You are on page 1of 2

BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Unang Markahan

Pagtatagpo 2 Petsa: Setyembre 5 & 6, 2023


I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga pamamaraang isinagawa sa paghahating heograpikal ng Asya sa mga rehiyon ng Silangang
Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, at Hilaga o Gitnang Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa : Ang Kontinente ng Asya
B. Sanggunian : Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1
C. Kagamitan: Modyul, Telebisyon, Laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Tumawag ng isang mag-aaral para manguna sa pagdarasal.
b. Tanungin ang buong klase kung sino ang lumiban.
c. Ibigay ang mga panuntunan sa silid-aralan.
d. Balik-aral
1. Saan nagmula ang salitang Asya?
2. Magbigay ng isang dahilan kung bakit mahalaga na pag-aralan ang Asya.
e. Pagganyak
Panoorin ang video na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=x-LFOkGfyZM

B. PAGLINANG NG GAWAIN
a. Talakayan
 Ipaliwanag ang kahulugan ng heograpiya.
 Talakayin ang mga pamamaraang isinagawa sa paghahating heograpikal ng Asya.
 Tukuyin ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon ng Asya.
b. Gawain
Ilan ang kontinente ng daigdig? Gamit ang outline world map, gumuhit ng sariling world map sa isang
short bond paper. Takdaan ng sariling kulay ang bawat isa at isulat sa loob o bahagi nito ang pangalan
ng bawat kontinente. Ano ang mapapansin mo sa hugis ng bawat kontinente? Ipaliwanag.

c. Pagsusuri
1. Ilarawan ang kontinente bilang anyong lupa. Paano natutukoy ang lokasyon at kinaroroonan ng isang
kontinente o ng isang bansa?
2. Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya. Paano isinagawa ang paghahating panrehiyon nito? Para sa iyo, dapat
bang maging batayan ang mga ito ng tinukoy na paghahati?
C. PAGWAWAKAS NG GAWAIN
a. Paglalahat
Maaaring tumawag ng isa o dalawang mag-aaral at ipalagom ang natapos na aralin.

b. Paglalapat/Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang kaalaman tungkol sa mga pamamaraang
isinagawa sa paghahating heograpikal ng Asya? Bakit?

IV. PAGTATAYA
1.Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
2.Ano ang tawag sa distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator?
3.Ano ang tawag sa mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian?
4.Ilang rehiyon nahahati ang Asya?
5.Anong rehiyon ng Asya ang kilala sa katawagang Central Asia o Inner Asia?

V. REMARKS
Bilang ng mga estudyante:
Bilang ng mga estudyante na nakakuha ng pasadong marka:
Class Proficiency Level (CPL):

VI. REPLEKSIYON

A. Bilang ng mga bata na nakakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mga bata na nangangailangan ng karagdagang gawain para maisakatuparan ang kasanayan

Inihandani:

JO ANNE B. MILLADAS, T- I

Iniwastoni:
MARIAN BERNADETTE O. CALAPIS

You might also like