creased.

"Wala na, huli ka na. Ayaw mo kasing lapitan, ang tagal na—" I immediately looked
behind me at the two stopped, hindi ko nakita ang mukha nila dahil may payong
silang nakabukas na kaagad naitago ang mukha nila.

Inangat ko ang kamay pero wala namang ambon.


May araw ba?

I shook my head, muling naglakad at sumulyap sa phone nang tumunog.

From: Kid

Okay, asahan ko 'yan, ah?

To: Kid

Sure :)

"Tara na ba?" maliliit na boses ulit.

"A-ayoko nga, bobo ka ba?" I heard the manly voice again pero tila maliliit na
bulungan ng mga daga.

"Anong bobo? Baka ikaw ang bobo, idamay mo pa ako—"

Muli akong lumingon at kasabay ay ang pagtalikod noong dalawa sa akin, ang payong
ay nakabukas pa rin. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmamasdan silang palayo,
marahan ang lakad, nakapayong pa kaya likod lang ang nakikita ko.

Nagbubulungan pa sila roon at medyo lumingon 'yong babae pero sa sobrang bilis ay
'di ko nahuli.

"Shit, a-akbayan mo ako!" I heard her said.

"Huh? Bakit—"

"Isa!" nakita kong inakbayan siya no'ng lalaki at nang makalayo na sila dahil medyo
tumatakbo na ay natawa na lang ako at napailing.
There are really weird people here, I guess?

When I got to my first day of internship, I am nervous yet very very excited.
Inayos ko ang aking mahabang buhok sa salamin at hinayaang ilugay sa likod.

I brushed it very neatly, hinagod ko rin ang simpleng pormal na dress ko at nagsuot
ng flats.

Orientation pa lang naman ako at uuwi rin muna kaagad pero dapat ay presentable
since ang sabi nila'y first impression lasts.

Kinuha ko ang maliit na hand bag at sumulyap sa salamin. Matangkad na ako dati pero
sa tingin ko'y mas tumangkad ako ngayon.

The light make-up I chose to wear highlighted my high cheekbone, medyo tumapang ang
mata ko sa eyeliner ko at naglagay ako ng manipis na pink lipstick sa labi ko para
tapusin ang look.

I sighed and watched myself, nang napatingin sa aking leeg ay parang may kulang
dahil sa medyo mababa ang neckline ng dress ko kaya pumunta ako sa drawer at
naghalukay ng necklace.

A gold round necklace caught my eyes, that stopped me. Kumalabog ang puso ko at
napalunok, napapailing na at sumubok maghanap ng ibang kwintas pero wala nang
makitang babagay sa damit kaya medyo mabigat ang loob ay sinuot ko iyon.

Tatanggalin ko rin kaagad...para lang ito sa damit ko.

Dahil first time ko lang sa ospital ay sumakay ako ng taxi para hindi ma-haggard sa
byahe, nang maibaba ako sa Taguig ay namangha kaagad ako sa itsura ng ospital. I
saw the photos yet the actual look amazed me.

Kulay puti at asul na magkahalo ang nakita ko kaagad na kulay ng mataas at malaking
pasilidad, sa gitna ay kitang-kita ang malaking logo at pangalan ng ospital.
I smiled, entered the lobby and at first look, I thought I was in a hotel! Malaki
ang pasilyo at may mga escalator. Nakita ko kaagad ang reception area at sa likod
ng mga taong nakauniporme ay ang logo'ng muli ng ospital.

I walked towards the reception gracefully, inayos ko ang hand bag ko bago lumapit
at sinalubong ng ngiti ang medyo batang attendant na medyo nanlaki ang mata sa
akin.

"U-uh...magandang umaga, Ma'am." He smiled.

"Good morning, I have an appointment." Panimula ko at natulala siya saglit sa akin,


siniko lang siya ng katabi kaya tapatalon at natawa pang alanganin.

"S-sorry, Ma'am. Uh, anong pangalan po nila?"

"Amalia Lorraine Argueles," I said at nagmamadaling nagtipa sa computer ang lalaki.

"Hello, doktora, bago po kayo?" baling sa akin ng sumiko sa isa kaya ngumiti ako at
umiling.

Nagulat ako sa tawag niya pero natuwa rin.

"No po, intern pa lang. I would still take boards pa po." Sagot ko sa kanya at
tumango siya, namamangha.

"Ay, sorry, Ma'am, akala ko doktor na kayo. Ang professional niyo kasi tignan!"
aniya kaya ngumiti ako at natawa roon.

"Salamat po, Sir. Pero intern pa lang naman, future doctor, kung papalarin." I
smiled.

"Kaya 'yan, Ma'am! Kayo pa ba!" he said kaya natuwa ako at marahang tumango.

"Uh, Ma'am, kay Doc Sean po, right?" ani no'ng medyo bata kaya tumango ako sa
kanya. "Third floor po."
"Thank you, nasaan ang elevator niyo?" I asked at inilahad nila sa akin ang daan.

"Ihatid na kita, Ma'am." Ani no'ng mas bata kaya pumayag na ako at sumama. "Dito na
tayo, Ma'am. Nasabi ko na po kay Doc Sean, he'll guide you."

"Salamat, Sir. Good day." I smiled at he bowed a bit and left.

The hallway is bright and big, sa malayo ay nakita ko ang iilang mga staff na may
suot na kulay asul na scrub suit, may mga tinutulak pang wheelchair at hindi ko
alam kung bakit pero mas na-excite akong magtrabaho.

"Miss Argueles?" nabaling ang pansin ko at nakitang ang isang doktor na naka-scrubs
na may katandaan ang nasa gilid ko. "I'm Dr. Sean."

"H-hello po! Good morning!" magalang kong bati sa kanya at inilahad ang kamay.
"Amalia Argueles po."

"Oh, yes, I know you..." he chuckled and accepted my hand. "It's nice meeting you."

"Salamat po, nice meeting you too." I smiled.

He nodded at me, "I'm the head of medicine internship department." Aniya habang
naglalakad at sumunod ako sa kanya. "I wanted to tour you around but I'm in tight
schedule today."

"Oh, no worries po. I understand." I smiled at him.

"Oh, these are the nurses..." inilahad niya at nakitang nagsitayuan ang mga nurse
para bumati.

"Hello," I smiled.
"Hello, Doc..." they said and my eyes widen.

"Naku, hindi pa—"

"No, it's okay, kahit intern, we call them doctor kasi saan pa ba sila patungo?"
ani Dr. Sean kaya namangha ako at bumaling sa nurses at inilahad ang kamay sa
kanila.

"Nice meeting you all," isa-isa silang nagpakilala sa akin.

"Oh, nasaan 'yong isang pusong makulit?" ani Dr. Sean na natatawa.

"Ah, nasa cafeteria, Doc. Nagbreak, babalik iyon mamaya." The nurse said.

"Oh, I see..." bumaling siya sa akin. "I'll tour you around when I got time pero
for now, para ma-brief ka sa gagawin mo at maikot ka kahit papaano, I'll let one of
our resident doctor tour you around."

I nodded and smiled.

"Can you please call the attention of Dr. Louis?" ani ni Dr. Sean.

"Ah, 'di na kailangan, doc. Ayan na si Doc Pogi!" itinuro nila ang isang pasilyo at
halos matulos ako sa kinatatayuan nang makita ang lalaking paparating.

The man in a baby blue dress shirt came from a room, nakatungo at binabasa ang nasa
chart. The dress shirt is tucked on his black slacks, his powerful legs walked like
he owned the place. He's sporting a clean cut, seryoso at kunot ang noo habang
papalapit.

He looks oblivious of everything, I saw how his broad shoulders was emphasized in
the white doctor's coat he's wearing. He's taller now, kitang-kita ko ang mas
pagdepina ng panga nito at para akong natulala at nawala sa sarili.

Tuloy-tuloy ang lakad nito, nakatungo sa binabasang chart at mukhang papasok sa


isang salamin at tinted na opisina nang biglang tinawag ni Dr. Sean.

"Louis, hijo..." Dr. Sean called and he walked past us nang bigla siyang lumingon
at nagsalubong ang mata naming dalawa, bumaling siya sa harapan muli pero napa-
second look at nanlaki ang mata.

I saw how stunned he was, dire-diretso ang lakad sa pintuan ng opisina at saktong
pagbaling niya paharap sa daanan niya ay sumalpok ang mukha niya sa salaming
pintuan na nagbigay ng malakas na kalabog, nang maupo siya sa lapag sa impact ay
kasama ako sa napasigaw.

Chapter 20 - Kabanata 18

Kabanata 18

Totoo nga talaga and tarot card dati ni Heart...gwapo sana kaso...palpak.

We all panicked, nakita ko ang pagsapo niya ng kanyang ilong at nahulog ang chart
na hawak niya sa lapag.

"Doc!" they exclaimed, napatakip na lang ako sa bibig ko.

Lumuhod na ang ibang nurse para tumulong, ang ibang nasa room ay napalabas din
dahil sa biglaang sigawan.

"Doc! Ayos ka lang—"

"Y-yeah, guni-guni niyo lang 'yon!" his panicking voice said.

Gusto ko siyang silipin pero natulos ang mga paa ko habang nagmamasid. Sapo niya
ang bandang ilong at noo at umiiling-iling sa mga nurses na tutulong sa kanya sa
pagtayo.

"Doc—"
"I'm okay, I'm okay...imagination niyo lang 'yon..." his calm voice said, hinawakan
ng mga nurse ang braso niya patayo.

"Hijo, are you okay?" Dr. Sean asked worriedly.

"I-I'm fine...thank you." He muttered and the nurses let him go. Marahang humarap
siya sa amin, sapo pa rin ang ilong.

He walked a bit pero biglang nawalan ng balanse na parang nahilo at napaabante kaya
napasinghap ako. He almost fell but I caught him in shock, nahawakan ko ang kanyang
likod at napasubsob siya sa balikat ko.

"Oh my God!" I gasped in shock.

"Doc!" they called.

Nalanghap ko ang kanyang pabango nang mapasubsob siya sa akin, para alalayan ay
inabot ko ang braso niya nanlalaki ang mata. I can feel the electricity running
through my veins from him, para akong sinilihan doon na hindi maintindihan.

"Louis, hijo...are you fine?" biglang napalayo sa akin si Atlas.

"Y-yeah..." he said and glanced at me, his eyes are still so wide. I noticed his
red nose and forehead, mapupungay ang mata pero namumula ang mukha.

"O-okay ka lang?" I can't help but ask.

"H-hindi, eh..." umangat ang kamay ko sa gulat nang muling bumagsak ang kanyang
mukha sa balikat ko. "P-parang medyo nahihilo pa ako..."

"You should rest first, hijo! Clinic!" ani Dr. Sean at hindi ko alam ang gagawin.

Nanigas lang ako sa gitna habang ang mukha ni Atlas ay nasa may aking leeg. I can
feel his breath touching my ear, dahil matangkad siya at malaki ay nagmistula akong
maliit na pixie habang nandito siya.
Hindi na ako nakagalaw nang ang mga lalaking nurse ay kinuha sa akin si Atlas, I
saw his looking hesitant at first, nagsalubong pa ang mata namin kaya tumikhim ako
at nag-iwas ng tingin.

"Clinic," ani Dr. Sean kaya nagtungo kami sa clinic nila for employees.

Sa ibaba lang iyon, ayaw ko man ay nakakahiya kaya sumama na lang ako sa kanila.
Dr. Sean is there, naglalakad si Atlas habang hawak ang ilong at may katabing isang
babaeng nurse at isang lalaki rin.

"Pasensya na, Miss Argueles..." ani Dr. Sean kaya bumaling ako sa kanya.

"Po? Ayos lang." I flashed a small smile at him.

"Masyadong focus lang ata sa binabasa kaya nakaligtaan ang pintuan," aniyang
natatawa at naiiling. "Maayos at attentive naman ang batang 'yan, ewan ko at bakit
bangag ngayon."

I just chuckled and nodded, "ayos lang po, baka pagod lang."

"Probably..." he nodded.

I am almost chewing my lips while walking with them to the clinic, umayaw si Atlas
na pupunta pero pinagalitan ni Dr. Sean kaya hindi na nakipagtalo.

I caught him staring at me kaya nagbaba ako ng tingin at tumitig na lang sa paa ko.

Well...this is awkward.

I didn't know he'll be working here. Nasabi niya noong gusto niyang medicine
related ang kurso pero 'di ko akalaing itutuloy niya and now, he's a licensed
physician.
It's been what? I don't know...it's been years since I last saw him.

Ni hindi ako nag-attempt na i-search siya sa social media noong nagka-telepono ako.
I've never come back to Cagayan for years now kaya wala akong naging balita.

I got busy with my studies and work, sa pag-aalaga sa Nanay na hindi ko na


masyadong naasikaso ang gusto ko. I never even thought of reconciling with my past
until now...

I promised to never hurt myself again, to love myself now so I could have a long
life ahead of me.

While staring at his back, I can't help but think of the past.

First and young love...first kiss, secrets and wishes. My young heart craved for
him dearly but I won't do it again, never again.

Pumasok kami sa clinic at kaagad na napatayo ang Nurse doon nang makitang may
papasok.

"Oh, Dr. Sean!" the lady smiled then glanced at him. "Oh, nangyari sa'yo, Atlas?"

My forehead creased when the beautiful lady walked towards him and touched his
cheek, napaatras si Atlas doon bahagya.

"I'm fine, Lyka." He said.

"Oh, no...namumula nga ang mukha mo!" she said sweetly.

"I'm alright, Lyka." Nakita ko ang tipid na ngiti ni Atlas, nang mapasulyap siya sa
akin ay kinagat ko lang ang labi at bumaling sa paligid ng clinic.

I am so tempted to touch my throbbing chest but I decided not to.


"What happened, Doc?" the lady then glanced at Dr. Sean who chuckled and walked.

"Naumpog ang mukha sa salamin, lutang ata..." tawa niya.

The people inside laughed and Atlas just pouted, ako lang ata ang hindi natawa
dahil sa masyado akong naka-focus sa kanya.

He looks matured, kung sa itsura wala namang masyadong nagbago but I noticed how he
became a lot taller now. His broad shoulders can be seen, the features of his face
sharpened too. Mas nadepina ang panga niya, he has this strict aura around him but
not really...

I don't know but maybe, this is the look when you mix of the old and new Atlas?

"Maupo ka nga muna," malambing na sabi no'ng Nurse.

I saw Atlas still glancing at me pero 'di ko siya nililingon ng buo sa takot na
makita niya ang emosyon sa mga mata ko.

The Nurse sat on the bed where he is sitting now, ang Nurses na kasama namin ay
nag-uusap-usap doon at si Dr. Sean ay bumaling sa akin.

"Upo ka muna, hija..." he offered the sofa.

"Salamat po," I smiled and slowly sat.

I noticed Atlas following my every move or not? I don't know, I just can feel the
stares through my peripheral vision.

"Hoy, Atlas, sabi ko, masakit pa ba?" I heard the Nurse asked.

"Huh?" sumulyap akong kaunti sa kanila at nakita ko ang pagbaling niya sa dalaga.
While looking at them, I can't help but commend that they look good together.

Baka girlfriend niya?

"Sabi ko, ayos ka lang?" the Nurse asked.

"Yes, uh, hindi ko lang napansin ang pintuan kaya tumama." Paliwanag niya.

"Ikaw kasi...bakit bangag ka ngayon? You're always composed, ah? Nangyari?" the
lady laughed and I saw Atlas laughed a bit and shook his head, akmang papaling ang
ulo kaya bumaling ako sa palad ko.

"Hmm, dumating kasi 'yong nagpapayanig ng mundo ko..." I heard him said.

"Oh? Ano 'yan?" tawa ni Dr. Sean. "May girlfriend ka na—"

Lahat kami ay napunta ang atensyon sa pintuan nang biglang sumabog iyon sa biglaang
pagpasok ng kung sino.

"What happened?! Nasaan na si boplaks?!" the woman wearing a white and blue scrubs
who just entered exaggeratedly exclaimed.

I froze on the spot when I saw her face.

"Oh, Heart!" Dr. Sean laughed, "na-bangag itong pinsan mo!"

"Tss, nangyari sa'yo?" she hissed, namaywang pa, marahil ay 'di ako nakikita pa.

I glanced at Atlas and saw him with his wide eyes, gumalaw bigla ang kilay ni Atlas
at kumunot ang noo ni Heart.
"Huh? Anong sinasabi mo r'yan—" her voice faded when her eyes caught me,
nagkatitigan kaming dalawa at napalunok pa siya.

"Nagulat kami, Heart, lumagapak si Doc." Tawa no'ng isang lalaking Nurse na lumapit
sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin si Heart at bumaling sa lalaki.

"Huh? Sino ka?" she asked the Nurse.

"Huh?" kumunot ang noo ng lalaki. "Bakit, Heart—"

"Sino ako?" Heart looked around, slowly hugging herself. "Nasaan ako?"

"Huh?" the Nurse asked.

"Wrong room...wrong room!" Heart raised her hand, iwinasiwas niya iyon sa ere,
paunti-unting umatras at lahat kami ay nagulat nang bigla siyang tumakbo palabas.

When she vanished, the people around me laughed, napakurap-kurap naman ako, nawe-
weird-uhan.

"She just came back from her break, right?" Dr. Sean laughed.

"Well, yeah..." tawa no'ng isang Nurse.

I saw how Atlas groaned and face-palmed, mas nagtawanan sila roon.

"Magpinsan nga ata kayo, hijo..." Dr. Sean laughed and Atlas looks so embarrassed,
nakita kong dumungaw siya sa pwesto ko at napailing.

"Pagpasensyahan niyo na, nalipasan na naman ata ng gutom..." what he said lifted
the atmosphere in the room.

Napalabi ako at bumaling sa pintuan kung nasaan siya lumabas.


She's here too? What a coincidence.

"That's one of our nurses, si pusong makulit." Dr. Sean called my attention kaya
ngumiti ako. "Si Heart. Medyo may pagka-kalog, pinsan ni Dr. Louis." He pointed
Atlas na nang lingunin ko ay walang-hiyang tumitig lang sa akin.

Tumikhim ako at umiwas, "gano'n po ba..." ngiti ko sa doktor na natawa at


napailing.

"You two will be close, for sure. Friendly iyan si Heart." Aniya at tinapik ang
balikat ko bago nagtungo kay Atlas.

Friendly, huh...sa sobrang friendly ba ay kinaibigan ako noon para lang


makapaghiganti?

I can feel the pain on my chest but decided to shrugged it off.

Now that I found out they are here too, aalis ba ako?

Thinking of leaving is tempting, naisip ko ang ibang offers sa akin na p'wede kong
makuha pero naisip ko rin ang mga benepisyo ng ospital na ito kapag dito ako.

The free unit is a big help to me and I wouldn't waste this opportunity because of
what happened in the past, ayaw ko na ng gano'n. I have dreams and if reaching that
dream would mean meeting them then I'd accept it.

If I have to close that chapter of my life then I will, if they talked to me about
what happened in the past then I'll listen kahit na masakit.

It's painful but I have to accept so I could move on in that bad part of yesterday.
Walang mapapala kung maiiwan ako sa nakaraan at makukulong lang.

It's painful, naalala kong wala na akong pinagkatiwalaang maging malapit na


kaibigan sa takot na mangyari ulit ang sa dati. I have friends in my workplace and
school pero hindi ganoong kalapit, I'd never disclose my feelings to someone, mas
nakuntento na lang na mag-isa.

In that way, alam kong 'di ako masasaktan. In that way, my heart would be saved
from heartaches.

I just...don't want to trust that fast for in the end, they would only break me.

"Oh, I'm late!" biglang natawa si Dr. Sean at bumaling sa orasan. "I have a meeting
to attend!"

"Meeting?" the lady Nurse stopped and glanced at her watch. "Oh my God, tara na,
Doc!" she exclaimed but then stopped. "Pero si Atlas..."

"I'm okay, Lyka." Atlas said and shook his head. "I'm fine, pumunta na kayo sa
meeting."

"But you're injured..." the woman hesitated.

"Oh, don't worry about them, Lyka." Ani Dr. Sean at ngumiti nang magtagpo ang mata
namin. "Come on here, Miss Argueles, let me introduce you."

My heart almost jumped but I quickly stood up and walked towards him, I noticed the
people around us looking at me, sinusundan ako habang naglalakad.

"Here is our newest intern," Dr. Sean smiled. "Amalia Lorraine Argueles."

"Hello, you can just call me Lia." I said softly and smiled.

"This is Nurse Lyka," ani Dr. Sean na inilahad ang sopistikadang babae. "She's the
one managing this infirmary. Lyka, here's Lia, our new intern."

I smiled and offered my hand.


"Nice meeting you, Ma'am." I smiled.

Her lips protruded then accepted my hand, "nice meeting you too, Miss Argueles."
She flashed a small smile.

"She's a Summa Cum laude, you see..." pagyayabang pa ni Dr. Sean.

I heard the two other nurses clapped, nag-init naman ang pisngi ko at mahinang
natawa.

"Wow, Dra.! Sabi na, eh! Aura pa lang halata ng pang-professional! Ang galing!" the
male Nurse cheered kaya bumaling ako sa kanya.

"Thank you, Sir Jonathan." I smiled softly and I saw his eyes widen, bigla siyang
namula roon at siniko ang katabing Nurse.

"Ay, hala! Jonathan na lang, doktora!" he exclaimed, blushing. "'Tsaka


ano...naalala mo ang pangalan ko! Wow!"

Nagkatawanan kami at nagkabiruan nang may marahas na tumikhim kaya natigilan kami.

"Excuse, hello, baka naman...may tao rito!" itinaas ni Atlas ang kamay at ngumuso.

"Oh, I almost forgot!" Dr. Sean laughed. "Come here, Miss Amalia."

I puffed a breath and followed Dr. Sean as he walked towards Atlas sitting on the
bed. The bed looks too small for him, sa tangkad ba naman niya.

Our eyes met, I am honestly bothered by the loud thumping of my heart but I
remained professional as I looked at his eyes with nothing but coldness.

"Louis, hijo, this is Lia. Lia, this is Dr. Atlas Louis Montezides, one of our
resident doctors. He topped the boards too, second place." He said.
Bahagya pa akong nagulat doon, I saw how Atlas' eyes brightened a bit when he saw
my parted mouth, he smiled with amusement and offered his hand.

"Nice meeting you, Dra. Lia." He said and my hand even trembled a bit but I cleared
my throat before flashing a small smile.

"Nice meeting you too, Dr. Montezides." I said professionally and I felt the weird
feeling inside me when our palms touched.

His rough yet warm one touched mine and he shook it firmly while staring at my
eyes.

"Dra. Amalia here is a Summa Cum laude, Louis." Dr. Sean laughed. "You two would
make a good team."

"Yeah, we'll be a good team..." Atlas said, staring at my eyes intently.

I couldn't take that stare that I tried withdrawing my hand but his grip is too
firm, not letting me go.

Nanatili pa rin siyang nakatitig kaya labag man sa loob, hindi rin ako umiwas.

Akala niya siguro'y iiwas na ako dahil hindi siya kayang tignan? Huh! Tignan natin!

"Bagay kami, Doc, ano?" ani Atlas na lumingon kay Dr. Sean at ngumisi.

"Huh?" Dr. Sean asked but Atlas laughed a bit.

"I mean...as a team?" his lip twitched and glanced at me again.

"Oh..." Dr. Sean laughed, "of course, bagay na bagay!"


My lips pursed with the intensity of his stares, "excuse, Doc, but my hand..." I
smiled a little and glanced at my hand na hindi niya pinapakawalan.

"Oh..." he didn't even look that shock. "Sorry, Dra. It's nice meeting you,
anyway." He said and my breath almost hitched when he lowered his face and kissed
the back of my palm, still staring at my eyes.

I gulped, pasimpleng hinila ang kamay ko nang pakawalan niya at pekeng ngumiti.

"I can see the potential, huh!" halakhak ni Dr. Sean. "Anyway, Lia, hija. I have a
meeting to attend with Nurse Lyka, for now, is it okay if you take care of Dr.
Louis first? Para makapag-usap na rin kayo, he'll be your guide anyway."

My eyes widen, napabaling ako sa kanya at ngumiti siya at tumango.

"Yes, he's the resident doctor I'm talking about. I'm sure you two would be close,
I'm positive." He smiled and nodded, "Nurse Lyka, let's go. Guys, come on."

I saw the look on the Nurse's face, "Doc, walang kasama si Atlas—"

"He can do it, he's a doctor anyway. Nand'yan na rin naman si Dra. Lia." Dr. Sean
even smiled at me, "kaya naman 'di ba, Dra?"

"S-sure po..." I said and cleared my throat. "We'll be fine."

The Nurse's face crumpled a bit pero napailing na lang at nagsalita.

"Atlas, are you sure—"

"I'm more than fine, Lyka. Thank you." Atlas said formally kaya wala ng nagawa ang
Nurse at sumunod na.
Nang kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng clinic ay nagkatinginan kaming
dalawa. Malalim ang tingin niya kaya tumikhim ako at binasa ang labi ko, pasimpleng
ibinaba ang gamit sa may gilid ng kama at lumapit.

"How are you feeling, Doc?" I asked in a professional manner and I saw him licked
his lower lip, brushing his hair with his fingers.

"Not fine," he said.

"Pero sabi mo, ayos ka lang?" I asked at napailing siya kaagad.

"Hindi na pala," aniya kaya kumunot lang ang noo ko pero lumapit.

"Can I sit..." I motioned the bed and he immediately nodded, tinatapik ang ang tabi
niya.

"S-sure, why not."

Awkwardly, I sat beside him. Dahil nakataas ang isang paa niya at nakatiklop sa
kama ay bahagya siyang nakaharap sa akin habang nakatagilid sa kanya.

He's still wearing his coat, hindi man masyadong namumula na ang mukha ay halata pa
rin ang sa ilong at noo niya. He saw me looking at him, I saw how he removed his
coat, lumitaw sa paningin ko ang kulay baby blue dress shirt niya. Nakita kong
kitang-kita ang hubog ng katawan niya sa suot, even his muscles looks so good I
think I'm drooling.

He's so hot...

Nabasa ko ang labi.

What? What did you say, Amalia?

Tumikhim ako, mabilis na bumaling sa compress at mula sa peripheral ay nakita ko


ang pagtupi niya ng sleeves hanggang siko ng damit, I saw how the black watch
hugged his wrist, his veins are visible in the back of his palm.

Iniwas ko ang tingin at bumaling sa kanyang mukha at muli kaming nagkatinginang


dalawa. His stares are so intense kaya nagsalita ako.

"Saan ang masakit, Doc?" I asked.

"Dito..." he pointed his chest.

I froze, kumurap naman siya roon.

"I mean, dito, oh..." he said and pointed his nose. Bumuntonghininga ako, inilapit
ang compress sa may ilong niya para mawala ang pamumula.

He remained staring at me, tahimik lang, halos marinig na namin ang tunog ng
orasan.

"How...are you? Are you okay?" he suddenly asked kaya mula sa ilong niya ay
bumaling ako sa kanyang mata at sinalubong iyon.

"I'm fine, Doc." Prente kong sabi. "Bakit naman hindi ako magiging okay?" I smiled.

I saw how he gulped harder, his adams apple moved and he nodded.

"D-dito, oh." He touched my wrist, slowly taking the compress on his forehead.
"Masakit..."

I nodded, stared at his forehead and my brows furrowed, inangat ko ang kamay ko
para hawakan ang noo niya at napadaing siya.

"A-aww..." he frowned, nahawakan ko ang umbok doon kaya napaayos ako ng upo,
ibinaba ang compress at inabot ang kanyang panga.
"May bukol ka?" I asked urgently and touched his forehead again.

"I-I think so—aww!" he frowned.

"Ayan," I said softly, naiiling na muling kinuha ang compress, tinitigan ang noo
niya. "Para ka na tuloy may sungay sa gitna ng noo."

His eyes widen, bigla niyang hinawakan ang noo at napasinghap.

"W-weh? Pangit na ba?" he said in horror.

"Huh?"

"'Di...'di na ako gwapo?" he asked and my lips protruded, kinuha ko ang kanyang
kamay sa noo niya at pinalitan kaagad ng compress.

"Ayan pa talaga iisipin mo pagkatapos mo maumpog?" I asked and his lips protruded,
bigla siyang natigilan at muling hinanap ang mata ko.

"U-uh, Lia?" he called kaya sumulyap ako sa kanya.

"Hmm?"

"Uh, ano...imagination mo lang 'yong nautog ako." He explained.

I don't know why but that made me chuckle.

He looks so stunned, I saw how amusement played on his eyes that a few moments
later, I realized I am chuckling kaya tumikhim ako at umiwas.

"I-imagination mo lang din na tumawa ako," I said.


Nakita kong nagpigil siya ng ngiti, kumunot naman ang noo ko at hinawakan ang
kanyang panga, muling idinikit ang compress sa kanyang noo ng maayos.

"Okay," he said. "Secret lang natin?"

Secrets...may bumalik na ala-ala sa utak ko kaya napatikhim ako at napailing.

"No secrets, Dr. Montezides." I smiled a bit. "Let's just forget about it."

He looks stunned, napatitig siya sa akin doon at hindi na nagsalita.

Walang imikan ang pagitan namin sa ilang sandali, I remained looking at the
compress and he remained looking at me, ni walang isang nagsalita, tahimik lang na
dinadama ang presensya ng isa't-isa.

I can feel the thumping of my chest, dahil sobrang lapit naming dalawa ay amoy na
amoy ko ang pabango niya. He still smells the same, maybe he still uses the same
perfume.

Ang pakiramdam ngayong ganito kaming kalapit ay sobrang pamilyar, na parang


bumabalik ang batang ako...na parang bumabalik ang pakiramdam ng bata kong puso.

This is so wrong.

I saw him staring at my neck, natigilan ako nang may maalala kaya umayos ako ng
upo. I was about to say something when he spoke.

"Congrats..." he suddenly said kaya natigilan ako at tumingin sa kanya. "I'm proud
of you..."

Oh, are you?


"Thanks," tipid kong sabi.

"Lia, I—"

"I think you should rest first, Doc." Putol ko sa sinasabi niya at nakita kong may
kung anong emosyon sa kanyang mata bago marahang tumango.

"I guess so..." he muttered.

Mabilis akong tumayo, nakita kong nagulat siya doon at pinagmasdan ako. "Are you
leaving?" he asked, as if panicking a bit.

"No, Doc." I shook my head. "Can I ask where the restroom is?"

He nodded, gulping. "Left side." Turo niya kaya tumango ako at mabilis na tumalikod
para iwan siya.

I was walking towards the bathroom gracefully but the moment I closed the door, I
immediately touching my chest. I felt the loud thumping inside, napapikit ako at
humugot ng hininga.

"Calm down, Lia...calm down." I whispered on repeat while calming myself. "It's
okay."

I touched my necklace and sighed, totally regretting wearing this. Mabilis kong
kinalas iyon at itinago sa palad.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa banyo para ayusin ang sarili,
basta ay lumabas na lang ako at pagbalik ko sa may kama ay nakahiga na doon si
Atlas at nakapikit.

I saw how his features soften now that he's sleeping, medyo kunot pa ang noo at
nakahalukipkip, at nakasandal ang ulo sa may pader.

I walked towards him softly, inabot ko ang noo niya and it still looks so swollen.
May bukol talaga, akala ko nga'y magigising pero hindi kaya hinayaan ko na.

Mukhang pagod.

I sighed, gusto kong ipagsawa ang tingin sa kanyang mukha pero natatakot ako para
sa sarili at sa p'wedeng maramdaman kaya umiwas ako at sinara ang kurtina sa tapat
namin para 'di makita ng papasok.

I took a small plastic chair to rest beside his bed, naupo ako at ipinatong ang
braso sa kama at tamihik na ipinikit ang mata pero hindi na napansin at basta na
lang hinatak ng antok.

I woke up after I don't know how long, nagising lang ako dahil sa kaluskos. I felt
the slow touched on my hair, tila sinusuklay iyon.

Akala ko noong una ay panaginip lang pero nang may maramdamang tumamang malambot sa
may sentido ay alam kong hindi na 'yon.

"I miss you, bibi..." I heard a faint, husky voice.

I felt another soft thing touching my cheek and the moment I opened my eyes, I saw
his face inches away from me, matulis pa ang kanyang nguso.

Unti-unting nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi, nag-iingay na ang dibdib.

"H-how...D-did you just—"

"Huh?" namula siya. "H-hindi kita hinalikan!" he exclaimed back, napapabalikwas ng


upo.

"Y-you pervert!" I hissed.

"N-no!" he shook his head. "M-may dumi lang kasi sa pisngi mo tapos—"
"Ano, b-bakit labi 'yong naramdaman ko?!" I hissed.

"M-may dumi kasi—"

"A-ano, didilaan mo? M-manyak!" I exclaimed, he opened his mouth to explain but I
was too shock, dinakma ko ang buong mukha niya ng palad ko at tinulak.

Huli na nang matanto ko ang lahat, napasinghap siya, napaatras sa kama at napatakip
ako ng bibig sa gulat ng nagawa nang marinig ang lagapak niya nang tumambling siya
sa lapag.

"Ay, shet na malagket! Bobo spotted!" with my wide eyes, I glanced at the curtain
at nagitla nang makita ang mukha ni Heart na nakasilip sa kurtina, nanlalaki din
ang mata.

Chapter 21 - Kabanata 19

Kabanata 19

Hindi ko na alam ang gagawin ko, will I go and help Atlas o matutulala lang kay
Heart?

Sa huli, mas nangibabaw sa akin ang daing ni Atlas sa lapag. I immediately stood,
nagmamadaling tumungo sa kanya at naabutang nakaupo siya at hawak ang kanyang
balakang.

"A-are you...I'm sorry!" I exclaimed, mabilis na lumuhod para daluhan siya.

I touched his elbows, natulala siya sa akin, natulala bago napatikhim.

"M-masakit? I'm sorry..." I asked worriedly.

"A-aray..." he groaned and I bit my lip.


Nang humawak ako sa balakang niya ay napatalon siya, nakita ko kung paanong kumalat
ang pula sa kanyang mukha roon.

"D-doc?" I called and he blinked and suddenly frowned again.

"P-parang nanghihina ako, Lia..." he puffed a breath, nang bumagsak ang ulo niya sa
balikat ko ay suminghap ako.

Napalingon ako sa may likod at naabutan si Heart na nakanganga sa aming dalawa.


Awkward man ay tumikhim ako at kinuha ang atensyon niya.

"P-p'wede patulong?" I asked and her eyes widen, napahawak siya sa dibdib at
napatalon.

"S-sure! Sure, why not!" she suddenly cheered, hindi ko alam kung bakit masaya
kahit tumambling ang pinsan sa ginawa ko.

She helped me pulled Atlas up, hindi naman nagpabigat ang huli at tumayo rin pero
mukhang nanghihina talaga at kahit nakatayo na kami ay nakasubsob pa rin sa balikat
ko.

"Here, sit down..." I said softly and he did, si Heart ay nakatayo sa gilid
pagkatapos tumulong pero nakatutula lang, sulyap ng sulyap sa akin at nangingiti.

"Sandali..." I asked, akmang lalayo pero sa gulat ko ay marahang humawak sa siko ko


ang huli at muli akong ibinalik sa pwesto.

"M-medyo ano...nahihilo ako." He whispered and rested his face more on my shoulder.

"Huh?" I asked worriedly, "kukuha sana akong tubig para inumin mo—"

"I volunteer!" Heart suddenly cheered and grinned, raising her hand. "Ako na
kukuha!"

I hesitated for a while but slowly nodded, "alright, maraming salamat..." I said.
She grinned and nodded, sa sobrang saya niya habang papaalis ay medyo napapasayaw
pa siya roon. Napalabi ako at sumulyap kay Atlas na nasa balikat ko pa.

I lifted my hand, nagdadalawang-isip pa no'ng una but later on, I found my hand
slowly stroking his hair. Lumalim ang kanyang paghinga.

"M-masakit pa?" I asked worriedly. "S-sorry...medyo nagulat lang ako."

"I-I'm sorry too," he whispered back. "'Di ko naman alam na mahuhuli mo ako."

My forehead creased, ngumuso at lumayo sa kanya. He groaned but I was too fast ang
isang daliri ko ay ipinantulak ko sa kanyang noo paalis.

"What do you mean by that? Kapag 'di ko nakita, 'di ka magso-sorry?" I asked.

"Huh? Aww!" ngumiwi siya at nanlaki ang mata ko nang matantong ang napindot ng
daliri ko ay ang bukol niya kaya dali-dali ko iyong tinanggal.

"Sorry!" I exclaimed again, ibinaba ang kamay. "Ikaw kasi..."

Ngumuso siya, namumungay pa ang mata nang magkatinginan kami.

"Ay, luh, ang pangit mo na, bobo. Ano ka unicorn?" natigil kaming dalawa nang
biglang dumating si Heart na may dalang bottle ng mineral water. Nanlaki ang mata
ko nang idiniin niya ang malamig na bote sa noo ni Atlas.

"Aray!" he groaned, glaring at the laughing cousin and took the water from her.

I watched Atlas opened the bottle and drink the water, nakatingin pa siya sa akin
nang gawin iyon kaya tumikhim lang ako at bumaling kay Heart.

I caught her eyes and she immediately stood straight, smiling cutely.
"H-hi, Lia..." she said.

Hindi ko alam kaagad ang sasabihin, medyo natulala pa. I missed her, I admit. Siya
ang kasa-kasama ko noon pero nang bumalik sa ala-ala ang nangyari bago akong umalis
sa Cagayan ay kaagad itong naglaho.

"Hello," I said formally and glanced at my hands instead.

"Lia—"

"Oh, there you are!" sabay-sabay kaming napalingon at nakita si Dr. Sean na
dumating kasama si Nurse Lyka, mukhang katatapos lang ng meeting.

Mabilis akong tumayo sa gilid ng kama, I saw the smile from the old doctor and the
frown on the woman's face.

That frown looks so familiar, alam kong may ayaw siyang nakikita kaya ganyan.

"How are you, hijo? Okay na?" he asked, walking towards us.

"Uh, yes, Doc." Ani Atlas at sumulyap sa akin. "Magaling mag-alaga ang bi—doktora
ko."

My heart skipped a beat. Napahagikhik si Heart sa tabi ko pero nang lingunin ko


siya ay ngumuso siya at kumurap lang sa akin.

"Oh, I see..." Dr. Sean chuckled a bit and tapped my shoulder, "nice work, Dra.
Lia."

"Wala po 'yon, salamat." I lowered my head a bit.

Biglang dumaan sa aking harap si Nurse Lyka, napaatras ako roon, lalo nan ang
pumunta siya sa kama kung nasaan si Atlas at inabot ang pisngi nito.

"Atlas, are you okay?" she asked and I saw Atlas smiled firmly and nodded, clearing
his throat.

"Yeah, I'm fine..." he said, slowly taking her hand away from his cheek.

"Luh, pa-paper..." napasulyap ako sa bulong-bulong ni Heart sa tabi ko.

"What?" ani Lyka na mukhang narinig siya.

"Huh? Sabi ko, 'yong mga papers ko..." ani Heart na may kinuhang kung anong papel
sa may gilid ng kama.

I saw Nurse Lyka frowned a bit, natawa na lang si Dr. Sean at bumaling kay Heart.

"Pusong makulit, you take care of your cousin first, I have time now. I could tour
Dra. Lia for now."

"What?" ani Atlas na napaayos ng upo. "Akala ko ba ako, Doc—"

"You're injured, Louis." The man laughed, "and I'll just tour her a bit for now.
Ikaw sa susunod, don't worry."

I saw his forehead creased and licked his lower lip, nodding.

"Alright...just, ako sa ibang floor, ah?" he said.

Humalakhak si Dr. Sean at sumulyap sa akin, nakagat ko naman ang labi ko at nailing
ito.

"Alright, alright...sure." He said and nodded at me, "come on, hija?"


"Sure po," I said, glancing at the three people looking at me. "Excuse me first."
Paalam ko bago tumalikod sa kanila.

Laking pasalamant ko nang makalabas na kami sa clinic, my heart is thumping so hard


I think I'll hyperventilate, laking pasalamat ko lang talaga't niyaya ako ni Doc na
lumabas!

I heaved a relaxed sigh, napasulyap sa akin si Dr. Sean at ngumiti.

"You okay, hija?"

"Yes, Doc." I smiled a bit at him and he nodded, offering me the elevator kaya
pumasok na ako roon.

The hospital is really large than I thought it would be. Halos kompleto sila ng
department, ipinakilala rin sa akin ang mga kapwa ko intern na galing sa mga sikat
na med school. Ilang buwan na sila rito at ako ang pinakabago kaya nag-offer silang
tutulungan ako.

"Thank you," I said.

"No worries," the man laughed offering his hand. "I'm Laurence, by the way."

"Hi, Laurence, Lia..." I smiled and accepted his hand.

"Mababait ang mga 'yan, hija." Ani Dr. Sean na ngumisi pa. "I'm glad na
nagkakakilala na kayo, next time, you'll meet your co-interns na iba, nasa night
shift pa kasi ang iba mamaya."

"I'm excited to meet them po," marahang sabi ko at ngumiti si Dr. Sean at muling
inilahad ang daanan.

I waved at the co-interns I met, kumaway sila sa akin bago ako tumalikod at sumunod
kay Doc.
"If it's your break, you can check out the food stalls right here." Ani Doc at
nadaanan ko na kanina ay 'di ko pa rin maiwasang mamangha sa mga nakitang mga
kainan sa loob.

This really looks a part hotel and mall to me! Sa may reception kanina ya mukhang
nasa isang metikuloso at sikat akong hotel tapos pagdating sa mga stalls ay para
akong nasa mall!

From food stalls, cafes and other shops! Mayroon sila.

When I was young, I never thought I'd experience this. Naisip ko nga noon na sa
Cagayan ako makakapag-aral, tapos magiging Pharmacist dahil naisip na mahirap i-
push ang pagiging doktor dahil wala naman kaming pera pantustos.

Naisip ko noon, kailanman ay hindi marahil ako makakatuntong ng Maynila para sa mga
oportunidad pero ngayon...I don't know, hindi ko pa rin maisip kung paanong
nakarating ako sa parteng ito ng buhay ko.

What I've been through was really hard, my mother was sick, I worked multiple jobs
just to live and eat. Nagsunog ako ng kilay para gumanda ang grado pero nawala ang
Nanay.

It was a long process and a hard journey yet I didn't give up even if I'm in the
verge to. Masakit man isipin ang mga pinagdaanan ko but I think this is God's way
to make me stronger, to keep my fragile heart brave.

"What do you think, Dra.?" Ngiti ni Dr. Sean. "Hindi ko pa napapakita sa'yo ang
ibang department at baka mainis si Louis dahil nakontrata na niyang siya ang magto-
tour sa'yo."

"Po?" I asked, nanlaki ang mata.

Napatikhim siya, biglang umiling at napahawak sa batok. "I mean, si Louis talaga
madalas ang nagto-tour sa intern kaya..."

"Hmm," I smiled and nodded. "Maganda po, nakita ko na ang ospital na ito sa
brochures at pictures pero mas malaki at maganda talaga sa personal."
"I'm glad you liked it, Lia." He smiled in a soft, fatherly way. "What do you
think, is it okay na dito ka mag-intern? I know there's a lot of credible and great
hospitals around kaya we're thrilled you chose this."

"Yes, Doc." I said, "I'm really glad you offered me a spot, it's such an honor."

"Oh, don't mention it." Iling niya, "it's the other way around, actually. We're
glad and honored you accepted our offer."

I smiled and nodded, feeling overwhelmed.

"Did you read the contract?" aniya. "We have breaks and offs, based sa nakita
ko...you have CHD?" he asked and I simply nodded.

"Yes, Doc."

"Oh, that's a really tough heart you have for reaching where you are now, Lia." He
said and tapped my back, "I'm so proud of you."

"Thank you, Doc." I said.

"Health is wealth, you should have enough rest. You are still working in pharmacy?"
I nodded to answer him. "Kada off or palagi?"

"Kapag may oras lang po, Doc. Nakausap ko na rin po ang Senior Pharmacist namin and
it's okay with them since matagal ko na rin nasabi sa kanila ito, I still have to
study for boards too kaya dapat ay may oras."

"That's good," he said, naglakad kami papabalik sana sa elevator nang biglang may
mga staff ang nabigla at biglang nag-bow, which isn't the first now. Kanina pa
ganyan.

They really are respecting seniors, hmm?


"G-good afternoon—"

"Good afternoon," Dr. Sean smiled a bit and nodded.

Bumukas ang elevator, pinauna kami ng mga staff at kaagad akong bumati sa kanila.
They nodded at us, nagtataka ako nang mukhang ayaw na sumabay.

"Uh..." I said but Dr. Sean spoke.

"Why aren't you entering?" he asked the people who all composed themselves. "It's
alright, come on, sumabay na kayo sa amin ni Dra. Argueles."

The doctors hesitated at first but then entered the elevator, nang bumukas ang
floor nila ay muli silang sumulyap at yumukod.

"Excuse us first, Dra., Doc..." they said and I smiled.

"Good day," Dr. Sean smiled too.

Noong nakabalik kami sa pinanggalingan kanina ay nagtungo kami sa kanyang opisina,


I signed the contract at no'ng matapos na kami ay nagkamay pagkatayo.

"Thank you so much, Doc." I said softly.

"No, thank you so much to you, our future doctor." He chuckled a bit. "Kailan ka
lilipat sa unit mo, hija? Do you need assistance para maglipat? We have services
here for our staff."

"Really po?" medyo nanlaki pa ang mata ko at tumango siya.

"Yes, medyo malayo ang address mo rito sa ospital and it will be a hassle if magba-
byahe ka ng matagal so I suggest you take the unit. We reserve one for you." Aniya
at nasisiyahang tumango ako.
"Yes, Doc. Sa totoo lang, naghahanap pa ako ng p'wedeng marentahang sasakyan para
makalipat, kaunti lang naman ang gamit ko."

"That's good, saktong-sakto. Kailan mo balak maglipat, hija?" he asked.

"I've been preparing my things po since last week, baka bukas or makalawa po." I
said and he offered me a calling card.

"That's good, kindly call this number if you'd like to check. Next week pa naman
ang simula ng internship mo kaya mas magandang mag-ayos ka muna at maging
komportable sa unit mo."

"Yes, Doc. Thank you very much." Sabi ko at tinanggap ang calling card.

Gusto sana akong samahan ni Doc hanggang sa may labasan no'ng pauwi na ako pero
nagkaroon siya ng emergency call sa isa sa VIP patients nila kaya umalis siya
kaagad.

Pagkalabas ko sa kanyang opisina ay dumiretso ako sa banyo para mag-ayos. I applied


a thin lipstick and put on some powder at a thin blush on para mawala ang
pagkaputla ko. sinuklay ko rin ang buhok ko at nang makuntento sa itsura ay
napatitig sa salamin.

It's really a long day, Lia, ah?

Who would've thought na I'll meet your old friends...no, I wasn't their friend in
the first place.

"It's okay, mas okay na ako na lang." I told myself and smiled at my reflection.

Lumabas ako ng banyo at inayos ang bag ko, ang ibang staff na nakilala ko ay binati
ko at gano'n din sila sa akin, it's early to say pero masaya akong mababait sila sa
akin kahit bago pa lang ako.
Papunta na sana ako sa elevator para makababa at makauwi nang mapansin kong may
nagdidiskusyunan doon sa may malapit sa walang tao ng nurse station ng palapag.

"Bobo ka kasi, ano, 'di ka ba tumitingin?! Ayan, first meeting pahiya!" I heard
Heart's familiar laugh.

"I was startled! Akala ko sa susunod na araw pa kasi—"

"Sus, palusot sa pagiging palpak sa harap ni crush! Kahit anong araw naman basta
nand'yan, lutang ka!"

"I am not!" I heard Atlas hissed, medyo lumapit ako ng marahan. "I was just shocked
kaya nauntog ako. Para akong nayanig, Puso."

"Ayan, mukha ka ng unicorn, yanig pa more—"

"Luh, akala mo siya 'di nayayanig kapag nand'yan si Jo—"

"Oh, pakyu ka, bobo, walang personalan!" binatukan ni Heart si Atlas na


humahagalpak, 'di ko alam pero sumandal ako sa may gilid habang pinagmamasdan
silang nag-uusap.

"Sus, kunwari, ikaw nga pinepersonal mo ako—"

"Ibang usapan 'yon kasi, wala na akong paki do'n, mabulok pa siya sa Cagayan!"
Heart hissed, nagtaka pa ako anong pinag-uusapan nila pero ngumisi si Heart. "So,
ano, patingin nga no'ng yanig."

Atlas frowned, "ayoko nga..."

"Sige na! Kapag hindi ka—"

"Oo, ganito, oh." Biglang umayos ng tayo si Atlas, tinaas ang kamay at biglang
nagpakitang nangingisay.
Humahagalpak si Heart doon habang nagloloko ang huling nagpapakita pa ng "yanig"
niya. Natatawa ako bigla kaya napailing ako para pigilan ang sarili, umayos ako ng
tayo, nagdesisyong magpakita at tumikhim.

"Hello, thank you for today. Uuna na ako." Marahang sabi ko.

Natigil sa paghagalpak si Heart, si Atlas ay nanlaki ang mata at mabilis na ibinaba


ang kamay.

"H-hindi ako n-nangisay, ah. Panaginip mo lang 'yon!" he said.

Napakurap ako, I even heard Heart muttering the word boplaks.

"Ah, may ginawa ka ba?" maang kong tanong. "I didn't see anything."

"Right?" his eyes brightened and licked his lower lip. "Walang nangyari."

I smiled a bit and nodded.

"Thank you, sige, uuna na ako, Doc, Nurse." I said and smiled before turning my
back at them and walked towards the elevator.

Narinig ko ang bulungan nilang dalawa, hindi ko na nilingon at pumasok na sa


elevator. I was looking at my feet while waiting for the door to close but a hand
stopped it from closing.

Nagulat ako, pinindot ko ang open at mayamaya'y nakapasok na ang naroon.

To my shock, it was Atlas, kita ko ang ngisi niya nang masalubong ang mga mata ko.

"Thanks, Dra." He said and my heart pounded even if I keep on denying it.
Sa huli ay tipid lang akong tumango at nag-iwas ng tingin sa kanya.

We were quiet the whole time, nang bumukas ang elevator at nagkatinginan kaming
dalawa, gusto ko sana siyang paunahin out of respect but he motioned the door.

"Ladies first," he said.

"Thanks," I nodded and went out. Ramdam ko ang kanyang lakad sa likod ko pero dire-
diretso lamang akong naglalakad, 'di siya pinagtutuunan ng pansin.

My heart kept on thumping inside my chest, the familiar feel came rushing back now
that we're so close again.

"Uuwi ka na?" suddenly, I heard him asked.

Ayokong maging bastos kaya bahagya ko siyang sinulyapan at nahuli siyang


nakapamulsa habang sumusunod.

"Yes, Doc." I answered, naglakad sa may gilid ng kalsada para makahanap ng sasakyan
papauwi.

"Uh...anong sasakyan mo?" he suddenly asked kaya natigilan pa ako at nilingon siya.

"Taxi na lang po muna, Doc." I answered professionally. "Hindi pa ako pamilyar sa


lugar."

"I...have a car, I can take you home." I felt the painful pang on my chest that I
immediately shook my head.

"Don't mind it, Doc. It's okay. Kaya ko naman po ang sarili ko." Sagot ko at
nadaanan na ang mga sasakyan.

"Lia!" I gasped when I felt a grip on my arm, sisigaw na sana ako sa gulat pero
nahila lang ako palapit ni Atlas.
My eyes widen when my face got slammed on his chest, kaagad kong naamoy ang pabango
niya at mas humigpit ang hawak niya sa aking baywang.

"Tumingin kasi sa daanan! Gago!" I heard an angry scream, nang paglingon ko ay may
kotse roon na galit na galit ang driver.

"Tumingin ka rin sa pagda-drive! Lagpas ka sa lane, ah!" Atlas' hissed back.

"Ano mo ba 'yang babaeng 'yan?! Sabihan mo ngang h'wag tanga-tanga—"

"Ikaw ang tanga-tanga, gago!" tunog makikipag-away na si Atlas doon, when he moved
away from me at nahuli kong iritado at mukhang mag-aaya na ng suntukan ay mabilis
ko siyang hinila pabalik.

"No..." I said softly. "I'm okay..."

"But he's—"

"H'wag kang makipag-away," I said and he sighed, nakaigting pa rin ang panga.

"Ano, huh? Duwag ka pala, eh! Ano, suntukan?!" hamon pa no'ng driver. I saw how
Atlas' jaw clenched. I can feel his body tensing and he looks pissed.

"Aba gago—" akmang lalayo siya pero muli ko siyang hinatak at pinirmi.

"Atlas..." I called instead of Doc and I saw how he froze when he heard me,
nagkatinginan kami, nakita ko ang nanlalaki niyang mata. "Don't fight."

"A-ayaw mo akong makipag-away?" he suddenly asked, sounding like a puppy. Nawala


ang galit sa mata at lumambot lang ang kanyang ekspresyon.

"No..." I said and glanced at the driver na nakadungaw at mukhang naghahamon na ng


away. "I don't want you fighting with nonsense people."

"Ano't..." nanlaki ang mata noong lalaki sa akin. "Aba't gaga ka, ah!"

"Excuse me, Sir." I said and let go of the stunned Atlas, still looking at me like
a kid and glanced at the driver. "See this lane? This is clearly a pedestrian lane
and you're crossing this line."

"I..." I saw him froze. "O-oo nga pero—"

"Stop justifying what you did wrong and start acting upon what is right." I said,
my forehead creasing.

"Pero—"

"Reflect, Sir." I said timidly. "Hindi 'yong makikipag-away ka sa kalsada." I said


and before he could speak ay hinila ko na ang namamanghang si Atlas habang
nakatingin sa akin.

"Let's go," I said and pulled him na halos pumalakpak na ang tainga sa lapad ng
ngisi.

Ang laking tao ni Montezides pero walang reklamong nagpahatak sa akin, noong
marating namin ang wala ng masyadong sasakyang parte ay doon lang ako bumitaw sa
kanya at tumikhim.

"Thank you for pulling me away, Doc." I said and flashed a smile.

He licked his lip and cleared his throat, humabol siya sa tabi ko nang mawala ako
at marahang hinawakan ang siko ko at nagpalit kami ng pwesto.

I looked at him unknowingly and he motioned the road.


"May iilang sasakyan pa rin kasi," he said and I realized he's putting me in the
safe side of the road.

"Thanks, Doc." I said and nodded.

"Can you call me that again?" he suddenly asked kaya tumingala ako ng bahagya para
hanapin ang mata niya.

"What?"

"Atlas..." nahihiya niyang sabi, medyo namumula pa. "I-I missed it when you call me
by my name."

Parang may humalukay na kung ano sa aking sikmura doon kaya nagbaba ako ng tingin
at bumaling na lang sa harapan.

"You're a doctor in the hospital where I'll work, Doc. I am expected to use
formalities." I said.

"I know..." he puffed a breath. "Kapag ano, kahit...kapag magkasama lang tayo?"

"Hindi naman tayo madalas magkakasama, Doc." I said. "Kaya it's better if I call
you by formality para masanay na rin."

"Hindi mo naman kailangan masanay—"

"I have to, Dr. Montezides. We both know we have a bad past that's why I don't want
to mix it with work, I want to be professional to you, Doc." Sumulyap ako sa kanya
at nakita ang kung ano sa kanyang mata. "Ayokong...maging kagaya noon."

"Lia, about..." hindi na niya natuloy ang sasabihin nang may makita akong taxi, I
immediately raised my hand para tawagin iyon at nang tumigil ito sa harapan ko. I
opened the door and glanced at Atlas who looked at me softly.

"Lia..." he called.
"Thank you for today, Doc. See you again at work." I said and entered the taxi,
closing the door afterwards.

Napahawak ako sa aking dibdib habang nasa byahe at ipinikit ang mata para kumalma.

"Ma'am, kilala niyo po ba 'yong nasa likod? Kanina pa sumusunod, eh." Ani ng driver
ng taxi kaya napabaling nga ako sa likod namin at may isang itim na sasakyan ang
nakasunod.

My forehead creased, binalewala iyon at bumaling sa driver.

"'Di, Kuya, eh." I said. "Baka parehas lang ng ruta."

Weirdly, the car followed our taxi home, medyo nakaka-curious pero 'di naman ako
kinabahan, umalis at lumagpas din kasi no'ng marating na ng taxi ang apartment ko.

Pagod ako sa bahay pagkarating, natulog muna ako at kumain bago inayos ang kaunting
gamit na natitira at napangiti nang makita ang frame na litrato namin ni Nanay.

I smiled and sat on the bed, dinala ko sa dibdib at niyakap ang frame.

"I hope you're proud of me, Nay." I said before taking my small bag to check on the
calling card Dr. Sean gave me.

Natawa pa ako noong una nang makita ang weird na pangalan ng kompanya bago nailing
at di-nial ang number sa aking telepono para tumawag.

Noong unang ring ay walang sumagot kaya sumubok pa ako ng isa at napangiti nang
mayroong boses na narinig.

"Oh, ampota naman, Kuya, sabing mamaya na tumawag at natutulog ako!" halos
mapatalon ako sa antok na reklamo sa kabilang linya.
"O-oh, sorry, Sir!" I suddenly said, nanlalaki ang mata.

"H-huh? Uhm, who's..." tumigil ang boses kabilang linya at parang may nahulog na
kung ano. "Shit!" he cursed, mas nagkagulo na.

"N-nakaistorbo po ba?" I bit my lip. "Sorry, bukas na lang po..."

"No! No!" biglang sabat no'ng lalaki, mukhang nagpa-panic na.

My forehead creased because of the voice pero napailing lang ako roon. "Hello po?
Tatawag na lang ako ulit—"

"No, no...I'm sorry, baby, I'm just..." mas kumunot ang noo ko roon.

"Po?" I asked.

"Shit..." he cursed. "S-sorry, Miss...uhm, who's this?"

"Ah, it's okay. Ako po si Amalia, Dr. Sean gave me the number, I'm a new intern." I
said. "Sabi po niya'y kayo raw po ang p'wedeng tumulong kapag lilipat na ng unit—"

"What?" he cleared his throat then gasped. "Oh, y-yes, I remember. Tama, tama..."
medyo nag-iba ang kanyang boses at sinuklay ko ang buhok ko ng daliri.

"I would like to ask lang po if is it possible na magpatulong ako? I mean, if pasok
po sa schedule or may slot kayo if hindi naman p'wede pong maghanap na lang—"

"Of course, of course, p'wede!" he said, as if panicking.

Napangisi na ako roon at napailing, mukhang antok na antok pa si Kuya kanina at


nagising ko?
"Uh, kailan po ang available na slot?"

"Anytime would be okay, kahit bukas nga p'wede." Ani sa kabilang linya kaya
lumiwanag ang mukha ko ay nakagat ang labi.

"Well, that's great!" I cheered. "I will send you po the address of my apartment
later. How much po kaya?"

"No, it's free..."

"Po?" kumunot ang noo ko. "Talaga?"

"Yeah, para sa'yo—" tumikhim siya. "Para sa employees po, Ma'am, free."

That made me smile, sumandal ako sa head board ng kama at nagsalita.

"Maraming salamat po, Sir...?"

"Uh, At—Alex." He said. "Call me Alex."

"Oh, thanks, Sir Alex." I said. "Pasensya na po sa abala, kung nagising ko kayo."

"No, no, it's alright. Ano, naalimpungatan lang..." narinig ko ang marahang tawa
niya at napapaisip talaga ako sa boses niya.

He sounded so familiar but...I don't know.

"Pasensya na po," I smiled.

"Uh, anyway...did you reached home safe?" he suddenly asked.


"Po?"

Marahas siyang naubo, parang nabibilaukan na.

"Sorry, sorry, m-may ano...pumasok na langaw sa bibig ko." he stopped. "N-no, fuck,
I mean naubo pala."

I chuckled, "okay po, mukhang antok pa kayo, ah?" biro ko.

"I guess so..." he said. "Uh, p-pero 'di ako nakakain ng langaw, ah?"

"Okay po," I smiled and cleared my throat. "Thank you for the time, Sir. Uh, I'll
send you the address and the time you'll pick me up, kaunti lang po ang gamit ko
kaya a car or a van would be good."

"Sure, I'll be there. I'll wait for your text." Aniya.

"Okay po, thanks again, good night."

"Good night too, bibi..." I froze. "—bibi ko, ang bibi ko, kahit wala ka na sa
piling ko, piling ko..." he suddenly sang at nanlaki ang mata ko.

"Sir?" I asked, wide eyes.

"K-kinanta ko lang, n-na..." naubo siya. "Na-LSS lang ako, Ma'am ba!" nag-iba ang
accent niya kaya ngumuso ako.

"Okay, Kuya. You probably should sleep, good night."

"Good night, Ma'am..." aniya sa kabilang linya.

Nang ibaba ko ang phone ay natawa na lang ako at napailing.


People are sometimes...really weird.

Kaya sa sumunod na araw, maaga akong nagising. I fixed myself. Wore a comfy shirt
and pants and fixed my hair in a ponytail.

Nag-text si Kuya Alex na papapunta na siya kaya naghanda na ako. Tatlong maleta
lang ang narito at isang box kung nasaan ang mga libro ko para sa pag-aaral, may
maliit na box din sa utensils ko sa pagkain.

"Oh, aalis ka na, Lia?" ani ng kapitbahay naming si Aling Linda na naging malapit
na rin sa amin.

"Opo, Aling Linda. Nag-offer ng unit ang ospital na mas malapit sa ospital." I
said, "h'wag po kayong mag-alala at bibisita akong madalas kung may oras, ilang
taon din kaming narito ni Nanay."

Saglit pa kaming nagyakap at nag-usap, napahiwalay lang no'ng may-text si Kuya Alex
na nariyan na siya.

Tama ngang paglingon ko ay may nakaparada nang kulay putting L300 sa tapat ng
apartment, mula sa likod ay may lumabas na babaeng naka-cap kaya lumapit ako.

"Hello, Ma'am. Ako po si Lia—" I said but I froze when the lady lifted her head and
smiled.

"Hi, Lia!" she cheered kaya napakurap ako.

"H-Heart?" I gasped, "h-how..."

"Uy, ngayon lang kita ulit nakita!" napalingon ako nang magbukas ang bintana sa
likod ng sasakyan at nanlaki ang mata nang makita kung sino ang nakangisi sa akin.

"T-Ted?!" I exclaimed.
"Hi, Lia—"

"Tagal-tagal naman, pasensya na, Dra., kakatayo ng kasi kanina nitong kompanya
namin kaya mabagal ang mga empleyado ko..." lumingon ako sa likod at umawang ang
labi nang makitang nakasandal sa may unahan si Atlas, suot pa ang shades niya at
nakangisi.

"H-how..." kumurap ako. "Paanong kayo eh—may tinawagan akong susundo bukas."

"Hmm, kami nga..." Atlas removed his sunglasses and winked, inilalahad sa akin ang
gilid ng sasakyan.

Nagtataka, sinundan ko ang kamay niya at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang
nakalagay na logo at pangalan ng kompanya ng tinawagan ko kagabi.

Lipat Bahay Gang

Chapter 22 - Kabanata 20

Kabanata 20

"I...don't actually know what to say." I said while staring at the side of the
vehicle.

Lipat Bahay Gang

Isn't this some kind of syndicate? Anong tawag doon? Akyat Bahay Gang?

"Nah, you don't actually have to say anything, Dra." Napabaling ako kay Atlas na
tumayo sa gilid ko, "we're just here to offer you a moving service."

Napanguso ako at nagtaka.

"Bakit kayo?" I asked, biting my lower lip. "I mean, I called Sir Alex last night—"
"Ah, nagkasakit kasi si Sir Alex," ani Atlas kaya mas kumunot ang noo ko.

"Then, ang mga kasama niya? Bakit—"

"Parehas lang naman, Lia. Bale A, Alex at Atlas. At least parehong A." Ngumisi
siya.

My forehead creased, napatawa na si Heart sa gilid at naglakad sa tabi ko.

"Bobo naman ng dahilan, boplaks." Heart hissed and suddenly smiled brightly when
she saw me looking at her. "Pasensya na, Lia, ah? Ano kasi...may sakit nga si Kuya
Alex kaya kami ang nautusan."

"Bakit kayo?" I asked, nakita kong lumabas na si Ted sa sasakyan at naglakad na rin
papalapit. "Wala ba siyang empleyado or assistant?"

"Uh, kami 'yong assistant..." Atlas smiled, dahil sa shades ay hindi ko alam kung
nagloloko ba ito o ano.

Sumandal ako sa gilid ng sasakyan, pinagmamasdan ang nasa harapan ko.

Atlas is wearing a black shirt and maong pants, nakataas ang sulok ng labi pero 'di
ko makita ang kanyang mata dahil sa shades. Si Heart ay malaki din ang ngiti at may
hawak pang papel at si Ted ay nakatitig sa akin at ngumiti nang mahuli ko siya.

"Hi, Lia." He smiled. "You look so...pretty."

Natawa na ako roon, umiling ako nagsalita.

"Hindi naman. Ngayon lang kita nakita ulit, Ted, ah." Bati ko at ngumiti sa kanya.

Si Ted siguro, kahit papaano'y itinuring akong kaibigan. Before I even got close to
Heart and Atlas, nakakausap ko naman at nagkakasabay na kami noon pa ni Ted sa
byahe.

Siguro nama'y itinuring niya talaga akong kaibigan? I hope so...

"Yeah, I'm working in Cagayan. Bumisita lang ako kasi bakasyon ko ngayon tapos—"

"Lagpas na tayo sa time limit," ani Atlas kaya bigla akong natigilan at napasulyap
ako sa kanya. "Magbuhat na ng box, Ted!"

"Chill," Ted suddenly laughed, lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ted!" Atlas growled.

Nahuli kong kunot na ang kanyang noo at pirmi ang labi. I saw him removed his
sunglasses, halos mapairap na.

"Oo na...oo na, chill..." tawa ni Ted kaya napatawa na rin ako, nang bitawan niya
ang buhok ko at pinisil pa niya ang pisngi ko.

"Putang..." I heard Atlas hissed kaya napaatras ako kay Ted.

Ted burst out laughing, naiiling na ngumisi siya sa akin at bumaling kay Atlas.

"Sorry na, Cap." Ngisi nito at bumaling sa akin. "We'll take care of your boxes
first, okay?"

"Sure," I smiled a bit at him.

Nang lumayo na si Ted sa akin at lumapit kay Atlas ay nahuli ko ang nagtagal na
tingin nito sa akin. I just stared at him, confused why he looks like a kid
throwing tantrums, napakurap ako nang umirap siya bigla.
What...did I do wrong?

Inakbayan siya ni Ted at nagulat ako nang suntukin ni Atlas ang braso no'ng isa,
para silang nag-aaway.

"Gago, h'wag mo 'ko kausapin, 'di tayo close!" Atlas hissed at humahalakhak lang
ang huli.

"Uh, good morning, Lia!" napabaling ako kay Heart at nakitang nasa harapan ko na
siya.

"Uh, good morning din..." tipid kong sabi at ngumiti siya, inilalahad sa akin ang
papel. "Uh, ito 'yong sa ano...company. Pirma ka muna."

I nodded, kinuha ko ang papel at nakita ang nakasulat doon. When I saw my name,
pumirma ako at ibinalik iyon sa kanya at nakangiti niya iyong tinanggap.

Nagkatinginan kaming dalawa at bigla akong nailang, hindi alam kung anong sasabihin
o kung paano siya papakitunguhan kaya tumikhim ako.

"Ah, thank you for coming here to help me move." I said formally. "Sana hindi ako
nakaabala."

"Oh, no! Not at all!" umiling siya. "It's our off kasi, saktong dumalaw si Ted
kagabi kaya sasama na raw sa amin."

I nodded a cleared my throat, watching the boys carry the boxes with my things
inside the vehicle, mukhang nagtatalo pa ang dalawa roon at mukhang si Atlas ang
asar-talo dahil nahuli ko pang balak niyang ihagis ang box kay Ted na tumatawa.

"Uhm..." I saw her pinching her hands, as if nervous kaya ngumiti ako. "Thank you,
Heart."

"Lia, about sa ano..." she started kaya sumulyap ako sa kanya. "Sa nangyari noon,
if it's okay to you? Can I...I mean, if we talk to you?"
I stopped, I can feel the pain in my chest while hearing that. I hesitated at first
pero naalalang sinabi ko sa sariling kung sakaling ganito ang mangyayari ay
papakinggan ko sila.

I looked at her eyes and saw nothing but genuine hope. While looking at her, I
suddenly remembered my friend way back...ang tanging kaibigan ko. One of those
people who treated me like I am worth to be friends with someone.

I feel so sad but everytime na naaalala ko ang nangyari kung bakit sila
nakipaglapit sa akin ay nasasaktan lang ako.

"P-please?" she gave me her puppy eyes, "please, Lia?"

I bit my lip and sighed, nodding. "Okay..."

"Shit, yes!" she cheered at sa sobrang saya niya ay napatalon siya at niyakap ako.
My eyes widen, mahigpit ang yakap niya sa akin at mukhang excited na excited.

"Thank you, Lia!" she cheered.

Napatingin sa amin ang dalawang lalaki at nakita kong napangiti si Ted at napanguso
si Atlas, nangingiti rin.

"W-welcome..." tikhim ko at nag-aalangan man ay inangat ko ang kamay at tinapik ang


kanyang likod. Hindi alam pero medyo gumaan din ang pakiramdam doon.

Nailagay na ng mga lalaki ang kaunting gamit ko sa likod ng sasakyan, nang


mapahiwalay kami ni Heart ay nakita kong nangingilid ang kanyang luha pero malaki
ang ngiti.

I saw her avoided my gaze, palihim na may pinunasan sa gilid ng mata.

"Heart—"
"Okay na, Lia." Ted suddenly said kaya napabaling ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat," I smiled. He nodded, nang bumaling ako kay Atlas ay nakatitig lang siya
sa akin.

I saw how the sun reflected his face, even his silhouette looks good.

My heart pounded at his stare and he licked his lower lip and suddenly smirked.

"Bakit si Heart mayro'n, pahingi din ako—" he spread his arms and closed his eyes
kaya nagtaka ako.

"Tara, Lia, tabi tayo sa loob!" Heart took my wrist and pulled me kaya napasama ako
sa kanya nang makarinig kami ng kalabog.

My eyes widen, napalingon sa likod at halos mapanganga nang maabutan si Atlas na


sumapok sa gilid ng sasakyan kung nasaan ako nakatayo lang kanina.

"Fuck!" Atlas cursed when his face got slammed on the window, nakita ko ang pag-
ngiwi niya ay paghawak sa may noo.

"Oh my God..." I muttered.

"Ay, bobo..." humagalpak si Heart at ganoon din si Ted.

Mabilis akong napahiwalay kay Heart, lumapit ako kay Atlas na nakapikit at hawak
ang kanyang noo at napuno ng pag-aalala ang puso.

"Are you..." I muttered and caught his hand, mabilis kong nakita ang mapula sa may
bukol niya kahapon kaya napasinghap na ako. "Atlas..."

"A-aray ko..." he growled and slowly opened his other eye, nang makita akong
nakatitig sa kanya ay bigla siyang pumikit at ngumiwi.
"M-masakit? Sorry!" I exclaimed, "ano, tinawag kasi ako ni Heart..."

Hindi naman magkamayaw sa hagalpakan ang dalawa sa may gilid namin.

"Hoy, Montezides, alam kong boplaks ka kapag nand'yan si ano...pero h'wag mo namang
gawing hobby!" hagalpak ni Heart at narinig ko pa ang apir nilang dalawa ni Ted.

"Atlas," I called, nang idampi ko ang kamay sa bukol niya ay napangiwi siya lalo.
"Masakit?"

"Y-yeah..." he cleared his throat and sighed. "P-parang nahihilo nga ako."

