You are on page 1of 3

AZIANNE C.

HULLEZA 7-NICKEL

“ANG NAGMAMAHAL SA KALIKASAN”

DESCRIPTION:
Ang larawan ay nagpapakita ng mga simpleng gawain na makakatulong sa kalikasan.
Ito ay ang pagtatanim ng buto ng papaya, pagwawalis ng bakuran,pagkuha ng mga damu sa
paligid ng mga tanim at pagkuha ng mga basura sa kanal. Ito ay gawain na madalas kung
ginagawa sa aming bakuran. Kung bawat isa sa atin ay tumutulong sa pangangalaga sa
kalikasan, suguradong makakamit natin ang hinahangad na mabuting kapaligiran at
masaganang kalikasan.
BAKIT MAHALAGA ANG GINAGAWA MO?
Ang kalikasan ay bigay ng Maykapal kaya dapat pahalagahan. Kailangan bilang isang
mamamayan ay tumulong at makibahagi sa pagpapaunlad nito.Sapagkat dito tayo
kumukuha ng ating pagkain at kabuhayan. Mahalaga ang gawaing ito para mapanatili ang
masaganang kalikasan. Kailangan ng bawat isa sa atin ay makibahagi sa pagpapanatili ng
mabuting kapaligiran hindi lamang sa ating sarili pati na rin sa susunod na henerasyon.

HUGOT
“ Ang KALIKASAN ay parang kasintahan, kailangang mahalin,
alagaan, iingatan at hindi PABAYAAN.”

You might also like