Ap DLP-20 Cot #2 Week 4 4TH Q

You might also like

You are on page 1of 4

DLP No.

20 Learning Area: Araling Panlipunan Grade Level: 6


Quarter: Duration: 50
Ikaapat minuto
Mga Kasanayan: Natatalakay ang mga mungkahi tungo sa pagbabago sa ilang
probisyon ng Saligang Batas 1987
 Natatalakay ang mga karapatang tinatamasa ng
mamamayan ayon sa Saligang Batas ng 1987

Susi ng Pag – unawa Mayroong iba’t ibang karapatan at kalayaan na tinatamasa ang bawat mamamayan
na Lilinangin: sa ating bansa. Ito ay nakasaad sa Artikulo III ng ating Saligang Batas. Tinatawag
din itong Katipunan ng mga Karapatan ( Bill of Rights)

Iba’t-Ibang Uri ng Karapatan:


1. Karapatang Likas
2. Karapatang Konstitusyunal
Klasipikasyon/ Uri ng Karapatang Konstitusyonal
 Karapatang Pulitikal
 Karapatang Sibil
 Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan
 Karapatan ng Nasasakdal
3. Karapatang Batas
1.Mga Layunin:
Kaalaman Natatalakay ang mga karapatan ng mga mamamayan ayon sa Saligang Batas ng
1987
Kasanayan Nakakagawa ng isang role play/pagsasadula tungkol sa nagpapakita ng pagkilala
at pagtamasa sa mga karapatan.
Kaasalan Naipapakita ang pagiging matulungin at pakikiisa sa pangkatang gawain.
Kahalagahan Napapahalagahan ang mga karapatan bilang isang mamamayan
2.Nilalaman: Karapatan ng mga Mamamayan ayon sa Saligang Batas 1987

3.Mga Kagamitang
Pampagtuturo: Projector / LED TV, powerpoint, CG, K-12 Curriculum Guide (AP6TDK-IVd-e-5)
www.google.com.ph, schoolquipper.com , Magandang Pilipinas 6 pp. 157-168
4.Pamamaraan:
4.1.Panimulang Pagbabalik-aral:
Gawain: Ano ang nakasaad sa Saligang Batas kaugnay sa pagigiging mamamayang
3 minuto Pilipino?
Ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino? Ilarawan ang bawat isa.
4.2. Mga Pangkatin ang klase sa dalawang grupo.
Gawain/Estratehiya: Magbigay ng mga pamantayan sa paggawa.
7 minuto Ibigay ang mga karapatan bilang isang mamamayan ayon sa ipinakitang larawan.

4.3. Pagsusuri: Sagutin ang mga sumusunod:


6 minuto Paano ninyo nagawa ang gawain?
Naging maayos ba ang ang inyong pagsagawa ng gawain?

Anu-ano ang mga karapatan mo bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino


ng ating bansa?
Anu-ano ang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon?

4.4. Pagtatalakay: Mga Batayang Karapatan ng mga Mamamayan ayon sa Saligang Batas ng 1987
15 minuto
Lahat tayo ay may angking karapatan na kalakip na ng bawat isa sa simula pa lang
sa sinapupunan ng ating ina. Ang karapatang taglay natin ay pribilehiyo na
ginagarantiyahan ng Saligang-batas ng Pilipinas.

 Karapatan-ang mga bagay o gawaing ipinagkaloob ng isang tao na maaari


niyang gawin habang siya ay nabubuhay.

Iba’t-ibang Uri ng Karapatan:

1. Karapatang Likas – karapatang taglay ng isang mamamayan sa


kanyang pagkasilang. Halimbawa nito ay mabuhay, magkamit ng sariling pag-
aari batay sa kanyang pangangailangang material, at kalayaan.

2. Karapatang Konstitusyunal - Isinasabatas ng kongreso at hindi


maaaring alisin dahil ito ay ginagarantiyahan ng Saligang-Batas ng
Pilipinas. Sa Artikulo III ng Saligang-batas makikita ang 22 seksyon na
tumatalakay sa iba’t ibang karapatang pantao o human rights. Makikita
rin mula sa Artikulo XIII ang mga katarungang panlipunan at iba pang
karapatang pantao.