"Huh?!" my eyes widen.

Awang-awa na kasi kahapon lang ay sumalpok siya tapos ngayon na naman.

Poor Atlas...

"Tara, maupo ka muna sa loob." I offered and took his arm, sumama siya sa akin,
mukhang nanghihina at hawak pa rin ang noo.

Rinig ko pa rin ang mahinang tawanan ni Heart at Ted sa likuran ko, nang lingunin
ko ang dalawa ay biglang umayos sila ng tayo, si Ted ay naubo pa at sumipol sa
hangin.

Natatawa ako na hindi ko alam, nang maipaupo ko na si Atlas sa sasakyan ay


nakadungaw ang dalawa sa may pintuan sa akin.

"Uhm, wala kasi akong compress..." I said when I noticed Atlas' swollen forehead,
bumaling ako sa dalawa roon. "P'wede bang pabili ako ng yelo o kaya malamig na
tubig? Para lang kumipis."

The two nodded, si Ted ay tumango at may sinabi kay Heart kaya mabilis na pumasok
si Heart sa loob ng sasakyan at naupo sa may tapat namin.
"Ayan, Atlas, yakap pa more..." she hissed and Atlas opened his eyes, I caught him
glared at Heart pero nang makita akong nakatingin ay lumambot ang mata at sumandal
sa may gilid, nakatingin sa akin.

"Lia, masakit..." he groaned like a wounded puppy.

I sighed, naiiling na inabot ang pisngi niya para titigan ang kanyang noo.

"Ikaw kasi, hindi pa nga magaling 'yang bukol mo makulit ka na naman..." I said.

"Umalis ka kasi, eh." Nguso pa niya at tumitig sa akin.

"Kasalanan ko pa?" I asked, quite shock. Tumaas ang kilay ko at napasinghap siya at
umiling.

"Hindi po..." he said in a small voice and shook his head.

"Ay, under..." sabay kaming napalingon kay Heart na nakangisi lang sa amin at
umiling. "Ay, h'wag niyo akong isipin. Wala ako rito, invisible."

"Lia, here..." nawala ang atensyon ko sa magpinsan na nagtatagisan ng tingin nang


umakyat si Ted sa sasakyan. He handed me the cold mineral bottle at kinuha ko iyon
bago ngumiti sa kanya.

"Thank you," I said.

"No worries," he chuckled and smiled back pero bigla siyang sinipa ni Atlas kaya
napasulyap ako kay Atlas nan ang nakita ako ay umayos ng upo.

"Bakit mo sinipa si Ted?" I asked seriously and his eyes widen, panicking.

"Huh? Wala naman, hindi ko sinipa—"


"I saw it," I said at nakita kong nagpipigil ng tawa ang dalawa habang si Atlas ay
parang napagkaisahan. "Apologize, bumili na nga siya ng tubig para sa bukol mo."

He hesitated at first but when he saw I'm serious ay napabuntonghininga siya at


bumaling kay Ted.

"Sorry..." bagsak balikat niyang sabi.

"Mukha namang 'di sincere," Heart muttered softly at pinanlakihan siya ng mata ni
Atlas, nang bumaling sa akin ang huli ay tinitigan ko lang siya kaya suminghap siya
at bumaling kay Ted.

"Sorry, Ted." Aniya at nakita ko ang pagpaling ng ulo ni Ted, natatawang tumango
roon.

"Okay lang," Ted smiled and spoke. "Kaya mo bang mag-drive, Cap?"

"Ikaw na, ano...nanghihina pa ako." Ma-dramang sinapo niya ang noo kaya
napabuntonghininga ako at nailing, hindi alam kung maniniwala pa sa sinasabi ni
Atlas o ano.

"Alright," Ted chuckled and nodded, "sige, Lia, magda-drive na ako. I got your
address, don't worry, alam ko na saan ang punta."

I nodded, "thank you, Ted."

"No worries," he said and closed the door.

Kumaway ako sa mga kapit-bahay na naging malapit na rin sa akin, pagkatapos


magpaalam ay mabilis kaming bumyahe.

"Lia," napabaling ako kay Atlas nang magsalita siya, nakasandal pa rin at nakadikit
sa noo ang cold mineral bottle na hawak.
"Hmm?" I asked.

"Can I..." lumunok siya at marahang umusog sa pwesto ko. "Can I rest on your
shoulder?"

My heart almost jumped, nang mapasulyap ako kay Heart ay nakatingin siya sa amin,
nangingiti pero mabilis na nagbaba ng tingin at nagtipa sa phone, bumaling naman
ako kay Atlas na binasa lang ang labi.

"Kung...ayaw mo okay lang, I understand." He suddenly sounded so down and something


tugged inside my chest.

"No, it's okay." I said. "You can...rest here first."

His face brightened, mabilis siyang humawak sa braso ko at ipinalibot ang braso
niya roon bago tumungo at sumandal sa aking balikat.

I lifted my hand a bit, fixing his head on my shoulder and I felt him froze first
but then relaxed.

"Thank you, Lia." He whispered and that's when I nodded and let him rest for a
while.

Nakatulog si Heart sa byahe, miski ako na abala sa pakikipag-usap kay Ted na nagda-
drive ay bigla ring inantok dahil tulog ang dalawang kasama ko sa likod.

Si Heart ay nakasandal sa gilid, may unan sa leeg. Si Atlas naman ay malalim din
ang tulog sa balikat ko, nakapaikot ang braso sa braso ko. Nang mahulog ang ulo
niya ay mabilis kong sinalo ang ulo niya at marahang ibinalik.

"Bale sa ngayon, inaasikaso ko 'yong poultry namin sa Peñablanca, nandito lang ako
kasi may supplier na kikitain, bakasyon na rin."

"Hmm, that's good. Ikaw ang nagmana?" I asked.


"I'm just managing, sina Dad pa rin." He smiled at me and I nodded, tinignan ko
silang tatlo at nagtaka dahil parang may kulang.

"Anyway, Ted?" I asked. "Kulang kayo, ah? Si Josh?"

Nakita kong natahimik siya, nangunot ang noo ko roon at natawa siya bigla, naiiling
na tumingin sa salamin para makita ako.

"Well, he's in Cagayan. You can ask Heart or the two about it, mas maganda kung
siya ang magke-kwento." He said and confused, I nodded. Nagtataka rin.

I yawned a bit, nahuli ata 'yon ni Ted at nakita kong dumungaw siya at natawa.

"You should rest first, Lia." He muttered.

"Pero wala kang kausap," I muttered and he just shrugged and chuckled.

"It's alright, Lia. You should really rest first." He encouraged.

Noong una'y nakikipagkwentuhan pa ako kay Ted pero hindi na kinaya at umayos ng
sandal, I fixed Atlas' head first and rested my head slowly on his head too to
relax.

I feel so calm right now...ipinikit ko ang mata ko at hindi na napansin at basta na


lang nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, naalimpungatan lang ng medyo may
madaanan kaming bako sa daan kaya umuga ang sasakyan.

I opened my eyes a bit, mula sa may pisngi ko ay ramdam na ramdam ko ang init sa
aking gilid at ang haplos sa aking panga. The familiar perfume reached my nose and
I moved a bit, nang tuluyang imulat ang mata ay naabutan si Heart na nakaangat ang
phone at napatalon.
"Lia!" she exclaimed, halos ihagis ang phone niya sa gulat.

Kumunot ang noo ko, iginilid ang mukha at halos mahulog sa inuupuan nang matanto
ang pwesto ko. That's when it slowly sink in, I'm resting on Atlas' chest!

Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nakapatong sa hita at halos mag-palpitate ako
nang makitang magkahawak ang kamay naming dalawa. I saw how his fingers touched my
thumb affectionately and it sent me shivers! Oh my God!

Napabalikwas ako ng bangon, mabilis na sumulyap kay Atlas na napaayos ng upo at


ngumiti.

"Hi, Lia." He even flashed an innocent smile.

"Why am I..." I pointed his chest and gulped. "'Di ba, ikaw ang nagpapahinga..."

"Nagising ako kaagad and you're sleeping too so I assumed na ikaw naman dapat ang
pagpahingahin. You looked uncomfortable too kaya..." napahawak siya sa batok.

"Oh, it's okay." I said. "Pasensya na at nakatulog din."

He nodded, I saw him licked his lip and moved closer to me. Sa gulat ay 'di ako
nakagalaw kaagad, natigilan lang ako sa pwesto ko hanggang sa iniangat niya ang
kamay at marahang inilagay ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

"Let me fix your hair," I stared at him looking so passionate with that, inangat pa
niya ang isang kamay at marahang sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

I heard a sound, mabilis kaming napalingon kay Heart na napaayos ng upo at


tumikhim.

"W-wala akong ginagawa, ah?" hilaw siyang ngumisi roon at bago pa man makapagsalita
ay naunahan na.
"We're here!" napabaling ang atensyon namin kay Ted nang magsalita siya at nakitang
nasa may tapat na kami ng isang malaking building.

"Is it..." napakurap pa ako habang dinudungaw ang entrance, salamin iyon at hindi
pa man ako nakakapasok ay alam ko ng mamahalin at sosyal. "The unit?"

"Yes," napabaling ako kay Atlas nang magsalita siya.

"But this looks like a hotel to me," I told him and glanced at Heart who's
giggling, tumayo pa siya at tumabi sa akin.

"Yes, mukha talaga siyang hotel, Lia. Lalo na kapag pumasok na tayo! OMG, I can't
wait to tour you around!" she exclaimed happily.

Nakita kong nakipag-usap si Ted sa guard na sumalubong, si Atlas ay may tinitipa sa


kanyang phone bago napabaling sa amin.

"Wait here, girls. Kakausapin ko ang manager." He smiled and glanced at me.

"Sige, maraming salamat." I smiled at him and he nodded, hinawakan niya ang tuktok
ng ulo ko bago tumango at mabilis na lumabas sa sasakyan.

Ted drove the vehicle towards the parking at si Atlas naman ay pumasok sa loob ng
building.

"They have gyms too here, Lia!" kwento sa akin ni Heart pagkababa namin sa sasakyan
at ang mga bell boy ay nilalagay sa cart ang mga gamit ko.

"Grabe, mukhang mamahalin talaga dito, Heart." I said, medyo nag-aalangan. "Sure
bang dito talaga ang mga employee?"

"Oo," tawa niya at kinuha sa kamay ko ang isang bag na hawak. "They have pools here
too! Tapos around the area my park where you can exercise and stroll. May malls din
nearby!"
Nakakapit siya sa braso ko habang naglalakad kami patungong elevator, si Ted ay
abala sa pakikipag-usap sa mga bellboy na dumalo sa amin.

"Parang nakakahiya..." bigla kong nasabi at sumulyap kay Heart na nakatitig sa


akin. "I mean, pangmamahalin ang unit? 'Di ko pa nakikita but feeling ko, oo."

"Oh, silly." She chuckled. "H'wag kang mahihiya, isipin mo na lang, kaya binibigyan
ng opportunity na ganito kasi deserve mo, 'tsaka ang kapalit nito'y pagbutihin mo
na lang sa trabaho. Study more for your boards, paniguradong isa sa ospital natin
ang mag-o-offer sa'yo ng trabaho!"

I slowly nodded, realizing what she's saying at tama nga naman...siguro kaya
mayroong ganitong opportunity ay dahil deserve ko.

Pagkarating namin sa tamang floor ay naunang lumabas ang mga bellboy, nilingon kami
ni Ted at ngumiti, I noticed how he matured too, like Atlas, mas tumangkad din siya
at mas gumwapo.

"Dito na tayo," he said, pinapauna kaming dalawa.

"Thank you, Ted." I smiled and followed Heart noong medyo nauna na siya sa akin. I
saw Atlas' talking to a woman, mukhang manager ito at nakita ko ang pagkaway ni
Heart sa babae.

"Oh, Heart, kasama ka rin pala sa sumundo?" the woman smiled.

"Ay, yes po!" she chuckled. "Sinundo namin itong bestfriend ko." She glanced at me
and my heart thumped.

Really? Best friend mo ako? Pero sabi mo noon...

"Here, bibi..." nagitla ako nang may humawak sa baywang ko, nakita ko si Atlas na
biglang napakurap nang magkasalubong ang mata namin. "I mean, Lia." Tumikhim pa
siya at bumaling sa babaeng nakangiti sa akin, pinipirmi ng marahan ang baywang ko.
"Tita Marichu, this is Dra. Amalia Argueles." Ani Atlas sa babae at miski ako ay
nagulat sa tinawag niya sa akin.

"U-uh, 'di pa naman po, intern pa lang..." I smiled a bit at her.

I noticed her staring at me intently, tila kinakabisado ako. She smiled, her eyes
are smiling too.

"Hi, Dra. Amalia." She said softly and offered her hand at nakangiting tinanggap ko
iyon.

"Lia na lang po, Ma'am." I said, "'tsaka mag-e-exam pa lang po ako kaya 'di pa
doktor." Tawa ko.

"Oh, it's alright. Saan pa ang patungo at magiging doktor ka rin, hija?" she smiled
and shook my hand. "And call me Tita Marichu, I feel so old kapag Ma'am."

"Oh, sige po, Tita." Ngiti ko sa kanya.

"This is Tita Marichu, Lia." Ani Atlas na dinungaw pa ako. "She's the wife of the
owner."

"O-oh?!" mas nanlaki ang mata ko at napabaling kay Tita na naiiling lang na
natatawa. "S-sorry po, I didn't know—"

"It's alright," tawa niya roon. "I really don't brag that one, let me tour you
around, tara at pumasok na."

Nang tumalikod siya at nagtungo sa pintuan ay nilingon ko si Atlas na nakangiti sa


akin. Nanliit ang mata ko, siniko ang sikmura niya at nang napadaing siya ay tumawa
si Heart sa gilid.

"Why?" he whined.

"You didn't tell me na asawa siya ng may-ari!" I whispered a bit and he just
chuckled, touched my hair with his other hand and pinched my cheek.

"She didn't like bragging that, anyway." He shrugged, napailing ako, kinuha ko ang
palad niya sa baywang ko at ngumuso.

"And...bakit mo ako hinawakan?" I asked and he blinked and cleared his throat.

"Ah, nahawakan ba?" tumingin siya sa kamay. "'Di ko napansin, Lia, eh." He smiled
at napailing na lang akong sumunod sa babae, natatawa na sa palusot niya.

"'Ba 'yan, ang bobo naman ng palusot." I heard Heart said at nagtawanan sila ni
Ted.

Ma'am...Tita Marichu toured me around the unit at kung mangha na ako sa labas ay
lalo na rito sa loob. May sala set, may kusinang kumpleto sa gamit at kwarto! Hindi
man kalakihan ay sobrang laki na para sa akin! It is fully furnished too that I
think it's too much for free!

It is too modern! May terrace pa sa may kwarto at kitang-kita ang ibaba at kapag
gabi'y paniguradong maganda rito!

"You liked it, hija?" she asked and smiled, nodding.

"Yes, Tita!" I said. "Thank you so much, sobrang nagustuhan ko ito. Feeling ko nga
po ay sobra na dahil free pa."

"Oh, no. Kulang pa nga ito." She said and slowly took my hand. "Basta, enjoy, okay?
H'wag kang mahihiya, you deserve this, isa pa, if you need anything, you can
contact me, okay?"

Nagtataka ako sa kanya pero naisip na mabuti talaga ang kanyang loob kaya ngumiti
ako at tumango.

"Okay po, Tita." I smiled.


"Here," may kinuha siya sa pouch at nag-abot sa akin ng calling card.

Marichu Alegre

"Thank you po," I said softly and she nodded, naalala ko si Nanay sa kanyang ngiti
at parang lumambot ang puso ko.

I hesitated for a while and bit my lip, "uhm, Tita?"

"Yes, hija?"

"Pwede...po bang payakap?" I asked softly and her eyes widen, bigla naman akong
nahiya kaya tumikhim ako. "H'wag na po pala, p-pasensya—"

"Come here," miski ako ay nagulat nang siya na ang lumapit at mabilis na yumakap sa
akin.

I felt the warmth embracing my heart, napapikit ako at dinama ang kanyang yakap. I
can feel the motherly presence to her and felt her tapped my back slowly.

"It's okay, hija." She said softly. "If you need anything, don't hesitate to call
me, hmm?"

"Opo," I said and hugged her more. "Maraming salamat po."

Pagkalabas namin ay abala ang tatlo sa pag-aayos ng mga gamit ko kaya napatawa ako.

"It's okay, kaya ko naman 'yan." I called them pero sabay-sabay lang silang
umiling.

"It's okay, we can do this." Atlas smiled, nakadukwang siya at mukhang may inaayos
sa may saksakan.
"No worries, Lia. Yakang-yaka 'to!" Heart cheered at si Ted ay nag-thumbs-up sa
akin at ngumiti kaya napangiti na ako.

"Sige..." I said, "uh, pagkain na lang? Lutuan ko kayo."

"Oh, that's good!" Heart cheered kaya natatawang tumango ako at bumaling kay Tita
Marichu.

"Kain po muna tayo," aya ko pero umiling siya.

"Ayos lang ako, hija. Enjoy the food with your friends, busog pa ako. I have work
to do, mauuna na ako, ah?" she said.

"Sige po, maraming salamat po talaga." I said and she touched my cheek and
chuckled.

"Walang anuman, Lia." She stared at me and her eyes soften. "You really look
like..."

"Po?"

"Oh, nothing." She smiled again. "Sige na, luto ka muna para mapakain ang mga
kaibigan mo."

Nang umalis siya ay naiwan ako para magluto sa kusina. Narinig ko pa ang pag-uusap
nila ng tatlo sa sala at napangiti ako nang marinig pa ang bilin niya.

"Kids, I'm going, okay? You three take care of Lia for now." She said and the three
said okay in unison which is kinda cute and touching kaya sinarapan ko talaga ang
luto ko.

Well, not really. Hindi pa ako nakapag-grocery kaya instant noodles ang mga nasa
box ko at sabi nila'y ayos lang daw kaya nagluto na lang ako ng pancit canton at
nagtimpla ng ice tea.
Nasaan kaya si Josh? Nasa Cagayan? Kagaya no'ng narinig ko kay Heart dati? I wonder
bakit hindi nila kasama...or baka may trabaho lang talaga.

Habang inaayos ko ang baso ay pumasok si Atlas, medyo magulo pa ang buhok at nang
magtagpo ang mata namin ay ngumiti siya.

"Makikiinom lang sana ng tubig," he said and I nodded, mabilis na kinuha ang
malamig na mineral water sa loob ng ref at iniabot sa kanya.

"Here, okay na kayo ro'n?" I asked while watching him open the lid.

Sumandal siya sa counter, nakita ko kung paano nahubog ang kanyang katawan dahil sa
shirt na suot. He lifted his hand and I saw how his biceps moved. I unconsciously
licked my lower lip when I saw how his adam's apple moved when he started drinking.

"Sarap..." I muttered.

Natigilan ako nang bigla siyang napasulyap sa akin at naibaba ang tubig.

"A-ang pancit canton!" nag-init ang pisngi ko at mabilis na kinagat ang labi,
tinakbo ang plato at pinapatuloy ang paghahalo. "Chilimansi 'to, ano, m-masarap..."

"Lia..." mabilis akong napaangat ng tingin nang makita si Atlas na nakadukwang sa


counter at nakatingin sa akin. I saw how he looked so manly while glancing at me
like that.

Magulo ang buhok niya, mapungay ang mapaglarong itim na mga mata at may kaunting
ngisi sa labi, I saw how his chiseled jaw made him look hotter.

Hot...

"Pinagpapawisan ka, ah?" he noticed, his lips protruded.

"H-huh?" maang tanong ko. "M-mainit kasi." Tikhim ko at bumaling sa mga baso.
"Masarap?" aniya kaya bumaling ako sa kanya at tumango.

"Oo masarap..." ka! "I-I mean, itong pagkain..."

Manyak ka na, Amalia?!

"Ikaw rin," he smiled a bit, I saw his naughty eyes staring at me, kumalabog naman
ang puso ko ng marahas.

"H-huh?"

"I mean...ang pagkain." He chuckled lowly and glanced at the food I'm making.

Nakagat ko naman ang labi ko at hinawi ang buhok ko, I saw him glanced at me and
tilted his head.

"Naiinitan ka?" he asked and I slowly nodded, tumikhim ako at tinuro ang bag ko.

"Oo, p'wede bang pakikuha ng pantali ko sa bag? Ang init k-kasi, ano, magtatali
lang akong buhok." I said and he nodded. Nakita kong nilusot niya sa wrist niya ang
pantali ko at lumapit sa akin.

I saw him walked towards me, inilahad ko naman ang kamay ko pero nagulat ako nang
hawakan niya lang ang balikat ko, marahan akong pinatalikod mula sa kanya at inabot
ang buhok ko.

"A-Atlas?" I called, "ako na—"

"Let me tie you, bibi..." what he said stopped me.

Nakagat ko ang labi nang maramdaman ang daliri niyang marahang sinusuklay ang buhok
ko. I felt him lifted my hair, tying it for a ponytail, halos mangilabot pa ako
nang maramdaman ang hininga niya sa may bandang batok ko.
"There," he said and let me go, nagitla ako nang bahagya niya akong iniharap sa
kanya. Our eyes met, naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko nang bahagya niya
akong isinandal sa counter.

He placed his hand in the both sides of my waist, towering me.

"A-Atlas..." I called and he towered me more, dumukwang siya at tumitig sa akin.

"Hmm?" he hummed, still staring at me.

"What are you doing?" I asked softly and he shook his head, lumalim ang kanyang
paghinga at ibinaba ang ulo para magpantay ang paningin namin.

"Nothing...I just..." he sighed and closed his eyes, nang idinikit niya ang noo sa
akin ay suminghap ako. "I just missed you so much."

My heart tugged, ayaw mang sabihin pero alam ko sa sarili ko na gano'n din ako sa
kanya.

"Don't you miss me too?" he sighed, opening his eyes while staring at me.

Of course, I do. Miss na miss din kita, Montezides.

"I-I don't know..." I whispered back. "Sorry..."

He slowly nodded, nang lumayo siya ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko
at muli kaming nagkatinginan, nabakas ko kaagad ang lungkot sa kanyang mga mata.

"It's okay," he sighed and slowly lifted my chin up. Halos mapaluha na ako nang
tumama ang kanyang halik sa aking noo, tumagal iyon doon at mayamaya'y yumakap ang
isang braso niya sa baywang ko at hindi na ako nakagalaw nang inilagay niya ang
mukha sa aking leeg.
"Basta ako...miss na miss na kita." He whispered. "I want my bibi back."

I sighed, marahang itinulak ko siya palayo sa akin at mas lumungkot ang kanyang
mata roon.

"Lia..."

"A-ayoko na, Atlas." I said and shook my head. "S-sorry..."

He sighed and nodded, nakita ko ang ngiti niya pagkaraan at inayos ang aking buhok,
ang mga naiwang maiksi ay inilagay sa likod ng tainga ko.

"I understand, Lia." He said. "But you see...the old Atlas is still the same."

"Huh?"

"I'm still a persistent man, Lia. I just won't stop." He said, halos mapatalon ako
nang nakawan niya ako ng halik sa aking pisngi kaya hinampas ko ang balikat niya.

"Atlas!" I hissed quietly and he chuckled, mabilis siyang lumayo, masaya pang
naglakad pabalik sa pwesto niya kanina nang makita ko ang pawis sa kanyang likod na
kitang-kita sa shirt niyang suot.

"U-uy..." tawag ko pa, tumikhim para kunwari'y composed.

Nilingon niya ako at ngumiti, "hmm? Bakit, bibi?"

"Anong bibi?" I hissed at him and glanced at my small bag na naroon na man sa may
stool. "Pakibuksan nga 'yong bag ko at pakikuha ang bimpo tapos lumapit ka rito."

He nodded, kinuha niya ang bimpo doon sa bag ko at lumapit sa akin. Inayos ko naman
ang mga baso para lagyan ng juice nang mahulog ni Atlas ang bimpo.
Nakita kong nasa may gilid ng counter niya nahulog kaya nilipat ko ang tingin doon,
"ano 'yan?"

"Ah, nahulog lang." aniya at dumukwang kaya binaling ko ang tingin sa mga baso at
nilagyan ang panghuli nang makarinig ng kalabog, halos matapon ko ang pitsel at
napaayos ng tayo.

"F-fuck..." narinig kong mura.

Napasinghap na ako, mabilis na binaba ang hawak at tinakbo ang pwesto ni Atlas,
halos manlaki ang mata ko nang nakitang hawak niya ang bunbunan, nakasalampak sa
lapag at nakangiwi.

"Atlas!" I called, panicking, mabilis akong lumuhod sa harapan niya at humawak sa


braso niya. "Okay ka lang? Anong nangyari? Bakit ka..."

"Tumama ang ulo ko no'ng pagkatayo," he opened his eyes and met mine, inangat ang
isang kamay at may tinuro at sinundan ko ng tingin iyon at napasinghap.

"Tumama ka rito?" I asked, inabot pa ang kanto ng counter at matigas nga!

"Yeah," he groaned, touching his head. "Patayo na sana ako tapos..."

I sighed, naupo ako sa kanyang tabi at nagkatitigan kaming dalawa.

"Ikaw talaga," I sighed, marahang hinawakan ang kanyang ulo at napangiwi siya roon.
"Masakit?" I asked.

"M-medyo..." he muttered and I sighed.

"Stay there." Tumayo ako, sumilip sa ref at nang makitang may malamig na bote ng
mineral ay lumapit ako sa kanya. Para siyang batang nag-aantay ng aruga, nakanguso
pa sa akin kaya naupo ako sa tabi niya sa lapag at ipinatong ang malamig sa
bunbunan niya.
"Tumingin ka kasi," I said softly. "Observe ang paligid mo, kaya ka nasasaktan."

"I didn't see it," he whined. "Kasalanan 'to ng counter—"

"At nanisi nga!" nang pitikin ko ang noo niya ay napadaing siya at napatalon din
ako. "Oh my God! Sorry!" I exclaimed, naalala ang bukol niya.

"Inaaway mo na ako, Lia. Ganyang ka na ngayon?" reklamo niya at ngumuso, napatawa


naman na ako roon at napabuntonghininga.

"Sorry na," I said softly. "Ikaw kasi, 'di ka rin nag-iingat."

"Nahihiya na nga ako, eh." He sighed at that, nang tinignan ko ang mukha niya ay
namumula na siya. "Minsan kapag bumabalentong ako gilid tapos nakikita mo gusto ko
na lang magpalamon sa lupa."

Sabay kaming nagkatawanan doon, napailing ako at marahang inabot ang bukol niyang
medyo kumipis na rin naman pero mukha pa rin siyang may sungay sa gitna kapag
ganito kalapit at napagmamasdan siya.

"You really are the same Atlas from years ago..." I concluded and I saw his lips
lifted for an arrogant smirk.

"Bakit, bibi?" ngisi niya. "Gwapo pa rin?"

"Hindi," iling ko at pinagmasdan siya.

"Huh? Ano?" he asked curiously, "anong hindi nagbago sa akin?"

"You're still the old Atlas, lutang at palpak pa rin." I said and I saw him covered
his mouth parting dramatically, ako naman ang napangisi roon at napatawa.

Chapter 23 - Kabanata 21
Kabanata 21

My weekend is peaceful, medyo gabi na no'ng nagpaalam ang tatlo sa akin na aalis
kaya buong araw ay naging pre-occupied ako sa paglilinis.

For my first day, balak ko munang mag-taxi, hindi ko pa rin kasi gamay ang lugar
dahil bago pa lang ako. Maybe, magtatanong-tanong ako kung anong public transpo na
p'wede kong masakyan mula rito patungong ospital.

Sabi nila noon ay malapit lang naman daw ang ospital but I have to make sure,
nakakatakot at baka maligaw pa ako.

The cool wind blew my hair, inayos ko ang buhok sa aking balikat at nang maramdaman
ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha ay kaagad akong napangiti.

New day. Thank you, God.

Sighing, I touched my chest and felt the calm beating of my heart and I couldn't be
happier.

"Ano ba 'yan! Ang aga-aga ang baho!" nawala ang atensyon ko sa araw nang may
nagsalita sa aking tabi.

I shifted my gaze, only to see a woman in her...I think late 30s with a cute kid in
a uniform.

The lady is smoking, kumunot ang noo ko roon at pasimpleng nagbaba ng tingin. I
really hate the smell of smoke.

Naalala ko dati kung gaano ako natakot no'ng sinabi sa amin ang mas malaking epekto
ng second hand smoke sa mga kasama mo sa paligid kaysa sa mismong naninigarilyo.

"Hey, ikaw. Walisin mo 'to." Muling nagsalita ang babae kaya bumaling akong muli at
mas lumalim ang gatla sa noo ko nang makitang itinapon niya sa lapag ang upos ng
sigarilyo at tinapakan.
"Sandali po," I saw the street sweeper on the side.

"Ngayon na! Darating na ang taxi!" she demanded, halos sipain pa ang upos sa
matandang babae roon. I noticed the little girl looking at her Mom talk to the old
lady.

I felt bothered at that. Hindi naman ata tamang makita ng bata na gano'n ang trato
ng magulang sa nakakatanda?

The old lady silently swept the cigarette from the ground, tahimik ding umalis at
nakita ko ang babaeng nakatakip pa sa ilong at nangingiwi pang nailing.

"Yuck..." she even shivered.

"Why po, Mommy?" the little girl asked her mother na kaagad siyang nilingon.

"Kita mo 'yon?" turo no'ng babae sa nagwawalis na nasa may kabila na.

"Yes po," the kid answered innocently.

"Mag-aral kang mabuti! Kung hindi magagaya ka sa ganyan! Magwawalis ka na lang sa


gilid!" the lady told her kid and it made me more uncomfortable.

Hindi naman ata tama 'yon?

Tahimik na tumango ang batang babae, nahuli no'ng babae ang tingin ko kaya tinaasan
niya ako ng kilay.

"What are you looking at?" she hissed, umirap at napabaling ang tingin sa gilid
nang may tumawag sa kanya.

"Ay, kumare!" she suddenly giggled and glanced at her kid. "D'yan ka lang Avi,
kakausapin ko lang ang Ninang mo!" aniya at bumaling sa kakarating lang.
The kid silently glanced at her little fingers and I just stared at her, nang
mapabaling siya sa akin ay kaagad akong ngumiti at dumukwang para magpantay kami.

"Hello, baby. Good morning." I smiled softly at her.

"Hi po," she smiled cutely.

"Anong grade ka na? ang pretty mo naman." I told her and she smiled again and
showed me her fingers.

"Grade one po! Ikaw po?" she asked me.

"Uhm, I'm working na...Avi, right?" I said and she nodded cutely at me.

"Yes po, doctor po ikaw?" she asked, pointing my uniform kaya napasulyap ako sa
scrubs kong suot at ngumiti sa kanya.

"Hindi pa, baby, eh. Pero soon baka maging doctor si Ate. You can call me Ate Lia."
I told the little girl who immediately looked amazed, she lifted her hand and
touched my doctor's coat and giggled.

"Wow, Ate Lia. When I grow up, I want to be a doctor din po!" she said sweetly and
I chuckled and nodded.

"Of course, Avi, why not? I know you'll be a great doctor someday, kaya mag-aral
kang mabuti, okay?" I said and she nodded at me.

"Okay po, para po maging doctor at hindi katulad niya?" she pointed the street
sweeper and I sighed.

Sabi na nga, eh.

"No, baby, no." I said and stared at her eyes. "What are they doing is honorable,
there's nothing wrong with what they're doing, baby. Alam mo ba, they are helping
to keep our road clean? Malaki ang help nila because look around, walang trash,
right?"

"Opo..." she nodded and I smiled at her.

"As long as you are doing your job without hurting other people then, there's
nothing wrong with it, okay?" I explained gently.

"Pero po, sabi po ni Mommy ko..." she said at napasulyap ako sa Mommy niya na
nakikipagtawanan sa kumare.

"No, baby. Study well, be a doctor or whatever you want to be in the future so...sa
future, you can help people like them." I smiled at her. "Do well in the future so
you could make a better world for other people, whatever their profession may be,
okay?"

The kid stared at me then slowly smiled and nodded.

"Okay po, Doctor Lia! I will study well po and help them po." She cheered.

I smiled and showed her my hand, "promise?"

"Promise po!" she intertwined her pinky finger to mine and we both smiled.

"Fighting, okay?" I said.

"Fighting po!" she raised her hand for a fighting sign.

"Good girl-"

"Why are you talking to my daughter?!" nawala ang ngiti ko nang may humila sa bata
at nakita kong ang Mommy niya iyon.
I saw the kid looking hurt kaya sumulyap ako sa bata at sa babae.

"Excuse me, Ma'am. Mukhang nasasaktan po 'yong bata-"

"At anong pakialam mo, kilala ba kita?!" sa taas ng boses niya ay napatingin sa
amin ang ibang nag-aantay ng taxi.

"Hindi po," I said softly. "Pero kasi po 'yong anak niyo-"

"At sino ang nagsabi sa'yong p'wede mo siyang kausapin?!" she exclaimed. "Sino ka
ba, huh?!"

"Mommy!" Avi pulled her dress. "Don't shout po."

"Manahimik ka, usapang matanda ito!" she hissed and glanced at me angrily. "At
anong Karapatan mong kausapin ang anak ko?!"

"Sorry po sa pakikialam," I said apologetically. "Sinabi ko lang po kay Avi na she


needs to study well to help-"

"At anong Karapatan mong pakialam kung paano ko kausapin ang anak ko?!" she
exclaimed. "Sino ka, huh? I'm a chairwoman in a company! Ikaw, ano ka para makialam
sa amin?!"

"I'm a pharmacist, Ma'am." I said. "Narinig ko po kasi ang sinabi niyo sa bata at
sa tingin ko po'y hindi iyon tama-"

"Huh? Pharmacist? Tindera ka lang naman!" she hissed, nagulat ako nang maglakad
siya palapit sa akin. Hindi ako kaagad nakagalaw nang itulak niya ang braso ko,
napaatras ako roon at akala'y mawawalan ng balanse nang biglang may tumama sa likod
ko.

"You okay?" nagitla ako nang may magsalita at nang i-angat ko ang mata ay nakita ko
si Atlas na kunot ang noo.
"Y-yeah," I nodded.

He touched my waist, inalalayan akong umayos ng tayo at bumaling sa babae.

"What's the matter, Ma'am?" I saw him stared at the woman who only rolled her eyes.

"Sabihan mo 'yang babae at pakialamera! Pakialam ba niya kung paano ko turuan ang
anak ko!" she exclaimed.

The kid looks like she's about to cry kaya ngumiti ako sa bata.

"It's okay, baby." I said.

"Aba't!" she hissed, itinago ang anak sa likuran. "Don't talk to my daughter! You
wench! Pakialamera!"

"I don't know what happened pero hindi naman po tamang ganyan ang tinatawag niyo
kay Amalia-"

"Atlas..." I called and stopped his arm, kunot ang kanyang noo at mukhang iritado
na. "It's okay..."

"Ma'am, pasensya na po sa pakikialam pero nasasaktan na po ang bata." I said and


the woman stopped, sumulyap siya sa anak at suminghap.

"I'm so sorry, Avi. Pero 'di ba, sinabi ko na sa'yong h'wag kang makikipag-usap sa
mga 'di kilala!" she said.

"Pasensya na, Ma'am, it is me who spoke to the kid-"

"Pakialamera ka kasi, sinabing h'wag mo akong pangunahan sa disiplina sa anak ko!"


she hissed and I sighed and nodded, lowering my head.
"Sorry po..." I said.

"Lia," Atlas said, marahang hinahawakan ang braso ko.

"Umalis ka na!" she hissed and I slowly nodded, sumulyap ako sa bata na malambot na
nakatingin sa akin at ngumiti.

"I'm okay," I mouthed and she nodded softly, lifting her hand.

"Thank you po, I will study po to help other people po. Promise!" I smiled and
nodded at her.

"Bye, Avi." I said and waved a bit.

"Bye po, Dra. Lia!" she said happily.

"Doktora?" the lady stopped, nanlalaking matang nilingon ako pero marahang
hinawakan n ani Atlas ang baywang ko at inakay ako kung saan.

"Saan tayo?" I asked Atlas noong medyo makalayo na kami sa dalawa kanina, he's
quietly walking with me, hawak pa rin ang baywang.

"Kotse," he answered and glanced at me. "Are you okay? I saw the woman pushed you."
marahan siyang bumaling sa akin, nang hawakan niya ang balikat ko ay kumalabog ang
puso ko at nagkatinginan kaming dalawa.

"Masakit?" he asked, marahang hinaplos ang braso ko at halos makagat ko na ang dila
ko habang umiiling.

"No..." I said, sumulyap sa noo niya at inabot ang pwesto kung nasaan ang bukol
niya.

"Ikaw, okay na?" I asked and I saw him nodded, blushing a bit.
"Hmm, magaling na. Pati 'yong ulo ko, nilalagyan ko palagi ng compress para
kumipis. Hindi na ako unicorn, Lia." He said. I nodded, inabot ko ang ulo niya at
tumungo rin siya para mas maayos.

"Bilis, ah?" I said nang matantong okay na siya.

"Gano'n talaga kapag alagang bibi." He said and I froze.

I glared at him, bigla naman siyang ngumisi sa akin at kumindat.

"Ang ganda ng umaga, 'no? Pero mas maganda ang bibi Lia ko..." nang akbayan niya
ako ay napasinghap ako, siniko ko ang sikmura niya pero humalakhak lang siya at
sinabayan ako paglakad.

"Ang kulit mo, Montezides." I said and removed his arms on my shoulder. "H'wag mo
'ko akbayan, late na ako, mag-aabang akong taxi..."

"Sabay ka na sa'kin," aniya at hinabol ako, natatawa pa kaya umiling ako,


kumakalabog ang puso sa kung anong dahilan at ayaw ko no'n kaya umiling ako.

"Ayaw ko nga," I said, "mag-co-commute ako para alam ko kung paanong papunta sa-"

"Alam ko!" he presented. Biglang itinaas pa ang kamay na parang nanunumpa.


"Tuturuan kitang mag-commute."

Tinitigan ko lang siya at inosente siyang ngumiti, "good boy lang ako, bibi,
promise."

The urge of commuting alone is so strong but that smile...I sighed.

"Okay, ngayon lang." I said and he punched his hand in the air.

"Yes!" he said and chuckled, kinuha pa niya ang bag ko at hindi ko na nakuha
pabalik nang ilagay niya iyon sa balikat niya.

"Atlas!" I called pero kumindat lang siya at hinawakan ang pulsuhan ko at hinila
ako kung saan.

Naiiling ako roon pero sumama rin, nang pumara siya ng dumaang jeep ay kaagad niya
akong inalalayan papasok at mabilis na tumabi sa akin, nangingiti pa.

"Punuan doon sa pwesto mo kanina, kung sasakay ka sa jeep papuntang ospital mas
magandang dito ka mag-aantay," aniya at sinabi sa akin ang titignan ko na landmarks
at anong jeep ang sasakyan.

Umikot ang jeep, nakita ko ang mag-ina kanina na naroon pa rin.

I feel so bad for the kid, ayokong lumaki siyang may ganoong mind set kaya hindi ko
napigilang kausapin siya at masaya akong nakuha niya kaagad ang gusto kong sabihin.
What a smart little girl.

Ang paghubog ng character talaga ng isang indibidwal ay nagsisimula sa bahay kaya


for me, it's better if the parents would teach the kids good conduct sa bahay at
bata pa lang. Dapat ay turuan ng tamang asal at knowledge para hindi madala sa
ibang lugar at hindi madala pagkalaki.

Pero nasa tao pa rin naman iyan, nasa mindset mo 'yan. Habang lumalaki, ikaw ang
nagse-set ng standard sa pag-iisip mo. It's up to you if you'll follow the bad part
or the good one. Ang mga magulang o guardian ay nariyan para maging guide, katulong
lang para hulmahin ang pagkatao mo pero nasa iyo ang desisyon.

You make your own character.

Above all, respect to others and character is what matters the most. Kahit anong
taas ng pinag-aralan at edukasyon mo, walang silbi kung mangmamaliit ka lang ng mga
taong sa tingin mo'y mas mababa sa iyo.

Nakita kong kausap na naman ng Mommy ang kumare niya na parang walang nangyari at
si Avi ay nakatayo at nang magtagpo ang mata namin no'ng nasa jeep ako ay ngumiti
ako sa kanya.
She smiled back, waving and I waved too.

"You'll be a good mother," nawala ang atensyon ko sa bintana at napasulyap kay


Atlas na nakatitig.

"Really?" I smiled.

"Hmm, a good mother to our children." He smirked ang my jaw dropped.

"W-what..."

"S'yempre dapat ako ang Daddy kasi bibi mo 'ko-" ngumisi pa siya.

"Montezides!" I hissed, wala ng pakialam kung pinagtitinginan na kami dahil sa


pagpalo ko sa braso niya.

Kung hindi lang ako nahiya ay baka nagrambulan na kami sa jeep, masama ang tingin
ko sa kanya pero tatawa-tawa pa no'ng nasa may tapat na kami ng ospital.

"Lia-"

"Manahimik ka, 'di na ako papauto sa'yo, Atlas." I hissed and he laughed more,
pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nauna ako.

"What? Naakit ka nga sa alindog ko dati tapos-"

"Shh, 'di na tayo bata." I hissed pero tawang-tawa pa rin ang loko.

He's enjoying this, huh?

I shook my head, hinawi ko ang buhok ko at narinig ang kantang tumutugtog sa lobby.
Mula nang tayo'y di na magkita

Kung ikaw ay nagtatampo

Kailangan bang ganito

Bakit hindi natin...

I cleared my throat, natigilan din si Atlas sa tabi ko.

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig

Our eyes met, sabay kaming napaubo at nag-iwas ng tingin. We walked past the
reception area when I saw Heart in the side wearing her scrubs, malaki ang ngisi.

"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..." she sang, hugging her body a bit.

Ngumisi siyang lalo at lumapit sa aming dalawang tahimik at kumanta pa.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig! Sayang naman ang ating nakaraan!" she sang
dramatically and swayed her body emotionally.

"Heart!" halos matigilan ako nang sabay kaming nagsalita ni Atlas na mas nagpangisi
lang sa huli. Pumasok kami sa elevator pero tumutugtog pa rin kaya halos takpan ko
na ang mukha sa pag-iinit ng pisngi.

"Ganda ng kanta, ah! Saktong-sakto! Baka naman may comeback-"

"Gusto ko 'yan pero bakit 'di rin kayo mag-comeback ni Jos-" Atlas said but Heart
suddenly screamed and covered her ear.
"Blah! Blah! Wala akong narinig!" she hissed and Atlas burst out laughing.

"Bakit ayaw mo-"

"Bobo! Walang personalan!" she hissed kaya bumaling ako kay Heart at kuryosong
nagsalita.

"Heart?" I called and she glanced at me and smiled.

"Yes, Lia?" she said brightly.

"Anong...nangyari kay Josh?" I asked and her shoulders fell, napahagalpak ng tawa
si Atlas sa tabi ko at ngumuso si Heart.

"Pati ba naman ikaw?" ngumawa siya at nagulat ako nang sumeryoso siya. "Wala naman,
wala kasing forever!" she said with determination and suddenly smiled.

Napakurap lang ako pero tumawa siya na parang ewan at nang bumukas ang elevator ay
kumaway.

"Bye, fella! Kitakits na lang!" nilagay niya ang kamay sa bulsa ng scrubs at
masayang lumabas.

Napasulyap ako kay Atlas at ngumiti siya at nagkibit-balikat sa akin, pinindot ang
elevator para sa floor namin bago lumapit at ginulo ang buhok ko.

"What happened? If...ayaw mo sabihin, I understand." I asked softly and he chuckled


and pinched my cheek pero hinawi ko iyon.

"It's better if you'll ask her," he said and placed a few strands of my hair behind
my ear.

Nang makarating kami sa station ng interns ay ipinatong ni Atlas ang bag ko sa


counter.
"G-good morning, Doc!" bati ng mga co-interns ko sa kanya at ngumiti siya bago
tumango sa kanila.

"Good morning," he said formally and then glanced at me.

"Later, Dra. Lia." He smirked and I blinked.

"Huh?" I asked and he just chuckled, pinched my cheek and turned his back at us.

"Hala, Dra., close kayo ni Doc?" biglang baling sa akin ng isang intern kaya
napakurap ako at bumaling sa kanila.

"Uh...hindi naman." I said and smiled genuinely, "hello, bago lang ako, I'm Amalia
Argueles, you can call me Lia. I hope we'll get along."

"Hello, Lia!" anang isang babaeng medyo singkit at inilahat ang kamay sa akin. "I'm
Trish!" she said and accepted my hand.

I had fun with my co-interns, mababait sila pero 'di kagaya ko ay medyo matagal na
sila rito nag-iintern, totoo ngang madalang silang kumuha ng intern.

Laurence told me what to do, kadalasan ay sa documentation lang kami at assist lang
sa mga resident doctors. Mostly regulation lang kami ng files, minsa'y sasama kami
sa mga case para ma-train.

My first day isn't that heavy, abala rin ang ospital dahil sa mga pasyente at no'ng
lunch ay may lumapit sa akin na babae at may hawak na maliit na paper bag.

"Uhm, Dra. Lia po?" I smiled and stood.

"Yes po?" I said and he lifted the paper bag and gave it to me.

"Uh, lunch po, pinapadala." Aniya kaya nanlaki ang mata ko.
"Po? Hindi po ako nagpadala." I asked and she smiled. "Opo, Dra., padala lang po
para sa'yo."

"Oh?" nanlaki ang mata ko pero napatango. "O-okay po, maraming salamat."

"Sige po at mauuna na ako," aniya at nang umalis siya ay napabaling ako sa paper
bag.

"Ano 'yan?" tawa nila Trish sa akin kaya naiiling ako at natatawa ring naupo bago
tignan ang loob.

"'Di ko alam, eh." I said.

"Wow, bago pa lang may admirer na!" they teased kaya natawa ako at napailing. Sa
maliit na container ay may sticky note kaya kinuha ko iyon.

Eat well, baby. Masarap 'yan pero mas masarap pa rin ang Pancit Canton Chilimansi
(Atlas flavor.)

-Bibi mo *wink wink*

What? Napabuga ako ng hangin at biglang natawa.

"Ano 'yan?" ani Laurence kaya natawa ako at itinago ang note. "Wala, tara, kain?"
anyaya ko at nagkatuwaan kami dahil nag-aya na silang kumain sa cafeteria.

My first day is great, siguro ay dahil bago pa lang ako kaya magaan pa pero na-
enjoy ko siya so far.

Alas-singko pa lang ay out ko na, si Heart ay dumalaw sa akin at gusto sanang


sumabay kaso ay may gagawin pa siya sa nursing station kaya pinauna na ako.
She instructed me how the way if I'll walk towards the unit where I'm staying.

"Ingat, Lia, okay?" she smiled at me. "Samahan sana kita para 'di ka maligaw
kaso..." ngumuso siya.

"Okay lang," I said softly and smiled at her. "Thank you so much, Heart."

"Welcome, no worries!" she said and offered her hand. "Oh, pahiram phone, let me
put my number para if you're lost, baka gusto mong tawagan ako."

"Ah, 'di na kailangan, I can manage."

"Nah," she offered her hand again kaya kinuha ko na ang phone ko at inabot sa
kanya. She input her number and gave it back to me. "There, ingat, Lia!"

"Okay, thank you so much." I said and she nodded, hinatid pa ako sa elevator bago
kumaway kaya gano'n din ang ginawa ko.

When the elevator door closed, naramdaman kong medyo nalulungkot ako kaya suminghap
ako. I really miss her kaso...

Bumaba ang tingin ko sa phone at napangiti nang makita ang pangalan na sinave niya
sa number niya.

Heart ♥ (forever bff)

I missed her too...

I sighed, inayos ko ang buhok ko at lumabas ng ospital. Inalala ko ang direksyon na


sinabi ni Heart at lumabas na ako nang batiin ako ng guard.

"Hello, Dra., uwi na kayo?" he asked and I smiled.


"Yes po," I answered and waved. "Una na po ako, Sir. Have a good day po!"

"Good day din po, ingat!" sumaludo siya at tumango ako bago naglakad.

No'ng narating ko ang may park na sinasabi nila ay napangiti na ako. Kahit hapon na
ay may nag-su-zumba pa sa gilid, may mga pet owners ding nilalakad ang kanilang mga
alagang aso. Sa swing ay may mga batang tuwang-tuwa kaya napangiti ako at dinama
ang hangin na tumatama sa akin.

"Lia! Bibi ko!" my smile fell when I felt arms on my shoulder.

Mabilis akong lumingon at kumunot ang noon ang makita si Atlas, magulo pa ang buhok
at hinahapong ngumisi sa akin.

"Anong..." kumunot ang noo ko.

"I followed you," he chuckled. "Busy pa si Puso kaya 'di nakasabay, 'di mo ako
inantay." Nguso niya.

"Huh?" tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at pinagmasdan siya.

"Sabi ko, 'di ba, later?" aniya at nang naalala ko ay tumango ako, hinarap siya at
kinuha ang panyo sa bag ko.

"Oo, pero wala kang sinabing sabay tayo? 'Tsaka...bakit tayo magsasabay?" I asked,
nang may bisikletang paparating ay hinila ko siya palapit kaya nagtama ang katawan
namin.

His eyes widen kaya tumikhim ako at lumayo, kumakalabog na naman ang puso. I lifted
the hanky I'm holding and pulled his hand, napatungo siya at parang tumalon na
naman ang puso ko nang magsalubong ang mata namin.

"Hi, Miss, ganda mo naman." He smiled and I froze.

"B-baliw..." I said and cleared my throat, ngumiwi siya nang pitikin ko ang ilong
niya. "I-I'll just wipe your sweat, tumakbo ka?"

"Opo, bibi..." he smiled adorably.

Akala mo cute...

"Ang kulit mo," pilit akong umiwas sa mata niya at pinagtuunan ng pansin ang
pagpupunas sa kanyang noo at pisngi ng pawis.

"Hey, Lia..." sumulyap ako sa kanya at nakangiti na naman ang loko.

"O-oh?" I asked.

"You liked the lunch?" marahan ko siyang tinulak at tumikhim.

"Oo, salamat..." I said and walked, mabilis naman siyang sumunod sa akin, tumatakbo
pa. "Pero sa susunod h'wag mo na akong bilhan, ah? Kaya ko namang bumili."

"Hmm," he hummed. "Alright, pero p'wede minsan?"

"Huh?" I glanced at him. "Bakit minsan? H'wag na, nakakaabala lang ako-"

"Nah, my Lia would never be a bother to me." I froze, nagwala na naman ang puso ko.
I felt like I'm becoming the old and young Amalia again.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" I asked and sighed, nakasunod pa rin siya sa akin,
mabilis na pinagpalit ang pwesto namin nang makatabi siya sa akin para 'di ako
mahagip no'ng mga bisikleta.

"Why not?" he asked, "I want to please you, what's wrong with it?"

I sighed, ang papalubog na araw ay kita ko na.


"Hindi na tayo bata, Atlas." I said softly and he nodded.

"I know," he said. "We are not kids anymore."

"Then why are you still acting like this?" I asked and sighed, humawak naman siya
sa braso ko kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Acting like what, Lia?" he asked, seriously looking at me.

I can see the visible five o'clock shadow on his chin and I bit my lower lip
because he looked so hot. Honestly.

"A-acting like..." I sighed. "Acting like you still like me."

"I do," aniya habang nakatitig sa akin kaya natulala ako sa kanya. "I still like
you...no, I love you, Amalia Argueles."

I felt like hyperventilating, tumungo ako at suminghap. "H-h'wag ka ngang magbiro."

"I am not joking," he sighed, his hand slowly touched my fingers. "Hey, baby, look
at me."

Hindi ako gumalaw, I felt his other hand went on my chin, tilting my face up so he
could see my face. Napalunok naman ako ng makita ang seryoso niyang mata habang
nakatitig sa akin.

"I am not joking, Lia." He said. "I'm...telling you the truth. Gusto pa rin kita,
mahal pa rin kita. It never faded."

I watched how the sun sets behind him, mas nakita ko ang kanyang anino at napalunok
ako roon.

"I'm not forcing you to believe me but let me have my chance," he said and touched
my wrist with his thumb. "Let me explain, let us explain."

Muling sumagi sa aking utak ang nangyari noon kaya 'di ako nakasagot doon, humugot
ako ng hininga at marahang tumingin sa kanya.

"I will listen," I said. "But let me think first. H-hindi rin kasi naging madali sa
akin..."

"I understand, Lia." He sighed and touched my wrist more, namungay ang mata ko nang
i-angat niya ang pulsuhan ko at halikan. "Take your time, isang dekada na nga akong
nag-aantay sa'yo, ngayon pa ba ako mapapagod?"

Nangilid ang luha ko kaya suminghap ako.

"Atlas..."

"It's okay, bibi." He suddenly chuckled and lifted my chin, napapikit ako nang
hagkan niya ang noo ko. "Kagaya pa rin ng dati, kung ikaw ang hihintayin, why not?
You are always worth it."

I sighed when I felt him hugged me, hindi ako nakagalaw doon. Hindi ko nga alam
kung gaano iyon katagal kung hindi lang may umabot sa bag ko at lumayo sa akin si
Atlas.

"Kaya ko naman..." I said when I saw him putting my bag on his shoulder.

Nakasuot pa ng kulay itim na dress shirt at slacks ang loko pero may bag na pink sa
balikat.

"Nah, bagay sa akin, 'di ba?" aniya kaya natawa ako at nailing. Nang maglakad siya
ay inilagay niya ang kamay ko sa braso niya kaya sabay kaming naglakad.

"Kaya ko naman, honestly." I told him and he shrugged, chuckling.

"Nah, kailangan ko magpakitang-gilas, lalo na't in-avail mo ang Atlas version 3.0."
aniya kaya nanlaki ang mata ko at binalingan siya.

"Huh?" I asked. Bigla siyang ngumisi.

"Sabi ko in-avail mo na ang Atlas Montezides version 3.0." aniya kaya natawa na ako
roon at nailing.

"Really? Aba't kailan ko in-avail 'yan?" I asked, lumayo ako sa kanya pero
nangingising hinuli ang kamay ko at ibinalik sa braso niya.

"Naalala mo 'yong bukol ko?" he asked kaya tumango ako.

"'Yong sa noo? Anong mayro'n do'n?" takang tanong ko pero mas tumawa siya.

"No'ng pinindot mo 'yong bukol ko sa noo, na-activate mo 'yong free trial." Nang
umayos ako ng tayo at samaan siya ng tingin ay tuwang-tuwa siya sa kalokohan,
namumula pa ang mukha kaya napailing ako.

"Ano 'yon, ang version 3.0 mo, kapag free trial may auto-bangag?" I asked and that
stopped him from laughing. Nang ngumuso siya ay natawa na ako.

"Bugs kasi, Lia." Paliwanag niya. "Hindi talaga maiiwasang nag-la-lag minsan ang
version 3.0. Pasensya na, next time, mas maganda ang update."

Nailing ako, nakangiting humawak naman siya sa baywang ko at nang makitang nasa may
swing kami ay marahang inalalayan niya ako roon.

"Anong gagawin natin dito?" I asked at dumukwang siya sa harapan ko. Nang magtagpo
ang mata namin ay inangat niya ang kamay at hinawi ang buhok ko.

I silently watched him fix my hair and when he's done, ngumiti siya ulit.

"May ice cream doon, anong flavor gusto mo?" aniya at napaisip ako bago sumagot.
"I want mix, Atlas. Kapag mayroon gusto ko mas maraming strawberry." I smiled.

"Alright," he chuckled. "Wait here, papakitang gilas muna ang version 3.1."

"Ay, bago na?" natawa ako.

"Oo, kaka-update lang. Na-fix kaagad ang bugs." Napapikit na lang ako sa kalokohan
niya kaya tatawa-tawang tumayo siya at kumaway sa akin.

I watched him ran towards the vendor,

"Ay, shit!" he gasped, natigilan pa sa isang aso na akmang sasakmalin siya pero
nakaiwas kaya lumingon siya sa akin.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi ako nakitang nakatingin at nang binalik
ko ang tingin sa kanya ay humawak siya sa dibdib, as if na-relieve kaya natawa na
ako.

"Bati tayo, okay?" aniya sa aso na masama ang tingin sa kanya. Marahang naglakad
siya sa vendor kaya bumaling ako sa phone ko at nakita ang message ni Heart.

From: Heart ♥ (forever bff)

Hi, Lia! Got your number from Kuya Alex (Doon sa Lipat Bahay Gang) hehe! Sinundan
ka ata ni bobo, nagkita kayo? Nakauwi ka na?

To: Heart ♥ (forever bff)

Yeah, okay na. Nagkita kami, thanks, Heart. Ingat sa pag-uwi :)

I scrolled and replied to my unread messages while waiting for him when I heard
something.
"Fuck! Lia! Help me!" halos mapatalon ako sa swing nang may sumigaw at nang i-angat
ko ang tingin ay nanlaki ang mata ko nang makitang tumatakbo si Atlas, hawak ang
dalawang cone ng ice cream, sa likod niya ay ang aso na hinahabol at tinatahulan
siya.

Chapter 24 - Kabanata 22

Kabanata 22

Is it possible to love for a long time? Ang pag-ibig ba talaga'y nanatili kahit
walang kasiguraduhan? Lahat naman ay may hangganan, ito ba ay wala?

It's been what? A decade o higit pa? It's been a long time but why is he saying
that he still loves me like before? That he waited for me? Totoo ba 'yon?

Halos masapo ko ang mukha ko sa lakas ng sigaw ni Montezides no'ng hinabol siya ng
aso, nahulog pa niya ang ice cream na hawak at umakyat sa bench at doon silang
dalawa naghabulan.

"Oh my God..." I gasped in frustration, afraid the dog might bite him or something.

"Bruno!" a lady in jogging pants and shirt came running towards us, nagkatinginan
kami at nagsalita ako.

"Is that your dog?" I asked, pointing the dog, parang mahihimatay na si Atlas doon
paikot-ikot at nagitla ang babae at napasigaw.

"Oh my God! Bruno, my baby!" she exclaimed, nagtatakbo sa kinaroonan ng aso na


tahol ng tahol.

"Bruno!" she called and the dog stopped, nakita ko ang pagngiwi ni Atlas nang
tumama ang braso niya sa may bench at mabilis akong lumapit.

The lady took the dog na biglang naging parang isang maamong tuta, napasalampak
naman si Atlas sa lapag, hinihingal.
I immediately walked towards him, nakita kong nilalagyan ng leash ng babae ang aso
niya at nang medyo dumukwang ako kay Atlas ay nagkatinginan kaming dalawa.

He's sweating, habol niya ang kanyang hininga ay suminghap ako at napailing.

"What happened?" I asked.

"H-hindi..." he puffed a breath. "Hindi ako hinabol ng aso, bibi, imagination mo


lang 'yon."

"Whatever, Atlas. I saw it." Ngumuso siya. That made me laugh, napapailing na ako
sa kanya at napailing din siya sa akin at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang
daliri.

"I'm sorry! He got out of my sight! Mabait naman ito at nakikipaglaro lang." The
lady suddenly said, biglang lumapit sa amin.

I helped Atlas up, humawak siya sa aking kamay at tumayo.

"Pinapalaro ko lang naman kasama 'yong ibang aso kaso biglang nawala..." ani ng
babae at nang tignan ko ang aso ay nakalabas na ang dila at gumagalaw ang buntot
kaya natawa na ako roon.

"Hindi naman 'yan nangangagat, ano?" I asked and she nodded, smiling.

"He's pretty playful but he won't bite," ani ng babae at doon na ako nakahugot ng
hininga.

Bumaling ako kay Atlas at nakita kong kakaangat lang ng tingin, "hindi naman pala
manganggat." I told him but I saw how his eyes widen when he saw the woman.

"Inez?" he called.

Nangunot ang noo ko at napasulyap sa babae na nanlaki rin ang mata at napatawa.
"Atlas!" she called at nagtaka ako nang magtawanan silang dalawa.

"That's your dog?" he asked and the beautiful lady nodded, napansin kong may pagka-
sopistikada ang itsura nito.

"Yes! This is Bruno! Oh my God! Hindi ko alam na narito ka sa Manila!" she


chuckled.

"Well, yeah. I am working at St. Lukes." Ani Atlas.

"Ikaw, akala ko nasa Peñablanca kayo?" ani ni Atlas, mukhang magkakilala talaga
sila.

"Yes," the lady chuckled. "I have some stuff to do here. I just walked Bruno out
today kasi palaging nasa bahay, pasensya na at hinabol ka."

Atlas laughed, nakita kong namumula.

"Ah, 'di kaya ako hinabol..." sumulyap pa ang loko sa akin. "nakikipaglaro lang ako
sa aso, right, Lia?"

I chuckled, napapailing na.

"'Di ba? Bakit mo ako tinatawanan?" nakagat ko ang labi ko tumango na lang,
sumulyap sa babaeng naaaliw na nakatingin sa akin.

"Oo, nakikipaglaro lang siya. Sumisigaw 'yan ng ganyan kapag nakikipaglaro." I told
the girl who only laughed at what I said.

"Lia!" Atlas whined kaya nilingon ko siya.

"What?" I asked softly, smiling.


Napailing na lang ang huli at nagulat ako nang hawakan niya ang baywang ko at
marahang hinila ako palapit sa kanya.

"Anyway, Inez. This is Lia, bibi ko." he suddenly said.

My eyes widen and my heart pounded, pasimple kong siniko si Atlas kaya napadaing
siya pero ngumisi rin.

"I mean...soon-to-be-bibi." He corrected at napailing ako, hindi na siya pinatulan


at natawa.

"Lia, this is Inez." Pakilala niya sa babae na nakangiting naglahad sa akin ng


kamay at nagpakilala rin.

After the introductions, the lady bid her goodbye, humihingi pa ng pasensya sa amin
tungkol sa aso kaya matapos ay muli kaming naupo ni Atlas sa swing at nakanguso ang
huli.

"Nahulog ang ice cream, bi." Aniya at kinuha ko ang panyo ko at muling pinunasan
ang pawisan niyang noo at leeg, inangat niya ang leeg niya para magawa ko iyon.

"It's okay, h'wag mo na isipin, ang mahalaga ay 'di ka nakagat ng aso." I told him
and he nodded, I saw him hiding a smile and when I caught him, nagseryoso siya
bigla at ngumuso.

"Hayaan mo, i-upgrade ko ulit ng version, Lia. Simula ngayong oras na 'to, version
3.2." Sabi niya kaya natawa na ako.

"Akala ko ba 3.1 na? Bakit may bago ulit?" I asked, inangat ko ang tingin sa kanya
at inabot ang kanyang buhok para suklayin ng daliri ko.

"Nag-glitch, Lia. Pangit ang update, mabagal siguro ang net." He explained kaya
napatawa akong lalo, nakita ko ang paglambot at pagsayaw ng tuwa sa kanyang mata
kaya kinagat ko muli ang labi at bumaling sa ibaba pero nahuli ng mata ko ang kamay
niya.
"What happened?" I asked worriedly when I saw a scratch near his palm, medyo mahaba
iyon at namumula, there is a part na may dugo at medyo malaki.

"Ah," he sighed, "sumabit lang sa may bench pag-ikot ko."

I sighed, tinitigan ko iyon at napailing. "Masakit?"

"Hindi—I mean, oo." Ngumuso siya, tila nagpapalambing. "Sobrang sakit, Lia, parang
mamatay ako..."

"Baliw," I muttered and he suddenly chuckled, hinawi niya ang buhok ko at inilagay
sa likod ng aking tainga.

"Totoo nga, Lia, parang nanghihina ako—" I flicked his lips and he frowned. "Lia!"
inarte pa niya at nailing ako at ibinaba ang kanyang braso.

I looked around and when I saw a pharmacy across the street ay bumaling ako sa
kanya, "stay here, bibili lang ako sa pharmacy."

"Huh?" his forehead creased, "para saan?"

"Sa sugat mo," I said.

"Ako na lang, you stay here."

"No," I insisted. "You stay there, ako na." I told him and stood, wala na siyang
nagawa nang pumunta na akong mag-isa sa Pharmacy.

Mabilis naman akong nakabalik, nabutan ko siyang nakahawak sa kadena sa gilid ng


swing, marahang pinapaandar ito na parang bata, nakasayad pa ang paa sa lupa at
minsa'y inaangat kaya napangiti na ako.

"Hey," I called at saktong nag-s-swing pa kaya ang cute niyang tignan.


"Bilis, ah?" he smiled, ibinaba ang paa sa swing kaya tumigil.

Mabilis naman akong naupo sa kanyang tabi at binuksan ang mga binili ko sa
Pharmacy, I saw him silently watching me, a smile plastered on his lips. Ang poste
lang sa parke ang nagbibigay ilaw sa aming dalawa.

Natapos na ang mga nagsu-zumba at iilan na lang ang nanatili sa may damuhan kaya
kami lang ang sa may swing.

"Sa susunod ay mag-iingat ka, hmm?" I told him and when I heard no response ay nag-
angat ako ng tingin at nahuli siyang nakatulala lang sa akin. "Atlas?"

"Huh?" he suddenly blinked.

"Okay ka lang?" I asked and he chuckled and nodded, muling ngumuso at bumaling sa
ginagawa ko sa scratch niya.

"Yeah, anong sabi mo ulit?" he asked.

"Sabi ko, mag-iingat ka." I told him. "Be mindful of your surroundings, I mean,
maging attentive ka. Tignan mo ang paligid para 'di ka nadudulas o nauuntog kung
saan. You know bumping your head often can cause certain conditions, right?"

"Hmm, sorry na, bibi." His lips protruded. "Mag-iingat na ako, I'm just...I'm
attentive naman palagi."

"Oh, nangyari?" I asked.

"Ikaw kasi..." he said and my eyes widen, napahawak ako sa dibdib.

"Bakit kasalanan ko?" I asked and he pouted more, naiiling sa sarili.

"Wala lang, nalu-lutang ako kapag nand'yan ka." He said at umawang ang labi ko.
"You know, parang nawawala ako sa sarili at focus."

"You mean, distraction?" I asked curiously pero mabilis siyang umiling sa akin.

"No, no..." he shook his head. "Not that way, I mean, my focus is just on you kaya
nawawala ako sa sarili. Promise, ano, babawasan ko na pagkalampa ko kapag nand'yan
ka. Sa next update, mas maganda."

"Ewan ko sa'yo, mauubos na ata ang update niyan wala namang naiba?" I asked.

"Mayro'n 'yan sa susunod, 'tsaka sa update na 'to napatunayan na sa sobrang gwapo


ko kahit aso humahabol na..." kumindat siya.

I laughed and shook my head, kinuha ang band aid para takpan ang scratch niya sa
parteng may kalakihan.

"Ano 'yong 3.1?"

"Uh, beta version. Trial ba." He said at nang nagkatinginan kami ay sabay na
natawa, namula siyang bahaya at umiling. "Medyo under maintenance kasi kanina, may
free dog trigger. Free rabies."

Kung malakas ang tawa ko kanina ay napahagalpak na ako ngayon, nag-init ang pisngi
ko at napahawak sa tiyan ko. Kung 'di ko pa napansing 'di na tumatawa si Atlas at
nakatitig na lang sa akin ay 'di pa ako matatahimik.

Napatikhim ako at pinigilan ang tawa.

"Sorry..." I said and he chuckled.

"It's great, that laugh made my day." He said and I froze, muli kaming
nagkatitigan.

"B-baka ano...sa susunod lasog-lasog ka na, mag-ingat ka nga." Sabi ko habang


nakatitig sa kanya.
"Nah, I don't care kung malasog-lasog ako..." aniya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?" I asked and he stared more at me.

"Because you complete me..." I was stunned and saw his

I saw how his black eyes stared at me, I saw how his eyes resembled that of the
sky...dark but beautiful.

While staring at him, I can feel the familiar thump inside my chest, that thump
that I know can swept me off my feet. Ang kanyang tingin na muling nagpapahulog sa
akin. Like the young Lia, that eyes can still make me fall head over heels with
him.

His eyes can still make my heart flutter, I am still willing to get lost in it
and...I hate it.

He moved his face, I saw his eyes darted on my lips and I unconsciously licked
mine. Mula sa kanyang mata ay bumaba rin ang tingin ko sa kanyang labi, mahigpit na
ang hawak sa hawakan ng swing.

Mas bumaba at lumapit ang kanyang mukha at para na akong naghahabol na naman ng
hininga. Our nose touched and I felt his breath touching my parted lips.

Naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko at mas nagwala ang puso ko, I found
myself closing my eyes and his forehead touched mine. I am anticipating his kisses
when we both jumped after hearing a sound.

"Shit!" narinig ko ang lagapak.

Nanlaki ang mata ko, napasulyap sa smart watch ko na nag-iingay at kay Atlas na
nahulog sa swing at nakasalampak sa lupa.

It was a mess, hindi namin alam kung anong uunahin, ang puso kong mabilis na naman
ang tibok o ang pwet ni Atlas na sumalampak sa lupa. Sa huli ay tumayo siya kaagad
at inalalayan ako. Tinakbo pa ang Pharmacy para sa tubig habang kinakalma ko ang
sarili.

What are you doing, Amalia? You're hyperventilating again!

And...we almost kissed! Oh my God! Is that a good thing or what?

Sa sobrang tagal ata namin ni Atlas sa swing ay naabutan pa kami ni Heart kaya
nagtatatalon siya roon sa tuwa nang makita kami, to my shock, sa iisang building
din pala kaming tatlo nakatira.

I never thought of it, akala ko'y dito lang din sila pero ibang building pero sa
iisa lang pala kami!

"Here is my unit, oh!" turo ni Heart sa isang pintuan na dalawang pinto ang layo sa
akin.

"Magkalapit pala tayo," I said, quite shock, naglakad silang dalawa kasabay ko at
tumigil si Atlas sa pintuan at may tinuro.

"Here's mine," he pointed the door beside mine kaya napakurap-kurap ako.

"Magkatabi ang atin?" I asked in shock and his eyes widen too, napatakip pa ng
palad sa bibig.

"Weh? Talaga, saan 'yong iyo?" he asked kaya mas nagtaka ako at tinuro ang pintuan
katabi ng kanya.

"There," I said and his eyes widen more.

"Oo nga 'no?" he asked as a matter of fact. "Ngayon ko lang napansin!"

Napahagalpak ng tawa si Heart, nilingon ko siya at bigla niyang kinagat ang kanyang
labi at umiling.
"Char lang," she chuckled. "Medyo nagugulantang pa rin ako sa ka-boplaksan ng
mundo." She even spread her hand, tumama iyon sa mukha ni Atlas na kaagad siyang
sinamaan ng tingin kaya napangiti ako.

"Manahimik ka, puso. Magpinsan tayo, kung bobo 'ko, ikaw din." He spatted.

Magtatalo na naman ata ang dalawa kaya tinawag ko na ang atensyon nila at
napabaling sila sa akin.

"Uh, uuna na ako?" I said and they both stood straight, sinuklay ni Atlas ang buhok
at ngumiti sa amin si Heart.

"Hatid ka na namin," ani Atlas at nagulat man ay tumango ako at ngumiti sa kanya.

The two walked me towards my door, nang binuksan ko iyon ay nanatili silang
nakatayo sa harap kaya ngumiti.

"Thank you, good night." I smiled.

"Good night, Lia!" Heart smiled.

"Good night..." ani Atlas at nagpamulsa, nakatitig sa akin. "Double check your
doors, okay? Before sleeping?"

"Alright, thank you again." I said. "Uh, ano...gusto ko sanang papasukin kayo but
I'm kinda tired, pasensya na, babawi ako next time."

"Oh, it's alright." Ani Heart. "You should rest, sa susunod na lang kami tatambay."

I nodded, muli akong bumaling kay Atlas na nakatitig sa akin. He smiled and I
smiled back, nang maramdamang hindi na naman mapakali ang puso ay bahagya akong
umatras at sinara ang pinto.
"Bye," I said and closed the door.

