You are on page 1of 5

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

Araling Panlipunan Grade 8


Week 1 Quarter 2
Day & Learning Learning Learning Tasks Mode of Delivery
Time Area Competency
Monday Paksa: Kabihasnang Minoan, Printed Modular Distance
12:00- Araling Nasusuri ang Mycenean at kabihasnang Klasiko ng Learning
4:00 pm Panlipunan kabihasnang Greece Personal submission by parents/
Minoan, Panimula: guardians in the designated
Mycenean, at Pagbabasa ng mag-aaral sa centers/kiosks or thru Google
kabihasnang panimulang mga salita mula sa Classroom/Messenger/email
klasiko ng Greece. modyul tungkol sa Kabihasnang Paalala:
Minoan, Mycenean at kabihasnang 1. Huwag magsasagot sa
Klasiko ng Greece. Pahina6-8 Modyul
Pagpapaunlad: 2. Panatilihing maayos at
-- Gawain sa pagkatuto Bilang 1 at malinis
2 ang Modyul hanggang sa
(Pahina 9. Gawin ito sa sagutang takdang araw ng pagsasauli nito
papel (long pad). sa paaralan.

Pakikipagpalihan:
Basahin at unawain ang Panuto: NOTE!!!!
Gawain sa pagkatuto Bilang 3 , Reminder for Parents,
Bilang 4, at Bilang 5 Guardians (Home Facilitator)
(Pahina 10. Gawin ito sa sagutang -Please check the student’s
papel (long pad). answer in page 11( Gawain sa
pagkatuto bilang 7)
Paglalapat: -Susi ng Pagwawasto Pahina 37
Basahin at unawain ang Panuto:
Gawain sa pagkatuto Bilang 6 at
Bilang 7
(Pahina 11. Gawin ito sa sagutang
papel (long pad).
Gawin ang Karagdagang Gawain
sa Isang buong Papel (Bond Paper)
Performance Task

Gawain 5: Reflection. Isulat sa


sagutang papel(longpad)

Natutunan ko ngayong araw:


___________________
Mga bagay na pinakagusto sa araling
ito: ____________
Mga tanong na nais kong itanong:
_________________
Ang pinaka kasiya-siyang karanasan
ko sa araling ito:
_____________________

Prepared by: Checked by: Noted by:

____________________ ____________________ ____________________


ELMER N. SIDOCON FELIX P. PERUCHO VILMA D. PELINA
Teacher I Head Teacher I Principal IV
GRADE 8
DAILY LESSON PLAN (DLP)

I. LAYUNIN 1. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap


sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean;
2. Naibabahagi ang paraan ng pamumuhay ng mga Minoan
at Mycenaean sa pamamagitan ng pakikilahok sa
pangkatang gawain; at
3. Nabibigyang- halaga ang mga ginawa ng mga Minoan at
Mycenaean para umunlad ang kanilang kabihasnan.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo
at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa
daigdig

B. Pamantayang Pagganap
Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking
impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenaean

AP8HSK – IIa – 1
II. NILALAMAN
Day 1 - Kabihasnang Klasiko sa Europa
(Kabihasnang Minoan at Mycenean)
KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Pahina 130 – 138
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral Pahina 130 – 138
3. Mga Pahina sa Teksbuk Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. Pp.
28-64/Project EASE III Module 3
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Mga larawan at PPT. mula sa slideshare.com
Resources o ibang website
B. IBA PANG KAGAMITANG Multimedia, Chart, Mapa at Globo
PANTURO

III. PAMAMARAAN

Balitaan
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng tatlong balita sa klase.
Pagkatapos nito, pipili ng isang balita ang lahat na pag-uusapan
ng grupo.

a. Balik Aral/Lunsaran Decoding Letters behind the numbers


M I N O A N
__ __ __ __ __ __ at
13 9 14 16 1 15 Magpaligsahan sa
pagtuklas ng titik sa
bawat bilang.
M Y C E N A E A N
__ __ __ __ __ __ __ __ __
13 25 3 5 15 1 5 1 15
b. Paghahabi sa Layunin ng
Aralin Ipapakita ang larawan ng isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-
estado sa Europe noong klasikal na panahon at lungsod na
matatagpuan sa inyong lugar.
 Gabay na Tanong:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na anyo ng
isang lungsod-estado noong panahong klasikal?
Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad bang makikita sa larawan, sa
karaniwang tagpo sa lungsod na matatagpuan sa
inyong lugar? Patunayan

c. Pag-uugnay ng mga
Halimbawa sa Bagong Aralin  Gabay na tanong:
1. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng sibilisasyong
Minoan at Mycenaean, alin sa mga sumusunod na
tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit?

d. Pagtalakay ng Bagong
Konsepto at bagong kasanayan  Malayang talakayan sa paraang Think-Pair-Discuss ng
#1 mga nahalaw na mga impormasyon mula sa binasang
teksto. Sasagutan din ang mga pamprosesong tanong.

