You are on page 1of 67

8

Filipino 8
Unang Markahan – Modyul 1
Pananaliksik
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 5: Pananaliksik
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Mairenella Sebolino

Reviewer(s): Girlie T. Sumastre

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Loreto B. Demetillo Jr.

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co- Conniebel C. Nistal, PhD


Chairperson: Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Unang Markahan – Modyul 5

Pananaliksik
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita ........................................................................................................... i
Alamin ........................................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto ............................................................................................ ii
Mga Aykon ng Modyul............................................................................................................ ii
Panimulang Pagtataya .............................................................................................. iii
Hakbang ng Pananaliksik .......................................................................................... 1
Alamin..................................................................................................................................... 1
............................................................................................................................. ..... 1
Subukin................................................................................................................................... 1
................................................................................................................................................3
Balikan .................................................................................................................................... 3
Tuklasin! ......................................................................................................................... 3
Basa-Sagot ............................................................................................................. 3
Suriin! ..................................................................................................................................... 6
Pagyamanin ........................................................................................................................... 8
TitikMero ................................................................................................................. 8
Tukuyin Mo!........................................................................................................... 8
................................................................................................................................8
Isaisip ........................................................................................................................... 10
Hagdan ng Hakbang............................................................................................. 10
..............................................................................................................................................10
Isagawa ................................................................................................................................ 10
Pamagat Mo! ................................................................................................................ 10
..............................................................................................................................................11
Tayahin ................................................................................................................................. 11
Karagdagang-gawain ........................................................................................................... 12
Ibuod mo! ....................................................................................................................... 13
Paraan ng Pangangalap ng Datos sa Pananaliksik ................................................. 14
Alamin................................................................................................................................... 14
............................................................................................................................. ... 14
Subukin .................................................................................................................. 14
Balikan.......................................................................................................................... 15
Tuklasin! ....................................................................................................................... 15
Basa-Sagot ........................................................................................................... 15
..............................................................................................................................................15
Suriin ............................................................................................................................ 18
I-Konek Mo! .................................................................................................................. 18
..............................................................................................................................19
Pagyamanin ......................................................................................................................... 19
Sarbey Katanungan .............................................................................................. 19
..............................................................................................................................................19
Isaisip ................................................................................................................................... 19
Tala ng Sanggunian ........................................................................................... 19
Isagawa ................................................................................................................................ 22
Pasagutan mo!...................................................................................................... 22
Tayahin ................................................................................................................................. 22
Karagdagang-gawain ........................................................................................................... 23
Ibuod mo!.............................................................................................................................. 24
..............................................................................................................................................24
Pananda ng Pagsasaayos ng Datos........................................................................ 25
Alamin................................................................................................................................... 25
Subukin................................................................................................................................. 25
Balikan ................................................................................................................. 26
Tuklasin! ............................................................................................................................... 26
Suriin .................................................................................................................................... 27
Hakbang-hakbangin! ............................................................................................ 27
Pagyamanin ......................................................................................................................... 28
Hakbang Isaayos! ................................................................................................. 28
Isaisip ................................................................................................................................... 28
Punan Mo Ako! ..................................................................................................... 28
Isagawa ................................................................................................................................ 29
Itala Mo! ................................................................................................................ 29
Tayahin ........................................................................................................................ 30
Karagdagang-gawain................................................................................................... 30
Ibuod mo! ................................................................................................................ 31
Pagsulat ng Resulta ng Pananaliksik....................................................................... 32
..............................................................................................................................................32
Alamin................................................................................................................................... 32
Subukin................................................................................................................................. 32
Balikan .................................................................................................................................. 33
Tuklasin! ............................................................................................................................... 33
Guhit-Graph! ....................................................................................................... 33
Suriin! ......................................................................................................................... 34
Basa-Sagot .......................................................................................................... 34
Pagyamanin ......................................................................................................................... 36
I-Search Mo! ........................................................................................................ 36
Isaisip ........................................................................................................................... 37
Itanong Mo! ......................................................................................................... 37
Isagawa ........................................................................................................................ 37
End Mo Na! .......................................................................................................... 37
Tayahin ................................................................................................................................. 38
Aralin 5.5 ................................................................................................................ 40
Lagumang Pagtataya .............................................................................................. 40
Alamin................................................................................................................................... 40
............................................................................................................................. ... 41
Tayahin ................................................................................................................................. 41
SusingSagot .......................................................................................................... 45
Sanggunian ............................................................................................................. 54
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa Unang Markahan hinggil sa Panitikan sa Panahon ng
Katutubong Pilipino.
Umusbong ang ating mga buhay kasabay sa pag-unlad ng ating bansa.
Ngunit tila unti-unti nating nakalilimutan. kasarinlan ng ating pagka-Pilipino.
Upang matugunan at mapanumbalik ang ating sariling kakulangan, ating
balikang muli ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos ng ating panitikan. Ang
ating panitikan kahit pilit na pinagpapalit-anyo at binihisan mula sa luma hanggang
sa makabago sa kasalukuyan upang maipabatid sa lahat. Ang Panitikang Pilipino ay
namumukod-tangi sa lahat bagamat ito ay sandigan natin sa ating pagkakakilanlan.
Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid-19, ang pagbuo ng
mga makabagong kagamitang pampagkatuto ng mga mag-aaral upang mapalawak
at malakbay nilang muli ang ating sariling panitikan gamit ang modyul na ito sa
Asignaturang Filipino ay mahigpit na binibigyang-diin.
Pinag-igihang buoin ang modyul na ito nang maiangkop ang pagtuturo at
pagkatuto ng mga mag-aaral sa hamon ng pandemyang kinakaharap. Mahigpit na
pinaniniwalaan ng kagawaran na ang kalidad na edukasyon ay kayang makamit ng
mga mag-aaral ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon.

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na


kasanayang pampagkatuto:
➢ Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang
datos;
➢ Nabibigyang kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga paraan sa
pangangalap ng datos sa pananaliksik;
➢ Naiisa-isa ang mga paraan ng pananaliksik mula sa video clip na napanood sa
youtube o iba pang pahatid pang madla;
➢ Naipaliliwanag ang angkop na paraan sa pangangalap ng datos nang naayon sa
lugar at panahon ng pananaliksik;
➢ Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino; at
➢ Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (Una, isa pa, iba
pa.)

i
Pangkalahatang Panuto
Upang matamo ang mga layunin sa itaas, kailangang sundin ang mga sumusunod:
1. Bigyan ng karampatang panahon na igugugol para sa pagbabasa at pag-
unawa sa modyul.
2. Unawaing mabuti ang mga panutong nakasaad sa modyul na ito.
3. Sagotan lahat ng mga gawain at pagsusulit na inihanda para sa iyo.

Mga Aykon ng Modyul


Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Maikling pasulit dito nasusukat ang pag-


Tayahin
unawa ng mag-aaral sa paksang tinalakay.