Nang mawala sila sa paningin ko ay napasandal ako sa pintuan, marahang hinahawakan


ang dibdib ko at napabuntonghininga.

I wanted to talk to them so bad...but I'm afraid. Ni hindi ko alam kung paano sila
kakausapin ng maayos.

I remembered the kiss Atlas and I almost had. I touched my chest and closed my
eyes, feeling the thumping of my chest.

Takot na takot ako pero gusto ko na ng kapayapaan sa puso ko. I can't get hurt now,
hindi na ako bumabata. The scar inside my heart should start healing itself
now...pero sa tagal ng panahon ay parang 'di ko pa magawa, nahihirapan pa ring
gumaling at mawala.

I took a shower and wore my comfy sleeping wear. I tried sleeping but I couldn't
and that's when I found myself going out of the terrace to get some air.

The cold wind touched my face, humawak ako sa barricade at tinanaw ang malawak at
maliwanag na city lights sa ibaba. Ibang-iba talaga ang itsura ng syudad sa
probinsya, I admire the infrastructures and the view here but I think nothing beats
home.

The smell of the fresh air, the dancing of leaves and the warmth of Peñablanca is
what I will always crave. How I wish I can go back home again.

Narinig ko ang pagbukas ng glass door, no'ng una'y akala ko sa akin pero sa terrace
ata sa katabing kwarto ko kaya lumingon ako roon.

My eyes widen when I saw the naked Atlas went out of his terrace, naka-pajama lang.
Mula sa pwesto ko kita ko ang dibdib niya pababa sa nakakagulantang na abs niya,
napahawak pa ako sa gilid ng labi ko para masiguradong 'di ako naglalaway at
napakurap.

I saw how his triceps flexed when he stretched his other arm and tilted his head,
pumunta siya sa may barricade, nakatitig sa tanawin at nang i-angat niya ang isang
kamay ay nakita kong may baso doon ng sa tingin ko ay kape na sinimsim niya.
I think I got bewitched that I can't take my eyes off him, nakita kong sumisimsim
pa rin siya sa iniinom nang napalingon sa pwesto ko.

Bigla niyang nabuga ang iniinom, nanlaki ang mata ko at napaayos ng tayo nang maubo
siya, mukhang nabilaukan.

"A-ayos ka lang?!" I asked, panicking.

"Y-yeah..." nababa niya ang tasa at tinakpan ang bibig niya, napaiwas siya ng
tingin sa akin at bumaling ako sa may pwesto niya, nag-aalala na.

"Atlas..." I called worriedly and I saw him lifted his hand, showing me an okay
sign. Tumalikod siya sa akin, kita ko ang likod niya at napanguso ako dahil ang
ganda ng katawan niya.

It's not that I've seen male bodies, nakikita ko lang sa mga movies or ano...kapag
anatomy subject namin.

No'ng nakalma siya ay bumaling siya sa akin, kahit dim na ilaw sa terrace lang ay
kita ko ang pagpula ng kanyang mukha.

"Sorry," I started. "Nagulat ba kita?"

"No...no." He shook his head. "I was just shock to see you here." Aniya at
tumikhim, umayos ng tayo paharap sa akin, kinuha ang tasa na iniinuman niya at
sumimsim doon.

"Okay ka lang? Nabulunan ka?"

"Medyo, uhm, ano...pumasok lang ata sa ilong ko." Aniya kaya nanlaki ang mata ko,
nanlaki rin ang mata niya sa sinabi at tumikhim.

"I mean...nabulunan lang," aniya. "Hindi pumasok sa ilong ko, ah?"


I smiled and nodded, nag-aalala pa rin pero mukhang nahihiya siyang pumasok sa
ilong niya kaya 'di na ako nagtanong.

"Uh, gabi na, ah? Can't sleep?" he suddenly asked, humawak naman ako sa barricade
at tumango.

"I'm tired, sinubukan kong matulog kaso wala eh, kaya dito muna ako nagpapahangin,
ikaw?" bumaling ako sa kanya, pasimpleng sumusulyap sa abs niya.

"Nagpapahangin din," he said and smiled, binaba niya ang tasa at napatingin sa
katawan niya bago tumikhim, nakita kong kinuha niya ang shirt sa kung saan at
mabilis na sinuot kaya napalabi ako.

Ay, ano ba 'yan, sayang...

"Like what you see?" halos mapatalon ako roon at napakurap. Nang makita ko siya ay
tumaas ang sulok ng kanyang labi at may kung anong emosyon nan ang-aasar sa mata.

"H-hindi, ah! Asa ka namang gusto ko makita 'yong katawan mo—'di ka naman yummy!" I
hissed.

To my shock, he burst out laughing.

"I mean the stars, bibi." Ngumisi siya. "The stars looked good tonight, malay ko
bang sa katawan ko ikaw nakatingin?"

"M-Montezides!" I hissed, biglang nag-init ang pisngi. Tuwang-tuwa naman siya roon
kaya tinitigan ko siya ng masama hanggang sa matahimik na.

"Joke, hindi na. Hindi na." He chuckled, nag-iinit pa rin ang pisngi ko habang
tinititigan siya.

He still has that amused expression, nang mahuli ang mata ko ay tumaas ang kilay
niya at nagpigil ng ngiti.
"F-feeling mo naman...as if macho ka!" I hissed.

"Uh-huh, hindi ba?" he said, lifting his arms and flexing it in front of me.

"H-hindi, ah!" ngumuso ako. "Mas marami pang maganda katawan sa'yo..." which is a
lie.

"Talaga, Argueles?" biglang nagseryoso siya, hinarap ko siya at taas noong humarap.

"Oo, bakit?" laban ko.

Akala mo, ah, gwapo ka? Huh! Oo, gwapo ka!

"You've seen naked bodies, Argueles?" he asked seriously, matiim akong tinignan.

Nakakanginig ng tuhod pero hindi na ako ang dating Lia, mas palaban na ako ngayon!

"Oo, angal ka?" I said, nangingisi pa kasi iritado na siya.

"Aba't..." his jaw clenched. "Binantayan naman kitang maigi! Sinong nagpanuod sa'yo
ro'n? 'Yong Pharmacist? O 'yong ka-grupo mo sa thesis?"

"Huh?" I asked.

"Ay, fuck, baka 'yong may gustong gagong umaaligid sa'yo—"

"You mean, ikaw?" I asked and he froze, napakurap-kurap pa siya roon kaya
humalukipkip ako.

"What? I'm not gago, Lia." He glared at me.


"Uh-huh, I don't curse, Atlas," well, minsan sa isip lang. "But well...yeah, that's
you." I said.

"Kailan pa?" his eyes widen at me.

"Matagal na," sagot ko at mukhang napaisip siya roon, mayamaya'y tumango rin at
muling sumimsim ng kape.

"Sabagay, pero at least gwapo, bawing-bawi naman?" aniya kaya natawa lang ako at
nagkibit-balikat. "Pero seryoso, Amalia, nakakita ka na talaga ng hubad?" bigla
siyang sumeryoso na naman kaya tumango ako.

"Oo nga kasi," I said at nakita ko ang pagkunot ng noo niya, I saw his jaw
clenched, humugot ng hininga at ininom ng diretso ang kape niya, para 'di napapaso
habang nakatitig sa akin.

"Sa ano, sa anatomy class. No'ng nag-dissect kami ng cadaver." Dugtong ko at ako
naman ang napatawa nang mabilaukan siya sa narinig.

"What the..." he coughed a bit and glared at me. "B-bangkay, Amalia?!"

"Hmm," I smiled. "Bakit ikaw, 'di ka ba nakakita ng cadaver? We can't pass anatomy
without it. So..." I shrugged.

"I thought...fuck." Ngumiwi siya at napailing. "And you're seriously comparing my


body to cadavers, Amalia?"

"Saan ko ba iko-compare?" I asked and he eyed me knowingly, slowly, parang na-gets


ko ang gusto niyang sabihin kaya nanlaki ang mata ko. "Y-you think I saw a naked
body s-sa buhay?"

"No," ngumuso siya at mas kumunot ang noo.

"And what?" kumunot ang noo ko at namaywang. "Y-you think I watched porn?!"
"No!" his eyes widen too, nag-init ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. "No,
Lia. I was just jealous because you can only see my body—"

"What?!" halos mag-hyperventilate na ako roon.

"No!" marahas siyang umiling. "I mean kapag nagpakasal—"

"What?!" mas eksaherada kong sabi. "W-why would I see your n-naked body?"

"Because—"

"Q-quiet!" I hissed, covering my ear. Natahimik naman siya at namula ang mukha ko
lalo at sinamaan siya ng tingin.

"Lia..."

"Let's not talk about naked bodies," I stopped him and he cleared his throat, I saw
him licked his lower lip and nodded.

"Alright, alright, I'm sorry..." he muttered and spoke. "Pero 'yong cadaver lang
talaga 'yong nakita mo—"

"I said..." I warned him and he bit his lower lip, pretending to zip his mouth and
smiled cutely.

"Okay, good boy na ako, bibi." He said.

I shook my head, nahihiya pa sa bigla naming napag-usapan kaya sumulyap ako sa


madilim na langit at nakita ang maliliwanag na bituin sa itaas. I saw the half moon
covered by dark clouds and it felt so relaxing so I closed my eyes and felt the
cold wind touching my face.

"Ang ganda ng gabi, 'no?" I asked, glancing at him, I saw him staring at me as he
nodded.

"Ang ganda nga, sobra." He smiled.

"Bakit ka sa'kin nakatingin?" I asked and pointed the sky. "I mean the night, ang
ganda ng gabi."

"Nah, I got the prettier one here..." he said kaya napabaling ako sa kanya,
nakakunot ang noo.

"Hmm?"

"I said, hindi ko na titignan ang langit kasi nasa tabi ko na 'yong mas maganda."
He said, making my heart flutter.

Kinikilig ako pero dapat ay pormal at disenteng babae kaya tumikhim ako at nahuli
siyang may ngisi sa labi.

"I love the view," I suddenly said, 'di pinansin ang pasaring niya.

"Hmm, I love you..." he said kaya napasulyap ako sa kanya. Parang nakalunok ako ng
fireworks at sasabog sa loob ko anong oras man pero napanuod ko ata 'to sa social
media kaya alam kong hugot lang iyan.

"What?" I asked. "Anong connect? I said, I love the view."

"I love you," ulit pa niya.

"Ngi?" I said and when his shoulder fell ay napatawa na ako at umiling.

"Lia!" he stomped his feet and I smiled, naiiling na hinawi ang buhok ko at umatras
sa may barricade.
"Ang corny ng hugot mo, Atlas. Nakita ko na 'yan sa facebook." I said and he pouted
more.

"May bago ako—"

"Save it, next time. I'm kinda sleepy." I chuckled and yawned. "Night."

"Good night," he smirked, leaning on his barricade. "Dream of me, bibi."

"Asa..." I said and waved a bit. "Bye. Ayan ba 'yong bagong version? Palpak pa rin,
ah?"

"What..." he gasped. "Upgraded na 'to! No bugs!"

"Bye, tulog na ako..." tawa ko pa.

"Parehas tayo ng sched. bukas, Lia! Sabay na tayo, ah!" he suddenly exclaimed when
I opened my glass door to go back in my room.

"Ayoko nga," I answered.

"Ah, wala, basta. Antayin kita sa lobby d'yan sa baba!" he exclaimed and I just
smiled and closed the door to finally rest.

Ayaw ko man ay nakita ko ang sariling nag-aayos para sumabay kay Atlas papasok ng
ospital, pumunta siya kanina pagkagising sa kwarto para ipaalalang sabay kami, na
aantayin niya raw ako sa lobby kaya wala na akong naging takas.

Heart is scheduled for a night duty today kaya tulog pa raw sabi ni Atlas.

I blow dry my wet hair, inayos ko ang scrubs na suot ko at ang name plate
pagkatapos at ang kulay puti kong sneakers. While watching myself in the mirror, I
can't help but see the young version of me, the pale kid in her uniform is now
wearing scrubs... a medicine intern.
I'm proud of myself. I just hope to be finally happy now.

Kinuha ko ang bag ko at inilagay ang mga kailangan. I walked out and went to the
elevator, lowkey excited of coming to work with Atlas today.

Kahit siguro anong deny at tago ko ay bumabalik pa rin ang batang Lia, the one
who's yearning for Atlas Montezides. The young Lia who wants to see him, always,
kahit sa malayo. Ang batang Lia na nag-aantay na mapansin.

Aral, mataas na grades, trabaho at ang Nanay ang iniisip ko sa buong taon mula
no'ng umalis ako sa Cagayan. Ni sarili ko nga'y 'di ko na masyadong nabigyan ng
atensyon kaya makahanap ng pag-ibig pa kaya?

I never once liked someone ever since Nanay and I left, may mga nagpapahiwatig noon
but I easily turned them all down, una'y dahil wala akong oras doon at takot akong
masaktan. Ilang ka-trabaho at kaklase ang sumubok pero wala talaga akong atensyon
sa kanila.

Iniisip ko nga ay matagal pa bago ako makahanap ng pag-ibig o 'di kaya'y baka hindi
na pero ngayon...no'ng nakaraan lang kami muling nagkita ni Atlas ay parang
nahuhulog na naman ako.

Did I even stopped loving him? Or not?

Maybe, I should really complete collecting the courage to hear them out. Bahala na
pagkatapos kung anong mangyayari.

Willing akong magpatawad pero hindi naman ibig sabihin noon ay kayang magsimulang
muli. Bahala na, I believe no matter what happens, ang mga bagay na para sa'yo ay
mapapasaiyo.

If this love is for me then...it goes back. I just hope this brave heart of mine
can take it.

"Hija, good morning!" nabaling ang atensyon ko sa reception at lumaki ang ngiti.
"Hello, Tita Marichu. Good morning." I smiled.

"How's your room? Okay naman ba ang tulog mo?" she asked, she even offered her arms
for a hug kaya ngumiti ako at tumango.

"Yes po, maraming salamat. Komportable po ako, nakaka-relax din ang view." Sabi ko
bago lumayo. "Si Atlas po?"

"Ah!" tumango siya at may tinuro. "There, sa may entrance. Mukhang may kausap ata,
sabay kayo papasok?"

"Opo," I answered. "Maraming salamat po, una na ako!"

"Sige, mag-iingat ka. Uh, hija, p'wedeng pasuyo naman ako? Padala sana kay Sean."
Aniya at may inabot sa aking paper bag.

"Sean po?" I asked and she suddenly gasped.

"Ay, oo nga pala. You know Dr. Alegre?" she asked kaya napaisip ako. "Sean Alegre?"

"O-oh..." napatango ako. "Kay Doc po?"

"Oo," she chuckled. "Pasensya na at pinagdala kita, ah? Naiwan lang kasi. Kailangan
ata."

"Sige po, sure. Bye po ulit." I waved at her and she smiled before waving too.

Nang makalabas ako ng building ay kaagad na hinanap ng mata ko si Atlas, I saw him
on the far right side talking to someone kaya napangiti ako.

He's wearing a plain white dress shirt and slacks, bagay na bagay talaga sa kanya
ang ganitong damit, kitang-kita kasi ang hubog ng katawan niya. He's handsome too,
with his clean cut hair and manly stance. He looked so good...and hot.
Alam kong maganda talaga ang katawan niya, kahit cadaver lang ang pinagkumparahan.

Oh, is it creepy? But I didn't see any naked bodies than that! Sa mga movies naman
ay kapag nag-s-swimming lang ang characters, gano'n.

'Di naman ako masyadong attracted, kay Atlas lang talaga...kahit palpak siya
minsan, ay, palagi pala.

"At—" nawala ang boses ko at naiwan sa ere ang kamay ko nang medyo makalapit ay
nakita ko kung sino ang kausap niya. I couldn't see his face but I saw who he's
talking to.

I saw the woman glanced at me, nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang makita ako
na unti-unting nauwi sa isang ngisi.

I saw how her face soften, she touched Atlas' arm and I felt my chest a bit
heavier. The memories came back and all the confidence and courage I've been
collecting to talk about them regarding that part of yesterday vanished.

Atlas moved a bit but Yui immediately encircled her arms on his neck, nakita ko ang
mabilis niyang pagtingkayad at paghalik sa huli at parang may dumagan sa puso ko.

Mabilis akong tumalikod, mahigpit ang hawak sa paper bag at kahit anong sabi kong
'di na muling iiyak, ang luha ay 'di na napigilan at umalpas na sa pisngi.

You're still the same naïve girl, Amalia. You keep on saying you're brave but when
it comes to him...you're so damn weak.

Chapter 25 - Kabanata 23

7 more chaps!!! I hope you're enjoying Amalas! :)))))

xxx

Kabanata 23
Maybe it's true that once trust is broken, it'll never be the same again. Mahirap
ibalik ang tiwala lalo na kapag nasira and I don't know, sinabi ko naman na sa
sarili ko noong makikinig ako kung sakaling ganito but the courage I have slowly
vanished while remembering the scene I saw.

I am thankful he taught me how to commute to the hospital at hindi ko na maaabala


ang pagkikita nilang dalawa. Maybe they have a date today, nakikipagsiksikan na
naman siguro ako.

Pikit ang mata at sapo ko ang mukha ko habang nasa biyahe.

Nawala na sa isip ko pero ngayong nakita kong muli si Yui at Atlas na magkasama ay
muling bumalik sa akin ang mga ala-ala sa Cagayan. She said they'll get married
after studying and now...maybe ay itutuloy nila?

How could I forget that?

I remembered the reasons why we went away, the reasons why we chose to leave our
hometown.

Naalala ko si Nanay at ang Tatay ni Atlas, I remembered how Atlas' mother got
hospitalized after she found out about my mother.

I don't want to be like that. Ayaw kong makasira ng relasyon. Ayokong makapanakit
ng ibang tao para sa nasabing pagmamahal na 'to.

Ayoko na ring masaktan, I am afraid to risk my health. I want to take care of


myself because I have no one but me...marami pa akong pangarap para sa amin ni
Nanay, ni hindi pa nga ako lisensyadong doktor.

If I invest to much in this wrong love and got hurt in the end, hindi ko na alam
ang gagawin.

Mabilis lang ang naging byahe ko patungo sa ospital. My eyes are blood shot because
of my tears, napapansin ko nga ang tingin sa akin ng mga pasahero ng jeep pero
hindi sila nagsalita at tahimik lang akong tinignan.
When I reached the hospital, I went immediately to the restroom to fix myself.
Kitang-kita ko ang mata ko sa salamin at habang nakatitig sa repleksyon ay
bumabalik sa akin ang ang itsura ng batang Lia, in her 18th birthday, the person
she wished to come didn't and it left her young heart a small yet long lasting
scar.

I remembered how my young self cried in the bathroom, touching her chest so she
could breath. The young Lia who was so fascinated that her long time crush noticed
her and soon told her he liked her too pero sa huli ay laro lang pala.

Lumapit lang pala para maghiganti sa mga bagay na hindi ko rin ginusto at alam.

Naghilamos ako para kahit papaano'y mapagtakpan ang pag-iyak, pagkatapos kong mag-
powder at suklay ay kinuha ko ang phone nang maramdamang nagba-vibrate sa bulsa ko.

Sir Alex (LBG) calling...

My forehead creased. Why is the company suddenly calling?

Tumikhim ako at bumuntonghininga bago dinala ang phone sa tainga ko bago sagutin
ang tawag.

"Hello—"

"Lia, where are you?" I froze when I heard that familiar voice.

"Sir Alex—"

"Tita Marichu said you went out to see me, nasaan ka na? I'm still here and I
couldn't see you..." he said frustratedly and I gulped, realizing who this is.

Muli kong naramdaman ang pagdagan sa puso ko nang maalala ang nakita ko kanina
pagkalabas.
"Are you alright? Nasa ospital ka na ba?" he heaved a sigh. "Lia, are you okay? I'm
worried—"

"Nasa ospital na ako, Doc." I managed to say despite the pain I'm feeling inside my
chest.

"What? A-alright," I heard him stopped a bit then sighed. "Are you okay? H-hindi mo
ako inantay, sabi ko sabay tayo."

"Sorry, Doc." I said stiffly. "I have work to do, kailangan kong mag-ayos ng mga
papers ngayon."

"I understand," I heard something on his voice. "P-pero...sa sunod ba pwedeng—"

"Sorry, Doc." I said. "You shouldn't waste your time on me."

"It's Atlas, Lia. Call me Atlas." He sighed. "I thought we talked about this last
night?"

"Talk about what?" hinawi ko ang buhok ko at lumabas ng banyo. "You're a resident
here and it's just right to call you Doc—"

"Do we have a problem, Amalia?" I heard him asked seriously. "Maayos naman na
tayong magkausap kagabi...I visited you earlier and you agreed to meet—"

"Well, I find it unnecessary now, Doc, mukhang abala ka sa bisita. Ayaw ko namang
makaabala." I said coldly but I know it sounded so bitter.

Natahimik siya at mapait na akong napangiti habang nagtutungo sa elevator.

"Lia, I-I didn't know she'll come, wala na—"

"I'll go, Doc." I said and turned the call off.


I reached the correct floor feeling nothing but pain, I tried shrugging it off but
I couldn't kaya nang may sumalubong sa akin at bumati ay tipid ang naging ngiti ko
at tumango na lang.

"Good morning, Dra. Lia!" masayang bati sa akin ng isa sa doktor sa ospital at
napangiti ako roon.

It's really motivating hearing the veterans and licensed one calling interns like
me Dra. kahit hindi pa.

"Magandang umaga po, Dra." I smiled softly at her. "Nakita niyo po ba si Dr. Sean?"

"Oh, nasa clinic." She said and I nodded, thanking her. Nag-in muna ako bago
nagtungo sa opisina ni Doc bitbit ang paper bag na bigay ni Tita Marichu.

Magkakilala pala silang dalawa?

"Come in," I heard the voice after I knocked kaya tinulak ko ang pintuan at
pumasok.

I saw Doc engrossed of what he's doing, may binabasa siya sa chart kaya tumikhim
ako at nagsalita.

"Good morning, Doc." I greeted.

He lifted his face, nakita kong nanlaki ang mata niya nang makita ako pero kaagad
na ngumiti.

"Magandang umaga, Dra. Lia." He smiled at me. "Kumusta, napadaan ka?"

"Uh..." I lifted the paper bag and he gasped a bit and laughed.
"Oh, I left this, who gave you this?" he asked.

"Uh, sa may unit po, si Tita Marichu?" I answered and his eyes widen a bit and
slowly nodded.

"I see," he answered and took it from me before offering me a seat. "How is she? Is
she good?"

Nagtaka ako sa kanyang tanong pero ngumiti at tumango, naupo rin sa inilalahad na
upuan. Bumalik siya sa swivel at tumango ako.

"Yes po, she toured me around." I told him and he nodded, smiling, inayos niya ang
salamin niya at pinagmasdan ako.

"You...like her?" he asked and I nodded.

"Yes po, Doc." I answered. "Mabait po siya sa akin, she's humble too, nalaman kong
asawa pala siya ng may-ari ng building, nagulat po ako. Magkakilala po pala kayo ni
Tita Marichu?"

He stared at me and I felt comfortable when he smiled in a soft way and nodded.

"She's actually my wife, Lia." He smiled and my eyes widen, napatakip pa ako sa
bibig ko sa gulat.

Oh my God! Alegre! They have the same surname!

"P-po? Sorry, Doc! I didn't—" he suddenly laughed, namula ako sa hiya roon pero
umiling lang siya at kinumpas ang kanyang kamay sa akin.

"Oh no, Lia. It's okay." He chuckled at kinagat ko ang labi ko, nahihiya.

"Pasensya na, Doc." I said. "Nakakahiya tuloy..."


"No, it's okay." He chuckled again and nodded at me. "I'm glad you two get along."

"Mabait po siya, she even told me na if may problema o kailangan ako, I can contact
her." I told him and he smiled, looking so pleased and happy.

"That's good, I'm happy you met her." He said. "I have kids too, Lia, halos kasing-
edad mo lang sila."

"Talaga po?" I asked and he nodded.

"One is a doctor here too, hindi mo pa siguro nakikita kasi madalas ay nasa
convention. I hope you'll meet them too."

"Sure po, I hope to meet them." I told him and he smiled, staring at my face again.

"I'm happy you grew up a strong woman," he suddenly said.

"Po?" I asked and he cleared his throat and spoke.

"I saw from your data, your mother died while you're studying in med school?" he
asked and I nodded, remembering my mother. Medyo malungkot ay alam kong masaya
naman na ang Nanay ngayon at nasa paligid lang, binabantayan ako.

"Yes po," I answered. "Heart problem, may Lolo at Lola pa po ako sa probinsya tapos
wala na akong Tatay."

I saw him stopped for a while, he nodded and smiled a bit.

"Can I ask why?" he asked, tinatantya pa ako kaya tumango ako.

"Hindi ko po alam ang buong kwento pero nasabi sa akin ni Nanay na pinagbubuntis pa
lang niya ako ay wala ang Tatay, iniwan kami." I felt a bit down telling it to him.
"I haven't seen him or even knew his name."
Silence filled us after that, nakatitig lang siya sa akin kaya ngumiti ako.

"It's okay, Doc. Matagal naman na rin po iyon. Nanay did her best to raise me, she
did a great job at siya na po ang tumayo kong Nanay at Tatay." I told him.

I saw his eyes soften, may napansin ako roon na hindi ko mapangalanan.

"Perhaps, do you hate your father?" he asked and it never occurred to me, saglit
akong napaisip pero nagkibit-balikat.

"Hindi ko po alam, I'm thinking if I could hate someone I don't even know or what.
Hindi ko na rin naman pong masyadong naisip kasi masaya na ako kay Nanay. Nga lang,
minsan lang po naiisip ko kung nasaan siya no'ng kailangan ko siya." I said, trying
to smile but ended up being quite emotional.

"No'ng nawala po ang Nanay, inisip ko...bakit niya kami iniwan para sa iba." I said
and sighed. "But I got over it, malaki akong napaayos ni Nanay and if I'm mad at
him? Hindi ko pa po masabi talaga dahil hindi ko pa siya kilala."

Natahimik siya saglit at napatitig sa akin bago nagsalita.

"You're a strong woman, Amalia. You're very brave." He smiled at me. "I know,
wherever your mother might be, kung nasaan man ang Tatay mo, I know they're proud
of you."

It touched my heart, napangiti ako roon at tumango.

"I hope so too, Doc."

"They are, trust me..." he said genuinely.

After a few minutes talking to Dr. Sean, I felt relaxed and comfortable. Kinumusta
niya ang unit ko at kung komportable ako. He even told me about a volunteer work,
pina-finalize pa ang details at gusto niya akong sumama dahil maganda raw sa
credentials ko ito kaya kaagad akong um-oo.
It always warms my heart doing volunteer work, nakakatuwang matulungan ang mga
taong hindi abot ng medikal na tulong. It always makes me happy seeing their smiles
and hearing their gratitude to us everytime, nakakawala ng pagod.

"Mauna na ako, Doc." I smiled and waved.

"Sige, Dra. Thank you for this." He smiled and pointed the paper bag. "Have a great
day ahead! Kumain ka sa tamang oras, okay?"

"Yes po, maraming salamat. Have a good day din."

Hinatid ako ni Doc hanggang palabas ng clinic niya at kumaway ako bago tumalikod sa
kanya. Nakasalubong ko si Nurse Lyka na malamig pa ang tingin sa akin.

"Good morning, Nurse." I greeted and she stared at me briefly then glanced behind
me.

"Saan ka galing?" she asked.

"Ah, may pinadala lang kay Dr. Sean." I told her and her lips lifted for a smirk,
chuckling a bit.

"You really think everything is easy, huh? Using Atlas to get past your internship
and now, the direc—"

"Excuse me?" putol ko sa kanya, seryoso na. Halos magkasingtangkad lang kaming
dalawa kaya pantay lang ang tingin namin.

"I know what you are trying to do, Miss Argueles." She raised her brow. "You're
flirting with Atlas which is a resident doctor to what? So he could go easy on you?
For high grades? And now, si Dr. Sean naman? Para saan?"

"I'm sorry but what are you saying?" I asked. "First of all, may ibinigay lang ako
kay Doc, and I'm not flirting—"
"You weren't the only who tried that, marami na and guess what, ni isa ay walang
nagtagumpay." She smirked at me. "And I'm sorry to say, Miss Argueles but Atlas and
I...we're together now."

I felt the painful pang inside my chest but I stared at her coldly and chuckled
lowly.

"Oh, that's too bad, Nurse." I said. "I just saw your boyfriend kissing another
woman earlier."

She froze, I saw how her eyes widen.

"W-what are you saying?!" she hissed. "Stop lying, alam kong gusto mo lang kaming
masira—"

"I wouldn't waste my time destroying unimportant people, Nurse." Hindi na ako
nakapagtimpi at nasabi na iyon.

"Y-you..." her voice shook and I just flashed a small smile and nodded.

"Excuse me, Nurse. I have important things to do." I said timidly and left her
there, unmoving.

I sighed when I got away from her, malakas ang kalabog ng puso ko kaya hinawakan ko
ang dibdib ko para kumalma. I am not used to saying things like that but she's too
much. Hindi bawat pagkakataon ay hahayaan ko lang ang ibang taong pagsalitaan ako
ng ganoon.

Si Nanay nga, ni minsan ay hindi ako minaliit at pinagsalitaan ng ganoon kaya ano
ang Karapatan niyang isipan ako ng masama?

I heaved a deep sigh, fixed my hair and walked towards the station where my co-
interns are but stopped when I saw the man resting his elbow on the counter talking
to the my co-intern.
"Uy, Lia, nand'yan ka na pala. Good morning!" Laurence smiled brightly, waving at
me.

Nakita kong napalingon si Atlas sa akin, mabilis na napaayos ng tayo at


nagkatinginan kaming dalawa pero mabilis akong nag-iwas at bumaling kay Laurence
bago ngumiti.

"Good morning," I smiled back. Pumasok ako sa may station at bumaling kay Atlas na
sinusundan ako ng tingin. "Good morning, Doc." I said formally.

"Ah, Lia, kanina ka pa pala hinahanap ni Doc Louis." Ani Laurence at tinuro si
Atlas na nakatayo lang doon, suot ang isang kulay navy blue na dress shirt at
doctor's coat.

His mouth is slightly parted and looking at him, I can feel the aching inside my
chest. Napasulyap ako sa mapupulang labi niya at biglang sumagi sa utak ko ang
nakita kanina. I remembered how Yui encircled her arms on his nape and pulled him
closer.

"Yes po, Doc?" I asked formally.

"Lia," he called and gulped a bit, hesitating but looking so persistent. "Can
I...talk to you?"

"Sure po, p'wede niyo naman na po sabihin dito." I said.

"I mean, privately." He said, staring at me kaya natigilan na ako.

I slowly glanced at Laurence and saw him fixing the papers kaya tumikhim ako at
tumango.

"Alright po," I said, left my bag inside the station before going out to talk to
him.

Nagkatinginan kami, I saw him licked his lower lip and motioned me the way. "After
you." He said and I nodded.
Naglakad akong pauna at kasunod siya, may iilang pasyente o doktor kaming
nakakasalubong na bumabati na binabati rin namin pabalik.

Nang nasa may dulong parte na kami ng hallway ay may humawak sa pulsuhan ko kaya
napabaling ako sa kanya.

"Here," he said and pulled me softly towards the emergency exit and closed the door
behind us.

"Lia..." he started when we were left alone in the exit, sa may gilid namin ay ang
mga hagdan pataas at pababa.

"What?" I asked, staring at his face.

I saw frustration his eyes, mula sa aking pulsuhan ay bumaba ang kamay niya sa
palad ko at marahang hinaplos.

"Lia, that was nothing..." he started, staring at me. "I didn't know Yui would come
—"

"I'm not interested in that part of your life, Atlas." I said. "Wala na akong
pakialam doon, buhay mo iyon—"

"You know you're my life, Amalia!" he gasped. "Listen to me..."

"Para saan pa, Atlas?" I hissed and pulled my hand from his grip pero hindi niya
ako pinakawalan at marahan akong hinawakan at idiniin sa pader.

"Lia, baby, come on..." he sighed. "Let's talk."

"Buhay mo iyan, Atlas. I don't care kung anong gagawin niyo ni Yui—"
"But I do care of what you think, Lia!" he said, "if you could've just let me
explain my side..."

I closed my eyes tightly, gusto sanang muling kumawala sa hawak niya pero pinirmi
niya lang ako. I felt the cold wall behind my back, bumilis ang aking paghinga,
lalo na no'ng idinikit niya ang ulo sa aking balikat.

"Just...listen to me." He whispered painfully.

Malalim lang akong huminga at suminghap. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking
baywang at mas ibinaon niya ang mukha sa balikat ko.

"Please, baby..." he said gently.

Nangilid ang luha ko, kasabay ng masakit na pakiramdam sa puso ko.

"T-then explain..." I said and felt something wet on my cheek. Mabilis akong
napakurap at suminghap.

He moved away from me, I saw how his eyes mirrored mine. Inabot niya ang pisngi ko
pero mabilis akong nag-iwas at tumikhim, hinawi na ang sariling luha.

"Explain," I said and stared at his eyes.

His mouth parted a bit while looking at my eyes, nanghihina ako habang nakatingin
sa kanya pero pilit kong nilakasan ang loob para hindi maging ganoon at matapang na
nag-antay ng kanyang sagot.

He heaved a deep breath and nodded, umayos ng tayo at tumitig sa akin.

"I waited for you earlier, you can even ask Tita Marichu about it." He started. "I
went out and I got a call from an unknown number, here..." he lifted his hand,
showing me his phone from his pocket and checked his call logs.

May nakita akong numero doon pero walang pangalan.


"And I answered it and it was Yui, she said she's outside, waiting for me. I don't
know how she found out where I'm staying since I cut ties with her years ago."

He cut ties with her? Akala ko ba ikakasal sila...

"Nagpakita ako kasi baka manggulo, my family cut ties with her ever since she said
something to my mother and it caused her anxiety and stress. She was my friend but
she did something and it caused me my Mom's health and you..." he stared at me,
nangunot ang noo ko at inantay ang mga susunod niyang sasabihin.

"I saw her and talked to her, asking how did she find me and what does she need and
suddenly...she moved closer and..." and sighed, moved closer to me kaya muli akong
dumikit sa pader at lumayo.

I saw how pain flashed on his eyes but didn't touch me, tumungo siya at sinuklay
ang buhok.

"She kissed me, Lia." He said, "but I pushed her immediately, I don't know if you
saw it but I swear...I swear I didn't even touch her, I swear to you I didn't want
to kiss her."

"Why not?" I asked him. "She told me years ago that you two would get married."

"What?" his forehead creased, tumitig siya sa akin at nang makitang seryoso ako ay
bahagyang nanlaki ang mata. "What the hell, she told you that?!"

"Oo," malamig kong sabi.

"It's a lie, I never—"

"She told me everything about your plans, Atlas, kaya stop fooling me!"

"That wasn't true, Amalia! I didn't fool you! I never..." he pulled his hair.
"Fuck, I didn't lie to you, hindi kita niloko!"
"Really?" tears started falling on my cheek again the moment memories from the past
came back. "Y-you know I was in love with you, Montezides, kaya mabilis akong
naniniwala sa'yo! You told me you liked me for a long time yet I found out you are
all fooling me! Kayo ni Heart!"

"What?" his forehead creased. "Paanong nasama si Heart—"

"She befriended me so she could help you hurt me!" I exclaimed and sniffed, nakita
ko ang pagkabigla sa kanya sa sinabi ko pero ayokong maniwala roon sa emosyong
ipinapakita niya.

"Y-you knew about my mother and your father and y-you...you hurt me so you could
have your selfish revenge!" I hissed angrily, sumisinghap na. "M-minahal kita,
Atlas! K-kahit bata pa tayo no'n naniwala ako sa'yo k-kasi gustong-gusto kita but
you fooled me!"

"L-Lia..." I saw his bloodshot eyes, "it wasn't true, I didn't—"

"Y-you hurt me!" I exclaimed, ang pigil na luha ay walang pakundangan ng bumuhos.
"I-I loved you but you played with me!"

"Lia—" he tried touching me but I pushed him, crying.

Sa panghihina ay napaupo ako sa lapag at magkasama ang hiya at sakit na nakikita


niya akong mahinang-mahina na sa kanyang harap. I covered my face with my palm and
sobbed, nanginginig ang balikat ko at mayamaya pa'y naramdaman ko ang mainit na
brasong yumakap sa akin.

I lifted my hand, tried pushing him away but he was too quick and caught me,
pinaghahampas ko na siya pero masyado siyang malakas na hindi man lang natinag at
walang tigil sa pagyakap sa akin.

"Shh...baby..." he whispered in my ear while I remained sobbing.

"Y-you fooled me..." I whispered weakly, "I-I loved you but—"


"That isn't true," I felt him kissed my hair, mas niyakap ako. "I never loved
anyone but you."

"L-liar..." I whispered. "P-pinagkatiwalaan kita p-pero..." mas suminghap ako. "P-


pero sinaktan mo ako..."

Ang mga hikbi ko at mga marahang bulong niya ang naging ingay sa tahimik na lugar,
I punched his chest while letting my tears fall down my cheek, mas suminghap ako.

"I'm sorry for hurting you..." he whispered, still hugging me. "I'm so sorry,
Lia...I'm so sorry..."

"I-I hate you..." I whispered and tried pushing him pero hindi ko magawa-gawa.

"N-no..." he caught my eyes and I saw the fear etched on it. "Y-you don't, right?
Y-you're lying, right?"

"I hate you..." I said while staring at his eyes and I almost broke down when I saw
tears fell on his cheek too, shaking his head.

"N-no...you don't..." it was as if he's telling it to his self. "You don't hate
me."

Marahang inabot niya ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko habang nakasalampak
lang ako sa lapag, I wanted to move away but I was too weak to even do that.

"I-I love you, Lia." He said and stared at me pero mabilis lang ako nag-iwas ng
tingin at tumitig sa lapag. I can still feel his warmth and it made me missed him
more.

Gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit pero ayaw ng utak ko, ayaw nang sumugal
ulit sa takot na muling masaktan. Natatakot na sa pagkakataong ito ay hindi na
muling makatayo sa pagkakadapa.

"K-kausapin natin si Heart," he whispered and slowly took my hand, gusto kong
hilahin ito palayo sa kanya pero wala na akong lakas.

I saw how he brought my hand on his lips, kissing my knuckles, touching my wrist.

"Give me a chance, Lia. I have a lot of things to say to you. M-marami pa akong
ipapaliwanag sa'yo." I just stared at him and I saw another tear fell on his cheek
at nakita ko kung paano niya marahas na hawiin iyon. "P-please, I beg you...mahal
na mahal kita."

I lowered my head bit my lip. "H-hindi ko alam..." I whispered.

I suddenly felt the pain on my chest, napahawak ako roon at napapikit.

"Lia?" I heard his panic. "Amalia, are you..."

Huminga ako ng malalim, inabot naman niya ang braso ko at hinanap ang mga mata ko
pero mabilis akong nakaiwas.

"D-does your chest hurt?" he asked worriedly, "I-I'll take you to the clinic—"

"U-uuwi na ako..." I said and slowly glanced at his eyes.

"B-but..."

"A-ayos lang..." I said, controlling my breathing, trying my best to relax. "M-


makikisuyo lang sana ako kung p'wedeng pasabing uuwi muna ako?"

"A-alright..." he nodded and touched my chin, nagkatinginan kami at nakita ko ang


pag-aalala sa kanyang mata. "Stay here, ihahatid kita."

Hindi na ako muli pang nagreklamo at hinayaan na siya, habang inaantay ay nanatili
akong nakaupo sa lapag, sapo ang dibdib ko at dinama ang sakit na unti-unti ring
nawala pagkaraan.
I was thankful when it disappeared after a few moments and saw Atlas went back to
me, hawak na niya ang bag ko. He touched my arm, softly lifted me up and weakly, I
held him for support too.

Hindi na kami dumaan sa may station nang umalis at dumiretso na sa elevator pababa,
sinabi niya'y dumiretso siya kay Dr. Sean para magpaalam tungkol sa akin at mabilis
naman daw itong pumayag, gusto pa raw sana kumustahin ako at sumama pero sinabi
niyang gusto ko nang makauwi kaagad.

We rode his car on our way home, humawak siya sa akin at inalalayan niya ako
papuntang elevator. We were both silent but I noticed him staring at me from time
to time, pagkalabas pa namin ng elevator ay nakita ko si Heart na kalalabas pa
lamang ng kwarto niya.

She glanced at the elevator and I saw how her eyes widen when she saw us.

"W-what happened?" she asked, mabilis na tumakbo at lumapit. Humawak siya sa braso
ko kaya ngumiti ako.

"Ayos lang ako," I flashed a small smile.

"What happened?" she asked eagerly and glanced at the man beside me. "Boplaks,
anong nangyari? Maaga pa, ah, bakit..."

"Medyo...medyo sumakit lang ang dibdib ko." I told her and her eyes widen, umawang
ang labi niya para magsalita pero inunahan ko na siya. "But I'm alright, ayos na
ako, kailangan ko lang na magpahinga."

She nodded, understanding me.

Hawak niya ang braso ko habang naglalakad kami patungo sa pintuan ko, Atlas
followed us, hawak niya pa rin ang bag ko. I put on my passcode and glanced at
them.

I saw their worried eyes kaya ngumiti ako.


"I'm okay, guys, don't worry." I said and slowly took my bag from Atlas who
remained staring at me like I'd fade in front of him. "Maraming salamat,
magpapahinga lang ako. Pakisabi naman na babawi ako bukas—"

"No, you rest for days." Ani Atlas kaya natigilan ako. Heart nodded and touched my
wrist.

"Yes, I agree. Kahit boplaks itong pinsan ko, minsan agree naman ako." Aniya kaya
napangiti ako.

"Nakakahiya kasi," I said. "Baka sabihin nila—"

"Nah, don't worry, health is wealth. I know Doc would understand you." She said.
"You should really rest."

"Alright, I'll take a day off tomorrow too." I said and glanced at them. "Thank
you, Heart...Atlas."'

Heart smiled genuinely and nodded, si Atlas naman ay nanatiling nakatitig sa akin
kaya ngumiti ako sa kanya.

"Salamat sa paghatid, Doc." I said and slowly, he nodded.

I saw Heart stared at my eyes and back to Atlas and her lips protruded, umaangat
ang labi.

"Uh-huh! Tama ba ang sinasabi ng tarot card ko na umiyak kayong dalawa—"

"N-no!" halos magkapanabay na singhap namin ni Atlas at napangisi na roon si Heart


bago bumaling sa pinsan. "Nice one, bobo, iyakin ka talaga ano—"

Heart's phone rang, napatalon pa siya roon at ngumiwi at napailing.

"Balikan ko kayo," she smirked. "Kayo, ah?"


"W-we didn't..." umiling na ako pero mukhang 'di naman naniwala si Heart at
ngumisi.

"Wala, obvious kayo, Amalas..." she giggled. Nag-excuse kaya naiwan kaming dalawa
ni Atlas.

Our eyes met and I saw him moved closer, halos magwala na naman ang puso ko nang i-
angat niya ang kamay ko at hinagkan ang likod ng palad habang nakatitig sa akin.

"Rest, okay?" he muttered and I slowly nodded.

"Y-yes, salamat..." he hesitantly lowered my hand and stared at my eyes, mabilis


akong nag-iwas at hinawakan ng mahigpit ang bag.

"S-sige, papahinga na ako. Maraming salamat ulit." I said and he nodded, watching
me enter the door and before I closed it, I saw the lone expression on his eyes
while watching me closing the door in front of him.

Buong araw ay nagpahinga lang ako pero hindi ko rin napigilan ang pag-iyak habang
nakatulala kung saan. I received a lunch from him and it made me cry more.

Gusto kong pagbigyan ang sarili ko pero mas nangingibabaw ang takot sa akin.
Natatakot na muling umasa at masaktan sa huli.

Lumabas ako sa terrace para makalanghap ng malamig na hangin, I lifted my head and
glanced at the dark sky and saw the small stars escaping from the darkness, while
looking at it, I realized na kahit mukhang impossible...may mga kaunting liwanag pa
rin pa lang gustong kumawala sa dilim.

Na hindi lang dilim ang naroon dahil kahit hindi masyadong kita, may liwanag na
nakapaligid dito, depende na lang kung hahanapin mo iyon o iignorahin.

Lumingon ako sa kabilang parte at nakita ang walang taong terrace ni Atlas. Kahit
wala siya at iba ang nagbigay, alam kong siya ang nagpadala ng pagkain ko kanina.
I remembered what he told me, it feels so genuine when he told me he loves me and
Yui is just lying pero natatakot pa rin talaga ako. I even thought of Nurse Lyka
and what she told me.

Ang dami namang babaeng nitong Montezides na ito at lahat sila girlfriend, or at
least, they're claiming that they are.

Did Atlas even liked...or love them?

Ako kaya? Totoong mahal niya? Noon hanggang ngayon?

From his empty terrace, I lifted my head to the sky and my eyes widen when I saw a
falling star and I immediately thought of something.

Sabi nila kapag may nakita kang falling star, humiling ka at matutupad.

I touched my chest and felt my beating heart, I closed my eyes and silently
muttered my wishes.

Falling star, please give me the courage to listen and forgive. Please give me a
sign if I should take a risk even if's scary and uncertain. Please give me a sign
if I should open my fragile yet brave heart to love again.

Slowly, I opened my eyes and my heart immediately skipped a beat when I met Atlas'
eyes staring intently at me.

Is this...a sign?

Chapter 26 - Kabanata 24

Last 6 chaps! Parang kailan lang! Thank you for reading our Lipat Bahay Gang!
HAHAHA! Enjoy!

xxx
Kabanata 24

The last time I talked to him is in the terrace that night when I saw a shooting
star. Ni hind inga malinaw sa akin kung pag-uusap nga ba iyon, he asked me if I had
eaten and what I am feeling and that's it.

Sinabi ko sa kanyang ayos lang ako at bago pa man kami may mapag-usapang iba ay
nagpaalam na akong matutulog na kanyang kaagad na pinagbigyan.

These days, we weren't seeing each other that much. Kinabukasan ay nagkaroon siya
ng convention sa ibang bansa, tatlong araw lang naman daw, nalaman ko lang noong
nag-text siya.

I didn't tell him to text me if he has something like that pero sa loob-loob ko ay
masaya akong nag-message siya kahit papaano para ma-inform ako.

It's not like it's sad not having his presence around...I mean, okay. I kinda
missed him.

Pagkabalik ko noon sa ospital pagkatapos ng emergency off ko para makapagpahinga ay


naabutan ko si Dr. Sean sa station.

"Lia!" napaayos siya ng tayo nang makita ako kaya kaagad akong ngumiti at tumango.

"Hello, Doc. Magandang umaga po." I flashed a small smile.

"Good morning," he greeted then stared at my face. "Are you alright? Louis informed
me about what happened."

"Uh, opo." I smiled brightly now para hindi siya mag-alala. "Medyo sumama lang po
ang pakiramdam ko pero ayos na ako, Doc."

"Really?" I saw the obvious concern on his face, suminghap siya bago umayos ng
tayo. "Let's go to cardio department and get you checked."
"P-po?" nanlaki pa ang mata ko at mabilis na umiling. "Naku, Doc, hindi na
po...ayos lang ako."

"I insist, Dra." He said.

"Hindi na, Doc. Ayos naman po ako, nakapagpahinga po ako kaya—"

"You can't say no, Lia." Aniya at kumunot ang noo. "You have to get checked, hindi
ako matatahimik habang hindi ako siguradong ayos ka lang."

"Pero po..." kinagat ko ang labi, nahihiya na. "Ayos lang, Doc. Hindi naman po
kailangan—"

"Pusong makulit, tara dito..." biglang may kinawayan si Doc sa may likuran ko at
napalingon ako at nakita si Heart na patapos lang ata ang shift sa night duty.

"Po?" she smiled, nang mapalingon siya at nakita ako ay lumaki ang ngiti niya.

"Hi, Lia! BFF ko! Good morning!" she cheered happily kaya napangiti ako, she hoped
towards me and encircled her arms on my arms.

"Good morning din," I smiled at her.

"Ang pretty mo naman, sana all blooming! Haggard ko ata, ang toxic kagabi!" she
explained and frowned kaya natawa ako at nahihiya man ay inangat ko ang kamay ko
para ayusin ang buhok niya kasi medyo magulo.

"Hindi naman, maganda ka pa rin naman." I smiled and she giggled.

"I know pero gusto ko lang na batiin mo ako!" she smiled cheekily. "What are
friends for, right?"

Natawa na ako, natawa rin si Doc Sean kaya napabaling kami sa kanya. I saw him
staring at the both of us with amusement and suddenly spoke.
"Heart, kumbinsihin mo nga iyang kaibigan mong magpa-check-up." He started.

Heart's eyes widen, napabaling siya kaagad sa akin at nagtanong. "Masakit na naman?
Are you okay? No'ng binisita kita kahapon sabi mo ayos ka na—"

"Ayos naman na talaga ako," I explained. "Si Doc kasi, sabi magpa-check-up ako."

"I'm worried, Lia. Oo, ayos ka pero hindi ako makakapante na gano'n lang. I believe
in test results than that." He pointed out.

"Pero Doc—"

"You should really get checked, Lia." Ani Heart kaya napabaling ako sa kanya at
nakitang nag-aalala na rin siya. "Mapapanatag ako kung magpapa-check-up ka. Boplaks
is worried too, tawag ng tawag sa akin."

"R-really?" bahagya pa akong nagulat pero tumango siya at ngumiti sa akin.

"Oo, gusto ka sana tawagan kaso nahihiya at baka magalit ka raw kaya ako ang
ginugulo. I know it'll relax him a bit if you'll have a check-up."

"See?" Dr. Sean smiled when he heard Heart. "Nag-aalala rin ang batang 'yon and for
our peace of mind, you should have a check-up."

Natigilan akong saglit, nahihiya kasi ako dahil sobrang effort naman nila para sa
akin.

"H-hindi po ba nakakahiya—"

"Oh, kasama 'to sa benefits." Ani Dr. Sean kaya natigilan na ako, si Heart naman ay
tumango-tango at ngumisi.

"Oo, kasama 'to sa benefits, Lia. Free check-up tayo kaya you should grab this."
Aniya at ngumiti at sa huli ay napapayag na rin ako.

Tuwang-tuwa ang dalawa sa pagpayag ko, nag-apir pa silang dalawa kaya natawa ako.
Sumama pa si Heart sa amin kahit pauwi na siya and it touched my heart.

Maybe I need time so I could listen to her and Atlas' story. Mahirap makinig sa mga
taong nasaktan ka pero mas masakit ang magtanim ng galit, mahirap.

May sakit na nga ako, dadagdagan ko pa ba ng sakit ang puso ko? Maybe I just needed
time so I could open my ears to listen and my heart to accept things that didn't go
exactly my way and how I like it to happen.

That shooting star definitely gave me a sign, itinuturing kong sign ang pagkakakita
kay Atlas pagmulat ko ng mga mata ko.

Maybe I have to keep my distance a bit to prepare myself and will try listening.

"Are you regularly taking your meds, Miss Argueles?" ani ng doktor sa akin kaya
tumango kaagad ako.

"Yes po," I answered.

She stopped listening to my heartbeats and sat in front of me, si Doc at Heart
naman ay nakatayo at nag-aantay sa sasabihin.

"Do you often have shortness of breath or chest pain?" she asked and I thought of
it and slowly nodded.

"These days po medyo pero mabilis naman pong mawala," I told her and she nodded,
may sinulat pa sa kanyang papel doon bago ako binalingan.

"Miss Argueles, you should watch over your health, kapag mas dumalas ang chest
pains mo, I advise you to visit me again. For now, you can maintain your meds pero
please stay away from stress, okay?"
"Yes po..." I nodded and smiled.

"Also, try not to be emotional for it may affect your heart. Don't do strenuous
activities too, it's okay to exercise pero 'yong hindi ka mape-pwersa." She
explained and I nodded.

"Noted po," I said.

"You're good for now but we still can't say since CHD is uncertain and sometimes,
it might be dangerous so watch over your health, okay? Bumisita ka buwan-buwan para
magpa-check-up."

After that, umayos naman na ang dalawa. Umuwi si Heart at naiwan kami ni Doc Sean
na bumalik sa station kaya sinamantala ko iyon para magpasalamat.

"Salamat po sa concern, Doc." I smiled at him. "I don't know how much I can say
thank you para malaman niyo na lubos akong nagpapasalamat. Si Tita Marichu po ay
nagpadala pa ng pagkain kagabi para sa akin, pakisabi po ay maraming-maraming
salamat."

His eyes soften, pinauna niya ako sa elevator at tumango sa akin.

"I'm glad she offered you foods, walang anuman, Lia. I just want you healty, para
kahit sa ganitong paraan ay makabawi..."

"Po?" I asked and he smiled and shook his head.

"Nothing, gusto ko lang na maalagaan ang staff dito sa ospital. You know you're the
heart of our institution, the least I can do as a Direc—I mean, as a senior is to
make sure you're all healthy."

"Maraming salamat po talaga, Doc." I smiled and said my gratitude again. "I'm super
thankful at ang babait niyo, I'm lucky to have my internship here. I feel so
honored."

"Nah, we are honored to have you here, Lia." He smiled again. "This is the least I
could do for all the things I missed...for you."
Hindi na ako nagtanong kahit medyo naguluhan sa kanyang sinabi at muling
nagpasalamat.

I spent my day helping the resident doctors, mga filing lang ang documents ang
madalas naming ginagawa dahil intern pa lang. Sometimes, we are having a chance to
watch live surgeries and observe.

When I had my break time, pumunta akong cafeteria kasama ang mga co-intern para
kumain ng lunch. I opened my phone and browse my facebook when I saw new friend
requests.

My forehead creased, I created my account pero kaunti lang ang friends ko. maybe I
was really an old fashion individual at hindi pa lumalagpas sa five hundred friends
ang mayroon ang account ko. I don't accept much requests dahil nakakatakot at mas
marami pa atang bumbay o arabo na nag-add.

Tanging memes lang ata ang laman nito at ang profile picture ko ay noong college
graduation ko pa, ang litrato ko kasama si Nanay.

I clicked and opened it.

Atlas Louis Montezides sent you a friend request.

/Confirm/ /Reject/

My eyes widen, napatikhim ako at tumitig doon. I even scrolled a bit and saw
Heart's friend request! Si Ted din at...Josh!

Wow. They really did find my account?

Napakurap-kurap ako at mabilis na in-accept ang tatlo at nang maiwan si Atlas ay


natulala lang ako. I clicked on his profile and saw his profile picture.

He's wearing a gray dress shirt there and slacks, nakasuot ng doctor's coat, his
hair is kinda messy, mas suot pa siyang salamin at nakapamulsa at sa kanyang
background ay ang isang sikat na medicine school sa ibang bansa.

His cover photo is just a photo of him wearing a jersey shirt, nakatalikod sa
camera at may hawak na bola, sigurado akong no'ng high school pa kami nito dahil sa
kulay no'n at aura niya.

I scrolled on his account and found nothing but his cover photo, naka-private ata.
Slowly, I clicked on the confirm button at wala pang ilang segundo ay may nag-pop
na message kaya napatalon ako sa gulat.

Atlas: Hi, bibi koߘ

I gasped and bit my lower lip, humugot ako ng hininga at sumagot.

Amalia: Hi rin :)

Atlas: It's lunch time there, kumain ka na?

Amalia: I'm currently eating, ikaw? Kumusta convention?

Atlas: Boring kasi wala ka :)

Nakagat ko ang labi ko at mahigpit na napahawak sa scrubs ko, humugot pa ako ng


hininga bago nagtipa ng reply.

Amalia: Ah, gano'n ba? Ah, una na ako kasi busy may gagawin pa.

Atlas: Okay, take care. Don't skip your meals. Mamaya pa ang uwi ko kaya baka sa
susunod na araw nandyan na ko. Kapag nakauwi na ako, can we go out?

Nakagat ko ang labi ko.


Amalia: Huh? Kailan?

Atlas: Wednesday, nandyan na ako. 8 PM at Luxe's?

Napalunok ako, naalala ang lugar na sinasabi niya at napaisip. Wala naman siguro
masamang makipagkita? Isa pa...I kinda missed him.

Amalia: Ok, take care.

Atlas: I miss you.

Napasinghap ako at halos paypayan na ang sarili nang may nag-pop ulit na message.

Atlas: I love youߘ‫װ‬

Doon ay pinaypayan ko na ang sarili ko, I thought I'd hyperventilate kaya nag-react
na lang ako ng mabilisan at mabilis na nag-off ng data.

Santisima, Montezides. Parang nagdalawang-isip ata akong in-accept ko 'yan?

Kinabukasan ay naging abala ako sa pinapaayos na chart, inayos ko ang medication


chart, checking kung tama ang mga gamot na inireseta ng mga doktor. I am glad na
binigyan nila ako ng opportunity to check dahil Pharmacist naman daw ako kaya hindi
na bago sa akin ito.

I talked to my co-interns about most common side effects ng mga gamot na ibinibigay
sa pasyente at masaya akong kahit papaano'y may natutunan din silang mga bagay na
hindi pa nila alam dahil daw iba ang pre-med courses nila.

For our lunch, nagulat ako nang bigla na lang lumitaw si Heart na malaki ang ngisi,
may hawak pang pumpon ng bulaklak kaya nanlaki ang mata ko.

"Oh, may bulaklak ka, ah?" I greeted and she suddenly laughed, biglang inabot sa
akin ang bouquet na pinagtaka ko.
"Loka, hindi. Galing 'yan kay bobo." She smirked.

I froze, "h-huh? 'Di ba, nasa flight pa 'yon‫"آ‬

"Girl, pabida, tawag ng tawag, nag-order daw siya nito, kunin ko at babayaran niya
ako. S'yempre may tubo ako, twice sa presyo kaya gora..." tawa niya roon.

I was hesitant at first pero kinuha ko iyon at pinagmasdan ang mga rosas sa loob, I
saw a small note kaya kinuha ko iyon at binuksan.

I miss you, bibi koߘ‫ߘذߘذ‬

Napakurap ako at nag-init ang pisngi, nang makitang nakatitig sa akin si Heart ay
umayos ako ng tayo, ngumisi naman siya at sinundot ako.

"Ayieee? Kilig siya!" tawa niya kaya nag-init lang ang pisngi ko.

"H-hindi, ah!" I exclaimed and she giggled more, nodding.

"Sige, maniniwala akong hindi basta sabay tayong magla-lunch?" she smiled. Noong
una'y nag-iisip pa ako dahil ngayon lang kami magkakasabay ng lunch pero sa huli'y
tumango kaya tuwang-tuwa siya at napapasayaw pa.

It was refreshing having lunch with her, parang bumalik sa akin ang pagkain namin
noong High school pa kami sa may field o kaya ay sasamahan niya ako sa clinic.
Hindi rin siya nauubusan ng topic kahit na wala ako masyadong nake-kwento kasi
medyo nahihiya pa ako.

"Oo, grabe, Lia! Tapos no'ng board ng Nurse para ako mababaliw sa gedli!" she
exclaimed kaya napatawa na ako.

"Paano mo nasiksik ang aral mo ng tatlong linggo?" I asked, chuckling.


"Hindi na ako natulog, grabe, ginawa ko ng tubig 'yong kape!" she explained. "'Yong
puso ko no'n puro dug-dug-dug lang‫"آ‬

Her phone suddenly rang, sabay kaming napalingon sa phone niya sa lamesa at nakita
ko ang tumatawag.

Alien na gago calling...

"Ay, pota!" mabilis na ni-reject ni Heart ang tawag kaya napakurap ako.

"Okay lang, p'wede mo namang sagutin—"

"Hayaan mo, wala akong paki sa mga Alien! Mabulok pa siya sa gedli!" she exclaimed,
sa lakas ng boses niya ay napatingin sa amin ang mga tao kaya siniko ko siya.

"Oopps?" she chuckled awkwardly and covered her mouth.

Wednesday came and I got off to work early because of a call from my Senior
Pharmacist asking me to attend her birthday celebration. Ma'am Dina, our Senior
Pharmacist is almost my second mother, sobrang bait niya at maraming beses ko na
siyang napakiusapan sa mga schedule ko na palagi niyang pinagbibigyan kaya I should
really go today.

I totally forgot about it, kung hindi lang siya personal na tumawag at nag-imbita.
Even Kid, my co-pharmacist called, sinusiguradong pupunta ako kaya dali-dali akong
nagbihis at pumunta sa sinasabi nilang location.

I was really frantic dahil sa sobrang abala ko ay nakalimutan ko! Nagmamadali pa


akong pumunta sa mall para bumili ng pabango na ipanreregalo ko at sumakay ng taxi
para makapunta sa venue.

My phone beeped.

From: Kid
Lia, saan ka na? Nasa resto na kami, nandito na si Ma'am. :)

To: Kid

I'm on my way, sorry, medyo busy kasi sa ospital late na ako nakapag-out.

I sent it to him at iba-back ko pa lang sana sa homescreen ang phone ay bigla na


lang namatay ang telepono ko kaya napasinghap ako at napailing.

Lowbatt na ako! Bakit ba hindi ako nakapag-charge?

Pagkarating ko sa resto ay nagsisimula na ang kasiyahan pero luckily, naabutan ko


ang kantahan nila ng Happy Birthday kay Ma'am. We took photos, si Kid ay mabilis na
nag-upload at ngumisi.

"Tag ko kayo, ah!" aniya.

Ma'am Dina was really happy seeing me, pinakilala pa niya ako sa mga bagong
Pharmacists na nakasama sa aming celebration na parang proud na proud na Nanay kaya
tuwang-tuwa ako.

"I'm really glad you made it here, Lia!" she cheered kaya ngumiti ako at yumakap.

"Happy birthday, Ma'am! Pasensya na po at na-late ako." I smiled and showed her the
paper bag of my gift. "Ito po, gift ko. Pasensya na, Ma'am at huli na ako
nakabili."

"Ay, naku! Wala iyon, hija!" she chuckled. "Masaya na ako na nandito ka, kahit
walang regalo!"

I had fun with them, nagkakantahan pa sila sa private room na kinuha ni Ma'am at
nag-iinuman.

"Inom, Lia!" Kid offered me a drink which I immediately rejected.


"Ah, salamat, Kid pero hindi kasi ako umiinom." I smiled at him.

"Oh, bakit?" he asked.

"Wala naman, ayoko lang. ayos na ako sa juice." I showed him my glass kaya tumango
siya na may ngiti.

"Alright, alright..." he chuckled and placed his hand on the back rest of my chair.

Pinanuod ko lang silang nagkakasiyahan doon, napasulyap ako sa orasan at nakitang


mag-e-eleven na ng gabi. I took my phone and tried opening it pero namatay din
kaagad kaya napanguso ako at kinalabit si Kid.

"Kid, may charger ka? P'wedeng pahiram?" I asked.

"Oh, sure...sure." He smiled and took his bag, inilahad niya sa akin ang charger
kaya sinaksak ko roon sa may outlet ang charger bago nag-charge ng phone.

I waited for my phone to have atleast ten percent before I opened them at halos
malula ako sa sunod-sunod na mga text at missed calls.

Anong mayro'n?

My forehead creased and decided to check the messages.

From: Atlas

Hi, bibi. I'm here.

From: Atlas
Sabi ni Heart maaga ka raw nag-out? I'm here early if gusto mong pumunta kaagad :)

From: Atlas

Take your time, dito lang ako.

From: Atlas

Where are you? Are you alright? Nandito lang ako.

From: Atlas

May pinuntahan kang birthday?

From: Atlas

It's okay, ingat ka pag-uwi :)

"O-oh my God..." I covered my mouth and gasped.

I forgot! We have a dinner tonight at eight and now, it's eleven!

Mabilis akong napaayos ng upo at halos hilahin na ang buhok.

To: Atlas

Atlas! I'm so sorry! Nakalimutan ko. May birthday kasi ang Senior Pharmacist namin.
I forgot to message you. I'm sorry.

To: Atlas
Nakauwi ka na? Sorry, babawi ako, promise.

To: Atlas

Can I call?

Saglit kong kinuha ang phone ko at nagpaalam bago nagtungo sa labas ng resto para
antayin ang pagsagot niya ng tawag. Mga dalawang ring pa pero walang sumasagot kaya
nag-aalala na ako.

I touched my chest to calm myself down, muli akong tumawag at halos mapatalon nang
may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

"Hello, Atlas?!" I almost screamed his name.

"Uh...is this bibi?" nagtaka ako nang natantong iba ang sumagot.

"Hello? Who's this? Saan si Atlas?" I asked the man from the other line. "This is
Amalia, his friend. P'wedeng pabigay—"

"Lia! Thank God, you called!" narinig ko kaagad ang ang maingay na background.

"Who's—"

"This is Ted, sandali, maingay..." aniya at mayamaya'y tumahimik. "Hello?"

"Ted?" kumunot ang noo ko, "Si Atlas? Bakit na sa'yo ang phone? Ayos lang ba siya?"

"Yes...No." He sighed. "May ginagawa ka ba? If it's okay, I need rescue."


"Huh?" mas kumunot ang noo ko at kinabahan na. "B-bakit? Ayos lang ba kayo?"

"Oo na hindi," he sighed. "Ang hirap i-explain, Lia. Is it okay if you come here?"
sinabi niya ang lugar.

"Sige, pupunta ako. Ano bang nangyari?" I asked.

"Ewan ko, kinukulit ko nga kanina si Atlas na manlibre kasi birthday niya ngayon
pero ayaw at may date raw kayo?" mas nanlaki ang mata ko.

"B-birthday?!" I exclaimed. "T-talaga?"

"Oo?" he asked, confused. "Pero bigla na lang tumawag, libre daw niya tapos walwal
kami kaya pumunta ako...maayos naman na kanina pero ngayon..."

Parang humapdi ang puso ko roon kaya napapikit ako ng mariin.

"Ano? Anong nangyari?"

"Okay naman kanina tapos ngayon...pinipigilan ko naman, Lia, pero nagsho-showdown


na sila ni Heart sa dancefloor." I closed my eyes tightly.

"Oh my God..." I whispered.

"Oh my God talaga," natawa pa siya. "Can you come here, please? I'll wait for you
outside. Hindi ko na mapigilan 'yong magpinsan, lasing na at nagbibida roon sa
gitna."

"Sure...sure." I said at mabilis na tumakbo sa loob para magpaalam.

When they let me go, kaagad akong nagtawag ng taxi at mabilis ding nakapunta sa bar
na sinasabi niya. Pagkababa ko pa lang ay naabutan ko kaagad si Ted na nakasandal
sa kotse at may katabing babae.

"Lia!" he called when he saw me at inayos ko ang dress ko bago lumapit at ngumiti.

"Hello, Ted. Sina Atlas?" I asked and he pointed the entrance.

I nodded and smiled, napabaling sa babae sa kanyang tabi at kaagad na ngumiti.

"Hello, good evening." She greeted and I smiled.

"Good evening din," I greeted back.

"Oh, anyway, Lia this is Cristina, my girlfriend." Nanlaki ang mata ko roon at
natutuwang ngumiti. "Love, this is Amalia, kaibigan ko."

"Hello, Amalia." The lady smiled and I immediately took her hand.

"Hello rin, Cristina. Nice meeting you." I smiled at her.

"Oh, sakto, nandito na ang bagong luwas..." biglang tumawa si Ted kaya bumaling ako
sa kanya at sinundan ang kanyang tingin at napasinghap ako nang makita kung sino
iyon.

"Josh!" I exclaimed.

He suddenly stopped, umiinom pa siya ng tubig doon habang hila ang maleta niya at
nang mapabaling siya sa akin ay bigla siyang nabilaukan at nabuga ang tubig.

"L-Lia?!" he exclaimed.

"Hello!" I laughed and waved at nagulat ako nang tumakbo siya ng bahagya, natutuwa
akong yumakap at natatawa rin siya yumakap sa akin at nang maglayo kami ay ginulo
niya ang buhok ko.
"Ngayon lang kita nakita ulit! Kaka-accept mo lang sa akin sa facebook, ah?" he
laughed kaya napangiti ako at pinagmasdan siya.

"Kakarating mo lang? Tumangkad ka lalo, ah?" I noticed. He's wearing his white
shirt and pants, magulo pa ang buhok at may hawak na maleta. Mas lalo siyang
gumwapo!

"S'yempre, ako pa ba? Doktora?" he grinned kaya natawa ako at napailing.

"Wala, 'di pa, mag-e-exam pa ako." I said.

"Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Alam na alam nga ni Cap na makakapasa ka!" he
grinned kaya tumawa lang ako at napailing.

"I hope so," I said.

Inilagay muna ni Josh ang gamit niya sa sasakyan ni Ted at kagaya ko ay pinakilala
rin niya sa kanya ang girlfriend niya at mukha namang mabait at mahinhin ang babae.
Palangiti rin kaya magaan ang loob ko sa kanya.

"Buti dumating kayong dalawa, 'di ko na alam paano pipigilan 'yong dalawa doon."
Ani Ted doon na inaalalayan ang girlfriend niya.

"Sinong dalawa? May kasama si Cap?" ani Josh na sinuklay ang buhok ng daliri.

"Edi si ano..." biglang tumawa si Ted. I was confused when he smirked knowingly.
"'Yong puso mo—"

"Heart?" biglang sumeryoso si Josh. "Kasama ni Cap?"

"Oo, ayon, nagsho-showdown—"


"Hindi mo sinabi kaagad!" biglang bumusangot si Josh at bumaling sa akin, "tara,
Lia, sunduin natin 'yong magpinsan!"

Mukha na siyang nagmamadali kaya napasama na ako sa kanya, he held my wrist. Nang
makarating kami sa may dance floor ay maingay na ang mga tao roon pati ang DJ.

"Excuse me," hinawi ni Josh ang mga tao at tinakpan ako para 'di ako matamaan.
"Tara, Lia, careful. Baka matamaan ka."

We get past the crowd at nakita kong biglang natigilan si Josh.

"Tang..." he muttered loudly kaya nagtaka ako at napabaling sa stage at parang


lumuwa ang mata ko nang makitang nasa may stage si Atlas at Heart at doon na
sumasayaw.

I blinked, still can't believe what I'm seeing. Si Heart ay todo hataw doon sa
gitna, gusto pa nga atang umakyat sa pole pero 'di niya abot kaya sumasayaw na lang
sa gilid at nakita kong tuwang-tuwa ang mga nanunuod.

Kahit makulay ang ilaw ay kitang-kita ko ang pula sa mukha ni Atlas dahil sa
kalasingan. Nakataas ang kamay niya sa ere at ginagalaw ang balakang niya, may step
pa na bigla niyang itinaas sa may ere ang kamay at naalala ko ang "yanig" dance
step niya kaya napakurap-kurap ako.

"He's so handsome! Kilala niyo?!" I heard the drunk girls giggling beside me.

"Mine! Mine!" ang katabi niya ay tumili. "Watch me, I'll take him home. Mine!" she
giggled at mas nagsalubong ang kilay ko.

"He's mine! Watch me take him home, girls!" they giggled.

Kinuha ko ang kamay ko mula kay Josh at bumaling sa mga babae sa tabi.

"Excuse me? Anong mine? Akin 'yan!" I can't help but exclaimed kaya natahimik sila.
"Huh? Pinagsasabi mo, Miss?!" ang nagsabi ng mine ay nakabusangot pero masama ang
tingin ko sa kanya.

"Sabi ko, 'yong mina-mine mo r'yan, akin." I said seriously and smiled softly and
she opened her mouth to speak pero biglang ng makarinig ako ng tili ay napaharap
ako sa stage.

My eyes widen when I saw Josh took Heart, mabilis niyang nabuhat ang huli at parang
sakong nilagay niya sa balikat niya. Tumitili naman si Heart doon.

"H-hoy, bakit mo kukuha pinsan ko!" Atlas stopped dancing and hissed groggily,
nagkatinginan kami ni Josh kaya mabilis akong lumapit doon.

