You are on page 1of 1

Alagaan ang Ating Simbahan

Isa ka ba sa maraming nakakatanaw ng agiw at alikabok na waring nakadikit na sa mga pader sa


loob at labas ng ating simbahan? Natatandaan mo pa ba ang disenyo ng semento't bato sa hara-
pan ng simbahan - na kinilala noong nakaraang taon ng National Historical Commission bilang
natatanging pamana ng ating kasaysayan?

Naaalala mo pa ba ang huling panahon na hindi ka nasaktan sa matagal na pagkakaluhod sa mga


nagninipisang kneelers ng ating mga church pews? Nalagyan na ba ng tunaw ng kandila ang iy-
ong pantalon sa luhurang may tulo ng kandila mula sa prusisyon ng nagdaang araw?

Alam mo bang dapat nang isaayos ang electrical system ng ating mga ilaw, electric fan, TV mon-
itors, audio-visual at iba pang equipments?

Bilang tugon sa pampalagiang alalahanin ng ating pamayanan - na kinakatawan ng Parish Fi-


nance Council at Parish Pastoral Council, ay sinimulan na ang pagsasaayos ng ating Parokya.
Anim na taon na ang nakararaan nang nabago ang anyo ng ating altar. Siyam na taon na ang
nakararaan nang huling napapinturahan ang mga pader sa loob ng gusaling-simbahan at huling
naisaayos ang mga kable at panel ng kuryente. Wala nang nakakaalaala kung kailan huling napa-
barnisan ang ating mga upuan at nabago ang upholstery ng ating luhuran o nalinis ang pader ng
harapan ng gusaling-simbahan.

Ang ating simbahan ang tahanan nating sambayanan ng Diyos. Dito, nagsimulang mahubog at
patuloy na napapalalim ang ating pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.
Dito, pinapahalagahan ang kapanatagan ng ating kalooban at katahimikan ng ating kaluluwa.
Dito, nakahanap tayo ng tunay na pamilya, kaibigan at kakampi. Hindi ba't dapat lamang natin
itong alagaan?

Researcher: Conchita David, PPC Vice-Chair

(Maaari kayong tumulong na matustusan ang pagsasaayos ng ating simbahan sa pamamagitan ng


paghulog ng donasyon sa Donation Box sa exit door sa tapat ng imahe ni San Roque o mag-de-
posito sa g-cash 0968-3791961 "Leo P.". Maaari ding magtungo sa Parish Office para sa kauku-
lang resibo.)

You might also like