Karagdagang Gawain sa pagpapalawak ng


Karagdagang
aralin.
Gawain

ii
Panimulang Pagtataya
I. Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
sagutang papel.
1. Isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos.
a. Pagpili ng tamang paksa
b. Pagrereserba ng papel
c. Pagsulat ng pinal na papel
d. Paghahanda ng balangkas
2. Pagsasaayos ng mananaliksik sa mga nakalap na datos ayon sa uri ng
paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
a. Paghahanda ng balangkas
b. Pagsulat ng pananaliksik
c. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
d. Pag-ooraganisa ng nilalaman batay sa balangkas
3. Masusing hinahanap ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat,
magasin, journal at iba pa.
a. Paghahanda ng bibliyograpi
b. Paghahanda ng balangkas
c. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal
4. Dito inihanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing
pananaliksik
a. pagsulat ng pananaliksik
b. paghahanda ng balangkas
c. pagsulat ng pinal na papel
d. lahat ng nabanggit
5. Unang draft ng isinulat sa masusuring editing upang matiyak na may
kuwastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
a. Pagsulat ng pananaliksik
b. Pagsulat ng pinal na papel
c. Pagrereserba ng papel
d. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas

iii
6. Pagsulat ng pinal na pagbabalangkas ng isang ulat pananaliksik/ tesis/
disertasyon
a. Pagsulat ng pinal na papel
b. Pagpili ng tamang paksa
c. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
d. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
7. Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang
presentasyon ng mananaliksik.
a. Pagreserba ng papel
b. Pagsulat ng pananaliksik
c. Pagpili ng tamang paksa
d. Paghahanda ng bibliyograpi
8. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit panglinggo depende sa uri ng
pananaliksik na isinagawa.
a. Pagsulat ng pinal na papel
b. Paghahanda ng balangkas
c. Pagpili ng tamang paksa
d. Pagsulat ng pananaliksik
9. Alin ang madaling makakalap ng mga mahahalagang datos sa pananaliksik.
a. Analitikong paraan
b. Kwalitatib
c. Kwantitatib
d. Deskriptib
10. Bunga ng paglaganap ng iba’t-ibang suliranin at pag-unlad, resulta ng
maingat na pag-aaral at paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa
paksang nais tuklasin.
a. Lohikal
b. Pananaliksik
c. Pagsusuri
d. Disiplinadong Inquiry
II. Tukuyin ang panandang ginamit sa bawat pangungusap at isulat sa sagutang
papel.
11. Walang duda na mahal siya ng taong bayan.
12. Bilang paglalahat maraming tao ang nasisiyahan sa bagong programa ng
gobyerno.

iv
13. Ang pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran ay nakakatulong sa bawat
pamilya saka sa kanyang kommunidad niya,
14. Kasunod sa proseso ay ang paghihintay ng resulta.
15. Dapat bigyang pansin ng mga opisyal ang problema sa tubig.

III. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Isulat ang bilang
1-5 sa sagutang papel.
16. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.

17. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.


18. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
19. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na kumot at patuloy
na nakinig sa balita.
20. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa
bagyo.
IV. Alamin ang tinutukoy ng mga pahayag. Para sa bilang 6-8 hanapin
PAHALANG at para naman sa bilang 9-10 hanapin PABABA. Isulat ang
sagot sa sagutang papel..
B D R I L B K S I B A B C D S
U A P L A G I A R I S M G F A
W T Y K O T L G T N H I J J N
A O O O L E O I R I I O U K G
N S Y H A N I N F G E A S L G
X Q O H I N T E R B Y U D M U
C R E V K M S A D Z A S D N N
M U L T I P L E C H O I C E I
O I U Y T R E W S D X Z Z O A
S D F G H J K L M N B V C P N

PAHALANG
21. Ito ay mabilis na paraan ng pangangalap ng datos.
22. Ito ay paraan ng pangangalap ng datos ang may personal na koneksyon sa
pangunahing batis ng impormasyon.
23. Ito ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o
anumang likhang-isip nang walang pahintulot sa may-ari.
PABABA

v
24. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.
25. Paalpabetong listahan ng pinagkunan ng datos.
V. Sa loob ng Ladder Organizer pagsunod-sunorin ang pamagat ng bawat
kabanata. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

a. Suliranin At Sanligan Ng Pag-Aaral


b. Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura
c. Paglalagom ng mga Natuklasan, Kongklusyon, at Rekomendasyon
d. Pamamaraan Metodolohiya, Presentasyon
e. Paglalahad At Pagsusuri Ng Datos

26. KABANATA I

27. KABANATA II

28. KABANATA III

29. KABANATA IV
30. KABANATA V

vi
Aralin Hakbang ng Pananaliksik
5.1

Alamin
Magandang buhay! Ihanda ang inyong sarili dahil sa linggong ito ay
lalakbayin natin ang mundo ng Pananaliksik.

Sa modyul na ito ay mabibigyan mo ng kahulugan ang mga salitang di-


mauunawaan at maipaliliwanag ang hakbang ng paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong hakbang sa Pananaliksik na kung saan ay inihahanda ang
estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik?
a. Pagpili ng tamang Paksa
b. Paghahanda ng Balangkas
c. Paghahanda ng Bibliyograpi
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.
2. Anong hakbang sa Pananaliksik na kung saan ay binabasa ang nilalaman
ng mga aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas?
a. Pagpili ng tamang Paksa
b. Paghahanda ng Paksa
c. Paghahanda ng Bibliyograpi
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.

1
3. Anong paraan ng pangangalap ng datos na kung saan may mga
katanungan na magpagpipiliang sagot?
a. Panayam
b. Survey
c. Aklat
d. Internet
4. Alin sa mga sumusunod na Paksa ang mas tiyak?
a. Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legend
b. Pananaw ng mga Tao sa Pagbabago ng Kurrikulum
c. Epekto ng Home-Schooling sa mga Mag-aaral ng Pedro High School
d. Bakit Mahirap ang Matematika
5. Alin sa mga batayan sa pagkuha ng datos ang pinakaangkop gamitin kung
ang iyong paksa ay “Tinatangkilik na produkto ng mga taong-bayan”?
a. Panayam
b.Survey
c.Aklat
d. Internet
II. Panuto: Alamin ang tinutukoy ng mga pahayag. Para sa bilang 6-8 hanapin
PAHALANG at para naman sa bilang 9-10 hanapin PABABA.Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

B D R I L B K S I B A B C D S
U A P L A G I A R I S M G F A
W T Y K O T L G T N H I J J N
A O O O L E O I R I I O U K G
N S Y H A N I N F G E A S L G
X Q O H I N T E R B Y U D M U
C R E V K M S A D Z A S D N N
M U L T I P L E C H O I C E I
O I U Y T R E W S D X Z Z O A
S D F G H J K L M N B V C P N

PAHALANG
6. Ito ay mabilis na paraan ng pangangalap ng datos.
7. Ito ay paraan ng pangangalap ng datos ang may personal na koneksyon sa
pangunahing batis ng impormasyon.