Atlas went down the stage to fight with Josh, "h-hoy! Shino ka—ba't mo kukuha si
bobo—pinsan ko 'yan!"

"Cap! You're both drunk." Ani Josh na seryoso pero si Heart ay tumitili lang doon.

"Oh! Josh!" biglang humagalpak si Atlas at pumalakpak. "'D-di mo babatiin ang


birthday boy?!" mas tumawa siya.

Bumaling sa akin si Josh kaya nilapitan ko si Atlas na biglang natulala sa akin.

"Oh, ayan, regalo ko, Cap." Tawa ni Josh pero 'di na sumagot ang huli at nakita
kong nakatitig lang sa akin gamit ang namumungay niyang mata.

"Let's go," I said and took his wrist, he glanced at it and back to my face as his
smile widened.

"O-oh, bibi ko!" he laughed, nanlaki ang mata ko nang marahan niya akong hilahin
patungo sa kanya at hawakan ang baywang ko. "Everyone, bibi ko!"

The crowd cheered, nakita ko pa ang ilan na pumapalakpak kaya nag-init ang pisngi
ko.
"A-ang nagpapayanig ng mundo ko!" he exclaimed, tinaas pa ang kamay at biglang
yumanig kaya napapikit ako at nahiya para sa kanya.

Nagtilian at tawanan ang mga tao at halos takpan ko na ang mukha ko.

"Putek na..." biglang lumitaw si Ted na tumatawa at si Josh na naiiling, buhat pa


rin sa balikat ang nagwawalang si Heart.

"Hilahin mo na 'yan, Lia." Ted laughed kaya napatalon ako, mabilis na humawak sa
pulsuhan ni Atlas at hinila na siya paalis sa crowd.

Good thing, hindi naman siya nagpabigat. Nang makawala kami sa crowd ay napahugot
ako ng hininga dahil lumuwang na ang pakiramdam.

"Ako na kay Cap," ani Ted na ngumiti at lumapit kay Atlas na nakapikit na habang
nakatayo. Pulang-pula ang kanyang mukha at parang isang tulak lang ay matutumba na.

"Sige, salamat..." I nodded, pleased at his help at nakakatakot na baka kapag


natumba si Atlas ay tuluyan na akong madaganan.

"Let me go! You ugly alien!" Heart screamed her lungs out. Sinipa pa si Josh kaya
napadaing ang huli at nanlaki ang mata ko nang paluin ni Josh ang pang-upo nito
kaya natigilan ang huli at napangiwi ako nang matinis lang ito tumili.

"Pakyu ka, Alien!" Heart screamed.

"She's usually loud when drunk," ani Ted kaya bumaling ako sa kanya at tumawa siya,
nakita kong nasa balikat na niya ang braso si Atlas. "Ito naman si Cap, mamaya 'yan
kapag medyo nakatulog." Tawa niya kaya napatawa na rin ako at tumango.

Nauna na ang girlfriend ni Ted sa kanyang sasakyan, naupo ito sa shotgun seat at
nagsabi si Ted na siya na ang magmamaneho.

He assisted me to bring the sleeping Atlas in the back habang si Josh ay marahang
pinapaupo si Heart sa upuan at na ngayo'y tulog na din at humihilik.
"Here, Lia..." Ted tapped the seat beside Atlas kaya tumango ako at ngumiti.

"Salamat, Ted." I smiled and he nodded, inalalayan pa akong paakyat.

I sat beside Atlas and touched his face, nakasandal siya sa salaming bintana at
bahagyang nakaawang ang labi at namumula. I smiled, he looked so adorable, bigla
kong naalala ang dance number nila ni Heart sa stage at bigla akong napangiti,
natatawa sa imahinasyon.

"You okay there, Lia?" Josh asked, dumungaw pa sa akin sa likod habang inaayos ang
ulo ni Heart sa balikat niya.

"Yes, I'm okay." I smiled.

He nodded, dumungaw sa amin si Ted at nagtanong kung babyahe na ba kami pauwi at


nang um-oo kami ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.

Unang paandar pa lang ni Ted ay nahuli ko na ang biglang paghulog ng ulo ni Atlas
at medyo umikot pa ang ulo sa ere, at bago ko pa man maabot ang mukha niya at
tumama na siya sa salaming bintana kaya lumagpok.

I gasped, mabilis na hinuli ang ulo niya pasandal sa balikat ko, napalingon sa akin
si Josh at narinig ko ang tawa ni Ted sa harapan.

"Is he alright?" Josh laughed, nakita ko pa ang pagsulyap ni Ted sa salamin.

"Yeah, tumama lang..." napailing akong natatawa.

Habang nasa byahe ay sumandal ako para ma-relax at hinayaan si Atlas na nasa
balikat ko.

He smelled the mix of liquor and his perfume at habang hawak ko siya ay naisip ko
ang kaarawan niya ngayon.
I forgot about it...ni hindi ko man lang naalalang dumalo sa dinner na hinihingi
niya sa akin kanina. I suddenly remembered my 18th birthday and felt bad about
him...I don't know kung anong naramdaman niya ngayon.

Nasaktan din ba siya kagaya ko noon o hindi?

I closed my eyes and sighed, nakitang ang kanyang palad ay nasa may hita ko kaya
marahan ko iyong inabot. I filled the gaps in between his fingers with mine and
brought it slowly on my lips, giving it a quick kiss.

"I'm sorry, Atlas..." I whispered. "I'm so sorry."

I heard him groaned, halos mapasinghap ako nang gumalaw ang ulo niya at mayamaya'y
nakadikit na ang kanyang mukha sa aking leeg.

"B-bibi..." his warm breath touched my neck and it made me shiver, lumalim ang
paghinga ko nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko at tumama ang labi niya sa
leeg ko.

"L-Lia..." he whispered and buried his face more, ang isang braso niya ay umikot na
sa baywang ko at yumakap kaya napapikit ako at dinama ang init niya.

"Hmm?" I hummed and I heard his sharp breath intake before kissing my neck briefly
again.

"L-love na love kita..." he whispered and I felt something tugged inside my chest.

I felt it thumping in a familiar rhythm, that thump that is so familiar to me, the
beat that only he can make me feel.

"R-really?" I whispered and lifted my other hand to caressed his hair. I slowly
brushed it and he groaned again and buried his face more.

"H-hmm, pwamis...peksman." He giggled. "L-Lia lang love ko..."


It made me smile, humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay at muli itong dinala sa
labi ko para hagdan.

"Just give me time..." I whispered back. "Gaano mo ako ka-love?"

"Super!" he suddenly exclaimed, nagulat ako nang lumayo siya sa leeg ko at itinaas
pa ang kamay pero tumama ang kamao niya sa bubong ng kotse kaya nag-ingay at
nanlaki ang mata ko.

"Super dami! Abot kay Lord!" he exclaimed loudly at lahat kami ay nagulat nang
biglang napapreno si Ted, nakita kong nawalan ng balanse si Atlas at napasinghap na
lang ako nang muling tumama ang ulo niya sa bintana.

"Anong..." Ted glanced at us pero humahagalpak lang si Josh.

"Wala, naaaning si Cap, sige lang..." tawa ni Josh.

Panicking, I took Atlas' head back to me, inabot ko ang mukha niya.

"Y-you okay?" I muttered softly, marahang hinaplos ang kanyang pisngi pero hilik
lang ang sinagot niya sa akin kaya ibinalik ko na lang siya sa balikat ko.

Hindi rin nagtagal ay nakauwi na kami sa building. Josh carried Heart on his arms,
si Ted naman ay kinuha sa akin si Atlas na parang tarsier kung makakapit.

"Ayaw! Ayaw!" I frowned when I caught him pulled Ted's hair when he tried assisting
him.

"Cap! Aray!" Ted hissed.

Natawa ang girlfriend niya sa tabi ko kaya nilingon ko siya at ngumiti.

"Pasensya na, ah?" I said softly and she chuckled and shook her head.
"No, it's okay." She smiled.

Pahirapan pero nakapikit na si Atlas nang makumbinse na ni Ted na tutulungan.


Sumakay kami sa elevator at kaagad kong pinindot ang floor kung saan kami.

Atlas looked so wasted, namumula ang mukha at magulo ang buhok, medyo bukas pa nga
ang polo niya kaya napailing na lang ako. Heart is sleeping deeply too, nakaikot
ang braso sa seryosong si Ted at humihilik pa kaya napangiti ako.

When we reached our floor ay nauna kaming magtungo sa unit ni Heart.

"Hala..." I muttered. "Hindi ko alam ang passcode." I glanced at Josh.

"Type this," aniya kaya nagulat ako at lumapit sa passcode.

"Alam mo?" I asked and he nodded and smiled briefly.

"Yeah, she told me." He chuckled a bit at nang sinabi niya ang code ay mabilis
iyong nabuksan at pumasok siya habang buhat si Heart. Sinundan ko siya ng tingin at
tinawag ang pansin niya.

"Babalik ako, Josh, ah? Puntahan ko muna si Atlas." I told him and he nodded.

Lumabas ako at bumalik kina Ted at ang girlfriend niya na nasa tapat ng unit ni
Atlas.

"Uh, Lia..." Ted called me kaya lumapit ako sa kanila. "Anong passcode ni Cap?" he
asked kaya bahagyang nanlaki ang mata ko at mabilis na napailing.

"Hindi ko alam..." I muttered and bit my lip, biglang nag-panic at tinuro ang unit
ko.

"U-uh...ano, pwedeng dito na lang sa unit ko." I said.


"Ayos lang?" ani Ted na medyo nangingiwi na sa bigat ni Atlas at nahiya naman ako
kaya mabilis akong tumango, binuksan ang unit ko at pinapasok na sila.

"Dito..." I said and opened my bedroom.

I watched him entered my room, sumunod ako at halos mapapikit pa sa nang 'di na
kinaya ni Ted at sabay silang natumba ni Atlas sa kama.

"A-aray ko...Cap, ang bigat mo!" Ted hissed at dali-dali akong tumulong para maayos
si Atlas sa kama.

Bumulagta ang huli roon, si Ted naman ay napahawak sa batok at ngumiti sa akin.

"Ah, Lia, sorry, ah? Ayos lang ba kung ikaw muna rito kay Cap?" ani Ted kaya
mabilis akong tumango.

"Oo naman, okay lang." I smiled at him.

"Pasensya na, I wanted to help but Cristy..." he pointed his girlfriend na pumasok
din doon at ngumiti sa akin. "She has a flight tonight, ihahatid ko pa."

"Pasensya na, Lia." Ani Cristina kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.

"Naku, ayos lang..." I said. "Kaya ko 'to, salamat sa tulong niyo. Ingat kayo sa
byahe."

"Alright," Ted smiled. "Balik ako bukas."

"Sige, salamat. Ingat kayo." Ngiti ko.

Nakipag-beso muna sa akin si Cristina at hinatid ko sila kina Heart at magpapaalam


daw muna sila kay Josh.
"Si Heart?" I asked and Josh pointed her bedroom.

"Sleeping," aniya kaya tumango ako roon.

"Nakapagbihis na ba? Ako na ang magpapalit ng damit niya para 'di ka na maabala." I
said and Josh smiled and nodded at me.

"Sige, salamat, Lia. Ayaw ko rin bihisan at baka kapag ako ay masipa ako tapos sa
Mars na mapadpad." He laughed kaya natawa na rin ako. "Alien pa man daw ako..."

"Loko lang 'yan si Heart," I chuckled and waved at him.

Pumasok ako at nakita ang kaibigan na nasa kama at balot na balot ng comforter,
kumuha ako ng nakita kong damit sa closet niya bago lumapit sa kanya na nahihilik
pa.

Tinanggal ko ang comforter, binihisan ko siya ng damit at pajama at nang matapos ay


muli kong tinakpan ang katawan niya ng comforter at lumabas.

I saw Josh waiting for me, kaagad kaming nag-ngitian nang magkatinginan.

"Is she okay?" aniya kaya kaagad akong tumango at ngumiti.

"Yes, ikaw na muna sa kanya, Josh, ah? Punta-punta ako rito kapag kailangan ni
Heart." I smiled. "Pasensya na, si Atlas kasi bulagta pa rin sa kama. 'Di mabuksan
ang unit niya kaya ro'n na lang."

He chuckled and nodded, "alright, you can count on me. If you need help for Cap
too, message mo lang ako o kaya ay pumunta ka rito para matulungan na kita."

"Sige, maraming salamat." I smiled.

Josh walked with me towards my unit, nang makapasok ako ay 'tsaka lang siya umalis.
I felt a bit tired, pumunta ako sa kusina para kumuha ng baso ng tubig at nag-
ponytail ng buhok bago muling pumasok sa kwarto. My forehead creased when I saw no
one on my bed.

"Atlas?" my forehead creased.

Nakita ko ang ilaw sa may banyo, kumunot ang noo ko at pupunta sana roon nang
biglang magbukas ang banyo at nakita ko si Atlas na lumabas at mukhang lutang.

"At—"

"Ashan si Heart?" he muttered and my eyes widen when I saw him naked on top, hawak
niya ang shirt na suot at ang pantalon niya ay medyo bukas na ang butones at bigla
akong natakot na mahulog! "Shayaw tayo, puso! Showdown!"

Ito ba...ang sinasabi sa akin ni Ted na pagkatapos matulog ito sinusumpong?

Halos mapatalon ako nang may tumugtog na alarm o kung ano at may napansin akong
phone na umiilaw sa kama. To my horror, he suddenly swayed his hips, tinaas ang
kamay at pinaikot ang shirt sa ere.

"Ihataw natin 'yan! Ihataw!" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya at sa
tingin ko'y iniisip pa rin niyang nasa bar siya.

Napainom ako ng tubig at bigla siyang napaharap sa akin at biglang napangiti, antok
pa at mapungay ang mga mata at humakbang.

"O-oh, bibi ko!" he exclaimed happily, sa muling paghakbang niya ay biglang nahulog
ang kanyang pants at bigla kong nabuga ang tubig ko, nanlalaki ang mata sa nakita.

Chapter 27 - Kabanata 25

Happy 275K dito sa wattpad, Archers! And 5 more chapter for Amalas! Ready na ba
kayo? Hehe.
xxx

Kabanata 25

Spiderman...Oh my God! Nakita ko si Spiderman!

"Santisima!" I exclaimed horribly, binaba ang baso. I lowered my head and covered
my face with my palms.

"Ay, nahulog!" I heard Atlas' laughter and I gasped loudly, marahang lumakad ng
patalikod, takip ang mukha ko.

"Log! Log! Log!" I heard him singing kaya napatalon ako, mabilis na pinaghiwalay
ang daliri para makasilip sa pagitan nito at halos mahimatay na ako nang tinataas
niya ng marahan ang pants niya habang gumagalaw pa ang balakang.

I caught a glimpse of his Spiderman boxers, I saw the protruding bulge in the
middle of it at mas nilakihan ko ang mata at ang gaps ng daliri ko para mas maging
malinaw.

Oh my God! I'm no saint! Of course, alam ko kung anong nando'n! It's his...oh my
gosh! Nakita ko na rin 'yan sa cadavers!

Sinara niya ang zipper at nagkatinginan kaming dalawa at bigla siyang ngumisi.

"Ay, halimaw!" I gasped and suddenly covered my whole face with my palms again.

"Uy, nakita ng bibi ko!" bigla siyang humagalpak. Nag-init ang pisngi ko at
napalunok, muling umatras mula sa harapan niya.

I heard his footsteps and I took another step back, flushing so much, malakas din
ang kalabog sa aking dibdib.

"'D-di lang 'yan halimaw, bibi. Nangangain din 'yan! Rawr!" he said and I screamed
when I felt his hand on my arms, the back of my knees bumped into something at doon
na ako nawalan ng balanse.

Suminghap ako nang maramdamang bumagsak ako sa malambot na kama at may mabigat na
napadagan sa akin.

My eyes widen, mabilis kong tinanggal ang palad sa mukha ko at halos mawala na sa
ulirat nang makitang nasa ibabaw ko si Atlas at nakatitig.

His black eyes looks peaceful, wala akong marinig habang nakatitig sa kanyang itim
na mga mata kung hindi ang malakas na kalabog ng puso ko.

"A-Atlas..." I muttered, bagsak ang kanyang itim na buhok sa noo at namumungay pa


ang mga mata habang nakatitig.

He still looks a lot like his young self, only that his features sharpened and
matured more and me? I think I'm still the young Amalia who's yearning for him so
much...

Nakasuporta ang kanyang siko sa gilid para hindi ako madaganan masyado ng kanyang
katawan at nakita ko ang pagtagilid ng ulo niya habang nakatitig sa akin.

"D-don't wake me up..." he suddenly muttered and my forehead creased.

"H-huh?" I asked and I saw him stared at me again, smiling a bit.

"I'm dreaming..." he whispered a bit while staring at me. "H'wag mo akong gisingin,
ah? N-nandito ang bibi ko sa panaginip ko..."

Something tugged my chest while listening to his soft voice.

"What do you mean?" I asked softly.

His eyes soften more, mas namungay ang mata niya at inilapit ang mukha sa akin. I
shivered when his nose touched mine, pumikit siya at medyo bumilis ang paghinga
niya.

"I...can only hold her like this in my dreams." He whispered, the smell of rum and
mint from his breath touched my nose.

"W-what?" I whispered, nararamdaman na ang pangingilid ng luha habang pinapakinggan


siya.

"K-kasi sa totoong buhay naman...ayaw na niya sa'kin." He said again and opened his
eyes to stare at me. "O-oh, bakit ka umiiyak?"

"Uhm..." I cleared my throat, gusto mang hawiin ang luha ay 'di magawa dahil
nakatabon sa akin ang katawan niya at hindi ko maiangat ang mga kamay.

"Shh," he whispered like a lullaby, umangat ang isang kamay niya at hinuli ang luha
sa gilid ng mata ko. "Don't cry...kahit dito na lang, ayaw ko na makitang umiiyak
ka."

Doon na mas nahulog ang luha ko, tila may kamay na humahaplos sa puso ko at sobrang
babaw ng luha ko. I bit my lower lip, trying to stop my tears but everytime I'm
seeing his soft and concerned eyes, I feel so hurt.

"Shh, no, baby..." he whispered again, mas inabot ang luha ko. "Stop crying, don't
get hurt because of me again..."

Humikbi ako at tinitigan siya sa nanlalabong mata.

"B-bakit g-ganyan ka, Montezides?" I whispered and his lips lifted a bit for a
small smile.

"Palpak?" he chuckled huskily, mas hinawi ang luha ko, nakasuporta pa rin ang isang
siko sa gilid ko para 'di ako madaganan. "Kapag nand'yan ka lang naman 'tsaka ko
ganito."

"W-what?" hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa lambing ng boses niya.
"May sumpa na ata 'ko, bibi. Kahit sa panaginip basta nand'yan ka, palpak."

It suddenly made me laugh, mukha akong tangang umiiyak pero humahalakhak at nakita
ko ang pagsayaw ng aliw sa kanyang mata, tumagilid siya at bahagyang umalis sa
ibabaw ko. I saw him placed his hand on his head for support while staring at me.

Bahagya akong tumagilid at hinawi ang luha ko, sumisinghot pa, kinakagat ang labi
para pigilin ang pag-ngiti. He lifted his other hand and help me remove my tears.

"Pero kahit palpak 'to, mahal na mahal ka nito." Biglang bida niya, his drunk eyes
looks so lazy and sleepy.

Tumikhim ako nang maramdaman ang malakas na pagkalabog ng puso. I lifted my hand so
I could rest my head, tumagilid din ako at pinagmasdan siya.

"T-talaga?" I muttered and he nodded.

"Oo, kay bibi Lia lang magpapayanig..." he muttered and I laughed again, nakita
kong medyo nanliit ang mata niya pero nanatiling nakatitig.

"Paanong...paanong yanig?" I asked.

His lips protruded, "s'werte mo, bibi at nasa panaginip tayo. 'Di ko 'to gagawin sa
totoong buhay."

Nagpigil ako ng tawa at tumango.

"Sige nga, patingin ng yanig sa panaginip?" pagsasakay ko at mabilis siyang


tumihaya, inangat ang dalawang kamay at biglang nangisay.

Hindi ko na napigilan at napahagalpak na talaga ako, I felt like my stomach will


hurt with so much laughter, tuloy-tuloy pa rin siya roon at napailing na ako kasi
hindi ko na talaga kaya.
"T-tama na, tama na..." I muttered and he stopped, natatawang binagsak niya ang
kamay at nilingon ako.

"Gano'ng yanig, bibi..." he explained.

I am positive I'm red as a tomato right now, I covered my face to calm down and
shook my head. I heard his chuckle, nang medyo kumalma ay suminghap ako at binaba
ang kamay para tignan siya na mukhang tawang-tawa rin sa kagagawan.

"You...think this is a dream?" I asked when I noticed him not having any shame
right now, hindi kagaya kapag nakikita ko siyang tuma-tumbling sa tabi at namumula
siya sa hiya.

"Hmm," he hummed. "As...as if ipapakita ko sa'yo 'yong yanig sa totoong buhay,


mamamatay muna ako, Lia, bago mo makita 'yon."

Ayokong tumawa pero napahalakhak na naman ako, medyo nag-iba na ang tunog kaya
tinakpan ko ang bibig at mahinang napahagikhik.

He just stared at me with amusement pero mayamaya'y natigilan bigla at bahagyang


nanlaki ang mata.

Bigla siyang namula at napanganga, "d-don't tell me this isn't—"

"P-panaginip 'to!" inunahan ko na siya at nakita kong napabuntonghininga siya at


bumagsak muli sa kama. I saw him put his palm on his chest and heaved a relax sigh.

"Thank you, Lord. Amen." He whispered and I bit my lip, stopping so hard not to
laugh at him.

"Pero...paano kung hindi pala 'to panaginip?" I asked, mabilis pa sa alas-kwatro


ang kanyang paglingon at napanganga kaya napatawa ako ng mahina at kinumpas ang
kamay. "No, no! Panaginip 'to, what I mean is...what if?"

"Woah, akala ko ano na..." napahugot siya ng hininga. "No way this is real, baka
mamatay ako on the spot kapag totoo..."
Nakagat ko ang labi at nagpigil.

"Really?" I hummed and he nodded.

"Hmm," he stared at me again and I saw the sudden lone expression on his eyes.
"'Tsaka...busy 'yon...ikaw. M-may party kang pinuntahan."

My smile faded, nakita kong ngumiti siya ng bahagya at umiling, "but...it's okay. I
truly understand, may buhay ka rin namang iba, masaya na akong kahit sa panaginip
lang kasama kita."

Tumihaya siya bigla at pumikit at nasaktan ako sa nakitang lungkot sa kanyang


mukha.

"This dream...is too much for a birthday wish." He whispered a bit.

I cleared my throat, dumapa ako sa kama at marahang gumapang palapit sa kanya. My


heart is beating frantically but I remained brave. I, hesitant at first placed my
hand on his chest and moved my face closer to his.

Napamulat siya roon sa bigla kong ginawa, I saw how his eyes widen when he saw me
that close.

"L-Lia..." he muttered.

I gulped, mayamaya'y inilapit ang mukha ko at hinalikan ang noo niya.

"I'm sorry," I whispered and glanced at the clock. "And belated happy birthday."

I saw his eyes soften, "did you just—"

"Kiss you?" I asked softly and he nodded, wide-eyed. "Yes, I did."


He blinked rapidly at me, marahang inabot ko ang buhok niya habang nakadapa pa rin
ako sa kanyang tabi at sinuklay ang buhok niya ng daliri ko.

He just watched me do my thing with his soft eyes, kumalabog ang puso ko nang
magkatinginan kaming muli kaya ngumiti ako sa kanya.

"I wish you nothing but the very best, Atlas." I stared at his eyes. "Happy
birthday."

Nakita ko ang pagkagat niya ng labi, mukhang nagpipigil ng ngiti pero sa huli ay
lumitaw din kaya napatawa ako.

"I love you," he muttered seriously and my heart felt light.

"Y-you do?" I asked, happiness filling me.

"Noon hanggang ngayon...kahit palpak ako." He chuckled kaya napatawa na rin ako. I
watched him, quietly adoring his handsome and slightly reddish face.

"Pero mag-iingat ka, ayokong malasog ka." I muttered.

He suddenly laughed, napatili ako nang bigla niya akong dambahin. He was too quick
and strong, sa mabilis na galaw lang ay naayos niya ang pwesto namin at nanlaki
lang ang mata ko.

"Montezides!" I hissed and his laughter roared, mabilis niyang inayos ang braso
niya kung saan niya ako pinahiga at mabilis akong hinigit sa kanyang katawan.

Tumama ako sa kanyang dibdib na medyo namumula dahil sa nainom. I saw his abs and
my eyes turned HD while looking at it.

I lied, okay? Mas maganda ang katawan niya kaysa sa mga nakita kong cadaver sa
anatomy at sa mga artista sa movies.
"Eyes up, my baby. Baka matunaw ang mouth-watering abs ko." He muttered boastfully
kaya nanlaki ang mata ko at nag-angat ng tingin at nahuli siyang nangingisi.

"Y-you..." I slapped his chest and he laughed more, hinuli niya ang kamay ko at
dinala sa kanyang leeg kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Payakap lang, bibi..." he chuckled and pulled me closer. "Birthday gift mo na sa


akin, para maganda gising ko sa panaginip." He said hoarsely.

And who am I to say no to this man? Ako pa rin naman si Amalia...ang batang Amalia
na marupok kay Atlas Montezides.

"Okay," maliit na boses kong sabi at marahang niyakap din siya pabalik. I closed my
eyes and smelled his scent at mas nagsumiksik siya sa katawan ko.

"Love you..." he whispered and it made me smile.

Wala pang ilang sandali ay narinig ko na ang mahinang hilik niya sa tainga ko. I
chuckled, inangat ang ulo ko at nakitang malalim na ang kanyang tulog. I slowly
touched his bare back, medyo malamig na iyon dahil sa aircon kaya napailing ako.

"Hindi man lang nag-shirt," I muttered and took a peek on his abdomen. "Anyway,
okay lang." humagikhik ako pero biglang natigilan.

What? Amalia? Ikaw ata ang lasing?

I shook my head, medyo kumawala kay Atlas para kunin ang comforter at i-angat sa
katawan naming dalawa. I made sure his back is covered and sighed happily, I
remained staring at his face and smiled.

"I'll listen to you," I muttered while staring at his peaceful face, mukha siyang
anghel sa langit...medyo nagkamali nga lang ng pagkahulog ngayon habang nasa tabi
ko.

Nahulog.
Bigla akong natawa, naalala ang boxers niyang Spiderman ang design at napailing. I
stared at his face again for a minute before I moved my face closer to kiss the tip
of his nose.

"Sleep well, Doc." I chuckled and pinched his nose. "I am positive you'll realize
tomorrow what you did tonight."

Kumunot ng bahagya ang noo niya at nagsumiksik sa akin kaya natawa na ako, I slowly
hugged him and slowly closed my eyes to rest too.

I don't know how long I slept until I felt something moving beside me, I slowly
opened my eyes and in the dim lights, may nahuli akong tumayo sa tabi ko at
kumaripas ng takbo papunta sa banyo.

My forehead creased, nagtataka ako no'ng una kung may kasama ba ako sa kwarto pero
biglang naalala si Atlas. Narinig ko ang kalabog ng pagbagsak sa banyo kaya dali-
dali akong napatayo at inayos ang dress ko.

I almost ran inside the bathroom and gasped when I saw Atlas sitting on the tiles.

"F-fuck..." he cursed and touched his waist.

"Oh my God..." I muttered, mabilis na lumapit pero mabilis siyang nakagalaw at


mayamaya'y nagsusuka na sa inidoro.

Worriedly, I immediately went beside him, hinaplos ko ang likuran niya at napatalon
siya ng bahagya sa gulat, akmang lilingunin ako pero nasuka na naman.

"Ayan, inom pa..." I muttered softly nang halos yakapin na niya ang bowl. "Wait
here."

Mabilis akong tumayo, inayos ang ponytail ko at pumunta sa kusina. I took hot water
for him to drink and a cup of coffee and meds for his hang-over. Pagbalik ko sa
banyo ay maayos na siya, halos nakasubsob pa sa may sink pagkatapos niya
maghilamos. Tumutulo pa ang basa sa kanyang baba at medyo basa rin ang kanyang
buhok.
"Okay ka na?" I asked, bigla siyang nag-angat at nang magkatinginan kami sa salamin
ay nakita kong napatalon siya at nanlaki ang mata.

"L-Lia?!" he exclaimed, wide-eyed.

"Oh, bakit?" I asked and walked towards him.

Nanlalaki ang mata niyang sinundan ako ng tingin habang papalapit sa kanya, para
siyang nakakita ng multo kaya natawa na ako.

"What's the matter?" I asked and gave him the glass of warm water.

"Y-you..." his forehead creased and drink from the water a bit. "How..."

"Sinundo ka namin sa bar," I explained and his forehead creased. "Inumin mo muna
'yan, sandali."

Binuksan ko ang drawer sa may gilid para kumuha ng malinis na twalya at lumapit sa
kanya. He's just blinking, mukhang pinoproseso pa ang nakikita kaya muli akong
ngumiti.

"Come on, uminom ka muna." I said and handed him the meds kaya mabilis niya iyong
kinuha, hindi pa niya mabuksan ang balot no'ng una dahil nanginginig ang kamay niya
at mukhang nataranta kaya kinuha ko na iyon at ako na ang nagbukas.

"Open your mouth," I muttered.

Hesitantly, he opened his mouth and he looked so adorable no'ng ako na ang
nagpainom sa kanya ng gamot. Habang umiinom siya ay nakatitig siya sa akin na para
akong aparisyon kaya ngumiti akong muli.

"Why...are you staring?" I asked.


"You..." binaba niya ang baso at kumurap-kurap. "Paano ka—"

"Sinundo ka nga namin sa bar," I said, marahang humawak ako sa kanyang braso kaya
medyo napaupo siya sa counter.

I lifted the clean towel and dried his face, nanatili naman siyang nakatulala sa
akin kaya hinanap ko ang mata niya at nahuli ko ang pagkalat ng pula sa kanyang
mukha.

"Come on, breathe..." I said when I saw him not breathing at napatawa na ako nang
napahugot siya ng hininga.

"W-what the fuck?" he muttered.

"Bakit?" I chuckled and dried his neck too, magulo ang buhok niya at tanging pants
lang ang suot at habang nakatayo ako sa harapan niya ay feeling ko tuloy ay madali
ko na siyang maabot.

"D-did I..." he stopped. "D-did I do something stupid? L-like..." tumikhim siya.


"Napatuwad ba a-ako o kaya tumambling sa gilid?" he asked, almost in a whisper.

Naalala ko ang yanig niya bigla sa bar at ang pagdulas niya sa banyo ngayon lang
kakamadali niya at kahit natatawa ako ay nagkibit-balikat ako.

"Mayro'n ba?" I asked.

Mukha siyang napaisip ng malalim at parang hinahalukay sa utak niya ang kung ano
bago umiling.

"W-wala naman..." he looks in doubt of his answer. "Wala naman akong ginawa, wala.
'D-di ba, Lia, wala?"

"Wala..." I smiled and it made me happy when he touched his chest, as if relieved.

"Thank, God." He muttered. "Akala ko may ginawa ako, wala naman pala."
Wala naman, nahulog lang 'yong pants mo sa kalokohan mo.

Gusto kong sabihin pero natawa na lang ako at mas natigilan siya, "p-pero weh? Wala
talaga?" he asked.

"Wala akong nakita," I said.

He stared at me as if I did something horrible, "w-weh?" he suddenly looked so


nervous.

"Wala nga," I said.

"B-bakit parang may naalala akong sumayaw kami ni Puso—"

"Ah, 'yong Yanig Dance?" I smiled at halos lumuwa ang mata niya.

"Putang ina, sabi na, eh!" he screamed and that's when I burst out laughing.

"Lia naman, eh!" he glared at me and I bit my lip to stop myself from laughing but
I ended up laughing more.

"H-hindi ako n-natatawa..." I said pero muli na namang tumawa.

"Lia..." he whined and stomped his feet.

He watched me laugh like a fool, pabirong matalim ang tingin niya at nakanguso pero
wala namang sinabi. Inantay niya akong tumahimik at kumalma at nang kumalma na nga
ay 'tsaka lang siya nagsalita.

"Tuwang-tuwa, Amalia Lorraine?" busangot niya kaya napailing ako at inilapit sa


kanya ang kape.
"S-sorry na," I said and remembered it again kaya napailing. "Uminom ka munang kape
para mahismasan ka, medyo nakakalog pa."

"You're bullying me," he frowned more kaya ngumisi ako at umiling, marahang
sinuklay ang kanyang buhok.

"Hindi, ah?" I chuckled. "Do you want to take a shower?"

"Hmm," he hummed and nodded. "Ang baho ko na ata."

Hindi naman...

"Medyo nga," I answered and he glared at me again kaya natawa ako at napapailing na
inilagay sa balikat niya ang twalyang hawak ko. "Hatid na kita sa kwarto mo?"

"Huh? Why?" he asked.

"Para...maligo?" I asked and his eyes widen a bit at umayos ng upo sa may sink.

"Uh, dito na lang ako maligo, bibi." Aniya kaya mas nangunot ang noo ko. "Ano, wala
kasing tubig sa kwarto ko."

"Oh?" I asked and nodded. "Sige, dito na lang. Kukunan kitang damit na lang?"

"Okay po, bibi." He smiled adorably.

I nodded, sinabi niya sa akin ang passcode niya kaya nagtungo ako sa kabilang unit
para kunan siya ng damit. His room looks exactly like mine, iba lang ang furniture
niya at mostly dark colors at lalaking-lalaki.

I smiled, the room smells like him too.


Pumunta ako sa kanyang kwarto para kumuha ng puting shirt at sweat pants na kulay
gray, medyo nanlaki pa ang mata ko nang makita ang underwear niya kaya napailing
ako.

Bad, Lia!

Napasilip ako sa CR, I remembered him saying na walang tubig dito kaya lumapit ako
sa faucet at sa gulat ko ay may tubig naman.

Oh, baka...bumalik na ang tubig? Baka kanina ay wala?

Confused, umalis ako sa kwarto niya bago bumalik sa akin at pumasok sa kwarto. I
knocked on the door but he isn't answering kaya marahan kong pinihit ang pintuan at
bumungad sa akin ang nakasaradong glass door at ang tunog ng bukas na shower.

"A-ah, Atlas, n-nandito ang damit mo!" I said.

"Alright, bibi. Thank you!" sabat niya sa loob kaya tumikhim ako at napatango,
habang marahang nilalapag ang damit niya sa may sink ay naiiwan ang mata ko sa
anino niya sa glass door.

Naalala ko ang sekretong tinatago ni Spiderman kanina...

What the...Amalia, malandi ka na!

I screamed inside my head, bago pa man magkasala ay halos madulas-dulas ako para
lang makalabas ng banyo, nag-iinit ang pisngi.

"Lord, sorry, Lord. Magiging mabait na po ako." I whispered and did a sign of the
cross. "Sorry po at makasalanan ako ngayon."

I tried removing the dirty thoughts inside my head, muli akong nahiga sa kama at
binalot ang katawan ng comforter hanggang leeg at nanatiling nakatitig sa pintuan.
Kagaya ng sirang plaka ay nagpabalik-balik sa utak ko ang paghulog ng pants niya at
pag-ha-hi sa'kin ng Spiderman boxers niya kaya napasinghap ako.

"You're a very good and innocent girl, Lia." I told myself. "Calm down, girl..."

Nakita ko ang ang pagbukas ng pinto, nanlaki ang mata ko at akmang itatakip na ang
comforter sa katawan pero huli na ang lahat at nakita na niya ako.

"Tago ka pa, ah..." he smirked.

"H-hindi, ah!" I exclaimed, mabilis na naupo sa kama at sinamaan siya ng tingin.

He chuckled and walked towards me, napanguso naman ako at umayos ng upo para
kunwari ay 'di ko naiisip si Spiderman at tinaasan pa siya ng kilay.

"Hmm, okay..." malisyoso pa ang tingin niya at marahang naupo sa may tabi ko sa
kama kaya napanguso ako.

"Magpunas ka ng buhok, tumutulo, oh. Kung 'di ka malasog-lasog sa pinanggagawa mo


sa araw-araw, magkakasakit ka naman." Sermon ko roon.

"Sorry, bibi." He smiled adorably, I smelled my soap and shampoo on him kaya lowkey
akong kinilig pero hindi dapat mukhang masaya kaya seryoso akong lumuhod sa kama at
kinuha ang twalya sa balikat niya.

I put the towel on his head to dry his wet hair, tahimik naman siya habang ginagawa
ko iyon pero mayamaya'y naramdaman ko ang yakap niya sa baywang ko kaya kumalabog
ang puso ko. I let him hugged me and he buried his face on my chest.

"I...love you." he whispered. "Sorry if Ted dragged you to the bar kasi nagkakalat
kami ni Puso, I...I'm sorry to interrupt your party."

I finished drying his hair and sighed, marahan akong lumayo sa kanya at pinantayan
siya ng upo kaya nawala ang yakap niya sa aking tiyan. His eyes has that soft and
apologizing expression kaya napasinghap ako at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Look at me, Atlas." I said and he stared at me.

"Hmm?"

"I'm sorry..." I said and I saw his mouth slightly parted when he heard that.

"L-Lia, you don't need—"

"No, I said yes when you asked me out pero hindi ako nakadalo kaya humihingi ako ng
tawad. I am wrong, Atlas. I'm sorry kasi I forgot about it. I-I have a party to
attend, kasi, birthday ng Senior Pharmacist namin." I told him the reason. "I
definitely forgot about it, toxic din ang shift sa hospital kahapon kaya wala ako
sa sarili masyado. They only called me and I panicked, nawala rin sa utak ko ang
usapan natin."

He remained staring at me while I'm explaining, kinuha niya ang kamay ko at


hinaplos ang palad ko, napasulyap ako roon dahil gumaan ang pakiramdam ko bago
muling tumingin sa mata niya.

"I'm sorry, Atlas. I didn't mean to not answer your calls and messages too kasi na-
lowbatt din ako." I said sadly and sighed. "I'm so sorry..."

I don't know why but my tears fell, nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya roon
sa akin.

"L-Lia—"

"S-sorry, A-Atlas..." I whispered, tears falling down my cheek. "I-it's your


birthday and I-I appreciate how much you wanted to celebrate it with me p-pero
nakalimutan ko lang..."

I was shy because of my sudden outburst kaya kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya
at natakip ko ang palad sa mukha, napasinghap siya roon at marahan akong hinila, I
felt him lifted me a bit and kissed my jaw.

"Shh, baby, calm down..." he whispered and hugged me more.


"S-sorry..." I sniffed. "Sorry, Atlas..."

"It's okay, I'm not mad..." he whispered softly and caught my hands covering my
face. "Come on, baby, look at me."

Sa sobrang lambing ng boses niya ay marahan akong humarap sa kanya at nakita ko ang
lambot ng tingin niya. He lifted his hand a bit, natanto kong nakaupo ako sa may
hita niya kaya akmang aalis ako pero pinirmi niya ako roon.

"No, stay on my lap." Aniya kaya tumango ako.

He lifted his hand, nakatagilid ako sa kanya at para 'di siya masyadong mahirapan
ay humarap ako ng kaunti para mapunasan niya ang luha ko. May inabot siya at nang
makitang baso iyon ng tubig ay kinuha ko iyon at ininom bago ibalik sa kanya.

"Stop crying, baby. Ang puso mo." He whispered and I nodded, closing my eyes to
feel the warmth of his hands on my face.

"S-sorry, I just feel so bad forgetting your invitation. B-birthday mo pa naman." I


said and opened my eyes.

Kunot ang noo at seryoso siya sa pagpunas ng luha ko kaya humaplos iyon sa puso ko,
I slowly caught his hand on my face, mukhang nagulat siya roon pero 'di kaagad
nakapagsalita nang dalhin ko ang kamay niya sa labi ko at marahang pinatakan ng
halik, nakatitig pa rin sa kanyang mata.

"H-happy birthday, bibi..." I said and I saw how his eyes widen.

"W-what?"

"Sabi ko, happy birthday." I said and smiled.

"N-no..." tumikhim siya. "'Yong pagkatapos ng Happy birthday?" he asked.


"A-ah, bibi?" I asked shyly and I saw him turned red.

"S-shit, isa pa..." he muttered.

"B-bibi..." I said. "Happy birthday, bibi ko."

"Fuck..." he suddenly cursed, nakagat ko naman ang labi ko at nag-init ang pisngi.

"Sorry for forgetting it, bibi..." I said and dried my tears with my other hand.
"Happy birthday."

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya, halos mapatili lang ako nang mabuhat niya ako
at walang ano-anong pinahiga sa kama, my eyes widen when he smiled happily at me.

"Best birthday gift, I love you! I love you!" he exclaimed, napatili ako at
napatawa bigla sa kiliti nang paulanan niya ako ng maliliit na halik sa mukha at
leeg.

"A-Atlas!" I hissed, laughing.

"Best birthday gift!" he exclaimed and I chuckled when he kissed my cheek again and
again. "I love you, I love you!"

"Isang yanig dance nga r'yan?" I teased and he grinned, walang pakundangang lumuhod
sa kama at tinaas ang kamay na parang nangingisay kaya napatawa ako ng malakas.

"Oh, 'di ka na nahiya, ah?" I asked and he smirked again at muling paulit-ulit na
humalik naman sa tungki ng ilong ko.

"Kasi I'm happy," he chuckled.

"Akala ko ba mamamatay ka muna bago ka mag-yanig dance sa harapan ko?" I asked and
he smirked.
"Patay na nga 'ko," aniya kaya kumunot ang noo ko.

"H-huh—"

"Patay na patay sa'yo," he even winked. I screamed and smack his arm, humagalpak
naman siya ng tawa habang pinapalo siya.

"P-para kang baliw!" I hissed.

"Baliw na baliw sa'yo," he smirked again kaya mas nag-init ang pisngi ko at halos
masipa na siya. Tawang-tawa naman ang huli, he even caught my legs and smirked.

"Stalker ka, 'no? Paano mo nalamang mamamatay muna ako bago mag-yanig dance sa
harapan—" he suddenly stopped, biglang nanlaki ang mata at nilingon ako.

"Uh, sabi mo sa panaginip mo kanina—"

"W-what the hell..." he cursed and gasped. "I-imagination mo lang 'yon, Amalia!"

Napahagalpak ako, napaupo naman siya sa kama at namula.

"F-fuck, did you saw m-my pants fell—"

"Ah, si Spiderman?" I smiled and he covered his mouth exaggeratedly.

"Manyak ka na, Lia?!" he exclaimed at ako naman ang nanlaki ang mata.

"H-hoy, k-kasalanan ko bang nahulog!" I exclaimed at him, flushing. "Nag-nahulog


dance ka rin kanina, ah—"
"Blah! Blah! Wala akong naririnig!" he covered his ears.

"Tapos kumekendeng ka—"

"La la la...bingi si Atlas, bingi." He muttered while looking around kaya napatawa
na ako at mabilis na hinuli ang mata niya.

"Sige na, 'di na." I smiled.

He suddenly stopped, binaba niya ang kamay sa tainga at ngumuso sa akin, namumula
pa. Sumeryoso siya at pinakita sa akin ang isang daliri.

"Tingin ka rito," he said and I did. Tumitig ako sa kamay niya. "Sundan mo, ah?"

"Panaginip mo lang 'yon, Lia." He said and moved his hand in every side na sinundan
ko rin kuno. "Abra kadabra, panaginip mo lang!" pumalakpak siya kaya napakurap ako
at humarap sa kanya na nag-aabang ng tingin ko.

"May naalala ka?" he asked kaya napakurap ako.

"Huh? May dapat ba akong maalala?" I asked, pretending.

"Like your dream or..." he hesitated kaya kumunot ang noo ko.

"Ay, may panaginip ba ako?" I asked and he suddenly sighed, touching his chest.

"Salamat, wala kang maalala..." he said, seryoso pa kaya natawa na ako.

He suddenly glared at me, napahagalpak na ako bigla nang ngumuso siya.

"Scam 'tong si Puso, sabi niya effective pang-hypnotize. Amalia—"


"Wala nga!" tawa ko nang marahang tinulak niya 'ko pahiga, he carefully placed his
body on top of mine, hinanap niya ang mata ko at nagkatitigan kaming dalawa.
"Basta, panaginip mo lang, ah?" he asked and I slowly nodded.

"I love you..." he whispered.

"Thank you," I said and flashed a shy smile.

"Aww, it hurts..." pabiro niyang hinawakan ang dibdib kaya napatawa ako at tinulak
siya, napahiga siya sa kama at ako naman ang dumapa sa dibdib niya kaya
nagkatinginan kaming dalawa.

"Ma...mabigat ba ako?" I asked and he licked his lower lip and shook his head.

"Nah, kayang-kaya ni Atlas buhatin ang mundo niya. Ma-muscles 'to, eh." He showed
me his arms kaya natawa ako at bahagyang pumahalumbaba habang nakadapa ako sa
kanya.

He touched my waist, assisting me para 'di ako mahulog. Nakita ko ang natutuwa
niyang mga mata at kumakalabog ang puso ko sa saya kaya ngumiti ako.

"Sorry again, Atlas, and belated happy birthday." I said softly. "Hayaan mo at
babawi ako sa'yo."

"Gusto mo makabawi kaagad?" he asked and I nodded. "Kiss." He suddenly pouted.

My eyes widen, magha-hyperventilate na naman ata ako.

"T-talaga?" I muttered. "M-makakabawi na ako sa kiss?"

He suddenly chuckled, marahang inalalayan niya ako pahiga sa kanyang braso kaya
nagtatakang sumulyap ako sa kanya at humalik lang siya sa noo ko at marahang inabot
ang comforter para ilagay sa katawan namin.
"Joke lang," he chuckled. "I won't force you to kiss me para lang makabawi. It'll
be your own decision, kung sa tingin mo, kaakit-akit na ako, gora, kiss na this!"

I chuckled, pinisil ko ang ilong niya at mas namungay lang ang mata niya habang
nakatitig sa akin.

"So...paano ako makakabawi kaagad?" I asked at nakita kong napaisip siya pero
mayamaya'y napatango at bumaling sa akin.

"Are you...willing to listen to me now?" he asked seriously and my heart thumped


nervously.

I was hesitant and scared but I remembered this explanation was long overdue. It's
been years. Hindi na kami bumabata para magbingi-bingihan at matakot masaktan. It's
now or never. I don't want to get hurt hearing his side but I have to overcome this
fear in my heart and listen.

It's about overcoming heartaches even if it means you'll feel it once more while
listening then...I have to be brave.

Ang sakit ay kaakibat na ng buhay dahil hindi naman ito puro saya lang. What's the
point of life if you won't learn from the pain? Nasa sarili lang naman natin kung
tatalikuran natin ang sakit na iyon o haharapin ng buong tapang.

I stared at his eyes and slowly nodded, "okay..."

I saw how smile engraved his lips at that, inayos niya ako sa kanyang braso at
hinaplos ng marahan ang buhok ko.

"If ever you can't take it or you're in pain, tell me, hmm? I'll stop and let you
relax and breathe." He said and I nodded, smiling.

"Paano ko ba sisimulan?" he muttered and touched my hair again. "Whatever I told


you in the past was the truth, mula sa pagkakakita ko sa'yong mahulog sa kanal."

I immediately frowned. "Atlas..." I warned and he suddenly laughed.


"'Di na, sorry, bibi." Halakhak niya. "But it's true, whatever I told you in the
past, it's the truth and only the truth. It's true that I like you ever since,
nilapitan kita dahil crush na crush kita at nagagalit na si Heart kasi ang torpe ko
raw at bobo."

Bigla akong napangiti, "eh, magpinsan kami, 'di niya alam bobo rin siya." Tawa niya
kaya nailing ako.

"Tapos ayon, she couldn't take it anymore. Her friends betrayed her, talking ill
about her when she's not there, nagagalit din siya kasi madalas niyang marinig na
pinagkakatuwaan ka ng mga 'yon kaya umalis siya." He explained and my eyes widen.

"So...nakipagkaibigan siya kasi..."

"Yes, she befriended you because she's tired of me being you know, torpe. Gusto
niya akong ilakad sa'yo and well, Heart wanted to be your friend too. Kapag nasa
library ka nga at ini-stalk ka naming dalawa palagi niyang sinasabing gusto ka niya
kaibiganin at baka mahawaan mo raw siya ng kasipagan."

I blinked, napapikit ako nang maalala si Heart.

"Y-you mean to say n-na hindi niyo ako nilapitan k-kasi si Nanay at ang Dad mo—"

"I didn't even know he's seeing your mother, Lia." He said and my heart tugged
painfully.

"P-pero sabi ni Yui," I explained. "T-tapos tinanong niya si Heart sa harapan ko t-


tapos sabi niya oo raw...na lumapit ka para doon, na gusto mong maghiganti."

"It's a misunderstanding," ani Atlas kaya kumunot ang noo ko at umayos ng higa sa
braso niya.

"What do you mean?"

"I talked to Heart, ano ang naaalala mong pagkakatanong ni Yui kay Heart?" he asked
at napaisip ako roon.

"I don't remember exactly but I think it's her asking Heart kung nakipaglapit ba
raw siya sa akin para tulungan ka and Heart said yes." I said and he stared at me
and touched my cheek.

"Hmm, do you find something weird sa tanong?" he asked at muli kong binalikan ang
tanong at biglang natigilan at nanlaki ang mata.

"O-oh my..."

"See?" he muttered and I blinked rapidly. "She twisted her words, Heart said yes
because she really did help me to get close to you. That is so, she could be
friends with you and help me at the same time make my move to you kasi nga gusto
kita. It wasn't because of that revenge she's saying."

"Oh my God..." I whispered painfully, "I-I'm sorry, I thought...I even told Heart I
hate her! I..."

My voice shook, nangilid ang luha ko roon. "I-I'm sorry, Atlas. S-si Heart, I-I
have to apologize..."

"You can talk to her tomorrow," Atlas smiled and softly touched my cheek, "calm
down, baby. Breathe in, breathe out..."

Ginaya ko ang turo niya, hindi muna ako nagsalita habang kinakalma ang sarili.

"You don't have to worry about Heart, she wasn't mad at you." He muttered and my
heart soften, I nodded and sighed.

"I-I'm sorry, hindi ako nakinig." I whispered. "Sarado ang utak ko, Atlas. I'm also
sorry for leaving you without explanation."

"I forgive you," he whispered. "Hindi ka pa humihingi ng tawad, pinatawad na kita,


Lia."
Nanginig ang labi ko roon at mabilis na yumakap sa kanyang leeg. I felt him stunned
at first but hugged me back immediately.

"S-sorry kasi 'di ako nagsabi kung b-bakit ako umalis, k-kung bakit bigla na lang
kaming naglaho. S-sorry sa mga maling nagawa ng Nanay, h-hindi namin hinangad na
makapanira ng pamilya, s-sana mapatawad mo kami...

"I-in behalf of my mother, I'm sorry, Atlas. I'm sorry for causing your family
pain. I-I'm so sorry for hurting Ma'am Beatrice. I'm so sorry for leaving, I'm so
sorry for keeping you wait for too long..." that when I cried again. Hindi ko na
alam ang halong mga emosyon ko sa oras na ito.

I am happy and brokenhearted at the same time, I can definitely break down now and
faint but Atlas' warm body and affectionate caress and kisses on my hair is calming
me down.

"Wala kang ginawang mali, Lia. We are just victims and it was never our intention
to get tangled in a mess like that but I forgive you leaving without telling me,
Amalia." He whispered. "I forgive Tita Olivia too."

Nothing could ever make me feel okay but his forgiveness, mas napahikbi ako at
napakapit sa kanyang shirt.

"S-salamat..." I cried. "M-maraming salamat..."

"Tita Liv gave us a letter," he suddenly said kaya natigilan ako, marahan akong
lumayo sa kanya at ngumiti siya, nangingilid din ang luha at hinawi ang luha sa mga
mata ko.

"L-letter?" I asked.

"Hmm, nagpadala siya ng sulat sa amin. She gave an apology letter to me and my
brothers, kay Mommy din." He smiled and my eyes widen more. "She admitted she did
something wrong, she apologized for communicating with Dad. Humingi siya ng tawad
sa mga maling nagawa nila ni Dad."

Hindi ako nakapagsalita at nahulog lang ang mga luha sa aking pisngi.
"I-I didn't know..."

"She even said not to get mad at you because you didn't know anything, she
apologized to us and wala nang mas igaganda ang paghingi ng tawad ni Tita." He
said, as if admiring my mother so much.

"A-Atlas, s-sorry..." I muttered.

"No, baby, you did nothing wrong." He smiled at me. "Tita Liv is right and I admire
her for being brave and admitting what she did wrong instead of justifying it."

My heart tugged, hearing his words. I admired him so much for his words that I
think I'll cry harder now.

"I knew about what happened to Tita," aniya at biglang lumambing ang mata at hinila
ko at muli akong hinagkan sa noo. "It's too late but I wanted to say sorry for what
happened to her."

"I-it's been a long time," I whispered and sighed. "T-tanggap ko na na wala na si


Nanay, alam kong pinapanuod niya ako kung nasaan man siya, m-masaya rin kasi
humingi siya ng tawad sa inyo."

"My mother was glad too, naiyak nga siya sa sulat ni Tita. She knows nothing
happened and just their communication but she was so hurt kaya sobrang pumanatag
ang kanyang loob noong nagsulat sa kanya ang Nanay mo."

I closed my eyes and nodded.

"I'm so sorry, Atlas. Kahit napatawad mo na kami, I wanted to tell you my heartfelt
apology. I am sorry for leaving you and our friends without telling anything and I
am sorry for what my mother did."

"It's okay, baby. No hard feelings. I've forgiven you a long time ago." He smiled
at me kaya hinaplos ko ang kanyang pisngi.
"I'm wondering. What...what happened to Ma'am Beatrice that day? Is she okay now?"
I asked and he nodded at me.

"Yes, she's good. Turns out, dinala siya ni Yui sa inyo no'ng araw na inihatid kita
at naroon din si Dad. She...told my mother she saw your Nanay and Dad in a hotel
and..."

"W-what?!" nanginig ang boses ko.

"It wasn't true, Lia." He said. "Gawa-gawa lang niya para siraan ang pamilya mo,
she...confessed that she likes me but I declined her, telling her na ikaw ang gusto
ko. She's my friend kaya no'ng sinabi niyang naiintindihan niya ay napanatag ako. I
just didn't expect she'll go that far lying to my mother. She was stressed, Yui
even told her na I am dating the daughter of her husband's mistress which
is...you."

"I..." I am lost for words, parang sasabog na ang utak sa naririnig.

"She then did her best to ruin the both of us and your friendship with our friends.
No'ng nalaman ko at ni Mommy ang nangyari, we were so mad that we cut ties with
their family." He said. "Matagal ko na rin huling nakausap at nakita kaya nagulat
ako no'ng narito siya sa building."

He touched my chin and smiled at me.

"S-si Sir Louis?" I can't help but ask. "N-naayos ba nila ni Ma'am ang r-relasyon?"

"Dad tried reaching out to my mother but my mother was never the same, they were
civil with each other, anyway, maybe kahit para sa amin na lang. Nagkausap naman
sila at nagkalinawan but you see, mahirap ayusin ang isang pagsasamang nagkaroon ng
gano'ng lamat."

"Hanggang ngayon?" I asked softly.

"My father is dead," he suddenly said at natigilan ako kaagad.

"What?!" I gasped. "H-how...I mean, I'm sorry. I-I didn't know."


He nodded and smiled, "it's okay, it's been four years when he died. He didn't
recover from his stroke that time."

"I'm sorry..." I muttered, hindi pa rin makapaniwala. "W-wala akong naging


balita..."

"It's okay, we both have hard times when we're apart." He said and while looking at
him, I can see the sad boy hiding on his smile. Kaagad akong lumapit sa kanya at
yumakap.

"I'm sorry, Atlas." I whispered. "I-I'm so sorry for all the hard things we have to
experience alone."

"It's hard to think how twisted our fates are," he whispered and slowly hugged me
back, kissing my hair. "It's hard thinking why we have to experience this without
each other, without leaning with each other's shoulder but I wanted so bad to
commend how strong we both are."

I nodded, closing my eyes.

"Maybe...maybe it's God's way to make us strong?" I said. "Maybe this is his way so
when we meet again, like this, right now, we're the strongest version of
ourselves?"

"Maybe..." he whispered huskily and slowly moved away, marahang hinanap niya ang
mata ko at kaagad akong nanlambot sa mga mata niya.

"Or maybe, this is God's way to keep us together. Na kapag may isang magiging
mahina, ang isa'y magiging malakas para sa isa't-isa." He muttered and touched my
chin.

I saw him glanced at my lips, bumalik ang kanyang mata sa mata ko pero nahulog muli
sa labi.

"Or...maybe both." I answered and stared at his red lips enticing me to have a
taste at bago pa man siya muling makapagsalita ay wala nang nakapigil sa akin.
I pulled his nape down on me, tilted my head and kissed his lips.

He was stunned at first, nakita kong nanlaki ang mata niya kaya bigla akong nahiya
sa pagiging agresibo. I retreated, humiwalay ako sa kanya pero mabilis niyang
nahapit ang baywang ko palapit at tumungo na para angkinin ang labi ko.

Chapter 28 - Kabanata 26

Kabanata 26

How can this man wait for me for years? Is it for real? Is it possible to love for
a long time without getting tired? Can someone really love that much even if things
were uncertain?

While staring at Atlas' sleeping face, I can't help but be emotional and wonder how
much time did he spent in waiting for me. Sa akin na hindi sigurado, sa akin na
nawawala at takot na muli silang makita.

How can you love that much, bibi?

He looks like a baby sleeping beside me, magulo pa ang buhok at bahagyang nakaawang
ang labi. He looks so adorable and handsome, naalala ko na naman ang pinanggagawa
niya kagabi kaya napangiti ako.

Kapag pinagsama talaga itong magpinsan na 'to at lasing, parang nayayanig ang
mundong ibabaw.

His arms are wrapped around my waist, umayos ako ng higa at ipinatong ang ulo sa
kamay ko habang pinagmamasdan siya.

Dr. Atlas Louis Montezides. Ang gwapo naman ng pangalan, bagay na bagay sa kanyang
mukha.

I chuckled a bit when I touched his nose, napagalaw siya ng bahagya roon at kumunot
ang noo kaya mas napangiti ako. His lips protruded a bit and I was so tempted to
kiss him that's why I did.
Mabilis lang naman, I stole a quick kiss on his lips and giggled like a teenager.

I remembered my highschool days with him, my first kiss is in the ball but that's
the last one too. Ngayon lang ako muling nakahalik kaya siguro'y tuwang-tuwa ako.

I glanced at the clock and it's almost seven in the morning, hindi ko nga alam
anong oras na kaming nakatulog sa sobrang kakulitan ni Montezides. Napagod na lang
din at nag-aya ng matulog.

I planted a soft kiss on his forehead and slowly removed his arms on my waist,
marahan akong umalis sa kama para magtungo sa banyo at maligo. When I got out, he's
still sleeping like a baby. Nangingiting inangat ko ang comforter sa kanyang
katawan bago lumabas ng kwarto para makapagluto ng agahan.

I took eggs and bacons from the fridge, balak kong ayain na dito na lang din kumain
sina Heart para sabay-sabay na kami. Nag-ayos ako ng kanin para mag-fried rice na
lang at nagtimpla ng orange juice at inilagay sa ref.

While I was in the process of frying bacons, I almost jump when I felt a tight hug
from my back.

"O-oh..." I gasped and looked at my side and saw Atlas hugging me from behind, his
head buried at the side of my neck. "Atlas?"

I can feel his breath touching my neck, nangunot ang noo ko nang 'di siya magsalita
kaya inangat ko ang kamay ko at inabot ang kanyang buhok.

"What's the matter?" I whispered. "You okay, bibi?"

He heaved a deep sigh, hugging me more, binaba ko ang sandok at hinawakan ang kamay
niya sa may tiyan ko.

"Atlas?" I called. "You okay?"


"Hmm," he suddenly hummed, sniffing my neck. "I'm just making sure you're real..."

It immediately made me smile, mas hinaplos ko ang kanyang buhok at napatawa.

"This is real, Atlas. Bakit naman 'di 'to magiging totoo?" I asked.

"Kasi nga, sa panaginip nga lang kita nayayakap." He whispered and kissed my neck,
napasinghap na ako roon at pinalo ang kamay niya sa tiyan ko.

"Makiliti, Atlas!" I hissed.

He laughed more, suminghap ako at napaigik nang walang pakundangang pinaulanan niya
ng halik ang leeg ko kaya napatawa ako.

"M-makiliti...it tickles! Ano ba!" tawa ko.

I screamed when he was too quick to carry me, napairit ako nang walang hirap niyang
nabuhat ako sa braso niya kaya napakapit ako sa batok niya.

"Atlas!" I hissed, sinipa pa ang paa ko para makawala pero masyado siyang malakas
at persistent.

"Nah, bibi. I wanna claim my freebie." Aniya kaya nangunot ang noo ko.

"Huh? Freebie?" I asked, confused.

Naiupo niya ako sa may stool kaya mas nagtaka ako. I saw him smirked handsomely,
nahulog ang magulong buhok niya kaya mas nadepina ang panga at ang nakakalokong
ngiti niya.

"Montezides..." I called and raised my brow.

"Hmm? Bakit, Miss Argueles?" he smirked more and moved his face closer, kumalabog
ang puso ko nang ilapit niya ang mukha sa akin.

"B-bakit?" I asked.

He lifted his hand, slowly placing a few strands of my wet hair behind my ear.
Napakurap-kurap ako at napatitig sa kanya.

"Good morning, bibi..." he smiled and stared at my parted lips.

I felt like hyperventilating, napaatras ako at naramdaman na ang counter sa likuran


ko. I saw how his placed both of his hand on my side, moving his face closer to me.

I gulped harder when his nose touched mine, nakita ko ang paghanap niya sa mata ko
at naramdaman ko na ang hininga niya sa labi ko.

"Freebie ko," he muttered. "Kiss."

My eyes widen but my heart's thumping excitedly.

"E-edi claim mo na..." I muttered and glanced at his lips now. "B-baka mag-expire."

"Uh-huh, I will." He hummed, slowly moving his face near me and before our lips
met, biglang may naamoy akong kung ano.

Atlas closed his eyes and moved but I gasped and pushed him, napapabalikwas na sa
stool. Sa gulat ni Atlas ay napasalampak siya sa lapag at nanlalaki ang mata kaya
suminghap ako.

"S-sorry!" I exclaimed, hindi alam kung lalapitan na siya o ano. "S-sunog na 'yong
bacon!"

In the end, ang pinuntahan ko ay ang sunog na sunog na bacon, I frowned when I saw
the blackish color of it. Mabilis ko iyong ni-rescue at inilagay sa pinggan bago
pinatay ang kalan.
"Sayang..." I muttered and placed the plate in the side when I realized what
happened to Atlas.

Mabilis akong napalingon at nanlaki ang mata ko nang nakitang nakasandal na ang
huli sa may counter, hawak ang balakang at masama ang tingin sa akin.

"O-oh my God...sorry!" I exclaimed and ran back to him.

Sinundan niya ako ng matalim na tingin, nakanguso rin habang hinahawakan ang
balakang niya kaya napakagat ko ang labi at lumapit.

"S-sorry," I said and stood in front of him. "M-masakit?" nag-aalangan kong tanong
pero nakabusangot lang siya sa akin.

"Uy..." I called and cleared my throat, sinundot ko ang pisngi niya pero mukha
siyang pinaglihi sa sama ng loob dahil hindi siya umiimik at nanliliit lang ang
mata sa akin. "Sorry na, nasunog kasi 'yong bacon."

"Ano, mas mahal mo ang bacon kaysa sa bibi mo?" he frowned at seryoso naman niyang
sinabi iyon pero bigla akong natawa.

He glared at me, mas natawa naman ako roon at mabilis na lumapit at iniyakap ang
kamay ko sa kanyang baywang. I was so shy to do that move at first but I did
something wrong, natulak ko siya para sa bacon kaya nilakasan ko ang loob ko.

"Akala mo madadala mo ako sa lambing mo?" he muttered in a small voice kaya mas
tumaas ang sulok ng labi ko at tumingala at nakitang nakatingin siya sa akin.

"Bakit, hindi ba tumatalab, Doc?" I asked in a soft voice and gave him a small
smile.

Nakita ko ang paglambot ng mata niya pero biglang umirap sa ere.

"Hindi, choosy ako. Hindi ako marupok sa'yo, Amalia Lorraine." He muttered.
"Talaga?" I asked.

"Talagang-talaga!" yabang niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Love na love kita
tapos mas pipiliin mo ang bacon kaysa sa akin? Saan ang hustisya?"

Napatawa na ako roon, "sunog na kasi ang bacon, Atlas, paano pala kung masunog ang
unit, 'di ba?"

"Hindi, sa presinto ka na magpaliwanag." Suplado niyang sabi kaya mas natutuwa ako
kasi ang cute niya.

"Talaga? Wala na bang magagawa ang bibi mo para mapatawad mo ako?" I asked and his
lip twitched, mukhang bibigay na pero ayaw niya.

"Wala..." tumikhim siya.

"Talaga?" I asked.

"Talaga." He said in finality kaya mabilis akong tumingkayad at pinatakan siya ng


halik. I saw how his eyes widen, I pressed my lips again against his and smiled.

"How about now?" I asked and like a puppy, he surrendered.

"Isa pa nga," ngumuso siya at pumikit kaya ngumisi ako at pinatakan siya ng halik
sa chin.

He opened his eyes and glared at me, "Lia!" he whined pero lumayo lang ako sa kanya
at natawa.

"Handa ka na pinggan, bibi. Tatawagin ko sina Heart para dito na kumain." I said
and waved at him before turning my back.
Natatawa pa ako nang sumigaw siya roon at nag-iinarte para sa kiss niya, inayos ko
ang shirt ko at binuksan ang pintuan para magtungo kina Heart pero sa gulat ko ay
biglang may kumuha sa akin pabalik.

"What—" my eyes widen when I saw Atlas pulled me, suminghap ako nang marahang
tumama ang likod ko sa pader sa bigla niyang paggalaw.

"Don't you want to claim your freebie?" he suddenly asked, towering me, ang isang
kamay niya ay nakapatong sa itaas ng ulo ko.

"Freebie?" I asked. "Eh, 'di ba, ikaw ang may freebie kanina?"

"Nah, you purchased Atlas version 4.0 kaninang madaling-araw." He said and I
laughed.

"What? Kailan ko pinurchase 'yang upgrade na 'yan?" tawa ko at ngumuso lang siya at
mas lalo inilapit ang mukha sa akin.

"Kagabi, no'ng kiniss mo 'ko." Aniya kaya natawa na ako.

"Ay, automatic?" I asked and he wiggled his brows and nodded.

"Oo, bibi. May auto-update, don't worry, I already fix the bugs and glitches, wala
ng palpak 'to." He smirked kaya natawa na akong lalo. "Kaya bilang isang loyal
customer, may benefits ka kaya may freebie."

"Oh?" I asked and lifted my hands and placed it on his shoulders. "Anong freebie ba
'yan, Doc? Matutuwa ba ako r'yan?"

"Super..." he smirked and slowly placed his other hand on my waist, I gasped a bit
when my body got slammed against his, halos mapayakap na ako sa kanya roon.

"T-talaga? Ano ba 'yan?" tapang-tapangan ako kunwari para strong at itinulak niya
akong pasandal lalo sa pader, binababa ang mukha hanggang sa magpantay ang mata
namin.
"Halik with tongue," ngisi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"W-what..." words faded the moment he lowered his face and claimed my lips.

We kissed last night but it was just so soft and gentle, parang patak-patak na
halik lang ata ang nagawa namin kaya nabuhay talaga ang katawang lupa ko sa halik
na ibinibigay niya ngayon.

I encircled my arms on his nape to pull him closer, his hand on my waist moved
slowly towards my shirt, mas nagwala ang puso ko nang maramdaman ang mainit at
magaspang niyang palad sa likod ko.

His other hand went on my check as he touched my jaw, "open your mouth, baby." He
whispered.

I opened my mouth without second thoughts and let him enter, I feel how he
sensually bit my lower lip and I purred when I felt him suck my tongue. Nahila ko
na ang buhok niya, naramdaman ko ang maiinit niyang haplos sa balat ko at parang
sinisiliban ako.

The feeling is so foreign, it was my first time feeling this that I immediately
wanted more. I pulled his hair when he was too quick to taste every corners of my
mouth.

"D-Doc..." I gasped when his lips left mine, napatingala ako nang bumaba ang halik
niya sa panga ko.

I almost lost my balance but he caught my waist and slowly touched my butt,
suminghap ako at napapikit habang dinadama ang halik niya sa leeg ko. I felt how
his tongue landed slowly on my bare skin, ang isang kamay ay nasa sikmura ko na
habang ang isa ay marahang dumarampi sa pang-upo ko.

"Fuck, you smelled fucking good..." he whispered on my skin and I felt him suck my
neck.

"B-bakit mo kinakagat..." I muttered.


"To mark my bibi?" he hummed and slowly touched my cheek and stared at my eyes
again. "I love you..."

"H-huh?" I gasped. "A-ah, ano, thank you..."

"Welcome," he smiled kaya nagkatitigan kaming dalawa.

I suddenly chuckled, natawa rin siya bago nailing at mabilis na tumungo para hagkan
akong muli. He memorized every corners of my mouth habang hinihila ko lang ang
buhok niya dahil hindi ko na alam saan ako kakapit.

I felt his hand crawled from my stomach up to my breast and I moaned a bit when I
felt him squeezed it against the shirt I'm wearing.

"Ay, pota! Porn!" I heard a scream at sa gulat ay napatalon ako.

I shifted my gaze, nakita ko sa nakabukas na pintuan si Heart na nanlalaki ang mata


habang nakatakip ang kamay niya sa mga mata ng katabi niyang si Josh na nakanganga.

"H-Heart...uh..." I panicked and didn't know what to do right now. Napatingin ako
kay Atlas na nakanguso lang at masama ang tingin kay Heart.

"T-tama ba 'yong nakita kong naglalaplapan kayo—"

"I-imagination mo lang 'yon!" I exclaimed, biglang napatikhim si Atlas at nang


tignan ko ay nagpipigil siya ng ngiti at namumula.

"Huh?" Heart gasped, si Josh ay kinuha ang kamay ni Heart na nakatakip sa mga mata
niya at napakurap sa aming dalawa.

"I-imagination mo lang, ano..."

"Hindi, eh! Shet na malagket, girl, nakita ko 'yong laplapan niyo, may pa-dila—"
her voice faded when Josh covered her mouth. Napaigik ang huli at gusto kumawala
pero ngumisi lang si Josh sa akin.

"Wala...wala kaming nakitang laplapan." Ani Josh at inosenteng ngumiti at si Heart


ay tinutulak siya, nanlalaki ang mata at may sinasabi pero 'di maintindihan.

My cheeks flushed, parang gusto ko na lang atang lumubog at magpakain sa lupa kung
hindi lang ako marahang hinila ni Atlas palapit sa kanya.

Nagkatinginan kami, I am positive I'm red as a tomato now at ngumiti lang siya at
pinisil ang ilong ko.

"Imagination lang nila 'yon, bibi. Walang nakakita." He smiled and I bit my lip.
"'Di ba, wala kayong nakita?" baling niya sa dalawa.

Nagbubulungan ang dalawa roon at kulang na lang ay mag-away pero no'ng magsalita si
Atlas ay napaayos ng tayo ang dalawa. Josh immediately nodded and Heart's smirking
but then nodded.

"Ay, oo. Panaginip ko lang ata 'yong may naglalap—"

"Napanaginipan mo na naman ako?" biglang ani ni Josh na ngumisi at nakita ko kung


paano nawala ang ngisi ni Heart at inambahan ng suntok ang isa.

