You are on page 1of 70

Mula Pagkabata hanggang

Unang Paglalakbay sa Europa


(1861-1882)

ALVIN D. CAMPOMANES
PI 100: Buhay at mga Akda ni José Rizal at iba pang
Bayaning Pilipino
University of the Philippines Manila
Pagkabata ni José Rizal
• Hunyo 19, 1861 – isinilang sa Hacienda
de Calamba, La Laguna na pagmamay-ari
at pinamamahalaan ng mga prayleng
Dominiko
• Don Francisco Mercado Rizal (“Kikoy”)
• Doña Teodora Alonso y Quintos (“Lolay”)
• pampito sa labing-isang magkakapatid
• José Protacio Mercado Rizal y Alonso
Realonda (Rizal mula sa “ricial”)
Pagkabata ni José Rizal
• Hunyo 22, 1861 – bininyagan ni Padre
Rufino Collantes ng Batangas; tumayong
ninong niya si Padre Pedro Casañas
• principales/principalía, inquilinos, ilustrados
• principalía – may mga ari-arian,
nangongolekta ng buwis, nakakaboto at
nakakahawak ng posisyon sa pamahalaang
lokal (e.g. gobernadorcillo), nakakapagbihis
ng kasuotang Europeo, marunong gumamit
ng kubyertos kung hinihingi ng okasyon
Pagkabata ni José Rizal

• inquilinos – umuupa sila ng lupa sa


Hacienda de Calamba ng mga prayleng
Dominiko (nasa 390 ektarya, na
karaniwang tinatamnan ng tubô)
• ilustrados (lit. “naliwanagan”) – nakapag-
aral sa mga colegio (sekundarya) at/o
universidad, nakakabasa, nakakasulat,
nakakapagsalita ng wikang Español,
nakakaharap sa korte, nakakapaglakbay
sa ibang bansa
Kaliwa:
Historical
marker ng
tahanan ng
mga Rizal sa
Calamba;
mula sa
Wikimedia
commons

Itaas: Tahanan ng mga Rizal sa


Calamba noong dantaon 19

Kanan: Dambanang Rizal (Rizal


Shrine) sa kasalukuyan. Nagmula
ang larawan sa blog na Tupang
Gala
Itaas, kanan: modelo ng bahay-kubong palaruan ng magkakapatid
na Rizal

Ibaba, kanan: estatwa ng batang Rizal at ng alaga niyang aso

Itaas: Bakuran ng Rizal Shrine, pansinin ang malawak na bakuran


at ang laki at rangya ng bahay na bato ng mga Mercado Rizal
Kaliwa, itaas: Simbahan ng San Juan Bautista sa
Calamba noong siglo 19; larawang kuha ni
Elmer Domingo sa Wikipedia

Kanan, itaas: Itinuturo ko ang larawan ng


baptismal record ni Rizal; pansinin ang
historical marker sa kaliwa

Kaliwa, ibaba: St. John the Baptist Church sa


Calamba sa kasalukuyan
Pagsusuri ng Memorias
• dyornal na isinulat at tinipon ni Rizal
mula 1878 hanggang 1881 (17 hanggang
20 taong gulang siya)
• primaryang batis/sanggunian – siya
mismo ang nagsasalaysay ng kanyang
mga karanasan
• masisilip ang personalidad niya (i.e.
pagkabata, pag-aaral sa Biñan at Maynila,
hanggang pagbibinata at “unang pag-
ibig” [Segunda Katigbak ng Lipa)
Memorias de un estudiante de
Manila

