You are on page 1of 1

KABATAAN KAYANG-KAYANG SAGIPIN ANG KALIKASAN

JEFFREY F. EGUILLON

Oh kay lungkot isipin!


at iyong daramdamin
hindi na mapigilan
polusyon sa ‘ting bayan.

Nagkalat na basura,
saan ka man pumunta
Nasirang kalikasan
Anong kahihinatnan?

Oh aking kaibigan
ako’y iyong tulungan!
Mahal na kalikasan
Sagipin, alagaan.

Tulad mo at tulad ko
ang kailangan ng mundo.
Kahit tayo’y bata pa
tiyak may magagawa.

Ang mga nakakalat


sa ating tabing dagat
bote, plastic at papel
ay pwedeng i-recycle.

Basta laging gamitin


pagiging malikhain.
Kalikasa’y masasalba
makatitipid ka pa.

Kung tayo’y sama-sama


mundo nati’y gaganda
Sa atin magsisimula
Itutuloy ng madla.

Dapat nating ingatan


ating likas na yaman
Ito’y ikatutuwa
Nang Diyos na lumikha.

You might also like