You are on page 1of 13

Senior High School

Baitang 11

Filipino – Unang Semestre

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Kwarter - Ikatlong Linggo (Aralin 3)

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
(F11PT-Ic-86)
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

Writers: Ma. Lulubel C. Claro, Ruel B. Casipe Jr. Kattie C. Tagud


Rhyne Mae S. Gales, Ma. Tita E. Cadavos, Joseph P. Cagcon

Illustrators: Roel S. Palmaira, Precious E. Garcia

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Rhyne Mae S. Gales

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Gilanes June C. Cagbay

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino, Baitang 11.

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga dalubhasa
mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito
upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay ng mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga
bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa
kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito
na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga
gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain upang masundan ang
mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan
Ang wika ay repleksiyon ng kulturang kinagisnan ng isang tao. Ang tungkulin
nito ay nalilikha batay sa ginagampanan nito sa isang partikular na lugar, tradisyon
at kaugalian.
Sa araling ito ay makikilala ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan na siyang
magagamit sa epektibong pakikipagkomunikasyon sa araw-araw.
Kaya sasanayin mo ang kompetensi na:
• nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86).
Upang matamo ang ating ninanais, narito ang mga tiyak na mga layunin:
• nakikilala ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan
ayon kay M.A.K Halliday; at
• naiisa-isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga gamit ng wika sa lipunan.

Gawain A
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano nakakaimpluwensiya sa mga tagapakinig ang isang patalastas sa
napakinggan sa radyo? Napanood sa telebisyon?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sa isang buong araw mo sa paaralan, sino-sino ang iyong mga nakakasalamuha?
Ano-ano ang inyong mga pinag-usapan? Sa paanong paraan mo naipahahayag
ang iyong naiisip o nararamdaman? Paano mo naipahayag ang mga ito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain B
Panuto: Mag-isip ng isang taong napakahalaga sa iyong buhay na nais mong
pasalamatan at bigyan ng pagpupugay na maaaring:
1. nag-aaruga at nagpapadama sa iyo ng higit na pagmamahal at malasakit
noong ikaw ay nagkasakit;
2. tumulong sa iyo sa isang gawain sa paaralan na hindi mo kayang gawin
ngunit natapos dahil sa gabay at tulong niya;
3. nagsisilbing inspirasyon, sigla, o lakas ng loob upang makapagtapos ka ng
pag-aaral; at
1
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
4. ordinaryong tao o di lubos na kakilala na nasa iyong paaralan o pamayanan
na lagi’t laging nandiyan at gumagawa ng kabutihan sa iyo at kapwa niya.
Isulat sa pamamagitan ng isang liham o tula na may tugma ang pasasalamat
at dahilan kung bakit mo siya pinasalamatan. Piliin ang angkop na mga salita at
ayusin ang daloy ng pagpapahayag.
Maging malikhain at masining sa komposisyon ng tula o simpleng pahayag ng
pasasalamat. Maaaring lagyan ng kanyang larawan o sariling guhit o illustrasyon ang
presentasyon.

Gawain C
Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na simbolo sa ibaba. Bakit mahalaga ang
mga batas sa ating lipunan? Paano ito lubos na at epektibong
maipatutupad at masusunod ng lahat gamit ang mabisang
komunikasyon?

Gawain D
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong:
1. Saan kalimitang makikita ang mga babalang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit kailangang sundin ang mga ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano ang pwedeng mangyari kung hindi ka susunod sa mga babalang na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. May mabuti bang epekto ang pagsunod sa mga ito sa buhay ng tao? Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Gawain A.
Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay
sagutin ang katananungan:
Paano naging instrumento ang wika sa mga sumusunod na halimbawa?
1. Poster ng isang gawain o aktibidad
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

2. Streamer at rally
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

3. Headline ng balita sa telebisyon, diyaryo at radyo.


_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

3
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
4. Patalastas ng isang produkto
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