Tinipon niya ang mga alaala niya sa kuwaderno mula 1878-1881 (i.e. mula 17-20
taong gulang siya)
Pagsusuri ng Memorias
• tekstuwal - nilalaman ng mismong
dokumento; estilo o paraan ng
pagkakasulat;
• kontekstuwal – kailan at saan isinulat,
anong nangyayari noong panahong
iyon?
• intertekstuwal – paghahambing sa iba
pang sulatin
• subtekstuwal – may hindi ba tuwirang
binanggit, itinago o sinadyang hindi
talakayin?)
Mga Talâ mula sa Memorias
• mga dating gobernadorcillo ng Biñan ang
mga lolo (Cipriano Alonso at Lorenzo
Alberto Alonso; Juan Mercado); tanyag na
abogado sa Maynila ang lolo sa tuhod
(Manuel de Quintos); “dating kinatawan sa
Cortes” ng España ang lolo (Lorenzo Alberto
Alonso); may tiyong edukado sa Europa at
marunong ng Español, Alemán, Pransés,
Inglés (Jose Alberto Alonso)
• “hinubog siya ng edukasyong natanggap niya
mula pagkabata” (p. 3)
Kaliwa: sinaunang guhit ni
Johann Karuth ng bayan ng
Calamba; nasa kanan (may bilog)
ang bahay ng mga Rizal
Itaas, kaliwa pakanan: Doña
Teodora, Don Francisco, Paciano

(Vibal Foundation)
Mga Talâ mula sa Memorias
• Don Kikoy: “huwaran ng mga ama” na
nagbigay ng “edukasyong nararapat” sa
kanilang katayuan sa buhay
• Doña Lolay: “hindi pangkaraniwang
babae”; “matemátika”; mas mahusay
kumatha sa Español; unang nagturo sa
kanya ng Latin (e.g. mga Katolikong dasal
tulad ng rosaryo) at Español (e.g.
pagbabasa ng Amigo de los niños at
pagwawasto ng kanyang mga tula)
Mga Talâ mula sa Memorias
• pagpapahalaga ng pamilya sa edukasyón
(e.g. may pribadong aklatang may higit
sa 1,000 aklat; pinag-aral silang
magkakapatid sa colegio [Ateneo, San
Jose at Concordia] at universidad)
• maaagang karanasan sa paglikha ng
sining at pagkatha ng literatura
(pansinin: ito rin ang gagamitin niyang
midyum ng kanyang patriotismo at
nasyonalismo sa hinaharap)
Mga Talâ mula sa Memorias
• pagsasanay sa panitikang klasiko sa
pormal na edukasyon (pansinin ang mga
alusyon sa mitolohiyang Griego - e.g.
Delia, Apollo)
• Católico cerrado ang pagpapalaki
• malaki ang pamilya ( 9 na kapatid na
babae [pumanaw si Concepcion o
“Concha” sa edad na 3] at 1 lalaki)
• 10 taon ang agwat nila ng kuya niyang
si Paciano
Mga Talâ mula sa Memorias
• may angking husay sa paglalarawan ng
mga kapaligiran at damdamin (e.g.
pagtawid nila ng kanyang ama sa La
Laguna patungong Maynila sakay ng
casco) (p. 6)
• sensitibo, maramdamin, “pikon”,
romantiko (e.g. paulit-ulit ang
“kalungkutang” nadarama niya tuwing
iniiwan niya ang Calamba at ang
kanyang pamilya)
Mga Talâ mula sa Memorias

• may mga pahiwatig rin ng pagkapilyo


(“alam na alam ng ina kung paano
itatama” ang kakulitan niya; pinapalo rin
siya ng guro niya sa Biñan)
• 2 taóng pagkakakulong ng ina dahil sa
paratang ng pakikipagsabwatan sa upang
lasunin ang kanyang hipag; pinaglakad
mula Calamba hanggang Sta. Cruz
(“nawalan ng tiwala sa pakikipagkaibigan”
at “nagduda sa mga tao”) (p. 12)
Mga Talâ mula sa Memorias
• Ante Radaíc (Rizal Por Adentro, 1963):
may “inferiority complex” ng batang Rizal
(e.g. muntik na siyang malunod sa Biñan
nang itulak siya ni Leandro sa ilog; “mas
malaki” sina Pedro Aquino Cruz at Andres
Salandanan; “mababa ang tindig” at
”mahina ang pangangatawan” kaya
muntik hindi tanggapin sa Ateneo;
• bagama’t mag-14 taon na ako, napakaliit
ko pa rin” (1879)
Mga Talâ mula sa Memorias
• pagpipilit niyang ipinagkasundo na si
Segunda Katigbak sa isang “matangkad
na lalaki” (i.e. ang kababayan nitong si
Manuel Luz)
• pakikipagtagisan sa mga kaklaseng
Español at mestizo (naging emperador
siya ng Cártago sa loob lamang ng
isang buwan) [Leon Ma. Guerrero:
“race jealousy” na maaaring nagtulak sa
kanyang magsipag sa pag-aaral]
Travel and Wellness with Maria