2
8. Ito ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o anumang
likhang-isip nang walang pahintulot sa may-ari.

PABABA
9. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.
10. Paalpabetong listahan ng pinagkunan ng datos.

Balikan
Panuto: Magbigay ng opinyon tungkol sa “Totoo ang Alien”
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tuklasin!
Basa-Sagot
Mahusay! Dahil iyong nabuo mo ang mga salita. Ngayon ay aalamin natin
kung ano ang kahulugan ng mga ito. Unawain ang teksto na nasa ibaba at
sagutan
Ano ang mga sumusunod na katanungan.
ang Pananaliksik

• Ayon kay Villafuerte, “Ang pananaliksik ay pagtuklas sa isang teorya,


pagsubok sa teoryang iyon, at paglutas sa isang suliranin. Ito ay isang
masusuing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga idey, konsepto, bagay,
isyu, tao at iba pangnais bigyang-linaw, patunayan at pasubalian.
• Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang masistema,
kritikal at empirikal na imbestigasyon sa isang proposisyong
haypotetikal.

3
• Para naman kina Calderon at Gonzales (na kay Bernales, 2009), ang
pananaliksik ay isang siyentipikong metodo ng pangangalap,
pagkaklasipika, pagsasaayos at presentasyon ng mga datos para sa
pagtuklas ng katotohanan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng tao.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


May mga sinusunod na mabisang hakbang upang ang nagsasagawa ng
pananaliksik ay magkaroon ng isangmaayos at masistemang paraan.
1. Pagpili ng tamang paksa. Ang Paksa ay bahaging pinagtutuunan ng pansin
o pinag-uusapan sa pangungusap; tema o pinag-uusapan sa alinmang teksto
o akda. Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri
kung ang paksangnapili ay napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng
mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente- ang lipunan o ang bansa sa
kabuuan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahin o
gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.
2. Paghahanda ng balangkas. Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong
organisasyon ng gagawingpananaliksik.
3. Paghahanda ng bibliyograpi. Dito ay masusing hinahanap ng mananaliksik
ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal, at iba pang mga
mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik. Lahat ng nakalap
ay gagawan ng sanggunian, ito ay paalbabetong listahan ng mga aklat,
artikulo at iba pang sanggunian na ginamit upang mabuo ang pananaliksik.
4. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa
ang nilalaman ng mga aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas.
Pinagpapasyahan
ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at
maisama sa gagawin niyang ulat.
Sa pangangalap ng datos ay maraming paraan ang ginagamit ng
mananaliksik, maliban sa aklat.
Sarbey
Ang sarbey ay isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga
pagpipiliang sagot. Ito ay isang lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang
metodo ng pananaliksik upang matamo ang mga kasagutan para sa mga
tiyak na mga tanong. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey.

4
a. Multiple Choice- Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang
survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang
ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
Hal.
Alin sa mga sumusunod ang mas gusto mong kainin?
a.Gulay c. Prutas
b.Junk Food d. Karne
b. Pagkilala sa sinasang-ayunan-Nilalagay ang listahan na nagpapahayag
ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.
Hal.
Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, at DS kung
hindi sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.

SA W DS

Madali akong naiintindihan sa wikang ginagamit ko.

Ang wikang ginagamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng


klase.

c. Likert Scale- isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao


ang sarili niya.
Hal.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas
malapit sa ingles at 5 bilang mas malapit sa Filipino
Ingles Filipino
1 2- 3 4- -5
Panayam
Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:
a. Paghahanda para sa Panayam
a. Magpaalam sa taong gusting kapanayamin
b. Kilalanin ang taong kakapanayamin
b. Pakikipanayam
a. Magingmagalang
b. Magtanong nang maayos
c. Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. Magpasalamat
e. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam

5
5. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas. Aayusin ng mananaliksik
ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin
sa ulat.
6. Pagsulat ng Pananaliksik. Maayos na isinagawa ang pasulat na ulat batay
sa naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay
inaabot ng isa o higit pang linggo depende sa uri ng pananaliksik na
isinasagawa.
7. Pagrereserba ng papel. Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing
editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
8. Pagsulat ng pinal na papel
Internet
Maaring kumunsulta sa mga libro o internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang
mapagkatiwalaang batis.
Isyu sa Pananaliksik
Plagiarism- ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o
anumang likhang-isip, tahasan man o hindi, o maging bahagi man lang nito, nang
walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari ay isang akto ng Plagiarism.

Suriin!

Panuto: Upang masukat ang iyong kaalaman sa binasa, basahin ang tanong at piliin
ang tama o pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sagutang papel.
1. Ano ang mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey?
a. Multiple Choice b. Internet
c. Panayam d. Likert Scale
2. Anong paraan ng pangangalap ng datos ang may personal na koneksyon sa
pangunahingbatis ng impormasyon.
a. Multiple Choice b. Internet
c. Panayam d. Likert Scale
3. Anong hakbang ng Pananaliksik na kung saan ay inihahanda ang estruktura ng
buong organisasyon ng gagawing pananaliksik?
a. Pagpili ng tamangPaksa
b. Paghahanda ng Balangkas
c. Paghahanda ng Bibliyograpi

6
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.
4. Anong hakbang sa Pananaliksik na kung saan ay binabasa ang nilalaman ng mga
aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas?
a. Pagpili ng tamang Paksa
b. Paghahanda ng Paksa
c. Paghahanda ng Bibliyograpi
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.
5. Anong paraan ng pangangalap ng datos na kung saan may palatanungan o
kuwestiyonaryo na may magpagpipiliang sagot?
a. Panayam
b. Survey
c. Aklat
d. Internet
6. Alin sa mga sumusunod na Paksa ang mas tiyak?
a. Epekto ng Paglalaro ng Computer Games
b. Pananaw ng mga tao sa Global Warming
c. Mga Nakitang Epekto ng Cyber Bullying sa mga Estudyante ng
CLHS
d. Bakit Nahihirapan ang mga Bata sa Matematika
7. Alin sa mga batis ng datos ang pinakaangkop gamitin kung ang iyong paksa ay
“Pananaw ng mga eksperto sa Global Waming”?
a. Panayam b. Survey
c. Aklat d. Internet
8. Sino ang mas angkop na respondente sa paksang “Alin sa mga asignatura ang
gusto ng mga mag-aaral”?
a. Mag-aaral b. Guro
c. Principal d. Mga Magulang
9. Paano maiiwasan ang Plagiarism?
a. Kumuha ng datos sa internet na hindi humihingi ng pahintulot sa
may-ari.
b. Isinulat ang nakuhang datos galing sa aklat at inangkin ito bilang
sariling sulat.
c. Kinilala ang may-akda sa nakuhang datos sa pamamagitan ng
pagsulat ng sanggunian.
d. Kumuha ng impormasyon sa aklat na hindi binabanggit ang may-
akda nito sa pananaliksik.
10. Bakit kailangang maghanda bago ang pagpapanayam?
7
a. Upang maihanda ang damit na susuotin.
b. Upang mapasalamatan ang kinakapanayam.
c. Upang maitanong ang lahat ng nais malaman.
d. Upang maging maganda sa harap ng kinakapanayam.