e. Pagtalakay ng bagong
konsepto at bagong kasanayan Pangkatang Gawain: (Gumamit ng rubrics sa pagmamarka)
#2 Hatiin sa dalawang pangkat ang klase, ang pangkat 1 ay para sa
Minoan at ang pangkat 2 ay sa Mycenaean naman. Bigyan ng
tig-isang kartolina at coloring materials. Papiliin kung anong
gusto nilang isagawa (Poster, Jingle making, tula at iba pa.) Ang
kanilang pokus sa gagawin ay tungkol sa pamumuhay ng
dalawang sibilisasyon sa sinaunang Gresya. Ipapalahad sa bawat
pangkat ang kani-kanilang natapos sa nasabing gawain. Gagawin
ito sa loob lamang ng 15 minuto.

f. Paglinang sa kabihasaan
(tungo sa Formative Ipapagawa ang Gawainn 5: Daloy ng Pangayayari . Pahina 137-
Assessment) 138 ng modyul
 Pasagutan ang pamprosesong tanong.

g. Paglalapat ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay Kaya mo bang isalaysay kung paano umunlad ang iyong
tinitirhang bayan o lungsod?
Ipaliwanag.

h. Paglalahat ng aralin Sa nakapaskil na chart ang dalawang pangkat ay magpapaunahan


sa paglalagay ng mga kaalaman tungkol sa kanilang paksa.
Pagkatapos nito, isasalaysay nila ang kahalagahan ng mga
ginawa ng Minoan at Mycenaean para umunlad ang kanilang
kabihasnan.

i. Pagtataya ng aralin 1. Malaki ang naging bahagi ng heograpiya sa pamumuhay ng


mga Minoan at Mycenaean. Kung ikaw ang tatanungin, paano
naaapektuhan ng heograpiya ang pang-araw- araw mong
pamumuhay?
a. Dahil sa magandang heograpiya, hindi nahihirapan
ang mga tao sa amin sa pagtatanim kung saan kami
kumukuha ng ikinabubuhay.
b. Dahil sa magandang heograpiya, maraming namamasyal
sa aming lugar na nagdadala ng samu’t- saring
kabuhayan.
c. Dahil sa magandang heograpiya, hindi kami nauubusan
ng mga pagkukunan ng mga pagkain.
d. Dahil sa magandang heograpiya, nananatili ang
pagtutulungan at pagmamahalan sa aming lugar.
2. Maraming ginawa ang mga Minoan at Mycenaean para
umunlad ang kanilang pamayanan. Bilang kabahagi ng
inyong pamayanan, paano ka magiging bahagi ng pag-
unlad nito?
a. Tatangkilikin ko ang sariling produkto namin.
b. Magtatrabaho ako ng maayos at magbabayad ng tamang
buwis.
c. Mag-aaral ng mabuti upang makahanap ng
magandang trabaho.
d. Magsasagawa ako ng iba’t ibang proyekto na mag
eengganyo sa mga mamumuhunan sa aming lugar.
3. Dahil sa mga mananakop, nagapi ang Kabihasnang Minoan
at Mycenaean na naging dahilan ng pagbagsak nito. Kung
may dadating na mananakop sa inyong lugar ano ang iyong
gagawin?
a. Ipagtatanggol ko ang aming lugar sa pamamagitan ng
dahas kung kinakailangan.
b. Makikipagtulungan ako sa mga awtoridad para
magapi ang mga mananakop.
c. Hihingi ako ng tulong sa mga kamag-anak ko sa ibang
bansa.
d. Magpopost ako sa social media para makita ng mga taga
ibang lugar ang mga nangyayari sa amin.
4. Sa pamayanang Minoan, may apat na pangkat ng tao: ang
mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka at mga
alipin. Sa inyong pamayanan, may mga pagpapangkat-
pangkat pa ba ng mga tao? Paano mo nasabi?
a. Meron, dahil may mahirap at mayaman.
b. Meron, dahil hindi lahat ay may karapatan.
c. Wala, dahil tulad- tulad ang mga karapatan ng
tao,mahirap man o mayaman.
d. Wala, dahil lahat ay nagagawa ang gusto nila.
5. Malaki ang epekto ng Sibilisasyong Minoan at Mycenaean sa
kasaysayan ng kontinenteng Europe. Sa iyong palagay,
naapektuhan din ba ng mga pangyayari sa kasaysayan ang
buhay mo sa panahon ngayon?
a. Hindi, dahil marami nang pangyayari ang naganap
pagkatapos ng mga iyon.
b. Hindi, dahil ito talaga ang nakatakdang mangyari.
c. Oo, dahil ang mga pangyayaring ito ang humubog sa
kasalukuyan.
d. Oo, dahil kung walang nangyari dati, wala tayo ngayon.
j. Takdang aralin Pag-aralan:
1. Ang mga Polis at ang Lipunang Athens at Sparta.
2. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
a. Polis
b. Acropolis
c. Agora
d. Phalanx
e. Ostracism
3. Sanggunian: Modyul pahina 139-145
k. Repleksyon
Prepared by: Checked by: Noted by:

____________________ ____________________ ____________________


ELMER N. SIDOCON FELIX P. PERUCHO VILMA D. PELIÑA
Teacher I Head Teacher I Principal IV

You might also like