NHCP c/o Herencia Lipeña FB page lonelytravelogue.com


Mga Talâ mula sa Memorias
• maagang interés sa literatura (El Conde
de Montecristo ni Alexander Dumas at
El Ultimo Abencerraje ni Francois René
de Chateaubriand) at historya (Historia
Universal ni Cesar Cantu)
• mas hilig ni Rizal ang humanidades
(lalo na ang literatura at pagtula) kaysa
siyensiya at medisina (paghambingin
ang mga grado at salaysay niya tungkol
sa pag-aaral sa Ateneo at Santo Tomás)
Mga Tala mula sa Memorias

• malaki ang papel ni Padre Francisco


de Paula Sanchez, SJ sa pagpapahusay
ng kanyang kakayahan sa pagkatha ng
tula, dula, atbp. sa iba’t ibang wikang
Europeo
• “utang niyang halos lahat” sa mga
Heswita (mas malapít siya sa mga
Heswita kaysa mga Dominikano)
Mga Tala mula sa Memorias

• hinubog ng ratio studiorum ng mga


Heswita
• kurikulum: doktrinang Kristiyano,
Español, Latin, Griyego, Pranses,
heograpiya at historya, matematika
at mga siyensiya (e.g. aritmetika,
heometriya, trigonometriya,
mineralohiya, kimika, pisika,
botanika, zoolohiya
Mga Tala mula sa Memorias
• sa huling taon ng pag-aaral sa Ateneo:
“umunlad” ang kanyang “sentimyentong
patriotiko” o “damdaming makabayan” (p.
21)
• “paalam, maganda at di-malilimutang
bahagi ng aking buhay; ikaw ang
sandaling bukang-liwayway na hindi na
muling babati!...Taglay ko ang iyong alaala
sa aking puso, isip, at buong pagkatao...
Paalam, maliligayang oras ng aking
naglahong kamusmusan...”) (pp. 21-22)
“Isang libong pagwawasto”

“I entered the College still a boy, with little


knowledge of the Spanish tongue, my mind
hardly developed and almost without
refinement in my sentiments. By dint of study,
self-examination, constantly pushing forward,
and a thousand corrections, I was
transformed little by little into a new man,
thanks to the beneficent influence of a
zealous professor.”

- José Rizal, Memorias de un Estudiante de Manila


Kronolohiya batay sa Memorias

• 1870 – nag-aral sa Biñan sa ilalim ni


Maestro Justiniano Aquino Cruz
• 1872 – dinakip si Doña Teodora sa
‘pakikipagsabwatan’ upang lasunin
ang kanyang hipag
• Pebrero 17, 1872 – pagbitay sa
GOMBURZA
• Hunyo 1872 – pumasok sa Ateneo
Municipal de Manila
Kronolohiya batay sa Memorias

• 1872-1877 – Bachiller en artes sa


Ateneo (sobresaliente ang lahat ng
grado; 5 medalya sa araw ng
pagtatapos sa edad na 15 )
• bakasyon ng 1878 – pagmamalupit ng
teniente ng Guardia Civil
• 1878 – nagtapos bilang Perito
Agrimensor (land surveyor) sa Ateneo
Ang Ateneo Municipal sa Manila sa Intramuros, Maynila
Ateneo Municipal de Manila, nakaharap sa Calle Santa Lucia
Kaliwa: likod ng Ateneo sa Intramuros; kanan: historical marker sa sityo ng dating Ateneo, gawa ng
Intramuros Administration (IA)
Si Rizal sa Santo Tomas