"Oh, 'di ba, wala silang nakita, bibi." Inuto pa ako ni Atlas kaya nag-iinit ang
pisnging hinampas ko ang balikat niya at natatawang niyakap niya lang ako at
hinagkan ang ulo.

"G-gago ka..." I muttered and smacked his stomach.

"Oh?" he suddenly laughed, nakita ko ang aliw sa mga mata. "Guys, good news!
Nagmumura na si bibi ko—"

"Gago ka talaga," I hissed and punched his arm pero tawa lang ang sinagot niya sa
akin at halos buhatin na ako patungong kusina para 'di ko na siya mahampas.
The boys prepared the food and utensils in the table, dumating si Ted pagkaraan ng
ilang minuto at habang abala ang mga lalaki ay nakatitig lang sa akin si Heart.

I stared at her innocently while sipping on my water and she suddenly grinned
maliciously.

"Sherep?" aniya kaya nanlaki ang mata ko at halos mabuga ang inumin.

"H-huh?" mabilis kong binaba ang inumin.

"Sabi ko, masarap ba—"

"Heart!" Atlas hissed, nakita ko ang pagkurap ni Heart at biglang naging maamo ang
mukha.

"Luh, inaano kita?" she hissed. "Tinatanong ko lang si Lia kung masarap ang tubig!"

Narinig ko ang tawa ni Josh, si Ted ay naguguluhang naupo sa upuan at pinagmasdan


din ako.

"A-ah..." tumikhim ako, pasimpleng nagmasid kay Atlas na nakabusangot kay Heart na
maamo lang. "M-masarap naman...ang tubig."

"Ay, may flavor?" ani Ted na nagtataka.

Napahagalpak ng tawa si Josh doon, nag-init naman ang pisngi ko at si Atlas ay


mabilis na naupo sa tabi ko at inabot ang baywang ko. Heart laughed too, nahuli ko
pa silang nag-apir ni Josh pero biglang ngumiwi si Heart nang matanto at umirap sa
lalaki.

"Why are you laughing?" ani Ted na walang alam sa nangyayari, nakita ko ang tagong
ngisi ni Montezides kaya hinampas ko ang hita niya at ngumisi lang siya sa akin.

"Wala, ano kasi, may flavor ata 'yang inumin ni Lia, right?" baling ni Josh sa akin
na may multong ngiti pa.

"A-ah...oo." I answered, nag-iinit pa rin ang pisngi, kinuha ko ang tubig at uminom
para ipakita kay Ted.

"Anong flavor nga niyan, Lia?" ani Heart kaya nabuga ko ng kaunti ang tubig at
naubo.

"You..." Atlas hissed and touched my back, "bibi, are you—"

"Y-yeah..." tikhim ko at bumaling kay Ted na kulang na lang ay may lumabas na


question mark sa ulo. "Ano, strawberry flavor." I answered.

"I see," Ted nodded. Narinig ko ang hagikhikan no'ng tatlo, miski si Atlas ay
tatawa-tawa sa tabi ko kaya dinala ko ang kamay ko sa hita niya at kaagad siyang
kinurot.

"A-aww..." he gasped.

"Nangyari, Cap?" ani Josh pero hilaw lang na ngumisi si Atlas nang makita akong
mariing nakatitig sa kanya. "Wala naman." He answered and smiled cutely at me.

Natapos ang breakfast namin sa usapan ng mga lalaki, mukha talagang matagal-tagal
na 'di nagkita si Atlas at Josh dahil sa mga usapan nila, si Ted ay nagsabi ring
baka umuwi na rin siya pasunod kay Cristy sa Cagayan. Inilabas ko sa cabinet ang
mga chips kaya habang nagke-kwentuhan ay kumakain kami.

I glanced at Heart sitting beside Josh and noticed her silence, kanina ay tatawa-
tawa pa pero ngayon ay tahimik na naman. I stared at her and I think she noticed me
kaya nagsalubong ang mga mata namin.

She immediately smiled when she saw me looking kaya kaagad akong ngumiti pabalik sa
kanya.

"Okay ka lang?" I mouthed and she nodded and smiled at me.


"Yes," she mouthed a bit at medyo nilakasan na ang boses, "can we talk later?"

"Sure." I smiled back at her.

Atlas suddenly called my attention, napabaling ako kaagad sa kanya at nakitang may
hawak siyang tissue.

"Hmm?" I asked but he just smiled, tilted my chin a bit and removed something at
the side of my mouth.

"Ay, may comeback ang Amalas, wala! Uwian na!" Heart teased, kasabay ng kantyawan
ng mga lalaki kaya nag-init ang pisngi ko.

"Ay, weh? Nagbalikan na ba? Agad?" ani Ted na natatawa pa.

Hinarap ko sila, muli silang nagkantyawan kaya napailing ako, Atlas laughed, mula
sa tabi ko ay naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin kaya mas nagtawanan sila.

"Nagkabalikan na kayo?" ani Josh na natatawa. Naramdaman ko naman ang dibdib ni


Atlas sa may gilid ko kaya sumulyap ako sa kanya at nakita ang ngisi niya sa mga
kaibigan.

"Ah...nag-usap pa lang." I said. "'D-di pa nagkakabalikan."

Nagtawanan sila, si Heart naman ay tinaas pa ang kamay.

"Yes naman, si boplaks magti-trenta na torpe pa rin! Mabuhay!" Heart raised her
hand kaya natawa na rin ako.

"'Di na ako torpe, ah!" Atlas hissed, halos yakapin na ang tagiliran ko, I felt him
rested his chin on my shoulder kaya napangiti ako. "Liligawan ko pa s'yempre si
Lia!"

"Ay, gano'n?" Heart smirked at me. "Eh, bakit—"


"Oo, oo! M-manliligaw pa lang!" putol ko at tinitigan si Heart pero ngumisi lang
ito sa akin at kumindat.

"Sasagutin mo naman ba?" ani Ted kaya mas nagtawanan sila.

I felt Atlas' kiss on my cheek.

"U-uh, p'wedeng secret muna?" I asked at mas nagtawanan sila.

"Ay, wala si Cap, mahina!" kantyaw ni Josh.

"S'yempre 'no, suyuang mag-bibi muna. Bakit ba?!" Atlas hissed and removed his arms
on my waist. "Pero s'yempre, sisiguraduhin kong si Lia pa rin sa huli." He even
winked at me.

"Sana ol!" Josh exclaimed, throwing a piece of chips at Atlas at natawa ako ng
magsipaan ang dalawa ng paa sa ilalim.

"Naku, Lia, sagutin mo na 'yan si Cap at mahirap malasing." Ani Ted at biglang
inilabas ang phone.

Natahimik ang magpinsang Heart at Atlas, nanlalaki ang mata kay Ted na may
pinipindot sa phone.

"OMG! Did you record—" Heart hissed, akmang tatayo pero napirmi ni Josh.

"Gago ka, Ted—" Atlas hissed hysterically pero nahila ko na siya paupo at nahuli na
ang lahat, napanuod namin sa phone ni Ted kung paano magkalat ang dalawa sa bar.

"Sexbomb ako!" It was a video where Heart attempted to go up the pole but failed,
nahulog lang siya at para 'di mahalata ay kumendeng na lang.
Si Atlas naman ay sumasayaw sa saliw ng Touch by touch na kanta, bigla kong naalala
ang sayaw ng mga nakakatanda sa disco tuwing pasko sa Cagayan at gano'n ang
ginagawa niya. After that step, inangat niya ang kamay at nag-yanig dance.

Para na kaming mauubusan ng hangin sa kakatawa, nanginginig ang kamay ni Ted habang
pinapanuod sa amin ang phone niya dahil sa kakatawa. Heart is screaming without
sound, covering her eyes and ears. Si Atlas naman ay tulala at nakanganga.

Nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya ay mas kumalat ang pula sa kanyang
mukha.

"L-Lia, panaginip mo lang 'to ngayon." He tried explaining pero patuloy pa rin ang
video na pinapanuod ni Ted kaya 'di ako makaya maging seryoso at um-oo sa pang-uuto
niya.

There comes a part where the two started having their very own showdown,
nagsisigawan na ang mga tao, tuwang-tuwa sa kanilang dalawa.

"Nightmare...hindi ako 'yan! Doppelganger namin 'yan ni bobo!" Heart exclaimed and
covered her flushing face again.

"Patayin niyo na lang ako!" Atlas gasped loudly, narinig ko ang kalabog at nang
lumingon ako ay nanlaki ang mata ko nang makitang inuumpog niya ang mukha niya sa
salaaming lamesa.

"Hindi 'to nangyayari, imagination niyo lang 'yan..." he muttered and was about to
slam his head again kaya mabilis kong nilagay ang palad ko sa lamesa. He slammed
his forehead on my palm, mabilis siyang napatingin sa'kin at ngumuso.

"Bibi..." he whined, looking like he's about to cry. "Panaginip mo lang—"

"Oo na, oo na, panaginip ko na." I laughed and brought his face on my shoulder.
Suminghap siya, naglalambing na yumakap kaya napailing na lang ako at sinuklay ang
kanyang buhok.

Unfortunately, Atlas got a call from the hospital tungkol sa kanyang pasyente, it
was his off today like us pero emergency daw kaya hindi siya p'wedeng humindi.
"I'll be back, maybe four or five." Ani Atlas habang inaayos ko ang kwelyo ng
kanyang puting dress shirt.

"It's okay, take your time." I smiled, pinagpagan ko ang damit niya nang makuntento
na ako. "Ingat, okay?"

"Yes, bibi..." he smiled handsomely, his black eyes shined and it made my heart
flutter.

"Bye," I said.

He nodded, akala ko'y aalis na siya pero nagulat ako nang bahagya niya akong
hapitin palapit sa kanya. I was confused at first pero nag-init lang ang pisngi
nang hulihin niya ang labi ko at nagpatak ng mabilis na halik.

"Ay, sheyt! Sana ol!" sabay kaming napasulyap kay Heart na parang sinisilihan na
napapatili, sa sobrang kilig niya ay nasapok pa niya si Josh na tatawa-tawa roon.

"Aww, bakit, gusto mo rin?" ani Josh at ngumuso pero tumili lang si Heart.

"Lumayo ka sa'kin, Alien na gago!" she hissed and ran towards me, pushing Atlas
aside. "Lia! Lia, save me!"

When Atlas left, we planned for a late birthday surprise if he got home.
Nagpresenta ang mga lalaking bibili ng rekados para sa lulutuin kaya kami ni Heart
ang pumunta sa mall para sumaglit at makabili ng pang-design.

I don't know but the talk Atlas and I had last night lifted a lot of weight of my
chest, magaan ang pakiramdam ko habang magkakapit kami ni Heart at pumunta sa
bookstore para makahanap ng mga Happy Birthday na mga pan-design.

I felt the genuine happiness inside my heart when I saw my friend giggling over the
design we saw.

"Look, look, Lia!" she cheered.


"Maganda, ayan na bilhin natin?" I smiled and she nodded.

We bought Atlas a cake and balloons, pagkarating namin sa unit ko ay mabilis akong
tumayo sa may sofa para isabit ang Happy Birthday sa itaas. Ang mga lalaki'y nasa
kusina at nagluluto na ng mga handa namin para sa simpleng post-birthday
celebration pagkauwi ni Atlas.

Heart was blowing the balloons, natawa ako nang makitang wala ng kulay halos ang
kanyang mukha kaya nag-indian sit ako at inangat ang kamay ko.

"Tulungan kita?" I asked.

"Nah," she gasped for air and shook her head. "Ako na, Lia. Baka maghabol ka ng
hininga, this is bad for you."

"Kaya naman siguro?" I offered, "medyo madami, eh."

"Don't worry about me," she chuckled. "Lobo lang 'to, Heart ang kaibigan mo!"

I chuckled too and nodded, I watched her do the balloons at kahit minsa'y namumutla
na talaga sa kakaihip ay ngingiti kapag nakikita akong nakatingin.

While looking at her and knowing the truth in the past, mas na-miss ko siya. I
remembered how much she tried cheering me up back in Highschool. She was the friend
I never thought I'll have. She said she will be my human shield and through the
years, kahit hindi kami nagkakausap, alam kong gano'n pa rin.

Katatapos niya lang hipan ang lobo at nakanganga pa para kumuha ng hangin ng
nakaluhod ko siyang nilapitan.

"Heart?" I called softly and she glanced at me and smiled.

"Hmm?"
"Can I..." I said shyly. "Can I hug you?"

I saw how her eyes widen, napabitaw siya sa balloon at tumango. "S-sure! Sure!"

She offered her hand and I immediately hugged her, I felt the warmth of my old and
only friend and I found myself crying while hugging her.

"I-I miss you, Heart..." I cried. "S-sorry..." I gasped.

"Hala!" she exclaimed and hugged me more. "Bakit ka umiiyak?!"

"S-sorry..." I cried more, "sorry, Heart, kasi i-iniwan ko kayo noon ng walang
pasabi."

"Hala, wala kang kasalanan..." she muttered softly, lumiliit na ang boses at
niyakap ako ng mas mahigpit. "Hala, ayan na, Lia! 'Di dapat ako iiyak kaso umiiyak
ka! Ayan tuloy!" biglang reklamo niya at ngumawa.

We both sobbed, "s-sorry, Heart. N-nagalit lang ako, 'd-di kita hate, ah? 'Di totoo
ang sinabi ko noon."

"S-s'yempre, loka ka! A-alam ko namang nadala ka lang noon! Sorry din k-kasi wala
ako no'ng kailangan mo ng kaibigan..." she cried. "M-miss you too, BFF ko..."

"Miss you too..." I cried.

"What happened..." napaangat ako ng tingin at nakitang nagsilabasan ang dalawang


lalaki sa loob ng kusina, nakanganga sa amin. May hawak pang mga sandok.

"Wala! Girls talk 'to! Chupi!" Heart hissed and cried again. "Lia, BFF ko!"

"Naks naman, 'di na nagtatantrums si Puso, bati na sila ni BFF." The two boys
laughed, nag-apir pa ang dalawa bago kami iwang dalawa.
Naghiwalay kami ng yakap ni Heart, her eyes are puffy and bloodshot like mine,
nagkatinginan kami biglang dalawa at natawa.

"Bestfriends forever?" she asked and showed me her pinky finger. I sniffed when I
saw that, hinawi ko ang luha ko at tumango.

"Bestfriends forever," I muttered and pinky promised her.

Sabay na naman kaming napaiyak at muling nagyakap nang sumigaw si Heart.

"Hoy, mga Alien sa kusina, pahingi tubig para kay Lia!" she screamed her lungs out
kaya natawa na ako.

I fixed myself and took a fresh bath to look good for our mini party. Nagsuot ako
ng simpleng dress para sa surpresa namin kay Atlas.

I blow dried my hair and put a thin make-up and lip tint, binuksan ko ang lagayan
ng jewelries ko at kaagad akong napangiti nang makita ang maliit na necklace roon.

I wore it around my neck and smiled while touching the small and round pendant.

Ang mundo ni Atlas...ay ako.

I touched my heart and slowly closed my eyes.

Thank you for giving me the courage you gave me to forgive, God. Thank you for
opening my ears to listen and my heart to love again. Thank you for bringing me
back my friends. Napakalaki na po itong regalo sa akin.

My friends are ready when I got out, nakaayos na rin, sa sala ay naroon ang mga
handing niluto nina Josh at Ted. Sa likod nila ay may Happy Birthday na banner at
si Heart ay sinisindihan ang kandila sa isang chocolate cake.
"Ganda naman!" Josh exclaimed when he saw me. Ted whistled and Heart gasped.

"Naku, baka luhuran ka na ni Cap! You're beautiful!" Ted greeted kaya nag-init ang
pisngi ko at natawa.

"S-salamat..."

"Naku, 'di lang luluhuran. Manginginig ang tumbong ni bobo kapag nakita si Lia!"
Heart exclaimed at dinamba ako ng yakap kaya natawa ako at niyakap siya pabalik.

"Saan na si Cap, Lia?" ani Josh.

"Uhm," sumulyap ako sa phone ko at nakita ang bagong message ni Atlas.

From: Atlas

I'm here, elevator pa lang, bibi. Bakit? Miss mo na ako? Hehe

"He's here!" I exclaimed kaya nag-panic na kami, tumakbo si Ted sa may pintuan para
abangan si Atlas.

I took the cake, tinatakpan naman ni Heart ng palad ang apoy para 'di mamatay at si
Josh ay mabilis na pinatay ang ilaw at tumakbo pabalik sa amin.

"Nand'yan na! Gago, tumatakbo papunta rito!" tawa ni Ted bigla kaya natawa kami at
nagtago sa dilim.

"Oh, Ted, nandito ka? Si Lia?" narinig ko na ang boses ni Atlas.

"Ah? Umalis sila ni Heart, saglit lang daw, Cap." Ani Ted.

"Oh? Si Josh?"
"Nandito sa loob, inuman muna tayo, Cap." Ani Ted doon.

I heard their footsteps, nang sa pwesto ko ay nakita na si Atlas ay biglang


pinagana ni Josh ang party poppers.

"Ay, gago!" Atlas gasped in shock, tumama pa ang tuhod sa sofa kaya napadaing at
napangiwi ako pero nakisigaw.

"Happy birthday, boplaks!" we all screamed and his eyes widen when he realized what
is happening.

Ted opened the lights that revealed us clearly, I saw how Atlas' eyes widen when he
saw us all.

"Happy birthday to you!" we sang. "Happy birthday! Happy birthday, Atlas!"

He looks stunned and amazed, nakanganga pa sa amin si pogi kaya natawa ako habang
kumakanta rin at nilalapit sa kanya ang cake.

"Happy birthday! Happy birthday, Atlas!" we all sang.

Saktong pagatpat ko ng cake kay Atlas ay nakita ko ang namamangha at natutuwang


tingin niya. I saw how his eyes danced with happiness as the light from the candle
reflected on it.

"Sabi ko na mag surprise, eh!" he suddenly exclaimed kaya napatawa kaming lahat.

"Kunwari naman, mas gulat ka!" ani Heart at nakita ko kung paano nanlaki ang mat
ani Atlas at tinakpan ang bibig niya.

"Oh my God, guys! Thank you!" maarteng sabi niya kaya mas nagtawanan kami.

"Pero seryoso, thank you. I expected it a bit but..." he licked his lower lip,
glanced at me and his smile widened more. "Ang ganda naman ng bibi ko."

"T-thank you..." I said and bit my lip.

"Ay, tamang landian lang sa gedli!" hagalpak ni Heart.

"Suyuan mag-bibi 'yon, Puso." He explained and winked at me kaya natawa ako.

"Oh, Cap, wish na!" ani Josh at umayos ng tayo ang huli.

He brushed his hair with his fingers and glanced at the candle.

"My wish for my birthday is..." he glanced at me. "Sana payagan ako ni Lia
manligaw." He blew the candles.

My eyes widen, nagtawanan sila roon. "Anong masasabi mo, Lia?" ani Heart na tinapat
pa sa akin ang kamay na parang nag-i-interview.

"Ahm, sige..." I answered.

"Sige ano?" ani Atlas na may pigil na ngiti.

"S-sige ano, sinasagot na kita..." I said.

I saw how his eyes widen, umawang ang labi niya at tumili si Heart at sinabunutan
si Josh na tawang-tawa sa gilid.

"I am speed!" ani Ted at mabilis na kinuha sa kamay ko ang cake nang dambahin ako
ng yakap ni Atlas.

"Shit, yes!" he exclaimed and cupped my cheek. Natawa ako nang pugpugin ng ng halik
ang labi ko at mabilis akong niyakap.
"Congrats to me, guys!" ani Atlas at tinaas ang kamay. "Crush ko lang noon, jowa ko
na ngayon!"

Napahagalpak kami, pinalo ko ang braso ni Atlas pero yumakap din sa kanya matapos
at bumulong.

"I love you, bibi..." I whispered.

Our eyes met, he nodded and placed a kiss on my forehead.

"I love you too, bibi..." he whispered back.

"Oh, tama na muna ang mag-bibing Suyuan, may sasabihin si Lia!" ani Heart kaya
napahiwalay kaming dalawa. Atlas glanced at me kaya ngumiti ako at hinarap ang mga
kaibigan.

I sighed and smiled at them, humawak sa baywang ko si Atlas at nakinig din.

"I...just want to say I'm sorry for leaving you, guys, years ago." I started and
smiled. "I was young...lahat naman tayo, mabilis akong naniwala sa sinabi ng ibang
tao. Mas mabilis akong nakinig sa sinasabi nila kaysa ang alamin ang side ng mga
naging matalik kong kaibigan, kayo."

I saw Ted, Josh and Heart nodded with smiles on their face. Si Atlas naman ay
yumakap lang sa baywang ko at nakinig.

"I hope you'd forgive me for leaving you?" I smiled.

"Bakit hindi? Malakas ka sa amin, Lia!" tawa ni Josh at napangiti ako nang
nagsitanguan sila.

"And...thank you." I said genuinely. "Thank you for being my friends for a long
time, simula noon at ngayon. Alam kong hindi naging maganda ang paghihiwalay nating
lahat pero buong-puso niyo pa rin akong tinanggap noon. Thank you."
I saw Heart slowly removing her tears, naiiyak na rin ako pero pinigil ko.

"What friends are for if hindi magdadamayan at hindi papatawarin ang bawat isa?"
Ted smiled and I chuckled and nodded.

"Group hug!" Atlas exclaimed at halos mapaiyak na ako nang magyakap kaming lahat.
My friends squeezed me in the middle and I couldn't be happier.

Nang maghiwalay kami ay inilagay ni Heart ang kamay sa gitna.

"For Lipat Bahay Gang?" ani Heart.

"Uy, ako nag-isip ng pangalan niyan!" ani Josh kaya nanlaki ang mata ko ng bahagya
pero ipinatong din ang kamay ko kay Heart. The boys placed their hands on top of
ours and we all smiled.

"For Lipat Bahay Gang!" we exclaimed in glee and utmost happiness.

Chapter 29 - Kabanata 27

Yay! 3 chapters to go! Enjoy kayo!

I have a virtual meet and greet this coming Saturday (Oct. 17) with TCWDM and Lei
at 1PM! You can watch the Facebook Live sa fb page ng Bliss Books! See you mga
marupowks at tuyots! HAHAHA! Kwentuhan tayo there. Love you!

xxx

Kabanata 27

I checked my travelling bag and my purse first at nang masiguradong wala na akong
kulang at maiiwan ay inilapag ko na iyon sa sofa.
I took a last glance at my face and brushed my hair on the side, hinagod ko rin ang
long sleeves na blouse ko at inayos ng pag-tuck sa loob ng slacks ko at nang
makuntento ay napangiti.

Inilagay ko ang hand bag sa may siko ko at dinala ang travelling bag sa kamay,
chineck ko muna kung may naiwan akong nakasaksak bago lumabas sa loob ng unit ko.

My eyes widen when I saw Atlas leaning on the wall in front of my door. Napaayos
siya kaagad ng tayo nang makita akong palabas kaya ngumiti ako.

"Good morning, ang aga, ah?" I greeted.

"Good morning, bibi..." he smiled, habang nila-lock ko ang pintuan ng unit ay


kaagad na nawala ang travelling bag sa kamay ko dahil kinuha ni Atlas.

Napangiti ako nang akbayan niya ako habang nag-aantay. He even gave me a quick kiss
at the side of my head.

"Nasarado mo na ang unit mo?" I asked and he hummed, nagkatinginan kami at


napangiti ako nang marahang inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Yes, ganda." He chuckled and my heart jumped while looking at his face. Nag-init
ang pisngi ko nang medyo tumagal ang titig ko sa kanyang mukha at nahuli niya ako
kaya kumindat.

"Alam ko namang gwapo ako, Lia—"

"Ang hangin naman, Doc!" I pinched his cheek, natatawang ngumisi siya at pinisil
ang pisngi ko.

"Bakit, hindi ba gwapo ang boyfriend mo?" he raised his brow and stared at me.
Napatitig naman ako sa kanya at tumaas ang kilay.

I touched his cheek at nagpa-gwapo naman lalo ang loko, nanliliit pa ang mata at
tumitig sa akin na para bang nang-aakit.
"Uhm..." I started, gusto manga mining gwapo naman talaga siya pero nang-aasar kasi
ang itsura niya na magsasabi ako ng oo.

"Uhm?" he even wiggled his brows.

"Hmm, pwede na rin." I flashed a soft smile.

Nawala ang ngisi niya, he immediately glared at me kaya napahagalpak na ako ng tawa
at mabilis na humalik sa kanyang pisngi.

"Joke lang, bibi. Uhm, ano...gwapo ka naman talaga." I smiled shyly.

I saw his cheeks flushed, ngumuso siya at tinaasan pa ako ng kilay para kunwari ay
'di nangingiti.

"Tss, s'werte mo love kita." Aniya at ngumiti rin pagkaraan kaya nagtawanan kami.

He took my hand, slowly putting it near his lips to give it a quick kiss before
filling the gaps in between my fingers with his. Sabay kaming naglakad papunta sa
elevator.

"Si Heart?" I asked.

"Nasa baba na, excited ata." Tawa niya kaya tumango ako at napangiti. He pressed
the elevator at nang makapasok kami ay muli siyang nagsalita.

"How's your sleep, bibi?" he asked kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Great, you?" I asked and he lowered his head and quickly stole a kiss.

Nanlaki ang mata ko, mas ngumisi siya at inilapit ako sa kanyang katawan.
"A bit tired because of last night's duty but turned great just now," aniya kaya
napanguso na ako at lihim na napangiti.

"Ikaw talaga..." I muttered and he chuckled, kissed my head at mula sa kamay ko ay


umangat ang braso niya sa balikat ko para makaakbay.

Bumukas ang elevator dahil may mga sasakay. I saw the group of loud girls laughing
outside pero nang makapasok sa elevator at mabaling sa may amin ay natahimik.

Kumunot ang noo ko, I saw them quietly giggling, pasimpleng sinisiko ang isa't-isa
at pabalik-balik ang tingin kay Atlas na walang alam sa paligid niya.

He's just staring at our reflection in the elevator, seryoso at tahimik habang
nakaakbay sa akin. He's wearing a simple army green shirt and black pants, ang
shades niya ay nasa ulo. Sumulyap ako sa mga babae na pasimpleng ngumunguso para
ituro si Atlas.

I glanced at my bibi beside me, nararamdaman ko ang marahang haplos niya sa balikat
ko at tumitig ako sa repleksyon niya sa may elevator at natantong makasalanan nga
talaga ang suot niyang shirt.

Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan doon, his broad shoulders are emphasize
and the great built his body has is to die for. I even saw his toned arms and it
made me think of dirty thoughts...

I remembered when he kissed me that day we celebrated his birthday, it was so new
to me. We kissed in the past back when we're still young pero dampi lang iyon. That
day, I remembered him touching my butt and my...bumaba ang tingin ko sa dibdib ko
at napakurap.

'Di naman kalakihan iyon, sakto lang. kasya naman siguro sa palad niya.

What the heck? Anong iniisip mo, Amalia? Akala ko ba mabait at inosente kang babae!

I almost screamed inside my mind, nag-init ang pisngi ko.

Parang habang tumatagal ay medyo lumalandi na nga talaga ako? Or...does it comes in
age? Dahil siguro malapit na akong mag-thirty kaya ako ganito na mag-isip?

Noong college naman ako, nata-topic sa mga lessons ang tungkol sa mga matured
thoughts na ganito. I'm in medicine field kaya hindi na bago na buhay na buhay ang
klase kapag reproductive system ang topic.

There are times na magsasabi ng mga dirty jokes ang mga kaklase ko at parang relate
silang lahat at nagtatawanan samantalang ako'y tulala lang sa gilid o kaya'y
ngingiti-ngiti na lang.

Or...maybe I'm a late bloomer when it comes to this?

The girls giggled, mas narinig ko iyon kaya miski si Atlas ay napalingon sa mga
babae na nagpipigil ng ngiti.

My brow raised, tumikhim ako pero walang tigil ang pagtitig nila kaya 'di ko na
kaya. I reluctantly placed my arms on Atlas' waist and that stopped the giggling
from the girls.

Nakita ko ang gulat kay Atlas, napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako pero
sarkastiko ata ang dating at kaagad na tumaas ang sulok ng labi niya, napasulyap pa
sa mga babae sa gilid na walang hiya at lantaran ang tingin sa kanya at pabalik sa
akin.

I saw the knowing look from Atlas' eyes, pinanliitan ko siya ng mata kaya nangiti
siya at mas umakbay sa akin.

I gasped when he immediately planted a small kiss on my head and touched my


shoulder affectionately.

"I love you, bibi..." he said out loud and that made me smile.

Taas noo akong bumaling sa mga babae sa gilid at nagtaas ng kilay. I saw them
avoided my gaze and some cleared their throats.

Huh, akala niyo, ah? Akin lang si Atlas. Bibi ko 'to!


Tuwang-tuwa si Atlas pagkarating namin sa ground floor at 'yon naman ang hiya ko
nang matanto ang nagawa ko.

"Possessive naman po pala ang bibi ko," bulong-bulong ni Atlas, halos nakayakap na
sa akin.

"A-ano ba!" my cheeks flashed, embarrassed. "H-hindi ako possessive, ah—"

"Ay, hindi ba?" humalakhak pa siya kaya siniko ko na. I glared at him and he
chuckled more, sumasayaw pa ata ang kung anong kasiyahan sa mata niya.

"Isa, Atlas..." I warned and he chuckled more, gave me a hard kiss on my cheek and
caught my eyes.

"Sige, secret lang natin?" aniya kaya kumunot ang noo ko at ngumuso pero nahiya na
naman sa pinaggagawa ko kaya tumikhim ako.

"O-okay," I said and pouted at mas natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Yehey, may secret ulit kami ni bibi ko bukod sa nahulog siya sa kanal at
tumambling ako sa hagdan!" he cheered happily kaya natawa na rin ako at nailing sa
kanya.

We saw Heart laughing with Tita Marichu in the reception area, I saw how my friend
waved happily when he saw us both at si Tita Marichu ay kaagad ding napangiti at
kumaway sa amin.

Lumapit kami sa kanya, she immediately hugged me when she came closer to me kaya
nangingiting yumakap ako pabalik.

"Hello po, magandang umaga." I said.

"Good morning, Lia!" she cheered and glanced at the man beside me. "Atlas, hijo,
good morning."
"Magandang umaga rin po," he smiled back. Nakipagbeso sa kanya si Tita at hawak pa
rin ang braso ko ay may kinuha siya sa counter at iniabot sa akin.

"Oh, here. I packed you some snacks, you'll ride an airplane, right?" she asked
kaya tumango ako.

"Yes po, Tita. Thank you, kakainin po namin 'to." I smiled at her.

The two thanked her too, hinatid pa kami ni Tita patungo sa sasakyan ni Atlas at
nagpaalala pang mag-ingat bago kami tumuloy sa airport.

Sa buong byahe ay nag-iingay lang si Heart habang nakadungaw ako sa kanya mula sa
front seat at nakikipagkwentuhan. Si Atlas naman ay tahimik na nagda-drive,
natatawa na lang din kapag may sinasabi si Heart na nakakatawa at naiiling sa aming
dalawa.

Ever since Heart and I talked, we were inseparable, maybe it's because we were
apart for years kaya we're doing a lot of things to make up for the moments we
missed.

Ted and Josh went back to Peñablanca the day after we celebrated Atlas' birthday
dahil sa business at trabahong kanilang naiwan. Maayos naman na umalis ang dalawa
sa amin at nagpaalam, they even told us they'll visit again here at kinontrata pa
akong pumunta sa Cagayan kapag may oras.

And now, we're on our way to the airport for the volunteer work we agreed to attend
last time. We will visit a small and secluded area to reach out for kids and adults
there na hindi naaabutan ng tulong medikal.

This is usually our hospital's goal, na kahit isang beses sa isang taon ay
makabisita ang mga doktor sa mga taong p'wedeng mabigyan ng tulong and luckily,
kahit intern pa lang, nakasama ako sa agenda na ito.

It just won't look good in my credentials, masaya rin akong makatulong sa mga
nangangailangan. Noong college ako ay masayang-masaya ako palagi kapag may feeding
program ang university namin. It was fun seeing kid's smile and playing with them.
Isa pa sa nagpasaya sa akin sa lakad na ito ay ang kaalamang around Cagayan Valley
lang ang area, my hometown. I was so happy when Atlas informed me na it's just a
four-hour drive until we reached Peñablanca kaya pagkatapos daw ng volunteer work
namin ay kaagad kaming tutulak bukas.

"Sa'kin si Lia!" Atlas whined when Heart took me with her.

"Anong sa'yo? Kami muna, may pag-uusapan kami!" my friend hissed back at his cousin
who's now sulking.

Ever since the two of us started hanging out again, palagi na kaming magkasama ni
Heart at si Atlas ay na-a-out of place raw kuno pero hind naman talaga.

"Eh!" he groaned and touched my other hand. "Akin si Lia!"

"Akin nga kasi!" agaw din ni Heart.

"Girlfriend ko 'to!" laban ni Atlas.

"Boplaks, BFF ko 'to!" hindi rin papatalo ang pinsan niya.

I saw them glaring at each other kaya natawa na ako sa kanila.

"Ano ba kayo, dito lang naman ako." I chuckled when I noticed them, kulang na lang
ay mag-wrestling sa harapan ko.

"Lia kasi...." Atlas pouted, "inaagaw ka na sa akin ni Puso! Palagi na lang siya
kausap mo, tampo na ako."

"Luh, ang arte?" hagalpak ni Heart. "Ilang years kami kayang 'di nag-usap ng best
friend ko kaya malamang ay magke-kwentuhan kami palagi!"

"Ako rin naman, ilang years, ah? Nasaan ang hustisya?" he whined like a kid.
Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa airport kaya nakagat ko ang
labi ko at sumingit na sa kanilang dalawa.

"H'wag na nga kayo mag-away..." I muttered.

"Ayan, si boplaks kasi!" reklamo ni Heart.

"Anong ako? Eh, ikaw nga nang-aagaw sa girlfriend ko—"

"Walang umaagaw sa akin na kahit sino sa inyo." I said and it stopped them,
napatingin sila sa akin kaya napatawa ako at umiling. "Just talk to me, lahat naman
kayo kakausapin ko."

"Pero dapat lamang ako, Lia, love mo ako kasi ako ang bibi mo." Ani Atlas.

"Anong bibi? Mas love ako! Ako ang best friend kaya dapat—"

"Love ko kayong dalawa, okay?" napatawa na ako sa kanilang dalawa. I saw them
pouting kaya inangat ko ang dalawang braso ko at ipinalibot sa mga braso nila dahil
nasa gitna ako.

They look so stunned as they looked at me kaya ngumiti lang ako.

"Tara na, bibi at bff ko." I said at natawa na lang ng napangiti ang dalawa at
kumalma na at sabay-sabay kaming naglakad papasok, walang pakialam kung
pinagtitinginan na.

I saw Dr. Sean with some of the staff from the hospital waiting for us in the
boarding area.

"Lia, hija!" mukhang nagulat pa ang ibang mga doktor nang tumayo pa si Doc Sean
para salubungin kaming tatlo.

"Doc!" Heart cheered, napangiti ako nang mag-apir sila ni Heart, miski si Atlas ay
nakipag-apir din kay Doc.

"Good morning po, Doc." I greeted and smiled.

"Good morning, Lia. Kumusta ang tulog?" he smiled, I saw how his eyes smiled behind
his glasses and I suddenly remembered myself when I smile like that, medyo nawawala
rin ang mga mata.

"Okay na okay, Doc." I said. "Kayo po?"

"Ayos din, mabuti naman at maayos ang pahinga niyo. Ikaw, Louis, hijo?" baling niya
kay Atlas na napahawak pa sa batok.

"Madaya naman, Doc! Pahinga sila tapos ako night duty!" sabay-sabay kaming
napatawa.

"Ayos lang 'yan, hijo. Marami ka namang pahinga." Tawa ni Doc at tinapik ang
balikat ng huli. Napanguso na lang si Atlas pero napatawa rin pagkaraan.

"Oh, tara na, maupo muna kayo para makapagpahinga." Ani Doc kaya sumunod kami sa
kanya.

Atlas slowly reached for my hand, nagulat ako roon at ngumuso lang siya sa akin at
binasa ang labi niya.

"Tatago ko naman," he whispered.

"Baka may makakita..." I whispered back at him. "Ayaw ko namang ma-issue ka sa


akin, alam mo namang intern pa lang ako—"

"So? I don't care if ma-issue ako sa'yo, mas okay nga 'yon para 'di ka na landiin
no'ng isang intern. Sino 'yon? 'Yong Lawrence—"

"Atlas!" pinanlakihan ko siya ng mata kaya bumusangot siya sa akin.


"Hahawak lang, eh..." maliit na boses niyang reklamo.

"Mamaya sa eroplano na, baka makita ng mga kasama natin." I told him. "I don't want
them thinking na ginagamit lang kita para mataas ang grades ko sa internship. Isa
pa, ayokong kung anong isipin nila sa'yo—na pumapatol ka sa akin."

I said, remembering what Nurse Lyka told me, na nakikipaglapit ako para sa sariling
dahilan at taas ng ambisyon.

"Hey..." aniya kaya napakurap ako at bumaling sa kanya. "I don't care what others
think, okay? Your opinion is only what matters to me."

I sighed and nodded, "oo, pero ako iniisip ko kung anong iisipin sa inyo ni Heart
ng ibang tao dahil malapit ako sa inyo. I don't want them thinking na
nakikipaglapit ako sa inyo dahil matagal na kayo sa ospital at gusto ko ng kapit. I
don't want them thinking bad about you two."

"Alright," he smiled gently, marahang humarang sa may gilid ko para 'di matamaan ng
nagmamadaling pasahero. "Basta, ah? Hawak-kamay tayo sa eroplano?"

I chuckled but then nodded at him, "oo, basta tago mo sa jacket?"

"Okay po, bibi ko." he smiled cutely and assisted me.

"Hi, Atlas, good morning!" I saw Nurse Lyka's smile who came out somewhere and sat
beside Atlas in the waiting area.

"Hello, good morning." I saw Atlas' smiled and nodded.

Her eyes landed on me, nakita ko pa ang pagtaas ng kilay niya pero biglang ngumiti
at alam ko kaagad sa paraan ng pag-angat ng labi niya na hindi iyon sinsero.

"Good morning, Dra.!" she smiled.


"Good morning, Nurse Lyka." I smiled a little at her.

Mabilis siyang nag-iwas at bumaling sa tabi ko, may pekeng ngiti pa rin. "Nurse
Heart, good morning."

"Ay, good ba ang morning?" ani bigla ni Heart pero biglang ngumisi. "Patola, good
morning din, Nurse Lyka." She smiled.

I saw her face turned sour pero nang bumaling kay Atlas ay mabilis na ngumiti, "may
nakaupo ba rito, Atlas? Tabi tayo, ah!"

"Wala naman, sure." Atlas said formally and immediately glanced at me.

I just smiled at him to tell him it's okay, binasa naman niya ang labi niya at
marahang inabot ang buhok ko para ilagay sa likod ng tainga ko.

"Don't cover your face with your hair, I always wanted to see that pretty face." He
said, almost a whisper kaya kumalabog ang puso ko at napangiti.

"Okay..."

"Hey, Atlas, anong seat number mo? Patingin naman ng ticket. P'wede ba tayong
magkatabi?" ani ni Lyka.

"Uh, here." Pinakita ni Atlas ang ticket sa huli kaya tinignan iyon ni Nurse at
ngumiti.

"Ay? Hindi tayo magkatabi? Sabi ko kay Doc Sean, tabi tayo, ah?" biglang lumambing
ang boses niya kaya kumunot ang noo ko.

"Luh, pa-paper..." bulong-bulong ni Heart sa tabi ko at nang nilingon ko siya ay


ngumiti lang siya sa akin.

"I'm seated with Lia and my cousin." Ani Atlas doon.


"Oh, really? Lia!" biglang tawag sa akin ni Lyka kaya nagulat ako at humarap sa
kanya.

"Yes?" I asked and she smiled softly at me, that smile na akala mo'y hindi halos
umirap sa akin kanina.

"Tabi pala kayo ni Atlas sa seat, 'di naman kayo masyadong close, right? P'wede
bang mag-request na palit tayo ng seat para tabi kami?" malambing niyang sabi.

I heard Heart snorted beside me, si Atlas ay kumunot ang noo at akmang magsasalita
pero inunahan ko na siya.

"Hindi." I answered straightforwardly and I saw how her eyes widen.

"Why—"

"Sorry, Nurse. I'm not comfortable changing my seat." I smiled at her.

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya, kumunot ang noo at nagmukhang iritado pero
pilit pa ring ngumiti. "Excuse me, CR." Palusot niya bago tumayo, umirap pa sa akin
at halos magdabog paalis.

Narinig ko ang hagalpak ni Heart sa tabi ko kaya nag-init ang pisngi ko, biglang
nahiya.

"Boom! Slap sa face left and right! Pa-paper pa more! Stan Lia!" Heart giggled.

"That's my girl!" tawa ni Atlas na mabilis pang inangat ang baba ko para magnakaw
ng halik sa labi ko kaya nanlaki ang mata ko at tinulak siya, gulat na napalingon
kung may nakatingin sa amin at no'ng wala ay napahugot na lang ng hininga at
sinamaan siya ng tingin pero ngumisi lang ang huli.

Pagsakay namin sa eroplano ay binati kami ng mga flight attendant papasok, I even
saw them bowed a bit to show respect for Dr. Sean na nasa harapan lang namin.
"Welcome aboard, Doc." The FAs greeted.

"Director, good morning." Bati ng isa sa senior flight attendant kaya bahagyang
nanlaki ang mata ko.

Director? What?

"Good morning, these are our doctors." Ani Doc at inilahad ang kamay niya sa amin
at kaagad kaming binati nila papasok.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin ma-proseso ang narinig.

Director? Si Doc Sean?

What...

"Heart," tawag ko sa kaibigan na bumaling sa akin.

"Hmm?"

"Is Doc Sean the director of the hospital?" I asked and my eyes almost went out of
my eye socket when she nodded at me.

"Yes, why?" she asked but gasped when she saw my reaction. "Don't tell me you
didn't know—"

"I-I don't!" I gasped, naiiling pa. "O-oh my God, I-I didn't even thought—"

"Don't worry, girl. Okay lang 'yan." Tawa ni Heart sa akin. "Dr. Sean is lowkey,
ayaw na ayaw niyang masyadong formal sa kanya ang mga tao. He didn't even want to
brag his position and just wanted to work peacefully with us."
"B-but..." kumalabog ang puso ko sa kahihiyan.

"Don't worry," ani Atlas na narinig ata ako, he touched my waist and assisted me in
walking. "I didn't know about his position too at first, binabarkada ko lang 'yan
si Doc dito noon tapos grabe, bibi, nagulantang ako kasi after two months ko pa
nalamang siya ang Director."

I was so shocked and startled but somehow, what I heard from him comforted my
embarrassment. Ni hindi ko na nga napagbigyan ng pansin ang bangayan ni Atlas at
Heart kung sino ang window seat dahil nakabaling lang ako kay Doc na kausap ang
head ng mga flight attendant.

"Gagi, bato-bato pick na lang!" ani Atlas at nahuli ko pa ang pagtama ng kamao nila
at si Heart ang gunting at papel si Atlas kaya natawa na ako.

"Boo, bye, bobo. Hello, window seat!" Heart sang, almost dancing while walking
towards the window at nang mahuli ko ang nakabusangot na si Atlas ay natawa na ako
sa kanya.

I looked around and when I saw no one is looking, pinatakan ko siya ng halik sa
pisngi kaya napasulyap siya sa akin.

"Bibi, inagaw niya 'yong bintana..." nguso niya.

"It's okay, magkatabi pa naman tayo." I told him and chuckled.

Sa huli ay napapayag ko na si Atlas na tanggapin ang pagkatalo niya sa bato-bato


pick nila ni Heart, I sat in the center seat habang inaayos ni Heart ang phone at
ngumingiti.

"Guys, selfie!" she cheered and we immediately smiled at the camera with her.

Dr. Sean even visited us in our seats to check if we're good at nahihiya man na
hindi ko alam na Director siya ng ospital na pinag-i-intern-an ko ay ngumiti akong
parang normal.
I didn't know about his position! And all this time, mini office niya lang sa floor
namin ang nakikita ko. Ni walang nakalagay na placard or what na Director siya ng
ospital. I'm so embarrassed and disappointed at myself!

Nang bumyahe na kami ay kaagad na nakatulog ang walang tulog na si Atlas sa tabi ko
dahil sa duty niya kagabi. Pinatulog ko siya sa balikat ko habang hawak niya ang
isang kamay ko na tinatago sa itim na jacket sa kanyang hita. Naka-shades pa siya
at malalim ang tulog kaya napangiti ako.

Kami ang naging abala sa pag-uusap ni Heart, she kept on asking me kung anong
magandang shots sa mga pictures niya sa ulap dahil mag-i-instagram story daw siya
mamaya.

It's actually my first time riding a plane my whole life, nakakakaba sa una lalo na
kapag paakyat pero kapag nasa taas na ay masaya at payapa. I never thought I could
ride one, actually, noon kasi ay nag-bus kami ni Nanay patungong Maynila.

Heart and I catch up for a while, noong una'y puro sa akin ang pinag-uusapan at
parang sa ilang beses na naming kwentuhan ay sa tingin ko'y na-kwento ko na sa
kanya ang lahat.

"Tama na sa'kin, ikaw naman." I said and that stopped her.

"Sa'kin? Uh, wala namang interesante sa'kin, Lia." Tawa ni Heart doon.

"I want to know what happened to you too, s'yempre. 'Di naman p'wedeng alam mo ang
tungkol sa akin pero 'di ko alam ang sa'yo." I told her and she pouted at me and
nodded.

"Nililigaw ko nga ang usapan sa'yo para mag-kwento ka ng sa'yo tapos ako ang topic
bigla?"

"Bakit hindi?" I chuckled. "Sa pag-uusap natin, I only know you tried Nursing kasi
Nurse ang mother mo, right? You just told me about where you studied college pero
you didn't mention anything other than that."

Ngumuso siya at sumandal sa may bintana, tinitignan ako.


"Ano namang shi-share ko bukod do'n?" tawa niya. "Social life ko is medyo tabingi,
mas focus ako sa work ko ngayon. You know about where I studied, ano pa ba?"

"Hmm..." nag-isip ako kunwari pero may gusto ng itanong. "Love life?"

She froze, mabilis siyang napalingon sa akin at umiling.

"Luh, as if mayro'n." Tawa niya sa akin. "Taga-sana all lang naman ako sa inyo ni
bobo."

"Hmm," I hummed and I noticed her avoiding my gaze, chuckling awkwardly and I know
she's lying.

"Uhm, alam mo Heart, may napansin ako." I told her kaya napatingin siya sa akin at
kumunot ang noo.

"Hmm? Ano 'yon?"

"About...sa inyo ni Josh?" I saw how her eyes widen when I said that, bigla siyang
napaubo na parang nabibilaukan kaya mabilis kong kinuha ang tubig sa harapan ko at
inabutan siya.

I watched her drink it, she coughed a bit and shook her head at me.

"L-luh, walang kami ni gagong alien, paki ko ba sa kanyang gago siya?" tumalim ang
boses niya at ang mata niya kaya alam kong may something talaga.

"Curious lang ako," I told her. "Pero if...ayaw mo i-share, I understand naman." I
smiled a bit, my voice sounded so sad. Nagkunwari pa akong malungkot, umayos ng
sandal sa upuan at inayos ang ulo ni Atlas sa balikat ko na humigpit ang hawak sa
kamay ko.

Halos mapatawa ako nang manlaki ang mata ni Heart sa akin, "uy, Lia..."
"Okay lang, I understand." I told her and she gasped and sighed.

"Ano ba 'yan, 'di naman kita matiis!" she hissed quietly kaya napatawa na ako dahil
bumigay na sa patibong ko at nilingon siya.

"So...anong story?" I asked and she pouted at me and scratched her eyebrows.

"Ang daya ni Lia, dinadaan ako sa lungkot-lungkot!" she hissed kaya natawa ako at
tumango.

"Effective naman, 'di ba?" I smiled. "S'yempre, gusto ko rin naman malaman kung
kumusta ka kasi ako alam mo na. So, ano nga?"

She sighed, nakita kong bumaling siya kay Atlas para tignan kung tulog ba ito kaya
nagsalita na ako.

"He's sleeping," I told her and smiled.

"Mabuti, kakantyawan lang ako niyan ni bobo, eh." Ngiwi niya at umayos ng upo, I
saw her take another sip from the water bottle and glanced at me.

"Ready ka na ba?" she asked and I slowly nodded, bracing myself and listened to
her.

"Sige, I'll listen." I smiled at her softly.

She sighed again, sinuklay niya ang buhok niya at sumandal sa upuan. "Ted and Atlas
knew about this, I didn't tell them kaya I assumed na tsismoso lang sila or ginulo
si Josh para magkwento. It's my first time telling the whole story kasi BFF kita,
okay?"

I chuckled and nodded, "okay. Secret lang natin 'to."

"After my relationship back in high school, that was the end of it. After that, 'di
na ako nag-jowa. 'Di dahil na-trauma ako, the hell with Anya and that jerk. I
didn't engage in any relationships kasi nga para saan? Atlas' family...which is
also my family is in trouble. Tita Bea's stressed, nagkaproblema ang pamamahala ni
Tito Louis kasi 'di ba, na-stroke rin siya?"

"You mean, no'ng umalis ako..."

"Yes," she smiled and I felt my heart breaking, the image of the young Atlas and
Heart having problems broke my heart.

"I-I didn't know," I sighed. "I'm sorry, Heart. Kung...kung wala ako sa tabi niyo
para dumamay noon."

"Nah, wala na 'yon, Lia. We were young back then, isa pa, sinabi ko naman na sa'yo
na wala kang kasalanan sa nangyari noon. It was supposed to happen, one way or
another. Mapigilan man natin ay mangyayari ang mga dapat sa ibang paraan. Isa pa,
your health should be your priority, baka na-stress ka lang sa amin noon." She
smiled at me. "Anyway, ayon nga, sunod-sunod ang naging problema namin sa pamilya.

"You know I studied a bit late kasi patigil-tigil ako, 'di ba? Since my family has
no permanent address. During our vacation, we went all the way to States to confine
Tito Louis to a better facility and kailangan din ng examination ni Tita Bea
because of what happened. Alam mo ba, hindi sana makakapag-college kaagad si bobo
at hindi ako sana makakapag-Grade 11 kaagad?"

"Bakit?" I asked worriedly. "I-I'm really sorry, because of us—"

"Wala ka ngang kasalanan, Lia." She stopped me. "And Tita Liv apologized to us, she
sincerely did that at wala nang mas ikakaganda ang bagay na 'yon, Lia."

I just sighed, napatungo pa ako pero mabilis na inabot ni Heart ang isang kamay ko
at pinisil. "Don't blame yourself, Lia. Hindi mo kasalanan ito, isa pa, natuloy
naman ang pag-aaral namin ni Atlas. We went back here, nagtapos ako ng Senior High
dito sa Manila and Atlas got into a university and took his pre-med."

"Sina Ted?" I asked.

"Luckily, they got in to the same university where Atlas is studying. Magkakaiba
nga lang ng course, Ted is into business and gagong alien is into cooking. No'ng
nag-college naman na ako, my mother convinced me to take Nursing so I did, doon din
ako nakapag-aral sa school nila. Occasionally, the three of us is meeting if we
have free time and..." she cleared her throat. "M-may sasabihin akong secret sa'yo,
Lia."

"Hmm?" I asked and nodded.

"I didn't tell you this before kasi awkward but uh..." I saw her blushed a bit. "B-
back in high school, w-we kinda flirted with each other."

"Si Josh?" my eyes widen and she nodded, blushing.

"Y-yeah..." she coughed a bit. "I-I mean, he's so good, he always treats me good.
Binangasan nga niya iyong cheater na 'yon na ex ko and we, uh, we kissed in the
ball too."

"R-really?!" halos lumakas na ang boses ko roon kung hindi niya lang ako kinurot.

"Lower you voice, loka ka!" she hissed, namumula.

"Okay, okay, sorry..." niliitan ko ang boses ko. "A-akala ko ba kami lang nag-kiss
ni Atlas?" I whispered.

"Akala ko rin, eh." Hilaw siyang ngumisi. "Kaso, girl, ang pogi ni gago. Na-kiss ko
tuloy!"

Bigla kaming nagtawanan at ngumuso ako.

"Aba, malay ko bang magki-kiss back si gago? Nanginig ang hita ko, Amalia!" she
gasped.

"Ikaw, ah? Hindi ka nag-o-open!" I chuckled and I saw her blushed a bit then
shrugged.

"Awkward nga kasi, landian niyo ni bobo, ayaw ko makisawsaw 'no! 'Tsaka landian
lang naman, 'di naman naging kami." Aniya.

"Highschool 'yan, 'di ba? Eh, no'ng college?" I asked.

"'Yon nga. Ano, we met again when I got to college and we...kinda clicked. Alam mo
na, he's always waiting for me every end of the class. No'ng second year college na
ako 'tsaka siya nagsabi kung p'wede manligaw. S'yempre gusto ko siya kaya gora ang
Ate Puso mo..."

Natawa ako at ngumuso siya roon, "When I'm nearly on third year, I said yes to him
and kami na. For years, our relationship is great, minsan talaga nag-aaway pero
nagkakabati rin. Bobo got into a med school in States and after I passed nursing, I
got an offer from different prestigious hospitals around..." she said.

"Ayon nga, we've been together for years. The resto he built wasn't in good shape
at pinauwi siya ng pamilya niya sa Peñablanca and he told me he'll go back to the
province. S'yempre, may relasyon kami, paano naman ako? Sabi ko, sasama ako sa
kanya sa probinsya tapos nagalit siya paano naman daw ang offers ko rito sa Manila?
He offered me a long distance relationship and kahit mahirap, that goes on for
years. Nagkikita kami kada-buwan but it wasn't enough for me. I saw on his facebook
how people made issues, linking him with different girls and it pained me so much."

My heart melted while seeing my friend looking so sad.

"I confronted him, wala naman daw iyon at naniwala ako kasi boyfriend ko 'yan ng
ilang taon, eh. May tiwala ako sa kanya, alam ko rin naman na wala pero I got trust
issues. Nagpatayo siya ulit ng resto sa Peñablanca, gusto ko na umuwi para doon na
lang kami pero ayaw niyang iiwan ko ang magandang trabaho ko rito para sa kanya,
so, paano naman ako?" she said sadly.

"Heart..." I muttered softly, touching her hand more. Natahimik siya at marahang
hinawi ang luha na nahulog na sa mata.

"M-mahal na mahal ko siya tapos ayos lang sa kanya na malayo kaming dalawa? Hindi
iyon ayos sa akin, Lia! I am so willing to sacrifice my work here just so I could
be with him tapos..." she sniffed. "T-tapos, ayos lang sa kanya na malayo kami? I-I
know he's so damn loyal to me pero I have my issues with him dahil nalalaman kong
pumupunta siya sa Maynila at nakakausap niya sina Atlas tapos 'di ko alam..."

My heart goes for my friend, habang nakikita siyang nasasaktan at malungkot ay


parang may kumukurot sa puso ko.
"Did you ask him anything about that?" I asked softly and she shook her head.

"Hindi, pakyu siya, break na kami. I broke up with him kahit ayaw niya when I found
out he went here in Manila twice yet he didn't tell me. Pakialam ko kung pumunta
siya rito, baka may babae siya, pakialam ko. Mamatay na sila."

"Did you ask Atlas about it?" I asked and she shook her head.

"Hindi, ayoko nga. I blocked that alien in any ways I can yet he always find ways,
nitong nakaraan ay bumalik na naman dito sa Manila at wala akong paki sa kanya."
She said. "He wanted to talk pero mabaliw muna siya bago ko kakausapin, I am so
willing to make my terms with him but he's just...sometimes, I'm thinking na baka
'di naman niya talaga ako minahal."

Heart is such a strong woman, while talking to her, she's emotional yet always
trying her best to be cheerful and change the gloomy ambiance. She always find ways
to smile and hearing her side of the story, I am more curious about what Josh did.

He may have a reason but Heart is still in pain for what he did. I don't want to
judge Josh because I still don't know his side and I can never invalidate Heart's
pain for I never know how deep it is.

Wala naman tayong karapatang manghusga sa sakit na nararamdaman ng ibang tao, we


can never know what they feel unless it happens to us and we feel the same way
which is kinda impossible. Iba-iba ang lalim ng sakit sa bawat tao kaya hinding-
hindi mo p'wedeng sabihin na mababaw ang sakit na mayroon ang isa at mas malalim
ang sa iyo.

I may never lift that pain in her chest but maybe, I could help her forget even
bits of it when we're together. As a friend and me treating her as the sister I
never had, I will do my best para damayan ang kaibigan ko.

Heart slept after a while, magkabilaan sila ng balikat ko natutulog ni Atlas at


kahit na mabigat sila ay hindi ko iyon alintana dahil masaya akong kasama ko sila.
These days, I am always happy and inspired everyday. Masaya kong ginagawa ang mga
bagay dahil siguro alam ko sa sarili kong may mga kaibigan akong dadamay sa akin.

I'm not alone anymore, there are my friends, my mother in heaven and God who's
watching over me.

"Dra. Lia?" napabaling ako sa may gilid at nakita ang isang flight attendant na
nakangiti sa akin.

"Hello, yes?" I smiled.

"Pinapabigay po ni Doc Sean sa inyo." She said and showed me a small paper bag.
"May snacks po and drinks."

"Really?" that made me smile. "Thank you, p'wedeng palagay dito? Sorry kasi..."
nguso ko sa dalawa sa balikat ko at tumango ang FA at inilagay ang paper bag sa may
lamesa sa harapan ko.

"Thank you, Miss...?" pinagmasdan ko siya at nakita ang asul niyang mata.

"Daru po, Ma'am." She smiled humbly.

"Thank you so much, Miss Daru. Pasabi po kay Dr. Sean na maraming salamat." I said
and she nodded and bid her farewell.

Nakarating kami sa Tuguegarao airport pagkatapos ng halos isang oras. Heart and
Atlas is so refreshed, kahit saglit lang ay bawing-bawi sa power nap nila sa byahe.

"Thank you, bibi..." Atlas whispered while hugging my waist habang pababa ang
eroplano, natawa naman ako roon at inayos ang buhok niya.

"Did you sleep well?" I asked and he nodded against my shoulder, giving it a small
kiss.

"Hmm, bawi na ako. I love you." He whispered.

It made my heart jump, hindi pa ata ako masasanay sa kalambingan niya kaya
napangiti ako at tumango.
"L-love you too..." I whispered, lumayo siya sa leeg ko, ang namumungay niyang mata
ang sumulyap sa akin bago ngumiti.

"Bakit nauutal?" he whispered and my lips protruded, smiling at him.

"Uh, wala naman...medyo ano, nahihiya lang." My cheeks flushed.

He chuckled. He cupped my cheek and pressed a quick kiss on my lips, nanlaki ang
mata ko at natulak siya pero ngumiti lang siya lalo at humalik na sa noo ko.

"Ay, wow, sana everybody. Number one thousand sixty-five." Natulak ko sa gulat si
Atlas at napasulyap kay Heart na nakabusangot na sa amin.

"Ano na naman?" Atlas frowned and hugged my waist again, pinalo ko ang braso niya
pero ayaw patalo.

"Respeto naman sa single, mga pre." Ani Heart at mas napatawa lang si Atlas sa tabi
ko kahit anong kurot ko sa kanya.

"Makipagbalikan ka lang kasi kay—"

"Bobo ka talaga, pakisabi sa kanya kahit mag-twerk siya gilid wala akong paki."
Ngiwi ni Heart at ngumiti bigla nang makita ako. "Right, Lia?"

"Uhm, oo..." pagsakay kong at ngumiti sa kanya.

Nang makababa na ang eroplano at nagsabi na ng go signal na p'wede na kaming tumayo


ay si Atlas na ang nagbukas ng compartment para kunin ang ibang hand carry namin. I
took my hand bag with me and Heart took hers too, nauuna siya sa'min dahil
magpipicture daw siya at kami ni Atlas ang huli sa grupo dahil nasa may likuran
kami ng eroplano.

"Hey, bibi, you okay?" nagulat ako nang may humawak sa baywang ko at nang lingunin
ay nakita ko si Atlas sa tabi ko.
"Hmm, yes, bakit hindi?" I smiled at him but his forehead just creased.

Inayos niya ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga bago ako titigan.

"You're pale," he noticed. "Are you tired? Sorry if nakatulog ako, sa byahe mamaya
papuntang site ikaw naman ang matulog."

"It's okay," I smiled at him and touched his waist too habang sabay kaming
naglalakad. "Tama naman ang tulog ko kagabi, baka maputla lang ako kasi nalusaw na
ang light make up?"

"Hindi naman mainit dito," his forehead creased more. Marahang hinaplos niya ang
baywang ko at inangat ang isang kamay para idampi ang daliri sa pisngi ko. "You're
cold too."

"Oh?" hinawakan ko ang pisngi ko. "Ah, baka sa aircon?"

"Hindi, eh." Mas mukha na siyang nag-aalala. "Masama ba ang pakiramdam mo, bibi? Do
you want us to rest first or eat—"

"It's okay, bibi." I smiled at him to assure him I'm alright. "Don't worry."

He nodded, I saw him stared at me again and slowly pulled me closer to his body to
kiss my head. Hindi ko na pinansin kung may nakakakita ba sa aming dalawa at
napapikit lang ako at napangiti.

I'm so in love with this man. I really hope this love would make it until the end.
I hope this love will last.

Nakababa kami sa eroplano na magkahawak ang kamay, I didn't care if anyone would
see us now because his warmth makes me so comfortable and happy.

"Careful, bibi." Atlas said in a soft voice, assisting me. Si Heart ay nauna na
doon sa baba, mukhang excited dahil ngayon lang siya makakabalik kagaya ko rito sa
Cagayan, I even saw her taking photos around and taking selfies.
"Ayan, tara, selfie! Welcome home!" Heart giggled when we reached her, ngumiti kami
sa camera.

"Kulit mo, puso." Atlas laughed. "Tara, kunin na natin ang bagahe. Lia, baby, stay
here, hmm? Kami na kukuha ni puso ng bagahe para makapagpahinga ka."

I smiled and nodded since I'm a bit off right now simula nang mapansin ni Atlas na
namumutla ako. Atlas kissed my forehead briefly, tinuro niya sa akin ang bench sa
malapit at nagpaalam na kukunin muna ang mga bagahe.

While I was walking to the bench, I suddenly felt a bit uneasy and weak. I saw Dr.
Sean looking at me when I stopped from walking. Kumunot ang noo niya at mukhang
lalapit pero ngumiti lang ako at kumaway.

"Hello, Doc. Salamat po sa pagkain kanina." I told him and smiled. I remembered
what I found out earlier, he's the Director yet he talks to us like were in the
same level.

He's so humble and down to earth, sila ni Tita Marichu.

"Tita Marichu gave us snacks too, Doc. Kanina po no'ng umalis kami, hindi pa po
nauubos kaya sa byahe po siguro'y kakainin namin. Maraming salamat po." I said,
grateful.

I saw his eyes soften, lumapit siya sa akin at kaagad na ngumiti.

"Welcome, are you okay? You're pale." He suddenly noticed kaya tumango ako at
ngumiti.

"Yes po, ayos lang ako." I said and smiled.

He looks worried like Atlas, he even touched my elbow and pointed the bench near
us.
"You should sit first, saan na sina Louis at Pusong makulit?" aniya at inalalayan
ako paupo.

"Nasa may baggage po, Doc." I smiled at him and he nodded, nakatayo pa rin sa
harapan ko.

He looked like a worried parent as he sighed and watched Atlas and Heart took the
baggage, nakita ko pang gustong maupo ni Atlas sa lagayan ng baggage paikot pero
pinipigilan ni Heart at nagtatawanan pa silang dalawa.

I smiled while watching them but it faded when I felt the slight pain inside my
chest.

I saw Nurse Lyka watching us from afar, nang magsalubong ang mata namin ay tinaasan
niya ako ng kilay at inirapan.

I closed my eyes and touched my chest when I felt the sharp pain. Nakita kong
nakatitig si Doc sa dalawa na mukhang kakatapos lang makuha ang mga gamit namin.

Nang mapabaling sa akin ang dalawa ay mabilis kong tinanggal ang kamay sa dibdib
ko. The two suddenly looked worried when they saw Doc Sean beside me, mabilis
silang lumapit at si Heart ay mabilis na naupo sa tabi ko, inabot ang kamay ko.

"Lia..." she called.

"What happened?" Atlas asked, glancing at me back to Dr. Sean.

"Nothing, she's just pale kaya sinamahan ko muna. We should check her first." Ani
Doc kaya nanlaki ang mata ko roon at umiling.

"Doc, hindi na, ayos lang ako." I insisted and Atlas stared at me, nakita ko kung
paano bumalik ang pag-aalala sa mukha niya nang medyo dumukwang siya sa harapan ko
at inabot ang mukha ko.

"Are you okay, bibi?" he whispered, marahang hinahaplos ang pisngi ko. "Let's go
and check you up first—"
"No, I'm okay." I said and smiled at him, nakita ko ang pagkunot lalo ng noo niya.

"Lia..."

"Ayos lang ako, Atlas. Baka hindi lang sanay sa byahe dahil first time ko sa
eroplano." I explained.

I saw Atlas staring at my face intently, kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at
hinawakan ng isang kamay ko bago bumaling sa nag-aalala ring si Heart at Dr. Sean.

"Are you sure?" ani Dr. Sean na seryoso at tumango ako at bumaling kay Atlas na
nakatitig sa akin.

"Ayos lang talaga ako." I said and flashed a smile, assuring them not to worry
despite the visible and sharp pain inside my chest.

I rarely feel chest pains pero these days ay pansin kong madalas at mas lalong
lumalala. I wanted to tell them but I couldn't, I don't them worrying. It's the
first time I felt this intense pain again without doing anything intense and it
made me so...scared.

Please, heart. Let's remain tough and brave.

Chapter 30 - Kabanata 28

Kabanata 28

"Ay, Alien na gago! Bakit nandito 'yan?!" halos maghisterikal na si Heart nang
makita namin kung sino ang nag-aabang sa labas ng airport.

Josh was resting his back in a car, wearing his shades. Napaayos siya ng tayo nang
makita kami at ngumisi.

"Cap! Lia!" he smiled brightly, jogging towards us, nakita kong tinanggal niya ang
shades at bumaling sa kaibigan ko.
"Hi, love." He smiled at Heart.

"Yuck..." Heart frowned and rolled her eyes.

My eyes widen, narinig ko ang hagalpak ni Atlas sa tabi ko at mas pinirmi ang kamay
sa aking baywang.

"Should we go, Josh?" Atlas asked and Josh glanced at us after staring at Heart and
nodded.

"Saan gamit niyo?" he asked and Atlas showed his hand at him. Kinuha ni Josh ang
isa roon at binuksan ang sasakyan, narinig ko naman ang reklamo ni Heart sa tabi
ko.

"Gago ka, boplaks, ano 'to?!" she hissed, slapping her cousin's arm. Napatawa ako
nang dumaing si Atlas at bumaling sa akin, nagpapalambing.

"Bibi ko, away ako ni Puso." He pouted.

"H'wag mong landiin si Lia, sagutin mo ako!" she hissed kaya tumango ako.

"Sagutin mo na kasi 'yong tanong," I encouraged Atlas who groaned and glanced at
her.

"Siya kasi ang nagpresenta sa catering mamaya," he said. "We talked to Dr. Sean and
okay na okay sa kanya so...s'yempre, helping a friend."

Ngumiwi si Heart, tumawa naman si Atlas bago bumaling sa akin.

"I'm gonna help Josh fix our things first, are you okay now, bibi?" he whispered.

"Hmm," I smiled at him. "Okay lang ako."


He nodded and kissed my head before helping Josh, kinuha niya rin ang bagahe ni
Heart bago nagtungo sa sasakyan. Kaagad na kumapit sa akin si Heart at suminghap.

"Lia, si gago..." she whined.

"Sa catering naman daw," alo ko. "Malay mo, this is the opportunity for the both of
you to make up, right?"

"Make up, huh!" she rolled her eyes. "Ayaw ko na, hindi na ako marupok, Amalia."

"Parehas tayo," I said kaya napatingin siya sa akin. "'Di rin ako marupok." Dagdag
ko at parang gumaan ang atmosphere at sabay kaming nagtawanan.

Dr. Sean came to us after checking the other vans for the staff, personal van ni
Josh ang gagamitin namin ngayon kaya 'di kami sasabay sa kanila.

"Lia," Doc called when he came near us. "Ayos ka lang ba talaga? We could check if
you're okay or not." He asked worriedly and it made my heart jump.

"Okay lang po ako, Doc." I smiled at him, grateful that he is this worried for his
employees.

"But you're pale," he said, inangat niya ang kamay at dinama ang noo ko. "Are you
sick? Hindi ka naman mainit, masakit ba ang ulo mo?"

"Nahilo lang po siguro, Doc." I smiled. "First time po kasi sa eroplano."

I saw him staring at me for a while, mukhang tinitimbang ang reaksyon ko kaya
ngumiti lang ako. When he was satisfied, he smiled and nodded.

"Basta, promise na kapag may nararamdaman kang hindi maganda, sabihin mo kaagad sa
akin...o kahit sa mga kaibigan mo." He smiled.
"Yes po."

"Ako bahala kay Lia, Doc!" Heart cheered, nakipag-apir pa kay Doc Sean kaya
napangiti ako.

Pagkatapos ng ilang sandali ay kaagad kaming tinawag ni Atlas para pumasok na sa


sasakyan. Josh staffs were in another van, kasama raw ang mga iluluto nilang
pagkain mamaya. Heart got no choice but to sit in the front seat beside Josh dahil
nagsabi si Atlas na sa likod kami at magpapahinga ako.

I was worried of Heart because I saw her glaring at Josh pero ngumisi lang ang huli
sa kanya at sinapok niya ang ulo nito kaya natawa na lang ako at gumaan ang
pakiramdam.

Atlas was so attentive at me while we're on our way to the site, he was worried, I
can sense it pero hindi siya nagsasalita at pinagmamasdan lang ako. He even hugged
me and asked me to rest on his chest while we're travelling.

The pain lessened but I was still confused. Nitong mga nakaraang araw ay sunod-
sunod ang naging pagsakit ng dibdib ko. Sometimes, I felt like I couldn't breathe
kahit wala naman akong ginagawang kahit ano. Sometimes, it hurts even in my sleep
kaya nagigising ako ng madaling-araw.

Akala ko no'ng una ay nagkataon lang but these days has been doubtful to me. I was
so tempted to go and visit a clinic but I'm scared for what the doctor would tell
me. I am scared and worried if malalaman ito ni Atlas at ng mga kaibigan ko.

Isa pa, my board exam is nearing. If ever the doctor will tell me to stop stressing
myself and it would mean stopping me from taking my exam...hindi ko kaya.

I prepared so much, habang nasa internship ako sa ospital at nagtatrabaho sa


Pharmacy ay nag-aaral ako. I wanted to become a doctor so much and I couldn't take
it if I'll be delayed.

Kaya ko 'to. Kayang-kaya ko 'to.

I slept on my boyfriend's chest and he woke me up when we reached the site. I was
relieved when I felt great and relaxed the moment I opened my eyes kaya kaagad
akong yumakap kay Atlas.

"Hmm, ang lambing ng bibi ko, ah?" I heard Atlas chuckling, slowly touching my
waist so he could hug me.

Sumiksik ako sa kanyang leeg at mas yumakap. I heard him chuckled when I kissed his
neck and sighed.

"Love you, Atlas." I whispered with a smile on my lips.

Napaubo siya, nagtaka ako roon at akmang sisilip pero hinigit niya lang ako lalo at
yumakap.

