You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL NG KAGAWARAN NG RESIDENTE SA ISLA NG SIBUYAN

HINGGIL SA PAG MINA SA BARANGAY ESPAÑA SAN FERNANDO ROMBLON

ni: Mark Kevin Roxas

Sibuyan ang isa sa tinaguriang Galapagos of Asia dahil sa mga kakaibang mga halaman at
hayop ang makikita dito. Tinagurian rin bilang isa sa may pinaka malinis na tubig ang isla ng
sibuyan, maraming pwedeng pasyalan sa isla ng sibuyan ngunit dumating ang Altai Philippines
Mining Cooperation para minahin ang isla na ito.

Ang pagmimina ay isa sa malaking mapaminsalang paraan ngpagkuha ng mga kas na


yaman ng kalikasan at iba pa. Ang tinatawag na mining ay makapaminsalang paraan sa pagsira ng
ating kalikasan, dahil dito hinuhukay ang mga yamang mineral metal o iba pa, bunga neto hekta-
hektaryang ang naapektuhan. Maliban sa pagka potol ng libo-libong puno, ang dalay rin ng tubig
sa mga sapa ay nagiging marumi dahilan ng pagkamatay ng mga isda at hayop, llan ring mga tao
ay naapektuhan sapagkat ang kalikasan ang siyang nagbibigay ng nagbibigay ng ating mga
pangangailangan tulad ng pagkain, gamut, tubig at marami pang iba.

MANILA, Philippines — Ang kumpanya ng pagmimina na humahawak sa mineral


exploration at testing sa Sibuyan Island, Romblon, ay boluntaryong itinigil ang lahat ng
exploration at testing activities sa lugar, na tinitiyak ang mga awtoridad at stakeholder ng
kooperasyon kaugnay ng kamakailang mga protesta at labanan. Tiniyak ng Altai Philippines
Mining Corporation (APMC) sa publiko na nakatuon sila sa pagpapanatili ng "pinakamataas na
pamantayan ng responsibilidad sa kapaligiran at pakikipag-ugnayan sa komunidad."
Matatandaang hinarang ng mga nagprotesta ang daungan ng APMC sa hangaring itigil ang
pagkuha ng nickel ore at iba pang mineral. Matapos ang mga protesta noong Huwebes, pumasok
ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang suspendihin ang operasyon
ng APMC.

Ayon sa kumpanya, ipinangako nila na ituloy ang sustainable mining na hindi lamang
makakatulong sa mga residente ng isla kundi protektahan din ang ecosystem. Bagama't ang
pagpapahinto ng mga operasyon ay maaaring isang malugod na pag-unlad sa Sibuyan Island,
naniniwala si Alyansa Tigil Mina (ATM) na hindi pa tapos ang laban. Ito ay tagumpay ng
pakikibaka ng mga Sibuyanon at ang kanilang malalim na pangako na protektahan ang kanilang
likas na yaman at magandang kapaligiran sa Sibuyan Island. Pero hindi pa tapos ang laban.
Sinusuportahan namin ang kanilang patuloy na paglaban ng mga Sibuyanon laban sa iligal at
mapanirang aktibidad ng pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC),- Jaybee
Garganera. Inakusahan din ng ATM ang APMC ng harassment sa pamamagitan ng pagsasampa
ng mga kaso laban sa mga lokal na pinuno, na nagsasabing nais ng kumpanya na patahimikin ang
oposisyon laban sa mga operasyon ng pagmimina sa lugar. “Itinutuligsa namin sa pinakamalakas
na posibleng termino ang legal na panliligalig na inihain ng Altai laban sa mga lokal na pinuno ng
kapaligiran, kabilang ang mga pinuno ng ATM na sina Elizabeth Ibanez at Rodne Galicha. Ito ay
isa pang pagtatangka ng Altai na patahimikin ang anumang oposisyon laban sa kanilang mga
mapanirang operasyon, ngunit kami ay naninindigan sa lokal na paglaban,” dagdag ni Garganera.

Ayon sa US Geological Survey, nabibilang sa unang pwesto ang Pilipinas sa pag 'produce'
ng nickel at nasa ika-dalawampu't walong pwesto naman sa pag 'produce' ng ginto. Pero sa dinami-
rami ng mga binubungkal na mineral sa ating mga lupa, nasisira at unti-unti nang nauubos ang
ating yamang mineral at kung ipagpapatuloy pa ito baka ito ay tuluyang maubos. Isa na ring epekto
ang pagkakalbo ng kagubatan at pagkasira ng karagatan. Nagkukulay kalawang na ang ilang ilog
at baybaying dagat dahil sa 'siltation' o pagdami ng deposito ng lupa mula sa malalaking minahan.
Naapektuhan na rin ang hanap buhay ng mga nakatira malapit sa dalampasigan dahil paunti na ng
paunti ang mga nahuhuli nilang isda dahil namamatay ito dahil sa pagkalason. Habang patuloy na
hinuhubaran ng mga minahan ang ating kalikasan, patuloy ding nawawalan ng tirahan ang mga
hayop.

'People's Mining Bill' ang batas na naglalayong ibasura ang mga mapaminsalang naging
epekto ng pagsasabatas ng 'Mining Act of 1995' na nagtatadhanang pawang mga minahan lamang
ang nakikinabanang kapalit ang pagkasira ng kalikasan at kamatayan sa mamamayan. Binigyan
diin ni Ginoong Africa, Malaki ang bentahe ng paglaban ng mga mamamayan sapagka't narito ang
iba't ibang porma mula sa legal at maging armadong paglaban sa mga malalaki at mapaminsalang
mga minahan. Lumalawak nga ang mga banta ng mapanirang pagmimina sa bansa pero lumalawak
din ang paglaban ng mga mamamayan.

Huwag na sana nating hintayin pa na pati tayong mga tao ay mawalan na rin ng tirahan
gaya ng mga hayop. Ang disiplina ay magmumula sa atin. Huwag abusuhin ang kalikasan bagkus
ay marapat lamang na ito ay pangalagaan dahil dito nanggagaling ang mga bagay na
mapapakinabangan natin, gaya na lamang ng mga mineral na ginagamit natin sa araw-araw. Tama
na ang pang- aabuso at imulat natin ang ating mga mata sa mga pangyayaring nanananan sa ating
kapaligiran.

Sanggunian :

https://nesinfo.inquirer.net/1726043/sibuyan-island-mining

https://www.studocu.com/ang-epekto-ng-pagmimina-sa-ating-kalikasan

You might also like