You are on page 1of 4

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

DEREGULATED STATUS – CHED


ACCREDITED LEVEL IV – ACSCU - AAI
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ROXAS AVENUE, ROXAS CITY

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX

I. LAYUNIN SA PAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan:


1. naipapaliwanag ang kahulugan ng Industriya sa bansa
2. naitatalakay ang kahalagahan at suliranin ng Industriya sa bansa
3. naipapahayag ang pananaw tungkol sa suliraning kinakaharap ng Industriya sa bansa at ma
ipresenta ang mga solusyon na makakatulong sa pagpapaunlad ng Industriya sa bansa

II. PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO

ANG LARAWAN NG INDUSTRIYA SA BANSA

A. Mga kagamitan: multimedia – projector, powerpoint slides, cartolina,


speaker, laptop at Visual aids
B. Sanggunian: Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, Evangline M.
Dallo, Maria Carmelita B. Samson, Celia D. Soriano Kayamanan
(ekonomiks) Rex Book Store, Pp 335-351
C. Pagpapahalaga: kahalagahan ng Industriya sa bansa

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

2. Pagbabalik – aral

Ang ating huling pinag-aralan ay tungkol sa “Kalagayan ng Agrikultura sa Pilipinas”


Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang SA kung may kaugnayan sa suliranin ng agrikultura at
SSA kung may kinalaman sa sagot sa suliranin ng agrikultura.

1. Maraming nakumpiskang botsa sa karne ng baboy. (SSA)


2. Ipinamigay na ang titulo ng lupa ng mga magsasaka. (SA)
3. Ang mga inaning palay ay nabubulok (SA)
4. Mas mura ang imported na prutas kaysa sa lokal na prutas. (SA)
5. Nagpatupad ng proteksiyonismo ang pamahalaan. (SSA)

1.1. Pagganyak
Pagganyak

Sa pagsisimula
Sa pagsisimula ngaralin
ng ating ating meron
aralin meron akonglarawan
akong mga mga larawan na ipapakita
na ipapakita tukuyinsakung
inyoano-ano
tukuyin
ang mgakung
ito. ano-ano ang mga ito.
(Larawan: Hilawna
(Hilaw na materyales naginawang
materyales na ginawang produkto)
produkto)

Katanungan:
Katanungan: Sa palagay
Sa palagay niyo tungkol
niyo tungkol saan angsaan
atingang ating itatalakay
itatalakay ngayon?ngayon?
B. Paglinang ng aralin

1. Paglalahad

Sa araling ito, matutunan natin ang kahulugan at kahalagahan ng Industriya sa ating


bansa.

Paunang tanong: Bakit mahalaga ang industriya sa isang ekonomiya?

2. Pagtatalakay

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Ano ang Industriya?
Bakit mahalaga ang Industriya sa bansa?
Kahalagahan ng Industriya
 Nagkakaloob ng Hanapbuhay
Nakakatulong ba sa mga tao ang pagkakaroon ng Hanapbuhay?
Ano ang may pinakamaraming bilang ng manggagawa sa sektor ng
Industriya?
 Nakagagamit ng Makabagong Teknolohiya
Nakatulong ba ang makabagong teknolohiya sa pagpapa-unlad ng Industriya
sa bansa?
Ano-ano ang mga halimbawa ng mga makabagong teknolohiya?
 Nagproproseso ng mga Hilaw na Materyales
Magbigay ng halimbawa ng hilaw na materyales na ginagawang produkto.

Mga Suliraning Kinakaharap ng Industriya

Kakulangan ng Suporta at
Proteksiyon Pamahalaan

Kawalan ng Hindi Angkop


Sapat na Mga Suliranin ng
ang Proyekto ng
Puhunan Industriya
Pamahalaan

Pagpasok ng mga
Dayuhang Pagiging Import
Kompanya at Dependent ng
Industriya mga Indusrtriya

B. Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay gagawa ng isang awitin na
tumutukoy kung paano paunlarin ang Industriya sa bansa.

C. Pagpapahalaga

Narinig natin ang iba’t ibang bersiyon ng mga awitin kung paano matutulungan na
mapaunlad ang Industriya sa bansa.

Mga katanungan:
 Bilang isang mamayang Pilipino, ano ang mga hakbang ang iyong gagawin
upang mapaunlad ang Industriya sa bansa?
 Bilang isang mag aaral sa iyong palagay, ano kaya ang mga programa ang
dapat ipatupad ng pamahalaan upang mapaunlad pa ng mabuti ang sektor
ng industriya?
 Bakit kailangang bigyang-pansin ang mga suliranin ng industriya?
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Ano ang Industriya?


Magbigay ng limang suliraning kinakaharap ng sektor ng industriya
Ipaliwanag kung bakit nahaharap ang sektor na ito sa ganitong suliranin.

2. Paglalapat
“TRUE FILIPINO INGENUITY”
Hatiin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay sasagutin ang mga tanong na
nakatala sa ibaba, bawat grupo ay mayroong sariling litrato na naka takda.

Paano nakatulong ang mga taong ito sa pagpapalago ng industriya ng bansa?


Kung ikaw ang nasa katayuan nila ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
“nation building”? isulat ang sagot sa coupon bond na ibinigay ko.

Socorro Ramos
(Ikalawang Pangkat)

Tony Chan Caktiong John Gokongwei Jr.


(Ikatlong Pangkat) (Ikaapat na Pangkat)

IV PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang ginagawa ng industriya sa mga hilaw na materyales? (Ginagawang produkto)


2. Ano ang tumutukoy sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang maging yaring produkto?
(Pagmamanupaktura)
3. Ano ang kumakatawan sa industriya? (Sekundaryang Sektor)
4. Anong gawain ng industriya ang may pinakamaraming manggagawa? (pagmamanupaktura)
5. Ano ang kumakatawan sa ikatlong sektor ng ekonomiya? (serbisyo)
6. Ano ang tumutukoy sa pangangalap ng mga mamahaling metal at iba’t ibang mineral sa mga
likas na yaman ng bansa? (pagmimina)
7. Ito ay kumakatawan sa agrikultura na umuugnay sa sekundaryang sektor. (primaryang sektor)
8. Ano ang tumutukoy sa pagpapatayo ng mga estraktura ng mga pabrika, pagawaan gusali at
tulay? (konstruksiyon)
9. Ito ay tumutukoy sa pangangalap ng mga mamahaling metal at iba’t ibang mineral sa mga likas
na yaman ng bansa (pagmimina)
10. Ano ang kumakatawan sa sekondaryang sektor ng bansa? (industriya)
V. TAKDANG – ARALIN

Panuto: Magbigay ng isang suliranin ng industriya, iguhit at ipaliwanag ang maaring solusyon sa
suliranin na iyong napili, ilagay sa coupon bond ang iyong sagot.

INIHANDA NI:

MICHELLE J. UPOD
BSED – I

EDCEL JOHN PROTACIO


SOCIAL STUDIES TEACHER

DR. JONATHAN P. LEAL


DEAN

You might also like