"Fuck, don't look at me, bibi. I'm blushing." He whispered quietly.

Napatawa na ako roon, "bakit ka naman mahihiya?"

"Basta, para siguro akong kamatis na napisat ngayon." He whispered back and I
wanted to see it so I slowly pulled away from him.

Wala na siyang nagawa nang makawala ako at makita ang kanyang mukha. Totoo ngang
namumula talaga siya kaya napatawa ako.

"Ih, I told you..." he whined, mag-iiwas pa sana pero sinapo ko ang pisngi niya
kaya napakurap siya sa akin.

"Bakit ka nahihiya?" I asked and smiled.

"I'm shy..." maliit niyang sabi.

I chuckled, I find him so adorable kaya I slowly tilted my head and captured his
lips for a quick kiss. Nang lumayo ako sa kanya ay nakatunganga lang siya sa akin.
Napalingon ako sa harapan at halos mapatalon at nag-init ang pisngi nang mahuling
nakadungaw at nakatunganga sa amin si Josh at Heart. Mula sa amin ay bigla silang
nagkatinginan, nagkatitigan pero sabay ding tumikhim at nag-iwas na parang walang
nangyari.

I was not the shock when they told us na we have to climb dahil nasa tuktok nga raw
ang site namin. Medyo matarik ang mga daan paakyat at batuhan, may mga dadaanan din
kaming mga sapa at hindi na ako nagulat na hindi nakakatanggap kaagad ng medical na
atensyon ang mga nakatira doon.

Malayo sa kabihasnan, maraming tatahakin ang mga doktor at miski ang mga pasyente
kaya mahirap.

I feel so sad hearing this kind of stories, nakakalungkot na ilang oras ang dapat
tahakin ng mga tao para lang magpagamot o bumili man lang ng gamot.

Dr. Sean checked on me and told us the other team, medical staff located here
around Cagayan Valley is now on the site, kahapon daw sila dumating.

Hindi ko sigurado but Heart walked first, ka-kwentuhan niya si Dr. Sean na nauuna
sa amin habang papaakyat. I am with Atlas and Josh so I have a hunch na umiiwas
siya kay Josh.

"Careful, bibi..." Atlas touched my hand to assist me, ngumiti naman ako at mas
kumapit sa kanyang kamay.

"Thank you," I said.

He smiled and nodded, halos sabay na kaming naglalakad dahil inaasikaso at


tinitignan niya ang bawat apak ko sa batuhan.

For almost fifteen minutes, we continued walking, magkausap si Josh at Atlas at


naririnig ko rin kaya napapatingin ako.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?" I heard Atlas asked him.

"I don't know, ayaw naman niya akong kausapin." Josh said at alam ko na kaagad ang
tinutukoy niya.

"Tell her why you're going to Manila without telling her, she's concluding. Ayaw ko
namang sabihin ang dahilan mo kasi kayo dapat ang nag-uusap." Atlas said.

"Gusto ko nga sana, kaya nga akong bumalik ng Maynila nitong nakaraan. Ako ang nag-
asikaso sa kanya no'ng nagwalwal kayong dalawa at nagpabida sa bar, 'di ba?"

I suddenly laughed when I remembered what the two did, mabilis na napatingin sa
akin si Atlas at tumalim ang tingin.

"Amalia..." he whined kaya nakagat ko ang labi, nagpipigil na ng tawa.

"H-hindi na..." tumikhim ako para 'di mapatawa. "Ano, panaginip ko lang 'yon."

He smiled brightly and nodded, "okay, bibi. Good girl." Hinaplos pa niya ang buhok
ko kaya nakagat ko ang labi, nagkatinginan kami ni Josh at nakita ko ang pagpigil
niya rin ng tawa.

The two continued talking, narinig kong kaya pala palihim na nagpupunta si Josh sa
Maynila na hindi sinasabi kay Heart ay dahil sa nag-aayos pala si Josh ng papeles
sa tinatayo niyang restaurant ulit sa Manila.

He wanted to surprise Heart na doon na siya sa Manila babase dahil naging


successful ang mga branch niya sa Peñablanca, he's planning to surprise her in
their anniversary pero nakipag-break naman daw ang huli at 'di siya pinapakinggan.

I was shocked and thrilled, I knew Josh loved Heart so much that he's doing his
best to settle in Manila with Heart, kaysa raw dito sila sa probinsya at iwanan ni
Heart ang magandang trabaho.

This is the problem if relationships lack communication, may mga pagkakataon


talagang hindi magkakaintindihan na nag-uuwi sa hiwalayan. I wanted to tell Heart
this but like Atlas, this isn't my story to tell, I could just help by talking to
Heart to listen.

Twenty minutes of walk and I am tired, mabilis na ang kalabog ng puso ko at


pinagpapawisan na. I can feel my feet shaking and my heart aching, ayaw ko mang
sabihin kay Atlas ay mabilis niya iyong napansin at nagpaalam kay Josh.

"Samahan ko na kayo," Josh said but Atlas refused.

"Sige na, mauna na kayo. You still have to cook, right? Ayos lang, sunod na lang
kami ni Lia." Ani Atlas kaya tumango si Josh at nagpaalam na mauuna.

Atlas let me sit on the rock in the side, nagkatinginan kaming dalawa at kaagad
akong ngumiti.

"Pasensya na, Atlas. Medyo...napagod kasi ako." I said softly.

"It's okay," he smiled gently, I saw his soft eyes as he took his handkerchief and
dried my sweat. "Let's rest for at least five minutes, okay?"

"Sige, sorry ulit..." nahihiya kong sabi pero umiling lang siya.

"You don't have to be sorry for things like this, baby. You should take a rest
first, here..." kinuha niya ang bag pack at kumuha ng mineral water para iabot sa
akin.

"Thank you," I muttered and took it.

Nawala na ang mga kasama namin pero Atlas remained calm and pampered me,
nakangiting nag-uusap lang kami habang magkatabi sa bato at magkahawak ang mga
kamay.

"You think I'd pass the boards, bibi?" I asked while resting my head on his
shoulder.

"Of course," he muttered, slowly stroking my hand with his thumb. Dinala niya iyon
sa labi para magpatak ng halik. "Kayang-kaya mo 'yan, I knew you'd ace the boards
too like med school."
"But I'm nervous," I whispered. "Mahirap ba?"

"Hmm, practical questions, drug of choice and situational questions. I can teach
you some ways to memorize the mechanism of actions per drug." He offered and kissed
my hair.

"Sure, thank you. Nakaka-excite namang magpaturo kay Dr. Montezides." I chuckled.
"S'werte ko naman at tutor ko ang topnotcher sa physician board exams."

He chuckled too, muling hinalikan ang buhok ko.

"Nah, it is me who's lucky 'cause I get to use my pretty and amazing bibi as an
inspiration." He whispered.

My heart jumped, napaangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.

"Really?" I asked softly, my cheeks flushing and he nodded, kissing my forehead.

"Hmm, I told myself I want to be better for you so when I pursue you again, I'll be
deserving to you..."

"Bakit naman hindi? Baka ako nga ang 'di deserving sa'yo," I told him. "You see,
Atlas. I got nothing with me, wala naman akong pera. The only treasure I have is my
education."

"Nah, your degree is just a bonus, bibi." He touched my hair, slowly putting it
behind my ear. "What I don't deserve is your kind and brave heart, what I don't
deserve is your attention and love. So, until now...I'm still doing my best to
deserve you...all of you."

Natulala ako sa kanya, he smiled and winked when he noticed my expression kaya
ngumuso ako at pinalo ang braso niya.

"H-h'wag mo nga akong pinapakilig..." I whispered and he laughed and shrugged.


"Don't you think I deserve a kiss?" nag-beautiful eyes pa siya kaya natawa ako at
nahihiya man ay inangat ang ulo para pagbigyan siya sa halik na hiling.

"Sarap naman!" he cheered when we're done kissing and smirked, nagulat ako nang
tumayo siya at nag-inat bago dumukwang at tumungo sa harapan ko. "Hop in, bibi ko."

"Hmm?" my eyes widen.

"Piggy back," he said at kahit anong tanggi ko ay wala ring nagawa dahil halos
mabuhat na niya ako para lang mapapayag.

Hindi na ako masyadong nagulat nang halos tatlong beses na muntik madapa si Atlas
habang nasa likod niya ako at muntik na akong maihagis sa sapa kapag may
kumikiliting tubig sa paa niya.

"I-imagination mo lang 'yon!" he exclaimed when he almost slipped and I just


laughed and pinched his cheek.

"Opo na, Doc. Sa dami ng imagination at panaginip ko p'wede na akong magsulat ng


comedy book." I teased and he whined at me like a child.

I was shy yet thrilled at the same time when we reached the site, Atlas carried me
all the way, refusing when I told him I can walk.

He's such a gentleman and I think I fell for him even deeper now, pagod na pagod
siya pagkarating namin sa site at tawang-tawa sina Doc, Josh at Heart nang parang
mahihimatay na si Atlas pagkarating.

Of course, para makabawi, inasikaso ko muna ang boyfriend ko habang nagsasalita pa


si Dr. Sean at pinapakilala ang mga kasama namin ngayon sa aming volunteer work.

"Taas mo damit mo, Atlas." I told him and his eyes widen.

"Huh?" he asked, slowly crossing his arms on his chest.


"Sabi ko, taas mo damit mo." I told him but he just gasped.

"L-Lia, grabe ka, sabi ko na at may pagtingin ka sa katawan ko...maraming tao tapos
pinagnanasaan mo ako." Aniya at doon na nahulog ang panga ko.

"I-I mean..." nag-init ang pisngi ko. "H-hoy! Hindi, ah! G-gusto ko lang punasan
ang pawis mo!" I hissed.

He suddenly laughed, sigurado na akong namumula na ang mukha ko roon.

"Sa'yong-sa'yo naman ang katawan ko para pagnasaan, bibi ko—"

"Montezides!" I hissed, hinampas na siya ng twalya pero tawang-tawa lang ang loko,
halos hilahin pa ako para makayakap.

Wala na sigurong mas ikakagulat ako nang makita ang mga staff mula sa ospital dito
sa Cagayan at may nakilala.

It was Yui and she's a nurse, nakita kong nagulat din at nagmumura na si Heart sa
tabi ko at nang sumulyap ako kay Atlas ay nahuli kong kunot ang kanyang noo at
umiigting ang panga.

I saw how he looks so pissed, napansin ko ring tumitingin si Yui sa may amin at
tumataas ang kilay bago napapangisi kaya kumunot ang noo ko.

"Lia, I don't know she'll come here..." Atlas called me after a while, "I
promise..."

"Ayos lang," I said, "Hindi naman siguro siya manggugulo..."

"Don't worry, Lia, kapag nilapitan ka no'ng babaeng 'yan? Ready ako
makipagbardagulan." Ani Heart na pinakita pa sa akin ang braso niya, pinapakita ang
muscles kahit wala naman.
"Salamat, Heart." I chuckled. "Pero hindi naman siguro."

"Huh, subukan niya, baka bukas may mabalitang may lumulutang na r'yan sa ilog!" ani
Heart doon na may conviction pa.

We became busy the moment the program started, bukod sa mga cook, physicians,
nurses at dentist, may mga feeding program pa kami para sa mga bata, free check-up
at tuli at pa-seminar para sa mga magulang. I assisted in any ways I can, usually
getting interviews sa mga bata at mga matatanda.

Atlas keeps on checking at me from time to time, kahit naroon siya sa desk niya ay
tingin siya ng tingin at para ipakitang ayos lang ako ay ngumingiti ako kapag
nagkakatinginan.

I keep on noticing Yui and Lyka around him, nakita kong nakikipag-usap din kahit
papaano si Atlas dahil marahil sa mga pasyente at nakatingin lang ako sa kanila.

I trust my bibi, it's just that...I don't trust the girls so much. I still
remembered how Yui lied to me in the past and I still remembered the way Lyka
talked to me way back.

"Ano, ano, Lia? Pag-umpugin ko na ba?" palaban na sabi ni Heart, inaayos pa ang
sleeves ng damit niya kaya natawa ako roon at umiling.

"Hindi naman 'yan papatulan ni Atlas," I said and chuckled.

"Tsk, patay na patay po si Amalia kay boplaks, opo." She said, nilalagay pa ang
kamao sa bibig para kunwaring nagre-report kaya natawa ako. "H'wag ka masyadong ma-
in love, Lia. Pangit naman 'yan."

"Oh?" sumulyap ako kay Atlas na sinusuklay ang buhok ng daliri, I saw how his jaw
moved and his red lips tugged for a smile while talking to the patient and I
gasped.

Napahawak ako sa dibdib at napakurap.


"Parang gusto ko rin magpa-check-up, Heart." I said nonchalantly.

"Huh?"

"Huh?" halos mapatalon ako at nanlaki ang mata, mabilis na napailing. "W-
wala...wala." I chuckled awkwardly pero ngumisi lang siya sa akin na nang-aasar.

"Hoy, bobo, papacheck-up daw si L—" I gasped and jumped, covering her mouth at
halos mapahagalpak lang siya ng tawa sa akin habang namumula ako sa kahihiyan.

Our late lunch came and I'm kinda hungry, nakita kong nagpaalam na si Atlas sa
huling pasyente niya bago ang lunch at lalapit na sana sa akin pero biglang
hinarang siya no'ng dalawa.

Napanguso ako nang kumunot ang noo ni Atlas at pinakinggan ang sinabi noong dalawa.
I noticed them holding a cup of melon juice, giving it to Atlas while saying
something.

I rested my back on the wall, watching them, halos mapakamot na ng kilay si Atlas
nang biglang magtalo ang dalawang babae sa harapan niya.

Nawala na ang mga pasyente sa tent kaya naiwan silang tatlo roon at ako na nanunuod
sa gilid.

"No, Atlas, kunin mo 'tong melon ko!" Lyka exclaimed and showed him the cup.

"Anong sa'yo? Take my melon, Atlas!" Yui hissed back and Atlas just blinked at
them, mukhang nawawalang bata kaya napangiti ako.

He glanced at me and he looks startled when he saw me watching. Umawang ang labi
niya, akmang tatawagin ako para humingi ng saklolo pero umiling lang ako, natatawa
sa kanya dahil namumutla na siya.

"Girls, look—" he explained.


"Bakit, sino ka ba, huh?!" Yui hissed at Lyka at nagsamaan sila ng tingin. "We're
childhood friends! We'll get married soon—"

"I'm her girlfriend!" Lyka hissed at nanlaki ang mata ko roon.

Kung gulantang ako ay mas gulantang si Atlas, parang lalabas ang eye balls sa mata
niya sa panlalaki, napanganga rin siya roon sa sinabi.

"O-oh?" gulat na sabi ni Atlas, "bakit 'di ko alam—"

Hindi natapos ni Atlas ang sasabihin nang biglang itapon ni Yui ang hawak na melon
sa mukha ni Lyka.

"Oh, fuck!" Atlas cursed, mabilis na napaatras sa dalawa.

"Y-you bitch!" nanginig ang boses ni Lyka at miski ako ay napanganga nang binuhos
niya rin ang melon na hawak sa mukha ni Yui.

Yui screamed, slapped Lyka at nagulantang pa akong lalo nang sinampal siya pabalik
ni Lyka.

"Jusmiyo, marimar!" Atlas gasped and face-palmed when the two screamed and
scratched each other.

"You two stop—"

"You bitch, Atlas is mine!" Lyka screamed and pulled her hair.

"Mas nauna ako sa'yong malandi ka!" Yui screamed back.

"What the fuck..." napasentido si Atlas habang nanunuod sa dalawa kaya napatawa na
ako.
"Ay, wow. Sabong, sayang walang popcorn." Biglang napatingin ako sa tabi at nagulat
lang nang makita si Heart na sumisimsim ng juice habang nanunuod.

"Huh?" natawa ako sa kanya at ngumisi siya at tinuro ang dalawang nagsasabunutan at
si Atlas ay parang mababaliw na kung paano papatigilin ang dalawa.

"Sinong manok mo? Doon na lang ako kay Lyka." Ani Heart sa akin kaya natawa ako at
sumagot.

"Manok ko ang sarili ko," I said. "Kahit mag-away naman sila, sa'kin pa rin si
Atlas."

Nalaglag ang panga ni Heart, matamis naman akong napangiti sa kanya at napailing
siya sa akin.

"Syet, lodi!" she bowed a bit kaya bigla akong nahiya sa sinabi ko at napailing.

"J-joke lang..." I chuckled awkwardly because I realized I sound possessive.

"F-fuck! B-bakit ako nasali?!" natigilan kami nang marinig ang sigaw ni Atlas at
nang napalingon kami ay napasinghap ako nang makitang sinasabunutan na rin ng
dalawa si Atlas na kanina'y umaawat lang.

Kung hindi pa dumating sina Doc Sean at ang ibang mga lalaki ay 'di pa matitinag
ang dalawa kahit tumulong na kami sa pagpigil ni Heart at ang kawawang boyfriend ko
ay halos maiyak na roon.

"Bibi, anit ko!" he whined and I bit my lip, stopping my laugh from escaping and
instead, massaged his scalp.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang kinuha ang melon nila? Ayan tuloy..." I muttered
and touched his head.

"Ih! Gusto ko melon ni Lia lang..." he frowned and I chuckled and touched his
cheek.
"Kawawa naman ang bibi ko..." lambing ko at ngumuso siya at sumandal sa balikat ko.

"Kawawa ako, 'no?" he whispered affectionately and I almost burst out laughing
again. Dumating si Josh na mukhang narinig ang ganap at nakita kong tatawa-tawa pa
sila.

"Cap—" inilingan ko si Josh kaya napigil niya ang tawa niya, nagkatinginan sila ni
Heart na parehong natatawa. "Sinabunutan siya?" ani Josh sa mahinang boses.

"Oo, boplaks talaga..." bulong ni Heart at nag-apir pa ang dalawa pero biglang
natigilan at awkward na napaiwas.

I smiled, halatang mahal na mahal pa ang isa't-isa, oh?

"Narinig ko kayo!" Atlas whined and glared at the both of them.

Napagsabihan ang dalawa tungkol sa ginawa nilang komosyon, nag-aaway pa rin ang mga
ito kaya pinaglayo. Mukhang napapansin na rin ng mga interns at ibang staff ang
sobrang lapit namin ni Atlas pero wala naman silang sinasabi.

Medyo nahiya ako dahil naisip na baka isipin nilang ginagamit ko si Atlas sa
internship pero 'di ko naman malayuan si Atlas at nag-iinarte at masakit daw ang
anit niya.

"Para na akong mamamatay, bibi..." naghihingalo pa kuno siya kaya natawa na ako at
nailing.

"Loko ka talaga, Montezides." I said and chuckled.

Dahil sa pagkakalapit naming dalawa ay sa akin nabaling ang mga galit na mat ani
Lyka at Yui, hindi naman sila makalapit dahil palagi kaming magkadikit ni Heart at
si Atlas ay pabalik-balik sa akin para magpalambing.

The first day is chaotic and tiring, ilang beses akong nakaramdam ng chest pains
kaya nagpapahinga ako sa gilid at sinasabing medyo napagod lang ako para 'di sila
mag-alala.
The locals offered us places to rest, s'yempre ay magkahiwalay ang mga lalaki sa
babae. Atlas was whining at Dr. Sean sa pagpupumilit pero hindi pumayag si Doc.

"No, Louis." Dr. Sean said strictly.

"Pero, Doc, si bibi ko—"

"Anong bibi..." Dr. Sean trailed off and glanced at me, halos mapatalon naman ako
nang magtagpo ang mata namin at nakita kong nanliit ang mata niya at bumaling kay
Atlas. "Kanina pa kita napapansing dikit ng dikit kay Dra. Lia."

"S'yempre, Doc. 'Di ba, sinabi ko na sa'yong bibi ko si Lia—"

"Hinahamon mo ba ako, Montezides?" biglang tumalim ang boses ni Doc at nakita kong
natigilan si Atlas at namutla.

"H-hindi naman masyado," Atlas cleared his throat and laughed awkwardly. "Pero,
Doc, beke nemen..."

"Baka gusto mong putulin ko 'yang—"

"Opo! Opo!" Atlas exclaimed. "Tutulog na nga, eh...sabi ko nga doon ako."

Natawa ako nang bagsak ang balikat niyang tumalikod pero bumaling ulit, "Bibi,
isang good night kiss—"

"Anong sabi mo?" biglang sikmat ni Dr. Sean kaya natawa ako at napailing nang
mapasabunot si Atlas sa buhok.

"Damot naman!" he whined and waved at me. "Bye, bibi. Dream of me."

"Goodnight, Atlas." I smiled back at him.


Our second day is a bit tiring too pero medyo nasanay na ang katawan namin kaya
medyo gumaan kahit papaano.

Bumagsak ang buhok sa aking leeg kaya napailing ako, hinawi ko iyon para maalis
dahil mainit nang biglang may umangat nito mula sa likod, I shifted my gaze, only
to see Atlas behind me.

"Hmm?"

"Let me tie you," he whispered and I smiled nodding, hinayaan ko siyang suklayin
ang buhok ko gamit ang daliri niya bago marahang iniangat para sa ponytail.

"Thank you, bibi." I said after and smiled. He nodded, bumaling ako muli sa chart
na inaayos ko nang bigla niya akong tawagin.

"Lia,"

"Hmm?" I hummed.

"Look at me," I lifted my gaze and was about to ask him about it when he lowered
his head and immediately claimed my lips.

My eyes widen, hindi ako kaagad nakagalaw at nakita ko ang ngisi niya nang lumayo
sa akin at pinisil ang pisngi ko.

"I love you, good work, Dra. Lia." He smirked and left me dumbfounded, napahawak
naman ako sa bibig ko sa gulat at nang napabaling sa harapan ay nakitang nakatulala
si Yui at nahulog ni Lyka ang hawak na chart.

Our second day which will also be our last night is tiring yet fun, kinabukasan ng
tanghali ay aalis na kami at didiretso naman sa Peñablanca para mamasyal at may
free days kami na award namin sa pag-participate sa volunteer work.

The buffet from Josh and his team really tastes great and we all loved it, habang
nagta-talk si Dr. Sean ay magkatabi kami ni Atlas at kumakain.

"Atlas," I called his attention and he glanced at me.

"Hmm?" he asked, may inangat siyang tissue at napangiti ako nang punasan niya ang
gilid ng labi ko.

"Have you seen Heart? Hindi pa kumakain 'yon, ah?" I said when I noticed she's
nowhere to be found.

"Heart? Sabi niya kanina magbabanyo lang." Ani Atlas doon.

"Wait lang, ah?" I said and smiled. "I will just ask Josh."

"Alright, balik ka kaagad, ah?" he said. "Josh's in the kitchen, tapusin ko lang
pagkain ko."

"Alright," I smiled and left.

Nagtungo ako sa kitchen, nakita ko ang mga staff na kumakain kaya nagtanong ako sa
kanya.

"Ah, si Boss po? Umalis Doktora, eh. May kikitain ata." Aniya.

"Uh, alam niyo ba saan nagpunta?" I asked.

"Doon po, Doktora." He pointed somewhere at tumango ako at nagpasalamat.

I walked towards the direction they told me where Josh is, kanina ay pumunta ako sa
may CR pero wala naman si Heart kaya naisip kong baka magkasama or nagkakitaan
sila.

"Heart?" I heard faint voices when I called her name, mukhang medyo malayo sa akin
kaya muli akong naglakad.

"I still love you, Heart!" my eyes widen when I heard Josh's voice.

"Love, huh? Fuck you, Josh!" I heard Heart shouted. "I-I was alone in Manila!
Malayo ka sa akin at may mga babae ka roon tapos sasabihin mong mahal mo 'ko?!"

Sa medyo dim na lugar ay naroon sila at nagsisigawan.

"I have no damn girls, Heart!" Josh exclaimed.

"Oh, really?! Sino 'yong Tanya? Sino 'yong Ella—"

"The hell with them, ikaw lang ang babae ko!" he exclaimed back. Nakita kong
hinahawakan niya si Heart pero lumalayo ang huli at umiiyak na.

"Fuck you! Liar! H'wag mo 'kong utuin!" Heart hissed.

"I'm telling the truth! I went to Manila to start another business again so I can
stay with you there! Ayokong iiwanan mo ang trabaho mo para sa akin at sumama rito
sa Peñablanca dahil may maganda ka ng trabaho! I went there without telling you
because I wanted to surprise you but instead of listening to me, you broke up with
me!" Josh exclaimed frustratedly.

Napalunok ako dahil natigilan na si Heart at mayamaya'y humahagulgol na. Nakagat ko


ang labi at ayaw makaistorbo kaya tahimik akong umalis at bumalik kay Atlas na
naroon at katatapos lang kumain.

"You saw her?" salubong sa akin ni Atlas na kaagad na yumakap sa tagiliran ko.
"Wala raw si Josh sa kitchen."

"Hmm," I nodded, remembering their row there. "Uhm...actually, they're together."

His eyes widen a bit, "really?" he asked.


"Hmm," I hummed. "They're actually fighting, will they be okay?"

Natahimik si Atlas, idinikit pa ang ulo sa balikat ko.

"Maybe?" he asked.

"I'm worried, Atlas." I told him. "Maybe we can check on them later?"

"Sure," he nodded. "Let's give them five minutes, we'll check after."

"Are you worried for your cousin?" I asked, smiling at umalis siya sa balikat ko at
umiling.

"Hindi, bi. Nag-aalala ako kay Josh, baka wala ng buhay pagbalik natin. Alam mo
namang amazona si Puso—" I glared at him, humagalpak naman siya at hinalikan ang
pisngi ko.

We waited for five minutes, habang nagta-talk ang sa kabilang grupo ay nandoon lang
kami ni Atlas sa may gilid, sa may dilim at nagyayakapan.

Well, he's the one hugging me. Yakap niya ang tiyan ko mula sa likod at nakasiksik
ang ulo sa may leeg ko.

"Bibi, miss ko na melon mo..." he suddenly whispered.

"Melon ko? Sige, pagdating natin sa Peñablanca timplahan kita." I whispered back.

"My innocent bibi..." he chuckled a bit and hugged me more, naramdaman ko ang halik
niya sa may leeg ko kaya medyo nakiliti ako pero pinaling din ang ulo para hayaan
siya. I can feel his tiny kisses, I even felt him bit my skin kaya napapikit ako at
napadaing.

"B-baka amoy pawis ako?" I asked, worried.


"Hindi, ah..." he kissed my jaw and touched my cheek. "Amoy baby nga, eh."

"Baby?" my forehead creased.

"Baby ko..." he grinned.

Nag-init ang pisngi ko, I glared at him pero tumawa lang siya at inabot ang labi ko
para sa halik. I immediately kissed him back, nakapaling ang ulo ko para mahagkan
siya ng maayos.

I can feel how the butterflies in my stomach celebrated, doing their silly waka-
waka dance. My heart's been thumping in so much happiness too.

I couldn't ask for more. I parted my mouth and accepted his deep kisses and we only
stop when we ran out of breath.

"We...should check them." I said, staring at his lips.

Nakita ko ang namumula niyang mga labi, I saw him licked it a bit and stared at
mine like it was some kind of food he's been wanting to devour.

"Atlas..." I called and he blinked, as he waking up in his dreams.

"Y-yeah, yeah...we should." He whispered, staring at my lips again.

"Louis, hijo?" bigla kaming napatalon at nang marinig ang boses ni Dr. Sean, we
shifted our gaze and saw him coming.

"Doc..." we both called.

"Oh, and'yan pala kayo." He smiled and glanced at me. "Lia, hija, can I borrow
Atlas first? May itatanong lang ako tungkol sa pasyente."
"Uh, sure po..." I slowly nodded, bumaling kay Atlas at tumango siya at ngumiti.

"Susunod ako sa'yo, bibi." He said and smiled.

Kagaya nga ng usapan ay nauna na ako sa lugar kung nasaan ang dalawa. I was
confused bakit wala ng ingay sa sigawan nila kaya mas lumapit ako.

"Heart? Josh?" I called a bit para kung nand'yan man sila pero walang sumagot.

My forehead creased, muling naglakad at halos mapatalon sa nakita sa may gilid.

In the wall near where they are earlier, I saw them kissing eagerly. Halos lumabas
na ang eye balls sa mata ko habang nakikita ang intense na halikan nila. Heart is
pressed on the wall with Josh towering her.

Eksaherada pa akong napatakip ng bibig nang nakita kong yumakap si Heart sa batok
nito at mayamaya'y nabuhat na siya ni Josh na hindi naghihiwalay ang mga labi.

"Opps..." I whispered a bit, paatras na naglakad, nag-iinit ang pisngi sa nakita.


Halos mapasigaw naman ako nang may bumangga sa akin mula sa likod.

Napalingon ako at nakita si Atlas, "bibi, nasaan na sila? Heart, Josh—" I jumped
and covered his mouth, nanlaki naman ang mata niya sa akin kaya mabilis akong
umiling.

"Shh..." I whispered. "H'wag kang maingay, okay?"

He nodded, confused. Binitiwan ko naman ang bibig niya bago nagsalita.

"Ayos na sila," I said and his forehead creased.

"Good, tara tawagin na natin at isabay." Aniya.


"You don't need to check—" I gasped when he suddenly left, bahagya siyang naglakad
at biglang natigilan, parang natuod at 'di na ako nagulat nang mapamura siya.

"Ay, porn!" Atlas exclaimed.

I gasped when Heart quickly stirred, nasampal bigla sa gulat si Josh na nabitawan
siya kaya bumagsak ang kaibigan ko sa lapag at napadaing.

It was an epic fail, hindi ko alam kung ma-awkward-an ako o matatawa habang pabalik
kami sa site at no'ng gabi pa ay nahihiyang mag-kwento si Heart pero 'di rin
kinaya.

"BFF, 'di naman sa marupok ako, ah? Ayoko sana bumigay kaso...na-miss ko kasi ang
kanyang haplos at halik!" aniya, medyo napalakas pa ang boses kaya pareho kaming
nahiya nang pagtingin na.

"Pero, Lia..." nagpigil siya ng ngiti.

"Hmm?" I asked.

She suddenly lifted her hand, napatitig ako roon at unti-unting nanlaki ang mata.

"We're engaged!" she exclaimed at nawala na ang hiya naming dalawa at nagsigawan na
habang tumatalon at magkayap.

Luckily, natihimik din si Yui at Lyka sa panggugulo, dahil sa ginawa nilang gulo
nitong nakaraan ay may additional duty sa kanila, meaning, they won't be having
their quick vacation at balik trabaho kaagad pagkauwi.

Nagpaalam kami kay Doc Sean na pupunta ata sa airport para may sunduin kinabukasan
nang makababa na kami. We were now headed to our hometown, Peñablanca and I was
really thrilled and excited.

I will be staying in my grandparent's house instead of staying in Tuegegarao,


nakapag-usap na rin kami ni Atlas tungkol sa gusto kong pagbisita sa mansyon nila.

"I wanted to talk to Tita Beatrice, Atlas." I told him. "I wanted to apologize for
what happened."

"You don't have to," he said softly, slowly putting my hair behind my ear. "I told
you, we forgive everything that has happened before."

"But still...I want to personally apologize, Atlas." I told him. "Kahit sabihin
kasi nating napatawad niyo na ang nangyari noon, we can't still change the fact na
may mali at hindi personal kaming nakahingi ng tawad."

He stared at me, waiting for me to speak again kaya suminghap ako.

"I wanted so bad to get this off my chest, bibi." I said. "One of the reasons why I
refused being with you noong nagkita tayong muli is also because of it. Hindi lang
dahil sa akala kong panloloko niyo sa akin dati, I am also thinking what my mother
did, naisip ko ang Mommy mo."

"She likes you, Lia." He smiled at me. "And if you'd like to meet her, who am I to
stop you? I'll set the date. The truth is, when she found out we're on our way to
Peñablanca, she asked us to come. She wanted to meet you."

"R-really?" my voice shook, hearing that. Tumango naman siya at matamis na ngumiti.

"Yes, bibi. Really." He planted a small kiss on my lips. Nangilid ang luha ko roon
at mabilis siyang niyakap. Hinaplos naman niya ang likod ko at niyakap akong
pabalik.

Salitan sa pagmamaneho ang dalawang lalaki kaya nagdesisyon silang magtabi na lang
sa unahan para mabilis habang nasa likod kami ni Heart at nagse-selfie. She showed
me her IG feed at natuwa ako nang marami kaming pictures doon, may recent lang at
may mga throwback pictures noong nene pa kami no'ng high school.

Atlas said he has to go home instantly after he dropped me on my grandparent's


house. Natuwa pa ako noong nakitang nagkakatuwaan si Atlas kasama ang Lolo at Lola
ko.
"Naku, masaya talaga ako, hijo, at kayo pa rin nitong apo ko!" tawa ni Lola habang
yakap-yakap si Atlas.

"S'yempre naman, La! Mahal na mahal ko iyang apo niyo!" Atlas said happily and that
made me smile more.

"Ikaw ba, apo? Mahal mo ba itong batang ito? Aba, alam mo bang kulang na lang ay
tumambay iyan dito sa bahay na ito kapag nauuwi!" Ani Lolo kaya bahagyang nanlaki
ang mata ko at napasulyap kay Atlas na biglang namula.

"Sabi niya pa, Amalia na...La, si Lia ba uuwi rito nang masuyo ko na?" ani Lola
kaya mas nanlaki ang mata ko.

"Lola naman!" Atlas whined, namumula at nakanguso. "H'wag mo akong ibuking!"

"Asus, naku, Lia..." ani Lolo, "alam mo bang pinagsaka ko iyan doon sa taniman ng
palay kasi gusto raw malaman saan ka nag-aral ng medisina?"

Gulat at nanlalaki ang mata nakatingin lang ako kay Atlas na nagpipigil ng ngiti,
"really?" I asked.

"Well..." he cleared his throat. "Yeah. Kay Lia lang kasi ako nagpapayanig. 'Di ba,
La? Lo?" aniya kaya nagsitawanan na ang matatanda.

"Naku at lumaki ang katawan mo, Atlas! Muscles, oh! Ang ganda!" pinisil pa ni Lola
ang braso ni Atlas.

"Aba, ako rin may muscles no'ng kabataan!" singit din ni Lolo kaya mas naging
maingay ang bahay.

Umalis din pagkaraan si Atlas kasama sina Heart at Josh, he told me he'll text and
call me later tonight at sinabing bibisita siya rito sa amin bukas.

Tumulong ako kay Lola sa pagluluto ng hapunan nang tinawag ako ni Lolo.
"Amalia,"

"Po?" I asked, nilingon siya. I saw his serious face and I got confused by it.
"Bakit, Lo?"

"May bisita ka..." aniyang seryoso, sumulyap kay Lola na natigilan din.

"Nand'yan ba..." Lola trailed off and Lolo immediately nodded.

"Sino po?" I was so confused with their knowing stares, mukhang may lihim na
tinginan at usapan.

"Lumabas ka muna, hija." Lolo nodded at me. "Kausapin mo ang iyong bisita."

I was curious so I removed my apron, sinuklay ko ng daliri ang buhok ko at itinalo


bago lumabas ng kusina.

Naglakad ako sa sala at nagitla nang makita ang mga taong nakaupo sa sofa, napatayo
pa sila nang makita ako.

"Lia..." he smiled.

"D-doc? Tita Marichu?" I called.

"Hello, Lia." Tita Marichu smiled at me.

"Hi po..." I said and walked towards them, naupo ako sa sofa katapat nila at
nagtatakang nagtanong.

"Bakit...po kayo napadaan? May...problema po ba?" I asked.

The two shared their own silence, nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Tita Marichu at
ang pagtikhim ni Doc. His eyes soften a bit. Nakita kong parating na si Lolo at
Lola at nagtanguan sila bago naupo sa tabi ko ang mga matanda.

"Ano pong mayro'n?" nagtatakang tanong ko.

Lolo ang Lola stayed silent kaya bumaling ako sa dalawang bisita na sabay na
napabuntonghininga. I saw how Doc suddenly looked so nervous, he even shifted on
his seat and brushed his hair with his fingers, his familiar eyes staring at me as
if he's longing so much.

"I-I don't know how to start this..." aniyang kinakabahan. "I-I'm afraid you'll get
mad at me but I want to tell you this now, I want to get this off my chest and make
up to the years I missed."

My heard pounded and I don't know why. The air surrounding us is too heavy that
somehow...I find it really hard to breathe.

"Your mother, Olivia..." he stated and gulped, nakita kong natahimik si Tita
Marichu at nagbaba ng tingin.

"What about her?" I asked, medyo hindi na maayos ang pakiramdam.

"I-I'm afraid to tell you this because I know you'll get mad or what but..." he
sighed. "O-Olivia and I had a relationship before."

I'm starting to have a hunch but I didn't say anything, seryoso akong nag-antay ng
kasunod, mas bumigat na ang paghinga at malakas ang kalabog ng puso sa kaba na
hindi maintindihan.

"T-the truth is...I-I did something wrong. I'm married that time to Marichu when I
had a relationship your mother. S-she didn't know about it, about my marriage and I
was an asshole. I left her when she got pregnant because I'm a coward and you..."
he gulped, nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya ay mas nanakit ang puso
ko.

"Y-you're our daughter, Lia..." he suddenly sobbed. "I-I'm so sorry, anak..."


I thought of it while hearing him explain earlier but it still made a large impact
on me, I am expecting myself to cry too pero walang lumabas o tumulong luha sa mga
mata ko.

Nanatili lang akong nakatulala roon sa kanya na umiiyak na, miski si Tita ay
nagpupunas na ng luha habang sina Lolo at Lola ay tahimik at nakatungo.

Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon. I was in complete shock that I think
I'll shut down, malakas ang kalabog ng puso ko at ginagawa ang makakaya para
makakuha ng hangin.

I don't know but I didn't feel any pity for myself but instead...the pity and pain
I've been feeling goes to my mother.

I remembered how Louis Montezides fooled her and after that...this man, my father
made her a mistress without her knowing...again.

"L-Lia..." Doc Sean muttered, his voice shaking.

"E-excuse me..." I suddenly said, mabilis akong tumayo para sana pumunta sa kusina
para kumuha ng tubig pero biglaang nanlabo ang paningin.

Everything seems to be moving and I feel like floating, wala pa ako sa kalahati
papuntang kusina ay nawalan na ako ng lakas. The air I've been trying to catch left
me, I felt like I was stabbed in my chest because of the pain and I lost my
balance, fell on the ground and shut down.

Chapter 31 - Kabanata 29

Kabanata 29

Bakit kaya ang mga taong walang hinangad na kahit ano man kung hindi ang magmahal
ay siyang palaging nasasaktan?

Why is life so unfair? Bakit may mga taong hindi makuntento sa kung anong mayroon
sila at mananakit para sa kasiyahan nila?
Why do people cheat? Bakit sila mangangako ng panghabang buhay na pagmamahalan sa
hirap at ginhawa kung sa umpisa at kalagitnaan pa lang ay kaagad nang susuko?

What's the essence of love kung kaunting bagay pa lang ay mabilis na silang magulo.

Why get married if in the end they'd still choose to find another person to satisfy
themselves?

Hindi ba nila naisip ang pamilyang kanilang nasasaktan? Hindi ba nila naisip ang
mga taong nasasaktan nila kapag nanloko sila dahil sa pansariling dahilan? Dahil sa
panandaliang kasiyahan?

I remembered my mother. I remembered how my lovely mother raised me well despite


the challenges she'd been through.

Ang unang pagmamahal niya'y hindi siya ipinaglaban at iniwan. Sa pangalawang


pagmamahal nama'y saglit na pinasaya pero sa huli'y iniwang mag-isa. Ang una'y
muling bumalik pero sa huli'y muli siyang sinaktan at niloko.

Two different kind of love yet they all fooled her.

My mother, my mother who loved me so much. The strongest woman I am always looking
up to and the woman I admired so much was so hurt in the past yet...yet she managed
to send me to a great school, she managed to work hard kahit may sakit din siya.

She only loved...why does my loving mother have to experience and be fooled like
this? Did she deserve this? She was nothing but a great mother to me, she was
nothing but a role model.

She taught me to always be strong and kind, she taught me to never give up despite
what the harsh world would do to me. Sinabi niya sa akin noon na tanggapin ang mga
pagkakamali at magising ng panibagong umagang gagawin ang lahat para hindi na ito
magawang muli.

She taught me to be strong and through these years, I'm doing my best to be pero sa
ngayon? Sobrang nasasaktan ako, nasasaktan hindi para sa sarili kong napagkaitan na
magkaroon ng ama kung hindi sakit para sa Nanay kong naging mabuti at huwaran sa
akin, sa Nanay kong ginawa ang lahat para maging maginhawa ako pero ang ganti sa
kabutihan niyang ito ng ibang tao ay pasakit.
Nanay, I'm so sorry...I'm so sorry that you have to be treated this way. I am sorry
that you have to be hurt and sacrifice like this if the only thing you want is to
love and to be loved.

I woke up with the familiar and traumatizing smell of antiseptic, pagmulat pa lang
ng mga mata ko ay kaagad kong nakita ang pamilyar na kulay ng pader. I heard faint
voices beside me so I shifted my gaze and saw my grandparents sitting on the sofa,
I can hear my grandmother crying and I saw the Doctor talking to Dr. Sean and Tita
Marichu.

Gumalaw ako ng bahagya at kaagad nila akong napansin, mabilis na lumapit sa akin si
Dr. Sean at lumapit pero mabilis akong napatalon at napalayo.

"S-sorry, I..." I muttered and moved.

I saw how his eyes turned to a lone expression, nakita ko ang marahan niyang pag-
atras at si Tita Marichu na ang lumapit sa akin habang nagpupumilit akong maupo.

"Lia..." I saw her hesitated at first. "I-is it okay if I help you..."

I slowly nodded at her, nakita ko ang mabilis niyang kilos at mabilis akong
tinulungang makaupo. She adjusted my pillow, nakita ko namang papalapit si Lola at
kaagad na nahulog ang luha ko nang makita ang mga mata niya.

She immediately hugged me, nanginginig ako habang yakap siya at ganoon din siya sa
akin.

"A-alalang-alala ako, Amalia!" she scolded and I sniffed, hugging him more.

"S-sorry, La..." I whispered and hugged her more.

The room was so quiet and the only thing you can hear are our cries.

"You should calm down, Miss Argueles, Ma'am..." the doctor suddenly said.
I heaved a deep sigh, trying to calm myself. Lolo slowly took Lola from me and
hugged her.

Pumikit ako, marahang hinahawakan ang dibdib para makontrol ang paghinga at
kumalma.

"Water," ani ng Doktor at naramdaman ko ang pag-aabot sa akin ng baso.

I opened my eyes, seeing Dr. Sean giving me a glass of water. I hesitated at first
but slowly took it from his hand and drink it.

"Slowly heaved a deep breath, Miss Argueles." Marahang sabi ng doktor sa akin,
"inhale, exhale..."

I slowly did what he asked me to do. Medyo kumalma na ako roon at suminghap.

"Are you alright now, Miss Argueles?" the doctor asked and slowly, I nodded.

"Yes..."

"That's good," she smiled. "Is it okay if I talk to you regarding your condition?"

My heart pounded again when I heard that, ito ang ikinatatakot ko, ang marinig mula
sa isang doktor kung ano na ang lagay ko.

I slowly nodded, glancing at the people around me. Natatakot ako sa kanilang
reaksyon kaya tumikhim ako nagsalita.

"S-sorry po..." I muttered. "But...is it okay if I talk to the doctor alone?"

Nakita ko ang gulat sa mata ni Lola, I know she would like to protest pero ngumiti
ako at umiling sa kanya. Dr. Sean looked like he's hesitating too kaya kinagat ko
ang labi ko.

"Pasensya na po..." mahinang sabi ko.

"I-it's okay, sorry..." tumikhim si Dr. Sean, nakita ko ang pamumula ng kanyang
mata nang tumango siya. "Lalabas muna kami..."

I nodded, I watched them leave and the doctor smiled at me when she saw me looking.

"Hi, Lia." She smiled at me.

"H-hello po..." I told her and smiled.

"Do you want to hear your condition now or relax first? Do you want another glass
of water?" aniya at nagsalin sa baso.

"Sige po, maraming salamat." Tinanggap ko ang basong inaabot niya at sumimsim ng
tubig. I gave it back to her and she smiled and accepted it.

"Doc?" I called. "May nasabi po ba kayo sa kanila tungkol sa sitwasyon ko?"

"No, Miss Argueles." She smiled at me. "I know you can decide if you'd like them to
know or not since you're an adult now. Dati kasi you're still a kid, a minor so I
have to tell them without asking you for permission."

I stared at her at bahagyang nanlaki ang mata ko nang maalalang siya rin ang doktor
ko noon no'ng nandito pa ako nakatira.

"Doktora!" I smiled, "naku, sorry po at hindi ko po kayo nakilala."

"Ayos lang, hija." She chuckled. "Balita ko ay exam na lang ay doktor ka na rin?"

"Uh, opo..." I smiled shyly. "Sana po ay palarin."


"Oo naman, alam kong kaya mo 'yan, bata ka palang, matapang ka na at matalino. I
know you can do it." She cheered.

"Maraming salamat po," I smiled at her.

Saglit kaming nag-kumustahan at nang handa na ako at nakapag-relax ay sinabi na


niya sa akin.

"I don't know how to actually say this but I know you'll understand since you'll be
a doctor soon." She said.

"Is my..." I sighed. "A-am I critical?"

I watched how her expression turned a bit lonely, she sighed and spoke.

"The last time I saw you here, your heart can still function well with medicines
I'm prescribing but kanina, when I checked your heartbeats, mas dumalas at
irregulars ang murmurs." She said, referring to the irregular sounds my heart would
make.

"How often do you experience chest pains, Lia?" she asked and I stared at my hands
and spoke.

"These days po mas madalas na kumpara noon," I confessed. "Ngayon po kahit maglakad
lang ako ng medyo mahaba ay nakakapos na ako ng hininga."

"How about your sleep?" she asked. "Kumusta naman?"

"That's the thing..." I whispered. "I've been waking up po in the middle of the
night because of my chest pains."

"That's actually worse than I thought it is, Lia." She sighed. "Ang mga gamot mo ba
ay naiinom mo?"
"Regularly po, I'm setting alarms." I told her. "Pero I don't think that can stop
my chest pains na po ngayon, Doc."

"I am suspecting Severe CHD for you," she said. "But I still can't conclude, we
have to undergo further tests to check."

"I-if...if it'll be a Severe CHD, m-may treatment po ba?" I asked and she nodded at
me.

"Yes, Lia, pero unlike nitong ginagawa natin, medicines won't be that effective
anymore. It can help you manage your heartbeats pero hindi iyon magiging sapat. If
it'll be severe, which I hope isn't, I can suggest you undergo surgeries."

"S-surgeries po?" I asked, "paanong surgeries?"

"There are a lot of surgeries na p'wedeng gawin, it may be open heart or organ
donation would be an option too pero let's not stress over it. We should make sure
too, for now, you should be confined too."

My eyes widen, mabilis akong napasulyap sa orasan at nagitla nang makitang alas-
sais na.

"I-is it..."

"Yes, hija. Buong gabi kang tulog." She smiled at me.

I suddenly remembered Atlas, I panicked, "p-p'wede po ba akong umuwi?"

"Hmm?" mukhang nagulat pa siya. "Naku, hija, hindi pa sa ngayon."

"B-bukas po kaya?" I asked.

"Your tests would be later by nine or ten in the morning. Oo, p'wede na bukas."
Aniya at doon na ako nakahinga ng maluwang. "For now, papadalhan kita ng agahan
dito, papasukin ko ba sila rito?"

"Yes po," I smiled. "Sana po, Doc, kapag nagtanong sila ay..."

"Yes, Lia. You can count on me." She smiled, bid her farewell and left.

Sa muling pagpasok nina Lola, Lolo, Dr. Sean at Tita Marichu ay nag-aalala silang
lahat.

Si Lola ay mabilis na lumapit sa akin kaya sinabi kong ayos lang ako. I know Dr.
Sean now has a hunch kaya nanatili siyang tahimik lang at nagmamasid.

Pinakiusapan ko sina Lola na h'wag sasabihin kina Atlas at mga kaibigan na


naospital ako. I asked them to keep it a secret first because I don't want them
worrying about me and thankfully, pumayag naman sila.

"L-Lia..." hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Dr. Sean, I glanced at
him and saw his bloodshot eyes.

"I-I'm sorry but can we talk?" he suddenly asked.

I saw Tita Marichu beside him, trying to stop him from bothering me pero ngumiti
akong maliit at tumikhim.

"P-pasensya na po, Doc." I said softly. "P-pero...p'wede pong sa susunod na?"

I saw his eyes saddened more, may nahulog na luha sa kanyang mata na mabilis niya
ring hinawi. My heart hurt while staring at him but smiled.

"M-makikipag-usap naman po ako sa inyo, s'yempre." I muttered. "T-tatay ko po kayo,


eh. I just, n-nagulat po ako. Hindi ko pa po alam ang gagawin."

"I-I understand." Dr. Sean flashed a small smile. "I-I'm sorry again, Lia...if
you're willing to listen, d-dito lang ako."
I slowly nodded, naluluha na rin pero tinatagan ang loob at maliit na ngumiti at
muling humiga sa kama.

Hindi na ako nagulat nang sumapit ang alas-otso ng umaga ay tumawag sa akin si
Atlas para magtanong kung nasaan kami.

"Hello, Lia?" I heard him say in the other line.

"Hi, bibi." I smiled upon hearing his voice. "Good morning."

"Good morning," he sighed. "Where are you? I'm in front of your house, kanina pa
ako kumakatok pero walang sumasagot. I called and texted you last night too but you
weren't answering. I thought you're just sleeping."

"I-I'm sleeping," I said. "Medyo ano...maagang nakatulog kasi inantok."

"That's good, bibi." I heard him chuckling. "But where are you? I've been waiting
here for half an hour, are you still sleeping or—"

"Ah, Atlas?" I called and he immediately answered.

"Yes, bi?" he asked.

"Uhm, kasi ano...wala ako d'yan ngayon, kami nina Lolo at Lola." I said.

"Huh?" he asked, confused. "I didn't know you're going out today? Hindi mo sinabi
sa akin."

"I'm just..." tumikhim ako. "Emergency lang, biglaan din. Kaninang madaling araw
pumunta kaming Tuguegarao nina Lola kasi may kukunin sa munisipyo."
"Ah, gano'n ba?" he sighed a bit. "Kailan balik niyo? Miss pa naman kita, bibi ko."

"Sorry, Atlas..." I muttered. "Nawala sa isip kong sabihin. Baka ano, bukas
nand'yan na ako, don't worry, dito muna kami matutulog sa bahay sa Tuguegarao."

"Alright," he sighed again. "Sayang, papasyal sana kita sa may rancho. Mom said
she'd like to see you."

My heart jumped, napangiti ako at humigpit ang hawak sa telepono.

"Gano'n ba? Sige, bukas pupunta tayo sa inyo, okay lang ba 'yon?"

"Alright, Lia." He sighed. "Basta ay mag-iingat kayo, text me where you are or what
are you doing para 'di ako mag-aalala."

"Okay," I chuckled when I heard his sad voice. "H'wag na sad, bibi. Anong gusto
mong pasalubong?" I asked and he sighed.

"Kiss with tongue lang, bibi, five minutes. May tawad na 'yan." He muttered kaya
napatawa na ako pero nakagat ang labi at sumagot.

"O-okay, sure...kiss with tongue." Bulong ko sa telepono at napangiti nan ang


narinig ko ang malakas niyang yes sa kabilang linya.

Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang malaman ko ang kondisyon ko.
Like what the doctor had said about her assumption, it was indeed a Severe CHD.

"A-ano pong magagawa natin dito?" I asked her while we're alone inside the room.

"The option we had is the same as what I've told you, Lia. Surgery, it may be a
multiple open heart surgery and when worst came, we may consider heart donation."
Aniya.

"If...if hindi po ako magpapa-surgery? Ano pong mangyayari?"


"This may lead to further complications, Lia. It may be stroke or heart attack. Are
you often stressed, Lia? Or anything using your extreme emotions?"

"A bit po," I said. "These days I'm stressed or if not I'm happy."

"Happiness is an extreme emotion too," she told me. "The feeling of overexcitement
can trigger your condition too. I suggest you talk about your trusted cardiologist
or even me if dito ka sa Cagayan mag-i-stay."

"You think I can survive this, Doc?" I whispered, hindi na alam ang dapat
maramdaman.

"Of course, Lia." She smiled at me. "You can survive this, how old are you na nga?"

"I'm almost thirty, Doc." I smiled at her.

"Oh, do you have a boyfriend?" she asked and slowly, I nodded, remembering Atlas.

"Yes po," I answered and I saw how her smile widened more.

"Then that will be a great motivation for you!" she said. "You can survive this,
you can get past your surgeries..."

Bigla akong may naisip, I read this when I was studying my notes way back in med
school and now that I'm preparing for boards so it got me thinking.

"Doc, may question po ako." I asked and she nodded at me and smiled.

"Yes, what is it?"

"Does...woman with CHD can get pregnant? I mean...i-if ever I'll be a mother, will
it be okay? My baby, c-can my baby inherit my condition too?" I asked. "N-nabasa ko
po kasi na...medyo risky, is it true?"

"To answer you frankly, yes, Lia." What she said pained me. "Most of the times, it
is risky lalo na sa mothers with heart failures and conditions. Your mother has CHD
too, right? You inherit it from her so I can say na there is a possibility your
baby could get it too.

"It depends in the severity, hija. If you get better then you can talk to your OB
and Cardiologist for a care plan but if not...I hope that won't be the case, may
mga mothers with CHD na hindi pinapayagang magbuntis."

Natahimik ako roon at bumagsak ang balikat.

"But don't lose hope, Lia." She cheered me up. "If you get treated right away and
umayos ka, you can get pregnant and may mga mothers na may CHD pero ang baby nila
ay wala so, don't lose hope. Just pray and pray."

I didn't tell my grandparents my case for I am so afraid they'll get stressed like
me. They were old and I couldn't risk their health. Natatakot akong sa stress ay
mawala rin sila sa akin kaya kahit mahirap ay kinimkim ko ang kalagayan ko.

Doctor Sean and Tita Marichu respected me when I asked them to give me time to
think first, hanggang ngayon kasi ay 'di ko pa rin lubos maisip ang nalaman ko. Dr.
Sean is my father and it was shocking on my part pero mas nananatili sa utak ko ang
ginawa niyang pananakit kay Nanay.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa nangyari kay Nanay kaya siguro marahil
ay 'di ko pa kayang makipag-usap sa kanila.

Nalibang lang ako nang muling makita si Atlas na umagang-umaga ay ang gwapo-gwapo
na.

"Bibi!" he cheered happily when he saw me, natuwa naman ako at mabilis siyang
sinalubong ng yakap.

I hugged him tightly, ganoon din siya sa akin at paulit-ulit na humalik sa buhok ko
bago bahagyang lumayo at ngumiti, "pasalubong ko?" nguso niya at inilapit ang mukha
sa akin pero hinawi ko lang 'yon at napailing.
"Mamaya na, Doc. Sina Lola." I muttered and he pouted and nodded.

Nagpaalam kami sa Lolo at Lola na pupunta kina Atlas. He said his brothers are
there kaya na-excite naman ako kaagad na medyo kinakabahan dahil makakausap ko si
Tita Beatrice.

While we're on our way to their place at nag-e-enjoy ako sa pagtingin sa daan
habang hawak niya ang isang kamay kong nasa kambyo ay nagulat ako nang bigla kaming
pumarada sa may gilid.

My forehead creased, nilingon ko siya at nahuli kong pinindot niya ang seatbelt ko
kaya nagtaka ako.

"Atlas?" I asked, "why did you—"

"Sit here..." my eyes widen exaggeratedly when he tapped his lap.

"W-what?!" my eyes widen. "B-bakit...bakit ako uupo r'yan?"

"Gusto ko na ng pasalubong," he said and tapped his lap again. "Come, come, bibi
ko. Kiss na kiss!"

Napakurap ako, nakagat ko ang labi at nag-init ang pisngi roon.

"D-dito talaga?" I muttered. "P-paano kapag may nakakita? Nakakahiya, Montezides!"

"Nah, hindi 'yan. Nasa may tago tayo, oh. Niliko ko saglit." He smirked at me.
"Come on, bibi, come to me. Five minutes kiss lang."

I gulped harshly, bumaling ako sa suot kong simpleng asul na dress pabalik sa hita
niya.

"P-paano naman ako uupo?" I asked softly and he smirked more.


"Problema pa ba 'yan?" he chuckled, "straddle me, baby."

Kumalabog ang puso ko roon sa saya at excitement na nararamdaman. I was a bit shy
but this isn't my first time to kiss him kaya tumikhim ako at bahagyang umangat sa
upuan.

"F-five minutes, ah?" I muttered and he chuckled, marahang hinila niya ako sa hita
niya at nag-init ang pisngi ko nang mapaupo na ako roon, nakaharap sa kanya.

"Ang layo naman, bibi." He chuckled and slowly pulled me more so I am now
completely straddling him.

"Atlas!" I gasped when I felt his protruding bulge, nag-init ang pisngi ko at
nakita ko na nagtaka siya nang makita akong parang tuod sa hita niya.

"Why, bibi?" he asked, slowly touching my cheek and my exposed shoulder.

"Uh..." tumikhim ako. "A-ano..."

"Hmm?" he hummed.

"Ano, nararamdaman ko 'yong ano mo..." I said and his forehead creased.

"'Yong ano?"

"'Yong..." lumunok ako. "'Yong spiderman mo."

He was so stunned, umawang ang labi niya at nakagat ko naman ang labi para pigilan
ang tawa. Bigla niya akong sinundot sa tagiliran, bigla akong napatawa at sinapak
ang balikat niya.

"M-Montezides!" I hissed and laughed but my laughter vanished when he claimed my


lips, taking his pasalubong.

Ang halik with dila niya, five minutes. Pero I don't think that was five minutes,
honestly.

Kalat na kalat ang lipstick ko, dumating pa sa panga at leeg ko kaya halos
masabunutan ko na si Atlas na sobrang kakulitan. The side of his lips has smudge
and lipsticks stains too kaya hindi na namin alam kung magpa-panic kami dahil
matagal kami o matatawa na lang sa pinanggagawa.

"Magalit kaya si Mommy kung pag-uwi ko naka-lipstick ako?" aniya habang


pinagmamasdan akong nagli-lipstick.

I immediately glared at him, humagalpak naman siya ng tawa kaya napailing na lang
ako sa kalokohan niya.

"Ewan ko sa'yo, Atlas." I muttered but he just laughed, gave me a hard kiss on my
cheek before maneuvering the car.

"Luh, akala mo siya 'di nag-enjoy sa pasalubong..." he even teased kaya nag-init
lang ang pisngi ko at napailing.

I think I'm being corrupted and getting pervert habang nakikihalubilo ako kay
Atlas. Parang lumalabas na ng paunti-unti ang naipong hidden na kalandian ko dati
at minsan nagugulat pa rin talaga ako kapag bigla na lang akong naglalandi.

Kinakabahan ako pero mas lalo na noong makita ko na ang pamilyar na gate ng mga
Montezides, the last time I saw this is a decade ago and this still looks the same,
medyo nag-iba at mas naging bago lang ang pintura ng kanilang gate.

Nang bumusina si Atlas ay kaagad siyang pinagbuksan ng guard at sa pagpasok ng


sasakyan sa loob ay mas dumoble ang kaba ko. Atlas might have seen how nervous I am
dahil sa pagkuha niya ng kamay ko.

I glanced at him and saw his serious face, tumitig siya sa mukha na tila may
binabasang ekspresyon bago iangat ang kanyang kamay para haplusin ng marahan ang
pisngi ko.
"Come on, bibi, breathe in...breathe out." I closed my eyes while feeling the
warmth of his rough palm against my cheek. Ginaya ko ang sinasabi niya at
suminghap.

"Are you still nervous?" he asked and I opened my eyes, nodding a bit. Kinalas niya
ang seatbelt niya at lumapit sa akin habang sapo na ang pisngi ko. He slowly
planted a kiss on my forehead, napapikit ako roon at dinama ang ginhawang hatid sa
akin.

"I assure you it's gonna be alright, Lia." He whispered. "Everything's gonna be
alright."

Hawak-hawak ni Atlas ang kamay ko habang papasok kami sa kanilang mansyon, my


heart's been thumping so much. I've practiced anong sasabihin ko kay Tita Beatrice
pero hanggang ngayon ay kabado pa rin ako.

Nahihiya ako sa nangyari noon at malungkot na nasira ang kanilang pamilya dahil sa
mga kasalanan noon.

I was startled when I saw kids running our way, nagulat pa ako nang nakipag-apir
ang nakangising si Atlas sa mga bata.

"Say hi to Tita Lia, kids." He told the kids and they glanced at me.

"Hi po, Tita Lia!" it made me smile, I always love children's bright smile and
innocence.

"Hello, kids." I smiled softly and offered my hand for a high-five too.

"Oh, Atlas? Nandito na pala kayo." I shifted my gaze, only to see Kuya Damon.

My mouth parted a bit, I saw him stared at me at nakita kong bahagyang nanlaki ang
kanyang mata roon.

"Oh, Lia?!" he almost exclaimed kaya napangiti na ako at gumaan ang puso.
"Magandang umaga po, Kuya Dame." I smiled.

He looks so thrilled and amazed, mabilis siyang lumapit at natawa ako nang guluhin
niya ang buhok ko.

"Nagkabalikan na pala kayo, Atlas?!" he exclaimed. "Naku, Lia! Ang laki mo na, dati
maliit ka lang..." he even mentioned the height kaya napatawa na ako.

"Tss, akin 'to, Damon!" Atlas suddenly hissed, naramdaman ko ang paggapang ng
kanyang kamay sa baywang ko pahila palapit sa kanya kaya napatawa ako.

"Nasaan ang Kuya?" he teased. "Ang damot! Nag-ha-hi lang!" tawa ni Kuya at ngumisi
sa akin.

"Pagpasensyahan mo na muna Kuya itong si Atlas at—"

"Hi, everybody!" halos manlaki ang mata ko nang makita si Kuya Hunter papasok,
nakamaong pa at nakahubad.

"Putang...Hunter, pornstar ka ba?!" Atlas hissed, natigilan si Kuya at napabaling


sa amin at nanlaki ang mga mata. I gasped too, hindi na nakagalaw nang biglang may
humarang na palad sa mata ko.

"W-wala kang nakikita, Lia! Wala!" Atlas exclaimed, covering my eyes.

"O-okay..." I gulped a bit.

"Hunter! Magdamit ka nga!" reklamo ni Atlas, narinig ko ang hagalpakan ni Kuya Dame
at Kuya Hunter at mayamaya pa'y may narinig akong boses.

"Ano ba 'yan, magdamit ka nga at may bisita!" I heard a woman's voice, mayamaya
pa'y nawala na ang palad ni Atlas sa mata ko at pagmulat ko ay may nakita akong
isang babaeng hinampas ito ng shirt at natawa lang ito at nagsuot.
I heard Atlas sighed, napakurap-kurap ako nang halos yakapin na niya ang sikmura ko
at humalik sa pisngi ko.

"Pasensya na at madudumi talaga ang mga pagkatao ng mga kapatid ko." He said and
both Kuya Dame and Kuya Hunter glanced at him and glared.

"Wow, nakakahiya naman sa'yo?" ani Kuya Hunter at natawa na lang ako sa lokohan
nila.

I saw another woman entering the house, napalingon siya sa amin at kaagad na
napangiti. The lady beside Kuya Hunter glanced at me at nanlaki ang mata ko nang
mapansing pamilyar siya.

I saw her shocked too but smiled at me. Nakipagkilala sa akin ang dalawa, Atlas was
so clingy beside me, halos siya na ang makipag-usap kahit ako ang kinakausap kaya
natatawa na lang ako sa kakulitan.

"Masyado namang clingy, Atlas!" the familiar girl smiled at us.

"S'yempre, dapat nakaikot lang ako sa bibi ko." He chuckled.

We suddenly heard a dog's bark, nakita kong natigilan si Atlas at sabay kaming
napalingon sa may pintuan.

"Don't tell me..."

"Yes, I brought him." She smiled and I saw the dog approaching.

"What the...ilayo niyo sa'kin 'yan!" Atlas exclaimed, lahat kami ay napatawa nang
lumapit ang aso at kaagad na pinunterya si Atlas at hinabol.

"Imagination mo lang 'to, bibi!" Atlas screamed while running kaya napangisi na
lang ako.
"Kung kami raw madumi, lampa 'yan kapag dating sa'yo..." ani Kuya Hunter na ginulo
na ang buhok ko. "Lia, laki mo na, ah?" he even chuckled.

Ako naman ang na-stress kay Atlas pagkabalik niya, Kuya Hunter took the dog and
Atlas is sweating so hard, para siyang basang sisiw at halos gumapang na papunta sa
akin kaya napatawa ako.

"Anong nangyari sa'yo, huh?" I asked and slowly pulled him.

"Bibi...ma-mamamatay na ako." He huffed a deep breath.

"Ikaw ang kulit mo," I chuckled. Binuksan ko ang maliit na bag, kinuha ang bimpo
bago hinawakan ang kanyang braso at pinatalikod siya sa akin.

Dinig na dinig ko ang hingal niya, I noticed the stares from his brothers kaya
sumulyap ako at ngumiti.

"Alagang-alaga, ah?" ani Kuya Dame nang makita akong inaangat ang damit ni Atlas
para lagyan siya ng bimpo sa likod.

"S'yempre!" Atlas exclaimed, "alagang Amalia ata 'to." Yabang pa niya.

Kuya Hunter threw a new shirt at Atlas face, ngumiwi ang huli pero ngumisi rin at
sinuot sa harapan ko ang bagong shirt.

I dried his face and his neck, tumititig lang naman siya sa akin habang ginagawa
iyon kaya napalunok ako ng bahagya.

"Mom," I froze when I heard Kuya Dame spoke, mabilis akong napalingon at mabilis na
bumalik ang kaba nang makita kung sino ang pumasok.

In her elegant yellow dress and French twist, she looks so flawlessly beautiful.
Her black eyes stared at us and my heart almost went out of my chest when our eyes
met.
Napaayos ako ng tayo, naibaba ko ang bimpo na pinapampunas ko kay Atlas. Her sons
and their wives greeted her too.

"Ma..." ani Atlas at hinawakan ang kamay ko at naglakad palapit sa Mommy niya.

My heart felt like it'll go out of my chest when Atlas kissed her mother's cheek,
ngumiti sa kanya ang Mommy niya at dinala ang kamay sa leeg ng anak.

"Anong ginawa mo at pawis ka?" she asked softly.

"Ah, hinabol ako no'ng aso nila..." he frowned a bit and his mother chuckled a bit
and slowly glanced at me, I saw her smile vanished a bit, kinabahan na ako roon
lalo.

"Mom, this is Lia, my girlfriend." Atlas introduced me.

"G-good..." tumikhim ako nang manginig ang boses ko sa kaba. "S-sorry, g-good
morning po pala."

She just stared at me, hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil wala ako
masyadong makitang emosyon sa mga mata niya.

"Good morning too, Miss Argueles." Her lips rose a bit, hindi ko alam kung ngiti
iyon. "Let's proceed to the dining and eat some lunch." Pormal niyang sabi bago
tumango at nauna nang maglakad.

The boys followed her in the dining area, natulala naman ako roon at mukhang
mawawala na sa sarili kung hindi lang ako ninakawan ng halik ni Atlas.

"Come on, ngiti ka na..." he smiled at me.

"Is she..." my lips quievered, "is she mad?"

"Nah," he chuckled and squeezed my hand. "She's intimidating at times but she's
not, wait until she loosened up. She looks strict but not really. She likes you,
Lia."

I sighed, lowered my head a bit and he touched my cheek.

"Cheer up, bibi. I promise this day would be worth it." He said. Doon na ako
napangiti.

During our lunch ay kinakabahan pa rin ako, ang mga asawa ng mga Kuya ni Atlas ay
komportable namang nakikipag-usap kay Tita Beatrice na nakangiti ring nakikipag-
usap.

Everytime our eyes would meet, I'm smiling. Nakita ko namang tumatango siya ng
marahan doon pero walang sinasabi. I noticed her observing me a bit, lalo na nang
makita ang anak na nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

I told Atlas not to because I'm kinda concious pero ayaw patalo at palaban si Atlas
kaya 'di ko na napigilan.

The lunch was peaceful indeed, I heard her talking to her sons regarding some
business matter or work, kinakausap niya rin ang mga asawa nito tungkol sa mga bata
at minsa'y nasasali ako na ikinatutuwa ko naman.

"Can I have some tea in the garden?" ani Tita Beatrice sa house help na naroon sa
may gilid.

"Yes po, Ma'am." The girl smiled. "Ilan po?"

"Uhm..." she licked her lip a bit and stared at me. "Miss Argueles?"

"P-po?" halos mapatayo na ako sa upuan kung hindi lang ako hinawakan ni Atlas.

I saw her smiled when she noticed me panicking, "do you want to have a tea with
me?" she asked softly and I quickly nodded, nagmukha na nga ata akong tanga pero
wala na akong pakialam.
"S-sure po, salamat." I smiled nervously.

She nodded, "what tea flavor do you prefer?"

"Kahit..." I gulped. "Kahit ano po."

She nodded, glancing the house help. "Chamomile would be great, Nita. Thank you."
She said and stood.

I saw her fixed her dress a bit and took a small tissue to remove something in the
side of her lips.

"Mauuna ako sa inyo, I'll be in the garden." She announced and slowly glanced at
me. "Miss Argueles, hija, you finish your dessert first and follow me after."

"Opo...opo." I smiled and nodded.

When she left, napasandal ako sa upuan. Nakita ko ang ang ngiti ng mga tao sa
harapan ko.

"Relax, she'll be good." Ani Kuya Dame sa akin.

I felt Atlas' hug on my waist, ipinatong niya ang baba sa balikat ko at bumulong.

"Tell me if you're ready, hmm? I'll take you to her." He whispered and kissed my
shoulder.

Halos limang minuto ata akong kumalma muna bago nagdesisyong magpahatid kay Atlas
sa garden. My heart's hammering inside my chest, hawak-hawak niya ang kamay ko
habang papalapit sa Mommy niya na naglalagay na ng tsaa sa loob ng tasa.

"Mom..." he called.
Tita Beatrice glanced at us and I gulped and greeted her.

"Good noon po," I said.

She nodded, tapping the seat beside her. "Upo ka rito, Miss Argueles."

I nodded, inalalayan ako ni Atlas palapit, halos siya pa nga ay sumama sa pag-upo
at 'di umaalis kung hindi lang natawa si Tita Beatrice sa anak.

"What are you doing, son?" ani Tita na natatawa.

"Uh..." I saw Atlas scratched his nape a bit. "Sasamahan ko lang si Lia, Ma."

Tita Bea laughed, she sounded like an angel at that. Hinawi niya ang nahulog na
buhok at napailing.

"Hijo, I won't bite your girlfriend." She said, amused.

"Pero, Ma..." Atlas whined.

"It's okay," pinisil ko na ang kamay ni Atlas at ngumiti. "Babalik na lang ako
sa'yo mamaya."

"But—"

"Come on, Atlas." Tita chuckled. "You were like your brothers, whipped. Just let
Lia, hindi naman ako nangangalmot, anak."

Napangiti na ako roon, my heart jumped when I noticed her amused at her son's
actions.

"Alright," Atlas sighed and let go of my hand. "Doon lang ako kina Kuya, Mom, Lia."
We nodded at him.

"Love you, Ma." I saw him kissed her Mom's cheek and glanced at me. Nanlaki ang
mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin, napaatras ako roon.

"B-bakit?" I stuttered.

"Ang damot naman, kiss lang." He pouted.

My eyes widen, umiling pa ako. "H-h'wag ano...nakakahiya." I almost whispered to


him.

"Sige, hindi ako aalis dito." He threatened me.

