You are on page 1of 2

Lakbay Sanaysay

Hindi kailanman tumitigil ang pagtuklas, paglago at pagtatagpo.

Marahil ay minsan ka ng nakapasyal sa simabahan ng Taal. Relihiyoso ka man o hindi, tiyak na narinig
mo na ito sa mga tao. Halina’t ating sariwain ang mga ala-ala ng iyong pamamasyal!

Oktubre 20, 2019. Ito ang nakatakdang araw para sa aming lakbay aral. Ang kauna-unahang
destinasyon, na aming pinuntahan ay ang simbahan ng Taal. Ayon sa kasama naming tour guide, ang simbahan
ng Taal ay ang isa sa mga pinakamatatandang simbahan sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding Basilika ni San
Martin de Torres. Matatagpuan ito sa Taal, Batangas. Nasa ilalim ito ng Arsidiyosesis ng Lipa.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, kilala bilang pinakamalaking simbahang
katoliko sa timog silangang Asya ang Basilika ni San Martin ng Tours. Ang 96 metrong taas at 45 metrong haba
na simbahan ay nakatayo sa pinakapuso ng Bayan ng Taal, Batangas. Mas kilala din ito sa tawag na Taal
Basilica at naging puntahang-puntahan na ng mga deboto at turista na pumaparne sa atin.
Tunay na kamangha-mangha ang istruktura at disenyo sa loob at labas ng simbahan. Maraming
makikitang kakaiba sa simbahang ito. Nariyan ang mga naggagandahang chandeliers na nakasabit sa taas ng
simbahan, ang mga makukulay na mural sa itaas ng kisame nito. At higit sa lahat, ang hugis octagon na kisame
nito.

Pagpasok pa lamang ng simbahan ay bubungad na kaagad sa iyo ang mga nagkikintabang mga rebulto
ng mga santo. Lalo pang dumadagdag ang ningning nito mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa itaas na
bahagi ng simbahan. Tunay na kamangha-mangha ang disenyo at estilo ng kisame nito na mistulang mga papel
na maayos na nakahanay sa mesa. Bumabagay ang kulay kahel na kulay ng dome sa buong simbahan.
Sumisimbolo ito ng katatagan at kalakasan ng mga Taalenos sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Nakakatawag pansin ang mural ni Hesukristo na makikita sa itaas na bahagi ng simbahan. Ito ang tunay
na kakaiba sa simbahan ng Taal. Dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganitong mural mula sa mga simbahang
nabisita ko kamakailan. Makikita sa mural si Hesukristo na umakyat sa langit at nagpakita sa kanyang mga
apostoles upang ipabatid na nagtagumpay ang plano ng kanyang ama.

You might also like