You are on page 1of 4

Jose Rizal’s Trial and Execution Script

SCENE 1 : SA HUKUMAN

(PAPASOK ANG CHIEF JUDGE. UUPO ITO.)

Kapt. Dominguez: Magsitayo ang lahat.

Kapt. Dominguez: Mga Mamamayan ng Pilipinas laban kay Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ang
nasasakdal ay nahaharap sa korteng ito sa salang rebelyon, sadisyon at pagbabalak ng masama laban sa bansang Espanya.
Siya’y sinampahan ng mga Kastilang awtoridad sapagkat diumano’y nasasangkot ang nasasakdal sa pakikipagsabwatan sa
mga kasapi ng Katipunan sa pag-aaklas laban sa pamamahala ng Espanya.

Chief Judge: Ngayon ay maaari nang ibigay ng prosekusyon ang kanyang panig. Tinatawagan ko sa hukumang ito si Atty.
Enrique de Alcocer upang tumayo sa harapan at magsaad ng kanyang panig.

Atty. Alcocer: Gracias, Senyor! Ngayon ay babasahin ko sa iyo Dr. Rizal, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga
ebidensiya laban sa iyo. (BABASAHIN ANG MGA EBIDENSIYA.)

Una, sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksiyon sa kampanya para sa
reporma sa Espanya.
Pangalawa, sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga
tao upang maghimagsik.
Pangatlo, sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na may kinalaman ka sa propaganda
laban sa Espaniya.
Pang-apat, sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na naghihikayat ng himagsikan.
Panlima, sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong
magpapalaya sa Pilipinas.
Ikaanim, isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo.
Ikapito, isang sulat na pinirmahan ng isang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na
maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya.
Ikawalo, sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyon na humihingi ng tulong rito para sa
paghihimagsik.
Ikasiyam, isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.
Ikasampu, isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
Ikalabing-isa, isang sulat ni Ildefonso Laurel din para sa’yo na nagpapaalam sa iyo tungkol sa pagpapatapon ng
gobyerno kina Doroteo Cortes at Ambrosio Salvador.
Ikalabindalawa, isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng isang
espesiyal na organisasyon.
Ikalabintatlo, isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay
ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
Ikalabing-apat, isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaad, “Mabuhay si Jose Rizal!
Kamatayan sa mga manlulupig!”
At ikalabinlima, isang tula ni Laong Laan na pinamagatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.

Ngayon, sabihin ninyo sa akin na walang kinalaman si Dr. Rizal sa mga pag-aalsang nagaganap ngayon laban sa
ating mga Kastila. Sabihin ninyo sa aking hindi ang indiong ito ang puno’t dulo ng mga kalapastangan laban sa Espanya!
Hindi pa ba sapat ang mga ebidensyang nakalap? Sinasabi ko sa lahat ng nandirito, walang sinuman ang di makalabag sa
bansang Espanya para sa atin. Walang sinuman ang maaaring kumontra sa kung anuman ang nais ng ating bansa―ang
sinuman ang hindi gumawa noon ay nararapat na ikulong at ipapatay! Iyan ang nararapat kay Doctor Jose Rizal. Siya ay
nandito ngayon sa salang rebelyon laban sa ating bansang Espanya at mga pagkakatatag ng mga samahang may layong
kontrahin ang mga batas na itinatag ng ating mga Kastila dito sa Pilipinas. Hindi ba’t nararapat lamang ang sinabi kong
parusa sa taong masahol pa sa hayop, walang modo, at walang utang na loob sa bansang nagpaaral sa kanya? Nararapat
lamang sa isang taksil tulad niya ang ipapatay.

Spectators: (MAGBUBULUNGAN. MAG-IINGAY.) Siyang tunay. Parusang kamatayan para sa taksil!

Kapitan Taviel: Isang kahangalan!

Chief Judge: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Gracias, Atty. Alcocer. Ngayon naman ay ating pakinggan ang panig ng
depensa, aking tinatawagan sa hukumang ito si Kapitan Luis Taviel de Andrade upang ipagtanggol ang kanyang panig.

Kapitan Taviel: Gracias, Senyor! Buenos días a todos. Soy Tenyente Luis Taviel de Andrade, ang manananggol ng
nasasakdal na si Dr. Jose Rizal.

Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo na ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging
simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano ba ang naging
kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa Espanya? Nagdeklara ba siya sa madla
ng kanyang paghihiwalay sa rehimen ng Espanya? Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espanya, na lumalaban
siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi.

