You are on page 1of 2

Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere salita na Latin na ang ibig sabihin ay "Huwag Mo Akong Salingin". Hango sa
ebanghelyo ni San Juan Bautista. Inihalintulad niya sa isang masamang lipunan. Ang Noli Me Tangere ay
dahil sa inspirasyon ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beecher Stowe. Ito ay nagsasaad ng
kasaysayan ng mga negrong alipin.

Angkop ang pamagat na ito sa nilalaman ng nobela sapagkat ito ay sumasalamin sa damdamin ni Rizal na
tayong mga Pilipino ay hindi dapat hamakin ng mga kastila. Nais niyang ipabatid sa lahat ng Pilipino na
ang Pilipinas ay bayan natin at hindi dapat tayo maging alipin ng mga kastila. Ang dapat na mamuno sa
mga Pilipino ay mga kapwa Pilipino at hindi ang mga prayleng kastila. Ito ang pag - uugali at prinsipyo na
ipinakita ng karakter ni Ibarra.

Cover symbolisms
Silhouette of a Filipina
-believed to be Maria Clara or as the “Inang Bayan” to whom rizal dictates the novel
Cross/Crucifix
- kumakatawan sa pananampalatayang Katoliko habang ito ay umaangat sa Inang Bayan at mga Pilipino
(nagpapakita ng pangingibabaw)
- ito rin ay sumisimbolo sa mga paghihirap at kamatayan
Feet
- ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan ng mga prayle
- ito ay inilalagay sa base ng tatsulok (pundasyon) dahil kung walang mga prayle, hindi makakatayo ang
mga Pilipino sa kanilang sarili
Hairy legs
- ito ay sumisimbolo sa alamat ng lobo
- nagbabago ang hugis ng lobo tulad ng pagtatago ng mga prayle sa kanilang tunay na ugali
Helmet of a Guardia Civil
-ito ay kumakatawan sa pagmamataas ng mga nasa awtoridad
Pomelo Blossoms and Laurel leaves
- ang mga ito ay kumakatawan sa pananampalataya, karangalan at katapatan, na siyang mga
pagpapahalagang hinahangad ni Rizal na maisakatuparan ng mga Pilipino
- Ang mga pomelo ay ginagamit upang mabango ang kanilang hangin na karaniwan sa panahon ng mga
panalangin at mga ritwal ng paglilinis
- Ang dahon ng laurel ay ginagamit bilang mga korona sa panahon ng greek olympics para sa paggalang
sa pinakamahusay
Burning Torch
- tumutukoy sa olympic torch
- nauukol sa pagmulat ng kamalayang Pilipino
- nagbibigay din ito ng liwanag sa teksto ng manuskrito
Sunflower
- sumisimbolo ito ng bagong simula
- ito ay inihambing sa kaligayahan na tila palaging nakayuko
Chain
- ito ay sumisimbolo sa pagkaalipin at pagkakulong
Bamboo stalks
- ito ay kumakatawan sa katatagan ng mga filipino
- sa kabila ng mga paghihirap, ang mga Pilipino ay kaya pa ring manindigan at matatag
Rizal’s signature
- ipinapakita nito na naranasan at nasaksihan ni Rizal ang mga sakit at pang-aabuso na nangyari noong
panahon niya
Whip
- ito ay kumakatawan sa mga pang-aabuso at kalupitan na ginawa ng mga kastila at prayle na
inilalarawan sa nobela

More info kuno;


Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito
mula sa Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin
sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama."
Unang nobela ni Rizal ang Noli me Tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang
aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa
di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Orihinal itong nakasulat sa wikang Kastila, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at
natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang
kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng
Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni
Rizal sa Pilipinas, pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa Malacañang at inabisuhang
puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng
Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na
gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa
Leitmeritz:

Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing
excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck,
sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga
bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa
kalye pagkagat ng dilim ...

You might also like