Pagyamanin

TitikMero
Panuto : Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Naku po! Nawawala ang ilang titik sa mga salita, tulungan mo


ako upang malaman ang mga salitang ito.

Tandaan, upang mabuo ang salita palitan ang numero sa katumbas


niyang titik.

A=1 E=2 I=3 O=4 U=5

Hal. 1KL1T- AKLAT

1. D1T4S- 6. PL1G31R3SM-
2. S1NGG4N31N- 7. S5V2Y-
3. P1N1N1L3KS3K- 8. B3BL3Y4GR1P3-
4. P1N1Y1M- 9. M1N1N1L3KS3K-
5. B1L1NGK1S- 10. P1KS1-

Tukuyin Mo!
Ngayon ay sanayin natin ang inyong natutunan, mula sa
inyong binasa hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang nasa
sa Hanay A. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

8
Hanay B

a. Ang bahaging pinagtutuunan ng


pansin o pinag-uusapan sa
Hanay A pangungusap
b. Anumang uri ng kaalaman tungkol
sa kahit anong bagay
1.Datos c. Paalpabetong listahan ng
pinagkunan ng datos
2.Sanggunian
d. Pakikipag-usap sa taong may
3.Pananaliksik malawak na kaalaman sa paksa
e. Pagkopya nang walang pahintulot
4. Panayam
sa may-ari
5. Balangkas f. Estruktura ng buong organisasyon
ng gagawing pananaliksik.
6. Plagiarism
g. Isang talatanungan o
7. Survey kuwestiyonaryo na may pagpipiliang
sagot
8. Paksa
h. Isa sa mga paraan kung papaanong
9. Likert Scale sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
i. Isa sa mga batis ng datos
10. Internet
j. Proseso ng pangangalap ng mga
totoong impormasyon

9
Isaisip
Hagdan ng Hakbang

Ngayon alam mo na ang ilang mga salitang iyong nabasa sa


pananaliksik na may panibagong hamon ako para sa iyo. Gamit ang ladder
pagsunod-sunorin ang mga hakbang ng pananaliksik.

8.

7.

6.

5.

4.

3.

2.

1.

Isagawa

Pamagat Mo!
Mahusay! Napagtagumpayan mo ang mga gawain at naunawaan ang
paksa.
Upang mahasa pa ang iyong pang-unawa, may gagawin tayo. Ikaw ay bubuo ng
isang paksa hinggil sa kulturang Pilipino.

10
PAKSA
hal. Gaano kakilala ng mga Kabataan ang Pagdiriwang ng Sinulog?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Alamin ang
tinutukoy ng mga pahayag. Para sa bilang 6-8 hanapin PAHALANG at para naman
sa bilang 9-10 hanapin PABABA. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

B D R I L B K S I B A B C D S
U A P L A G I A R I S M G F A
W T Y K O T L G T N H I J J N
A O O O L E O I R I I O U K G
N S Y H A N I N F G E A S L G
X Q O H I N T E R B Y U D M U
C R E V K M S A D Z A S D N N
M U L T I P L E C H O I C E I
O I U Y T R E W S D X Z Z O A
S D F G H J K L M N B V C P N

PAHALANG
1. Ito ay mabilis na paraan ng pangangalap ng datos.
2. Ito ay paraan ng pangangalap ng datos ang may personal na koneksyon sa
pangunahing batis ng impormasyon.
3. Ito ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o anumang
likhang-isip nang walang pahintulot sa may-ari.

PABABA
4. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.
5. Paalpabetong listahan ng pinagkunan ng datos.

11
II. Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
6. Anong hakbang sa Pananaliksik na kung saan ay inihahanda ang estruktura ng
buong organisasyon ng gagawing pananaliksik?
a. Pagpili ng tamang Paksa
b. Paghahanda ng Balangkas
c. Paghahanda ng Bibliyograpi
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.
7. Anong hakbang sa Pananaliksik na kung saan ay binabasa ang nilalaman ng mga
aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas?
a. Pagpili ng tamang Paksa
b. Paghahanda ng Paksa
c. Paghahanda ng Bibliyograpi
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal.
8. Anong paraan ng pangangalap ng datos na kung saan may tanong na may
magpagpipiliang sagot?
a. Panayam b. Survey
c. Aklat d. Internet
9. Alin sa mgasumusunod na Paksa ang mas tiyak?
a. Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legend
b. Pananaw ng mga Tao sa Pagbabago ng Kurrikulum
c. Epekto ng Home-Schooling sa mga Mag-aaral ng Pedro High
School
d. Bakit Mahirap ang Matematika
10. Alin sa mga batis ng datos ang pinakaangkop gamitin kung ang iyong paksa ay
“Tinatangkilik na produkto ng mga taong-bayan”?
a. Panayam
b.Survey
c.Aklat
d. Internet

Karagdagang-gawain
I. Basahin at unawain kung anong angkop na salita ang ginamit sa
pananaliksik sa bawat bilang. Nasa kahon sa ibaba ang mga pagpipilian.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

12
Datos Sanggunian Pananaliksik Panayam
Balangkas Plagiarism Survey Paksa
Likert Scale Internet

1. Pagkopya ng walang pahintulot sa may-ari.


2. Estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik.
3. Isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may magpagpipiliang sagot.
4. Isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
5. Isa sa mga batis ng datos na gumagamit ng kompyuter.
6. Proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon
7. Ang bahaging pinagtutuunan ng pansin o pinag-uusapan sa pangungusap.
8. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay
9. Paalpabetong listahan ng pinagkunan ng datos
10. Pakikipag-usap sa taong may malawak na kaalaman sa paksa

Ibuod mo!
Ako’y nagagalak dahil iyong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.
Inaasahan kong mabibitbit mo sa iyong paglalakbay tungo sa mundo ng pananaliksik
ang mga natutunan mo. Upang matulungan kang mapakagaan, narito ang buod ng
modyul.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


Pagpili ng tamang paksa
Paghahanda ng balangkas
Paghahanda ng bibliyograpi
Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
Pagsulat ng Pananaliksik
Pagrereserba ng papel
Pagsulat ng pinal na papel

13
Paraan ng Pangangalap ng
Aralin Datos sa Pananaliksik
5.2
Alamin
Magandang buhay! Ihanda ang inyong sarili dahil mayroon
tayong panibagong hamon ngayon.
Sa modyul na ito ay naiisa-isa ang mga paraan ng
pananaliksik mula sa video clip na napanood sa youtube o iba pang
pahatid pangmadla at naipaliliwanag ang angkop na paraan sa
pangangalap ng datos nang naayon sa lugar at panahon ng
pananaliksik.

