You are on page 1of 1

Jearmhel Ayzack N.

Queja
Grade II SSC

Ang aming pamilya ay naniniwala sa kasabihan sa


English na “The family that prays together, stay’s together”
ang aking magulang ay nabinyagan sa Romano Catolico,
doon din sila ikinasal, doon din ako nabinyagan.
Ang aming simbahan ay ang Parokya ni San Nicolas de
Tolentino, ito ay matatagpuan sa sentro ng San Nicolas,
Ilocos Norte. Ang aming Parokya ay itinayo ng mga
Augustinian na pari noong 1584, sila ang nagturo sa mga
sinaunang San Nicoleneo na gumawa ng banga, dalikan at
malabi. Ito ang Pottery Industry. Ito ang pinakamagandang
ipinamana nila sa San Nicolas.
Sa araw ng misa makikita natin ang mga babaeng
nakaputi, sila ang mga magbabasa ng salita ng Dios,
maririnig din ang napakagandang tinig ng Coro San
Nicoleneo, kasama ang tatlong ninong ko. Si Ninong Macky
ang Conductor, si Ninong Din-Din at Ninong Edward ang
singer, kasama rin na kumakanta ang ating Mayor.
Napakaganda rin ang sermon ng aming Cora Paroko na
si Apo Leo. Makikita din dito ang mga mababait na Madre.
Sa loob ng aming Parokya makikita ang iba’t-ibang
imahe ng mga Santo. Ito ay nagpapaalala sa amin ng
kanilang magagandang ginawa na siyang tinutularan naming
mga Katoliko. Ang pinakapaborito ko ay si Sto. Niňo.
Ito ang aming Simbahan. Ang Parokya ni San Nicolas de
Tolentino.

You might also like