Klasipikasyon/ Uri ng Karapatang Konstitusyonal


• Karapatang Pulitikal- Karapatang sumama sa mga gawaing pulitikal.
Halimbawa: Pagboto o pakikilahok sa halalan, panunungkulang pampulitikal, at
pagkamamamayan
• Karapatang Sibil- Karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na
pamumuhay.
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, magkaroon ng ari-arian,
makapaglakbay, at karapatan sa pagkakaroon ng pantay na proteksyon ng batas.
• Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan- Isinusulong ang mga gawaing
panlipunan at pangkabuhayan o may kinalaman sa hanapbuhay ng mga
mamamayan.
Halimbawa: Karapatan sa Pag-aari, Karapatan sa Pagkuha ng mga pribadong pag-
aari, Karapatan sa dignidad na pantao, sa pagkakapantay-pantay na panlipunan,
pangkabuhayan, at pangkalinangan karapatan sa edukasyon sa lahat ng antas
• Karapatan ng Nasasakdal- Paggarantiya ng Saligang-Batas sa mga
karapatang nararapat para sa isang taong nasasakdal.
Halimbawa: Karapatang manahimik o magwalang kibo habang sinisiyasat ang
kanyang kaso; karapatan laban sa labis na pagpapahirap, dahas, pwersa,
pananakit, pagbabanta o anumang makapipinsala sa kanyang malayang
pagpapasya; Karapatang magpiyansa; Karapatan laban sa pagpapanagot sa
pagkakasalang kriminal na hindi sa kaparaanan ng batas; Karapatang magmatuwid
sa pamamagitan ng sarili at ng abogado.

3. Karapatang Batas - Nilikha rin ng kongreso. Naiiba ito dahil maaari itong alisin,
baguhin, limitahan, o palawakin ng mga mambabatas ayon sa pagkakataon.
Halimbawa ay ang mga Karapatan ng mga Bata tulad ng mga sumusunod:
 Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
 Magkaroon ng tirahan at pamilyang mag-aaruga
 Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan
 Magkaroon ng sapat na edukasyon at mapaunlad ang aking kakayahan
 Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang
 Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
 Makapagpahayag ng sariling pananaw
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng Karapatan?
2. Anu-ano ang mga karapatan ng mga mamamayan ayon sa Saligang Batas ng
1987?
3. Mahalaga ba ang mga ito?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang mga karapatang
tinatamasa mo?
4.5. Paglalapat: Magkaroon ng pangkatang gawain. Magkaroon ng isang maikling pagsasadula na
7 minuto nagpapakita ng pagkilala at pagtamasa sa mga karapatan. Tatlong minuto lamang
ang nakalaan sa bawat pagsasadula.
Bibigyang parangal ng guro ang bawat grupong nakapagsadula ng maayos at
malinaw.
5.Pagtataya: Tukuyin kung anong karapatan ang ipinahayag sa bawat bilang. Gawin ito sa
7 minuto kalahating bahaging papel.
1. Ang isang mamamayan ay malayang pumili ng relihiyong nais niyang
sapian.
2. Ang mga Pilipino at dayuhan sa ating bansa ay malayang magagamit ang
kanilang kaalaman.
3. Pagiging pantay ng mga kababaihan sa kalalakihan.
4. Pagbibigay ng bakuna sa mga bata upang sila’y mapangalagaan laban sa
mga sakit.
5. Lahat ng tao ay may karapatang gumamit ng mga ari-arian alinsunod sa
batas.
6.Takdang Aralin: Magtala ng mga karapatan mo bilang isang bata. Itala ito sa kwaderno.
3 minuto
7. Pagtatala o
Panapos na Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral upang makapagbibigay buod sa paksang
Gawain/Pagninilay: tinatalakay.
3 minuto

Inihanda ni:

Pangalan: PINKY G. COMENDADOR Paaralan: B. DURANO INTEGRATED SCHOOL


Posisyon: TEACHER III Sangay: Deped – DANAO CITY DIVISION
Telepono: 09334745948 Email Address: pinky.comendador@deped.gov.ph
Lagumang Pagsusulit sa AP 6 ( DLP # 30 )

Piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang ahensiyang nangasiwa sa pagkuha ng suplay at pagbenta ng bigas?


A. National Rice and Corn Commission C. National Coconut Corporation
B. National Distribution Corporation D. Bigasang Bayan
2. Ito ang nagtitiyak ng maayos na pamamahagi ng mga pangunahing bilihin.
A. National Rice and Corn Commission C. National Coconut Corporation
B. National Distribution Corporation D. Bigasang Bayan

Lagumang Pagsusulit sa AP 6 ( DLP # 31 )

Piliin ang tamang sagot.

PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ang Batas Tydings –Mcduffie ay isa sa mga batas tungkol sa kasarinlan ng mga Pilipino na may probisyong:
A. Pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila
B. Pagkontrol sa ekonomiya ng Pilipinas bilang kolonya sa loob ng 50 taon
C. Pagpili ng dalawang kinatawan ng bansa para sa kongreso ng Estados Unidos
D. Tiyak na paglaya ng Pilipinas sa loob ng 10 taon o Transition Period.
2. Ang pagpapadala ng mahuhusay na lider Pilipino sa Estados Unidos ay dahil
sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Ito ay kilala sa ating kasaysayan bilang:
A. Asembleya ng Pilipinas
B. Kasunduang Militar
C. Misyong Pangkalayaan
D. Tydings-Mcduffie Law

Answer Key:

DLP # 30

1. D
2. B

DLP # 31

1. D
2. C

You might also like