Subukin
Panuto:Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nilalagay ang listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di
sinasang-ayunan.
2. Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey
3. Isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
4. Isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga pagpipiliang sagot.
5. Isa sa maaring mapagkunan ng impormasyon na nakalimbag sa papel.
6. Pagkopya nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari.
7. Pag-interbyu sa pangunahing batis ng impormasyon.
8. Isa sa mga pinagkukunan ng impormasyon gamit ang kompyuter.
9. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay
10. Sayentipikong paraan ng pangangalap ng datos.

a. Multipl choice b. Datos c. Sarbey d. Pananaliksik


e. Plagiarism f. aklat g. Likert Scale h.Paghahanda sa panayam
i. internet j. Panayam k. Pagsang-ayon at di pagsang-ayon

14
Balikan
Panuto: Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa pananaliksik sa
pamamagitan ng pagsulat ng bikang 1-8. Isulat sa sagutang papel.
1.Paghahanda ng balangkas
2.Paghahanda ng bibliyograpi
3.Pagpili ng tamang paksa
4.Pagrereserba ng papel
5.Pagsulat ng Pananaliksik
6.Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
7.Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
8.Pagsulat ng pinal na papel

Tuklasin!

Basa-Sagot

Mahusay! Dahil iyong naugnay ang mga salita. Ngayon kung mayroon kang internet
manood ng video sa youtube tungkol sa Paraan ng Pangangalap ng Datos sa
Pananaliksik (https://youtu.be/EwFKk09QvXs) kung wala naman ay maaring
basahin ang teksto na nasa baba.

5. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa


ang nilalaman ng mga aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas.
Pinagpapasyahan
ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at
maisama sa gagawin niyang ulat.
Sa pangangalap ng datos ay maraming paraan ang ginagamit ng
mananaliksik, maliban sa aklat.
Sarbey
Ang sarbey ay isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga
pagpipiliang sagot. Ito ay isang lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang
metodo ng pananaliksik upang matamo ang mga kasagutan para sa mga
15
tiyak na mga tanong. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey.

d. Multiple Choice- Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang


survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang
ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
Hal.
Alin sa mga sumusunod ang mas gusto mong kainin?
a.Gulay c. Prutas
b.Junk Food d. Karne
e. Pagkilala sa sinasang-ayunan-Nilalagay ang listahan na nagpapahayag
ng kanilangmgasinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.
Hal.
Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, at DS kung
hindi sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.
SA W DS

Madali akong naiintindihan sa wikang ginagamit ko.

Ang wikang ginagamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng


klase.

f. Likert Scale- isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao


ang sarili niya.
Hal.
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas
malapit sa ingles at 5 bilang mas malapit sa Filipino
Ingles Filipino
1 2- 3 4- -5
Panayam
Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:
c. Paghahanda para sa Panayam
a. Magpaalam sa taong gusting kapanayamin
b. Kilalanin ang taong kakapanayamin
d. Pakikipanayam
a. Magingmagalang
b. Magtanong nang maayos
c. Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. Magpasalamat

16
e. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
Internet
Maaring kumunsulta sa mga libro o internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang
mapagkatiwalaang batis.
Isyu sa Pananaliksik

Plagiarism- ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o


anumang likhang-isip, tahasan man o hindi, o maging bahagi man lang nito, nang
walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari ay isang akto ng Plagiarism.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Upang masukat ang iyong


kaalaman, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naranasan mo na bang makasagot sa ilan sa mga paraan ng pangangalap


ng datos sa pananaliksik? Ano ang karanasan mo rito?

2. Kailan angkop na gamitin ang mga sumusunod na paraan?

Multiple Choice Likert Scale Panayam

17
Suriin
I-Konek Mo!
Naku po! Ako’y nalilito, kailangan ko ng tulong mo.

Panuto: Gamit ang arrow, iugnay sa gitna ang mga kahon na may
kinalaman sa paraan pangangalap ng datos. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Multiple Choice Graphic Likert Scale


Organizer

Graphic
Panayam Organizer Sarbey

Internet Talasalitaan Variety show

18
Pagyamanin
Sarbey Katanungan

Dahil alam mo na kung kalian angkop na gamitin ang mga paraan may
panibagong pagsubok ako para sa iyo. Batay sa nabuo mong paksa sa
nakaraang modyul mangangalap ka ng datos sa pamamagitan ng sarbey para
mapalawak ang iyong kalaaman. Pumili ng angkop na paraan at bumuo ng hindi
kumulang limang katanungangan. Isulat sa sagutang papel.

Isaisip

Tala ng Sanggunian
Matagumpay mong natapos ang pagbuo ng sariling tanong para sa sarbey. Ngayon
mangalap ka ng impormasyon hinggil sa iyong paksa mula sa alinmang aklat,
dyornal o pahayag at internet. Isulat ang nakalap na impormasyon sa puwang sa
ibaba.

Tandaan! Siguraduhing mapagkatitiwalaan ang mga impormasyon at isulat ang


sangguninan ng iyong napagkunan ng impormasyon.
Para sa aklat sundan ang pormang (Manunulat, Pamagat ng Aklat, Tagapaglathala,
taon ng Paglathala) habang kung mula sa internet (manunulat, Link, Petsa sa
Pagsulat)

19
Mula sa Aklat

20
Mula sa Internet

21
Isagawa
Pasagutan mo!

Sa pananaliksik kailangan mo ng ibang tao, sa puntong ito kailangan mong


lumabas at mangalap ng datos. Gumawa ng limang kopya para sa bawat set ng
iyong tanong at pasagutan ito sa iyong mga respondents.

Tayahin
Panuto:Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nilalagay ang listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan
at di sinasang-ayunan.
2. Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey
3. Isa sa mgaparaan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
4. Isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga pagpipiliang sagot.
5. Isa sa maaring mapagkunan ng impormasyon na nakalimbag sa papel.
6. Pagkopya nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari.
7. Pag-interbyu sa pangunahing batis ng impormasyon.
8. Isa sa mga pinagkukunan ng impormasyon gamit ang kompyuter.
9. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay
10. Sayentipikong paraan ng pangangalap ng datos.

a. Multipl choice b. Datos c. Sarbey d. Pananaliksik


e. Plagiarism f. aklat g. Likert Scale h.Paghahanda sa panayam
i. internet j. Panayam k. Pagsang-ayon at di pagsang-ayon

22
Karagdagang-gawain

Mahusay ka dahil nakaabot ka sa dulo ng ating modyul para sa araw na ito.Natapos


mo ba ang pagpapasagot sa iyong sarbey? Ngayon ay itatala mo ang sagot ng mga
respondents mo. Gawing gabay ang halimbawa.
Halimbawa:

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot


A 1
1. Kailan B 3
ipinagdidiriwang C 1
ang Sinulog? D 0

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot

Tanong Pagpipilian Ilan ang sumagot

23
Ibuod mo!
Matagumpay mong natapos ang modyul na ito sa bawat pagtatapos ay may
roong bagong kaalaman na mabibitbit. Gawin gabay ang mga ito sa pagpapaunlad ng
iyong kaalaman.