Hindi nasusukat ang kadakilaan ng isang tao sa yaman o sa dami ng kilala niyang tao. Ito ay nasusukat sa katatagan
ng loob at katapangan na ngayo’y napapasakamay ni Doctor Jose Rizal. Bago niyo siya husgahan, tingnan niyo muna ang
inyong mga sarili; ang nais lamang niya ay maging pantay ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino. Hindi kayo dapat
magpadalos-dalos sa pagbibigay ng mga parusa na hindi karapat-dapat sa nasasakdal. Kaya naman ipinapanalangin ko sa
harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ng kapatawaran sa kung anumang pagkakamaling kanyang nagawa.
Ang mga huwes ay 'di kailangang maging mapaghiganti; ang mga huwes ay dapat lamang maging makatarungan.

Chief Judge: Gracias, Kapitan Taviel. Ngayon ay binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli
niyang depensa.

Jose Rizal: Gracias, Senyor! Naipatapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa buong pananatili ko ay wala
akong ibang inisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang aking pananatili
sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo. Nalaman kong kailangan ng Espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba
upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dali-dali akong sumulat sa Gobernador Heneral upang magboluntaryo ngunit
ito ang nakuha kong kapalit!

Nakalulungkot isipin na may mga taong sumantala sa aking katahimikan sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala
upang idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang at mga kasalanang ipinupukol sa
akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan―iyon ay ang minahal ko ang sarili kong bayan. Kasinungalingan ang
ibinibintang ninyo sa akin. Wala kayong konkretong ebidensya at tanging mga liham at inyong mga galit lamang ang
nagtutukoy sa aking pagkakasala. Wala rin akong kinalaman sa mga pag-aaklas at hindi ko rin alam na ginagamit nila ang
aking pangalan sa kanilang mga aktibidad.

Ngayon ay papatunayan ko ang aking pagiging inosente batay sa mga puntos na ito: (BABASAHIN.)

Unang-una, wala akong kaugnayan sa rebelyon dahil ako pa mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa
Dapitan na huwag ipagpatuloy ang himagsikang pinaplano ng Katipunan.
Pangalawa, hindi ako nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.
Pangatlo, ginamit ng mga rebolusyonaryo ang aking pangalan nang hindi ko nalalaman. Kung ako’y may sala, ‘di
sana’y tumakas na ako sa Singapore.
Pang-apat, kung may kaugnayan ako sa rebolusyon, ‘di sana’y tumakas na ako sakay ng isang vintang Moro at di
na nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.
Panlima, kung ako ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi ako kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?
Pang-anim, totoong sinulat ko ang Konstitusyon ng La Liga Filipina, ngunit ito ay isa lamang asosasyong pansibiko,
hindi isang rebolusyonaryong samahan.
Ikapito, hindi nagtagal ang La Liga Filipina dahil pagkaraan ng unang pulong ay ipinatapon ako sa Dapitan.
Ikawalo, kung muling nabuhay ang La Liga Filipina pagkaraan ng siyam na buwan, hindi ko ito alam.
Ikasiyam, hindi itinataguyod ng La Liga ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y hindi na
itinatag ang Katipunan.
Ikasampu, kung totoong may mapapait na komentaryo sa aking mga sulat, ito ay dahil isinulat ito noong 1890
nang ang aking pamilya ay inusig, kinumpiska ang aming tahanan, bodega, at lupain at ang aking kapatid na lalaki at mga
bayaw ay ipinatapon.
Ikalabing-isa, ang buhay ko sa Dapitan ay kapuri-puri gaya ng mapatutunayan ng mga komandanteng politiko-
militar at mga misyonaryong pari.
At panghuli, hindi totoong pinukaw ng aking talumpati ang rebolusyon, gaya ng ipinaparatang ng mga testigong
gusto kong makaharap. Alam ng mga kaibigan ko ang aking pagtutol sa armadong rebolusyon. Bakit nagpadala ang
Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi ko kakilala? Dahil yaong mga kakilala ko ay batid na hindi ko sasang-ayunan
ang anumang kilusang marahas.

Napakarami ko pang maaaring sabihin na magpapatunay sa aking pagkakawalang-sala, ngunit sana’y gamitin
ninyo ang inyong mga utak upang magawa ninyo ang nararapat.

Spectators: (MAGKAKAGULO AT MAG-IINGAY.) Huwad! Taksil! Sinungaling!

