You are on page 1of 2

1st Grading Period

BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 2
(Sityembre 11-14 Week 6)
Nilalaman: Pagbabaybay ng salita

Pamantayang Pangnilalaman: ang mag-aaral ay inaasahang…


 Nakababaybay nang wasto ng mga salitang may tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang
pampaningin, at natutunang salita mula sa mga aralin
Pamantayan sa Pagganap: ang mag-aaral ay inaasahang …
 Natutukoy ang mga salitang may maling baybay
Kompetensi:
 Naiwawasto ang mga salitang may maling baybay
Learning Targets: Pagkatapos ng aralin, ang magaaral ay…
 Natutukoy ang tamang pagpapantig ng mga mahabnag salita.
 Nasusulat nang papantig ang mga mahabang salita.
 Napapahalagahan ang pakikipoa
Transfer Goal: ang mag-aaral ay inaasahang …
 Mahalagang matutuhan nang mag-aaral ang wastong baybay upang maging wasto rin ang
pagbigkas at pagsulat ng mga salita.

STAGES ACTIVITIES
(Day 1)
PAGTUKLAS Pagganyak:
 Magpakuha sa mag-aaral ng whiteboard o malinis na papel na
magagamit sa gawain.
 2Magpahula sa mga mag-aaral ng palaisipan tungkol sa tao o
bagay.
 Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa palaisipan.
 Sa huli, ipakita sa mga mag-aaral ang tao o bagay na pinahulaan
sa kanila.
(Day 1)
PAGLINANG  Magbalik-aral sa alpabetong Filipino kasama ang patinig at
katinig.
 Talakayin din sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng pagbabaybay.
 Ang pagbaybay ay tumutukoy sa pagsulat ng mga letrang
bumubuo sa salita sa tamang pagkakasunod-sunod nito. Ito ay
tinatawag ding ispeling.
 Balikan ang mga salitang pinahulaan kanina. Tanungin sa mga
mag-aaral kung ano ang wastong baybay ng mga ito. Ipakita ang
wastong baybay ng mga salita.

(Day 2)
 Ipakita sa mga mag-aaral ang wastong baybay ng mga
salita. Gumamit ng pisara o whiteboard upang maunawaan ng
mag-aaral.
 Pagkatapos ng gawain, isa-isang ituro ang wastong baybay ng mga
ibinigay na salita.

(Day 3)
 Ipagawa ang pagsasanay.
 Tumawag ng mag-aaral na sasagot sa bawat bilang. Ipabigkas
nang malakas ang bawat letrang bumubuo sa salita.
 Pagkatapos sumagot ng mag-aaral ay isulat sa presentasyon, pisara
o whiteboard ang wastong baybay ng mga salita. Pantigin din ang
mga ito.
 Suriin ang larawan. Punan ng nawawalang titik upang mabuo ang
salita. Tukuyin din kung ilang pantig ang salita.
(Day 4)
Gawain 1

PAGPAPALALIM

Gawain 2

PAGLILIPAT PERFORMANCE TASK


GRASP
 Gumuhit ng limang larawan at baybayin ang mga salitang
katumbas ng nasa larawan.
VALUES INTEGRATION
 Bakit mahalagang matutuhan ang tamang baybay ng mga salita?

RUBRICS for the PERFORMANCE TASK

CRITERIA POINTS
Presentasyon 5
Kalinisan 5
Total 10 points

Prepared by: Checked by:


Mary Danica P. Ragutana Sr. Agatha I. Caoili, SIHM
School Teacher School Principal

You might also like