• 1877-1882 – Universidad de Santo


Tomas; kumuha ng Filosofía y Letras sa
unang taon bago lumipat sa Medicina
makalipas ang isang taon (1878)
• mas gusto ni Rizal ang pagtuturo ng mga
Heswita kaysa Dominikano
• isang salik ito kung bakit mas mababa
ang mga gradong nakuha niya sa mga
kurso sa pre-medisina at medisina
Universidad de Santo Tomas sa Intramuros, Maynila; nasa gitna ang monumento ni
Miguel de Benavides, tagapagtatag ng unibersidad
Rizal sa Santo Tomas
• may mga sobresaliente pero mayroon
ding 3 aprovechado o notable at 8
bueno
• ngunit naroon rin ang iba pang
distraksyón ng pagbibinata – e.g.
panunuyo kina Segunda Katigbak,
Leonor Rivera, Leonor Valenzuela;
pakikipag-away sa iba pang grupo ng
mag-aaral sa unibersidad; pagdalo sa
mga salu-salo, atbp.
Aklatan ng dating kampus ng Universidad de Santo Tomas sa Intramuros, 1887
Listahan at kaukulang ranggo o antás ng mga mag-aaral na tumanggap ng
karangalan sa pagtatapos nila sa Ateneo Municipal de Manila, 1876-1877

Bonoan, Raul. Rizal’s Record in the Ateneo. Philippine Studies 27 (1979): 53-
73.
A La Juventud Filipina (1879)

• tulang inilahok ni Rizal sa


patimpalak ng Liceo Artistico-
Literario de Manila
• kina Rafael Palma (1949) at Nick
Joaquin (1996), ang tinutukoy na
patria (lupang tinubuan o fatherland)
sa “bella esperanza de la patria mía”
ay ang Pilipinas, hindi ang Espanya
• “kabataan bilang pag-asa ng bayan”
A La Juventud Filipina (1879)*
To the Philippine Youth
* Salin ni Nick Joaquin mula sa Espanyol
A La Juventud Filipina (1879)*
To the Philippine Youth
* Salin ni Nick Joaquin mula sa Espanyol
A La Juventud Filipina (1879)*
To the Philippine Youth

Tala:
* Salin ni Nick Joaquin mula sa Espanyol

Philomela sa
mitolohiya;
prinsesa ng
Atenas
(Athens) na
madalas
iniuugnay sa
literatura,
sining, at
musika
A La Juventud Filipina (1879)

Tala:

Phoebus – diyos ng
araw sa
mitolohiyang
Griego (Apollo).
Apelles – Griegong
pintor (kahit raw
ang mga ibon ay
nalilinlang ng mga
realistiko
niyang pinta)
El Consejo de los Dioses (1880)

• alegorikong dula na may isang yugto


• inilimbag sa Maynila, Abril 13, 1880
• nagwagi ng unang gantimpala sa
taunang patimpalak pampanitikan
ng Liceo Artistico-Literario de Manila
(bukás para sa lahat – pati na sa mga
Peninsular)
El Consejo de los Dioses (1880)

• ang timpalak noong 1880 ay


komemorasyón ng anibersaryo ng
kamatayan ni Miguel de Cervantes, ang
dakilang nobelista ng Don Quixote
(1612)
• isang malikhaing alegorya na pumupuri
kay Cervantes (inihanay siya kina
Homer (Iliad at Odyssey) at Virgil
(Aeineid)
El Consejo de los Dioses (1880)

• binuksan ni Jupiter ang pagtitipon sa


Olimpo sa pagtatanong kung sinong
manunulat ang dapat bigyan ng
inihahanda niyang gantimpala ng
inmortalidad
• inirekomenda nina Juno, Venus at
Minerva sina Homer, Virgil at
Cervantes; halos magkagulo ang dioses
ng Olimpo
El Consejo de los Dioses (1880)

• makikita rito ang matalinong


karakterisasyon ng mga dios; matalas na
pagtataya sa akda nina Homer, Virgil,
Cervantes
• matalik na kaalaman sa mitolohiya at
panitikang klasika (i.e. hindi lang basta
minemorya kundi “leksyon sa
sikolohiyang Kanluranin at bukal ng
pamantayang pantao mula sa mga
dinadakila’t inmortal,”Almario (2016, ix)
El Consejo de los Dioses (1880)