Chief Judge: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Magkakaroon muna ng isang masusing deliberasyon kung ano ang hakbang
na isasagawa ukol sa kaso ni Doctor Jose Rizal. Babalik ang mga hukumang militar pagkatapos ng ilang minute upang
ipapaalam sa hukumang ito kung ano ang magiging resulta ng deliberasyon.

(PUPUNTA SA GILID ANG JUDGES, AT SINA DOMINGUEZ AT POLAVEJA )

Judge 1: Hindi natin ito dapat pagtalunan pa, kailangan hatulan ng kamatayan si Rizal dahil sa krimen na kanyang ginawa.

Judge 2 and 3: Sang-ayon kami diyan.

Judge 4: Panahon pa upang tuldukan ang mga himagsikan laban sa atin.

Judge 5: Sang-ayon ako sa kaparusahang kamatayan.

Judge 6: Sang-ayon din ako.

Chief Judge: Kung gayon, parehas pala ang ating nararamdaman ukol sa kasong ito. Itutuloy ko ang sentensyang
kamatayan kay Rizal. Gobernador Polavieja, Kapitan Dominguez, sumasang-ayon ba kayo sa desisyon naming ito?

Kapt. Dominguez: Aba’y oras na upang tanggalin sa ating landas ‘yang indio na ‘yan.

Gov. Gen. Polavieja: Parusang kamatayan para sa isang taksil, para kay Dr. Jose Rizal. Isa siyang banta sa ating
kapangyarihan.

(PAPASOK SA KORTE ANG 6 JUDGES, SI DOMINGUEZ AT SI POLAVIEJA.)

Kapt. Dominguez: Ngayon, ipapahayag ko na sa inyo ang hatol ng korte. Ang nasasakdal na si Dr. Jose Rizal ay hinahatulan
ng korteng ito ng kaparusahang kamatayan. Ito ay pinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo de Polavieja at ipapatupad
sa ika-30 ng Disyembre, 1896 sa ganap na alas 7:00 ng umaga sa Bagumbayan. So ordered.

(IIYAK SI JOSEPHINE. MAGSASAYA ANG MGA ESPANYOL.)


(BAGO ANG DEATH MARCH)

Jose Rizal: Padre, gaya ng iyong nais, narito ang aking retraksyon. (IBIBIGAY ANG LETTER KAY BALAGUER.)

Fr. Balaguer: Mainam ang iyong naging desisyon, Jose. Mabuti naman at nagbalik-loob ka na sa Simbahang Katoliko.

Guard: Adelante! Kumilos ka na!

(TIME FOR DEATH MARCH.)

SCENE 2 : (SA BAGUMBAYAN)

(Rizal, Guards, Firing Squad, Lt. Andrade, Fr. March, Fr. Vilaclara)

(UMIIYAK SINA TEODORA, NARCISA, AT JOSEPHINE.)

Jose Rizal: Bago ninyo ako patayin, maari bang humiling ako sa kahuli-hulihan? Maaari bang barilin niyo ako nang paharap?

Guard 1: Imposible! Ipinag-utos sa amin ng heneral na babarilin ka namin habang ika'y nakatalikod.

Jose Rizal: Kung gayon ay maaari bang huwag ninyong barilin ang aking ulo?

Guard 1: (TATANGO.)

Jose Rizal: (YUYUKO AT HAHALIKAN ANG CRUCIFIX NA HAWAK NI VILACLARA. KAKAMAYIN SI ANDRADE.)

Kapt. Taviel: (KAKAMAYIN DIN SI RIZAL AT HAHAWAKAN ANG BALIKAT NITO.) Kinararangal kitang makilala, Dr. Rizal.

(TUTUNGO SI RIZAL SA HARAP AT TATALIKOD.)

Guard 2: (SISIGAW.) Sa ngalan ng hari ng Espanya, ang sinumang magsisigaw ng kanyang boses na kasang-ayon sa kriminal
ay paparusahan din ng kamatayan.

Rizal: (SISIGAW.) Consummatum est!

Guard 1: Preparar! (ITATATAS ANG MGA BARIL.)

Apuntar! (ITUTUTOK ANG MGA BARIL KAY RIZAL.)

Disparar! (BABARILIN SI RIZAL. MATUTUMBA SI RIZAL AT TITINGALA SA LANGIT.)

Lahat ng mga Kastila: VIVA ESPANYA! MUERTE A LOS TRAIDORES! (3 TIMES WHILE MARCHA DE CADIZ PLAYS)

You might also like