You are on page 1of 1

ANG MALINIS AT MALAMIG NA TUBIG SA CANTINGAS RIVER

Ni Ron John Paul Riano


Alam nyo ba na ang Cantingas River ang pinakamalis na tubig sa pilipinas? Ang
cantingas River matatagpuan sa isla ng Sibuyan, sa bayan San Fernando. Ang tubig
dito ay napakalinaw at subrang lamig, sa subrang lamig ay kaya nitong palamigin
ang lahat ng inumin, Ibabad mo lang ito sa tubig at tiyak na lalamig na ito.
Noong kami ay pumunta sa Cantingas River noong nakarang abril ay naligo kami
kasama ang barkda upang magpalamig dahil sa subrang init ng panahon, Sa
pagpasok palang sa Cantingas River ay madadama mo na ang lamig ng simoy ng
hangin dahil sa nagtataasang mga puno na nakapalibot sa tabi ng daan. At kapag
nasa loob na ay meron ding nakalaang parking lot para sa mga sasakyan. At sa
loob ay makikita mo dito ang pangalan ng Cantingas River at pwede ka ditong
magpakuha ng litrato, kahit saan ay pwede kang magpakuha ng litrato, meron din
ditong wifi para sa internet, meron din ditong kubo na pweding rentahan at kung
ayaw mo namang kumuha ng kubo ay pwede ka ding pumwesto sa mga
malalakung bato.
Upang makatipid ay hindi na kami kumuha ng kubo at sa halip ay sa mga
malalaking bato nalang kami pumwesto at ang mga dala naming inomin ang
ibinabad lang naming sa tubig upang palamigin ito at pagkalipas ng ilang minuto
ay malamig na ito ay pwede nang inomin, at habang naliligo kami ay daladala
naming ang aming mga inomin upang habang kami ay nakakababad sa malamig
na tubig ay kami ay nag eenjoy ditto. Kaya kung gusto ninyong magpalamig sa
malinis at malinaw na tubig ay pumunta na sa Cantingas River at maligo sa
malamig na katubigan.

You might also like