You are on page 1of 2

CITY OF DAGUPAN 75TH DIAMOND JUBILEE

THEME: “Nigalang Karuman, Nidayēw Natan, Nitanduro Kaimbuwasan”

Isa ang Dagupan sa nagbigay ng makabuluhang ambag sa pagbuo ng kabihasnan at


sibilisasyon sa Pangasinan mula pa noong kasaysayan. Makikita ang ebidensya na ito dahil sa
pagkilala sa Dagupan upang ideklara na opisyal na itong lungsod. Nangyari ang
makasaysayang araw na ito noong ika-20 ng Hunyo, taong 1947, pagkatapos pirmahan ni
dating Pangulong Manuel Roxas ang isinulat ni Former House Speaker Eugenio Perez Sr. na
Republic Act. No.170 o ang tinatawag na “City Charter of Dagupan.”

Maituturing na pribilehiyo ang maitalaga bilang isang lungsod ngunit kasabay nito ay
mga responsibilidad na kailangang gampanan ng mga mamumuno. Gayunpaman, hindi binigo
ng mga taong nasa likod ng kaunlaran ng Dagupan ngayon ang mga taong naniwala sa mas
maunlad at matagumpay na kinabukasan ng lungsod. Tinatamasa naman ng mga Dagupeño
ang bunga ng kanilang partisipasyon sa mga programa at proyekto na isinagawa roon. Kasabay
din nito ang mga iba’t ibang parangal na nakamit ng lungsod mula noon hanggang ngayon.

Sa larangan ng ekonomiya, hindi papahuli ang lungsod pagdating dito. Kinilala ng DTI
ang Dagupan City bilang ‘Most Competitive City’ sa buong Region 1 noong taong 2017.
Napakalaking karangalan ito na ipagmamalaki maging ng mga susunod na henerasyon.
Nakatatak na ito sa kasaysayan ng Dagupan. Mapapansin din na maraming investor at
businessman ang tumatangkilik sa lungsod. Matibay na kumpirmasyon ang samu’t saring
gusali, kainan, at iba pang imprastraktura na patuloy na nadaragdan. Dahil sa hindi mabilang na
negosyo ang nakatayo roon, isa ito sa nagresulta sa mayabong na ekonomiya ng naturang
lungsod.
Tinaguriang ‘World’s Bangus Capital’ ang Dagupan City dahil dito matatagpuan ang
pinakamasasarap na bangus sa buong mundo. Hindi maitatanggi na dinarayo talaga ang lugar
upang tikman ang ipinagmamalaking isda ng lungsod. Ang bangus ay iniluluwas hindi lamang
sa loob ng bansa kundi pati rin sa iba’t ibang panig ng daigdig tulad sa Amerika. Mas lalo
namang naging popular ang produktong bangus ng Dagupan matapos makamit ang “World’s
Longest Barbecue” sa Guinness World Records noong taong 2003 nang ginanap ang Kalutan
ed Dalan kung saan nag-ihaw ang mga tao ng 10,000 bangus. Tinatayang sumusukat ng
1,007.56 meters ang haba ng ihawan ang ginamit.

Sa naging SONA noong 2019 ni Mayor Belen Fernandez, ipinagmalaki niya na isang
bilyon na ang pagmamay-ari ng siyudad. Ito ang bunga ng striktong panukala na maging
‘corruption free’ ang Dagupan City. Idagdag pa ang paggiging ‘debt-free’ ng lungsod.

Maipagmamalaki rin ang serbisyong medikal na isinasagawa rito. Nagpapatunay ang


parangal na natanggap ng siyudad bilang ‘Best City in the implementation of Infectious Disease
Program in the Region.” Ngayong taon, binuo ng opisyales ng Dagupan ang ‘drive-thru
vaccination’ upang makiisa sa programa ng DOH upang gawing madali ang vaccination sa
lungsod. Naging matagumpay din into sapagkat maraming mga drayber ang nagpabakuna.

You might also like