• Revista del Liceo Artistico-Literario (23


Abril 1880): “una admirable riqueza de
detalles, delicadeza de pensamientos y
figuras, y por fin, un sabor tan helénico
que figura el lector encontrarse
saboreando algun delicioso pasage de
Homero” (“...a flavor so Hellenic that the
reader appears to find himself savoring
some delightful passage from Homer”)
El Consejo de los Dioses (1880)
Another young man wins a prize in a literary
contest, and as long as his identity is
unknown, his work is discussed, the
newspapers praise it, and consider it a
masterpiece; the sealed envelopes are
opened, the winner turns out to be a Filipino,
and among the losers are Peninsulars; then
all the newspapers extol the losers! Not one
word of encouragement from the
Government nor from anybody for the native
who fondly cultivates the language and
literature of the mother country!
- José Rizal, Sobre la indolencia de los Filipinos (1890)
Junto al Pasig (1880)
• zarzuelang (may bahaging binibigkas at
inaawit) nakaberso na hiniling ng mga
Heswita na isulat ni Rizal
• itinanghal sa Salón de Actos ng Ateneo
Municipal de Manila, sa taunang
pagdiriwang ng pista ng Inmaculada
Concepción
• nakatulog ang batang si Leonido habang
nag-aabang sa prusisyon ng Birheng Maria
sa Ilog Pasig; nagpakita si Satanas bilang
isang “diwata” (pagano)
Leonido at Satanas

• Satan: I am he who in a fairer age ruled with


grandeur and power, venerated and feared,
the absolute god of the natives.
• Leonido: You lie! The god of my ancestors
already sleeps in shameful oblivion. His
obscene altars,where victims by the
thousands were offered to the chant of ill-
omened devotions now lie shattered. We
have only words of contempt for the
forgotten rites of his broken power….
Leonido at Satanas

• Satan: Impious child, do you not see that


mine is the air you breathe, the sun, the
flowers, the billowy river? At my call,
strong with the power of creation these
islands rose from the waters, islands
lighted by the dawn and which once
were fair. As long as faithful to my holy
cult, the people lifted up their prayers
before my altars, I saved them a thousand
times from death, hunger, fear…
Leonido kay Satanas
• This rich land then enjoyed such a
happy age that in its delights it rivaled
heaven. But now, disconsolate and
afflicted, it groans under the rule of
alien people, and slowly dies at the
impious hand of Spain. Withal I shall
liberate it, if it bends the knee to my
cult which shines with splendor still…
Leonido kay Satanas

• Leonido: If you are so powerful, if the


destiny of mortals is in your hands,
why have the Christians prove to be
your own undoing? And if, as you
say, the wild sea is your hireling and
obeys your voice of command, why
were not the frail Spanish caravels,
which now deride you, swamped and
buried underneath the waves?
Satanas kay Leonido

• Satan: Ah the future, shall bring the


disasters I reserve for your race,
which follows this profane religion:
tragic calamities, pestilence, wars and
cruel invasions by various nations in
coming ages not so distant. Your
people will water with their blood
and tears the thirsty sands of their
native land.
Satanas kay Leonido
• The bird, wounded by melting metal,
no longer shall raise its song to the
pleasant meadow, nor in that time of
affliction, shall your forests be
respected by those hateful men who
shall come to destroy your peace and
your prosperity.
Satanas kay Leonido

Ay! Di maglalaon, bukas ay daragsa


Lahat ng masamang para sa lahi mo
Na pinagpapala ng kultong di-puro:
Mga kalamidad na kalunos-lunos,
Mga peste, g'yera't mga pananakop
Na napakalupit sa maraming nasyon
Sa isang hindi na malayong
panahon!
Satanas kay Leonido

Ang sambayanan mo ay dugo at luha


Yaong didilig sa uhaw na lupa.
Sa parang na lubhang kaiga-igaya
Di na maririnig muli pa ang kanta
Ng ibong nasaktan sa nagbagang
bakal.
Ni ang sinaunang mga kagubatan,
Satanas kay Leonido

Ang sambayanan mo ay dugo at luha


Yaong didilig sa uhaw na lupa.
Sa parang na lubhang kaiga-igaya
Di na maririnig muli pa ang kanta
Ng ibong nasaktan sa nagbagang
bakal.
Satanas kay Leonido
Ni ang sinaunang mga kagubatan,
Ang ilog, ang lambak, at maging ang
bukal
Ay mangyayari ngang di na igagalang
ng mga lalaki na kasuklam-suklam
Na manliligalig sa kapanatagan.