Paraan ng Pangangalap ng Datos:


a. Sarbey
• Multiple Choice
• Pagsang-ayon at di Pagsang-ayon
• Likert Scale
b. Panayam
c. Internet
d. Aklat

24
Aralin Pananda ng Pagsasaayos ng Datos
5.3

Alamin
Panibagong araw at panibagong pagsubok nanaman an gating
haharapin. Handa ka na ba?

Sa modyul na ito ay nagagamit nang maayos ang mga pahayag


sa pagsasa-ayos ng datos (una, isa pa, iba pa)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang mga ginamit na mga
pananda sa loob ng pangungusap.
1. Pagkatapos siyang napag-utusan ay natulog na si Anna nang maaga.
2. Sa wakas ay natapos na si Jose sa kanyang pag-aaral
3. Unang dapat gawin kapag may kalamidad ay makinig sa balita.
4. Namanhikan si Jose kina Hanna saka sila magpagkasal.
5. Tunay na may mapagbigay ang pamilya Malario.
6. Sa umpisa nang paninilbihan ni Mayor Hidalgo sa aming bayan ay marami
na siyang natulungan.
7. Nag-aral nang maigi si Juliet at sa huli siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.
8. Bilang paglalahat ng nakalap na impormasyon nakita ng mananliksik na
maraming naghihirap sa barangay Malaya.
9. Nakita sa graph na marami ang tumatangkilik at nasisiyahan sa brand x
walang duda na mabinta ang produkto.
10. Sa dakong huli nakamit ni Hilda ang kanyang pangarap.

25
Balikan

Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang pahayag kung hindi naman totoo
ang pahayag isulat ang Mali. Isulat sa sagutang papel.

1. Sa paghahanda ng balangkas ay sinusigurado ng mananalksik na


kailangang tiyak ang paksa.

2. Sa hakbang ng pangangalap ng bibliyograpi ay masusing hinahanap


ng mananaliksik ang mga sanggunian na maaring mapagkunan ng
datos.

3. Ang datos ay anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong


bagay.

4.Ang sarbey ay isang palatanungan na walang pagpipiliang sagot.

5.Maaring kopyahin ang isang impormasyon na walang pahintulot


.

Tuklasin!
Basa-sagot

May kaalaman ba kayo sa pananda? Halika simulant natin ang pagtalakay ng pananda.
Basahin at unawin ang teksto.

Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-ugnay.


Ipinapakikilala nito ang mga pang-ugnay na namamagitan sa mga pangungusap o
bahagi ng teksto.
Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/
pangyayari o Gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, …., sumunod,pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa

26
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuoan, samatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda

Upang mahasa ang iyong bagong kaalaman ay may gawain para sa iyo.

Panuto: Tukuyin ang pananda na ginamit at ang tungkulin ng panandang nakasalungguhit.


Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

a. Naghuhudyat ng Pagkasunod-sunod
b. Pagbabagong lahad
c. Pagbibigay Pokus
d. Pagdaragdag
e. Paglalahat
f. Pagtitiyak

1.Walang duda na mahal siya ng taong bayan.


2.Bilang paglalahat maraming tao ang nasisiyahan sa bagong programa ng
gobyerno.
3.Ang pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran ay nakakatulong sa bawat
pamilya saka sa kanyang kommunidad niya,
4. Kasunod sa proseso ay ang paghihintay ng resulta.
5.Dapat bigyang pansin ng mga opisyal ang problema sa tubig.

Suriin

Hakbang-hakbangin!

Kailangan ko ng tulong mo ako ay maglaba ngunit hindi ko alam ang proseso.


Maari mo ba akong tulungan? Itala ang proseso ng paglalaba sa graphic
organizer.

27
Pagyamanin

Hakbang Isaayos!
Sa tulong ng mga pananda mas madaling matukoy ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari ayon sa wastong ayos sa
pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-5. Isulat sa sagutang papel.

1.Sumunod ay nilinis niya ang kanilang bakuran.

2.Nang makita ng kanyang ina ang kanyang ginagawa siya ay natuwa.

3.Unang ginawa ni Jose sa umaga ay ang pagsasaing ng bigas.

4.Kaya niluto ng kanyang ina ang poborito niyang ulam.

5.Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga na sila.

Isaisip
Punan Mo Ako!

Kailangan ko ng kaalaman mo. Nawawala ang mga pananda kaya hinanap


ko ito at inilagay sa kahon ngunit hindi ko na alam kung saan ito ilalagay. Maari mo
ba akong tulungan na ilapat ang mga pananda sa wastong puwesto niya.
Panuto: Basahin at unawain ang tata sa ibaba. Piliin ang angkop na pananda upang
mabuo ang diwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Unang una Pangalawa Pagkatapos Pinakamahalaga panghuli

28
_na dapat gawin kapag may kalamidad ay
making sa balita upang alam natin ang mga nangyayari. -
ay mag-imbak ng tubig at pagkain gaya ng mga de
lata at biscuits upang hindi magutom. ay ihanda ang
mga kailangang kagamitan gaya ng flashlight, kandila at pito. -
sa lahat ay manatiling kalmado tayo upang maiwasan ang
dagdag na sakuna. At sumubaybay sa balita para sa
mga pagbabago.

Isagawa

Itala Mo!
Natatandaan mo pa ba ang mga hakbang kung paano mo isinagawa ang
iyong sarbey? Gamit ang mga pananda gumawa ng isang talata na naglalahad ng
proseso kung paano mo isinagawa ang iyong sarbey. Gumamit ng hindi bababa sa
tatlong pananda at bilugan ito.

29
Tayahin

Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang ginamit na mga pananda at isulat
sa sagutang papel.
1. Pagkatapos siyang napag-utusan ay natulog na si Anna nang maaga.
2. Sa wakas ay natapos na si Jose sa kanyang pag-aaral
3. Unang dapat gawin kapag may kalamidad ay making sa balita.
4. Namanhikan si Jose kina Hanna saka sila magpagkasal.
5. Tunay na may mapagbigay ang pamilya Malario.
6. Sa umpisa nang paninilbihan ni Mayor Hidalgo sa aming bayan ay marami
na siyang natulungan.
7. Nag-aral nang maigi si Juliet at sa huli siya ay nakapagtapos ng pag-aaral.
8. Bilang paglalahat ng nakalap na impormasyon nakita ng mananliksik na
maraming naghihirap sa barangay Malaya.
9. Nakita sa graph na marami ang tumatangkilik at nasisiyahan sa brand x
walang duda na mabinta ang produkto.
10. Sa dakong huli nakamit ni Hilda ang kanyang pangarap.

