You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
(Sining Pang-Industriya)

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit upang ayusin at kumpunihin ang
lumuwag na turnilyo at wire sa extension cord outlet?
A. kikil C. long nose
B. disturnilyador D. pliers

2. Ang mga poste at haligi ng bahay-kubo ay karaniwang gawa sa___


A. galbanisadong yero C. plastik
B. bato D. kawayan

3. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan/kagamitan ang dapat mong gamitin sa


pagkukumpuni sa nasirang paa ng silya na gawa sa kahoy upang ibaon ang mga
pako?
A. martilyo B. katam C. plais D. lagari

4. Alin sa mga sumusunod na materyales na gamit sa mga gawaing pang-industriya


na kung saan ito ay isang uri ng halamang baging?

A. rattan B. pinya C. kawayan D. pandan

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagawa ng elektrisidad?


A. Pagsusuplay ng kuryente.
B. Pagpapagana sa mga kagamitang de-kuryente.
C. Pagpapailaw ng mga pailaw katulad sa mga kalye.
D. Paggawa ng mga pamaypay, sandok, upuan, duyan, at marami pang iba.

6. Aling bahagi ng puno ng niyog ang kapaki-pakinabang sa gawaing pang-


industriya?
A. bunga B. kahoy C. dahon D. lahat nang nabanggit

7. Si Mang Ambet ay mahusay na nagwewelding ng lalagyan ng mga halamang


orkidyas ni Aling Vangie. Saan gawaing pang-industriya napapabilang si Mang
Ambet?
A. Gawaing Pang-metal C. Gawaing Pang-Elektrisidad
B. Gawaing Himaymay D. Gawaing-Kahoy

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

8. Ano ang gamit ng philip screwdriver?


A. Ginagamit ito upang balutan ang wires na nabalatan maging ang
dugtungan ng wires.
B. Ginagamit upang luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis
krus.
C. Ginagamit upang putulin ang mga kahoy.
D. Ginagamit upang putulin ang wire.

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin habang gumagawa ng extension
cord?
A. Pilipitin ang apat na dulo ng copper wires.
B. Takpan pabalik ang male plug gamit ang philip screwdriver.
C. Balatan ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang
philip screwdriver upang makita ang copper wire.
D. Buksan ang convenience outlet o female outlet gamit ang at ikabit ang
natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.

10. Ang nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente ay _____.


A. multi-tester B. male C. switch D. flat cord wire

11. Ano ang dapat mong gamitin upang malaman kung iskuwalado ang bahagi ng
isang kahoy?
A. martilyo B. iskuwala C. katam D. martilyo

12. Sinusukat ni Mang Luis ang taas, lapad, at kapal ng materyales para makagawa
siya ng isang payak na lamesa. Ano ang dapat niyang gamitin na kagamitan?
A. zigzag rule B. rip saw C. katam D. coping saw

13. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kagamitang pambutas?


1. katam 2. barena 3. paet 4. brace 5. kikil
A. 1-3-4 B. 2-3-4 C. 1-3-4 D. 3-4-5

14. Alin sa mga sumusunod na kagamitang pang-industriya na kabilang sa pamutol


ang ginagamit na pambutas nang pabilog?
A. keyhole saw B. back saw C. coping saw D. rip saw

15. Kasalukuyang gumagawa ng bakod si Mang Ben para sa kanyang mga alagang
bibe upang kulungin ang mga ito. Ito ay yari sa buho at kawayan at gumamit din
siya ng alambre dito. Sa palagay mo, ano ang kagamitang pang-industriya ang
gagamitin niya kung puputol siya ng alambre?
A. liyabe B. disturnilyador C. plais D. C-clamp

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

16. Gumawa ng bangkito si Jansen para sa kanyang nanay upang gamitin sa oras ng
paglalaba. Nakita niya na hindi pantay ang dalawang pirasong tabla bilang paa
nito. Ano sa palagay mo ang kagamitang pang-industriya ang ginamit niyang
pamutol sa dalawang pirasong tabla?
A. lagari B. katam C. maso D. disturnilyador

17. Napansin mong may nakausling pako sa study table ng iyong nakababatang
kapatid.Anong kagamitang pang-industriya ang iyong gagamitin upang maibaon
ang pako na posibleng makadisgrasya sa kapatid mo?
A. maso B. katam C. kikil D. martilyo

18. Nagpakitang-turo sa klase si G. Ferrer sa pagkukumpuni ng kagamitan sa naputol


na kawad ng plantsa. Ano ang kanyang ginamit na pambalot sa mga nabalatan at
pinagdugtong na wire?
A. female outlet B. aluminum foil C. male plug D. electrical
tape

19. Natapos mo nang gawin ang iyong proyekto na lampshade. Ano ang iyong
gagamitin kung gusto mong malaman na ito ay gumagana o dinadaluyan na ng
kuryente?
A. female outlet B. multi-tester C. electrical tape D. male
plug

20. Anong bahagi ng plano ng proyekto ang tumutukoy kung ano ang proyektong
gagawin?
A. Pangalan ng proyekto C. Layunin
B. Krokis D. Kagamitan at Materyales

21. Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal sa


pamumuhay ng tao?
A. Maaari itong maging hanapbuhay.
B. Nakukumpuni ang mga sirang linya ng kuryente.
C. Naiiwasan ang pagkakaroon ng sunog dulot ng sirang linya ng kuryente.
D. Ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal ay nagiging hanapbuhay
at maaaring kumpunihin ang sirang linya ng kuryente upang makaiwas sa
sunog.

22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pamamaraan ng pagkukumpuni


ng sirang gripo?
A. Patayin ang suplay ng tubig.
B. Putulin ang tubo o pvc pipe habang ikinakabit ang gripo.
Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. Ikabit ang bagong gripo sa tubo o pvc pipe at ikutin ng pakanan upang
humigpit.
D. Buksan ang suplay ng tubig at hayaan munang tumulo ang tubig sa gripo
ng ilang minuto.

23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa kahalagahan ng sining pang-
industriya?
A. Ang kasanayan sa gawaing pang-industriya ay sadyang kapaki-
pakinabang.
B. Ang may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ay
napapakinabangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Hindi mahihirapan ang isang batang tulad mo pagdating ng araw kung
ikaw ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing pang-
industriya.
D. Ang sining pang-industriya ay para lamang sa mga mahihilig sa
pagkukumpuni.

24. Ito ay isang uri ng lupa na tinatawag na luwad na ginagawa sa paraan ng


paghuhurno upang matuyo agad at maihulma sa nais na disenyo sa gagawing
proyekto.
A. niyog B. seramika C. katad D. metal

25. Habang nagdidilig ng halaman si Czelly sa kanilang hardin, nakita niyang may
tumatagas na tubig sa gripo dahil maluwag na mismo ang pihitan nito. Anong
kagamitan ang maaari niyang gamitin upang tanggalin muna niya ang mismong
gripo?
A. maso B. long nose C. liyabe D. martilyo

EPP-Industrial Arts 5
Key to Correction:
Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

1.A 11. B 21. D

2.D 12. A 22. B

3.A 13. B 23. D

4.A 14. A 24. B

5.D 15. C 25. C

6.D 16. A

7.A 17. D

8.B 18. D

9. D 19. B

10. C 20. A

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like