B. Alamin Natin
Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar o pagkakataon ang wika ay
lagi na nating ginagamit. Ito ay nagbibigay katuparan sa lahat ng ating kilos,
kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Kaya, naglahad sina
Halliday at Jakobson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan kung
paano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat na mga bagay sa mundo.
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o M.A.K. Halliday ay bantog na
iskolar mula sa Inglatera at linggwistong nagpaunlad ng modelo ng wikang pang-
functional na lingguwistika (SFL) sa buong mundo. Ibinahagi niya sa nakararami ang
kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking
ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang
systematic functional linguistics.
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika
batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa na rito si M.A.K Halliday na naglalahad
ng iba’t ibang tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat Explorations in the
Functions of Language (Exploration in the Language Study, 1973)

Gamit ng Wika sa Lipunan

Regulatoryo
Regulatori ang wika kung nagagamit ito sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang
tao, sitwasyon o kaganapan. Ang pagbibigay direksiyon gaya ng pagtuturo ng
lokasyon ng isang partukilar na lugar, direksiyon ng pagluluto ng isang ulam,
direksiyon sa pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa ng anumang
bagay ay mga halimbawa nito.
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng pamilya, paaralan,
edukasyon, simbahan, industriya, midya, at pamahalaan. Lahat ito’y may mga
pinuno at tagapamahala at ang lahat ng pinuno at tagapamahala’y inilahal o pinili
alinsunod sa batas, patakaran, o alituntuning pinapatupad.
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-
direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.

4
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Instrumental
Instrumental ang gamit ng wika kung tumutulong ito para maisagawa ang mga
gusto niyang gawin at tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba. Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham patnugot at pagpapakita
ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng
produkto ay halimbawa ng tungkuling ito. Maituturing na instrumental ang gamit ng wika
kung ginagamit ito sa pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi at pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto.
Malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay may iba’t ibang
gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang mabisang makipag-ugnayan o
makipagtalastasan sa kapwa. Ito ay maaaring gamitin upang ipahayag ang iba’t ibang
layon, pakay o tunguhin. Maituturing na instrumental ito dahil natutugunan nito ang
pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit,
kalungkutan, pagpapatawad at iba pa;
2. panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na mangyari;
3. direktang pag-uutos; o
4. pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang may
kabuluhan.

Regulatoryo
Regulatori ang wika kung nagagamit ito sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang
tao, sitwasyon o kaganapan. Ang pagbibigay direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon
ng isang partukilar na lugar, direksiyon ng pagluluto ng isang ulam, direksiyon sa
pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa nito.
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng pamilya, paaralan,
edukasyon, simbahan, industriya, midya, at pamahalaan. Lahat ito’y may mga pinuno
at tagapamahala at ang lahat ng pinuno at tagapamahala’y inilahal o pinili alinsunod sa
batas, patakaran, o alituntuning pinapatupad.
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-
direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.

Personal
Sa pamamagitan ng wika, matagumpay na naipapahayag ng tao ang kanyang
personal na nararamdaman. Halimbawa, nailalahad ng isang lalaki ang kanyang
pagsinta sa isang babae kaya sila ay maaaring magkaroon ng isang relasyon.
Maituturing na personal ang gamit ng wika kung natutugunan nito ang
pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
- Pagpapahayag ng personal na damdamin at damdamin ng isang indibidwal;
- Pagpapahayag ng sariling opinyo at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
5
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Interaksyonal
Para mapabuti ang kalagayang panlipunan, ang wika ang ginagamit pang-
interaksyonal. Sa paggamit na ito, napananatili ng bawat tao ang mabuti niyang
relasyon sa kanilang kapwa. Halimbawa, nagagamit ng mga namumuno sa isang
lipunan ang wika para magkasundo ang dalawang panig ng taong may alitan. Sa
pasalitang pamamaraan, nagagawa ng isang tao na makipagkamustahan,
makipagpalitan ng kuro-kuro, makipagbatuhan ng biro at iba pa. Sa pagsulat naman,
maaaring ang tao ay magpadala ng liham para sa taong ninanais na makapagpalitan
ng kuro, makilala at iba pa.
Ang tungkuling ito sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng opinion o kuro-kuro tungkul sa partikular na isyu;
pakukuwento ng malulungkot at masasayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalahayang-loob, pagsususulat ng liham-pangkaibigan; at iba pa.