"Oh, come on, you kids..." napatingin kami kay Tita na nakangiti. "Lia, just give
him a kiss so we could get rid of him. My son's being an eyesore now."

"Mom! You're so mean!" Atlas whined at Tita raised her brow at him.

"Whatever, son." She chuckled. "Okay, should I close my eyes while you two kiss?"

"Po?" my eyes widen.

"Sige, Ma. Shy type kasi itong bibi ko." the brute answered.

To my shock, Tita really closed her eyes. Mabilis naman akong ninakawan ng halik ni
Atlas at ngumuso.

"Love you, bi." He whispered and smirked. "Okay na, Ma. Tapos na ang lampungan." He
said.
I smacked his arm because of his words, natawa naman si Tita at itinaboy na ng
tuluyan si Atlas na mukhang masayang paalis, nakapamulsa at patalon-talon pa pero
muntik na nadulas kung hindi lang nakahawak sa may pader.

Nakita kong napalingon siya sa amin kaya nag-iwas kami ng tingin ni Tita.

"He's...I don't know bakit ganyan ang anak kong 'yan." Ani Tita kaya sabay kaming
nagtawanan.

She glanced at me, showing me the tea cup.

"You should drink, Miss Argueles." She smiled at me. I slowly nodded, took the tea
cup and drink a bit while glancing at her.

She looks regal and intimidating but when she flashed a soft smile, my heart felt
warmer.

"Uhm, maraming salamat po sa imbitasyon, Tita—I mean Ma'am." I said and she tilted
her head, hiding her smile.

"Just call me Tita Bea, Lia." She smiled at me. "Don't be too formal, it's okay."

Napalunok ako at tumango, nang ibaba ko ang tasa ay napahawak pa ako sa kamay at
pinisil iyon.

"Are you nervous?" she asked and I wanted to deny it but I am too obvious so I
nodded shyly.

"Yes po, Tita. P-pasensya na po." I said and she nodded, smiling.

"It's okay. You should calm down first." Aniya.

I slowly nodded, muli akong uminom ng tsaa at nang umayos na ang pakiramdam ay
nagsimula.
"Tita, gusto ko lang pong..." panimula ko. "Gusto ko lang po humingi ng kapatawaran
at pasensya sa mga nangyari noon. It was never my intention, it was never our
intention to ruin your family, Tita."

I closed my eyes and sighed before staring, "humihingi po ako ng tawad sa nangyari
noon, in behalf of my mother, Tita Beatrice. She acknowledges what she did wrong
and she...we are very sorry po." I said with utmost sincerity.

"Did you know she wrote a letter?" she asked and I shook my head.

"No po," I muttered. "Hindi ko rin po alam kung hindi lang sinabi sa akin ni Atlas.
If I had known, sana po ay nagsulat din po ako ng mensahe para sa inyo."

"It's been a long time, hija." She muttered.

"Yes, but I know some wounds just don't heal with time. Some stays inside, scarring
our hearts. Some pain stays like ghosts hunting us even in sleep." I muttered and
stared at her, I saw how stunned she was, she was staying formal pero nakita ko ang
pagkintab ng kanyang mata sa paambang luha.

"Lia..." she muttered.

"Kahit..." lumunok ako. "K-kahit po ilang taon na ang nakalipas, I believe you and
your family deserves a personal apology. I know no matter how much I apologize,
hindi na po mababalik ang noon pero sana po, I hope na somehow...this apology of
mine would lessen the weight inside your heart."

To my shock, she started sobbing. I panicked, napaayos ako ng upo at hindi na alam
ang gagawin.

"T-tita..." I muttered, "s-sorry po, did I say something wrong—"

"No," she suddenly smiled while tearing up. "I-I just don't expect you'll say
that." She sniffed. "C-come on, payakap nga ako, hija..."
I slowly moved and hugged her, nagulat ako nang mas napaiyak siya at dahil
naririnig ko ang kanyang hikbi ay hindi na rin naiwasang maluha. I felt the warmth
of a mother in her embrace I when I closed my eyes, I can feel my mother's warm hug
for me from above and I started tearing up too.

"S-sorry po, Tita..." I whispered. "Sorry po sa lahat-lahat."

"T-thank you, Amalia..." she whispered and hugged me tighter. "T-thank you for
apologizing, g-gumaan ang puso ko. I'm sorry for what happened to you too. I know
life's been tough when you're alone for years."

I hugged her more and weep with her, "I-I'm happy my son is in good hands with you,
Lia." She whispered.

"S-salamat po...your son's a blessing for me too. H-he gives me strength, Tita. M-
maraming salamat po."

"I-I admire your heart, Lia." She whispered and hugged me tighter. "Thank you for
having the kindest heart and for apologizing even if you did nothing wrong."

"No po, I thank you so much for your forgiving heart." I whispered back.

Wala na sigurong mas ikakasaya pa ang makatanggap ng pagpapatawad. It feels great


knowing the people we hurt in past has the kindest hearts and forgive us.

"I hope you're happy, Nanay." I whispered while muttering a prayer one night after
we came back to Manila. "I hope you're happy above, watching us."

I muttered a quick prayer and laid on my bed, staring at the ceiling while touching
my chest.

I just have to talk to my father and Tita Marichu and think of my situation.

I sighed and muttered, "kaya mo 'yan, Lia. Kaya mo 'yan. Let's be tough and brave,
heart, okay?" I smiled.
I suddenly heard my phone rang, nang silipin ko ay nakita ko ang message ni Heart
sa messenger kaya nangunot ang noo ko.

Heart: Lia, h'wag mong pagbubuksan ng pinto si bobo. Gagapangin ka niya!!!


Nagmamadali pagkauwi namin!

Lia: Hahaha! Pahinga na kayo at late na natapos ang duty. Ikaw kumusta? Nasa room
ka na?

Heart: Oo, s'yempre. Papagapang din sa kay Alien :D

Heart: Rawr!

I chuckled and replied before telling her goodnight. Nang ilapag ko na ang phone sa
gilid ng kama at akmang matutulog na sana pero narinig ko ang tunog ng door bell
kaya kumunot ang noo ko.

I walked towards the door and checked the peep hole, napabungisngis na ako nang
makita si Atlas sa labas ng pintuan ko, nakapikit pa.

I opened the door, smiling.

"Oh, Atlas? Napadaan ka?" I asked but to my shock, his eyes remained closed,
napagilid ako nang bigla siyang pumasok ng walang pasabi.

"Atlas?" I asked, confused pero tuloy-tuloy lang siya patungo sa kwarto ko,
nakashirt at pajama na kulay itim, magulo ang buhok.

Nagtataka man ay sinundan ko siya, nahuli ko pa siyang pumapasok sa kumot ko para


humiga kaya napangiti ako at lumapit. Nang makatabi ako ay nakita kong nakapikit
siya pero medyo kunot ang noo.

"What happened?" I asked, slowly massaging his hair.


Hindi siya nagsalita at napatili ako nang mabilis niya akong mahila, bumagsak ako
sa braso niya at walang hirap niya akong natandayan at nayakap.

"Atlas, gising ka?" I asked when I felt his breath on my cheek, nakasiksik ang
mukha niya sa gilid ko at parang suman akong binabalot sa braso niya. "Huy, Atlas,
gising ka?"

"Tulog ako..." he answered.

I almost chuckled, nagpaubaya ako sa pangungulit niya.

"Hmm? Eh, bakit nandito ka kung tulog ka?" I asked.

"Sleepwalking," he whispered back kaya napahagikhik na ako at marahang bumaling sa


kanya.

Medyo pinakawalan niya ako nang maramdamang gusto kong tumagilid at hinarap ko
siya, nahuli ko siyang nakamulat pero mabilis na pumikit kaya nagpigil ako ng
ngiti, inilagay ang braso sa may leeg niya at pinatakan siya ng halik sa labi.

"Tulog ang bibi ko?" malambing kong tanong at tumango siya, ngumunguso.

"Opo..." he answered back.

"H'wag ka muna tulog, kwentuhan tayo." I whispered at hindi niya ako binigo,
slowly, he opened his eyes and when his black ones met mine, my heart thumped.

The moment he smiled, I felt like floating so I pinched his nose para 'di niya
mahalatang kinikilig ako.

"Love you, Atlas. How's your day?" I smiled.

"Tiring, bibi. Maraming pasyente kanina," he whispered, marahang inaabot ang pisngi
ko para haplusin. "You? How's the Pharmacy? I love you too..." humalik siya sa
pisngi ko ng marahan.
"Toxic din, matao rin kagaya mo." I smiled at him, "kumain ka naman ba ng tama?"

"Opo, bi." He answered. "You? You're pale again."

"Ah, wala kasi akong ayos." I chuckled. "Alam mo namang palagi akong maputla kapag
ganito."

"Are you always taking your meds?" he whispered and I nodded, yumakap ako sa kanya
at sumiksik sa kanyang dibdib.

"Yes, I'm also taking the vitamins you bought me. Thank you so much ng apala for
fixing my alarms para sa new schedule ng gamot ko." I whispered and he chuckled,
nodding.

"Anything for you, bibi." He said. "Anything para sa Amalia ko."

My heart thumped lovingly when I heard that words from the man I love the most, mas
humigpit ang yakap ko sa kanya at bumulong.

"Atlas?" I called him softly.

"Hmm?" I felt him kissed my hair.

"What's your dream?" I asked him.

"Hmm, s'yempre, to become a doctor." He said, "tapos ang makasama ang bibi ko. My
long time dream is to be with you until my last breath, Lia. I'm a doctor now and
you're here now in my arms, one of my remaining wish is to finally give you my
name."

I don't know why but when he said that, pain started replacing the blissful feeling
inside my chest. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako.
"Atlas..." I started. "Do you...do you want a family?"

"Sa'yo? S'yempre naman." He chuckled and kissed my head. "We're not getting any
younger, bibi. Of course, if I'd like to build a family, I want to build it with
you."

"R-really?" I asked, nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan.

"Of course, I can't wait seeing little Lia running around our house." He whispered
and hugged me more.

Nakatulog na si Atlas habang nagsasabi ng kanyang pangarap pero ako'y tulala lang
at isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin makatulog.

He's hugging me yet my eyes were fixed on the ceiling, remembering what he told me.

He...wants a family. He wants to have kids and I...I don't think I could give it to
him.

Sabi ng doktor, it would be risky, paano ang anak ko? Paano kung magkasakit siya ng
kagaya sa akin? Paano kung hindi ako payagang magbuntis? Paano na si Atlas?

With that thoughts, my tears escaped my eyes. Sa takot na marinig ako ni Atlas ay
mabilis akong tumakbo sa banyo, isinara iyon at tahimik na umiyak habang nakaupo sa
tiles, sapo ang mukha.

I am so scared for us, I am so scared for the family we'll build. Natatakot ako
habang iniisip ang anak na p'wedeng maranasan ang hirap na nararanasan ko.
Natatakot akong maisip ang lungkot sa mga mata ni Atlas kung hindi ako papayagang
magbuntis.

I covered my mouth to stop myself from sobbing, afraid the he'll hear me inside the
room. My breath shortened, damang-dama ko ang masakit at mabilis na kalabog ng puso
ko kaya nasapo ko ang aking dibdib.

I tried standing up to go to the sink but I slipped, tumama ang aking likod sa may
pintuan at mas nahilo ako. Bumagsak ako ng upo sa tiles, sapo ang dibdib at
naghahabol ng hininga. Nararamdaman ko ang malamig na basa sa aking pisngi dahil sa
mga luha pero mas lumamig ang pakiramdam ko nang dumilim ang paningin ko at nawalan
ng lakas.

That night has been a nightmare to me ever since, I lost my consciousness that
night for almost half an hour inside the bathroom, lying on the cold tiles and no
one ever knew about it.

I woke up and I felt so heavy and restless, I'm even shivering that I am not shock
that I caught a cold the next day that Atlas took a day off to take care of me.

Simula noong gabing iyon ay wala na ako sa sarili at madalas ay natutulala na lang,
I am doing my best to be cheerful whenever I'm with Atlas and my friends but when
I'm alone, it comes back to me.

Ni hindi ko pa makausap ang Tatay ko, ni hindi ako makangiti kapag nand'yan siya
pero kahit papaano'y masaya akong nirerespeto niya ang katahimikan ko.

I even asked for a second opinion in another hospital about my condition and he
told me the same thing and the only thing that can keep me better is surgery. Atlas
has been very careful with me these days, mukhang napapansin niya ata ang pagiging
wala sa sarili ko kaya ginawa ko ang lahat para ipakita sa kanilang ayos lang ako
at mukhang successful naman dahil bumalik sa usual na pakikitungo sa akin ang
boyfriend ko.

Stressed about my upcoming boards, work and internship. I've been very anxious. Mas
dumalas ang paninikip ng dibdib ko na may mga pagkakataong muntik na akong mahuli
nila Atlas pero sa kabutihang-palad ay hindi naaabutan.

Nang inaya ako ni Atlas para sa isang date pagkatapos kong tulungan si Heart sa
pag-aasikaso ng kasal nila ni Josh ay pumayag ako. It's been a very stressful week
for me so I wanted to relax. Sa hectic ng schedule namin ni Atlas ay 'di na kami
madalas nakakapagdate, hindi pa nagkakatagpo ang shift namin sa ospital dahil sa
trabaho ko sa Pharmacy at madalas na night shift ang boyfriend ko.

Wearing a simple black lacy type turtle neck dress, we decided to meet up in a
restaurant after his duty.

"Bibi!" I smiled when Atlas stood from his seat to welcome me, halos dalawang araw
kaming 'di nagkita dahil sa trabaho kaya miss na miss ko siya.
I almost run to hug him, natawa siya sa biglaang pagyakap ko at halos buhatin na
ako habang niyayakap.

"Miss na miss ako ni Lia, ah?" he muttered playfully, cupping my cheek for a kiss.

"S'yempre! Hindi tayo nagkita!" I smiled at him after the kiss.

"I missed you too, bibi." He smiled handsomely, humawak siya sa baywang ko at
marahang inalalayan ako paupo sa upuan.

He was so attentive all the time, masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain at
no'ng nagde-dessert na kami ay napansin ko bahagya ang kanyang pagkabalisa.

He looks somehow nervous kaya inobserbahan ko lang siya.

"Kumusta ang preparation, Lia?" he asked after a while.

"Great," I smiled. "Nagsukat kami ng gown kanina, Heart chose me as the


bridesmaid."

"That's great," he chuckled a bit and nodded, nakita kong binasa niya ang labi at
sinuklay ng bahagya ang kanyang buhok ng daliri.

I noticed that he looked so handsome and formal tonight, may coat na itim na suot
at sa loob ay ang kulay puting shirt niya at dog tag.

"Uh, Lia, you think...tayo kaya kailan?" he asked and I stopped when I heard that.

"K-kailan ano?" I asked.

Nakita kong bahagya siyang pinagpawisan kahit malamig ang lugar kaya kinuha ko ang
panyo ko para punasan ang noo niya.
"It's not that I'm pressuring you..." he muttered nang maibaba ko ang panyo. "If
you don't like, we won't be scheduling the date this early, i-it's for you to
decide. Maybe after your boards or if...if kailan mo gusto."

I was stunned, may ideya na ako sa sinasabi niya pero hindi ako nagpahalata.

"What...what do you mean?" I asked.

"What I mean is..." he sighed and licked his lower lip, looking extra nervous now.
"Y-you know I love you so much, right?"

I slowly nodded.

"And you know my dreams...napag-usapan natin noong nakaraan. I am a doctor now and
we're together but I wanted to ask you if you wanted us to fulfill my other dream
too."

Natahimik na ako, he stood from his seat, nakita kong may tinanguan siya na kung
sino at mas naging malapit sa amin ang malambing na musika sa background.

I didn't how to react, while watching him clearing his throat in front of me,
looking so nervous and anxious, I felt the pain inside my chest.

I suddenly remembered my dilemma these past few days, his dreams of having a family
which I am not sure I could give.

"Amalia Lorraine Argueles..." he puffed a breath. "Bibi ko, I know this isn't the
most romantic proposal ever but I wanted to think that this is special because I'm
proposing to the only woman I've ever love this much."

Sumikip ang dibdib ko, nangilid ang luha ko habang pinagmamasdan siyang lumuluhod
sa aking harapan. Sa totoo lang ay dapat sobrang saya ko dahil matagal ko na rin
itong pinapangarap, bata pa lamang ako ay kasama na siya sa mga taong inaasam at
pinapangarap ko pero ngayon, mas lamang sa akin ang takot at lungkot.
"Lia, bibi..." he sighed again and bit his lip. "My updates might be glitching at
times, well, palagi naman but I promise to be the best version of myself every
updates. Please expect a few palpak moments but I-I promise I'll be upgrading for
the best."

"A-Atlas..." nahulog na ang luha ko.

I saw his eyes turned a bit teary-eyed, suminghap siya at may kinuha sa kanyang
likuran. My breath hitched when I saw him taking out a red velvet box, showing it
to me.

"I won't force you in anything, k-kung gusto mong magtrabaho muna at matapos ang
boards I'll respect it but still...I wanted to ask your hand for marriage." He said
and opened the box and it revealed a simple yet stunning diamond ring.

Napasinghap na ako at patuloy nang nahulog ang mga luha, takot na takot at
nasasaktan.

"Amalia Argueles, my bibi. The woman who has the kindest and bravest heart, would
you like to accept my offer of love and marriage? Will you marry me, my brave
girl?"

Nanginig na ako sa kakaiyak, I saw how tears fell on his cheek too. Pinagtitinginan
na kami ng mga tao at napapansin kong may mga camera na pero ang atensyon ko ay
nasa kanya lang.

Nasa lalaking pinakamamahal ko. Sa tanging lalaking paglalaanan ko ng pusong ito.

"P-please, baby. Please give me a chance to love you best. P-please give me a
chance to marry and have a family with you..."

And all the hopes vanished. I wanted so bad to say yes and kiss him hard but the
thought of the possibility of not giving him kids, a family is hunting me. Ang
isiping maghihirap din ang aking anak at ang isipin ang lungkot sa mga mata ni
Atlas kung sasabihin ng doktor na hindi kami p'wedeng magkapamilya ay nilulukob
ako.
"L-Lia, baby?" he called, his voice shaking. "S-sagutin mo naman ako, oh." His
voice broke.

"I-I'm..." nanginig na ako at sumikip ang dibdib. "I-I'm sorry, Atlas but..."
umiling ako.

I saw how his mouth parted, natulala siya sa akin at sa sobrang sakit na
nararamdaman at sa hiya sa kanya ay hindi ko na kinaya. I stood from my seat and
despite the judgmental stares of the people around us, I managed to run towards the
exit.

Sapo-sapo ko ang dibdib, umiiyak at habol ang hininga ay napaupo ako sa pavement
pagkarating ng parking lot at napahagulgol na.

"I-I'm so sorry, Atlas...p-patawarin mo ako..." I whispered and sobbed harder until


I felt my breath slowly leaving me.

Chapter 32 - Kabanata 30

Hi, Archers! This is Brave Hearts' Last Chapter! I hope you had fun reading Amalas!
I hope you learned a lot from them. Always be brave! Handa na ba ang puso natin
diyan? Hehehe!

I hope you enjoyed Amalas' journey to the next life hahahahahaha jk. Enjoy!

You can join our twitter party later! Just use the hashtag #BHKab30 #BraveHearts
and #AmalasMinalas #BHHulingSandali (choss lang hahaha) Enjoy mga ka-boplaks!

---

Kabanata 30

Life is precious, that's what I always believe since I was a child. Hindi ko alam
kung paano ako nag-umpisang maniwala sa ganyang kasabihan, hindi ko alam kung
kailan ako nag-umpisa sa ganiyang mindset.
Maybe, I thought, because my life is uncertain. Maybe because hanggang ngayon ay
hindi pa rin ako sigurado, walang kung sino man ang sigurado na muli pa tayong
magigising sa panibagong umaga.

Life is short and uncertain that's why we have to do our best to make the best of
it everyday.

Pero sana ay ganoon lang kadali. Noong bata ako, I didn't think much of bullies and
those people who hurt others for their own selfish gratification, hindi ko sila
hinahayaang punuin ang utak ko ng sakit noon, I just let them and do not take it to
the heart. Ang nasa isip ko noong bata pa lang ay maging masaya, matupad ang
pangarap, maging doktor at matulungan ang Nanay pero noong lumaki at tumanda ay
marami nang dumagdag sa isipan ko.

As I grow older, I realized I shouldn't just be happy alone. Naisip kong habang
lumalaki ay mahalaga rin ang kasiyahan ng mga taong mahal ko. Na hindi ko na kayang
maging masaya ng ako lang dahil iniisip ko na rin ang kasiyahan nila.

Ang kasiyahan ng mga kaibigan ko at ni Atlas ay mahalaga sa akin. I realized as I


grow older that their happiness becomes my happiness too.

If Atlas and I would get married, would he be happy if he found out our future
children might inherit the same condition from me? Would he be happy if he found
out I might not be able to bear his child? Magiging masaya ba siya kapag nalamang
hindi kami maaaring magkapamilya?

That thought pained me, sama-sama na ang sakit sa pagtanggi sa kanya, sakit sa
kondisyon ko, sakit na may tyansang 'di ko siya mabigyan ng pamilya at sakit para
sa Nanay ko at sa lahat ng nangyari sa kanya.

The familiar scent of antiseptic woke me up and unlike before, the smell made me
quite relieved.

I'm still alive. Thank, God. I am still alive.

I slowly opened my eyes and saw the white walls and when I moved to glance at the
side, I saw how Heart shifted her gaze at me.
"L-Lia!" she exclaimed and ran towards me.

Hindi pa man ako nakakaayos ng upo sa kama ay dumamba na siya sa akin, I gasped,
mabilis siyang yumakap sa akin at nagulat na lang ako nang bigla siyang
napahagulgol.

"H-Heart..." I called, still confused.

"Y-you woman!" she exclaimed. "P-pinag-aalala mo kami, Amalia!"

Mula sa gilid ay nakita ko si Josh na nakatayo rin at pinagmamasdan kami, si Dr.


Sean ay naroon sa gilid kasama ang isang pamilyar na doktor at pinagmamasdan kami
ni Heart. I saw how bloodshot his eyes are, nakita ko ang pag-aalala roon kaya
nakagat ko ang labi at muling inilibot ang tingin.

He's not here...

Marahang lumayo sa akin si Heart, nang hawakan niya ang balikat ko ay nakita ko ang
pamumugto ng mata niya, namumula rin ang pisngi at napapahikbi.

"Anong...anong nangyari?" I asked.

"Y-you fainted in the parking!" she told me.

"R-really?" I asked, remembering what happened before that. The last thing I
remembered is running away and then I sat on the pavement and that's it.

"O-oo!" she sobbed. "Loka ka, mabuti at sinundan ka ni bobo! P-paano kung hindi! P-
paano kung—"

"N-nasaan siya?" I asked worriedly, my heart started thumping inside my chest


again.

"O-outside..." Heart removed the tears on her cheek kaya nag-alala ako sa kaibigan
at mabilis na tumulong sa kanya sa pagpunas.

"S-sorry, Heart..." I whispered.

"B-bakit 'di mo sinasabi sa amin ang lagay mo? We were so worried! P-paano...paano
kung hindi ka nakita ni bobo?! Paano kung—" I pulled her closer for a hug when she
started crying again.

My heart felt the pain while hearing her weeping on my shoulder as she hugged me
back.

"S-sorry..." I bit my lip to stop myself from crying. "S-sorry, Heart."

"Y-you don't know h-how worried I am when I saw my cousin carrying you to the e-
emergency!" she sniffed. "A-ayokong m-makikita ka ng gano'n, Lia, okay? H-hindi na
dapat!"

"S-sorry..." I said, nang mahulog na ang luha sa pisngi niya mabilis kong itinaas
ang kamay para punasan ang luha niya.

"Girls, you should calm down..." the doctor said and smiled at naghiwalay kami ni
Heart mula sa pagkakayakap.

Pareho pa kaming humihikbi roon kaya si Josh ay mabilis na lumapit para ibigay sa
amin ang baso ng tubig na kinuha.

Heart sat beside me in the bed, pareho marahil kaming nananakit ang mata sa pag-
iyak.

"Calm down, girls." The doctor said softly and we both nodded. I closed my eyes,
trying my best to breathe in and out to relax myself.

Nang medyo kumalma na ang pakiramdam ko ay nagmulat akong muli, I saw Josh going
out of the room and Heart is extending the box of tissue paper na kaagad kong
kinuha para punasan ang luha sa aking pisngi.
"T-thank you," I whispered.

Heart nodded, mabilis siyang yumakap sa tagiliran ko habang tumatango kaya gumaan
na ang pakiramdam ko at hinayaan siya.

"Lia, hija, can you do your best not to be stressed?" ani ng doktor sa akin kaya
humugot ako ng hininga at kahit na alam kong mahihirapan ako ay tumango ako sa
kanya. "Good thing Doc Louis found you there, if not...hindi ko alam."

I slowly nodded, naisip na naman si Atlas. He isn't here and it pained me but what
do I expect? After I rejected him? Masasaktan iyon panigurado.

I slowly glanced at Dr. Sean and my heart tugged when I saw him silently watching
me, namumula ang mata at halatang galing sa pag-iyak. He was looking at me as if he
wanted to say something pero hindi niya magawa.

"I'm afraid you almost had a heart attack, hija." Ani ng doktor sa akin kaya
sumulyap akong muli sa kanya.

Nagulat ako roon pero naisip na mangyayari talaga iyon dahil sa pagiging emosyonal
ko kaya marahan akong tumango sa kanyang sinabi.

"For now, what I can advise you is to control your emotions. No extreme, it may be
sadness or happiness, anything to much kahit ang kasiyahan ay masama. I've checked
your heart sound and heard murmurs which isn't a good sign." She explained.

"I understand po," I said, narinig ko ang pagsinghap ni Heart sa aking tabi kaya
marahang inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang kanyang likod.

"Did you have any recent check-ups?" she asked and I slowly nodded. "I'll be back
later, Miss Argueles, hija. Let's talk about it, is it okay?"

"Opo," I answered.

Nagpaalam siyang aalis muna kaya tumango ako, I glanced at Dr. Sean staring at me,
wanting to say something. Nakita kong bumuka ang labi niya pero hindi maituloy ang
kasunod kaya tumikhim siya at sinarado na lang ang bibig.

"Uuna muna kami, Heart...Lia." I saw her glanced at me with his sad eyes.

Hindi nagsalita si Heart, she remained hugging me, sniffing a bit. Sumulyap ako kay
Doc na tumagal pa ang tingin sa akin at akmang tatalikod na pero tinawag ko.

"D-doc..." I called and I saw him froze, I saw how shock he is that he even
hesitated to look back but after a while, he did.

"Y-yes?" narinig ko ang kaba sa kanyang boses.

"Let's talk po later," I said softly and I saw how his eyes widen, I saw how hope
filled the black hollow of his eyes.

"R-really?" he sounded so happy kaya tipid akong ngumiti at tumango.

"Opo," I answered.

"Thank you!" he breathe and brushed his hair. "I'll be here later, Lia. Maraming
salamat."

Umalis siyang may saya sa mga mata, nakagat ko naman ang labi nang nakalabas siya
bago bumaling kay Heart na hindi humihiwalay sa akin.

"Tahan na, Heart. Sorry." I whispered.

"A-alalang-alala kami, Lia." She said sadly. "P-paano kapag naiwan ka roong mag-
isa? P-paano kung hindi ka sinundan ni Atlas? You were lying on the ground!"

I can sense her fear and worry and my heart felt sad while listening to her.

"I-I'm so sorry, Heart. Sorry for worrying you all..." I whispered.


"H-h'wag mo nang uulitin 'yon, ah?" maliit niyang sabi.

"oo, sorry..." I said softly and smiled at her.

Bumukas ang pinto, sabay kaming napatingin doon at nakita ko si Josh na papasok sa
loob ng kwarto. My heart jumped. Kaagad akong napatingin sa kanyang likuran para
tignan kung may kasunod siya pero kaagad na nahulog ang puso ko nang makitang wala
siyang kasama.

Nahuli niya ang tingin ko sa kanyang likod nang magkatinginan kami. Kaagad siyang
ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. He walked towards us, tumayo si Heart
sa tabi ko at napangiti ako nang yakapin niya si Josh.

Josh hugged her back, slowly touching her hair, nang magkatinginan kaming muli ay
'di na ako nakatiis at nagtanong na.

"S-si Atlas?" I can't help but ask.

I saw him sighed but answered me, "outside."

My heart throbbed painfully, nakagat ko ang labi ko at suminghap.

"W-why?" I asked. "Is he m-mad at me?"

"Mad?" kumunot ang noo niya, "why would he?"

"I..." napalunok ako. "I rejected his proposal."

Miski si Heart ay napatigil at napatingin sa akin nang sabihin ko iyon.

"N-nag-propose sa'yo si bobo?!" Heart exclaimed, I slowly nodded, sighing. Kitang-


kita ko ang gulat sa kanilang dalawa na natulala lang sa akin.
"Yes," I said sadly, "b-but I rejected him, he's probably mad at me and I
understand."

"I don't think so," ani Josh kaya natigilan ako at pinagmasdan siya. "He's mad at
himself, Lia, not at you."

"Huh?" my eyes widen. "Bakit naman siya magagalit sa sarili niya?"

"Hindi siya pumapasok dito dahil ayaw ka raw niyang makitang nakahiga riyan sa
kamang 'yan," he said. "I've been telling him you're awake when I went out but
he's...I don't know, hindi na nga pinapasok ni Dr. Sean ngayong umaga sa duty iyon
at walang tulog simula pa kagabi."

"W-where is he?" I asked, my heart thumping hard thinking what he is doing right
now.

"Outside, garden. Nand'yan 'yan kanina sa may bench sa labas at nakaupo pero
lumabas at magpapahangin lang daw." Aniya sa akin.

I talked to the two about what happened last night and they understand me, ang sabi
ni Josh ay hindi naman mukhang galit si Atlas pero halos ilang oras na at hindi pa
rin siya pumapasok sa kwarto kung nasaan ako.

I wanted so bad to talk to him, apologize for what I did last night and thank him
for bringing me in the hospital when he saw me lying there on the ground. He
could've leave me after I rejected him like that but he didn't.

He came to me even if he was hurting, he came when I needed him the most.

Muli kong nakausap ang doktor tungkol sa recent check-ups at sa check-up niya sa
akin ngayong araw, like what the other doctors said, my CHD progressed and is now
severe. Epekto raw marahil ng stress ito, pisikal man o emosyonal and the only
thing that could save me now is surgeries which is risky too lalo na sa estado ko
at hindi raw ako healthy.

"How are you feeling?" napabaling ako kay Doc Sean na may inaayos na prutas sa
gilid ko.

"Ayos lang po," I answered.

He sighed, I saw him fixed his eyeglasses and glanced at me, nakita kong kumuha
siya ng isang basong tubig bago iniabot sa akin.

"Salamat po," I muttered and drink it before giving it to him, nanatili siyang
nakatayo sa gilid ko, I saw him waiting for me to speak kaya kahit hindi pa
masyadong handa para sa usapang ito ay pinili kong gawin na lang.

This is for my peace of mind, if I'll talk to him next time, I will just prolong
the pain inside my chest kaya siguro marahil ay mas ayos nang ngayon kaysa sa
susunod pa. the pain would only stay inside my heart if this would take too long.

"Doc, can we...can we talk now?" I asked and I saw how hope filled his eyes, he
nodded and sighed. Kahit mahirap para sa akin ay gusto kong pakinggan ang side
niya.

I saw him took a stool, pantay iyon sa akin kama kaya nagpantay ang aming tingin.

He smiled at me and I smiled back, nakita ko ang malambot at nangingilid na mga


luha sa gilid ng kanyang mata kaya tumikhim siya at bahagyang tumungo.

"I...met Olivia when I had a medical mission in Peñablanca, that time I am already
married to Marichu." He said, "it was an arranged marriage, Lia. Our parents set us
both to marry each other at wala naman akong taong gusto kaya pumayag ako."

Pinagmamasdan ko lang siya at nakita ko ang hiya at kung ano sa kanyang mukha.

"I-I am not saying excuse for what I did but when I saw your mother, I immediately
liked her. She's like a ball of sunshine to me, Lia. She was...she made me feel
something when I saw her, I fell for her kahit hindi naman kami matagal na
nagkasama at nagkakilala." Aniya. "We...we had a relationship."

The pain came back, hearing this from my own father. The man my Mom loved too.
"She...didn't know about your wife?" I asked and I felt like it was me who got
betrayed when he nodded at me.

"I was afraid if she'll find out, she'll leave me." He lowered his head. "Ang gago
lang, Lia, pero duwag talaga ako."

"You're afraid she'll leave you, right? Then why...why did you left her first when
you found out she was pregnant of me?" I asked and he glanced at my eyes.

I know he got my point, nakita ko kung paanong nabigo ang kanyang mata nang makita
ang sakit at disappointment sa akin.

"I-I was a coward, Lia." He sighed and pulled his hair. "M-Marichu got pregnant
before I left for Peñablanca. Naguluhan ako sa desisyon ko, anak. I-I thought I'll
do the right thing if I leave you both and go back to my wife."

Hindi ako nakapagsalita, parang may humaharang sa lalamunan ko habang iniisip ang
kanyang sinabi.

"I-I cheated on my wife with your mother and she never knew about it." He sighed
heavily. "It was all my fault, Lia. I did something wrong, both to Marichu and
Olivia. I am a coward."

"D-did my mother..." I muttered, trying to stop my tears. "D-did my mother even


know about her being a mistress?"

When he shook his head, nahulog na ang luhang pinipigilan ko.

"No. I-I'm sorry, Lia. I'm so sorry for what I've done to your mother and to
you..." my heart broke more when I saw how tears fell on his cheek. "M-mali ako sa
lahat-lahat, s-sa panloloko kay Olivia at Marichu, s-sa pag-iwan ko sa'yo."

I bit my lip to stop my sobs but it left my lips, nakita ko ang pagtayo ni Doc at
mas napasinghap ako at napatakip ng bibig nang makita kong lumuhod siya sa gilid ng
kama at ibinaba ang kanyang ulo.
"P-patawarin mo ako, anak..." he cried, I saw how his shoulders moved up and down.
"S-sana mapatawad mo ako, s-sana matawad niyo ako ni Liv."

While looking at him weeping while kneeling in front of me, I felt broken too.
Nakagat ko ang labi at napahikbi kagaya niya.

"M-mali ako, anak. Sana ay mapatawad mo ako." He cried harder.

He reached for my other hand and I sobbed more when he gripped it and brought it on
his cheek.

"Patawad, anak. M-malaki ang kasalanan ko sa inyo." He cried, naramdaman ko ang


basa sa kamay ko dahil sa kanyang luha at habang umiiyak din ay sumagi sa utak ko
si Nanay.

It was as if she was here with me, I can feel the warmth of her embrace and I felt
weaker. I remembered how strong she is, I remembered how she told me not to bury
rage inside my heart dahil hindi iyon maganda.

I remembered how strong and brave she is that despite what happened to her, she
remained having a good heart, she remained the forgiving person I'd ever knew.

"Remember, anak. Whatever happens, I hope you'll always listen to other people's
side and even if it's hard, I hope you find in your heart the forgiveness." My
mother smiled at my memory. "It's okay to forgive but I understand that some things
cannot be forgotten."

Diyos nga ay nagpapatawad, ako pa kaya na likha niya lamang?

All people shared a lot of faults and sins, it just varies in the intensity. Some
mistakes and wrongs can be forgiven and forgotten but some can only be forgiven but
never be forgotten.

Those mistakes and imperfections makes us human, pero ang mga pagkakamaling ito ay
mali at hindi maaaring gawing excuse na tao lamang tayo because in the end we still
choose to do it.
Those mistakes would be a lesson for every people, a lesson we should always think,
mga pagkakamaling itatatak sa puso at utak hanggang mamatay tayo para sa mga aral
na nakuha natin dito.

Being a human would never justify the mistakes and sins we are doing in this life
so I know that it is really important to ask for forgiveness and reflect for what
we did wrong and learn from it.

Sabi ng Nanay, if we make mistakes, we should never justify it and ask for
forgiveness at gumising sa panibagong umaga na gagawin ang lahat para 'di na ulit
magawa ang pagkakamali ng kahapon.

"D-doc, tumayo ka po..." even if my voice is shaking, I managed to tell him that.

I saw him hesitated at first but when I pulled him up, he did. Nagtagpo ang mga
mata namin at kaagad kong nakita ang mga mata ko sa kanyang mata, I realized how
much our eyes are alike, lalo na kapag umiiyak kami ng ganito.

"S-sorry, anak. N-nagkamali ako." He sobbed and even if my hands are shaking, I
spread my arms at him and flashed a soft smile.

"P-payakap po..." I said and I almost fell when I felt his warm embrace.

"A-anak..." he sobbed. "S-sorry, sorry...I'm sorry for everything wrong I did, s-


sorry sa pag-iwan ko sa inyo ni Olivia."

In this life, since I was a child, I was taught by my mother to never waste my time
in regrets, sadness, anger and grudges for other people because life is uncertain.
Life is too short to be unhappy.

"I..." I gasped and closed my eyes, ipinatong ko ang baba sa kanyang balikat at
ipinikit ang mga mata, mas niyakap siya. "I-I forgive you."

Mas lumakas ang iyak niya.

"A-Amalia, a-anak ko..." he cried harder.


"I-I forgive you, Tatay..." I whispered and the moment I said that, I felt how the
heavy weight inside my heart got lifted.

I smiled despite the tears, freeing the pain and madness inside my fragile heart.

My father apologized for making me cry again, halos maiyak pa siya habang
tinatawagan ang cardiologist para muli akong i-check dahil sa naging usapan naming
dalawa. The doctor warned us both about it. Mabuti na lang at hindi sumama ang
aking pakiramdam, sa halip ay mas umayos pa ang pakiramdam dahil nawala ang
iniisip.

Lunch came and Dr. Sean excused himself first because of his patients, tumango ako
at hinayaan siya.

I rested my back on the head board and sighed, pumikit ako at inabot ang aking
dibdib.

Kayanin mo, please. Kayanin nating dalawa.

The door suddenly opened, napalingon ako roon at nakitang papasok si Heart at Josh.
I smiled when I saw them but it vanished when I saw who it is behind them.

Kaagad na kumalabog ang puso ko at napaayos ng upo.

He looks restless, magulo ang kanyang buhok at hindi na ako nagulat nang makitang
ang damit niya pa rin na suot kagabi ang suot niya ngayon. Wala nga lang ang
kanyang coat.

I couldn't see his eyes, akala ko ay titingin siya sa akin o kaya'y lalapit pero
bumagsak lang ang balikat ko nang nakatungong dumiretso siya ng upo sa may sofa sa
gilid, sumandal doon at pumikit.

Mula sa pwesto ko ay bakas na bakas ang eyebags sa ilalim ng mata niya kaya umawang
ang labi ko.
I was so tempted to come closer and talk to him, to apologize for what I did but I
couldn't, lalo na nang pumunta sa may gilid ng kama ang dalawa.

"Hindi nagsasalita," halos pabulong na sabi sa akin ni Josh. "Napilit lang namin
pumasok at nababaliw na sa garden."

"Kinakausap na ang mga butterfly," Heart muttered and smirked.

"Naririnig kita, Puso." Atlas said coldly while crossing his arms on his chest,
nakapikit pa rin at nakasandal sa sofa.

"Ay, oh? Share mo lang?" asar pa ni Heart kaya kumunot ang noo ni Atlas. Pasimple
kong kinurot si Heart at inilingan kaya ngumisi siya sa akin at nag-peace sign.

"Kausapin mo na at kanina pa..." she pointed her eyes down her cheek and fake a
sobbing, pinapakita sa aking umiiyak daw kaya halos madurog ang puso ko.

I slowly nodded.

"Iwan muna namin kayo, inuto lang namin." Josh said in a small voice kaya tumango
ako.

Hawak-kamay at tahimik na umalis ang dalawa, halos mag-tiptoe pa roon.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Atlas nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto, I
know he wanted to check on it pero ayaw talaga siguro magmulat at baka
magkatinginan kami kaya nanatili siyang tuod doon.

I bit my lower lip, naisip na sa kabila ng pag-iwan ko sa kanyang kagabi at


pagtanggi sa proposal niya ay hindi niya ako pinabayaan. It made my heart tugged in
painful yet happy way, ang hindi niya pag-iwan sa akin simula noon at ngayon ay
nakabaon at nakatatak na sa aking puso.

He's still the loving and understanding Atlas Louis Montezides in Peñablanca. We
may matured a lot but his heart remained the most beautiful.
Tinanggal ko ang kumot na nasa hita ko at marahang bumaba sa kama, I wore the
slippers and walked slowly towards him. I noticed him a bit tensed but unmoving,
bahagyang kunot pa ang noo.

Kinakabahan man ako sa susunod na gagawin ay gusto-gusto kong kausapin ang mahal
ko. I realized I was a bit selfish last night for not telling him my reason for
rejecting him.

I was hesitant and a bit embarrassed at first but I sat beside him.

"Atlas?" I called.

Hindi siya umimik, I saw how his jaw moved a bit kaya napanguso ako at marahang
inabot ang kanyang braso.

"Atlas, can we talk?" I asked softly.

Hindi na naman siya umimik, hinayaan akong hawakan lang siya.

"Uhm...bibi?" I called and I saw his lips moved pero pumirmi na naman na parang
walang nangyari kaya napangiti na ako.

I slowly moved my hand at ikinawit sa isang braso niya, tumagilid ako ng upo sa
sofa at nag-indian sit sa tabi niya bago kinagat ang labi.

"Bibi ko?" I called softly and slowly touched his arm. "Bibi?" I kissed his cheek.

His lips pursed, nang magmulat siya ay kaagad akong ngumiti pero napairap siya sa
ere.

"Ay, wow, suplado?" I asked, still smiling.

"Hindi mo ako madadala r'yan, Amalia Lorraine." He said.


"Galit ka?" I asked sadly when I realized he's a bit serious. Hindi siya kaagad
umimik. I sighed, inalis ko ang kamay ko sa braso niya.

He really is mad...kasalanan ko naman. Palalamigin ko muna ang ulo niya.

"S-sorry..." I sighed, tumayo ako para sana bumalik sa kama pero nagulat ako nang
may humawak sa kamay ko. It was too quick, nagitla na lang ako nang isang marahang
hila ay napaupo na ako sa kanyang hita.

My heart hammered inside my chest.

"At—" my voice faded when his arms were immediately wrapped on my waist, nang
tumungo siya sa aking balikat at narinig ang kanyang hikbi ay umawang ang labi ko.

"B-bakit 'di mo sinabi sa akin?" my breath almost stopped when I heard his pained
voice. "W-why did you hide it?"

"A-Atlas..." I muttered when I felt something wet on my shoulders.

"P-paano kung hindi kita nakita?" he whispered painfully. "P-paano kung hindi kita
nasundan? Paano kung m-may nangyaring masama sa iyo, Amalia?!"

"B-but you followed me..." I said softly. "A-and nothing happened to me, s-see?
Ayos ako?"

"Pero paano kung hindi, Lia?!" he hissed yet he lacked conviction, mas nanginig
lang ang boses. "P-paano kung nagpakagago ako at hindi ka sinundan? P-paano kung
hindi ako dumating kaagad..."

"Wala kang kasalanan, hmm?" I hummed, trying to calm him down. "A-and you did your
best to follow me k-kahit may mali rin akong ginawa. H'wag na h'wag mong sisihin
ang sarili mo..."

When I heard his sobs, my heart felt like shattering into pieces, mabilis kong
inabot ang kanyang mukha at sinapo ang kanyang pisngi. Our eyes met and my heart
hurt while seeing his bloodshot eyes.

"A-Atlas..."

"P-paano kung may masamang n-nangyari sa'yo, Lia? H-hindi mo ba naiisip na nag-
aalala ako sa'yo?" he asked sadly, almost ranting. "H-hindi ko alam gagawin ko
kagabi! 'Y-yong mahal ko nasa lupa at walang malay, I-I..."

"Shhh," I hushed him, slowly cupping his cheek. "It's okay, Atlas. H'wag mong
sisihin ang sarili mo..."

"N-no..." he shook his head. "H-hindi mo alam kung anong nararamdaman ko kagabi, p-
para akong mamatay, I—"

I slowly lowered my head and kissed his lips, nang mapatitig siya sa akin ay may
humaplos sa aking puso. I slowly moved my fingers to dry the tears on his cheek.

"Mahal na mahal kita, Atlas." I said genuinely while staring at him. "L-like you,
I'd never love this much. I-ikaw lang din..."

He remained staring at me and the toughest man I know looks so fragile today with
his bloodshot eyes.

"I-I'm sorry if I hid my condition to all of you," I whispered and slowly moved my
head and kissed his forehead. Nakita ko ang pagpikit niya at ang paghigpit ng hawak
niya sa aking baywang.

"N-natatakot lang akong sabihin. A-ayokong masaktan kayo." I whispered and slowly
caress his cheek.

"A-and you think not telling it to us won't hurt us?" he asked and I sighed and
nodded, lowering my head. "Look at me, Amalia."

I slowly lifted my head and stared at him.


"You think I'm not hurting right now?" he asked and I bit my lower lip and felt the
tear fell on my cheek, mabilis ko iyong hinawi at nagsalita.

"S-sorry..." I whispered.

"Y-you don't know how I felt when I found out you're hurting p-pero wala akong
kalam-alam." He said brokenly, "I felt...I felt useless. Nandito ka nga sa akin p-
pero wala man lang akong nagawa habang nasasaktan ka na pala...wala akong kwenta,
wala man lang ako—"

"No...no..." I shook my head and cupped his cheek. "Wala kang kasalanan, Atlas,
okay? Wala. Y-you did your best to take care of me, wala kang kasalanan..."

He just stared at me with those eyes, I realized he'd been crying because of his
eyebags and my heart tugged painfully.

"I-I'm sorry, mahal ko..." I whispered, kissing his forehead before slowly hugging
him. "I-I'm so sorry, Atlas. I'm so sorry, bibi..."

"P-paano naman ako, L-Lia? A-ayaw mo akong masaktan pero kapalit no'n ay masasaktan
ka ng palihim? P-paano naman ako? Paano naman akong ayaw kang nakikitang ganyan..."
he sniffed and hugged me more. "I-I love you, a-ayokong nasasaktan ka. I d-didn't
wait for you all these years just to let you hurt alone. G-gusto kong kasama mo ako
sa paghihirap at sakit na 'yan, g-gusto kong maging parte ng buhay mo, sakit man o
hindi..."

"Atlas..." I sniffed and hugged him more.

"S-so please, let me in...let me get hurt with you. H-hindi 'yong ikaw lang. I-
isama mo ako..."

We remained that way until we both calmed down, I wanted to cry more to let my
feelings out but I am afraid I'd break down. Natatakot na makita niya akong
sumasakit ang dibdib, natatakot na nakikita niya akong naghihirap.

I controlled my breathing and hugged him more to relax. Sa sobrang paghihina ko


siguro ay mabilis na lang akong nabuhat ni Atlas mula sa kanyang hita.
I hugged his nape, isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib at hinayaan siyang
dalhin ako pabalik sa aking kama. I rested my back on the head board and watched
him brushed his hair, kagaya ko ay mukha rin siyang walang pahinga at pagod na
pagod.

He took a glass of water, mabilis niyang inabot iyon sa akin at may tinawagan sa
telepono para sa tanghalian ko at nang tumayo siyang muli sa gilid ko ay natanto ko
kung gaano niya ako kamahal sa kabila ng lahat.

The strongest man I know right now is the weakest when he's with me.

Naupo siya sa aking tabi, kinuha niya ang panyo para punasan ang gilid ng aking
mata at pisngi, tahimik at mukhang desidido. When he's done, I took the hanky from
his hand and slowly pulled him towards me.

Napaupo siya sa aking tabi, I slowly touched his cheek and dried his tears too and
he remained looking at me.

"B-bakit 'di ka pumasok kaagad? Kanina pa kita inaantay." I said softly. "A-are you
mad at me for rejecting you?"

Hindi siya kaagad nagsalita, I saw how his eyes remained serious while looking at
me and I felt touched when he shook his head at me.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo..." he said in a low voice. "When I've decided to
propose to you, alam ko namang may tyansang umayaw ka and I-I proposed to you in
public kaya..."

"Mahal kita, Atlas." I told him and his eyes brightened a bit but turned a bit sad
again.

"I know...I just don't know the reason why you rejected me." He said. "M-mahal na
mahal din kita na hindi ko kayang magalit sa'yo. We've been apart for a decade,
Lia. I-I don't want it to turn to waste just because you rejected me."

I sighed, binaba ko ang kamay ko pero mabilis niya iyong hinuli at hinawakan.
"Tara nga rito," I told him and moved on the headboard. He glanced at me and I
tapped the space beside me.

"What..."

"The bed is large, lay down here with me." I told him and he nodded like a kid,
napangiti ako nang mabilis niyang tinanggal ang sapatos niya at gumapang sa aking
tabi.

Sumandal akong bahagyang sa magkakapatong na unan at napangiti na ako nang humiga


siya sa may malpit sa dibdib ko habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Rest your head in my arms," I said softly and he did, nang makitang komportable na
siya ay marahang sinuklay ko ang kanyang buhok at hinayaan siyang dalhin ang kamay
ko sa kanyang labi.

"How much did you know about my situation?" I asked softly.

"It's...severe and you have to undergo surgeries." He whispered. "That you often
have chest pains and shortness of breath but I didn't even know about it. Ni hindi
ko naasikaso ng maayos ang girlfriend ko."

"I chose to hide it because I don't want you hurting, I sounded selfish for keeping
this, yes, pero Atlas, hindi ko...hindi ko kayang nakikitang nasasaktan kayo dahil
sa akin. Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga mahal ko dahil sa akin."

"Hindi ako natutuwa sa ganyang mindset mo, Miss Argueles." He said strictly kaya
napangiti ako at mas hinaplos ang kanyang buhok. I kissed his forehead and touched
his hand playing with my palm.

"You're selfless, bibi, you know that?" I smiled. "You waited for me kahit 'di ka
naman talaga sigurado sa akin, I rejected you yet here you are...still around."

"Kasi mahal kita, Amalia." Aniyang seryoso. "What's the point of loving kung mga
ganitong bagay lang ay susukuan na kita?"
I smiled and touched his hair.

"I know you know about this, Atlas, but I asked the doctor about your dreams..." I
said at nakita kong natigilan siya at nag-angat ng tingin sa akin.

"What dream?"

"You...told me you want a family." I said and he froze but then nodded.

"Okay? What about it?"

"Sabi niya...which I know you have any idea now but I'm afraid o-our children might
inherit my condition if I got pregnant." I said, thinking about it hurt me but he
remained watching my expression. "And in some cases, m-minsan ang mothers daw with
CHD hindi pinapayagan ng doktor na magbuntis."

"I'm..." I sighed. "I'm afraid I couldn't give you a family."

"Ayon lang, Amalia?" he asked kaya nanlaki ang mata ko.

"Anong lang? Hindi lang lang iyon! Y-you said you want a family and I don't know if
I could give it to you and—"

"Is family just about children?" he asked kaya natigilan ako roon. "Do you think
kapag ikaw lang, hindi na pamilya iyon?"

"S-s'yempre, ano...mas maganda kung magkakaanak tayo, 'di ba, gusto mo ng mga
batang tumatakbo sa bahay natin—"

"You're my family, Amalia." He said seriously kaya natigilan na ako. "If we had a
child then it'll be a bonus, it'll be a gift for us. If our children might inherit
your condition then I'll do my best to take care of them, I won't study cardio if I
am not thinking about it..."
"Y-you're specializing cardio?!" my eyes widen and he smirked at me and shook his
head.

"I like how adorable you are, bibi, but I don't like your mindset of keeping
everything to yourself." He told me. "And why would I specialize something na hindi
ko naman magagamit sa pamilya ko? Of course, I would study something that could
help my future children and wife."

My heart soften hearing him telling me his plans.

"And not all children will inherit their parent's condition, Lia. I know you know
that." Aniya.

I nodded, "oo, pero kasi natatakot ako 'tsaka—paano naman kapag 'di ako pinayagan
ng doktor na magbuntis?"

"I don't like your reason, Lia. Hindi kita gusto pakasalan para anakan lang."
aniyang seryoso kaya napanguso ako.

"Pero kasi..."

"Children are bonus, Amalia." He lectured me. "It's a gift after marriage but if
God won't grant us children then I'd understand, there is a lot if ways to have
kids. We can adopt."

I slowly nodded, understanding him.

"And don't think too much of the future, darating tayo sa parteng iyan ng buhay and
we will decide for it together in the future." He told me. "What is important is
now and it won't hurt if you could trust me with your struggles too, Lia. I am not
your boyfriend just for display. I am here so you could count of me when you need
me."

While he's saying that ay napangiti na ako lalo.

"Why are you so admirable, Atlas? Hindi talaga ako nagsising nakilala kita." I
asked softly and he stopped, staring at me.
"Hindi mo ako madadala sa ganyan lang, Amalia—"

"Alam mo bang noon pa lang crush na kita?" I asked and I saw how his eyes widen.

"W-weh?" he stopped, his eyes widening.

"Grade 7," I told him and smiled. "Ano...no'ng nag-try out ka sa basketball tapos
no'ng tinulungan mo ako dati no'ng nasa mansyon niyo kami."

His eyes were so wide, "Shit, sabi ko na, eh. Palagi kitang nahuhuling nakatingin!"
he exclaimed and laughed. "Fuck, patay na patay din sa akin ang crush ko—"

"G-grabe ka sa patay na patay, h-hindi, ah!" I exclaimed and he smirked at me.

"Pero wala, mas nauna pa rin akong magkagusto sa'yo, Amalia. Mas magaling ako."

"Ako kaya ang nauna," I told him. "Grade 7 ako at Grade 9 ka! Oh, 'di ba? Mas nauna
ako."

"Let me remind you na we're two years apart so halos magkasabayan lang tayo?" he
smirked at me. "'Tsaka bago pa ako nag-try out sa varsity dati nahulog ka na sa
kanal!"

I froze. Bigla siyang ngumisi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Y-you! Bakit mo pinapaalala—" I was about to smack him but he was too quick,
nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang naiba ang pwesto naming dalawa.

My eyes widen when he's too quick to change our position, ngayon ay nasa itaas ko
na siya at magkalapit ang mukha.

"Atlas..." I whispered, gulping. He moved his face closer, halos magdikit na ang
labi namin kaya umangat ako pero mabilis siyang lumayo para 'di ko maabutan.

Kumunot ang noo ko at humawak sa kanyang shirt para sana hilahin siya pero inilagay
niya ang daliri sa labi ko para pigilan ako.

"Promise me first," he said and I gulped while staring at his lips.

"P-promise what?"

"Promise me you'll involve me in your life," he said seriously. "Isasama mo ako sa


mga desisyong para sa ating dalawa."

I slowly nodded, "one thing I'm hesitating about was the past." I muttered.

"What about it?" he asked.

"I wanted so much to marry you, Atlas." I told him. "But I remembered what happened
to my mother, I'm not saying that you'll be like that but...but you see, Atlas. She
was fooled two times by the two men she trusted. T-they made her a mistress and you
know...I-I'm sorry."

I thought he'd get hurt but he didn't, he smiled and nodded.

"I actually thought it might be the reason, hindi ko naisip ang tungkol sa anak.
Naisip ko ay ang tungkol kay Dad but this I can assure you..." he slowly lifted my
hand and placed it on his chest. "I may be every asshole but there's nothing much
truthful than my love for you, Amalia Argueles."

I felt emotional again at napansin niya iyon kaya umiling siya, "no, I don't want
you stressing. Don't cry because of me anymore, okay?"

"Okay..." I said, trying my best not to be emotional.

"I may be every jerk but I wouldn't be like my father." He told me. "I would never
trade the lifetime happiness with the woman I'm in love with to the artificial
happiness from other people."

That was so enough to make me feel good, hulog na hulog na ako pero habang
naririnig ito mula sa lalaking pinakamamahal ko ay mas nahulog pang akong lalo.

I pulled his shirt and crashed my lips with his, nakita kong nagulat siya pero wala
pang ilang sandali ay hinahalikan na niya ako pabalik.

My first kiss with him felt like it's happening again this time. Ang mga halik
siguro'y palaging unang beses ang pakiramdam kung ito ay mula sa taong mahal mo.

I hugged his nape, opening my mouth so he could kiss me back. It was so intense and
passionate, I can feel how the butterflies danced inside my stomach and my heart
thumped familiarly.

"E-excuse but it's your lunch." Mabilis kaming natigilan sa halikan, nanlaki ang
mata ko at napalingon sa gilid at nakita ang nakabusangot na mukha ni Nurse Lyka.

Atlas glanced at Nurse Lyka and nodded, "thanks, Nurse."

"A-alright..." she glanced at Atlas and smiled. Tumango si Atlas at sumubsob sa


aking balikat habang si Nurse Lyka ay kunot lang ang noong pinagmasdan ako.

I saw her rolled eyes at me kaya napanguso na lang ako nang tumalikod na siya at
umalis.

"Ang gwapo mo talaga, bibi, ano?" I asked.

He moved again and stared at my face, "ngayon mo lang nalaman?" he smirked.

I chuckled, pinisil ko ang kanyang pisngi at umiling. "D-dati pa naman..." nang


nanliit ang mata niya ay nag-init ang pisngi ko.

"Pero ayon nga, ang daming nag-aagawan sa'yo." I said.


"Uh-huh, papaagaw ba ang bibi mo?" he raised his brow at me.

"Hindi, s'yempre..." I slowly touched his nape to pull him closer to me. "Kasi
sa'kin ka lang."

He smiled, we kissed again like we haven't kiss enough earlier. Yapos-yapos ko pa


ang kanyang batok nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Anak, dumating na ba ang lunch—putang ina, bakit mo nilalantakan ang anak ko,
Montezides?!" sa sobrang gulat ay natulak ko si Atlas paalis sa aking ibabaw.

Nakarinig ako ng lagapak pero ang mata'y nanlaki lang nang makita si Dr. Sean na
nakatayo sa gilid at nakanganga.

"D-doc..." I muttered.

"A-anak?" halos mapatalon ako nang marinig si Atlas na nasa lapag bumagsak at hawak
ang balakang.

"Oo, bakit? I told you I'm a relative, right?" kumunot ang noo ni Doc, seryoso ang
mga mata.

"H-huh? But I didn't know—"

"Yes, Montezides. I'm the father. Alam kong kayo na but...why are you kissing my
daughter?!" tumaas ang kilay ni Doc.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Atlas, sa sobrang bilis ng galaw niya ay miski ako
ay nagulat nang bigla siyang napaluhod sa harapan ni Doc.

"P-papanagutan ko po ang anak niyo, D-doc!" he exclaimed and showed him his begging
hand.
It was a mix day for me, I was sad yet I am happy at the same time. Masakit man sa
loob ay kailangan kong tanggapin na may mga bagay talagang hindi para sa atin, na
hindi lahat ng bagay ay magiging pabor sa atin.

Maybe the love from those two men weren't meant for my mother but I know, inside my
heart that the love I have for my mother is meant for her. She deserved the love I
am giving to her because she became a good mother to me, she became a good example
kahit ang tadhana at pagmamahal ay hindi naging maganda sa kanya.

Isa pa, other than my mother. I admire Tita Marichu and Tita Beatrice so much
because despite the pain their marriage had, they still chose to stay strong for
their children. They remained fighting for the sake of their loving kids like my
mother. These woman fought so much for their off springs and I admire how strong
they are.

The things a mother could do for her children.

I was too sad but I have to accept the fact that my attempt to be a doctor would be
postponed again for the open heart surgeries I am having. My father presented to do
his best to help me the as much as he can at nahihiya man akong tanggapin ay alam
kong gugustuhin ng Nanay na mabuhay pa ako ng matagal.

I know she wanted me to continue my dream, not just for her and for the people I
love but for myself too.

I realized life's not a race, kung ang isang bagay ay para sa'yo, magiging sa iyo
iyon kahit anong mangyari. I might get delayed again but I know and wishing I could
surpass this challenge so I could continue my dreams.

I realized that I shouldn't compare my journey with other people because we have
different paces. P'wedeng nauuna sila at nasa hulian ako, p'wedeng nasa hulihan
sila at nasa unahan ako and what's important is someday, we will all reach the
finish line.

I smiled while staring at the results of the Physician board exam and my batchmates
were here. Kasabay ng Anniversary ng ospital ay ang paglabas ng resulta ng boards.

"Someday, ako naman..." I whispered to myself while congratulating them in the


comment section. "Someday it would be my time."
I stared at the Almighty's replica in the center of the room and smiled, closing my
eyes.

I want to live longer, God. Thank you for waking me up today.

I received a weird message from my friend on messenger kaya nagtaka ako.

Heart: LIA!!! Nasaan ang boypren mon ang makaltukan ko ng wanmilyon!!!!

"Bibi, bibi! Pa-open!" nagulat ako nang may narinig akong boses sa labas ng kwarto
ko sa ospital. I stood, inayos ang pajama na partner ang hospital clothes na suot
ko bago lumapit at binuksan iyon.

To my shock, halos lumuwa ang mata ko nang makita si Atlas na may yakap-yakap na
isang container ng...melon?

"What..."

"Tago mo ako, dali!" he said at gulantang pa rin ay isinara ko ang pintuan at


pinagmasdan siyang nagkukumahog na naupo sa may sofa, inilapag sa gilid ang
container na nangangalahati na at may hawak pa siyang plastic cup doon.

Napakamot ako sa kilay bago umupo sa tabi niya.

"Anong..." nahuli ko ang isang tungga niya ng bagong refill na cup kaya
napahagalpak ako. "What are you doing, bibi?"

"Huh?" he blinked at me and he looked so adorable with his dress shirt and doctor's
coat on, may duty ata pero nandito sa kwarto ko at lumalantak ng melon.

"Ano...'yan?" I glanced at the container.

"Melon mo?" aniya.


"Hindi ko 'yan melon," I chuckled, naalala bigla ang nangyari noon. "Ako lang ang
nagbigay ng listahan ng ingredients at nagturo kay Heart pero hindi ako ang
nagtimpla."

"Kahit na," aniya at muling kinuha ang sandok para refill-an ang kanyang cup.
"Basta, akin lang."

"Sa'yo lang?" I raised my brow.

"Sa akin lang ang melon mo." Aniya.

I burst out laughing, ngumuso naman siya at muling tumungga.

"Gusto mo, bibi?' he offered me the melon pero umiling ako, natatawa.

"Sige lang, mukhang kulang pa sa'yo, eh." Tawa ko bago pagmasdan ang container.
"Don't tell me...ikaw ang nakakakalahati niyan?"

"Hmm?" he hummed, napapahawak na sa tiyan at ngumuso.

"'Yon nga, eh! Kinontrata ko na si Puso para sa melon, sabi ko buong container sa
akin pero may pinag-serve-an siyang tatlo!" ngiwi niya.

I chuckled.

"Tss, muntik na nga na apat, buti na lang nagbanyo kaya natakas ko itong melon mo."
Aniyang desidido.

I chuckled, mukhang pinagpawisan pa siya sa pagtakbo niya sa container kaya lumapit


ako para punasan ang kanyang noo ng bimpo. He watched me while I do that, smiling.
Sinuklay ko rin ang buhok niya.

"Seryoso bang uubusin mo 'yan?" I asked and he nodded.


"Recipe mo ito, sa akin lang dapat ang melon mo." Aniya, palaban kaya natawa ako.

"Seryoso? Naalala mo no'ng high school?" nangiti ako nang matigilan siya.

"Oh? Wala akong naalala." Suplado siyang umirap kaya natatawa na ako.

"Talaga?" I asked. "Naalala mo no'ng inubos mo ang container ng melon tapos na-tae
ka?"

He glared at me, "akala ko ba secret iyan, Amalia? Bakit may throwback?"

I laughed, pinching his cheek.

"Bakit, wala namang ibang tao, ah? Secret natin pa rin." I smiled at him.

"Tss, hindi na 'yan. Hindi na ako matatae, Lia." Aniyang with conviction. "Melon
lang 'yan, Atlas ata 'to."

"Uh-huh, paano kung melon now, tae later?' I teased.

He glared at me, napatawa na ako roon at mabilis na tumayo.

"Okay, okay, sige..." I laughed. "Pero sinabihan na kita, ah? Bahala ka." I
chuckled.

"Hindi ako matatae, Lia. 'Di ako nag-almusal kanina kaya marami akong compartment."
He tapped his stomach.

"Sige na lang," I smiled.


"Sige, pustahan?" aniya kaya natawa ako at tumango.

"Sige ba," tanggap ko sa hamon niya.

I watched television while he's seriously finishing the container. Nag-aalala na


ako dahil baka pumutok ang tiyan sa pinanggagawa niya pero kapag nagkakatinginan
kami ay mayabang niya lang na tinataas ang kilay niya sa akin habang tumutungga.

Naku, Atlas, tignan natin.

Heart was ranting in the message, saying how stress she is when Atlas stole the
container.

Dumating ang lunch ko at nakita kong si Heart ang pumasok, masama ang tingin kay
Atlas na halos yakapin na naman ang container.

"Magnanakaw ka, bobo!" Heart hissed, halos itapon na ang tray kay Atlas kaya natawa
na ako.

"Binayaran ko 'to, ah? Tanong mo sa kasama mo sa booth!" Atlas said. "'Tsaka ayaw
kitang mag-serve sa akin, ang kaunti ng sahog!"

"Gago, binigay mo kanina sa akin limang piso kaya limang sahog lang, bobo!" Heart
hissed kaya mas napatawa ako. Sa takot na isaboy na ni Heart ang tray kay Atlas na
sige pa rin ang inom ay kinuha ko na ang tray kay Heart para makakain.

"Oo nga, kaya sa kasama mo ako bumili." Ani ni Atlas. "Mabait 'yon, pinagbigyan
akong isang container."

Napainom ako ng juice na ibinigay ni Heart habang nakikinig.

"Huh!" umirap si Heart. "Sinusumpa ko, boplaks. Matatae ka!" She said at halos
mabuga ko na roon ang iniinom ko.

Atlas glared at me at halos mapahagalpak na ako.


Truth be told, pagkatapos ko ng lunch ay napapansin ko na ang pagkakatulala ni
Atlas sa may tabi ko habang nanunuod kami ng TV.

I glanced at him and I almost laughed when I saw him blinking nonstop, biting his
lower lip. Nakita ko na ang pamumula ng mukha niya, wala na rin ang doctor's coat
niya dahil mainit daw kuno pero naka-aircon naman na kami.

I glanced at his stomach at hindi na ako nagulat nang bundat na iyon.

"So...kumusta ang tiyan natin diyan?" I asked and he glanced at me.

"I'm okay, bibi." He said. I touched his stomach and chuckled when I realized na
malaki na nga iyon.

"Really?" I asked and he hummed, nodding. Sumandal siya sa balikat ko, tahimik na.
I caught a glimpse of his arms and I almost burst out laughing when I saw him now
having goosebumps.

"F-fuck, ang lamig naman dito." Ani Atlas bigla na tumayo at nagpalakad-lakad sa
may gilid ko.

"Natatae ka na?" I asked and he pouted and shook his head.

"Hindi, ah." Suplado niyang sabi.

"Hmm, okay." Nagkibit-balikat ako.

I continued watching television while he's walking around in the room. I stopped
when I suddenly smelled something.

Mabilis akong napalingon kay Atlas na natulala pa pero umiwas at nagpalakad-lakad.


"Did you just..."

"Hindi ako umutot!" he exclaimed at me.

I stared at him seriously, sabay kaming napanganga nang marinig ko na ang hindi na
nakakagulat na tunog ng utot niya.

"Fuck..." he cursed and stood straight.

Ngumiwi ako, mabilis na kinuha ang unan.

"Dugyot ka, Atlas!" I exclaimed and threw him the pillow pero mabilis na siyang
kumaripas sa banyo.

"F-fuck, sorry!" he exclaimed at nang nasarado na niya ang pintuan ay bigla na lang
akong napatawa.

I expected it but I still can't stop my laughter, nakaabang ako sa kanya sa pintuan
para magbantay. I heard the door opened and I almost laugh again when I saw his
flushing face.

"Bakit?" I asked.

"I—uhm,b-bibi, p'wedeng p-pasabi sa Nurse diyan sa labas na pabili ako ng sabon."


Aniya.

"Okay," nagpipigil ng tawa kong sabi.

"Sorry," he cleared his throat. "Labyu, ano, uh. Sana mahal mo pa rin ako
pagkatapos."

Nagpigil ako ng tawa roon, "sana lamunin na lang ako ng bowl..." he whispered.
Nagtataka pa ang Nurse noong una nang nakisuyo ako ng sabon, she was so confused
kaya sinabi ko na lang na naubos na ang sabon sa banyo ko. When I got the soap,
mabilis kong kinatok si Atlas sa banyo.

"Atlas, oh." I chuckled at mabilis siyang dumungaw sa akin, nagpapawis na at


napalunok.

"T-thanks..." he said and took the soap. "F-fuck, nakakahiya." He vanished and I
chuckled while waiting for him outside.

He's so adorable and I'm so in love with him. All sides of him, the shy, the sweet,
the handsome and mostly...the lutang side.

Two days from now would be the first of my series of open heart surgery and the
doctors said it was so risky yet the only way to help me survive this.

Pagkalabas niya ay parang bata siyang napagalitan ng teacher dahil pabibo sa room.
Nakatayo ng diretso, nakalagay ang kamay sa likod at nakatungo.

I stood from my seat, lumapit ako sa kanya at nakita siyang namumula.

"Kumusta?" I ask, amused.

"I-ikaw na panalo sa pustahan," he sighed in defeat. "Anong ipapagawa mo sa akin,


kamahalan?"

I smiled, "tingin ka muna sa akin."

Hesitantly, he stared at me with his blushing and embarrassed face kaya ngumiti
ako.

"Dahil natalo ka, may ipapagawa ako sa'yo." I said.

"What?" he asked.
"Marry me, today." I smiled at him.

Halos mahulog ang panga niya sa panlalaki ng mata niya. He was about to react pero
sabay naming narinig ang pagtunog ng tiyan niya.

"F-fuck, wait..." he puffed his breath. "Last one!"

Napatawa ako nang hawak ang pang-upo niya ay tumakbo siya sa banyo.

"Bibi, pasuyo naman ng Diatabs!" he exclaimed kaya nasapo ko na ang mukha para
pigilan ang tawa.

Wearing a simple white dress from my clothes in the hospital, we had a short notice
wedding. Ang pari sa simbahan sa ospital ay madaling nakausap ni Atlas. My father
was so shock na muntik pa siyang mahulog sa upuan niya nang sabihin namin ang
biglaang desisyon.

I don't know why I am so excited today, it was so sudden too but I want to do this
as soon as I can. I want Atlas to be happy, life is so uncertain and I want to
fulfill one of his wishes.

With only a couple of guests and a priest, it was one of the most especial occasion
in my life. It's funny paanong nanghiram lang si Atlas ng coat kay Tatay habang
nag-aantay sa kabilang dulo ng altar.

Heart took flowers from the hospital's garden for my simple bouquet, she even fixed
my hair and I chuckled while watching our guests wearing scrub suits, tanging si
Josh lang na galing pa sa trabaho ang nakashirt.

The familiar song from the background played while I'm walking in the aisle where
he is waiting. I saw Josh beside him, nakita ko ang boyfriend kong malaki ang ngiti
pero hinahawi na ang luha sa mga mata.

You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

"I can't say anything negative to that man, anak." Ani Tatay na nasa tabi ko at
hinahatid ako sa altar. "Bukod sa luting ata pagdating sa'yo."

I glanced at him and smiled.

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

"I-I hope it's okay with you, uh, this sudden wedding, Tay." I smiled softly.

"Matagal ko ng kilala si Louis, anak." He smiled at me. "He's a better man than me,
he's great. Masaya akong nand'yan siya at ang mga kaibigan niyo noong panahong mag-
isa ka. Kahit naman may pagloko ang batang iyan, alam kong mapagkakatiwalaan ko
'yan."

