You are on page 1of 2

Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere (Paano ito nabuo)

Noong 1884 sa Madrid sinimulan ng isang 24 taong gulang na si Dr. Jose Rizal ang
panunulat sa unang kabanata ng kaniyang nobela na "Noli Me Tangere". Sa Paris noong 1885
kaniyang isinulat ang iba pang bahagi at natapos niya ito noong 1887 sa Alemanya. Tatlong
taon niyang itinapos ang 65 na kabanatang ito. Naisipan niya itong isulat sapagkat nabigyan
siyang inspirasyon ng "The Wandering Jew", "Uncle Tom's Cabin" at ng Biblia. Ang "Noli Me
Tangere" ay nangangahulugang "Touch Me Not" sa Ingles at "Huwag Mo Akong Salangin" sa
wikang filipino na nagmula sa Biblia. Noong Enero 2, 1884 ipinanukala ni Rizal na isulat ang Noli
nang hati hati sa iba't ibang tao ngunit ito ay hindi natuloy sapagkat puro sugal ang kanilang
ginawa at pambababae lamang ang kanilang gustong isulat. Kaya si Rizal na lang ang nagsulat
nito. Ipinakita niya sa nobelang ito ang Kanser ng Lipunan noong panahon ng mga Kastila tulad
ng Social Climber, Colonial Mentality, Racial Discrimination, Fatalism, Religious Intolerance at
Servility. Ang pagsusulat nito ay ang paghihimagsik ni Dr. Jose Rizal laban pananakop ng Kastila.
Nais ni Rizal na gisingin ang damdamin ng mga mamayanang Pilipino mula sa matagal nang
pang-aaping natanggap mula sa Espanyol. Ang "Noli Me Tangere" ay naging isang
napakahalagang nobela na nagturo sa maraming Pilipino ng maraming aralin lalong lalo na ang
pagpapahalaga ang ating bansang Pilipinas.

Pabalat ng Noli Me Tangere; Simbolismo

Sa Pabalat ng Noli Me Tangere makikita natin ang mga


sumusunod:
Ang Itaas na bahagi, Ang pamagat na naghahati sa
dalawang bahagi, at ang ibabang bahagi
Itaas na bahagi o sa Kaliwang Triangulo (Ang Kahapon)
Mga Simbolo:
Sunflower- Pinapakitang halimbawa para sa mga
mambabasa na sundan at tutukan ang pagbabasa sa
kaniyang nobela. Sa pagbabasa ng Noli Me Tangere
naliliwanagan ang mga Pilipino.
Simetrikal na Sulo- Ito ay sumisimbolo sa Noli Me Tangere.
Ito ay ang nagbibigay liwanag. Nagkaroon ng kamalayan ang
mga Pilipino dahil rito.
“Berlin”- Ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere sa lugar na ito. Layunin rin nitong ipaalam
ang mayamang koleksiyong ng lungsod sa materyales ukol sa Pilipinas sa mga mambabasa.
Ulo ng Babae- Ito ay ang inang bayan.
Krus- Sumisimbolo sa pagiging relihiyoso ng karamihan na Pilipino. Na sa pinakamataas na
bahagi ng pabalat upang ipakita na ang Diyos ay kataas-taasan.
Supang ng Suha- Isang insulto para sa katolisismo na ang suha ay itinabi ni Rizal sa krus.
Kaniyang nais ipinahiwatig ang kawalan ng kalinisan ng mga Kastila sa paggamit ng katolisismo.
Dahon ng Laurel- Ginagawang korona para sa matatapang, matalino, mapagwagi at
mapanlikhang mamamayan. Ang kabataang Pilipino ay magpipitas sa mga laurel upang gawing
korona ng inang bayan. Ito ay ang Kapurihan at Karangalan ng ating Inang Bayan.

Ibabang Bahagi o sa kanang Triangulo (Ang Hinaharap ng Bayan)


Mga Simbolo:
Paa ng Prayle- Ipinakikita kung sino ang pinakabase na nagpapalakad ng bayan. Sinisimbolo ng
sapatos ang pag-iwan at pagtalikod ng prayle sa aral ng Kristo. Sinisimbolo naman ng balahibo
ay ang kalaswaan ng pamumuhay nila.
Salakot ng Guardia Sibil- Ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang abusuhin ang karapatang
pantao ng mga Pilipino ng kolonyal na hukbong sandatahan.
Latigo ng Alpares- Sumisimbolo ito sa malupit na pagtrato ng opisyal ng kolonyal na hukbong
sandatahan.
Kadena- Simbolo ito ng Kalayaan ng mga Pilipino na nawala sa ilalim ng kolonyal na
pamahalaan.
Suplina- Sa paningin ni Rizal, para bang hindi pa sapat ang pananakit ng mga guardia sibil sa
mga Pilipino, sila dapat mismo ang manakit sa kanilang sarili para makapaglinis ng kasalanan.
Punong Kawayan- Ipinakita ang pamamaraan ng mga Pilipino na parang sumasabay lamang sa
ihip ng hangin na pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan ng mga kastila.
Lagda ni Rizal- Inilarawan ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunang ito.
Halamang Kawayan
Bahagi ng manuskriyo ng paghahandog ni Rizal- Upang maliwanagan ang isipan ng mambabasa
sa kaniyang matutuklasan sa Noli Me Tangere.

You might also like