Heuristiko
Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng tiyak na kaalaman tungkol
sa mundo, sa mga akademiko at propesyunal na sitwasyon. Sa pamamagitan ng wika,
nakakapaglahad ang tao ng kanyang mga katanungan at nakakapagbigay ng
kasagutan sa mga katanungan para sa paghahanap ng makabagong mga tuklas at
kaalaman. Nilalayon ng paggamit ng wika sa tungkuling ito na magdagdag o
magpayaman pa ng kaalaman sa anumang larangan. Maaaring ito ay gagawin sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam, pananaliksik at iba pa lalong
nagbibigay daan para mapaunlad ang pag-aaral sa mga bagay sa lipunan.
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong
may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pakikipanayam sa mga
taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa
radyo panonood sa telebisyon at pagbasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat
kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon.
Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon,
pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo
ng impormasyon.

Imahinatibo
Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napagana
ang imahinasyon ng tao. Dahil dito, nakasulat ang tao ng mga iba’t ibang uri ng tula,
maikling kuwento at iba pa.
Pangunahing layunin nito na gamitin ang wika upang maipahayag ang
imahinasyon at maging mapaglaro sa gamit ng salita, at lumikha ng bagong kapaligiran
o bagong daigdig. Gumagamit ng tayutay sa pagsulat ng malikhaing komposisyon.

6
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Representatibo/Impormatibo
Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight
tungkol sa mundo. Ginagamit din ito upang magbigay ng impormasyon/datos sa
paraang pasulat o pasalita.
Maituturing din na impormatibo ang gamit ng wika kung makapagbigay ito ng
mga impormasyon katulad ng mga balita, datos at iba pa na nagagawa lamang sa
pamamagitan ng wika.
Ito ay kabaligtaran ng heuristiko na kung saan ito ay may kinalaman sa
pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito
ay ang mga sumusunod: pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, panayam
at pagtuturo.

Si Roman Jakobson ay isa sa pinakamagaling na dalubwika sa ikadalampung


siglo. Isa siya sa nagtatag ng Linguistic Center ng New York City. Ang kanyang
bantog na Functions of Language ang kanyang naging ambag sa larangan ng
semiotics. Ang semiotics ay ang pag-aaral tungkol sa mga palatandaan at simbolo at
kung paano ito gamitin.

Si Jakobson (2003) ay nagbahagi rin ng anim (6) na paraan sa pagbabahagi ng


wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng
saloobin, damdamin at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)- Ito ang gamit ng wika upang makahimok o maka
impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- Ginagamit ang wika upang makipag-
ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)- Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin
sa pamamagitan ng pabibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinhaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit na paraan sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

7
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Gawain C.
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan? Magbigay ng halimbawa.
__________________________________________________________________
2. Kapag ang isang bata ay hindi makikipag-ugnayan sa iba nang maayos, ano ang
maaaring maging epekto nito sa pagkatuto niyang magsalita? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
3. Paano nagiging interaksiyonal ang isang wika?
__________________________________________________________________
4. Sa ano-anong mga pagkakataon o sitwasyon maituturing na instrumental
ang gamit ng wika batay sa sumusunod na kalagayan? Ipaliwanag ang inyong sagot
at isulat sa hiwalay na papel.
a. Basahin ang liriko ng isang patalastas ng McDonald’s na mula sa kantang
“Handog” ni Florante de Leon. Panoorin ang video nito sa
https://www.youtube.com/watch?v=2h3PyJGJMy4
b. Pansinin ang mga sumusunod na kilos at ipinakikita sa video kaugnay ng
mensaheng nais ipaabot nito sa mga tagapanood.
c. Batay sa video, sa anong pagkakataon o sitwasyon masasabi na ang wika ay
instrumental?
__________________________________________________________________

Panuto: Para sa paglalapat ng mga konseptong iyong natutuhan tungkol


sa komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay Halliday, punan
ang mga sumusunod na patlang ayon sa hinihingi ng bawat aytem.