- José Rizal, Junto Al Pasig (1880), salin ni Michael


Coroza (2016)
Junto al Pasig (1880)
• iniligtas si Leonido ng isang anghel na
ipinadala ng Langit upang itaboy si
Satanas (‘Arkanghel na Taksil’) at ang
mga diablo
• ginising si Leonido ng kasamahan
niyang si Candido at ipinaalam sa
kanyang parating na ang Birhen ng
Antipolo; nagtapos ang dula sa pag-
awit ng mga bata ng papuri sa Birheng
Maria
Junto al Pasig (1880)
• maaaring nakalusot ang mga linya ni
Satanas dahil sa Kristiyanong pananaw
na prinsipe naman talaga ito ng
kasinungalingan; isa pa, nagwagi ang
mga batang Kristiyano sa tulong ng
anghel at ng Birhen laban sa mga diablo
(i.e. pananaig ng Kristiyanismo)
• ngunit interesante ang mga linya ni
Satanas lalo pa’t may pagtukoy sa
nakaraang prekolonyal
Si Rizal bilang batang mandudula

Iniayos ni Pascual Poblete para sa pagtatanghal Iniayos para sa pagtatanghal na inorganisa ng


na inorganisa ng Día Filipino, 1915 Día Filipino, ika-49 na anibersaryo ng
kapanganakan ni Rizal, 1915
Si Rizal bilang Batang Mandudula

• sa El Consejo de los Dioses, makikita


natin ang epekto ng Hispanisasyon sa
kamalayang katutubo (si Rizal bilang
Hispanista)
• paggunita naman sa kalinangang
katutubo bago sumapit ang
kolonyalismo ang mababasa natin sa
Junto al Pasig (si Rizal bilang Tagalog)
Si Rizal bilang batang mandudula

• kontradiksyon ito sa buhay at pagsulat


ni Rizal na maituturing rin namang
“natural na epekto sa henyo ng
edukadong Filipino sa ilalim ng
kolonyalismo” Almario (2016, ix)
• payak ang organisasyon (nakasalig sa
retorika ng nagpapaligsahang panig)
at didaktiko
Sa Aking mga Kabata (1869)

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian
at ang isang tao’y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.

(2)
Sa Aking mga Kabata (1869)

Ang hindi magmahal sa kanyang


salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
kaya marapat, pagyamaning kusa
na tulad ng inang tunay na nagpala.
(3)
Sa Aking mga Kabata (1869)

Ang salita nati’y tulad din sa iba


na may alfabeto at sariling letra
na kaya nawala’y dinatnan ng
sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong
una.
(5)
Sa Aking mga Kabata (1869)
• “…ang hindi magmahal sa sariling
wika...”
• paglalarawan sa pagdating ng Espanya
bilang isang mapangwasak na sigwa o
bagyo
• malabong isinulat ni Rizal; ipinapalagay
na akda ito ni Herminigildo Cruz (1906)
Sa Aking mga Kabata (1869)

• hindi pa ginagamit ang salitang


“kalayaan” noong 1869 tulad ng
paggamit rito noong 1896 (cf. sulat
niya kay Paciano, Oktubre 12, 1886,
kung saan itinatanong niya ang
wastong salin sa Tagalog ng Alemang
‘freheit’) (Quibuyen 2008)
Ilang Akda mula sa Pagkabata
• Memorias de un Estudiante de Manila
(1878-1881)
• A La Juventud Filipina (1879)
• El Consejo de los Dioses (1880)
• Junto Al Pasig (1880)
• wala pang malinaw na artikulasyon ng
patriotismo/nasyonalismo sa mga akda
• kailangang maging maingat sa
pagbabasa ng mga ito
Patungong Europa

• Mayo 3, 1882 – naglayag si Rizal


patungong Europa sa edad na 20
• hindi pagpapakadalubhasa sa
medisina ang tunay na layunin kundi
“iba pang kapaki-pakinabang na
bagay” na higit na “malapit sa kanyang
hilig” (liham ni Paciano ng Mayo 26,
1882)

You might also like