Karagdagang-gawain

Binabati kita dahil nasa dulo ka nang modyul na ito. Upang wakasan ang
modyul na ito may huling gawain kang dapat matapos. Gamit ang mga
sumulat ng isang talata na naglalahad ng pagkasunod-sunod ng mga
hakbang ng pananaliksik.

30
Ibuod mo!
Sana lahat ng natutunan mo sa modyul na ito ay magamit mo sa
hinaharap.

Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:


1. Mga panandang Naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/
pangyayari o Gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, …., sumunod,pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling
salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuoan, samatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda

31
Pagsulat ng Resulta ng
Aralin Pananaliksik
5.4

Alamin
Ako’y nagagalak sa iyong pagbabalik. Halika na at tayo ay may
panibagong hamon.

Sa modyul na ito ay magagamit sa pagsulat ng resulta ng


pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa katutubong kulturang Pilipino.

Subukin
Panuto: Halika at suriin natin ang graph at sagutan ang mga katanungan. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

Ano ang kadalasang binabasa mo?


60

50

40

30

20

10

0
Alamat Epiko Tula Nobela

Babae Lalake Kabuoan

32
1.Ilang ang kabuoang nagbabasa ng Alamat?
2.Aling uri ng panitikan ang kadalasang binabasa?
3.Aling uri ng panitikan ang may pinakamamababang mambabasa?
4.Ilang babae ang nagbabasa ng tula?
5.Ilang lalake ang nagbabasa ng epiko?

Balikan
Panuto: Ihanay ang mga pananda sa wasto niyang tungkulin.

Una sa umpisa noong una unang-una sa dakong huli

Ikalawa ikatlo sumunod pagkatapos saka sa huli wakas

Umpisa Gitna Wakas

Tuklasin!
Guhit-Graph!

Basahin ang sitwasyon at gumuhit ng graph na nagpapakita ng datos na


nakalap mula sa sarbey.

33
Sitwasyon: Si Anna ay gumawa ng isang sarbey upang malaman kung anong
katutubong kultura ng mga Pilipino pinakakilala ng kanyang mga kapwa
mag-aaral. Lumabas sa datos na nakalap ni Anna na mayroong 40 na
mga kapwa mag-aaral niya ang kilala Bayanihan, 50 naman alam ang
Simbang Gabi at 30 naman ang nakikilala ang Semana Santa.

Suriin!
Basa-Sagot

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


Ang bahagi ng pananaliksik na Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ay
ang pinakamahalaga. Sa kabanatang ito Inilalahad ang nilalaman ng pag-aaral na
kinapalolooban ng mga nakalap na datos mula sa mga kaisipang nasaliksik sa mga
aklat, tesis, disertasyon, jornal at iba pa.
a. Pag-ugnay-ugnayin ang mga kaisipang nasaliksik upang mabuo ang
ang paglalahad sa bawat paksang tatalakayin.
b. Suriin ang kaisipang natalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga datos na nakalap mula sa mga sarbey, pakikipanayam, at mga
hinangong sanggunian.
c. Iinterpret o bigyang kahulugan ang kaisipang nasaliksik batay sa
resulta ng pag-aaral. Maaring gumamit ng talahanayan, grap, tsart at
iba pang kaugnay ng mga ito.

34
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Sa paglalagom ng resulta, ipakita ang pinakamahalang resulta na nakita sa


pag-aaral. Ibase naman ang konklusyon sa nakitang mga resulta sa pag-aaral. Ang
konklusyon ay ang kabuoang pahayag na maaring makapagbigay ng kasagutan sa
suliranin ng pananaliksik. Sa pagbibigay naman ng rekomendasyon, itukoy ito sa
mga partikyular na sektor at siguraduhing ang mga ito ay magagawa, dahil ang
rekomendayon ay ang mga planong dapat bigyan ng aksyon at maaring isaman sa
mga susunod na pananaliksik. Maaring ang mga rekomendasyon ay mga sariling
pananaw at kaisipan ng may-akda tungkol sa ikabubuti at ikasusulong ng ganitong
pag-aaral. Dapat ding matukoy sa rekomendasyon ang maiaambag ng ginawang
pag-aaral sa pamumuhay ng tao sa partikular na sektor na kaniyang kinabibilangan
upang magsilbing pakinabang sa kanyang lipunang ginagalawan.

Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang t.

1. Ito ay ang kabuoang pahayag na maaring makapagbigay ng kasagutan sa


suliranin ng pananaliksik.
a. Datos c. Rekomendasyon
b. Grap d. Konklusyon
2. Ito ay ay ang mga planong dapat bigyan ng aksyon at maaring isaman sa
mga susunod na pananaliksik.
a. Datos c. Rekomendasyon
b. Grap d. Konklusyon
3. Sa kabanatang ito inilalahad ang nilalaman ng pag-aaral na kinapalolooban
ng mga nakalap na datos mula sa mga kaisipang nasaliksik sa mga aklat,
tesis, disertasyon, jornal at iba pa.
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
4. Saan na angkop ang pahayag na ito: “Ayon sa panayam kay Gng. Herera
ang mga tao sa kanyang baranggay ay nahihirapan dahil sa pandemyang
kinakaharap.”?
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

35
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
5. Saan angkop ang pahayag na ito: “Batay sa nakalap na datos sa pag-aaral
ay lalong nasisira ang ang ating ozone layer kaya maaring gumawa ng isang
programa gaya ng Sagip Kalikasan na kung saan isinusulong nito ang
tamang pag-aalaga ng ating kalikasan.”?
a. Sanggunian
b. Kaugnay na Literatura
c. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
d. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Pagyamanin
I-Search Mo!

Ito na ang panahon na kung saan bubuksan mo ang iba pang mga aklat,
dyaryo o internet at magsaliksik hinggil sa katutubong kultura ng mga Pilipino gaya
ng Bayanihan, Flores de Mayo, Simbang Gabi, Tinikling at iba pa. Pumili lamang ng
isang katutubong kultura at isulat ang mga nakalap mong impormasyon. Huwag
kalimutan na itala rin ang pinagkunan mo ng impormasyon.

36
Isaisip

Itanong Mo!

Matapos kang magsaliksik sa napili mong Katutubong Kultura ay panahon


naman upang magtanong ka sa mga taong nasa bahay niyo hingging sa paksa mo.
Isulat ang mga impormasyon na nakuha mo sa iyong panayam.

Isagawa
End Mo Na!

