You are on page 1of 1

Karagatan, Marapat na Pangalagaan

Sa malalim at malayong lugar, may isang makapangyarihang diyosa na nagngangalang Arinora. Siya ang
pinuno ng lahat ng mga alon sa karagatan, at sa kanyang mga kamay nakasalalay ang kapayapaan at
kaginhawaan ng mga nilalang sa ilalim ng dagat.

Sa bawat araw, si Arinora ay nagdadala ng kaligtasan sa mga isda at iba't ibang mga nilalang sa kanyang
kaharian. Siya’y nagpapadala ng mga alon upang magbigay buhay at kulay sa mga koral.

Ngunit isang araw, isang makamundong nilalang na nagngangalang Ihill ang naglakas-loob na magtapon
ng basura at kemikal sa dagat. Nagdulot ito ng matinding sakit sa mga nilalang sa dagat at pagkawasak ng
mga koral. Dahil sa pangyayaring ito, wala ng alon ang nakikita sa dagat, nawala ang kaligtasan at
kapayapaan. Labis na nalungkot si Arinora sa nangyari.

Naging malupit ang galit ni Arinora, at dahil sa kanyang poot, itinapon niya si Ihill pabalik sa kalupaan at
inilagay sa kanya ang sumpang hindi na siya makakakita ng kahit isang patak ng tubig. Nagsilbing aral ito
sa lahat ng nilalang na ang kalikasan ay dapat ingatan at respetuhin.

Mula noon, ang alon ay nananatili bilang simbolo ng kapayapaan, pagmamahalan, at pangangalaga sa
kalikasan. Si Arinora ay patuloy na nagmamalasakit sa kanyang kaharian, naghahari nang may
pagmamahal at respeto sa kanyang mga nasasakupan. Dahil sa nangyari, doble na ang kanyang
pagproteka at pagbantay sa kanyang kaharian, binabantayan niyo ito ng maiigi upang wala nang
magdulot ng kasiraan at kapahamakan dito.

You might also like