You are on page 1of 1

MGA URI NG PAGSULAT

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)-layunin nitong maghatid ng aliw,


makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa. Kabilang dito ang maikling kuwento, dula, tala, malikhaing sanaysay,
iga komiks, iskrip ng teleserye, musika, pelikula atbp.
2. Teknikal na pagsulat (Technical Writing)- Ginagawa sa layuning pag-aralan ang
isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para
lutasin ang isang problema o suliranin.
3. Propesyonal na Pagsulat-(Professional Wring) -Ito ay may kinalaman sa mga
sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan s akademya o
paralan. Binibigyang pansin nito ang paggawa ng mga suliranin o pag-aaral tungkol
sa napiling propesyon o bokason ng isang tao.
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating
may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama nito ang pagsulat ng lathalain, balita,
editorial artikulo atbp.
5. Reperensiyal (Referential Writing)- Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala
ang mga pinagkunang kaalamn o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel,
tesis at disertasyon. Layunin din na irekomenda sa iba ang mga sangguniang
maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) -Ito' isang intelektuwal na pagsulat.
Ayon kay Carmelita Alejo, et al. ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na
partikular na kumbension tulad ng pagbibigay suporta sa mga ideyang
pinangangatwiranan. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng
ginawang pananaliksik
Ayon kay Edwin Mabilin, et al. (2012) ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto
lamang ng akademikong pagsulat. Lubos ding pinatataas ng uring pagsulat na ito
ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba' t ibang larangan bunga ng masusing pag-
aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

You might also like