You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION OFFICE II
PUELAY ELEMENTARY SCHOOL
VILLASIS, PANGASINAN

Classroom Observation #2
EPP 4 (ICT)
4-Del Pilar (1:30-2:20)
June 26, 2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
-Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng productivity tools upang
maipakita ang numerical at tekstuwal na impormasyon sa pamamagitan ng mga table at tsart.
B. Pamantayan sa Pagganap
-Nakagagawa ng table at tsart gamit ang spreadsheet tools upang magpakita ng
impormasyon.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
-Nakagagamit ng spreadsheet application upang makagawa ng table at tsart.
-Naisasaayos ang mga tsart sa pamamagitan ng design, layout at format properties ng mga
ito.

II. NILALAMAN
Aralin 15: Paggawa ng Table at Tsart gamit ang Spreadsheet Tool ( EPP4IE-0dg-14)

III. LEARNING RESOURCES


A. References
1. Teacher’s Guide pages 43-50
2. Learner’s Materials Pages- LM EPP Grade 4 pages 109-123
B. Other Learning Resource- Power Point Presentation, chart,metacard
Integration: Mathematics, EsP- Pagkamasipag at Pagkamasinop at Filipino

IV. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin (Math Integration)
“Mystery Box Game”
Mekaniks ng laro
• Gumawa ng dalawang pangkat
• Pumili ng letra at sagutin ang tanong
• Kapag nasagot nang tama, pumili kung:
“Keep the box” o “Give the box” sa kabilang pangkat
1. Ito ay isang uri ng tsart na kamukha ng pizza pie. (Pie Chart)
2. Ito ay isang uri ng tsart na gumagamit ng mga patayong bar upang ipakita ang paghahambing ng mga
numerical na datos. (Column Chart)
3. Ito ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o media files. (Attach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Math at EsP Integration)


1. Ipabasa ang kuwento nina Ana at Lorna (LM ph. 110)
2. Ipasagot ang mga panggabay na tanong sa Alamin Natin sa LM ph.111
Panggabay na Tanong:
1. Magkano ang kinita ni Ana at Lorna sa loob ng limang araw?
2. Sa tingin mo ba ay makatutulong kina Ana at Lorna ang paggawa ng table at tsart ng
kanilang mga kinita sa limang araw na pagtitinda?
3. Sa paanong paraan makatutulong sa kanila ang table at tsart?
4. Anong kaugalian ang taglay nina Ana at Lorna?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Talakayin kung ano ang Electronic Spreadsheet Tool.
Ang Electronic Spreadsheet Tool ay isang mainam na software upang makagawa ng
mga table at tsart para sa mas madaling pagsususuri at pagsasaayos ng mga numerical at
tekstuwal na impormasyon.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ipakita sa mga mag-aaral ang paggawa ng table, pag-format ng table at paggawa ng tsart gamit
ang electronic spreadsheet tool. (Video Clip)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita.
1. T S R A T – TSART
2. T O B O A L R – TOOLBAR
3. S E T H E R W O K – WORKSHEET
4. D E A R S P H E T E S – SPREADSHEET
5. N M U R E B X B O – NUMBER BOX
6. K S T E U W L A – TEKSTUWAL
7. L N I U E M R A K – NUMERIKAL

F. Developing Mastery at paglalahad ng bagong kasanayan #3


Pangkatang Gawain:
Pangkat 1:
I-distribute ang metacard, aayusin ng mga mag-aaral ang mga hakbang sa Paggawa ng Table.

(1) Gamit ang mouse, i-select (3) I-click ang column (4) Piliin ang nais na uri ng
ang datos nga gagawan ng option na nasa charts tsart at i-click ang Ok
tsart. group. button.
(2) Pagkatapos mai-highlight ang
cells, i-click ang Insert Tab upang
magbukas ang mga options.
F. Pangkat 2: (Filipino Integration)
Pagsunod-sunurin ang mga hakba sa Paggawa ng Tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng titik
( A-unang hakbang... E-panlimang hakbang).
___1. Pagkatapos i-high light ang mga cell na naglalaman ng datos, i-click ang Insert tab. (2)
___2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na gagamitin para sa tsart. (3)
___3. Pagkabukas ng mga options sa ribbon ng insert tab, piliin ang klase ng tsart na nais gamitin sa
charts group. (4)
___4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder. (5)
___5. Pagkabukas ng file na spreadsheet table, gumawa ng tsart mula sa datos dito.(1)

Pangkat 3:
Isulat sa kahon ang apat na paraan ng Pag-format ng Tsart sa Spreadsheet

1. ( Pagpapalit ng uri ng tsart)


2. ( Pagpili ng chart style)
3. ( Pagpapalit ng fill color ng chart area)
4. ( Pag-Format sa iba pang properties ng tsart)
G. G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (EsP Integration)
Mayroon kayong maliit na tindahan. Napansin mo ang nanay mon a paulit-ulit sa
paglilista ng kanyang mga paninda at kita sa araw-araw. Paano mo matutulungan ang iyong
Nanay sa pagsasaayos ng mga datos ng kanyang tindahan?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang Electronic Spread Sheet Tool?
Paano nakakatulong ang paggawa ng table at tsart gamit ang electronic spreadsheet?
I. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Anong programa o application sa computer ang maaaring gamitin upang makagawa ng
table at tsart?
A. MS Excel B. MS Paint C. MS Publisher D. MS Powerpoint
2. Ang mga sumusunod ay mga datos na maaaring ilagay sa spreadsheet tool, maliban sa
isa. Alin ito?
A.larawan B. numero C. numerikal D. tekstuwal
3. Nais pagsamahin ni Vel ang cells A1, A2 at A3 , aling tool ang maari nyang gamitin?
A. File Tab B. Page Layout C. Page Layout D. Merge and Center
4. Anong tool ang kakailanganin mo sa paggawa ng tsart mula sa ginawa mong table?
A. Data Tab B. Insert Tab C. Review Tab D. View Tab
5. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa insert tab?
A. Table B. Columns C. Pictures D. Tsart

H. Karagdagag Gawain para sa takdang-aralin at remediation (Math Integration)


“Ang Badyet”
3. Ano-ano ang pinagkakagastusan mo o ng inyong pamilya?
4. Gumawa ng isang linggong badyet tungkol ditto
5. Gawan ng table at tsart ang nabuong badyet

Prepared by:

ANGELINE M. ABALOS
Teacher III
Checked by:

MARICEL D. QUIMING
Master Teacher III

Approved by:

BLESILDA C. COSTALES, Ed.D.


Principal IV

You might also like