Gamit ang mga nakalap na impormasyon ay sumulat ng isang


kongklusyon.

37
Tayahin
Panuto: Gumawa ng graph ayon sa ibinigay na datos at ng kongklusyon.
Nagkaroon ng sarbey hinggil sa kultura ng mga Pilipino na
tinatawag na “Mano”. Gusto nilang malaman kung ilang kabataan pa ba
ang nagmamano sa mga matatanda. At ayon sa kanilang tally 40
kabataan ang nagmamano pa rin at ang 10 kabataan ay hindi na
nagmamano.

Gumawa ng graph

Sumulat ng kongklusyon batay sa resulta:

Karagdagang-gawain

Mayroon bang problema, pagkukulang o dapat gawin sa ating katutubong


kultura? Isulat ang iyong rekomendasyon batay rito.

38
39
Aralin Lagumang Pagtataya
5.5
Alamin

Ngayong natapos muna ang apat na modyul, upang mabuo ang buong
linggong pagkatuto sa Filipino 8 ito ay susukatin mo ang iyong mga natutunan sa
mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

➢ Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon


sa binasang datos;
➢ Nabibigyang kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng
mga paraan sa pangangalap ng datos sa pananaliksik;
➢ Naiisa-isa ang mga paraan ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang pahatid pang madla;
➢ Naipaliliwanag ang angkop na paraan sa pangangalap ng datos nang
naayon sa lugar at panahon ng pananaliksik;
➢ Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino; at
➢ Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
(Una, isa pa, iba pa.)

40
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
I.
1. Isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos.
d. Pagpili ng tamang paksa
e. Pagrereserba ng papel
f. Pagsulat ng pinal na papel
g. Paghahanda ng balangkas
2. Pagsasaayos ng mananaliksik sa mga nakalap na datos ayon sa uri ng
paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
a. Paghahanda ng balangkas
b. Pagsulat ng pananaliksik
c. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
d. Pag-ooraganisa ng nilalaman batay sa balangkas
3. Masusing hinahanap ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat,
magasin, journal at iba pa.
a. Paghahanda ng bibliyograpi
b. Paghahanda ng balangkas
c. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
d. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
4. Dito inihanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing
pananaliksik
a. pagsulat ng pananaliksik
b. paghahanda ng balangkas
c. pagsulat ng pinal na papel
d. lahat ng nabanggit
5. Unang draft ng isinulat sa masusuring editing upang matiyak na may
kuwastuhan sa paggamit ng wika at estilo.

a. Pagsulat ng pananaliksik
b. Pagsulat ng pinal na papel
c. Pagrereserba ng papel

41
d. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
6. Pagsulat ng pinal na pagbabalangkas ng isang ulat
pananaliksik/tesis/disertasyon
a. Pagsulat ng pinal na papel
b. Pagpili ng tamang paksa
c. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
d. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
7. Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang
presentasyon ng mananaliksik.
a. Pagreserba ng papel
b. Pagsulat ng pananaliksik
c. Pagpili ng tamang paksa
d. Paghahanda ng bibliyograpi
8. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit panglinggo depende sa uri ng
pananaliksik na isinagawa.
a. Pagsulat ng pinal na papel
b. Paghahanda ng balangkas
c. Pagpili ng tamang paksa
d. Pagsulat ng pananaliksik
9. Alin ang madaling makakalap ng mga mahahalagang datos sa pananaliksik.
a. Analitikong paraan
b. Kwalitatib
c. Kwantitatib
d. Deskriptib
10. Bunga ng paglaganap ng iba’t-ibang suliranin at pag-unlad,resulta ng maingat
na pag-aaral at paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa paksang nais
tuklasin.
a. Lohikal
b. Pananaliksik
c. Pagsusuri
d. Disiplinadong Inquiry

II. Salungguhitan ang mga panandang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

11. Walang duda na mahal siya ng taong bayan.

42
12. Bilang paglalahat maraming tao ang nasisiyahan sa bagong programa ng
gobyerno.
13. Ang pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran ay nakakatulong sa bawat
pamilya saka sa kanyang kommunidad niya,
14. Kasunod sa proseso ay ang paghihintay ng resulta.
15. Dapat bigyang pansin ng mga opisyal ang problema sa tubig.

III. Lagyan ng bilang 1-5 ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkasunod-sunod
sa kwento.
16. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.
17. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.
18. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
19. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na kumot at patuloy
na nakinig sa balita.
20. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa
bagyo.

IV. Alamin ang tinutukoy ng mga pahayag. Para sa bilang 6-8 hanapin
PAHALANG at para naman sa bilang 9-10 hanapin PABABA. Isulat sa
sagutang papel ang nabuong salita.

B D R I L B K S I B A B C D S
U A P L A G I A R I S M G F A
W T Y K O T L G T N H I J J N
A O O O L E O I R I I O U K G
N S Y H A N I N F G E A S L G
X Q O H I N T E R B Y U D M U
C R E V K M S A D Z A S D N N
M U L T I P L E C H O I C E I
O I U Y T R E W S D X Z Z O A
S D F G H J K L M N B V C P N

PAHALANG
21. Ito ay mabilis na paraan ng pangangalap ng datos.
22. Ito ay paraan ng pangangalap ng datos ang may personal na koneksyon sa
pangunahing batis ng impormasyon.

43
23. Ito ang pagkopya ng sulatin, disenyo, balangkas, plano, karikatura, o
anumang likhang-isip nang walang pahintulot sa may-ari.

PABABA
24. Anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.
25. Paalpabetong listahan ng pinagkunan ng datos.

V. Sa loob ng Ladder Organizer pagsunod-sunorin ang pamagat ng bawat kabanata.


Isulat ang titik ng iyong sagot.

a. Suliranin At Sanligan Ng Pag-Aaral


b. Kaugnay Na Pag-Aaral At Literatura
c. Paglalagom ng mga Natuklasan, Kongklusyon, at Rekomendasyon
d. Pamamaraan Metodolohiya, Presentasyon
e. Paglalahad at Pagsusuri Ng Datos

30. KABANATA V

29. KABANATA IV

28. KABANATA III

27. KABANATA II

26. KABANATA I

44
SusingSagot

LEKSYON 1

45
Leksyon 2 Leksiyon 1 Karugtong

46
47
Leksyon 3

48
49
Leksyon 4

50
51
Leksyon 5

52
53
Sanggunian
Marquez, Servillano Jr. T. Phd., “Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik”, SIBS Publishing House Inc. 2016
Pacay, Wilmor III L.,2016, “Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik”, JFS Publishing Services, Inc. 2016
Enjiro, W., et al., “Panitikang Pilipino- Ikawalong Baitang”, Book Media Press,
Inc. At Printwell, Inc. 2013
Villaverde, Sharon A., “Daluyan”, REX Publishing Inc. 2015

54

You might also like