1. Isa sa mga tungkulin ng wika ang pagpapatatag ng relasyong sosyal ng mga tao.
Sa iyong panananaw ano ang pinakamabuting paraan para mapanatili natin ang
isang mapayapang usapan o diskurso?
_________________________________________________________________
2. Para sa iyo, ano ang maimungkahi mong pinakamainam at pinakaepektibong
paraan na gagawin ng isang guro sa kanyang pag bibigay instruksiyon sa mga mag-
aaral bago magsimula ang isang pagsusulit?
_________________________________________________________________

8
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
3. Ikaw ay nasa lalawigan ng Iloilo kasama ang isang kaibigan na kumausap sa inyo
na pumunta sa Sitio Tabionan, Barangay Bucari, na matatagpuan sa Bayan ng
Leon, Iloilo para sa dalawang araw na bakasyon. Hindi niya kabisado ang lugar na
kanyang pupuntahan. Paano ka magbibigay nang tamang direksiyon sa kanya para
marating niya ito sa pinakamaikling panahon nang hindi gumasta ng mahal at hindi
maligaw?
_________________________________________________________________
4. Ano ang masasabi mo sa mga taong nagpo-post ng kanilang mga hinaing at sama
ng loob laban sa gobyerno gamit ang Social Media katulad ng Facebook? Ang
gawain bang ito ay alinsunod sa etikal na tungkulin ng wika? Bakit?
_________________________________________________________________
5. Sa pagdodokumento ng mga kuwento ng mga Indigenous People na matatagpuan
sa inyong lugar, ano ang pinakamabuti at pinakapraktikal na ihahanda bago sila
kapanayamin? Bakit?
_________________________________________________________________
5. Ilarawan ang isang epektibong mamamahayag sa paborito mong programa sa
radyo batay sa kanyang tama at epektibong paggamit ng wika.
_________________________________________________________________
Napakahalaga ng wika sa anumang uri ng lipunan. Ito ay pangunahing salik
kung bakit ang isang lipunan ay nabubuo at umuunlad. Ang paggamit nito noon at
ngayon ay nagpapakilala na ang wika ang susi sa buhay ng lahat ng tao para
maisagawa ang kanilang tungkulin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyong inilahad. Tukuyin ang
gamit at tungkulin ng wika sa pahayag at bigyang kahulugan ang
komunikatibong gamit nito sa lipunan. Maaaring higit sa isa ang gamit o
tungkulin ng wika sa pahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Sa kinauukulan,

Magandang araw. Ako po ay mag-aaral ng Lawigan National High School


na gumagawa ng isang pa-aaral at pananaliksik tungkol sa wika. Humihingi
po ako ng pahintulot na makagamit ng inyong silid-aklatan upang
makapagsaliksik ng ilang pag-aaral kaugany sa aking paksang pinag-
aaralan.
Lubos po akong umaasa na paunlakan ninyo ang aking kahilingan.

Sumasainyo,
Alyssa V. Caymo
9
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)
Gamit o tungkuling ng wika:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Kahulugan at Paliwanag:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Si Andrew ay isa lamang sa mga batang nakapagtapos ng kanyang pag-


aaral dahil suportado ito ng kanyang pamilya. Siya ay masipag at may anking
talino kaya wala siya kahirap-hirap na nakapagtapos sa kolehiyo. Isang araw
napag-isipan niyang pumunta sa lungsod upang maghanap ng trabaho.
Naglalakad ito sa gilid ng na kalye at bigla nitong nabasa ang isang babala:
WARNING: CONSTRUCTION IS GOING ON. BEWARE OF FALLING
DEBRIS. Pagkatapos mabasa ang nasabing babala, nagmamadali itong
tumawid kasama ang iba pa para makaiwas sa anumang sakuna.
Gamit o tungkulin ng wika:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Kahulugan at Paliwanag:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. ANITA : Hay… ang daming problema…isa na rito ang pagdami at


pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lugar. Hinihiling ko sa
Panginoon na sana mawala na ang virus na ito. Kailan kaya
sasagutin ni God ang mga prayers ko?
RAMON: Hindi ka nag-iisa. Tama ka problema nating lahat ito. Kailangan
nating manalangin sa kaligtasan nating lahat.
ANITA : Ano? Anong sabi mo? Hindi kita marinig.
RAMON: Napakinggan tayo ng Diyos.
ANITA : Oo nga eh. Naniwala din naman ako.
RAMON: Bumubulong minsan ang Diyos. Lumapit lapit ka sa kanya para
marinig mo.
Gamit o tungkuling ng wika:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Kahulugan at paliwanag:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Malugod kitang binabati! Ikaw ay nagpamalas ng kahusayan sa araling ito.


Ipagpatuloy mo pa sa susunod na mga aralin.

10
Baitang 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86)

You might also like