We reached the aisle and I was so happy and felt like crying the moment I saw the
man I love waiting for me.

Heart is my bridesmaid, pagkarating namin sa dulo ng aisle ay iyak ng iyak ang


kaibigan ko.

"I-I'm so happy," she cried while hugging me.

"Thank you, Heart." I muttered while hugging her. "I love you."

"I-I love you too!" ngawa niya at kung hindi pa kuhain ng natatawang si Josh ay 'di
pa tatahimik. "L-loka, nauna pang ikasal ang Amalas sa atin, Joshua!" she
exclaimed.
"Congrats, Lia." Josh smiled.

"Thank you," I muttered, inangat niya ang phone at nagulat ako nang makita si Ted
sa Facetime.

"Lia, congrats! Sana nand'yan ako!" he exclaimed.

"Thank you, Ted!" I said happily.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

I saw Atlas talking to my father and when my father gave my hand on his palm, I
felt nothing but contentment. We both smiled at nang makita kong nahulog ang luha
sa kanyang pisngi niya ay marahang pinalis ko iyon.

"I love you, Atlas." I smiled at him.

"I love you too, bibi ko." He smiled back. "Thank you for fulfilling my wishes, my
baby."

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song


Hand in hand, we walked towards the priest who's waiting for us, smiling widely.

"Wala talagang makakapigil sa taong nagmamahalan, the love destined by God stays no
matter what happen." He smiled at us. "Any rings?"

Natigilan kami ni Atlas at nagkatingin.

"I...shit, I forgot the ring sa unit ko." He muttered.

"I knew it!" biglang nagmartsa si Heart hawak si Josh kaya natawa ako. "Josh, hubad
ang singsing!"

Josh was chuckling while removing their engagement ring, halos maluha naman ako
habang nakikitang kinukuha rin ni Heart ang singsing niya at inilalahad sa amin.

"Oh, be happy, okay?" she smiled and showed us their rings. "Basta, boplaks.
Palitan mo 'to, times two presyo!"

"Oo na, sige." Her cousin answered.

We both chuckled, mabilis akong yumakap kay Heart.

"Thank you," I whispered to her.

"Welcome! Basta masaya ka at si bobo, masaya na kaming lahat." She whispered.

The wedding even if it's so sudden is one of the kind.

"Atlas Louis Montezides," I muttered while pushing the ring on his finger. "I love
you so much, simula noon hanggang ngayon. Even if I was young, this heart yearns
for you. This fragile but brave heart loves you so much, ikaw lang. Thank you so
much for your patience."
My tears fell and I saw how Atlas is crying too, pulang-pula na ang ilong niya.

"Thank you for staying with me, for being understanding...thank you, Atlas, for
being you." hinawi ko ang luha. "I couldn't promise you that much but I promise to
be brave for you, I promise to do my best not to lose hope. Mahal na mahal kita. I
love every sides of you, k-kahit 'yong pang-palpak."

Narinig ko ang tawa niya roon pero hinawi ang luha at inangat ang singsing,
nanginginig ang kamay.

With you, I fall

It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall

With you, I'm a beautiful mess

It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge

"Bibi ko, alam kong bawat update ko palpak pa rin..." he started kaya natawa na ako
sa kabila ng aking mga luha. "I-I know I wasn't perfect, I have glitches and bugs
kahit ilang update na but I assure you I'm doing my best to be the best version
every time I update. Tho, please expect an auto-bangag update."

I chuckled while nodding.

"Well, I don't know what to say since this is so sudden. Parang natae lang ako
kanina tapos paglabas ko ikakasal na tayo..." suminghot pa siya.

Narinig ko ang hagalpak ng mga tao roon, lalo na si Heart.

"But I just wanted to say that I am in love with you Amalia Lorraine Argueles, in
this lifetime and the next. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito." He
muttered. "I just wanted to thank you for listening to me, for having a brave heart
for facing your fears and challenges in life. Thank you for giving me a chance to
be a part of your life."
He sighed, mas nahulog ang kanyang luha habang inilalagay ang singsing sa aking
daliri.

"I may not be perfect but I promise to do my best to love you, to provide for you.
Even if I'm weak at times, I promise to be tough despite it...for you. I would be
the shoulder you can cry on. I could be your bibi forever." He sighed and smiled
when he successfully gave me the ring.

"Amalia Lorraine Argueles-Montezides, I just want to tell you na ikaw—ikaw ang


mundo ko." He smiled despite the tears, napapasinghot na rin siya.

I sobbed, nakita kong nanginginig na ang kanyang labi roon bago nagsalita pang
muli.

"Always remember na kay Bibi Lia lang ako magpapayanig," he said, seryoso pero
umatras ata ang luha ko nang sa pagsinghot niya ay maliit na lumubo ang sipon niya.

We burst out laughing, halos hindi na matigil ang tawa ko at ng mga bisita roon
buong kasal kaya mas napaiyak si Atlas sa kahihiyan niya dahil sa sobrang pag-iyak
at ang simpleng kasal na iyon ay ang pinakamaganda at pinakamasayang ala-ala sa
akin.

It was like the calm after the storm, it was the rain after the sunshine. Ang
buhay, hindi lamang puro saya at may mga pagkakataong gagawin ng tadhana ang lahat
para ikaw ay sumuko na.

My surgery is making me weaker and weaker each day but my husband stayed with me as
much as he could. He'll sleep in the hospital room with me after his tiring duty,
he'll feed me always and tried making me happy every day.

There was a time I almost died during my surgery, I went into shock that I
flatlined but survived but when I woke up, I felt weaker.

Ang sabi ng doktor ay normal lang na manghina ako dahil sa surgery, I was so
fragile and weak yet they're saying my heart is so brave to survive for the first
surgery.
I wanted so much to hope but the next surgeries would be more risky now and I am
not sure if I could still make it. I wanted to make sure I wouldn't leave my love
ones hoping for me so I decided to write everyday every time God would grant me
another day of waking up.

Yakap-yakap ko habang nakahiga sa kama ang notebook ko simula noong high school pa
ako, it was the notebook where I used to write all my unforgettable moments with
Atlas and my friends, hanggang ngayon nga ay narito pa rin at nakaipit ang rosas na
ibinigay sa akin ng asawa ko noong bata kami.

I am still praying and hoping that I'd survive this, I am still hoping to have more
decades to come with my husband, friends, love ones or even children but I should
balance myself and not only hope.

Ayokong iiwan ko ang asawa kong umaasa sa akin kaya nagsulat ako na hinihiling ko'y
sana ay h'wag niyang mabasa dahil malalagpasan ko ito.

"Bibi..." I called him while he's lying beside me on the hospital bed, ang ulo ko
ay nasa kanyang braso, ang kanyang kamay ay nasa gilid lamang para hindi masagi ang
aking dibdib.

He's sleeping soundly, he just helped in a twelve-hour surgery kaya pagod na pagod
ang asawa ko at pagkarating sa akin ay humalik, saglit na naglambing at mabilis na
nakatulog.

"Atlas Montezides," I whispered his name, glancing at his closed eyes while slowly
touching his nose. "Mahal na mahal kita."

I smiled while looking at him, marahang binaba ko ang ulo para hagkan ang kanyang
labi bago bumulong doon.

"I just want to tell you na...ikaw din. Ikaw din ang mundo ko." I whispered,
marahang kinuha ko ang notebook na matagal ko nang itinatago at marahang inilagay
sa tabi ko.

I felt my chest hurt, medyo bumilis ang aking paghinga roon kaya pumikit ako ng
mariin. I slowly took my husband's hand and brought it on my lips to kiss the ring
that's binding us together.
"Mahal na mahal kita, mundo ko." I whispered.

I felt my body started feeling numb, mas sumakit ang aking dibdib at nang medyo
nagdilim ang paningin ay pumikit ako at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. I
closed my eyes when my hearing started fading, mas bumilis ang paghinga ko at mas
yumakap sa aking asawa, inaalala ang mga salitang isinulat ko para lamang sa kanya.

To the bravest man I know,

Goodbye.

Chapter 33 - Wakas

Are your brave hearts ready?

Hello, Archers! This is Peñablanca Series #1: Brave Hearts' Wakas! I hope you had
fun reading our Amalas couple and of course, our Lipat Bahay Gang! I hope this
story left lessons inside your heart you can always bring everywhere. I hope this
story made you smile and...hehe...cry.

Note: Alam kong may iba diyan na binabasa muna ang ending ng chapter bago magbasa
(nakikita ko kayo) pero masama iyan, kaibigan. HAHAHA! Char, pero kung ako sa'yo
h'wag mo basahin ang huling part kaagad at i-spoil ang sarili. Enjoy the story and
let's cry together (umiyak ako habang nagsusulat lols)

You can join our twitter party later! Use the hashtags #BraveHeartsWakas
#AmalasHulingYanig Hahaha! Enjoy! hehe.

See you sa next story! (Darupok...ehem.)

---

Wakas

"Bobo ka ba?" my cousin started ranting when we got inside the car.
"Hindi, ikaw, bobo ka ba?" I fired back, may nang-aasar na ngiti.

She glared at me, I smirked at her. Pasigaw na siya para dambahin ako kaya mabilis
kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

Sa pagsara ko ng pintuan ng kotse ay nakarinig ako ng kalabog. I burst out laughing


when her head got smacked on the window's glass. Nakita ko ang pagsapo niya ng noo
at pagsigaw sa kotse.

"Buti nga!" I laughed, stucking my tongue out.

"Boplaks ka! I hate you!" she screamed exaggeratedly inside while knocking on the
glass window.

I smirked at her, nakikita ko ang pagtakip ng driver ng tainga sa loob ng kotse


dahil sa eksaheradang pinsan ko at mas napatawa na ako.

"Ano 'yan, Cap? Bakit mo na naman inaaway si Puso?" may tumapik sa balikat ko, sa
paglingon ko ay nakita ko si Josh na ngumiti sa akin.

"Josh! Josh!" biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at sumungaw si Heart.

"Hello," I saw Josh smiled at her.

"Pakisapok nga iyang pinsan ko at—"

"Ang ingay." Reklamo ko at tinapik ang kaibigan. "May kukunin lang ako sa room,
nakalimutan ko 'yong bola sa practice."

"Sapukin mo, Josh—" Heart groaned pero ngumiwi ako sa kanya at doon na kami
nagtagisan ng tingin na dalawa.

"Sa try out ba, Cap?" tawa ni Josh sa tabi ko kaya bumaling ako at tumango.
"Oo, sandali, punta na ako at baka isarado na." I told him, "kausapin mo muna 'yang
pusong bobo na 'yan nang matahimik."

Heart is still ranting when I left them, nasa labas na ang sasakyan nang maalala ko
ang bola na gagamitin namin bukas para mag-practice sa try out ng varsity kaya
galit iyon at pinatigil ko ang sasakyan. I, like what they've been saying will be
the team's captain ball.

Shy nga ako noong una pero pinagpilitan nila na magandang ako ang mamumuno kahit
practice pa lang namin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero bukod sa gwapo ako, may talent talaga ako sa
basketball. Perfect combination, ika nga ng mga may crush sa akin.

Nadaanan ko ang palamig sa may labas ng university, gusto ko sanang pandan pero
melon na lang ang natira at 'di man mahilig sa melon ay p'wede na, bumili ako ng
limang piso bago pumasok na sa school grounds para magtungo sa klasrum nang may
makita akong grupo ng estudyanteng tumatakbo sa may gilid.

"Ayon, oh! Lia! May pogi!" I heard one of the girls said kaya napahawak ako sa
dibdib.

Ay, ako?

"Talaga? Saan?" the paper white lady then answered, natigil ako habang nakatingin
sa kanya, nakatagilid sila sa akin kaya hindi ako napapansin.

I saw only half of her face pero pansin kong siya ang pinakamaputi sa kanilang
lahat at may bangs pa.

"Oo, doon! Tara!" the other girl said kaya ngumuso na ako kasi hindi pala ako 'yong
pogi.

Malabo ata mata nila.


Para akong tanga pero nakatayo lang ako habang pinapanuod sila sa halip na pumasok
para kunin na ang bola, umiinom pa ako ng melon na parang nanunuod ng sine.

The girls with her ran, tumigil sila sa may sulok malapit sa kanal kaya nagtaka ako
dahil pader naman iyon at walang pogi.

To my shock, tinulak siya noong isang babae sa may kanal. Parang slow motion ang
paghulog niya at umangat pa ang bangs kaya nabuga ko ang palamig na iniinom at
natawa.

The girls laughed when she fell, "buti nga sa'yo! Feeling mo kasi kaya mo nang
makipag-friends sa amin porket ka-seatmate ka?!"

The girls laughed and ran, ang kaninang ngisi ko sa itsura noong maputi ay nawala
nang makitang marahang inaangat niya ang sarili sa kanal, nakatungo at paiyak na.

I suddenly felt bad for laughing. That was so rude!

Sinapok ko ang ulo ko, nagulat pa ako nang nawe-weirduhang napatingin sa akin ang
mga Grade 8 kaya para itago ang kahihiyan ay ngumiti ako, 'yong ngiting pang-gwapo.

They stopped for a while, I saw how their eyes soften and they began giggling.

"Hi, Atlas!" they waved at me.

"Hi, excuse, ah?" I smiled back, dinurog pa ang plastic cup na walang laman para i-
flex ang muscles ko.

"Ay..." hagikhik nila roon at ngumiti lang ako, kumindat pa bago tumakbo sa
basurahan para itapon ang plastic cup.

I saw the girl having a hard time lifting herself up, hindi naman kalaliman ang
kanal at kitang-kita ko pa rin ang kalahati ng katawan niya pero siguro sa
panghihina ay 'di na makaayos. I saw her crying a bit now and the humor inside me
vanished, all of it and I found myself walking towards her direction.
"Here," I said and immediately showed her my palm.

She's definitely crying now, I saw how her cheeks are flushing, dahil maputi ay
kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang ilong, taas-baba pa ang balikat.

She glanced at me and her black eyes made me feel worried more about her. I
suddenly have the guts to scold those kids who pushed her here.

Those innocent and soft black eyes looked so fragile that I think she'll break in
one wrong move.

She hesitated for a while kaya ngumiti ako, "here, come on. I'll pull you up."

"H-hindi mo ako ihuhulog kapag h-hinawakan kita para makaakyat?" her shaking voice
stopped me, natigilan ako sa kanyang tanong.

"Huh?" I asked, nagtataka. "Of course not, why would I push you back?"

Napalunok siya, nakita kong nagbaba siya ng tingin at tumango. She lifted her hand
and I immediately took her palm and pulled her up to me.

I immediately smelled the foul odor from that thing where she fell and I heard her
sniff.

Bumaba ang tingin ko sa paa niyang maitim dahil sa pagkakahulog at nag-alala ako.

"Are you—"

May sinabi siya na hindi ko kaagad nakuha at nagulat na lang ako nang biglaan na
siyang tumakbo paalis sa harapan ko at pumasok sa university.

That was the first time I saw her...or not. I don't know, baka 'di kami
nagkakatagpo lang or nagkakasalubong na pero hindi lang maalala ang isa't-isa.
May mga ganoong pagkakataon talaga, may mga taong makakasalamuha mo ng ilang beses
pero hindi mo maaalala na nakita o nakasama mo na unless may isang pangyayaring
magaganap na magtatanim sa'yo ng ala-ala ng isang tao and that's mine. That's my
memory of her.

Ang babaeng nahulog sa kanal.

I realized they've been going to our plantation for a couple of times now. I am
really not that interested with it, si Kuya Hunter lang ang madalas doon
pagkagaling sa rancho at ako nama'y madalas lang na kasama ang barkada na kung
hindi maliligo sa falls ay magpa-practice ng basketball.

That's when I decided na medyo magpapansin. Kanina ay pa-simple lang akong


tumutulong at hindi siya nakakausap pa pero ngayon ay nag-decide na akong tumulong
muli at magsalita kahit papaano.

I saw her carrying something heavy towards the truck, sigurado akong ang mga na-
harvest iyon galing sa aming plantation. I saw her glanced at me a bit while
walking pero kaagad na nag-iwas nang makita akong nakatingin, she's just wearing a
simple black shirt and pants yet she looks so angelic and beautiful.

I can't see her carrying those heavy things anymore kaya mabilis pa akong naglakad
palapit sa kanya. Mabilis kong sinalo ang hawak niya at nakita ko kung paano siya
matigilan at matulala sa pagkabigla.

"A-ako na—"

"Let me, Miss." I smiled at her, lifting it with my one hand and took the heavy bag
towards the truck waiting for her.

"Oh, salamat, hijo!" sumaludo pa sa akin ang matandang naroon kaya ngumiti ako at
tumango.

"Walang anuman po," I smiled and slowly glanced behind me.

To my shock, the beautiful woman is still following me, nakita kong nakatitig siya
sa akin pero nang lumingon ako ay namula siya at mabilis na tumungo.

I smiled inwardly, nakakahiyang natutuwa ako sa kilos niya kaya binasa ko na lang
ang labi para magseryoso.

"May dadalhin ka pa, Miss?" I asked.

She lifted her gaze at me and her eyes made my heart thump. I love how she looks so
much soft and untouchable.

Umiling siya ng bahagya sa akin at muling sumulyap sa mukha ko.

"Thank you..." she whispered, her cheeks still flushing.

Nakita ko ang porselana niyang kutis na medyo naging tan sa ilang araw na pagtulong
sa Nanay niya ata rito sa plantation ngayong break. Medyo nag-aalangan akong
napapaso ang kanyang kutis sa init kaya ngumiti ako.

"Silong ka muna, Miss, at mainit." I told her casually.

"Uhm..." nahihiyang tumango siya, marahang hinahawi ang kanyang buhok. "Ikaw?"

"Hindi na," I smiled at her, "mangangabayo pa ako, eh. Dito sa rancho."

She nodded at me, I saw how her chinky eyes smiled when she did kaya parang tumalon
ang puso ko. I've been watching her silently these past few months kaya alam na
alam ko ang ganyang ngiti niya.

The smiles she has where her eyes are almost disappearing is a sign that she's
happy but I don't wanna scare her off if I talk more and she'll find me creepy kaya
tumango na ako.

"Sige, bye." I said and brushed my hair.


She nodded at mabilis akong tumalikod at nag-jog paalis pero gusto ko siyang tignan
pabalik kaya lumingon ako. I saw her staring in the ground, unmoving, nakita ko ang
paghawak niya sa dalawang pisngi kaya napangiti ako.

How adorable.

Amalia Lorraine Argueles. Chinky eyes, long black hair, patrician nose and those
red cupid bow's lips. She's really an eye candy.

I don't get it why there are people who doesn't like her. In just observing her, I
know how much soft and kind-hearted she is. Nahuhuli ko nga siya minsan na bumabati
sa guard pagpasok at pag-uwi, nakita ko nga rin siya minsang nagmano sa isang
tricycle driver kaya I don't get it why no one wants to befriend her.

I saw a man went on her direction, mukhang ka-grade niya. The boy sat beside her in
the bleachers habang nagpapahinga kami sa game. I saw the boy called her attention
kaya kumunot ang noo ko. He told her something and Lia stopped, nakita kong umiling
siya at may sinabi at nakita kong umalis na 'yong totoy.

I smirked when the boy went away.

Binabawi ko na pala, okay lang din na wala masyadong umaaligid sa kanya. If I saw
her around with boys ay baka bigla akong magpapansin na lang at tuluyan na talaga
siyang ma-creepy-han sa akin.

She glanced back to the court and our eyes met. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang
mata roon nang makita ako...o ako ba? Nag-a-assume lang ba ako?

"Ganda, Atlas?" I heard a voice beside me.

"Sobra..." I muttered.

"Ah, kaya pala nagpabibo ka sa game kanina at natalisod, ano?" I froze when I heard
that, nawala ang tingin ko kay Lia at napatingin sa tabi ko at nagulat nang makita
si Coach na ginagaya ang paghalumbaba ko.
"G-grabe, Coach! Hindi, ah!" I exclaimed.

He smirked at me, "weh? Kada practice natin at nand'yan si ganda nahuhuli kitang
pabida, eh."

Kumunot ang noo ko, halos napatayo na.

"Coach, 'di nga!" I defended.

"Oh?" he smirked at me. "Anong pangalan niyan? Junior ata 'yan, ah?"

"Aba, ewan ko." I said, nag-iwas ng tingin at nanuod ng game na lang.

Naririnig ko ang halakhak niya, kumunot lang ang noo ko at pinagmamasdan ang galaw
ng team. Nagkamali pa si Ted ng hagis at sa halip na kay Josh ay sa kalaban niya
naibigay.

"Ay, inunahan ka sa crush mo, may manliligaw ata."

"Saan?!" sa sinabi ni coach ay mabilis akong napabaling sa bleachers. Kumunot ang


noo ko nang makita si Lia na wala namang kausap at napatakip lang ng bibig nang may
nakita sa naglalaro.

"Huli ka! Crush pala, ah..." mabilis akong napalingon kay Coach na ngumisi sa akin.
"Hoy, team, may crush 'tong pabibo niyo Captain." Biglang tsismis niya sa katabi
kaya suminghap na ako.

"Coach!" I hissed, glared at him pero tumakbo na siya papunta sa court at


napasimangot na lang ako nang makitang kausap na niya ang pinsan kong bobo.

I saw Heart glanced at me with an evil grin and I know, this would be fucking
messed-up now that they know about Lia.

Hindi na nga ako nagulat, starting that day, Heart began bugging me about Lia.
"Ikaw, huh? Anong ginagawa mo rito sa library?" halos mapatalon ako sa gulat nang
lumitaw si Heart sa tabi ko, sinundan ko kasi si Lia dahil nakita ko kaninang nasa
clinic lang siya matapos isugod.

I got worried so I waited until she went out at dito siya dumiretso kaya i-che-
check ko lang.

"Hoy, boplaks!" halos pumitik na ang pinsan sa mukha ko.

"Oh?" I glanced at her, annoyed that I can't focus to my Amalia.

"Sabi ko...anong ginagawa mo rito? Tinatawag kita kanina 'di mo 'ko pinapansin,
kailan ka pa naging studious, ah?" she raised her brow.

"Nagbabasa ako." Tipid kong sabi.

"Oh? Kwento mo sa turtle, 'yong libro mo baligtad." She said flatly.

Nagulat ako, mabilis akong napasulyap sa librong hawak at nagulat nang baligtad nga
pero tumikhim ako.

"Special talent 'yan, bobo." I told her kaya ngumiwi siya, hinawi ang buhok at
kinuha sa akin ang librong hawak.

"Tss, anong connect ng Kwentong Pambata sa atin—" she then stopped when she saw
what I was looking. "Ah-huh! 'Yong crush mo—"

I panicked, mabilis kong tinakpan ang bibig niya kaya natahimik siya sa tabi ko.

"Quiet!" I hissed quietly. I can hear her voice as she was speaking, hindi ko nga
lang maintindihan dahil nakatakip ang kamay ko sa bibig niya.

She slapped my arm.


"Shh!" I hissed, mabilis na nilingon si Lia na nakapikit habang nakasubsob sa
kabilang mesa, katabi pa ang librong kanina ay binabas, nakita ko ang pagkunot ng
kanyang noo roon pero nanatili pa ring nakapikit.

"Hmm! Hmp!" isang kurot ni Heart ay napangiwi na ako at tinanggal ang kamay ko sa
bibig niya. "Nak ng pucha...hindi ako makahingang boplaks ka!"

I glared at her, ipinunas ko ang kamay sa pantalon at ngumiwi.

"Ano ba 'yan, kadiri naman 'to, may laway pa!" I hissed at her quietly and she
frowned at me.

"Gagi, mabango hininga ko, mint 'to!" huminga pa siya sa harapan ko kaya ngumiwi
ako at hinawi ang mukha niya.

"Kadiri ka, lumayo ka nga sa'kin." I hissed when she smirked at me. Umirap ako,
bumaling akong muli kay Lia na tahimik na nakatagilid ang ulo sa lamesa at
nagpapahinga.

I smiled while looking at her. She's like an angel, innocent and soft in any angle.
I love how she smiles at simple things, sa tagal kong tahimik na pagmamasid sa
kanya ay napansin ko ang pagkahilig niya sa library. She's fond of reading and
studying, kapag may oras naman siya ay madalas ko siyang nakikitang tahimik na
nanunuod ng game or practice game ng basketball.

She's often alone and she barely have people around her, naalala ko noong tinulak
siya sa kanal ang I think that's one of the reasons why she's somehow aloof of
people. Kapag mag-isa rin siya ay mahilig siyang magtungo sa chapel. She'll spend
five to fifteen minutes inside just to pray.

I smiled at that.

"Alam mo, ang tagal mo ng tinitignan lang si Lia. Why don't you make a move, huh?"
kinalabit ako ni Heart.

"Ako?" natawa pa ako. "I don't think she'll notice me, Heart. 'Tsaka mahiyain siya,
baka matakot sa akin."

"Sa bagay..." I glared at her when she looked at me as if judging me. "Sa mukhang
'yan ako rin magdududa."

"You..." halos kaltukan ko na siya kung hindi lang may dumaan na teacher at
pinagmasdan kaming dalawa habang naglalakad sa gitna.

"Tss...mga bata nga naman, hindi daldalan ang ginagawa sa library." Ani ng teacher
sa amin. "Magpinsan nga kayo." She shook her head.

"Sorry po," halos magkapanabay na sabi namin ni Heart at umiling lang huli at
nilagpasan kami.

Noong mawala siya, sabay kaming nag-make-face ni Heart bago natawa at napailing.

"So, seryoso nga, Atlas. You should at least try and talk to her, malay mo naman at
kausapin ka rin."

"Nahihiya nga ako," I told her. "'Tsaka baka sabihin niya ay trip ko lang siya."

"Eh, bakit? Trip mo lang ba talaga?" seryoso niyang sabi sa akin. "Alam kong maloko
ka, Atlas, but I won't like it if you'd do something to her. She's a gentle soul,
hindi ko man ka-close si Lia ay mabait 'yan kaya humanda ka sa'kin kapag..."

"She's different with my flings, Heart." I told her seriously. "I like her."

"Uh-huh?" she raised her brow at me, "eh, bakit ayaw mo lapitan?"

"Kasi nga nahihiya ako," I told her.

"Tss, sa bagay...I want to be her friend, you know? Anya and the girls are
quite...you know, I know they talk about me when I'm gone. Atsaka baka sumipag ako
at tumalino." She shrugged and glanced at Lia sleeping peacefully in the other
table. "Ang talino niyan, Atlas, alam mo ba? Madalas nauuna magpasa ng activity
tapos highest. Tignan mo at may libro sa gilid, ganyan dapat nga ang mga type mo
para 'di ka na bobo."

"Ikaw din," I pointed out. "You should date studious people, mga boyfriend mo ata
mga fuck boy. Tinatanong na ako ni Tita kung may boyfriend ka raw ba ngayon."

"Anong sabi mo?" she asked.

"Sabi ko, ewan ko." I told her. "Bait kong pinsan 'no?"

"Aww, oo nga..." plastic siyang ngumiti sa akin. "Sige na nga, tulungan kita kay
Lia. I wanted to be her friend, anyway." She smiled at me.

"Thanks!" I laughed, "libre ka raw mamaya ni Josh ng palamig sa labas!" nag-apir pa


kaming dalawa.

Nakikipag-text si Heart at tulog pa rin si Lia kaya umub-ob ako sa lamesa at


pinagmasdan siya. She was looking my way while sleeping and I am looking at her,
parehas kami ng pwesto sa lamesa at magkaharapan kaya medyo kinikilig ako.

Meant-to-be ata talaga kaming dalawa.

I lifted my hand, fitting her beautiful face with my fingers and I smiled.

Ang ganda-ganda ni Amalia.

She suddenly opened her eyes, parang may sumabog na bomba sa utak ko nang
magsalubong ang mata naming dalawa at nahuli niya akong nakatingin. I saw her eyes
widen, mabilis naman akong napamura sa isipan at nag-panic.

Mabilis kong ipinaling ang ulo ko sa may pwesto ni Heart para 'di na nakaharap sa
kanya pero sa sobrang panic ko ay malakas na humampas at lumagapak pa ang mukha ko
sa lamesa sa biglaang pagpaling ng ulo.

Sa tahimik na library ay umalingawngaw ang pagtama ng mukha ko sa lamesa.


"What the..." Heart muttered.

"Fuck..." I cursed under my breath, blushing so hard in embarrassment.

"Mr. Montezides, are you okay?" halos masapo ko ang mukha nang marinig ang boses ng
librarian habang papalapit, ang puso ko'y lalabas na ata sa dibdib habang naririnig
ang heels niya.

Nagkatinginan kami ni Heart, pinanlakihan ko siya ng mata, mabilis akong pumikit pa


para magpanggap na tulog.

Fuck, fuck! Sana lamunin na ako ng lupa!

"Miss Heart, ayos lang ba si Atlas?" narinig kong tanong nito sa pinsan ko.

"P-po? Ah, opo, ano tulog kasi, binangungot ata kaya nagulat." Paliwanag ni Heart
kaya hiyang-hiya na ako, hindi sa mga tao kung hindi kay Lia na wala akong ideya
kung anong reaksyon.

Parang mamatay na si Heart kakatawa nang makalabas kami sa library, I pretended to


be asleep for thirty fucking minutes para mapanindigan ang bangungot kuno ko at
magdidilim na nang makalabas kami.

Amalia isn't there anymore when we left the library, tinawag kasi siya ng Nurse
kaya 'di na namin naabutan at dahil tulog kuno ako ay hindi ko na nagawa. I was so
frustrated and embarrassed at tawang-tawa naman ang pinsan ko.

"Alam mo bang I saw her face and she looks worried," ani Heart sa akin kaya mabilis
ko siyang nilingon.

"W-weh?" my eyes widen.

"Oo, pero medyo natawa siya..." my shoulders fell. Humagalpak na naman ang pinsan
ko. "Pero oo nga, pagkatapos no'n mukha siyang nag-aalala, gusto pa nga atang
lumapit at tingin ng tingin kaya nginitian ko. Ngumiti siya sa akin pabalik!" bida
niya kaya ngumiwi ako.

"Sana everybody." I frowned at her at tumawa siya at tinapik ang balikat ko.

"Ikaw kasi, h'wag kang magpa-panic." Tawa niya. "Pinsan kita pero gusto kong
sabihing nakakahiya ka."

I rolled my eyes, "kasalanan ko bang natataranta ako? Si Lia 'yon, Heart!"

"Sus, tinignan ka lang, eh!" tawa niya, "alam mo nga dapat may theme song ka kay
Lia."

Natigil ako at pinagmasdan siya, "ano?"

"Sa isang sulyap mo, bumalentong ako, para bang himala ang lahat ng ito!" she
suddenly sang, humawak pa sa dibdib na parang makata kaya tinambangan ko siya.

She burst out laughing, sinipa niya ang paa ko at nailing.

"Pero seryoso, may kanta ako sa inyo..." ani Heart na ngumisi.

"Seryosohin mo 'yan, ah? Kapag ikaw..."

"Oo, ito. May kanta ang title niya Buko, ibig sabihin Buhay Ko." Aniya at mukha
namang seryoso na siya kaya tumango ako, nangingiti.

"Oh? Tapos?"

"Sa inyo, Boko." Aniya kaya kumunot ang noo ko. "Bobo Ko."

"Puso!" I hissed loudly pero tumakbo na ang pinsan ko.


Meeting Amalia was my one-of-a-kind experience. We were once strangers, hindi alam
kung sino ang isa't-isa, hindi alam kung anong magiging parte sa buhay ng bawat
isa.

We were once strangers but because of silly instances, our paths decided to crossed
each other.

I saw her in her worst state and she saw mine. I'd never forget how she fell on
that dirty hole while she saw in my worst times...well, a countless times already
kaya hiyang-hiya na ako sa sarili at dignidad kong ako mismo ang tumapak sa
kahihiyan.

"Hoy, gago, dito sa may library sa floor natin pupunta ang mga Grade 10!" halos
mapabalikwas ako sa pagkakasalampak sa upuan nang marinig ang usapan ng mga kaklase
kong naiwan din sa classroom dahil cleaners kami.

Ako ang leader kaya chill lang ako pero nang marinig ko 'yon ay nabuhay ang
katawang lupa ko.

"Anong section?" I asked, tumayo na at nag-umpisang ayusin ang unipormeng bukas na


ang butones.

"First daw," ani ng isa sa kasama ko.

Natigil si Josh sa pagwawalis sa may pintuan, si Ted din ay napatingin sa amin pero
bumalik muli sa pagbubura ng sulat ng board.

"Nand'yan ata si Heart!" nangunot ang noo ko nang magkumahog ang mga lalaki naming
kasama. "Kaibigan niya ata 'yong isang maganda pa?"

"Sino?"

"'Yong maputi!" halos mag-init na ang ulo ko nang mag-unahan sila kakasilip sa
bintana.
"Shit, ayan na, paakyat na 'yong iba, pre! Gago, magkasama 'yong dalawa. Atlas!
Single naman pinsan mo, 'di ba?" tanong pa sa akin pero kumunot lang ang noo ko.

"Si Heart, oh!" I was about to warn them about Lia being mine when Josh suddenly
raised the broom. Tumaas ang sulok ng labi ko nang bigla niyang pinalo ng walis ang
pwet no'ng mga gago.

"Anong Heart, akin 'yan." My friend said seriously kaya natawa na ako.

"Oh?" natigilan ang dalawang lalaki roon kakadungaw.

I smirked, kinuha ko ang bunot at binuksan ang floor wax.

"Akin si Amalia," I said arrogantly and smirked at their shock faces. "Sa labas ako
magpo-floor wax!" presenta ko at lumabas.

I saw Ted and Josh glanced at me weirdly kaya ngumuso ako at ginalaw na ang bunot
sa paa ko.

"Cleaner of the month," nilahad ko ang braso ko.

"Luh, kanina naman nakahilata lang..." bara sa akin ni Ted kaya ngumisi lang ako
bago mabilis na lumabas sa room para mag-wax sa hallway.

My smile widened when I saw the other Grade 10s going to my direction. Nakita kong
nagke-kwentuhan si Lia at si Heart, magkahawak pa ang braso kaya ngumuso ako.

I spread the floor wax on the floor, nakita kong napapabalik ang tingin sa akin ng
mga naunang Grade 10 kaya ngumingisi lang ako at ngingiti na sila at kinikilig na
lalagpasan ako.

Bibong-bibo at ganado akong nagpo-floor wax sa labas ng room, nagpapadulas pa sa


bunot. I saw Heart and Lia walking in front of me kaya tumikhim ako, naglagay pa ng
wax at nakangising nagbunot.
"A-Atlas!" I saw how shock her face is.

"Hi, bibi." I smiled at her handsomely.

"Ito na naman po tayo...hindi ako naniniwalang masipag ka." Heart frowned at me


kaya nagkibit-balikat lang ako.

"Masipag ako, ah? 'Di ba, bibi?" I glanced at Lia and saw her sparkling eyes. I saw
her blushed a bit and slowly nodded kaya mas ginanahan ako sa pagbubunot.

That's my bibi! Always supporting me! Kaya love na love ko 'yan, eh!

"See? Masipag ako?" I smirked at my cousin arrogantly pero nawala ang ngisi ko nang
sa pag-galaw ko ng bunot ay namali ako ng tapak, my foot slipped, tuloy-tuloy ang
paa ko at napadaing na lang ng tumama ang pang-upo sa lapag.

Natumba ang buong katawan ko at nakita kong maraming natigilan.

"A-Atlas!" I heard Lia screamed at para hindi nakakahiya ay nagpanggap akong


nahimatay.

Fuck.

I always love how Lia and I were comfortable with each other. I don't know how but
I think it's because we saw each other's dark and embarrassing secrets. Nahihiya
man ay hindi ako nawawalan ng pag-asa kapag nakikita ako ni Lia na tuma-tumbling sa
gilid dahil alam kong sa huli ay tanggap niya pa rin ako.

If the fate would ask me if I'd like to fall from the stairs again, have my own
call of nature or sa mas bulgar na sila ay pagtatae or even sprain my leg again so
we could meet again in the next life then I'd willingly say yes.

Kahit ano basta si Amalia ang kapalit. Kahit ano basta ang ngiti niya ang palagi
kong makikita.
I thought fate let us crossed paths because we're too compatible pero mababaw lang
pala ako mag-isip, I didn't know fate has its playful ways to let us meet in this
life.

I remembered how hysterical my mother is when she found out my father is seeing his
ex again. My mother kept on crying all day at doon ko lang nalamang sinama siya ni
Yui matapos sabihing nakita niya ang Dad na kasama si Tita Olivia.

How fucked-up it is, right? How fucked up that my father's first love is actually
my Lia's mother?

Bakit ganito? Bakit ganitong mapaglaro ang tadhana? Do I deserve this kind of fate?
Did we deserve this? Wala naman akong ginawang mali. I only love yet fate did its
best to separate us both.

I can still remember Heart's face when she came to me in the hospital when we
rushed our mother, she was crying so much, telling me Lia hates her, that she hates
us all. Sinabi niyang nalaman daw ni Lia na kinaibigan niya ito para tulungan ako.

I told her I'll talk to Lia the next day to settle everything, I told her I'll
explain to Lia why Heart befriended her but the next day...she was gone.

The next day, they left Peñablanca. She left us alone, she left me alone. She left
without any explanations, without hearing our sides but when she left, she took
something with her...my heart.

I was disappointed after finding out it was my childhood friend, Yui, who did and
planned this all after I told her I liked Amalia. She told her lies and she drifted
away. She told my mother false information and it caused us her health. I was so
disappointed because I treated her as a friend, like my own sibling yet in the end,
the woman I trusted betrayed me too.

I didn't even know about Tita Olivia's involvement to my father until my father got
hospitalized. My mother was screaming so much in frustration and grief, knowing
he's meeting Olivia Argueles again.

I was shocked, alright, lalo na noong personal ko nang makita ang Nanay ni Lia. She
is really beautiful and I know that innocence on her face is what Lia got from her.
Mabait na tao naman si Tita Olivia so I didn't get it why she had to do that. I
didn't get it why she had to meet my married father in the first place.
"Don't tell me you'll avoid Lia after knowing all these?" ani Heart matapos malaman
ang dahilan bakit kami nagpa-Maynila. I didn't tell her about Tita Liv's
involvement but I guess she heard it from her Mom.

I sighed, lowering my head, humawak ako sa buhok ko, halos sabunutan na ang sarili
sa frustration sa gulo ng buhay ko. I was just living the best the life could offer
with Lia beside me but...I don't know now.

"Bobo, pinsan kita but let me remind you that Lia is my bestfriend. I know there is
something going on with Tita Liv and Tito Louis. Dadamayan kita bilang pinsan doon
pero tandaan mong hindi ako uupo lang din kapag sasaktan mo si Amalia." She said
coldly and I sighed, nodding.

"I know..." I sighed. "Lia has nothing to do with this, I just...I just didn't know
this would happen. Hindi ko na alam ang iisipin, si Mommy, si Lia, si Dad. I-I
don't know."

Natulala na lang ako roon kung hindi lang ako tapikin ng pinsan.

"Tara nga rito, yakapin kita." Ani Heart at doon na nangilid ang luha ko. I hugged
her and she sighed, tapping my back.

"I got your back, bobo." She sighed. "But...you have to make it up with Lia, she
was sad when you didn't come on her birthday."

I get it now, I get it why people are eyeing us whenever Lia and I were together. I
found out why my batchmates were asking me about Lia, sina Catherine kapag
magkasama kaming dalawa.

I had no idea until I found out about Tita Liv being my father's first love. Naging
matunog pala dati ang relasyon nila noong bata pa sila at sa CSU sila nag-aral kaya
kilala sila sa university, lalo na ng iilang mga prof, nagkahiwalay lang dahil sa
pamilya ng mga Montezides. My grandparents didn't like Tita Liv for my father and
they broke up. The rumors stopped between the two when my father married my mother.

"Hi, Mom." I smiled when I saw my mother having her quiet tea time near the garden,
nakatitig sa kanyang mga bulaklak na inasikaso ni Kuya Dame noong nawalan siyang ng
oras dahil sa stress niya.
"Hijo," I saw her soft smile when she saw me.

"Can I drink tea with you?" I smiled at her and she nodded and tapped the seat
beside her. Lumapit ako at nang makatabi ay marahang niyakap ko ang baywang niya
kaya natigilan siya at natawa rin sa akin.

"Ang lambing ng bunso ko, ah? Manang-mana sa mga Kuya?" she hummed sweetly,
touching my hair.

"I love you, Ma." I told her and she chuckled.

"I love you too, anak. You're extra sweet today, hmm? Kayo ng mga Kuya mo?" she
asked kaya sinandal ko ulo ko sa kanyang balikat.

"Why not?" I told her. "You deserved the best, Mom. Dad may not know it but always
remember that whatever happens, nandito lang kami nila Kuya para sa'yo."

"Ang s'werte ko naman sa mga anak ko," she smiled, lumayo ako sa kanya at ngumiti,
sinapo naman niya ang pisngi ko at pinakatitigan ako.

"Ang gwapo, oh. Balita ko ay wala ka raw girlfriend?" she smiled and I froze,
napanguso ako at umiling sa kanya.

"I'm busy with my career, Mom. I am still thinking what hospital I would take for
my internship." I explained but my mother has the teasing, small smile on her lips.

"Talaga ba? Or...dahil may inaantay ka?"

I was stunned, natulala ako sa kanya pero ngumisi siya sa akin at pinisil ang aking
pisngi.

"I knew about you following Amalia Argueles, Atlas." She smiled at me
mischievously. "I overheard you and Heart talking about a certain Pharmacy where
she is working."
"M-mom..." I gulped a bit, "I-I just want to check."

"The kid has nothing to do with your father and her mother, anak." What she said
stopped me. "Si Louis ang nangako sa akin sa altar ng panghabang-buhay na
pagmamahal, siya ang ang pumako sa kanyang mga pangako sa akin."

"Ma..."

She smiled sadly, "I know Olivia has shared her own faults too and she did
something wrong too but it wasn't her who promised to be loyal to me, si Louis
iyon. It was him who broke his promises to me, not Olivia nor Amalia."

While looking at my mother's eyes, I couldn't see the weak woman we had in the past
anymore. The woman who was rushed in another country because of her severe anxiety
and suicidal thoughts. She wasn't the same depressed woman anymore but right now, I
can see the stronger Beatrice Montezides.

I can see on her eyes the strong woman she really is, the brave woman who did her
best to stood even if her marriage is a failure for her kids, us.

"You're so brave, Ma." I said admiringly while staring at her. "Mahal na mahal ka
namin nila Kuya."

"I am only brave because I know my kids got my back," she told me. "Kayo ang lakas
ko, Atlas, kayo ng mga Kuya mo and who am I to stop your heart from loving that
kid, Lia?"

"Mom..." I'm getting a bit emotional with her words and she chuckled.

"Oh, don't cry on me, my baby damulag." She giggled. "Isa pa, would you stop if I
told you not to like or follow Lia anymore?"

"Uhm, that's..." I gulped a bit. "That's hard."

"See?" she chuckled. "I knew it, ganyan din ang mga Kuya mo noon na kahit anong
pigil ay gagawin ang gusto nila. Ayoko namang magrebelde ka kaya...goodluck, hijo.
I found out what happened to her too and it was so sad, when the right time comes.
I hope you take care of her too like how you take care of me when I was so
fragile."

"Thank you, Mom." I said happily, hugging her and she chuckled while tapping my
back.

"Kung si Amalia ang lakas mo ay hahayaan kita dahil anak kita, isa pa ay kayong mga
anak ko ang lakas ko ngayon. Kung magiging mahina ka, paano naman ang Mommy mo na
kumukuha ng lakas sa'yo?" biro pa niya. "And Olivia gave us a letter and she
acknowledged what she did wrong too."

"Mom..."

"And I...I forgive them. I forgive her and your father but you know, anak. You can
always forgive but not all things can be forgotten, some stays in our hearts no
matter what, making us tougher every day."

--

Dear Atlas,

How would I even start this? I actually don't know the right words to say since
nothing is ever enough to apologize for what I did to your family. I am wrong. We
are wrong. Having a connection with your father while he's married is so wrong in
any ways. I didn't know he was married at first, I stopped communicating with him
ever since. Your mother and him got married in another country that I have no idea
about it. Noong nalaman ko, hijo, ay lumayo na ako kaagad and he offered to simply
just talk to me for closure we never had in the past and I allowed him which is
never right.

I am wrong, Atlas. I am so wrong in any ways. I am not telling this to you to have
pity or justify what I did wrong but to only explain my side. Pero alam ko na kahit
anong sabihin ko may mali pa rin ako ng nagawa. We may not have an affair but I
know emotional connection is cheating too and I never intend to let it happen.

Nagkamali ako, hijo, and I am very sorry for what I did wrong hindi lang sa'yo kung
hindi sa buong pamilya mo. My connection with Louis ruined your family, it scarred
you, your brothers and mother and I apologize for what happened and I admit to
everything I did wrong.
Ang kapal siguro ng mukha ko, Atlas, pero may pakiusap sana ako. Si Amalia, hijo,
alam kong totoong gusto mo ang anak ko. Alam ko at ramdam ko sa puso ko bilang
isang magulang na gusto mo talaga ang Lia ko. Gusto ko lamang sabihin sa'yo, hijo,
na mabuti kang bata at hanga ako sa katatagan mo. Hanga ako sa iyo at sa mga
kaibigan mo sa pagpapakita ng pagmamahal para sa aking anak. Salamat sa pagpapasaya
sa anak ko noong nand'yan kami sa Peñablanca, salamat dahil naging mabuti kayong
kaibigan sa kanya. Sana, hijo, kahit wala na kami diyan at muli niyong makita si
Amalia, sana ay hindi kayo magalit sa kanya dahil wala siyang alam sa lahat ng ito
at mahal niya kayo bilang mga kaibigan niya. Kayo lang ang naging tunay niyang
kaibigan.

I solely claim my faults and wrongs. Ang pagkakamaling nagawa ko ay mali ko lang,
mag-isa at walang kinalaman ang anak ko roon. I hope someday you'll greet her with
a smile on your faces. I hope someday you'll forgive me for what I did. I am hoping
nothing but the best for you and your family.

Sincerely yours,

Olivia Argueles

--

That letter made a large impact not just for me but for my family too. I remembered
how my mother cried while reading the letter for her and I realized, when I forgave
Tita Olivia too that forgiveness lifts a heavy weight on someone's heart and chest.

Forgiveness is a big thing.

"Uh, anong sa inyo, Sir?" inayos ko ang cap at shades ko habang nasa tapat ng
Pharmacy para bumili ng kahit ano.

"Huh?" I asked, dumudungaw pa sa may likod niya para malinaw na makita si Lia na
naroon sa may dulong parte, nakasandal at may hawak na papel.

"Sir?" hinawi ko ang kamay ko at pinakita sa kanya, "tabi ka d'yan, tabi." I said.
Lia looked so beautiful just by simply sitting there and reading something,
kakagaling ko lang sa duty sa ospital at dito na dumiretso para i-check lang siya
at three days ko nang 'di nakikita pero hindi ko naabutang nandito sa counter kaya
todo silip ako.

"Po?" his eyes widen a bit pero hindi ko masyadong pinansin dahil busy ako
kakasilip kay Lia sa may likuran niya. "Sir, anong tinitignan niyo?"

"Ah?" napaayos ako ng tayo at tumikhim, sumulyap sa kanyang nagtataka sa akin.

"Sabi ko po, ano pong hanap niyo?" he smiled a bit and I saw his name tag.

Kid pala ang pangalan. Huh, umaaligid ito kay Amalia!

"Gusto ko si Amalia," I told her, fixing my sunglasses so he couldn't see my face.

"Po?" his forehead creased at me.

"Si...Amalia," I said nang matantong medyo weird nga ako talaga sa biglaang sinabi.
"I mean...si Lia, 'yong isang Pharmacist, hindi niya duty? Ano, I mean, dito sa
counter?" I asked.

"Ah, si Lia po?" tumango ako sa kanya at lumingon muli kay Lia na inaangat na ang
buhok niyang mahaba para itali sa ponytail.

Ang ganda talaga ng bibi ko.

"Oo," I nodded.

"It's her break," aniya. "Malapit na kasi ang exam niya sa med school kaya
masyadong abala, kapag break, sa halip na kumain ay kasama pa ang reviewer para
mag-aral."

I stopped, realizing how much dedicated Lia is with her studies. Hulog na ako pero
mas nahulog pa ata ako sa kanya ngayon.
"Tawagin ko ba, Sir? Gusto niyo siya—"

"No, no..." I stopped him, shaking his head. "She's studying let her, it's okay,
ayaw ko makaistorbo."

"Okay po," aniya at nanatili lang akong nakatingin sa likod para sulyapan si bibi
ko. "Sir, anong sa inyo?"

Someday, if I have the courage, I'll promise to show myself to you. I am not enough
so I did my best to be better for you, Lia. I hope this time, I will deserve you.

"Sir? Sir? Sir!" halos mapasapo ako sa dibdib ko nang lumakas na ang boses no'ng
lalaki.

"Oh?" I asked and he raised his brow at me.

"Sabi ko ano pong order niyo at marami pa po kaming customer." Aniya kaya kumunot
ang noo ko pero bumaling at sinabi ang nakita sa may likod niya.

"Ah, diaper na lang..." I said and glanced back at Lia, biting the tip of her pen
and taking small notes in the paper.

"Po? One adult size po ba? Sa inyo?" he asked and I nodded nonchalantly.

"Yes, isa, sa'kin." I said and stopped myself from smiling while looking at my
bibi.

"Ano pa po?" aniya at wala sa sariling bumaling ako sa may stall sa gilid niya at
sinabi ang pangalan ng unang nakita ko.

"Ah, ano, Diatabs. Dalawa." I said and glanced again at Lia.


"Ah, nagtatae." Biglang nawala ang ngiti ko nang may narinig na nagsasalita sa
likuran ko. I froze, glanced behind me and was startled when I saw two gays waving
at me.

"Hi, Pogi, LBM ka?" ngisi no'ng isa at napakurap-kurap lang ako at napamura sa
isipan nang matanto ang nasabi ko.

Isang episode na naman ng kapalpakan ni Atlas Montezides. Napakahusay.

Meeting Dr. Sean was another thing. Simula noong nakapag-intern ako sa St. Lukes ay
naging malapit na sa amin si Doc, turns out he met my father once kaya Louis na rin
ang itinawag niya sa akin na naging dahilan kung bakit ganoon na rin ang tawag ng
ilang staff sa akin.

I had no idea how he got close to us but I noticed na mabilis na gumaan ang
pakiramdam ko sa kanya. When he asked us if we know someone great to be an intern,
we immediately recommend Lia and to my shock, he didn't have any second thoughts.

He just smiled, let us write a recommendation letter and without even thinking
twice, he personally went to Lia's Med School to ask for her.

I thought, at first maybe he's amazed like us with Lia's achievement that he didn't
think twice and check her credentials again. He's just, okay, let's get her and
that's it!

Masusi si Doc sa pagkuha ng mga intern noon pero ngayon ay isang recommendation
lang galing sa amin ni Heart ay walang pagdadalawang-isip niyang sinang-ayunan. I
found out later that he's somehow related to Lia but then...I just didn't expect
he's her father after all.

The journey towards Lia's brave heart is tough yet worth it. I spent years studying
abroad to be better, not just for myself but for Amalia. I spent years taking care
of my mother until she recovered that I had no time with other things.

There were a lot of temptations, there are beautiful girls around. There is
seduction but maybe, when a man's heart is loyal and committed, it would never
cheat despite the uncertainties.

Kapag nagmamahal ka ng totoo, ang pagmamahal ay nanatili kahit gaano katagal. Ang
pagmamahal ko ay para kay Amalia Argueles lang. Ang mundo ko'y siya at para sa
kanya lang.

The love I have for her is pure, everlasting and true.

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not
proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily
angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices
with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always
perseveres."

Hawak-hawak ko ang kamay ng asawa ko kinabukasan, isang araw ng linggo pagkatapos


ng aming kasal kahapon. While listening to the priest preaching in front, I can't
help but feel happy while touching the woman I love and seeing her beside me.

She glanced at me when she saw me looking at her.

"Hi, bibi." I smiled at her.

Her eyes smiled when her lips did, her lovely face lifted as if I am seeing the
sunshine in front of me smiling.

"Hello, bibi." She said back.

Humawak ako sa kanyang kamay at dinala iyon sa aking labi habang ang pari ay
nagsasalita pa rin sa aming background.

Kinuha niya ang kanyang kamay sa akin, nagtaka ako kung anong gagawin niya noong
una pero napangiti na lang nang bahagyang inilagay niya ang braso sa aking baywang
at humilig sa akin.

"I love you, Atlas." She suddenly whispered and it immediately made me smile.
Parang tumalon ang puso ko habang nakikinig sa kanya at mabilis kong hinalikan ang
kanyang ulo at bumulong.

"Mahal na mahal din kita, Lia."


She was like the sunshine of my life, the rainbows giving colors to my lame one.
She's the sun after every storm and the happy pill after a tiring day.

I hoped for anything I could. I hope for having her beside me for a long time but
why does this have to happen to us? Bakit kung kailangang nasa akin na siya ay doon
ako susubukin? Bakit palagi na lang nauudlot ang sayang akala ko'y para sa akin na?

Why does my wife have to be taken from me like this?

Why?

Tulala at wala sa sariling nakaupo ako sa labas ng operating room, hindi na alam
ang sasabihin. I just woke up after a tiring day of duty in the middle of the
night, I was with my wife. We're cuddling and I slept tired but the sound from the
machine woke me up.

I panicked that I didn't have enough strength to cry while I was calling for help
for her. Nakasunod lang ako sa stretcher habang nagmamadali roon, halos
maghisterikal na.

"I can't promise you anything, Dr. Montezides. This may be lethal for Mrs. Amalia.
She had a heart attack so..." her cardiologist told me after they took her inside.

"N-no, no..." iling ko. "P-please, please, do anything. P-parang awa mo na..."

"We will do our best, Doc. Let's hope for a miracle."

It's been an hour when she was brought inside and I still have no assurance how she
is.

While staring at the OR's door, I can't help but teared up. Tumungo ako at sinapo
ang mukha at hindi na napigilan ang luha na nahulog sa mga mata ko.

"No..." I whispered and shook my head.


"Doc?" I saw one of the nurses offered me a drink at nanghihinang umiling lang ako,
walang lakas na hawakan ang ibinibigay niya.

She left after putting the cup of water beside me at tumayo ako, dumungaw sa
operating room kung saan nila dinala ang asawa ko at namasa na naman ang pisngi ko
ng mga luha.

I don't know why but my feet brought me to the small chapel near the operating
door, the moment I entered the place, my knees weakened, hindi pa ako nakakarating
sa upuan ay napaluhod na ako sa gitna at nahulog na ang ulo.

"P-please..." I found myself sobbing. "H-h'wag namang ganito..."

My knees were too weak to even kneel na napasalampak na ako sa sahig ng maliit na
kapilya. I saw how the light from the candle gave light to the Almighty's replica
in front and I felt like shaking.

Desperate sobs left my mouth while I lower my head to mutter desperate prayers.

"D-don't take her away, please..." I whispered and cried more. "N-not like this, n-
not now. I'm begging you...please, don't."

"M-mahal na mahal ko si Amalia," I cried like a fool, I cried like a desperate man
begging for a miracle. "A-ako na lang, h'wag ang asawa ko..."

I stared at the altar and even if my eyes were blurry, I can see the eyes staring
back at me.

"P-please..." I cried. "God, please. T-Tita Liv, p-please, c-convince him not take
her away from me. A-ako na lang, h'wag si Amalia. P-parang awa niyo na..."

"A-Atlas!" I heard my name, narinig ko ang takbo at mas nanghina ako nang makita
ang pinsan na lumuhod sa aking harapan.

"A-Atlas..." she cried while staring at me and my tears fell more, shaking my head.
"S-si Lia, Heart..." I sniffed. "S-si Lia, Heart. A-asawa ko..." I cried violently
when she pulled me for a tight hug.

"Cap?" nakita ko ang paglapit ni Josh at mayamaya'y may inabot sa akin. "Galing daw
sa higaan ni Lia." He handed me a notebook.

--

To the bravest man I know,

Goodbye.

Those are the words I never wanted to tell you. The words I'm afraid I would tell
you one of these days. Takot na takot ako, Atlas. Takot na takot dahil baka ang mga
salitang paalam ay hindi ko pa masabi sa'yo ng personal. Natatakot akong bigla na
lang mawala sa'yo na hindi man lang nakakapagsabi ng mga salitang ito, natatakot na
sa huling pagkakataon ay hindi ko masabi sa'yong personal na mahal na mahal kita.
Na wala na akong mamahaling sino man kung hindi ikaw.

I hope you will never get to read this, that means, buhay ako at naka-survive sa
mga pagsubok na ito but if you'll see this, I'm probably gone or in a critical
condition, I am sad yet happy because I would get to tell you this, bibi. This are
my last words.

This notebook is my personal journal, my simple diary ever since I was a child. I
don't usually write here, bibi, but if you read the previous letters, all of it is
about you. H'wag ka sanang mabigla kapag may nakita ka ritong patay na mga rosas
dahil bigay mo iyon sa akin noong mga bata tayo. I kept every roses you gave me way
back to cherish you, to cherish the memories I have with you.

Atlas, my husband, I wrote this for you to remember how much I love you. My first
surgery was such a miracle but these days, bibi, ayaw ko man ay natatakot akong ang
puso ko ay susuko na rin sa akin. I am afraid this brave heart of mine would give
up on fighting. I am so afraid to bid goodbye to you without saying anything so I
am giving my heart to you, this diary is my heart and love for you. Para kapag
nawala na ako ay maalala at mabasa mo pa rin ang pagmamahal ko sa'yo.

I just want to tell you that you are my first and young love, my dreams, and my
answered wishes. You are one of my brave heart's strength. You are the only man I
fell in love with, my husband. I want you to know mawala man ako sa mundong ito ay
masaya akong lilisan dahil kasama kita sa huling sandali. Masaya akong aalis dahil
alam kong nand'yan ka sa bawat laban ko kahit hindi ko alam. Masaya ako dahil hawak
mo ang mga kamay ko habang naghihirap ako. I am happy you never left me even in my
weakest, that you stayed even in my miserable times.

Mahal ko, Atlas, bibi ko. Sana tandaan mo na mahal na mahal kita, if I died, I wish
you go on with your life and become happy and live your life the fullest. Cry and
get sad at first and it's okay but I hope you continue your life after the pain.
Mawala man ako ay alam ko at gusto kong malaman mo na we still had our own happy
ending.

Smile my bibi, stay as other people's sunshine because you are my sunshine. Our
dark secrets would stay with me and I promise to never reveal it to anyone. Mahal
na mahal kita.

I will tell the stars everything about you, my love. Smile now, my bibi.

Mula noon hanggang ngayon, mula simula, gitna hanggang wakas, ikaw ang mundo ko.

Love,

Lia

Life isn't rainbows and unicorn, ang buhay hindi lang puro saya. Ang pagmamahal ay
puno rin ng pighati at sakit and I know it now, I understand it now. I understand
life has to take things from us to make us stronger.

Like how my mother lost my father. Like how Lia lost her mother.

Taking important things from us, unfortunately, sometimes is fate's way to make
people stronger and I had a taste of it now.

I closed my eyes while feeling the cold air touching my face, I crotched a bit in
the ground to put the flowers I bought in my way here. I smiled while staring at
the grave in front of me as I lit a candle beside it.
Naupo ako at pinagmasdan ang lapida na ngayon ko lang muling nabisita. I closed my
eyes and muttered a small prayer. I thanked her for everything. For the lessons she
gave us. I prayed for her peace and apologized for the wrong things I did in the
past.

Please be our angel. Please guide us from above.

I stayed there for a while, talking to the grave and when I am done telling my
feeling and what's happening these days ay doon ko na napagdesisyunang tumayo at
umalis pero muli kong hinaplos muna at pinasadahan ang kanyang lapida.

Argueles

"I'll go now," I smiled a bit before turning my back and went inside my car.

I let the stereo played on the background while I drive my way back to the hospital
for my night duty, galing ako sa bahay kanina at dahil maaga pa'y nagdesisyon akong
bumisita at magdala ng mga bulaklak dahil noong nakaraan pa kami huling nakabisita
nila Heart sa kanya.

Pagkarating ko sa ospital ay kaagad akong nagtungo sa opisina matapos kausapin ang


mga Nurse para magtanong. The empty office welcomed me and it felt so cold but it's
too comfortable with me.

Nagtungo ako sa may table ko, mabilis na nakita ang tambak na mga papel sa
sekretarya kaya napangiti ako at napailing. Marami na namang trabaho ngayon, ah?
Ganito ata talaga kapag walang operation ngayong gabi.

I glanced at the table and smiled when I saw the photo we had with my wife, it was
years ago now, sa biglaang wedding namin iyong dalawa at habang nakatingin ay
parang kahapon lang nangyari.

Ang ganda talaga ng asawa ko.

Sa isang frame ay kasama namin ang mga kaibigan at si Ted ay nasa face time pa sa
hawak na phone ni Josh at napangiti ako.
Lipat Bahay Gang.

I glanced at my ring and smiled, hinaplos ko iyon ng aking daliri bago bumaling sa
pintuan nang may kumatok.

"Come in," I said and when the door opened, I almost rolled my eyes.

"Hoy, bobo! Hiyang-hiya naman ako sa dami ng pending mo!" Heart ranted the moment
she entered and I almost frowned.

"Obviously," I motioned the papers in front of my table and she frowned, napangiwi
ako nang may ilapag siyang folder ulit sa harapan ko.

"Sad to say, Dr. Montezides pero may mga bago kang referral." She smirked at me
kaya napatango na lang ako.

"Ang dami naman agad," I said.

"Kasalanan ko?" natawa lang siya at hinawi ang buhok niya, nagmamaldita, kitang-
kita ko ang bilugan niyang tiyan dahil sa pagbubuntis kaya natawa na ako.

"Saan na si Josh? Susunduin ka ba?" I asked and she nodded at me.

"Oo, mamaya. May dinner kami." She smirked and waved. "Anyway, bobo. Mauuna na ako
roon, anyway, pinapatawag ka sa Cardio Department. May kailangan ata."

"Whatever, magpinsan tayo, bobo ka rin." Asar ko pa sa kanya at umirap lang siya at
kumaway.

When she left, I opened my new patient's medical profiles and saw my name below.

Atlas Louis Montezides, RN, MD, CTS, Cardiologist.


I took my doctor's coat after I fixed my navy blue dress shirt and wore my glasses.
Habang naglalakad palabas patungo sa Cardio Department ay binabasa ko ang mga case
na ibinigay sa akin para sa briefing ng isang VIP patient na kakailanganin ng
surgery.

I glanced at the elevator and saw there was a line kaya sa huli ay nagdesisyon na
lamang na maghagdan pababa sa Cardio Department. I walked down the stairs while
reading, masyado akong engrossed ata sa pagbabasa na nang may humarang sa paa ko ay
nawalan na ako ng balanse.

"Fuck!" I cursed loudly when my butt fell on the staircase, ayos lang sana kung
napaupo lang pero hindi ata talaga masaya ang tadhanang hindi ako pumapalpak.

Tumalbog-talbog ang pwet ko pababa sa hagdan habang tulala ako at nakanganga, I saw
people glanced at me but that particular woman is the reason why am I so
embarrassed right now.

Nang bumagsak sa huling step ang pwet ko ay tulala ako, nakanganga at wala sa
sarili.

"Atlas!" she exclaimed, panicking and ran towards me. I saw her knelt in front of
me and my lips protruded. "A-are you okay?"

Tumango ako pero ngumiti siya sa akin, "lampa..." she said softly.

"P-panaginip mo lang 'yon!" I told her and she glared at me a bit kaya suminghap na
ako at napahawak sa balakang.

"Bibi..." I whined. "M-masakit..."

"Jusko, Montezides. Bakit ka kasi nagbabasa sa hagdan?" napailing na ang asawa ko


at mabilis na hinawakan ang kamay ko para makatayo.

"Doc! Okay ka lang?!" alam kong natatawa ang ibang nakakita pero nag-decide pa ring
lumapit kaya gusto ko na lang palamon sa lupa.
"Y-yeah..." tumikhim ako at pekeng ngumiti. "A-ayos lang..."

My wife helped me up, I am almost limping kaya humawak siya sa baywang ko para
alalayan ako.

"Cris, pasuyo naman ako, p'wedeng pakuha ang chart ng asawa ko na nahulog doon?"
she motioned the stairs and Cris nodded at her.

"Opo, Dra." Ani nito at pumunta.

"Ikaw talaga, hindi ka nag-iingat..." kurot niya sa tagiliran ko kaya ngumiwi ako
pero ngumisi.

"Sorry, bibi Lia. Nabangag lang. I've slept so much last night tapos kanina
nagpunta ako sa sementeryo." I told her and her forehead creased.

"Oh? Kanino? Kay Nanay?" she asked and smiled and I nodded.

"Opo, I gave her flowers and told her about our baby..." sumulyap ako sa impis pa
niyang tiyan dahil halos dalawang buwan pa lang ang baby namin kaya napangiti na
siya ng matamis.

"I am planning to visit her on Sunday but...alam ko nakabisita ka na pero can you
go with me?" she smiled beautifully and my heart pounded.

"Of course, bibi." I smiled softly, kissing her hair.

"Thank you," she smiled and spoke again. "Saan ka ba pupunta? Umalis akong opisina
kasi may kinamusta sa Pedia."

"Cardio Department," I answered her. "Kaso..."

"It's okay, baka nabalian ka. Ikaw talaga." She shook her head and smiled at the
Nurse, Cris and took the chart from his hand.
"Cris, p'wedeng pasuyo? Pasabi naman sa Cardio na 'di makakapunta kaagad itong
asawa ko at alam mo na..." bitin pa niya kaya ngumuso ako.

"Grabe naman..." I whined pero kinurot niya lang ako kaya napanguso na lang.

"Sige po, Dra." He smiled at my wife and at me. "Doc..."

Nakita kong nagpipigil pa ito ng tawa habang papaalis kaya napabusangot ako kaagad.

"That—"

"Shh, ikaw kasi h'wag kang lutang. Alam ko namang bangag ka, Atlas pero h'wag mong
gawing hobby, okay?" she smiled at me.

"Grabe naman sa hobby, Lia! H'wag mo na ngang i-bestfriend si Puso at bully ka na


rin." I muttered and she laughed sweetly, umakbay ako sa asawa ko habang patungo
kami sa elevator para makapabalik sa opisina at nato-trauma na ako sa hagdanan.

"I lost count of your version, bibi. Ilang update na ba 'yang Atlas Premium mo?"
she asked, nang-aasar na naman kaya ngumuso na ako.

"Wala, 8.2 na ata 'tong pesteng update at may glitch pa rin." Reklamo ko kaya
natawa siya ng malakas.

"Wow, tawang-tawa, Mrs. Montezides?" I asked and she smiled cutely, her black soft
eyes made me happy kaya pinisil ko na ang kanyang ilong.

I heard the soft song playing on the hospital's radio and it made me smile.

Well, I will call you darlin' and everything will be okay

'Cause I know that I am yours and you are mine


Doesn't matter anyway

In the night, we'll take a walk, it's nothing funny

Just to talk

"Remember that song?" I smiled and whispered. "I sang it to you, no'ng hinarana
kita noong high school."

"Ah, 'yong pumiyok ang isa sa team mo?" She smiled and nodding, taking my hand now
before bringing it on her lips. Natawa naman ako.

I slowly moved my hand, filling the gaps in between her fingers with mine and I
looked at it, fulfilled and contented.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

You know that I won't stop until I make you mine

You know that I won't stop until I make you mine

Until I make you mine

We went to our office and I smiled while watching my wife go to her office table to
check on some compress or something and I watched her adoringly, amazed how brave
my wife is.

I saw her name plate on her table and it made me smile more.
Amalia Lorraine A. Montezides, RPh, MD, DPM.

My beautiful wife and Physician Board Exam's first placer.

What a strong lady. Despite that soft and innocent face lies the bravest woman I
know.

I thought I lost her but heavens answered our prayers at hindi niya kami
pinabayaan. God didn't took her away from me, he guided her back to me and my wife
is so strong to fight for us, for her heart and for the family we'll build.

She was so brave to survive and I couldn't be thankful enough because my prayers
for her that night, they were my answered wishes too. My granted prayers. My happy
ending.

"Nagsabi si Heart, sa linggo daw kain tayo kasama sina Josh. Uuwi raw si Ted galing
Cagayan kasama ang asawa't-anak." She smiled at me while coming closer pero
nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Atlas?" she called kaya humawak ako sa dibdib ko bigla at ngumiwi. "Atlas?!" she
exclaimed worriedly.

"Mag-ca-cardiac arrest ata ako," drama ko at ngumiwi kaya napaupo siya sa tabi ko.

"Atlas—"

"Bibi! CPR!" I exclaimed, closed my eyes and pouted my lips for a kiss.

"You...gago ka!" napahagalpak na ako ng tawa nang magmura siya. I opened my eyes
and saw her glaring a bit at me.

"Wow, nagmura! Labyu, bibi. Ang ganda mo kasi parang 'di kinakaya ng puso ko." I
touched my chest.

She glared at me, kunwari ay galit pero pulang-pula na ang pisngi. She looks like
an angry angel and I chuckled, mabilis na inabot ang kanyang labi at ninakawan ng
halik.

"Montezides nga!" she exclaimed kaya natawa na ako at mabilis siyang niyakap.

"Hindi, sorry na..." tawa ko sa tainga niya at mas niyakap siya. I touched his back
and she sighed, mabilis siyang yumakap pabalik.

"Alam mo ang kulit mo kasi," she sighed. "Mag-ingat ka nga at baka paglabas nitong
pangalawa mo ay lasog-lasog na ang Tatay niyang lampa."

I pouted, mas naging bully na nga talaga si Amalia Montezides. Kasalanan ito ng
pinsan kong bobo talaga!

"Si Louvi, baby, nasa Yaya niya kanina before I went out our house." I said,
telling her about our eldest girl.

Olivia Louisa Argueles Montezides.

"Uuwi na rin ako mayamaya," she muttered. "Ingat ka sa night duty mo, hmm? Sasabay
ako kay Heart kapag dumating na si Josh."

"Alright, bibi." I smiled happily and hugged her more, isiniksik ko ang ulo ko sa
kanyang leeg at inamoy-amoy siya kaya natawa siya pero humaplos sa likod ko.

"Mag-ingat ka, Atlas. Naku, ang balakang mo." She hummed.

"Alright, bibi." I whispered. "Thank you for coming back to me, my bibi. I love
you. Mahal na mahal kita, mundo ko."

"Aww, you're being senti again?" she muttered, her voice so soft, hinaplos niya ang
buhok ko at humalik sa aking tainga. "Thank you, God. For making me braver and
stronger. Let's thank our Almighty above and Nanay, inihatid nila ako pabalik
sa'yo, Atlas."
I hummed and nodded, burying my face on her neck more.

"I love you too, Atlas, mundo ko." She chuckled. "Ikaw pa rin ang bibi ko."

Parang nag-init ata ang pisngi ko sa kilig sa sinabi niya pero hindi ako
nagpahalata kaya lumayo akong bahagya at hinanap ang kanyang mata.

"Bibi ko, lindol ka ba?" I asked and her forehead creased at me, her reddish thin
lips moving a bit for a pout.

"Huh?" she asked.

"Kasi niyayanig mo ang mundo ko." I said, tinaas ang kamay at pinakitaan siya ng
yanig ko kaya napanganga siya at biglang natawa. I laughed harder with her face and
winked.

There...a smile from the bravest girl I know. A loving smile from my Lia, my brave-
hearted wife.

The End

Download by wDownloaderPro

topvl.net

You might also like